70 Diyos na mismo. Basahin mo ang Juan 3:2: “Ito rin ay
naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya’y nagsabi,
Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat
sa Dios …”; (Juan 6:14): “Kaya’t nang makita ng mga
tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong
ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan.” Si Jesus
ay tinawag ding Propeta sa Juan 7:40, Mateo 21:11,
Lucas 7:16 at 24:19. (Mga Gawa 9:20): “At pagdaka’y
kaniyang (Pablo) itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na
siya ang Anak ng Diyos.” (Mahihinuha mo rin mula rito
na ang mga sinaunang Kristiyano ay gumagamit pa rin ng
mga sinagoga, ngunit bandang huli nang malihis na ang
Kristiyanismo sa tunay na katuruan ni Jesus, ang mga
simbahan ay itinatag. Sina Pablo at Bernabe at ang mga
Hentil ay pinaalis sa mga sinagoga yamang naparatangan
sila ng paglapastangan sa Diyos at ng karumihan.
Tingnan mo ang Mga Gawa 13:50, 17:18 at 21:28.)
Lucas 2:11: “Sapagka’t ipinanganak sa inyo ngayon sa
bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang
Cristo ang Panginoon.” Juan 1:1: “Nang pasimula siya
ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo
ay Dios.”
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
71 Si Jesus ba ay Naipako sa Krus?
M. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag sa Súrah 4:157
na si Jesus ay hindi naipako: “At dahil sa sinabi nila,
“Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Jesus na anak
ni Maria, ang Sugo ni Allah,” samantalang hindi
naman nila siya napatay at hindi nila siya naipako sa
krus, …” Naniniwala ka pa rin ba na siya ay namatay sa
Krus?
K. Oo, siya ay namatay at binuhay na muli.
M. Sumasang-ayon tayong lahat na walang sinumang
nakakita noong sandaling muli siyang binuhay.
Natagpuan nilang walang laman ang libingang
pinaglagyan kay Jesus, at ipinagpalagay na nila na siya
ay binuhay na muli sapagkat nakita ng mga disipulo at
iba pang mga saksi na siya ay buhay pagkatapos ng
diumano’y pagpapako. Hindi kaya maaaring posible, gaya
ng sinasabi ng Qur’an na, na siya ay hindi namatay sa
Krus?
K. Nasaan ang patotoo, kung gayon?
M. Tingnan natin ang mga talata sa Bibliya na
nagpapatunay sa katibayang ito. Higit mo bang
pinahahalagahan ang sinabi ni Jesus o ang haka-haka ng
mga disipulo, mga apostol, at iba pang mga saksi?
K. Mangyari pang higit ang kay Jesus mismo.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
72 M. Iyan ay alinsunod sa sinabi ni Jesus (Mateo 10:24):
“Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi
mataas ang alila sa kaniyang panginoon.”
K. Ngunit si Jesus mismo ay nagsabing siya ay
magbabangong muli sa mga patay (Lucas 24:46): “At
sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na
kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong
muli sa mga patay sa ikatlong araw.”
M. Ang paghihirap ay madalas banggitin sa Bibliya nang
may pagpapalabis at tinataguriang “patay” gaya ng sinabi
ni Pablo (I Mga Taga Corinto 15:31): “I protest by your
rejoicing which I have in Christ, I die daily.”
[“Ipinahahayag ko alang-alang sa ikaluluwalhati ninyo,
na taglay ko kay Cristo, ako ay namamatay araw-araw.”]5
Narito ang iba pang mga patunay:
1. Sa Krus ay nagsumamo siya sa Diyos na tulungan
siya (Mateo 27:46): “Dios ko, Dios ko bakit mo ako
pinabayaan?” At sa Lucas 22:42: “Na sinabi, Ama,
kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon
ma’y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang
iyo.” (Ang sarong ito ay ang saro ng kamatayan.)
5 Napilitan na naman ang tagapagsalin na isalin sa Tagalog mula sa King
James Version ang talatang ito ng Bibliya sapagkat may kaibahan ang
matatagpuan sa saling Tagalog: ang “I die daily” (ako ay namamatay arawaraw)
ay isinaling “araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako” sa
Ang Biblia ng PBS.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
73 2. Ang panalangin ni Jesus na huwag siyang mamatay sa
krus ay dininig ng Diyos, ayon sa Lucas, Hebreo, at
Santiago. Kung gayon, papaano pa siyang namatay sa
krus? (Lucas 22:43): “At napakita sa kaniya ang isang
anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya.” Ito ay
nangangahulugang tinitiyak sa kanya ng isang anghel na
hindi siya pababayaan ng Diyos. (Hebreo 5:7): “Na siya
sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga
panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at
lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa
kaniya sa kamatayan, at siya’y dininig dahil sa kaniyang
banal na takot.”
Dininig ang panalangin ni Jesus, na
nangangahulugang tinugon ng Diyos sa magandang
paraan. (Santiago 5:16): “… Malaki ang nagagawa ng
maningas na panalangin ng taong matuwid.” Nagsabi
si Jesus mismo (Mateo 7:7-10): “Magsihingi kayo, at
kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y
mangakasusumpong; magsikatok kayo, at kayo’y
bubuksan: Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay
tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong;
at ang tumutuktok ay binubuksan. O anong tao sa
inyo, ang kung siya’y hingan ng tinapay ng kaniyang
anak, ay bato ang ibibigay; O kung hingan siya ng
isda, ay bibigyan niya ng ahas?” Kung ang lahat ng
panalangin ni Jesus ay dininig ng Diyos, pati na ang
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
74 panalanging huwag siyang mamatay sa krus, papaano
pa siyang namatay sa krus kung gayon?
3. Ang kanyang mga binti ay hindi binali ng mga
Romanong kawal (Juan 19:32-33): “Naparoon nga
ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang
ipinakong kasabay ni Jesus. Ngunit pagdating nila
kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila
binali ang kanyang binti.”6 Maaari mo bang
pagkatiwalaan ang mga kawal na ito sa
pagpapahayag nila ng kanyang kamatayan, o ibig ba
nilang iligtas si Jesus yayamang nalaman nilang siya
ay walang kasalanan?
4. Kung si Jesus ay namatay sa krus, ang dugo niya
ay hindi sana namuo at wala sanang dugong
pumulandit mula sa katawan niya nang inulos ang
tagiliran niya. Ngunit ang Ebanghelyo ay nagpahayag
na dugo at tubig ang lumabas; (Juan 19:34): “Ngunit
inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni
Jesus at biglang dumaloy ang dugo at tubig sa
tagiliran ni Jesus.”7
5. Noong humiling ang mga Pariseo ng isang tanda
bilang patotoo sa kanyang misyon, siya ay sumagot
(Mateo 12:40): “Sapagka’t kung paanong si Jonas ay
6 MAGANDANG BALITA para sa Ating Panahon ng PBS
7 MAGANDANG BALITA para sa Ating Panahon ng PBS
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
75 napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at
tatlong gabi: ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa
na tatlong araw at tatlong gabi ang anak ng tao.”
Pabayaan mo muna ang bilang ng araw [na siya ay
nasa libingan], na hindi rin naman tatlong araw at
tatlong gabi kundi isang araw (Sabado, araw lamang)
at dalawang gabi (Biyernes ng gabi at Sabado ng
gabi). Si Jonas ba ay buhay sa loob ng tiyan ng
balyena?
K. Oo.
M. Si Jonas ay buhay pa ba noong siya ay iniluwa ng
balyena?
K. Oo.
M. Kung gayon, si Jesus ay buhay pa ayon na rin sa hula
niya.
6. Si Jesus mismo ay nagpahayag na hindi siya
namatay sa krus. Nang umagang-umaga ng Linggo ay
pumunta si Maria Magdalena sa libingan na wala
naman palang laman. May nakita siyang nakatayo na
mukhang isang hardinero. Nakilala niya na iyon si
Jesus matapos na mag-usap sila at ninais niyang
hipuin iyon. [Ngunit] nagsabi si Jesus (Juan 20:17):
“… Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako
nakakaakyat sa Ama …” “Huwag mo akong hipuin,”
marahil dahil ang [paghipo sa] sariwang sugat ay
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
76 makasasakit sa kanya. “Sapagkat hindi pa ako
nakakaakyat sa Ama,” ay nangangahulugang siya ay
buhay pa, hindi pa patay, sapagkat kapag namatay
ang sinuman ay magbabalik siya sa Lumikha. Ito ang
pinakamatibay na patunay na inamin ni Jesus
mismo.
7. Pagkatapos ng diumano’y pagkakapako sa krus,
ang mga disipulo ay nag-akalang siya ay hindi na ang
dating Jesus sa laman manapa’y minaging espiritu
na, sapagkat ang mga katawang muling binuhay ay
minaging espiritu na.
K. Sandali lamang. Papaano kang nakatitiyak na ang
katawang binuhay na muli ay minaging espiritu?
M. Iyan ang sinabi ni Jesus mismo sa Bibliya: na sila ay
kahalintulad ng mga anghel.
K. Saan sa Bibliya?
M. Sa Lucas 20:34-36: “At sinabi sa kanila ni Jesus,
Nagsisipag-asawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at
pinapag-aasawa: Datapuwa’t ang mga inaaring
karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng
pagkabuhay na mag-uli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa,
ni papag-aasawahin. Sapagka’t hindi na sila
maaaring mangamatay pa: sapagka’t kahalintulad na sila
ng mga anghel; at sila’y mga anak ng Diyos, palibhasa’y
mga anak ng pagkabuhay na mag-uli.”
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
77 Pagkatapos ay kinumbinsi sila ni Jesus, sa
pamamagitan ng pagpapahipo sa kanila ng kanyang mga
kamay at mga paa, na siya ang dati pa ring Jesus. Dahil
hindi pa rin sila makapaniwala sa kanya, humingi siya ng
makakain upang ipakita sa kanila na kumakain pa rin siya
tulad ng ibang taong buhay. Basahin mo ang Lucas
24:36-43: “At samantalang kanilang pinag-uusapan ang
mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa
kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t
sila’y kinilabutan, at nanga-hintakutan, at inakala nila na
nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila,
Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyari ang
mga pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking
mga kamay at mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at
tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at
mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At
pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang
kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At
samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa
galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila,
Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At
binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At
kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.”
8. Kung naniniwala ka pa rin na namatay siya sa
krus, samakatuwid siya ay isang bulaang Propeta at
isinumpa ng Diyos, ayon sa mga talatang ito:
(Deuteronomio 13:5):8 “At ang propetang yaon o ang
nagbigay ng kahulugan sa panaginip ay dapat patayin
8 MAGANDANG BALITA para sa Ating Panahon ng PBS
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
78 …”; (Deuteronomio 21:22-23): “Kung ang isang
lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa
kamatayan, at siya’y papatayin, at iyong ibitin siya sa
isang punong kahoy; Ay huwag maiiwan boong gabi
ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi
walang pagsalang siya’y ilibing sa araw ding yaon;
sapagka’t ang bitin ay isinumpa ng Dios; upang
huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinigay sa iyo
ng Panginoon mong Dios, na ipinamana.”
Ang paniniwala sa kanyang kamatayan sa krus ay
ang pagpapabula sa kanyang pagka-propeta. Iginigiit
ng mga Hudyo na kanilang napatay si Jesus sa Krus at
dahil dito ay kanilang pinalabas na huwad siya sa
kanyang pag-aangkin sa pagkapropeta. Ang mga
Kristiyano ay naniniwala sa kanyang pagkapako sa
krus na kinakailangan sa pagtubos sa kanila sa
kasalanan at dahil dito kailangang tanggapin din ang
pagiging isinumpa ni Jesus. Ang paniniwalang
Kristiyano na ito ay sumasalungat sa katuruan ng
Bibliya sa Oseas 6:6: “Sapagka’t ako’y nagnanasa ng
kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit
kay sa mga handog na susunugin.” Sumasalungat din
ito sa sariling katuruan ni Jesus (Mateo 9:13):
“Datapuwa’t magsihayo kayo at inyong pag-aralan
kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at
hindi hain …” Sinabi pa ni Jesus (Mateo 12:7):
“Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
79 kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay
hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang
kasalanan.”
K. Bakit naniniwala ang mga tao sa pagkabuhay na maguli
ni Jesus, kung gayon?
M. Si Pablo ang nagturo ng pagkabuhay na mag-uli (Mga
Gawa 17:18): “… At sinabi ng ilan (mga Judio), anong
ibig sabihin ng masalitang ito? binagabag ang mga iba,
Parang siya’y tagapagbalita ng mga ibang dios; sapagka’t
ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay na maguli.”
Inamin din ni Pablo, na hindi nakakita kailanman
kay Jesus, na ang pagkabuhay na mag-uli ay kanyang
Ebanghelyo (II Timoteo 2:8): “Alalahanin mo si
Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni
David, ayon sa aking evangelio.” Siya rin ang unang
nagpahayag na si Jesus ay Anak ng Diyos (Mga Gawa
9:20): “At pagdaka’y kaniyang itinanyag sa mga
sinagoga si Jesus na siya ang Anak ng Diyos.”
Samakatuwid, ang Kristiyanismo ay hindi katuruan ni
Jesus kundi ni Pablo.
K. Ngunit nabanggit sa Marcos(16:19) na si Jesus ay
iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos: “Ang
Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila’y
mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at
lumuklok sa kanan ng Dios.”
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
80 M. Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, sa pagtatalakay ng
Banal Bibliya, ang Marcos 16:9-20 ay inalis na sa ilang
mga Bibliya. Tingnan mo ang pambungad ng Revised
Standard Version, ng New American Standard Bible at ng
New World Translation of the Holy Scriptures ng mga
Saksi ni Jehovah. Kung naniniwala ka pa rin na si Jesus
ay Diyos dahil siya ay iniakyat sa langit, bakit hindi mo
tanggapin na Diyos din ang ibang mga Propeta na
iniakyat din sa langit?
K. Sinu-sino sila?
M. Si Elias (II Mga Hari 2:11-12): “… at si Elias ay
sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo. At
nakita ni Eliseo, at siya’y sumigaw … At hindi na niya
nakita siya …” At Ganoon din si Enoc, dinala siya ng
Diyos sa langit (Genesis 5:24): “At lumakad si Enoc na
kasama ng Dios: at di siya nasumpungan, sapagka’t
kinuha ng Dios.” Ito ay inulit din sa Hebreo 11:5: “Sa
pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang
makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan,
sapagka’t siya’y inilipat ng Dios: sapagka’t bago siya
inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya’y naging
kalugodlugod sa Dios.”
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
81 Ang Doktrina ng Pagtutubos
at Pagmamana ng Kasalanan
K. Samakatuwid, ang pagtutubos ng kasalanan sa
pamamagitan ng pagkapako kay Jesus sa krus ay hindi
katuruan ni Jesus?
M. Ito ang Doktrina ng Pagtubos ng Kasalanan na
tinanggap ng Simbahan, tatlo hanggang apat na siglo
matapos lumisan si Jesus sa mundo. Sumasalungat ito sa
Bibliya mismo gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga
talata: (Deuteronomio 24:16): “Hindi papatayin ang
magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay
papatayin dahil sa mga magulang; bawa’t tao’y papatayin
dahil sa kaniyang sariling kasalanan.” (Jeremias 31:30):
“Nguni’t bawa’t isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang
sariling kasalanan …” (Ezekiel 18:20): “Ang kaluluwa na
nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas
ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng
kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa
kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.”
Samakatuwid sina Adan at Eba ang mananagot sa
kasalanan nila, na pinatawad naman ni Allah ayon sa
katuruan ng Islam.
K. Subalit ang mga ito ay nasa Matandang Tipan.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
82 M. Basahin mo ang sinabi mismo ni Jesus sa Mateo 7:1
at 2.
K. “Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong
hatulan. Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay
hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay
susukatin kayo.”
M. Basahin mo naman ang I Mga Taga Corinto 3:8.
K. “Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa:
nguni’t ang bawa’t isa ay tatanggap ng kanilang sariling
kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.”
Ngunit naniniwala kami sa Manang Kasalanan!
M. Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na ang mga
bata ay isinilang na walang kasalanan? Basahin mo ang
Mateo 19:14.
K. “Datapuwa’t sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang
maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang
magsilapit sa akin: sapagka’t sa mga ganito ang kaharian
ng langit.”
M. Samakatuwid ang bawat isa ay isinilang na walang
kasalanan at ang lahat ng bata ay para sa kaharian ng
langit. Nalalaman mo ba na si Pablo ang nagpawalangbisa
sa mga kautusan ni Moises? Basahin mo ang Mga
Gawa 13:39.
K. “At sa pamamagitan niya ang bawa’t
nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
83 bagay, na sa mga ito’y hindi kayo aariing ganap sa
pamamagitan ng kautusan ni Moises.”
M. May itatanong ako sa iyo. Bakit ka naniniwala sa
pagkabuhay na mag-uli ni Jesus kung si Pablo mismo, na
hindi nakakita kailanman kay Jesus, ay umamin na ito ay
kanyang evangelio?
K. Saan ito nakasulat?
M. Basahin mo ang II Timoteo 2:8.
K. “Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa
mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio.”
Ngunit bakit kailangan pa tayong maniwala na siya ay
ipinako sa krus at ibinangon sa mga patay?
M. Oo, hindi ko nga rin alam. Ang Islam ay nakabatay sa
katuwiran at ito ay isang dalisay na katuruan ng lahat ng
Propeta, na hindi nahaluan ng paganismo at mga
pamahiin.
K. Iyan na nga ang aking hinahanap.
M. Bakit hindi mo muna isagawa ang Shahádah o
Pagsasaksi, una sa Ingles, at pagkatapos ay sa Arabe.
Hayaan mong tulungan kita sa pagbigkas nito.
K. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah,
tanging Siya lamang, wala Siyang katambal; at sumasaksi
rin ako na si Muhammad ay Kanyang Lingkod at
Kanyang Sugo. Ash’hadu an lá iláha illaláhu wahdahu
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
84 lá sharíka lahu, wa ash’hadu anna Muhammadan
‘abduhu wa rasúluhu.
Si Propeta Muhammad ba ay hinulaan sa Bibliya?
M. Oo, ngunit hindi kinakailangan para sa isang Muslim
na malaman ito mula sa Bibliya. Yayamang iyong napagaralan
ang Bibliya, nais kong talakayin ito sa iyo nang
maigsi sa ibang araw.
Paalaala: Ang nalalabing talakayan ay gaganapin sa
pagitan ng dalawang Muslim: M. at m.
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
85 Si Muhammad sa Bibliya
Kapwa Pinagpala sina Ismael at
Isaac
M. Bakit nilayuan ng mag-inang Ismael at Agar si Sara?
m. Pagkatapos awatin si Isaac, nakita ng kanyang inang si
Sara si Ismael na tumutuya sa kanya. Ayaw rin ni Sara na
magmana si Ismael na kahati ng kanyang anak na si Isaac
(Genesis 21:8-10): “At lumaki ang sanggol, at inihiwalay
sa suso; at nagpiging ng malaki si Abraham ng araw na
ihiwalay sa suso si Isaac. At nakita ni Sara ang anak ni
Agar na taga Egipto, na ito’y nagkaanak kay Abraham,
na tumutuya sa kaniya. Kaya sinabi niya kay Abraham,
Palayasin mo ang aliping ito at ang kaniyang anak:
sapagka’t hindi magmamana ang anak ng aliping ito na
kahati ng aking anak, sa makatuwid baga’y ni Isaac.”
M. Si Isaac ay mga dalawang taon noong inawat siya. Si
Ismael kung gayon ay labing-anim na taong gulang
sapagkat si Abraham ay walumpu’t anim na taong gulang
noong isinilang ni Agar si Ismael at isang daang taong
gulang naman noong isinilang si Isaac, ayon sa Genesis
16:16: “At si Abram ay may walong pu’t anim na taon
nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram,” at sa
Genesis 21:5: “At si Abraham ay may isangdaang taon,
nang sa kanya’y ipinanganak si Isaac na kaniyang anak.”
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
86 Ang Genesis 21:8-10, kung gayon, ay salungat sa Genesis
21:14-21 sapagkat sa talatang ito si Ismael ay inilarawang
isang sanggol na inilagay sa balikat ng kanyang ina,
tinawag na bata at sanggol, noong kapwa nila iniwan si
Sara: “At nagbangong maaga sa kinaumagahan si
Abraham, at kumuha ng tinapay at ng isang bangang
balat ng tubig, at ibinigay kay Agar, na ipinatong sa
kaniyang balikat, at ang bata …” (Genesis 21:14);
“Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at alalayan mo siya
ng iyong kamay …” (Genesis 21:18). Ito ay balangkas ng
paglalarawan ng isang bata at hindi ng isang binatilyo.
Samakatuwid si Ismael at ang kanyang ina ay lumayo kay
Sara matagal nang panahon bago isinilang si Isaac. Ayon
sa sanaysay ng Islam, dinala ni Abraham sina Ismael at
Agar sa Makkah, na tinawag na Paran sa Bibliya
(Genesis 21:21), at gumawa ng isang bagong tirahan
doon, dahil sa isang kautusan ng Diyos na ibinigay kay
Abraham bilang bahagi ng plano ng Diyos. Si Agar ay
tumakbo nang pitong ulit sa pagitan ng dalawang burol ng
Safa at Marwa, sa paghahanap ng tubig. Ito ngayon ay
naging isang rituwal ng Islam sa taunang Pilgrimage
(Hajj) sa Makkah ng milyun-milyong Muslim mula sa
iba’t ibang sulok ng daigdig. Ang balon ng tubig na
nabanggit sa (Genesis 21:19) ay naroroon pa rin at
tinatawag ngayon na Zamzam. Kapwa sina Abraham at
Ismael ang nagtayo bandang huli sa Makkah ng
sagradong bahay na bato na tinatawag na Ka’bah. Ang
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
87 lugar na pinagdarasalan noon ni Abraham malapit sa
Ka’bah ay naroroon pa rin, na nagyon ay tinatawag na
Maqám Ibráhím, na ang ibig sabihin ay ang tinindigan ni
Abraham. Sa mga Araw ng Pilgrimage, ang mga
nagsasagawa ng Pilgrimage sa Makkah at ang mga
Muslim sa buong mundo ay gumugunita sa pag-aalay ni
Abraham at Ismael sa pamamagitan ng pagkatay ng
hayop.
m. Ngunit binabanggit ng Bibliya na si Isaac ang inialay.
M. Hindi, ang salaysay ng Islam ay nagsasabi na ang
tipan ng Diyos at ni Abraham at ng kanyang nag-iisang
anak na si Ismael ay ginawa at pinagtibay noong iaalay
sana si Ismael. At noong araw na sina Abraham, Ismael at
ang lahat ng lalakng kasambahay ni Abraham ay tinuli
samantalang hindi pa nga naisisilang si Isaac (Genesis
17:24:27): “At si Abraham ay may siyam na pu’t siyam
na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng
masama. At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang
tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama. Nang
araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na
kaniyang anak. At lahat ng lalaking kasangbahay niya,
maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili
ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama
niya.”
Pagkalipas ng isang taon ay isinilang si Isaac at tinuli
noong siya ay walong araw na (Genesis 21:4-5): “At
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
88 tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw
gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya. At si Abraham ay may
isang daang taon, nang sa kaniya’y ipinanganak si Isaac
na kaniyang anak.”
Samakatuwid noong ang tipan ay ginawa at
pinagtibay (ng pagtutuli at pag-aalay), si Abraham ay
siyamnapu’t siyam na taong gulang, at si Ismael naman
ay labintatlong taong gulang. Si Isaac ay isinilang
pagkalipas ng isang taon nang si Abraham ay isandaang
taon gulang na.
Ang mga inapo ni Ismael, si Propeta Muhammad
(SKP), kabilang na ang lahat ng mga Muslim, ay
nananatiling tapat magpahanggang ngayon sa tipang ito
ng pagtutuli. Sa kanilang mga panalangin na hindi
bababa sa limang beses araw-araw, isinasama ng mga
Muslim ang pagpupuri kay Abraham at sa kanyang mga
inapo sa pagpupuri kay Muhammad (SKP) at sa kanyang
mga inapo.
m. Ngunit sa Genesis 22:2 ay binanggit na si Isaac ang
inialay!
M. Nalalaman ko ito, ngunit makikita mo ang
kasalungatan doon. Binanggit doon ang “iyong bugtong
na anak na si Isaac.” Hindi kaya na dapat sana ito ay
naisulat na “iyong bugtong na anak na si Ismael”
noong si Ismael ay labintatlong taon gulang na at si Isaac
ay hindi pa naisilang? Noong isinilang si Isaac, si
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
89 Abraham ay mayroon nang dalawang anak. Dahil sa
kanilang Bulag na Pagkamakabayan, ang pangalang
Ismael ay pinalitan kaya naging Isaac sa buong Genesis
22, ngunit pinanatili ng Diyos ang salitang “bugtong”
upang ipakita sa atin kung ano talaga ang nangyari.
Ang mga katagang “pararamihin ko ang iyong binhi”
sa Genesis 22:17 ay naunang ipinatungkol kay Ismael sa
Genesis 16:10. Kung gayon, ang kabuuhan ng Genesis 22
ay hindi kaya pumapatungkol kay Ismael? Ang
pangungusap na “siya’y gagawin kong malaking bansa”
ay inulit ng dalawang beses para kay Ismael sa Genesis
17:20 at Genesis 21:18, at hindi kailanman
ipinapatungkol kay Isaac.
m. Pinagpipilitan ng mga Hudyo at mga Kristiyano na si
Isaac ay nakahihigit kay Ismael.
M. Iyan ang kanilang sinasabi ngunit hindi iyan ang
pahayag ng Bibliya (Genesis 15:4): “At, narito, ang salita
ng Panginoon ay dumating sa kaniya (Abraham), na
nagsabi, Hindi ang taong (si Eliezer na taga Damasco) ito
ang magiging tagapagmana mo; kundi lalabas sa iyong
sariling katawan ang tagapagmana mo.” Samakatuwid si
Ismael ay tagapagmana rin.
Genesis 16:10: “At sinabi sa kaniya ng anghel ng
Panginoon, Pararamihin kong mainam ang iyong binhi,
na hindi mabibilang dahil sa karamihan.”
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano
90 Genesis 17:20: “At tungkol kay Ismael, ay dininig din
kita. Narito’t aking pinagpala siya, at siya’y aking papagaanakin
ng marami, at siya’y aking pararamihin ng di
kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging
anak, at siya’y gagawin kong malaking bansa.”
Genesis 21:13: “At ang anak din naman ng alipin ay
gagawin kong isang bansa, sapagka’t siya’y anak mo.”
Genesis 21:18: “Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at
alalayan mo siya ng iyong kamay; sapagka’t siya’y
gagawin kong isang bansang malaki.”
Deuteronomio 21:15-17: “Kung ang isang lalake ay
may dalawang asawa, na ang isa’y sinisinta, at ang isa’y
kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang
sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging
panganay ay sa kinapopootan: Ay mangyari nga sa araw
na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng
kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang
panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng
kinapopootan, na siyang panganay; Kundi kaniyang
kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa
pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang
bahagi sa boong kaniyang tinangkilik; sapagka’t siya ang
pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng
pagkapanganay ay kaniya.” Hindi ikinakaila ng Islam ang
mga pagpapala ng Diyos kay Isaac at sa kanyang mga
inapo, ngunit ang anak ng pangako ay si Ismael na mula
Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano