Mga Artikulo




أحكام الحج


Ang mga Tuntunin ng Hajj


Ang Tuntunin at Kabutihan ng


Hajj


Ang pagsasagawa ng hajj ay


tungkulin ng bawat lalaki at babaeng


Muslim isang ulit sa tanang buhay. Ito


ang ikalima sa mga Saligan ng Islam.


Nagsabi si Allah (3:97): “kay Allah ay


may tungkulin ang mga tao na


magsagawa ng hajj sa Bahay: ang


sinumang makakayang makarating


doon.” Nagsabi naman ang


Propeta (SAS): “Isinalig ang Islam


sa lima: ang pagsaksi na walang


Ang Hajj at ang ‘Umrah


6


[totoong] Diyos kundi si Allah at si


Muhammad ay Sugo ni Allah, ang


pagpapanatili sa saláh, ang


pagbibigay ng zakáh, ang


pagsasagawa ng hajj at ang pagaayuno


sa Ramadán.”


Ang hajj ay isa sa mainam na mga


pag-sambang nagpapalapit sa tao kay


Allah. Nagsabi ang Propeta (SAS):


“Ang sinu-mang magsagawa ng hajj sa


Bahay 1 na ito at hindi gumawa ng


malaswa at hindi sumu-way ay babalik


siya na gaya noong isinilang siya ng ina


niya.”


1 Ang Ka‘bah.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


7


Ang mga Kundisyon ng Hajj


Ang pagsasagawa ng hajj ay


tungkulin ng isang Muslim na báligh at


‘áqil,2 kung makakaya niya. Ang ibig


sabihin ng kaka-yahan ay ang


kakayahan na magkaroon ng


panggastos at masasakyan patungo


roon. Kailangang mayroong


masasakyan at pang-gastos na


makasasapat sa kanya para sa


pagpunta at pag-uwi kabilang dito ang


2 Magiging báligh ang tao kapag 15 taong


gulang na, o tinubuan na ng buhok sa maselang


bahagi ng katawan, o kapag may punlay nang


lumalabas sa wet dream o sa iba pang paraan,


at kapag nagka-roon na ng regla ang isang


babae. Ang ‘áqil ay ang may sapat at matinong


pag-iisip.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


8


pag-kain, ang inumin, ang kasuutan at


ang sa-sakyan. Ang panggastos na ito


ay ang labis sa panggastos sa


pangangailangan ng mga taong umaasa


sa kanya. Bahagi rin ng ka-kayahan


ang pagkakaroon ng katiwasa-yan sa


dadaanan papunta sa Makkah at ang


kalusugan ng katawan: walang sakit at


kapansanang makasasagabal sa pagsasagawa


ng Hajj. Karagdagan sa mga


na-banggit, isang kundisyon para sa


mga ka-babaihan ang magkaroon ng


kasamang mahram3 sa Hajj, maging


ito man ay asa-wa niya o isa sa mga


kamag-anak niya na mahram. Ang


babae ay kailangang hindi rin


3 Asawa o taong bawal mapangasawa.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


9


nagsasagawa ng ‘iddah4 dahil pinagbawalan


ni Allah ang mga babaeng


nagsa-sagawa ng ‘iddah na lumabas sa


tahanan nila. Kaya ang sinumang


nagtataglay ng isa sa mga hadlang na


nabanggit, hindi siya obligadong


magsagawa ng hajj.


4 Ang ‘iddah ay ang panahon na hindi pa


maaaring mag-asawa ang isang babaeng


namatayan ng asawa o diniborsiyo. Ang ‘iddah,


kapag hindi nagdadalang-tao, ay tatlong buwan


para sa diniborsiyo at apat na buwan at


sampung araw para sa namatayan ng asawa.


Ang ‘iddah naman ng nagdadalang-tao ay


nagtatapos kapag nagsilang siya ng sanggol.


Isina-sagawa ang ‘iddah upang kapag muling


nag-asawa ang isang babae ay makatitiyak siya


na hindi nag-dadalang-tao sa unang asawa.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


10


Ang mga Kaasalan sa Hajj


1. Na pag-aaralan ang mga alituntunin


sa pagsasagawa ng hajj at ‘umrah


bago maglakbay, maaaring sa


pamamagitan ng pagbabasa o


pagtatanong.


2. Ang pagsisigasig na magkaroon ng


mabuting kasama na tutulong sa mabuti,


at minamabuti ring magkaroon ng kasamang


maalam o mag-aaral ng Islam.


3. Na ang hahangarin sa


isasagawang Hajj ay ang ikalulugod ni


Allah at ang mapalapit sa Kanya.


4. Ang pangalaga sa dila laban sa


mga walang kabuluhang salita.


5. Ang madalas na pagsambit ng


mga dhikr at mga panalangin.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


11


6. Ang pag-iwas na makasakit sa mga


tao.


7. Na magsisikap ang isang Muslimah


na magtakip ng sarili, magsuot ng Hijáb,


at umiwas makihalubilo sa mga


lalaking hindi Mahram.


8. Na aalalahanin ng isang


nagsasagawa ng Hajj na siya ay nasa


sandali ng pag-sasagawa ng isang


pagsamba kay Allah, hindi nasa sandali


ng pamamasyal at pagliliwaliw,


sapagkat ang ibang mga nagsasagawa


ng Hajj—patnubayan sila ni Allah—ay


nag-aakalang ang Hajj ay isang


pagkakataon para mamasyal at


magpakuha ng mga litrato.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


12


Ang Ihrám


Ang ihrám ay ang pagpasok sa


pagsa-sagawa ng mga itinakdang


gawain para sa Hajj at ‘Umrah.


Kailangang magsagawa ng ihrám ang


sinumang nagnanais na magsa-gawa ng


hajj o ‘umrah. Magsasagawa ng ihrám


ang nagnanais magsagawa ng Hajj o


‘Umrah, kapag nagbuhat siya sa labas


ng Makkah, sa isa sa mga míqát na


itinak-da ng Sugo (SAS). Ang mga


míqát ay ang sumusunod:


1. Ang Dhul Hulayfah. Ito ay maliit


na nayong malapit sa alMadínah at


tina-tawag sa ngayon na Abyár ‘Ali.


Ito ay míqát ng mga galing sa


Madínah;


Ang Hajj at ang ‘Umrah


13


2. Ang alJuhfah. Ito ay isang maliit


na nayong malapit sa Rábigh. Ang


mga tao sa ngayon ay nagsasagawa ng


ihrám sa Rábigh. Ito ay míqát ng mga


galing sa Syria, Jordan, at Palestina;


3. Ang Qarn alManázil (asSayl


alKabír). Ito ay isang lugar na malapit


sa Tá’if. Ito ay míqát ng mga galing


sa Najd (ang kalagitnaang bahagi ng


Saudi Arabia);


4. Ang Yalamlam. Ito ay mga 70 km


mula sa Makkah. Ito ang míqát ng


mga ga-ling sa Yemen;


5. Ang Dhát ‘Irq. Ito ang míqát ng


mga galing sa Iraq.


Ang mga lugar na ito ay ginawang


míqát ng Propeta (SAS) para sa mga


Ang Hajj at ang ‘Umrah


14


nag-buhat sa lugar na nabanggit at mga


duma-raan sa mga ito na nagbuhat sa


ibang pook, na nagnanais na


magsagawa ng Hajj o ‘Umrah. Ang


mga naninirahan sa Makkah at sa


pagitan ng Makkah at mga míqát ay


magsasagawa ng ihrám sa kanilang


mga tahanan.


Ang mga Sunnah sa Ihrám


Ang mga gawaing sunnah na


gawin bago magsagawa ng ihrám:


1. Ang pagputol ng mga kuko sa


kamay at paa, ang pagbunot o ang


pag-aahit ng buhok sa kilikili, ang


pagputol ng bigote, ang pag-ahit ng


buhok sa ari, ang pagpaligo at ang


paggamit ng pa-bango o mabangong


Ang Hajj at ang ‘Umrah


15


bagay sa katawan lamang at hindi sa


kasuutan para sa ihrám.


2. Ang pag-aalis sa katawan ng


anumang kasuutan (gaya ng brief,


kamiseta, short at t-shirt) at ang


pagsusuot ng puting izár (tapis) at


puting ridá’ (balabal). Samantala, ang


babae ay maaaring mag-suot ng


anumang damit na ninais niya, kalakip


ng pagsisikap na takpan ang sarili, na


hindi ilantad ang kagandahan, na


takpan ang mukha at mga kamay


kapag may mga lalaking hindi mahram


at na iwasan na magsuot ng niqáb at


mga guwantes.


3. Ang pagpunta sa masjid, ang


pagsa-sagawa ng saláh kasama ng


jamá‘ah kapag oras ng saláh o ang


Ang Hajj at ang ‘Umrah


16


pagsasaga-wa ng dalawang rak‘ah


bilang saláh na sunnah para sa wudú’.


Pagkatapos gawin ang mga nabanggit


ay isasaga-wa na ang Ihram.


Ang Tatlong Uri ng Hajj


1. Ang Tamattu‘. Magsagawa muna


ng ihrám para sa ‘umrah lamang at


kapag dumating na ang oras ng hajj ay


mag-sasagawa naman ng ihrám para sa


Hajj sa kinaroroonan sa Makkah.


Magsasabi ng ganito sa míqát: labbayka


‘umratan mutamatti‘am bihá ilal


hajj. 5 Ang Hajj na Tamattu‘ ang


pinakamainam na uri ng hajj lalo na


kapag dumating sa Makkah sa loob ng


5 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa


muna ng ‘umrah na pasusundan ng Hajj.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


17


panahong hindi pa maisasagawa ang


hajj. Pagkatapos niyon ay muling


magsasagawa ng ihrám para naman sa


hajj sa ika-8 ng Dhul-hijjah sa


kinaroroonan sa Makkah sa


pamamagitan ng pagsabi ng labbayka


hajja (Bilang pagtugon sa panawagan


Mo na magsagawa ng Hajj). Kailangan


ang hady (hayop na kinakatay bilang


alay) sa uri ng hajj na ito. Makasasapat


ang isang tupa (o kambing) para sa isang


tao, at ang isang kamelyo o isang baka


para sa pitong tao.


2. Ang Qirán. Isasagawa nang isang


ulit lamang ang ihrám para sa


ipinagsa-mang ‘Umrah at Hajj.


Magsasabi sa míqát ng labbayka


Ang Hajj at ang ‘Umrah


18


‘umratan wa hajja.6 Isasagawa muna


ang ‘umrah at pagkatapos nito ay


magpapatuloy sa ihrám (hindi


huhubarin ang kasuutan para sa


ihrám) hanggang sa dumating ang


‘Ídul Ad'há. Isinasagawa ang Hajj na


Qirán sa pamamagitan ng pagdurugtong


ng ‘Umrah sa Hajj. Ang Hajj


na Qirán ay kadalasang isinasagawa


ng sinumang bagaman dumating bago


sumapit ang hajj ay wala na siyang


sapat na panahon upang tapusin ang


isang ‘umrah at saka magsagawa ng


panibagong ihrám para sa hajj kapag


dumating na ang oras nito. Ang hady


ay kinakailangan din sa hajj na ito.


6 Bilang pagtugon sa panawagan Mo na


magsagawa ng ‘Umrah at Hajj.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


19


3. Ang Ifrád. Maglalayon na


magsasa-gawa ng hajj lamang.


Magsasagawa ng ihrám sa míqát at sa


pamamagitan ng pagsasabi ng


labbayka hajja. Hindi kailangan ang


hady sa hajj na ito.


Kapag naglalakbay lulan ng


eroplano patungong Makkah,


kailangang isagawa ang ihrám sa


ibabaw ng míqát o sa loob ng sapat na


panahon bago lumampas sa míqát


kapag mahirap malaman kung saan ito.


Gagawin ang mga gawain sa míqát


gaya ng paglilinis ng sarili,


pagpapaba-ngo, pagpuputol ng kuko


at pagsusuot ng kasuutan para sa


ihrám. Kung nanaisin ay magagawa


ang mga ito bago sumakay sa


Ang Hajj at ang ‘Umrah


20


eroplano o kapag lulan na nito.


Pagkata-pos ay ipahahayag ang


layuning magsa-gawa ng ihrám bago


dumating sa míqát o pagdating doon.


Ang Pagsasagawa ng Ihrám


Ang paraan ng pagsasagawa ng


ihrám ay ang pagsasabi ng:


1. labbayka ‘umratan


mutamatti‘am bihá ilal hajj; ito ay


kapag nagnanais na magsagawa ng


hajj na Tamattu‘.


2. labbayka ‘umratan wa hajja; ito


ay kapag nagnanais na magsagawa ng


Hajj na Qirán.


3. labbayka hajja; ito ay kapag


nagna-nais na magsagawa ng hajj na


Ifrád.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


21


Matapos isagawa ang ihrám, sunnah


na bigkasin ang talbiyah at ulit-ulitin


ito sa tuwi-tuwina sa loob ng mga


sandaling nasa panahon ng ihrám


hanggang sa bago mag-simula ang


tawáf sa Ka‘bah. Ang talbiyah ay ang


pagsabi ng: Labbayk alláhumma


labbayk, labbayka lá sharíka laka


lab-bayk, innal hamda wan ni‘mata


laka wal mulk, lá sharíka lak.7


7 Bilang pagtugon sa panawagan Mo, o Allah,


bi-lang pagtugon sa panawagan Mo; bilang


pagtugon sa panawagan Mo, wala Kang


katambal; bilang pagtugon sa panawagan Mo.


Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay


ukol sa Iyo at ang paghaha-ri; wala Kang


katambal.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


22


Ang mga Bawal Matapos


Isagawa ang Ihrám


Ipinagbabawal sa sandali ng ihrám


ang ilang bagay na ipinahihintulot dati


bago isinagawa ang ihrám, dahil nasa


sandali na ng pagsamba.


Ipinagbabawal ang sumu-sunod:


1. Ang pag-aalis ng buhok sa ulo at


sa alin mang bahagi ng katawan,


subalit walang masama kung


kakamutin nang marahan ang ulo


kapag kailangan;


2. Ang pagputol ng kuko, subalit


kung naputol ang kuko o nakasasakit


ay walang masama na alisin ito;


Ang Hajj at ang ‘Umrah


23


3. Ang pagggamit ng pampapabango


pati na ang sabon na may pabango;


4. Ang pakikipagtalik o ang gawaing


ma-aaring mauwi sa pakikipagtalik


gaya ng pagpapakasal, pagtingin nang


may pagnanasa, paghipo, paghalik at


iba pa;


5. Ang pagsusuot ng guwantes;


6. Ang pagpatay ng mailap na hayop.


Ang mga gawaing nabanggit ay


ipinagbabawal sa lalaki at babae. Ang


mga sumusunod ay ipinagbabawal


lamang sa lalaki:


1. Ang pagsusuot ng anumang


kasuutan, ngunit ipinahihintulot ang


anumang kakailanganin gaya ng


Ang Hajj at ang ‘Umrah


24


sinturon, relo, salamin, at iba pang


tulad nito;


2. Ang pagtatakip sa ulo ng


anumang sumasayad o dumidiit dito,


subalit walang masama kung hindi


dumidiit ang ipinantatakip gaya ng


payong, bu-bong ng kotse, tolda, at


mga katulad nito;


3. Ang pagsusuot ng medyas, ngunit


maaaring magsuot ng sapatos kapag


walang makitang tsenelas.


Ang sinumang may nagawang anuman


sa mga ipinagbabawal na ito ay


may tatlong kalagayan:


1. Na ginawa niya ito nang walang


tang-gap na dahilan kaya naman


Ang Hajj at ang ‘Umrah


25


nagkasala siya at kailangan niyang


magbigay ng fidyah,8


2. Na ginawa niya ito sanhi ng


panganga-ilangan kaya naman wala


siyang sala ngunit kailangan pa rin


niyang magbi-gay ng fidyah,


3. Na ginawa niya ito ngunit


mapagpa-paumanhinan siya dahil sa


kawalang-kaalaman o pagkalimot o


pinuwersa kaya naman wala siyang


kasalanan at hindi na kailangang


magbigay ng fidyah.


8 Ang fidyah ay nagsisilbing kabayaran sa


pagka-kamali o kasalanan. Ang mga fidyah ay


hindi mag-kakatulad; kaya kapag nakagawa ng


anuman sa mga nabanggit na ipinagbabawal,


magtanong sa nakaa-alam kung ano ang dapat


gawin.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


26


Ang Tawáf


Kapag papasok sa alMasjid


alHarám, sunnah na unahing ipasok


ang kanang paa at magsabi ng: bismi


'lláh, wa 'ssalátu was salámu ‘alá


rasúli 'lláh, alláhumma 'ghfir lí


dhunúbí wa 'ftah lí abwába


rahmatik.9 Ganito rin ang gagawin sa


lahat ng masjid. Pagkatapos ay tutuloy


agad sa Ka‘bah upang isagawa ang


tawáf.


9 Sa ngalan ni Allah; ang pagpapala at ang


kapa-yayapaan ay makamit ng Sugo ni Allah.


O Allah, patawarin Mo ako sa mga pagkakasala


ko at buksan Mo para sa akin ang mga pinto ng


awa Mo.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


27


Ang tawáf ay ang paglibot sa


Ka‘bah nang pitong ulit. Magsisimula


ang pag-ikot sa tapat ng alHajar


al’Aswad at magtata-pos din doon,


habang ang Ka‘bah ay nasa kaliwa.


Kailangan ding may wudú’ pa.


1. Pupunta sa al-Hajar al’Aswad, 10


hihipu-in iyon ng kanang kamay,


magsasabi ng bismilláhi walláhu


akbar 11 at hahali-kan iyon kung


10 Ang Batong Itim na nakadikit sa isang sulok


ng Ka‘bah. Reperensiya ito sa tawáf.


11 Sa ngalan ni Allah; si Allah ay


pinakadakila. Mainam din na magsabi ng:


Alláhumma ímánam bika wa tasdíqam


bikitábika wa wafá’am bi ‘ahdika wa


'ttibá‘al lisunnati nabíyika salla 'lláhu ‘alayhi


Ang Hajj at ang ‘Umrah


28


makakaya. Ngunit kung hindi


makayang halikan (dahil sa tindi ng


siksikan) ay hihipuin na lamang ng


kanang kamay at hahalikan ang kanang


kamay. Kung hindi rin madaling mahipo


ang alHajar al’Aswad, haharap na


lamang doon at ituturo iyon ng kanang


kamay habang nagsasabi ng Alláhu


Akbar ngunit hindi na hahalikan pa


ang kanang kamay. Pupuwesto na ang


Ka‘bah ay nasa kaliwa at sisimulan sa


tapat ng alHajar al’Aswad ang tawáf.


wa sallam: O Allah, dahil sa pagsampalata-ya sa


Iyo, sa paniniwala sa Aklat Mo, sa pagtupad sa


pangako sa Iyo, at pagsunod sa Sunnah ng


Propeta Mo, pagpalain Mo siya at


pangalagaan.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


29


Habang nagsasagawa ng tawáf ay mananalangin


kay Allah ng kahit anong


nanaising panalangin o bibigkas ng


kahit anong talata ng Qur’an. Maaaring


manalangin sa sariling wika, para sa


sariling kapakanan at para sa sinumang


ninanais idalangin. Walang takdang


du‘á’12 kapag nagsasagawa ng tawáf.


2. Kapag dumating sa arRukn


alYamání13 ay hihipuin iyon ng kanang


kamay kung magagawa at magsasabi ng


12 Ang literal na kahulugan nito ay paanyaya,


pana-wagan at panalangin. Dalawang uri ito:


ang sunnah mula sa Propeta (SAS) sa wikang


Arabe, at ang pansarili na maaaring sabihin sa


anumang wika.


13 Ang sulok ng Ka‘bah bago ang alHajar


al’Aswad.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


30


bismi 'lláhi wa 'lláhu akbar ngunit


hindi na haha-likan ang kamay. Kung


hindi iyon ma-gawang hipuin ay


magpapatuloy na lamang sa paglalakad


at hindi na ituturo iyon ng kanang


kamay at hindi na rin magsasabi ng


Alláhu akbar. Habang nasa pagitan


ng arRukn alYamaní at alHajar


al’Aswad ay magsabi ka ng rabbaná


átiná fi ddunyá


hasanah, wa fi


l’ákhirati


hasanah, wa qiná


‘adhába nnár.


14


14 Panginoon namin, bigyan Mo po kami sa


mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng


mabuti rin; at iadaya Mo po kami sa pagdurusa


sa Apoy.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


31


3. Kapag natapat na sa alHajar


al’Aswad ay hihipuin iyon ngunit


kung hindi magawa ay ituturo na


lamang iyon ng kanang kamay


habang sinasabi ang Alláhu akbar.


Ganito natatapos ang unang pag-ikot


sa pitong pag-ikot. Upang mabuo ang


nati-tirang mga pag-ikot:


4. Magpapatuloy sa pagsasagawa ng


tawáf at gagawin ang tulad sa ginawa sa


unang ikot hanggang sa makumpleto


ang pi-tong ikot. Sa tuwing madadaan


sa tapat ng alHajar al’Aswad ay


magsasabi ng Alláhu akbar at


sasabihin rin ito pagkatapos ng


ikapitong ikot. Sunnah na maglakad


ng paglalakad na tinata-wag na raml


Ang Hajj at ang ‘Umrah


32


sa unang tatlong pag-ikot at


maglalakad naman ng karaniwang


lakad sa huling apat na pag-ikot. Ang


raml ay ang paglalakad nang mabilis


at magkakalapit ang mga hakbang. 15


Sunnah rin na isuot ang ridá’ nang pagsuot


na tinatawag na id’tibá‘ sa buong


pagsasagawa ng tawáf. Ang idtibá‘ ay


ganito: ilagay sa kaliwang balikat ang


kalagitnaang bahagi ng ridá’, pagsalubungin


sa ilalim ng kanang kilikili ang


mga bahagi nitong malapit sa magkabilaang


dulo nito at ipatong sa kaliwang


balikat ang magkabilaang dulo nito.16


15 Kung mahirap itong gawin, maaari nang


hindi ito gawin.


16 Hindi ipinahihintulot sa babae ang idtibá‘.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


33


Ang raml at idtibá‘ ay isinasagawa lamang


sa unang pagsasagawa ng tawáf


ng hajj o ‘umrah sa unang pagdating


sa Makkah.


Pagkatapos ng Tawáf


Sunnah na magsagawa ng 2 rak‘ah


na saláh sa tapat ng Maqám Ibráhím.


Ang Maqám Ibráhím ay nasa pagitan


ng nag-darasal at ng Ka‘bah. Isusuot


ang balabal bago magdasal: ipapatong


ito sa dalawang balikat at ang


magkabilang dulo ay nasa dibdib.


Tahimik na bibigkasin ang Súrah


alFátihah at ang Súrah alKáfirún sa


unang rak‘ah, at ang Súrah alFátihah


at ang Súrah al’Ikhlás sa ikalawang


rak‘ah. Kung hindi magiging madali


Ang Hajj at ang ‘Umrah


34


na magdasal sa tapat ng Maqám


Ibráhím dahil sa tindi ng siksikan,


magdadasal sa alin mang bahagi ng


alMasjid alHarám. Pagkatapos ng


saláh ay sunnah na uminom ng


maraming tubig ng Zamzam.


Ang Sa‘y17


Pagkatapos uminom ay pupunta sa


Mas‘á. 18 Dadako muna sa Safá at


kapag malapit na roon ay bibigkasin


ang innas safá wal marwata min


sha‘á’irilláh. 19 Aakyat sa Safá


17 Paglakad sa pagitan ng Safá at Marwah.


18 Pinagsasagawaan ng sa‘y.


19 Tunay na ang Safá at ang Marwah ay


kabilang sa mga tanda ni Allah.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


35


hanggang sa makita ang Ka‘bah,


haharap doon at iaangat ang mga


kamay (na ang mga palad ay nakaharap


sa mukha). Magpupuri kay Allah at


mana-nalangin ng anumang nais


ipanalangin o ng gaya ng panalanging


ito: lá iláha illa 'lláh, wa 'lláhu


akbar, lá iláha illalláhu wahdah, lá


sharíka lah, lahu 'lmulku wa lahu


'lhamd, yuhyí wa yumít, wa huwa


‘alá kulli shay’in qadír, lá iláha illa


'lláhu wahdah, anjaza wa‘dah, wa


nasara ‘abdah, wa hazama


'l’ahzába wahdah.20 Mananalangin pa


20 Walang [totoong] Diyos kundi si Allah; si


Allah ay pinakadakila. Walang totoong Diyos


kundi si Allah; tanging Siya lamang, wala


Ang Hajj at ang ‘Umrah


36


nang mahaba. Uulitin nang 3 beses ang


lahat ng iyon.


Pagkatapos niyon ay maglalakad


paba-ba patungo sa Marwah. Pagdating


sa pala-tandaang kulay berde, sunnah


na maglakad nang mabilis sa abot ng


makakaya hang-gang sa dumating sa


kabilang palatanda-ang berde—sa


kundisyon na walang sinu-mang


Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari


at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigaybuhay


Siya at bumabawi Siya ng buhay. Siya


ay makapangyarihan sa bawat bagay. Walang


totoong Diyos kundi si Allah, tanging Siya


lamang. Tinupad Niya ang Kanyang pangako,


pinag-tagumpay Niya ang Kanyang Lingkod, at


mag-isa Niyang ginapi ang mga magkampi


[laban sa Islam].


Ang Hajj at ang ‘Umrah


37


pipinsalain. (Ang paglalakad nang


mabilis sa bahaging ito ng Mas‘á ay


para lamang sa mga lalaki at hindi para


sa mga babae.) Pagdating sa paanan


ng Marwah ay aakyatin ito, haharap


sa kinaroroonan ng Ka‘bah, iaangat


ang mga kamay, at bibigkasin ang


binigkas sa Safá. Pagka-tapos nito ay


natapos na ang isang shawt21 sa pitong


shawt. Matapos manalangin ay


bababa sa Marwah, magtutungo sa


Safá, at gagawin ang tulad sa ginawa


sa unang shawt. Sunnah na damihan


ang panala-ngin habang nagsasagawa


ng sa‘y.


21 Isang pagpunta sa Safá galing ng Marwah o


sa Marwah galing ng Safá.


Ang Hajj at ang ‘Umrah


38


Kung nagsasagawa ng hajj na


tamattu‘, matapos isagawa ang sa‘y ay


maaari nang ipagupit ang buhok: ipaahit


lahat o paiklian, tapusin ang ‘umrah,


magsuot ng pangka-raniwang damit,


at maaalis na ang lahat ng


ipinagbabawal sa ihrám. Kapag dumating


ang ika-8 ng Dhul Hijjah ay


muling magsasagawa ng ihrám sa


tinitigilan para sa hajj bago sumapit


ang saláh sa dhuhr. (Repasuhin ang


pagsagawa ng ihrám.) Gagawin ang


lahat ng ginagawa noong nagsagawa


ng ihrám para sa ‘umrah. Pag-katapos


nito ay ipahahayag ang hangaring


magsagawa ng hajj sa pamamagitan


ng pagsabi ng: labbayka hajja,


labbayka lá sharíka laka labbayk,


inna 'lhamda wan ni‘mata laka wa


Ang Hajj at ang ‘Umrah



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG