Mga Artikulo




1. Ang pagputol ng mga kuko, ang pagbunot o ang pag-aahit ng buhok sa kilikili, ang


pagputol ng bigote, ang pag-ahit ng buhok sa ari, ang pagpaligo, at ang paglalagay ng


mabangong bagay. Ang paglalagay ng mabangong bagay ay sa katawan lamang at


hindi sa kasuutan ng ihrám.


2. Ang paghuhubad ng anumang kasuutan111 at pagsusuot ng izár (tapis) at ridá’ (balabal).


Ang babae naman ay magsusuot ng anumang naisin niya na mga damit kalakip ng pagsisigasig


sa pagtatakip sa sarili at hindi paglalantad ng kagandahan at pagsisigasig sa


pagtatakip sa mukha at mga kamay sa harap ng mga lalaking hindi kaanu-ano. Iiwasan


niyang magsuot ng mga guwantes sa mga kamay at ng niqáb sa mukha.


3. Ang pagpunta sa masjid at ang pagsasagawa ng saláh kasama ng jamá‘ah kapag ang


oras ay oras ng saláh o ang pagsasagawa ng saláh na dalawang rak‘ah (sunnah para sa


wudú’). Pagkatapos niyon ay isasagawa ang ihram.


Ang mga Uri ng Hajj


Ang mga uri ng hajj ay tatlo. Ang mga ito ay ang sumusunod:


1. Ang Hajj na Tamattu‘. Ito ay ang pagsasagawa muna ng ihrám para sa ‘umrah lamang.


Pagkatapos ay kapag dumating ang ikawalong araw [ng Dhulhijjah] ay magsasagawa


muli ang nagsasagawa ng hajj ng ihrám sa kinaroroonan niya [sa Makkah] para naman


sa hajj. Sasabihin niya sa míqát:





Labbayka ‘umratan mutamatti‘am bihá ila lhajj.


112


Ang tamattu‘ ay ang pinakamainam sa mga uri ng hajj lalo na kapag dumating sa Makkah


ang nagsasagawa ng hajj sa loob ng isang panahon bago ang oras ng hajj. Pagkatapos


niyon ay magsasagawa siya ng ihrám sa ikalawang pagkakataon para naman sa hajj sa


kinaroroonan niya sa Makkah sa pamamagitan ng pagsabi ng labbayka hajjá.113 Sa


uri ng hajj na ito ay mangangailangan ng hady114 ang nagsasagawa ng hajj. Makasasapat


ang iisang tupa115 sa hady para sa iisang tao at makasasapat ang iisang kamelyo


o ang iisang baka para sa pitong tao.


2. Ang Hajj na Qirán. Ito ay ang pagsasagawa ng ihrám nang isang ulit para sa ‘umrah


at hajj na magkasama. Sasabihin sa míqát:





Labbayka ‘umratan wa hajjá.116


[Naisasagawa] iyon sa pamamagitan ng pananatili niya sa ihrám niya hanggang sa


‘Ídul’ad'há.117 Ito ay kadalasang para sa sinumang dumating bago [sumapit] ang hajj


sa loob ng maikling panahong hindi makasasapat para tapusin ang ‘umrah niya at


pagkatapos ay magsagawa ng [panibagong] ihrám para sa hajj kapag dumating ang


111 Gaya ng brief, kamiseta, salawal, at T-shirt.


112 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa muna ng ‘umrah na pasusundan ng hajj.


113 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa ng hajj.


114 Hayop na inaalay.


115 O kambing


116 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa ng ‘umrah at hajj.


117 Hindi niya huhubarin ang kasuutan para sa ihrám.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


70


oras nito, o [para] sa isang taong nagdala ng hady kasama niya. Sa uri ng hajj na ito


ay nangangailangan din ng hady.


3. Ang Hajj na Ifrád. Ito ay ang pagglalayon na magsagawa ng hajj lamang. Kaya magsasagawa


siya ng ihrám sa míqát at magsasabi ng labbayka hajjá.118 Hindi nangangailangan


ng hady sa uri ng hajj na ito.


Kapag ang nagsasagawa ng hajj ay naglalakbay sa himpapawid, kailangan sa kanya


na magsagawa ng ihrám sa pagtapat sa míqát, o bago niyon sa loob ng sapat na panahon


kapag naging mahirap para sa kanya na malaman [kung nasaan] iyon. Gagawin niya ang


lahat ng ginagawang gawain sa míqát gaya ng paglilinis, paggamit ng mabangong bagay,


pagputol ng mga kuko, at pagsusuot ng kusuutan ng ihrám, kung ninais niya ito bago


lumulan sa eroplano o sa loob ng eroplano at pagkatapos ay maglalayong isagawa ang ihrám


bago sumapit sa míqat o sa pagtapat doon.


Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ihrám


Ang paraan ng pagsasagawa ng ihrám ay ang pagsabi ng:


1. Labbayka ‘umratan mutamatti‘am bihá ila lhajj,


119 ito ay kapag nagnanais siya


na magsagawa ng hajj na tamattu‘;


2. Labbayka ‘umratan wa hajjá,120 ito ay kapag nagnanais siya na magsagawa ng hajj


na qirán.


3. Labbayka hajjá,121 ito ay kapag nagnanais siya na magsagawa ng hajj na ifrád.


Matapos isagawa ang ihrám, sunnah na bigkasin ang talbiyah at ulit-ulitin ito mula sa


pagkakasagawa ng ihrám hanggang sa bago magsimula ang tawáf sa Ka‘bah. Ang talbiyah


ay ang pagsabi ng





Labbayka lláhumma


labbayk, labbayka lá sharíka laka labbayk, inna lhamda


wa nni‘


mata laka wa lmulk,


lá sharíka lak.122


Ang mga Bawal Matapos Magsagawa ng Ihrám


Ipinagbabawal sa taong nasa na sandali ng ihrám ang ilan sa mga bagay na dating ipinahihintulot


bago isinagawa ang ihrám dahil siya ay pumasok sa isang pagsamba. Ipinagbabawal


sa kanya ang sumusunod:


1. Ang pag-aalis ng buhok sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan subalit walang masama


sa pagkamot ng ulo nang marahan kapag kailangan;


2. Ang pagputol ng nga kuko, subalit kung naputol ang kuko o nakasasakit ay walang


masama na alisin ito;


3. Ang pagggamit ng pampapabango pati na ang sabon na may pabango;


118 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa ng hajj.


119 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa muna ng ‘umrah na pasusundan ng hajj.


120 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa ng ‘umrah at hajj.


121 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa ng hajj.


122 Bilang pagtugon sa panawagan Mo, o Allah, bilang pagtugon sa panawagan Mo, bilang pagtugon sa panawagan


Mo, wala Kang katambal, bilang pagtugon sa panawagan Mo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya


ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala Kang katambal.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


71


4. Ang pakikipagtalik at ang mga gawaing maaaring mauwi sa pakikipagtalik gaya ng


pagpapakasal, pagtingin nang may pagnanasa, paghipo, paghalik, at iba pa;


5. Ang pagsusuot ng guwantes;


6. Ang pagpatay ng mailap na hayop.


Ang mga gawaing nabanggit ay ipinagbabawal sa lalaki at babae. Para naman sa mga


lalaki, ang sumusunod ay ipinagbabawal din:


1. Ang pagsusuot ng anumang kasuutan, subalit ipinahihintulot sa taong nasa sandali ng


ihrám ang anumang kakailanganin niya gaya ng sinturon, relo, salamin, at tulad nito;


2. Ang pagtatakip sa ulo ng dumidiit dito ngunit ang hindi dumidiit ay walang masama


gaya ng payong, bubong ng kotse, tolda, at tulad nito;


3. Ang pagsusuot ng medyas, ngunit maaaring magsuot ng sapatos kapag hindi nakahanap


ng tsinelas.


Ang sinumang may nagawang anuman sa mga ipinagbabawal na ito ay may tatlong


kalagayan:


1. Na ginawa niya ito nang walang tanggap na dahilan kaya naman siya ay nagkakasala


at tungkulin niyang magbigay ng fidyah,123


2. Na ginawa niya ito dahil sa pangangailangan kaya naman walang kasalanan sa kanya


subalit tungkulin niyang magbigay ng fidyah,


3. Na ginawa niya ito ngunit siya ay mapagpapaumanhinan dahil hindi nalalaman o nakalimot


o napilitan kaya naman walang kasalanan sa kanya at wala siyang tungkuling


magbigay ng fidyah.


Ang Tawáf


Sa pagpasok sa alMasjid alHarám ay sunnah na unahin ang kanang paa at magsabi ng:





Bismi lláhi,


wa ssalátu


wa ssalámu


‘alá rasúli lláh,


alláhumma ghfir





dhunúbí wa ftah


lí abwába rahmatik.124


Ito ay nauukol sa lahat ng masjid. Pagkatapos ay dadako kaagad sa Ka‘bah upang isagawa


ang tawáf doon.


Ang tawáf ay ang pag-ikot sa palibot ng Ka‘bah nang pitong ulit bilang pagsamba kay


Allah. Sinisimulan ito sa [tapat ng] alHajar al’Aswad at magtatapos din doon, habang ang


Ka‘bah ay nasa kaliwa. Kailangan ding mayroon pang wudú’.


1. Pupunta sa alHajar al’Aswad,125 hihipuin iyon ng kanang kamay, magsasabi ng:


))بسم الله والله أكبَ.((


Bismi lláhi


wa lláhu


akbar.126


Hahalikan iyon kung makakaya. Kung hindi makakayang halikan iyon [dahil sa tindi


ng siksikan] ay hihipuin iyon ng kanang kamay at hahalikan ang kanang kamay. Kung


123 Ang fidyah ay nagsisilbing kabayaran sa pagkakamali o kasalanan. Ito ay hindi magkakatulad; kaya kapag


nakagawa ng anuman sa mga nabanggit na ipinagbabawal, magtanong sa nakaaalam kung ano ang dapat gawin.


124 Sa ngalan ni Allah; ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allah. O Allah, patawarin Mo ako sa


mga pagkakasala ko at buksan Mo para sa akin ang mga pinto ng awa Mo.


125 Ang Batong Itim na nakadikit sa isang sulok ng Ka‘bah. Reperensiya ito sa tawáf.


126 Sa ngalan ni Allah, si Allah ay pinakadakila.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


72


hindi naman madaling mahipo ang alHajar al’Aswad ay haharap doon at ituturo iyon


ng kanang kamay habang nagsasabi ng Alláhu Akbar ngunit hindi na hahalikan ang


kanang kamay. Pagkatapos ay pupuwesto siya na ang Ka‘bah ay nasa dakong kaliwa.


Sisimulan [sa tapat ng alHajar al’Aswad] ang tawáf habang dumadalangin kay Allah


sa pamamagitan ng anumang ninais na mga du‘á’127 o pagbigkas ng anumang talata


ng Qur’an. Ang nagsasagawa ng hajj ay maaaring manalangin sa sariling wika para


sa sarili niya at para sa sinumang ninais niya. Walang takdang du‘á’ sa tawáf.


2. Kapag sumapit sa arRukn alYamání128


ay hihipuin iyon ng kanang kamay kung makakaya


at magsasabi ng bismi lláhi


wa lláhu


akbar ngunit hindi na hahalikan ang kamay.


Kung hindi makakaya ay magpapatuloy sa paglalakad, hindi na ituturo iyon ng kanang


kamay, at hindi na magsasabi ng Alláhu akbar. Sa pagitan ng arRukn alYamaní at


alHajar al’Aswad ay magsasabi ng:





Rabbaná átiná fi ddunyá


hasanah, wa fi l’ákhirati


hasanah, wa qiná


‘adhába nnár.


129


3. Kapag natapat na sa alHajar al’Aswad ay hihipuin iyon ngunit kung hindi makaya ay


ituturo iyon ng kanang kamay habang nagsasabi ng Alláhu akbar.


Ganito natatapos ang isang ikot mula sa pitong ikot ng tawáf. Upang mabuo ang


natitirang mga ikot:


4. Magpapatuloy sa pagsasagawa ng tawáf. Gagawin ang tulad sa ginawa sa unang ikot


hanggang sa mabuo ang pitong ikot. Magsasabi ng Alláhu akbar sa tuwing madadaan


sa tapat ng alHajar al’Aswad at gayon din pagkatapos ng ikapitong ikot. Sunnah na


maglakad ng paglalakad na raml sa unang tatlong ikot at maglalakad naman [nang


karaniwan] sa huling apat na ikot. Ang raml ay ang pagpapabilis sa paglakad kalakip


ng pagdidikit ng mga hakbang.130 Sunnah rin na gawin ang idtibá‘ sa buong tawáf na


ito. [Ang idtibá‘] ay ganito: ilalagay ang [kalagitnaan ng] ridá’ sa ilalim ng kanang kilikili


at ang magkabilang dulo nito ay nakapatong sa kaliwang balikat.131 Ang raml at ang


idtibá‘ ay sa unang tawáf lamang na isinasagawa ng nagsasagawa ng hajj o ‘umrah sa


tuwing dumarating sa Makkah.


Pagkatapos ng Tawáf


Sunnah na magsagawa ng dalawang rak‘ah na saláh sa tapat ng Maqám Ibráhím kung


saan ang Maqám Ibráhím ay nasa pagitan ng nagdarasal at ng Ka‘bah. Isusuot ang balabal


bago magdasal: ipapatong ito sa mga balikat at ang magkabilang dulo nito ay nasa dibdib.


Bibigkasin sa unang rak‘ah ang Súrah alFátihah at ang Súrah alKáfirún at sa ikalawang


rak‘ah naman ang Súrah alFátihah at ang Súrah al’Ikhlás. Kung hindi magiging madali ang


127 Ang literal na kahulugan nito ay paanyaya, panawagan at panalangin. Ang ipinakakahulugan nito rito ay


panalangin. Dalawang uri ito: ang sunnah o ang itinuro ni Propeta Muhammad (SAS) at ito ay sa wikang


Arabe, at ang pansarili na maaaring sabihin sa anumang wika.


128 Ang sulok ng Ka‘bah bago ang alHajar al’Aswad.


129 Panginoon namin, bigyan Mo kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti; at iadaya Mo


kami sa pagdurusa sa Apoy.


130 Kung mahirap itong gawin, maaari nang hindi ito gawin.


131 Ang idtibá‘ ay para sa lalaki lamang.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


73


magdasal sa tapat ng Maqám Ibráhím dahil sa tindi ng siksikan, magdarasal sa alinmang


bahagi ng alMasjid alHarám.


Ang Sa‘y132


Pagkatapos niyon ay pupunta sa Mas‘á.133 Dadako sa Safá. Bibigkasin, kapag malapit


na roon, ang sumusunod:





Inna ssafá


wa lmarwata


min sha‘á’iri lláhi


faman hajja lbayta


awi ‘


tamara


falá junáha ‘alayhi ay yattawwafa bihimá wa man tatawwa‘a kahyran fa’inna


lláha


shákirun ‘alím.134


Aakyat sa Safá hanggang sa makita ang Ka‘bah. Pagkatapos ay haharap doon at iaangat


ang mga kamay [na ang mga palad ay nakaharap sa mukha]. Magpupuri kay Allah, mananalangin


ng anumang ninais at saka magsasabi ng:





Lá iláha illa lláhu


wa lláhu


akbar, lá iláha illa lláhu


wahdahu lá sharíka lah,


lahu lmulku


wa lahu lhamd,


yuhyí wa yumít, wa huwa ‘alá kulli shay’in


qadír, lá iláha illa lláhu


wahdah, anjaza wa‘dahu wa nasara ‘abdah, wa


hazama lahzába


wahdah.135


Pagkatapos ay dadalangin pa nang matagal. Uulitin iyon nang tatlong ulit.


Pagkatapos niyon ay maglalakad pababa patungong Marwah. Kapag dumating sa palatandaang


kulay berde, sunnah na maglakad nang mabilis sa abot ng kakayahan hanggang


sa sumapit sa kabilang palatandaang berde ― sa kundisyong hindi makasasakit ng isa man.


(Ang paglalakad nang mabilis dito ay para lamang sa mga lalaki at hindi para sa mga babae.)


Pagkatapos kapag dumating sa Marwah ay aakyatin ito, haharap sa Qiblah, iaangat ang


mga kamay, at sasabihin ang sinabi sa Safá. Sa sandaling iyon ay nakatapos na ng isang


shawt136 mula sa pitong shawt sa‘y. Matapos manalangin ay bababa mula sa Marwah


patungo sa Safá at gagawin ang gaya sa ginawa sa unang shawt. Sunnah na damihan ang


panalangin habang nagsasagawa ng sa‘y.


Kapag ang nagsasagawa ng hajj ay nagsasagawa ng hajj tamattu‘, pagkatapos ng sa‘y


ay maaari na sa kanya na magpagupit ng buhok, magtapos sa ‘umrah niya, magsuot ng


132 Ang sa‘y ay ang pagbalik-balik sa pagitan ng Safá at Marwah.


133 Ang pinagsasagawaan ng sa‘y at daang nag-uugnay sa Safá at Marwah.


134 Qur'an 2:158: Tunay na ang Safá at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allah. Kaya ang sinumang


magsasagawa ng hajj sa Bahay ni Allah o magsasagawa ng ‘umrah ay hindi kasalanan para sa kanya magpabalikbalik


sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang magkusang-loob ng mabuti, tunay na si Allah ay Kumikilala sa


kabutihan, Nakaaalam.


135 Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay pinakadakila. Walang Diyos kundi si Allah; tanging Siya lamang,


wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at


bumabawi Siya ng buhay. Siya sa bawat bagay ay makapangyarihan. Walang Diyos kundi si Allah, tanging Siya


lamang. Tinupad Niya ang pangako Niya. Pinagtagumpay Niya ang Lingkod Niya. Ginapi nang mag-isa ang


mga magkakampi [laban sa Islam].


136 Isang pagpunta sa Safá galing ng Marwah o sa Marwah galing ng Safá.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


74


karaniwang damit niya, at kumalas sa ihrám. Kapag dumating ang ika-8 ng Dhulhijjah ay


magsasagawa ng ihrám muli sa tinitigilan bago sumapit ang saláh sa dhuhr para naman sa


hajj. Gagawin ang lahat ng ginawa sa pagsasagawa ng ihrám para sa ‘umrah. Pagkatapos


ay ipahahayag ang hangaring magsagawa ng hajj habang nagsasabi ng:





Labbayka hajja, labbayka lá sharíka laka labbayk, inna lhamda


wa nni‘


mata


laka wa lmulka


lá sharíka lak.137


Pagkatapos ay dadasalin ang dhuhr, ang ‘asr, ang ‘ishá’, ang maghrib, at ang fajr sa Miná


nang pinaikli. (Ang maghrib at ang fajr ay hindi pinaiikli.)


Ang Ikawalong Araw ng Dhulhijjah


Pupunta sa Mina ang nagsasagawa ng hajj at dadasalin doon ang dhuhr, ang ‘asr, ang


maghrib, ang ‘ishá’, at ang fajr. Paiikliin doon sa dalawang rak‘ah ang mga saláh na apatang


rak‘ah at dadasalin ng tigalawang rak‘ah.


Ang Ikasiyam na Araw ng Dhulhijjah o ang Araw ng ‘Arafah


Itinatagubilin sa araw na ito ang sumusunod:


1. Matapos sumikat ang araw, pupunta sa ‘Arafah ang nagsasagawa ng hajj, mananatili


roon hanggang sa bago lumubog ang araw, at dadasalin ang dhuhr at ang ‘asr na jam‘


(pinaiksi) at qasr (pinagsama) kapag lumampas na ang araw sa katahanghaliang tapat.


Pagkatapos ng saláh ay tutuuon sa pagsambit ng dhikr, du‘á’, at talbiyah. Sunnah na


damihan ang pananalangin at ang pagsusumamo kay Allah. Hihiling kay Allah para


sa sarili at para sa mga kapwa Muslim. Mananalangin ng anumang naisin. Kaibig-ibig


ang pag-aangat ng mga kamay sa sandali ng pagdalangin. Ang wuqúf (pananatili) sa


‘Arafah ay isa sa mga sandigan ng hajj. Ang sinumang hindi nanatili sa ‘Arafah ay hindi


magiging tumpak ang hajj niya. Ang panahon ng pananatili sa ‘Arafah ay mula nang


sumikat ang araw ng ika-9 araw [ng Dhulhijjah] hanggang sa bago sumapit ang madalingaraw


ng ika-10 araw. Ang sinumang nanatili sa loob ng yugtong iyon sa ‘Arafah sa


gabi man o araw ay nalubos na niya ang hajj niya. Kailangan para sa nagsasagawa ng


hajj na tiyakin niya na siya ay nasa loob ng ‘Arafah.


2. Kapag natiyak ang paglubog ng araw sa araw ng ‘Arafah, pupunta sa Muzdalifah nang


may kapanatagan at kahinahunan habang itinataas ang tinig sa pagbigkas ng talbiyah.


Sa Muzdalifah


Pagdating sa Muzdalifah ay magdadasal ng pinagsamang saláh na maghrib at ‘ishá’


at paiiksiin sa dalawang rak’ah ang ‘ishá‘. Pagkatapos ng saláh ay maaari nang ihanda


ang anumang naisin gaya ng pagkain at iba pa. Mabuting matulog nang maaga upang


magising na masigla para sa saláh sa fajr.


Ang Ikasampung Araw ng Dhulhijjah


137 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa ng hajj, bilang pagtugon sa panawagan Mo, wala Kang


katambal, bilang pagtugon sa panawagan Mo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang


paghahari; wala Kang katambal.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


75


1. Kapag dumating ang oras ng saláh sa fajr ay dadasalin ito. Pagkatapos ay mananatili


sa kinaroroonan niya. Dadamihan ang pagsambit ng dhikr at du‘á’ hanggang sa magliwanag


nang lubos [bago sumikat ang araw].


2. Mamumulot ng pitong munting bato. Pagkatapos ay pupunta sa Miná habang sumasambit


ng talbiyah.


3. Magpapatuloy sa pagsambit ng talbiyah hanggang sa sumapit sa Jamrah al‘Aqabah


(alJamrah alKubrá).138 Magsisimula sa pagbato (ramy) ng pitong munting bato nang


isa-isa at magsasabi ng Alláhu akbar kasabay ng bawat pagbato.


4. Pagkatapos ng ramy ay mag-aalay ng hady kung nagsasagawa ng hajj na tamattu‘ o


qirán. Kaibig-ibig para sa nagsasagawa ng hajj na kumain ng bahagi nito at ipamigay


at ikakawanggawa.


5. Matapos na maialay ang hady ay ipaaahit ang buong ulo o paiiksian ang buhok sa buong


ulo ngunit ang ipaahit ay higit na mainam. Ang mga babae naman ay magpapaputol


lamang ng mga isang pulgada (mga tatlong sentemetro) [sa dulo ng buhok].


Pagkatapos nito ay ipinahihintulot na sa nagsasagawa ng hajj ang ipinagbabawal dati


sa sandali ng ihrám gaya ng pagsusuot ng karaniwang kasuutan, paggamit ng mabangong


bagay, pagpuputol ng mga kuko, at pag-aalis ng buhok subalit mananatiling ipinagbabawal


ang pagtatalik hanggang sa isasagawa ang tawáf al’ifádah (tawáf para sa hajj).


Kaibig-ibig para sa kanya pagkatapos nito na maligo, maglinis, gumamit ng mabango


bagay, at magsuot ng karaniwang damit niya.


6. Pupunta sa alMasjid alHarám upang isagawa ang tawáf ng hajj (tawáf al’ifádah).139 Iikot


ng pitong ulit sa palibot ng Ka‘bah. Magdarasal ng dalawang rak‘ah pagkatapos niyon.


Pagkatapos ay dadako sa Mas‘á at magsasagawa ng pitong shawt sa Safá at Marwah.


Ito ay kapag nagsasagawa ng hajj na tamattu‘. Kung nagsasagawa naman ng hajj na


qirán o ifrád at nakapagsagawa na ng sa‘y kasama ng tawáf alqudúm (tawáf ng pagdating),


siya ay hindi na nangangailangang magsagawa ng [ikalawang] sa‘y. Matapos


ang sa‘y ay nagwawakas na ang mga ipinagbabawal sa sandali ng ihrám kaya ipinahihintulot


na sa kanya ang bawat bagay na dating ipinagbabawal dahilan sa ihrám.


7. Kakailanganin ng nagsasagawa ng hajj na magpagabi sa Miná sa gabi ng ika-11 at


ika-12 [ng Dhulhijjah] (at ika-13 para sa sinuamng magpapahuli).140 Ang pagpapagabi


ay ang manatili sa Miná sa loob ng higit na malaking bahagi ng gabi.


Ang nabanggit na pagkakasunod-sunod ng ramy, pagkatapos ay hady, pagkatapos ay


pagpapaahit [o pagpapaiksi ng buhok sa ulo], pagkatapos ay tawáf para sa hajj ay sunnah.


Kung uunahin ang ilan sa mga ito sa iba sa mga ito ay walang masama.


Ang Ikalabing-isang Araw ng Dhulhijjah


Sa araw na ito ay kinakailangan ng nagsasagawa ng hajj ang magsagawa ng ramy sa


tatlong Jamrah. Sinisimulan ang ramy mula sa paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat at


hindi ipinahihintulot bago niyon. Magwawakas ito sa pagsapit ng madaling-araw ng kasunod


na araw. Magsisimula sa pagsasagawa ng ramy sa alJamrah asSughrá, pagkatapos ay sa


138 Ang jamrah o aljamrah ay ang lugar ng pinagsasagawaan ng ramy.


139 Sa tawáf al’ifádah ay walang idtibá‘ at walang raml.


140 Sa kalendaryo ng Islam ang araw at petsa ay nagpapalit sa paglubog ng araw at hindi sa hatinggabi. Nagsisimula


ang gabi paglubog na paglubog ng araw at nagsisimula ang araw (day) pagsapit ng madaling araw.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


76


alJamrah alWustá, at pagkatapos ay sa alJamrah alKubrá sa anumang oras matapos ang


katanghaliang-tapat. Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng ramy ay ganito:


1. Magdadala ng 21 munting bato. Pagkatapos ay pupunta sa alJamrah asSughrá at babatuhin


ito ng pitong munting bato habang nagsasabi ng Alláhu akbar sa bawat pagbato


kalakip ng pagsisikap na pabagsakin ang mga bato sa sahuran ng bato.141 Ibabato ang


mga bato nang isa-isa. [Matapos bumato,] sunnah na dumako nang kaunti sa gawing


kanan at pagkatapos ay tatayo at dadalangin nang matagal.


2. Pagkatapos niyon ay pupunta sa alJamrah alWustá at babatuhin ito ng pitong munting


bato nang isa-isa habang nagsasabi ng Alláhu akbar sa bawat pagbato. Pagkatapos ay


sunnah na dumako sa dakong kaliwa at pagkatapos ay tatayo at dadalangin nang matagal.


3. Pagkatapos nito ay pupunta sa alJamrah alKubrá at babatuhin ito ng pitong munting


bato [nang isa-isa] habang nagsasabi ng Alláhu akbar sa bawat pagbato. Pagkatapos


ay aalis at hindi na mananatili.


Ang Ikalabindalawang Araw ng Dhulhijjah


1. Gagawin ang tulad sa ginawa noong ika-11 araw.


Kung ang nagsasagawa ng hajj ay nagnanais na magpahuli at manatili hanggang sa


ika-13 ― at ito ang pinakainam ― gagawin niya sa araw na iyon ang tulad sa ginawa


niya noong ika-11 at ika-12.


2. Matapos ang ramy sa ika-12 o ika-13 ― para sa sinumang nagpahuli ― pupunta ang


nagsasagawa ng hajj sa alMasjid alHarám para isagawa ang tawáf alwadá‘142 (tawáf


ng pamamaalam) na pitong ikot sa palibot ng Ka‘bah. Pagkatapos ay sunnah na magdasal


ng dalawang rak‘ah sa likod ng Maqám Ibráhím kung magagawa iyon o sa alinmang


bahagi ng alMasjid alHarám. Palalampasin ang tawáf na ito sa babaing nireregla o


dinurugo sanhi ng panganganak (nifás). Ipinahihintulot sa mga nagsasagawa ng hajj na


ipagpaliban nila ang naunang nabanggit na tawáf al’ifádah [na iyon] hanggang sa araw


na ito at makasasapat na iyon sa kanila bilang kapalit ng tawáf alwadá‘. Kaya kung


sakaling ipinagpaliban ang tawáf al’ifádah hanggang sa araw na ito, pinapayagan din


naman subalit maglalayon ng pagsasagawa ng tawáf al’ifadah at hindi ng tawáf alwadá‘.


3. Pagkatapos niyon ay kinakailangan sa nagsasagawa ng hajj na hindi na siya magpapakaabala


ng anuman bagkus ay lalabas siya ng Makkah habang sinasamantala ang oras


niya sa pagsambit ng dhikr at du‘á’ at pakikinig sa anumang ng mapakikinabangan.


Wala ring masama sa pananatili sa loob ng panahong hindi matagal matapos ang tawáf:


halimbawa ay maghihintay siya sa mga kasamahan niya o magbubuhat ng mga daladalahan


niya o bibili ng kakailanganin niya sa daan at tulad niyon.


Ang mga Rukn o Sandigan ng Hajj


1. Ang Ihrám;


2. Ang Pananatili sa ‘Arafah;


3. Ang Tawáf al’Ifádah;


141 Uulitin ang pagbato para sa bawat batong hindi bumagsak sa sahuran. Ang mahalaga sa paghahagis ng


bato ay ang pabagsakin ang bato sa sahuran at hindi ang patamaan ang haligi sapagkat ito ay palatandaan


lamang kung nasaan ang kalagitnaan ng sahuran.


142 Sa tawáf alwidá‘ at tawáf al’ifádah ay walang idtibá‘ at walang raml.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


77


4. Ang Sa‘y.


Ang sinumang may nakaligtaang gawin na anuman sa mga sandigan na ito ay


hindi magiging tumpak ang hajj niya.


Ang mga Wájib o Tungkulin sa Hajj


1. Ang pagsasagawa ng ihrám sa míqát;


2. Ang pagtigil (wuqúf) sa ‘Arafah hanggang sa lumubog ang araw para sa mga


nagsitigil doon sa araw;


3. Ang pagpapagabi sa Muzdalifah hanggang sa madaling araw hanggang sa


magliwanag ang langit ngunit bago tuluyang sumikat ang araw, maliban sa mga may


mahihinang pangangatawan at mga kababaihan sapagkat pinahihintulutan silang


manatili hanggang sa hatinggabi.


4. Ang pagpapagabi sa Miná sa mga gabi ng tashríq;143


5. Ang pagsasagawa ng ramy sa mga araw ng tashríq;


6. Ang pagpapagupit o pagpapaahit ng buhok;


7. Ang pagsasagawa ng tawáf alwidá‘.


Ang sinumang may nakaligtaang gawin na anuman lamang sa mga wájib na ito


ay kailangang mag-alay ng hayop: magkakatay ng isang tupa [o kambing] para sa


isang tao, o isang baka o isang kamelyo para sa pitong tao para ipamigay sa mga


maralita sa Haram.144


Ang Pagdalaw sa Masjid ng Propeta (SAS)


Kaibig-ibig ang pagdalaw sa Masjid ng Sugo ni Allah (SAS) upang magsagawa ng saláh


doon. Iyon ay dahil nasaad [sa Hadíth] na ang saláh doon ay higit na mainam kaysa sa isang


libong saláh na isinasagawa sa ibang masjid maliban sa alMasjid alHarám. Ang pagdalaw


sa masjid na ito ay itinatagubilin sa buong taon at wala itong takdang panahon at hindi ito


bahagi ng hajj. Habang ang isang Muslim ay nasa Masjid na ito pa, kaibig-ibig na dalawin


ang libingan ng Propeta (SAS) at ng dalawang Kasamahan niya na sina Abú Bakr at ‘Umar


― kasiyahan nawa sila ni Allah. Ang pagdalaw sa mga libingan ay ukol lamang sa mga


lalaki at hindi sa mga babae. Hindi ipinahihintulot sa isa man ang paghipo sa anumang bahagi


ng silid ng Propeta (SAS) [upang ipamahid sa katawan], o ang tawáf sa palibot nito, o ang


pagharap dito sa sandali ng pananalangin.


أحكام اَلأطعمة


143 Ang ika-11, ika-12, at ika-13 ng Dhulhijjah. Sa kalendaryo ng Islam ang petsa ay nagpapalit paglubog ng araw,


hindi sa hatinggabi. Nagsisimula ang gabi paglubog ng araw at ang araw (day) pagsapit ng madaling-araw.


144 Ang lugar sa palibot ng alMasjid alHarám na nakapalibot sa Ka‘bah. May takdang hangganan ito.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


78


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


Ipinag-utos ni Allah sa mga lingkod Niya ang pagkain ng mga mabuting bagay at


ipinagbawal Niya sa kanila ang mga masamang bagay. Sinabi Niya (2:172):





O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa anumang mga mabuting bagay


na itinustos Namin sa inyo.


Ang pangkalahatang panuntunan sa pagkain ay ang pagpapahintulot maliban sa [ilang]


ipinagbawal. Si Allah ay nagpahintulot sa mga mananampalatayang lingkod Niya ng mga


mabuting bagay upang makinabang sila sa mga ito. Hindi ipinahihintulot na gumamit ng


mga biyaya ni Allah para sa pagsuway. Nilinaw nga ni Allah sa mga lingkod Niya ang


ipinagbawal Niya sa kanila na mga pagkain at mga inumin. Sinabi Niya (6:119):





samantalang puspusang nilinaw na Niya sa inyo ang ipinagbawal Niya sa


inyo, maliban doon sa napilitan kayo?


Kaya ang anumang hindi nilinaw ang pagbabawal, ito ay halál (ipinahihintulot ni Allah).


Nagsabi naman ang Propeta (SAS):





Tunay na si Allah ay nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya huwag ninyong


ipagpawalang-bahala ang mga ito, nagtakda ng mga hangganan kaya huwag


ninyong lampasan ang mga ito, nagbawal ng ilang bagay kaya huwag ninyong


labagin ang mga ito, nanahimik sa ilang bagay bilang awa sa inyo hindi sanhi


ng pagkalimot kaya huwag na kayong mag-usisa tungkol sa mga ito. (Isinalaysay


ito ni Imám atTabaráníy.)


Kaya ang lahat ng hindi nilinaw ni Allah o ng Sugo Niya (SAS) ang pagbabawal gaya


ng mga pagkain, mga inumin, at mga kasuutan ay hindi ipinahihintulot na ipagbawal. Ang


patakaran ay na ang bawat pagkain na táhir na hindi nakapipinsala ay ipinahihintulot, na


taliwas naman sa mga pagkaing najis145 gaya ng hayop na patay, dugo, alak, sigarilyo, at


bagay na nahaluan ng najis sapagkat ang mga ito ay ipinagbabawal dahil nakasasama at


nakapipinsala. Ang hayop na patay na ipinagbabawal ay ang naalisan ng buhay nang hindi


[sumasailalim] sa pagkakatay na tanggap sa Islam. Ang dugo [na ipinagbabawal] ay ang


dugong ibinububo palabas sa kinakatay. Ang dugo namang naiiwan sa loob ng karne matapos


katayin at ang dugong natitira sa mga ugat ay ipinahihintulot.


Ang mga ipinahihintulot na pagkain ay nasa dalawang uri: mga hayop at mga halaman.


Ipinahihintulot mula sa mga ito ang anumang walang dulot na pinsala. Ang mga hayop ay


nasa dalawang uri: mga hayop na nabubuhay sa lupa at mga hayop na nabubuhay sa dagat.


Ang hayop na nabubuhay sa dagat ay halál sa kalubusan at hindi humihiling para rito ng


pagkatay [ayon sa Islam] yamang ipinahihintulot [pati] ang hayop na patay ng dagat. Ang


145 Ang táhir ay ang itinuturing na malinis sa Islam at ang najis naman ay ang itinuturin na marumi sa Islam.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


79


mga hayop na nabubuhay sa lupa ay ipinahihintulot maliban sa ilang uri na ipinagbawal


ng Islam. Ang mga ito ay ang sumusunod:


1. Ang asno na inaalagaan,


2. Ang may pangil na ipinansisila, maliban sa hyena.


Ang mga ibon ay ipinahihintulot, maliban sa sumusunod:


1. Ang may kukong ipinandadagit. Nagsabi si Ibnu ‘Abbás (RA):





Ipinagbawal ng Sugo ni Allah (SAS) ang bawat may pangil na kabilang sa mga


mabangis na hayop at ang bawat may kukong ipinaninila na kabilang sa mga


ibon. (Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 1934.)


2. Ang kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, at uwak dahil sa pagkarimarim ng


kinakain nito.


Ipinagbabawal ang pinandidirihan gaya ng ahas, daga, at mga kulisap [maliban sa balang].


Ang iba pa sa nabanggit na mga hayop at mga ibon ay halál gaya ng kabayo, hayupan,146


manok, asnong ligaw, dabb,147 usa, ostritch, kuneho, at iba pa. Hindi kabilang sa mga ito


ang jallálah: ang hayop na bagaman halál ngunit ang karamihan sa kinakain ay najis.


Ipinagbabawal kainin ang jallaláh hanggang hindi ito ikinukulong nang tatlong araw at


pinakakain ng pagkaing táhir lamang.148


Makrúh149 ang pagkain ng sibuyas, bawang, at mga gaya nito na may masamang amoy


kapag papasok sa masjid. Ang sinumang mapipilitang kumain ng pagkaing ipinagbabawal,


dahil pinangangambahan ang kapinsalaan kung hindi kakain nito, ay pinahihintulutan [na


kumain anumang] makapagpapanatili ng buhay niya150 maliban sa lason.


Ang sinumang mapadaan sa mga bungang-kahoy sa isang pataniman na nasa punongkahoy


nito o naglaglagan sa mga ito at walang anumang nakabakod sa mga ito at wala ring


nakabantay, ipinahihintulot sa kanya na kumain mula rito ngunit hindi siya magdadala ng


anuman mula roon. Wala siyang karapatang umakyat sa punong-kahoy ni mambabato ng


anuman ni kumain mula sa nakatumpok na bunga malibang bunsod ng pangangailangan.


Ang mga Alituntunin sa Pagkakatay


Tunay na bahagi ng kundisyon ng pagiging halál ng hayop na panglupa ay ang pagiging


nakatay nito ayon sa Batas ng Islam. Ang pagkakatay ayon sa Islam ay ang pagkakatay


ng panglupang kinakaing hayop sa pamamagitan ng paglalaslas sa lalamunan (daanan ng


hangin papuntang baga) at esopago (daanan ng pagkain at inumin), o [sa pamamagitan ng]


pagsusugat sa [alinmang bahagi ng katawan ng hayop na] mahirap [katayin]. Hindi magiging


halál ang anumang bahagi ng hayop na makakaya namang katayin ngunit hindi kinatay


[ayon sa Islam] dahil ang hindi kinatay ay hayop na patay.151


146 Mga inaalagaang hayop na kumakain ng damo gaya baka, kalabaw, kambing, kamelyo, at iba pa.


147 Isang uri ng iguana o kabilang sa uring iguana na naninirahan sa disyerto ng Arabia. Hindi ito bayawak.


148 Hayop na hindi nakakulong at hinayaang gumala-gala kaya naman nakakakain ng marumi at najis.


149 Hindi harám ngunit hindi rin kanais-nais. Hindi nagkakasala ang gumagamit o ang gumagawa ng makrúh.


150 Halimbawa: kung walang makain kundi baboy at baka ikamatay ang hindi pagkain nito.


151 Namatay nang hindi sadyaang kinatay.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


80


Mga Kundisyong Hinihiling Para sa Pagkakatay


1. Ang kaangkupan ng tagapagkatay. Siya ay may lubos na pag-iisip na may makalangit


na relihiyon gaya ng Muslim o Kristiyano o Hudyo. Kaya naman hindi ipinahihintulot


ang kinatay ng isang baliw o isang lango152 o isang batang hindi pa tumuntong sa sapat


na gulang dahil hindi magiging tanggap sa mga ito ang layunin na magkatay dahil sa


kawalan ng kalubusan ng pag-iisip nila. Hindi rin magiging halál ang kinatay ng isang


Káfir na pagano o Mazdaista153 o sumasamba sa patay.


2. Ang pagkakaroon ng kagamitan. Ipinahihintulot ang pagkatay sa pamamagitan ng bawat


matalas [na bagay] na nakapagpapadanak ng dugo dahil sa katalasan, maging ito man


ay yari sa bakal o yari sa bato o iba pa rito, maliban sa ngipin, buto, at kuko sapagkat


hindi ipinahihintulot ang magkatay sa pamamagitan ng mga ito.


3. Ang paglalaslas ng lalamunan na siyang daanan ng hangin papuntang baga, ng esopago


na siyang daanan ng pagkain at inumin, at ng isa sa dalawang malaking ugat sa leeg.


Ang katwiran sa pagtatakda sa bahaging ito at sa pagputol sa mga bagay na ito higit


sa lahat ay alang-alang sa paglabas ng dugo dahil ang bahaging ito ay tagpuan ng mga


pangunahing ugat at dahil sa iyon ay pinakamabilis sa pagkitil ng buhay, kaya naman


ito ay higit na kaaya-aya para sa karne at higit na maginhawa para sa hayop.


Ang anumang hindi magawang katayin sa bahaging nabanggit dahil sa kawalan ng


kakayahang magawa iyon gaya ng sa mailap na hayop at tulad nito, ang pagkatay rito


ay sa pamamagitan ng pagsusugat sa alinmang bahagi ng katawan nito. Ang hayop na


mamatay gaya ng nasakal, hinambalos (pinalo ng isang mabigat na bagay), nalaglag


(bumagsak mula sa mataas na bagay), sinuwag, at anumang sinila ng hayop na naninila,


ito ay ipinahihintulot kainin sa kundisyon na naabutan ito habang may natitirang buhay


pa at makakatay pa.


4. Na magsasabi ang tagapagkatay ng bismi lláh


bago magkatay. Sunnah na sabihin ang


Alláhu akbar kasama ng bismi lláh.


Mga Kaasalan sa Pagkakatay


1. Makrúh na katayin ang hayop ng mapurol na kasangkapan.


2. Makrúh na hasain ang kasangkapan habang ang hayop ay nakatingin.


3. Makrúh na iharap ang hayop sa iba pa sa Qiblah.


4. Makrúh na baliin ang leeg nito o balatan ito bago tuluyang namatay.


Ang sunnah ay na katayin ang baka at ang tupa [o kambing] habang nakahiga sa kaliwang


tagiliran nito at ang kamelyo habang nakatayong nakagapos ang kaliwang kamay nito. Si


Allah ay higit na nakaaalam.


Ang Pangangaso


Ipinahihintulot ang pangangaso kapag ito dahil sa pangangailangan, samantalang kapag


para naman sa paglilibang at paglalaro, ito ay makrúh. Ang hayop na mailap, matapos matamaan


at mahuli ito, ay may dalawang kalagayan:


1. Na maaabutan ito habang ito ay may buhay pa kaya ito ay kailangang katayin;


152 Lasing sa alak o bangag sa gamot.


153 Mago ang isa pang tawag sa isang Mazdaista na kaanib ng Mazdaismo. Ang relihiyong Mazdaismo ay isang


anyo ng Zoroasterianismo, ang relihiyong itinatag ni Zoroaster o Zarathustra na Persiano. Ang Tagapagsalin.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


81


2. Na maaabutan ito na namatay na o buhay nga ngunit nag-aagaw-buhay na at ito ay


magiging halál pa rin sa kalagayang ito [kahit hindi nakatay].


Isinasakundisyon para sa nangangaso ang isinasakundisyon para sa nagkakatay:


1. Na siya ay may lubos na pag-iisip, isang Muslim o isang Kristiyano o isang Hudyo.


Kaya naman hindi magiging halál para sa Muslim na kumain mula sa ipinangaso ng


isang baliw o isang lasing ni sa ipinangaso ng isang Mazadista o isang pagano at tulad


nila na mga Káfir.


2. Isinasakundisyon sa kasangkapan na ito ay pinatalas, na nakapagpapadanak ng dugo at


hindi gawa sa kuko ni ngipin (lahat ng mga uri ng mga buto), na susugatan ang pinangangaso


sa pamamagitan ng katalasan niyon hindi ng kapurulan niyon. Ang mga ipinangangasong


hayop gaya ng mga aso at mga ibon na ipinangangaso ay ipinahihintulot


kainin ang pinatay ng mga ito na hayop na pinangagaso kapag ang mga ito ay turuan.


Turuan ang hayop kung kapag pinawalan ito ay humahayo ito at kapag nakakuha ito


ng hayop ay pinipigilan nito iyon para sa may-ari nito hanggang sa pumunta siya rito


at hindi nito pinipigilan iyon para sa sarili nito.


3. Na pawawalan ang sandata habang naglalayong patamaan ang hayop. Kaya kung nalaglag


ang sandata mula sa kamay at nakapatay ito ng isang hayop, hindi magiging halál


[ang tinamaan] dahil sa kawalan ng layuning patamaan iyon. Ganoon din naman kung


kumawala nang saganang sarili ang aso at nakapatay ng isang hayop, hindi magiging


halál [ang napatay] dahil sa hindi pagpapawala rito ng may-ari nito at kawalan ng layunin


niya. Ang sinumang tumudla sa isang hayop ngunit tumama sa iba roon o nakapatay


ng isang pangkat ng mga hayop, magiging halál pa rin ang tinamaan.


4. Ang pagsambit ng ngalan ni Allah sa pagpapawala ng bala o nangangasong hayop sa


pamamagitan ng pagsabi ng bismi lláh


at sunnah na sabihin kasama nito ang Alláhu


akbar.


Paalaala


Ipinagbabawal ang pag-aalaga ng aso ayon sa layuning iba sa ipinahintulot ng Sugo


ni Allah (SAS). Ito ay isa sa tatlong bagay: para sa pangangaso o para sa pagbabantay ng


mga alagang hayop o para sa pagbabantay ng mga pananim.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


82


أحكام اَللباس


Ang mga Alituntunin sa Kasuutan


Ang Islam ay Relihiyon ng kagandahan at kalinisan. Ipinahintulot nga nito sa Muslim


ang paglabas sa anyong kaaya-aya na maganda at inudyukan iyon. Nilikha na ni Allah


― kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya ― ang mapagkukunan ng pantakip at


gayak na kasuutan. Nagsabi si Allah:





O mga anak ni Adan, nagbaba Kami sa inyo ng kasuutan na ibabalot sa kahubaran


ninyo at bilang gayak, ngunit ang pagsuot ng pangingilag sa pagkakasala,


iyan ay higit na mabuti. Iyan ay kabilang sa mga tanda ni Allah, nang


harinawa sila ay mag-alaala. (Qur’an 7:26.)


Ang pangkalahatang panuntunan sa kasuutan ay halál ito maliban sa [ilang] may nasaad na


maliwanag na teksto kaugnay sa pagbabawal niyon. Hindi nagtakda ang Islam ng isang partikular


na uri ng kasuutan na nararapat isuot maliban pa sa pagtatalalaga ng mga patakarang


kinakailangang taglayin sa kasuutan ng Muslim. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:


1. Na ito ay nakatatakip sa ‘awrah at hindi nagbibigay-hugis rito;


2. Na ito ay hindi kabilang sa isinusuot para magpakawangis sa mga Káfir o sa mga nakilala


sa paggawa ng mga nakasasama;


3. Na ito ay walang pagsasayang.


Kaya kapag tinaglay ang tulad sa mga panuntunang ito sa isinusuot ay maisusuot ng


tao ang anumang nababagay sa pangangailangan niya at kaugalian ng lipunan niya. Kabilang


sa mga bagay na nasaad ang pagbabawal sa mga iyon kaugnay sa kasuutan ay ang


sumusunod:


1. Ang pagsusuot ng seda at ginto sa panig ng mga lalaki. Tungkol naman sa mga babae,


ipinahihintulot sa kanila iyon. Iyon ay batay sa Hadíth na iniulat ni ‘Alíy ibnu Abí


Tálib (RA) na ang Propeta (SAS) ay kumuha ng isang seda at inilagay niya ito sa


kanang kamay niya at kumuha ng isang ginto at inilagay niya sa kaliwang kamay niya.


Pagkatapos ay nagsabi siya:





Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko. (Isinalaysay


ito nina Imám anNasá’iy, Imám Abú Dáwud, at Imám Ibnu Májah.)


Subalit walang masama na magsusuot ng lalaki ng singsing na pilak o magsuot ng may


pilak na kabilang sa kinasasanayan ng mga lalaki na isuot.


2. Ang pagsusuot ng anumang may mga larawan ng mga may kaluluwa. Kaya naman hindi


ipinahihintulot sa Muslim na magsuot ng kasuutang may larawan ng tao o hayop, maging


iyon man ay sa mga damit o mga alahas o iba pa sa mga ito na isinusuot. Ayon kay


‘Á’ishah, siya ay bumili ng isang almohadon na may mga larawan at noong nakita ito ng


Sugo ni Allah (SAS) ay tumayo iyon sa pinto at hindi pumasok. Sinabi niya: “Kaya


nabatid ko sa mukha niya ang pagkasuklam kaya nagsabi ako: O Sugo ni Allah,


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


83


nagbabalik-loob ako kay Allah at sa Sugo ni Allah; ano ang ipinagkasala ko?” Kaya


nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):





Ano ang saysay ng almohadong ito?


Kaya sinabi ko: “Binili ko ito para sa iyo upang upuan mo ito at ipang-unan mo ito.”


Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):





Tunay na ang mga gumagawa ng mga larawang ito ay pagdurusahin sa Araw


ng Pagbangon at sasabihin sa kanila: Bigyang-buhay ninyo ang nilikha


ninyo. Pagkatapos ay nagsabi pa siya: Tunay na ang bahay na sa loob nito ay


may mga larawan ay hindi ito papasukin ng mga anghel. (Muttafaq ‘alayhi:


2105, 2107.)


3. Kabilang sa ipinagbabawal sa mga lalaki ay ang pagpapalampas sa bukungbukong ng


mga damit sapagkat ayon kay Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni


Allah (SAS):





Ang anumang lumampas sa mga bukungbukong mula sa pang-ibabang


kasuutan ay sa Impiyerno. (Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy: 5787.)


Ito ay isang pagbabawal sa pagpapahaba [nang labis] ng thawb o salawal o pantalon o


balabal. Hindi ito laan laman sa sinumang gumawa niyon bunsod ng kapalaluan. Ang


sinumang gumawa niyon bunson ng kapalaluan at pagmamalaki, ang banta laban sa


kanya ay higit na matindi. Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo


ni Allah (SAS):





Ang sinumang kumakaladkad ng damit niya [na sayad sa lupa] bunsod ng


kapalaluan ay hindi titingin si Allah sa kanya sa Araw ng Pagbangon.


(Muttafaq ‘alayhi: 2085, 3665.)


Tungkol naman sa babae, kinakailangan sa kanya na magpahaba ng kasuutan niya hanggang


sa matakpan niya ang mga paa niya.


4. Hindi ipinahihintulot ang pagsusuot ng manipis na hindi nakatatakip sa ‘awrah o ng


masikip na naglalarawan sa hubog nito, maging sa mga lalaki man o mga babae.


5. Ipinagbabawal ang pagpapakawangis ng mga babae sa mga lalaki at ang pagpapakawangis


ng mga lalaki sa mga babae sapagkat ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA) na nagsabi:





Isinumpa ng Sugo ni Allah (SAS) ang mga nagpapakawangis na mga lalaki


sa mga babae at ang mga nagpapakawangis na mga babae sa mga lalaki. (Isinalaysay


ito ni Imám alBukháríy: 5885.)


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


84


6. Ipinagbabawal din ang pagpapakawangis sa mga Káfir sa kasuutan nila kaya naman


hindi ipinahihintulot sa Muslim na magusot ng mga kasuutang natatangi sa mga Káfir


sapagkat ayon kay ‘Abdulláh ibnu ‘Amr ibni al‘Áss na nagsabi: Nakita ako ng Sugo


ni Allah (SAS) na nakasuot ng dalawang [pirasong] damit na kinulayan ng dilaw kaya


nagsabi siya:





Tunay na ito ay kabilang sa mga damit ng mga Káfir kaya huwag mong


isuot ito. (Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 2077.)


Ilan sa mga Sunnah ng Pagsusuot at mga Kaasalan Nito


1. Kabilang sa mga sunnah na nararapat sa Muslim na isagawa ay pagdalangin sa pagsuot


ng bagong damit. Iyon ay dahil sa naisalaysay ni Abú Sa‘íd alKhudríy (RA) na nagsabi:


Ang Sugo ni Allah (SAS) noon, kapag nagsuot ng isang bagong damit, ay bumabanggit


sa pangalan nito, na maaaring isang kamisa o isang turban. Pagkatapos ay nagsasabi:





Alláhumma laka -lhamdu anta kasawtaníhi, as’aluka min khayrihi wa khayri


má suni‘a lahu, wa a‘údhu bika min sharrihi wa sharri má suni‘a lahu.


O Allah, ukol sa Iyo ang papuri; Ikaw ay nagpadamit sa akin nito. Humihingi


ako sa Iyo ng kabutihan nito at kabutihan ng pagkagawa nito, at nagpapakupkop


ako sa Iyo laban sa kasamaan nito at kasamaan ng pagkagawa nito.


(Isinalaysay ito ni Abú Dáwud: 4020.)


2. Sunnah na magsimula sa kanan sa pagsuot ng damit. Iyan ay dahil sa nasaad ayon kay


‘Á’ishah (RA) na nagsabi:





Ang Propeta (SAS) noon ay maiibigin sa pagsisimula sa kanan sa abot ng makakaya


niya kaugnay sa lahat ng gawain niya: sa paglilinis niya, pagsusuklay


niya, at pagsusuot niya ng sapin sa paa. (Muttafaq ‘alayhi: 426, 268.)


Gayon din kapag nagsuot siya ng sapin sa paa, nagsisimula siya sa kanan. Kapag inalis


niya, nagsisimula siya sa kaliwa. Iyon ay ayon sa isinalaysay ni Abú Hurayrah (RA)


na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):





].5495 ، عليه: 5855


Kapag nagsuot ng sapin sa paa ang isa sa inyo ay magsimula siya sa kanan.


Kapag hinubad niya ay magsimula siya sa kaliwa. Isuot niya ang dalawang


ito na magkasama o alisin niya ang dalawang ito na magkasama. (Muttafaq


‘alayhi: 5855, 5495.)


Nasaad din sa Hadíth ang pagbabawal sa paglalakad na nakasuot ng iisang sapin sa paa.


3. Sunnah din na pangalagaan ng isang Muslim ang kalinisan ng mga damit niya at katawan


niya at bibigyang-pansin niya ang pagiging táhir ng mga ito. Ang kalinisan ay


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


85


saligan ng bawat gayak at magandang anyo. Naghihikayat ang Islam sa kalinisan at


pangangalaga sa kalinisan ng katawan at kasuutan.


4. Kaibig-ibig na magsuot ng mga puting damit ayon sa Hadíth na isinalaysay ni Ibnu


‘Abbás (RA) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):





Magsuot kayo ng mga puting damit ninyo sapagkat tunay na ito ay kabilang


sa higit na mabuti sa mga damit ninyo at balutin ninyo sa mga ito ang mga


patay ninyo. (Isinalaysay ito ni Abú Dáwud: 915.)


Gayon pa man, lahat ng kulay ay ipinahihintulot.


5. Ang moderasyon at ang pagkakatamtaman sa mga uri ng kausutan at gayak na ipinahihintulot.


Nagsabi si Allah (25:67):





Sila ang mga kapag gumugol ay hindi nagmamalabis at hindi nagkukuripot


at laging nasa pagitan niyon: katamtaman.


Nagsabi naman ang Sugo ni Allah (SAS), gaya ng naiulat ayon kay Imám alBukháríy:





Kumain kayo, uminom kayo, magsuot kayo, at magkawanggawa kayo nang


walang pagpapalabis ni pagpapalalo.


أحكام اَلنكاح


Ang mga Alituntunin sa Pag-aasawa


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


86


Ang mga Kondisyon sa Pag-aasawa


1. Ang Pagsang-ayon ng Lalaki at Babae. Hindi tumpak na pilitin ang lalaking báligh


at ‘áqil154 na magpakasal sa sinumang hindi niya ninanais at hindi tumpak na pilitin ang


babaing báligh at ‘áqil na magpakasal sa sinumang hindi niya ninanais. Ipinagbawal ng


Islam na ipakasal ang babae nang walang pagsang-ayon niya. Kapag tumanggi siyang


magpakasal sa isang lalaki, hindi ipinahihintulot sa isa man na pilitan siya roon, kahit


pa ng ama niya.


2. Ang Pagkakaroon ng Walíy.155 Hindi tumpak ang kasal na walang walíy [ang babae]


dahil ang sabi ng Propeta (SAS):





Walang kasal malibang may walíy.


Kaya kung sakaling ipinakasal ng babae ang sarili niya, ang kasal niya ay walangbisa,


isinagawa man niya mismo ang pagpapaksal o nagtalaga man siya ng kinatawan


dito. Ang isang Káfir ay hindi maaaring maging walíy ng isang babaing Muslimah.


Ipakakasal ng pamahalaang Muslim ang sinumang [babaing] walang walíy.


Ang walíy ay [lalaking] báligh, ‘áqil, at makatwiran na kabilang sa mga ‘asabah


niya. Ang ‘asabah ng babae ay ang sumusunod ayon sa pagkakasunod:


A. Ang ama niya,


B. Ang pinagbilinan nito,


C. Ang lolo sa ama at ang mga kalolo-loluhan: ayon sa higit na malapit,


D. Ang lalaking anak niya,


E. Ang mga anak nito at ang mga kaanak-anakan nila,


F. Ang lalaking kapatid sa ama at ina niya,


G. Ang lalaking kapatid sa ama niya,


H. Ang mga lalaking anak ng lalaking kapatid sa ama at ina,


I. Ang mga lalaking anak ng lalaking kapatid sa ama: ayon sa higit na malapit,


J. Ang tiyuhin na kapatid sa ama at ina ng ama,


K. Ang tiyuhin na kapatid sa ama ng ama,


L. Ang mga lalaking anak nila: ayon sa higit na malapit,


M. Ang tiyuhin sa ama ng ama,


N. Ang mga lalaking anak nito,


O. Ang tiyuhin sa ama ng lolo sa ama,


P. Ang mga lalaking anak nito.


Kailangan para sa walíy na humingi ng pahintulot sa babae bago ipakasal ito. Ang


katwiran sa pagkakaroon ng walíy [ng babae] ay ang paghahadlang sa paghantong


sa pangangalunya156 sapagkat tunay na ang nagbabalak mangalunya ay mahihirapan


na magsabi sa babae: “Magpakasal ka sa akin.” Pagkatapos ay pasasaksihan pa niya


ito sa dalawa sa mga kaibigan niya o sa iba pa.


154 Tingnan ang talababa bilang 46 kaugnay sa pakahulugan ng mga terminolohiyang ito.


155 Ang walíy ay ang kumakatawan sa babae sa kasal.


156 Ang kasal na walang walíy ng babae ay walang-bisa at hindi tunay na kasal.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


87


3. Ang Dalawang Lalaking Saksi. Kailangan na daluhan ang pagkakasal ng dalawang


saksi, o higit pa, na mga lalaking Muslim na makatarungan. Kailangan na sila ay dalawang


lalaki o higit pa at kailangan na sila ay kabilang sa mga mapagkakatiwalaan na


umiiwas sa mga malaking kasalanan tulad ng pangangalunya, pag-inom ng alak, at


tulad nito.


4. Ang Tungkuling Magbigay ng Mahr.157 Ang itinatagublin sa mahr ay dapat kaunting


halaga ito sapagkat kapag kaunti at magaan, ito ay higit na mainam. Ito ay tinatawag


ding sidáq. Sunnah na banggitin ito sa pagkakasal at madaliin ang pagbibigay nito


kasabay ng pagkakasal. Tumpak din na ipagpaliban ang pagbibigay nito o ng bahagi


nito sa isang takdang panahon. Kung sakaling diniborsiyo ng lalaki ang maybahay niya


bago nakatalik ito, kukunin nito ang kalahati ng mahr. Kung sakali namang namatay


ang lalaki bago nakatalik ito matapos ang kasal, nauukol sa kanya na makamtan ang


mana at ang mahr nang buo.


Ang mga Resulta ng Kasal


1. Ang Pagsusustento. Tungkulin ng lalaki na magsustento ayon sa nakabubuti sa maybahay


niya sa pagkain, inumin, pananamit, at tirahan. Kaya kung nagmaramot ang lalaki


sa anuman sa tungkulin, siya ay nagkakasala. May karapatan ang maybahay niya na


kumuha mula sa ari-arian niya ng halagang makasasapat para sa kanya o mangutang sa


ngalan niya at inoobliga siyang magbayad. Kabilang sa sustento ang piging sa kasal. Ito


ang inihahanda ng lalaki na pagkain sa araw ng kasal para sa mga taong inanyaya-han


niya. Ito ay sunnah na ipinag-uutos dahil ang Propeta (SAS) ay gumawa at nag-utos nito.


2. Ang Pagmamana. Kaya kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babaing Muslim ayon


sa isang kasal na tumpak, ipatutupad ang pagmamanahan sa pagitan nila dahil ang sabi


ni Allah (4:12):





Ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng mga maybahay ninyo kung wala


silang anak ngunit kung mayroon silang anak ay ukol sa inyo ang ikaapat


mula sa naiwan nila matapos kaltasan ng ukol sa isang habiling ihahabilin


nila o sa isang utang. Ukol sa kanila ang ikaapat mula sa naiwan ninyo


kung wala kayong anak ngunit kung mayroon kayong anak ay ukol sa


kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo matapos kaltasan ng ukol sa


isang habiling ihahabilin ninyo o sa isang utang.


Walang pagkakaiba kung nakatalik at nakapiling ng lalaki ang babe o hindi.


Ang mga Sunnah sa Pag-aasawa


1. Sunnah na ipagbigay-alam ang kasal158 at sunnah din ang pagdalangin para sa bagong


kasal. Sinasabi sa lalaki o sa babae:


157 Ang mahr ay ang tinatawag sa Pilipino na dote o bigay-kaya. Ibinibigay ito ng lalaki sa babaing pakakasalan


niya at hindi para sa magulang o mga kamag-anak ng babae.


158 Halimabawa ay sa pamamagitan ng pagdaos ng handaan.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


88





Báraka lláhu


laka, wa báraka ‘alayka, wa jama‘a baynakumá fí khayr.


Pagpalain ka nawa ni Allah, panatilihin nawa Niya sa iyo ang pagpapala, at pagsamahin


nawa Niya kayo sa kabutihan.


2. Sunnah, kapag ninais nilang magtalik, na magsabi ng ganito:





Bismi lláh.


Alláhumma jannibna shshaytána


wa jannibi shshaytána


má razaqtaná.


Sa ngalan ni Allah. O Allah, ilayo Mo sa amin ang Demonyo at ilayo Mo ang Demonyo


sa [anak na] ipinagkaloob Mo sa amin.


3. Kinasusuklaman para sa mag-asawa na ipagkalat ang anumang nangyari sa pagitan nila


na mga bagay hinggil sa pagtatalik.


4. Ipinagbabawal sa lalaki na makipagtalik sa maybahay niya habang ito ay nireregla o may


nifás at kahit pa walang regla o nifás hanggat hindi pa ito nakakapaligo.


5. Ipinagbabawal sa lalaki na makipagtalik sa maybahay niya sa anus nito. Ito ay isa sa


mga malaking kasalanang ipinagbawal ng Islam.


6. Isinasatungkulin sa lalaki na ibigay nang lubos sa maybahay niya ang karapatan nito sa


pakikipagtalik. Isinasatungkulin din sa kanya na hindi gawin ang withdrawal method


bunsod ng pag-ayaw sa pagbubuntis nito, malibang may kapahintulutan nito at dahil


sa pangangailangan.


Ang mga Katangian ng Maybahay


Ang pag-aasawa ay nagnanais ng pagtamo ng kasiyahan, pagbuo ng matuwid na maganak,


at malusog na lipunan. Kapag ang babae ay nagtaglay ng panlabas at panloob na


kagandahan ― ang panlabas na kagandahan ay ang kalubusan ng pisikal na anyo at ang


panloob na kagandahan ay ang kalubusan ng pananampalataya at kaasalan ― matatamo


ng lalaki ang maraming kabutihan, ang kalubusan, at ang kaligayahan dahil sa paggabay


ni Allah. Subalit ang pinakamahalaga ay ang may pananampalataya, gaya ng itinagubilin


hinggil doon ng Propeta (SAS). Tungkulin din ng babae na magsikap sa pagtamo ng matuwid


na asawa na mapangilagin sa pagkakasala.


Ang mga Babaing Bawal Mapangasawa


Sila ay dalawang pangkat: isang pangakat na ipinagbabawal mapangasawa kailanman


at isang pangakat na ipinagbabawal mapangasawa pansamantala.


A. Ang Tatlong Uri ng mga Bawal Mapangasawa Kailanman


1. Ang mga Babaeng Bawal Mapangasawa Dahil sa Pagkakamag-anak. Sila ay


pito. Binanggit sila ni Allah sa sinabi Niya (4:23):





Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


89


Ipinagbawal sa inyo na mapangasawa ang mga ina ninyo, ang mga babaing


anak ninyo, ang mga babaing kapatid ninyo, ang mga tiyahin ninyo sa


ama, ang mga tiyahin ninyo sa ina, ang mga babaing anak ng lalaking


kapatid ninyo, ang mga babaing anak ng babaing kapatid ninyo, ang mga


ina ninyo na nagpasuso sa inyo; ang mga babaing kapatid ninyo sa pagpapasuso,


ang mga ina ng mga maybahay ninyo; ang mga babaing anak


na panguman ninyo ― na nasa ilalim ng pangangalaga ― mula sa mga


maybahay ninyo na nakatalik na ninyo sila, subalit kung hindi ninyo sila


nakatalik, walang pagkakasala sa iyo; ang mga maybahay ng mga lalaking


anak ninyo mula sa mga [sariling] gulugod ninyo; at na pagsabayin ninyo


ang dalawang magkapatid na babae, maliban sa nangyari na. Tunay na


si Allah ay laging Mapagpatawad, Maawain.


A. Ang mga ina ay tumutukoy sa ina at mga lola sa ama man o sa ina.


B. Ang mga babaing anak ay tumutukoy sa mga babaing anak ng isang tao, mga


babaing anak ng mga lalaking anak, mga babaing anak ng mga babaing anak, at mga


babaing kaapu-apuhan nila.


C. Ang mga babaing kapatid ay tumutukoy sa mga babaing kapatid sa ama’t ina, mga


babaing kapatid sa ama, mga babaing kapatid sa ina.


D. Ang mga tiyahin sa ama ay tumutukoy sa mga tiyahin sa ama ng isang tao, mga


tiyahin sa ama ng ama niya, mga tiyahin sa ama ng mga lolo niya, mga tiyahin sa


ama ng ina niya, at mga tiyahin sa ama ng mga lola niya.


E. Ang mga tiyahin sa ina ay tumutukoy sa mga tiyahin sa ina ng isang tao, mga


tiyahin sa ina ng ama niya, mga tiyahin sa ina ng mga lolo niya, mga tiyahin sa


ina ng ina niya, at mga tiyahin sa ina ng mga lola niya.


F. Ang mga babaing anak ng lalaking kapatid ay tumutukoy sa mga babaing anak


ng lalaking kapatid sa ama’t ina, mga babaing anak ng lalaking kapatid sa ama, mga


babaing anak ng lalaking kapatid sa ina, mga babaing anak ng mga lalaking anak


nila, mga babaing anak ng mga babaing anak nila, at mga babaing kaapu-apuhan


nila.


G. Ang mga babaing anak ng babaing kapatid ay tumutukoy sa mga babaing anak


ng babaing kapatid sa ama’t ina, mga babaing anak ng babaing kapatid sa ama, mga


babaing anak ng babaing kapatid sa ina, mga babaing anak ng mga lalaking anak


nila, mga babaing anak ng mga babaing anak nila, at mga babaing kaapu-apuhan


nila.


2. Ang mga Babaing Bawal Mapangasawa Dahil sa Pagpapasuso. Sila ay katapat ng


mga babaing bawal mapangasawa dahil sa pagkakamag-anak. Nagsabi ang Sugo (SAS):





Ipinagbabawal [mapangasawa] dahil sa pagpapasuso ang ipinagbabawal


[mapangasawa] dahil sa pagkakamag-anak.


Subalit ang pagpapasuso na nagreresulta na pagbabawal sa pag-aasawa ay kailangang


mayroong mga kundisyon. Ang mga ito ay ang sumusunod:


A. Na ito ay limang pagpapasuso o higit pa. Kaya kung sakaling sumuso ang bata sa


isang babae ng apat na pagsuso, ito ay hindi magiging isang ina para sa kanya.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG