Mga Artikulo




Ang Pagbabalik-loob





“Ang sinumang gumagawa ng kasamaan o


lumabag sa katarungan sa sarili niya, pagkatapos


ay hihingi siya ng tawad kay Allah, matatagpuan


niya na si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.”


(Qur’an 4:110)


Ang Kainaman ng Pagbabalik-loob


Ang papuri ay ukol kay Allah at ang pagbabati at


ang pagpapala ay ukol sa Sugo ni Allah, sa mag-anak


niya at lahat ng Kasamahan niya.


May isang lalaki na pumunta kay Ibrahim ibnu


Ad'ham, kaawaan siya ni Allah, at nagsabi: “Tunay na


ako ay isang lalaking nagmamalabis sa sarili ko sa


pamamamagitan [ng paggawa] ng mga pagkakasala


kaya pangaralan mo ako.” Nagsabi si Ibrahim: “Kung


tatanggapin mo mula sa akin ang limang payo at


kakayanin mo ang mga ito, hindi ka mapipinsala ng


Ang Pagbabalik-loob


6


pagsuway [mo kay Allah] kailanman.” Kaya nagsabi


ang lalaki: “At ano ang mga ito?”


Nagsabi si Ibrahim: “Kapag ninanais mo na suwayin


si Allah ay huwag kang kumain mula sa biyaya Niya!”


Nagsabi ang lalaki: “Mula saan ako kakain, gayong


ang lahat ng nasa lupa ay bahagi ng biyaya Niya?”


Nagsabi si Ibrahim: “Maganda bang kakain ka mula


sa biyaya ni Allah at susuwayin mo Siya?”


Nagsabi ito: “Hindi. Ibigay mo ang ikalawa.”


Nagsabi si Ibrahim: “Kapag ninanais mo na suwayin


si Allah ay huwag kang tumira sa lupa Niya.”


Nagsabi ito: “Ito ay higit na mabigat kaysa sa una,


at saan naman ako titira?”


Nagsabi si Ibrahim: “Maganda bang kakain ka mula


sa biyaya ni Allah at titira sa lupa Niya at susuwayin


mo Siya?”


Nagsabi ito: “Hindi. Ibigay mo ang ikatlo.”


Nagsabi si Ibrahim: “Kung ninanais mo na suwayin


si Allah ay pumunta ka sa isang pook na hindi ka Niya


makikita roon. ”


Nagsabi ang lalaki: “Saan ako pupunta yamang si


Allah ay nakababatid sa lihim at hayag?”


Nagsabi si Ibrahim: “Maganda bang kakain ka mula


sa biyaya ni Allah at titira sa lupa Niya at susuwayin


mo Siya gayong Siya ay nakakikita sa iyo?”


Nagsabi ang lalaki: “Hindi. Ibigay mo ang ikaapat.”


Ang Pagbabalik-loob


7


Nagsabi si Ibrahim: “Kapag pumunta sa iyo ang


anghel ng kamatayan upang kunin ang kaluluwa mo


ay sabihin mo sa kanya: Palugitan mo ako hanggang


sa magbalik-loob ako at gumawa ako ng matuwid.”


Nagsabi ang lalaki: “Hindi siya tatanggap [ng hiling]


mula sa akin at hindi siya magpapalugit sa akin.”


Nagsabi si Ibrahim: “Kapag hindi mo nakaya na


itulak palayo sa iyo ang kamatayan upang magbalikloob


ka at manumbalik ka, papaano mong sinusuway


Siya?”


Nagsabi ang lalaki: “Ibigay mo ang ikalima.”


Nagsabi si Ibrahim: “Kapag pumunta sa iyo ang


mga [anghel na] tagatanod sa Impiyerno sa araw ng


Pagkabuhay upang dalhin ka nila sa apoy ay huwag


kang sumama sa kanila.”


Nagsabi ang lalaki: “Tunay na sila ay hindi magiiwan


sa akin at hindi sila tatanggap [ng hiling] mula


sa akin.”


Nagsabi si Ibrahim: “Kaya papaano kang makaaasa


na makaliligtas?”


Nagsabi ang lalaki: “Sapat na sa akin ito. Tunay na


ako ay humihingi ng kapatawaran sa Panginoon ko at


nagbabalik-loob sa kanya.”


Ang Pagbabalik-loob


8


Ipinag-utos ni Allah sa lahat ng mananampalatayang


lingkod Niya ang pagbabalik-loob. Sinabi Niya (24:31):





“Magbalik-loob kayong lahat kay Allah, o mga


Mananampalataya, nang harinawa kayo ay


magtagumpay. ”


Hinati Niya ang mga tao sa dalawang pangkat:


nagbabalik-loob at lumalabag sa katarungan sa sarili


niya. Sinabi Niya (49:11):





“Ang sinumang hindi nagbabalik-loob, ang mga


iyon ay ang mga lumalabag sa katarungan.”


Ang pangangailangan ng tao sa pagbabalik-loob


ay palagihan yayamang ang bawat anak ni Adan ay


nagkakamali, at ang pinakainam sa mga nagkakamali


ay ang mga nagbabalik-loob kay Allah, gaya nga ng


sinabi ng Sugo (SAS).


Tunay na ang kamalian na kinasadlakan ng marami


sa mga tao ay ang pagwawalang-bahala sa ilan sa mga


pagsuway. Sila ay sumusuway kay Allah sa gabi at araw.


Ang Pagbabalik-loob


9


Mayroon sa kanila na nagmamaliit sa pagsuway,


nagwawalang-bahala rito at hindi nagbibigay pansin


dito. Nagsabi si Ibnu Mas‘úd (RA): “Tunay na ang


mananampalataya ay nagtuturing sa mga pagkakasala


niya na para bagang siya ay nakaupo sa paanan ng


bundok na pinangangambahan niyang bumagsak ito sa


kanya. Tunay na ang masamang-loob ay nagtuturing


sa kanyang mga pagkakasala na para bagang langaw


na dumaan sa ilong niya at itinaboy niya ito palayo


sa kanya.”


Tunay na ang mananampalatayang matalino ay hindi


tumitingin sa kaliitan ng pagsuway subalit tinitingnan


niya ang kadakilaan ng sinuway niya (na si Allah).


Yayamang ang tao ay hindi napangalagaan laban sa


kasalanan, kaya naman binuksan ni Allah para sa mga


lingkod Niya ang pinto ng pagbabalik-loob at ipinagutos


din Niya ang pagbabalik-loob. Nagsabi si Allah


(39:53):





“O Aking mga lingkod na nagmalabis laban sa


mga sarili nila, huwag kayong mawalan ng pagAng


Pagbabalik-loob


10


asa sa awa ni Allah; pinatatawad ni Allah ang


lahat ng mga pagkakasala. Tunay na Siya ay ang


Mapagpatawad, ang Maawain.”


Nagsabi naman ang Sugo (SAS):


التائ ب م ن الذن ب ك من لا ذنب له


“Ang nagbabalik-loob mula sa pagkakasala ay gaya


ng isang walang pagkakasala.” (Isinalaysay ito ni


Imám Ibnu Májah)


Hindi lamang ito, kapag naging tapat ang pagbabalikloob,


papalitan ni Allah ang mga masamang nagawa


ng magandang gawa. Nagsabi si Allah (25:70):





“Maliban sa mga nagbalik-loob, sumampalataya


at gumawa ng gawang matuwid sapagkat ang mga


iyon ay papalitan ni Allah ang mga masamang


nagawa nila ng magandang gawa. Si Allah ay


laging Mapagpatawad, Maawain.”


Tunay na kabilang sa pinakamabigat sa nagagawang


mga kamalian ng isang Muslim ay ang pagpapaliban


sa pagbabalik-loob. Mayroon sa mga tao na nakatatalos


Ang Pagbabalik-loob


11


sa kanyang kamalian at nalalaman niya ang pagiging


bawal ng gawang nagawa niya subalit ipinagpapaliban


niya ang pagbabalik-loob. Ang tao ay hindi nakaaalam


kung kailan siya dadatnang ng taning ng buhay. Dahil


dito, kinakailangan sa tao na magmadali sa pagbabalikloob


kay Allah mula sa mga pagkakasala.


Tungkulin din ng isang tao na dalasan ang paghingi


ng kapatawaran sa lahat ng pagkakasala niya—ang


nalaman niya sa mga ito at ang hind niya nalaman.


Tungkulin ng isang Muslim na madaliin ang pagbabalikloob


kay Allah mula sa mga pagkakasala niya maging


gaano man kabigat ito at tungkulin niya ring malaman


na walang kawalang-pananampalataya na higit pang


mabigat kaysa sa pag-aangkin sa Pagkapanginoon [na


ukol kay Allah lamang].


Nabanggit sa Qur’an (28:38) na si Paraon ay nagsabi


sa mga kababayan niya:





“O mga maharlika, hindi ko nalamang kayo ay


may diyos na iba pa sa akin.”


Sa kabila nito ay isinugo pa ni Allah sa Kanya si


Moises upang anyayahan siya sa pagsisisi, pagbabalikloob


kay Allah at pananampalataya kay Allah. Nagsabi


si Allah (79:17-19) kay Moises:


Ang Pagbabalik-loob


12


“Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay


nagmalabis. At sabihin mo sa kanya: “Ibig mo


ba na magpakalinis sa kasalanan at akin kang


patnubayan tungo sa Panginoon mo upang matakot


ka sa Kanya?”


Kung sakaling si Paraon ay tumugon at nagbalikloob,


talagang pinatawad sana siya ni Allah.


Dapat mo ring malaman na ang sinumang nagbalikloob


mula sa pagkakasala at pagkatapos nanumbalik


uli sa pagkakasala, tunay na tungkulin niya na muling


magbalik-loob at na tungkulin niyang ipagpatuloy na


ulit-ulitin ang pagbabalik-loob maging ilang ulit mang


naulit sa kanya ang pagkakasalang iyon at ang iba pang


pagkakasala.


Huwag siyang mawalan ng pag-asa sa awa ni Allah


Mayroon sa mga tao na nawawalan ng pag-asa sa awa


ni Allah. Iyon ay dahil din sa dami ng mga pagkakasala


nito at mga pagsuway nito, o na ito ay nagbalik-loob


na nang isa o higit pa at pagkatapos nanumbulik muli


sa pagkakasala at inaakala niyang si Allah ay hindi


magpapatawad sa kanya kaya nagpapatuloy na siya sa


pagkakasala, at nagpapabaya sa pagbabalik-loob at


Ang Pagbabalik-loob


13


panunumbalik kay Allah. Ito ay isa sa pinakamabigat


sa mga kamalian sapagkat walang nawawalan ng pagasa


sa awa ni Allah kundi ang mga taong tumatangging


sumampalataya.


Tunay na mayroon sa mga tao na nagpapabaya sa


pagbabalik-loob mula sa ilang uri ng mga pagsuway


dahil sa takot sa sasabihin ng mga tao o dahil sa takot


na maiwala niya, dahil sa pagbabalik-loob niya, ang


kalagayan niya sa lipunan na pinaninirahan niya o ang


gawaing pinagtatrabahuhan. Nakakalimutan niya na


siya ay mag-isang pupunta sa libingan niya, haharap


sa Panginoon niya at tatanungin sa mga nagawa niya.


Hindi makatutulong sa kanya si ganito at si gayon na


kabilang sa mga sumasagabal sa kanya sa pagbabalikloob


at humahalina sa paningin niya sa mga pagsuway.


Tungkulin ng tao na pakatandaan na ang sinumang magiwan


ng isang bagay alang-alang kay Allah, tutumbasan


siya ni Allah nang mainam kaysa sa iniwan niya.


Tunay na mayroon sa mga tao na nagpapatuloy sa


pagkakasala. Kapag pinagbawalan siya laban doon ay


nagsasabi siyang tunay na si Allah ay Mapagpatawad


at Maawain naman. Walang pagsala na ito ay isang


kamangmangan, isang kahangalan at isang panliligaw ni


Satanas sa ilang tao dahil tunay na ang awa ni Allah ay


para sa mga gumagawa ng mabuti hindi para sa mga


gumagawa ng masama na nagpapatuloy sa pagkakasala.


Ang Pagbabalik-loob


14


Tunay na si Allah, sa kabila ng pagpapaumanhin Niya


at awa Niya, ay matinding magparusa gaya ng sinabi


Niya (15:49-50):





“Ibalita mo sa mga lingkod Ko na Ako ay ang


Mapagpatawad, ang Maawain, at na ang Aking


pagpaparusa ay ang pagdurusang masakit.”


Ang mga Kundisyon sa Pagbabalik-loob


Tunay na ang tapat na pagbabalik-loob ay may mga


kundisyon na hinango ng mga pantas ng Islam mula sa


mga talata ng Qur’an at sa mga Hadíth. Ang ilan sa


mga ito ay ang sumusunod:


1. Ang kaagad na pagkalas sa pagkakasala,


2. Ang pagsisisi sa nagdaang mga pagkakasala,


3. Ang pagtitika (matibay na pagpapasya) na hindi na


muling magbabalik sa pagkakasala,


4. Ang pagsasauli sa mga karapatan ng mga nagawan


niya ng kawalang katarungan, o na hihingi sa kanila ng


paumanhin. Nagsabi ang Sugo (SAS):


Ang Pagbabalik-loob


15





“Ang sinumang may kawalang-katarungan na


nagawa sa kapatid niya [sa pananampalataya] sa


karangalan o isang bagay ay humingi na siya ng


paumanhin ngayon, bago mangyaring wala nang


dinar ni dirham [na ipambabayad] kundi ang mga


ginawang maganda at ang mga ginawang masagwa.”


(Isinalaysay ito ni Imám al-Bukhárí.)


Subalit ang sinumang hindi makakayang magsauli


ng mga karapatan ng ginawan ng kawalang katarungan


matapos gawin ang pagsisikap ay makaaasa siya sa


pagpapaumanhin ni Allah.


Ang ilan sa mga karapatan ay ang sumusunod:


1. Ang mga karapatang pang-ari-arian. Sa pamamagitan


ito ng pagsasauli (o pagbabayad) sa may-ari nito sa


anumang paraan o paghingi ng paumanhin doon. Kung


hindi niya nakikilala ang may-ari nito, o hinanap niya


iyon ngunit hindi niya nakita, o nakalimutan niya ang


halaga ng kinuha niya mula roon, siya ay magsasagawa


Ang Pagbabalik-loob


16


ng pagtataya sa halaga nito at magkakawanggawa ng


katumbas na halaga para sa taong iyon.


2. Ang mga karapatan sa kabayaran sa kapinsalaang


nagawa sa katawan. Magagawa ang pagbabalik-loob


sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa nalabagan ng


karapatan na makakuha ng bayad pinsala sa karapatan


nito sa pamamagitan ng salapi o kaukulang kabayaran.


Maaari ring pagpaumanhinan siya nito. Kung hindi kilala


ang nalabagan ng karapatan, magkakawanggawa para


sa kanya at idadalangin siya.


3. Ang mga paglabag sa karapatan kaugnay sa mga


karangalan. Ang paglapag sa karapatang ito ay maaaring


panlilibak o maling paratang o pagkakalat ng paninirang


puri o paninira sa mabuting ugnayan. Hihingi siya ng


paumanhin sa nagawan niya ng masama, itutuwid niya


ang nasira sa abot ng makakaya at idadalangin niya


rin ito.


Ilan sa mga Uri ng Pagbabalik-loob


1. Ang pagbabalik-loob ng pumatay. Ang pumatay


nang sadya ay may tungkuling tugunin ang tatlong


karapatan:


A. Ang karapatan ni Allah. Ang pagtugon dito ay sa


pamamagitan ng matapat na pagbabalik-loob at


pagsisisi sa mabigat na krimen na iyon.


Ang Pagbabalik-loob


17


B. Ang karapatan ng mga tagapagmana ng napatay.


Ang pagtugon dito ay sa pamamagitan ng pagsuko


ng sarili sa awtoridad upang makamit nila ang


kabayaran sa karapatan nilang nilabag, na maaaring


sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o pagbibigay


ng bayad-pinsala. Maaari rin nilang patawarin siya


nang walang kapalit.


C. Ang karapatan ng napatay. Hindi ito maaaring


matugon sa mundo. Kung magiging maganda ang


pagbabalik-loob ng pumatay at isinuko niya ang


sarili nila alang-alang sa mag-anak ng napatay,


tunay na si Allah ay mag-aalis sa kanya ng salang


pagpatay at tutumbasan naman Niya ang napatay


ng biyayang mula sa Kanya sa Araw ng Pagkabuhay.


2. Ang pagbabalik-loob ng nagpapatubo o kumikita sa


ribá.1 Sa pamamagitan ito ng pagtigil sa ribá, pagtitika


1 Ang ribá ay ang pagpapatubo o patubo sa utang o sa deposito sa bangko.


Ayon sa mga pantas ng Islam, ang salaping kinita sa pagpapautang ng pera


kapalit ng isang takdang bahagdan na patubo o interes, gaya ng five six,


at ang interes na ibinibigay ng bangko ay ribá. Ang pagtanggap at paggamit


ng interes na ibinibigay ng bangko ay harám ayon sa mga pantas ng Islam.


Subalit ano ang gagawin sa interes na ibinibigay ng bangko, yamang hindi


maiiwasang mag-impok ng pera sa bangko yamang wala namang tunay na


Islamic Bank sa Pilipinas? Sa isyu ng Magasin na ar-Rábitah, Septyembre


1995, ay nagsabi si Shaykh ‘Abdulláh ibnu Sulaymán ibni Maní‘, kasapi


ng Kapisanan ng mga Mataas na Pantas sa Kaharian ng Saudi Arabia:


“Kapag nag-impok ang isang Muslim ng salapi sa bangko sa


layuning ipatago lamang ito at wala namang mapagkakatiwalaang


Ang Pagbabalik-loob


18


na hindi manunumbalik doon at pagsisi sa nagdaang


pagkakasangkot doon. Tungkol naman sa yaman na


tinataglay ng nagpapatubo na nakamtan niya mula sa


ribá ay nagkaiba ang hatol ng mga pantas ng Islam.


Subalit itinututuring nina Ibnu Taymiyah, Ibnu Sa‘dí


at Ibnu ‘Uthaymín na may karapatan ang nagpapatubo


sa tinataglay niyang yaman na nakamtan niya noon sa


ribá bago siya nagbalik-loob. Hindi niya kinakailangan


na alisin ito, ngunit hahayaan na niya ang anumang


yamang makukuha pa sana niya mula sa ribá.


Ang Tapat na Pagbabalik-loob


Upang ang pagbabalik-loob ay tanggap, kailangang


ang pagbabalik-loob ay wagas na inuukol kay Allah.


Samakatuwid hindi matatawag na nagbalik-loob ang


sinumang tumigil sa pagkakasala dahil nakaaapekto


ito sa reputasyon niya o kalagayan sa trabaho. Hindi


institusyon para iimpok ang salaping ito bukod pa roon at nagbigay ang


bangkong pang-ribá ng mga interes para sa pananatili ng impok,


ipinahihintulot para sa nag-impok na kunin ang mga interes na ito at


gugulin ang mga ito sa mga guguling pangkawanggawa para sa mga


maralita at mga dukha para sa mga facility, na magagamit ng mga


Muslim, na hindi nakasasapat sa kanila. Hindi ipinahihintulot para sa


kanya na idagdag ito sa iba pang salapi niya, ni gawin ito na zakáh


niyon, ni gugulin ito sa anumang maituturing na pansarili. [Ito ay] bilang


pag-iingat para sa salapi niya [na baka mahaluan ng ribá], pagwawaksi


nito, at paghahadlang sa kaaway na makinabang dito o gugulin ito sa


ibang kaaway na makikinabang dito.”


Ang Pagbabalik-loob


19


matatawag na nagbalik-loob ang sinumang tumigil sa


mga pagkakasala dahil sa pangamba sa kalusugan niya


gaya ng tumigil sa pangangalunya dahil sa takot sa mga


nakahahawang sakit at iba pa.


Hindi matatawag na nagbalik-loob ang sinumang


tumigil sa pagnanakaw dahil hindi niya makayang


magnakaw o natatakot sa tanod at iba pang dahilan.


Hindi matatawag na nagbalik-loob ang sinumang


tumigil sa pag-inom ng nakalalasing o gumagamit ng


ipinagbabawal na mga gamot dahil namulubi na siya.


Hindi rin matatawag na nagbalik-loob ang sinumang


nawalan ng kakayahan, dahil sa bagay na labas sa


kanya kagustuhan, sa paggawa ng pagsuway.


Kailangan ding madama ng isang nagbalik-loob ang


kasagwaan ng pagkakasala. Ito ay nangangahulugan


na ang tunay na pagbabalik-loob ay hindi maaaring


mahaluan ng pagkadama ng sarap sa paggawa ng


kasalanan at galak kapag naalaala ang mga nagdaang


pagkakasala, at hindi rin maaaring mithiin ng nagbalikloob


ang magbalik doon sa hinaharap.


Kailangan ding alisin ang mga ipinagbabawal na


bagay na tinataglay gaya halimbawa ng mga bagay na


nakalalango (alak o bawal na gamot), mga kagamitan


sa musika, ipinagbabawal na mga larawan at mga video


film at gayon din ang paghiwalay sa mga kasamahan


sa kasamaan na nakatutulong sa kanya sa paggawa ng


Ang Pagbabalik-loob


20


mga pagsuway. Ang mga magkakasama sa kasamaan


ay magpapalitan ng sumpa sa Araw ng Pagkabuhay.


Dahil doon tungkulin ng isang nagbalik-loob na


makipaghiwalay sa kanila kung hindi niya makayang


anyayahan sila at ituwid sila. Maaaring udyukan ni


Satanas ang ilan sa mga nagbalik-loob na balikan ang


dating mga kasamahan sa kasamaan upang anyayahan


sila sa pagbabalik-loob gayong siya ay mahina at hindi


niya makakayang makaimpluwensiya sa kanila. Ito ay


magiging isang dahilan sa panunumbalik niya sa mga


pagkakasala. Tungkulin niyang pumili ng kapalit sa


kanila na mabuting kasamahan na makatutulong sa


kanya sa kabutihan at makapagtuturo sa kaniya rito.


Ang mga Bagay na Nakatutulong


sa Pagbabalik-loob


1. Ang katapatan kay Allah. Ito ay ang pinakakapakipakinabang


sa mga pamamaraan ng pagtigil sa mga


pagkakasala. Kapag naging tapat ang tao sa Panginoon


niya at nagpakatotoo sa paghiling ng pagbabalik-loob,


tutulungan siya ni Allah at ibabaling Niya palayo sa


kanya ang anumang makasasagabal sa pagbabalik-loob.


2. Ang pagpipilit (pakikibaka laban) sa sarili. Kapag


nakibaka ang tao laban sa sarili niya upang tigilan na


Ang Pagbabalik-loob


21


ang mga pagsuway, tutulungan siya ni Allah. Nagsabi


si Allah (29:69):





“Ang mga nakibaka alang-alang sa Amin ay


talagang papatnubayan nga Namin sila sa mga


landas Namin. Tunay na si Allah ay talagang


kasama ng mga gumagawa ng magaling.”


3. Ang pag-aalaala sa Kabilang-buhay. Kapag naaalaala


ng isang tao ang iksi ng buhay sa mundo at ang bilis ng


paglaho nito kasabay ng makakamtan sa Kabilangbuhay


na sari-saring lugod para sa mga masunurin at


matinding pagdurusa para sa mga masuwayin, tunay na


iyan ay magiging isa sa pinakamalaking mga hadlang


sa pagkakasadlak sa mga pagkakasala.


4. Ang pagkakaabala sa anumang napakikinabangan at


ang pag-iwas sa pag-iisa at kawalan ng ginagawa dahil


ang kawalan ng ginagawa ay isa sa pinakamahalaga


sa mga dahilan ng pagkasadlak sa mga pagkakasala.


Kaya kapag nagpakaabala ang isang tao sa anumang


nakapagdudulot ng pakinabang sa kanya sa kanyang


espirituwal at makamundong pamumuhay, hindi siya


magkakaroon ng pagkakataon para sa katiwalian.


Ang Pagbabalik-loob


22


5. Ang paglalayo sa mga pampaantig at sa anumang


maituturing na pagsuway. Samakatuwid, lalayuan ang


lahat ng nakapupukaw sa mga nag-uudyok sa pagsuway,


lalayuan ang lahat ng pumupukaw sa tawag ng laman


niya gaya ng panunuod ng mga malaswang pelikula,


pakikinig sa mga malaswang awitin, at pagbabasa ng


mga masamang aklat at mga mahalay na magasin.


6. Ang pakikisalamuha sa mga mabuting tao at ang


paglayo sa mga masamang tao. Ang pakikisalamuha


sa mga mabuting tao ay nakatutulong sa kabutihan,


nag-uudyok sa isang tao na tularan ang mga matuwid


na tao at pumipigil sa katiwalian.


7. Ang panalangin. Ito ay isa sa napakabisang mga lunas.


Ang panalangin ay sandata ng mga mananampalataya


at ang isa sa napakalakas na mga pamamaraan na


naipangtutugon sa mga pangangailangan. Nagsasabi


si Allah (40:60):





“Nagsabi ang Panginoon ninyo: Dumalangin kayo


sa Akin, tutugunin Ko kayo;”


Nagsasabi pa Siya (7:55):





Ang Pagbabalik-loob


23


“Manalangin kayo sa Panginoon ninyo nang may


kababaang-loob at palihim.”


Nagsasabi rin Siya (2:186):





“Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko


hinggil sa Akin ay sabihin mo: Tunay na Ako ay


malapit: tinutugon Ko ang panalangin ng nananalangin


kapag nanalangin siya sa Akin; kaya


dinggin nila Ako at sumampalataya sila sa Akin,


nang harinawa sila ay magabayan.”


Ang mga Pambayad sa Pagkakasala


Bahagi ng awa ni Allah sa Kanyang mga lingkod


na ang iba sa ilan sa mga pagsambang isinatungkulin


Niya sa Kanyang mga lingkod ay mga pambayad sa


mga maliit na pagkakasala. Ang ilan sa mga pambayad


sa pagkakasala ay ang sumusunod:


1. Ang limang pagdarasal. Nagsabi ang Sugo ni Allah


(SAS):


Ang Pagbabalik-loob


24





“Sa tingin ba ninyo kung sa pinto ng isa sa inyo ay


may isang ilog na masagana [na dumadaloy] na


pinaliliguan niya limang ulit sa bawat araw, may


matitira pa kayang anuman sa kanyang dumi?”


Nagsabi sila: “Wala na po, o Sugo ni Allah.” Nagsabi


siya: “Gayon din ang limang pagdarasal; pinapawi


ni Allah sa pamamagitan ng mga ito ang mga


pagkakasala at ang mga pagkakamali.”


2. Ang pagdalo sa Saláh sa Jumu‘ah. Nagsabi ang Sugo


(SAS):


من توضأ فأحسن الوضوء، ثم أتى الجمعة فاستمع وأنصت،


غفر له ما بينه وبين الجمعة الأخرى وزيادة ثلاثة أيام…


رواه مسلم


“Ang sinumang magsagawa ng wudú’ at pinaganda


niya ang pagsasagawa ng wudú’, pagkatapos ay


dumalo sa Jumu‘ah at nakikinig at nanahimik,


Ang Pagbabalik-loob


25


patatawarin siya sa mga kasalanang nagawa sa


pagitan ng [Jumu‘ah na] ito at Jumu‘ah na darating


at karagdagang tatlong araw.” (Isinalaysay ito ni


Imám Muslim.)


3. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadán. Nagsabi


ang Sugo (SAS):





“Ang sinumang mag-ayuno sa buwan ng Ramadán


na may pananamplataya at pag-asang pagpapalain,


patatawarin ang nauna mula sa pagkakasala niya.”


Isinalaysay ito nina Imám al-Bukhárí at Imám


Muslim.


4. Ang pagsasagawa ng Hajj. Nagsabi ang Sugo (SAS):





“Ang sinumang nagsagawa ng Hajj at hindi


gumawa ng kahalayan at hindi sumuway, babalik


mula sa mga pagkakasala niya gaya ng araw na


Ang Pagbabalik-loob


26


isinilang siya ng ina niya.” Isinalaysay ito nina Imám


Málik at Imám al-Bayhaqí.


5. Ang pag-aayuno sa araw ng ‘Arafah. Nagsabi ang


Sugo (SAS):





“Ang pag-aayuno sa araw ng ‘Arafah ay nagbabayadsala


sa taon na nagdaan at nalalabi.” (Isinalaysay


ito ni Imám Ahmad.)


6. Ang mga kasawian at ang mga sakit. Nagsabi ang


Sugo (SAS):





“Walang dumadapo sa isang Muslim na pagod, ni


karamdaman, ni pagkabagabag, ni kalungkutan,


ni kapinsalaan, ni lumbay, pati na ang tinik na


ikinatitinik niya, nang hindi pinapawi ni Allah sa


pamamagitan niyon ang ilan sa mga pagkakamali


niya.” Isinalaysay ito nina Imám al-Bukhárí at Imám


Muslim.


Nagsabi pa ang Sugo (SAS):


Ang Pagbabalik-loob


27





“Ang sinumang pagnaisan ni Allah ng mabuti ay


palalasapin ng kasawian mula sa Kanya.” Isinalaysay


ito ni Imám al-Bukhárí.


7. Ang paghingi ng kapatawaran. Isa sa napakalaking


dahilan kaya pinapawi ni Allah ang mga pagkakasala ay


ang paghingi ng kapatawaran. Nagsabi si Allah (8:33):





“Hindi mangyayari na si Allah ay magpaparusa sa


kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran.”


Nagsabi naman ang Sugo (SAS):





“Pagpapala sa sinumang makatagpo sa talaan [ng


mga gawa] niya ng maraming paghingi ng tawad.”


Isinalaysay ito nina Imám Ibnu Májah at Imám al-


Bayhaqí.


Ang Pagbabalik-loob


28


Mga Tanong at mga Sagot


1. Tanong: Ibig kong magbalik-loob subalit ang mga


pagkakasala ko ay lubhang marami at hindi ko alam


kung patatawarin pa ba ako ni Allah sa lahat ng nagawa


ko sa loob ng nagdaang mga taon?


Sagot: Nagsasabi si Allah (39:53):





“O mga lingkod Ko na nagmalabis laban sa mga


sarili nila, huwag kayong mawalan ng pag-asa sa


awa ni Allah; tunay na si Allah ay nagpapatawad


sa lahat ng mga pagkakasala. Tunay na Siya ay


ang Mapagpatawad, ang Maawain.”


Nagsasabi naman si Allah Hadíth Qudsí:


يا ابن آدم إنك ما دعوتني ورجوتني، غفرت لك على ما كان


منك ولا أبالي؛ يا ابن آدم لو بلغت ذنوبك عنان السماء ثم


استغفرتني، غفرت لك ولا أبالي؛ يا ابن آدم لو أنك أتيتني


Ang Pagbabalik-loob


29


بقراب الأرض خطايا ثم لقيتني لا تشرك بي شيئا لأتيتك


بقرابها مغفرة.


“O anak ni Adan, tunay na ikaw, habang dumadalangin


ka sa Akin at umaasa ka sa Akin, ay


patatawarin Ko sa anumang [pagkakasala] mula


sa iyo at hindi Ko na papansinin. O anak ni Adan,


kung umabot man ang mga pagkakasala mo sa


mga alapaap ng kalangitan, pagkatapos ay humingi


ka ng kapatawaran sa Akin, patatawarin Kita at


hindi Ko na papansinin. O anak ni Adan, kung ikaw


man ay nagdala sa Akin ng kasinlaki ng mundo na


mga kasalanan at pagkatapos ay nakatagpo mo


Ako na hindi ka nagtatambal sa Akin ng anuman,


talagang dadalhan kita ng kasinlaki din niyon na


kapatawaran.” Isinalaysay ito ni Imám at-Tirmidhí.


Bagkus ang biyaya ni Allah sa mga lingkod Niya


ay lubhang higit na malaki pa roon sapagkat tunay na


ang sinumang nagtotoo sa kanyang pagbabalik-loob,


papalitan ni Allah ang nagdaang mga masamang gawa


niya ng mga mabuting gawa gaya nga ng sinabi Niya


(25:70):


Ang Pagbabalik-loob


30





“Maliban sa nagbalik-loob, sumampalataya at


gumawa ng gawang matuwid sapagkat ang mga


iyon ay papalitan ni Allah ang mga masamang gawa


nila ng magandang gawa.”


2. Tanong: Ibig kong magbalik-loob subalit ang mga


dating kasamahan sa kasamaan ay ayaw nila akong


lubayan at nakadarama ako ng panghihina, kaya ano


ang gagawin ko?


Sagot: Kailangan ang pagtitiyaga at ang pagpapatuloy


sa pagbabalik-loob. Ito ay bahagi ng pagsubok upang


makilala ang katapatan sa pagbabalik-loob sa hindi


katapatan, ngunit kailangang mag-ingat sa pagtalima


sa kanila sapagkat si Allah ay nagsasabi (30:60):





“Kaya magtiis ka, tunay na ang pangako ni Allah


ay totoo; at huwag ka ngang patatangay sa mga


hindi nakatitiyak.”


Ang Pagbabalik-loob


31


3. Tanong: Ibig kong magbalik-loob subalit ang mga


dati kong kaibigan ay nagbabanta sa akin na ihahayag


nila sa mga tao ang mga nakahihiyang nagawa ko;


mayroon silang mga litrato at mga dokumento at ako


ay natatakot naman na masira ang aking reputasyon,


kaya ano po ang gagawin ko?


Sagot: Una pigilin mo ang mga kampon ni Satanas


at dapat mong malaman na ang pakana ni Satanas ay


mahina. Pagkatapos ay dapat mo ring malaman na kung


ikaw ay susuko sa kanila, kukuha na naman sila ng


karagdagang mga patunay laban sa iyo at ikaw ang talo


sa simula at katapusan. Kaya manalig ka kay Allah at


sabihin mo: Sapat na sa akin si Allah at kay inam Niya


na Pinananaligan. Ang Sugo ni Allah (SAS) noon, kapag


may pinangangambahan siyang mga tao, ay nagsasabi


siya ng ganito:





alláhumma inná naj‘aluka fí nuhúrihim wa


na‘údhu bika min shurúrihim (O Allah, tunay


na kami ay naglalagay sa Iyo sa mga leeg nila at


nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga kasamaan


Ang Pagbabalik-loob


32


nila.) Isinalaysay ito nina Imám Ahmad at Imám


Abú Dáwud.


Totoong ang ganitong kalagayan ay mahirap, subalit


si Allah ay kasama ng mga nangingilag magkasala: hindi


Niya sila iniiwan sa sandali ng pangangailangan. Kunin


mo ang kuwentong ito na isang napakainam na patunay


sa tulong ni Allah sa mga nangingilag magkasala. Ito


ay tungkol kay Murthad ibnu Abí Murthad na isang


Kasamahan ng Sugo (SAS). Itinatakas niya mula sa


Makkah papuntang Madinah ang mga inaapi sa mga


Muslim. Sa Makkah ay may isang babaeng nagbibili ng


aliw na tinatawag na ‘Unáq. Ito ay kasintahan niya noon.


Minsan ay nangako siya sa isang lalaki na dadalhin


niya ito sa Madínah.


“Humayo ako hanggang sa humantong ako sa lilim


ng isang pader sa isang gabing maliwanag ang buwan,”


sabi ni Murthad, “ngunit dumating din si ‘Unáq at


nakita niya ako. At nang nakalapit na siya ay nakilala


niya ako.”


“Tayo na, magkasama nating pagsaluhan ang gabing


ito,” sabi nito.


“ ‘Unáq, ipinagbawal ni Allah ang pangangalunya,”


sabi ko naman.


“Mga kalalakihan, ang lalaking ito ay nagdadala ng


mga bihag ninyo,” sumbong nito.


Ang Pagbabalik-loob


33


“Kaya sinundan ako ng walong tao hanggang sa


makarating ako sa isang yungib,” sabi ni Murthad, “at


pinasok ko ito at dumating sila hanggang sa tumayo


sila sa tabi ng ulo ko ngunit hindi ipinahintulot ni Allah


na makita nila ako. Pagkatapos ay umuwi na sila at


binalikan ko naman ang kasamahan ko at dinala ko


siya sa Madínah.”


Ganyan nagtatanggol si Allah sa mga mananampalataya


at mga nagbabalik-loob.


Pagkatapos kung mabubunyag man ang bagay na


kinatatakutan mo at mangangailangan ng paglilinaw,


ipaliwanag mo ang iyong katayuan sa ibang mga tao


at sabihin mong, “Oo, ako noon ay makasalanan ngunit


nagbalik-loob na ako kay Allah.”


Pakatandaan natin na ang tunay na kahihiyan ay ang


magaganap sa harap ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay


at sa harap ng lahat ng nilikha: mga anghel, mga jinní,


at mga tao.


4. Tanong: Ako ay nakagagawa ng pagkakasala ngunit


nagbabalik-loob ako. Pagkatapos ay napapanaigan ako


ng sarili ko kaya nababalikan ko iyon! Mawawalan


ba ng kabuluhan ang unang pagbabalik-loob ko at


mananatili ba sa akin ang kasalanan sa una at huling


pagkakasala?


Ang Pagbabalik-loob


34


Sagot: Sinumang magbalik-loob mula sa pagkakasala


ay tatanggapin ni Allang ang pagbabalik-loob niya.


Kung muli siyang nanumbalik sa pagkakasalang iyon,


siya ay magiging gaya ng isang nakagawa ng bagong


pagsuway. Tungkulin niyang magbalik-loob kay Allah


mula roon. Ang unang pagbabalik-loob niya ay tanggap.


5. Tanong: Matatanggap ba ang pagbabalik-loob mula


sa isang pagkakasala samantalang ako ay nagpapatuloy


pa rin sa ibang pagkakasala?


Sagot: Tinatanggap ba ang pagbabalik-loob mula sa


isang pagkakasala kahit pa man nagpapatuloy sa ibang


pagakakasala kung ito ay hindi kabilang sa mismong


uri ng pagkakasalang pinagsisihan na. Halimbawa,


kung nagbalik-loob kay Allah mula sa pakikinabang


sa ribá ngunit hindi nagbalik-loob mula sa pag-inom ng


alak, ang pagbabaik-loob niya mula sa ribá ay tanggap.


Subalit ang sinumang nagbalik-loob mula sa pag-inom


ng alak ngunit siya naman ay patuloy sa paggamit ng


mga bawal na gamot, o nagbalik-loob mula sa pangangalunya


sa isang babae ngunit siya naman ay patuloy


sa pangangalunya sa ibang babae, ang pagbabalikloob


na ito ay hindi tanggap.


6. Tanong: Pinabayaan ko ang ilan sa mga pagsambang


kailangang gampanan tulad ng mga pagdarasal (saláh),


Ang Pagbabalik-loob


35


pag-aayuno, at pagbibigay ng zakáh, kaya ano po ang


gagawin ko?


Sagot: Tungkol naman sa pinabayaang pagdarasal,


hindi kinakailangan ang pagsasagawa ng Qadá’ para


rito, subalit matutumbasan ito ng tapat na pagbabalikloob,


pagpapanatili nito, at ang madalas na paghingi


ng kapatawaran. Harinawang si Allah ay magpatawad


niyon.


Tungkol naman sa hindi pag-aayuno, kung siya ay


Muslim noong hindi niya isinasagawa ang pag-aayuno,


siya ay kinakailangang magsagawa ng Qadá’ kalakip


ng pagpapakain sa isang dukha sa bawat araw na hindi


nag-ayuno.


Tungkol naman sa zakáh, kinakailangang ibigay ang


hindi naibigay.


7. Tanong: Nagnakaw ako ng mga ari-arian mula sa


mga tao at nagbabalik-loob na ako kay Allah subalit


hindi ko nalalaman ang mga address nila?


Sagot: Kailangan mong hanapin sila sa abot ng iyong


makakaya. Kung matatagpuan mo sila ay isauli mo ang


kinuha mo sa kanila. Kapag namatay ang may-ari ng


ninakaw ay ibibigay ang ninakaw (o ang kapalit) sa mga


tagapagmana nito. Kung hindi mo sila natagpuan sa


kabila ng masigasig na paghahanap sa kanila, magkawanggawa


ka alang-alang sa kanila at maglalayon ka


Ang Pagbabalik-loob


36


ng ganito alang-alang sa kanila. At kung sila man ay


mga di-Muslim, si Allah ay magbibigay sa kanila ng


gantimpala sa mundo ngunit hindi Siya magbibigay


sa kanila sa Kabilang-buhay.


8. Tanong: Nakagawa ako ng salang pangangalunya,


kaya paano akong magbabalik-loob? Kung nagdalangtao


ang babae, ang batang ito ba ay maituturing na legal


na anak ko?


Sagot: Kapag ang pangangalunya ay may pahintulot


at pagsang-ayon ng babae, wala kang kinakailangang


gawin kundi ang magsagawa ng pagbabalik-loob. Hindi


isusunod sa apelyedo mo ang magiging anak at hindi


ka inoobligang sustentuhan ang bata2 dahil siya ay anak


sa pangangalunya. Ang tulad ng batang ito ay isusunod


sa apelyedo ng ina.


Hindi ipinahihintulot sa nagbabalik-loob na ito na


magpakasal sa babeng ito upang pagtakpan lamang ang


kahihiyan. Subalit kung nagbalik-loob ang lalaki at


nagbalik-loob din ang babae nang tapat na pagbabalikloob,


walang masama na pakasalan ng lalaki ang babae


matapos na wala nang laman ang sinapupunan mula


sa pagdadalang-tao.


2 Subalit walang masama kung magkukusang-loob na sustentuhan ito.


Ang Pagbabalik-loob


37


Subalit kung ang pangangalunya ng isang lalaki ay


panggagahasa sa babae at paggamit ng dahas rito, sa


ganitong kalagayan ay kinakailangan na magbigay ang


lalaki sa babae ng Mahr na tulad ng ibibigay sa kanya


[kung pakakasalan siya], bilang kabayaran sa ipinataw


niyang pinsala sa babae, at na magbabalik-loob siya


nang tapat na pagbabalik-loob kalakip ng pagpapataw


sa kanya ng takdang parusa para sa pangangalunya3


kapag nakarating ang asunto sa hukuman.


9. Tanong: Nakapag-asawa ako ng lalaking matuwid


ngunit nakagawa ako ng mga bagay na hindi ikalulugod


ni Allah bago makapag-asawa, kaya ano po ang aking


gagawin?


Sagot: Kailangan mong magsagawa ng isang tapat na


pagbabalik-loob at hindi mo kinakailangang ipabatid


sa asawa mo ang ginawa mo noon.


10. Tanong: Ano ang kinakailangang gawin ng isang


nagbabalik-loob mula sa paggawa ng kahalayan ng


sodomy?


Sagot: Ang kinakailangang gawin ng gumagawa ng


sodomy at ginagawan ng sodomy ay magsagawa ng


malaking pagbabalik-loob dahil hindi niya nalalaman


3 Kamatayan para sa nanggahasa kung siya ay may asawa o nagkaroon


na ng asawa.


Ang Pagbabalik-loob


38


na si Allah ay nagpababa ng sari-saring parusa sa isang


sambayanan gaya ng ibinaba Niya sa mga kababayan


ni Lot dahil sa kasagwaan ng kanilang krimen. Ito ang


mga ginawa Niya:


A. Inalis ang kanilang paningin,


B. Pagkatapos ay nagpadala sa kanila ng dagundong,


C. Pagkatapos ay hinugot ang mga tahanan nila, itinaas


ang mga ito, itinaob at ibinagsak,


D. Pinaulanan sila ng mga bato na natuyong putik na


pinagpatong-patong at nilipol silang lahat.


Dahil doon nagsabi ang Sugo (SAS): “Sinumang


matagpuan ninyo na gumagawa ng ginawa ng mga


kababayan ni Lot ay patayin ninyo ang gumagawa


ng kahalayan at ang ginagawan ng kahalayan.”


Isinalaysay ito nina Imám Abú Dáwud, Imám at-


Tirmidhí at Imám Ibnu Májah.


Kaya naman inoobliga ang sinumang nakagawa ng


tulad ng gawaing ito na magsagawa ng isang tapat na


pagbabalik-loob at madalas na paghingi ng tawad kay


Allah.


Sa pagwawakas, pakatandaan mo mahal na kapatid


na si Allah ay higit na maawain sa mga lingkod Niya


kaysa sa isang ina sa anak nito. Ang magpapakatotoo


sa pagbabalik-loob niya ay tatanggapin ni Allah ang


pagbabalik-loob niya. Ang pinto ng pagbabalik-loob


ay nakabukas, hindi isinasara [habang may buhay pa].



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG