المنهج اَلتعليمي لَلأسرة وَالمجتمعَ
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
Ang Panimula
Sa ngalan ni Allah,1 ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. Ang papuri ay ukol kay
Allah, ang Panginoon ng mga nilalang. Nagpupuri tayo sa Kanya at nagpapatulong tayo
sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allah laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at
mga kasagwaan ng mga gawain natin. Ang sinumang pinatnubayan ni Allah ay walang
makapagliligaw sa kanya at ang sinumang ipaliligaw Niya ay walang mapagpapatnubay sa
kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah: tanging Siya, wala Siyang katambal;
at sumasaksi ako na si Muhammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.
Tunay na ang Batas ng Islam ay nagsasakatuparan ng moderasyon. Isinugo nito ang
mga katuruan nito upang palakasin ang mga mabuting pag-uugali ng mga individuwal, mga
mag-anak, at mga lipunan; at patnubayan ang mga ito sa tamang daan, malinaw na katotohanan,
at tuwid na panuntunan. Ang mga katuruan nito ay hindi mga teoriya na nasisiyahan ang
mga isip sa pagtatalakay ng mga ito. Ito ay hindi rin isang salita na nasasarapan ang mga
tao sa pagbigkas nito nang hindi nauunawaan ang patnubay nito at hindi natatalos ang mga
kahulugan nito. Isinabatas lamang ito ni Allah upang hatulan ang buhay ng individuwal at
isaayos ang buhay ng mga mag-anak at mga lipunan upang maging isang liwanag na tumatanglaw
sa daan ng sangkatauhan, magpalabas sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa
liwanag, at isakatuparan para sa kanila ang kaligayahan at ang kasiyahan sa Tagapaglikha
nila, sa mga sarili nila, at sa iba.
Sa pagsasaalang-alang na ang buhay ng isang tao ay isang paglalakbay na nagwawakas
sa pagkamatay niya, isinatungkulin sa kanya na gamitin ito sa mapakikinabangan niya at
maging isang baon para sa kanya sa Araw ng Pagbangon.
Sa pagsasaalang-alang na ang kaligayahan ng tao ay mangyayari kapag nagninilay-nilay
siya sa mga nauukol sa relihiyon niya; nagbubulay-bulay siya sa mga nauukol sa buhay
niya; hinuhubog niya ang hinaharap niya sa pamamagitan ng sarili niya; isinasakatuparan
niya ang mga gawain niya sa buhay niya gaya ng pagsamba sa Tagapaglikha, paninirahan
sa Sansinukob, at pagpatnubay sa nilikha; kapag tinanung-tanong niya at iginuhit ang pagasa
sa harapan niya; nagpapakanlong siya sa Tagapaglikha niya sa bawat maliit at malaking
bagay; at pinatatatag niya ang kaugnayan niya sa Tagapaglikha niya; nagkaroon kami
sa Sangay ng Pagbibigay-kamalayan sa mga Dayuhan sa Zulfi ng isang ideya na maglathala
ng pinagaang silabus na ito. Sana ito ay maging isang mabuting tagatulong para sa
bawat naghahanap ng katotohanan o humingi ng minimithi o humihiling ng pakinabang.
1 Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe ay Allah. Ito ay isang pangngalang pantangi
at hindi pangngalang pambalana kaya ang mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa pangalang Allah ay SI,
NI at KAY at hindi ANG, NG at SA.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
10
Harinawa ang mga mag-anak na nagnanais ng pagkatuto sa relihiyon nila at pagtataglay
ng kaalamang pang-Islam na batay sa patunay ay makatagpo rito ng hinahanap-hanap nila.
Hindi naikukubli na ang pinakadakilang gawain ng pinaggugulan ng tao ng oras niya ay
ang paghahanap ng kaalamang pang-Islam yamang mayroon itong isang dakilang kalagayan
at mataas na katayuan sa ganang kay Allah. Ang paghahanap ng kaalaman ay kabilang
sa napakainam na mga pampalapit-loob kay Allah at napakakapita-pitagang mga gawain.
Inangat nga ni Allah ang kahalagahan ng kaalaman at ang mga alagad nito. Nilinaw niya
ang kalagayan nila at ang kataasan ng antas nila sapagkat nagsabi Siya (58:11): iaangat
ni Allah ng mga antas ang mga sumampalataya na kabilang sa inyo at ang mga binigyan
ng kaalaman. Si Allah sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid. Ang kalamangan
din ng nakaaalam sa sumasamba lamang ay gaya ng kalamangan ng liwanag ng buwan
sa gabi ng kabilugan ng buwan sa lahat ng mga tala. Ang mga nakaaalam ay ang mga tagapagmana
ng mga propeta. Ang mga propeta ay hindi nagpamana ng ginto ni pilak; nagpamana
lamang sila ng kaalaman. Kaya ang sinumang nagtamo nito ay nagtamo ng isang masaganang
tagumpay. Ang sinumang pinagnaisan ni Allah ng kabutihan ay bibigyan Niya ito
ng pagkaunawa sa Relihiyon.
Hinihiling natin kay Allah na itakda Niya para sa gawaing ito ang pagtanggap at na ipalaganap
niya sa pamamagitan nito ang pakinabang. Tunay na Siya ay dumidinig, tumugon.
Basbasan ni Allah, pangalagaan, at pagpalain ang Propeta nating si Muhammad, ang maganak
niya, at ang mga Kasamahan niya – silang lahat.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
11
العقيدة
Ang Pinaniniwalaan
Ang Tawhíd at ang mga Uri Nito
Ang Tawhíd ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang nauukol sa Kanya lalo
na sa anumang kinakailangang gampanan sa Kanya na mga uri ng pagsamba. Ito ang pinakasukdulan
sa ipinag-utos ni Allah. Sinabi ni Allah2 (113:1):
Sabihin mo: “Siya, si Allah, ay Isa.”
Sinabi pa Niya (51:56):
Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako.
Nagsabi pa Siya (4:36):
Sambahin ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.
Ang Tawhíd ay tatlong uri: ang Tawhíd al’Ulúhíyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkadiyos),
ang Tawhíd arRubúbíyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkapanginoon) at ang
Tawhíd al’Asmá’ wa asSifát (Paniniwala sa Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian).
1. Ang Tawhíd arRubúbíyah o ang Kaisahan sa Pagkapanginoon
Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa paglikha at pangangasiwa sa Sandaigdigang
ito, na Siya ay ang Nagtutustos, ang Nagbibigay-buhay, ang Nagbibigay-kamatayan, ang
may taglay ng paghahari sa mga langit at lupa. Sinabi Niya (35:3):
May tagapaglikha pa bang iba pa kay Allah, na nagtutustos sa inyo mula sa
langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya; kaya bakit pa kayo bumabaling
palayo?
Sinabi pa Niya (67:1):
Mapagpala Siya na nasa kamay Niya ang paghahari at Siya ay nakakakaya
sa lahat ng bagay
Ang paghahari ni Allah ay paghaharing sumasaklaw sa lahat ng nasa Sansinukob; ipinamamalakad
Niya rito ang anumang niloloob Niya.
Tungkol naman sa pamumukod-tangi ni Allah sa pangangasiwa, tunay na si Allah ay
namumukod-tangi sa pangangasiwa sa mga nilikha. Sinabi Niya (7:54):
Tunay ngang ukol sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si
Allah, ang Panginoon ng mga nilalang.
Ito ay isang pangangasiwang sumasaklaw sa lahat ng nilikha.
2 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay tuwirang salin mula sa wikang Arabe ng kahulugan
ng Salita ni Allah o ng kahulugan ng salita ni Propeta Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
12
Walang nagkakaila sa uri ng Tawhíd na ito kundi ang mga abnormal sa sangkatauhan.
Itinanggi nila ito sa panlabas na pahayag sa kabila ng pagkilala nila nito sa kaibuturan ng
mga sarili nila, gaya ng sinabi Niya (27:14):
Ikinaila nila ang mga tanda, samantalang natiyak ito ng mga sarili nila, dala
ng paglabag sa katarungan at pagmamataas.
Ang pagkilala sa pagkapanginoon Niya lamang ay hindi magdudulot ng pakinabang sa
isang kumikilala rito yamang hindi nagdulot ng pakinabang sa mga Mushrik ang pagkilala
nila sa pagkapanginoon Niya. Nagsabi si Allah tungkol sa kanila (29:61):
Talagang kung tatanungin mo sila kung sino ang lumikha sa mga langit at
mga lupa at nagpasunud-sunuran sa araw at buwan ay talagang sasabihin
nila na si Allah. Kaya bakit pa sila bumabaling sa iba.
2. Ang Tawhíd al’Ulúhíyah o ang Kaisahan sa Pagkadiyos
Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa lahat ng mga uri ng mga pagsamba: hindi
gagawa ang tao ng isa pang sasambahin at lalapitan kasama kay Allah. Ang uring ito ay ang
pinakamahalaga sa mga uri ng Tawhíd at ang pinakadakila sa mga ito. Ito ang dahilan ng
paglikha ni Allah sa mga nilikha gaya ng sinabi Niya (51:56):
Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako.
Ito rin ang dahilan kaya isinugo Niya ang mga propeta at ibinaba Niya ang mga Banal na
Kasulatan. Sinabi Niya (21:25):
Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng isang sugo3 kung hindi Namin
isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako, kaya sambahin ninyo Ako.
Ang uri na ito ng Tawhíd din ang ikinaila ng mga Mushrik4 nang inanyayahan sila rito
ng mga sugo. Sinabi Niya (7:70):
Sinabi nila: “Dumating ka ba sa Amin upang sambahin namin si Allah na
mag-isa Siya at iwan namin ang sinasamba noon ng mga ninuno namin?”
Kaya hindi magiging tama na magbaling ng anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay
Allah, ni sa anghel na malapit kay Allah, ni sa propeta na isinugo, ni sa walíy na matuwid,
ni sa isa man sa mga nilikha, dahil ang pagsamba ay hindi magiging tama kung hindi ukol
kay Allah.
3 Kapag binanggit ang salitang sugo o isinugo sa lathalain natin, ang tinutukoy natin ay isang propetang sugo
o isinugo ng Panginoon, maliban kung tahasang binanggit na iyon ay hindi isang propetang sugo o isinugo.
Ang sugo sa Islam ay ang pinakamataas na antas na maaaring marating ng isang tao. Ang sugo ay higit na
mataas kaysa sa propeta sapagkat ang bawat sugo ay isang propeta rin ngunit ang karamihan sa mga propeta
ay hindi sugo. Sa mga lathalain natin, ang Sugo na may malaking titik na “S” at ang Propeta na may malaking
titik na “P” ay tumutukoy kay Propeta Muhammad (SAS). Ang Tagapagsalin.
4 Ang gumagawa ng Shirk o lumalabag sa Tawhíd o ang sinumang naniniwalang may iba pang Panginoon bukod
pa kay Allah, ang namumukod-tanging tunay na Diyos, at sumasamba sa iba pa kay Allah.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
13
3. Ang Tawhíd al’Asmá’ wa asSifát o ang Kaisahan sa mga sa
Pangalan at mga Katangian
Ito ay ang paniniwala sa anumang ipinangalan ni Allah sa sarili Niya o ipinanlarawan
Niya sa sarili Niya, o ipinangalan sa Kanya o ipinanlarawan sa Kanya ng Sugo Niya (SAS);5
ang pagkilala niyon sa paraang naaangkop sa kamahalan Niya nang walang tahríf, walang
ta‘tíl, walang takyíf at walang tamthíl,6 alinsunod sa tunay na kahulugan, hindi metapora;
at ang pagkakaila sa anumang ikinaila ni Allah para sa sarili Niya, o ikinaila para sa Kanya
ng Sugo Niya (SAS). Ang anumang [pangalan o katangian na] hindi nasaad [sa Qur’an o
Sunnah7] ang pagkilala niyon o ang pagkakaila niyon ay isinatungkulin ang paghinto sa
[pagbibigay ng opinyon sa] katagang iyon, kaya naman hindi kikilalanin at hindi ikakaila.
Ang ilan sa mga halimbawa ng magagandang mga pangalan. Si Allah ay nagpangalan
sa sarili Niya ng alHayy (ang Buháy) at alQayyúm (ang Tagapagpanatili),8 kaya naman
kinakailangan sa atin na maniwala na ang alHayy (ang Buháy) ay isa sa mga pangalan ni
Allah at kinakailangan din sa atin na maniwala sa anumang katangiang nilalaman ng pangalang
ito at iyon ay ang ganap na buhay na hindi naunahan ng kawalang-buhay at hindi masusundan
ng pagkalipol. Pinangalanan ni Allah ang sarili Niya na asSamí‘ (ang Nakaririnig)
kaya tungkulin nating maniwala na ang asSamí‘ ay isa sa mga pangalan Niya, na ang pagdinig
ay isa sa mga katangian Niya, at na Siya ay nakaririnig.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga katangian. Ang sabi Niya (5:64):
Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang kamay ni Allah ay nakagapos.” Maigapos nawa
ang mga kamay nila at isinumpa sila dahil sa sinabi nila. Bagkus ang dalawang
Kamay Niya ay nakaabot; nagkakaloob Siya sa paraang niloloob Niya.
Samakatuwid kinilala ni Allah na nagtataglay ang sarili Niya ng dalawang kamay na inilarawang
nakaabot, at ito ay ang masaganang pagbibigay. Kaya, isinasatungkulin sa atin na
maniwala na si Allah ay may dalawang kamay na nakaabot sa pagpibigay at pagbibiyaya.
Subalit isinasatungkulin sa atin na huwag nating tangkain sa pamamagitan ng imahinasyon
ng mga isip natin ni sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga bibig natin na humantong tayo
5 (SAS): Salla lláhu
‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at pangalagaan siya ni Allah. Sinasabi ito kapag binanggit
ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad (SAS) o kapag tinutukoy siya.
6 Ang tahríf ay ang paglilihis sa kahulugan ng anumang katangian Niya palayo sa hayag na kahulugan nito nang
walang patunay. Ang ta‘tíl ay ang pagtanggi sa kahulugan ng kinakailangang paniwalaan na mga pangalan at
mga katangian na ukol kay Allah, o ang pagtanggi sa ilan sa mga ito. Ang takyíf ay ang pagsasalaysay sa kalagayan
(o detalye) ng mga katangian ni Allah, sa isip o sa salita, gaya ng pagsasabing ang Kamay ni Allah ay ganito
at gayon. Ang tamthíl ay ang paghahalintulad o ang pagwawangis sa mga katangian Niya sa mga katangian
ng mga nilikha o paniniwala na ang mga katangian Niya ay nakawawangis ng mga katangian ng mga nilikha.
7 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay ang “kalakaran” o “pamamaraan” ni Propeta Muhammad (SAS).
Tumutukoy ito sa sinabi, ginawa, at sinang-ayunan ni Propeta Muhammad (SAS) at pati na sa paglalarawan
sa kanya. Ang Sunnah ay nakarating sa atin sa pamamagitan ng Hadíth o sanaysay tungkol sa Sunnah ni
Propeta Muhammad. Ang sunnah naman na may maliit na titik na s ay tumutukoy sa gawaing kanais-nais gawin
dahil alinsunod sa Sunnah ng Propeta. Ang gawaing sunnah ay kanais-nais ngunit hindi tungkuling isagawa.
8 Nagkakamali ang iba sa pag-aakalang ang “ang Nabubuhay” ay halimbawa ng mga pangalan ni Allah. Ito
ay salin lamang ng kahulugan ng mga pangalan ni Allah na alHayy. Ang pangalan ni Allah ay AlHayy, hindi
ang Nabubuhay; ang Nabubuhay ay ang kahulugan ng pangalan ni Allah. Ang sifáh o katangian na nilalaman ng
pangalan na AlHayy ay hayáh o buhay (life). Ang mga kinikilalang pangalan ni Allah ay nasa wikang Arabe
at hindi nasa wikang Tagalog ni nasa wikang Ingles yamang ang Qur’an at ang Hadíth ay nasa wikang Arabe.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
14
sa pagpapakahulugan ng dalawang kamay na iyon, ni ihalintulad ang mga iyon sa mga
kamay ng mga nilikha dahil si Allah ay nagsasabi (42:11):
]لWalang anumang katulad sa Kanya, at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita.
Ang buod ng tinalakay tungkol sa uri ng Tawhíd na ito ay na isinasatungkulin sa atin na
kilalanin para kay Allah ang anumang [pangalan at katangian na] kinilala Niya na para sa
sarili Niya at kinilala ng Sugo Niya (SAS) para sa Kanya, at ikaila naman ang ikinaila ni
Allah para sa sarili Niya o ikinaila para sa Kanya ng Sugo Niya (SAS) na mga pangalan at
mga katangian. Ito ay sa paraang walang tahríf, walang ta‘tíl, walang takyíf, at walang
tamthíl.9 Ang anumang [pangalan o katangian na] walang nasaad [sa Qur’an o Sunnah] na
pagkilala o pagkakaila ay hihinto sa [pagbibigay ng opinyon] sa katagang iyon at sisiyasatin
ang kahulugan niyon. Kung nagpapahiwatig iyon ng anumang itinatanggi ni Allah ay tatanggihan
iyon.
Ang Kahulugan ng Adhikaing Lá Iláha Illa lláh
Ang adhikaing Lá iláha illa lláh:
Walang Diyos Kundi si Allah ay ang saligan ng
Relihiyong Islam. Ito ay may pinakadakilang kalagayan sa Relihiyong Islam sapagkat ito
ang unang sandigan sa mga sandidan ng Islam, ang pinakamataas na sangay sa mga sangay
ng pananampalataya, at ang pagtanggap [ni Allah] sa mga gawa ng tao ay nakabatay sa
pagpapahayag nito, kaalaman sa kahulugan nito, at paggawa ayon sa kahilingan nito.
Tungkol naman sa totoong kahulugan nito na hindi nararapat ang paglihis dito, ito ay
[nangangahulugang] walang sinasambang totoo kundi si Allah. Isang kamalian na limitahan
ang kahulugan nito sa pakahulugang: “walang Tagapaglikha kundi si Allah,” o “walang
nakakakaya sa paglalang kundi si Allah,” o “walang umiiral kundi si Allah” sapagkat sa
ganitong pagpapakahulugan ay may isang paglilimita sa pakahulugan nito ayon sa kahulugan
ng Tawhíd arRubúbíyah lamang at pagwawalang-bahala sa Tawhíd al’Ulúhíyah na
siyang batayan ng pakahulugan ng adhikaing ito.
Ang adhikaing ito ay may dalawang sandigan:
1. Pagkakaila. Iyon ay napaloloob sa pagsabi natin ng Lá iláha: Walang Diyos, yamang
ikinaila nito ang pagkadiyos sa bawat ng bagay.
2. Pagkilala. Ito ay napapaloob sa pagsabi natin ng illa lláh:
Kundi si Allah, yamang
kinilala nito ang pagkadiyos ukol kay Allah: tanging sa Kanya, wala Siyang katambal.
Kaya walang sasambahin kundi si Allah at hindi ipinahihintulot na magbaling ng
anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allah. Kaya ang sinumang magsabi ng
Lá iláha illa lláh
na nalalaman ang kahulugan nito at gumawa ayon sa hinihiling nito
gaya ng pagtanggi sa Shirk at pagkilala sa kaisahan ni Allah kalakip ng matatag na
paniniwala sa isinasaad nito at pagkilos ayon dito ― ang sinumang magsabi nito ―
siya sa katotohanan ang Muslim. Ang sinumang gumawa ayon sa hinihiling ng Lá
iláha illa lláh,
ngunit walang paniniwala rito, siya ay isang Munáfiq.10 Ang sinumang
9 Tingnan sa talibaba bilang 5 ang kahulugan ng mga terminolohiyang ito at unawain nang maigi.
10 Nagkukunwari o nagpapanggap na sumasampalataya sa Islam.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
15
gumawa ayon sa pagsalungat sa hinihiling nito gaya ng paggawa ng Shirk, siya ay
isang Mushrik na Káfir11 kahit pa man sabihin niya ito sa pamamagitan ng bibig niya.
Ang Kainaman ng Adhikaing Lá Iláha Illa lláh
Ang adhikain na ito ay mayroong maraming kainaman at bunga. Ang sumusunod ay
ilan sa mga ito:
1. Na ito ay isang dahilang humahadlang sa pananatili magpakailanman sa Impiyerno
ng sinumang naniniwala sa Tawhíd ngunit naging karapat-dapat na pumasok
doon. Nasasaad sa Hadíth12 na ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:
Ilalabas sa Impiyerno ang sinumang nagsabi ng Lá iláha illa lláh
habang sa
puso niya ay may kasimbigat ng isang butil na barley na kabutihan. Ilalabas din
sa Impiyerno ang sinumang nagsabi ng Lá iláha illa lláh
habang sa puso niya
ay may kasimbigat ng isang butil na trigo na kabutihan. Ilalabas din sa Impiyerno
ang sinumang nagsabi ng Lá iláha illa lláh
habang sa puso niya ay may bigat
ng isang butil na langgam na kabutihan. (Sahíh alBukhárí at Sahíh Muslim)
2. Alang-alang dito ay nilikha ang jinn at ang tao. Sinabi ni Allah (51:56):
Hindi Ko nilikha ang Jinní at ang Tao kung hindi upang sambahin nila Ako.
Ang kahulugan dito ng sambahin nila Ako ay pakaisahin nila Ako.
3. Ito rin ang dahilan kaya isinugo ang mga Sugo at ibinaba ang mga banal na
kasulatan. Sinabi Niya (21:25):
Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng isang sugo kung hindi Namin
isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako, kaya naman sambahin ninyo Ako.
4. Ito ang susi ng pag-aanyaya ng mga sugo [ni Allah]. Ito ang unang paanyaya ng mga
sugo, sumakanila ang pagbati. Ang bawat sugo ay nagsasabi sa mga taong pinagsuguan
sa kanya:
O mga kababayan ko, sambahin ninyo si Allah; wala na kayong Diyos na iba
pa sa Kanya.
Ang mga Kundisyon ng Adhikaing Lá Iláha Illa lláh
Ang paniniwala sa Lá iláha illa lláh
ay may pitong kundisyon; hindi magiging tumpak
iyon malibang nabuo ang mga ito at sinunod ang mga ito ng tao nang walang pagsalungat
sa anuman sa mga ito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang Kaalaman
11 Isang di-Muslim o isang tumatangging sumampalataya sa Islam.
12 Ang Hadíth ay ang ulat hinggil sa Sunnah ni Propeta Muhammad (SAS). Ang Sunnah ay ang sinabi, ang
ginawa at ang sinang-ayunan ni Propeta Muhammad (SAS).
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
16
Ito ay ang kaalaman sa kahulugan nito batay sa pagkakaila [na may iba pang totoong
Diyos] at pagkilala [na tanging si Allah ang totoong Diyos] at sa hinihiling nito na gawain.
Kaya kapag nalaman ng tao na si Allah ay ang sasambahin lamang, na ang pagsamba sa
iba sa Kanya ay walang saysay, siya sa katotohanan ay nakaaalam sa kahulugan ng Lá
iláha illa lláh.
Nagsabi si Allah (47:19):
Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allah,”
Ayon kay ‘Uthmán (RA),13 ayon sa Propeta (SAS):
Ang sinumang namatay samantalang siya ay nakaaalam na walang Diyos kundi
si Allah, papasok siya sa Paraiso. (Sahíh Muslim)
2. Ang Katiyakan
Ito ay nangangahulugang bibigkasin ang Shahádah ayon sa katiyakang ikinapapanatag
ng puso nang hindi pinanunuutan ng mga pag-aalinlangang ipinupukol ng mga demonyo
na jinní at tao. Bagkus ay sinasabi ito habang nakatitiyak sa ipinahihiwatig nito ayon sa
isang matibay na katiyakan. Sinabi ni Allah (49:15):
Ang mga sumasampalataya ay tanging ang mga naniwala kay Allah at sa Sugo
Niya, pagkatapos ay hindi sila nag-alinlangan.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:
Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at na ako ay Sugo ni Allah.
Walang taong makikipagtagpo kay Allah taglay ang dalawang [pagsaksing] ito
samantalang hindi nagdududa sa dalawang [pagsasaksing] ito nang hindi papasok
sa Paraiso.
3. Ang Pagtanggap
Ito ay ang pagtanggap [ng tao] sa isip niya at sa salita niya sa bawat hinihiling ng adhikaing
ito. Kaya naman paniniwalaan ang mga ipinabatid [ni Allah] at sasampalatayanan
ang bawat anumang dumating mula sa Sugo (SAS). Tatanggapin ang lahat ng ito at walang
anumang tatanggihan sa mga ito. Nagsabi si Allah (2:285):
Sumampalataya ang Sugo sa ibinaba sa kanya mula sa Panginoon niya at gayon
din ang mga mananampalataya. Bawat isa ay sumampalataya kay Allah, sa
mga anghel Niya, sa mga Aklat Niya, at sa mga sugo Niya. “Hindi kami nagtatangi-
tangi sa mga sugo,” sabi nila, at sinabi pa nila: “Narinig namin at tumalima
kami; igawad Mo ang kapatawaran Mo, Panginoon namin. Sa Iyo ang
Hantungan.”
13 (RA): Radiya lláhu
‘Anhu para sa lalaki, Radiya lláhu
‘Anhá para sa babae, Radiyalláhu ‘Anhum para sa
marami; ang ibig sabihin nito ay: Kalugdan siya (o sila) ni Allah. Ito ay panalanging binabanggit sa tuwing
nababanggit ang pangalan o taguri ng Kasamahan o asawa ni Propeta Muhammad (SAS).
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
17
Napaloloob sa pagtanggi at kawalan ng pagtanggap ang sinumang tumututol o tumatanggi
sa ilan sa mga alituntunin o mga kaparusahan na itinakda ng Sharí‘ah (Batas ng Islam) gaya
ng mga tumututol sa kaparusahan sa pagnanakaw o pangangalunya, o sa pag-aasawa ng
higit sa isa, o sa patakaran sa pagpapamana, at iba pa. Nagsabi si Allah (33:36):
Hindi nararapat para sa lalaking mananampalataya ni sa babaeng mananampalataya,
kapag nagtakda si Allah at ang sugo Niya ng isang kautusan, na
magkakaroon pa sila ng pagpipilian sa pagpapasya nila.”
4. Ang Pagpapaakay
Ito ay ang pagsuko. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapaakay sa ipinahihiwatig ng Lá
iláha illa lláh.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapaakay at pagtanggap ay na ang pagtanggap
ay ang paghahayag sa kawastuhan ng kahulugan niyon sa pamamagitan ng pagtanggap,
samantalang ang pagpapaakay naman ay ang pagsunod sa pamamagitan ng mga
gawa. Kapag nalaman ng isang tao ang kahulugan ng Lá iláha illa lláh,
natiyak ito, at
tinanggap ito ngunit hindi naman siya nagpaakay ni nagpasakop ni sumuko ni ginawa ang
hinihiling ng nalaman niya, tunay na siya sa sandaling iyon ay hindi nakatupad sa kundisyon
ng pagpapaakay. Nagsabi si Allah (39:54):
Magbalik-loob kayo sa Panginoon ninyo at sumuko kayo sa Kanya.
Sinabi pa Niya (4:65):
Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya malibang
pinahahatol ka nila sa anumang naganap na bangayan sa pagitan nila.
Pagkatapos ay hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagtutol sa
anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang tunay na pagpapasakop.
5. Ang Katapatan
Iyon ay sa pamamagitan ng pagiging nagpapakatapat sa pananampalataya at nagpapakatapat
sa pinaniniwalaan. Sinabi ni Allah (9:119):
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allah at maging
kasama kayo ng mga nagpapakatapat.”
Nagsabi naman ang Sugo (SAS):
Ang sinumang sumaksi na Lá iláha illa lláh
nang tapat [sa pagsika] ito, papasok
siya sa Paraiso.
Samakatuwid, kung sinabi ng isang tao ang Shahádah sa pamamagitan ng bibig niya ngunit
pinasinungalingan naman niya sa puso niya ang ipinahihiwatig nito, tunay na iyon ay hindi
makapagliligtas sa kanya; bagkus ay pumapasok lamang siya sa hanay ng mga Munáfiq.
Kabilang din sa sumasalungat sa katapatan ay ang pagpapasinungaling sa anumang
katuruang ihinatid ng Sugo (SAS) o ang pagpapasinungaling sa ilan sa katuruang ihinatid
niya dahil si Allah ay nag-utos sa atin na tumalima at maniwala sa Sugo (SAS), at iniugnay
pa nga Niya iyon sa pagtalima sa Kanya. Sinabi Niya (24:54):
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
18
Sabihin mo: “Tumalima kayo kay Allah at tumalima kayo sa Sugo;...”
6. Ang Kawagasan
Ito ay ang pagdadalisay ng tao sa gawain niya sa pamamagitan ng matuwid na hangarin
mula sa lahat ng bahid ng Shirk. Iyon ay nangangahulugang mamumutawi sa kanya ang
lahat ng salita at gawa na wagas na ialay sa ikasisiya ng Mukha ni Allah at alang-alang sa
paghahangad ng mga kaluguran Niya, nang walang bahid ng pagpapakitang-tao, o hangaring
mapuri, o layuning makinabang, o pansariling hangarin, o pagnanasang hayag o patago, o
nauudyukan ng pagkilos dala ng pag-big sa isang tao o isang pananaw sa buhay o isang
partidong pinagpapasakupan nang walang pagsasaalang-alang sa patnubay mula kay Allah.
Bagkus kailangang siya ay naghahangad sa mithiis niya ng ikasisiya ng Mukha ni Allah
at ng [kaligtasan sa] Kabilang-buhay. Hindi siya magbabaling ng puso niya sa isa man sa
nilikha dahil sa pagnanais mula rito ng isang gantimpala o isang pagpapasalamat. Nagsabi
si Allah (39:3):
Kaingat, ukol kay Allah ang wagas na pagtalima.
Sinabi pa Niya (98:5):
Walang ipinag-utos sa kanila kundi na sambahin nila si Allah bilang mga
nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima,14
Nasasaad naman sa Sahíh alBukhárí at Sahíh Muslim, mula sa Hadíth na isinalaysay ni
‘Utbán, ang sabi niya (SAS):
At tunay na si Allah ay nagkait nga sa Impiyerno ng sinumang nagsabi ng Lá
iláha illa lláh,
na naghahangad sa pamamagitan niyon ng ikisisiya ng Mukha
ni Allah.
7. Ang Pag-ibig
Ang tinutukoy rito ay ang pag-ibig sa dakilang Adhikaing ito, at sa ipinahihiwatig nito
at sa hinihiling nito. Samakatuwid, iibigin si Allah at ang Sugo Niya (SAS), pangingibabawin
ang pag-ibig sa kanilang dalawa higit sa lahat ng pag-ibig, at isasagawa ang mga
kundisyon ng pag-ibig na ito at ang mga kinakailangan para rito. Iibigin si Allah ayon sa
pag-ibig na nalalakipan ng pagpipitagan, pagdakila, takot, at pag-asa. Iibigin ang anumang
iniibig ni Allah na mga pook gaya ng Makkah, Madínah, at mga masjid ― sa kabuuan; mga
panahon na gaya ng buwan ng Ramadán, unang sampung araw ng buwan ng Dhulhijjah at
iba pa; mga tao na gaya ng mga propeta, mga sugo, mga anghel, mga matapat, mga shahíd,15
at mga matuwid na tao; mga gawaing panrelihiyon na gaya ng saláh, pagbibigay ng zakáh,
pag-aayuno, at pagsasagawa ng hajj; mga salita na gaya ng pagbigkas ng dhikr16 at pagbabasa
ng Qur’án.
14 O relihiyon o pagsamba.
15 Taong namatay na nagtatanggol sa Islam.
16 Pagbangit o pag-alaala, sa literal na kahulugan. Ito ay maikling pananalita sa wikang Arabe, na itinuro ni
Propeta Muhammad (SAS), na binabanggit bilang panalangin o pag-aalaala o pagluluwalhati kay Allah.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
19
Kabilang din sa pag-ibig ang pag-uuna sa mga iniibig ni Allah kaysa sa mga iniibig ng
sarili, mga pinakaaasam-asam nito, at mga minimithi nito. Bahagi rin nito na kasuklaman
ang kinasusuklaman Niya kaya naman kasusuklaman ang kawalang-pananampalataya, ang
kasuwailan, at ang pagsuway. Nagsabi si Allah (5:54):
O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod sa inyo sa relihiyon niya ay
papalitan ni Allah ng mga tao na iibigin Niya sila at iibigin nila Siya, na mga
mapagpakumbaba sa mga sumasampalataya, na mga mabagsik sa mga tumatangging
sumampalataya, na makikibaka sila alang-alang sa landas ni Allah
at hindi sila mangangamba sa paninisi ng naninisi. Iyan ang kagandahangloob
ni Allah; binibigyan Niya nito ang sinumang loobin Niya. Si Allah ay
Masaklaw, Maalam.
Ang Kahulugan ng Muhammad Rasúlulláh
Ang kahulugan nito ay ang pagkilala sa panlabas at panloob na siya ay Lingkod at Sugo
ni Allah sa mga tao sa kalahatan at ang paggawa ayon sa hinihiling ng pagkilalang iyon,
gaya ng pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, paniniwala sa anumang sinabi
niya, pag-iwas sa anumang ipinagbawal niya at sinaway, at na hindi sasambahin si Allah
kung hindi ayon sa isinabatas niya.
Ang pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah ay may dalawang sandigan: Lingkod
ni Allah at Sugo ni Allah. Ang dalawang ito ay nahadlangan ang pagpapalabis at ang pagsasawalang-
bahala sa karapatan niya. Siya ay Lingkod at Sugo ni Allah. Siya ay pinakaganap
na nilikha dahil sa dalawang marangal na katangiang ito. Ang kahulugan ng Lingkod
dito ay ang alipin na sumasamba. Ibig sabihin: siya ay isang tao, na nilikha mula sa kung
ano nilikha ang mga tao. Nangyayari sa kanya ang nangyayari sa kanila. Sinabi ni Allah
(18:110):
Sabihin mo: “Ako ay tao lamang na tulad ninyo.…”
Sinabi pa Niya (18:1):
Ang papuri ay ukol kay Allah na nagbaba sa lingkod Niya ng Aklat at hindi
Niya ito nilagyan ng kabaluktutan.
Ang kahulugan naman ng Sugo ay ang ipinadala sa tao sa kalahatan dala ang paanyaya
tungo kay Allah, bilang tagapagbalita ng nakalulugod at tagapagbabala. Sa pagsaksi sa kanya
(SAS) sa pamamagitan ng dalawang katangiang ito (Lingkod at Sugo) ay nahadlangan ang
pagpapakalabis at ang pagpapabaya sa karapatan niya yayamang tunay na marami sa nagaangkin
na kabilang sa Kalipunan niya ay nagpapakalabis nga kaugnay sa karapatan niya
at nagpapasobra kaugnay sa kanya hanggang sa inangat na siya higit sa antas ng nag-uukol
ng pagsamba tungo sa antas ng pinag-uukulan pagsamba bukod pa kay Allah.17 Nagpapasaklolo
sa kanya bukod pa kay Allah. Hinihilingan siya ng bagay na walang nakakakayang
magbigay kundi si Allah, gaya ng pagtugon sa mga pangangailangan at pag-aalis sa mga
17 Ginagawa ito ng mga ligaw na Muslim, ngunit ang higit na nakararami ay hindi gumagawa nito.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
20
kapighatian. May mga iba namang nagkakaila sa mensahe niya o nagpapabaya sa pagsunod
sa kanya at nagkukulang sa kanya sa karapatan niya na kinakailangang gampanan.
Inuuna pa nila ang mga sinasabi ng ibang tao kaysa sa mga sinasabi niya (SAS). Iniwasan
nila ang Sunnah niya at inayawan ito. Sumasalig sila sa mga pahayag na sumasalungat sa
aral na ihinatid niya (SAS).
Ang Pananampalataya at ang mga Sandigan18 Nito
Ang Pananampalataya ay salita at gawa, na nadadagdagan sa pamamagitan ng mga
pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng mga pagkakasala at mga pagsuway. Ito ay
pahayag ng puso at dila, at gawain ng puso, dila, at mga bahagi ng katawan. Ang pahayag
ng puso ay ang paniniwala nito at ang pagpapatotoo nito. Ang pahayag ng dila ay ang pagkilala
nito. Ang gawain ng puso ay ang pagpapasakop nito, ang pagpapakawagas nito, ang
pagpapahinuhod nito, ang pag-ibig nito, at ang pagnanais nito sa mga gawaing matuwid.
Ang gawain ng mga bahagi ng katawan ay ang paggawa sa mga ipinag-uutos at ang pagwaksi
sa mga ipinagbabawal.
Pinatunayan nga ng Qur’an at Sunnah na ang Pananampalataya ay may mga batayan:
ang paniniwala kay Allah, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, sa
Huling Araw, at sa Tadhana at Pagtatakda – ang mabuti rito at ang masama rito, gaya ng
nasaad sa sabi Niya (2:285):
Sumampalataya ang Sugo sa anumang ibinaba sa kanya mula sa Panginoon
niya at gayon din ang mga mananampalataya. Bawat isa ay sumampalataya
kay Allah, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya.
“Hindi kami nagtatangi sa isa man sa mga sugo Niya,” sabi nila. Nagsabi pa
sila: “Narinig namin at tumalima kami. Igawad Mo ang kapatawaran Mo,
Panginoon namin, at tungo sa Iyo ang kahahantungan.”
Nasaad sa Sahíh Muslim mula sa Hadíth ayon sa Prinsipe ng mga mananampalataya
na si ‘Umar ibnu alKhattáb (RA): “Si Jibríl (AS) ay nagtanong sa Propeta (SAS) tungkol
sa pananampalataya kaya nagsabi ito:
Ang pananampalataya ay na sumampalataya ka kay Allah, sa mga anghel Niya,
mga aklat Niya, mga sugo Niya, at sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa
pagtatakda, sa mabuti nito at sa masama nito.”
Ang anim na bagay na ito ay ang mga saligan ng tamang pinaniniwalaan, na dahil sa
mga ito ay ibinaba ang Mahal na Aklat ni Allah at ipinadala dahil sa mga ito ang Sugo Niya
na si Muhammad (SAS). Tinatawag ito na mga Saligan ng Pananampalataya.
1. Ang Paniniwala kay Allah
18 Madalas isalin, pati na ng tagapagsaling ito noon, ang salitang Arabe na rukn bilang haligi, bunsod marahil
ng pagkakasalin nito sa Ingles bilang pillar. Ngunit ang kahulugan talaga ng rukn ay sandigan, at ang haligi
naman sa Arabe ay ‘amúd. Tingnan ang alMu‘jam alWasít, ang Hans Wehr Dictionary of Modern Written Arabic,
at ang A Dictionary of Islamic Words and Expressions ni Dr. Mahmoud Isma‘il Saleh.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
21
Ito ay ang pananampalataya sa kaisahan ni Allah sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon
Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. Bahagi ng pananampalataya kay Allah
– kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya:
A. Ang pananiniwala na Siya ang Diyos na totoo na karapat-dapat sa pagsamba wala nang
iba pa sa Kanya dahil Siya ay ang Tagapaglikha ng mga tao, ang Mapagmagandangloob
sa kanila, ang Nagsasagawa ng mga pagtutustos sa kanila, ang Nakaaalam ng
lihim nila at inihahayag nila, at ang Nakakakayang gumantimpala sa tumatalima sa
kanila at magparusa sa suwail sa kanila.
Ang reyalidad niyon ay ang pagbubukod-tangi kay Allah ― kaluwalhatian sa Kanya
― sa lahat ng ipinangsasamba na mga uri ng pagsamba sa paraang may pagpapakumbaba,
pagmimithi, at pangingilabot sa Kanya ― kaluwalhatian sa Kanya ― kalakip ang
lubos na pag-ibig sa Kanya at ang pagpapakaaba sa kadakilaan Niya. Ang nakararaming
bahagi ng Qur’án ay ibinaba dahil sa dakilang simulaing ito, gaya ng sabi Niya
(39:2-3):
kaya sambahin mo si Allah na nag-aalay ng kawagasan sa Kanya sa pagtalima.
Kaingat, ukol kay Allah ang wagas na pagtalima.
Ang sabi pa Niya (17:23):
Itinadhana ng Panginoon mo na hindi kayo sasamba kundi sa Kanya,
Ang sabi pa Niya (40:14):
Kaya dumalangin kayo kay Allah na mga nag-aalay ng kawagasan sa
Kanya sa pagtalima, kahit pa man masuklam ang mga tumatangging
sumampalataya.
Ang pagsamba ay mayroong lubhang maraming uri, na ang ilan ay ang sumusunod:
ang Du‘á’ (Panalangin), Khawf (Pangamba), Rajá’ (Pag-asa), Tawakkul (Pananalig),
Raghbah (Pagmimithi), Rahbah (Pangingilabot), Khushú‘ (Pagpapakumbaba), Khashyah
(Takot), Inábah (Pagbabalik-loob), Isti‘ánah (Pagpapatulong), Isti‘ádhah (Pagpapakupkop),
Istigháthah (Pagpapasaklolo), Dhabh (Pag-aalay ng hayop), Nadhr (Pamamanata),
at iba pang mga uri ng pagsamba na hindi pinapayagang ibaling ang anuman
sa mga ito sa iba pa kay Allah. Ang pagbaling ng anuman sa mga ito sa iba pa kay Allah
ay Shirk at Kufr.
Ang patunay ng Panalangin ay ang sabi Niya (40:60):
Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugunin Ko
kayo; tunay na ang mga nagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba sa Akin
ay magsisipasok sa Impiyerno na mga hamak.”
Nasasaad sa Hadíth na isinalaysay ni anNu‘mán ibnu Bashír (RA), ayon sa Propeta (SAS)
na nagsabi:
Ang panalangin ay ang pagsamba. (atTirmidhíy: 2969.)
Ang patunay ng Pangamba ay ang sabi Niya (3:175):
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
22
kaya huwag kayong mangamba sa kanila bagkus mangamba kayo sa Akin
kung kayo ay mga mananampalataya.”
Ang patunay ng Pag-asa ay ang sabi Niya (18:110):
Kaya ang sinumang umaasa sa pakikipagtagpo sa Panginoon niya ay
gumawa siya ng matuwid na gawa at huwag siyang magtambal sa pagsamba
sa Panginoon Niya ng isa man.
Ang patunay ng Pananalig ay ang sabi Niya (5:23):
Kay Allah ay manalig kayo kung kayo nga ay mga mananampalataya.
Ang sabi pa Niya (65:3):
Ang sinumang mananalig kay Allah, Siya ay sapat na sa kanya.
Ang patunay ng Pagmimithi, Pangingilabot at Pagpapakumbaba ay ang sabi Niya
(21:90):
Tunay na sila noon ay nagmamadali sa mga mabuting gawa, nananalangin
sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot, at sila sa Amin ay laging
mga nagpapakumbaba.
Ang patunay ng Takot ay ang sabi Niya (2:150):
Kaya huwag kayong matakot sa kanila, bagkus matakot kayo sa Akin
Ang patunay ng Pagbabalik-loob ay ang sabi Niya (39:54):
Magbalik-loob kayo sa Panginoon ninyo at sumuko kayo sa Kanya
Ang patunay ng Pagpapatulong ay ang sabi Niya (1:5):
Sa Iyo lamang kami sumasamba at sa Iyo lamang kami nagpapatulong.
Ang sabi naman ng Sugo (SAS):
Kapag magpapatulong ka ay magpatulong ka kay Allah. (atTirmidhíy: 2516.)
Ang patunay ng Pagpapakupkop ay ang sabi Niya (114:1):
Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,”
Ang patunay ng Pagpapasaklolo ay ang sabi Niya (8:9):
Banggitin noong nagpasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tinugon Niya
kayo
Ang patunay ng Pag-aalay ng hayop ay ang sabi Niya (6:162-163):
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
23
Sabihin mo: “Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang
kamatayan ko ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang, wala
Siyang katambal. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim.”
Ayon sa Sunnah, ang sabi ng Sugo (SAS):
Isinumpa ni Allah ang nag-aalay sa iba pa kay Allah. (Muslim 1978.)
Ang patunay ng Pamamanata ay ang sabi Niya (76:7):
Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na
ang kasamaan nito ay magiging laganap.
Pati na ang mga nakagawiang gawain ― kapag nilayon sa mga ito ang pangingilag
sa pagkakasala alang-alang sa pagtalima kay Allah ― gaya ng pagtulog, pag-inom,
paghahanap ng ikabubuhay, pag-aasawa, at iba pa, ang mga nakagawiang gawain na
ito kalakip ng layuning matuwid ay magiging mga pagsamba na gagantimpalaan ang
isang Muslim dahil doon.
B. Bahagi rin ng pananampalataya kay Allah ang paniniwala sa lahat ng obligasyon at
tungkuling ibinigay Niya sa mga lingkod Niya gaya ng [pagganap ng] Limang Sandigan
ng Islam na hayagang isinasagawa: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at si
Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagpapanatili sa saláh, ang pagbibigay ng zakáh,
ang pag-aayuno sa Ramadán, at ang pagsasagawa ng hajj sa Banal na Bahay ni Allah
ng sinumang makakayang makarating roon, at ng iba pang mga tungkulin na nabanggit
sa Sharí‘ah na dinalisay.
C. Bahagi rin ng pananampalataya kay Allah ang pananamapalataya na Siya ang Tagapaglikha
ng mga nilalang, ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan nila, at ang Tagapamahala
sa kanila sa pamamagitan ng kaalaman Niya at kapangyarihan Niya ayon sa paraang
niloloob Niya; na Siya rin ang Nagmamay-ari ng Mundo at Kabilang-buhay at ang
Panginoon ng lahat ng mga nilalang ― wala nang Tagapaglika bukod pa sa Kanya at
wala nang Panginoon maliban pa sa Kanya; na Siya ay nagsugo ng mga sugo at nagpababa
ng mga banal na aklat upang ituwid ang mga tao at anyayahan sila sa ikaliligtas
nila at sa ikabubuti nila sa Mundo at sa Kabilang-buhay; na Siya ay walang katambal
sa lahat ng nabanggit na iyon. Sinabi Niya (39:62):
Si Allah ay Tagapaglikha ng bawat bagay, at Siya ay Pinananaligan sa
bawat bagay.
D. Bahagi pa rin ng pananampalataya kay Allah ang maniwala sa napakagagandang mga
pangalan Niya at napakatataas na mga katangian Niya na nasasaad sa Mahal na Aklat
Niya at napagtibay mula sa mapagkakatiwalaang Sugo Niya. [Paniniwalaan ang mga
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
24
ito] nang walang tahríf, walang ta‘tíl, walang takyíf at walang tamthíl,19, kalakip ng
paniniwala sa ipinahihiwatig ng mga ito na mga dakilang kahulugan dahil ang mga ito
ay mga “paglalarawan” kay Allah, na kinakailangang “ilarawan” Siya sa pamamagitan
ng mga ito sa paraang naaangkop sa Kanya, nang hindi Siya iwinawangis sa nilikha
Niya sa anuman sa mga katangian Niya, gaya ng sinabi Niya (42:11):
Walang anumang katulad sa Kanya, at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita.
2. Ang Paniniwala sa mga Anghel
Naglalaman ito ng paniniwala sa mga anghel sa kabuuan at sa detalye. Tungkol naman
sa paniniwalang kabuuan, naniniwala tayo na si Allah ay mayroong mga anghel na nilikha
Niya at nilalang na likas sa pagtalima sa Kanya. Sila ay maraming uri. Mayroon sa kanila
na mga itinalaga sa pagpasan ng Trono [ni Allah]. Mayroon sa kanila na mga taga-bantay
ng Paraiso at Impiyerno. Mayroon sa kanila na mga itinalaga sa pagtatala ng mga gawa ng
mga tao. Tungkol naman sa paniniwalang detalye, naniniwala tayo sa nabang-git mismo ni
Allah at ng Sugo Niya (SAS) kabilang sa kanila gaya nina Jibríl, Míká’il, Málik na tagabantay
ng Impiyerno, at Isráfíl na nakatalaga sa pag-ihip ng Tambuli. Ang mga anghel ay
nilikha ni Allah mula sa liwanag, gaya ng napagtibagy sa Hadíth ayon kay ‘Á’ishah (RA),
na ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinní mula sa apoy na
walang usok at nilikha si Adan ayon sa nailarawan20 na sa inyo. (Imám Muslim:
2996.)
3. Ang Paniniwala sa mga Aklat
Kinakailangang maniwala sa kabuuan na si Allah ay nagpababa ng mga banal na aklat
sa mga propeta Niya at mga sugo Niya para sa paglilinaw sa karapatan Niya sa mga lingkod
Niya at pag-anyaya roon. Naniniwala tayo sa paraang detalye sa [mga aklat na] pinangalanan
mismo ni Allah sa mga ito ng Tawráh, Zabúr, Injíl,21 at Qur’án. Ang Qur’án ay
ang pangwakas sa mga ito. Ito ang tagapagbantay sa mga ito at ang nagpapatotoo sa mga
ito. Ito ang kinakailangang sundin at isapatakaran ng buong Kalipunang Muslim, kalakip
ng napatunayang Sunnah22 mula sa Sugo (SAS) dahil si Allah ay nagpadala sa Sugo Niya
19 Tingnan ang talababa bilang 6 hinggil sa pagpapaliwanag sa mga terminolohiyang ito.
20 Nilikha si Adan mula sa alabok.
21 Ang Tawráh, ang Zabúr at ang Injíl ay ang mga pangalan sa wikang Arabe ng mga orihinal na aklat na ipinahayag
ng Diyos kina Propeta Moises, Propeta David at Propeta Jesus (Sumakanila ang basbas at pangangalaga
ni Allah), alinsunod sa pagkakasunod-sunod. Ang Penatateuch sa Matandang Tipan ng Bibliya ng mga
Kristiyano o ang Torah ng mga Hudyo, na sinasabing ipinahayag kay Moises; ang Salmo (Psalms) sa Matandang
Tipan, na sinasabing ipinahayag ka David ngunit ayon naman sa ilang mga eskolar ng Bibliya ay hindi lamang
si David ang sumulat; at ang Bagong Tipan sa kabuuan, ang mga Evangelio ayon kina Mateo, Marcos, Lucas
at Juan, ang mga sulat ni Pablo at iba pang aklat sa Bagong Tipan; ang lahat ng mga ito ay hindi kinikilala ng
Islam na siyang mga orihinal na aklat na ipinahayag ng Diyos kina Moises, David at Jesus.
22 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay tumtukoy sa kung ano ang sinabi, ang ginawa, at ang sinangayunan
ni Propeta Muhammad (SAS). Ang sunnah naman, na may maliit na titik na s, ay tumutukoy sa gawaing
kanais-nais gawin dahil ayon sa Sunnah ng Propeta, ngunit hindi tung-kuling isagawa.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
25
na si Muhammad (SAS) bilang Sugo sa lahat ng jinni at tao. Ibinaba Niya rito ang Qur’án
upang humatol sa pamamagitan nito sa kanila. Ginawa Niya ito na isang lunas sa mga puso,
isang paglilinaw para sa bawat bagay, isang patnubay, at isang awa para sa mga nilalang,
gaya ng sinabi Niya (6:155):
Ito ay isang Aklat na ibinaba Namin, na pinagpala – kaya sundin ninyo ito
at mangilag kayong magkasala nang harinawa kayo ay kaawaan –
Sinabi pa Niya (16:89):
Pinababa Namin sa iyo ang Aklat bilang isang paglilinaw para sa bawat bagay,
isang patnubay, isang awa, at isang nakagagalak na balita para sa mga Muslim.
4. Ang Paniniwala sa mga Sugo
Kinakailangang maniwala sa mga sugo, sa kabuuan at sa detalye. Naniniwala tayo na si
Allah ay nagsugo sa mga lingkod Niya ng mga sugo na mga tagapagbalita ng nakalulugod,
mga tagapagbabala, at mga tagapag-anyaya sa katotohanan, gaya ng sinabi Niya (16:36):
Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi:
“Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang nagdidiyus-diyusan.”
Ang sinumang tumugon sa kanila ay magtatamo ng kaligtasan at ang sinumang sumalungat
sa kanila ay masasadlak sa kabiguan at pagsisisi.
Naniniwala tayo na ang paanyaya ng mga sugo ay isa, at ito ay ang pag-anyaya sa pagsampalataya
sa kaisahan ni Allah at ang pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba. Nagkakaiba
lamang sila sa mga batas at mga panuntunan. Naniniwala tayo na minagaling ni
Allah ang iba sa kanila higit sa iba pa, at na ang pinakamainam sa kanila at ang pangwakas
sa kanila ay ang Propeta natin na si Muhammad (SAS), gaya ng sinabi Niya (17:55):
Talaga ngang itinangi Namin ang iba sa mga propeta nang higit sa iba pa,
Sinabi pa Niya (33:40):
Si Muhammad ay hindi ama ng isa sa kalalakihan ninyo, bagkus ang Sugo
ni Allah at ang pangwakas sa mga Propeta.
Ang sinuman sa kanila na pinangalanan ni Allah o napagtibay buhat sa Sugo ni Allah
(SAS) ang pagkabanggit ng pangalan ay paniniwalaan natin sa detalye at partikular, gaya
nina Noah, Húd, Sálih, Abraham, at iba pa. Makamit nawa nila at ng Propeta natin ang
pinakamainam na basbas at pinakadalisay na pagbati.
5. Ang Paniniwala sa Huling Araw
Napaloloob dito ang paniniwala sa lahat ng ipinabatid ni Allah at ng Sugo Niya (SAS)
kabilang sa mangyayari pagkatapos ng kamatayan gaya ng pagsubok na daranasin ng patay sa
loob ng libingan at pagdurusa o ginhawang daranasin nito sa libingan; at sa mangyayari
sa Araw ng Pagbangon na mga kahila-hilakbot na mga bagay, mga paghihirap, pagtawid
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
26
sa sirát,23 pagtitimbang sa mga gawa, pagtutuos, paggaganti, pagbubuklat ng mga talaan
[ng mga mabuti at masamang gawa] at pamamahagi ng mga ito sa mga tao: may kukuha
ng talaan niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya at may kukuha ng talaan niya sa
pamamagitan ng kaliwang kamay niya mula sa likuran niya.
Napaloloob din doon ang paniniwala sa hawd24 na inuman para sa Propeta natin na si
Muhammad (SAS) at na ang bawat propeta ay mayroong hawd gaya ng nasaad sa Sunnah.
Napaloloob din dito ang paniniwala sa Paraiso at Impiyerno, pagkakita ng mga mananampalataya
sa Panginoon nila, pakikipag-usap Niya sa kanila, at iba pang mga nasasaad sa
Qur’án at mga Hadíth na tumpak buhat sa Sugo ni Allah (SAS). Kaya kinakailangang
sampalatayaan at paniwalaan ang lahat ng iyon sa paraang nilinaw ni Allah at ng Sugo
Niya (SAS).
6. Ang Paniniwala sa Pagtatadhana at Pagtatakda
Naglalaman ang paniniwala rito ng apat na sangkap:
A. Ang Kaalaman. Si Allah ay nakaaalam sa anumang nangyari, anumang nangyayari
at mangyayari. Nalalaman Niya ang mga kalagayan ng mga lingkod Niya, ang mga
ikinabubuhay nila, ang mga taning ng buhay nila, ang mga gawa nila, at ang iba pa
rito na mga nauukol sa kanila. Walang nakakubli sa Kanya na anuman mula roon,
gaya ng sinabi Niya (8:75):
Tunay na si Allah sa bawat bagay ay Nakaaalam.
B. Ang Pagsulat. Ipinasulat Niya ang bawat itinakda at itinadhana Niya, gaya ng sinabi
Niya (36:12):
Bawat bagay ay itinala Namin sa aklat na naglilinaw.
C. Ang Kalooban. Ang paniniwala sa natutupad na nangungunang kalooban ni Allah.
Ang anumang niloob Niya ay mangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi
mangyayari, gaya ng sinabi Niya (3:40):
Ganyan si Allah, ginagawa Niya ang anumang niloloob Niya.
D. Ang Paglikha. Nilikha Niya ang itinakda bago maganap ito, gaya ng sinabi Niya (37:96):
samantalang si Allah ay lumikha sa inyo at sa anumang ginagawa ninyo?
Ang Shirk at ang mga Uri Nito
Ang Shirk ay ang gawan ng tao si Allah ng isang kaagaw sa Pagkapanginoon Niya, o
sa Pagkadiyos Niya, o sa mga Pangalan Niya at mga Katangian Niya. Ang Shirk ay dalawang
uri: Malaking Shirk at Maliit na Shirk.
1. Ang Malaking Shirk. Ito ay ang pagbaling ng anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa
kay Allah. Ang gumagawa nito ay pananatilihiin sa Impiyerno kung namatay at hindi
nagsisi roon. Nagpapawalang-saysay rin ito sa mga mabuting nagawa. Sinabi Niya (6:88):
23 Landasing manipis pa sa buhok at matalas pa sa tabak, na itatayo sa ibabaw ng Impiyerno at daraanan ng mga tao.
24 Ang hawd ay ang lawa ng Propeta (SAS). Hindi na mauuhaw kailanman ang sinumang makainom doon.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
27
Ngunit kung sakaling nagtambal sila kay Allah ay talagang nawalan na
sana ng kabuluhan para sa kanila ang anumang ginagawa nila noon.
Ang Malaking Shirk ay hindi patatawarin ni Allah kung walang tapat na pagsisisi.
Sinabi Niya (4:48):
Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit
mapatatawad Niya ang anumang mababa pa roon sa kaninumang
loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allah ay nakagawa nga
ng isang sukdulang kasalanan.
Kabilang sa Malaking Shirk ang pagdalangin sa iba pa kay Allah, o ang pamamanata
sa iba pa kay Allah, o ang pag-aalay sa iba pa kay Allah at iba pa, o ang paggawa sa
iba pa kay Allah bilang mga kaagaw na iniibig sila gaya ng pag-ibig kay Allah, ayon
sa sinabi Niya (2:165):
May mga tao na gumagawa sa iba pa kay Allah bilang mga kaagaw, na
iniibig nila ang mga ito gaya ng pag-ibig kay Allah,
2. Ang Maliit na Shirk. Ito ay ang napagtibay mula sa mga teksto ng Qur’an o Sunnah
ang pagkatawag niyon bilang Shirk ngunit hindi umabot sa hangganan ng Malaking
Shirk. Ang uring ito ay hindi nagtitiwalag sa tao sa Islam ngunit nakababawas sa pananampalataya
sa Tawhíd, gaya ng kaunting pagpapakitang-tao o anumang kaparaanan
tungo sa Malaking Shirk ngunit hindi umaabot doon gaya ng pagdarasal sa mga libingan,
panunumpa sa iba pa kay Allah nang walang kalakip na paniniwala na ang sinusumpaan
ay nagdudulot ng pakinabang o nagdudulot ng pinsala bukod pa kay Allah,
pagsabi na: “Niloob ni Allah AT ni Polano,” at anumang tulad niyon dahil ang sabi
ng Propeta (SAS):
Ang higit na pinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay
ang Maliit na Shirk. Tinanong siya hinggil doon kaya sinabi niya: ang pagpapakitang-
tao. (Isinalayasay ito ni Imám Ahmad. Ang isnád nito ay mahusay.)
Ang sabi pa ng Sugo (SAS):
Ang sinumang sumumpa sa isang bagay bukod pa kay Allah ay nakagawa
nga ng Shirk. (Isinalaysay ito ni atTirmidhí at ang isnád nito ay tumpak.)
Kabilang sa mga gawaing napaloloob sa uring ito ng Shirk din ay ang pagsasabit
ng mga anting-anting at agimat at ang pagsusuot ng pulseras at sinulid na mga panlaban
daw sa mga karamdaman at mga sakuna o pananggalang sa mga ito. Subalit kung sakaling
naniwala na ang mga ito mismo ay nagdudulot ng pakinabang o nagdudulot ng
pinsala at na ito ay hindi lamang isang dahilan, tunay na ito ay napaloloob na sa Malaking
Shirk.
Ang Kabuuan ng Paniniwala ng Pangkat na Maliligtas
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
28
Tunay na ang pinaniniwalaan ng pangkat na maliligtas ― ang pinaniniwalaan ng Ahlu
sSunnah
wa lJamá‘
ah ― ay na ang totoong mananampalataya ay sumasaksi na si Allah
ay ang Panginoong Diyos na sinasamba na natatangi sa bawat kalubusan. Kaya naman
sinasamba nito si Allah lamang habang nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima. Nalalaman
nito na si Allah ay ang Tagapaglikha, ang Tagapaglalang, ang Tagapag-anyo, ang
Palatustos, ang Nagbibigay, ang Nagkakait, at ang Nangangasiwa sa lahat ng bagay.
Siya ang totoong sinasamba, na Siya ang Una na walang anumang bagay bago Siya, ang
Huli na walang anumang bagay pagkatapos Niya, ang Nangingibabaw na walang anumang
bagay na nasa ibabaw Niya at ang Nalilingid na walang anumang bagay na nasa ibaba Niya.
Siya ang Mataas, ang Kataas-taasan, ang Pagkataas-taas ayon sa bawat kahulugan at
pagtuturing: kataasan ng Sarili,25 kataasan ng kakakayahan26 at kataasan ng panlulupig.27
Siya, sa ibabaw ng Trono, ay lumuklok ayon sa pagluklok na nababagay sa kadakilaan Niya
at kamahalan Niya, kalakip ng kataasan Niya na walang takda at ng pangingibabaw Niya.
Kaya naman ang kaalaman Niya ay sumasaklaw sa mga nakalantad at mga nakakubli, at sa
mataas at mababang mundo. Siya ay kasama ng mga lingkod Niya sa pamamagitan ng kaalaman
Niya; nalalaman niya ang lahat ng kalagayan nila. Siya ang Malapit, ang Tumutugon.
Siya ang Sapat sa Sarili Niya laban sa lahat ng mga nilikha Niya. Ang lahat ay sa Kanya
nangangailangan sa paglikha sa kanila at sa paglikha sa anumang kinakailangan nila sa
lahat ng sandali. Walang kalayaan para isa man sa pangangailangan sa Kanya kahit sa loob
ng isang kisap-mata. Siya ang Mahabagin, ang Maawain, na walang tinatamasa ang mga
tao na anumang biyayang espirituwal ni materyal na hindi mula sa Kanya sapagkat Siya
ang nag-aakit ng mga biyaya at ang nagtutulak ng mga kasawian.
Bahagi ng awa ni Allah ay na bumababa Siya sa bawat gabi sa langit ng mundo kapag
ang natitira ay ang huling ikatlong bahagi ng gabi, at nagsasabi Siya:
Sino yaong hihiling sa Akin at magbibigay Ako sa kanya at sino yaong hihingi
ng tawad sa Akin at magpapatawad Ako sa kanya.
Ito ay hanggang sa sumikat ang madaling-araw. Siya ay bumababa ng pagbabang nababagay
sa Kanya ― kapita-pitagan ang gawain Niya.
Siya ang Marunong na nagtataglay ng masidhing karunungang sa patakaran Niya at
kakayahan Niya, kaya naman hindi Siya lumikha ng isang bagay na walang katuturan, hindi
Siya nagsapatakaran ng mga patakaran malibang alang-alang sa mga kapakanan at sa pagsasawata
sa mga katiwalian.
Siya ang Palatanggap ng pagsisisi, ang Mapagpaumanhin, ang Mapagpatawad; tinatanggap
Niya ang pagsisisi mula sa mga lingkod Niya, nagpapaumanhin Siya sa mga masagwang
nagawa, at nagpapatawad Siya sa mga malaking pagkakasala para sa mga nagsisisi,
mga humihingi ng tawad, at mga nagababalik-loob.
25 Kataasan ng sarili: si Allah ay nasa ibabaw ng mga lingkod Niya, na nakaluklok sa Trono Niya.
26 Kataasan ng kakayahan: Nangangahulugan ito na si Allah ay may kakayahan na walang nakakapantay rito
na isa man sa mga nilikha Niya at hindi Siya dinadapuan ng kakulangan.
27