Mga Artikulo




Cream at Moisturizer


71. Ang paggamit ng mga Cream at Moisturizer ay hindi nakakasira ng pag-aayuno sapagkat hindi ito pagkain at inumin at hindi umaabot sa tiyan.


Anesthesia


72. Anesthesia sa pamamagitan ng bunganga at ilong ay hindi nakakasira ng pag-aayuno, at kung ito ay nagpapawala ng malay buong araw ay kailangang bayaran at kung kabahagi ng umaga lamang ay dapat siyang mag-ayuno tulad sa nabanggit.


Pagtanggal ng Kapiraso ng Parte sa Katawan


73. Pagtanggal ng kapiraso sa ibang parte sa katawan para sa pagsusuri sa pamamagitan ng karayom at teleskopyo na may pamputol, ay hindi nakakasira ng pag-aayuno sapagkat ito ay hindi pagkain, basta hindi ito hinaluan ng mga likidong sangkap at ipapasok sa bunganga o ilong tungo sa tiyan dahil ito ay nakakasira ng ayuno.


Paglunok ng Plema


74. Ang paglunok ng plema ay hindi nakakasira ng pag-aayuno ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa at ito rin ang opinyon ng


karamihan sapagkat sa katotohanan ito ay mga likido na mula sa Respiratory, at ito ay hindi pagkain subalit ang mas mainam ay huwag lunukin.


Paglunok ng Laway


75. Ang paglunok ng laway ay hindi nakakasira ng pag-aayuno kahit pa ito'y kanyang inipon o hindi, at kung umabot pa ito sa dalawang labi. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay hindi pagkain o inumin.


Paglunok sa natirang Tubig


76. Paglunok sa natirang tubig dahil sa pagmumog ay hindi makakasira ng pag-aayuno ayon sa malapit na sinabi ng mga Dalubhasa. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil mahirap iwasan ito at saka pinahintulot rin ang pagmumog.


Sobrang Pagmumog at Pagsinga


77. Ang sinumang nagpapasobra sa pagmumog at pagsinga at saka pumasok ang tubig sa kanyang lalamunan, Ito ay hindi makakasira ng pag-aayuno ayon sa malapit sa sinabi ng mga Dalubhasa dahil hindi naman niya ito sinadya subalit kung kanyang sinadya ay makakasira ng ayuno.


Pagmumog ng Gamot


78. Ang pagmumog ng gamot at iba pa ay hindi makakasira ng pag-aayuno kung hindi ito umaabot sa tiyan, at kung pumasok na hindi sinadya ay walang problema.


Sprayer na may Gamot


79. Ang Sprayer na may gamot upang linisan ang mga ngipin at iba pa ay hindi makakasira ng pag-aayuno sapagkat hindi ito umaabot sa tiyan at hindi pagkain.


Pagtanggal ng Ngipin at Pustiso at Liposuction


80. Ang pagkuha ng pustiso at pagtanggal ng ngipin at Liposuction at pagkuha ng parte sa katawan para sa pagsusuri o paglagay ng ngipin ay hindi nakakasira ng pag-aayuno basta walang kasamang operasyon na naglalagay ng Anesthesia na nagwawala ng malay buong araw tulad sa nabanggit dati.


Basang Panaginip


81. Ang nalabasan sa ari dahil sa panaginip ay hindi nakakasira ng pag-aayuno.


Paglabas ng Madhi


82. Ang paglabas ng Madhi (likidong lumalabas dahil sa malakas na pagnanasa bago gawin ang sekswal) ay merong mga sitwasyon:


Una: Lumabas ito sa unang tingin. Ito ay hindi nakakasira ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


يَا عَلِىُّ لاَ تُتْبِعِ « عَنِ ابْنِ بُرَيْدَةَ عَنْ أَبِيهِ قَالَ قَالَ رَسُولُ ه اللَِّ -صلى الله عليه وسلم- لِعَلِ ى


النهظْرَةَ النهظْرَةَ فَإِ ه ن لَكَ الأُولَى وَلَيْسَتْ لَكَ الْخِرَة رواه أبو داود .»


Inulat ni Ibnu Burayda na sinabi ng kanyang ama na sinabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w) sa kay Ali: "Oh Ali huwag mong sundan ang tingin ng isa pang tingin sapagkat ang una ay para sa iyo at ang pangalawa ay hindi sa iyo." Isinalaysay ni Abu Dawud


Sapagkat mahirap iwasan ang unang tingin sa isang nilalang.


Pangalawa: Paglabas nito dahil sa maraming beses na tingin ay hindi makakasira ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa.


Pangatlo: Paglabas nito dahil sa halik at pagyakap at iba pa, ito ay hindi makakasira dahil sa kawalan ng katibayan at ito ay hindi kasingtulad ng semilya at kadalasan mahirap ito iwasan.


Paglabas ng Semilya


83. Paglabas ng semilya ay merong mga sitwasyon:


Una: Paglabas nito sa unang tingin, ito ay hindi nakakasira ayon sa malapit na opinyon katulad sa sitwasyon ng Madhi sa unang sitwasyon.


Pangalawa: Paglabas nito dahil sa maraming beses na tingin, ito ay nakakasira ng pag-aayuno ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa. At ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil kanyang sinadya ang pagpalabas nito.


Pangatlo: Paglabas nito dahil sa halik at pagyakap, ito ay nakakasira ng pag-aayuno.


Pang-apat: Paglabas nito dahil sa masturbesyon, ito ay nakakasira ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil sa hadith:


يَقُولُ ه اللَُّ عَ ه ز وَجَ ه ل ال ه صوْمُ لِى وَأَنَا « عَنْ أَبِى هُرَيْرَةَ عَنِ النهبِ ى صلى الله عليه وسلم قَالَ


أَجْزِى بِهِ يَدَعُ شَهْوَتَهُ وَأَكْلَهُ وَشُرْبَهُ مِنْ أَجْلِى، وَال ه صوْمُ جُنهةٌ، وَلِل ه صائِمِ فَرْحَتَانِ فَرْحَةٌ حِ ينَ


متفق » يُفْطِرُ وَفَرْحَةٌ حِينَ يَلْقَى رَبههُ، وَلَخَلُوفُ فَمِ ال ه صائِمِ أَطْيَبُ عِنْدَ ه اللَِّ مِنْ رِيحِ الْمِسْكِ


عليه


Inulat ni Abu Hurairah (r.a) na sinabi ng Propeta (s.a.w): "Sabi ng Allah - Ang Kataas-taasan at Ang Makapangyarihan - : Ang pag-aayuno ay Akin at Ako ang magbibigay ng gantimpala sa kanya, dahil iniwan niya ang kanyang pagnanasa at pagkain at pag-inom para sa Akin. Ang pag-aayuno ay panangga, at may dalawang kasiyahan ang nag-aayuno; kasiyahan habang kumakain siya ng Iftar, at kasiyahan habang makikita niya ang kanyang Panginoon. At katotohanan ang mabahong bunganga ng nag-aayuno ay mas mabango kay Allah kaysa amoy ng Musk." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim


Paghalik sa Asawa


84. Kung hinalikan siya ng kanyang asawa na hindi naman niya kagustuhan at saka siya'y nilabasan, Ito ay hindi nakakasira ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng Apat na Imam sapagkat hindi niya ito kagustuhan.


Likidong lumalabas pagkatapos ng Ihi


85. Ang Wadi (Likidong lumalabas pagkatapos ng ihi), ito ay hindi nakakasira. Ito ang opinyon ng ibang mga Dalubhasa sapagkat ang orihinal ay wastong pag-aayuno at walang matibay na katibayan hinggil sa pagkasira nito.


Magandang Aral:


Dahilan kung bakit nagkasalungat ang mga Dalubhasa hinggil sa nakakasira ng pag-aayuno sa nakaraan at sa kasalukuyan?


Kung ito ba pumapasok sa lalamunan o sa katawan o pumapasok sa tiyan, Kung kailangan ba talaga sa pamilyar na pasukan tulad ng bunganga at ilong o kaya hindi tulad ng tinga at iba pa?.


Kung kailangan ba pumasok bilang pampasigla tulad ng pagkain at inumin o hindi kondisyon basta nakapasok ay kaagad makasira ng pag-aayuno?. Ang salungatan ba sa pagiging wasto ng ibang mga Hadith o kaya hindi, o pagiging wastong paghahambing.


Lahat ng iyan ay lugar ng salungatan. Ang natuklasan ng Medisina sa kasalukuyan ba ay dahilan rin sa salungatan ng mga Dalubhasa sa dati nilang pinaniniwalaan hinggil sa mga pasukan ng pagkain sa katawan, tulad ng pasukan sa tinga at mata at puwit at sa ari tungo sa tiyan?


At ang mga Dalubhasa ay merong dalawang pananaw sa mga nakakasira ng pag-aayuno: Ang pagiging masikip sa mga nakakasira ng ayuno at maluwag sa mga nakakasira.


