Kaibig-ibig para sa bawat Muslim at Muslimah na panatilihin ang pagsasagawa ng 12
rak‘ah na sunnah rátibah sa panahong hindi naglalakbay: 4 rak‘ah bago isagawa ang saláh
sa dhuhr at 2 rak‘ah pagkatapos nito, 2 rak‘ah pagkatapos ng saláh sa maghrib, 2 rak‘ah
pagkatapos ng saláh sa ‘ishá’, at 2 rak‘ah matapos ang saláh sa fajr. Ayon kay Umm Habíbah
(RA) na nagsabi: “Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi:
Walang taong Muslim na nagdarasal kay Allah sa bawat araw ng labindalawang
rak‘ah bilang kusang-loob, hindi isinatungkulin, malibang magpapatayo para rito
si Allah ng isang bahay sa Paraiso o papatayuan ito ng isang bahay sa
Paraiso.” (Isinalaysay ito ni Imá Muslim: 728.)
Ang pinakamainam para sa mga sunnah rátibah at mga náfilah sa kabuuan ay na isagawa
ito ng isang Muslim sa bahay niya sapagkat ayon kay Jábir ibnu ‘Abdilláh na nagsabi: “Nagsabi
ang Sugo ni Allah:
Kapag natapos ng isa sa inyo ang saláh sa masjid niya ay maglagay siya para
sa bahay niya ng isang bahagi mula sa saláh niya sapagkat tunay na si Allah
ay maglalagay sa bahay niya mula sa saláh niya ng isang mabuti.” (Isinalaysay
ito ni Imám Muslim: 778.)
at dahil na rin sa nasaad sa Hadíth na napagkaisahan ang katumpakan, mula sa isang Hadíth
na isinalaysay ni Zayd ibnu Thábit (RA) ayon sa sabi ng Sugo (SAS):
...sapagkat tunay na ang pinakamainam na saláh ng lalaki ay sa bahay niya
maliban sa saláh na isinatungkulin. (Muttafaq ‘alayhi, 781, 6113.)
Ang Saláh na Witr
Sunnah para sa Muslim ang pagsasagawa ng saláh na witr. Ito ay isang binigyang-diing
sunnah. Ang oras ng pagsasagawa nito mula sa pagkatapos ng saláh sa ‘ishá’ hanggang sa
sumapit ang madaling-araw. Ang pinakamainam na oras ng pagsasagawa nito ay sa huling
bahagi ng gabi73 para sa sinumang nakatitiyak na makapagsasagawa nito. Ito ay kabilang
sa mga sunnah na hindi kinaligtaang isinagawa ng Sugo (SAS). Bagkus ay pinamamalagi
niya ang pagsasagawa nito sa panahon ng paglalakbay at hindi paglalakbay. Ang pinakamababang
witr ay isang rak‘ah. Ang Sugo (SAS) ay nagdarasal noon sa gabi ng 11 rak‘ah,
gaya ng nasaad sa Hadíth na isinalaysay ni ‘Á’ishah (RA):
73 Bago magmadaling-araw.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
50
Na ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagdarasal noon sa gabi ng labing-isang rak‘ah,
na ginagawa niyang witr mula sa mga ito ang isang [rak‘ah]. (Isinalaysay ito ni
Imám Muslim: 736.)
Ang saláh sa gabi [matapos ang ‘ishá’] ay dala-dalawang rak‘ah. Ayon kay Ibnu
‘Umar (RA), may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allah (SAS) tungkol sa saláh
sa gabi kay nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):
Ang saláh sa gabi ay dala-dalawang rak‘ah ngunit kapag kinatakutan ng isa
sa inyo ang [pagsapit ng] madaling-araw ay magdasal siya ng isang rak‘ah;
magsisilbing witr para sa kanya ang dinasal na niya. (Isinalaysay ito ni Imám
Muslim: 749.)
Kaibig-ibig na magsagawa ng qunút paminsan-minsan pagkatapos ng pagyukod (rukú‘)
sa witr batay sa Hadíth na isinalasay ni Alhasan ibnu ‘Alíy (RA) kung saan tinuruan ito
ng Sugo ni Allah (SAS) ng mga salitang sasabihin nito sa panalangin sa witr ngunit hindi
niya pinamamalagi iyon dahil ang higit na marami sa mga naglarawan sa saláh ng Propeta
(SAS) ay hindi bumanggit sa qunút niya. Kaibig-ibig din para sa sinumang hindi nakapagsagawa
ng saláh sa gabi na magsagawa sa maghapon ng saláh na pamalit nito na binubuo ng
pares na bilang ng rak‘ah: 2 o 4 o 6 o 8 o 10 o 12 rak‘ah dahil ginawa niyon ng Propeta (SAS).
Ang Dalawang Rak‘ah sa Madaling-araw
Kabilang sa mga sunnah rátibah na ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagpapanatili sa pagsasagawa
ng mga iyon at hindi niya itinigil sa paglalakbay ni sa pananatili ay ang saláh na
sunnah sa madaling-araw sapagkat ayon kay ‘Á’ishah (RA):
Ang Propeta (SAS) ay walang saláh na kabilang sa mga náfilah na higit na matinding
pinahahalagahan kaysa sa dalawang rak‘ah bago ang [saláh sa] madaling-araw.
(Muttafaq ‘Alayhi: 1163, 724.)
at dahil din sa sabi ng Sugo (SAS) hinggil sa kahalagahan ng dalawang rak‘ah na ito:
Talagang ang dalawang ito ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa buong Mundo.
(Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 725.)
Sunnah rin na bigkasin sa unang rak‘ah nito ang Súrah alKáfirún:
Bismi -lláhi -rrahmáni -rrahím
1Qul yá ayyuha lkáfirún,
2lá a‘budu má ta‘budún,
3wa lá antum ‘ábidúna má a‘bud, 4wa lá ana ‘ábidum má ‘abattum, 5wa lá
antum ‘ábidúna má a‘bud, 6lakum dínukum wa liya dín.74
74 Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Maawain. 1. Sabihin mo: “O mga tumatangging sumampalataya, 2.
hindi ko sinasamba ang sinasamba ninyo, 3. at hindi kayo mga sumasamba sa sinasamba ko; 4. at hindi ako
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
51
at sa ikalawang rak‘ah naman ang Súrah al’Ikhlás:
Bismi -lláhi -rrahmáni -rrahím 1Qul huwa -lláhu ahad, 2alláhu -ssamad, 3lam
yalid wa lam yúlad, 4wa lam yakul lahú kufuwan ahad.
Minsan naman ay binibigkas naman sa unang rak‘ah ang Qur’an 2:136:
Qúlú ámanná billáhi
wa má unzila ilayná wa má unzila ilá ibráhíma wa
ismá‘íla wa is'háqa wa ya‘qúba wa l’asbáta
wa má útiya músá wa ‘ísá wa
má útiya nnabíyúna
mir rabbihim lá nufarriqu bayna ahadim minhum wa
nahnu lahu muslimún.75
at ang Qur’an 3:64:
[
Qul yá ahla lkitábi
ta‘alaw ilá kalimatin sawá’im baynaná wa baynakum
allá na‘buda illa lláha
wa lá nushrika bihi shay’aw wa lá lá yattakhidha
ba‘duná ba‘dan arbábam min dúni lláhi
fa’in tawallaw faqúlu shhadú
bi’anná muslimún.76
Sunnah rin na isagawa ito nang maiksi alinsunod sa ginawa ng Propeta (SAS). Ipinahihintulot
para sa sinumang hindi nakapagsagawa nito bago ang saláh sa fajr na isagawa
ito pagkatapos ng saláh sa fajr at ang pinakamainam ay isagawa ito 15 minuto o 20 minuto
matapos sumikat ang araw hanggang sa bago kumilang sa kanluran ang araw.
Ang Saláh sa Duhá
Ito ang saláh ng mga mapagbalik-loob kay Allah. Ito ay sunnah na binigyang-diin.
Nasaad sa maraming Hadíth ang paghimok sa pagsasagawa nito. Ayon kay Abú Dharr
(RA), ayon sa Propeta (SAS) na nagsabi:
sumasamba sa sinamba ninyo, 5. at hindi kayo mga sumasamba sa sinasamba ko; 6. ukol sa inyo ang relihiyon
ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.”
75 Sabihin ninyo: “Sumasampalataya kami kay Allah at sa ibinaba sa amin at sa ibinaba kay Abraham, kay Ismael,
kay Isaac, kay Jacob, sa mga lipi ng Israel, sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga Propeta
mula sa Panginoon nila; hindi kami nagtatangi-tangi sa sinuman sa kanila at sa Kanya kami ay mga Muslim.”
76 Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, halina kayo sa isang pahayag na makatarungan sa pagitan namin at ninyo:
na hindi tayo sasamba kundi kay Allah, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawin ng iba
sa atin ang ilan sa atin na mga panginoon bukod pa kay Allah.” Ngunit kung tatalikod sila ay sabihin ninyo:
“Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim.”
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
52
Sa umaga, tungkulin ng bawat kasu-kasuan ng [bawat] isa sa inyo na magbigay ng
kawanggawa. Bawat pagsabi ng subhána lláh
ay kawanggawa. Bawat pagsabi ng
alhamdu lilláh ay kawanggawa. Bawat pagsabi ng lá iláha illa lláh
ay kawanggawa.
Bawat pagsabi ng Alláhu akbar ay kawanggawa. Ang pag-uutos ng nakabubuti
ay kawanggawa at ang pagsaway ng nakasasama ay kawanggawa. Maitutumbas
roon ang dalawang rak‘ah na dadasalin sa umaga. (Isinalaysay ito ni Imám
Muslim: 720.)
Ayon naman kay Abú Huraryrah na nagsabi:
Nagtagubilin sa akin ang matalik na kaibigan ko ng tatlong bagay na hindi ko
iiwan hanggang sa mamatay ako: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan,
[pagsasagawa ng] saláh sa duhá at pagtulog matapos ng [pagsasagawa ng saláh na]
witr. (Muttafaq ‘Alayhi: 1178/721.)
Ang pinakamainam na oras ng pagsasagawa nito ay kapag mataas na ang araw at tumindi
ang init ng araw. Natatapos ang mga oras ng pagsasagawa nito kapag kumiling na ang araw
sa dakong kanluran. Ang pinakakaunting bilang nito ay dalawang rak‘ah at walang takdang
bilang sa pinakamarami nito.
Mga Oras na Kadalasang Ipinagbabawal ang Saláh
Mayroong mga oras na hindi ipinahihintulot ang pagsasagawa ng saláh. Ang mga ito
ay ang sumusunod:
1. Mula pagkatapos ng saláh sa fajr hanggang sa 15 minuto o 20 minuto matapos sumikat
ang araw;
2. Kapag pumagitna ang araw sa langit sa tanghaling-tapat (malalaman ang paggitna ng
araw sa pamamagitan ng halos hindi paghilig ng anino) hanggang sa tuluyang lumihis
sa dakong kanluran;
3. Mula pagkatapos ng saláh sa ‘asr hanggang sa paglubog ng araw.
Subalit ipinahihiuntulot sa mga oras na kadalasang ipinagbabawal ang saláh ang pagsasagawa
ng ilan sa mga saláh, tulad ng mga ibinunsod ng pangangailangan gaya ng saláh
ng pagbati sa masjid, saláh sa janázah, saláh sa eklipse, saláh pakatapos ng rak‘ah, saláh
pagkatapos magsagawa ng wudú’, at tulad nito.
Gayon din ang pagsasagawa ng saláh bilang kabayran para sa mga isinatungkuling
saláh na hindi naisagawa alinsunod sa sinabi ng Sugo (SAS):
Ang sinumang may nakalimutang saláh o nakatulugan ito, ang pambayad nito
ay na dasalin niya ito kapag naalaala niya. (Muttafaq ‘alayhi: 597, 684.)
Gayon din ang pagsasagawa ng kabayaran sa saláh na sunnah sa fajr. Ipinahihintulot
din na magsagawa ng kabayran sa saláh ng sunnah sa dhuhr pagkatapos ng saláh sa ‘asr
para sa sinumang nakaligtaang isagawa ito sa oras nito.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
53
أحكام اَلزكاة
Ang mga Alituntunin sa Zakáh
Ang Hatol Kaugnay sa Zakáh
Ang zakáh77 ay ang ikatlong sandigan sa mga Sandigan ng Islam. Isinasatungkulin ito
sa isang Muslim kapag nagmay-ari siya ng nisáb.78 Nagsabi si Allah (2:110):
Panatilihin ninyo ang saláh at ibigay ninyo ang zakáh
Ang pagsasabatas ng zakáh ay may maraming kadahilanan at kapakinabangan, na ang ilan
sa mga iyon ay ang sumusunod:
1. Ang paglilinis sa kaluluwa at ang paglalayo nito sa karamutan at kakuriputan;
2. Ang pagpapahirati sa isang Muslim sa ugaling pagiging mapagbigay;
3. Ang pagpapatatag sa mga bigkis ng pagmamahalan sa pagitan ng mayaman at mahirap
dahil ang mga tao ay likas na nilikha sa pagmamahal sa sinumang nagmamagandangloob
sa kanila;
4. Ang pagsuporta sa isang maralitang Muslim at pagpupuno ng pangangailangan niya;
5. Ang paglilinis sa tao sa mga pagkakasala at mga kasalanan yamang sa pamamagitan nito
ay naitataas ang mga antas at napapawi ang mga masagwng gawa.
Sa Alin Isinatungkulin ang Zakáh
Isinatungkulin ito sa ginto, pilak, kalakal, hayupan,79 at produkto ng lupa na tulad ng
mga butil, mga bunga, at mga minimina.
Ang Zakáh sa Ginto, Pilak, at Pera80
Isinutungkulin ang pagbibigay ng zakáh para sa ginto at pilak ayon sa anumang katangian
ng mga ito para sa sinumang nagmay-ari ng nisáb. Ang nisáb ng purong ginto ay 20
Mithqál o katumbas ng 85 gramo. Ang nisáb naman ng pilak ay 200 Dirham o katumbas
ng 595 gramo. Kaya ang sinumang nagmay-ari ng nisáb ng ginto o pilak ay kailangang
magbigay ng 2.5% mula rito. Kapag ninais na magbigay ng zakáh sa pamamagitan ng pera,
kailangang magtanong tungkol sa halaga ng isang gramong ginto o pilak sa oras na sumapit
ang isang taon sa anumang taglay [na ginto o pilak]. Pagkatapos ay magbibigay ng zakáh na
katumbas sa halaga nito sa pera ng sa kinaroroonang bayan.81 Halimbawa:
77 Ang buwis ng pamahalaan ay hindi kapalit o katumbas ng zakáh.
78 Minimum na bilang o halaga ng bagay na pinapatawan ng zakáh upang maaari na itong patawan ng zakáh.
79 Ang hayupan na tinutukoy rito ay ang mga hayop na naipapastol gaya ng kambing, tupa, baka, kalabaw,
kamelyo, at mga tulad nito.
80 Kapag nagmamay-ari ng ginto o pilak o pera na nananatiling umaabot sa nisáb, kailangan pa ring magbigay
ng zakáh para rito taon-taon kahit nakapagbayad na sa nakalipas na taon o mga taon.
81 Kung nagmamay-ari ng hindi purong ginto o gintong hindi umabot sa 24 karat, na siya namang karaniwan
sa ginto sa ngayon, ay kailangang ipaghambing ang halaga ng taglay na ginto sa halaga ng 85 gramong purong
ginto. Kung ang halaga ng ginto ay mababa sa halaga ng 85 gramong purong ginto, hindi papatawan ng zakáh
ang ginto; kung ang halaga naman ng ginto ay umabot sa halaga ng 85 gramong purong ginto o higit pa, kailangang
magbigay ng zakáh na katumbas sa 2.5% o 1/40 ng kabuuang halaga ng ginto. Ang batayan sa pagtataya
ng zakáh para sa halaga ng alahas na ginto ay hindi ang halaga ng pagkakabili ng alahas—na karaniwang
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
54
Kung sakaling nagmay-ari ang isang tao ng 100 gramong purong ginto, isinatungkulin
sa kanya ang pagbibigay ng zakáh para rito kapag sinapitan ito ng isang taon dahil
nagmay-ari siya ng nisáb. Ang zakáh nito ay 2½ gramong ginto. Kung ninais niya na magbigay
ng zakáh nito sa pamamagitan ng pera, siya ay magtatanong tungkol sa halaga ng
ginto kapag sumasapit dito ang isang taon. Pagkatapos ay tatayain niya ang kantidad ng
ginto sa pera ayon sa halaga nito sa bawat gramo. Pagkatapos ay ilalabas niya ang zakah sa
pera na katumbas sa halagang 2.5% ng kabuuang halaga ng ginto sa pera. Gagawin ang
ganito rin mismo sa pilak.
Gayon din isinasatungkulin ang zakáh sa pera kapag umabot ito sa nisáb at sumapit dito
ang isang taon. Kaya ang sinumang may taglay na pera na nakatutumbas sa halaga ng 85
gramo (o higit) ng purong ginto ay isinatungkulin sa kanya ang pagbibigay ng zakáh. Magbibigay
siya ng zakah na katumbas sa 2.5% ng kabuuan. Kaya walang gagawin ang isang
Muslim, kapag may taglay siyang pera na sinapitan ng isang taon, kundi ang magtanong
sa nagtitinda ng ginto hinggil sa halaga ng 85 gramo (o higit) ng purong ginto. Kapag mayroon
siyang taglay na tulad ng halagang iyon ay magbibigay siya ng zakáh para rito. Kung
ang taglay niyang halaga ay higit na mababa sa halaga [85 gramo ng ginto] na tinuran ng
nagtitinda ng ginto, wala siyng tungkuling magbibay ng zakáh. Halimbawa pa nito:
Kung sakaling ang isang tao ay may taglay ng 100,000 Piso, halimbawa, at sinapitan
ang halagang ito ng isang taon, magtatanong siya tungkol sa halaga ng isang gramong
purong ginto kapag ang batayan ng perang umiiral sa bansa ay ginto.82 Kaya kung sakaling
napag-alaman niya na ang halaga ng 85 gramo ng ginto ay nakatutumbas sa halagang
140,000 Piso, halimbawa, hindi isinasatungkulin sa kanya ang magbigay ng zakáh dahil
ang halagang minamay-ari niya ay hindi umabot sa nisáb: 85 gramo ng ginto. Ganito rin
ang pagtataya sa perang nakabatay sa pilak.
Ang Zakáh sa mga Paninda ng Kalakal
Isinasatungkulin sa mangangalakal na Muslim na nagmamay-ari ng yaman at ginagamit
ito sa pangangalakal na magbigay ng taunang zakáh bilang pasasalamat sa biyaya ni Allah
at bilang pagtupad sa tungkulin sa mga nangangailangan sa mga kapatid niya sa pananampalataya.
Nasasaklawan ng mga paninda ng kalakal ang bawat inilalaan sa pagtitinda at
pagbibili83 sa layuning tumubo, gaya ng real estate, hayop, pagkain, inumin, sasakyan, at
iba pa.
Ang kundisyon sa zakáh na ito ay ang pag-kaabot sa nisáb [ng halaga ng mga paninda].
Malalaman ito sa pamamagitan ng pagtataya sa halaga nito ayon sa halaga ng isa sa dalawang
batayan ng pera: ang ginto o ang pilak. Kinakailangan sa zakáh nito ang 2.5% ng
halaga ng kabuuan. Kaya kung nagmay-ari ang isang tao ng mga panindang pangkalakal
mas mataas ang halaga kaysa sa tunay na halaga ng nilalamang ginto dahil ang gastos sa paggawa ng alahas
ay ipinatong na sa halaga. Halimbawa: Kung nagmamay-ari ng 90 gramo na (mga) alahas na hindi purong
ginto, aalamin sa alahero ang tunay na halaga ng nilalamang ginto ng mga alahas at ito ang pagbabatayan ng
halaga —hindi ang halaga ng pagkakabili ng alahas. Kaya kung ang 90 gramong alahas na hindi purong ginto ay
hindi umabot sa halaga ng 85 gramong purong ginto, hindi ito papatawan ng zakáh.
82 Ang halimbawang ginamit sa pinagsalinang orihinal na Arabe ay 800 Riyal na ihinambing sa nisáb ng pilak
ngunit minabuti ng tagapagsalin na gamitin bilang halimbawa ang halagang 100,000 Piso na ihinambing sa nisáb
ng ginto dahil higit na mauunawaan ito ng mga mambabasang Pilipino at higit na palasak ang ginto sa Pilipinas.
83 Ang kalakal na naipagbibili at nabibili ay mga paninda (goods) at hindi serbisyo.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
55
na may halagang 100,000 Piso, halimbawa, isinasatungkulin sa kanya rito ang 2,500 Piso
bilang zakáh [kung ang 100,000 Piso ay umabot sa nisáb ng ginto].
Ang mga may kalakal na nagtitinda at namimili ay kailangang magsagawa ng pagtataya
sa simula ng bawat taon sa taglay nilang mga panindang ipinagbibili at saka sila magbayad
ng mga zakáh ng mga ito. Kung sakaling ang isang tao na may kalakal ay bumili ng paninda
sampung araw bago ganap na nabuo ang isang taon, siya ay magbibigay ng zakáh para rito
kasama ng iba pang mga paninda. Nagsisimula ang taon ng pangangalakal sa unang araw
na nagsimula ito. Ang pagbibigay ng zakáh ay taunan kaya naman kailangan sa bawat
Muslin na magbigay ng zakáh sa bawat taon para sa ari-ariang taglay.
Ang mga hayupan na kinukumpayan ngunit para ikalakal ay kinakailangan para sa mga
ito ang magbigay ng zakáh, umaabot man ang bilang ng mga ito sa nisáb o hindi umabot,84
sa kundisyong ang halaga ng mga ito sa pera ay umabot sa nisáb ng pera. Kapag nagkagayon
ay papatawan ito ng zakáh na pera.
Ang Zakáh sa Shares o mga Sapi sa Kompanya
Sa panahon ngayon ay namumuhanan ang mga tao sa pamamagitan ng pagmamay-ari
ng shares o mga sapi sa mga kompanyang tulad ng real estates at iba pa. Mayroon sa kanila
na naglalagak ng salapi sa mga ito, na maaaring kumita o malugi kung magkaminsan sa
loob ng ilang taon. Ang mga sapi na ito ay pinapatawan ng zakáh dahil ang mga ito ay itinuturing
na mga paninda ng kalakal. Kaya kailangan sa isang Muslim [na nagmamay-ari
ng mga sapi] na alamin sa bawat taon ang kabuuang halaga ng mga ito at magbigay ng mga
zakáh para rito.
Ang Zakáh sa Produkto ng Lupa
Isinasatungkulin ang zakáh sa mga butil at mga bunga na natatakal at naiimbak gaya
ng datiles (dates), pasas, trigo, barley, palay, at mga gaya nito,85 ngunit hindi ito isinasatungkulin
sa mga bungangkahoy at mga gulay. Isinasatungkulin sa mga ito ang zakáh kapag
umabot ang mga ito sa nisáb na katumbas sa 612 Kilo. Hindi isinasakundsiyon ang pagabot
ng isang taon sa ganitong uri ng zakáh. Bagkus ay isinasatungkulin ito kapag tumigas
ang butil at lumitaw ang paghinog ng bunga. Isinasatungkulin sa mga ito bilang zakáh ang
10% ng kabuuang ani kapag pinatutubigan ang taniman ng tubig ng ulan, mga ilog, at tulad
ng mga ito. Sa madaling salita: walang pagod o gastusin ang magsasaka sa pagpapatubig.
Kapag naman pinatutubigan ang taniman nang may pagod o gastusin, ang zakáh rito ay
5% ng kabuuang ani. Halimbawa: Kung sakaling ang isang tao ay nagtanim ng palay at
ang inani niya ay 800 Kilo, isinasatungkulin dito ang zakáh dahil ang nisáb ng palay ay
612 Kilo. Isinasatungkulin dito ang pagbibigay ng zakáh na 10% ng ani o 80 Kilo kapag
napatubigan ang taniman nang walang hirap o gastusin, o 5% ng ani o 40 Kilo kapag ang
taniman ay napatubigan nang may hirap at gastusin.
84 Ang nisáb ng mga hayupang binibigyan ng pakain at hindi halos umaasa sa pastulan sa pagkain ay ayon sa
halaga sa nisáb ng ginto o pilak samantalang ang nisáb naman mga hayupang nabubuhay sa pagkain sa pastulan
ay ayon sa bilang nito ayon sa uri nito at edad nito at hindi sa halaga nito.
85 Gaya ng munggo, mais, sorghum, at iba pa na hindi nasisira kaagad kapag inimbak.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
56
Ang Zakáh sa Hayupan86
Ang hayop na tinutukoy rito ay kamelyo, baka, [kalabaw,] tupa, at kambing. Isinasatungkulin
ang zakáh sa mga ito alinsunod sa sumusunod na mga kundisyon:87
1. Ang pagkaabot sa nisáb. Ang pinakamababang nisáb sa kamelyo ay 5 kamelyo; ang sa
tupa, at tulad nito ang kambing, ay 40 tupa; at ang sa baka [o kalabaw] ay 30. Ang mababa
pa roon ay walang zakáh.
2. Na aabutan ang mga ito ng isang taon na taglay ng may-ari ng mga ito;
3. Na ang mga ito ay sá’imah: ang ipinapastol sa higit na maraming araw ng taon. Hindi
isinasatungkulin ang zakáh sa mga kinukumpayan o binibilhan o binibigyan ng pakain
ng may-ari ng mga ito, maliban kapag ang mga ito ay ipinapastol sa higit na maraming
araw ng taon sapagkat pinapatawan ang mga ito ng zakáh ayon sa [nisáb ng mga ito].88
4. Na ang mga ito ay hindi ipinantatrabaho: ginagamit ng may-ari ng mga ito sa pag-aararo,
paghihila ng karo, at iba pa rito.
Ang Paraan ng Pagtataya ng Zakáh
Ang Zakáh sa Kamelyo89
Isinasatungkulin ang zakáh sa mga kamelyo kapag umabot ang mga ito sa nisáb na 5
kamelyo. Kaya kapag nagmay-ari ang isang Muslim ng 5 hanggang 9 kamelyo at inabutan
ang mga ito ng isang taon samantalang ang mga ito ay nasa pagmamay-ari niya, ang zakáh
sa mga ito ay 1 tupa na isang taong gulang. Kapag nagmay-ari ng 10 hanggang 14, ang
zakáh sa mga ito ay 2 tupa. Kapag nagmay-ari ng 15 hanggang 19, ang zakáh sa mga ito
ay 3 tupa. Kapag nagmay-ari ng 20 hanggang 24, ang zakáh sa mga ito ay 4 tupa.90 Kapag
nagmay-ari ng 25 hanggang 35, ang zakáh sa mga ito ay 1 babaeng kamelyo na tumuntong
sa 1 taong gulang ngunit kung hindi makahanap nito ay matutumbasan ito ng 1 lalaking
kamelyo na naging ganap na 2 taong gulang. Kapag nagmay-ari ng 36 hanggang 45, ang
zakáh sa mga ito ay 1 babaeng kamelyo na naging ganap na 2 taong gulang. Kapag nagmayari
ng 46 hanggang 60, ang zakáh sa mga ito ay 1 babaeng kamelyo na nagiang ganap na
3 taong gulang. Kapag nagmay-ari ng 61 hanggang 75, ang zakáh sa mga ito ay 1 babaeng
kamelyo na naging ganap na 4 taong gulang. Kapag nagmay-ari ng 76 hanggang 90, ang
zakáh sa mga ito ay 2 babaeng kamelyo na naging ganap na 2 taong gulang. Kapag nagmayari
ng 91 hanggang 120, ang zakáh sa mga ito ay 2 babaeng kamelyo na naging ganap na
3 taong gulang. Kapag lumabis sa 120, sa bawat 40 kamelyong karagdadan ay 1 babaeng
kamelyo na naging ganap na 2 taong gulang ang zakah, o sa bawat 50 kamelyong karagdagan
ay 1 babaeng kamelyo na naging 3 taong gulang ang zakáh. Ang sumusunod na talahanayan
ay maglilinaw sa pagtataya ng zakáh sa kamelyo:
86 Kapag nagmay-ari ng mga hayop na pinapatawan ng zakáh na umaabot sa nisáb ang bilang, kailangan pa
ring magbigay ng zakáh para sa mga ito bawat taon kahit pa nakapagbayad na sa nakalipas na taon o mga taon.
87 Buhay na hayop at hindi pera ang ibinibigay bilang zakáh para sa hayop.
88 Kapag ang hayupan ay pinakakain at hindi ipinapastol ang batayan ng nisáb nito ay ang halaga nito sa pera
hindi ang bilang nito.
89 Bagamat wala namang kamelyo sa Pilipinas, minabuti pa rin naming talakayin ang tungkol sa zakáh nito
upang maging masaklaw ang aklat na ito.
90 Sa halip na tupa ay maaari ring kambing ang ibigay.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
57
Bilang
Mula Hanggan Zakáh
5 9 1 tupa o 1 kambing
10 14 2 tupa o 2 kambing
15 19 3 tupa o 3 kambing
20 24 4 tupa o 4 kambing
25 35 1 babaeng kamelyo na 1 taon
36 45 1 babaeng kamelyo na 2 taon
46 60 1 babaeng kamelyo na 3 taon
61 75 1 babaeng kamelyo na 4 taon
76 90 2 babaeng kamelyo na 2 taon
91 120 2 babaeng kamelyo na 3 taon
Kapag lumabis sa 120, sa bawat 40 kamelyong karagdadan ay 1 babaeng kamelyo na naging
ganap na 2 taong gulang ang zakah, o sa bawat 50 kamelyong karagdagan ay 1 babaeng
kamelyo na naging 3 taong gulang ang zakáh.
Ang Zakáh sa Baka91
Kapag nagmay-ari ang isang tao ng 30 baka hanggang 39 baka, ang zakáh sa mga ito
ay 1 lalaking guya na naging ganap na 1 taong gulang. Kapag nagmay-ari ng 40 hanggang
59, ang zakáh sa mga ito ay 1 babaeng baka na naging ganap na 2 taong gulang. Kapag
nagmay-ari ng 60 hanggang 69, ang zakáh sa mga ito ay 2 lalaking guya na naging ganap
na 1 taong gulang. Kapag nagmay-ari ng 70 hanggang 79, ang zakáh sa mga ito ay 1 lalaking
guya na ganap na 1 taong gulang at 1 babaeng guya na naging ganap na 2 taong gulang.
Pagkatapos nito, sa bawat 30 bakang karagdagan ay 1 lalaking guya na naging ganap na 1
taong gulang ang zakáh, o sa bawat 40 bakang karagdagan ay 1 babaeng guya na naging
ganap na 2 taong gulang ang zakáh. Ganito ang pagtataya saan man umabot ang bilang.
Bilang
Mula Hanggang Zakáh
30 39 1 lalaking guya na 1 taon
40 59 1 babaeng guya na 2 taon
60 69 2 lalaking guya na 1 taon
70 79 1 babaeng guya na 2 taon at 1 lalaking guya na 1 taon
Ang Zakáh sa Tupa92
Kapag nagmay-ari ang isang tao ng 40 hanggang 120 tupa, ang zakáh sa mga ito ay 1
tupa. Kapag nagmay-ari ng 121 hanggang 200, ang zakáh sa mga ito ay 2 tupa. Kapag
nagmay-ari ng 201 hanggang 399, ang zakáh sa mga ito ay 3 tupa. Kapag nagmay-ari ng
400 hanggang 499, ang zakáh sa mga ito ay 4 tupa. Kapag nagmay-ari ng 500 hanggang
599, ang zakáh sa mga ito ay 5 tupa. Pagkatapos sa bawat 100 tupang karagdagan ay 1 tupa
ang zakáh. Ganito maging saanman umabot ang bilang.
91 O kalabaw. Ang ibinibibay bilang zakáh ay walang kapansanan.
92 O kambing. Ang ibinibigay bilang zakáh ay mga 6 buwan pataas, walang kapansanan at hindi napakatanda.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
58
Bilang
Mula Hanggang Zakáh
40 120 1 tupa
121 200 2 tupa
201 399 3 tupa
301 499 4 tupa
401 599 5 tupa
Ang Karapat-dapat sa Zakáh
Nagsabi si Allah (9:60):
Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha,93 mga
manggagawa sa pagtitipon nito, at mga mapalulubag-loob ang mga puso,
alang-alang sa pagpapalaya ng alipin at mga nagkakautang, at alang-alang
sa landas ni Allah at manlalakbay na kinapos – isang tungkuling iniatang ni
Allah. Si Allah ay Maalam, Marunong.
Nilinaw rito ni Allah ang walong uri ng tao na ang bawat isa ay karapat-dapat na tumanggap
ng zakáh. Ang zakáh sa Islam ay bumabalik sa lipunan at sa mga may pangangailangan at
hindi inilalaan sa mga alagad ng relihiyon gaya ng nangyayari sa ibang mga relihiyon. Ang
mga karapat-dapat tumanggap ng zakáh ay ang sumusunod:
1. Ang maralita (faqír) ay ang sinumang nakatutugon sa kulang sa kalahati ng sapat sa
pangangailangan niya;
2. Ang dukha (miskín) ay ang sinumang nakatutugon sa higit sa kalahati ng sapat sa
pangangailangan niya ngunit hindi nakatutugon nang lubusan sa sapat sa pangangailangan
niya kaya naman bibigyan siya mula sa zakáh ng sapat sa pangangailangan niya
sa loob ng ilang buwan o sa loob ng isang taon;
3. Ang mga naglilingkod sa pagtitipon ng zakáh ay ang mga itinalaga ng pamahalaan sa
pangangalap ng zakáh mula sa mga karapat-dapat magbigay nito kaya naman bibigyan
sila ayon sa pinagtrabuhan ng suweldong naaangkop sa katungkulan nila kahit pa man
sila ay mga mayaman;
4. Ang mga mapalulubag-loob ang mga puso ay ang mga pinunong tinatalima sa mga
lipunan nila na maaasahang yayakap sa Islam o magpipigil sa pamiminsala sa mga
Muslim at gayon din ang mga yumakap sa Islam kamakailan: bibigyann sila ng zakáh
alang-alang sa pagpapalubag-loob sa kanila sa Islam at pagpapalakas ng pananampalataya
sa mga puso nila;
5. Ang pagpapalaya ng alipin ay ang pagbabayad sa pamamagitan ng zakáh alangalang
sa pagpapalaya ng mga alipin at sa pagtubos sa mga bihag na Muslim mula sa
pagkakabihag ng kaaway;
6. Ang mga nagkakautang ay ang mga may pagkakautang kaya naman bibigyan sila mula
sa zakáh para ipambayad sa mga utang nila. Isinasakundsiyon na ang nagkautang ay
93 Ayon sa Tagalog-English DICTIONARY ni Leo James English ang maralita ay extremely poor o lubhang
mahirap at ang dukha naman ay poor o mahirap.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
59
isang Muslim, na siya ay hindi isang mayaman na nakakakayang magbayad, na ang
pagkakautang niya ay hindi dahil sa isang pagsuway, at na ang pagkakautang niya ay
ukol nang bayaran;
7. Ang alang-alang kay Allah ay tumutukoy sa mga Mujáhid na nagkukusang-loob at
hindi tumatanggap ng suweldo kaya naman bibigayan sila ng mula sa zakáh para sa
pangangailangan ng mga sarili nila o ipanggugugol sa pagbili ng mga sandata nila.
Bahagi rin ng Jihád ang pag-aaral ng Islam kaya kung sakaling may isang taong walang
pera ngunit ninanais niya ang tumuon sa pag-aaral ng Islam, ipinahihintulot na bigyan
siya mula sa zakáh ng makasasapat para sa pagtuon sa pag-aaral ng Islam lamang;
8. Ang manlalakbay na kinapos ay ang kinapos ng panggastos habang naglalakbay at
walang maipanggugugol para sa pagbalik sa bayan niya. Siya ay bibigyaan ng mula sa
zakáh ng maipanggugugol para sa pagbalik sa bayan niya, kahit pa man siya ay isang
mayaman sa bayan niya.
Hindi rin ipinahihintulot na gugulin ang zakáh sa pagpapatayo ng mga masjid,
pagpapaayos ng mga daan, at mga gawain tulad nito.
Mga Puna
1. Hindi isinasatungkulin ang magbigay ng zakáh para sa hinahango sa dagat gaya ng
perlas, coral, isda, at iba pa maliban sa inilalaan para sa pangangalakal.
2. Gayon din, walang zakáh para sa mga gusaling pinauupahan, mga pagawaan, at iba
pang tulad nito subalit isinasatungkulin ang zakáh sa kinita mula rito kapag sinapitan
ito ng isang taon. Ang halimbawa ay ang pagpapaupa ng isang tao ng isang bahay at
tumatanggap siya ng upa mula dito. Kapag sinapitan ng isang taon ang halagang ito o
ang bahagi nito na umabot sa nisáb, isinasatungkulin na rito sa sandaling iyon ang
magbigay ng zakáh.
أحكام اَلصيام Ang mga Alituntunin sa Pag-aayuno
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
60
Ang Hatol Kaugnay sa Pag-aayuno
Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadán ay isa sa limang Sandigan ng Islam dahil ang
sabi ng Propeta (SAS):
Isinalig ang Islam sa lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at na
si Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagpapanatili sa saláh, ang pagbibigay
ng zakáh, ang hajj, at ang pag-aayuno sa Ramadán. Muttafaq ‘alayhi: 8, 16.
Ang pag-aayuno ay ang pagtigil sa pagkain, pag-inom, pakikipagtalik, at iba pang mga
nakasisira sa pag-aayuno magmula sa pagsapit ng madaling araw hanggang sa paglubog ng
araw, nang may layuning mapalapit kay Allah. Ang pag-aayuno sa Ramadán ay napagkaisahan
ang pagkatungkulin dahil ang sabi ni Allah (2:185):
Kaya ang sinumang sa inyo ay nakasaksi94 sa buwan ng Ramadán ay pagayunuhan
niya ito.
Ito ay tungkulin ng bawat Muslim na sapat ang gulang (báligh) at lubos ang pag-iisip (áqil).
Nagaganap ang kasapatan ng gulang sa pagtuntong sa gulang na 15 taon, o sa pagtubo ng
buhok sa maselang bahagi ng katawan, o sa paglabas ng punlay sa wet dream o sa iba pang
paraan. Nadadagdagan ang babae ng isa pa: ang pagkaroon ng regla. Kapag nangyari sa
tao ang isa sa mga ito, nasapit na niya ang kasapatan ng gulang.
Ang mga Kalamangan ng Buwan ng Ramadán
Itinangi ni Allah ang buwan ng Ramadán sa pagkakaroon ng maraming kalamangan
na hindi matatagpuan sa ibang panahon. Kabilang sa mga ikinatatangi at mga kalamangan
na ito ay ang sumusunod:
1. Ang mga anghel ay humihingi ng tawad para sa mga nag-aayuno hanggang sa magsagawa
ang mga ito ng iftár.95
2. Ikinakadena sa buwang ito ang mga mapaghimagsik na demonyo.
3. Nasa buwan ding ito ang Laylatulqadr96 na mainam pa sa isang libong buwan.
4. Pinatatawad ang mga nag-aayuno sa huling gabi ng Ramadán.
5. Si Allah ay may mga pinalalaya mula sa Impiyerno sa bawat gabi ng Ramadán.
6. Ang isang ‘umrah sa Ramadán ay nakatutumbas sa isang hajj.
Kabilang din sa mga nasasaad na kalamangan ng marangal na buwang ito ang isinalaysay
ni Abú Hurayrah (RA), na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):
Ang sinumang mag-ayuno sa buwan ng Ramadán nang may pananampalataya
at pag-asang pagpapalain, patatawarin siya sa nagdaan na pagkakasala niya.”
94 O naroon
95 Ang kinakain paglubog ng araw bilang pagtatapos sa pag-aayuno.
96 Gabi ng Pagtatakda. Ito ay isa sa sampung huling gabi ng Ramadán, ngunit hindi matiyak kung alin sa mga ito.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
61
Nasaad din sa Hadíth ang sabi ng Sugo (SAS):
Ang bawat [mabuting] gawa ng anak ni Adan ay pinag-iibayo ang magandang
gantimpala ng [katumbas sa] sampung tulad nito hanggang sa pitong daang
[tulad]. Nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Maliban sa
pag-aayuno sapagkat ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti rito;…”
Ang Pagtiyak sa Pagsapit ng Ramadán
Natitiyak ang pagsapit ng buwan ng Ramadán sa pamamagitan ng isa sa dalawa:
1. Ang pagkakita sa bagong buwan ng Ramadán. Kaya kapag nakita ang bagong buwan,
isinatungkulin na ang pag-ayuno. Sinabi ng Sugo (SAS):
Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ay mag-ayuno kayo at kapag
nakita ninyo uli ito ay tapusin na ninyo ang pag-aayuno.”
Makasasapat sa pagtitiyak ng pagkakita ng bagong buwan ng Ramadán ang isang makatarungang
lalaki. Ang pagkakita naman sa bagong buwan ng Shawwál ay matitiyak
lamang sa pamamagitan ng pagsaksi ng dalawang makatarungang lalaki.
2. Ang pagkabuo ng buwan ng Sha‘bán sa 30 araw. Kaya kapag nabuo, ang ika-30 araw
ang siyang unang araw ng buwan ng Ramadán dahil ang sabi ng Sugo (SAS):
…ngunit kung naging maulap sa inyo [ang langit], buuhin ninyo ang
bilang [ng araw ng Sha‘bán] sa tatlumpung araw.
Ang mga Pinapayagang Hindi Mag-ayuno
1. Ang may-karamdaman na inaasahan ang paggaling ngunit nagpapahirap sa kanya ang
pag-aayuno. Ipinahihintulot sa kanya ang hindi mag-ayuno. Pagkatapos ay pag-aayunuhan
niya ang mga araw na hindi nakapag-ayuno [sa ibang mga araw] matapos ang
karamdaman. Tungkol nama sa sinumang ang sakit ay nananatili, nagpapatuloy, at hindi
na inaasahan ang paggaling, hindi na kinakailangan sa kanay ang pag-aayuno. Subalit
siya ay magbibigay sa isang dukha para sa bawat araw [na hindi nakapag-ayuno] ng
pagkain na mga isa’t kalahating Kilo ng bigas o tulad nito, o maghahanda ng pagkain
at anyayahan dito ang mga dukha [na ang bilang ay] ayon sa bilang ng mga araw na
hindi siya nakapag-ayuno.
2. Ang musáfir o manlalakbay. Ipinahihintulot sa musáfir ang hindi mag-ayuno mula sa
oras ng paglabas niya sa bayan niya hanggang sa makabalik siya roon, hanggat hindi
siya naglayon manirahan [sa pinuntahang bayan].
3. Gayon din naman, ipinahihintulot sa babae, kapag siya ay nagdadalang-tao o nagpapasuso,
ang hindi mag-ayuno kapag nangamba siya para sa sarili niya o sa anak niya.
Kapag nawala na ang kadahilanan, siya ay mag-aayuno para sa mga araw na hindi
siya nakapag-ayuno.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
62
4. Ang matandang nagpahihirap sa kanya ang pag-aayuno ay pinapayagang hindi magayuno
at wala nang pag-aayunuhan sa [ibang mga araw] subalit magbibigay siya ng
pagkain sa isang dukha para sa bawat araw [na hindi nakapag-ayuno].
Ang mga Nakasisira sa Pag-aayuno
1. Ang pagkain o ang pag-inom nang sadyaan. Ang pagkain dahil sa pagkalimot ay
hindi makaaapekto sa pag-aayuno dahil ang sabi ng Propeta (SAS):
Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya naman nakakain
o nakainom, ay lubusin niya ang pag-aayuno niya.…
Kabilang din sa nakasisira sa pag-aayuno ang pag-kaabot sa tiyan ng tubig na dumaan
sa ilong, ang pagpapasok ng dextrose sa ugat, at ang pagpapasalin ng dugo. Ang lahat
ng ito ay nakasisira sa pag-aayuno dahil ito ay isang pagpapakain para sa nag-aayuno.
2. Ang pakikipagtalik. Kapag nakipagtalik ang nag-aayuno sa araw ay nawalan na ng
saysay ang pag-aayuno niya at kinakailangan magsagawa siya ng qadá’97 kasama ng
kaffárah.98 Ang kaffárah ay pagpapalaya ng isang alipin. Kung hindi siya nakahanap
nito ay kailangan sa kanya ang mag-ayuno nang dalawang buwang magkasunod, na
hindi siya titigil sa pag-aayuno sa loob nito malibang dahil sa isang kadahilanang tangap
sa Sharí‘ah gaya ng sa mga araw ng dalawang ‘Íd at Tashríq, o dahil sa isang kadahilanang
pisikal gaya ng pagkakasakit o paglalakbay nang walang layuning tumigil sa pagaayuno.
Kung sakaling tumigil sa pag-aayuno kahit isang araw lamang, kinakailangang
ulitin niya ang pag-aayuno mula sa simula upang matamo ang pagkakasunod-sunod.
Kung hindi niya makakaya ang pag-aayuno ng dalawang buwan na magkakasunod,
kailangang siya ay magbigay ng pagkain sa 60 dukha.
3. Ang paglabas ng punlay nang may pagnanais dahilan sa paghalik o pagpaparaos ng
sarili o iba pang dahilan sapagkat tunay na ito ay nakasisira sa pag-aayuno at kinakailangan
ang pagsasagawa ng qadá‘ nang walang kalakip na kaffárah. Ang pagdanas ng
wet dream [sa araw] ay hindi nakasisira sa pag-aayuno.
4. Ang pagpapalabas ng dugo sa pamamagitan ng hijámah99 o ang pagpapakuha
ng dugo upang iabuloy. Ang pagpapakuha naman ng kaunting dugo gaya ng isang
nagpakuha para ipasuri, ito ay hindi nakasisira sa pag-aayuno. Gayon din ang paglabas
ng dugo nang walang pagnanais gaya ng balinguyngoy o pagkasugat o pagkabunot ng
ngipin ay hindi nakaaapekto sa pag-aayuno.
5. Ang pagsuka nang sadya. Kapag naman lumabas ito nang walang pagnanais, walang
anuman ito.
Itong limang nakasisirang sa pag-aayuno, makasisira lamang sa pag-aayuno ng
nag-aayuno ang anuman sa mga ito kung nang ginawa niya ito ay nalalaman niya,
naaalaala, at ninanais. Kung siya ay hindi nakaaalam sa patakaran kaugnay sa mga
ito o hindi nakaaalam sa oras ― halimbawa: inaakala niya na ang madaling-araw ay
97 Pag-aayuno sa ibang araw para sa mga araw na hindi nakapag-ayuno o nasirang pag-aayuno.
98 Pagbabayad sa kasalanan o pagkakamali.
99 O cupping sa Ingles ay isang uri ng panggagamot sa pamamagitan ng pag-aalis ng kaunting dugo sa ulo.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
63
hindi pa sumapit, o inaakala niya na ang araw ay lumubog na, at iba pang tulad nito
― hindi masisira ang pag-aayuno niya. Gayon din kung siya ay nakaalaala ngunit kung
siya ay nakalimot, ang pag-aayuno niya ay tumpak. Kung siya ay nagnanais din sa
sandaling gumagawa ng nakasisisra sa pag-aayuno, [sira na ang pag-aayuno niya]. Ngunit
kung siya ay napilitan, ang pag-aayuno niya ay tumpak at wala nang qadá‘ para rito.
6. Kabilang din sa mga nakasisira sa pag-aayuno ang paglabas ng dugo ng regla o nifás.100
Kaya sa sandaling nakita ng babae ang naturang dugo, nasira na ang pag-aayuno niya.
Ipinagbabawal din sa babae, kapag nireregla o dinudugo ng nifás, na mag-ayuno ngunit
kailangan sa kanya na magsagawa siya ng qadá‘ pagkatapos ng Ramadán para sa mga
araw na hindi niya napag-ayunuhan.
Mga Gawaing Hindi Nakasisira sa Pag-aayuno
1. Ang pagpaligo, ang paglangoy, at ang pagpapalamig laban sa init.
2. Ang pagkain, ang pag-inom, at ang pakikipagtalik sa gabi hanggang sa bago mapatotohanan
ang pagsapit ng madaling-araw.
3. Ang paggamit ng siwák sapagkat ito ay hindi nakaaapekto sa pag-aayuno sa anumang
oras sa araw, bagkus ito ay kabilang sa mga kaibig-ibig na gawain.
4. Ang paggamit ng anumang uri ng gamot na halál na hindi nakabubusog. Kaya naman
ipinahihintulot ang pagpapaturok ng gamot na hindi nakabubusog, ang pagpapapatak
ng gamot sa mata at tainga kahit pa man malasahan ang lasa ng gamot sa lalamunan
gayong ang pagpapaliban niyo hanggang sa iftár ay higit na angkop. Gayon din naman,
ipinahihintulot ang paggamit ng asthma atomizer [o asthma inhaler]. Hindi masisira
ang pag-aayuno sa pagtikim ng pagkain sa kundisyong walang anumang aabot sa tiyan.
Wala ring masama sa pagmumumog at pagsinga ng tubig na ipinasok sa ilong subalit
huwag pasosobrahan ito upang walang anumang tubig na makarating sa tiyan. Wala
ring masama sa paggamit ng pabango at paglanghap ng mga mabangong bagay.
5. Ang nireregla at ang may nifás, kapag nahinto na sa kanila ang paglabas ng dugo sa
gabi,101 ay ipinahihintulot sa kanila ang pagpapaliban sa pagpaligo hanggang sa matapos
sumapit ang madaling-araw, at pagkatapos ay saka sila maligo para sa saláh sa fajr.
Ganito rin ang gagawin ng junub.
Mga Paalaala
1. Kapag yumakap sa Islam ang isang hindi Muslim sa araw ng Ramadán, isinasatungkulin
sa kanya ang tumigil sa anumang nakasisira sa pag-aayuno sa nalalabing bahagi ng araw
na iyon ngunit hindi isinasatungkulin sa kanya ang pagsasagawa ng qadá‘.
2. Kailangang magkaroon sa gabi ng hangaring mag-ayuno sa anumang oras ng gabi at
bago sumapit ang madaling-araw. Iyon ay sa pag-aayunong isinatungkulin samantalang
sa pag-aayuno naman na sunnah,102 matatanggap ang magkaroon ng hangarin matapos
100 Dugong lumalabas sa babae matapos magsilang.
101 Bago magmadaling-araw.
102 Ang isang gawain o pagsamba ay sunnah o ayon sa Sunnah ni Propeta Muhammad (SAS) kung (1) Ito ay
alinsunod sa ginawa o nakagawian ng Propeta Muhammad (SAS) o (2) Ito ay kanais-nais ngunit hindi fard o
hindi kailangang isagawa.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
64
sumapit ang madaling-araw at kahit pa matapos na sumikat ang araw sa kundisyong
wala pang anumang nakain.
3. Kaibig-ibig para sa nag-aayuno na manalangin ng anumang maibigan sa sandali ng
pagkain ng iftár dahil ang sabi ng Propeta (SAS):
Tunay ang nag-aayuno sa sandali ng pagkain ng iftár niya ay talagang may
panalanging hindi tatanggihan. (Iniulat ito ni Imám Ibnu Májah: 1743.)
Isa sa panalanging nasasaad sa Hadíth ay ang magsabi ng:
Dhahaba dhdhama’u
wa btallati
l‘
urúqu wa thabata l’ajru
in shá’a lláh.
Lumisan ang uhaw, nabasa ang mga ugat at natiyak ang gantimpala, kung
loloobin ni Allah.
4. Ang sinumang nakaalam sa araw na sumapit na ang Ramadán ay isinasatungkulin sa
kanya ang tumigil kaagad sa anumang nakasisisra sa pag-aayuno at kailangan sa kanya
ang magsagawa ng qadá‘.
5. Kaibig-ibig para sa sinumang kailangang magsagawa ng qadá‘ ang magmadali sa pagsasagawa
niyon upang makaalpas sa pananagutan, ngunit ipinahihintulot rin sa kanya
ang magpaliban niyon. Ipinahihintulot din na mag-ayuno siya bilang qadá‘ niya nang
magkakasunod o magkakahiwalay103 ngunit hindi ipinahihintulot sa kanya na ipagpaliban
iyon hanggang sa matapos ang kasunod na Ramadán kung walang katanggaptanggap
na kadahilanan.
Ang mga Sunnah sa Pag-aayuno
1. Ang sahúr104 dahil ang sabi ng Propeta (SAS):
Kumakin kayo ng sahúr sapagkat tunay na sa sahúr ay mayroong biyaya.
(Muttafaq ‘alayhi: 1923, 1095.)
Ang sunnah sa pagkain ng sahúr ay ang kainin ito kapag malapit na ang madaling-araw
dahil ang sabi ng Propeta (SAS):
]َ
Hindi maaalis ang mga tao sa mabuti hanggat minamadali nila ang pagkain
ng iftár. (Muttafaq ‘alayhi: 1957, 1098.)
2. Ang pagmamadali sa pagkain ng iftár kapag natiyak ang paglubog ng araw. Ang sunnah
ay ang pagkain ng iftár na rutab (sariwang datiles). Ngunit kung walang mahanap ay
maaari na ang tamr (hindi sariwang datiles). Kung wala ring mahanap ay maaari na
ang tubig. Kung wala pa ring mahanap na anuman sa mga iyon ay maaari na ang iftár
na kahit anong mayroon.
103 Kung ang pag-aayunong nasira o nawalan ng saysay ay hindi dahil sa pakikipagtalik.
104 Ang kinakain bago magmadaling-araw bago magsimula ang pag-aayuno.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
65
3. Ang pananalangin habang nag-aayuno lalo na sa sandali ng pagkain ng iftár dahil ang
sabi ng Propeta (SAS):
May tatlong panalanging tinutugon: ang panalangin ng nag-aayuno, ang
panalangin ng naapi, at ang panalangin ng naglalakbay. (Isinalaysay ito ni
Imám alBayhaqíy.)
Kabilang din sa nararapat gawin ng nag-aayuno ang pagsasagawa ng qiyámullayl105
sa Ramadán dahil ang sabi ng Propeta (SAS):
Ang sinumang nagsagawa ng qiyámullayl sa Ramadán dahil sa pananampalataya
at pag-asang pagpapalain, patatawarin ang nauna sa pagkakasala niya. (Muttafaq
‘alayhi: 2009, 759.)
Kaya naman nararapat sa Muslim ang pagbuo sa saláh na taráwíh kasama ng imám dahil
ang sabi ng Propeta (SAS):
Ang sinumang nagsagawa ng qiyámullayl kasama ng imám hanggang sa
umalis ito, itatala para sa kanya ang pagkakasagawa ng qiyámullayl.
Gayon din, kabilang sa nararapat na gawin ng madalas sa Ramadán ang madalas na pagbibigay
ng kawang-gawa. Nararapat din ang pagsisikap sa pagbabasa ng Qur’án sapagkat
ang buwan ng Ramadán ay buwan ng Qur’án at ang nagbabasa ng Qur’án ay may isang
hasanah (magandang gawa) sa bawat titik [na binasa] at ang isang hasanah ay may gantimpalang
katumbas sa sampung tulad nito.
Ang Saláh na Taráwíh
Ang saláh na taráwíh ay ang qiyámullayl na isinasagawa sa jamá‘ah sa Ramadán. Ang
oras nito ay mula pagkatapos ng saláh na ‘ishá‘ hanggang sa bago sumapit ang madalingaraw.
Inudyukan ng Propeta (SAS) ang pagsasagawa ng qiyámullayl sa Ramadán. Ang
sunnah ay na magdasal ng labing-isang rak‘ah; magsagawa ng taslím matapos ang bawat
dalawang rak‘ah. Kung lalabis sa labing-isang rak‘ah ay walang masama. Bahagi ng sunnah
sa saláh na taráwíh din ang paghihinay-hinay at ang pagpapahaba sa pagsasagawa na hindi
naman magpapahirap sa mga nagdarasal. Walang masama sa pagdalo ng mga babae sa saláh
na taráwíh kapag ligtas sa tukso at sa kundisyong lalabas sila nang mabini, hindi nagtatanghal
ng gayak, at hindi nakapabango.
Ang Pag-aayunong Kusang-loob
Inudyukan ng Sugo ni Allah (SAS) ang pag-aayuno sa mga sumusunod na araw:
1. Anim na araw sa buwan ng Shawwál dahil ang sabi ng Sugo (SAS):
105 Anumang saláh na matapos ang ‘ishá’ hanggang bago magmadaling-araw, gaya ng taráwíh at tahajjud.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
66
Ang sinumang nag-ayuno sa Ramadán at pinasundan ito ng anim na araw
[na pag-aayno] sa buwan ng Shawwál, ito ay gaya ng pag-ayuno ng isang
taon. (Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 1164.)
2. Sa mga araw ng Lunes at Huwebes.
3. Tatlong araw sa bawat buwan at maganda kung itatapat ito sa [tinaguriang] mga puting
araw: ang ika-13, ika-14, at ika-15 araw.106
4. Sa araw ng ‘Áshúrá’, ang ika-10 araw ng buwan ng Muharram. Kaibig-ibig na magayuno
ng isang araw bago ang ‘Áshúrá’ o ng isang araw matapos nito, bilang pagsalungat
sa mga Hudyo sapagkat ayon kay Abú Qatádah (RA) na nagsabi: Nagsabi ang
Sugo ni Allah (SAS):
Ang pag-aayuno sa araw ng ‘Áshúrá’ ay inaasahan ko mula kay Allah na
magtatakip-sala sa taon bago nito.
5. Sa araw ng ‘Arafah, ang ika-9 araw ng buwan ng Dhulhijjah dahil ayon sa isang Hadíth:
Ang pag-aayuno sa araw ng ‘Arafah ay inaasahan ko mula kay Allah na
magtatakip-sala sa taon bago nito at taon matapos nito.
Ang mga Araw na Ipinagbababawal ang Pag-aayuno
1. Ang mga araw ng ‘Íd: ‘Ídulfitr at ‘Ídul’ad'há.
2. Ang mga araw ng Tashríq: ang ika-11, ang ika-12, at ang ika-13 araw ng Dhulhijjah. Ang
mga nagsasagawa ng hajj na qirán o tamattu‘ ay mag-aayuno pa rin kung hindi nagkaroon
ng hady.
3. Sa mga araw ng pagreregla at nifás [para sa mga babae].
4. Ang boluntaryong pag-aayuno ng isang babae ― samantalang ang asawa niya ay kapiling
― nang walang kapahintulutan nito dahil ang sabi ng Sugo (SAS):
Hindi mag-aayuno ang babae samantalang ang asawa niya ay kapiling,
malibang may kapahintulutan nito kapag hindi Ramadán.
106 Sa anumang buwan sa kalendaryo ng Islam.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
67
أحكام الحج
Ang mga Alituntuntunin sa Hajj
Ang Hatol Kaugnay sa Hajj at ang Kainaman Nito
Ang pagsasagawa ng hajj ay isang tungkulin para sa bawat lalaking Muslim at babaing
Muslim isang ulit sa tanang buhay. Ito ang ikalimang sandigan sa mga Sandigan ng Islam.
Nagsabi si Allah (3:97):
Kay Allah tungkulin ng mga tao ang magsagawa ng hajj sa Bahay [Niya] ―
sinumang makakakayang makarating doon.
Nagsabi naman ang Sugo ni Allah (SAS):
Isinalig ang Islam sa lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at na
si Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagpapanatili sa saláh, ang pagbibigay ng
zakáh, ang [pagsasagawa ng] hajj, at ang pag-aayuno sa Ramadán.
Ang hajj ay kabilang sa mainam na mga gawiang nagpapalapit sa tao kay Allah. Nagsabi
ang Sugo (SAS):
}1350- )) .(( }متفق عليه 1819
Ang sinumang nagsagawa ng hajj sa Bahay na ito at hindi gumawa ng malaswa
at hindi sumuway ay babalik siyang gaya noong araw na isinilang siya ng ina niya.
Ang mga Kundisyon sa Pagsasagawa ng Hajj
Isinasatungkulin ang hajj sa Muslim na báligh at ‘áqil107 kapag makakakaya niyang
isagawa ito. Ang kakayahan ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masasakyan at panggugol
na makasasapat sa kanya sa pagpunta at pag-uwi, gaya ng pagkain, inumin, at kasuutan.
Ang panggugol na ito ay kalabisan sa panggugol ng mga taong kinakailangan niyang paggugulan.
Bahagi rin ng kakayahan ang katiwasayan sa daraanan papunta sa Makkah at ang
kalusugan ng katawan kung saan siya ay hindi dinapuan ng sakit at kapansanan na makasasagabal
sa kanya sa pagganap sa hajj. Idinaragdag, kaugnay sa mga babae, sa naunang
nabanggit na pagsasakundisyon ang pagkakaroon ng mahram na magiging kasama niya sa
hajj, maging ito man ay asawa niya o isa sa mga mahram niya. Kapag ang babae ay nagsasagawa
ng ‘iddah108ay hindi siya maglalakbay para sa hajj dahil si Allah ay nagbawal sa mga
107 Ang báligh ay ang may sapat na gulang. Nagiging báligh ang tao kapag tumuntong sa 15 taong gulang na, o
tinubuan na ng buhok sa maselang bahagi ng katawan, o kapag may punlay nang lumalabas sa wet dream o sa
iba pang paraan, at kapag nagkaroon na ng regla ang isang babae. Ang ‘áqil ay ang may lubos na pag-iisip.
108 Ang ‘iddah ay ang panahon na hindi maaaring mag-asawa ang babaing namatayan ng asawa o diniborsiyo.
Kapag hindi nagdadalang-tao, ang ‘iddah ay 3 buwan para sa diniborsiyo at 4 buwan at 10 araw para sa nabalo.
Ang ‘iddah naman ng nagdadalang-tao ay nagtatapos kapag nagsilang. Isinasagawa ang ‘iddah upang kapag
muling nag-asawa ang babae ay makatitiyak siya na hindi nagdadalang-tao sa unang asawa.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
68
nagsasagawa ng ‘iddah na lumabas sa mga bahay nila. Kaya ang sinumang may taglay na
isang hadlang sa mga hadlang na iyon ay hindi isinasatungkulin sa kanya ang hajj.
Ang mga Kaasalan sa Hajj
1. Na pakauunawain ng nagsasagawa ng hajj ang mga alituntunin ng hajj at ‘umrah bago
maglakbay, maaaring sa pamamagitan ng pagbabasa o pagtatanong.
2. Ang pagsisigasig sa pagkakaroon ng mabuting kasamahang tutulong sa kanya sa kabutihan,
at minamagaling na may kasama silang isang maalam o mag-aaral ng Islam.
3. Na ang lalayunin niya sa pagsasagawa niya ng hajj ay ang kasiyahan ng Mukha ni Allah
at ang mapalapit sa Kanya.
4. Ang pangangalaga sa dila laban sa mga kalabisang pananalita.
5. Ang madalas na pagsambit ng mga dhikr at mga panalangin.
6. Ang pagpipigil na makasakit sa mga tao.
7. Na magsisigasig ang babaeng Muslim sa pagtatakip ng sarili, pagsusuot ng hijáb, at
paglayo sa siksikan ng mga lalaking [hindi mahram].
8. Na isasaisip ng nagsasagawa ng hajj na siya ay nasa sandali ng isang pagsamba, hindi
nasa sandali ng pamamasyal at pagliliwaliw dahil ang iba sa mga nagsasagawa ng hajj
― patnubayan nawa sila ni Allah ― ay nag-aakalang ang hajj ay isang pagkakataon
para sa pamamasyal at pagpapakuha ng mga litrato.
Ang Ihrám
Ang ihrám ay ang layunin ng pagpasok sa mga takdang gawain ng hajj o ‘umrah.
Isinasatungkulin ang pagsasagawa ng ihrám sa sinumang nagnais na magsagawa ng hajj o
‘umrah. Magsasagawa ng ihrám ang nagnanais magsagawa ng hajj o ‘umrah, kapag siya
ay dumarating mula sa labas ng Makkah, sa isa sa mga míqát na itinakda ng Sugo (SAS).
Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang Dhulhulayfah. Ito ay isang maliit na nayong malapit sa alMadínah at tinatawag
sa ngayon na Abyár ‘Ali. Ito ang míqát ng mga galing sa Madínah;
2. Ang alJuhfah. Ito ay isang nayong malapit sa Rábigh. Ang mga tao sa ngayon ay nagsasagawa
ng ihrám sa Rábigh. Ito ang míqát ng mga galing sa Shám;109
3. Ang Qarnulmanázil (asSayl alKabír). Ito ay malapit sa Tá’if. Ito ang míqát ng mga
galing sa Najd;110
4. Ang Yalamlam. Ito ay may layong mga 70 km mula sa Makkah. Ito ang míqát ng
mga galing sa Yemen;
5. Ang Dhátu‘irq. Ito ang míqát ng mga galing sa Iraq.
Ang mga lugar na ito ay ginawang míqát ng Propeta (SAS) para sa mga nabanggit natin
at para sa mga dumaraan sa mga iyon na mga hindi tagaroon na nagnanais na magsagawa
ng hajj o ‘umrah. Ang mga naninirahan sa Makkah at ang mga tao sa pagitan ng Makkah
at mga míqát ay magsasagawa ng ihrám sa mga tahanan nila.
Ang mga Sunnah sa Ihrám
Kabilang sa mga gawaing sunnah na gawin bago isagawa ang ihrám ang sumusunod:
109 Ang Syria, Jordan, Lebanon, at Palestina sa ngayon.
110 Ang kalagitnaang bahagi ng Saudi Arabia, na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Riyadh at Qasím.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan