Mga Pang-araw-araw
na Aralin
Mga Nilalaman
الدروس اليومية
Mga Pang-araw-araw na Aralin
1. Ang Tungkuling Pag-ingatan ang mga Oras at
ang Hindi Pagpapabayang Masayang Ito
Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Abbás (RA),1 nagsabi ang Sugo
ni Alláh (SAS):2 “May dalawang biyayang nakulangan sa
dalawang ito ang marami sa mga tao: ang kalusugan at
ang oras na walang gawain.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah: “Ang Sugo ni Alláh (SAS)
noon, kapag sumapit ang sampu [sa mga huling araw ng
Ramadán] ay nagdarasal siya sa gabi, ginigising niya, ang
mag-anak niya, lalo siyang nagsisigasig [sa pagsamba] at
umiiwas siya sa pakikipagtalik.” Iniulat nina Imám al-
Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay Ibn Mas‘úd (RA), ayon sa sinabi ng Propeta
(SAS): “Hindi aalis ang dalawang paa ng anak ni Adan
sa araw ng Pagkabuhay sa harap ng Panginoon niya
hanggang sa tanungin siya hinggil sa limang bagay:
hinggil sa buhay niya kung sa ano niya inubos ito, hinggil
sa kabataan niya kung sa ano niya ginamit ito, hinggil
1 (RA): Radiyalláhu ‘Anhu para sa lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para sa babae,
Radiyalláhu ‘Anhum para sa marami; ang ibig sabihin nito ay: Kalugdan siya (o
sila) ni Alláh. Ito ay panalanging binabanggit sa tuwing nababanggit ang pangalan o
taguri ng kasamahan o asawa ni Propeta Muhammad (SAS).
2 (SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at batiin siya ni Alláh. Sinasabi
ito kapag binanggit ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad (SAS) o
kapag tinutukoy siya.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
8
sa yaman niya kung saan niya kinita ito at kung sa ano
niya ginugol ito, at kung ano ang ginawa niya sa nalaman
niya.” Iniulat ni at-Tirmidhí
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): “Ang sinumang nangangamba ay lumilisan
nang maaaga sa gabi; at ang sinumang lumilisan nang
maaga sa gabi ay nakararating sa bahay. Tunay ngang
ang paninda ni Alláh ay mahal! Tunay ngang ang paninda
ni Alláh ay ang Paraiso.” Iniulat ni Imám at-Tirmidhí.
Ang mga Mga Aral
1. Tungkuling samantalahin ang paggamit sa mga oras sa
anumang mapakikinabangan,
2. Na ang anak ni Adan at pananagutin hinggil sa paggamit
niya ng kanyang mga oras,
3. Ang pagiging marami ng mga nagpapabaya sa mga oras
nila, nagsasayang sa mga ito at ang mga nadayo rito.
2. Ang Hatol Hinggil sa Paggamit ng mga Agimat
Sinabi ni Alláh (39:38): “Sabihin mo: Sabihin ninyo
sa akin ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay
Alláh; kung nagnais sa akin si Alláh ng isang pinsala,
sila ba ay makapag-aalis sa pinsala mula sa Kanya; o
kung nagnais sa akin si Alláh ng isang awa, sila ba ay
makapipigil sa awa niya? Sabihin mo: Sapat na sa akin
si Alláh; sa Kanya nananalig ang mga nananalig.”
Ayon sa sinabi ni ‘Uqbah Ibn ‘Ámir (RA), nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): “Ang sinumang gumamit ng agimat
ay hindi bibigyang katuparan ni Alláh ang layunin niya.”
Mga Pang-araw-araw na Aralin
9
Iniulat ni Imám Ahmad Ibn Hanbal. Sa isa namang sanaysay:
“Ang sinumang gumamit ng agimat ay nakagawa na ng
shirk.”
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn ‘Akím, nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): “Ang sinumang gumamit ng isang
bagay [bilang agimat] ipagkakatiwala siya rito.” Iniulat
ni Imám at-Tirmidhí
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA): “Narinig
ko ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Tunay na ang
mga ruqyah, mga agimat at panggayuma ay Shirk.” Iniulat
nina Ahmad Ibn Hanbal at Abú Dáwúd.
Mga Aral:
1. Ang sinumang gumamit ng agimat sa paniniwalang ito
mismo ay nakapagdudulot ng kapinsalaan o kapakinabangan
ay nakagawa ng malaking shirk dahil sa paniniwala niya na
ang kapinsalaan at kapakinabangan ay nagmumula sa iba pa
kay Alláh. Subalit kung naniwala siyang ito ay nagsisilbing
dahilan lamang, iyon ay maliit na shirk.
2. Hindi ipinahihintulot na gumamit ng mga agimat kahit pa
man ang mga ito ay mula sa Qur’an dahil ang mga Sahábí3
ay hindi gumawa niyon at dahil iyon ay nagsisilbing daan
sa paggamit ng iba pang agimat [na hindi mula sa Qur’an]
at sa maling paggamit ng Qur’an.
3. Kabilang na roon, halimbawa, ang pagsabit ng tasbíh o
ang paglalagay ng Qur’an bilang proteksiyon.
3 Kasamahan ng Propeta. Siya ay ang sinumang taong nakakita at naniwala kay
Propeta Muhammad (SAS) at namatay na Muslim. Ang sinabi o ginawa niya ay
magagamit na batayan sa Sharí‘ah. Ang pangmaramiha nito ay Sahábah.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
10
3. Ang Pagbabawal sa Pagpunta sa Lahat ng Uri
ng mga Manghuhula
Sinabi ni Alláh (27:65): “Sabihin mo: Hindi nalalaman
ng sinumang nasa mga langit at lupa ang Nakalingid,
maliban kay Alláh,”
Ayon sa ilang mga maybahay ng Propeta (SAS), ang
Propeta (SAS) ay nagsabi: “Ang sinumang magpunta sa
manghuhula at magtanong dito hinggil sa isang bagay,
hindi tatanggapin ang dasal niya sa loob ng apatnapung
araw.”4 Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah, nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): “Ang sinumang nagpunta sa manghuhula at
naniwala rito sa sinasabi nito, o nakipagtalik sa maybahay
may buwanang dalaw o nakipagtalik sa maybahay niya
sa puwit nito, ay iwinaksi na niya ang ang ibinaba kay
Muhammad.” Iniulat ni Abú Dáwúd.
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah: “Tinanong ang Sugo ni
Alláh (SAS) ng ilang mga tao tungkol sa mga manghuhula
kaya nagsabi siya: Wala sila sa katotohan. Kaya nagsabi
sila: Tunay na sila ay nagsasabi sa amin minsan ng isang
bagay at nagiging totoo naman? Kaya nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): ‘Ang salitang iyon na mula sa katotohanan
ay panakaw na kinukuha ng jinni at ibinubulong nito
iyon sa tainga ng kampon nito. Hinahaluan ng mga ito
(mga jinni) iyon ng isandaang kasinungalingan.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
4 Subalit obligado pa rin siyang magdasal.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
11
Mga Aral:
1. Ipinagbabawal ang pagpunta sa lahat ng uri ng mga
manghuhula dahil sila ay nag-aangking nagtataglay raw
sila ng kaalaman hinggil sa Nakalingid at kabatiran hinggil
sa kung ano ang nangyari o mangyayari.
2. Ang manghuhula ay maaaring magsabi ng totoo sa isang
pahayag ngunit hinahaluan niya naman ito ng maraming
kasinungalingan.
3. Kabilang sa panghuhula ang tinatawag na Panghihimalad
(Palmistry), pagbasa ng bolang kristal, at Horoscope.
4. Ang Panggagaway at ang Babala Laban Dito
Sinabi ni Alláh (2:102): “Sinunod nila ang binigkas ng
mga demonyo noong panahon ng paghahari ni Solomon.
Hindi tumalikod sa pananampalataya si Solomon; bagkus
ang mga demonyo ay tumalikod sa pananampalataya:
itinuturo nila sa mga tao ang panggagaway at ang ibinaba
sa dalawang anghel sa Babilonia, sina Hárút at Márút.
Ngunit hindi nagtuturo ang dalawang ito sa isa man
hangga’t hindi sinasabi ng dalawang ito: Kami ay tukso
lamang kaya huwag kang tumalikod sa pananampalataya.
Natututuhan nila mula sa dalawa ang nagpapahihiwalay
sa lalaki sa maybahay niya; ngunit hindi sila nakapipinsala
ng isa man sa pamamagitan nito kung hindi dahil sa
pahintulot ni Alláh. Natututuhan nila ang nakapipinsala
sa kanila at hindi nagdudulot ng pakinabang sa kanila.
Talagang nalaman na nila na talagang ang sinumang
bumili nito ay mawawalan siya sa Kabilang-buhay ng
Mga Pang-araw-araw na Aralin
12
bahagi. Talagang kaaba-aba ang bagay na ipinagbili
nila rito ang mga sarili nila, kung nalalaman lamang
nila.”
Sinabi pa Niya (20:69): “Hindi magtatagumpay
ang manggagaway saan man siya pumunta.”
Ayon kay Abú Hurayrah, ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
“Pangilagan ninyo ang pitong makapagpapahamak na
kasalanan.” Nagsabi sila: “O Sugo ni Alláh, at ano po ang
mga ito?” Sinabi niya: “Ang pagtatambal kay Alláh, ang
panggagaway, ang pagpatay sa buhay na ipinagbawal
ni Alláh [na patayin] maliban kung nasa katwiran, ang
pakikinabang sa ribá,5
ang paglustay sa ari-arian ng ulila,
ang pagtalikod [sa pakikipaglaban] sa araw ng digmaan,
at ang paninirang-puri sa mga babaeng mararangal na
mananampalataya na inosente.” Iniulat nina Imám al-
Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ipinagbabawal ang panggagaway at ito ay kabilang sa
mga makapagpapahamak na kasalanan.
2. Ito ay kabilang sa mga sumasalungat sa kaganapan ng ka-
Islaman batay sa sinabi ni Alláh: “Kami ay tukso lamang,
kaya huwag kang tumalikod sa pananampalataya.” at
dahil hindi ito naisasagawa kung hindi sa pamamagitan ng
pagsamba sa Demonyo.
3. Ang pagbabawal sa pagpunta sa mga manggagaway o
pakikipag-ugnayan sa kanila sa kanila.
5 Ang paggamit o ang pagtanggap ng patubo sa pautang.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
13
5. Ang Ruqyah6
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA): “Narinig
ko ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Tunay na ang
mga ruqyah, mga agimat at panggayuma ay Shirk.” Iniulat
nina Imám Ahmad Ibn Hanbal at Imám Abú Dáwúd.
Ayon kay ‘Á’ishah (RA): “Ang Propeta (SAS) ay
nagpahintulot sa mga ruqyah sa bawat [nakagat ng hayop
na] may kamandag.”
Ayon kay ‘Á’ishah (RA): “Ang Propeta (SAS) noon ay
umiihip sa sarili niya, noong panahon ng sakit na ikinamatay,
[matapos bumigkas] ng mga mu‘awwidhah niya. Noong
nahirapan na siya ay ako na ang umiihip sa kanya [matapos
umusal] ng mga ito, at ipinanghahaplos ko ng sariling kamay
niya dahil sa biyayang taglay ng mga ito.” Iniulat nina Imám
al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay ‘Á’ishah (RA): “Ang Propeta noon ay
bumibigkas ng mu‘awwidhah sa ilan sa mga mag-anak niya.
Hinaplos niya ng kanang kamay niya [ang may-sakit] at
nagsasabi: ‘O Alláh, Panginoon ng mga tao; alisin Mo po
ang sakit; pagalingin Mo po, Ikaw ang Tagapagpagaling,
walang kagalingan kundi ang pagpapagaling Mo, [na
nagdudulot] ng kagalingang hindi nagtitira ng sakit.”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ipinahihintulot ang ng ruqyah sa pamamagitan ng Qur’an
at mga panalanging ipinahihintulot.
6 Ito ay panalangin na idinadalangin sa may karamdama gaya ng lagnat, epilepsi
at iba pang mga karamdaman. Tinatawag din ito na ‘azímah (orasyon o bulong).
Mga Pang-araw-araw na Aralin
14
2. Ipinagbabawal ang ruqyah sa pamamagitan ng mga salita
na hindi mula sa Qur’an o mga panalanging ipinahihintulot.
3. Kung ang ruqyah ay naglalaman ng pananalanging sa iba
pa kay Alláh, iyon ay malaking shirk.
4. Ipinahihintulot sa tao na bumigkas ng mga mu‘awwidhah
para sa sarili niya at hindi kinakailangang ang ibang tao ang
gumawa niyon.
6. Ang Pagbabawal sa Panunumpa sa Iba kay Alláh
Ayon kay Ibn ‘Umar (RA), ayon sinabi ng Propeta
(SAS): “Tunay na si Alláh ay nagbabawal sa inyo na
manumpa kayo sa [ngalan ng] mga magulang ninyo.
Ang sinumang manunumpa ay manumpa kay Alláh o
manahimik.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim
Ayon kay Buraydah (SAS), ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Ang sinumang manumpa sa katapatan [niya]
ay hindi kabilang sa atin.”
Ayon kay Ibn ‘Umar (RA), may narinig siyng isang
lalaking nagsabi: “Hindi, sumpa man sa Ka‘bah.” kaya
nagsabi siya: “Huwag kang manumpa sa iba ba kay Alláh
sapagkat tunay na narinig ko ang Sugo ni Alláh (SAS) na
nagsasabi: Ang sinumang manumpa sa iba pa kay Alláh
ay lumabag sa pananampalataya o gumawa ng shirk.”
Iniulat ni Imám at-Tirmidhí.
Mga Aral
1. Ipinagbabawal ang panunumpa sa iba pa kay Alláh dahil
ito ay kabilang sa maliit na shirk na kabilang naman sa mga
malaking kasalanan.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
15
2. Ipinagbabawal n manumpa sa Propeta (SAS), sa Ka‘bah,
sa karangalan, sa buhay at sa iba pang mga nilikha ni Alláh.
3. Hindi ipinahihintulot ang panunumpa kung hindi kay
Alláh o sa mga pangalan Niya at sa mga katangian Niya.
7. Ang Paniniwala sa Masamang Pangitain
Ayon sa sinabi ni Anas (SAS), nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): “Walang pagkahawa7 at walang masamang
pangitain. Ikinatutuwa ko ang mabuting pananaw, ang
magandang salita.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám
Muslim.
Ayon kay Ibn Mas‘úd (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Ang paniniwala sa masamang pangitain ay
shirk.” Iniulat ito ni Imám Abú Dáwud.
Mga Aral
1. Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng masamang pangitain
at iyon ay ang paghinto sa pagkilos dahil sa pagkadama ng
7 Ang mga Arabe noong kapanahunan ni Propeta Muhammad (SAS), at pati na
ang marami sa mga tao sa ngayon, ay may maling pagkaunawa sa pagkahawa, na
ito raw ay nakukuha sa pakikihalubilo sa may-sakit. Ang ibig-sabihin ng Propeta
(SAS) rito ay hindi mismo ang pakikihalubilo ang sanhi ng pagkasalin ng sakit
kundi ang kalooban ni Alláh. Kung loloobin ni Alláh ay hindi magkakasakit ang
tao. Pinatunayan ng makabagong medisina na ang dahilan ng pagkakahawa ay
(1) ang pagkasalin ng mga mikrobyo, mga bakterya at mga virus ng isang uri
ng sakit at (2) ang kahinaan ng immunidad (kakayahan ng katawan na labanan
ang sakit). Maaaring makuha ang mikrobyo, bakterya at virus sa hangin, sa tubig
at kagat ng insekto, at hindi lamang sa pakikihalubilo. Ang taong may malakas na
immunidad ay hindi tatablan ng sakit kahit makihalubilo pa siya; ang mahina ang
immunidad ay madaling magkasakit kahit hindi makihalubilo sa may-sakit. Wala
pang tao na nahawa sa AIDS at Hepatitis dahil lamang sa pakikihalubilo, gayong
nakahahawa ang mga sakit na ito. Ang Tagapagsalin.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
16
masamang pangitain kapag nakakita, halimbawa, ng pusang
itim at iba pa.
2. Ito ay kabilang sa shirk kung nagsisilbing dahilan upang
tumigil sa pagkilos dahil sa paniniwalang may naidudulot
na kapinsalaan at kapakinabangan ang iba pa kay Alláh.
3. Minamabuti ang pagkakaroon ng mabuting pananaw dahil
ito ay tanda ng mabuting saloobin kay Alláh.
8. Ang Pananalig kay Alláh
Sinabi ni Alláh (65:3): “Ang sinumang manalig kay
Alláh, Siya ay sapat na sa kanya. Tunay na gaganapin
ni Alláh ang Kanyang ninanais.” Sinabi pa Niya (64:13):
“at kay Alláh manalig ang mga Sumasampalataya.”
Ayon kay Ibn ‘Abbás (RA): “Ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Itinambad sa akin ang mga sambayanan, at
nakakita ako ng propeta na may kasamang isang pangkat,
ng propeta na may kasamang isang tao at dalawang tao,
at propeta na walang kasamang isa. Nang may iniharap
sa akin na isang malaking pulutong ng tao ay nag-akala
akong sila ay sambayanan ko, kaya may nagsabi sa akin:
Ito si Moises at ang sambayanan niya. Tumingi ako at
nakakita ako ng isang malaking pulutong ng tao, at may
nagsabi sa akin: Ito ang sambayanan mo, at kasama nila
ang pitumpong libong papasok sa Paraiso nang walang
pagtutuos at pagdurusa. Pagkatapos ay tumindig siya at
pumasaok sa bahay niya. Nagtalakayan ang mga tao tungkol
sa mga ito. Nagsabi ang iba sa kanila: Marahil sila ang mga
ipinanganak sa Islam at hindi nagtambal ng anuman kay
Alláh. Bumanggit pa sila ng ibang bagay. Lumabas ang Sugo
Mga Pang-araw-araw na Aralin
17
ni Alláh (SAS) at ipinabatid niya iyon sa kanila. Nagsabi
siya: Sila ang mga hindi humiling na pagsagawaan ng
ruqyah, mga hindi nagpapahero, mga hindi naniniwala sa
masamang pangitain, at sa Panginoon nila ay nananalig.”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang kahalagahan ng pananalig kay Alláh at na ito ay ilan
sa mga napakadakilang pagsamba.
2. Ang pagsasagawa ng pananalig kay Alláh ay isang dahilan
sa pagpasok sa Paraiso nang walang pagtutuos.
9. Ang mga Sandali ng Pagtugon ng Panalangin
Ayon kay Abú Hurayrah, ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Ang pinakamalapit na kalagayan ng tao sa
Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa; kaya
damihan ninyo ang panalangin [habang nakapatirapa].”
Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Anas (RA), nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): “Ang panalangin sa pagitan ng adhán at
iqámah ay hindi tatanggihan.” Iniulat ni Imám at-Tirmidhí.
Ayon sa sinabi ni Sahl Ibn Sa‘d, nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): “May dalawang hindi tinatanggihan — o
madalang tanggihan — ang pananalangin sa sandali ng
panawagan [sa saláh] at sandali ng digmaan habang may
naglalaban ang isa’t isa.” Iniulat ni Imám Abú Dáwúd
Ayon kay Abú Hurayrah, ang Sugo ni Alláh (SAS) ay
nagsabi: “Bumababa ang Panginoon nating Mapagbiyaya
at Kataas-taasan tuwing gabi sa pinakamababang langit
Mga Pang-araw-araw na Aralin
18
habang may natitira pa sa huling ikatlong bahagi ng gabi
at nagsasabi: Ang sinumang manalangin sa Akin ay
diringgin Ko siya; ang sinumang humingi sa Akin ay
bibigyan Ko siya; at ang sinumang humingi ng tawad sa
Akin ay patatawarin Ko siya.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon kay Jabír (RA): “Narinig ko ang Sugo ni Alláh
(SAS) na nagsasabi: Tunay na sa gabi ay may isang sandali
na kapag natatapatan ito ng isang taong Muslim na
humihiling kay Alláh ng isang mabuti sa bagay na kaugnay
sa Mundo at Kabilang-buhay ay ibibigay Niya ito doon,
at iyon ay tuwing gabi.’” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Mayroong mga sandali na maaasahang ang pagtugon sa
panalangin ay higit na madalas kaysa ibang oras.
2. Hinihimok na samantalahin ang mga sandaling ito at
magsigasig sa madalas na pagdalangin sa mga sandaling ito.
3. Kabilang sa mga sandaling ito ang sumusunod: habang
nakapatirapa, sa pagitan ng adhán at iqámah, sa huling bahagi
ng gabi, at kapag nakatagpo ang kaaway sa digmaan.
10. Ang Tungkuling Dumalo sa Saláh sa Jamá‘ah
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): Tunay na ang pinakamabigat na
saláh para sa mga Munáfiq ay ang saláh sa ‘ishá’ at ang
saláh sa fajr. Kung nalalaman lamang nila ang taglay [na
gantimpala] sa dalawang ito ay talagang dadaluhan nila
ang dalawang ito, kahit pa man pagapang. [Minsan ay]
talagang nagbalak na akong mag-utos na isagawa ang
saláh at isasagawa na ang iqámah. Pagkatapos ay magMga
Pang-araw-araw na Aralin
19
uutos ako sa isang lalaki upang mamuno sa saláh sa mga
tao. Pagkatapos ay lilisan ako na may kasama akong mga
lalaki na may dalang mga bigkis ng panggatong, patungo
sa mga taong hindi dumadalo sa saláh at sisilaban ko sila
sa mga bahay nila sa apoy.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí
at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “May dumating
na isang lalaking bulag at nagsabi ito: O Sugo ni Alláh,
wala akong taga-akay na aakay sa akin patungo sa masjid.
Hiniling nito sa Sugo ni Alláh (SAS) na payagan ito na
magdasal sa bahay nito. Pinayagan naman niya ito. Subalit
nang nakatalikod na ito ay tinawag niya ito at nagsabi siya
rito: Naririnig mo ba ang panawagan sa saláh? Nagsabi
ito: Opo. Kaya nagsabi siya: Kaya naman tugunin mo.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA), nagsabi
ang Sugo ni Alláh (SAS): “Ang sinumang masisiyahang
makatagpo niya si Alláh bukas bilang isang Muslim ay
pangalagaan niya mga saláh na ito yamang nananawagan
sa mga ito, sapagkat tunay na si Alláh ay nagsabatas sa
Propeta ninyo ng mga kalakaran ng patnubay. Kung kayo
ay nagdasal sa mga bahay ninyo gaya ng pagdarasal ng
nagpapaiwan na ito sa bahay nito, talagang napabayaan
na ninyo ang sunnah ng Propeta ninyo. Kung napabayaan
ninyo ang sunnah ng Propeta ninyo, talagang naligaw na
kayo. Walang nagpapaiwan sa saláh kundi isang Munáfiq
na kilala sa pagka-Munáfiq. Talagang noon nga ay may
isang lalaki na inihahatid na inaalalayan sa pagitan ng
Mga Pang-araw-araw na Aralin
20
dalawang lalaki upang makatayo sa hanay.” Iniulat ni
Imám Muslim.
Mga Aral
1. Tungkulin ng mga lalaki na isagawa ang saláh sa jamá‘ah.
2. Ang pagpapaiwan sa saláh sa jamá‘ah ay kabilang sa mga
tanda ng mga taong nagtataglay ng nifaq.
11. Ang Kalamangan ng Saláh sa Jamá‘ah
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): “Ang saláh ng lalaki sa jamá‘ah ay
pinag-iibayo ng dalawampu’t limang ulit [ang gantimpala]
kaysa sa saláh niya sa bahay niya at sa tindahan niya. Iyan
ay dahil kapag nagsagawa siya ng wudú’ at hinusayan
niya ang wudú, pagkatapos ay lumabas siya patungo sa
masjid at walang nagpalabas sa kanya kundi ang saláh,
wala siyang hinakbang na hakbang na hindi siya tataasan
ni Alláh ng antas sa pamamagitan niyon at aalisan siya
Niya sa pamamagitan niyon ng masamang nagawa. Kapag
nagdasal siya, hindi titigil ang mga anghel na nanalangin
ng pagpapala para sa kanya sa sandaling siya ay nasa
pinagdarasalan niya: O Alláh, pagpalain Mo po siya.
Patuloy ang bawat isa sa inyo na nasa isang saláh habang
hinihintay niya ang saláh.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí
at ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Dardá’ (RA): “Narinig ko ang
Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Walang tatlong lalaki
na nasa isang nayon ni nasa ilang na hindi isinasagawa
ang saláh sa kanila nang hindi sila nadadaig ng Demonyo.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
21
Kaya manatili kayo sa jamá‘ah dahil nakakain lamang
ng lobo mula sa mga tupang napapalayo.” Iniulat ni Imám
Abú Dáwúd.
Ayon kay ‘Abdulláh Ibn ‘Umar (RA), ang Sugo ni
Alláh ay nagsabi: “Ang saláh sa jamá‘ah ay nakalalamang
ng dalawamput pitong antas sa saláh ng nag-iisa.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Malaki ang kalamangan ng saláh sa jamá‘ah.
2. Higit na mainam ito kaysa saláh ng isang lalaking ginawa
niya nang mag-isa.
3. Ang pagliban sa saláh sa jamá‘ah ay isang dahilan ng
paghahari ng mga demonyo sa tao.
12. Ang Kainaman ng Paglalakad Tungo sa Masjid
nang may Kapanatagan at Kahinahunan
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa sinabi ng
Propeta (SAS): “Kapag narinig ninyo ang iqámah ay
lumakad kayo, panatilihin ninyo ang kapanatagn at ang
kahinahunan, at huwag kayong magmadali. Kaya ang
anumang naabutan ninyo ay dasalin ninyo at ang anumang
nalaktawan ninyo ay lubusin ninyo.” Iniulat nina Imám
al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Qatadáh (RA): “Samantalang kami
ay nagdarasal kasama ng Sugo ni Alláh (SAS) ay nakarinig
siya ng pagkakaingay kaya nagsabi siya: Ano ang nangyayri
sa inyo? Sinabi nila: Nagmamadali po kami sa pagpunta sa
saláh. Sinabi niya: Huwag ninyong gawin [iyan]. Kapag
Mga Pang-araw-araw na Aralin
22
pumunta kayo sa saláh ay panatiliin ninyo ang kapanatagan;
kaya ang anumang maabutan ninyo ay dasalin ninyo at
ang anumang nakalampas sa inyo ay lubusin ninyo.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Ang mga Aral
1. Ang pag-uutos na maglakad patungo sa saláh nang may
kapanatagan at kahinahunan.
2 Ang pagbabawal sa pagmamadali sa paglalakad kahit pa
para maabutan ang rukú‘.
13. Ang Kalamangan ng Maagang Pagpunta Saláh
at ang Paghihintay Nito
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): “Ang saláh ng lalaki sa jamá‘ah ay
pinag-iibayo ng dalawampu’t limang ulit [ang gantimpala]
kaysa sa saláh niya sa bahay niya at sa tindahan niya. Iyan
ay dahil kapag nagsagawa siya ng wudú’ at hinusayan
niya ang wudú, pagkatapos ay lumabas siya patungo sa
masjid at walang nagpalabas sa kanya kundi ang saláh,
wala siyang hinakbang na hakbang na hindi siya tataasan
ni Alláh ng antas sa pamamagitan niyon at aalisan siya
Niya sa pamamagitan niyon ng masamang nagawa. Kapag
nagdasal siya, hindi titigil ang mga anghel na nanalangin
ng pagpapala para sa kanya sa sandaling siya ay nasa
pinagdarasalan niya: O Alláh, pagpalain Mo po siya.
Patuloy ang bawat isa sa inyo na nasa isang saláh habang
hinihintay niya ang saláh.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí
at Imám Muslim.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
23
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Kung nalalaman lamang ng mga tao ang
[gantimpala] sa [pagsasagawa ng] panawagan [para sa
saláh] at ang [pagtayo sa] unang hanay at pagkatapos ay
hindi sila makakatatagpo [ng puwang] kung hindi sila
magpapalabunutan para rito, talagang nagpalabunutan
na sana sila. Kung nalalaman lamang nila ang [gantimpala]
sa pagdalo nang maaga, talagang nag-unahan na sana
sila roon; kung nalalaman lamang nila ang [gantimpala]
sa pagsasagawa ng ‘ishá’ at fajr, talagang dinaluhan na
sana nila ito kahit pa man pagapang.” Iniulat nina Imám
al-Bukhárí at Iman Muslim.
Mga Aral
1. Nakalalamang ang maagang pagpunta sa saláh.
2. Mayroong malaking gantimpala sa paghihintay ng saláh
sa [masjid].
14. Ang Saláh ng Pagbati sa Masjid
Ayon kay Qatadáh (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS) ay
nagsabi: “Kapag pumasok ang sinuman sa inyo sa masjid
ay magdasal siya ng dalawang rak‘ah bago umupo.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Jábir Ibn ‘Abdúllah (RA): “Dumating
si Sulayk al-Ghatafaní araw ng Biyernes samantalang
ang sugo ay nangangaral. Naupo siya kaya nagsabi ito sa
kanya: ‘O Sulayk, tumayo ka at magdasal ng dalawang
rak‘ah at pagaanin mo ang pagsasagawa sa dalawang
ito. Pagkatapos ay nagsabi siya: ‘Kapag dumating ang
sinuman sa inyo sa araw ng Biyernes samantalang ang
Mga Pang-araw-araw na Aralin
24
imám ay nangangaral, magdasal ng dalawang rak‘ah
at pagaanin ang pagsasagawa sa dalawang ito.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Kanais-nais ang pagsasagawa ng saláh na dalawang
rak‘ah kapag pumasok sa masjid ang sinumang nagnanais
na umupo rito.
2. Kanais-nais ang pagsasagawa nito kahit pa man habang
ang imám ay nangangaral sa araw ng Biyernes.
15. Ang Kalamangan ng Unang Hanay
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Kung nalalaman lamang ng mga tao ang
[biyaya] sa [pag-uulit ng] panawagan at unang hanay,
at pagkatapos ay hindi sila nakatagpo [ng puwang] kung
hindi sila magpapalabunutan, ay talagang nagpalabunutan
na sana sila. Kung nalalaman lamang nila ang taglay [na
gantimpala] sa pagsasagawa ng dhuhr, talagang nagunahan
na sana sila rito; at kung nalalaman lamang nila
ang [gantimpala] sa pagsasagawa ng ‘ishá’ at ng fajr,
talagang pinuntahan na sana nila ang dalawang ito kahit
pa man pagapang.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám
Muslim.
Ayon kay Abú Sa‘íd al-Khudrí (RA), nakakita ang
Sugo ni Alláh (SAS) sa kanyang mga Sahábí na pagpapahuli
[sa hanay] kaya nagsabi siya sa kanila: “Pumauna kayo
at tularan ninyo ako at tutularan kayo ng mga darating
pagkatapos ninyo. Hindi titigil ang mga tao na nagpapahuli
hanggang sa ihuli sila ni Alláh.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
25
Mga Aral
1. Malaki ang kalamangan ng pagpuwesto sa unahan ng
saláh at ng unang hanay.
2. Ang pinakamainam sa mga hanay ng kalalakihan ay ang
unang hanay at ang pinakadi-mainam ay ang huling hanay.
3. Binabalaan ang pagpapatuloy sa pagpapahuli sa unang
hanay.
16. Ang Tungkuling Ituwid ang mga Hanay ng Saláh
Ayon sa sinabi ni Jábir Ibn Samurah (RA), nagsabi
ang Sugo ni Alláh (SAS): “Hindi ba kayo magsisihanay
kung papanong nagsisihanay ang mga anghel sa harap
ng Panginoon nila?” Nagsabi kami: “Papaano po namang
nagsisihanay ang mga anghel sa harap ng Panginoon nila?”
Sinabi niya: “Linulubos nila ang mga unang hanay at
nagsisiksikan sila sa hanay.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Mas‘úd (RA): “Ang Sugo ni
Alláh (SAS) noon ay humuhipo sa mga balikat namin sa
saláh at nagsasabi: Magsituwid kayo at huwag kayong
magsalungatan dahil magsasalungatan din ang mga puso
ninyo; sumunod sa akin mula sa inyo ang mga may pangunawa
at mga pag-iisip, pagkatapos ay ang mga sumusunod
sa kanila, pagkatapos ay ang mga sumusunod sa mga ito.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): ‘Ituwid ninyo ang mga hanay ninyo dahil
tunay na ang pagtuwid ng hanay ay bahagi ng kalubusan
ng saláh.” Itnala ni Imám Muslim.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
26
Ayon sa sinabi ni an-Nu‘mán Ibn Bashír: “Itinutuwid
noon ng Sugo ni Alláh ang mga hanay namin at para bang
nagtutuwid siya sa pamamagitan nito ng palaso hanggang
sa nakita niya kaming natutunan na namin ito mula sa kanya.
Pagkatapos niyon ay lumabas siya isang araw at nang tumayo
siya [sa saláh] hanggang sa halos magsagawa siya ng takbír
ay may nakita siyang isang lalaking nakausli ang dibdib
nito sa hanay kaya nagsabi siya: Mga lingkod ni Alláh
kailangang ituwid ninyo ang inyong mga hanay kung
hindi ay talagang maglalagay si Alláh ng hidwaan sa
pagitan ninyo.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon kay Anas (RA) ang Propeta ay nagsabi: “Lubusin
ninyo ang mga hanay ninyo dahil tunay na nakikita ko
kayo mula sa aking likuran.” Ang bawat isa sa amin ay
nagdidikit ng balikat niya sa balikat ng katabi niya at ng
paa niya sa paa nito. Iniulat ni Imám al-Bukhárí
Mga Aral
1. Tungkuling tuwirin ang hanay sa saláh batay sa utos ng
Sugo (SAS) kaugnay doon at sa babala niya laban sa dipagtutuwid
ng hanay.
2. Ang hindi pagtutuwiod ng hanay ay isang dahilan ng
pagsasalungatan ng mga puso ng mga nagdarasal.
3. Ang pagtuwid ng hanay ay bahagi ng kaganapan ng saláh.
17. Ang Kainaman ng Saláh sa Fajr sa Jamá‘ah
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Narinig ko
ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Nakalalamang ang
saláh sa jamá‘ah sa saláh ng isa sa inyo [na isinagawa]
Mga Pang-araw-araw na Aralin
27
nang mag-isa ng dalawampu’t limang ulit. Nagtatagpo
sa inyo ang mga anghel ng gabi at ang mga anghel ng
maghapon sa saláh sa fajr.” Pagkatapos ay nagsabi pa si
Abú Hurayrah (RA): “Bigkasin ninyo [sa saláh], kung nais
ninyo (17:78):8 inna qur’ánal fajri kána mashúdan.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): Tunay na ang pinakamabigat na
saláh para sa mga Munáfiq ay ang saláh sa ‘ishá’ at ang
saláh sa fajr. Kung nalalaman lamang nila ang taglay [na
gantimpala] sa dalawang ito ay talagang dadaluhan nila
ang dalawang ito, kahit pa man pagapang. [Minsan ay]
talagang nagbalak na akong mag-utos na isagawa ang
saláh at isasagawa na ang iqámah. Pagkatapos ay maguutos
ako sa isang lalaki upang mamuno sa saláh sa mga
tao. Pagkatapos ay lilisan ako na may kasama akong mga
lalaki na may dalang mga bigkis ng panggatong, patungo
sa mga taong hindi dumadalo sa saláh at sisilaban ko sila
sa mga bahay nila sa apoy.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí
at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni ‘Uthmán (RA): “Narinig ko ang Sugo
ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Ang sinumang magdasal ng
‘ishá’ sa jamá‘ah ay para nang nagdasal ng kalahating
gabi. Ang sinumang magdasal sa fajr sa jamá‘ah ay para
nang nagdasal sa buong gabi.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Jundab Ibn ‘Abdulláh (RA): “Nagsabi
ang Sugo ni Alláh (SAS): Ang sinumang magdasal sa fajr
8 “tunay na ang pagbigkas ng Qur’an sa madaling-araw ay laging sinasaksihan.”
Mga Pang-araw-araw na Aralin
28
sa jamá‘ah, siya ay nasa pangangalaga ni Alláh. Hindi
nga hihiling sa inyo si Alláh kaugnay sa pangangalaga
Niya ng anuman, dahil ang sinumang hihiling sa Kanya
ng anuman mula sa pangangalaga Niya, makakamit niya
ito. Pagkatapos ay itatapon Niya siya na nakadapa sa
Impiyerno.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang kainaman ng saláh sa fajr, at na ito ay isang saláh
na sinasaksihan ng mga anghel.
2. Ito ay mabigat para sa mga Munáfiq.
3. Ang sinumang magdasal nito sa jamá‘ah, siya ay nasa
pangangalaga ni Alláh.
18. Ang Kainaman ng Saláh sa ‘Asr
Sinabi ni Alláh (2:238): “Pangalagaan ninyo ang
pagsasagawa ng mga dasal lalo na ang kalagitnaang
saláh, at magsitayo kayo sa dasal na mga masunurin
kay Alláh.”
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Narinig ko ang
Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: May sunod-sunod na
dumarating sa inyo na mga anghel sa gabi at mga anghel
sa maghapon. Nagtitipon sila sa saláh sa fajr at saláh sa
‘asr. Pagkatapos ay umaakyat ang mga magdamag na
nanatili sa piling ninyo at tatanungin sila ng Panginoon
nila, kahit Siya ay higit na nakaaalam kaysa sa kanila:
Papaanong iniwan ninyo ang mga lingkod Ko? Magsasabi
sila: Iniwan namin sila habang sila ay nagdarasal at
dinatnan namin sila habang sila ay nagdarasal.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at ni Imám Muslim.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
29
Ayon sa sinabi ni Jarír Ibn ‘Abdulláh (RA): “Kami
noon, isang araw, ay nakaupo sa tabi ng Propeta (SAS).
Tumingin siya sa buwan nang gabi ng kabilugan ng buwan
at nagsabi siya: Tunay na makikita ninyo ang Panginoon
ninyo kung paaanong nakikita ninyo ang buwan na ito.
Hindi kayo mapipinsala sa pagtingin sa Kanya. Kaya kung
makakaya ninyo na hindi kayo mapanaigan sa saláh bago
sumikat ang araw at bago lumubog ito ay gawin ninyo.
Pagkatapos ay bumigkas siya (50:39): Kaya tiisin mo ang
sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng papuri sa
Panginoon mo bago sumikat ang araw at bago lumubog.”
Iniulat nina Imám al-Bukahri at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Músá al-Ash‘arí (RA): “Nagsabi
ang Sugo ni Alláh (SAS): Ang nagdarasal sa fajr at ‘asr
ay papasok sa Paraiso.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at
Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Buraydah (RA): “Nagsabi ang Sugo
ni Alláh (SAS): Ang sinumang nagwawaksi sa saláh sa
‘asr mawawalan ng kabuluhan ang [mabuting] gawa
niya.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Mga Aral
1. Ang kainaman ng saláh sa ‘asr.
2. Ang pagpapanatili ng pagsasagawa nito ay isang dahilan
ng pagpasok sa Paraiso.
3. Ang matinding banta laban sa nagwawaksi nito.
19. Ang Kainaman ng Tahajjud o Taráwíh
Sinabi ni Alláh (32:16): “Nilalayuan ng mga tagiliran
nila ang mga higaan upang manalangin sa Panginoon
Mga Pang-araw-araw na Aralin
30
nila dahil sa takot at pagmimithi, at mula sa itinustos
Namin sa kanila ay gumugugol sila.”
Sinabi pa Niya (51:17-18): “Sila ay nangatutulog
nang kaunti sa gabi. At sa mga huling bahagi ng gabi,
sila ay nagsisihingi ng patawad.”
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): Ang pinakamainam na pag-aayuno
pagkatapos ng Ramadan ay ang [pag-aayuno sa] buwan
ni Alláh, ang Muharram, at ang pinakamainam na saláh
pagkatapos ng [saláh na] farídah ay ang saláh sa gabi.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Sa‘íd al-Khudrí (RA): “Nagsabi
ang Sugo ni Alláh (SAS): Kapag ginising ng tao ang asawa
niya at pagkatapos ay sabay silang nagdasal ng dalawang
rak‘ah, itatala silang dalawa na kabilang sa mga lalaki
at mga babaeng gumugunita kay Alláh nang madalas.”
Iniulat ni Imám Abú Dáwúd.
Ayon kay Abú Hurayrah, ang Sugo ni Alláh (SAS) ay
nagsabi: “Nagbubuhol ang Demonyo sa likod ng ulo ng
bawat isa sa inyo, kapag ito ay natutulog, ng tatlong buhol.
Umuusal siya sa kinalalagyan ng bawat buhol [ng ganito]:
Sumaiyo ay isang mahabang gabi, kaya matulog ka. Kapag
nagising ito at naalaala nito si Alláh ay nakakalag ang
isang buhol. Kapag nagsagawa ito ng wudú’ ay nakakalag
ang isa pang buhol. Kapag nagdasal ito ay nakakalag ang
[huling] buhol, kaya naman dinadatnan siya ng umaga
na masigla at mabuti ang lagay ng kalooban, at kung
hindi dadatnan siya ng umaga na masama ang lagay ng
Mga Pang-araw-araw na Aralin
31
kalooban at matamlay.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at
Imám Muslim.
Ayon kay Jábir (RA): “Narinig ko ang Sugo ni Alláh
(SAS) na nagsasabi: Tunay na sa gabi ay may isang sandali
na kapag natapat dito na humihiling ang isang taong
Muslim ng mabuting bagay sa Mundo at Kabilang-buhay
ay tiyak na ibibigay Niya ito doon. Iyan ay tuwing gabi.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang kainaman ng pagdarasal sa gabi.
2. Ito ay isang dahilan ng pagkakaroon ng maluwag na
dibdib at mabuting kalooban.
20. Ang Mga Katangian ng Tahajjud at Taráwíh
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Ang Sugo ni Alláh
(SAS) ay hindi nagpapalabis sa Ramadan man o sa ibang
[buwan] ng higit sa labing-isang rak‘ah. Nagdadasal siya
ng apat [na rak‘ah] at huwag mo nang itanong pa ang ganda
nito at ang haba nito. Pagkatapos ay nagdadasal siya ng apat
[na rak‘ah] at huwag mo nang itanong pa ang ganda nito
at ang haba nito. Pagkatapos ay nagdadasal siya ng tatlong
[rak‘ah].” Sinabi pa ni ‘Á’ishah (RA): “Nagsabi ako: ‘O
Sugo ni Alláh, natutulog ka pa ba muna bago magsagawa
ng witr?’ Nagsabi ito: O ‘Áishah, tunay na ang mga mata
ko ay natutulog ngunit hindi natutulog ang puso ko.”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay ‘Abdulláh Ibn ‘Amr (RA), ang Sugo ni Alláh
(SAS) ay nagsabi sa kanya: “Ang pinakakaibig-ibig na
Mga Pang-araw-araw na Aralin
32
dasal kay Alláh ay ang dasal ni David, sumakanya ang
pagbati [ni Alláh] at ang pinakakaibig-ibig na pag-aayuno
kay Alláh ay ang pag-aayuno ni David; natutulog, isang
katlo siya ng kalahating gabi, nagdadasal siya ng isang
ikatlong bahagi nito, at natutulog uli siya sa ikaanim na
bahagi nito. Nag-aayuno siya sa isang araw at tumitigil
siya sa pag-aayuno sa [kasunod na] araw.” Iniulat ni al-
Bukhárí.
Ayon kay Ibn ‘Umar, may isang lalaki na nagtanong
sa Sugo ni Alláh (SAS) tungkol sa saláh sa gabi kaya
nagsabi ang Sugo (SAS): “Ang saláh sa gabi ay dalawadalawa
ngunit kapag natakot ang sinuman sa inyo [na
malampasan] ang madalang-araw, magdadasal siya ng
isang rak‘ah: gagawin niyang witr ang naidasal na niya.”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni ‘Áishah (RA): “Ang Sugo noon,
kapag nagdasal sa gabi, ay pinasisimulan niya ang saláh
niya sa pamamagitan ng dalawang maikling rak‘ah.” Iniulat
ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang saláh sa gabi ay binubuo ng tigdadalawang rak‘ah.
2. Ang sunnah [sa saláh sa gabi] ay labing-isang rak‘ah.
3. Ang kainaman ng saláh sa huling ikatlong bahagi ng gabi.
21. Ilang mga Alituntunin sa Saláh na Náfililah
Habang Lulan ng Sasakyan:
Ayon kay Sálim Ibn ‘Abdulláh: “Ang Sugo ni Alláh
(SAS) noon ay nagdarasal sakay ng kamelyo, na nakaharap
Mga Pang-araw-araw na Aralin
33
sa alin mang dakong haharap siya, at nagsasagawa rin siya
ng witr sakay nito, gayunpaman hindi siya nagdarasal ng
farídah sakay nito.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni ‘Ámir Ibn Rabí‘ah (RA): “Nakita ko
ang Sugo ni Alláh (SAS) habang siya ay sakay ng kamelyo
habang nagdarasal. Ipinahihiwatig niya sa pamamagitan ng
[galaw ng] ulo ang alin mang dakong haharapin niya. Hindi
ginagawa iyon ng Sugo ni Alláh sa mga saláh na farídah.”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ang Pagpapahintulot sa Pagdarasal na Nakaupo Habang
Lulan ng Sasakyan:
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibnu Shaqíq: “Tinanong ko
si ‘Á’ishah (RA) hinggil sa saláh ng Sugo ni Alláh, hinggil
sa kusang-loob na saláh niya kaya nagsabi ito: Siya noon
ay nagdarasal ng apat na rak‘ah sa bahay ko bago sumapit
ang dhuhr; pagkatapos ay lumalabas siya at namumuno sa
mga tao sa saláh; pagkatapos ay pumapasok [sa bahay] at
nagdarasal ng dalawang rak‘ah. Namumuno siya noon sa
mga tao sa saláh sa maghrib; pagkatapos ay papasok [sa
bahay] at magdarasal ng dalawang rak‘ah. Namumuno rin
siya sa mga tao sa saláh sa ‘ishá’ at papasok sa bahay ko
at magdarasal ng dalawang rak‘ah. Nagradasal siya noon
sa gabi ng siyam na rak‘ah, kabilang sa mga ito ang witr.
Nagdarasal siya noon nang mahaba sa gabi na nakatayo at
nang mahaba sa gabi na nakaupo. Siya noon, kapag bumigkas
[ng Qur’an] habang siya ay nakatayo, ay yumuyukod at
nagpapatirapa mula nang siya ay nakatayo. Kapag naman
bumigkas siya [ng Qur’an], habang siya ay nakaupo, ay
Mga Pang-araw-araw na Aralin
34
yumuyukod at nagpapatirapa mula nang siya ay nakaupo.
Siya noon, kapag sumapit ang madaling-araw, ay nagdarasal
ng dalawang rak‘ah.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon kay ‘Abdulláh Ibn ‘Amr, ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Ang saláh ng tao samantalang nakaupo ay
kalahati ng saláh.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ipinahihintulot na magdasal ng saláh na náfilah habang
nakaupo sa sasakyan saan man humarap ito.
2. Ipinahihintulot na magdasal ng saláh na náfilah habang
nakatayo.
3. Ang saláh ng nakaupo ay katumbas ng kalahati ng saláh
ng nakatayo.
22. Ang Kainaman ng Araw ng Biyernes, ang mga
Sunnah at ang mga Kaasalan Kaugnay Rito
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): “Ang pinakamainam na araw na
sinikatan ng Araw ay ang araw ng Biyernes: sa araw na
ito nilikha si Adan, sa araw na ito ipinasok siya sa Paraiso,
at sa araw na ito pinalabas doon.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): “Ang sinumang magsagawa ng wudú‘
at hinusayan niya ang pagsasagawa ng wudú‘, pagkatapos
ay pumunta siya sa saláh sa Jumu‘ah at nakikinig at
nanahimik, patatawarin siya sa pagpakasala sa pagitan
ng [Jumu‘ah na] ito at ng [kasunod na] Jumu‘ah at
karagdagang tatlong araw. Ang sinumang humipo ng mga
Mga Pang-araw-araw na Aralin
35
bato ay nakagawa na ng walang kabuluhan.” Iniulat ito
ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): “Ang limang saláh [na farídah] at
ang jumu‘ah hanggang sa [kasunod na] Jumu‘ah at ang
Ramadán hanggang sa [kasunod na] Ramadán ay mga
pang-alis-sala sa pagitan ng mga ito kapag iniwasan ang
mga malalaking kasalanan.” Iniulat ito ni Imám Muslim.
Ayon kay Abú Hurayrah, ang Sugo ni Alláh (SAS) ay
bumanggit tungkol sa araw ng Biyernes; sinabi niya: “Dito
ay may oras na kapag natatapat doon ang isang taong
Muslim samantalang siya ay nakatayo habang nagdarasal
na humihiling kay Alláh ng isang bagay ay ibibigay nga
Niya iyon sa kanya. Ipinahiwatig niya sa pamamagitan
ng kamay niya na ito ay maiksing sandali.” Iniulat nina
Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang araw ng Biyernes ay ang pinakamainam sa mga araw
sa buong linggo.
2. Ang kainaman ng araw ng Biyernes at ito isang dahilan
ng kapatawaran ng mga kasalanan.
3. Sa araw na ito ay may oras na kapag natapat doon ang
Muslim na nananalangin kay Alláh ay tutugunin Nito siya.
23. Ang Kainaman ng Pagdalo ng Maaga sa Saláh
sa Jumu‘ah at ang Babala Laban sa Pagliban Dito
Sinabi ni Alláh (62:9): “O mga sumampalataya,
kapag nanawagan na para sa pagdarasal ng araw ng
Mga Pang-araw-araw na Aralin
36
Biyernes ay magdali-dali kayo sa paggunita kay Alláh
at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay mabuti sa inyo,
kung nalalaman lamang ninyo.”
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Ang sinumang maligo sa araw ng Biyernes
ng paligong para sa janábah at pagkatapos ay nagpunta
[sa masjid] ay para na ring nag-alay ng isang inahing
kamelyo; at ang sinumang magpunta sa ikalawang yugto
ay para na ring nag-alay ng isang inahing baka, at ang
sinumang magpunta sa ikatlong yugto ay para na ring
nag-alay ng isang lalaking tupa na may sungay na; at
ang sinumang magpunta sa ikaapat na yugto ay para na
ring nag-alay ng isang inahing manok; at ang sinumang
magpunta sa ikalimang yugto ay para na ring nag-alay
ng isang itlog. Kapag nagsimula na ang imám ay dumadalo
ang mga anghel upang makinig ng dhikr.” Iniulat nina
Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay Ibn ‘Umar, narinig niya ang Sugo ni Alláh
(SAS) na nagsasabi: “Talagang kailangang tigilin ng mga
tao ang pagpapabaya nila sa mga jumu‘ah o kung hindi
ay talagang ipipinid Niya ang mga puso nila, pagkatapos
sila ay magiging mga pabaya.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ipinag-uutos na magsikap na dumalo sa saláh sa jumu‘ah
kapag narinig ang panawagan (adhan) para rito.
2. Ang kalamangan ng maagang pagdalo sa saláh sa jumu‘ah.
3. Ang babala laban sa pagpapabaya sa pagdalo sa saláh
sa jumu‘ah at na ito isang dahilan ng pagkapinid ng puso.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
37
24. Ilan sa mga Sunnah sa Araw ng Biyernes at mga
Kaasalan Kaugnay Rito
Ayon kay Abú Sa‘íd al-Khudrí, ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Ang sinumang bumigkas ng [buong] Surah al-
Kahf sa araw ng Biyernes, tatanglawan siya ng liwanag
sa pagitan ng dalawang Biyernes.” Iniulat nina Imám al-
Hakim at Imám al-Bayhaqi
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Busr (RA): “Minsan
isang araw ng Biyernes, may isang lalaking dumating [sa
masjid] na humahakbang sa pagitan ng mga balikat ng mga
tao samantalang ang Propeta (SAS) ay nangangaral, kaya
nagsabi ang Propeta (SAS): Maupo ka dahil nakaabala ka
at nahuli kang dumating.” Iniulat ni Imám Abú Dáwúd at
Imám an-Nasá’í
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Kapag nagsabi ka sa kasama mo sa araw ng
Biyernes: ‘Tumahimik ka,’ samantalang ang imám ay
nangangaral, nakapagsalita ka ng walang kabuluhan.”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay Aws Ibn Aws (RA): “Nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): Tunay na kabilang sa pinakamainam sa mga
araw ninyo ay ang araw ng Biyernes, kaya damihan ninyo
ang pananalangin ng pagpapala sa akin sa araw na iyon
sapagkat ang panalangin ninyo ng pagpapala sa akin ay
ilalahad sa akin. Nagsabi sila: O Sugo ni Alláh, paanong
ilalahad ang aming panalangin ng pagpapala sa iyon kapag
nabulok ka na? Sinabi niya: Tunay na si Alláh nagbawal sa
lupa [na pabulukin] ang mga katawan ng mga Propeta.”
Iniulat ni Imám Dawud.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
38
Mga Aral
1. Minamabuti ang maagang pagdalo sa saláh sa jumu‘ah.
2. Tungkuling manahimik sa sandali ng khutbah (pangangaral
sa araw ng Biyernes).
3. Minamabuti ang pagbigkas sa buong Súrah ng al-Kahf
sa araw ng Biyernes.
4. Minamabuti ang maraming pagdalangin ng pagpapala
para sa Sugo ni Alláh (SAS) sa araw ng Biyernes.
25. Ilan sa mga Alituntunin Kaugnay sa Saláh sa
Dalawang ‘Íd
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Ang Sugo ni Alláh
(SAS) ay hindi pumupunta [sa pinagdadausan ng saláh para]
sa ‘Ídulfitr hangga’t hindi siya nakakain ng ilang datiles.”
Sa isang pagsasalaysay ni Anas (RA): “Kumakain siya ng
mga [datiles na] ito na [ang bilang ay] gansal.”9 Iniulat ni
Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni Buraydah (RA): “Ang Sugo ni Alláh
(SAS) noon ay hindi lumalabas para sa araw ng ‘Ídulfitr
hanggang hindi nakakakain at hindi naman siya kumakain
sa araw ng ‘Ídul’adhá hangga’t hindi siya nakapagdarasal
[ng saláh para sa ‘Ídul’adhá].” Iniulat Imám at-Tirmidhí
Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Umar: “Ang Sugo ni Alláh
(SAS), sina Abú Bakr at ‘Umar noon ay nagdarasal ng
[saláh] ng dalawang ‘Íd bago [simulan] ang khutbah.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
9 Ang bilang na gansal o odd number sa Inglis ay ang bilang na hindi
mahahati nang buo sa dalawa gaya ng isa, tatlo, lima at iba pa.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
39
Ayon sa sinabi ni Jábir Ibn Sumrah (RA): “Nagdasal
ako kasama ng Sugo ni Alláh (SAS) ng [saláh sa] dalawang
‘Íd nang kung hindi isang ulit ni dalawang ulit nang walang
adhán ni iqámah.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Sa‘íd al-Khudrí (RA): “Sa araw
ng ‘Ídulfitr at ‘Ídul’adha ay pumupunta noon ang Propeta
(SAS) sa dasalan at ang unang bagay na sinisimulan niya
ay ang pagdarasal, pagkatapos ay umaalis siya [kinatatayuan]
at tumatayo sa harap ng mga tao — samantalang ang mga
tao ay nananatili sa mga hanay nila — at pinangangaralan
niya sila at pinaaalalahanan niya sila.” Iniulat nina Imám
al-Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Sunnah na hindi pupunta ang isang Muslim sa pagdarausan
ng saláh ng ‘Ídulfitr hanggat hindi kumakain ng ilang datiles.
2. Sunnah naman na hindi muna kakain hanggang hindi
naisasagawa ang saláh para sa ‘Ídul’ad'há.
3. Hindi itinatagubilin sa saláh sa ‘Íd ang pagsasagawa ng
adhán at iqámah.
26. Saláh Para sa Eklipse
Ayon sa sinabi ni Abú Bakrah (RA): “Nakaupo kami
noon sa tabi ng Sugo ni Alláh (SAS) nang maglaho ang araw.
Tumayo ang Propeta (SAS) na hinihila-hila niya ang balabal
niya hanggang sa makapasok siya sa masjid. Pumasok din
kami at pinamunuan niya kami sa dasal na dalawang rak‘ah
hanggang sa lumitaw ang araw. Pagkatapos ay nagsabi siya:
Tunay na ang Araw at ang Buwan ay hindi naglalaho
Mga Pang-araw-araw na Aralin
40
dahil sa pagkamatay ng sinuman kapag nakita ninyo ang
paglaho ay magdasal kayo at manalangin kayo hanggang
sa mahawi sa inyong [paningin ang paglaho]” Iniulat ni
Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Naglaho minsan
ang araw noong panahon ng Sugo ni Alláh (SAS), kaya
namuno siya sa mga tao sa isang dasal. Tumayo siya at
tinagalan niya ang pagkakatayo. Pagkatapos ay yumukod
siya at tinagalan niya ang pagkakayukod; pagkatapos ay
tumayo muli at tinagalan niya ang pagkakatayo, ngunit
maikli kaysa sa unang pagkakatayo. Pagkatapos ay yumukod
muli siya at tinagalan niya ang pagkakayukod, ngunit maikli
kaysa sa unang pagkakayukod. Pagkatapos ay nagpatirapa
siya [matapos tumayo] at tinagalan niya ang pagkakapatirapa.
Pagkatapos ay ginawa niya sa ikalawang rak‘ah ang tulad
ng ginawa niya sa unang [rak‘ah] at saka niya tinapos [ang
saláh] nang nakalitaw na ang Araw. Pagkatapos ay nangaral
siya sa mga tao. Nagpuri siya at nagbunyi kay Alláh at
pagkatapos ay nagsabi: Tunay na ang Araw at ang Buwan
ay dalawang tanda sa mga tanda ni Alláh; hindi naglalaho
ang mga ito dahil sa pagkamatay ng sinuman sa inyo ni
dahil o sa pagkabuhay (pagkasilang) nito. Kapag nakita
ninyo iyan ay gunitain ninyo si Alláh, dakilain ninyo,10
magdasal kayo, at magkawang-gawa kayo. Pagkatapos ay
nagsabi pa siya: O mga tagasunod ni Muhammad, sumpa
man kay Alláh, walang isang higit na mapanibughuin pa
kaysa kay Alláh [kaya bawal] na mangalunya ang lalaking
10 Sa pamamagitan ng pagsabi ng Alláhu akbar.
Mga Pang-araw-araw na Aralin