Paglunok ng Kaunting Pagkain


86. Ang paglunok ng kaunting pagkain kahit sinadya pa niya ito, Tunay nasira ng kanyang pag-aayuno, at kung hindi niya ito sinadya, ang kanyang pag-aayuno ay wasto. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Paglunok sa pagitan ng Ngipin


87. Ang paglunok sa pagitan ng mga ngipin, ang hatol nito ay katulad kanina.


Pakipagtalik sa umaga ng Ramadan


88. Ang pakipagtalik sa umaga ng Ramadan ay isa sa mga nakakasira ng pag-aayuno kahit nilabasan siya o hindi. Ang mga katibayan rito ay napakarami.


Kabayaran ng Pakipagtalik


89. Kabayaran ng pakipagtalik sa Ramadan.


Ito ay pagpalaya ng alipin at kung walang mahanap ay mag-ayuno ng dalawang buwan na sunod-sunod, at kung hindi niya kaya ay magpakain ng animnapung mga mahihirap. Ito ay ayon sa pagsunod-sunod ng Hadith at hindi puwede mamili. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


عَنْ أَبِى هُرَيْرَةَ - رضى الله عنه - قَالَ بَيْنَمَا نَحْنُ جُلُوسٌ عِنْدَ النهبِ ى - صلى الله عليه وسلم


قَالَ وَقَعْتُ عَلَى امْرَأَتِى وَأَنَا . » مَا لَكَ « - إِذْ جَاءَهُ رَجُلٌ ، فَقَالَ يَا رَسُولَ ه اللَِّ هَلَكْتُ . قَالَ


« قَالَ لاَ . قَالَ . » هَلْ تَجِدُ رَقَبَةً تُعْتِقُهَا « - صَائِمٌ . فَقَالَ رَسُولُ ه اللَِّ - صلى الله عليه وسلم


فَهَلْ تَجِدُ إِطْعَامَ سِت ينَ مِسْكِينًا « قَالَ لاَ . فَقَالَ . » فَهَلْ تَسْ تَطِيعُ أَنْ تَصُومَ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ


قَالَ لاَ . قَالَ فَمَكَثَ النهبِىُّ - صلى الله عليه وسلم - ، فَبَيْنَا نَحْنُ عَلَى ذَلِكَ أُتِىَ النهبِىُّ - . »


فَقَالَ أَنَا . . » أَيْنَ ال ه سائِلُ « صلى الله عليه وسلم - بِعَرَقٍ فِيهَا تَمْرٌ - وَالْعَرَقُ الْمِكْتَلُ - قَالَ


فَقَالَ ال ه رجُلُ أَعَلَى أَفْقَرَ مِن ى يَا رَسُولَ ه اللَِّ فَوَ ه اللَِّ مَا بَيْنَ لاَبَتَيْهَا - . » خُذْهَا فَتَصَ ه دقْ بِهِ « قَالَ


يُرِيدُ الْحَ ه رتَيْنِ - أَهْلُ بَيْتٍ أَفْقَرُ مِنْ أَهْلِ بَيْتِى ، فَضَحِكَ النهبِىُّ - صلى الله عليه وسلم - حَتهى


رواه البخاري . » أَطْعِمْهُ أَهْلَكَ « بَدَتْ أَنْيَابُهُ ثُ ه م قَالَ


Inulat ni Abu Hurayra (r.a) na kami ay umuupo sa tabi ng Propeta (s.a.w) at may lalaking dumating sa Propeta (s.a.w) at nagsabi: (Kasiraan sa akin oh Sugo ng Allah, kanyang sinabi: “Anong meron sa iyo?” Sabi: "Nagalaw ko ang aking asawa habang ako ay nag-aayuno". Sabi ng Mensahero ng Allah: "Meron ka bang aliping papalayain?” Sabi: “Wala”. Sabi: “Kaya mo bang mag-ayuno ng Dalawang Buwan na sunod-sunod?”, Sabi: “Hindi”. Sabi: “Kaya mo bang magpakain ng animnapung mga Mahihirap?” Sabi: "Hindi”. Kaya nanatili ang Propeta


(s.a.w). Habang kami ay naghihintay, at may dumating sa Propeta (s.a.w) isang tungkos ng Dates kaya kanyang sinabi: Nasaan na ang Nagtatanong?, at kanyang sinabi: "Ako". Sabi: “Kunin mo ito at saka ipamigay”. Sabi ng tao: “Meron pa bang mas mahirap kaysa sa akin Oh Mensahero ng Allah! Sumpa sa Allah walang pamilya sa pagitan ng dalawang bundok dito na mas mahirap kaysa sa aking pamilya”. Kaya napatawa ang Propeta (s.a.w) hanggang lumabas ang kanyang ngipin. Sabi niya: “Ipakain mo na ito sa inyong pamilya). Isinalaysay ni Bukhari


Kung hindi kayang Magpalaya


90. Kung hindi kayang magpalaya katulad sa kasalukuyang kalagayan, Katotohanan lilipat ito sa pag-aayuno at hindi puwede itong gawing pera bilang kabayaran ayon sa malapit na opinyon at hatol ng Apat na Imam sapagkat malinaw sa Hadith. At ang paglipat sa kabayaran ng pera ay salungat sa Hadith.


Pagsira sa sunod-sunod na Ayuno


91. Sinumang sumira ng pag-aayuno sa loob ng dalawang buwan na sunod-sunod dahil meron siyang kadahilanan tulad ng karamdaman o paglalakbay o regla o pagdurugo mula sa panganganak o kamangmangan o pagkalimot, Ito ay hindi maging sagabal. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Isyu: Ang sinuman ang merong obligasyon na dalawang buwan na pag-aayuno ng sunod-sunod at hindi niya kayang gawin ito subalit kaya niyang mag-aayuno sa paiba-ibang araw ay hindi puwede. Dahil kailangan niyang mag-ayuno ng sunod-sunod at puwedeng sirain kung meron siyang dahilan tulad kanina.


Walang kakayahang mag-ayuno dahil sa Karamdaman


92. Ang sinumang hindi kayang mag-ayuno dahil sa karamdaman o katandaan ay magpakain ng animnapung mga mahihirap lalaki man o babae o kaya bata na kayang kumain ng pagkain, kahit isang bayaran ito o kaya magkahiwalay sa iibang araw hanggang makabuo ng


animnapung mahihirap. At hindi puwede ibigay ito sa iisang tao sa isang bigay sa isang araw o kaya sa animnapung araw. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil malinaw ang pagkasabi sa Hadith.


Sukatan ng Pagpapakain


93. Ang sukatan ng pagpapakain ay nagkaroon din ng salungatan sa mga Dalubhasa. At ang dahilan nito: Maraming mga salaysay hinggil sa sukatan. Salungatan sa pagiging wasto ng mga Hadith at pagiging wasto sa paghahambing sa ibang mga kabayaran.


Sabi: Labinglima Saa (45 kilo). Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil sa utos ng Propeta (s.a.w) sa mga tao1 . Kaya ang bawat mahirap ay may kalahating Saa (1.5 Kilo) na walang kulang. At ang isang Saa ay tatlong kilo.


Sabi: Pagkain na nakakabusog at ito ang opinyon ng ibang grupo ng mga Dalubhasa dahil sa mahinang katibayan para sa pagbigay ng sukatan.


Ang Pinakamalapit ay ang Pangtatlo: dahil sa utos ng Propeta (s.a.w) sa nakipagtalik sa Ramadan ng pagkain at hindi tinukoy ang sukatan. Kung merong sukatan ay sana ipinaliwanag ito katulad ng ibang mga Kabayaran (Kaffarah), at ito ay dapat pagkain ng mga Taga-lugar at hindi siya magpalabas ng pera.


Pakainin ang mga Mahihirap


94. Puwedeng pakainin ng hapunan at tanghalian ang mga mahihirap. Ito ang opinyon ng ibang naunang mga tao at mga Dalubhasa. Kailangan ba ang insaktong sukat o kaya makabusog na pagkain? Ang salungatan na ito ay katulad kanina.


Isyu: Ang paggastos sa pagpapakain at pagbibigay ng pagkain para sa walang kayang mag-ayuno ay dapat sa kanyang kapahintulutan.


1 Isinalaysay ni Abu Dawud (2393) at iniwasto ni Albani at ginawang mahina ito ni Ibnu Qattan sa Wahm wal Iham (2/122) at Fathul Bari (4/169)


Paalala: Ang mga dahilan na kailangang ilipat ang kabayaran ng pag-ayuno sa pagpapakain ay isang utos ni Allah sa tao. Ang bawat isa ay higit na nakakaalam sa kanyang sarili at hindi puwedeng ilipat ito kaagad sa pagpapakain kung walang dahilan o paghihirap o kaya'y hinala.


Walang kakayahan sa Kaf'farah


95. Ang sinumang walang kakayahan sa Kaf'farah (Kabayaran) ay hindi mawawala sa kanya ang utang at mananatili ito sa kanyang responsibilidad. At kung kailan siya merong kakayahan ay kailangan niya itong bayaran, at kung sakaling namatay siya at wala siyang kakayahan ay walang problema ito. At kung meron siyang iniwang pamana ay kailangan itong ipalabas mula sa kanyang naiwang pamana. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Kabayaran sa Asawang Babae


96. Ang asawang babae ba meron ding kabayaran? Merong dalawang sitwasyon:


Una: Kung siya'y pinilit lamang ay wala siyang pananagutan o kabayaran.


Pangalawa: Kung siya'y sumang-ayon rito ay kailangan niyang bayaran. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat kung anumang pananagutan ang kalalakihan ay ganon rin sa kababaihan at walang katibayan sa pagkaiba nila.


Pagbayad sa Araw ng kanyang Pakipagtalik


97. Kailangan ba niyang bayaran ang araw ng kanyang pakipagtalik?


Oo kailangan niyang bayaran. Ito ang opinyon ng Apat na Imam dahil ang Mensahero (s.a.w) ay nag-utos ng kabayaran sa nakipagtalik sa asawa: (At bayaran mo ng isang araw bilang kapalit.)1 At paghambing sa taong sinadya niya ang pagsuka ay kailangang


1 Isinalaysay ni Abu Dawud 2393 at Baihaqi 8057 at sinabi rin ni Ibnu Hajr. Fathul Bari 4/172 at Irshad ni Khalili 1/344 at Ahkam Wasiti 2/231 at Tahdib Sunan ni Ibnu Qayem 1/447


magbayad sapagkat ang orihinal ay magbayad ng pag-aayuno, at walang katibayan sa pagwala sa pananagutang ito dahil ang pananagutan ay mawawala lamang sa pagpalit o pagbayad, kaya ang pananagutan ay mananatili sa kanya at ang mga prinsipyo sa Islam ay nagpapatunay rito.


Sa gumagawa ng Pangangalunya


98. Ang sinumang gumawa ng pangangalunya -Magpakupkop nawa tayo kay Allah laban rito- ay kailangan ring magbayad. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa katulad sa kasal at walang kaibahan sa pagsira sa kabanalan ng Muharram bagkus ito pa ang mangunguna sa pagiging obligasyon ng kabayaran.


Ang sumira ng Ayuno ng sadya ay merong Kabayaran


99. Ang sinumang sumira ng sadya para makipagtalik sa asawa ay nagkasala at kailangang magbayad. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ang nagsasabi ng walang kabayaran rito ay nagdadaya lamang. At hindi puwede sa batas ng Islam ang pandaraya.


Pagkain dahil Nalimutan


100. Ang sinumang kumain na nakalimot at inaakala na siya ay hindi nag-aayuno at saka nakipagtalik sa asawa ay walang kabayaran. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ang kamangmangan ay nasa oras tulad sa kamangmangan sa batas subalit babayaran niya ito. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Kabayaran sa paulit-ulit na Pagtatalik


101. Ang paulit-ulit na pagtatalik ay merong mga sitwasyon.


a. Kung inulit niya ito sa iisang araw at hindi siya nagbayad sa una, kailangan niyang bayaran ito sa isang beses lamang.


b. Kung inulit niya ito sa iisang araw at kanyang binayaran ang una, ito ay isang kabayaran.. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat hindi ito tinaon sa tamang pag-aayuno.


c. At kung inulit niya ang pakipagtalik sa dalawang araw at kanyang nabayaran ang unang araw, kailangan niyang bayaran ang pangalawa rin.


d. At kung inulit niya ang pakipagtalik sa mga maraming araw at hindi nagbayad, Meron ditong salungatan sa mga Dalubhasa. Ang pinakamalapit na opinyon: Ang pagpaparami ng kabayaran ay ayon sa dami ng mga araw, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ang bawat araw sa pagsamba ay nakabukod, at kung may nagsabi hinggil sa kuwento tungkol sa nakipagtalik, hindi siya tinanong ng Mensahero (s.a.w): Kung ilang araw ka nakipagtalik?. Ang sagot: Naisalaysay sa ibang kuwento: Nagalaw ko ang aking asawa sa araw na iyon sa buwan ng Ramadan. Sabi: Magpalaya ka ng alipin.1


Pagtanggal mula sa pakikipagtalik dahil sa Adhan


102. Pagtanggal ba tulad rin sa hatol sa pagtatalik?


Ang Pagtanggal ay pagtanggal ng tao sa kanyang ari mula sa pakikipagtalik sa oras kung saan narinig ang Adhan o kaya pumasok ang oras ng Salah ng Fajr. Ang hatol nito: Hindi ito maituring hatol tulad sa pakikipagtalik ngunit kailangan niyang mag-ayuno ayon sa malapit na opinyon ng mga dalubhasa. At ito rin ang opinyon ni Ibnu Umar at karamihan ng ibang mga Dalubhasa, dahil nagtigil siya sa gawain na iyon at hindi nagpatuloy sa oras nang pumasok ang Fajr.


Pakipagtalik bago ang Fajr


103. Kapag nakipagtalik ang lalaki sa babae bago ang Fajr at nagpatuloy silang dalawa at inakala na hindi pa dumating ang bukang-liwayway at saka naging malinaw sa kanila na sumikat na pala ang araw, dito nagkaroon ng salungatan ang mga Dalubhasa:


1 Isinalaysay ni Baihaqi sa Kubra 8047 at Daruqutni 2303 at kanya itong iniwasto.


Una: Walang kabayaran sa kanila at walang pag-aayuno sa sunod na araw. Ito ang sinabi ng ibang mga nauna tulad ni Saed bin Jubair at Mujahid at Hasan at Ishaq.


Pangalawa: Ang pag-aayuno ay nasira subalit walang kabayaran. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Pangatlo: Kailangan niyang magbayad at mag-ayuno sa sunod na araw, Ito ang opinyon ng ibang mga Dalubhasa.


Ang pinakamalapit ay ang Una sapagkat ang hatol ay mawalang saysay kung sila ay mangmang katulad rin ng pagkalimot.


Nilabasan pagkatapos ng Fajr


104. Ang sinumang nakipagtalik sa gabi at kanya itong tinanggal ngunit nilabasan siya pagkatapos ng Fajr. Ang kanyang ayuno ay wasto sapagkat ang paglabas nito ay hindi nakakasira ng pag-aayuno.


Pakipagtalik sa Gabi ngunit naabutan ng Fajr


105. Ang sinumang nakipagtalik sa gabi at saka sumikat ang bukang-liwayway ngunit siya ay nagpatuloy. Tunay nasira ang kanyang pag-aayuno at kailangan niyang bayaran ang kasalanan at mag-ayuno sa ibang araw. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat siya ay nakipagtalik sa oras ng ayuno.


Manlalakbay ay hindi kailangang Magtimpi


106. Kapag dumating ang manlalakbay na hindi nag-aayuno at ang nagreregla kapag siya'y naging malinis, hindi nila kailangang magtimpi sa natirang oras ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa at kung merong nangyaring pakipagtalik ay wala rin silang kabayaran. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat walang pananagutan ang mga tao sa ipinahintulot ni Allah.


Pagligo pagkatapos ng Fajr


107. Ang sinumang nakipagtalik at saka naligo pagkatapos ng Fajr, Tunay wasto ang kanyang pag-aayuno dahil sa salaysay ni Ummu Salamah Kalugdan nawa siya ni Allah.


عَنْ أُ م سَلَمَةَ - رضى الله عنها - يَسْألَُ عَنِ ال ه رجُلِ يُصْبِحُ جُنُبًا أَيَصُومُ فَقَالَتْ كَانَ رَسُولُ ه اللَِّ


-صلى الله عليه وسلم- يُصْبِحُ جُنُبًا مِنْ جِمَاعٍ لاَ مِنْ حُلُمٍ ثُ ه م لاَ يُفْطِرُ وَلاَ يَقْضِى . مسلم


Inulat ni Ummu Salamah (r.a) na may lalaking nagtanong hinggil sa naabutan ng umaga na siya ay nalabasan, Kailangan ba niyang mag-ayuno. Kanyang sinabi: "Ang Mensahero ng Allah (s.a.w) dati kung naabutan ng umaga na nalabasan dahil sa pakipagtalik hindi mula sa panaginip, hindi niya sinisira ang pag-aayuno at hindi niya ito binabayaran". Isinalaysay ni Muslim


Semilya para sa Pagsusuri


108. Pagpalabas ng semilya para sa medikal na pagsusuri ay merong dalawang sitwasyon:


Una: Kung siya ay nasa operasyon, ito ay hindi nakakasira ng pag-aayuno sapagkat hindi naman ito masturbesyon at walang galaw at walang pagnanasa.


Pangalawa: Kung sa pamamagitan ng kagamitang pampalabas ng semilya, ay makakasira ng pag-aayuno dahil ito ay tulad ng masturbesyon na may pagnanasa at galaw.


Pag-inyeksiyon ng semilya sa Babae


109. Ang Pag-inyeksiyon ng semilya sa babae dahil sa pagsusuri at paggamot, ay hindi nakakasira ng pag-aayuno sapagkat hindi naman ito pakipagtalik.


Paggamit ng Siwak


110. Puwede gamitin ang Siwak bago ang sumapit ang hapon o pagkatapos nito. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa


dahil sa pangkalahatan na mga katibayan para sa Siwak at walang pagbabawal rito1.


Paglunok sa tira ng Siwak


111. Paglunok sa tira ng Siwak, hindi ito nakakasira ng Pag-aayuno ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa.


Paglasa sa Pagkain


112. Kinamumuhian ang paglasa ng mga pagkain -walang paglunok- na hindi naman kinakailangan, at puwede tikman kung kinakailangan. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Paghalik at Pagyakap


113. Paghalik at pagyakap ay merong tatlong sitwasyon:


a. Walang pagnanasa ay puwede.


b. May pagnanasa na naghahantong sa paglabas, ito ay ipinagbabawal.


c. May pagnanasa subalit hindi naman malalabasan, Ito ay puwede ayon sa ibang mga dalubhasa dahil sa gawain ng Mensahero ng Allah (s.a.w)2.


Kondisyon ng Nakakasira


114. Mga kondisyon ng Nakakasira:


a. Ang kaalaman sa isang bagay na ito ay nakakasira, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


b. Naalala, ang kabaligtaran nito ang pagkalimot.


c. Ang pagpili, ang kabaligtaran nito ay pinilit.


Ang sinumang nakasira ng pag-aayuno na siya ay Maalam at nakaalala at siya mismo ang pumili, Tunay nasira ang kanyang pag-aayuno, at sinumang gumawa nito na nakalimot o mangmang o nagkamali, hindi nasira ang kanyang pag-aayuno dahil sa


1 Hashiya Ibnu Qayeem sa Sunan Abu Dawud 6/351


2 Isinalaysay ni Muslim 1106


pangkalahatang katibayan para sa pag-alis ng problema sa mangmang at nakalimot at nagkamali at taong pinilit.


Pinakamalaking Kabayaran


115. Hindi magbayad ng malaki ang sinumang sumira ng kanyang pag-aayuno maliban sa pakipagtalik ayon sa malapit na salita ng mga Dalubhasa dahil sa nabanggit na katibayan hinggil sa kabayaran sa pagtatalik.


Kamangmangan sa Kabayaran


116. Ang pag-alam tungkol sa pagbawal sa pagtatalik, at ang kamangmangan sa kabayaran ay hindi magpapawala sa kabayaran (Kaffarah), sapagkat ang leksyon rito ay pag-alam sa batas hindi sa Kaffarah katulad sa kuwento ng taong nakipagtalik.


Ang Kasalanan ba ay nakakasira ng Ayuno?


117. Ang mga kasalanan ba ay nakakasira ng pag-aayuno? Dito meron salungatan ang mga Dalubhasa kaawaan nawa sila ni Allah:


Unang Opinyon: Hindi nakakasira subalit nakakabawas lamang ng gantimpala. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil sa kawalan ng katibayan sa pagkasira ng ayuno.


Pangalawang Opinyon: Nakasira, Ito ang opinyon ni Awza'i at Nakhli.


Ang malapit na Opinyon ay ang una sapagkat sinabi ng isa sa mga nauna: "Kung ang panlilibak ay makakasira ng pag-aayuno, wala na sana tayong pag-aayuno". O Allah, ingatan mo ang aming mga pag-aayuno at parte ng aming mga katawan.


Pagkalimot at Pag-akala sa Ayuno


118. Ang sinumang kumain dahil nakalimot at saka inakala na tapos na ang kanyang pag-aayuno kaya sinadya niyang kumain, Hindi maging wasto ang kanyang pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat sinira niya ito ng pasadya sa pangalawang sitwasyon.


Pagtatrabaho ng mabigat sa Ramadan


119. Puwede ba sa nagtatrabaho ng mabigat na sirain ang kanilang pag-aayuno dahil baka mapahamak?


Kung puwede siyang humingi ng bakasyon, Ito ang mas mainam at kung hindi siya pinayagan, Tunay merong sinabi ang mga Dalubhasa na puwede niyang sirain ang pag-aayuno dahil sa pangkalahatang katibayan para sa pagtanggal ng problema at hirap na kailangan dalhin sa kaginhawaan.


Pagligtas sa isang tao


120. Kailangang sirain ang pag-aayuno para maligtas ang isang tao kung ito ay kinakailangang sirain sapagkat hindi makumpleto ang isang obligasyon maliban rito, ito ay naging obligasyon na rin, katulad sa mga nagtatrabaho para magligtas ng buhay at mga Doktor at iba pa.


Pagputol ng Hangarin sa Ayuno


121. Ang pagputol ng hangarin sa pag-aayuno sa obligasyon ay nakakasira ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa, sapagkat ito ay kabahagi ng umaga na kailangang hangarin para sa nag-aayuno.


Pagbalik ng Hangarin sa Boluntaryong Ayuno


122. Ang sinumang naghangad na putulin ang pag-aayuno sa boluntaryo at pagkatapos hindi kumain at binalik ulit ang pag-aayuno, ang kanyang pag-aayuno ay wasto sapagkat ang boluntaryo ay hindi kondisyon sa buong araw na hangarin ang pag-aayuno.


Pagdududa kung nakakain ba sa Ramadan


123. Ang sinumang nagdududa sa siya ba ay nakakain at hindi naman siya kumain, tunay wasto ang kanyang pag-aayuno dahil nanatili ang orihinal na hangaring mag-ayuno.


Paghangad ng nakakasira sa Ayuno


124. Ang sinumang naghangad ng gawain na nakakasira ng pag-aayuno tulad sa pagkain at pag-inom subalit hindi naman niya ginawa,


wasto pa rin ang kanyang pag-aayuno sapagkat hindi niya nagawa ang nakakasira ng pag-aayuno subalit huwag siyang desidido na gawin ito na walang dahilan sa batas ng Islam dahil siya ay naging desidido sa paggawa ng kasalanan.


Paalalahan ang taong nakalimot sa Pag-aayuno


125. Ang sinuman nakakita ng taong kumakain at umiinom dahil siya'y nakalimot, dapat niyang paalahanan dahil ito ay pagtulungan sa paggawa ng kabutihan at pagkatakot kay Allah.


Pagpigil ng Regla


126. Puwede sa babae na uminom ng gamot para pigilan ang regla para makapag-ayuno. Ngunit ang mainam ay huwag siyang uminom ng gamot para pigilan ang regla dahil baka ito pa ang dahilan sa kapahamakan at pagdurugo. Siya ay merong gantimpala at kapatawaran at puwede sa kanya na alalahanin si Allah at manalangin at magbasa ng Qur'an na hindi ito nahihipo tulad ng pagbasa sa pamamagitan ng cellphone at iba pa.


Pang-apat: Pag-aayuno sa oras ng Paglalakbay


Sitwasyon na puwedeng Sirain ng Manlalakbay


127. Mga Sitwasyon na puwedeng sirain ng manlalakbay ang kanyang pag-aayuno:


Una: Kung pumasok ang oras ng Ramadan na siya ay naglalakbay, dito puwede niyang sirain ang kanyang pag-aayuno.


Pangalawa: Kung siya ay naglakbay sa oras ng gabi at nagpatuloy ang kanyang paglalakbay hanggang sa umaga, puwede niyang sirain ang pag-aayuno ayon sa karamihan ng mga Dalubhasa.


Pangatlo: Kapag lumabas siya sa kanyang lugar bilang manlalakbay at pagkatapos humangad siya ng pag-aayuno sa isa sa mga araw ng kanyang paglalakbay at saka gusto niyang kumain, puwede siyang kumain. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ ه اللَِّ - رضى الله عنهما - أَ ه ن رَسُولَ ه اللَِّ -صلى الله عليه وسلم- خَرَجَ عَامَ


الْفَتْحِ إِلَى مَ ه كةَ فِى رَ مَضَانَ فَصَامَ حَتهى بَلَغَ كُرَاعَ الْغَمِيمِ فَصَامَ النهاسُ ثُ ه م دَعَا بِقَدَحٍ مِنْ مَاءٍ


أُولَئِكَ « فَرَفَعَهُ حَتهى نَظَرَ النهاسُ إِلَيْهِ ثُ ه م شَرِبَ فَقِيلَ لَهُ بَعْدَ ذَلِكَ إِ ه ن بَعْضَ النهاسِ قَدْ صَامَ فَقَالَ


رواه مسلم .» الْعُصَاةُ أُولَئِكَ الْعُصَاةُ


Inulat ni Jabir bin Abdullah (r.a) na ang Mensahero ng Allah (s.a.w) ay lumabas sa panahon ng pananakop tungo sa Makkah sa Ramadan at saka siya ay nag-ayuno hanggang umabot sa Kural Ghamim at nag-aayuno rin ang mga tao, at pagkatapos humingi siya ng baso ng tubig at saka inangat ito hanggang nakita ng mga tao at saka ininom. Pagkatapos ng iyon ay may nagsabi sa kanya: Tunay may ibang tao na nag-ayuno kaya kanyang sinabi: "Sila mga yaong sumuway, sila mga yaong sumuway." Isinalaysay ni Muslim.


Pang-apat: Kung lumabas siya sa kanyang lugar bago ang Fajr at siya ay humangad ng pag-aayuno. Sa oras ng kanyang pag-aayuno ay gusto niyang kumain, dito merong salungatan sa pagitan ng mga Dalubhasa. Ang mas malapit na opinyon: Puwede siyang kumain at ito ang opinyon ng ibang mga Dalubhasa sapagkat siya ay manlalakbay. At ito rin ay pagpapagaan para sa manlalakbay kahit siya ay humangad ng pag-aayuno o kaya lumalakbay o hindi katulad ng may-sakit.


Panglima: Kung siya ay lumalakbay bago ang Fajr at hindi siya humangad ng pag-aayuno, dito ay puwede siyang kumain sapagkat hindi siya ay humangad ng pag-aayuno.


Pag-aayuno o Pagkain sa Paglalakbay


128. Alin ba ang mas mainam, Ang pag-aayuno o kumain sa paglalakbay? Dito may salungatan ang mga Dalubhasa Kaawaan nawa sila ng Allah:


Una: Mas mainam na kumain, Ito ang opinyon ni Ibnu Musayyib at Mujahid at iba pang mga dalubhasa.


Pangalawa: Mas mainam ang pag-aayuno, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Pangatlo: Ang mas madali para sa kanya, Ito ang opinyon ng ibang mga Dalubhasa.


Pang-apat: Pumili siya, Ito ang opinyon ng ibang mga Kasamahan ng Propeta Kalugdan nawa sila ng Allah.


Ang malapit na Opinyon ay ang una, dahil merong Hadith na nabanggit.


عَنْ حَمْزَةَ بْنِ عَمْرٍو الأَسْلَمِ ى - رضى الله عنه - أَنههُ قَالَ يَا رَسُولَ ه اللَِّ أَجِدُ بِى قُ ه وةً عَلَى


هِىَ رُخْصَةٌ مِنَ « - ال صيَامِ فِى ال ه سفَرِ فَهَلْ عَلَ ه ى جُنَاحٌ فَقَالَ رَسُولُ ه اللَِّ -صلى الله عليه وسلم


رواه مسلم .» ه اللَِّ فَمَنْ أَخَذَ بِهَ ا فَحَسَنٌ وَمَنْ أَحَ ه ب أَنْ يَصُومَ فَلَ جُنَاحَ عَلَيْهِ


Ayon kay Hamzah bin Amru Al-Aslami (r.a.) na kanyang sinabi: Oh Mensahero ng Allah, merong akong lakas sa pag-aayuno sa paglalakbay, Wala ba itong problema para sa akin?, sabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w): "Ito ay pahintulot mula kay Allah kaya sinumang kumuha nito ay mainam at sinumang gustong mag-ayuno ay walang problema." Isinalaysay ni Muslim


Pag-aayuno sa Araw ng A'shura sa Paglalakbay


129. Ang mas mainam sa manlalakbay ay mag-ayuno sa Araw ng A'shura at araw ng Arafa. Ito ang opinyon ng ibang mga Dalubhasa sapagkat ang ganitong mga araw ay walang kabayaran tulad sa isinalaysay ni Ibnu Abbad1 at Zuhri2.


Paglalakbay ay puwede Kumain


130. Ang lahat na paglalakbay ay puwedeng kumain ang manlalakbay kahit ang kanyang paglalakbay tungo sa kasalanan o pangangaso o pamamasyal at iba pa, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat siya ay manlalakbay kaya pinapahintulutan siyang kumain.


1 Inilabas ni Ibnu Abu Shaima sa Musannaf 9338


2 Inilabas ni Baihaqi sa Sha'bul Iman 3518


Mga Nagmamaneho


131. Mga Nagmamaneho ng mga tren at trak at eroplano at barko at iba pa ay merong dalawang sitwasyon:


Una: Kung meron silang tinitirhan sa kanilang lugar at bahay, puwede silang kumain sa kanilang paglalakbay.


Pangalawa: Kung wala silang tirahan sa kanilang lugar at kasama nila ang kanilang mga pamilya lagi at nandoon ang kanilang lahat na pangangailangan roon, hindi puwede silang magpaiksi ng Salah at huwag nilang sirain ang pag-aayuno sapagkat hindi sila manlalakbay. Ang kanilang tirahan ay ang kanilang sinasakyan, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Sinumang naglakbay para makakain


132. Ang sinumang naglakbay para kumain, ang kanyang paglalakbay ay ipinagbabawal at hindi siya pinapahintulutan ayon sa batas ng paglalakbay. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay may halong panluluko sa hangganan ni Allah, kaya pakitunguhan siya para sirain ang kanyang hangarin.


عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ؛ أَ ه ن رَسُولَ ه اللَِّ صَلهى الله عليه وسلم قال: "لَا تَرْتَكِبُوا مَا ارْتَكَبَتِ الْيَهُودُ،


فَتَسْتَحِلُّوا مَحَارِمَ ه اللَِّ بِأدَْنَى الْحِيَلِ" ذكره ابن كثير


Inulat ni Abu Huraira (r.a) na sinabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w): "Huwag ninyong gawin ang anumang ginawa ng mga Hudyo, na kanilang ginawang Halal ang mga ipinagbabawal ni Allah sa pamamagitan ng maliit na panluluko." Isinalaysay ni Ibnu Khater


Nakipagtalik at pagkatapos Lumakbay


133. Kung siya ay nakipagtalik na hindi manlalakbay at pagkatapos siya ay lumakbay, Tunay siya ay magbayad. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ang pagtatalik ay sa oras na siya ay hindi manlalakbay.


Pag-aayuno ng Manlalakbay


134. Kung humangad ang manlalakbay ng pag-aayuno at saka pumasok sa kanyang bayan, hindi puwedeng sirain ang pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat natapos na ang kanyang paglalakbay.


Puwede kumain ang Manlalakbay


135. Ang sinumang lumakbay at kanyang alam na siya ay babalik sa kanyang lugar, Puwede siyang kumain sa umaga. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat siya ay manlalakbay.


Pagsakay sa Eroplano


136. Ang sinumang sumakay ng eroplano sa umaga at gusto niyang mag-ayuno, hindi siya kakain hanggang lumubog ang araw sa kalangitan sa labas ng eroplano, at kung sumakay siya ng eroplano bago lumubog ang araw ng minute at nagpatuloy ang umaga ay huwag siyang kumain hanggang lumubog ang araw.


Pagdaan sa Himpapawid


137. Ang sinumang dumaan sa mga lugar sa pamamagitan ng himpapawid at ang mga tagaroon ay kumain na subalit nakita niya ang araw ay nasa himpapawid pa, siya ay hindi dapat kumain at kung makababa siya sa lugar, doon siya kumain kung saan lumubog ang araw.


إِذَا « - عَنْ عُمَرَ بنِ الْخَ ه طابِ - رضى الله عنه - قَالَ قَالَ رَسُولُ ه اللَِّ - صلى الله عليه وسلم


» أَقْبَلَ اللهيْلُ مِنْ هَا هُنَا ، وَأَدْبَرَ النههَارُ مِنْ هَا هُنَا ، وَغَرَبَتِ ال ه شمْسُ ، فَقَدْ أَفْطَرَ ال ه صائِمُ


متفق عليه


Inulat ni Umar bin Khattab (r.a) na sinabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w): "Kapag dumating ang gabi mula rito at umalis ang umaga mula rito at lumubog ang araw. Katotohanan nasira ang pag-aayuno ng tao." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim


Paalaala: Ang sinumang lumakbay sa umaga patungong silangan at kumunti ang oras ng umaga sa kanya. At kung siya'y lumakbay patungong kanluran, Tunay humaba ang umaga sa kanya. Ang leksiyon dito ay ang lugar kung saan naroroon ang manlalakbay sa oras sumikat ang araw at oras ng lumubog nito kahit kumunti ang umaga sa kanya o humaba, hindi dito tinitignan ang kaibahan ng orasan.


Naantala sa paglipad ng Eroplano


138. Ang sinumang lumakbay sa eroplano at kumpirma ang kanyang reserbasyon at ang paliparan ay nasa labas ng kanyang lugar. Kumain siya sa oras nang siya'y lumabas sa kanyang lugar ngunit naantala ang paglipad ng eroplano o merong humarang sa kanyang paglalakbay sa araw na yaon. Ang kanyang pagsira ng pag-aayuno ay tama at hindi niya kailangang magtimpi sapagkat siya ay nagawa ayon sa batas ng Islam subalit bayaran niya ito.


Dapat makaalis muna sa Lugar


139. Ang manlalakbay kapag gustong kumain ay hindi dapat kumain hanggang siya'y nakaalis sa mga pamamahay ng kanyang lugar. Ito ang sinabi ni Ibnu Mundir at ni Ibnu Abdul Bar at Nawawi at Ibnu Qudama at pinagkasunduan din ng mga Dalubhasa dahil sa Hadith ni Abu Basrah1 at Anas2 sa isa sa mga nakakasira ng ayuno ay ang bago umalis sa mga pamamahay, itong Hadith ay merong kahinaan at talakayan.


Puwedeng sirain ng Manlalakbay ang Ayuno


140. Ang sinumang lumakbay na nag-aayuno ay puwede siyang makipagtalik kahit kumain siya bago nito o humangad na sirain ang pag-aayuno o hindi, ayon sa malapit na opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat puwede sa manlalakbay na sirain ang pag-aayuno sa pakikipagtalik.


1 Isinalaysay ni Abu Dawud (1402) at nandoon sina Kulaib at Ubaid na hindi kilala katulad sa sinabi ni Ibnu Khuzaimah sa kanyang Saheh (2040)


2 Isinalaysay ni Termidi (799) at ginawang Hasan ni Termidi at ginawang Daef ni Shawkani sa Nilul Awtar (4/271) at binaggit ito ni Hafidh.


Hindi kailangang magtimpi ang Manlalakbay


141. Ang sinumang lumakbay sa kanyang bayan na siya ay kumain, hindi niya kailangang magtimping hindi kumain ayon sa malapit na salita ng mga Dalubhasa. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil sa kawalan ng katibayan rito, at sa kawalan ng saysay na magtimpi.


Walang ayuno ang Manlalakbay maliban sa ayuno ng Ramadan


142. Ang sinumang lumakbay sa Ramadan ay hindi puwedeng mag-ayuno maliban lamang para sa Ramadan o magbayad ng ayuno o pantubos o boluntaryo. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat kung walang pahintulot ay kailangang mag-ayuno sa oras.


Pagkaiba ng pagtanaw sa Hilal


143. Pagkaiba-iba ang pagtanaw sa Hilal (Bagong buwan) mula sa simula at katapusan sa pagitan ng mga lugar ay merong pitong sitwasyon:


Una: Sinumang lumakbay sa ibang lugar sa huli ng Shaban at ang mga tao ay hindi nag-aayuno ngunit nang siya ay dumating sa kanyang lugar, ang mga tagaroon ay nakakita ng Hilal kaya sila ay nag-aayuno. Kaya kailangan niyang mag-ayuno kasama nila.


Pangalawa: Ang sinumang lumakbay sa ibang lugar bago pumasok ang araw ng Eid na siya'y nag-ayuno kasama ng mga tagaroon at nang siya ay dumating sa kanyang lugar, ang mga tao roon ay nag-aayuno pa rin. Dito meron salungatan ang mga Dalubhasa.


- Unang Opinyon: Mag-ayuno siya kasama nila hanggang kumain sila kahit umabot ng ikatatlong araw.


- Pangalawang Opinyon: Sirain niya ang kanyang pag-aayuno ng palihim kahit umabot sila sa ikatatlong araw. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa at ito ang pinakamalapit na opinyon.


Pangatlo: Ang sinumang lumakbay sa ibang lugar at nakita roon ang Hilal ng Shawwal at saka siya ay bumalik sa kanyang lugar ngunit hindi


nakita roon ang Hilal. Dito meron salungatan ang mga Dalubhasa – Kaawaan nawa sila ni Allah – .


Ang mas Malapit na Opinyon: Hindi puwede siyang mag-ayuno at kumain ng palihim sapagkat ang obligasyon para sa kanya ay dalawampu't siyam na araw o tatlumpung araw. Itong karagdagan sa kanya ay hindi puwede dahil natapos na ang kanyang obligasyon sa Buwan ng Ramadan. At kung boluntaryong pag-aayuno ito, Paano naging obligasyon ang boluntaryo?


ال ه صوْمُ يَوْمَ تَصُومُونَ وَالْفِطْرُ يَوْمَ « عَنْ أَبِى هُرَيْرَةَ أَ ه ن النهبِ ه ى -صلى الله عليه وسلم- قَالَ


» تُفْطِرُونَ وَالأَضْحَى يَوْمَ تُضَحُّونَ


Inulat ni Abu Huraira (r.a) na sinabi ng Propeta (s.a.w): "Ang Pag-aayuno ay araw kung saan kayo ay nag-aayuno at ang Pagsira ng Pag-aayuno ay araw kung saan sinisira ng mga tao at ang Adha ay araw kung saan kayo ay kumakatay". Isinalaysay ni Termidi1.


Hindi wasto ito na maging Marfu (المرفوع ) at kung wasto ang Hadith sa pag-aayuno kung saan nag-aayuno ang mga tao ay dapat naaayon sa batas ng Islam. Itong Hadith ay pumapasok sa Buwan at paglabas nito. At lumabas ang buwan kung saan siya sumusunod na lugar, at hindi katulad ng taong nakakita ng Hilal na nag-iisa at hindi tinanggap ang kanyang pagsaksi. Katotohanan ang pagsasagawa ng obligasyon at ang pagdagdag sa hindi obligasyon ay nakagawa ng hindi inutos ni Allah. Ang dahilan ng salungat sa dalawang isyu ay kung saan dapat titignan, sa unang lugar ba o sa pangalawang lugar?.


Pang-apat: Ang sinuman ang nasa ibang lugar at ang mga tagaroon ay nag-aayuno sa huling buwan, At nang siya'y dumating sa kanyang lugar, nakita nila ang Hilal ng Shawwal kaya sinira niya ang ayuno kasama nila. Kung ang kanyang pag-aayuno ay kulang ng dalawampu't


1 Isinalaysay ni Termidi (697) at kanyang sinabi: "Hasan Gharib" at iniwasto ni Albani at ni Daruqutni ma ito ay mula sa salita ni Aisha, Tignan sa Ilal (3893)


siyam na araw ay kikailangan niyang sirain ang pag-aayuno ngunit bayaran niya ito sa ibang araw.


Panglima: Ang sinumang nag-ayuno sa ibang lugar at kumain kasama nila ng Iftar sa Eid at siya ay nakapag-ayuno ng dalawampung siyam na araw at saka lumakbay sa kanyang lugar, ito ay depende sa mga sitwasyon:


a. Kung ang kanyang lugar at ang lugar na kanyang lalakbayin ay nag-ayuno ng dalawampu't siyam na araw, Sapat na ang kanyang pag-aayuno sa dalawampu't siyam na araw.


b. Ang lugar na siya'y naroroon ay kumakain na at saka dumalo siya sa Eid kasama nila. Tunay siya ay nakapag-ayuno ng dalawampu't siyam na araw subalit sa kanyang lugar ay nag-aayuno hanggang tatlumpung araw, kahit siya ay nag-ayuno kasama ng mga tagaroon ng mga araw o hindi nag-ayuno. Puwede na sa kanya ang dalawampu'y siyam, depende sa lugar kung saan niya sinira ang pag-aayuno.


c. Kung ang dalawang lugar ay nag-ayuno ng tatlumpung araw subalit siya ay nag-ayuno ng dalawampu't siyam na araw at sinira niya ang kanyang pag-aayuno sa araw ng Eid sa lugar kung saan siya'y lumakbay. Na parang nag-ayuno ng nauna ang kanyang lugar pagkatapos ng lugar na kanyang nilakbayan. Ito ang opinyon ng ibang Dalubhasa sa ngayon: Sapat na sa kanya ang pag-aayuno ng dalawampu't siyam na araw sapagkat ang buwan ay puwede maging dalawampu't siyam o tatlumpung araw. Ang mas malapit ay magbayad siya sa araw na iyon sapagkat ang dalawang lugar ay nag-ayuno ng tatlumpung araw.


Pang-anim: Sinumang nag-ayuno sa kanyang lugar at lumakbay sa unang araw sa ibang lugar at ang tagaroon ay hindi pa nag-aayuno at saka siya'y nanatili roon, meron siyang dalawang sitwasyon:


a. Kung ang kanyang pananatili sa lugar na kanyang nilakbayan at kanyang inabutan ang Eid doon kasama nila. Tunay siya ay nakapag-


ayuno ng dalawampu't siyam na araw at bayaran niya ang kanyang utang sa pag-aayuno sa unang araw.


b. Kung nanatili siya sa lugar na kanyang nilakbayan at kanyang naabutan doon ang Eid kasama nila. Siya ay nakapag-ayuno na ng tatlumpung araw at merong natirang utang na isang araw. Kailangan pa ba niyang mag-ayuno kahit ito ay maging tatlumpung isang araw ang kanyang pag-aayuno, o kaya hindi kailangang mag-ayuno dahil ang buwan ay tatlumpung araw lamang, kaya ang mas malapit ay magbayad na lang.


Pangpito: Ang sinumang lumakbay sa kanyang lugar na sinira niya ang kanyang pag-aayuno ngunit ang mga tagaroon ay nag-aayuno para sa tatlumpung araw, at nang dumating siya sa ibang lugar, sila ay kumakain para sa Eid. Dapat niyang bayaran ang pag-aayuno dahil pananagutan pa niya ito.


Pagsagawa ng Kabayaran sa Ikatatlumpung araw ng Ramadan?


144. Puwede ba gawin ang kabayaran sa ikatatlumpung araw ng Ramadan?


Hindi puwedeng mag-ayuno ang manlalakbay o ang may-sakit sa Ramadan bilang kabayaran. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay obligasyon.


Panglima: Kabayaran sa Pag-aayuno o Boluntaryong Pag-aayuno


Agahan ang Pagbayad ng Ayuno


145. Mainam na padaliin ang pagbabayad sa kakulangan sa pag-aayuno sa Ramadan. At mainam na huwag ito ipaliban maliban kung meron siyang dahilan sapagkat walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang mangyari sa kanya sa mundo.


Bayaran bago sumapit ang panibagong Ramadan


146. Kailangang bayaran bago ang sumapit ang panibagong Ramadan. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat si Aisha (r.a) ay hindi nagpapaliban sa kabayaran. Ito ang malapit na opinyon.


Hindi Kailangang sunod-sunurin ang Pagbayad


147. Hindi kailangang pagsunod-sunurin ang pagbabayad sa pag-aayuno at puwede ito sa magkaibang araw ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa. Ito rin ang opinyon ni Anas at Abu Huraira (r.a)1 at Apat na Imam dahil sa sinabi ng Allah: "Ang ipagliban ito sa ibang mga araw".


Pagpapahuli sa Kabayaran


148. Ang sinumang nagpapahuli sa kabayaran hanggang umabot sa panibagong Ramadan ay meron siyang dalawang sitwasyon:


Una: Kung pinahuli niya ito na may kadahilan ay kailangang magbayad na walang Fidya.


Pangalawa: Kung pinahuli niya ito na walang kadahilanan ay kailangang bayaran na may Fidya sa bawat araw ay magpakain. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil ito ang hatol ng anim mula sa Kasamahan ng Propeta Kalugdan nawa sila ni Allah2.


Hindi inuulit ang mga kabayaran sa Kaffarah


149. Hindi inuulit ang mga kabayaran sa Kaffarah dahil sa paglampas higit sa Ramadan sa pagpapahuli ayon sa mga Dalubhasa dahil sa kawalan ng katibayan.


Isyu: Mga batas sa Pagpapakain ay katulad sa Fidya para sa mahinang mag-ayuno.


Pagsadyang Sirain ang Ayuno na Walang Dahilan


150. Ang sinumang sinadyang sumira ng pag-aayuno sa Ramadan na walang dahilan ay kailangang magbalik-loob at magbayad. Ito ang


1 Tafsir Ibnu Abi Hatim (1/306)


2 Istidh'kar (3/366) Sunan Kubra ni Baihaqi (8211) at Musnaf Abdur Razzaq (7620)


opinyon ng Apat na Imam dahil ito ay kanyang pananagutan katulad sa bananggit.


Puwede sirain ang ayuno sa Kabayaran


151. Puwedeng sirain ang pag-aayuno sa araw kung saan siya ay nagbabayad ng pag-aayuno para sa Ramadan kapag meron siyang dahilan. Ang malapit ay huwag niyang sirain ito kapag walang dahilan sapagkat ang pagbabayad katulad rin sa pagsasagawa at paglabas rin sa salungatan ng mga Dalubhasa, Ngunit ang karamihan ay nagbabawal rito.


Kabayaran sa sumira ng Ayuno sa Kabayaran


152. Ang sinumang sumira sa araw na siya nagbabayad ng pag-aayuno ay kailangan niyang bayaran ito ng isang araw lamang at hindi dalawa ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa dahil sa kawalan ng katibayan.


Pag-aayuno ng Boluntaryo bago ang Kabayaran


153. Puwede mag-ayuno ng boluntaryo sa pag-aayuno bago niyang bayaran ang pagkakautang sa Ramadan. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ang oras ng pagbayad ay mahaba.


Pag-aayuno sa Araw ng Tashriq


154. Ang pag-aayuno sa Araw ng Tashriq sa Buwan ng Dhul Hijjah (13,14, at 15) ay merong dalawang sitwasyon:


Una: Puwede sa nagsasagawa ng Hajj na Tamattu at Qiran na mag-ayuno kung wala silang kakayahang magpakatay na hayop para sa Hadi.


Pangalawa: Hindi puwede sa nagsasagawa ng Hajj na mag-ayuno ng obligado o boluntaryo. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa1.


1 Isinalaysay ni Bukhari (1997) at Abu Dawud (2418)


Pagbayad ng Utang sa Ayuno sa Araw ng Biyernes at Sabado


155. Puwedeng bayaran ang pagkakautang sa Ramadan sa araw ng Biyernes at Sabado. Ito ang opinyon ng Apat na Imam dahil sa kawalan ng partikular na layunin at ang hadith sa pagbabawal sa pag-aayuno sa Araw ng Sabado ay isang mahinang Hadith.


Namatay na may utang sa Pag-aayuno


156. Ang sinumang namatay at meron siyang utang na pag-aayuno ay merong mga sitwasyon:


Una: Kung ang sakit ay walang lunas at saka hindi pa siya nagpakain sa Ramadan ay kailangan magpakain ang kanyang pamilya mula sa kanyang yaman kung meron iniwan o kaya magpakain sila bilang boluntaryo.


Pangalawa: Kung ang kanyang sakit ay may lunas subalit magpatuloy ito hanggang siya'y mamamatay at wala siyang kakayahang mag-ayuno. Dito wala siyang pananagutan at kanyang pamilya. Ito ang opinyon ng Apat na Imam dahil meron siyang dahilan at siya ay hindi naging pabaya.


Pangatlo: Kung mawala na ang kanyang dahilan at kanyang iniwan ang kabayaran dahil sa kapabayaan hanggang siya'y namatay. Kailangang magpakain ang kanyang pamilya mula sa kanyang yaman kung meron iniwan o magpakain sila para boluntaryo. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay obligasyon ng namatay at tama kung merong mag-aayuno para sa kanya ayon sa ibang mga Dalubhasa.


Pang-apat: Kung namatay siya na walang sakit sa Ramadan, wala siyang pananagutan o ang kanyang pamilya sapagkat ang naiwang araw sa buwan ng Ramadan ay hindi pasok sa kanyang pananagutan.


Paggawa ng iisang Araw na ayuno para sa Namatay


157. Wasto ba ang pag-aayuno ng mga pamilya para sa namatay kung gagawin sa iisang araw lamang kapag merong siyang mga maraming utang sa Ramadan? merong dalawang sitwasyon:


Una: Kung ang pag-aayuno ay walang kondisyong pagkasunod-sunurin tulad sa pagbayad sa Ramadan, wasto ang pag-aayuno ng pamilya para sa namatay sa isang araw o mga araw ng isang tao o marami.


Pangalawa: Kung ang pag-aayuno ay may kondisyon na pagkasunod-sunod tulad sa kabayaran sa pagpatay o pakikipagtalik sa umaga ng Ramadan ay kailangan bayaran ito ng isang tao, May nagsabi: Puwedeng mag-ayuno ang grupo ng tao. Ang isyu ito ay may salungatan.


Pagpasok ng ayuno sa pagitan ng ibang Ayuno


158. Ang pagpasok ng ibang ayuno sa pagitan ng pag-aayuno ay merong mga sitwasyon:


a. Pagpasok sa pagitan ng mga obligasyon tulad ng Ramadan at Kaffarah. Ito ay hindi puwede ayon sa pinagkasunduan.


b. Ang pagpasok sa pagitan ng boluntaryong pag-aayuno at obligasyon, merong dalawang sitwasyon:


Una: Kung ang isa sa kanila ay may ugnayan sa iba katulad ng pag-aayuno sa Sabado kasama ang pambayad sa Ramadan, hindi po ito puwede ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa sapagkat ang gantimpala ay naaayon sa pagiging ganap ng pag-aayuno sa Ramadan.


Pangalawa: Kung ang dalawa ay magkahiwalay. Ang mas malapit ay merong dalawang sitwasyon:


i. Sunnah kasama ang Wajib katulad ng pag-aayuno sa araw ng Lunes at Huwebes at sampung araw ng Dhul Hijjah kasama ang pambayad sa pag-aayuno o Kaffarah, Ito ay tama katulad ng Tahhiyatul Masjid kasama ang obligasyon na Salah. Ito ang opinyon ng Apat na Imam.


ii. Tukoy na Sunnah kasama ang Wajib katulad ng pag-aayuno sa Arafah at A'shurah kasama ang pambayad na pag-aayuno at Kaffarah. Ang malapit ay hindi puwede hangarin ito sapagkat ang bawat isa ay merong nakabukod na pagsamba katulad ng mga Sunnah sa Salah na hindi puwedeng ipagsabay. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Ikatlo: Ang pagpasok sa pagitan ng mga Sunnah na pag-aayuno ay meron ding mga sitwasyon:


i. Sunnah Mutlaqa, tulad ng pag-aayuno sa sampung araw ng Dhul Hijjah at tatlong araw sa bawat buwan at Lunes at Huwebes, ay pagwasto sa pagpasok at pagsali sa pagitan nito sa iisang hangarin katulad ng Sunnah sa Salah dahil sa Wudu kasama ang pagpasok sa Masjid.


ii. Tukoy na Sunnah katulad ng pag-aayuno ng araw sa Shawwal kasama ang tatlong araw sa kabilugan ng buwan ayon sa nagsasabi na ito ay tukoy, hindi puwedeng ipagsabay ang bawat isa. Ang iba nagsabi: Puwede at ang isyu ay may salungatan.


iii. Sunnah na malawak at tukoy katulad ng pag-aayuno sa anim na araw ng Shawwal at Araw ng Arafah at A'shura kasama ang Lunes at Huwebes at tatlong araw sa bawat buwan, dito puwede isali katulad ng Tahhiyatul Masjid kasama ang mga Sunnah ng Salah at Duha.


Pag-ayuno sa Anim ng Araw ng Shawwal


159. Mainam na mag-ayuno sa anim na araw ng Shawwal. Ang kagandahan nito ay para siyang nag-ayuno ng isang taon kaya dapat mag-ayuno ang sinuman nito pagkatapos ng utang sa Ramadan. Ito ang opinyon ng ibang grupo ng mga Dalubhasa dahil sa Teksto. At may nagsabi: Puwede mag-ayuno sa Anim bago bayaran ang utang sa Ramadan. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Ang Malapit ay ang Una dahil ang pag-una sa anim na araw bago ang pag-aayuno sa Ramadan ay salungat sa kondisyon sa Hadith, At hindi puwedeng mag-ayuno sa anim na araw maliban sa Shawwal ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa sapagkat ang anim ay hindi sa kanyang oras. At sinumang umiwan nito na may dahilan ay kailangan pa bang magbayad? merong salungatan at sana meron siyang ang gantimpala rito.


Pag-aayuno sa Araw ng Arafah


160. Ang pag-aayuno sa Araw ng Arafah ay merong dalawang sitwasyon:


Una: Sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj ay mainam sa kanilang mag-ayuno dahil sa magandang maidulot nito.


Pangalawa: Sa nagsasagawa ng Hajj ay hindi dapat mag-ayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa upang italaga ang kanyang sarili sa pagsamba sa pamamagitan ng pag-alaala at panalangin.


Ang mas malapit: Kung nahihirapan ang tao at nanghihina sa pag-alaala at panalangin, ang mainam sa kanya ay kumain sapagkat ang kagandahan ng Hajj ay higit na mainam kaysa pag-aayuno ng Arafah. Kung ang pag-aayuno ay hindi nagpapahina sa kanya, ay walang problema. Ito ang opinyon ng ibang mga Dalubhasa. At merong salaysay na ayon kay Aisha at Usama bin Zayd at Zubair at Uthman bin Abi Ass Kalugdan nawa sila ng Allah at salaysay ni Hasan at Qatada at A'ta1.


Samantala ang pagbabawal sa pag-aayuno ay hindi wasto2, at kung wasto, may nagsabi: Ang pagbabawal ay para sa kinamumuhian o sa sinumang nahihirapan rito, sapagkat walang salaysay mula sa Propeta (s.a.w) na nag-uutos na sirain ang pag-aayuno sa nagsasagawa ng Hajj.


عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ ه اللَِّ - رضى الله عنهما - أَ ه ن رَسُولَ ه اللَِّ -صلى الله عليه وسلم- خَرَجَ عَامَ


الْفَتْحِ إِلَى مَ ه كةَ فِى رَمَضَانَ فَصَامَ حَتهى بَلَغَ كُرَاعَ الْغَمِيمِ فَصَامَ النهاسُ ثُ ه م دَعَا بِقَدَحٍ مِنْ مَاءٍ


أُولَئِكَ « فَرَفَعَهُ حَتهى نَظَرَ النهاسُ إِلَيْهِ ثُ ه م شَرِبَ فَقِيلَ لَهُ بَعْدَ ذَلِكَ إِ ه ن بَعْضَ النهاسِ قَدْ صَامَ فَقَالَ


الْعُصَاةُ أُولَئِكَ الْعُصَاة » رواه مسلم


Inulat ni Jabir bin Abdullah (r.a) na ang Mensahero ng Allah (s.a.w) ay lumabas sa panahon ng pananakop tungo sa Makkah sa Ramadan at saka siya ay nag-ayuno hanggang umabot sa Kural Ghamim at nag-aayuno rin ang mga tao. Pagkatapos humingi siya ng baso ng tubig at


1 Pinalabas ni Malik sa Muwatta (1390) at Musannaf bin Abu Shaimah (9219, 13395) at Fathul Bari (4/238)


2 Pinalabas ni Abu Dawud (2440) Badru Munir (5/749) at ginawang Mahina ni Uqaili at Ibnu Hazm at Nawawi.


saka inangat ito hanggang nakita ng mga tao at saka ininom. Sabi sa kanya pagkatapos ng iyon: Tunay ang ibang tao ay nag-ayuno, kanyang sinabi: "Sila mga yaong sumuway, sila mga yaong sumuway." Isinalaysay ni Muslim.


Sa ibang salaysay: (Katotohanan ang mga tao ay nahihirapan sa pag-aayuno). Katotohanan ang ibang mga Dalubhasa ay nagsabi: Ito ay para sa sinumang nanghihina sa kanyang pag-aayuno sa paglalakbay o ang Propeta (s.a.w) ay nag-utos sa kanila na sirain ang kanilang pag-aayuno upang sila ay maging malakas sa harap ng mga kalaban. Ito ang matinding dahilan at malaking benepisyo na hindi nila ginawa hanggang naghanggad sila na sirain ang pag-aayuno.


Pag-aayuno sa A'shura


161. Mainam na mag-ayuno sa A'shura kahit ito ay tumugma sa araw ng Sabado. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sa ikasampung araw sa buwan ng Muharram. Mainam rin mag-ayuno sa ikasiyam kasama nito dahil sa kagandahan nito at ito rin ay mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Ramadan, ang Muharram ang buwan ni Allah.1 Mainam na paramihin ang pag-aayuno sa buwan ng Shaban dahil sa ginawa ng Propeta (s.a.w).2 Subalit ang pagbabawal sa pag-aayuno sa sabado ay hindi wasto.3


Grupong Pag-aayuno


162. Grupong pag-aayuno para paalisin ang kalamidad sa Nasyon o sa lugar o sa kapatid na muslim at ipa. Ito ay hindi ipinag-uutos dahil sa kawalan ng katibayan at hindi naisalaysay mula sa mga Kasamahan ng Propeta (r.a) at sa kanilang mga kasunod dahil ang pinagmulan ng pagsamba ay batas ng Allah.


1 Isinalaysay ni Muslim (202)


2 Isinalaysay ni Bukhari (1969) at Muslim (1156)


3 Sabi ni Malik: Kasinungalingan at ginawang mahina ni Nisa'i at Zuhri at Ibnu Arabi at Ibnu Mulqin at iba pa.


Pang-anim: Mga Isyu sa Zakatul Fitr


Ang pagpapalabas ng Zakatul Fitr


163. Ang pagpapalabas ng Zakatul Fitr ay isang pagkain ng tagaroon sa lugar bago ang Salah ng Eid ng isang araw o dalawa. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil sa gawain ng mga Kasamahan ng Propeta Kalugdan nawa sila ni Allah1.


Pagpaliban sa Zakatul Fitr


164. Ang sinumang nagpaliban ng Zakatul Fitr hanggang pagkatapos ng Salah ng Eid kahit meron pa siyang dahilan ay dapat siyang magbigay at wala siyang kasalanan. Ngunit kung walang kadahilanan at saka siya'y nagbigay, dito meron siyang kasalanan at kailangan niyang magbalik-loob. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


Zakatul Fitr sa Manlalakbay


165. Ang sinumang naging obligasyon niya ang Zakatul Fitr at siya'y naglalakbay ay kailangang ipamigay ito sa lugar kung saan nandoon siya. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ang Zakatul Fitr ay binibigay kung saanman siya naroroon. At kung pinaubaya niya sa sinumang magbigay nito para sa kanya sa kanyang lugar ay pinapahintulutan. Ito ang opinyon ng ibang mga Dalubhasa.


Lugar kung saan magpalabas ng Zakatul Fitr


166. Kung naglalakbay ang isang tao sa ibang lugar ay kailangang magbigay ng Zakatul Fitr para sa kanyang pamilya sa lugar kung saan hindi sila kasama. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil sila ay nasa kanyang pananagutan at kung sila ay nagbigay para sa kanilang mga sarili sa kanilang lugar ay puwede rin. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.


O Allah, gabayan Mo po kami sa pinakamahusay na pag-aayuno at pagdarasal at huwag mo ipagbawal ang mga kagandahan sa Buwan


1 Isinaylay ni Bukhari (1511)


ng Ramadan at biyaya nito at Pagpalain Mo po kami ng biyaya sa kapayapaan ng aming mga damdamin at ingatan Mo po ang aming pag-aayuno at mga katawan at gabayan Mo po ang aming mga sarili at mga anak at mga asawa at patibayin Mo po kami hanggang sa kamatayan. Iligtas Mo po kami sa mga kasamaan at sakuna at tulungan Mo po kami at gawing mararangal na mga Muslim sa lahat ng mga lugar.



 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG