Mga Artikulo




36 5:32: “At si Noe ay may limang daang taon …”; Genesis


7:6: “At may anim na raang taon si Noe nang ang baha


ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.”


Ang Kristiyanismo ay naniniwala na nilikha ng Diyos


ang tao sa Kanyang larawan: puti, itim o ano pa man,


babae o lalake? Ito ay ayon sa Genesis 1:26: “At sinabi


ng Diyos, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon


sa ating wangis …” Subalit ito ay sumasalungat sa Isaias


40:18 at 25: “Kanino nga ninyo itutulad ang Dios? o


anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya? …


Kanino nga ninyo itutulad ako upang makaparis ako niya?


sabi ng banal.” Tingnan mo rin ang Mga Awit 89:6:


“Sapagka’t sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon?


Sino sa gitna ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya


ng Panginoon?” At sa Jeremias 10:6-7: “Walang gaya


mo, Oh Panginoon; … walang gaya mo.”


K. Ngunit ang lahat ng ito ay nasa Matandang Tipan?


M. Pumunta tayo ngayon sa Bagong Tipan.


Juan 5:37 Juan 14:9


Kailan ma’y hindi ninyo


narinig ang kaniyang tinig, ni


hindi man ninyo nakita ang


kaniyang anyo.


“… ang nakakita sa akin ay


nakakita sa Ama. …”


Juan 5:31 Juan 8:14


Kung ako’y nagpapatotoo


tungkol sa aking sarili, ang


patotoo ko ay hindi


Sumagot si Jesus at sa


kanila’y sinabi, Bagama’t


ako’y nagpapa- totoo sa


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


37 katotohanan. akin din, ay totoo ang


aking patotoo.


Ang mga ito ay ilan lamang sa mga


pagkakasalungatan sa Bagong Tipan. Makatatagpo ka pa


ng higit na marami kung ating tatalakayin ang


katotohanan ng mga doktrina ng makabagong


Kristiyanismo gaya ng Trinidad, Pagka-Diyos ni Jesus,


Pagka-Diyos-anak ni Jesus, Pagmamana ng kasalanan,


Pagtubos ng Kasalanan, at huwag nang banggitin pa ang


pang-aalipusta sa maraming Propeta sa Bibliya sa


pagpaparatang sa kanila bilang mga mananamba ng mga


diyus-diyusan, at pagpaparatang sa kanila ng


pangangalunya sa kamag-anak at di-kamag-anak, at


panggagahasa.


K. Saan mo matatagpuan ang mga iyan sa Bibliya?


M. Nasasaad na si Noe ay nalasing hanggang sa siya ay


naging hubo’t hubad na sa harap ng kanyang mga anak


na nasa hustong gulang na (Genesis 9:23-24): “At


kumuha si Sem at si Jafet ng isang balabal, at isinabalikat


nilang dalawa, at lumakad ng paurong at tinakpan ang


kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay


patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang


ama. At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak,


at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong


anak.”


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


38 Si Solomon ay pinaratangan hindi lamang ng


pagkakaroon ng maraming asawa, kundi pati ng


pagsamba sa mga diyus-diyusan (1 Mga Hari 11:9-10):


“At ang Panginoo’y nagalit kay Solomon … At siyang


nag-utos sa kaniya tungkol sa bagay na ito, na siya’y


huwag sumunod sa ibang mga dios; ngunit hindi niya


iningatan ang iniiutos ng Panginoon.”


Si Aaron, na isang Propetang sumama sa kanyang


kapatid na si Moises sa pagpunta kay Paraon, ay


pinaratangan din na humugis sa gintong guya upang


sambahin ng mga Israelita (Exodo 32:4): “At kaniyang


(Aaron) tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa


pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang


binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging


iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa


lupain ng Egipto.”


Mababasa mo rin ang pangangalunya ni Propeta Lot


sa kanyang dalawang anak (Genesis 19:36): “Sa ganito’y


kapuwa nagdalangtao ang mga anak ni Lot sa


pamamagitan ng kanilang ama.”


Makababasa ka rin ng isang Propetang ang dalawang


asawa ay magkapatid (Genesis 29:28): “At gayon ang


ginawa ni Jacob, at tinapos niya ang sanglinggo nito, at


ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak


na maging asawa niya.”


May isa pang Propeta na pinaratangan ng


pangangalunya (II Samuel 11:4-5): “At si David ay


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


39 nagsugo ng mga sugo, at kinuha siya; at siya’y pumaroon


sa kaniya, at kaniyang sinipingan siya (sapagka’t siya’y


malinis sa kaniyang karumihan;) at siya’y bumalik sa


kaniyang bahay. At ang babae ay naglihi; at siya’y


nagsugo at nasaysay kay David, at nagsabi: Ako’y


buntis.”


Ang aking katanungan ay: Papaano matatanggap si


David, kung gayon, sa talaangkanan ni Jesus kung ang


talaangkanang ito ay nagsimula sa isang taong


nangalunya? Huwag sanang ipahintulot ni Allah na ito ay


nangyari! Hindi kaya ito ay isang kasalungatan sa


nabanggit sa Deuteronomio 23:2: “Isang anak sa ligaw ay


huwag papasok sa kapisanan ng Panginoon; hanggang sa


ikasangpung salin ng lahi ay walang sa kaniya’y


makapapasok sa kapisanan ng Panginoon.”


May isa pang paratang ng pangangalunya sa kamaganak


na may kasama pang panggagahasa na isinagawa ni


Ammon, na anak ni David, sa kanyang kapatid sa ama na


si Tamar (II Samuel 13:14): “Gayon ma’y hindi niya


(Ammon) dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa’t


siya’y malakas kay sa kaniya (Tamar), dinahas niya siya,


at sumiping sa kaniya.”


Mayroon pang maramihang panggagahasang


isinagawa si Absalom sa mga babae (concubine) ni David


na nasasaad sa II Samuel 16:22: “Sa gayo’y kanilang


ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng


bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


40 kaniyang ama sa paningin ng boong Isarael.” (Hindi ako


makapaniwalang magagawa ng sinumang tao ang


kahayupang ito, kahit na ang mga barbaro ay hindi ito


magagawa.)


May isa pang pangangalunya sa kamag-anak na


isinagawa naman ni Juda kay Tamar na kanyang


manugang. Noong si Juda ay patungo sa Timnat upang


gupitan ang kanyang mga tupa ay nakita niya si Tamar.


Inakala niyang ito ay isang patutot sapagkat tinakpan nito


ang mukha nito (Genesis 38:18): “At kaniyang sinabi,


Anong sangla ang ibibigay ko sa iyo? At kaniyang sinabi,


Ang iyong singsing, at ang iyong pamigkis, at ang


tungkod na dala mo sa kamay. At kaniyang ipinagbigay sa


kaniya, at sumiping sa kaniya; at siya’y naglihi sa


pamamagitan niya.”


Bagamat ang mga Hudyo at ang mga Muslim ay


mahigpit na magkaaway, walang Muslim na maglalakasloob


na sumulat ng isang aklat at paratangan ang


alinmang Israelitang Propeta gaya nina Juda, David,


Jesus, at iba pa (SlaKP), ng panggagahasa,


pangangalunya sa di-kamag-anak at kamag-anak o


pagpatol sa patutot.


Ang lahat ng Propeta ay isinugo ni Allah upang


pumatnubay sa mga tao. Maiisip mo kaya na ang Diyos


ay nagsugo ng maling mga tao upang pumatnubay?


K. Sa palagay ko ay hindi. Ngunit hindi ka ba naniniwala


sa Bibliya?


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


41 M. Naniniwala kami sa lahat ng Kasulatan ng Diyos,


ngunit sa orihinal na anyo ng mga ito. Ang Diyos ay


nagsugo ng Propeta sa bawat bansa bilang tagapagbabala,


at ang ilan sa kanila ay may Kasulatan bilang patnubay sa


partikular na bansang yaon lamang. Binigyan ng Suhuf


(Kalatas) si Abraham, ng Tawrah (Bahagi ng Matandang


Tipan) si Moises, ng Zabúr (Salmo) si David, at ng Injíl


(Ebanghelyo) si Jesus. Wala ni isa man sa mga


Kasulatang ito ang nanatili sa orihinal na anyo sa ngayon.


Bahagi ng tunay na plano ni Allah, sa wakas ay isinugo


Niya si Muhammad (SKP) bilang kahuli-hulihan sa lahat


ng Propeta, na dala ang Banal na Qur’an bilang gabay


para sa buong sangkatauhan, sa anumang pook at sa


anumang panahon.


Si Jesus mismo ay nagsabing siya ay isinugo lamang


sa mga tao ng Israel (Mateo 15:24): “Datapuwa’t siya’y


sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang


nangaligaw sa bahay ni Israel”; (Mateo 1:21): “At siya’y


manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag


mo sa kaniya’y Jesus; sapagka’t ililigtas niya ang


kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nagsabi pa


nga siya na hindi siya pumarito upang gumawa ng mga


pagbabago sa batas kundi upang ganapin (Mateo 5:17-


18): “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain


ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi


upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka’t


katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


42 mangagwala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o


isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa


kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga


bagay.”


K. Ngunit sa Marcos 16:15 ay nagsabi si Jesus: “At


sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa boong


sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat


ng kinapal.”


M. Ito ay sumasalungat sa binanggit sa itaas sa Mateo


15:24 at Mateo 1:21. Pangalawa, ang Marcos 16:9-20 ay


inalis na sa maraming Bibliya. Inilagay ng New American


Standard Bible ang bahaging ito sa loob ng mga


panaklong at sumulat ng sumusunod na komentaryo:


“Ang ilan sa mga napakatandang manuskrito ay nag-alis


ng mula sa bersikulo 9 hanggang 20.” Inamin ng New


World Translation of the Holy Scriptures na ginagamit


ng mga Saksi ni Jehovah na ang ibang mga matandang


manuskrito ay nagdagdag ng isang mahabang pagtatapos


o isang maikling pagtatapos pagkatapos ng Marcos 16:8,


ngunit ang iba naman ay nag-alis. At ang Revised


Standard Version ay sumulat ng sumusunod na talababa:


“Ang ilan sa mga sinaunang awtoridad ay nagbigay sa


aklat [ni Marcos] ng pagtatapos sa katapusan ng


[kapitulo 16] bersikulo 8 …” Ito ay nangangahulugan din


na ang pagkabuhay na mag-uli [ni Jesus] ay hindi totoo


gaya ng paglalarawan dito sa Marcos 16:9.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


43 K. Ngunit nagsabi si Jesus sa Mateo 28:19: “Dahil dito


magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang


lahat ng mga bansa …”


M. Ang “lahat ng mga bansa” ay kailangang ipaliwanag


na lahat ng labindalawang lipi ng Israel at kung hindi ay


sumasalungat ito sa Mateo 15:24 at Mateo 1:21. Sa New


American Standard Bible at sa New World Translation of


the Holy Scriptures ay hindi ito isinaling all nations


(lahat ng mga bansa) kundi all the nations, na


nangangahulugang ang labindalawang lipi ng Israel.


Ano ngayon ang palagay mo sa Bibliya?


K. Ang paniniwala ko rito ay nagsisimula nang mayanig


ngayon.


M. Natitiyak kong makukumbinsi ka sa katotohanan ng


Islam matapos nating matalakay ang ating mga


pagkakaiba.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


44 Ang Doktrina ng Trinidad


M. Naniniwala ka pa rin ba sa Trinidad?


K. Sigurado; nakasulat ito sa Unang Sulat ni Juan 5:7-8:


“For there are three that bear record in heaven, the


Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three


are one. And there are three that bear witness in earth,


the spirit, and the water, and the blood: and these three


agree in one.” [Salin sa Tagalog mula sa King James


Version: Sapagka’t tatlo ang may hawak ng talaan sa


langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo: at ang


tatlong ito ay iisa. At may tatlong nagpapatotoo sa lupa,


ang espiritu, at ang tubig, at ang dugo: at ang tatlong ito


ay nagkakaisa.]3


M. Oh, iyan ay ang nasa King James Version na


inilimbag noong 1611, at nagsilbing pinakamalakas na


katibayan ng Doktrina ng Trinidad. Ngunit ngayon, ang


bahaging ito, “ang Ama, ang Salita, at ang Espirirtu


Santo: at ang tatlong ito ay iisa,” ay inalis na sa Revised


Standard Version ng 1952 at 1971, at sa iba pang mga


3 Napilitan ang tagapagsalin na isalin sa Tagalog mula sa Ingles ang I Juan


5:7-8 sapagkat ang salin nito sa Bibliyang Tagalog ay lubhang napakalaki ng


kaibahan sa salin nito sa Ingles. Sa salin sa Tagalog ay ganito ang nasasaad: “At


ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan.


Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at


ang tatlo ay nagkakaisa.”


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


45 Bibliya, dahil ito ay komentaryo na nakapasok sa


Tekstong Griego.


Ito ang mababasa sa 1 Juan 5:7-8 ng New American


Standard Bible: “And it is the Spirit who bears witness,


because the Spirit is truth. For there are three that bear


witness, the Spirit and the water and the blood, and the


three are in agreement.” [At itong Espiritu ang


nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan.


Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang


tubig at ang dugo, at ang tatlo ay nagkakaisa.] At sa New


World Translation of the Holy Scriptures, na ginagamit


ng mga Saksi ni Jehovah, ito ang mata-tagpuan mo: “For


there are three witness bearers, the spirit and the water


and the blood, and the three are in agreement.”


[Sapagka’t may tatlong saksi, ang espiritu at ang tubig at


ang dugo, at ang tatlo ay nagkakaisa.] Nauunawaan ko


kung hindi mo nalalamang ang mahalagang bahaging ito


ay inalis na, subalit ang ipinagtataka ko ay kung bakit


maraming mga ministro at mga mangangaral ang hindi


nakaaalam nito.


Ang Trinidad ay hindi batay sa Bibliya. Ang salita


ngang Trinidad ay wala sa Bibliya o sa alinmang mga


Diksiyunaryo ng Bibliya, hindi kailanman itinuro ni


Jesus, at hindi kailanaman niya nabanggit. Walang kahit


ano mang batayan o patunay sa Bibliya upang matanggap


ang paniniwala sa Trinidad.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


46 K. Subalit sa Mateo 28:19 ay makikita pa rin natin na


sinabing: “…na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan


ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ang bahaging


ito ay hindi pa inalis; hindi kaya ito ay isang patunay sa


Trinidad?


M. Hindi. Kung binanggit mong ang tatlong tao ay


nakaupo o sama-samang kumakain, nangangahulugan


bang sila ay binubuo ng isang persona? Hindi. Ang


pagbalangkas ni Athanasius, na isang Diyakono na taga-


Egipto buhat sa Alexandria, ng Trinidad ay tinanggap ng


Konseho ng Nicea noong 325 A.D. o mga tatlong siglo na


matapos lumisan si Jesus. Walang pag-aalinlangang ang


paganismong Romano ay may impluwensiya sa


doktrinang ito: ang paniniwala sa diyos na triune (diyos


na tatlo sa isa); ang Sabbath ay inilipat sa Linggo; ang


Disyembre 25 na kaarawan ng kanilang diyos-araw na si


Mithra ay ipinakilalang kaarawan ni Jesus, bagamat


maliwanag na hinulaan ng Bibliya at ipinagbawal ang


pagpapalamuti ng Christmas Tree sa Jeremias 10:2-5:


“Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto


ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong


manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka’t ang


mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon.


Sapagka’t ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang


kabuluhan: sapagka’t may pumuputol ng punongkahoy sa


gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa


pamamagitan ng palakol. Kanilang ginayakan ng pilak at


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


47 ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at mga


pamukpok, upang huwag makilos. Sila’y gaya ng puno ng


palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang


pasanin sapagka’t hindi makalakad. Huwag ninyong


katakutan ang mga yaon, sapagka’t hindi makagagawa ng


kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.”


Dahil sa lumihis na ang Kristiyanismo nang malayo


mula sa tunay na mga katuruan ni Jesus kaya naman


isinugo ni Allah, bilang bahagi ng Kanyang orihinal na


plano, ang Kanyang huling Propeta na si Muhammad


(SKP) bilang tagapagpanauli upang panumbalikin ang


lahat ng pagbabago na ito: ang kalendaryong Romano ay


ginawang kalendaryong Kristiyano; hindi ipinagbawal


ang pagkain ng baboy; ang pagtutuli ay inalis ni Pablo


(Galacia 5:2): “Narito, akong si Pablo ang nagsasabi sa


inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala


kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.”


Ang Banal na Qur’an ay nagbabala sa Súrah 5:73:


“Talagang tumanggi nang sumampalataya ang mga


nagsabi: “Tunay na si Allah ay ikatlo sa tatlo.” At


wala nang Diyos bukod pa sa isang Diyos. At kung


hindi sila magsisitigil sa sinasabi nila, talagang


dadapuan nga ang mga tumangging sumampalataya


buhat sa kanila ng isang masakit na pagdurusa.”


Naniniwala ka pa rin ba sa Trinidad na hindi itinuro


kailanman ni Jesus?


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


48 K. Ngunit ang Diyos at si Jesus ay iisa (Juan 14:11):


“Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama at


ang Ama ay nasa akin …”


M. Basahin mo kung gayon ang Juan 17:21.


K. “Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama,


sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y suma atin …”


M. Maliwanag dito na ang Diyos at si Jesus ay iisa,


ngunit ang mga disipulo ay iisa rin kay Jesus at sa Diyos.


Kung si Jesus ay Diyos dahil siya ay nasa Diyos, bakit ang


mga disipulo kung gayon ay hindi Diyos, yamang silang


lahat ay tulad ni Jesus na nasa Diyos din? Kung ang


Diyos, si Jesus, at ang Espiritu Santo ay iisa sa Trinidad,


samakatuwid kasama ng mga disipulo sila ay magiging


isang Diyos na may labinlimang bahagi.


K. Ngunit si Jesus ay Diyos ayon sa Juan 14:9: “…ang


nakakita sa akin ay nakakita sa Ama…”


M. Isaalang-alang mo ang buong nilalaman ngayon—


kung ano ang naunang bahagi at ang sumunod na bahagi


sa (Juan 14:8): “Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon,


ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.


Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y


inyong kasama, at ako’y hindi mo nakikilala, Felipe? ang


nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi


mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?”


Kaya sa wakas tinanong ni Jesus si Felipe kung


papaanong ipakikita ang anyo ng Diyos sa mga disipulo,


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


49 na hindi posible. Dapat kang maniwala sa Diyos sa


pamamagitan ng paghanga sa Kanyang mga nilikha: ang


araw, ang buwan, ang lahat ng mga nilikha, at si Jesus


mismo na nilikha rin ng Diyos. Siya ay nagsabi sa (Juan


4:24): “Ang Diyos ay Espiritu …” at sa (Juan 5:37): “…


Kailan ma’y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig, ni


hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo.” Papaano


mong makikita ang espiritu kung gayon? Ang kanilang


nakita ay si Jesus at hindi ang Diyos. Si Pablo ay nagsabi


rin sa (I Timoteo 6:16): “… na di nakita ng sinomang


tao, o makikita man …” Kaya kung ano man ang


makikita mo ay hindi kailanman Diyos.


Nagsabi ang aming Banal na Qur’an sa Súrah 6:103:


“Hindi Siya naaabot ng mga paningin, samantalang


naaabot Niya ang mga paningin. At Siya ang Mabait,


ang Nakababatid.”


K. Tapatan lamang, mahirap itakwil ang naituro sa amin


simula sa pagkabata.


M. Marahil ang susunod na mga katanungan ay


magbibigay sa iyo ng isang mainam na pagkaunawa sa


Trinidad: Ano ang Banal na Espiritu?


K. Ang Banal na Espiritu ay ang Espiritu Santo, na


Diyos din. Itinuro sa amin, ang Ama, ang Anak, at ang


Espiritu Santo ay Diyos. Hindi kami pinapayagang


magsabing may tatlong Diyos, kundi Isang Diyos.


M. Basahin mo ang Mateo 1:18.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


50 K. “Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito:


Nang si Maria na kaniyang ina ay mag-aasawa kay Jose,


bago sila magsama ay nasumpungang siya’y


nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.”


M. Ihambing mo ngayon sa Lucas 1:26-27.


K. “Nang ikaanim na buwan nga’y sinugo ng Dios ang


anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala’y


Nazaret, sa isang dalagang mag-aasawa sa isang lalake,


na ang kaniyang ngala’y Jose, sa angkan ni David; at


Maria ang pangalan ng dalaga.”


M. Samakatuwid sa mahimalang pagsilang ni Jesus,


binanggit ni Mateo ang Banal na Espiritu at binanggit


naman ni Lucas si Anghel Gabriel, Ano kung gayon ang


Banal na Espiritu?


K. Ang Banal na Espiritu kung gayon ay si Anghel


Gabriel.


M. Naniniwala ka pa rin ba ngayon sa Trinidad?


K. Kung gayon ang Diyos ay Diyos, ang Banal na


Espiritu o ang Espiritu Santo ay si Anghel Gabriel, at si


Jesus ay …


M. Hayaan mong tulungan kita: Si Jesus ay isang Propeta,


na anak ni Maria.


K. Papaano mong malulutas ang tinatawag naming


misteryo?


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


51 M. Ginagamit namin ang Banal na Qur’an bilang


pamantayan sa pagwawasto sa mga pagbabagong ginawa


ng tao sa naunang ipinahayag na mga kasulatan. Kung


makapapaniwala ka ngayon sa Isang Diyos, at kay Jesus


na anak ni Maria bilang isang Propeta, bakit hindi ka pa


magpatuloy ng isa pang hakbang at tanggapin si


Muhammad (SKP) bilang Huling Propeta? Sabayan mo


ako sa pagbigkas ng Shahádah o Pagsasaksi, una sa


Ingles, at pagkatapos ay sa Arabe.


K. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah,


tanging Siya lamang, wala Siyang Katambal; at


sumasaksi rin ako na si Muhammad ay Kanyang Lingkod


at Kanyang Sugo. Ash’hadu an lá iláha illalláhu


wahdahu lá sharíka lahu, wa ash’hadu anna


Muhammadan ‘abduhu wa rasúluhu.


Ngunit papaano na ang aking mga ninuno? Nais ko


sanang manatiling kasama nila; silang lahat ay mga


Kristiyano.


M. Iniwan ni Propeta Abraham ang kanyang mga


magulang at mga ninuno nang ang katotohanan, ang


Islam, ay ipinahayag sa kanya. Ang bawat isa ay


mananagot para sa sarili niya. Marahil ang katotohanan


ay hindi nakarating sa iyong mga ninuno nang


kasingliwanag ng pagdating nito sa iyo ngayon. Ang


Banal na Qur’an ay nagsasabi sa Súrah 17:15: “Ang


sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang


para sa kapakanan ng kanyang sarili; at ang


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


52 sinumang naligaw ay naligaw lamang para sa


ikapapahamak niya. Hindi papasanin ng isang


kaluluwa ang pasanin ng iba. At Kami ay hindi


magpaparusa hanggang hindi Kami nagpadala ng


isang sugo.”


K. Hindi ba posibleng kapwa tanggapin ang Islam at ang


Kristiyanismo?


M. Walang pilitan sa relihiyon. Magagawa mo ang


anumang nais mo. Ngunit kung ang dalawang


pananampalataya ay iyong pagsasamahin, hindi ka pa


sumusuko kay Allah. Isa ka pa ring di-mananampalataya,


gaya nga ng ipinahayag Niya sa Súrah 4:150-152:


“Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya


kay Allah at sa Kanyang mga sugo, nagnanais na


magtangi sa pagitan ng pananamplataya kay Allah at


ng pananampalataya sa Kanyang mga sugo, at


nagsasabi: “Sumasampalataya kami sa ilan at


tumatanggi kaming sumampalataya sa iba pa,” at


nagnanais na gumawa ng daan sa pagitan niyon, ang


mga iyon sa totoo ang mga Tumatangging


sumampalataya. At naglaan na Kami para sa mga


Tumatangging sumampalataya ng nakahihiyang


pagdurusa. At ang mga sumampalataya kay Allah at


sa Kanyang mga sugo at hindi nagnais na magtangi sa


isa man sa kanila, ang mga iyon ay bibigyan Niya ng


kanilang mga gantimpala. At si Allah ay laging


Mapagpatawad, Maawain.”


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


53 Maaaring sumang-ayon ka sa akin bandang huli kung


magtata-lakayan pa tayo.


K. Hindi kaya higit na mabuting huwag munang gumawa


nang anumang Pagsasaksi o Shahádah upang wala tayong


pananagutan?


M. Sa sandaling sinapit mo na ang tamang gulang at ikaw


ay may ganap nang pag-iisip, mayroon ka nang


pananagutan magsagawa ka man ng Shahádah o hindi.


Nilikha ni Allah ang mundong ito nang may saysay.


Binigyan ka Niya ng mga sangkap upang malaman ang


pagkakaiba ng tama sa mali. Nagsugo Siya ng maraming


Propeta bilang tagapagbabala. Nilikha Niya tayo upang


sambahin Siya at nang harinawa’y magtagisan ang bawat


isa sa atin sa paggawa ng mga kabutihan sa mundong ito.


Súrah 3:191: “Panginoon namin, hindi Mo po nilikha


ito nang walang saysay, kaluwalhatian sa Iyo; …”


Súrah 90:8-10: “Hindi ba’t gumawa Kami para sa


kanya ng dalawang mata, at dila at dalawang labi? At


nilinaw Namin sa kanya ang dalawang landas [ng


kabutihan at kasamaan]?”


Surah 51:56: “At hindi Ko nilikha ang jinni at ang


tao kung hindi upang sambahin nila Ako.” Ang bawat


gawain para sa ikalulugod ni Allah ay pagsamba.


Surah 18:7: “Tunay na Aming ginawa ang


anumang nasa mundo bilang palamuti nito, upang


subukin Namin sila kung alin sa kanila ang higit na


magaling sa gawa.”


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


54 Ang Doktrina ng Pagka-Diyos


ni Jesucristo


M. Si Jesus ba ay Diyos?


K. Oo. Ayon sa Evangelio ni Juan (1:1): “Nang pasimula


siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang


Verbo ay Dios.”


M. Napagkasunduan na natin na ang isang Banal na


Kasulatan ay hindi dapat maglaman ng mga


pagsasalungatan. Kung may dalawang talatang


nagsasalungatan, iisa lamang kung gayon ang maaaring


maging tama; hindi kailanman maaaring magiging kapwa


tama o maaari pang kapwa mali.


Si Jesus kung gayon ay Diyos ayon sa Juan 1:1. Kung


gayon mayroong ilang Diyos? Dalawa ang


pinakamababa? Kung gayon ito ay salungat sa maraming


talata ng Bibliya: (Deuteronomio 4:39): “… na ang


Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa


lupa; wala nang iba pa.”; (Deuteronomio 6:4): “Dinggin


mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Diyos ay isang


Panginoon”; (Isaias 43:10-11): “...upang inyong maalaman


at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na


ako nga; walang ibang Diyos na inanyuan na una sa akin,


o magkakaroon man pagkatapos ko. Ako, samakatuwid


baga’y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang


tagapagligtas.”; (Isaias 44:6): “Ganito ang sabi ng


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


55 Panginoon … Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa


akin ay walang Dios.”; (Isaias 45:18): “Sapagka’t ganito


ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang


Diyos na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na


kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na


kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at


wala nang iba.”


Mula sa Isaias 45:18 lamang ay mahihinuha na natin


na ang Diyos lamang ang Tagapaglikha at wala nang iba


pa, na kahit si Jesus ay hindi nakilahok sa paglikha.


Tingnan mo pa ang Deuteronomio 4:35; Exodo 8:10;


II Samuel 7:22; I Mga Hari 8:23; I Mga Cronica 17:20;


Mga Awit 86:8, 89:6, at 113:5; Oseas 13:4; Zacarias


14:9.


K. Ngunit ang lahat ng mga ito ay nasa Matandang


Tipan. Matatagpuan mo ba ito sa Bagong Tipan?


M. Tiyak. Basahin mo sa Marcos 12:29 kung ano ang


sinabi ni Jesus mismo: “Sumagot si Jesus, Ang pangulo


ay, Pakinggan mo, Oh Israel; ang Panginoon nating


Diyos, ang Panginoon ay iisa.”


(I Mga Taga Corinto 8:4): “… nalalaman natin na ang


diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at


walang Dios liban sa iisa.” (I Timoteo 2:5): “Sapagka’t


may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at


sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” Pansinin mo ang


pangungusap “ang taong si Cristo Jesus.” Ngayon,


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


56 maaari mong sabihin na ang Juan 1:1 ay tama at ang


lahat ng ibang talatang ito ay mali, o ang kabaligtaran.


K. Mahirap husgahan!


M. Tingnan natin ito mula sa pananaw ng Qur’an, at ito


ay umaayon sa mga sinabi ni Jesus mismo sa Bibliya. Si


Jesus ay nabanggit nang ilang ulit sa Qur’an bilang isang


Salita mula kay Allah. Sa Súrah 3:39: “At tinawag siya


(Zacarias) ng mga anghel, habang siya ay


nananalanging nakatayo sa isang silid-dasalan at


sinabi: “Si Allah ay nagpaparating sa iyo ng


nakalulugod na balita ng pagsilang ni Juan na


maniniwala sa isang salita mula kay Allah. Siya ay


magiging maginoo, walang hilig sa babae, at isang


propeta na kabilang sa mga matutuwid.”


Sa ganoon ding Súrah 3, nabanggit naman sa talata


45: “Banggitin noong magsabi ang mga anghel: “O


Maria, tunay na si Allah ay naghahatid sa iyo ng


nakalulugod na balita ng pagsisilang mo ng isang


salitang mula sa Kanya, na ang magiging pangalan


niyon ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria;


pinarangalan sa mundo at sa Kabilang-buhay, at


kabilang sa mga ginawang malapit kay Allah.” Sa


kapwa mga talata ng Banal na Qur’an, si Jesus ay


tinatawag na isang Salita mula kay Allah na ang ibig


sabihin ay salitang nanggaling kay Allah o kay Allah, na


katugon naman sa nasasaad sa I Mga Taga Corinto 3:23:


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


57 “At kayo’y kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.” Ang Juan


1:1 ay dapat na naisulat nang ganito: “… at ang Salita ay


sa Dios.” Ang pagkakamaling ito ay maaaring sa


pagsasalin sa Griego mula sa Aramaic, na maaaring


sinadya o hindi sinasadya. Sa salitang Griego ang Theos


ay Diyos, ngunit ang Theou ay nangangahulugang sa


Diyos. (Sumangguni sa Diksyunaryo ng Wikang Griego,


o sa Bibliyang Griego, o sa aklat na pinamagatang


Muhammad in the Bible ni Propesor Abdul-Ahad Dawud,


ang dating Obispo ng Uramiah, sa Pahina 16.) Isang


pagkakaiba sa iisang titik lamang ngunit malaking mga


kinahinatnan.


K. Bakit tinatawag si Jesus na Salita ng Diyos sa Bibliya


at sa Qur’an?


M. Ang paglikha kay Jesus sa sinapupunan ni Maria ay


hindi sa pamamagitan ng punlay, sa pamamagitan lamang


ng isang salita ni Allah na: “Mangyari” tulad ng


nabanggit sa mismong Súrah 3:47: “Nagsabi siya:


“Panginoon ko! Papaano po akong magkakaroon ng


anak samantalang hindi naman ako nasaling ng isang


lalaki?” Nagsabi ito: “Ganyan si Allah, linilikha Niya


ang anumang niloloob Niya; kapag nagpasya Siya na


lumikha ng isang bagay ay magsasabi lamang Siya


rito: ‘Mangyari,’ at mangyayari.” ”


K. Si Jesus ay Diyos sapagkat siya ay puspos ng Espiritu


Santo.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


58 M. Bakit hindi mo ituring na Diyos ang ibang mga tao na


puspos din ng Espiritu Santo? (Mga Gawa 11:24):


“Sapagka’t siya’y (Bernabe) lalaking mabuti, at puspos


ng Espiritu Santo at ng pana-nampalataya: at maraming


tao ang nangaparagdag sa Panginoon.” (Mga Gawa


5:32): “At kami’y mga saksi ng mga bagay na ito; at


gayon din ang Espiritu Santo, na siyang ibinigay ng Dios


sa nagsi-sitalima sa kanya.”


Tingnan mo pa ang Mga Gawa 6:5; II Pedro 1:21; II


Timoteo 1:14; I Mga Taga Corinto 2:16; Lucas 1:41.


K. Ngunit si Jesus ay puspos ng Espiritu Santo habang


siya ay nasa sinapupunan pa ng kanyang ina.


M. Katulad din kay Juan Bautista (Lucas 1:13-15):


“Datapuwa’t sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang


matakot Zacarias: sapagka’t dininig ang daing mo, at ang


asawa mong si Elisabet ay manganga-nak sa iyo ng isang


anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang


pangalan. At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at


marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya.


Sapagka’t siya’y magiging dakila sa paningin ng


Panginoon, at siya’y hindi iinom ng alak ni matapang na


inumin; at siya’y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa


sa tiyan ng kaniyang ina.”


K. Ngunit si Jesus ay nakagagawa ng mga himala.


Pinakain niya ang limang libong tao ng limang pirasong


tinapay at dalawang isda lamang.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


59 M. Katulad din ng ginawa nina Eliseo at Elias. Pinakain


ni Eliseo ang isang daang tao ng dalawampung pirasong


tinapay at ilang puso ng mais (II Mga Hari 4:44): “Sa


gayo’y inilapag niya sa harap nila, at sila’y nagsikain, at


nagsipagtira niyaon, ayon sa salita ng Panginoon.”


Pinuno ni Eliseo ang mga sisidlan ng langis ng babaeng


balo at sinabihan ito (II Mga Hari 4:7): “… ikaw ay


yumaon, ipagbili mo ang langis, at bayaran mo ang iyong


utang, at mabuhay ka at ang iyong mga anak sa nalabi.”


Tingnan mo rin ang I Mga Hari 17:16: “At ang gusi ng


harina ay hindi nakulangan, o ang banga ng langis man


ay nabawasan, ayon sa salita ng Panginoon, na kaniyang


sinalita sa pamamagitan ni Elias.” Ganoon din ang I Mga


Hari 17:6: “At dinalahan siya ng tinapay at laman ng mga


uwak sa umaga, at tinapay at laman sa hapon, at siya’y


umiinom sa batis.”


K. Ngunit si Jesus ay nakapagpapagaling ng ketong.


M. Ganoon din si Eliseo, sinabihan niya si Naaman na


isang ketongin na maligo sa ilog ng Jordan (II Mga Hari


5:14): “Nang magkagayo’y lumusong siya (Naaman) at


sumugbong makapito sa Jordan, ayon sa sabi ng lalake


(Eliseo) ng Dios: at ang kaniyang laman ay nagsauling


gaya ng laman ng isang munting bata, at siya’y naging


malinis.”


K. Ngunit nagawa ni Jesus na bigyan ng paningin ang


isang bulag.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


60 M. At nagawa rin naman ni Eliseo (II Mga Hari 6:17): “At


si Eliseo ay nanalangin, at nagsabi, Idinadalangin ko sa


iyo, Panginoon, na idilat ang kaniyang mga mata, upang


siya’y makakita. At idinilat ng Panginoon ang mga mata


ng binata; at siya’y nakakita …” (II Mga Hari 6:20): “At


nangyari, nang sila’y magsidating sa Samaria, na sinabi ni


Eliseo, Panginoon, idilat mo ang mga mata ng mga


lalaking ito, upang sila’y makakita. At idinilat ng


Panginoon ang kanilang mga mata, at sila’y nangakakita;


at, narito, nangasa gitna ng Samaria.”


K. Si Jesus ay nakabubuhay ng patay.


M. Ihambing mo sa ginawa ni Elias (I Mga Hari 17:22):


“At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias; at ang


kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya, at siya’y muling


nabuhay.” Ganoon din sa ginawa ni Eliseo (II Mga Hari


4:34): “At siya’y (Eliseo) sumampa, at dumapa sa ibabaw


ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at


ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang


kaniyang mga kamay sa kamay niya: at siya’y dumapa sa


kaniya; at ang laman ng bata ay uminit.”


Pati na ang mga patay na buto ni Eliseo ay


nakapagpabuhay ng patay sa pamamagitan ng pagkakasagi


lamang (II Mga Hari 13:21): “At nangyari, samantalang


kanilang inililibing ang isang lalaki, na, narito, kanilang


natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang


lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


61 buto ni Eliseo, siya’y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang


mga paa.”


K. Ngunit si Jesus ay lumakad sa ibabaw ng dagat.


M. Inunat ni Moises ang kanyang kamay sa dagat (Exodo


14:22): “At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna


ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay


naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa


kanilang kaliwa.”


K. Ngunit si Jesus ay nakapagpapalayas ng demonyo.


M. Inamin ni Jesus mismo na magagawa ito ng ibang tao


(Mateo 12:27 at Lucas 11:19): “At kung sa pamamagitan


ni Beelzebul ay nagpapalabas ako ng demonio, ang


inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila’y


pinalalabas? kaya nga sila ang inyong magiging mga


hukom.”


Ang mga disipulo rin ay nakapagpapalayas ng


demonyo gaya ng sinabi ni Jesus (Mateo 7:22): “Marami


ang magsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon,


Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong


pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng


mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng


maraming gawang makapangyarihan?” Pati ang mga


bulaang propeta ay makagagawa ng mga kababalaghan,


gaya ng hinula ni Jesus mismo (Mateo 24:24):


“Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at


mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


62 tanda at mga kababalaghan; ano pa’t, ililigaw kung maaari,


pati ang mga hirang.”


K. Ngunit sina Elias at Eliseo ay nakagawa ng mga


kababalaghan sa pamamagitan ng panalangin sa


Panginoon.


M. At nagawa rin ni Jesus ang mga himala sa tulong ng


Diyos, gaya ng sinabi niya mismo (Juan 5:30): “Hindi


ako makagagawa ng anoman sa aking sarili …” at (Lucas


11:20): “Nguni’t kung sa pamamagitan ng daliri ng Dios


ay nagpapalabas ako ng mga demonio, dumating nga sa


inyo ang kaharian ng Diyos.”


Ang lahat ng himalang ginawa ni Jesus ay nagawa na


rin ng mga naunang Propeta, mga disipulo, at pati na ng


mga di-sumasampalataya. Sa kabilang dako, hindi


makagawa si Jesus ng makapangyarihang gawa kapag


mayroong kawalan ng pananampalataya (Marcos 6:5-6):


“At hindi siya nakagawa ng anomang makapangyarihang


gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay


sa ilang mga may-sakit, at pinagaling sila. At


nanggigilas siya sa kanilang di pananampalataya.”


K. Ngunit si Jesus ay nabuhay na mag-uli tatlong araw


matapos siyang mamatay.


M. Pag-uusapan natin mamaya ang hinggil sa pagkapako


sa kanya sa krus dahil mayroong napakaraming pagtatalo


hinggil dito. Sasabihin ko na lamang ngayon nang maiksi


na ito ay isang ebanghelyo ni Pablo na hindi nakakita


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


63 kailanman kay Jesus (II Timoteo 2:8): “Alalahanin mo si


Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni


David, ayon sa aking evangelio.”


Ang ebanghelyo ng Pagkabuhay na mag-uli sa Marcos


16:9-20 ay inalis na rin sa maraming Bibliya. Kung hindi


inalis, nakasulat naman ito sa maliit na titik na nasa loob


ng mga panaklong at may kasamang komentaryo.


Tingnan mo ang Revised Standard Version, ang New


American Standard Bible, at ang New World Translation


of the Holy Scriptures ng mga Saksi ni Jehovah. Hayaan


mong tanungin kita ng isang tanong: nakapagsabi ba si


Jesus na siya ay Diyos o nagsabi siyang, “Heto ako, ang


inyong Diyos, at sambahin ninyo ako”?


K. Hindi, ngunit siya ay Diyos at tao.


M. Subalit sinabi ba niya iyan?


K. Hindi.


M. Ang katotohanan, hinulaan na niya na ang mga tao ay


sasamba sa kanya nang walang kabuluhan at maniniwala


sa mga doktrinang hindi gawa ng Diyos kundi ginawa ng


tao (Mateo 15:9): “Datapuwa’t walang kabuluhan ang


pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang


pinakaaral ang mga utos ng tao.”


Ang lahat ng doktrina ng makabagong Kristiyanismo


ay gawa ng tao: ang Trinidad, ang Pagka-Diyos-Anak ni


Jesus, ang Pagka-Diyos ni Kristo, ang Pagmamana ng


kasalanan at Pagtutubos ng kasalanan. Mula sa mga


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


64 sinasabi ni Jesus na nakasulat sa Bagong Tipan ay


maliwanag na hindi siya kailanman nagpahayag na siya


ay Diyos o katulad ng Diyos: “at wala akong ginawa sa


aking sarili” (Juan 8:28); “ang Ama ay lalong dakila kay


sa akin” (Juan 14:28); “Ang Panginoon nating Dios, ang


Panginoon ay iisa.” (Marcos 12:29); “Dios ko, Dios ko,


bakit mo ako pinabayaan?” (Marcos 15:34); “Ama, sa


mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking


espiritu” (Lucas 23:46).


“Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang


nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang


Anak, kundi ang Ama” (Marcos 13:32). Si Jesus ay


tinawag na propeta, guro mula sa Diyos, Kanyang


Alagad, Mesias, at bandang huli ay itinaas sa pagiging


anak ng Diyos, at saka naging Diyos na mismo.


Gamitin natin ngayon ang ating pag-iisip: papaanong


maisisilang ng isang mortal ang Diyos na gaya ng ibang


mortal?


Si Jesus ay natutulog ngunit ang Diyos ay hindi


natutulog kailanman (Mga Awit 121:4): “Naririto, siyang


nag-iingat ng Israel. Hindi iidlip ni matutulog man.”


Kailangang ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat


ngunit papaanong nagawa ng tao na duraan siya, na ipako


siya sa krus, tulad ng sinabi nila? Paanong naging Diyos


si Kristo kung sumamba siya sa Diyos katulad ng ibang


mortal (Lucas 5:16): “Datapuwa’t siya’y lumigpit sa mga


ilang na pook, at nananalangin.”


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


65 Si Jesus ay tinukso ni Satanas sa loob ng apatnapung


araw (Lucas 4:1-13) ngunit nagsabi sa Santiago 1:13: “…


sapagka’t ang Dios ay hindi matutukso sa masamang


bagay …” Papaanong naging Diyos si Jesus kung gayon?


Makapangangatwiran pa tayo nang marami.


K. Oo, kahit ako mismo ay hindi makaunawa nito ngunit


kailangang tanggapin namin ito nang pikit-mata.


M. Hindi kaya ito pagsalungat sa Bibliya mismo na


nagsasabing kailangang subukin mo muna ang lahat ng


bagay (I Mga Tesalonica 5:21): “Subukin ninyo ang lahat


ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti.”


K. Talagang nakalilito.


M. Ngunit ang I Mga Taga Corinto 14:33 ay nagsasabi:


“Sapagka’t ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi


ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng banal.”


Ang mga doktrinang ginawa ng tao ay lumilikha ng


kalituhan.


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


66 Ang Doktrina ng


Pagka-Diyos-Anak ni Jesus


M. Si Jesus ba ay anak ng Diyos?


K. Oo. Basahin mo ang Mateo 3:17, noong


binautismuhan ni Juan si Jesus: “At narito ang isang


tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang


sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na


kinalulugdan.”


M. Hindi mo dapat tanggapin ang salitang Anak sa literal


na kahulugan sapagkat maraming Propeta, at kahit tayong


mga tao, ang tinatawag din sa Bibliya na mga anak ng


Diyos. Basahin mo ang Exodo 4:22.


K. “At iyong (Moises) sasabihin kay Faraon, Ganito ang


sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking


panganay.”


M. Heto si Jacob (Israel), ang Kanyang panganay na


anak. Basahin mo ngayon ang II Samuel 7:13-14 o ang I


Mga Taga Cronica 22:10.


K. “Kaniyang (Solomon) ipagtatayo ng bahay ang aking


pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang


kaharian magpakailan man. Ako’y magiging kaniyang


ama, at siya’y magiging aking anak …”


M. Magiging nakalilito kung babasahin mo ang Jeremias


31:9: “sapagkat ako’y pinakaama sa Israel, at ang


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


67 Ephraim ang aking panganay.” Sa Exodo 4:22 ngayon


lamang, si Israel ay tinawag din na anak na panganay.


Sino ngayon ang tunay na panganay? Si Israel ba o si


Ephraim? Ang mga pangkaraniwang tao ay maaari ring


maging mga anak ng Diyos; basahin mo ang


Deuteronomio 14:1.


K. “Kayo’y mga anak ng Panginoon ninyong Diyos …”


M. Ang mga pangkaraniwang tao ay matatawag din na


anak na panganay; basahin mo ang Roma 8:29.


K. “Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang


nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng


larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging


panganay sa maraming magkakapatid.”


M. Kung ang lahat ay panganay, ano naman si Jesus kung


gayon?


K. Siya ang nag-iisang ipinanganak na Anak ng Diyos.


M. Matagal na panahon bago pa man ipinanganak si


Jesus, ang Diyos ay nagsabi na kay David (Mga Awit


2:7): “Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: Sinabi ng


Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; Sa araw na ito ay


ipinanganak kita.” Samakatuwid si David ay ipinanganak


na Anak din ng Diyos. Ang kahulugan ng Anak ng Diyos


ay hindi literal kundi metaporiko. Ito ay maaaring ang


sinumang minamahal ng Diyos. Sinabi rin ni Jesus na


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


68 ang Diyos ay hindi Ama niya lamang kundi Ama rin


ninyo. Basahin mo ang (Mateo 5:45,48).


K. “Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na


nasa langit”; at “Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya


ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.”


M. Samakatuwid makikita mo sa maraming talata ng


Bibliya na ang taguring “Anak ng Diyos,” na


nagpapahiwatig ng pag-ibig at pagmamahal, at


pagkamalapit sa Diyos, ay hindi ipinatutungkol kay Jesus


lamang. Makakikita ka ng mga lalake at babaeng anak ng


Diyos (II Mga Taga Corinto 6:18): “At ako sa inyo’y


magiging ama, At sa akin kayo’y magiging mga anak na


lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa


lahat.” Dahil sa mga ito at sa iba pang mga talata sa


Bibliya, walang anumang dahilan kung bakit si Jesus ay


dapat ituring na Anak ng Diyos, sa literal man o sa


natatanging kahulugan.


K. Ngunit wala siyang ama; iyan ang dahilan kung bakit


siya ay anak ng Diyos.


M. Bakit mo itinuturing si Adan kung gayon na hindi


Anak ng Diyos. Siya ay walang ama at ina; at tinatawag


din na anak ng Diyos sa Lucas 3:38: “Seth na anak ni


Adan, na siyang anak ng Diyos.”4 Basahin mo ang


Hebreo 7:3.


4 Sinipi mula sa MAGANDANG BALITA para sa Ating Panahon (PBS)


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano


69 K. “Na walang ama, walang ina, walang tanda ng lahi, at


walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay


man, datapuwa’t naging katulad ng Anak ng Dios, ay


nanatiling saserdote magpakailan man.”


M. Sino siya? Ang kasagutan ay nasa Hebreo 7:1:


“Sapagka’t itong si Melquisedec, hari ng Salem,


saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong


kay Abraham …” Siya ay higit na natatangi kaysa kina


Jesus at Adan. Bakit hindi siya higit na itinuturing na


anak ng Diyos, o Diyos na mismo?


K. Ano ang tawag ninyo kay Jesus kung gayon?


M. Kaming mga Muslim ay tumatawag sa kanya na


Jesus, ang anak ni Maria.


K. Walang sinumang magkakaila nito.


M. Oo, ito ay payak at walang sinumang magkakaila


nito. Tinatawag ni Jesus ang kanyang sarili na anak ng


tao at tumanggi siyang tawaging anak ng Diyos. Basahin


mo ang Lucas 4:41.


K. “At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na


nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang Anak ng Dios. At


sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita,


sapagka’t naalaman nilang siya ang Cristo.”


M. Si Jesus na siyang hinihintay na Mesias, na isang


Propeta, ay itinaas mula sa pagiging guro upang maging


Anak ng Diyos, Panginoon, at sa bandang huli ay naging


Ang Talakayan ng Muslim at Kristiyano



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG