B. Na ang pagpapasuso ay bago nagdalawang taon [ang bata]. Ang ibig sabihin nito
ay isinasakundisyon na ang lahat ng limang pagsuso ay bago nagdalawang taon
[ang bata]. Kaya kung [ang mga pagsusong] ito ay matapos nagdalawang taon [ang
bata], o ang ilan sa mga ito ay bago nadalawang taon [ang bata] at ang iba pa sa
mga ito ay matapos nagdalawang taon [ang bata], ang babae ay hindi magiging
isang ina para sa kanya.
Kapag natupad ang mga kundisyon ng pagsuso, ang bata ay magiging isang anak
para sa babae [na sinusuhan] at ang mga anak nito ay magiging mga kapatid para sa
kanya, maging sila man ay nauna sa kanya o nahuli sa kanya. Ang mga anak ng mayari
ng gatas159 ay magiging mga kapatid din para sa kanya, maging sila man ay mula sa
babae na nagpasuso sa kanya o mula sa ibang babae. Dito ay kinakailangan na mabatid
natin na ang mga kamag-anak ng batang pinasuso, maliban sa magiging mga supling
niya, ay walang kaugnayan sa resulta ng pagpapasuso at hindi makaaapekto ng anuman
sa kanila ang pagpapasuso [sa kanya].
3. Ang mga Babaing Bawal Mapangasawa Dahil Napangasawa ng Kamag-anak.
Sila ay ang sumusunod:
A. Ang mga maybahay ng ama at mga lolo. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang
babae, ang babaing ito ay naging bawal mapangasawa para sa mga anak niya, mga
anak ng mga lalaking anak, mga anak ng mga babaing anak, at mga kaapu-apuhan
nila, nakatalik man niya ito o hindi nakatalik.
B. Ang mga maybahay ng mga anak. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae,
ang babaing ito ay naging bawal mapangasawa para sa ama niya, mga lolo niya,
at mga kanunu-nunuan niya, maging sila man ay sa ama o sa ina, dahil lamang sa
pagpapakasal dito at kahit pa man hindi niya nakatalik ito.
C. Ang ina ng maybahay at ang mga lola nito. Kapag nakasal ang isang lalaki sa
isang babae, ang ina nito at ang mga lola nito sa ama man o sa ina ay naging bawal
mapangasawa para sa kanya dahil lamang sa pagpapakasal dito at kahit pa man
hindi niya nakatalik ito.
D. Ang mga anak ng maybahay, ang mga anak ng mga lalaking anak nito, ang
mga anak ng mga babaing anak nito, at ang mga kaapu-apuhan nila. Kapag
nakasal ang isang lalaki sa isang babae at nakatalik niya ito, ang mga anak nito,
ang mga anak ng mga lalaking anak nito, ang mga anak ng mga babaing anak, at
ang mga kaapu-apuhan nila ay naging bawal mapangasawa para sa kanya, sila man
ay mula sa asawang nauna sa kanya o mula sa asawang nahuli sa kanya. Ngunit
kung naganap ang paghihiwalay nila bago niya nakatalik ito, hindi sila ipinagbabawal
mapangasawa para sa kanya.
B. Ang mga Babaing Bawal Mapangasawa Pansamantala
159 Ang asawa ng babae na naging dahilan ng pagbubuntis niya at pagkakaroon ng gatas ay tinatawag na mayari
ng gatas yamang dahil sa taong ito ay nagkagatas ang babae.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
91
1. Ang kapatid ng maybahay, ang tiyahin nito sa ama, at ang tiyahin nito sa ina hanggang
hindi ipinaghiwalay ang asawa at ang maybahay ng kamatayan o diborsiyo at natapos
ang ‘iddah160 nito.
2. Ang babaing nasa sandali ng ‘iddah para sa ibang asawa. Kapag ang babae ay nasa sandali
ng ‘iddah para sa ibang asawa, hindi ipinahihintulot sa isang lalaki na magpakasal dito
hanggang hindi natatapos ang ‘iddah nito at hindi rin ipinahihintulot sa kanya na alukin
ito ng kasal sa sandali ng ‘iddah hanggang hindi natatapos ang ‘iddah nito.
3. Ang babaing nasa sandali ng ihrám ng hajj o ‘umrah. Hindi ipinahihintulot na magpakasal
dito hanggang hindi ito nakakalas sa ihrám nito nang lubusang pagkakalas.
Ang Diborsiyo
Ang pangunahing paninindigan sa diborsiyo ay isa itong kinasusuklamang bagay. Subalit
yamang ang diborsiyo ay hindi maiiwasan magkaminsan dahil sa nasasakatan ang babae
sa pananatili nito sa piling ng lalaki o nasasaktan ang lalaki dahil sa babae o dahil sa iba pa
roon na mga layunin, bahagi ng awa ni Allah na ipinahintulot Niya ito sa mga lingkod
Niya. Kaya kapag may naganap na anuman sa nabanggit na iyon ay walang pagkakasala na
diborsiyuhin niya ito subalit kinakailangan sa asawa na isaalang-alang niya ang sumusunod:
1. Na hindi didiborsiyuhin ng asawa ang maybahay habang ito ay nireregla. Kaya kung
diniborsiyo niya ito habang ito ay nireregla, sinuway nga niya si Allah at ang Sugo (SAS)
at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Isinasatungkulin sa kanya sa sandaling iyon
na balikan ang maybahay niya at panatilihin ito hanggang sa matapos ang regla nito.
Pagkatapos ay saka niya diborsiyuhin ito kung ninanais niya. Ang pinakakarapat-dapat
ay na hayaan niya muna hanggang sa makapagregla sa ikalawang pagkakataon. Kapag
natapos nito ang [ikalawang] regla kung ninanais niya ay panatilihin niya ito o kung
ninanais niya ay diborsiyuhin niya ito.
2. Na hindi didiborsiyuhin ng asawa ang maybahay sa panahong walang regla ito ngunit
nakatalik niya ito sa panahon ding iyon, malibang naging malinaw ang pagdadalangtao
nito. Kaya kapag nagbalak ang isang lalaki na diborsiyuhin ang maybahay niya
ngunit nakatalik niya ito matapos ang huling regla nito, hindi niya didiborsiyuhin ito
hanggat hindi ito [muling] niregla at saka natapos ang pagreregla nito, kahit pa man
tumagal ang panahon. Pagkatapos ay kung ninanais niya ay diborsiyuhin niya ito, ngunit,
bago niya ito nasaling; maliban kapag naging malinaw na sa kanya ang pagdadalangtao
nito o ito ay nagdadalang-tao na sapagkat walang masama na diborsiyuhin niya ito.
Ang Ibinubunga ng Diborsiyo
Yamang ang diborsiyo ay pakikipaghiwalay sa maybahay, ibinubunga ng pakikipaghiwalay
na ito ang maraming alituntunin. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang tungkuling magsagawa ng ‘iddah kapag ang lalaki ay nakipagtalik na sa maybahay
niya o nakapiling na niya ito. Kung diniborsiyo niya naman ito bago niya nakatalik ito
o at nakapiling ito ay hindi na ito kailangang magsagawa ng ‘iddah para sa kanya. Ang
‘iddah ay tatlong pagreregla kung ito ay kabilang sa mga may regla pa at tatlong buwan
160 Ang panahong hindi muna maaaring mag-asawa ang babae matapos ang diborsiyo o ang pagkamatay ng
asawa. Ang detalye ng diborsiyo ay tatalakayin sa kasunod na paksa.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
92
kung hindi ito kabilang sa mga may regla o [hanggang] sa makapagsilang ng dinadala
kung ito ay nagdadalang-tao. Kabilang sa mga katwiran ng ‘iddah ay ang pagbibigay
sa asawa ng isang pagkakataon para makipagbalikan sa diniborsiyo niya at gayon din
ang pagtitiyak sa pagkakaroon ng pagdadalang-tao o kawalan nito.
2. Ang pagbabawal sa lalaki na muling mapangasawa ang dating maybahay kapag nadiborsiyo
na niya ito nang dalawang ulit bago pa man ang [huling] diborsiyong iyon. Ibig
sabihin: kung sakaling diniborsiyo ng lalaki ang maybahay niya at saka binalikan niya
ito sa panahon ng ‘iddah o pinakasalan niya [muli] ito matapos ang ‘iddah, pagkatapos
ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikalawang pagkakataon at binalikan na naman niya
ito sa panahon ng ‘iddah o pinakasalan niya [muli] ito matapos ang ‘iddah, pagkatapos
ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikatlong pagkakataon, ang babaing ito ay hindi na
ipinahihintulot sa kanya [na muling mapangasawa] malibang nakapag-asawa ito ng isang
asawang iba pa sa kanya ayon sa isang tumpak na kasal at nakatalik niyon ito at pagkatapos
ay iniyawan niyon ito at diniborsiyo niyon ito. Ang babaing ito, matapos niyon,
ay maipapahintulot nang mapangasawa ng unang lalaki. Ipinagbawal lamang ni Allah
ang babae sa sinumang nagdiborsiyo rito nang tatlong ulit bilang awa sa mga babae sa
pang-aapi ng mga asawa nila.
Ang Khul‘
Ito ay ang paghiling ng babae ng pakikipaghiwalay sa asawang kinasusuklaman niya
kapalit ng kabayarang ibibigay rito upang iwan siya nito. Subalit kung ang nasusuklam
naman ay ang lalaki at ito ang nagnanais na makipaghiwalay sa babae, walang karapatan
[ang lalaking] ito na tumanggap mula sa kanya ng pantubos. Tungkulin na lamang ng lalaking
ito na pagtiisan siya o diborsiyuhin siya. Tungkulin ng babae na huwag humiling ng
khula‘ malibang pinasasakitan siya at hindi na niya makayang magtiis sa piling nito. Hindi
rin ipinahihintulot sa lalaki na sadyaing pasakitan ang maybahay nang sa gayon ay humiling
ito ng khula‘. Kinasusuklaman na kukuha ang lalaki ng higit pa sa mahr na ibinigay
niya sa babae.
Ang Kalayaang Magpasiya
Pinagtitibay ang kalayaang magpasiya kaugnay sa pagpapanatili sa bigkis ng kasal o
pagpapawalang-bisa rito sa panig ng kapwa mag-asawa dahil sa pagkakaroon ng isang
kadahilan mula sa mga kadahilanan, gaya ng [kung] nakakita ang asawa sa maybahay o nakakita
ang maybahay sa asawa ng isang karamdaman o isang pisikal na kapintasan na hindi
nilinaw sa asawa o hindi nilinaw sa maybahay noong panahong idinadaos ang kasal. Mapupunta
sa naagrabyado ang karapatan sa kalayaang magpasya sa pagpapanatili sa bigkis ng
kasal o pagpapawalang-bisa rito. Halimbawa:
1. Na ang isa sa kanila ay baliw o dinapuan ng karamdaman na nagkakaait sa isa pa ng
buong karapatan nito sa ugnayang pangmag-asawa. Ang karapatan sa pagpapawalangbisa
sa kasal ay ukol sa naagrabyado. Kung iyon ay bago ang pagtatalik, ang lalaki [na
naagrabyado] ay may karapatan na bawiin ang ibinigay niya na mahr sa babae.
2. Ang kawalang-kakayahan ng lalaki sa pagbibigay ng mahr sa takdang panahon. Taglay
ng babae ang karapatan sa pagpapawalang-bisa sa kasal bago ang pagtatalik ngunit
matapos ang pagtatalik ay hindi na siya nagtataglay ng karapatan doon.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
93
3. Ang kawalang-kakayahan sa pagsustento. Ang nawalan ng kakayahan sa pagsustento
ay hihintayin siya ng maybahay niya sa abot ng makakaya nito na yugto ng panahon.
Pagkatapos niyon ay taglay ng babae ang karapatan sa pagpapawalang-bisa [sa kasal]
sa pamamagitan ng hukuman.
4. Kapag naglaho ang asawa, hindi nalaman ang kinaroroonan niya, hindi siya nag-iwan
ng pangsustento sa maybahay niya, hindi siya naghabilin sa isa man para sa pagsustento
rito, hindi nagsagawa ang isa man ng pagsustento rito, at hindi ito nagtataglay ng maisusustento
sa sarili nito na masisingil naman nito sa asawa nito [pagbalik niya], tunay
na magtataglay ang maybahay ng karapatan sa pagpapawalang-bisa ng kasal sa pamamagitan
ng hukom ng Sharí‘ah.
Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim
Ipinagbabawal sa lalaking Muslim ang pag-aasawa ng hindi Muslim na hindi Hudyo
o Kristiyano. Ang babaing Muslim ay hindi pinahihintulutang mag-asawa ng hindi Muslim,
maging ito man ay isang Hudyo o isang Kristiyano o hindi. Hindi rin ipinahihintulot sa
isang babae, kapag yumakap na siya sa Islam bago [yumakap] ang asawa niya, na ipaubaya
niya rito ang sarili nito bago yumakap ito sa Islam. Nasaad sa sumusunod ang ilan sa mga
panuntunang nauukol sa pag-aasawa ng mga hindi Muslim:
1. Kapag yumakap sa Islam ang mag-asawang hindi Muslim, mananatili sila sa [pagiging
mag-asawa sa dating] kasal nila, hanggat hindi nagkaroon ng isang hadlang ayon sa
Sharí‘ah ― gaya ng [kung] ang babae ay isang mahram para sa lalaki o hindi ipinahihintulot
sa lalaki na mapangasawa ang babae ― sapagkat tunay na paghihiwalayin sila.
2. Kapag yumakap sa Islam ang asawa ng babaing Hudyo o Kristiyano, sila ay mananatili
sa [pagiging mag-asawa sa dating] kasal nila.
3. Kapag yumakap sa Islam ang isa sa mag-asawang hindi Hudyo o Kristiyano bago
nagtalik, mawawalan ng saysay ang kasal.
4. Kung yumakap sa Islam ang maybahay ng isang hindi Muslim ― Hudyo o Kristiyano
man o hindi ― bago nagtalik, napawawalang-bisa ang kasal dahil ang babaing Muslim
ay hindi ipinahihintulot na maging maybahay ng lalaking hindi Muslim.
5. Kung yumakap sa Islam ang maybahay ng isang hindi Muslim matapos na nagtalik,
masasalalay ang bisa ng kasal sa pagwawakas ng ‘iddah yamang mapawawalang-bisa
ang kasal matapos magwakas ang ‘iddah kung hindi yumakap sa Islam ang lalaki at
maaari na siyang mag-asawa ng sinumang [lalaking Muslim na] nanaisin niya. Kung
minamahal ng babae ang lalaki ay mahihintay niya ito [na yumakap sa Islam] ngunit
wala siyang mga tungkulin dito [bilang maybahay] sa panahong iyon at wala rin itong
awtoridad sa kanya. Kapag yumakap sa Islam ang lalaki, siya ay magiging maybahay
nito nang walang pag-uulit ng kasal, kahit pa man hinintay niya ito ng ilang taon. Gayon
din ang alituntunin kung sakaling yumakap sa Islam ang asawa ng babaing hindi Hudyo
o Kristiyano.
6. Kung tumalikod ang maybahay sa Islam bago nakapagtalik, napawawalang-bisa ang
kasal at walang mahr para sa kanya. Kung ang asawa naman ang tumalikod sa Islam,
napawawalang-bisa ang kasal at kailangang ibigay niya ang kalahati ng mahr. Kung
yumakap [muli] sa Islam ang [dating] tumalikod sa Islam sa kanilang dalawa, sila ay
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
94
[magiging mag-asawa] sa bisa ng unang kasal nila kung walang naganap na diborsiyo
sa pagitan nila.
Ang mga Disbentaha ng Pag-aasawa ng Hudyo o Kristiyano
Nang pinayagan ni Allah ang pag-aasawa, layunin doon ay ituwid ang mga kaasalan,
linisin ang lipunan sa mga bisyo, pangalagaan ang moralidad, magtatag ng isang dalisay
na sistemang maka-Islam para sa lipunan, at magpaluwal ng isang kalipunang Muslim na
sumasaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo ni Allah. Hindi
maisasakatuparan ang mga kapakanang ito malibang sa pamamagitan ng pag-aasawa ng
babaing matuwid at may pananampalataya, dangal, at mga kaasalan. Tungkol naman sa mga
maaaring epekto ng pag-aasawa ng lalaking Muslim sa babaing Hudyo o Kristiyano at
mga disbentaha nito, mabubuod natin ang mga ito sa mga sumusunod:
1. Sa loob ng pamilya. Sa loob ng isang maliit na pamilya, kung ang asawa ay malakas
ang personalidad, iyon ay may impluwensiya sa maybahay niya. Ang pinakamalamang
na palagay ay mahihikayat ang maybahay sa Islam. Ngunit maaari ring mangyari ang
kabaligtaran sapagkat maaaring isagawa ng maybahay ang inaakala nitong ipinahihintulot
ng relihiyon nito gaya ng pag-inom ng alak, pagkain ng karne ng baboy, at pakikipagkalaguyo.
Sa pamamagitan nito ay makakalas ang pamilyang Muslim at malalansag.
Magsisilaki ang mga anak sa masama. Maaaring sumama pang lalo ang mangyari
kapag sinadya ng maybahay na panatiko o nagmamatigas na isama ang mga anak
niya sa simbahan kaya masasanay naman silang makakita ng mga pagsamba ng mga
Kristiyano. Ang sinumang lumaki sa isang bagay ay uubanin dito.
2. Ang mga epekto sa lipunang Muslim. Ang pagdami ng mga maybahay na Hudyo o
Kristiyano sa loob ng lipunang Muslim ay isang mapanganib na bagay dahil sila ay
magiging isang dahilan para sa pananalakay pangkaisipan sa loob ng Kalipunang Muslim
at anumang hahantong na pagkalansag at pagkabuwag dahil sa isinasagawa nila na mga
kaugaliang pang-Kristiyano sa pangunguna ng mga kaugalian ng pagsasalamuha ng mga
lalaki at mga babae sa kalagayang halos hubad sa mga kasuutan at ng ilan pa sa mga
gawaing sumasalungat sa mga katuruan ng Islam.
أحكام اَلمرأة اَلمسلمة
Ang mga Alituntunin Kauganay sa Babaeng Muslim
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
95
Ang Kalagayan ng Babae sa Islam
Bago ang pag-uusap tungkol sa mga karapatan ng babae sa Islam, kailangang linawin
muna natin ang ilan sa mga saloobin ng mga ibang kalipunan sa babae at kung paano noon
nila siya tinatrato. Ang mga babae sa mga Griego noon ay naipagbibili at nabibili. Wala
siyang anumang mga karapatan. Bagkus ang lahat ng mga karapatan ay para sa lalaki. Siya
ay pinagkakaitan din noon ng mana o ng karapatang mangasiwa ng ari-arian. Sinabi pa nga
ng bantog na Pilosopo nilang si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ay pinakamalaking
dahilan at pinagmumulan ng pagkasira sa mundo. Ang babae ay nakakawangis ng isang
nakalalasong punong-kahoy kung saan ang panlabas na anyo niya ay maganda subalit sa
sandaling kumain mula rito ang mga maya ay mamamatay ang mga ito kaagad.”
Tungkol naman sa mga Romano, sila noon ay naniniwala na ang babae raw ay walang
kaluluwa. Siya sa ganang kanila ay walang anumang halaga at walang mga karapatan. Ang
bukang-bibig nila noon: “Ang babae ay walang kaluluwa.” Dahil doon ang mga babae ay
naparurusahan sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa mga katawan nila
at paggapos sa kanila sa mga poste. Bagkus sila ay naggagapos sa mga inosenteng babae
sa mga buntot ng mga kabayo at pinatatakbo nila ang mga ito nang ubod ng bilis hanggang
sa mamatay.
Ganoon din ang paningin ng mga Indiano sa babae. Bagkus dagdag pa roon, sila noon
ay sumusunog nang buhay sa babae sa sandaling namatay ang asawa nito.
Iwinangis ng mga Tsino ang babae sa tubig na nakasasakit na tumatangay sa kaligayahan
at yaman. Taglay ng lalaking Tsino noon ang karapatan sa pagbebenta ng maybahay niya
at taglay din nito ang karapatan na ilibing siya nang buhay.
Tungkol naman sa mga Hudyo, sila ay nagtuturing sa babae bilang isang sumpa dahil
siya ay nagbuyo kay Adan at nag-udyok dito na kumain mula sa [bawal na] punongkahoy.
Sila ay nagtuturing din sa kanya na marumi kapag nagregla siya at nagpaparumi sa bahay
at sa bawat nasasaling niya. Hindi rin siya magmamana ng anuman mula sa ama niya kapag
siya ay may mga lalaking kapatid.
Sa ganang mga Kristiyano naman noon, sa tingin nila siya ay [pinto ng] demonyo. Nagsabi
nga ang isa sa mga kleriko ng relihiyong Kristiyano: “Ang babae ay hindi nauugnay
sa lahing tao.” Nagsabi naman ni San Buenaventura: “Kapag nakita ninyo ang babae ay
huwag ninyong isipin na kayo ay nakakikita ng isang tao bagkus ni isang halimaw; ang
nakikita lamang ninyo ay ang Demonyo mismo at ang naririnig ninyo ay tinig ng ulupong.”
Nanatili ang mga babae alinsunod sa Pangkalahatang Batas Ingles (English Common
Law) hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang siglo (ika-19 siglo) na hindi ibinibilang na mga
mamamayan. Gayon din naman ang babae ay walang mga karapatang pansarili at walang
karapatan sa pagmamay-ari ng anuman pati na ang mga kasuutang isinusuot niya. Nagpasya
ang Parlamentong Escoces nang taong 1567 na ang babae ay hindi pinahihintulutang pagkalooban
ng awtoridad sa anuman. Ipinagbawal naman ng Parlamentong Ingles sa panahon
ni Haring Henry VIII sa babae ang magbasa ng Bibliya dahil siya raw ay marumi. Noong
taong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang kapulungan upang talakayin kung ang
babae ba ay tao o hindi tao! Kinilala nila na siya ay tao subalit siya ay nilikha para paglingkuran
ang lalaki. Ang Batas Ingles noon hanggang sa taong 1805 ay nagpapahintulot
sa asawa na ipagbili ang maybahay niya. Itinakda nga ang halaga ng maybahay sa anim
na sterling pennny (kalahati ng schilling).
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
96
Sa ganang mga Arabe naman bago ang Islam, ang babae noon ay isang hinahamak,
hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang mga karapatan. Bagkus ang marami
sa kanila noon ay naglilibing nang buhay sa mga babaing anak nila.
Pagkatapos ay dumating ang Islam upang alisin ang lahat ng kawalang-katarungang ito
sa babae at upang linawin na siya at ang lalaki ay pantay sapagkat siya ay may mga karapatan
din kung paanong ang lalaki ay may mga karapatan. Nagsabi si Allah (49:13):
O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang
babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan
kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allah ay ang
pinakamapangilag sa inyo sa pagkakasala.
Sinabi pa Niya (4:124):
Ang sinumang gumagawa ng mga matuwid, na lalaki man o babae, habang
siya ay sumasampalataya, ang mga iyon ay magsisipasok sa Paraiso at hindi
sila gagawan ng paglabag sa katarungan ni katiting.
Sinabi rin Niya (29:8):
Itinagubilinan Namin ang tao na sa mga magulang ay gumawa ng magaling.
Sinabi naman ng Propeta (SAS):
Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda
sa kanila sa kaasalan, at ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti
sa inyo sa mga maybahay nila sa kaasalan.
May isang lalaking nagtanong sa Propeta (SAS):
Sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa ganda ng pakikisama ko? Sinabi
niya (SAS): Ang ina mo. Nagsabi ito: Pagkatapos ay sino po? Sinabi niya (SAS):
Ang ina mo. Nagsabi [pa] ito: Pagkatapos ay sino po? Sinabi niya (SAS): Ang ina
mo. Nagsabi [pa] ito: Pagkatapos ay sino po?” Sinabi niya (SAS): Ang ama mo.
Ito, sa maikling pananalita, ang paningin ng Islam sa babae.
Ang mga Pangkalahatang Karapatan ng Babae
Tunay na ang babae ay may mga pangkalahatang karapatan na nararapat na malaman
niya at kilalanin para sa kanya upang tamasain niya ang mga ito nang lubusan kailan man
niya loobin iyon at naisin. Ang kabubuan ng mga karapatang iyon ay ang sumusunod:
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
97
1. Ang karapatan niya sa pagmamay-ari yamang ang babae ay may karapatang magmayari
ng anumang loobin niya gaya ng mga bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga pataniman,
ginto, pilak, at mga uri ng hayop, maging siya man ay isang maybahay o isang
ina o isang anak o isang kapatid.
2. Ang karapatan niya sa pag-aasawa, pagpili ng asawa, sa pakikipaghiwalay, at sa diborsiyo
kapag nagdurusa. Ang mga ito ay mga karapatang napagtibay para sa babae.
3. Ang karapatan niya sa pagkatuto ng lahat ng isinasatungkulin sa kanya gaya ng kaalaman
tungkol kay Allah, kaalaman tungkol sa mga pagsamba at paraan ng pagsasagawa sa
mga ito, at kaalaman tungkol sa mga tungkulin at mga karapatang isinatungkulin sa
kanya, mga magandang pag-uugaling inoobliga sa kanya, at mga kaasalang mahusay
na kailangan niyang taglayin alinsunod pagkapangakalahatan ng kauutusang nasaad
sa sinabi ni Allah (47:19):
Kaya pakaalamin mo na walang Diyos kundi si Allah,
at sa sinabi ng Sugo (SAS):
Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkulin ng bawat Muslim.
4. Ang karapatan sa pagkakawanggawa ng anumang loobin niya mula sa ari-arian niya at
paggugol mula rito para sa sarili niya at para sa sinumang loobin niya gaya ng asawa,
mga anak, o mga magulang hanggat hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang ukol sa
kanya sa usaping iyon ay ang ukol din sa lalaki.
5. Ang karapatan niya sa pagmamahal at pagkasuklam. Kaya dapat niyang mahalin ang
mga matuwid na babae, dalawin sila ayon sa pagsang-ayon ng asawa niya kung mayroon
siyang asawa, at regaluhan sila. Karapatan niyang sulatan sila, tanungin hinggil sa
kalagayan nila, at aliwin sila sa pighati. Dapat niyang kasuklaman ang mga babaing
tiwali at kamuhian sila. Karapatan niyang iwaksi sila alang-alang kay Allah.
6. Ang karapatan niya sa paghahabilin ng [hanggang sa] ikatlong bahagi (1/3) ng ari-arian
niya habang nabubuhay pa at sa pagpapatupad naman nito sa pagkamatay niya, nang
walang pagtutol doon, dahil ang paghahabilin ay personal na pangkalahatang karapatan.
Kung paanong ito ay maaari sa lalake, ito maaari rin sa babae yamang walang kalayaan
para sa sinuman sa pangangailangan sa gantimpala ni Allah ― sa kundisyon na hindi
lalabis ang habilin sa ikatlong bahagi (1/3) ng ari-arian. Siya at ang lalaki ay magkatulad.
7. Ang karapatan niya sa kasuutan yamang maaari sa kanya na magsuot ng anumang
loloobin niya gaya ng seda at ginto, na ipinagbawal sa mga kalalakihan, ngunit hindi
maaari sa kanya na maghubad ni magtanghal na kagandahan [sa madla] at magsuot
ng kalahating kasuutan o kakarampot nito o maglantad ng ulo niya o magpalitaw ng
leeg niya at dibdib niya maliban sa sinumang maaari sa kanya na gawin iyon.
8. Ang karapatan niya sa pagpapaganda para sa asawa niya sapagkat makagagamit siya ng
eye-liner, makagagamit siya ng lipstick sa mga pisngi at bibig kung nanaisin niya iyon, at
makapagsuot ng pinakamaganda at pinakamarikit na mga hiyas, maliban sa kasuutang
kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga patutot sapagkat hindi
maaari sa kanya niya na magsuot nito upang malayo sa larangan ng hinala at banidad.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
98
9. Ang karapatan niya sa pagkain at inumin sapagkat maiinom niya ang anumang masarap
at kaaya-aya at makakain ang gayon din. Walang pagkakaiba sa pagitan niya at ng lalaki
sa pagkain at inumin sapagkat ang anumang ipinahintulot sa pagkain at inumin ay
maaari sa mga lalaki at mga babae at ang anumang ipinagbawal sa mga ito ay bawal
sa mga lalaki at mga babae. Sinabi ni Allah (7:31):
Kumain kayo at uminom kayo ngunit huwag magpakalabis; tunay na Siya
ay hindi nagmamahal sa mga nagpapakalabis.
Ang pinatutungkulan ay panlahat na sumasaklaw sa kapwa babae at lalake.
Ang mga Karapatan ng Babae sa Asawa Niya
Tunay na kabilang sa mga natatanging karapatan ng babae ang mga karapatan niya sa
asawa niya. Ang mga ito ay mga karapatang isinatungkulin [sa asawa] para sa kanya kapalit
ng mga karapatan sa kanya ng asawa niya. Iyon ay gaya ng pagtalima sa asawa kaugnay sa
hindi pagsuway kay Allah o sa Sugo (SAS), paghahanda ng pagkain nito at inumin, pagaayos
ng higaan nito, pagpapasuso sa mga anak nito at pag-aalaga sa kanila, pag-iingat sa
ari-arian niya at karangalan niya, pangangalaga sa sarili niya, at pagpapaganda para rito sa
pamamagitan ng anumang pinapayagan at pinahihintulutan na mga uri ng gayak.
Heto naman ang kabuuan ng mga karapatan ng babae na isinasatungkuling gampanan
para sa kanya ng asawa niya batay sa sinabi ni Allah (2:228):
Ang karapatang ukol sa kanila na mga babae ay tulad ng isinatungkulin sa
kanila ayon sa nakabubuti.
Babanggitin natin ang mga ito upang malaman ng babaeng mananampalataya at hilingin
ang mga ito sa asawa niya nang walang pagkahiya at pangamba. Isinasatungkulin naman
sa asawa na ibigay ang mga ito nang buo sa maybahay nito maliban kung magpaparaya
siya sa ilan sa mga ito sapagkat nasa kanya na iyon:
1. Ang pagsustento sa kanya ayon sa kalagayan ng lalaki sa kagipitan o sa kaginhawahan.
Nasasakop ng sustento ang kasuutan, pagkain, inumin, gamot, at tirahan.
2. Ang pangangalaga sa kanya sa karangalan niya, sa katawan niya, sa ari-arian niya, at
sa relihiyon niya yamang ang lalaki ay isang tagapagtaguyod sa kanya at kabilang sa
tungkulin ng tagapagtaguyod sa anuman ang pag-iingat dito at ang pangangalaga rito.
3. Ang pagtuturo sa kanya [ng asawa niya] ng kinakailangang malalaman sa mga usapin ng
relihiyon niya. Kung hindi nito makaya iyon ay magpapahintulot ito sa kanya sa pagdalo
sa mga pag-aaral para sa mga babae sa mga masjid o mga paaralan at sa iba pa kapag
ligtas sa ligalig at ligtas sa pinsala maidudulot sa maybahay at sa asawa.
4. Ang magandang pakikitungo dahil ang sabi ni Allah (4:19):
Pakitunguhan ninyo sila ayon sa nakabubuti.
Bahagi ng magandang pakikitungo ang hindi pagkakait sa karapatan niya sa pagtatalik
at ang hindi pananakit sa kanya sa pamamagitan ng pang-aalipusta o panlalait o
panunuya o paghamak. Bahagi rin ng mabuting pakikitungo sa kanya na hindi siya
pipigilan sa pagdalaw sa mga kamag-anak niya kung walang kinanatatakutan para sa
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
99
kanya na isang sigalot, na hindi siya aatangan ng hindi niya makakayang gawain, at
na magmagandang-loob sa kanya sa salita at gawa dahil ang sabi ng Sugo (SAS):
Ang higit na mabuti sa inyo ay ang higit na mabuti sa maybahay niya at ako
ang higit na mabuti sa inyo sa maybahay ko. (Iniulat ito ni Imám atTirmidhíy:
3830.)
Ang Hijáb161
Talaga ngang hinangad ng Islam ang pangangalaga sa pamilya laban sa pagkalansag at
pagkapariwara. Pinaligiran nito ang pamilya ng mga matatag na pader ng mga magandang
pag-uugali at mga mabuting kaasalan upang manatiling ang mga kaluluwa ay malusog at
ang lipunan ay malinis: hindi inaantig dito ang mga kalaswaan at hindi pinupukaw dito ang
mga hilig ng laman. Naglagay na ito ng mga hadlang upang pigilin ang mga pampaantig
na nag-aanyaya sa tukso kaya ipinag-utos nito na ibaba ang paningin sa panig ng lalaki at
babae.
Isinabatas ni Allah ang hijáb para sa babae bilang pagpaparangal sa kanya, bilang pangangalaga
sa karangalan niya laban sa imoralidad at kadustaan, bilang paglalayo sa kanya sa
panliligalig ng mga tiwali at mga may masamang kaluluwa, bilang pagsanggalang sa kanya
laban sa mga hindi kumikilala sa halaga at kabuluhan ng kabutihang asal, bilang pagpinid
sa pinto ng tukso na idinudulot ng nakalalasong tingin, at upang palibutan ang dignidad at
ang puri niya ng mga pader ng paggalang at pagpapahalaga.
Talaga ngang nagkaisa ang mga pantas ng Islam sa pagkaisinatungkulin ng hijáb para
sa babae, na isinatungkulin sa kanya na magtakip at hindi maglantad ng ganda niya at mga
pang-akit niya sa harap ng mga di-kaanu-ano at mga di-mahram sa kanya. Ngunit nahati
ang mga pantas ng Islam sa usapin ng mukha at mga kamay162 sa dalawang pangkat. May
nasaad na maraming patunay hinggil sa hijáb, pagkaisinatungkulin nito, at pagtatakda nito.
Ang bawat pangkat ay nagpatunay sa pamamagitan ng isang kalipunan ng [mga patunay
na] iyon at nagtuon sa mga patunay na nagmumukhang sumasalungat sa pananaw nila sa
sarisaring dako. Kabilang sa mga patunay ng pagkatungkulin ng hijáb ang sumusunod:
Sinabi ni Allah (33:53):
Kapag humiling kayo sa kanila na mga maybahay niya ng isang kailangan ay
hilingin ninyo sa kanila mula sa likod ng tabing. Iyan ay higit na dalisay para
sa mga puso ninyo at sa mga puso nila.
Sinabi pa Niya (33:59):
161 Ang literal na kahulugan nito ay tabing. Ngunit ayon sa pakahulugan nito sa Batas ng Islam, ang hijáb ay
ang pagsusuot ng kasuutang bumabalot sa buong katawan ng babae kapag nasa harap ng hindi niya mahram.
162 Ang isang pangkat ay nagsasabing kailangang takpan ang mukha at ang mga kamay, samantalang ang ibang
pangkat naman ay hindi naniniwalang kailangang takpan ang mukha at ang mga kamay.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
100
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga
kababaihan ng mga mananampalataya na maglaylay sila sa ibabaw nila ng
bahagi ng mga balabal nila. Iyan ay higit na malapit upang makilala sila kaya
hindi sila pipinsalain. Si Allah ay laging Mapagpatawad, Maawain.
Sinabi pa Niya (24:31):
Sabihin mo sa mga babaing mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin
nila, pangalagaan nila ang mga puri nila, huwag nilang ilantad ang gayak
nila maliban sa nakalitaw na163 mula sa mga ito, paabutiin nila ang mga belo
nila hanggang sa mga dibdib nila, huwag nilang ilantad ang gayak nila maliban
sa mga asawa nila,
Mula sa Hadíth ang nasaad ayon kay ‘Á’ishah (RA), ang maybahay ng Propeta (SAS), na
nagsabi:
Ang mga kababaihan ng mga babaing mananampalataya ay dumadalo noon
kasabay ng Sugo ni Allah (SAS) sa saláh sa madaling-araw, na mga nakatalukbong
ng mga balabal nila. Pagkatapos ay umuuwi sila sa mga bahay nila
kapag natapos nila ang saláh. Walang nakakikilala sa kanila na isa man dahil
sa dilim. (Muttafaq ‘alayhi: 578, 640.)
Ayon pa rin kay ‘Á’ishah (RA) na nagsabi:
Ang karaban ay dumadaan noon sa amin habang kami ay kasama ng Sugo ni Allah
(SAS), habang nasa sandali ng ihrám. Kapag natapat sila sa amin ay ibinababa ng
isa sa kanila ang balabal nito mula sa ulo nito sa ibabaw ng mukha nito at kapag
nalampasan nila kami ay inilalantad namin [ang mukha]. (Iniulat ito ni Imám Abú
Dáwud: 1833, at ni Imám Ahmad: 22894.)
Ayon pa rin kay ‘Á’ishah (RA) na nagsabi:
Kaawaan ni Allah ang mga unang kababaihan ng mga babaing nagsilikas 164
[dahil] noong naibaba ni Allah [ang áyah na ito]: paabutiin nila ang mga belo
nila hanggang sa mga dibdib nila… 165 ay hinati nila ang mga balabal nila at
ipinambelo ang mga ito.”
163 maliban sa nakalitaw na: Gaya ng kamay, panlabas na kasuutan, belo, medyas, at mukha.
164 Nandayuhan sa Madínah mula sa Makakh
165 Qur’án 24:31.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
101
Ang mga patunay ay lubhang marami subalit sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw sa
usapain ng hijáb, lahat naman sila ay nagkaisa sa pagpapahintulot sa paglalantad ng babae
ng mukha niya kung kinakailangan, gaya ng sa sandali ng karamdaman sa harap ng doktor.
Ang lahat ay naniniwala ring hindi ipinahihintulot na ilantad iyon sa sandali ng pangangamba
sa ligalig. Napagtibay pati na sa ganang mga nagpapahintulot sa paglalantad ng mukha na
kinakailangan na takpan ng babae ang mukha niya kapag pinangambahan ang tukso. Kay
tindi ng pangamba sa tukso sa panahong ito na nag-umapaw ang katiwalian at lumaganap.
Marami sa naglalantad ng mga mukha nila ay naglalagay ng gayak sa mga mukha nila at
mga mata nila. Ito ay kabilang sa napagkasunduan ang pagbakabawal nito.
Ipinagbabawal ng Islam din sa babae na makihalubilo sa mga lalaking hindi mahram.
Ang lahat ng iyon ay bilang pangangalaga sa mga kaasalan, mga pamilya, at dangal. Ang
Islam ay nagmimithi ng pag-iingat at pagpipinid sa mga pinto ng tukso at panghahalina
sapagkat dahil sa paglabas ng babae [sa bahay], pakikihalubilo niya sa mga lalaki, pagaalis
niya ng hijáb ang siyang umaantig sa mga hilig ng laman, nagpapadali sa sa mga
kadahilanan ng krimen [na seksuwal], at gumagawa rito na madaling maabot. Sinasabi ni
Allah (33:33):
Manatili kayo na mga maybahay ng Sugo sa mga bahay ninyo at huwag kayong
magtanghal ng ganda gaya ng pagtatanghal ng ganda sa panahon ng unang
Kamangmangan.
Sinabi pa Niya (33:53):
Kapag humiling kayo sa kanila na mga maybahay niya ng isang kailangan ay
hilingin ninyo sa kanila mula sa likod ng tabing. Iyan ay higit na dalisay para
sa mga puso ninyo at sa mga puso nila.
Ipinagbawal nga ng Sugo (SAS) nang mahigpit ang paghahalubilo ng mga lalaki at
mga babae at hinadlangan niya ang bawat nauuwi rito, pati na sa larangan ng mga
pagsamba at mga pook nito.
Maaaring mapilitan ang babae na lumabas sa bahay niya papunta sa isang lugar na
may mga lalaki, gaya ng pagtugon sa mga pangangailangan niya at walang isang gagawa
niyon para sa kanya o ng pagbili at pagtitinda upang matiyak ang panawid buhay para sa
sarili niya o para sa sinumang itinataguyod niya, at iba pa roong mga pangangailangan.
Walang masama roon sa kondisyong isasaalang-alang niya ang mga hangganang itinakda
ng Islam sa pamamagitan ng paglabas na nakasuot ng hijáb na hindi naglalantad ng gayak
niya at pagiging nakahiwalay sa mga lalaki: hindi nakikihalubilo sa kanila.
Kabilang din sa mga pagsasabatas na inihain ng Islam para sa pangangalaga sa pamilya
at mga kaasalan ang pagbabawal [sa lalaki] sa pananatili sa pribadong lugar kasama ng
babaing hindi mahram. Nagbigay-diin ang Sugo (SAS) sa pagbabawal [sa lalaki] sa pananatili
sa pribadong lugar kasama ng babaing hindi mahram kapag wala itong kasamang asawa o
mahram dahil ang Demonyo ay masigasig sa pagsira sa mga kaluluwa at mga moralidad.
Ang mga Alituntunin sa Regla at Nifás
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
102
Ang Edad ng Pagreregla at Tagal Nito
1. Ang edad na nananaig ang pagkakaroon ng regla ay ang nasa pagitan ng 12 taon hanggang
50 taon. Maaaring nagregla ang babae bago niyon o matapos niyon depende sa
kalagayan niya, kapaligiran niya, at klima.
2. Ang tagal ng regla ay may pinakamababang isang araw at pinakamataas na 15 araw.
Ang Pagdurugo ng Nagdadalang-tao
Ang higit na nananaig [na kalagayan] ay na ang babae, kapag nagdalang-tao, ay
hinihintuan ng pagdurugo. Kapag naman nakakita ang nagdadalang-tao ng dugo at kung
ito ay ilang araw bago magsilang, dalawa o tatlong araw, at may kasamang pananakit ng
tiyan (labor), ito ay ay nifás. Kung ito ay maraming araw bago magsilang o ilang araw
bago magsilang subalit walang itong kasamang pananakit ng tiyan, ito ay hindi nifás at
hindi rin regla.
Ang mga Abnormalidad sa Regla
Ang abnormalidad ay ilang uri:
1. Labis o kulang. Halimbawa: ang regular na regla ng babae ay 6 araw at nagpatuloy
ang pagdurudugo sa ika-7 araw ang regular na regla niya ay 7 araw ngunit huminto
ito sa ika-6 araw;
2. Pagkaaga o pagkahuli. Halimbawa: ang regular na regla niya ay dumarating sa katapusan
ng buwan ngunit nakita niya ang regla sa simula ng buwan, o ang regular na regla
niya ay dumarating sa simula ng buwan ngunit nakita niya ito sa katapusan ng buwan.
Kapag nakita niya ang dugo kinahiratian sa katangian nito, siya ay nagreregla na; Kapag
hinintuan na siya, siya ay hindi na nagreregla; lumabis man ang regular na regla niya
o kinulang, napaaga man ito o nahuli.
3. Kulay dilaw o kulay putik. Kapag nakita niya na ang dugo ay dilaw gaya ng likido ng
nana o nagkukulay putik na nasa pagitan ng dilaw at itim at kung ito ay sa panahon ng
regla o karugtong ng regla bago huminto ang regla, ito ay regla na nasasaklawan ng mga
alituntunin sa regla. Kung ito naman matapos huminto ang regla, ito ay hindi regla.
4. Paghinto-hinto ng regla. Kapag nakakita minsan ng dugo, minsan ng panunuyo naman,
at tulad nito, ang mga ito ay dalawang kalagayan:
A. Na ito ay nangyayari sa babae palagi sa lahat ng oras niya. Ito ay dugo ng istihádah.
Ipinatutupad sa sinumang nakakikita nito ang alituntunin sa babaing may istihádah.
B. Na ito ay hindi nagpapatuloy sa kanya, bagkus ay dumarating sa kanya sa ilang
panahon at nagkakaroon siya matapos niyon ng panahon ng tunay na paghinto ng
regla. Ang paghinto ng pagdurugo, kapag kumulang sa isang araw, ay hindi paghinto
ng regla. Kaya alinsunod dito, ang paghinto ng pagdurugo na mababa pa sa
isang araw ay hindi paghinto ng regla, malibang nakakitkita siya ng anumang nagpapahiwatig
doon tulad ng kung ang paghinto ay sa katapusan ng regular na regla
niya o nakakikita siya ng puting mucus. Ang putting mucus ay puting likido na
inilalabas ng matris sa paghinto ng regla.
5. Panunuyo ng dugo. Kapag nakadarama ang babae ng pamamasa (wetness) lamang at
kung ito ay sa panahon ng regla o karugtong nito bago tumigil ang regla, ito ay regla.
Kung ito naman ay matapos tumigil ang regla, hindi ito regla.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
103
Ang mga Alituntunin sa Regla
1. Ang Saláh
Ipinagbabawal sa nireregla ang pagsasagawa ng saláh: ang fard nito at ang sunnah nito,
at hindi magiging tanggap mula sa kanya. Gayon din, hindi isinasatungkulin sa kanya ang
pagsasagawa ng saláh maliban kung may maabutan siya sa oras nito na isang sandaling
kasingtagal ng isang buong rak‘ah (mga isang minuto). Isinatungkulin sa kanya sa pagkakataong
iyon ang pagsasagawa ng saláh [sa ibang araw], naabutan man niya iyon sa simula
ng oras o sa katapusan ng oras. Ang halimbawa niyon sa simula [ng oras] nito ay isang
babae na niregla mga isang minuto matapos ang paglubog ng araw. Isinasatungkulin sa
kanya, kapag tumigil ang regla niya, na magsagawa ng qadá‘ para sa saláh na maghrib
dahil nakaabot siya sa oras nito ng mga isang minuto bago siya niregla. Ang halimbawa
naman niyon sa katapusan [ng oras] nito ay isang babae na tumigil ang regla mga isang
minuto bago sumikat ang pagsikat ng araw. Isinasatungkulin sa kanya, kapag tumigil ang
regla niya, na magsagawa ng qadá‘ para sa saláh na fajr dahil nakaabot siya sa oras nito
ng isang bahagi nito na nakasasapat para sa isang rak‘ah.
Tungkol naman sa dhikr,166 takbír,167 tasbíh,168 tahmíd,169 tasmiyah170 sa pagkain at iba
pang gawain, pagbabasa ng Hadíth o Fiqh (Batas ng Islam) o pagsambit ng du‘á’, ang
ta’mín,171 at pakikinig sa Qur’án, hindi ito ipinagbabawal sa nireregla. Tungkol naman sa
pagbabasa ng nireregla mismo ng Qur’an, kung ito ay isang pagtingin sa pamamagitan ng
mata o isang pag-aalaala sa pamamagitan ng isip nang walang pagbigkas sa pamamagitan
ng dila, walang masama roon. Halimbawa: nakalagay ang kopya ng Qur’an o [nasa] pisara
at tinitingnan niya ang mga áyah at binabasa niya ang mga ito sa isip niya. Ang higit na
karapat-dapat para sa nireregla ay huwag basahin ang Qur’án nang may tunog maliban sa
sandali ng pangangailangan niyon. Halimbawa: siya ay isang guro at nangangailangan siya
na magpabigkas sa mga mag-aaral o nasa panahon ng pagsusulit at nangangailangan ang
mag-aaral na magbasa ng Qur’án dahil sa pagsusulit dito, o tulad ng dahilang ito.
2. Ang Pag-aayuno
Ipinagbabawal sa nireregla ang pag-aayuno: ang fard nito o ang sunnah nito, at hindi
magiging tangap mula sa kanya subalit kinakailangan sa kanya na magsagawa ng qadá‘
para sa fard nito. Kapag niregla siya habang siya ay nag-aayuno, mawawalan ng saysay
ang pag-aayuno niya [sa araw na iyon] kahit pa [dumating] iyon isang sandali bago ang
paglubog ng araw. Isinasatungkulin sa kanya ang pagsasagawa ng qadá‘ para sa araw na
iyon kung ito ay fard. Kapag naman naramdaman niya ang pagdaloy ng regla bago ang
paglubog ng araw subalit lumabas lamang ito matapos ang paglubog ng araw, ang pagaayuno
niya ay buo at hindi nawawalan ng saysay. Kapag sumapit ang madaling-araw
samantalang siya ay nireregla pa, hindi magiging tanggap mula sa kanya ang pag-aayuno
sa araw na iyon kahit pa man huminto ang regla niya isang sandali matapos ang [pagsapit
166 Gaya ng du‘á’ ngunit higit na maikli at palaging nasa wikang Arabe na hango sa Qur’an o Sunnah.
167 Ang pagsasabi ng Alláhu akbar (si Allah ay pinakadakila).
168 Ang pagsasabi ng Subhána lláh
(Kaluwalhatian kay Allah).
169 Ang pagsasabi ng Alhamdu lilláh (Ang papuri ay ukol kay Allah).
170 Ang pagsasabi ng Bismi lláh
(Sa ngalan ni Allah).
171 Ang pagsasabi ng Amen.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
104
ng] madaling-araw. Kapag huminto ang regla niya bago ang [pagsapit ng] madaling-araw
at nag-ayuno siya, magiging tanggap ang pag-aayuno niya kahit pa nakapaligo lamang siya
matapos ang madaling-araw.
3. Ang Pagsagawa ng Tawáf sa Ka‘bah
Ipinagbabawal sa nireregla ang pagsagawa ng tawáf sa Ka‘bah: ang fard nito o sunnah
nito, at hindi magiging tanggap mula sa kanya. Tungkol naman sa nalalabing mga gawain
gaya ng sa‘y sa pagitan ng Safá at Marwah, wuqúf (pagtigil) sa ‘Arafat, mabít (pagpapagabi)
sa Muzdalifah at Miná, ramy (pagbato) sa mga jamrah, at iba pang mga gawain sa hajj at
‘umrah, ang mga ito ay hindi bawal sa kanya. Alinsunod dito, kung sakaling nagsagawa
ng tawáf ang babae habang siya ay walang regla at lumabas ang regla matapos ang tawáf
kaagad o sa sandali ng pagsasagawa ng sa‘y, walang ikababahala roon.
4. Ang Pananatili sa Masjid
Ipinagbabawal sa nireregla na manatili sa masjid.172
5. Ang Pakikipagtalik
Ipinagbabawal sa asawa niya na makipagtalik sa kanya at ipinagbabawal sa kanya na
magpaubaya sa asawa na gawin iyon. Subalit ipinahintulot naman sa lalaki ― ukol kay
Allah ang papuri ― ang anumang makapagpapabawa sa init ng katawan na hindi humahantong
sa pagtatalik gaya ng halik, yakap, halik, pagtatalik na hindi sangkot ang ari ng babae.
6. Ang Diborsyo
Ipinagbabawal sa lalaki ang pagdiborsiyo sa maybahay sa panahong ng pagreregla nito.
Kung diniborsiyo niya ito habang ito ay nireregla ay sinuway nga niya si Allah at ang Sugo
(SAS) at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Isinasatungkulin sa kanya sa sandaling
iyon na balikan niya at panatilihin ito [bilang maybahay] hanggang sa tumigil ang regla
nito at saka niya diborsiyuhin ito kung ninais niya. Ang higit na nararapat ay hayaan niya
muna ito hanggang sa magregla sa ikalawang pagkakataon at kapag huminto ang regla nito,
kung nananisin niya ay pananatilihin niya ito at kung nanaisin niya ay diborsiyuhin niya ito.
7. Ang Tungkuling Maligo
Isinasatungkulin sa nireregla, kapag huminto ang regla niya, na maligo kalakip ng paglilinis
sa buong katawan. Hindi kinakailangan sa kanya na kalagin ang pagkatirintas ng buhok
maliban kung ito ay nakatali nang mahigpit kung saan kinatatakutan na hindi umabot ang
tubig sa anit ng ulo. Kapag huminto ang regla niya sa sandali ng oras ng saláh, kinakailangan
sa kanya na magmadali sa pagpaligo upang maabutan ang pagsagawa ng saláh sa oras
nito. Kung siya naman ay nasa isang paglalakbay at wala siyang makitang tubig o kung may
tubig nga siya subalit pinangangambahan ang kapinsalaan sa paggamit nito o siya ay maysakit
na makapipinsala sa kanya ang tubig, siya ay magsasagawa ng tayammum bilang kapalit
ng pagpaligo hanggang sa maalis ang hadlang [sa pagpaligo] at saka siya maligo.
Ang Istihádah173 at ang mga Alintuntunin Dito
172 Ngunit hindi naman ipinagbabawal ang dumaan lamang.
173 Sa literal na kahulugan ay malaregla o parang regla.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
105
Ang istihádah ay ang pagpapatuloy na pagdurugo sa babae kung saan hindi na nahihinto
ito sa kanya kailanamn o kung nahihinto man sa kanya ay sa loob ng isang maikling panahon:
isa o dalawang araw sa isang buwan. Sinasabi rin na ang anumang [pagdurugo] na lumabis
sa 15 araw, ito ay istihádah na maliban kung ito ay regular na regla niya.
Ang Mustahádah174 ay Tatlong Kalagayan:
1. Na siya ay mayroong reglang nalalamang regular bago nagkaroon ng istihádah. Ang
babaing ito ay magbabatay sa tagal ng dating reglang nalalamang regular. Ituturing
niyang may regla siya sa panahong ito at ipatutupad sa kanya ang mga alituntunin sa
pagreregla. Ang ipa pa rito ay istihádah at ipatutupad dito ang mga alituntunin sa
mustahádah. Halimbawa niyon:
Isang babae na dinadatnan noon ng regla na anim na araw sa simula ng bawat buwan.
Pagkatapos ay biglang naganap sa kanya ang istihádah kaya naman ang pagdurugo ay
dumarating sa kanya nang tuluy-tuloy. Ang regla niya ay anim na araw sa simula ng
bawat buwan at ang [pagdurugong] iba pa rito ay istihádah na. Kaya alinsunod dito,
ituturing ng mustahádah, na dating mayroong reglang nalalamang regular, na may regla
siya sa panahong kasingtagal ng dating regla. Pagkatapos ay maliligo siya, magsagawa
ng saláh, at hindi niya papansinin ang [lumalabas na] dugo sa sandaling iyon.
2. Na siya ay walang reglang nalalamang regular bago nagkaroon ng istihádah yamang ang
istihádah ay tuluy-tuloy na sa kanya mula noong unang nakita niya ang [paglabas ng]
dugo sa unang pagkakataon. Ang babaing ito ay magsasagawa ng pagtatangi. Ang regla
niya ay bagay na natatangi sa kaitiman o sa kalaputan o sa amoy, na ipinatutupad dito
ang mga alituntunin sa regla at ang [pagdurugong] iba pa rito ay istihádah, na ipinatutupad
naman dito ang mga alituntunin sa istihádah. Halimbawa niyon:
Isang babae na nakakita ng pagdurugo sa unang pagkakataon at nagpatuloy na ito
sa kanya subalit mayroon siyang pagtatangi:
A. Napapansin niya ito na kulay itim sa loob ng 10 araw at kulay pula naman sa nalalabing
mga araw ng buwan;
B. Napapansin niya ito na malapot sa loob ng 10 araw at malabnaw naman sa nalalabing
mga araw ng buwan;
C. Napapansiyan niya ito na amoy regla sa loob ng 10 araw at hindi naman amoy regla
sa nalalabing mga araw ng buwan.
Ang regla niya ay ang kulay itim sa unang halimbawa, ang malapot sa ikalawang
halimbawa, at ang may amoy regla sa ikatlong halimbawa. Ang anumang iba pa roon,
ito ay istihádah.
3. Na siya ay walang reglang nalalamang regular at naaangkop na pagtatangi yamang ang
istihádah ay tuluy-tuloy na mula noong unang nakita niya ang [paglabas ng] dugo at
ang dugo nito ay may iisang katangian o may mga katangiang nakalilito na hindi maaaring
maging regla. Ang babaing ito ay babatay sa regular na regla ng nakararami sa
mga babae kaya ang regla niya ay magiging anim o pitong araw sa bawat buwan na
nagsisimula sa unang panahon na kinakitaan niya ng dugo. Ang anumang iba pa rito
ay istihádah na.
174 Babaeng may istihádah.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
106
Ang mga Alituntunin sa Istihádah
Ang mga alituntuning sa istihádah ay gaya ng mga alituntunin sa kawalan ng regla. Kaya
walang pagkakaiba sa pagitan ng mga maustahádah mga babaing walang regla maliban sa
sumusunod:
1. Ang pagsasatungkulin ng pagsagawa ng wudú’ sa bawat saláh para sa mustahádah,
2. Kapag ninais ng mustahádah na magsagawa ng wudú’ ay huhugasan niya muna ang
bakas ng dugo sa underwear at maglalagay sa ari ng bulak (o sanitary napkin) upang
pigilin ang [daloy ng] dugo.
Ang Nifás at ang mga Alituntunin Dito
Ang nifás ay dugong inilalabas ng matris dahilan sa panganganak, na maaaring kasabay
ng panganganak, o matapos nito, bago nito nang mga dalawa o tatlong araw kalakip na
pananakit ng tiyan (labor). Ang babae ay magiging táhir175 kapag tumigil na ang pagdurugo
sa kanya. Kapag naman lumabis sa 40 araw [ang pagdurugo], maliligo na siya matapos
ang 40 araw dahil ito ang pinakamahabang panahon ng nifás kahit pa man ang pagdurugo
ay nagpapatuloy, maliban kung ang [pagdurugo na] lumabis sa 40 araw ay regla sapagkat
maghihintay siya hanggang sa matapos ang regla at pagkatapos ay maliligo siya.
Hindi mapagtitibay ang nifás malibang kapag nagluwal ng isang may malinaw na anyo
ng tao. Kaya kung sakaling nagluwal ng isang maliit na fetus na walang malinaw na anyo
ng tao, ang pagdurugo rito ay hindi dugo ng nifás, bagkus ito ay dugo ng ugat. Ang alituntuning
ukol sa kanya ay ang alituntunin sa ukol sa mustahádah. Ang pinakamaikling panahon
na magiging malinaw ang anyo ng tao ay 80 araw mula sa simula ng pagdadalang-tao.
Ang karamihan dito ay 90 araw. Ang mga alituntunin naman sa nifás ay gaya ng sa mga
alituntunin sa regla na nauna nang nabanggit.
Ang mga Pampapigil ng Regla at Pagbubuntis
Ang paggamit ng babae ng anumang nakapipigil sa regla niya ay ipinahihintulot ayon
sa dalawang kundisyon:
1. Na hindi kinatatakutan ang kapinsalan sa kanya; kaya kung kinatatakutan ang kapinsalaan
sa kanya, hindi ito ipinahihintulot;
2. Na iyon ay may kapahintulutan ng asawa kapag ito ay may kaugnayan doon.176
Ang paggamit ng anumang nagdudulot ng regla ay ipinahihintulot ayon sa dalawang
kundisyong:
1. Ang kapahintulutan ng asawa;
2. Na hindi manggugulang sa pamamagitan nito para makatakas sa isang tungkulin gaya
halimbawa ng paggamit nito para makatakas sa pag-aayuno o saláh at tulad niyon pa.
Tungkol naman sag paggamit ng nakapapigil sa pagbubuntis (contraceptive), ito ay
nasa dalawang uri:
1. Na nakapipigil ito nang permamente kaya naman hindi ito ipinahihintulot;177
175 Malinis na sa regla at maaari nang makipagtalik at magsagawa ng lahat ng mga gawaing panrelihiyon.
176 May mga kontraseptibo na sangkot ang lalaki.
177 Gaya ng gamot o instrumento o operasyon na magbubunga ng permanenteng pagpigil sa pagbubuntis.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
107
2. Na nakapipigil ito nang pansamatala gaya halimbawa kung ang babae ay madalas magbuntis
at ang pagbubuntis ay lubhang nakapagpapahirap sa kanya kaya naman iibigin
niyang kontrolin ang pagbubuntis niya tuwing ikalawang taon o tulad nito, ito ay ipinahihintulot
sa kundisyon na papayag dito ang asawa niya at ito ay hindi magiging isang
kapinsalaan sa kanya.
مختصر اَلسيرة اَلنبوية
Ang Maikling Talambuhay ng Propeta (SAS)
Ang Kalagayan ng Arabia Bago ang Islam
Ang Paganismo ay ang umiiral na relihiyon noon sa mga Arabe. Dahilan sa pagkayakap
nila sa Paganismo na sumasalungat sa matuwid na relihiyon ay binansagan ang panahon
nila na alJáhiliyah: ang Panahon ng Kamangmangan. Kabilang sa pinakabantog sa mga
diyus-diyusan na sinasamba nila noon bukod pa kay Allah ay sina Allát, Al‘uzzá, Manáh,
at Hubal. Subalit may matatagpuan sa mga Arabe na yumakap sa Judaismo, o Kristiyanismo,
o Mazdaismo.178 May matatagpuan din sa kanila na mangilan-ngilang individuwal na nanatiling
yumayakap sa Katutubong Monoteismo, ang kapaniwalaan ni Abraham.
Tungkol naman sa buhay pang-ekonomiya, ang mga Badawí179 ay umaasa nang lubusan
sa yamang panghayupan na umaasa sa pagpapastol. Ang inaasahan naman ng buhay pangekonomiya
ng mga Hádir180 ay ang pagsasaka at ang pangangalakal. Bago ang paglitaw
ng Islam, ang Makkah ang pinakamalaking bayang pangkalakalan sa Arabia noon. Mayroon
din mga pamayanang may kabihasnan sa maraming rehiyon gaya ng Madínah at Tá’if.
178 Tingnan ang talababa bilang 157.
179 Ang mga Arabeng disyerto na namumuhay sa disyerto at walang pirming bahay.
180 Ang mga Arabeng nakatira sa isang nayon o bayan at may permanenteng bahay.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan