Mga Artikulo

المنهج اَلتعليمي لَلأسرة وَالمجتمعَ


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan





Ang Panimula


Sa ngalan ni Allah,1 ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. Ang papuri ay ukol kay


Allah, ang Panginoon ng mga nilalang. Nagpupuri tayo sa Kanya at nagpapatulong tayo


sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allah laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at


mga kasagwaan ng mga gawain natin. Ang sinumang pinatnubayan ni Allah ay walang


makapagliligaw sa kanya at ang sinumang ipaliligaw Niya ay walang mapagpapatnubay sa


kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah: tanging Siya, wala Siyang katambal;


at sumasaksi ako na si Muhammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.


Tunay na ang Batas ng Islam ay nagsasakatuparan ng moderasyon. Isinugo nito ang


mga katuruan nito upang palakasin ang mga mabuting pag-uugali ng mga individuwal, mga


mag-anak, at mga lipunan; at patnubayan ang mga ito sa tamang daan, malinaw na katotohanan,


at tuwid na panuntunan. Ang mga katuruan nito ay hindi mga teoriya na nasisiyahan ang


mga isip sa pagtatalakay ng mga ito. Ito ay hindi rin isang salita na nasasarapan ang mga


tao sa pagbigkas nito nang hindi nauunawaan ang patnubay nito at hindi natatalos ang mga


kahulugan nito. Isinabatas lamang ito ni Allah upang hatulan ang buhay ng individuwal at


isaayos ang buhay ng mga mag-anak at mga lipunan upang maging isang liwanag na tumatanglaw


sa daan ng sangkatauhan, magpalabas sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa


liwanag, at isakatuparan para sa kanila ang kaligayahan at ang kasiyahan sa Tagapaglikha


nila, sa mga sarili nila, at sa iba.


Sa pagsasaalang-alang na ang buhay ng isang tao ay isang paglalakbay na nagwawakas


sa pagkamatay niya, isinatungkulin sa kanya na gamitin ito sa mapakikinabangan niya at


maging isang baon para sa kanya sa Araw ng Pagbangon.


Sa pagsasaalang-alang na ang kaligayahan ng tao ay mangyayari kapag nagninilay-nilay


siya sa mga nauukol sa relihiyon niya; nagbubulay-bulay siya sa mga nauukol sa buhay


niya; hinuhubog niya ang hinaharap niya sa pamamagitan ng sarili niya; isinasakatuparan


niya ang mga gawain niya sa buhay niya gaya ng pagsamba sa Tagapaglikha, paninirahan


sa Sansinukob, at pagpatnubay sa nilikha; kapag tinanung-tanong niya at iginuhit ang pagasa


sa harapan niya; nagpapakanlong siya sa Tagapaglikha niya sa bawat maliit at malaking


bagay; at pinatatatag niya ang kaugnayan niya sa Tagapaglikha niya; nagkaroon kami


sa Sangay ng Pagbibigay-kamalayan sa mga Dayuhan sa Zulfi ng isang ideya na maglathala


ng pinagaang silabus na ito. Sana ito ay maging isang mabuting tagatulong para sa


bawat naghahanap ng katotohanan o humingi ng minimithi o humihiling ng pakinabang.


1 Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe ay Allah. Ito ay isang pangngalang pantangi


at hindi pangngalang pambalana kaya ang mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa pangalang Allah ay SI,


NI at KAY at hindi ANG, NG at SA.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


10


Harinawa ang mga mag-anak na nagnanais ng pagkatuto sa relihiyon nila at pagtataglay


ng kaalamang pang-Islam na batay sa patunay ay makatagpo rito ng hinahanap-hanap nila.


Hindi naikukubli na ang pinakadakilang gawain ng pinaggugulan ng tao ng oras niya ay


ang paghahanap ng kaalamang pang-Islam yamang mayroon itong isang dakilang kalagayan


at mataas na katayuan sa ganang kay Allah. Ang paghahanap ng kaalaman ay kabilang


sa napakainam na mga pampalapit-loob kay Allah at napakakapita-pitagang mga gawain.


Inangat nga ni Allah ang kahalagahan ng kaalaman at ang mga alagad nito. Nilinaw niya


ang kalagayan nila at ang kataasan ng antas nila sapagkat nagsabi Siya (58:11): iaangat


ni Allah ng mga antas ang mga sumampalataya na kabilang sa inyo at ang mga binigyan


ng kaalaman. Si Allah sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid. Ang kalamangan


din ng nakaaalam sa sumasamba lamang ay gaya ng kalamangan ng liwanag ng buwan


sa gabi ng kabilugan ng buwan sa lahat ng mga tala. Ang mga nakaaalam ay ang mga tagapagmana


ng mga propeta. Ang mga propeta ay hindi nagpamana ng ginto ni pilak; nagpamana


lamang sila ng kaalaman. Kaya ang sinumang nagtamo nito ay nagtamo ng isang masaganang


tagumpay. Ang sinumang pinagnaisan ni Allah ng kabutihan ay bibigyan Niya ito


ng pagkaunawa sa Relihiyon.


Hinihiling natin kay Allah na itakda Niya para sa gawaing ito ang pagtanggap at na ipalaganap


niya sa pamamagitan nito ang pakinabang. Tunay na Siya ay dumidinig, tumugon.


Basbasan ni Allah, pangalagaan, at pagpalain ang Propeta nating si Muhammad, ang maganak


niya, at ang mga Kasamahan niya – silang lahat.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


11


العقيدة


Ang Pinaniniwalaan


Ang Tawhíd at ang mga Uri Nito


Ang Tawhíd ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang nauukol sa Kanya lalo


na sa anumang kinakailangang gampanan sa Kanya na mga uri ng pagsamba. Ito ang pinakasukdulan


sa ipinag-utos ni Allah. Sinabi ni Allah2 (113:1):





Sabihin mo: “Siya, si Allah, ay Isa.”


Sinabi pa Niya (51:56):





Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako.


Nagsabi pa Siya (4:36):





Sambahin ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.


Ang Tawhíd ay tatlong uri: ang Tawhíd al’Ulúhíyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkadiyos),


ang Tawhíd arRubúbíyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkapanginoon) at ang


Tawhíd al’Asmá’ wa asSifát (Paniniwala sa Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian).


1. Ang Tawhíd arRubúbíyah o ang Kaisahan sa Pagkapanginoon


Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa paglikha at pangangasiwa sa Sandaigdigang


ito, na Siya ay ang Nagtutustos, ang Nagbibigay-buhay, ang Nagbibigay-kamatayan, ang


may taglay ng paghahari sa mga langit at lupa. Sinabi Niya (35:3):





May tagapaglikha pa bang iba pa kay Allah, na nagtutustos sa inyo mula sa


langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya; kaya bakit pa kayo bumabaling


palayo?


Sinabi pa Niya (67:1):





Mapagpala Siya na nasa kamay Niya ang paghahari at Siya ay nakakakaya


sa lahat ng bagay


Ang paghahari ni Allah ay paghaharing sumasaklaw sa lahat ng nasa Sansinukob; ipinamamalakad


Niya rito ang anumang niloloob Niya.


Tungkol naman sa pamumukod-tangi ni Allah sa pangangasiwa, tunay na si Allah ay


namumukod-tangi sa pangangasiwa sa mga nilikha. Sinabi Niya (7:54):





Tunay ngang ukol sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si


Allah, ang Panginoon ng mga nilalang.


Ito ay isang pangangasiwang sumasaklaw sa lahat ng nilikha.


2 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay tuwirang salin mula sa wikang Arabe ng kahulugan


ng Salita ni Allah o ng kahulugan ng salita ni Propeta Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


12


Walang nagkakaila sa uri ng Tawhíd na ito kundi ang mga abnormal sa sangkatauhan.


Itinanggi nila ito sa panlabas na pahayag sa kabila ng pagkilala nila nito sa kaibuturan ng


mga sarili nila, gaya ng sinabi Niya (27:14):





Ikinaila nila ang mga tanda, samantalang natiyak ito ng mga sarili nila, dala


ng paglabag sa katarungan at pagmamataas.


Ang pagkilala sa pagkapanginoon Niya lamang ay hindi magdudulot ng pakinabang sa


isang kumikilala rito yamang hindi nagdulot ng pakinabang sa mga Mushrik ang pagkilala


nila sa pagkapanginoon Niya. Nagsabi si Allah tungkol sa kanila (29:61):





Talagang kung tatanungin mo sila kung sino ang lumikha sa mga langit at


mga lupa at nagpasunud-sunuran sa araw at buwan ay talagang sasabihin


nila na si Allah. Kaya bakit pa sila bumabaling sa iba.


2. Ang Tawhíd al’Ulúhíyah o ang Kaisahan sa Pagkadiyos


Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa lahat ng mga uri ng mga pagsamba: hindi


gagawa ang tao ng isa pang sasambahin at lalapitan kasama kay Allah. Ang uring ito ay ang


pinakamahalaga sa mga uri ng Tawhíd at ang pinakadakila sa mga ito. Ito ang dahilan ng


paglikha ni Allah sa mga nilikha gaya ng sinabi Niya (51:56):





Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako.


Ito rin ang dahilan kaya isinugo Niya ang mga propeta at ibinaba Niya ang mga Banal na


Kasulatan. Sinabi Niya (21:25):





Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng isang sugo3 kung hindi Namin


isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako, kaya sambahin ninyo Ako.


Ang uri na ito ng Tawhíd din ang ikinaila ng mga Mushrik4 nang inanyayahan sila rito


ng mga sugo. Sinabi Niya (7:70):





Sinabi nila: “Dumating ka ba sa Amin upang sambahin namin si Allah na


mag-isa Siya at iwan namin ang sinasamba noon ng mga ninuno namin?”


Kaya hindi magiging tama na magbaling ng anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay


Allah, ni sa anghel na malapit kay Allah, ni sa propeta na isinugo, ni sa walíy na matuwid,


ni sa isa man sa mga nilikha, dahil ang pagsamba ay hindi magiging tama kung hindi ukol


kay Allah.


3 Kapag binanggit ang salitang sugo o isinugo sa lathalain natin, ang tinutukoy natin ay isang propetang sugo


o isinugo ng Panginoon, maliban kung tahasang binanggit na iyon ay hindi isang propetang sugo o isinugo.


Ang sugo sa Islam ay ang pinakamataas na antas na maaaring marating ng isang tao. Ang sugo ay higit na


mataas kaysa sa propeta sapagkat ang bawat sugo ay isang propeta rin ngunit ang karamihan sa mga propeta


ay hindi sugo. Sa mga lathalain natin, ang Sugo na may malaking titik na “S” at ang Propeta na may malaking


titik na “P” ay tumutukoy kay Propeta Muhammad (SAS). Ang Tagapagsalin.


4 Ang gumagawa ng Shirk o lumalabag sa Tawhíd o ang sinumang naniniwalang may iba pang Panginoon bukod


pa kay Allah, ang namumukod-tanging tunay na Diyos, at sumasamba sa iba pa kay Allah.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


13


3. Ang Tawhíd al’Asmá’ wa asSifát o ang Kaisahan sa mga sa


Pangalan at mga Katangian


Ito ay ang paniniwala sa anumang ipinangalan ni Allah sa sarili Niya o ipinanlarawan


Niya sa sarili Niya, o ipinangalan sa Kanya o ipinanlarawan sa Kanya ng Sugo Niya (SAS);5


ang pagkilala niyon sa paraang naaangkop sa kamahalan Niya nang walang tahríf, walang


ta‘tíl, walang takyíf at walang tamthíl,6 alinsunod sa tunay na kahulugan, hindi metapora;


at ang pagkakaila sa anumang ikinaila ni Allah para sa sarili Niya, o ikinaila para sa Kanya


ng Sugo Niya (SAS). Ang anumang [pangalan o katangian na] hindi nasaad [sa Qur’an o


Sunnah7] ang pagkilala niyon o ang pagkakaila niyon ay isinatungkulin ang paghinto sa


[pagbibigay ng opinyon sa] katagang iyon, kaya naman hindi kikilalanin at hindi ikakaila.


Ang ilan sa mga halimbawa ng magagandang mga pangalan. Si Allah ay nagpangalan


sa sarili Niya ng alHayy (ang Buháy) at alQayyúm (ang Tagapagpanatili),8 kaya naman


kinakailangan sa atin na maniwala na ang alHayy (ang Buháy) ay isa sa mga pangalan ni


Allah at kinakailangan din sa atin na maniwala sa anumang katangiang nilalaman ng pangalang


ito at iyon ay ang ganap na buhay na hindi naunahan ng kawalang-buhay at hindi masusundan


ng pagkalipol. Pinangalanan ni Allah ang sarili Niya na asSamí‘ (ang Nakaririnig)


kaya tungkulin nating maniwala na ang asSamí‘ ay isa sa mga pangalan Niya, na ang pagdinig


ay isa sa mga katangian Niya, at na Siya ay nakaririnig.


Ang ilan sa mga halimbawa ng mga katangian. Ang sabi Niya (5:64):





Nagsabi ang mga Hudyo: “Ang kamay ni Allah ay nakagapos.” Maigapos nawa


ang mga kamay nila at isinumpa sila dahil sa sinabi nila. Bagkus ang dalawang


Kamay Niya ay nakaabot; nagkakaloob Siya sa paraang niloloob Niya.


Samakatuwid kinilala ni Allah na nagtataglay ang sarili Niya ng dalawang kamay na inilarawang


nakaabot, at ito ay ang masaganang pagbibigay. Kaya, isinasatungkulin sa atin na


maniwala na si Allah ay may dalawang kamay na nakaabot sa pagpibigay at pagbibiyaya.


Subalit isinasatungkulin sa atin na huwag nating tangkain sa pamamagitan ng imahinasyon


ng mga isip natin ni sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga bibig natin na humantong tayo


5 (SAS): Salla lláhu


‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at pangalagaan siya ni Allah. Sinasabi ito kapag binanggit


ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad (SAS) o kapag tinutukoy siya.


6 Ang tahríf ay ang paglilihis sa kahulugan ng anumang katangian Niya palayo sa hayag na kahulugan nito nang


walang patunay. Ang ta‘tíl ay ang pagtanggi sa kahulugan ng kinakailangang paniwalaan na mga pangalan at


mga katangian na ukol kay Allah, o ang pagtanggi sa ilan sa mga ito. Ang takyíf ay ang pagsasalaysay sa kalagayan


(o detalye) ng mga katangian ni Allah, sa isip o sa salita, gaya ng pagsasabing ang Kamay ni Allah ay ganito


at gayon. Ang tamthíl ay ang paghahalintulad o ang pagwawangis sa mga katangian Niya sa mga katangian


ng mga nilikha o paniniwala na ang mga katangian Niya ay nakawawangis ng mga katangian ng mga nilikha.


7 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay ang “kalakaran” o “pamamaraan” ni Propeta Muhammad (SAS).


Tumutukoy ito sa sinabi, ginawa, at sinang-ayunan ni Propeta Muhammad (SAS) at pati na sa paglalarawan


sa kanya. Ang Sunnah ay nakarating sa atin sa pamamagitan ng Hadíth o sanaysay tungkol sa Sunnah ni


Propeta Muhammad. Ang sunnah naman na may maliit na titik na s ay tumutukoy sa gawaing kanais-nais gawin


dahil alinsunod sa Sunnah ng Propeta. Ang gawaing sunnah ay kanais-nais ngunit hindi tungkuling isagawa.


8 Nagkakamali ang iba sa pag-aakalang ang “ang Nabubuhay” ay halimbawa ng mga pangalan ni Allah. Ito


ay salin lamang ng kahulugan ng mga pangalan ni Allah na alHayy. Ang pangalan ni Allah ay AlHayy, hindi


ang Nabubuhay; ang Nabubuhay ay ang kahulugan ng pangalan ni Allah. Ang sifáh o katangian na nilalaman ng


pangalan na AlHayy ay hayáh o buhay (life). Ang mga kinikilalang pangalan ni Allah ay nasa wikang Arabe


at hindi nasa wikang Tagalog ni nasa wikang Ingles yamang ang Qur’an at ang Hadíth ay nasa wikang Arabe.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


14


sa pagpapakahulugan ng dalawang kamay na iyon, ni ihalintulad ang mga iyon sa mga


kamay ng mga nilikha dahil si Allah ay nagsasabi (42:11):


]لWalang anumang katulad sa Kanya, at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita.


Ang buod ng tinalakay tungkol sa uri ng Tawhíd na ito ay na isinasatungkulin sa atin na


kilalanin para kay Allah ang anumang [pangalan at katangian na] kinilala Niya na para sa


sarili Niya at kinilala ng Sugo Niya (SAS) para sa Kanya, at ikaila naman ang ikinaila ni


Allah para sa sarili Niya o ikinaila para sa Kanya ng Sugo Niya (SAS) na mga pangalan at


mga katangian. Ito ay sa paraang walang tahríf, walang ta‘tíl, walang takyíf, at walang


tamthíl.9 Ang anumang [pangalan o katangian na] walang nasaad [sa Qur’an o Sunnah] na


pagkilala o pagkakaila ay hihinto sa [pagbibigay ng opinyon] sa katagang iyon at sisiyasatin


ang kahulugan niyon. Kung nagpapahiwatig iyon ng anumang itinatanggi ni Allah ay tatanggihan


iyon.


Ang Kahulugan ng Adhikaing Lá Iláha Illa lláh


Ang adhikaing Lá iláha illa lláh:


Walang Diyos Kundi si Allah ay ang saligan ng


Relihiyong Islam. Ito ay may pinakadakilang kalagayan sa Relihiyong Islam sapagkat ito


ang unang sandigan sa mga sandidan ng Islam, ang pinakamataas na sangay sa mga sangay


ng pananampalataya, at ang pagtanggap [ni Allah] sa mga gawa ng tao ay nakabatay sa


pagpapahayag nito, kaalaman sa kahulugan nito, at paggawa ayon sa kahilingan nito.


Tungkol naman sa totoong kahulugan nito na hindi nararapat ang paglihis dito, ito ay


[nangangahulugang] walang sinasambang totoo kundi si Allah. Isang kamalian na limitahan


ang kahulugan nito sa pakahulugang: “walang Tagapaglikha kundi si Allah,” o “walang


nakakakaya sa paglalang kundi si Allah,” o “walang umiiral kundi si Allah” sapagkat sa


ganitong pagpapakahulugan ay may isang paglilimita sa pakahulugan nito ayon sa kahulugan


ng Tawhíd arRubúbíyah lamang at pagwawalang-bahala sa Tawhíd al’Ulúhíyah na


siyang batayan ng pakahulugan ng adhikaing ito.


Ang adhikaing ito ay may dalawang sandigan:


1. Pagkakaila. Iyon ay napaloloob sa pagsabi natin ng Lá iláha: Walang Diyos, yamang


ikinaila nito ang pagkadiyos sa bawat ng bagay.


2. Pagkilala. Ito ay napapaloob sa pagsabi natin ng illa lláh:


Kundi si Allah, yamang


kinilala nito ang pagkadiyos ukol kay Allah: tanging sa Kanya, wala Siyang katambal.


Kaya walang sasambahin kundi si Allah at hindi ipinahihintulot na magbaling ng


anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allah. Kaya ang sinumang magsabi ng


Lá iláha illa lláh


na nalalaman ang kahulugan nito at gumawa ayon sa hinihiling nito


gaya ng pagtanggi sa Shirk at pagkilala sa kaisahan ni Allah kalakip ng matatag na


paniniwala sa isinasaad nito at pagkilos ayon dito ― ang sinumang magsabi nito ―


siya sa katotohanan ang Muslim. Ang sinumang gumawa ayon sa hinihiling ng Lá


iláha illa lláh,


ngunit walang paniniwala rito, siya ay isang Munáfiq.10 Ang sinumang


9 Tingnan sa talibaba bilang 5 ang kahulugan ng mga terminolohiyang ito at unawain nang maigi.


10 Nagkukunwari o nagpapanggap na sumasampalataya sa Islam.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


15


gumawa ayon sa pagsalungat sa hinihiling nito gaya ng paggawa ng Shirk, siya ay


isang Mushrik na Káfir11 kahit pa man sabihin niya ito sa pamamagitan ng bibig niya.


Ang Kainaman ng Adhikaing Lá Iláha Illa lláh


Ang adhikain na ito ay mayroong maraming kainaman at bunga. Ang sumusunod ay


ilan sa mga ito:


1. Na ito ay isang dahilang humahadlang sa pananatili magpakailanman sa Impiyerno


ng sinumang naniniwala sa Tawhíd ngunit naging karapat-dapat na pumasok


doon. Nasasaad sa Hadíth12 na ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:





Ilalabas sa Impiyerno ang sinumang nagsabi ng Lá iláha illa lláh


habang sa


puso niya ay may kasimbigat ng isang butil na barley na kabutihan. Ilalabas din


sa Impiyerno ang sinumang nagsabi ng Lá iláha illa lláh


habang sa puso niya


ay may kasimbigat ng isang butil na trigo na kabutihan. Ilalabas din sa Impiyerno


ang sinumang nagsabi ng Lá iláha illa lláh


habang sa puso niya ay may bigat


ng isang butil na langgam na kabutihan. (Sahíh alBukhárí at Sahíh Muslim)


2. Alang-alang dito ay nilikha ang jinn at ang tao. Sinabi ni Allah (51:56):





Hindi Ko nilikha ang Jinní at ang Tao kung hindi upang sambahin nila Ako.


Ang kahulugan dito ng sambahin nila Ako ay pakaisahin nila Ako.


3. Ito rin ang dahilan kaya isinugo ang mga Sugo at ibinaba ang mga banal na


kasulatan. Sinabi Niya (21:25):





Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng isang sugo kung hindi Namin


isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako, kaya naman sambahin ninyo Ako.


4. Ito ang susi ng pag-aanyaya ng mga sugo [ni Allah]. Ito ang unang paanyaya ng mga


sugo, sumakanila ang pagbati. Ang bawat sugo ay nagsasabi sa mga taong pinagsuguan


sa kanya:





O mga kababayan ko, sambahin ninyo si Allah; wala na kayong Diyos na iba


pa sa Kanya.


Ang mga Kundisyon ng Adhikaing Lá Iláha Illa lláh


Ang paniniwala sa Lá iláha illa lláh


ay may pitong kundisyon; hindi magiging tumpak


iyon malibang nabuo ang mga ito at sinunod ang mga ito ng tao nang walang pagsalungat


sa anuman sa mga ito. Ang mga ito ay ang sumusunod:


1. Ang Kaalaman


11 Isang di-Muslim o isang tumatangging sumampalataya sa Islam.


12 Ang Hadíth ay ang ulat hinggil sa Sunnah ni Propeta Muhammad (SAS). Ang Sunnah ay ang sinabi, ang


ginawa at ang sinang-ayunan ni Propeta Muhammad (SAS).


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


16


Ito ay ang kaalaman sa kahulugan nito batay sa pagkakaila [na may iba pang totoong


Diyos] at pagkilala [na tanging si Allah ang totoong Diyos] at sa hinihiling nito na gawain.


Kaya kapag nalaman ng tao na si Allah ay ang sasambahin lamang, na ang pagsamba sa


iba sa Kanya ay walang saysay, siya sa katotohanan ay nakaaalam sa kahulugan ng Lá


iláha illa lláh.


Nagsabi si Allah (47:19):





Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allah,”


Ayon kay ‘Uthmán (RA),13 ayon sa Propeta (SAS):





Ang sinumang namatay samantalang siya ay nakaaalam na walang Diyos kundi


si Allah, papasok siya sa Paraiso. (Sahíh Muslim)


2. Ang Katiyakan


Ito ay nangangahulugang bibigkasin ang Shahádah ayon sa katiyakang ikinapapanatag


ng puso nang hindi pinanunuutan ng mga pag-aalinlangang ipinupukol ng mga demonyo


na jinní at tao. Bagkus ay sinasabi ito habang nakatitiyak sa ipinahihiwatig nito ayon sa


isang matibay na katiyakan. Sinabi ni Allah (49:15):





Ang mga sumasampalataya ay tanging ang mga naniwala kay Allah at sa Sugo


Niya, pagkatapos ay hindi sila nag-alinlangan.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:





Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at na ako ay Sugo ni Allah.


Walang taong makikipagtagpo kay Allah taglay ang dalawang [pagsaksing] ito


samantalang hindi nagdududa sa dalawang [pagsasaksing] ito nang hindi papasok


sa Paraiso.


3. Ang Pagtanggap


Ito ay ang pagtanggap [ng tao] sa isip niya at sa salita niya sa bawat hinihiling ng adhikaing


ito. Kaya naman paniniwalaan ang mga ipinabatid [ni Allah] at sasampalatayanan


ang bawat anumang dumating mula sa Sugo (SAS). Tatanggapin ang lahat ng ito at walang


anumang tatanggihan sa mga ito. Nagsabi si Allah (2:285):





Sumampalataya ang Sugo sa ibinaba sa kanya mula sa Panginoon niya at gayon


din ang mga mananampalataya. Bawat isa ay sumampalataya kay Allah, sa


mga anghel Niya, sa mga Aklat Niya, at sa mga sugo Niya. “Hindi kami nagtatangi-


tangi sa mga sugo,” sabi nila, at sinabi pa nila: “Narinig namin at tumalima


kami; igawad Mo ang kapatawaran Mo, Panginoon namin. Sa Iyo ang


Hantungan.”


13 (RA): Radiya lláhu


‘Anhu para sa lalaki, Radiya lláhu


‘Anhá para sa babae, Radiyalláhu ‘Anhum para sa


marami; ang ibig sabihin nito ay: Kalugdan siya (o sila) ni Allah. Ito ay panalanging binabanggit sa tuwing


nababanggit ang pangalan o taguri ng Kasamahan o asawa ni Propeta Muhammad (SAS).


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


17


Napaloloob sa pagtanggi at kawalan ng pagtanggap ang sinumang tumututol o tumatanggi


sa ilan sa mga alituntunin o mga kaparusahan na itinakda ng Sharí‘ah (Batas ng Islam) gaya


ng mga tumututol sa kaparusahan sa pagnanakaw o pangangalunya, o sa pag-aasawa ng


higit sa isa, o sa patakaran sa pagpapamana, at iba pa. Nagsabi si Allah (33:36):





Hindi nararapat para sa lalaking mananampalataya ni sa babaeng mananampalataya,


kapag nagtakda si Allah at ang sugo Niya ng isang kautusan, na


magkakaroon pa sila ng pagpipilian sa pagpapasya nila.”


4. Ang Pagpapaakay


Ito ay ang pagsuko. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpapaakay sa ipinahihiwatig ng Lá


iláha illa lláh.


Ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapaakay at pagtanggap ay na ang pagtanggap


ay ang paghahayag sa kawastuhan ng kahulugan niyon sa pamamagitan ng pagtanggap,


samantalang ang pagpapaakay naman ay ang pagsunod sa pamamagitan ng mga


gawa. Kapag nalaman ng isang tao ang kahulugan ng Lá iláha illa lláh,


natiyak ito, at


tinanggap ito ngunit hindi naman siya nagpaakay ni nagpasakop ni sumuko ni ginawa ang


hinihiling ng nalaman niya, tunay na siya sa sandaling iyon ay hindi nakatupad sa kundisyon


ng pagpapaakay. Nagsabi si Allah (39:54):





Magbalik-loob kayo sa Panginoon ninyo at sumuko kayo sa Kanya.


Sinabi pa Niya (4:65):





Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya malibang


pinahahatol ka nila sa anumang naganap na bangayan sa pagitan nila.


Pagkatapos ay hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagtutol sa


anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang tunay na pagpapasakop.


5. Ang Katapatan


Iyon ay sa pamamagitan ng pagiging nagpapakatapat sa pananampalataya at nagpapakatapat


sa pinaniniwalaan. Sinabi ni Allah (9:119):





O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allah at maging


kasama kayo ng mga nagpapakatapat.”


Nagsabi naman ang Sugo (SAS):





Ang sinumang sumaksi na Lá iláha illa lláh


nang tapat [sa pagsika] ito, papasok


siya sa Paraiso.


Samakatuwid, kung sinabi ng isang tao ang Shahádah sa pamamagitan ng bibig niya ngunit


pinasinungalingan naman niya sa puso niya ang ipinahihiwatig nito, tunay na iyon ay hindi


makapagliligtas sa kanya; bagkus ay pumapasok lamang siya sa hanay ng mga Munáfiq.


Kabilang din sa sumasalungat sa katapatan ay ang pagpapasinungaling sa anumang


katuruang ihinatid ng Sugo (SAS) o ang pagpapasinungaling sa ilan sa katuruang ihinatid


niya dahil si Allah ay nag-utos sa atin na tumalima at maniwala sa Sugo (SAS), at iniugnay


pa nga Niya iyon sa pagtalima sa Kanya. Sinabi Niya (24:54):


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


18





Sabihin mo: “Tumalima kayo kay Allah at tumalima kayo sa Sugo;...”


6. Ang Kawagasan


Ito ay ang pagdadalisay ng tao sa gawain niya sa pamamagitan ng matuwid na hangarin


mula sa lahat ng bahid ng Shirk. Iyon ay nangangahulugang mamumutawi sa kanya ang


lahat ng salita at gawa na wagas na ialay sa ikasisiya ng Mukha ni Allah at alang-alang sa


paghahangad ng mga kaluguran Niya, nang walang bahid ng pagpapakitang-tao, o hangaring


mapuri, o layuning makinabang, o pansariling hangarin, o pagnanasang hayag o patago, o


nauudyukan ng pagkilos dala ng pag-big sa isang tao o isang pananaw sa buhay o isang


partidong pinagpapasakupan nang walang pagsasaalang-alang sa patnubay mula kay Allah.


Bagkus kailangang siya ay naghahangad sa mithiis niya ng ikasisiya ng Mukha ni Allah


at ng [kaligtasan sa] Kabilang-buhay. Hindi siya magbabaling ng puso niya sa isa man sa


nilikha dahil sa pagnanais mula rito ng isang gantimpala o isang pagpapasalamat. Nagsabi


si Allah (39:3):





Kaingat, ukol kay Allah ang wagas na pagtalima.


Sinabi pa Niya (98:5):





Walang ipinag-utos sa kanila kundi na sambahin nila si Allah bilang mga


nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima,14


Nasasaad naman sa Sahíh alBukhárí at Sahíh Muslim, mula sa Hadíth na isinalaysay ni


‘Utbán, ang sabi niya (SAS):





At tunay na si Allah ay nagkait nga sa Impiyerno ng sinumang nagsabi ng Lá


iláha illa lláh,


na naghahangad sa pamamagitan niyon ng ikisisiya ng Mukha


ni Allah.


7. Ang Pag-ibig


Ang tinutukoy rito ay ang pag-ibig sa dakilang Adhikaing ito, at sa ipinahihiwatig nito


at sa hinihiling nito. Samakatuwid, iibigin si Allah at ang Sugo Niya (SAS), pangingibabawin


ang pag-ibig sa kanilang dalawa higit sa lahat ng pag-ibig, at isasagawa ang mga


kundisyon ng pag-ibig na ito at ang mga kinakailangan para rito. Iibigin si Allah ayon sa


pag-ibig na nalalakipan ng pagpipitagan, pagdakila, takot, at pag-asa. Iibigin ang anumang


iniibig ni Allah na mga pook gaya ng Makkah, Madínah, at mga masjid ― sa kabuuan; mga


panahon na gaya ng buwan ng Ramadán, unang sampung araw ng buwan ng Dhulhijjah at


iba pa; mga tao na gaya ng mga propeta, mga sugo, mga anghel, mga matapat, mga shahíd,15


at mga matuwid na tao; mga gawaing panrelihiyon na gaya ng saláh, pagbibigay ng zakáh,


pag-aayuno, at pagsasagawa ng hajj; mga salita na gaya ng pagbigkas ng dhikr16 at pagbabasa


ng Qur’án.


14 O relihiyon o pagsamba.


15 Taong namatay na nagtatanggol sa Islam.


16 Pagbangit o pag-alaala, sa literal na kahulugan. Ito ay maikling pananalita sa wikang Arabe, na itinuro ni


Propeta Muhammad (SAS), na binabanggit bilang panalangin o pag-aalaala o pagluluwalhati kay Allah.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


19


Kabilang din sa pag-ibig ang pag-uuna sa mga iniibig ni Allah kaysa sa mga iniibig ng


sarili, mga pinakaaasam-asam nito, at mga minimithi nito. Bahagi rin nito na kasuklaman


ang kinasusuklaman Niya kaya naman kasusuklaman ang kawalang-pananampalataya, ang


kasuwailan, at ang pagsuway. Nagsabi si Allah (5:54):





O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod sa inyo sa relihiyon niya ay


papalitan ni Allah ng mga tao na iibigin Niya sila at iibigin nila Siya, na mga


mapagpakumbaba sa mga sumasampalataya, na mga mabagsik sa mga tumatangging


sumampalataya, na makikibaka sila alang-alang sa landas ni Allah


at hindi sila mangangamba sa paninisi ng naninisi. Iyan ang kagandahangloob


ni Allah; binibigyan Niya nito ang sinumang loobin Niya. Si Allah ay


Masaklaw, Maalam.


Ang Kahulugan ng Muhammad Rasúlulláh


Ang kahulugan nito ay ang pagkilala sa panlabas at panloob na siya ay Lingkod at Sugo


ni Allah sa mga tao sa kalahatan at ang paggawa ayon sa hinihiling ng pagkilalang iyon,


gaya ng pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, paniniwala sa anumang sinabi


niya, pag-iwas sa anumang ipinagbawal niya at sinaway, at na hindi sasambahin si Allah


kung hindi ayon sa isinabatas niya.


Ang pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah ay may dalawang sandigan: Lingkod


ni Allah at Sugo ni Allah. Ang dalawang ito ay nahadlangan ang pagpapalabis at ang pagsasawalang-


bahala sa karapatan niya. Siya ay Lingkod at Sugo ni Allah. Siya ay pinakaganap


na nilikha dahil sa dalawang marangal na katangiang ito. Ang kahulugan ng Lingkod


dito ay ang alipin na sumasamba. Ibig sabihin: siya ay isang tao, na nilikha mula sa kung


ano nilikha ang mga tao. Nangyayari sa kanya ang nangyayari sa kanila. Sinabi ni Allah


(18:110):





Sabihin mo: “Ako ay tao lamang na tulad ninyo.…”


Sinabi pa Niya (18:1):





Ang papuri ay ukol kay Allah na nagbaba sa lingkod Niya ng Aklat at hindi


Niya ito nilagyan ng kabaluktutan.


Ang kahulugan naman ng Sugo ay ang ipinadala sa tao sa kalahatan dala ang paanyaya


tungo kay Allah, bilang tagapagbalita ng nakalulugod at tagapagbabala. Sa pagsaksi sa kanya


(SAS) sa pamamagitan ng dalawang katangiang ito (Lingkod at Sugo) ay nahadlangan ang


pagpapakalabis at ang pagpapabaya sa karapatan niya yayamang tunay na marami sa nagaangkin


na kabilang sa Kalipunan niya ay nagpapakalabis nga kaugnay sa karapatan niya


at nagpapasobra kaugnay sa kanya hanggang sa inangat na siya higit sa antas ng nag-uukol


ng pagsamba tungo sa antas ng pinag-uukulan pagsamba bukod pa kay Allah.17 Nagpapasaklolo


sa kanya bukod pa kay Allah. Hinihilingan siya ng bagay na walang nakakakayang


magbigay kundi si Allah, gaya ng pagtugon sa mga pangangailangan at pag-aalis sa mga


17 Ginagawa ito ng mga ligaw na Muslim, ngunit ang higit na nakararami ay hindi gumagawa nito.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


20


kapighatian. May mga iba namang nagkakaila sa mensahe niya o nagpapabaya sa pagsunod


sa kanya at nagkukulang sa kanya sa karapatan niya na kinakailangang gampanan.


Inuuna pa nila ang mga sinasabi ng ibang tao kaysa sa mga sinasabi niya (SAS). Iniwasan


nila ang Sunnah niya at inayawan ito. Sumasalig sila sa mga pahayag na sumasalungat sa


aral na ihinatid niya (SAS).


Ang Pananampalataya at ang mga Sandigan18 Nito


Ang Pananampalataya ay salita at gawa, na nadadagdagan sa pamamagitan ng mga


pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng mga pagkakasala at mga pagsuway. Ito ay


pahayag ng puso at dila, at gawain ng puso, dila, at mga bahagi ng katawan. Ang pahayag


ng puso ay ang paniniwala nito at ang pagpapatotoo nito. Ang pahayag ng dila ay ang pagkilala


nito. Ang gawain ng puso ay ang pagpapasakop nito, ang pagpapakawagas nito, ang


pagpapahinuhod nito, ang pag-ibig nito, at ang pagnanais nito sa mga gawaing matuwid.


Ang gawain ng mga bahagi ng katawan ay ang paggawa sa mga ipinag-uutos at ang pagwaksi


sa mga ipinagbabawal.


Pinatunayan nga ng Qur’an at Sunnah na ang Pananampalataya ay may mga batayan:


ang paniniwala kay Allah, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, sa


Huling Araw, at sa Tadhana at Pagtatakda – ang mabuti rito at ang masama rito, gaya ng


nasaad sa sabi Niya (2:285):





Sumampalataya ang Sugo sa anumang ibinaba sa kanya mula sa Panginoon


niya at gayon din ang mga mananampalataya. Bawat isa ay sumampalataya


kay Allah, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya.


“Hindi kami nagtatangi sa isa man sa mga sugo Niya,” sabi nila. Nagsabi pa


sila: “Narinig namin at tumalima kami. Igawad Mo ang kapatawaran Mo,


Panginoon namin, at tungo sa Iyo ang kahahantungan.”


Nasaad sa Sahíh Muslim mula sa Hadíth ayon sa Prinsipe ng mga mananampalataya


na si ‘Umar ibnu alKhattáb (RA): “Si Jibríl (AS) ay nagtanong sa Propeta (SAS) tungkol


sa pananampalataya kaya nagsabi ito:





Ang pananampalataya ay na sumampalataya ka kay Allah, sa mga anghel Niya,


mga aklat Niya, mga sugo Niya, at sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa


pagtatakda, sa mabuti nito at sa masama nito.”


Ang anim na bagay na ito ay ang mga saligan ng tamang pinaniniwalaan, na dahil sa


mga ito ay ibinaba ang Mahal na Aklat ni Allah at ipinadala dahil sa mga ito ang Sugo Niya


na si Muhammad (SAS). Tinatawag ito na mga Saligan ng Pananampalataya.


1. Ang Paniniwala kay Allah


18 Madalas isalin, pati na ng tagapagsaling ito noon, ang salitang Arabe na rukn bilang haligi, bunsod marahil


ng pagkakasalin nito sa Ingles bilang pillar. Ngunit ang kahulugan talaga ng rukn ay sandigan, at ang haligi


naman sa Arabe ay ‘amúd. Tingnan ang alMu‘jam alWasít, ang Hans Wehr Dictionary of Modern Written Arabic,


at ang A Dictionary of Islamic Words and Expressions ni Dr. Mahmoud Isma‘il Saleh.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


21


Ito ay ang pananampalataya sa kaisahan ni Allah sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon


Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. Bahagi ng pananampalataya kay Allah


– kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya:


A. Ang pananiniwala na Siya ang Diyos na totoo na karapat-dapat sa pagsamba wala nang


iba pa sa Kanya dahil Siya ay ang Tagapaglikha ng mga tao, ang Mapagmagandangloob


sa kanila, ang Nagsasagawa ng mga pagtutustos sa kanila, ang Nakaaalam ng


lihim nila at inihahayag nila, at ang Nakakakayang gumantimpala sa tumatalima sa


kanila at magparusa sa suwail sa kanila.


Ang reyalidad niyon ay ang pagbubukod-tangi kay Allah ― kaluwalhatian sa Kanya


― sa lahat ng ipinangsasamba na mga uri ng pagsamba sa paraang may pagpapakumbaba,


pagmimithi, at pangingilabot sa Kanya ― kaluwalhatian sa Kanya ― kalakip ang


lubos na pag-ibig sa Kanya at ang pagpapakaaba sa kadakilaan Niya. Ang nakararaming


bahagi ng Qur’án ay ibinaba dahil sa dakilang simulaing ito, gaya ng sabi Niya


(39:2-3):





kaya sambahin mo si Allah na nag-aalay ng kawagasan sa Kanya sa pagtalima.


Kaingat, ukol kay Allah ang wagas na pagtalima.


Ang sabi pa Niya (17:23):





Itinadhana ng Panginoon mo na hindi kayo sasamba kundi sa Kanya,


Ang sabi pa Niya (40:14):





Kaya dumalangin kayo kay Allah na mga nag-aalay ng kawagasan sa


Kanya sa pagtalima, kahit pa man masuklam ang mga tumatangging


sumampalataya.


Ang pagsamba ay mayroong lubhang maraming uri, na ang ilan ay ang sumusunod:


ang Du‘á’ (Panalangin), Khawf (Pangamba), Rajá’ (Pag-asa), Tawakkul (Pananalig),


Raghbah (Pagmimithi), Rahbah (Pangingilabot), Khushú‘ (Pagpapakumbaba), Khashyah


(Takot), Inábah (Pagbabalik-loob), Isti‘ánah (Pagpapatulong), Isti‘ádhah (Pagpapakupkop),


Istigháthah (Pagpapasaklolo), Dhabh (Pag-aalay ng hayop), Nadhr (Pamamanata),


at iba pang mga uri ng pagsamba na hindi pinapayagang ibaling ang anuman


sa mga ito sa iba pa kay Allah. Ang pagbaling ng anuman sa mga ito sa iba pa kay Allah


ay Shirk at Kufr.


Ang patunay ng Panalangin ay ang sabi Niya (40:60):





Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugunin Ko


kayo; tunay na ang mga nagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba sa Akin


ay magsisipasok sa Impiyerno na mga hamak.”


Nasasaad sa Hadíth na isinalaysay ni anNu‘mán ibnu Bashír (RA), ayon sa Propeta (SAS)


na nagsabi:





Ang panalangin ay ang pagsamba. (atTirmidhíy: 2969.)


Ang patunay ng Pangamba ay ang sabi Niya (3:175):


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


22





kaya huwag kayong mangamba sa kanila bagkus mangamba kayo sa Akin


kung kayo ay mga mananampalataya.”


Ang patunay ng Pag-asa ay ang sabi Niya (18:110):





Kaya ang sinumang umaasa sa pakikipagtagpo sa Panginoon niya ay


gumawa siya ng matuwid na gawa at huwag siyang magtambal sa pagsamba


sa Panginoon Niya ng isa man.


Ang patunay ng Pananalig ay ang sabi Niya (5:23):





Kay Allah ay manalig kayo kung kayo nga ay mga mananampalataya.


Ang sabi pa Niya (65:3):





Ang sinumang mananalig kay Allah, Siya ay sapat na sa kanya.


Ang patunay ng Pagmimithi, Pangingilabot at Pagpapakumbaba ay ang sabi Niya


(21:90):





Tunay na sila noon ay nagmamadali sa mga mabuting gawa, nananalangin


sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot, at sila sa Amin ay laging


mga nagpapakumbaba.


Ang patunay ng Takot ay ang sabi Niya (2:150):





Kaya huwag kayong matakot sa kanila, bagkus matakot kayo sa Akin


Ang patunay ng Pagbabalik-loob ay ang sabi Niya (39:54):





Magbalik-loob kayo sa Panginoon ninyo at sumuko kayo sa Kanya


Ang patunay ng Pagpapatulong ay ang sabi Niya (1:5):





Sa Iyo lamang kami sumasamba at sa Iyo lamang kami nagpapatulong.


Ang sabi naman ng Sugo (SAS):





Kapag magpapatulong ka ay magpatulong ka kay Allah. (atTirmidhíy: 2516.)


Ang patunay ng Pagpapakupkop ay ang sabi Niya (114:1):





Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,”


Ang patunay ng Pagpapasaklolo ay ang sabi Niya (8:9):





Banggitin noong nagpasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tinugon Niya


kayo


Ang patunay ng Pag-aalay ng hayop ay ang sabi Niya (6:162-163):


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


23





Sabihin mo: “Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang


kamatayan ko ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng mga nilalang, wala


Siyang katambal. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim.”


Ayon sa Sunnah, ang sabi ng Sugo (SAS):





Isinumpa ni Allah ang nag-aalay sa iba pa kay Allah. (Muslim 1978.)


Ang patunay ng Pamamanata ay ang sabi Niya (76:7):





Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na


ang kasamaan nito ay magiging laganap.


Pati na ang mga nakagawiang gawain ― kapag nilayon sa mga ito ang pangingilag


sa pagkakasala alang-alang sa pagtalima kay Allah ― gaya ng pagtulog, pag-inom,


paghahanap ng ikabubuhay, pag-aasawa, at iba pa, ang mga nakagawiang gawain na


ito kalakip ng layuning matuwid ay magiging mga pagsamba na gagantimpalaan ang


isang Muslim dahil doon.


B. Bahagi rin ng pananampalataya kay Allah ang paniniwala sa lahat ng obligasyon at


tungkuling ibinigay Niya sa mga lingkod Niya gaya ng [pagganap ng] Limang Sandigan


ng Islam na hayagang isinasagawa: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at si


Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagpapanatili sa saláh, ang pagbibigay ng zakáh,


ang pag-aayuno sa Ramadán, at ang pagsasagawa ng hajj sa Banal na Bahay ni Allah


ng sinumang makakayang makarating roon, at ng iba pang mga tungkulin na nabanggit


sa Sharí‘ah na dinalisay.


C. Bahagi rin ng pananampalataya kay Allah ang pananamapalataya na Siya ang Tagapaglikha


ng mga nilalang, ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan nila, at ang Tagapamahala


sa kanila sa pamamagitan ng kaalaman Niya at kapangyarihan Niya ayon sa paraang


niloloob Niya; na Siya rin ang Nagmamay-ari ng Mundo at Kabilang-buhay at ang


Panginoon ng lahat ng mga nilalang ― wala nang Tagapaglika bukod pa sa Kanya at


wala nang Panginoon maliban pa sa Kanya; na Siya ay nagsugo ng mga sugo at nagpababa


ng mga banal na aklat upang ituwid ang mga tao at anyayahan sila sa ikaliligtas


nila at sa ikabubuti nila sa Mundo at sa Kabilang-buhay; na Siya ay walang katambal


sa lahat ng nabanggit na iyon. Sinabi Niya (39:62):





Si Allah ay Tagapaglikha ng bawat bagay, at Siya ay Pinananaligan sa


bawat bagay.


D. Bahagi pa rin ng pananampalataya kay Allah ang maniwala sa napakagagandang mga


pangalan Niya at napakatataas na mga katangian Niya na nasasaad sa Mahal na Aklat


Niya at napagtibay mula sa mapagkakatiwalaang Sugo Niya. [Paniniwalaan ang mga


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


24


ito] nang walang tahríf, walang ta‘tíl, walang takyíf at walang tamthíl,19, kalakip ng


paniniwala sa ipinahihiwatig ng mga ito na mga dakilang kahulugan dahil ang mga ito


ay mga “paglalarawan” kay Allah, na kinakailangang “ilarawan” Siya sa pamamagitan


ng mga ito sa paraang naaangkop sa Kanya, nang hindi Siya iwinawangis sa nilikha


Niya sa anuman sa mga katangian Niya, gaya ng sinabi Niya (42:11):





Walang anumang katulad sa Kanya, at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita.


2. Ang Paniniwala sa mga Anghel


Naglalaman ito ng paniniwala sa mga anghel sa kabuuan at sa detalye. Tungkol naman


sa paniniwalang kabuuan, naniniwala tayo na si Allah ay mayroong mga anghel na nilikha


Niya at nilalang na likas sa pagtalima sa Kanya. Sila ay maraming uri. Mayroon sa kanila


na mga itinalaga sa pagpasan ng Trono [ni Allah]. Mayroon sa kanila na mga taga-bantay


ng Paraiso at Impiyerno. Mayroon sa kanila na mga itinalaga sa pagtatala ng mga gawa ng


mga tao. Tungkol naman sa paniniwalang detalye, naniniwala tayo sa nabang-git mismo ni


Allah at ng Sugo Niya (SAS) kabilang sa kanila gaya nina Jibríl, Míká’il, Málik na tagabantay


ng Impiyerno, at Isráfíl na nakatalaga sa pag-ihip ng Tambuli. Ang mga anghel ay


nilikha ni Allah mula sa liwanag, gaya ng napagtibagy sa Hadíth ayon kay ‘Á’ishah (RA),


na ang Propeta (SAS) ay nagsabi:





Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinní mula sa apoy na


walang usok at nilikha si Adan ayon sa nailarawan20 na sa inyo. (Imám Muslim:


2996.)


3. Ang Paniniwala sa mga Aklat


Kinakailangang maniwala sa kabuuan na si Allah ay nagpababa ng mga banal na aklat


sa mga propeta Niya at mga sugo Niya para sa paglilinaw sa karapatan Niya sa mga lingkod


Niya at pag-anyaya roon. Naniniwala tayo sa paraang detalye sa [mga aklat na] pinangalanan


mismo ni Allah sa mga ito ng Tawráh, Zabúr, Injíl,21 at Qur’án. Ang Qur’án ay


ang pangwakas sa mga ito. Ito ang tagapagbantay sa mga ito at ang nagpapatotoo sa mga


ito. Ito ang kinakailangang sundin at isapatakaran ng buong Kalipunang Muslim, kalakip


ng napatunayang Sunnah22 mula sa Sugo (SAS) dahil si Allah ay nagpadala sa Sugo Niya


19 Tingnan ang talababa bilang 6 hinggil sa pagpapaliwanag sa mga terminolohiyang ito.


20 Nilikha si Adan mula sa alabok.


21 Ang Tawráh, ang Zabúr at ang Injíl ay ang mga pangalan sa wikang Arabe ng mga orihinal na aklat na ipinahayag


ng Diyos kina Propeta Moises, Propeta David at Propeta Jesus (Sumakanila ang basbas at pangangalaga


ni Allah), alinsunod sa pagkakasunod-sunod. Ang Penatateuch sa Matandang Tipan ng Bibliya ng mga


Kristiyano o ang Torah ng mga Hudyo, na sinasabing ipinahayag kay Moises; ang Salmo (Psalms) sa Matandang


Tipan, na sinasabing ipinahayag ka David ngunit ayon naman sa ilang mga eskolar ng Bibliya ay hindi lamang


si David ang sumulat; at ang Bagong Tipan sa kabuuan, ang mga Evangelio ayon kina Mateo, Marcos, Lucas


at Juan, ang mga sulat ni Pablo at iba pang aklat sa Bagong Tipan; ang lahat ng mga ito ay hindi kinikilala ng


Islam na siyang mga orihinal na aklat na ipinahayag ng Diyos kina Moises, David at Jesus.


22 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay tumtukoy sa kung ano ang sinabi, ang ginawa, at ang sinangayunan


ni Propeta Muhammad (SAS). Ang sunnah naman, na may maliit na titik na s, ay tumutukoy sa gawaing


kanais-nais gawin dahil ayon sa Sunnah ng Propeta, ngunit hindi tung-kuling isagawa.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


25


na si Muhammad (SAS) bilang Sugo sa lahat ng jinni at tao. Ibinaba Niya rito ang Qur’án


upang humatol sa pamamagitan nito sa kanila. Ginawa Niya ito na isang lunas sa mga puso,


isang paglilinaw para sa bawat bagay, isang patnubay, at isang awa para sa mga nilalang,


gaya ng sinabi Niya (6:155):





Ito ay isang Aklat na ibinaba Namin, na pinagpala – kaya sundin ninyo ito


at mangilag kayong magkasala nang harinawa kayo ay kaawaan –


Sinabi pa Niya (16:89):





Pinababa Namin sa iyo ang Aklat bilang isang paglilinaw para sa bawat bagay,


isang patnubay, isang awa, at isang nakagagalak na balita para sa mga Muslim.


4. Ang Paniniwala sa mga Sugo


Kinakailangang maniwala sa mga sugo, sa kabuuan at sa detalye. Naniniwala tayo na si


Allah ay nagsugo sa mga lingkod Niya ng mga sugo na mga tagapagbalita ng nakalulugod,


mga tagapagbabala, at mga tagapag-anyaya sa katotohanan, gaya ng sinabi Niya (16:36):





Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi:


“Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang nagdidiyus-diyusan.”


Ang sinumang tumugon sa kanila ay magtatamo ng kaligtasan at ang sinumang sumalungat


sa kanila ay masasadlak sa kabiguan at pagsisisi.


Naniniwala tayo na ang paanyaya ng mga sugo ay isa, at ito ay ang pag-anyaya sa pagsampalataya


sa kaisahan ni Allah at ang pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba. Nagkakaiba


lamang sila sa mga batas at mga panuntunan. Naniniwala tayo na minagaling ni


Allah ang iba sa kanila higit sa iba pa, at na ang pinakamainam sa kanila at ang pangwakas


sa kanila ay ang Propeta natin na si Muhammad (SAS), gaya ng sinabi Niya (17:55):





Talaga ngang itinangi Namin ang iba sa mga propeta nang higit sa iba pa,


Sinabi pa Niya (33:40):





Si Muhammad ay hindi ama ng isa sa kalalakihan ninyo, bagkus ang Sugo


ni Allah at ang pangwakas sa mga Propeta.


Ang sinuman sa kanila na pinangalanan ni Allah o napagtibay buhat sa Sugo ni Allah


(SAS) ang pagkabanggit ng pangalan ay paniniwalaan natin sa detalye at partikular, gaya


nina Noah, Húd, Sálih, Abraham, at iba pa. Makamit nawa nila at ng Propeta natin ang


pinakamainam na basbas at pinakadalisay na pagbati.


5. Ang Paniniwala sa Huling Araw


Napaloloob dito ang paniniwala sa lahat ng ipinabatid ni Allah at ng Sugo Niya (SAS)


kabilang sa mangyayari pagkatapos ng kamatayan gaya ng pagsubok na daranasin ng patay sa


loob ng libingan at pagdurusa o ginhawang daranasin nito sa libingan; at sa mangyayari


sa Araw ng Pagbangon na mga kahila-hilakbot na mga bagay, mga paghihirap, pagtawid


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


26


sa sirát,23 pagtitimbang sa mga gawa, pagtutuos, paggaganti, pagbubuklat ng mga talaan


[ng mga mabuti at masamang gawa] at pamamahagi ng mga ito sa mga tao: may kukuha


ng talaan niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya at may kukuha ng talaan niya sa


pamamagitan ng kaliwang kamay niya mula sa likuran niya.


Napaloloob din doon ang paniniwala sa hawd24 na inuman para sa Propeta natin na si


Muhammad (SAS) at na ang bawat propeta ay mayroong hawd gaya ng nasaad sa Sunnah.


Napaloloob din dito ang paniniwala sa Paraiso at Impiyerno, pagkakita ng mga mananampalataya


sa Panginoon nila, pakikipag-usap Niya sa kanila, at iba pang mga nasasaad sa


Qur’án at mga Hadíth na tumpak buhat sa Sugo ni Allah (SAS). Kaya kinakailangang


sampalatayaan at paniwalaan ang lahat ng iyon sa paraang nilinaw ni Allah at ng Sugo


Niya (SAS).


6. Ang Paniniwala sa Pagtatadhana at Pagtatakda


Naglalaman ang paniniwala rito ng apat na sangkap:


A. Ang Kaalaman. Si Allah ay nakaaalam sa anumang nangyari, anumang nangyayari


at mangyayari. Nalalaman Niya ang mga kalagayan ng mga lingkod Niya, ang mga


ikinabubuhay nila, ang mga taning ng buhay nila, ang mga gawa nila, at ang iba pa


rito na mga nauukol sa kanila. Walang nakakubli sa Kanya na anuman mula roon,


gaya ng sinabi Niya (8:75):





Tunay na si Allah sa bawat bagay ay Nakaaalam.


B. Ang Pagsulat. Ipinasulat Niya ang bawat itinakda at itinadhana Niya, gaya ng sinabi


Niya (36:12):





Bawat bagay ay itinala Namin sa aklat na naglilinaw.


C. Ang Kalooban. Ang paniniwala sa natutupad na nangungunang kalooban ni Allah.


Ang anumang niloob Niya ay mangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi


mangyayari, gaya ng sinabi Niya (3:40):





Ganyan si Allah, ginagawa Niya ang anumang niloloob Niya.


D. Ang Paglikha. Nilikha Niya ang itinakda bago maganap ito, gaya ng sinabi Niya (37:96):





samantalang si Allah ay lumikha sa inyo at sa anumang ginagawa ninyo?


Ang Shirk at ang mga Uri Nito


Ang Shirk ay ang gawan ng tao si Allah ng isang kaagaw sa Pagkapanginoon Niya, o


sa Pagkadiyos Niya, o sa mga Pangalan Niya at mga Katangian Niya. Ang Shirk ay dalawang


uri: Malaking Shirk at Maliit na Shirk.


1. Ang Malaking Shirk. Ito ay ang pagbaling ng anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa


kay Allah. Ang gumagawa nito ay pananatilihiin sa Impiyerno kung namatay at hindi


nagsisi roon. Nagpapawalang-saysay rin ito sa mga mabuting nagawa. Sinabi Niya (6:88):





23 Landasing manipis pa sa buhok at matalas pa sa tabak, na itatayo sa ibabaw ng Impiyerno at daraanan ng mga tao.


24 Ang hawd ay ang lawa ng Propeta (SAS). Hindi na mauuhaw kailanman ang sinumang makainom doon.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


27


Ngunit kung sakaling nagtambal sila kay Allah ay talagang nawalan na


sana ng kabuluhan para sa kanila ang anumang ginagawa nila noon.


Ang Malaking Shirk ay hindi patatawarin ni Allah kung walang tapat na pagsisisi.


Sinabi Niya (4:48):





Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit


mapatatawad Niya ang anumang mababa pa roon sa kaninumang


loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allah ay nakagawa nga


ng isang sukdulang kasalanan.


Kabilang sa Malaking Shirk ang pagdalangin sa iba pa kay Allah, o ang pamamanata


sa iba pa kay Allah, o ang pag-aalay sa iba pa kay Allah at iba pa, o ang paggawa sa


iba pa kay Allah bilang mga kaagaw na iniibig sila gaya ng pag-ibig kay Allah, ayon


sa sinabi Niya (2:165):





May mga tao na gumagawa sa iba pa kay Allah bilang mga kaagaw, na


iniibig nila ang mga ito gaya ng pag-ibig kay Allah,


2. Ang Maliit na Shirk. Ito ay ang napagtibay mula sa mga teksto ng Qur’an o Sunnah


ang pagkatawag niyon bilang Shirk ngunit hindi umabot sa hangganan ng Malaking


Shirk. Ang uring ito ay hindi nagtitiwalag sa tao sa Islam ngunit nakababawas sa pananampalataya


sa Tawhíd, gaya ng kaunting pagpapakitang-tao o anumang kaparaanan


tungo sa Malaking Shirk ngunit hindi umaabot doon gaya ng pagdarasal sa mga libingan,


panunumpa sa iba pa kay Allah nang walang kalakip na paniniwala na ang sinusumpaan


ay nagdudulot ng pakinabang o nagdudulot ng pinsala bukod pa kay Allah,


pagsabi na: “Niloob ni Allah AT ni Polano,” at anumang tulad niyon dahil ang sabi


ng Propeta (SAS):





Ang higit na pinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay


ang Maliit na Shirk. Tinanong siya hinggil doon kaya sinabi niya: ang pagpapakitang-


tao. (Isinalayasay ito ni Imám Ahmad. Ang isnád nito ay mahusay.)


Ang sabi pa ng Sugo (SAS):





Ang sinumang sumumpa sa isang bagay bukod pa kay Allah ay nakagawa


nga ng Shirk. (Isinalaysay ito ni atTirmidhí at ang isnád nito ay tumpak.)


Kabilang sa mga gawaing napaloloob sa uring ito ng Shirk din ay ang pagsasabit


ng mga anting-anting at agimat at ang pagsusuot ng pulseras at sinulid na mga panlaban


daw sa mga karamdaman at mga sakuna o pananggalang sa mga ito. Subalit kung sakaling


naniwala na ang mga ito mismo ay nagdudulot ng pakinabang o nagdudulot ng


pinsala at na ito ay hindi lamang isang dahilan, tunay na ito ay napaloloob na sa Malaking


Shirk.


Ang Kabuuan ng Paniniwala ng Pangkat na Maliligtas


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


28


Tunay na ang pinaniniwalaan ng pangkat na maliligtas ― ang pinaniniwalaan ng Ahlu


sSunnah


wa lJamá‘


ah ― ay na ang totoong mananampalataya ay sumasaksi na si Allah


ay ang Panginoong Diyos na sinasamba na natatangi sa bawat kalubusan. Kaya naman


sinasamba nito si Allah lamang habang nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima. Nalalaman


nito na si Allah ay ang Tagapaglikha, ang Tagapaglalang, ang Tagapag-anyo, ang


Palatustos, ang Nagbibigay, ang Nagkakait, at ang Nangangasiwa sa lahat ng bagay.


Siya ang totoong sinasamba, na Siya ang Una na walang anumang bagay bago Siya, ang


Huli na walang anumang bagay pagkatapos Niya, ang Nangingibabaw na walang anumang


bagay na nasa ibabaw Niya at ang Nalilingid na walang anumang bagay na nasa ibaba Niya.


Siya ang Mataas, ang Kataas-taasan, ang Pagkataas-taas ayon sa bawat kahulugan at


pagtuturing: kataasan ng Sarili,25 kataasan ng kakakayahan26 at kataasan ng panlulupig.27


Siya, sa ibabaw ng Trono, ay lumuklok ayon sa pagluklok na nababagay sa kadakilaan Niya


at kamahalan Niya, kalakip ng kataasan Niya na walang takda at ng pangingibabaw Niya.


Kaya naman ang kaalaman Niya ay sumasaklaw sa mga nakalantad at mga nakakubli, at sa


mataas at mababang mundo. Siya ay kasama ng mga lingkod Niya sa pamamagitan ng kaalaman


Niya; nalalaman niya ang lahat ng kalagayan nila. Siya ang Malapit, ang Tumutugon.


Siya ang Sapat sa Sarili Niya laban sa lahat ng mga nilikha Niya. Ang lahat ay sa Kanya


nangangailangan sa paglikha sa kanila at sa paglikha sa anumang kinakailangan nila sa


lahat ng sandali. Walang kalayaan para isa man sa pangangailangan sa Kanya kahit sa loob


ng isang kisap-mata. Siya ang Mahabagin, ang Maawain, na walang tinatamasa ang mga


tao na anumang biyayang espirituwal ni materyal na hindi mula sa Kanya sapagkat Siya


ang nag-aakit ng mga biyaya at ang nagtutulak ng mga kasawian.


Bahagi ng awa ni Allah ay na bumababa Siya sa bawat gabi sa langit ng mundo kapag


ang natitira ay ang huling ikatlong bahagi ng gabi, at nagsasabi Siya:





Sino yaong hihiling sa Akin at magbibigay Ako sa kanya at sino yaong hihingi


ng tawad sa Akin at magpapatawad Ako sa kanya.


Ito ay hanggang sa sumikat ang madaling-araw. Siya ay bumababa ng pagbabang nababagay


sa Kanya ― kapita-pitagan ang gawain Niya.


Siya ang Marunong na nagtataglay ng masidhing karunungang sa patakaran Niya at


kakayahan Niya, kaya naman hindi Siya lumikha ng isang bagay na walang katuturan, hindi


Siya nagsapatakaran ng mga patakaran malibang alang-alang sa mga kapakanan at sa pagsasawata


sa mga katiwalian.


Siya ang Palatanggap ng pagsisisi, ang Mapagpaumanhin, ang Mapagpatawad; tinatanggap


Niya ang pagsisisi mula sa mga lingkod Niya, nagpapaumanhin Siya sa mga masagwang


nagawa, at nagpapatawad Siya sa mga malaking pagkakasala para sa mga nagsisisi,


mga humihingi ng tawad, at mga nagababalik-loob.


25 Kataasan ng sarili: si Allah ay nasa ibabaw ng mga lingkod Niya, na nakaluklok sa Trono Niya.


26 Kataasan ng kakayahan: Nangangahulugan ito na si Allah ay may kakayahan na walang nakakapantay rito


na isa man sa mga nilikha Niya at hindi Siya dinadapuan ng kakulangan.


27 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG