Mga Artikulo




1 | P a h i n a


LastMsg


مسائل نسائية رمضانية


MGA USAPING PANG KABABAIHAN SA RAMADHAN


❖ Maaring tikman ang pagkain habang nag aayuno kung


kinakailangan sa kondisyon na hindi ito malulunok o may malunok


na lasa nito.


❖ Ang pagpantay ng Hilera o Saf sa Salah ay obligado sa mga


kalalakihan at sa mga kababaihan at lumalantad ang kamalian o


maraming kamalian sa mga sa mga ito sa mga Hilera ng mga


kababaihan sa Ramadhan, kabilang sa mga paglabag ay mga


sumusunod:


• Nauuna ang isa sa mga kababaihan mula sa hilera o may


nagpapahuli.


• At ang paggawa ng sariling Saf o Hilera bago pa


makumpleto ang unang Hilera na nasa kanyang harapa.


• o di kaya ay puputulin ang Saf o Hilera at isang Saf at silang


dalawa lang o silang tatlo lang o mag-isa lamang sa Saf.


✓ at ang ipinag-utos ay ang kumpletuhin muna ang unang Saf


o Hilera at ang sunod nito ay pagsasalansan ng Saf na


nakasunod para hindi magkaroon ng bakante rito.


✓ at magsisimula ang paggawa ng unang Saf o Hilera mula sa


bandang gitna at hindi sa bandang kanan.


❖ Ang pinakamainam na Saf o Hilera ng mga kababaihan ay ang huli nito


at ang pinakamasama ay ang nasa unahan, Ngunit kung mayroong


sarili na dasalan na para lang sa kababaihan ang pinakamainam dito


ay ang nasa unahan.


❖ Ang Salah o dasal ng babae sa kanyang bahay ay mas mainam kaysa


sa kanyang Salah sa Masjid at ipinapahintulot sa kanya na mag Salah


kasama nang Jamaa’h kasama ng kababaihan na nasa loob din ng


pamamahay at mag-i-Imam o ang mamumuno sa Salah para sa kanila


2 | P a h i n a


LastMsg


ang pinakamahusay sa kanila sa pagbabasa at pinaka mas maalam at


ito ay naka pwesto sa gitna nila at maaari siyang magbasa nang


direkta mula sa Mushaf kung hindi siya o hindi niya nasasaulo ang


Quran at para sa sinuman magsa-Salah nang mag-isa ay maaari rin


magbasa mula sa Mushaf.


❖ Ang ibang mga kababaihan sa Salah ay humahawak ng Mushaf at


sinusundan ang Imam sa pagbabasa; Ang gawain na ito ay hindi


kanais-nais dahil ito sa mga kilos na hindi kinakailangan at naiiwanan


ang Sunnah na paglalagay ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang


kamay.


❖ Ipinagbabawal sa mga kababaihan na lumabas nang mabango kapag


siya ay dadaan sa mga kalalakihan sa kanyang dadaanan at gayundin


sa kanyang paglabas upang magdasal ng Taraweh.


❖ Ipinagbabawal sa mga kababaihan na sumakay kasama ng Driver na


hindi niya Mahram na siya lamang mag-isa.


❖ Ipinapahintulot para sa may buwanang-dalaw na siya ay magbasa ng


Qur'an sa pamamagitan ng memorya o sa pamamagitan ng pagtingin


ngunit hindi niya maaaring hawakan ang Mushaf liban kung ito ay


may balot halimbawa na lamang nang guwantes.


❖ kapag nag-alinlangan ang may buwanang-dalaw kung dalisay na ba


siya o hindi pa; hindi siya maaaring mag-ayuno hanggang sa siya ay


makatiyak na siya ay malinis na sa pamamagitan ng paghinto ng dugo


at pagkatuyo nito, at kapag siya ay nag-ayuno na hindi siya tiyak na


siya ay dalisay ang kanyang pag-aayuno ay hindi tama.


❖ Kung tumigil ang buwanang-dalaw ng isang babae bago ang oras ng


Fajr ay obligado na sa kanya na mag-ayuno kahit hindi pa siya


nakakaligo, liban na lamang kung sa pagkatapos ng Fajr.


❖ Sinumang madatnan ng buwanang-dalaw na siya ay nag-aayuno kahit


na ito ay bago lumubog ang araw nang ilang sandal lamang ay


kailangan niya itong bayaran sa kondisyon na siya ay nakatitiyak na


may lumabas na dugo.


❖ Sinumang nakaramdam ng sintomas ng buwanang-dalaw tulad ng


pananakit bago lumubog ang araw ngunit wala siyang nakitang dugo


liban pagkatapos lumubog ng araw ang kanyang pag-aayuno ay tama.


3 | P a h i n a


LastMsg


❖ Ipinapahintulot sa isang babae na gumamit nang Contraceptive’s para


pigilan ang buwanang-dalaw sa kundisyon na hindi ito makapipinsala


sa kanya.


❖ Kapag gumamit ang babae ng Contraceptive’s para pigilan ang


buwanang-dalaw at siya ay nag ayuno; ang kanyang pag-aayuno ay


tama.


❖ kapag naging dalisay na ang mga may Nifas (Postnatal bleeding) kahit


bago mag apatnapung araw ay obligado sa kanila ang mag-ayuno.


❖ Kapag natapos na ng mga may Nifas o Postnatal bleeding ang


apatnapung araw ngunit hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo ay


marapat na siyang mag-ayuno at ang dugo na iyon ay maituturing na


dugo ng Istihadah at obligado na sa kanya na mag-ayuno at


magsagawa ng Salah.


❖ Kapag natapos na ang apatnapung araw at hindi pa napuputol ang


pagdurugo at sumang-ayon ito sa nakasanayang ikot ng araw ng


kanyang buwanang-dalaw ay mananatili siyang maghihintay


hanggang sa matapos ang nakasanayang bilang ng araw ng buwanangdalaw


na ito at pagkatapos ay maliligo at mag-aayuno na siya.


❖ Kapag Umabot na sa wastong gulang ang batang babae ay obligado na


sa kanya ang mag-ayuno kahit na ang kanyang gulang ay sampung


taong gulang.


❖ Sinuman na umabot sa wastong gulang at hindi nag-ayuno ng mga


nakalipas na mga taon ng walang sapat na dahilan ay dapat na itong


bayaran at magpakain siya ng mahirap sa bawat araw.


❖ Ang mga buntis at nagpapasusu; kapag sila ay natakot na mapinsala


ang kanilang mga anak o ang kanilang mga sarili dahil sa pagbubuntis


o dahil sa pagpapasusu ay maaari silang mag Iftar at bayaran nila ang


ayuno na iyon.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG