39
'lmulk, lá sharíka lak.22 Pagkatapos
nito ay isasagawa sa Mina ang dhuhr,
‘asr, ‘ishá’ na pinaikli sa dalawang
rak‘ah, maghrib at fajr. (Ang maghrib
at fajr ay hindi pinaiikli.)
Sa Ika-8 Araw ng Dhulhijjah
Pupunta sa Mina at magsagawa
roon ng saláh sa dhuhr, ‘asr, maghrib,
‘ishá’ at fajr; piikliin sa dalawang
rak‘ah ang mga saláh na apatang
rak‘ah.
22 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na
magsagawa ng hajj; bilang pagtugon sa
panawagan Mo, wala Kang katambal, bilang
pagtugon sa panawagan Mo. Tunay na ang
papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at
ang paghahari; wala Kang katambal.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
40
Sa Ika-9 Araw: Araw ng ‘Arafah
Itinatagubiling gawin sa araw na
ito ang mga sumusunod:
1. Matapos sumikat ang araw ay
pupunta sa ‘Arafah at mananatili roon
hang-gang bago lumubog ang araw.
Isasa-gawa roon ang saláh na
pinagsamang dhuhr at ‘asr (jam‘) at
pinaiksi sa dala-wang rak‘ah (qasr)
kapag lumampas na ang araw sa
katahanghaliang tapat. Pagkatapos ng
saláh ay ibubuhos ang sarili sa
pagsambit ng mga dhikr, mga du‘á’, at
talbiyah. Sunnah din na dami-han ang
pananalangin kay Allah at ang
pagsusumamo sa Kanya. Hihiling sa
Kanya ng para sa sariling kapakanan
Ang Hajj at ang ‘Umrah
41
at ng para sa kapakanan ng lahat ng
mga Muslim. Ipananalangin ang anumang
maiibigan. Kanais-nais na iangat
ang mga kamay habang nananalangin.
Ang Wuqúf (pananatili) sa ‘Arafah ay
isa sa mga Haligi ng hajj. (Tingnan sa
pahina 43 ang tungkol sa mga Haligi
ng hajj.) Ang sinumang hindi nanatili
sa ‘Arafah, hindi tanggap ang hajj niya.
Ang panahon ng pananatili sa ‘Arafah
ay magmula nang sumikat ang araw ng
ika-9 araw ng Dhulhijjah hanggang sa
bago sumapit ang madaling araw ng
ika-10 araw ng Dhulhijjah. Ang sinumang
nanatili sa ‘Arafah kahit sa loob
ng maikling panahon lamang sa gabi
man o araw ay nakumpleto na niya ng
Ang Hajj at ang ‘Umrah
42
hajj niya. Kailangang tiyakin niya na
siya ay nasa loob ng ‘Arafah.
2. Kapag natiyak na lumubog na ang
araw sa ‘Arafah, panatag at mahinahong
pupunta sa Muzdalifah habang
malakas na binibigkas ang talbiyah.
Sa Muzdalifah
Pagdating sa Muzdalifah ay
magdara-sal ng pinagsamang saláh na
maghrib at ‘ishá’ at paiikliin sa
dalawang Rak’ah ang ‘ishá‘.
Pagkatapos ng saláh ay maaari nang
ihanda ang anumang naisin gaya ng
pagkain at iba pa. Mabuting matulog
nang maaga upang magising na
masigla para sa fajr.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
43
Sa Ika-10 Araw: Araw ng ‘Íd
1. Kapag sumapit ang oras ng saláh
sa fajr ay isasagawa ito at pagkatapos
nito ay mananatili sa kinaroroonan.
Dada-mihan ang pagsambit ng dhikr at
du‘á’ hanggang sa magliwanag ang
langit bago tuluyang sumikat ang
araw.
2. Mamumulot ng pitong munting
bato at bago sumikat ang araw ay
pupunta sa Miná habang binibigkas ang
talbiyah.
3. Magpapatuloy sa pagsambit ng
talbi-yah hanggang makarating sa
Jamrah 23 al‘Aqabah (alJamrah
23 Pinagsasagawaan ng ramy.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
44
alKubrá). Mag-sisimula sa
pagsasagawa ng ramy (pagbato sa
Jamarah). Ihahagis nang isa-isa ang
pitong bato sa sahuran ng bato at
magsasabi ng Alláhu akbar sa tuwing
maghahagis.
4. Pagkatapos magsagawa ng ramy
ay mag-aalay na ng hady kung ang
isina-sagawang hajj ay Tamattu‘ o
Qirán. Kanais-nais na kumain ng
bahagi nito at ikakawanggawa at
ipamimigay ang mga nalalabi.
5. Matapos na maialay ang hady ay
ipa-aahit o paiiksian ang lahat ng
buhok sa ulo ngunit lalong mainam na
ipaahit. Ang mga babae naman ay
magpapa-putol o magpuputol lamang
Ang Hajj at ang ‘Umrah
45
ng mga isang pulgada (mga tatlong
sentemetro) sa lahat ng dulo ng
kanilang buhok.
Pagkatapos nito ay ipinahihintulot
na ang ipinagbabawal dati sa sandali
ng ihrám gaya ng paghubad ng kasuutan
para sa ihrám, pagsusuot ng pangkaraniwang
kasuutan, paggamit ng pabango
o anumang mabango, pagpuputol
ng mga kuko, at pag-aalis ng buhok.
Ngunit mananatili pa ring bawal ang
pagtatalik, pag-aasawa o anumang kaugnay
rito gaya ng halik, yakap, at iba
pa hanggang hindi pa naisasagawa ang
tawáf al’ifádah (tawáf para sa hajj).
Pagkatapos nito ay kanais-nais na maligo,
maglinis ng sarili, magpabango o
Ang Hajj at ang ‘Umrah
46
gumamit ng anumang mabango, at
magsuot ng pangkaraniwang damit.
6. Pupunta sa alMasjid alHarám
upang isagawa ang tawáf al’ifádah.24
Magsa-sagawa ng pitong tawáf sa
Ka‘bah at pagkatapos nito ay
magsagawa ng 2 rak‘ah na saláh.
Pagkatapos nito ay pupunta sa Safá at
Marwah upang isa-gawa ang sa‘y: 7
shawt sa pagitan ng Safá at Marwah.
Isasagawa ito gaya ng unang ginawa.
Matapos maisagawa ang sa‘y ay
nagwakas na ang mga ipinagbabawal
sa sandali ng ihrám, kaya ipinahihintulot
na ang lahat ng dating ipinagba-
24 Walang idtibá‘ at walang raml sa tawáf
al’ifádah.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
47
bawal dahil sa ihrám, pati na ang pakikipagtalik
o pagpapakasal.
7. Kailangang magpagabi sa Mina sa
gabi ng ika-11, ika-12 ng Dhuhijjah
(at ika-13 ng Dhulhijjah para sa
magpa-pahuli).25 Ang pagpapagabi sa
Miná ay ang pananatili sa Miná sa
loob ng higit na malaking bahagi ng
gabi.
Ang nabanggit na pagkakasunodsunod
ng ramy, pag-aalay ng hady,
pagpapaahit o pagpapaiksi ng lahat ng
25 Sa kalendaryo ng Islam ang araw at petsa ay
nag-papalit sa paglubog ng araw at hindi sa
hatinggabi. Nagsisimula ang gabi paglubog na
paglubog ng araw at nagsisimula ang araw
(day) pagsapit ng madaling araw.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
48
buhok sa ulo at tawáf para sa hajj ay
sunnah. Walang masama kung
uunahin ang alinman sa mga ito.
Sa Ika-11 Araw ng Dhulhijjah
Sa araw na ito ay kailangang
isagawa ang ramy (pagbabato o
paghahagis ng bato) sa tatlong Jamrah.
Sinisimulan ang ramy kapag lumihis
na ang araw sa katangha-liang-tapat at
hindi ipinahihintulot na bago sumapit
iyon. Magsisimula sa alJamrah
asSughrá at pagkatapos ay sa
alJamrah alWustá at pagkatapos ay sa
alJamrah alKubrá naman. Ang paraan
ng pagsa-sagawa ng ramy ay ganito:
Ang Hajj at ang ‘Umrah
49
1. Magdadala ng 21 munting bato.
Pagka-tapos ay pupunta sa alJamrah
asSughrá at ibabato roon nang paisaisa
ang unang pitong munting bato,
habang nagsasabi ng Alláhu akbar sa
bawat pagbato. Sisikaping pabagsakin
ang mga bato sa sahuran ng bato. 26
Pagka-tapos bumato ay sunnah na
dumako nang kaunti sa gawing kanan,
at saka tatayo at manalangin nang
mahaba.
26 Uulitin ang pagbato para sa bawat batong
hindi bumagsak sa sahuran. Ang mahalaga sa
paghahagis ng bato ay ang pabagsakin ang
bato sa sahuran at hindi ang patamaan ang
haligi dahil ito ay palatan-daan lamang kung
nasaan ang gitna ng sahuran.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
50
2. Pagkatapos ay pupunta sa alJamrah
alWustá at ibabato roon nang paisa-isa
ang ikalawang pitong munting bato,
habang sinasabi ang Alláhu akbar sa
bawat pagbato. Pagkatapos bumato ay
sunnah na dumako sa dakong kaliwa,
tumayo at manalangin nang mahaba.
3. Pagkatapos ay pupunta sa alJamrah
alKubrá at ibabato roon nang paisa-isa
ang ikatlong pitong munting bato,
habang nagsasabi ng Alláhu akbar sa
bawat pagbato. Pagkatapos ay aalis at
hindi na mananatili para manalangin.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
51
Sa Ika-12 ng Dhulhijjah
1. Gagawin ang tulad sa ginawa
noong ika-11 ng Dhulhijjah. Kung nais
mag-pahuli at manatili pa hanggang sa
ika-13 ng Dhulhijjah—na siyang
lalong mainam—gagawin sa araw na
iyon ang tulad sa ginawa noong ika-11
at ika-12 ng Dhulhijjah.
2. Matapos isagawa ang ramy sa ika-
12 ng Dhulhijjah o sa ika-13 — para sa
nagpahuli — ay pupunta sa alMasjid
alHarám upang isagawa ang tawáf
alwidá‘ 27
(tawáf ng pamamaalam) na
binubuo ng pitong pag-libot sa Ka‘bah.
27 Sa tawáf alwidá‘ at tawáf al’ifádah ay
walang idtibá‘ at walang raml.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
52
Pagkatapos nito ay sunnah na magdasal
ng 2 rak‘ah sa likod ng Maqám
Ibráhím kung magagawa iyon o kahit
saanman sa alMasjid alHarám. Ang
babaeng may regla o may nifás ay hindi
na obligadong magsagawa ng tawáf
alwidá‘.
3. Pagkatapos nito ay kailangang
wala nang ibang pang gagawin kundi
ang paglisan sa Makkah habang
sinasaman-tala ang oras sa pagsambit ng
mga du‘á’ at dhikr at pakikinig ng
kapupulutan ng kapakinabangan. Wala
ring masama kung mananatili nang
hindi matagal matapos na magsagawa
ng tawáf al-widá‘: halimbawa ay
maghihintay sa mga kasama o
Ang Hajj at ang ‘Umrah
53
magbubuhat ng mga dala-dalahan o
bibili ng mga kakaila-nganin sa daan
at iba pang mga dahi-lang katulad
nito.
Ang mga Rukn o Haligi ng Hajj
1. Ang Ihrám;
2. Ang Pagtigil sa ‘Arafah;
3. Ang Tawáf al’Ifádah;
4. Ang Sa‘y.
Ang sinumang may nakaligtaang
gawin kahit isa man lamang sa
nabang-git na mga Haligi ng hajj ay
hindi mata-tanggap ang hajj niya
hanggat hindi niya naisasagawa ang
nakaligtaan.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
54
Ang mga Wájib o
Kinakailangan sa Hajj
1. Ang pagsasagawa ng ihrám sa
míqát;
2. Ang pagtigil (wuqúf) sa ‘Arafah
hang-gang sa lumubog ang araw para
sa mga nagsitigil doon sa araw;
3. Ang pagpapagabi sa Muzdalifah
hang-gang sa madaling araw
hanggang sa magliwanag ang langit
ngunit bago tuluyang sumikat ang
araw, maliban sa mga may
mahihinang pangangata-wan at mga
kababaihan sapagkat pina-hihintulutan
silang manatili hanggang sa
hatinggabi.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
55
4. Ang pagpapagabi sa Miná sa mga
gabi ng tashríq;28
5. Ang pagsasagawa ng ramy sa mga
araw ng tashríq;
6. Ang pagpapagupit o pagpapaahit
ng buhok;
7. Ang pagsasagawa ng tawáf
alwadá‘.
Ang sinumang may
nakaligtaang gawin na kahit isa
man lamang sa na-banggit na mga
wájib sa hajj ay kaila-ngang
magkatay ng hayop: isang tupa o
28 Ang ika-11, ika-12, at ika-13 ng Dhuhijjah.
Sa kalendaryo ng Islam ang petsa ay
nagpapalit sa paglubog ng araw.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
56
kambing para sa isang tao o isang
baka o kamelyo para sa pitong tao.
Ipami-gay ito sa mga naninirahan sa
Haram.29
29 Ang Haram ay ang lugar sa palibot ng
alMasjid alHarám. Ang alMasjid alHarám ay
ang masjid na nakapalibot sa Ka‘bah. Ang
labas ng Haram ay tinatawag na Hill. May
takdang hangganan ito.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
57
Ang Pagdalaw sa Masjid
ng Sugo
Kanais-nais na magsagawa ng
pagda-law sa Masjid ng Sugo ni
Allah (SAS) upang magsagawa ng
saláh doon. Iyon ay dahil naiulat sa
Hadíth na ang saláh na isi-nasagawa
roon ay mainam kaysa sa isang libong
saláh na isinasagawa sa ibang mas-jid
maliban sa alMasjid alHarám. Ang
pagdalaw sa Masjid na ito ay
itinatagubi-lin sa buong taon, walang
takdang pana-hon para sa pagdalaw
rito at hindi rin ito bahagi ng hajj.
Hanggat ang isang Muslim ay nasa
Masjid na ito, kanais-nais na dala-win
ang libingan ng Propeta (SAS) at ng
Ang Hajj at ang ‘Umrah
58
dalawa niyang Kasamahan na sina
Abú Bakr at ‘Umar—kalugdan sila ni
Allah. Ang pagdalaw sa mga libingan
ay para lamang sa mga kalalakihan at
hindi para sa mga kababaihan. Hindi
ipinahihintulot sa sinuman na ihipo
ang kamay sa bakod na nakapalibot sa
libingan ng Sugo (SAS) upang ipahid
ito sa alinmang bahagi ng katawan sa
pag-aakalang may matatamong biyaya
rito, o na magsagawa ng tawáf sa
palibot nito, na o humarap dito
habang nananalangin.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
59
أحكام العمرة
Ang mga Tuntunin ng
‘Umrah
Ang pagsasagawa ng ‘umrah ay
tung-kulin ng bawat lalaki at babaeng
Muslim isang beses sa tanang buhay
dahil ang sabi ni Allah (2:196):
“Isagawa ninyo ang hajj at ang
‘umrah para kay Allah.…” Ito ay
kabilang sa mga mainam na pagsambang
kanais-nais para sa isang
Muslim na ulit-ulitin sa abot ng
makakaya niya. Ang kauna-unahang
gagawin ng isang magsasagawa ng
‘umrah sa mga gawaing kaugnay sa
‘umrah ay ang ihrám.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
60
Ang Ihrám
Ang ihrám ay ang pagpasok sa
pagsa-sagawa ng mga itinakdang
gawain para sa Hajj at ‘Umrah.
Kailangang magsagawa ng ihrám ang
sinumang nagnanais na magsa-gawa ng
hajj o ‘umrah. Magsasagawa ng ihrám
ang nagnanais magsagawa ng Hajj o
‘Umrah, kapag nagbuhat siya sa labas
ng Makkah, sa isa sa mga míqát na
itinak-da ng Sugo (SAS). Ang mga
míqát ay ang sumusunod:
1. Ang Dhul Hulayfah. Ito ay maliit
na nayong malapit sa alMadínah at
tina-tawag sa ngayon na Abyár ‘Ali.
Ito ay míqát ng mga galing sa
Madínah;
Ang Hajj at ang ‘Umrah
61
2. Ang alJuhfah. Ito ay isang maliit
na nayong malapit sa Rábigh. Ang
mga tao sa ngayon ay nagsasagawa ng
ihrám sa Rábigh. Ito ay míqát ng mga
galing sa Syria, Jordan, at Palestina;
3. Ang Qarn alManázil (asSayl
alKabír). Ito ay isang lugar na malapit
sa Tá’if. Ito ay míqát ng mga galing
sa Najd (ang kalagitnaang bahagi ng
Saudi Arabia);
4. Ang Yalamlam. Ito ay mga 70 km
mula sa Makkah. Ito ang míqát ng
mga ga-ling sa Yemen;
5. Ang Dhát ‘Irq. Ito ang míqát ng
mga galing sa Iraq.
Ang mga lugar na ito ay ginawang
míqát ng Propeta (SAS) para sa mga
Ang Hajj at ang ‘Umrah
62
nag-buhat sa lugar na nabanggit at mga
duma-raan sa mga ito na nagbuhat sa
ibang pook, na nagnanais na
magsagawa ng Hajj o ‘Umrah. Ang
mga naninirahan sa Makkah at sa
pagitan ng Makkah at mga míqát ay
magsasagawa ng ihrám sa kanilang
mga tahanan.
Ang mga Sunnah sa Ihrám
Ang mga gawaing sunnah na
gawin bago magsagawa ng ihrám:
1. Ang pagputol ng mga kuko sa
kamay at paa, ang pagbunot o ang
pag-aahit ng buhok sa kilikili, ang
pagputol ng bigote, ang pag-ahit ng
buhok sa ari, ang pagpaligo at ang
paggamit ng pa-bango o mabangong
Ang Hajj at ang ‘Umrah
63
bagay sa katawan lamang at hindi sa
kasuutan para sa ihrám.
2. Ang pag-aalis sa katawan ng
anumang kasuutan (gaya ng brief,
kamiseta, short at t-shirt) at ang
pagsusuot ng puting izár (tapis) at
puting ridá’ (balabal). Samantala, ang
babae ay maaaring mag-suot ng
anumang damit na ninais niya, kalakip
ng pagsisikap na takpan ang sarili, na
hindi ilantad ang kagandahan, na
takpan ang mukha at mga kamay
kapag may mga lalaking hindi mahram
at na iwasan na magsuot ng niqáb at
mga guwantes.
3. Ang pagpunta sa masjid, ang
pagsa-sagawa ng saláh kasama ng
jamá‘ah kapag oras ng saláh o ang
Ang Hajj at ang ‘Umrah
64
pagsasaga-wa ng dalawang rak‘ah
bilang saláh na sunnah para sa wudú’.
Pagkatapos gawin ang mga nabanggit
ay isasaga-wa na ang Ihram para sa
‘umrah sa pamamagitan ng pagsabi ng
labbayka ‘umrah.30
Kapag naglalakbay lulan ng
eroplano patungong Makkah,
kailangang isagawa ang ihrám sa
ibabaw ng míqát o sa loob ng sapat na
panahon bago lumampas sa míqát
kapag mahirap malaman kung saan ito.
Gagawin ang mga gawain sa míqát
gaya ng paglilinis ng sarili,
30 Bilang pagtugon sa panawagan Mo upang
magsagawa ng ‘umrah.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
65
pagpapaba-ngo, pagpuputol ng kuko
at pagsusuot ng kasuutan para sa
ihrám. Kung nanaisin ay magagawa
ang mga ito bago sumakay sa
eroplano o kapag lulan na nito.
Pagkata-pos ay ipahahayag ang
layuning magsa-gawa ng ihrám bago
dumating sa míqát o pagdating doon.
Matapos isagawa ang ihrám, sunnah
na bigkasin ang talbiyah at ulit-ulitin
ito sa tuwi-tuwina sa loob ng mga
sandaling nasa panahon ng ihrám
hanggang sa bago mag-simula ang
tawáf sa Ka‘bah. Ang talbiyah ay ang
pagsabi ng: Labbayk alláhumma
labbayk, labbayka lá sharíka laka
Ang Hajj at ang ‘Umrah
66
lab-bayk, innal hamda wan ni‘mata
laka wal mulk, lá sharíka lak.31
Ang mga Bawal Matapos
Isagawa ang Ihrám
Ipinagbabawal sa sandali ng ihrám
ang ilang bagay na ipinahihintulot dati
bago isinagawa ang ihrám, dahil nasa
sandali na ng pagsamba.
Ipinagbabawal ang sumu-sunod:
31 Bilang pagtugon sa panawagan Mo, o Allah,
bi-lang pagtugon sa panawagan Mo; bilang
pagtugon sa panawagan Mo, wala Kang
katambal; bilang pagtugon sa panawagan Mo.
Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay
ukol sa Iyo at ang paghaha-ri; wala Kang
katambal.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
67
1. Ang pag-aalis ng buhok sa ulo at
sa alin mang bahagi ng katawan,
subalit walang masama kung
kakamutin nang marahan ang ulo
kapag kailangan;
2. Ang pagputol ng kuko, subalit
kung naputol ang kuko o nakasasakit
ay walang masama na alisin ito;
3. Ang pagggamit ng pampapabango
pati na ang sabon na may pabango;
4. Ang pakikipagtalik o ang gawaing
ma-aaring mauwi sa pakikipagtalik
gaya ng pagpapakasal, pagtingin nang
may pagnanasa, paghipo, paghalik at
iba pa;
5. Ang pagsusuot ng guwantes;
6. Ang pagpatay ng mailap na hayop.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
68
Ang mga gawaing nabanggit ay
ipinagbabawal sa lalaki at babae. Ang
mga sumusunod ay ipinagbabawal
lamang sa lalaki:
1. Ang pagsusuot ng anumang
kasuutan, ngunit ipinahihintulot ang
anumang kakailanganin gaya ng
sinturon, relo, salamin, at iba pang
tulad nito;
2. Ang pagtatakip sa ulo ng
anumang sumasayad o dumidiit dito,
subalit walang masama kung hindi
dumidiit ang ipinantatakip gaya ng
payong, bu-bong ng kotse, tolda, at
mga katulad nito;
Ang Hajj at ang ‘Umrah
69
3. Ang pagsusuot ng medyas, ngunit
maaaring magsuot ng sapatos kapag
walang makitang tsenelas.
Ang sinumang may nagawang anuman
sa mga ipinagbabawal na ito ay
may tatlong kalagayan:
1. Na ginawa niya ito nang walang
tang-gap na dahilan kaya naman
nagkasala siya at kailangan niyang
magbigay ng fidyah,32
32 Ang fidyah ay nagsisilbing kabayaran sa
pagka-kamali o kasalanan. Ang mga fidyah ay
hindi mag-kakatulad; kaya kapag nakagawa ng
anuman sa mga nabanggit na ipinagbabawal,
magtanong sa nakaa-alam kung ano ang dapat
gawin.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
70
2. Na ginawa niya ito sanhi ng
panganga-ilangan kaya naman wala
siyang sala ngunit kailangan pa rin
niyang magbi-gay ng fidyah,
3. Na ginawa niya ito ngunit
mapagpa-paumanhinan siya dahil sa
kawalang-kaalaman o pagkalimot o
pinuwersa kaya naman wala siyang
kasalanan at hindi na kailangang
magbigay ng fidyah.
Ang Tawáf
Kapag papasok sa alMasjid
alHarám, sunnah na unahing ipasok
ang kanang paa at magsabi ng: bismi
'lláh, wa 'ssalátu was salámu ‘alá
rasúli 'lláh, alláhumma 'ghfir lí
Ang Hajj at ang ‘Umrah
71
dhunúbí wa 'ftah lí abwába
rahmatik.33 Ganito rin ang gagawin
sa lahat ng masjid. Pagkatapos ay
tutuloy agad sa Ka‘bah upang isagawa
ang tawáf.
Ang tawáf ay ang paglibot sa
Ka‘bah nang pitong ulit. Magsisimula
ang pag-ikot sa tapat ng alHajar
al’Aswad at magtata-pos din doon,
habang ang Ka‘bah ay nasa kaliwa.
Kailangan ding may wudú’ pa.
33 Sa ngalan ni Allah; ang pagpapala at ang
kapa-yayapaan ay makamit ng Sugo ni Allah.
O Allah, patawarin Mo ako sa mga pagkakasala
ko at buksan Mo para sa akin ang mga pinto ng
awa Mo.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
72
1. Pupunta sa alHajar al’Aswad, 34
hihipu-in iyon ng kanang kamay,
magsasabi ng bismilláhi walláhu
akbar 35 at hahali-kan iyon kung
makakaya. Ngunit kung hindi
makayang halikan (dahil sa tindi ng
34 Ang Batong Itim na nakadikit sa isang sulok
ng Ka‘bah. Reperensiya ito sa tawáf.
35 Sa ngalan ni Allah; si Allah ay
pinakadakila. Mainam din na magsabi ng:
Alláhumma ímánam bika wa tasdíqam
bikitábika wa wafá’am bi ‘ahdika wa
'ttibá‘al lisunnati nabíyika salla 'lláhu ‘alayhi
wa sallam: O Allah, dahil sa pagsampalata-ya sa
Iyo, sa paniniwala sa Aklat Mo, sa pagtupad sa
pangako sa Iyo, at pagsunod sa Sunnah ng
Propeta Mo, pagpalain Mo siya at
pangalagaan.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
73
siksikan) ay hihipuin na lamang ng
kanang kamay at hahalikan ang kanang
kamay. Kung hindi rin madaling mahipo
ang alHajar al’Aswad, haharap na
lamang doon at ituturo iyon ng kanang
kamay habang nagsasabi ng Alláhu
Akbar ngunit hindi na hahalikan pa
ang kanang kamay. Pupuwesto na ang
Ka‘bah ay nasa kaliwa at sisimulan sa
tapat ng alHajar al’Aswad ang tawáf.
Habang nagsasagawa ng tawáf ay mananalangin
kay Allah ng kahit anong
nanaising panalangin o bibigkas ng
kahit anong talata ng Qur’an. Maaaring
manalangin sa sariling wika, para sa
sariling kapakanan at para sa sinumang
Ang Hajj at ang ‘Umrah
74
ninanais idalangin. Walang takdang
du‘á’36 kapag nagsasagawa ng tawáf.
2. Kapag dumating sa arRukn
alYamání37 ay hihipuin iyon ng kanang
kamay kung magagawa at magsasabi ng
bismi 'lláhi wa 'lláhu akbar ngunit
hindi na haha-likan ang kamay. Kung
hindi iyon ma-gawang hipuin ay
magpapatuloy na lamang sa paglalakad
at hindi na ituturo iyon ng kanang
kamay at hindi na rin magsasabi ng
36 Ang literal na kahulugan nito ay paanyaya,
pana-wagan at panalangin. Dalawang uri ito:
ang sunnah mula sa Propeta (SAS) sa wikang
Arabe, at ang pansarili na maaaring sabihin sa
anumang wika.
37 Ang sulok ng Ka‘bah bago ang alHajar
al’Aswad.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
75
Alláhu akbar. Habang nasa pagitan
ng arRukn alYamaní at alHajar
al’Aswad ay magsabi ka ng rabbaná
átiná fi 'ddunyá hasanah, wa fi
'l’ákhirati hasanah, wa qiná
‘adhába 'nnár.38
3. Kapag natapat na sa alHajar
al’Aswad ay hihipuin iyon ngunit
kung hindi magawa ay ituturo na
lamang iyon ng kanang kamay
habang sinasabi ang Alláhu akbar.
38 Panginoon namin, bigyan Mo po kami sa
mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng
mabuti rin; at iadaya Mo po kami sa pagdurusa
sa Apoy.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
76
Ganito natatapos ang unang pag-ikot
sa pitong pag-ikot. Upang mabuo ang
nati-tirang mga pag-ikot:
4. Magpapatuloy sa pagsasagawa ng
tawáf at gagawin ang tulad sa ginawa sa
unang ikot hanggang sa makumpleto
ang pi-tong ikot. Sa tuwing madadaan
sa tapat ng alHajar al’Aswad ay
magsasabi ng Alláhu akbar at
sasabihin rin ito pagkatapos ng
ikapitong ikot. Sunnah na maglakad
ng paglalakad na tinata-wag na raml
sa unang tatlong pag-ikot at
maglalakad naman ng karaniwang
lakad sa huling apat na pag-ikot. Ang
raml ay ang paglalakad nang mabilis
Ang Hajj at ang ‘Umrah
77
at magkakalapit ang mga hakbang. 39
Sunnah rin na isuot ang ridá’ nang pagsuot
na tinatawag na id’tibá‘ sa buong
pagsasagawa ng tawáf. Ang idtibá‘ ay
ganito: ilagay sa kaliwang balikat ang
kalagitnaang bahagi ng ridá’, pagsalubungin
sa ilalim ng kanang kilikili ang
mga bahagi nitong malapit sa magkabilaang
dulo nito at ipatong sa kaliwang
balikat ang magkabilaang dulo nito.40
Ang raml at idtibá‘ ay isinasagawa lamang
sa unang pagsasagawa ng tawáf
ng hajj o ‘umrah sa unang pagdating
sa Makkah.
39 Kung mahirap itong gawin, maaari nang
hindi ito gawin.
40 Hindi ipinahihintulot sa babae ang idtibá‘.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
78
Pagkatapos ng Tawáf
Sunnah na magsagawa ng 2 rak‘ah
na saláh sa tapat ng Maqám Ibráhím.
Ang Maqám Ibráhím ay nasa pagitan
ng nag-darasal at ng Ka‘bah. Isusuot
ang balabal bago magdasal: ipapatong
ito sa dalawang balikat at ang
magkabilang dulo ay nasa dibdib.
Tahimik na bibigkasin ang Súrah
alFátihah at ang Súrah alKáfirún sa
unang rak‘ah, at ang Súrah alFátihah
at ang Súrah al’Ikhlás sa ikalawang
rak‘ah. Kung hindi magiging madali
na magdasal sa tapat ng Maqám
Ibráhím dahil sa tindi ng siksikan,
magdadasal sa alin mang bahagi ng
alMasjid alHarám. Pagkatapos ng
Ang Hajj at ang ‘Umrah
79
saláh ay sunnah na uminom ng
maraming tubig ng Zamzam.
Ang Sa‘y41
Pagkatapos uminom ay pupunta sa
Mas‘á. 42 Dadako muna sa Safá at
kapag malapit na roon ay bibigkasin
ang innas safá wal marwata min
sha‘á’irilláh. 43 Aakyat sa Safá
hanggang sa makita ang Ka‘bah,
haharap doon at iaangat ang mga
kamay (na ang mga palad ay nakaharap
sa mukha). Magpupuri kay Allah at
41 Paglalakad sa pagitan ng Safá at Marwah.
42 Pinagsasagawaan ng sa‘y.
43 Tunay na ang Safá at ang Marwah ay
kabilang sa mga tanda ni Allah.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
80
mana-nalangin ng anumang nais
ipanalangin o ng gaya ng panalanging
ito: lá iláha illa 'lláh, wa 'lláhu
akbar, lá iláha illalláhu wahdah, lá
sharíka lah, lahu 'lmulku wa lahu
'lhamd, yuhyí wa yumít, wa huwa
‘alá kulli shay’in qadír, lá iláha illa
'lláhu wahdah, anjaza wa‘dah, wa
nasara ‘abdah, wa hazama
'l’ahzába wahdah.44 Mananalangin pa
44 Walang totoong Diyos kundi si Allah; si
Allah ay pinakadakila. Walang totoong Diyos
kundi si Allah; tanging Siya lamang, wala
Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari
at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigaybuhay
Siya at bumabawi Siya ng buhay. Siya
ay makapangyarihan sa bawat bagay. Walang
totoong Diyos kundi si Allah, tanging Siya
Ang Hajj at ang ‘Umrah
81
nang mahaba. Uulitin nang 3 beses ang
lahat ng iyon.
Pagkatapos niyon ay maglalakad
paba-ba patungo sa Marwah. Pagdating
sa pala-tandaang kulay berde, sunnah
na maglakad nang mabilis sa abot ng
makakaya hang-gang sa dumating sa
kabilang palatanda-ang berde—sa
kundisyon na walang sinu-mang
pipinsalain. (Ang paglalakad nang
mabilis sa bahaging ito ng Mas‘á ay
para lamang sa mga lalaki at hindi para
sa mga babae.) Pagdating sa paanan
ng Marwah ay aakyatin ito, haharap
lamang. Tinupad Niya ang Kanyang pangako,
pinag-tagumpay Niya ang Kanyang Lingkod, at
mag-isa Niyang ginapi ang mga magkampi
[laban sa Islam].
Ang Hajj at ang ‘Umrah
82
sa kinaroroonan ng Ka‘bah, iaangat
ang mga kamay, at bibigkasin ang
binigkas sa Safá. Pagka-tapos nito ay
natapos na ang isang shawt45 sa pitong
shawt. Matapos manalangin ay
bababa sa Marwah, magtutungo sa
Safá, at gagawin ang tulad sa ginawa
sa unang shawt. Sunnah na damihan
ang panala-ngin habang nagsasagawa
ng sa‘y.
Matapos na maisagawa ang sa‘y ay
maaari nang ipagupit o ipaahit ang
buhok, magsuot ng pangkaraniwang
damit, at maaalis na ang lahat ng
bawal sa ihrám.
45 Paglakad sa pagitan ng Safá at Marwah.
Ang Hajj at ang ‘Umrah
83
Ang mga Rukn o Haligi ng
‘Umrah
1. Ang Ihrám;
2. Ang Tawáf;
3. Ang Sa‘y.
Ang sinumang may nakaligtaang
gawin kahit isa man lamang sa
nabang-git na mga Haligi ng ‘umrah
ay hindi matatanggap ang ‘umrah
niya hanggat hindi niya isinasagawa
iyon.
Ang mga Wájib o
Kinakailangan sa ‘Umrah
1. Ang pagsasagawa ng ihrám sa
míqát;
Ang Hajj at ang ‘Umrah
84
2. Ang pagpapagupit o ang
pagpapaahit ng buhok;
Ang sinumang may
nakaligtaang gawin na kahit isa
man lamang sa na-banggit na mga
wájib sa ‘umrah ay kai-langang
magkatay ng hayop: isang tupa o
kambing para sa isang tao o isang
baka o kamelyo para sa pitong tao.
Ipamigay ito sa mga naninirahan sa
Haram.46
46 Ang Haram ay ang lugar sa palibot ng
alMasjid alHarám. Ang alMasjid alHarám ay
ang masjid na nakapalibot sa Ka‘bah. Ang
labas ng Haram ay tinatawag na Hill. May
takdang hangganan ito.