Mga Artikulo




41


lingkod niya o mangalunya ang babaeng lingkod niya. O


mga tagasunod ni Muhammad, sumpa man kay Alláh,


kung nalalaman lamang ninyo ang nalalaman ko, talaga


namang tatawa kayo nang madalang at talaga namang


iiyak kayo nang madalas.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn ‘Amr (RA): “Nang


naglaho ang Araw noong kapanahunan ng Sugo ni Alláh


ay nanawagan [ng ganito]: Assalátu Jámi‘ah.”11 Iniulat ni


Imám al-Bukhárí.


Mga Aral


1. Kanais-nais na magsagawa ng salátul kasúf (saláh para sa


eklipse) kapag nagkaroon ng eklipse sa araw man o sa gabi.


2. Ipinanawagan ito sa pamamagitan ng pagsabi ng ganito:


Assalatu Jami‘ah.


3. Ang saláh na ito ay binubuo ng dalawang mahahabang


rak‘ah na sa bawat rak‘ah ay mayroong dalawang rukú‘ .


4. Kanais-nais na magbigay ng pangaral ang Imám sa mga


tao pagkatapos ng saláh.


27. Ang Paghingi ng Ulan


Ang paghingi ng ulan sa khutbah sa araw ng Biyernes:


Ayon kay Anas Ibn Malik (RA): “Na may isang lalaki


pumasok, isang araw ng Biyernes, sa pintong nakaharap


sa pulpito, samantalang ang Sugo ni Alláh ay nakatayong


nangangaral. Humarap siya sa Sugo ni Alláh (SAS), na


nakatayo at nagsabi: O Sugo ni Alláh, namamatay na ang


11 Ang saláh ay isasagawa sa jamá‘ah.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


42


mga hayupan at naputol na ang mga daan, kaya manalangin


ka para sa amin na paulanan Niya kami.” Nagsabi si Anas:


“Kaya iniangat ng Sugo ni Alláh (SAS) ang kanyang mga


kamay at nagsabi: O Alláh, magpaulan Ka po; o Alláh,


magpaulan Ka po.” Nagsabi pa si Anas: “Wala, sumpa man


kay Alláh, wala kaming nakikita sa langit na anumang ulap


ni alapaap ni anupaman, gayong wala namang namamagitan


sa amin at ng [bundok] Sala‘ na gusali ni bahay.” Nagsabi


uli siya: “At may lumitaw sa likod nito (bundok Sala‘) na


isang ulap na tulad ng isang kalasag. At nang pumagitna na


ito sa langit, kumalat ito at pagkatapos ay umulan.” Sinabi


niya: “Sumpa man kay Alláh, hindi namin nakita ang araw


sa loob ng ng isang linggo. Pagkaraan ay may pumasok na


isang lalaki sa pintong iyon noong sumunod na Biyernes


samantalang ang Sugo ni Alláh ay nakatayong nangangaral.


Nakatayo itong humarap kanya at nagsabi: O Sugo ni Alláh


namatay na ang mga hayupan at naputol na ang mga daan,


kaya manalangin ka para sa amin na pigilin Niya ito (ulan).”


Nagsabi si Anas: “Kaya iniangat ng Sugo ni Alláh (SAS)


ang mga kamay niya at nagsabi: O Alláh, sa palibot namin


at hindi sa amin; O Alláh sa mga talampas, mga bundok,


mga gubat, mga burol, mga lambak, at mga tinutubuan


ng mga punong-kahoy. Sinabi niya: Kaya naman tumigil na.


Lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng Araw. Nagsabi si


Sharík: Tinanong ko si Anas: Siya rin ba ang unang lalaki?


Nagsabi siya: Hindi ko alam.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


43


Mga Aral


1. Nabanggit sa Hadith na ito ang isang tanda sa mga tanda


ng pagkapropeta ni Propeta Muhammad (SAS).


2. Ipinahihintulot ang pagdalangin ng paghiling ng ulan sa


sandali ng khutbah sa araw ng Biyernes.


3. Ipinahihintulot ang paghiling kay Alláh na patigilin ang


ulan kapag nakasasama na ito sa mga tao.


28. Ang Saláh Para sa Paghiling ng Ulan


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Zayd (RA): “Nakita


ko ang Propeta (SAS) na humihiling ng ulan. Humarap siya


sa Qiblah na nananalangin at binaliktad niya ang balabal


niya, pagkatapos ay nagdasal ng dalawang rak‘ah.” Iniulat


nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Idinaing ng mga


tao sa Sugo ni Alláh (SAS) ang mga kawalan ng ulan. Kaya


nag-utos siya [na kumuha] ng plataporma at ilagay ito para


sa kanya sa dasalan. At nagtakda siya ng isang araw na


dadaluhan ng mga tao.” Sinabi pa ni ‘A’isha (RA): “Lumabas


ang Sugo ni Alláh (SAS) nang lumitaw ang gilid ng Araw.


Naupo siya sa plataporma at nagdakila at nagpuri siya kay


Alláh, ang Makapangyarihan at Kapita-pitagan. Pagkatapos


ay nagsabi siya: Ang lahat ng papuri ay ukol kay Alláh,


ang Panginoon ng mga nilalang, ang Pinakanaaawa, ang


Maawain, ang Nag-aari ng Araw ng Pagganti. Walang


diyos kundi si Alláh; ginagawa Niya ang anumang naisin.


O Alláh, Ikaw si Alláh; walang Diyos kundi Ikaw. Ikaw


ang Mayaman samantalang kami ang mga maralita;


magpababa Ka sa amin ng ulan at gawin Mo ang ibaba


Mo para sa amin na lakas at panawid sa pansamantala.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


44


Pagkatapos ay inangat niya ang mga kamay niya at patuloy


niya sa pag-angat hanggang sa lumitaw ang kaputian ng kilikili


niya. Pagkatapos ay ihinarap niya ang likod niya sa mga


tao at binaliktad niya ang balabal niya habang inaangat niya


ang mga kamay niya. Pagkatapos ay humarap siya sa mga


tao at bumaba [sa plataporma] at nagdasal ng dalawang


rak‘ah. Gumawa si Alláh ng ulap at kumulog at kumidlat.


Pagkatapos ay umulan ayon sa kapahintulutan ni Alláh.


Hindi pa siya nakarating sa kanyang masjid ay dumuloy na


ang baha. Nang nakita niya ang pagmamadali nila papunta


sa silungan ay tumawa siya hanggang sa lumitaw ang mga


bagang niya at nagsabi: Sumasaksi ako na si Alláh ay may


kakayahan sa lahat ng bagay at na ako ay Lingkod ni


Alláh at Sugo Niya.” Iniulat ni Imám Abú Dáwúd.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Lumabas ang


Sugo ni Alláh isang araw upang humiling ng ulan, kaya


pinamunuan niya kami sa saláh na dalawang rak‘ah nang


walang adhan ni iqamah. Pagkatapos ay nangaral siya sa


amin, nanalangin kay Alláh at ibinaling niya ang mukha


niya sa qiblah nang nakataas ang mga kamay. Pagkatapos ay


binaliktad niya ang balabal niya: inilagay niya ang kanan sa


kaliwa at ang kaliwa sa kanan.” Iniulat ni Imám Ibn Majah.


Ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA): “Ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay lumabas na nakasuot pambahay, na nagpapakumbaba,


na nagsusumamo [kay Alláh].”


Mga Aral


1. Kanais-nais magsagawa ng salátul istisqá na dalawang


rak‘ah kalakip ng khutbah.


2. Kanais-nais na baliktarin ang balabal matapos humiling


ng ulan.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


45


3. Ipinahihintulot ang pagbibigay ng khutbah bago isagawa


ang salatul istisqa o pagkatapos nito.


4. Kanais-nais na lumabas [ng bahay] nang may pagpapa


kumbaba at pagpapakaaba kay Alláh.


29. Mga Alituntuning Kaugnay sa Ulan


Ang Pagbabawal na Magsabing Inulan Tayo Dahil sa


Ganito’t Gayon at ang Sinasabi Kapag Nakita ng Ulan


Ayon sa sinabi ni Zayd Ibn Khalid al-Juhani (RA):


“Nagdasal sa amin ang Sugo ni Alláh (SAS) ng dasal sa


fajr sa Hudaybiyah nang ang nagdaang gabi ay umulan.


Nang nakatapos na ang Propeta (SAS) [sa pagsasagawa ng


saláh] ay humarap siya sa mga tao at nagsabi: Nalalaman


ba ninyo ang sinabi ng Panginoon ninyo? Nagsabi sila: Si


Alláh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nagsabi


Siya: Kinaumagahan, ang ilan sa mga lingkod Ko ay


sumasampalataya sa Akin at tumatangging sumampalataya.


Kaya ang sinumang nagsabing: ‘Inulan kami dahil sa


kagandahang-loob ni Alláh at sa awa Niya’, iyon ay


isang sumasampalataya sa Akin at isang tumatangging


sumampalataya sa tala; ang sinumang nagsabing: ‘Inulan


kami dahil sa talang ito at iyan’ iyon ay tumatangging


sumampalataya sa Akin at sumasampalataya sa tala.”


Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon kay ‘Á’ishah (RA): “Ang Sugo ni Alláh (SAS)


noon, kapag nakakita ng ulan ay nagsasabing: O Alláh,


maging buhos ng ulan na kapaki-pakinabang nawa.”


Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Walang Nakaaalam Kung Kailan


Darating ang Ulan Kundi si Alláh


Mga Pang-araw-araw na Aralin


46


Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Umar, nagsabi ang Sugo ni Alláh


(SAS): “Ang susi ng nakalingid ay lima, walang nakaaalam


niyon kundi si Alláh: walang isang nakaaalam kung ano


ang mangyayari sa kinabukasan, walang isang nakaaalam


kung ano ang magiging nasa mga sinapupunan, hindi


nalalaman ng isang tao kung ano makakamit niya bukas,


hindi nababatid ng isang tao kung sa aling lupain siya


mamamatay, walang isang nakababatid kung kailan


darating ang ulan.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Mga Aral


1. Ipinagbabawal na magsabing: “Inulan tayo dahil sa ganito


at ganiyang bagay,” sa halip ang dapat sabihin ay: “Inulan


tayo dahil sa kagandahang-loob ni Alláh at awa Niya.”


2. Kanais-nais na magsabi ng sayyiban nafi‘a (Maging buhos


ng ulan na kapaki-pakinabang nawa.) kapag nakakita ng ulan.


3. Ang pagbuhos ng ulan ay ilan sa mga bagay na nakalingid


na walang nakaaalam nang may katumpakan at katiyakan


kundi si Alláh.


30. Ang Saláh al-Istikhárah12


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagtuturo noon sa amin ng istikhárah kaugnay sa lahat


ng bagay gaya ng pagtuturo niya sa amin ng mga súrah ng


Qur’an. Sinasabi niya: Kapag nagpasya ang sinuman sa


inyo na gawin ang isang bagay ay magsagawa siya ng


dalawang rak‘ah na saláh na hindi farídah at pagkatapos


ay magsabi siya ng ganito:


12 Ang saláh na isinasagawa para humingi kay Alláh ng patnubay sa pagpapasya.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


47


Alláhumma inní astakhíruka bi‘ilmika,


wa astaqdiruka biqudratik,


wa as’aluka min fadlikal ‘adhími,


fa’innaka taqdiru wa lá aqdir,


wa ta‘lamu wa lá a‘lamu,


wa anta ‘allámul ghuyúb.


Alláhumma in kunta ta‘lamu


anna hádhal amra13 khayrun lí


fí díní wa ma‘áshí wa ‘áqibati amrí,


—maaari rin niyang sabihin: ‘ájili amrí wa ájilih—


faqdirhu lí wa yassirhu lí,


thumma bárik lí fíhi.


wa in kunta ta‘lamu anna hádhal amra sharrun lí


fí díní wa ma‘áshí wa ‘áqibati amrí,


—maaari rin niyang sabihin: ‘ájili amrí wa ájilih—


fasrifhu ‘anní wasrifní ‘anhu,


waqdir lil khayra haythu kána,


thumma ardiní bih.


O Alláh, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan


ng kaalaman Mo.


Humihiling ako sa Iyo ng kakayahan sa pamamagitan


ng kakayahan Mo.


Humihingi ako mula sa dakilang kagandahang-loob


Mo,


sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya at hindi ako


nakakakaya,


at nakaaalam Ka at hindi ako nakaaalam,


13 Banggitin niya rito ang pagpapasyang gagawin niya.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


48


at Ikaw ay ang pinakanakaaalam sa mga nakalingid.


O Alláh, kung nalalamn Mo na ang bagay na ito ay


mabuti para sa akin:


sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng


balak ko


—O maaari rin niyang sabihin: sa kasalukuyan ko at


hinaharap ko—


itakda Mo na mangyari ito sa akin at pagaanin Mo


ito para sa akin,


pagkatapos ay biyayaan Mo ako rito.


Kung nalalaman Mo na ang bagay na ito ay masama


para sa akin:


sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng


balak ko


—O maaari rin niyang sabihin: sa kasalukuyan ko at


hinaharap ko—


ilayo Mo ito sa akin at ilayo Mo ako rito,


at itakda Mo na mangyari sa akin ang mabuti saanman


ito, pagkatapos ay palugudin Mo ako dito.


Nagsabi siya (SAS) na banggitin nito ang kailangan nito.


Iniulat ito ni Imám al-Bukhárí.


Mga Aral


1. Kanais-nais na magsagawa ng saláh para sa istikhárah


kapag ninanais ng isang Muslim na magsagawa ng isang


gawaing hindi niya malinaw ang kahihinatnan nito.


2. Saklaw nito ang lahat ng gawain at isinasagawa ito bago


magpasyang kumilos.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


49


31. Ang Kainaman ng Pag-aaruga sa Isang Ulila


at ang Pagiging Kana-nais na Pakitunguhan Ito


ng May Kabaitan


Sinabi ni Alláh (93:9): “Kaya naman ang ulila ay


huwag mong siilin”


Sinabi pa Niya (76:8): “Nagpapakain sila–dahil sa pagibig


sa Kanya–sa isang dukha, isang ulila at isang bihag.”


Ayon sa sinabi ni Sahl Ibn Sa‘d (SAS): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ako at ang nag-aaruga ng ulila ay


magiging ganito sa Paraiso. Ipinahiwatig niya iyon sa


pamamagitan ng hintuturo at hinlalato na ibinuka niya.”


Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ang nag-aaruga ng ulila, kamaganak


man niya o hindi niya kaanu-ano, ako at siya ay


gaya nitong dalawa sa Paraiso. Ang tinutukoy niya ay


ang hintuturo at ang hinlalato.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kainaman ng pag-aaruga sa ulila at ang paghihikayat


na gawin iyon.


2. Na iyon ay isang dahilan sa pagpasok sa Paraiso at pagangat


ng antas doon.


3. Na saklaw nito ang lahat ng ulila, kahit pa man ito ay


isang kamag-anak.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


50


32. Ang Babala sa Paglustay sa Yaman ng Ulila


Sinabi ni Alláh (4:10): “Tunay na ang mga lumulustay


sa mga ari-arian ng mga ulila nang labag sa katarungan


makatarungan ay nagpapasok lamang sa mga tiyan nila


ng apoy. Papasok sila sa Apoy na naglalagablab.”


Ayon kay Abú Hurayrah, ang Propeta (SAS) ay nagsabi:


“Pangilagan ninyo ang pitong makapagpapahamak na


kasalanan.” Nagsabi sila: “O Sugo ni Alláh, at ano po ang


mga ito?” Sinabi niya: “Ang pagtatambal kay Alláh, ang


panggagaway, ang pagpatay sa buhay na ipinagbawal


ni Alláh [na patayin] maliban kung nasa katwiran, ang


pakikinabang sa ribá,14


ang paglustay sa ari-arian ng ulila,


ang pagtalikod [sa pakikipaglaban] sa araw ng digmaan,


at ang paninirang-puri sa mga babaeng mararangal na


mananampalataya na inosente.” Iniulat nina Imám al-


Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Khuwaylid Ibn ‘Umar al-Khuza‘i


(RA): “Ang Propeta (SAS) ay nagsabi: ‘O Alláh, tunay na


ituturing kong nagkakasala [ang lumalabag] sa dalawang


mahihina: ang ulila at ang babae.”


Mga Aral


1. Ang babala laban sa pagkain sa ari-arian ng ulila nang


wala sa katuwiran.


2. Na ito ay kabilang sa mga malalaking nakapapahamak


na kasalanan.


14 Ang paggamit o pagtanggap ng patubo sa pautang.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


51


33. Ang Tao at Kasama ng Kanyang Iniibig


Ayon kay Anas Ibn Málik (RA): “May isang Arabeng


disyerto na nagsabi sa Sugo ni Alláh: Kailan ang Araw ng


paghuhukom? Nagsabi rito ang Sugo ni Alláh: Ano ang


inihanda mo para roon? Nagsabi ito: ‘Ang pag-ibig kay


Alláh at sa Sugo Niya.’ Nagsabi siya: Ang tao ay kasama


ng kanyang iniibig.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA): “May


isang lalaking nagpunta sa Sugo ni Alláh (SAS) at nagsabi:


O Sugo ni Alláh, paano po ang tingin mo sa isang taong


nagmamahal sa mga tao subalit hindi pa siya umabot sa gaya


ng ginagawa nila?’ Nagsabi ang Sugo ni Alláh (SAS): Ang


tao ay kasama ng iniibig niya.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay Abú Hurayrah: “Ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: Ang mga kaluluwa ay mga hukbong ipinangkat,


kaya ang nagkasang-ayunan sa mga ito ay nagbubuklod


at ang mga nagkasalungatan ay nagkakaiba.” Iniulat ni


Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kainaman ng pagmamahal sa mga taong matutuwid,


at na ito ay isand dahila ng pagiging mga kasama nila sa


Paraiso, kahit man kaunti ang nagawang mabuti.


2. Ang panganib na dulot ng pag-ibig sa mga tumatangging


sumampalataya at mga suwail.


3. Na ang sinumang umibig sa isang pangkat ng mga tao,


siya ay mapabibilang sa kanila sa Araw ng Pagkabuhay.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


52


34. Ang Kahatulan sa Paggawa ng Larawan at sa


mga Larawan


Ayon sa sinabi ni Abú Talhah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Hindi pumapasok ang mga anghel


sa bahay na sa loob nito ay may aso ni larawan.” Iniulat


nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA): “Narinig


ko ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Tunay ang mga


taong may pinakamatinding pagdurusa mula kay Alláh


sa Araw ng Pagkabuhay na muli ay ang mga gumagawa


ng larawan.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon kay ‘Á’ishah (RA), siya ay bumili ng almuhadon15


na may mga larawan. Nang makita ito ng Sugo ni Alláh


(SAS) ay tumayo ito sa pinto at hindi pumasok. Nalaman


niya sa mukha niyon ang pagksuklam. Nagsabi ito: “Sinabi


ko: O Sugo ni Alláh, nagsisisi ako kay Alláh at sa Sugo


Niya; anong pagkakasala ang nagawa ko? Nagsabi siya: Ano


ang katuturan ng almohadon na tio? Nagsabi ito: Binili ko


ito upang upuan mo ito at upang ipang-unan mo ito. Nagsabi


ang Sugo ni Alláh (SAS): Tunay na ang mga may gawa ng


mga larawang ito ay pagdurusahin sa araw ng pagkabuhay


at sasabihin sa kanila: ‘Buhayin ninyo ang anumang


nilikha ninyo.’ Sinabi pa niya: Tunay na ang bahay ng


ang loob nito ay may mga larawan ay hindi pinapasok


ng mga anghel.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám


Muslim.


15 Maliit na unan na inupuan o sinasandigan.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


53


Mga Aral


1. Ang pagbabawal ng paggawa ng larawan at na ito ay


kabilang sa mga malaking kasalanan.


2. Na ang mga anghel ay hindi pumapasok sa bahay na ang


loob nito ay may larawan.


3. Na ang mga gumagawa ng mga larawan ay ang mga


taong magkakamit ng pinakamatinding pagdurusa sa Araw


ng Pagkabuhay.


35. Ang Panaginip: Ang Kabutihan Nito at ang


Babala Laban sa Pagsisinungaling Tungkol Dito


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Narinig ko


ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Wala nang natira


sa pagkapropeta maliban pa sa mga tagapaghatid ng


nakalulugod na balita. Nagsabi sila: At ano po naman ang


mga tagapaghatid ng nakalulugod na balita? Nagsabi


siya: Ang mabuting panaginip.”


Ayon sa sinabi ni Abú Qatádah (RA): “Narinig ko ang


Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Ang mabuting panaginip


ay mula kay Alláh at ang masamang panaginip ay mula


kay Satanas. Kapag nanaginip ang sinuman sa inyo ng


bagay na kinasusuklaman niya ay dumura siya sa kaliwa


niya nang tatlong ulit at magpakupkop kay Alláh laban


sa masamang dulot nito at hindi na siya mapipinsala nito.”


Iniulat nina Imám al-Bukahri at Imám Muslim.


Ayon kay Ibn ‘Abbás, ang Propeta (SAS) ay nagsabi:


“Ang sinumang magpanggap na nanaginip ng isang


panaginip na hindi niyan naman nakita ay aatasang


Mga Pang-araw-araw na Aralin


54


pagbuhulin niya ang dalawang butil ng barley at hindi


niya magagawa [iyon].” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Mga Aral


1. Malaki ang kahalagahan ng mabuting panaginip yamang


ito ay kabilang sa mga tagapagparating ng nakalulugod na


balita at isang bahagi ng pagkapropeta.


2. Ang mabuting panaginip ay mula kay Alláh samantalang


ang masamang panaginip ay mula kay Satanas.


3. Matindi ang parusa sa nagsisinungaling sa pagsasalaysay


ng panaginip niya.


36. Ang mga Alituntunin at ang mga Sunnah Hinggil


sa Panaginip


Ayon sa sinabi ni Abú Qatádah (RA): “Narinig ko ang


Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Ang mabuting panaginip


ay mula kay Alláh at ang masamang panaginip ay mula


kay Satanas. Kapag nanaginip ang sinuman sa inyo ng


bagay na kinasusuklaman niya ay dumura siya sa kaliwa


niya nang tatlong ulit at magpakupkop kay Alláh laban


sa masamang dulot nito at hindi na siya mapipinsala nito.”


Iniulat nina Imám al-Bukahri at Imám Muslim. Dinagdagan


naman ng ganito sa isa pang sanaysay: “Ibahin niya ang


tagiliran niyang dati niyang hinihigaan.”


Ayon kay Abú Sa‘id al-Khudrí (RA), narinig niya ang


Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: “Kapag nakakita ang


sinuman sa inyo ng panaginip na naiibigan niya, ito ay


nagmula lamang kay Alláh; magpuri siya kay Alláh dahil


dito at ipagsabi niya ito. Kapag nakakita naman ng hindi


Mga Pang-araw-araw na Aralin


55


ganoon na kinasusuklaman niya, iyon ay nagmula lamang


kay Satanas; magpakupkop siya kay Alláh laban sa masama


na dulot nito at huwag niyang banggitin ito sa kaninuman,


at ito ay hindi makapinsala sa kanya.” Iniulat ni Imám


al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Narinig ko ang Sugo ni


Alláh (SAS) na nangangaral na nagsabi: Huwag ngang


ipagsabi ng sinuman sa inyo ang tungkol sa paglalaro


sa kanya ni Satanas sa kanyang panaginip.”


Mga Aral


1. Kapag nakakita ang isang Muslim sa panaginip niya ng


hindi niya naibigan ay dumura siya (nang walang kasamang


laway) sa kaliwa niya nang tatlong ulit at magpakupkop siya


kay Alláh (magsabi ng a‘údhu billáhi minash shaytánir


rajím) laban masamang dulot nito at humiga siya sa ibang


tagiliran niya.


2. Kapag nakakita ang isang Muslim ng panaginip na hindi


niya naibigan ay huwag niyang ipagsabi iyon sa kaninuman


nang hindi iyon makapinsala sa kanya.


3. Kailangang hindi ipamalita ng isang Muslim ang nakita


niyang magulong panaginip na walang iba kundi paglalarao


sa kanya ni Satanas.


37. Ang Pagtugon sa Paanyaya


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: “Ang tungkulin ng isang Muslim sa kapwa


Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati [nito], ang


pagdalaw sa may-sakit, ang pagdalo sa libing [nito], ang


Mga Pang-araw-araw na Aralin


56


pagpapaunlak sa paanyaya [nito] at ang pagsabi ng


yarhamukalláh (kaawaan ka ni Alláh) sa bumahin.”


Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Umar: “Nagsabi ang Sugo ni


Alllah (SAS): Kapag inanyayahan ang sinuman sa inyo


sa piging ay daluhan niya iyon.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Nagsabi ang Sugo ni


Alláh (SAS): Kapag inanyayahan ang sinuman sa inyo sa


pagkain ay tumugon; maaari siyang kumain at maaari


ring hindi niya galawin.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo (SAS) ay


nagsabi: “Kaaba-abang pagkain ang pagkain sa piging na


inanyayahan doon ang mga mayaman at isinantabi ang


mga dukha. Ang sinumang hindi pumunta sa paanyaya


ay sumuway kay Alláh at sa Kanyang Sugo.” Iniulat ni


Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ipinag-uutos na tugunin ang paanyaya sa piging.


2. Ang pagtugon sa paanyaya ay ilan sa tungkulin ng isang


Muslim sa kapuwa niya Muslim.


3. Ang pagpapaunlak sa paanyaya ay hindi nag-oobligang


kumain ng pagkain.


38. Ang mga Kaasalan sa Paghingi ng Pahintulot


Sinabi ni Alláh (24:27): “O mga sumampalataya,


huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi ninyo


bahay hanggang hindi kayo humihingi ng pahintulot


at bumabati sa nakatira roon.”


Sinabi pa Niya (24:59): “Kapag sumapit na ang mga


bata sa inyo sa kasapatang gulang ay humingi rin sila ng


Mga Pang-araw-araw na Aralin


57


paalam gaya ng paghingi ng paalam ng mga matanda


sa kanila.”


Ayon sa sinabi ni Jábir (SAS): “Pumunta ako sa Propeta


dahil sa utang ng aking ama. Kinatok ko ang pinto at nagsabi


siya: Sino iyan? Sinabi ko naman: Ako! Nagsabi naman


siya: Ako! Ako! Para siyang nainis doon [sa sinabi ko].”


Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Sahl Ibn Sa‘d (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ginagawa lamang ang paghingi


ng paalam dahil sa makikita [na hindi dapat makita.]”


Iniulat nina Imám al-Bukrari at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Kaldah Ibn al-Hanbal: “Pumunta ako


sa Propeta (SAS) at pumasok ako sa kinaroroonan niya at


hindi ako bumati sa kanya kaya nagsabi ang Propeta (SAS):


Bumalik ka at magsabi ng: Assálamu ‘Alaykum at saka


ka pumasok.” Iniulat nina Imám Abú Dáwúd at Imám at-


Tirmidhí.


Ayon sa sinabi ni Abú Músá al-Ash‘arí (RA): “Nagsabi


sa akin ang Sugo ni Alláh (SAS): Kapag humingi ng


pahintulot ang sinuman sa inyo nang tatlong ulit at


hindi siya pinahintulutan ay umuwi na siya.” Iniulat nina


Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ipinag-uutos na magpaalam bago pumasok sa ibang bahay.


2. Sunnah na kapag tinanong ang humihingi ng pahintulot


kung sino siya ay ang sabihin niya ang pangalan niya at


huwag siyang magsabing: Ako.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


58


3. Ang paghingi ng pahintulot ay hanggang tatlong ulit


lamang; kapag pinahintulutan siya ay pumasok siya at kung


hindi naman ay umuwi.


39. Ang Tungkuling Mag-ingat sa mga Kaguluhang


Ihinahasik ni Satanas sa mga Muslim


Sinabi ni Alláh (17:53): “Sabihin mo sa mga lingkod


Ko na sabihin nila ang lalong mabuti. Tunay na ang


Demonyo ay naghahasik ng pagkamuhi sa pagitan nila.”


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Narinig ko ang Sugo ni


Alláh na nagsasabi: Tunay na ang Demonyo ay nawalan


na ng pag-asa na sasambahin pa siya ng mga nagdarasal


sa Tangway16 ng Arabia, subalit patuloy pa rin siya sa


pagnunulsol sa kanila.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Narinig ko ang Sugo ni


Alláh (SAS) na nagsasabi: Tunay na ang trono ni Satanas


ay nasa ibabaw ng dagat. Isinusugo niya ang mga kampon


niya upang maghasik ng kaguluhan sa mga tao. Ang


pinakadakila sa mga ito para sa kanya ay ang pinakamalaki


sa kanila sa paggawa ng kaguluhan.” Iniulat ni Imám


Muslim.


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA): “Nagsabi


ang Sugo ni Alláh (SAS): Wala sa inyo ni isa man na hindi


tinalagaan ng kasa-kasamang jinn. Nagsabi sila: Ikaw rin


ba, o Sugo ni Alláh? Nagsabi siya: At pati ako rin; kaya


nga lamang tinulangan ako ni Alláh laban dito kaya


yumakap ito sa Islam kaya wala itong inuudyok sa akin


kung hindi mabuti.” Iniulat ni Imám Muslim.


16 Isang kalupaang halos napaliligiran ng tubig ngunit nakadugtong sa isang


malaking kalupaan, gaya ng Kabikolan at Italia.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


59


Mga Aral


1. Ang pagbibigay diin sa pagkamuhi ni Satanas sa mga


Mananampalataya.


2. Kailangang mag-ingat sa mga kaguluhang nagaganap sa


pagitan ng mga tao at magsikap na sugpuin ang mga ito


dahil ang mga ito ay kabilang sa mga gawain ni Satanas.


40. Ang Pagtatalusira17 at ang Babala Laban Doon


Sinabi ni Alláh (5:1): “O mga sumampalataya, tuparin


ninyo ang mga kasunduan.”


Sinabi Niya (17:34): “Tuparin ninyo ang kasunduan;


tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan.”


Ayon kay ‘Abdulláh Ibn ‘Amr (RA): “Ang Propeta


(SAS) ay nagsabi: May apat [na katangian] na ang sino


mang nasa kanya ang mga ito ay magiging ganap na


mapagkunwari; at ang sinumang nasa kanya ang isang


katangian sa mga ito ay magiging nasa kanya ang isang


katangian ng pagkamapagkunwari maliban kung iiwan


niya ito: kapag pinagkatiwalaan siya ay nagtataksil siya;


kapag nagsalita siya ay nagsisinungaling siya; kapag


nangako siya ay nagtatalusira siya; at kapag nakipagtalo


siya ay nagsasalita siya nang marahas.” Iniulat nina Imám


al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Ibn Mas‘úd (RA): “Nagsabi ang


Propeta (SAS): Ang bawat nagtatalusira ay may watawat


sa araw ng Pagkabuhay na muli, at sasabihin: Ito ang


17 Sumisira sa pangako.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


60


pagtatalusira ni Polano.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí


at Imám Muslim.


Ang mga Aral


1. Ang pagbabawal sa pagtatalusira at ang babala laban dito.


2. Na ito ay kabilang sa mga katangian ng mga Munáfiq


(Mapagpanggap) .


3. Ang pagbubunyag sa nagtatalusira sa araw ng pagkabuhay


dahil sa kasagwaan ng kanyang ginawa.


41. Ang Pandaraya at ang Babala Laban Dito


Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Ang Sugo ni Alláh


(SAS) ay napadaan sa isang tumpok ng makakain. Ipinasok


niyo rito ang kamay niya at nabasa ang mga daliri niya. Kaya


nagsabi siya: Ano ito, may-ari ng pagkain? Nagsabi iyon:


Nabasa ito ng ulan, Sugo ni Alláh. Nagsabi siya: At bakit


hindi mo ito inilagay sa ibabaw ng makakain upang makita


ito ng mga tao. Ang sinumang nandaraya sa atin ay hindi


kabilang sa atin.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ang sinumang humahawak ng


sandata laban sa atin ay hindi kabilang sa atin; at ang


sinumang nandaraya sa atin ay hindi kabilang sa atin.”


Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay Tamím Ibn Aws ad-Dárí (RA): “Ang Propeta


ay nagsabi: Ang Relihiyon ay ang katapatan. Sinabi namin:


Kaninu, Sugo ni Alláh? Sinabi niya: Kay Alláh, sa Aklat


Niya, sa Sugo Niya, sa mga pinuno ng mga Muslim, at


sa kabuuan nila.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


61


Mga Aral


1. Ang pagbabawal ng pandadaya at na ito ay kabilang sa


mga malaking kasalanan.


2. Ang tungkuling maging tapat sa mga kapwa Muslim at


maghangad ng kabutihan para sa kanila.


42. Ang Pagbabawal na Magalit at ang Sinasabi at


ang Ginagawa Kapag Nagalit


Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “May lalaking nagsabi


sa Propeta (SAS): Tagubilinan mo po ako. Nagsabi siya:


Huwag kang magalit. At inulit-ulit nito [ang hiling na] iyon,


[at sa tuwina ay] nagsasabi siya: Huwag kang magalit.”


Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): ‘Ang malakas ay hindi sa pananaig


ng lakas, datapuwat ang malakas ay ang nakapagpipigil ng


sarili niya sa sandali ng galit.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí


at Imám Muslim.


Ayon kay Abú Dharr (RA): “Ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: ‘Kapag nagalit ang sinuman sa inyo habang


siya ay nakatayo ay maupo siya. At kung umalis ang galit


sa kanya [ay sapat na iyon], at kung hindi pa ay mahiga


siya.” Iniulat ni Imám Abú Dáwúd.


Ayon sa sinabi ni Sulayman Ibn Surad (RA): “May


naglaitan na dalawang lalaki sa harap ng Propeta (SAS)


samantalang kami ay nakaupo sa tabi niya. Ang isa sa kanila


ay nanglalait sa kasama nito, na galit na galit na namumula


ang mukha nito. Kaya nagsabi ang Propeta (SAS): Tunay


Mga Pang-araw-araw na Aralin


62


na ako ay talagang may nalalamang salita na kung


sasabihin lamang niya iyon ay talagang aalis sa kanya


ang ikinagagalit niya: A‘údhu billáhi minash shaytánir


rajím.18” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ang mga Aral:


1. Ang tagubilin ng Sugo ni Alláh (SAS) na iwasan ang galit


at ang pagpupuri niya sa nagpipigil ng sarili niya sa sandali


ng galit.


2. Ang patnubay sa nagagalit samantalang siya ay nakatayo


ay maupo siya; sapat na iyon kung naalis na sa kanya ang


galit niya at kung hindi naman ay mahiga siya.


3. Ang patnubay ng Sugo (SAS) na ang sinumang nagagalit


ay magpakupkop kay Alláh sa pamamagitan ng pagsabi ng:


A‘údhu billáhi minash shaytánir rajím.


43. Ang Pagdalaw sa mga Libingan


Ayon sa sinabi ni Sulaymán Ibn Buraydah (RA):


“Nagsabi ang Sugo ni Alláh (SAS): Ako noon ay nagbawal


sa inyo sa pagdalaw sa mga libingan ngunit ngayon ay


dalawin na ninyo ang mga ito.” Iniulat ni Imám Muslim.


Nagdagdag si Imám at-Tirmidhí sa kanyang tala ng ganito:


“Sapagkat ang mga ito ay nagpapaalaala sa inyo hniggil


sa Kabilang-buhay.”


Ayon pa rin sa sinabi ni Sulaiman Ibn Buraydah (RA):


“Ang Propeta (SAS) ay nagtuturo noon sa kanila, kapag


nagsadya sila sa mga libingan, na magsabi ang bawat isa sa


18 Nagpapakupkop ako kay Alláh laban sa Demonyo na isinumpa.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


63


kanila: Assalámu ‘alaykum ahlad diyári minal mu’minína


wal muslimína, wa inná in shá’Alláhu bikum láhiqún,


as’alulláha laná wa lakumul ‘áfiyah.19” Iniulat ni Imám


Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Marthad (RA): “Narinig ko ang


Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Huwag kayong magdasal


sa harap ng mga libingan at huwag ninyong upuan ang


mga iyon.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ang maupo ang isa sa inyo sa baga


kaya sinusunog na nito ang damit niya at aabot na ito sa


balat niya ay mainam para sa kanya kaysa sa maupo siya


sa puntod.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ang mga Aral


1. Kanais-nais na dalawain ang mga libingan sapagkat ang


mga ito ay nagpapaalaala sa Kabilang-buhay.


2. Kanais-nais ang bumati kapag papasok sa libingan ng


pagbating itinuro ng Sugo (SAS).


3. Ipinagbabawal ang magsagawa ng saláh na nakaharap


sa mga puntod sapagkat ito ay nagsisilbing daan patungo


sa pagsamba sa mga ito.


4. Ipinagbabawal ang pag-upo sa ibabaw ng mga puntod.


19 Ang kapayapaan ay sumainyo, mga mamayan ng lungsod, na kabilang


sa mga Mananampalataya at mga Muslim. Tunay na kung loloobin ni


Alláh, sa inyo ay susunod na kami. Hinihiling ko kay Alláh para sa amin


at para sa inyo ang kabutihan.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


64


44. Ang Pagbabawal sa Pag-inom ng Alak


Sinabi ni Alláh (5:90): “O mga sumampalataya, ang


alak, ang sugal, ang pag-aalay sa mga altar at ang


pagsangguni sa mga palaso ay karumalan lamang na


kabilang sa gawain ni Satanas, kaya iwasan ninyo ang


mga ito nang harinawa’y magtagumpay kayo.”


Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Umar (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Ang bawat nakalalasing ay alak at ang


bawat alak ay haram. Ang sinumang uminom ng alak


sa Mundo at namatay habang siya ay nagpakasugapa


na sa alak at hindi nagsisi, hindi na niya maiinom ito


sa Kabilang-buhay.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Nagsabika ang Sugo ni


Alláh (SAS): Ang bawat nakalalasing ay haram. Tunay na


may pangako si Alláh na talaga namang ang sinumang


uminom ng nakalalasing ay papainumin Niya ng tínatul


khabál. Nagsabi sila: O Sugo ni Alláh, at ano po naman


ang tínatul khabál? Sinabi niya: Pawis ng mga mananahan


sa Apoy o katas ng mga mananahan sa Apoy.” Iniulat ni


Imám Muslim.


Ayon kay Tariq Ibn Suwayd (RA): “Tinanong nito ang


Propeta tungkol sa alak. Ipinagbawal niya iyon. Kaya sinabi


nito: Ginagawa ko lamang ito bilang gamot. Nagsabi siya:


Tunay na iyon ay hindi gamot, datapuwa’t iyon ay sakit.”


Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn ‘Umar: “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ang sinumang uminon ng alak sa


Mundo, hindi tatanggapin ni Alláh sa kanya ang anumang


Mga Pang-araw-araw na Aralin


65


saláh sa loob ng apatnapung araw. Kung magsisisi siya,


tatanggapin ni Alláh ang pagsisisi niya. Kung manumbalik


siya [sa pag-inom], hindi tatanggapin ni Alláh sa kanya


ang anumang saláh sa loob ng apatnapung araw. Kung


magsisisi na naman siya, tatanggapin na naman ni Alláh


ang pagsisisi niya. Kung manumbalik na naman siya [sa


pag-inom], hindi na naman tatanggapin ni Alláh sa kanya


ang anumang saláh sa loob ng apatnapung araw. Kung


magsisisi na naman siya, tatanggapin na naman ni Alláh


ang pagsisisi niya. Kung manumbalik na naman siya [sa


pag-inom] sa ikaapat [na pagkakataon], hindi na naman


tatanggapin ni Alláh sa kanya ang anumang saláh sa loob


ng apatnapung araw. Kung magsisisi na naman siya, hindi


na tatanggapin ni Alláh ang pagsisisiniya at paiinumin


Nito siya ng buhat sa ilog ng Khabal.” Iniulat ni Imám


at-Tirmidhí.


Ang mga Aral


1. Ang pagbabawal sa pag-inom ng alak.


2. Ang matinding banta laban sa pag-inom nito.


3. Na ito ay sakit at hindi gamot.


45. Ang Pagbabanta Laban sa Pakikipagtalo,


Pakikipangatuwiran at Pakikipagtungali


Ayon sa sinabi ni Abú Umámah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Walang naligaw na mga tao matapos


magkaroon ng patnubay na nasa kanila kung hindi sila


binigyan ng mapagtatalunan. Pagkatapos ay bumigkas siya


[ng talata ng Qur’án (43:58)]: Hindi sila naghahalimbawa


Mga Pang-araw-araw na Aralin


66


nito para sa iyo kundi bilang pakikipagtalo.” Iniulat ni


Imám at-Tirmidhí.


Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Tunay na ang kasuklam-suklam sa mga


tao para kay Alláh ay ang napakapalaaway sa katunggali.”


Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Umámah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ako ay gumagarantiya ng isang bahay


sa kanugnog ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa


pakikipangatuwiran kahit pa man siya ay nasa totoo, ng


isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa sinumang umayaw


sa pagsisinungaling kahit pa siya ay nagbibiro lamang,


at isang bahay sa kataas-taasan ng Parasio para sa sino


mang maganda ang kaasalan niya.” Iniulat ni Abú Dáwúd.


Ayon kay Jábir (RA): “Ang Sugo ni Alláh (SAS) ay


nagsabi: Tunay na ang pinakainiibig ko sa inyo at ang


pinakamalapit sa inyo mula sa akin sa upuan sa araw ng


pagkabuhay ay ang mga napakaganda sa inyo sa mga


kaasalan; at ang kasuklam-suklam sa inyo para sa akin


at napakalayo sa inyo sa akin sa araw ng Pagkabuhay ay


ang mga madaldal, ang mga mapangalandakan, at ang


mga mapagmayabang. Nagsabi sila: O Sugo ni Alláh,


nalaman na namin [kung ano] ang mga madaldal at ang mga


mapangalandakan ngunit ano ang mga mapagmayabang?


Sinabi niya: Ang mga mapagmalaki.” Iniulat ni at-Tirmidhí.


Mga Aral


1. Ang paghihikayat na ayawan ang pakikipagtalo maliban


na lamang kung makabubuti at sa paraang pinakamaganda.


2. Ang pagbabala sa matinding pakikipagtungali.


3. Na ang paglaganap ng pagtatalo ay tanda ng pagkaligaw.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


67


4. Ang pagsuklam ng Sugo (SAS) sa mga madaldal at mga


mapagmayabang sa mga tao kapag nagsasalita, ang pagiging


malayo nila sa kanya sa araw ng Pagkabuhay na muli.


46. Ang Kainaman ng Pagtatanim at Pagsasaka


Ayon kay Jábir (RA): “Ang Sugo ni Alláh ay dumalaw


kay Umm Mubashshir al-Ansaríyah sa pataniman nito ng


datiles at nagsabi rito: Sino ang nagtanim ng mga punong


datiles na ito: Muslim ba o Káfir? Nagsabi nito: Manapa’y


Muslim. Nagsabi siya: Walang itinatanim ang isang taong


Muslim na pananim at wala siyang sinasakang sakahan


at pagkatapos ay nakakain mula rito ang isang tao o ang


isang hayop o anupaman nang hindi iyon nagsisilbing


kawanggawa na mula sa kanya.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Nagsabi ang Sugo ni


Alláh (SAS): Ang isang Muslim na nagtanim ng isang


pananim, ang anumang kinain mula roon ay kawanggawa


mula sa kanya, ang anumang ninakaw buhat doon ay


kawanggawa mula sa kanya, ang anumang kinain ng


hayop buhat doon ay kawanggawa mula sa kanya, ang


anumang kainin ng ibon buhat doon ay kawanggawa


mula sa kanya, at walang ibabawas doon ang sinuman


nang hindi iyon nagiging kawanggawa mula sa kanya.”


Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kabutihan ng pagtatanim at pagsasaka.


2. Na ang anumang kinain ng mga hayop at tao mula sa


pananim at sinaka ay magiging kawanggawa mula sa kanya.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


68


47. Ilan sa mga Alituntunin ng Pagtitinda at Pagbili


Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Ang Sugo ni Alláh


(SAS) ay napadaan sa isang tumpok ng makakain. Ipinasok


niyo rito ang kamay niya at nabasa ang mga daliri niya. Kaya


nagsabi siya: Ano ito, may-ari ng pagkain? Nagsabi iyon:


Nabasa ito ng ulan, Sugo ni Alláh. Nagsabi siya: At bakit


hindi mo ito inilagay sa ibabaw ng makakain upang makita


ito ng mga tao. Ang sinumang nandaraya sa atin ay hindi


kabilang sa atin.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay Hákim Ibn Hizám (RA), ang Propeta (SAS)


ay nagsabi: “Ang bumibili’t nagbibili ay may kalayaang


iurong ang bilihan hangga’t hindi pa sila naghihiwalay.


Kung kapwa sila nagsabi ng totoo at nagpahayag, kapwa


sila bibiyayaan sa pagbibilihan nila; at kung kapwa sila


nagsinungaling at naglihim sa katotohanan, mapapawi


ang biyaya ng pagbibilihan nila.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ang Pagbabawal sa Panunumpa sa Pagbibilihan:


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Narinig ko


ang Sugo ni Alláh na nagsasabi: Ang panunumapa ay


panghalina upang mabili ang paninda ngunit pampawi


ng biyaya.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay Abú Qatádah, narinig niya ang Sugo ni Alláh


(SAS) na nagsasabi: “Mag-ingat kayo sa madalas na


panunumpa dahil ito ay humahalina upang mabili at


pagkatapos ay pumapawi [ng biyaya].”


Mga Pang-araw-araw na Aralin


69


Mga Aral


1. Ang pagbabawal sa pandaraya sa pagtitinda at pagbili at


na ito ay kabilang sa mga malalaking kasalanan.


2. Ang pagtitibay na malaya ang nagtitinda at bumibili na


isauli ang paninda hangga’t hindi sila nagkakahiwalay.


3. Ang panunumpa sa panunumpa sa pagtitinda at na ito ay


pumapawi sa biyaya ng pangangalakal.


48. Ang Pagbabawal sa Madalas na Pagtawa


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Huwag ninyong dalasan ang pagtawa


dahil ang madalas na pagtawa ay pumapatay sa puso.”


Iniulat ni Imám Ahmad.


Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Hindi ko nakita ang


Propeta na labis-labis na tumatawa para makita ko sa kanya


ang titilaukan niya; ngumingiti lamang siya noon.” Iniulat


ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Abú Dharr: “Nagsabi ang Sugo ni


Alláh (SAS): Ang pagngiti mo sa harap ng kapatid mo


ay isang kawanggawa mula sa iyo; ang pagtatagubilin


mo sa kabutihan at ang pagsaway mo sa masama ay


isang kawanggawa; ang paggabay mo sa isang tao na


nasa lupain ng pagkaligaw ay isang kawanggawa mula


sa iyo; ang pag-akay mo sa tao na mahina ang paningin


ay isang kawanggawa mula sa iyo; ang pag-aalis mo ng


mga tinik at mga bato sa daanan ay isang kawanggawa


mula sa iyo; ang pagbubuhos mo mula sa timba sa timba


ng kapatid mo ay isang kawanggawa mula sa iyo.”


Iniulat ni Imám at-Tirmidhí.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


70


Mga Aral


1. Ang pagsaway sa madalas na pagtawa.


2. Na ito ay isang dahilan ng pagkamatay ng puso.


3. Na ito ay hindi bahagi ng patnubay ng Propeta (SAS).


49. Ang Pagsaway sa Sinungaling na Panunumpa


Ayon kay ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd: “Ang Propeta (SAS)


ay nagsabi: Ang sinumang gumawa ng sinungaling na


panunumpa upang mangamkam sa pamamagitan nito


ng ari-arian ng isang taong Muslim, makatatagpo niya


si Alláh na galit na galit sa kanya. Pagkatapos ay ibinaba


ni Alláh ang pagpapatotoo nito (3:77): Tunay na ang mga


nagpapalit ng taimtim na pangako kay Alláh at ng mga


sinumpaan nila sa kaunting halaga ay ang mga iyon ang


walang bahagi sa Kabilang-buhay; hindi sila kakausapin


ni Alláh, hindi Niya sila titingnan sa Araw ng Pagkabuhay,


hindi Niya sila lilinisin sa kasalan at magkakamit sila


ng masakit na pagdurusa.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí


at Imám Muslim.


Ayon kay Abú Umámah (RA): “Ang Sugo ni Alláh


(SAS) ay nagsabi: Ang sinumang mangamkam ng karapatan


ng isang taong Muslim sa pamamagitan ng [sinungaling


na] panunumpa niya ay ipapataw ni Alláh sa kanya ang


Impiyerno at ipagkakait Nito sa kanya ang Paraiso. May


isang lalaking nagsabi: Kahit pa man isang maliit na bagay,


o Sugo ni Alláh? Nagsabi siya: Kahit pa man isang patpat


na mula sa [punong] Arak.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay ‘Abdulláh Ibn ‘Umar (RA): “Ang Propeta


(SAS) ay nagsabi: Ang mga malalaking kasalanan ay ang


pagtatambal kay Alláh, ang pagsuway sa mga magulang,


Mga Pang-araw-araw na Aralin


71


ang pagpatay ng tao, at ang panunumapang ghamús.20


Iniulat ni Imám al-Bukhárí. Sa isang sanaysay naman may


isang Badawi na pumunta sa Propeta ni Alláh (SAS) at


nagsabi: “O Sugo ni Alláh, ano po ang mga malalaking


kasalanan? Nagsabi siya: Ang pagtatambal kay Alláh.


Nagsabi ito: Pagkatapos ay ano pa po? Nagsabi siya: Ang


mapanlinlang na panunumpa? Nagsabi naman ako: Ano


naman ang mapanlinlang na panunumpa? Nagsabi siya: Ang


panunumpang ghamús? Nagsabi siya: Ang nangangamkan


ng ari-arian ng isang taong Muslim.


Ang mga Aral


1. Ang mariing pagbabawal sa pangangamkam ng ari-arian


ng Muslim sa pamamagitan ng sinungaling na panunumpa.


2. Ang katindihan ng parusa sa sinumang gumawa niyon at


na ang panunumpa ay magluloblob sa kanya sa Impiyerno.


3. Ang tungkuling mag-ingat laban dito.


50. Ang Pagdiin sa Pagbabawal sa Panunumpa sa


Kabulaanan


Sinabi ni Alláh (22:30): “iwaksi ninyo ang pagsasabi


ng kabulaanan.”


Sinabi pa Niya (17:36): “Huwag mong sundan ang


bagay na wala kang kaalaman. Tunay na ang pandinig,


ang paningin at ang puso, lahat ng iyon ay pananagutin.”


20 Ang panunumpang ghamus ay ang mapanlinlang na panunumpa na


maglulublob sa kasalanan at pagkatapos ay sa Impiyerno sa isang taong


gumagawa ng naturang panunumapa.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


72


Ayon sa sinabi ni Abú Bakrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ibig ba ninyong ipabatid ko sa inyo


ang pinakamalaki sa mga malalaking kasalanan? Nagsabi


kami: Opo, Sugo ni Alláh. Nagsabi siya: Ang pagtatambal


kay Alláh at ang pagsuway sa mga magulang. Nakasandig


siya at pagkatapos ay naupo siya at nagsabi: Mag-ingat sa


pagsabi ng kabulaanan at pagsaksi sa kabulaanan; magingat


sa pagsabi ng kabulaanan at pagsaksi sa kabulaanan!


Hindi siya tumigil sa pagsabi niyon hanggang sa nasabi ko


na hindi siya mananahimik.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ang mga Aral


1. Ang pagdidiin sa pagbabawal sa pagsaksi sa kabulaanan.


2. Ito ay kabilang sa napakalaking mga kasalanan yamang


nagtataglay ito ng pagsisinungaling at pagwawalang-bahala


sa mga karapatan ng mga Muslim.


51. Ang Babala Laban sa Pagsumpa (Cursing)


Ayon sa sinabi ni Thábit Ibn ad-Dahhák (RA): “Sinabi ng


Sugo ni Alláh (SAS): Ang pagsumpa sa mananampalataya


ay gaya ng pagpatay sa kanya.” Iniulat nina Imám al-


Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Ang Sugo ni Alláh


(SAS) ay nagsabi: Hindi nararapat para sa isang matapat


na siya ay maging isang mapanumpa.” Iniulat ni Imám


Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Dardá’ (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Ang mga mapanumpa ay hindi magiging


mga tagapamagitan ni mga saksi sa araw ng pagkabuhayi.”


Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


73


Ayon sa sinabi ni Ibn Mas‘úd (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Ang sumasampalataya ay hindi mapanirangpuri


ni mapanumpa ni mahalay ni mapanlait.” Iniulat


nina Imám at-Tirmidhí.


Ayon sa sinabi ni Abú Dardá’ (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Tunay na ang tao, kapag nanumpa ng


isang bagay, aakyat ang sumpa sa langit at mapipinid ang


mga pinto ng langit upang hadlangan iyon. Pagkatapos


ay babagsak iyon sa lupa at mapipinid naman ang mga


pinto nito. Pagkatapos ay dadako iyon sa kanan at kaliwa.


Kapag hindi iyon nakatagpo ng mapupuntahan ay babalik


ito sa isinumpa kung ito naman ay karapat-dapat doon


at kung hindi naman ay babalik iyon sa nagsabi niyon.”


Iniulat ni Abú Dáwúd.


Mga Aral


1. Ang babala sa pag-uukol ng sumpa sa mga Muslim.


2. Ang sumpa kapag hindi karapat-dapat sa pinag-ukulan


nito ay babalik sa nagsabi nito.


3. Ang pagsumpa ay hindi kabilang sa mga katangian ng


mga Sumasampalataya at mga Matutuwid.


52. Mga Nasasaad Kaugnay sa Tula


Sinabi ni Alláh (26:224-227): “Ang mga manunula,


sinusundan sila ng mga lumilihis. Hindi mo ba nakita


na sila sa bawat paksa ay tumatalakay at na sila ay


nagsasabi ng hindi nila ginagawa, maliban sa mga


sumampalataya at mga gumawa ng mga matuwid at mga


gumunita kay Alláh nang madalas at nanaig matapos


na labagin sila sa katarungan.”


Mga Pang-araw-araw na Aralin


74


Ayon sa sinabi ni Ubayy Ibn Ka‘b (RA): “Ang Propeta


(SAS) ay nagsabi: Tunay na mula sa tula ay may [ilang]


karunungan.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon kay al-Barra’ Ibn ‘Azib (RA): “Ang Sugo ni


Alláh (SAS) ay nagsabi noong araw ng Quraydhah kay


Hassan: Tuyain mo nang patula ang mga Mushrik dahil


tunay na si [Anghel] Gabriel ay kasama mo.” Iniulat nina


Imám al-Bukhárí ay Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (RA): Na mapuno ang tiyan ng tao ng nana


hanggang sa lamunin siya nito ay mainam pa para sa


kanya kaysa sa mapuno ito ng tula.” Iniulat nina Imám


al-Bukari at Imám Muslim.


Mga Aral


1. Na may mga tulang mabuti at mayroon ding masagwa na


masama pa.


2. Ang babala laban sa madalas na pagsasaulo ng tula kaya


ang katawan ay wala nang lamang anumang paggunita


kay Alláh at mga talata ng Qur’an.


53. Ang mga Ipinagbabawal Sambitin


Ang Pagbabawal na Tawaging Káfir ang Muslim


Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Umar (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Kapag tinawag ng isang tao na Káfir ang


kapwa niya, nagindapat nga sa [katawagang] ito ang isa


sa kanilang dalawa; kaya kung iyon nga ay tulad ng sinabi


niya [walang masama sa kanya] at kung hindi naman ay


babalik [ang katawagang] ito sa kanya.” Iniulat nina Imám


al-Bukhárí at Imám Muslim.


Mga Pang-araw-araw na Aralin



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG