Kataasan ng panlulupig: Nangangahulugan ito na walang makadadaig sa Kanya, na Siya lumupig sa lahat
ng nilikha Niya kaya walang makalalabas na isa man sa kanila mula sa kapamahalaan Niya at pananaig Niya.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
29
Siya ang Mapagpasalamat na nagpapasalamat sa kaunting mabuting gawa. Ginagantihan
Niya ito ng maraming kabayara at dinadagdagan Niya ang mga nagpapasalamat mula sa
kabutihang-loob Niya.
Ang totoong mananampalataya ay “naglalarawan” kay Allah sa pamamagitan ng “inilarawan”
Niya sa sarili Niya at “inilarawan” ng Sugo Niya na mga katangiang pansarili,
gaya ng ganap na buhay; pagdinig; pagkakita; ganap ng kakayahan, kadakilaan, at kalakihan;
kaluwalhatian, kamahalan, kaganapan, at kapurihang walang takda.
Sumasampalataya siya sa nasaad sa Qur’an at sa paulit-ulit na napagtibay na Sunnah na:
ang mga mananampalataya ay makakikita sa Panginoon nila sa Paraiso sa pamamagitan
ng mga mata nila; na ang lugod ng pagkakita sa Kanya at ang pagtamo ng kasiyahan Niya
ay ang pinakamalaki sa mga biyaya at mga sarap sa Paraiso; na ang sinumang namatay na
wala sa Pananampalataya at Tawhíd, siya ay pananatilihin sa Apoy ng Impiyerno magpakailanman;
na ang mga may mga malaking kasalanan na mga mananampalataya, kapag
namatay sila nang walang pagbabalik-loob ni hindi nagkaroon ng isang pambayad-sala
para sa kanila sa mga pagkakasala nila, kung papasok man sila sa Impiyerno ay hindi sila
pananatilihin doon. Walang matitira sa Impiyerno na isang may kasimbigat ng buto ng
mustasa na pananampalataya sa puso niya dahil lalabas din siya mula roon.
Na ang Pananampalataya ay sumasaklaw sa mga pinaniniwalaan ng mga puso, mga
sinasabi ng mga ito, mga gawain ng mga ito, mga gawain ng mga bahagi ng katawan, at
mga sinasabi ng dila. Kaya ang sinumang gumanap sa mga ito sa paraang pinakalubos ay
siya sa totoo ang mananampalataya na naging karapat-dapat sa gantimpala at naligtas sa
kaparusahan. Ang sinumang nagkulang ng anuman mula sa mga ito ay nakulangan ang
pananampalataya niya ng katumbas na sukat niyon. Dahil doon ang pananampalataya ay
nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at paggawa ng mabuti at nababawasan sa
pamamagitan ng paggawa ng pagsuway at kasamaan.
Sumasaksi rin ang mananampalataya na si Muhammad (SAS) ay Lingkod at Sugo ni
Allah. Isinugo siya ni Allah dala ang patnubay at Relihiyon ng Katotohanan upang pangibabawin
ito sa lahat ng relihiyon. Siya ay higit na malapit sa mga mananampalataya kaysa
sa mga sarili nila. Siya ay pangwakas sa mga propeta. Isinugo siya sa tao at jinn bilang
tagapagbalita ng nakalulugod, tagapagbabala, tagaanyaya tungo kay Allah ayon sa kapahintulutan
Niya, at bilang isang ilaw na nagbibigay-liwanag. Isinugo siya dala ang kabutihang
espirituwal at ang kabutihang materyal upang maisagawa ng mga nilikha ang pagsamba
kay Allah lamang nang walang katambal sa Kanya at upang maipantulong nila ang
panustos Niya para roon.
Nalalaman ng mananampalataya na ang Propeta (SAS) ay ang pinakamaalam sa mga
nilikha, ang pinakatapat sa kanila, ang pinakamapagpayo sa kanila, at ang pinakasukdulan
sa kanila sa paglilinaw kaya naman dinadakila siya nito, iniibig siya nito, inuuna nito ang
pag-ibig sa kanya nang higit sa lahat ng nilikha, sinusunod siya nito sa mga saligan ng
relihiyon nila at mga sangay niyon, at inuuna nito ang pahayag niya at ang patnubay niya
nang higit sa pahayag at patnubay ng bawat isa.
Naniniwala ang mananampalataya na si Allah ay nagtipon sa Propeta (SAS) ng mga
kalamangan, mga katangian, at mga kalubusan na hindi Niya tinipon sa isa man. Kaya
naman ang Propeta (SAS) ang pinakamataas sa mga nilikha sa katayuan, ang pinakadakila
sa kanila sa reputasyon, at ang pinakalubos sa kanila sa bawat kalamangan. Walang natiSilabus
ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
30
rang kabutihan na hindi niya iyon itinuro sa Kalipunan niya ni kasamaan na hindi siya
nagbabala sa kanila laban doon.
Sumasampalataya rin ang mananampalataya sa bawat aklat na ibinaba ni Allah at sa
bawat sugo na isinugo ni Allah na nalaman niya at hindi niya nalaman. Hindi siya nagtatangi
sa isa man sa mga sugo sa pananampalataya sa kanila. Naniniwala siya na ang mensahe
nila ay isa at iyon ay ang pagsamba kay Allah lamang nang walang katambal sa Kanya.
Naniniwala ang mananampalataya sa lahat ng itinakda at na ang lahat ng mga gawain
ng mga tao ― ang mabuti sa mga ito at ang masama sa mga ito ― ay nasaklawan ng kaalaman
ni Allah, isinulat ng panulat Niya, natupad sa mga ito ang kalooban Niya, at naugnay
sa mga ito ang katwiran Niya. Lumikha si Allah para sa mga lingkod Niya ng kakayahan
at pagnanais na nagaganap sa pamamagitan ng mga ito ang mga sinasabi nila at ang mga
gawain nila alinsunod sa kalooban nila. Hindi Niya pinilit sila sa anuman sa mga ito. Bagkus
ginawa Niya sila na mga nakakapamili sa mga ito. Ibinukod Niya ang mga mananampalataya
yamang pinaibig Niya sa kanila ang pananampalataya at pinaganda Niya ito sa mga
puso nila. Pinasuklam Niya sa kanila ang kawalang-pananampalataya, ang kalapastanganan,
at ang pagsuway alinsunod sa katarungan Niya at karunungan Niya.
Bahagi rin ng saligan ng pananampalataya na nagpapasakop ang mananampalataya sa
payo mula kay Allah, mula sa Aklat Niya, mula sa Sugo Niya, mula sa mga pinuno ng mga
Muslim, at mula sa madlang Muslim. Ipinag-uutos niya ang nakabubuti at sinasaway niya
ang nakasasama, ayon sa isinasatungkulin ng Sharí‘ah. Pinahahalagahan niya ang pagpapakabuti
sa mga magulang; ang ugnayan sa mga kaanak; ang pagmamagandahang-loob sa
mga mag-anak, mga kapitbahay; at sinumang may karapatan; at ang pagmamagandahangloob
sa lahat ng nilikha. Nag-aanyaya siya sa mararangal sa mga kaasalan at magaganda
sa mga ito at sinasaway niya ang masasagwa sa mga kaasalan at ang kalait-lait sa mga ito.
Naniniwala ang mananampalataya na ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa
pananampalataya at katiyakan sa paniniwala ay ang pinakamaganda sa kanila sa mga gawain
at mga kaasalan, ang pinakatapat sa kanila sa mga sinasabi, ang pinakanapatnubayan sa
kanila sa bawat kabutihan at kagalingan, at ang pinakamalayo sa kanila sa bawat bisyo.
Nalalaman ng mananampalataya na ang pakikibaka sa landas ni Allah ay magpapatuloy
hanggang sa Araw ng Pagbangon, na ito ang rurok ng tugatog ng Relihiyong Islam: ang
pakikibaka ng kaalaman at ang pakikibaka ng sandata, na ito ay isang tungkulin ng bawat
Muslim: ang pagtatangol sa Islam sa pamamagitan ng bawat paraang posible at makakaya,
at na ito ay mangyayari kasama ng lehitimong pinuno na mabuting-loob at masamang-loob,
kapag lumitaw ang mga kundisyon nito at nalubos ang mga kadahilanan nito.
Bahagi rin ng mga saligan ng pananampalataya ang paghimok, ang pagpapahalaga, at
ang kasigasigan sa pagbuo sa pagkakaisa ng mga Muslim; ang pagsisikap na paglapitin ang
mga puso nila at pagbuklurin ang mga ito; ang pagbabala laban sa pagkakawatak-watak,
pag-aawayan, at pagmumuhian; at ang paggawa ng bawat kaparaanan na magpapahantong
dito. Gayon din ang pagsaway sa pagpinsala sa mga tao sa mga buhay nila, mga ari-arian
nila, mga karangalan nila, at lahat ng karapatan nila; ang pag-uutos sa katarungan at pagkamakatarungan
sa lahat ng mga pakikitungo sa mga Muslim at mga Káfir.
Naniniwala rin ang mananampalataya na ang pinakamainam na kalipunan ay ang kalipunan
ni Muhammad (SAS) at ang pinakamainam sa kanila ay ang mga Kasamahan ng Sugo
ni Allah (SAS), lalung-lalo na ang mga napatnubayang Khalífah, ang sampung sinasakSilabus
ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
31
sihang papasok sa Paraiso, ang mga nakipaglaban sa Badr, ang mga kabilang sa Bay‘ah
arRidwán, at ang mga unang nangunguna na kabilang sa mga Muhájir at sa mga Ansáríy.
Minamahal niya ang mga Sahábí ― kasiyahan nawa sila ni Allah. Tatalima siya kay Allah
sa pamamagitan niyon. Ipalalaganap niya ang mga magandang katangian nila at mananahimik
siya sa sinasabi tungkol sa mga masamang katangian daw nila.
Nagpapasakop siya kay Allah sa pamamagitan ng paggalang sa mga pumapatnubay na
pantas ng Islam, mga pinuno ng katarungan na kabilang sa mga namamahala, at mga may
mataas na kalagayan sa Islam at sarisaring kalamangan sa mga Muslim. Hinihiling niya
kay Allah na kupkupin Niya sila laban sa pagdududa, Shirk, pag-aalitan, pagkukunwari,
at kasamaan ng mga kaasalan, at na patatagin Niya sila sa Relihiyon ng Propeta nila (SAS)
hanggangang sa kamatayan.
Ito ang mga pangkalahatang saligang sinasampalatayanan ng mga tagasunod ng pangkat
na maliligtas at tungo rito ay nag-aanyaya sila.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
32
أحكام اَلطهارةَ
Ang mga Alituntunin sa Tahárah
Ang Tahárah at ang Najásah28
Ang najásah ay ang anumang isinasatungkulin sa Muslim na iwasan at hugasan ang
anumang kumapit sa kanya mula rito. Kaya isinasatungkulin na hugasan ang bahagi ng
damit at ng katawan kapag nakapitan ang mga ito ng isang najásah nang sa gayon ay maalis
ito sa mga iyon. Kung ang najásah ay nakikita gaya ng dugo ng regla, halimbawa, at kung
may natirang bakas na mahirap maalis matapos hugasan o labhan, walang anuman iyon.
Kung ang najásah naman ay hindi nakikita, makasasapat na hugasan ito kahit isang ulit.
Tungkol naman sa lupa, kapag nalagyan ito ng najásah, ay nagiging táhir ito sa pamamagitan
ng pagbubuhos ng tubig dito. Nagiging táhir din ang lupa kapag natuyo ang najásah
kapag ito ay likido. Kapag ang najásah naman ay solido, ang lupa ay hindi magiging táhir
kung hindi naaalis ang najásah.
Ginagamit ang tubig para sa pagsasagawa ng tahárah29
at para sa pag-aalis ng mga najásah.
Ang tubig na iyon ay tulad ng tubig ng ulan, tubig ng dagat, at iba pa.30
Ipinahihintulot ding
gamitin ang tubig na musta‘mal31 at gayon din ang tubig na nahaluan ng isang bagay na
táhir32 at nanatili sa dating kalagayan nito, na hindi nabago ng bagay na iyon sa pagiging
tubig. Kapag nahaluan naman ito ng isang bagay na táhir at nabago niyon ito sa pagiging
tubig, hindi na ipinahihintulot ang paggamit nito para sa pagsasagawa ng tahárah. Hindi rin
ipinahihintulot ang paggamit ng anuman nahaluan ng isang najásah. Iyon ay kapag nabago
ng najásah ang lasa nito, o ang amoy nito, o ang kulay nito. Kapag naman walang nabagong
anuman dahil doon, ipinahihintulot ang paggamit nito para sa pagsasagawa ng tahárah.
Ipinahihintulot din ang paggamit ng natirang tubig sa lalagyan matapos uminom mula
rito, maliban sa anuman ininuman ng aso o ng baboy sapagkat ito ay najis na.
Ang mga Uri ng Najásah
A. Ang ihi at ang dumi.
B. Ang wady. Ito ay malapot na puting likido na lumalabas sa ari matapos umiihi.
C. Ang madhy. Ito ay malagkit na puting likido na lumalabas sa ari sa sandali ng pagnanasang
seksuwal.
Ang maní (semen) ay táhir ngunit kaibig-ibig na hugasan ito kapag ito ay basa pa
at kuskusin naman kapag ito ay tuyo na.
D. Ang ihi at ang dumi ng hayop na ipinagbabawal kainin sa Islam ay najis. Ang ihi at ang
dumi ng hayop naman na ipinahihintulot kainin ay hindi najis.33
28 Ang tahárah sa literal na kahulugan ay kadalisayan. Ito ay ang anumang itinuturing ng Islam na kalinisan.
Ang najásah ay ang anumang itinuturing ng Islam na karumihan. Ang anumang nagtataglay tahárah ay táhir
at anumang nagtataglay ng najásah ay najis.
29 Ang hinihiling na kalinisan o paglilinis bago magsagawa ng pagsamba.
30 Gaya ng tubig na galing sa niyebe, balon, bukal, batis, ilog, sapa at lawa.
31 Ang nagamit na sa pagsasagawa ng tahárah. Maaaring gamitin ngunit hindi madalas; ginagamit lamang ito
kapag kinapos ng tubig.
32 Anumang bagay na hindi itinuturing ng Sharí‘ah na nakapagpaparumi o marumi.
33 Mabuting hugasan ang bahagi ng katawan o kasuutan na nakapitan nito.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
33
Ang mga nabanggit na najásah na ito ay kailangang hugasan at alisin ang anumang
kumapit sa katawan at damit mula sa mga ito.
E. Ang dugo ng regla.
Tungkol naman sa madhy, kapag kumapit ito sa damit, ay makasasapat na rito na
wisikan ng tubig.
Ilan sa mga Alituntunin sa Najásah
1. Kapag nakapitan ang isang tao ng isang bagay na hindi niya malaman kung ito ay najis
o hindi, hindi na kinakailangan sa kanya na mag-usisa pa tungkol dito at hindi na rin
kinakailangan sa kanya na hugasan pa ito dahil ang orihinal na kalagayan ng mga bagay
ay ang pagiging tahárah.
2. Kapag nakatapos ang isang tao sa pagsasagawa ng saláh niya at nakakita siya sa katawan
niya o damit niya ng isang najásah na hindi niya nalaman bago nagsagawa ng saláh o
nalalaman nga niya ngunit nakalimutan niya naman, ang saláh niya ay tumpak pa rin.
3. Kung hindi makita ang kinapitan ng najásah sa damit, kailangang labhan o hugasan ang
buong damit.
Ang Paggamit ng Palikuran
Ilan sa mga Kaasalan sa Paggamit ng Palikuran:
1. Iuuna ang kaliwang paa [sa pagpasok sa palikuran] at bago pumasok sa palikuran ay
magsasabi ng ganito:
Bismi lláh,
alláhumma inní a‘údhu bika mina lkhubthi
wa lkhabá’ith.
34
Sasabihin naman matapos lumabas ang ghufrának
35 habang inuuna palabas
ang kanang paa.
2. Hindi magsasama sa loob ng palikuran ng anumang may nakasulat na pangalan ni Allah
maliban kung pinangangambahang mawala ito.
3. Hindi haharap o tatalikod sa qiblah sa sandali ng pag-ihi o pagdumi sa disyerto ngunit
sa loob ng palikuran ay ipinahihintulot ang pagtalikod at ang pagharap [sa qiblah].
4. Ang pagtatakip ng ‘awrah sa harap ng mga tao at ang hindi pagwawalang-bahala sa
bagay na iyon. Ang ‘awrah ng lalaki ay mula sa pusod hanggang sa tuhod at ang sa
babae naman ay ang buong katawan nito maliban sa mukha sa sandali ng pagsasagawa
ng saláh maliban kung may mga lalaking hindi mahram sapagkat tatakpan nito ang
mukha nito sa sandali ng pagsasagawa ng saláh.36
5. Ang pag-iingat na madikitan ang katawan o ang kasuutan ng anuman sa ihi o dumi niya.
6. Ang paglilinis ng sarili sa pamamagitan ng tubig matapos umihi o dumumi o sa pamamagitan
ng paggamit ng mga papel o mga bato at iba pang tulad nito para sa pag-aalis
ng bakas ng najásah [ng ihi at dumi kapag walang tubig], at ang paggamit ng kaliwang
kamay sa paglilinis ng sarili.
34 Sa ngalan ni Allah. O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga
babaing demonyo.
35 Hinihingi ko (Allah) ang kapatawaran Mo.
36 Ito ang pananaw ng mga naniniwalang kinakailangang takpan ng babae ang mukha niya.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
34
Ang Wudú’
Hindi matatanggap ang saláh nang walang wudú’37 sapagkat ayon kay Abú Hurayrah
(RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:
Tunay na si Allah ay hindi tatanggap sa saláh ng isa sa inyo kapag nawalan
ng saysay ang wudú’ niya hanggat hindi siya nakapagasagawa ng wudú’.
Kailangan din ang pagkakasunud-sunod at ang pagkatuloy-tuloy sa pagsasagawa ng
wudú’.38
Ang pagsasagawa ng wudú’ ay may mga dakilang kabutihan na nararapat na matalos
ng tao. Kabilang doon ang sumusunod ang nasaad ayon kay ‘Uthmán ibnu ‘Affán (RA) na
nagsabi:
“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang nagsagawa ng wudú’ at hinusayan
ang pagsasagawa ng wudú’, lalabas ang mga kamalian niya mula sa
katawan niya hanggang sa lumabas mula sa ilalim ng mga kuko niya.” (Isinalaysay
ito ni Imám Muslim: 245.)
Ayon pa rin kay ‘Uthmán ibnu ‘Affán (RA) na nagsabi:
“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang lumubos sa pagsasagawa ng
wudú’ gaya ng ipinag-utos ni Allah, pagkataas-taas Niya, ang mga saláh na
itinakdang isagawa ay mga panakip-sala sa pagitan ng mga ito.” (Isinalaysay
ito ni Imám Muslim: 231.)
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Wudú’
1. Isasapuso ang níyah (hangarin) na magsagawa ng wudú’ nang hindi na binibigkas ang
níyah. Ang níyah ay ang pagpapasya ng isip na gawin ang isang bagay. Pagkakatapos
ay magsasabi ng bismi lláh.
2. Pagkatapos ay huhugasan ang mga kamay nang tatlong ulit.
3. Pagkatapos ay tatlong ulit na magmumumog at isisinga ang tubig na ipinasok sa ilong.
4. Pagkatapos ay huhugasan ang mukha nang tatlong ulit mula sa isang tainga hanggang
sa kabilang tainga, pahalang; at mula sa mga tinutubuan ng mga buhok sa noo hanggang
sa dulo ng balbas, pababa.
37 Ang wudú’ ay ang kinakailangang paghuhugas bago magsagawa ng saláh upang maging tanggap ang saláh.
Kailangan din ang wudú’ kapag magsasagawa ng tawáf sa Ka‘bah at kapag hihipuin ang talata ng Qur’án. Ang
tawáf ay ang pag-ikot ng pitong ulit sa palibot Ka‘bah.
38 Ang pagkakasunud-sunod ay ang pagkakasunud-sunod sa paghuhugas ng mga bahagi ng katawan kaya naman
hindi uunahin ang kasunod na bahagi sa naunang bahagi. Ito ay sa pamamagitan ng paghuhugas ng mukha,
pagkatapos ay mga kamay, pagkatapos ay hahaplusin ang ulo at mga tainga, at pagkatapos ay huhugasan ang
mga paa. Ang pagkatuluy-tuloy ay ang walang mamagitang matagal na sandali sa pagitan ng paghuhugas ng
naunang bahagi at kasunod na bahagi hanggang sa matuyo na ang naunang bahaging iyon.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
35
5. Pagkatapos ay huhugasan ang kamay at braso nang tigtatatlong ulit mula sa mga dulo
ng mga daliri hanggang sa siko. Magsisimula sa kanan at pagkatapos ay sa kaliwa.
6. Pagkatapos ay hahaplusin ang ulo nang isang ulit sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga
kamay, pagkatapos ay ipapahid ang mga ito mula sa unahan ng ulo (sa tinutubuan ng
buhok sa noo) hanggang sa hulihan nito (sa tinutubuan ng buhok sa batok) at pagkatapos
ay ipapahid naman pabalik sa unahan ng ulo.
7. Pagkatapos ay hahaplusin ang mga tainga nang isang ulit: ipapasok ang mga hintuturo
sa mga butas ng mga tainga habang ipinanghahaplos ang mga hinlalaki sa likod ng
mga tainga.
8. Pagkatapos ay huhugasan ang mga paa nang tatlong ulit mula sa dulo ng mga daliri
hanggang sa bukung-bukong. Magsimula sa kanan at pagkatapos ay sa kaliwa.
9. Pagkatapos ay manalangin ng du‘á’ na nasasaad sa Hadíth: Ash'hadu an lá iláha illa
lláh,
wahdahu lá sharíka lah, wa ash'hadu anna muhammadar rasúlu lláh
sapagkat
ayon kay ‘Umar ibnu alKhattáb (RA) na nagsabi:
“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Kapag may isa sa inyo na nagsagawa
ng wudú’ at saka nilubus-lubos ang pagsasagawa ng wudú’ at pagkatapos
ay nagsabi: ash'hadu an lá iláha illa lláh,
wahdahu lá sharíka lah, wa
ash'hadu anna muhammadar rasúlu lláh
39 ay bubuksan para sa kanya
ang walong pintuan ng Paraiso. Papasok siya mula sa alinman sa mga ito
na loloobin niya.”
Ang Pagpupunas sa Medyas
Bahagi ng kaluwagan at kagaanan ng Relihiyong Islam ay na ipinahintulot nito ang
pagpupunas sa ibabaw ng suot na medyas (sa halip na hubarin at hugasan ang paa). Ito ay
napagtibay buhat sa Propeta (SAS) sapagkat ayon kay ‘Amr ibnu Umayyah (RA) na nagsabi:
“Nakita ko ang Propeta (SAS) na nagpupunas sa ibabaw ng turban niya at mga khuff niya.”
(Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy.) Ayon naman kay alMughírah ibnu Shu‘bah (RA) na
nagsabi: “Samantalang ako ay kasama ng Sugo ni Allah isang gabi noong nangasilyas siya
at natugon niya ang tawag ng kalikasan. Pumunta siya sa akin at nagbuhos ako ng tubig
para sa kanya mula sa isang sisidlan na dala ko. Nagsagawa siya ng wudú’ at pinunasan
niya ang mga khuff niya.” (Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim.) Subalit
isinasakundisyon para sa pagpupunas sa medyas na isinuot ang mga ito habang nasa sandali
ng tahárah. Ibig sabihin: Isinusuot ang mga medyas habang nasa sandaling may bisa pa ang
wudú’. Ang pagpupunas ay sa pamamagitan ng pagpapahid ng binasang kamay sa ibabaw
nito at hindi hahaplusin ang mga suwelas nito. Ang haba ng panahon na bisa ng pagpapahid
[mula nang unang pahiran ang medyas] ay isang araw at isang gabi (24 oras) para sa hindi
naglalakbay at tatlong araw at tatlong gabi (72 oras) para sa musáfir (naglalakbay) na naglalakbay
ng isang paglalakbay na mapahihintulutang paikliin ang mga saláh. Nawawalan
39 Sumasaksi ako na walang totoong Diyos kundi si Allah; tanging Siya lamang, wala Siyang katambal; at
sumasaksi ako na si Muhammad ay Sugo ni Allah.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
36
ng bisa ang pagpapahid sa pagtatapos ng takdang panahon ng pagpupunas, o sa paghuhubad
ng mga medyas matapos napunasan ang mga ito, o sa pagkakaroon ng janábah40 yamang
inoobliga ang junub na hubarin ang mga medyas upang magsagawa ng ghusl.
Ang mga Nakapagpapawalang-bisa sa Wudú’
1. Ang paglabas sa puwitan at ari ng ihi, dumi, utot, maníy (semen), madhy, wady, at dugo.
2. Ang pagkatulog.
3. Ang pagkain ng karne ng kamelyo.
4. Ang pagkahi-matay at ang pagkawala ng ulirat.
Ang Ghusl
Ito ay ang pagbubuhos ng tubig sa katawan sa layuning magsagawa ng tahárah. Kailangan
para sa katumpakan nito na hugasan ang buong katawan kalakip ng pagmumumog
at pagsinga sa tubig na ipinasok sa ilong. Kinakailangan ang ghusl sa limang pangyayari:
1. Ang paglabas ng maníy41 nang may kasamang pagnanasang seksuwal, gising man o tulog,
mula sa ng lalaki o babae. Kapag naman lumabas ang maníy hindi dahil sa pagnanasang
seksuwal, gaya ng paglabas nito dahil sa karamdaman o sa tindi ng lamig, hindi na
kinakailangan ang ghusl. Gayon din kapag nanaginip na nakikipagtalik at walang nakitang
may lumabas na maníy o bakas ng maníy, hindi na kinakailangan ang ghusl. Kapag
nakakita naman ng maníy o bakas nito, kinakailangan na ang ghusl kahit pa man hindi
naalaala na nanaginip na nakikipagtalik
2. Ang pagtatagpo ng mga ari ng lalaki at babae. Ibig sabihin: ang pagpasok ng dulo ng
ari ng lalaki sa puwerta ng ari ng babae kahit pa man walang nangyaring paglabas ng
maníy.
3. Ang paghinto ng regla at nifás.42
4. Ang kamatayan, yamang kinakailangang paliguan ang patay.
5. Kapag yumakap sa Islam ang Káfir, kinakailangan sa kanya ang ghusl.
Ang Ipinagbabawal sa Junub
1. Ang pagsasagawa ng saláh.
2. Ang pagsasagawa ng tawáf.
3. Ang paghawak at ang pagdadala ng kopya ng Qur’án at ganoon din ang pagbigkas ng
Qur’án, may tunog man o walang tunog, mula sa memorya man o direktang pagbabasa
mula sa isang kopya ng Qur’án at tulad nito.
4. Ang pananatili sa loob ng masjid. Ang pagdaan sa loob ay walang masama. Maaaring
tumigil kapag pinagaan ang pagiging junub sa pamamagitan ng wudú’.
40 Natatamo ang kalagayang ito kapag nakipagtalik ang isang tao, kapag may lumabas na semen sa kanya kalakip
ng pagnanasang seksuwal, kapag dumating ang buwanang dalaw ng isang babae, at habang may nifás (pagdurugo
sanhi ng panganganak). Ang taong nasa kalagayang ito ay tinatawag na junub.
41 Ang maníy para sa babae ay ang kulay puting malabnaw na likido na kadalasang lumalabas kapag nakipagtalik
o nanaginip na nakikipagtalik. Iba ito sa regular na pamamasa (wetness) o sa vaginal discharge.
42 Tingnan sa pahina 107 ang pagtatalakay tungkol sa nifás.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
37
Ang Tayammum
Ipinahihintulot ang tayammum sa sandali ng pananatili at paglalakbay. Ito ay pamalit
sa wudú’ o ghusl kapag may nasumpungang isang kadahilanan mula sa mga sumusunod
na kadahilanan:
1. Kapag walang nahanap na tubig o may nahanap ngunit hindi makasasapat para sa pagsasagawa
ng tahárah matapos ang pagsisikap sa paghahanap ng tubig muna ay magsasagawa
na ng tayammum. Gayon din kung ang tubig ay malapit ngunit nangangamba
para sa sarili o sa ari-arian na baka may masamang mangyari kapag umalis sa paghahanap
niyon.
2. Kapag sa ilang bahagi ng katawan na kailangang hugasan ay may sugat, ito ay huhugasan
ng tubig [sa wudú’]. Ngunit kung ang paghuhugas ng tubig [sa sugat] ay makasasama,
papahiran na lamang ito ng isang pahid: babasain ang kamay at ihahaplos ito
sa sugat. Kung ang pagpapahid ay makasasama pa rin dito, huhugasan ang nalalabi sa
mga bahaging hinuhugasan at magsasagawa ng tayammum alang-alang sa [hindi nahugasang]
bahaging ito.
3. Kapag ang tubig o ang klima ay matindi ang lamig at pinangangambahan ang kapinsalaan
dahil sa paggamit ng tubig.
4. Kung may tubig ngunit kakailanganin ito para inumin, magsasagawa rin ng tayammum.
Ang Pagsasagawa ng Tayammum
Isasapuso ang hangaring isagawa ito. Itatapik nang isang ulit ang mga palad sa tuyong
lupa.43 Pagkatapos ay hahaplusin [nang isang ulit] ang mukha. Pagkatapos ay ihahaplos
ang kaliwang palad sa kanang kamay. Pagkatapos ay ihahaplos naman ang kanang palad
sa kaliwang kamay [nang isang ulit].
Ang nakasisira sa tayammum ay ang nakasisira sa wudú’. Napawawalang-bisa rin ito
kapag nagkaroon na ng tubig ang sinumang walang tubig bago nagsagawa ng saláh o habang
nagsasagawa nito. Kung nakakita naman ng tubig matapos maisagawa ang saláh ay tumpak
pa rin ang saláh at hindi na uulitin pa.44
43 Maliban sa tuyong lupa, maaari rin ang kahit anong bagay na may alikabok gaya ng bato, buhangin at iba pa.
44 Nawawala rin ang bisa ng tayammum kapag ang mga hadlang sa pagsasagawa ng wudú’ at ghusl ay nawala.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
38
أحكام اَلصلَة
Ang mga Alituntunin sa Saláh
Ang saláh ay ang ikalawang sandigan sa mga sandigan ng Islam. Ito ay isang tungkulin
para sa bawat Muslim na báligh at ‘áqil.45 Ang nagkakaila sa pagkatungkulin ng saláh ay
itinuturing na Káfir ayon sa nagkakaisang hatol. Ang sinumang lubusang tumigil sa pagsagawa
ng saláh dala ng pagwawalang-bahala at katamaran, ang karamihan sa mga Sahábí
ay humahatol ng kawalang-pananampalataya niya. Ito ang unang tutuusin sa tao sa Araw
ng Pagbangon. Nagsabi si Allah (4:103):
Tunay na ang pagdarasal, para sa mga sumasampalataya, ay laging isang
tungkuling tinakdaan ng panahon.
Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Isinalig ang Islam sa lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at si
Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagpapanatili sa saláh, ang pagbibigay ng
zakáh, ang pagsasagawa ng hajj, at ang pag-aayuno sa Ramadán.
Ayon kay Jábir ibnu ‘Abdilláh (RA) na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabi:
Tunay na ang nasa pagitan ng tao at ng Shirk at Kawalang-pananampalataya
ay ang pagtigil sa pagsasagawa ng saláh. (Isinalaysay ito ni Imám Muslim.)
Sa pagsasagawa ng saláh ay may mga malaking kainaman at ang ilan doon ay ang isinalaysay
ni Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):
Ang sinumang nagsagawa ng wudú’ sa bahay niya, pagkatapos ay naglakad
patungo sa isa sa mga bahay ni Allah upang isagawa ang isa sa mga [saláh na]
isinatungkulin ni Allah, ang mga hakbang niya [ay ganito:] ang isa sa dalawa
ay nagbababa ng kasalanan [niya] at ang isa pa ay nag-aangat ng antas [niya].
(Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 666.)
Ayon pa rin kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:
45 Ang báligh ay ang may sapat na gulang. Nagiging báligh ang tao kapag tumuntong sa 15 taong gulang na, o
tinubuan na ng buhok sa maselang bahagi ng katawan, o kapag may punlay nang lumalabas sa wet dream o sa
iba pang paraan, at kapag nagkaroon na ng regla ang isang babae. Ang ‘áqil ay ang may lubos na pag-iisip.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
39
Ituturo ko ba sa inyo ang ipinampapawi ni Allah sa mga kasalanan at ang ipinantataas
Niya sa mga antas? Nagsabi sila: “Opo, o Sugo ni Allah.” Nagsabi siya: Ang
paglubos sa pagsasagawa ng wudú‘ sa mga mahirap na sandali, ang maraming
paghakbang tungo sa mga masjid at ang paghihintay sa isang saláh matapos
ang isang saláh. Iyan ang pagbibigkis [sa sarili sa ibig ni Allah]. (Isinalaysay
ito ni Imám Muslim: 251.)
Ayon pa rin kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa Propeta (SAS) na nagsabi:
Ang sinumang pumunta sa masjid o tumungo ay maghahanda si Allah para sa
kanya sa Paraiso ng isang tuluyan, sa tuwing pumunta o tumungo siya. (Muttafaq
‘Alayhi: 662/669. Ito ay teksto ni Imám Muslim.)
Ilan sa mga Mahalagang Bagay na Nauugnay sa Saláh:
A. Ang pagkatungkulin ng pagsasagawa ng saláh sa jamá‘ah (kongregasyon) sa masjid
para sa mga lalaki batay sa isang Hadíth:
Talagang ngang nagbalak ako [minsan] na mag-utos na isagawa ang saláh
kaya isasagawa ang iqámah. Pagkatapos ay pupunta ako sa mga tahanan
ng mga taong hindi dumadalo sa saláh kasama namin at susunugin ko sila.َ
(Muttafaq ‘Alayhi: 242/651.)
B. Itinatagubilin sa Muslim na pumunta nang maaga sa masjid nang may kapanatagan at
kahinahunan.
C. Sunnah din para sa sinumang papasok sa masjid na unahin ang kanang paa at dumalangin
sa pamamagitan ng panalanging nasasaad sa Hadíth:
Alláhumma ftah
lí abwába rahmatik.46 (Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 1652.)
D. Sunnah na magdasal ng dalawang rak‘ah na saláh na pagbati sa masjid bago umupo
batay sa isang Hadíth ayon kay Abú Qatádah (RA), na ang Sugo ni Allah (SAS) ay
nagsabi:
Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid ay magdasal siya ng dalawang
rak‘ah bago umupo. (Muttafaq ‘Alayhi: 444, 714.)
E. Isinasatungkulin ang pagtatakip ng ‘awrah sa saláh. Ang ‘awrah ng lalaki ay mula sa
pusod hanggang sa tuhod at ang sa babae naman ay ang buong katawan niya maliban
sa mukha sa sandali ng saláh.
F. Isinasatungkulin ang pagharap sa qiblah. Ito ay isang kundisyon sa pagtanggap sa saláh,
malibang mayroong hadlang na gaya ng karamdaman at tulad nito.
46 O Allah, buksan Mo para sa akin ang mga pinto ng awa Mo.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
40
G. Isinasatungkulin din ang pagsasagawa ng saláh sa oras nito yamang hindi magiging
tumpak ang saláh na isinagawa bago sumapit ang oras nito. Ipinagbabawal ang pagpapahuli
nito sa takdang oras nito.
H. Ang maagang pagpunta sa saláh, ang pagsisigasig na lumagay sa unang hanay, at ang
paghihintay sa saláh sapagkat sa mga nabanggit na iyon ay may isang dakilang kainaman.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: “Ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:
Kung sakaling nalalaman ng mga tao ang [gantimpalang] nasa [pagbigkas ng]
adhán at unang hanay, pagkatapos ay wala silang matagpuan [paraan sa
pagtamo] kundi magpalabunutan para roon ay talagang magpapalubunutan
sila. Kung sakaling nalalaman nila ang [gantimpalang] nasa pagpapakaaga
ay talagang mag-uunahan sila tungo roon. Kung sakaling nalalaman nila
ang [gantimpalang] nasa [saláh sa] gabi at madaling-araw ay talagang pupuntahan
nila ang mga ito kahit pa pagapang. (Muttafaq ‘Alayhi: 615, 437.)
Ayon pa rin kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:
Hindi natitigil ang [bawat] isa sa inyo sa pagsasagawa ng saláh habang
ang saláh ay pumipigil sa kanya [sa pag-alis]. (Isinalaysay ito nina Imám
alBukhárí at Imám Muslim: 659-649.)
Ang mga Oras ng Saláh at Bilang ng Rak‘ah
Ang oras ng dhuhr ay magmula sa paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat (pagkiling
nito palayo sa kalagitnan ng langit patungo sa dakong kanluran) hanggang sa bago
naging kasinghaba ng isang bagay ang anino nito.
Ang oras ng ‘asr ay nagsisimula kapag ang isang bagay ay naging kasinghaba ng anino
nito hanggang sa bago lumubog ang araw.
Ang oras ng maghrib ay magmula ng lumubog ang araw hanggang sa bago maglaho
ang takipsilim o ang pamumula sa langit na lumilitaw kasunod ng paglubog ng araw.
Ang oras ng ‘ishá’ ay mula ng naglaho ang takipsilim hanggang sa bago maghatinggabi.
Ang oras ng fajr ay nagsisimula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa bago sumikat
ang araw.
Ang mga Pook na Hindi Tumpak Pagsagawaan ng Saláh
A. Ang mga sementeryo dahil ang sabi ng Propeta (SAS):
Ang buong lupa ay masjid maliban sa palikuran at sementeryo.
Tungkol naman salátuljanázah, ito ay ipinahihintulot sa libingan.
B. Ang saláh sa harap ng libingan sapagkat ayon kay Abú Marthad al‘Ghanawíy (RA)
na nagsabi: “Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi:
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
41
Huwag kayong magdasal sa mga libingan at huwag kayong umupo sa ibabaw
ng mga ito.” (Isinalysay ito ni Imám Muslim: 973.)
C. Ang mga may inuman na pahingahan ng mga kamelyo, na mga lugar na pinanatilihan
at tinutuluyan ng mga kamelyo. Hindi rin ipinahihintulot ang pagsasagawa ng saláh
sa mga pook na marumi.
Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Saláh
Kailangang isaisip ang layunin sa pagsagawa ng saláh kung paanong kailangan din iyon
sa lahat ng mga pagsamba. Ang layunin ay nasa puso at wala kalakip na pagbigkas ng dila.
Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng saláh ay gaya ng sumusunod:
A. Ihaharap sa Qiblah ng nagdarasal ang buong katawan niya nang walang paglihis ni
paglingon;
B. Pagkatapos ay magsasagawa siya ng takbiratul’ihrám: magsasabi siya ng Alláhu akbar47
habang itinataas niya ang mga kamay niya nang pantay sa mga balikat niya o mga tainga
niya sa sandali ng pagsabi ng takbír.
C. Pagkatapos ay ipapatong niya ang kanang palad niya sa kaliwang kamay niya na nasa
dibdib niya.
D. Pagkatapos ay sasabihin niya [nang tahimik] ang du‘á’ al’istiftáh:
Alhamdu lilláh hamdan
kathíran tayyibam mubárakan fíh.48 (Isinalaysay
ito ni Imám Muslim.)
O maaari ring sabihin:
Subhánaka lláhumma
wa bihamdika wa tabáraka smuka
wa ta‘álá
jadduka wa lá iláha ghayruk.49 (Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud at Imám
atTirmidhíy: 775, 242. Pinagtibay na sahíh ito ni al’Albání.)
O maaari ring magsabi ng iba pang mga du‘á’ al’istiftáh. Ang mainam ay iba-ibahin
ito at huwag manatili sa iisang du‘á’ al’istiftáh sapagkat tunay na iyon ay higit na
mapag-udyok sa kataimtiman at kamalayan ng puso.
E. Pagkatapos ay magpapakupkop siya kay Allah at bibigkasin ang isti‘ádhah:
A ‘údhu billáhi
mina shshaytáni
rrajím.
50
F. Pagkatapos ay sasabihin niya ang basmalah51 at ang Súrah alFátiháh:
47 Si Allah ay pinakadakila.
48 Ang papuri ay ukol kay Allah, papuring marami, mabuti, pinagpapala.
49 Kaluwalhatian sa Iyo, o Alláh, at pagpupuri sa Iyo. Napakamapagpala ang pangalan Mo, kataastaasan
ang kabunyian Mo at walang totoong Diyos maliban sa Iyo.
50 Nagpapakupkop ako kay Allah laban sa Demonyong isinumpa.
51 Hindi binibigkas nang malakas ang basmalah sa anumang saláh.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
42
1bismilláhi rrahmáni
rrahím,
2alhamdu lilláhi rabbi l‘
álamín,
3arrahmáni rrahím,
4máliki yawmi ddín,
5iyyáka na‘budu wa iyyáka
nasta‘ín, 6ihdina ssiráta
lmustaqím,
7siráta lladhína
an ‘amta ‘alayhim
ghayri lmaghdúbi
‘alayhim wa la ddállín.
52 Ámín.53
G. Pagkatapos ay bibigkas ng anumang makakayang bigkasin mula sa Qur’án.54
H. Pagkatapos ay magsasagawa ng rukú‘ (pagyukod) habang itinataas ang mga kamay [na
nakabukas] nang pantay sa mga balikat habang nagsasabi ng Alláhu akbar.55 Sa rukú‘
ay ilalagay sa mga tuhod ang mga kamay na nakabuka ang mga daliri habang nagsasabi
sa sandali ng pagkakayukod ng subhána rabbiya l‘
adhím.56 Ang Sunnah ay na sabihin
ito nang tatlong ulit. Ipinahihintulot na lumabis doon. Maka-sasapat din ang iisang ulit.
I. Pagktapos ay iaangat ang ulo [kasama ng katawan] mula sa pagkakayukod habang
nagsasabi ng sami‘a lláhu
liman hamidah57 – para sa imám at munfarid58 – habang
itinataas ang mga kamay [na nakabukas] nang pantay sa mga balikat. Ang ma’múm59
naman ay magsasabi ng rabbaná wa laka lhamd
60 sa halip na sami‘a lláhu
liman
hamidah. Ipapatong ang kanang palad sa kaliwang kamay na nasa dibdib.
J. Habang nakatayo ay magsasabi siya ng: Rabbaná laka lhamd,
mil’a ssamáwáti
wa
mil’a l’ard,
wa mil’a má baynahumá, wa mil’a má shi’ta min shay’im ba‘d.61
(Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 1812.)
K. Pagkatapos ay magpatirapa ng unang pagpapatirapa. Magsasabi ng Alláhu akbar sa
pagpapatirapa. Magpapatirapa na nakadiit sa lapag ang pitong bahagi ng katawan: ang
noo kasama ng ilong, ang mga palad, ang mga tuhod, at ang mga dulo ng mga paa.
Ilalayo ang mga braso sa mga tagiliran ng katawan. Ihaharap ang mga dulo ng mga
daliri ng mga paa sa Qiblah. Magsasabi ng subhána rabbiya l‘
a‘lá62 habang nakapatirapa.
Ang sunnah ay na sabihin ito nang tatlong ulit. Ipinahihintulot na dagdagan iyon.
52 1Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. 2Ang lahat ng papuri ay ukol kay Allah, ang
Panginoon ng mga nilalang; 3ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain, 4ang May-ari ng Araw ng Paggantimpala.
5Sa Iyo lamang kami sumasamba at sa Iyo lamang kami nagpapatulong. 6Patnubayan Mo kami sa tuwid
na landasin: 7 ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw. (Amen)
53 Ang ámin ay hindi bahagi ng Qur’an; ang ibig sabihin nito ay tugunin Mo.
54 Kapag nagsasagawa ng saláh na kasama ng imám (namumuno sa saláh) ay hindi na bibigkas ng talata ng
Qur’án. Sapat na lamang na bigkasin nang tahimik ang Súratul Fátihah matapos na ito ay bigkasin ng Imám.
55 Si Allah ay pinakadakila.
56 Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan.
57 Dinidinig ni Allah ang sinumang pumuri sa Kanya.
58 Ang mag-isang nagsasagawa ng saláh.
59 Ang pinamumunuan ng imám sa saláh
60 Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri.
61 Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri, sa abot ng ikapupuno ng mga langit, sa abot ng ikapupuno ng
lupa, sa abot ng ikapupuno ng anumang nasa pagitan ng mga ito, at sa abot ng ikapupuno ng anumang bagay
na niloob Mo pagkatapos.
62 Kaluwalhatian sa Panginoon ko ang Kataastaasan.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
43
Sasapat din ang iisang ulit. Kaibig-ibig na damihan ang panalangin habang nasa sandali
ng pagpapatirapa yamang ito ay kabilang sa mga sandaling tinutugon ang panalangin.
L. Pagkatapos ay iaangat ang ulo niya [kasama ng katawan] mula sa pagkakapatirapa
habang nagsasabi ng Alláhu akbar. Sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa ay uupo sa
kaliwang paa, itutukod ang kanang paa, ilalagay ang kanang kamay sa dulo ng kanang
hita sa tabi ng tuhod, at ilalagay ang kaliwang kamay sa dulo ng kaliwang hita sa tabi
ng tuhod, samantalang ang mga daliri ng mga kamay ay nakaunat. Samantalang nakaupo
ay magsasabi ng rabbi ghfir
lí rabbi ghfir
lí.63
M. Pagkatapos ay magpapatirapa ng ikalawang pagpapatirapa at gagawin dito ang ginawa
sa unang pagpapatirapa.
N. Pagkatapos ay babangon mula sa ikalawang pagpapatirapa habang nagsasabi ng Alláhu
Akbar at titindig nang tuwid.
O. Isasagawa ang ikalawang rak‘ah gaya ng sa unang rak‘ah sa kung ano ang sinasabi at
ginagawa ngunit hindi na bibigkas ng du‘á’ al’istiftáh at hindi na bibigkas ng isti‘ádhah.
Pagkatapos ng ikalawang pagkakapatirapa nito ay uupo gaya ng pag-upo sa pagitan
ng dalawang pagkakapatirapa ― maliban kung ang saláh ay apatan o tatluhang rak‘ah
― ngunit ikukuyom ang mga daliri ng kanang kamay, pagsasalubungin ang hinlalaki
at ang hinlalato, at ituturo ang hintuturo. Bibigkasin ang tashahhud sa pag-upong ito
at igagalaw-galaw ang hintuturo habang nagsasabi ng ashhadu an lá iláha illa lláh,
wa ashhadu anna muhammadan ‘abduhu wa rasúluh. Ang tashahhud ay ang pagsabi
ng:
Attahíyátu lilláhi wa ssalawátu
wa ttayyibát,
assalámu ‘alayka ayyuha
nnabíyu
wa rahmatu lláhi
wa barakátuh, assalámu ‘alayná wa ‘alá ‘ibádi
lláhi
ssálihín,
ashhadu an lá iláha illa lláh,
wa ashhadu anna muhammadan
‘abduhu wa rasúluh.64 (Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy: 831.) May nasaad
na mga iba pang anyo ng tashahhud na iba pa rito.
Pagkatapos ay babangon upang tumindig ― kapag nagdarasal ng tatluhang rak‘ah
na saláh na maghrib o ng apatang rak‘ah na saláh na gaya ng dhuhr o ‘asr o ‘ishá’ ―
habang nagsasabi ng Alláhu akbar samantalang inaangat ang mga kamay nang pantay
sa mga balikat sa sandali ng pagtayo. Pagkatapos ay bubuuhin ang anumang natira sa
saláh ayon pamamaraan ng ikalawang rak‘ah, ngunit bibigkas ng alFátihah lamang
habang nakatayo.
63 Panginoon ko, patawarin Mo ako; Panginoon ko, patawarin Mo ako. Ito naman ang isa sa pinakalubos:
Allahumma ghfir
lí wa rhamní
wa hdiní
wa jburní
wa ‘áfiní wa rzuqní
wa rfa‘
ní. (O Allah, patawarin
Mo ako, kaawaan Mo ako, patnubayan Mo ako, pariwasain Mo ako, palusugin Mo ako, tustusan Mo ako, at
iangat Mo ako.)
64 Ang mga pagbati ay ukol kay Allah, at ang mga dasal at mga mabuting gawa. Ang kapayapaan ay sumaiyo,
o Propeta, at ang awa ni Allah at ang biyaya Niya. Ang kapayapaan nawa ay sa kanya at sa mga matuwid na
lingkod ni Allah. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at sumasaksi ako na si Muhammad ay
Lingkod Niya at Sugo Niya.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
44
Matapos ang ikalawang pagkakapatirapa sa huling rak‘ah ay uupo at bibigkasin
ang tashahhud:
Attahíyátu lilláhi wa ssalawátu
wa ttayyibát,
assalámu ‘alayka ayyuha
nnabíyu
wa rahmatu lláhi
wa barakátuh, assalámu ‘alayná wa ‘alá
‘ibádi lláhi
ssálihín,
ashhadu an lá iláha illa lláh,
wa ashhadu anna
muhammadan ‘abduhu wa rasúluh.
at ang Saláh ibráhímíyah:
Alláhumma salli ‘alá muhammadin wa ‘alá áli Muhammad, kamá sallayta
‘alá ibráhíma wa ‘alá áli ibráhím, innaka hamídum majíd. Alláhumma
bárik ‘alá muhammadin wa ‘alá áli muhammad, kamá bárakta ‘alá ibráhím,
innaka hamídum majíd.65 (Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy: 3370.)
Pagkatapos nito ay dadalangin ng anumang loloobin. Sunnah na damihan ang panalangin,
at manalangin ng panalanging nasasaad sa Qu’an at Hadíth:
Alláhumma inní a‘údhu bika min ‘adhábi lqabri
wa min ‘adhábi nnári
wa min fitnati lmahyá
wa lmamáti
wa min fitnati lmasíhi
ddajjál.
66
(Isinalaysay ito ni Imám alBukhárí at Imám Muslim: 1377, 1328.)
P. Pagkatapos ay babati habang lumilingon sa dakong kanan habang nagsasabi ng assalámu
‘alaykum wa rahmatu lláh
67 at pagkatapos ay gayon din sa dakong kaliwa naman.
Q. Sunnah sa huling Tashahhud ng saláh sa dhuhr, ‘asr, maghrib, at ‘ishá’ na maupo ang
nagdarasal nang pag-upong tawarruk: itinutukod ang kanang paa, pinalalabas ang
kaliwang paa mula sa ilalim ng kanang lulod, inuupo ang pigi sa lapag, at inilalagay
ang mga kamay gaya ng paglalagay sa unang tashahhud.
Ang mga Dhikr Matapos ang Saláh
Astaghfiru llah,
astaghfiru llah,
astaghfiru llah,
alláhumma anta ssalámu
wa minka
ssalám,
tabárakta yá dha ljaláli
wa l’ikrám.
65 O Allah, basbasan Mo si Muhammad at ang mag-anak ni Muhammad gaya ng pagbasbas Mo kay Ibrahim
at sa mag-anak ni Ibrahim; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maluwalhati. O Allah, pagpalain Mo si Muhammad
at ang mag-anak ni Muhammad gaya ng pagpala Mo kay Ibrahim at sa mag-anak ni Ibrahim; tunay na Ikaw
ay Kapuri-puri, Maluwalhati.
66 O Alláh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa Apoy, laban sa pagdurusa sa
libingan, laban sa tukso ng buhay at kamatayan, at laban sa tukso ng Bulaang Kristo.
67 Ang kapayapan ay sumainyo at ang awa ni Allah.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
45
Humihingi ako ng tawad kay Allah. Humihingi ako ng tawad kay Allah. Humihingi ako ng
tawad kay Allah. O Allah, Ikaw ang Sakdal68 at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala
Mo, o pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal. (Isinalaysay ito ni Imám
Muslim: 1334.)
Lá iláha illa lláhu
wahdahu lá sharíka lah, lahu lmulku
wa lahu lhamdu
wa huwa
‘alá kulli shay’in qadír. Alláhumma lá máni‘a limá a‘tayta, wa lá mu‘tiya limá mana‘ta,
wa lá yanfa‘u dha ljaddi
minka ljadd.
Walang Diyos kundi si Alláh — tanging Siya, wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang
paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay nakakakaya. O Alláh,
walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang
pinigil Mo, at hindi makapag-dudulot ng pakinabang sa may yaman ang yaman laban sa
Iyo. (Isinalaysay ito nina Imám alBukhárí at Imám Muslim: 844, 1338.)
Lá iláha illa lláh
wahdahu lá sharíka lah, lahu lmulku
wa lahu lhamdu
wa huwa
‘alá kulli shay’in qadír. lá hawla wa lá qúwata illá billáh,
lá iláha illa lláh,
wa lá
na‘budu illá iyyáh, lahu nni‘
matu wa lahu lfadlu
wa lahu ththaná’u
lhasan,
lá
iláha illa lláhu
mukhlisína lahu ddína
wa law kariha lkáfirún.
Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya, wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang
paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay nakakakaya. Walang
kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah. Walang [totoong] Diyos
kundi si Allah, at wala tayong sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya at
ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi.
Walang [totoong] Diyos kundi si Allah, bilang mga nag-aalay ng kawagasan sa Kanya sa
pagtalima, kahit pa man masuklam ang mga tumatangging sumampalataya. (Isinalaysay
ito ni Imám Muslim: 1343.)
Pagkatapos nito ay magsasabi ng subhána lláh
nang 33 ulit, ng alhamdu lilláh nang
33 ulit, at ng Alláhu akbar nang 33 ulit. Pagkatapos ay magsasabi siya sa paglulubos ng
isandaan: .َ
Lá iláha illa lláh
wahdahu lá sharíka lah, lahu lmulku
wa lahu lhamdu
wa huwa
‘alá kulli shay’in qadír.
Walang Diyos kundi si Allah: tanging Siya, wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang
paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim: 1352.
68 Walang kapintasan, walang kakulangan.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
46
Bibigkasin ang Áyatulkursí sa bawat saláh:
Alláhu lá iláha illá huwa -lhayyu -lqayyúm, lá ta’khudhuhú sinatuw wa lá nawm, lahú
má fi -ssamáwáti wa má fi -l’ard; man dhá -lladhí yashfa‘u ‘indahú illá bi’idhnih,
ya‘lamu má bayna aydíhim wa má khalfahum: wa lá yuhítúna bishay’im min ‘ilmihí
illá bimá shá’, wasi‘a kursíyuhu -ssamáwáti wa -l’ard: wa lá ya’úduhú hifdhuhumá,
wa huwa -l‘alíyu -l‘dhím.
Si Allah, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Tagapagpanatili. Hindi Siya nadadala
ng antok ni ng pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa
lupa. Sino kaya itong makapamamagitan sa Kanya kung walang kalakip na pahintulot
Niya? Nalalaman Niya ang hinaharap nila at ang nakaraan nila. Hindi sila makasasaklaw
sa anuman mula sa kaalaman Niya maliban sa anumang niloob Niya. Nasakop ng luklukan
Niya ang mga langit at ang lupa. Hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga
ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.
Bibigkasin ang mga kabanata 112, 113, at 114 ng Qur’an sa bawat saláh. Kaibig-ibig na
bigkasin nang tigtatlong ulit ang tatlong ito matapos ang mga saláh sa fajr at maghrib.
Bismi -lláhi -rrahmáni -rrahím 1Qul huwa -lláhu ahad, 2alláhu -ssamad, 3lam yalid wa
lam yúlad, 4wa lam yakul lahú kufuwan ahad.69
Bismi -lláhi -rrahmáni -rrahím 1Qul a‘údhu birabbi lfalaq,
2min sharri má khalaq,
3wa min sharri ghásiqin idhá waqab, 4wa min sharri -nnaffátháti fi -l‘uqad, 5wa min
sharri hásidin idhá hasad.70
69 Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. 1Sabihin mo: “Siya, si Allah, ay Iisa. 2Si
Allah ay ang Dulugan sa pangangailangan. 3Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak, 4at walang isa
na sa Kanya ay naging kapantay.”
70 Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. 1Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa
Panginoon ng bukang-liwayway, 2laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya, 3at laban sa kasamaan ng
madilim na gabi kapag bumalot ito, 4at laban sa kasamaan ng mga manggagaway na palaihip sa mga buhol,
5at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag naiinggit ito.”
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
47
Bismi -lláhi -rrahmáni -rrahím 1Qul a‘údhu birabbi -nnás, 2maliki nnás,
3iláhi -nnás, 4min
sharri -lwaswási -lkhannás, 5alladhí yuwaswisu fí sudúr -nnás, 6mina -ljinnati wa nnás.
71
Ang Masbúq sa Saláh
Siya ay ang sinumang may hindi naabutan sa saláh [kasabay ng imám] na isang rak‘ah
o higit pa. Isasagawa niya ang anumang hindi naabutan kasabay ng imám matapos isagawa
ng imám ang ikalawang [bahagi ng] taslím. Ang magiging simula ng saláh ng masbúq ay
ang rak‘ah na naabutan niya kasabay ng Imám. Naaabutan ang isang rak‘ah kapag naabutan
ang pagyukod (rukú‘) sa rak‘ah ng saláh kasabay ng Imám. Kapag naman hindi naabutan
kasabay ng imám [ang pagyukod], hindi na niya naabutan ang buong rak‘ah na iyon.
Nararapat sa masbúq, kapag pumasok sa masjid, ang kaagad-agad na paglahok sa jamá‘ah
sa anumang posisyon sila, maging sila man ay nakatayo o nakayukod o nakapatirapa o
anuman iyon. Hindi nararapat na hintayin ang pagtindig nila para sa kasunod na rak‘ah.
Isasagawa niya ang takbíratul’ihrám habang siya ay nakatayo, maliban kung may dahilang
hindi tumayo gaya ng isang may-sakit.
Ang mga Nakasisira sa Saláh
1. Ang pagsasalita nang sadya kahit pa man kaunti;
2. Ang paglihis ng buong katawan sa pagkakaharap sa Qiblah;
3. Ang paglitaw ng isang nakasisira sa wudú’;
4. Ang maraming sunud-sunod na paggalaw na hindi kailangan;
5. Ang pagtawa kahit pa man kaunti;
6. Ang sinasadyang pagpapalabis sa bilang ng pagyukod o pagtayo o pagpapatirapa o
pag-upo;
7. Ang sinasadyang pag-una sa imám.
Ang mga Wájib o Kinakailangan sa Saláh
1. Ang lahat ng pagsabi ng Alláhu akbar maliban sa takbíratul’ihrám;
2. Ang pagsabi ng subhána rabbiya l‘
adhím nang isang ulit habang nakayukod;
3. Ang pagsabi ng sami‘a lláhu
liman hamidah para sa mag-isang nagsasagawa ng
saláh at para sa imám;
4. Ang pagsabi ng rabbaná wa laka lhamd
matapos umangat mula sa pagkakayukod;
5. Ang pagsabi ng subhána rabbiya l’a‘
lá habang nakapatirapa;
6. Ang pagsabi ng rabbi ghfir
lí sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa;
7. Ang pagbigkas ng Unang Tashahhud;
8. Ang pag-upo para sa Unang Tashahhud.
Ang mga Rukn o Sandigan ng Saláh
1. Ang pagtindig sa abot ng makakaya sa isinatungkuling saláh, ang saláh naman na
náfilah ay hindi kinakailangan ang pagtindig ngunit ang saláh na nakaupo ay may
gantimpalang kalahati ng sa saláh na nakatayo;
2. Ang takbíratul’ihrám;
71 Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. 1Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa
Panginoon ng mga tao, 2ang Hari ng mga tao, 3ang Diyos ng mga tao, 4laban sa kasamaan ng bumubulong na
palaurong71— 5na bumubulong sa mga dibdib ng mga tao— 6na kabilang sa mga jinn at mga tao.”
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
48
3. Ang pagbigkas ng Súrah alFátihah sa bawat rak‘ah;
4. Ang pagyukod (rukú‘) sa bawat rak‘ah;
5. Ang pagtindig ng tuwid mula sa pagkakayukod;
6. Ang pagpapatirapa sa pitong bahagi ng katawan sa bawat saláh, dalawang ulit sa
bawat rak‘ah;
7. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa;
8. Ang kapanatagan sa lahat ng mga gawaing nabanggit;
9. Ang pagbigkas ng Huling Tashahhud;
10. Ang pag-upo para sa Huling Tashahhud;
11. Ang panalangin para sa Propeta;
12. Ang pagsasagawa ng taslím;
13. Ang pagkakasunud-sunod.
Ang Pagkalingat sa Saláh
Ang pagkalingat ay ang pagkalimot. Kapag nakalingat ang isang nagdarasal sa saláh
niya sa pamamagitan ng pagkadagdag sa saláh o pagkabawas, o naganap sa kanya ang
pagdududang baka nakadagdag o nakabawas, isinasatungkulin sa kanya ang pagsasagawa
ng sujúdussahw. 72 Kaya kung sakaling nakadagdag ng anuman sa saláh sa pamamagitan ng
pagkadagdag ng isang pagtindig o isang rukú‘ o isang pag-upo o tulad ng mga ito, magsasagawa
ng sujúdussahw pagkatapos ng taslím. Gayon din kung sakaling may nakaligtaang
anuman mula sa mga gawain ng saláh o mga sinasabi rito.
Kung ang nakaligtaan ay isang rukn (sandigan) ng saláh at kung naalaala ito bago nagsimula
sa pagbigkas [ng alFátihah] sa kasunod na rak‘ah, babalikan at isasagawa ang rukn
na iyon at ang anumang kasunod niyon at magsasagawa ng sujúdussahw. Kung naalaala iyon
matapos magsimula sa pagbigkas [ng alFátihah] sa kasunod na rak‘ah, mawawalan ng saysay
ang rak‘ah na may nakaligtaang isagawa at tatayong kapalit nito ang rak‘ah na kasunod nito.
Kung nalaman ang rukn na nakaligtaan pagkatapos ng taslím lamang at hindi pa naman
tumagal ang pagitan [ng pagtatapos ng saláh at pagkaalam na may nakaligtaan sa saláh],
magsasagawa ng isang buong rak‘ah at isasagawa ang sujúdussahw. Kung tumagal ang
pagitan [ng pagtatapos ng saláh at pagkaalam na may nakaligtaan sa saláh] o nasira ang
wudú’, uulitin ang saláh mula sa simula. Kung may nakalimutang isang wájib tulad ng pagupo
para sa unang tashahhud o tulad niyon na kabilang sa mga wájib ng saláh, magsasagawa
ng sujúdussahw bago magsagawa ng taslím.
Sakaling nagduda at kung nagduda sa bilang ng rak‘ah: nagduda halimbawa kung nagdasal
ng dalawang rak‘ah o tatlo, babatay sa pinakakaunting bilang dahil ito ang matitiyak
at magsasagawa ng sujúdussahw bago magsagawa ng taslím. Kung nagduda kaugnay sa
pagkaligta ng isang rukn, gagawin ito gaya ng kung nakaligtaan ito. Isasagawa ito at ang
kasunod nito at magsasagawa ng sujúdussahw. Kung may nanaig sa palagay na isang
posibilidad: naging matimbang ang isa sa dalawang posibilidad, isasagawa ang nananaig
sa palagay at isasagawa ang sujúdussahw.
Ang mga Sunnah Rátibah
72 Dalawang magkasunod na pagpapatirapa habang nakaupo bago o matapos magsagawa ng taslím. Ang sinasabi
habang nakapatirapa ay tulad ng sinasabi kapag nakapatirap sa saláh.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan