Ang mga Kaasalan sa Islam
Ang papuri ay ukol kay Allah at ang pagbabati at ang
pagpapala ay ukol sa Sugo ni Allah.1 Pinupuri natin si
Allah na nagkaloob sa atin ng pagpapala ng Islam, nagudyok
sa atin na magkaroon ng marangal na mga
kaasalan at naghanda para roon ng malaking gantimpala.
Ang pagkakaroon ng mga marangal na mga kaasalan ay
isa sa mga katangian ng mga propeta at mga matuwid na
tao. Sa pamamagitan nito ay umaangat ang antas ng tao.
Inilarawan ni Allah ang Kanyang Propetang si
Muhammad (SAS) sa pamamagitan ng isang talata ng
Qur’an na nagbibigay-buod sa taglay nitong mga
magandang kaasalan. Sinabi Niya (68:4):2
1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang
Arabe. Ito ay isang pangngalang pantangi at hindi pangngalang
pambalana, kaya ang mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa
pangalang Allah ay SI, NI at KAY at hindi ANG, NG at SA. Samakatuwid
ang tama ay sabihing: SI Allah, NI Allah at KAY Allah. Ito
ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa wikang Filipino,
ang Komisyon sa Wikang Filipino; at ito rin ang paninindigan ng
Ministry of Islamic Affairs sa Saudi Arabia.
2 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay
salin mula sa wikang Arabe ng kahulugan ng Salita ni Allah o ng
salita ni Propeta Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng
tagapagsalin.
Ang mga Kaasalan sa Islam
4
] ﴿ وإنك لعلى خلق عظيم ﴾ ]القلم: 4
“Tunay na ikaw (Muhammad) ay talagang
nagtataglay ng dakilang kaasalan.”
Ang kagandahan ng asal ay nagreresulta ng
pagmamahalan at pagkakapalagayang-loob. Ang
kasagwaan ng kaasalan naman ay nagbubunga ng
pagkakamuhian at pagkakainggitan. Ang epekto ng
magandang kaasalan ay malinaw rito sa mundo at sa
Kabilang-buhay para sa sinumang naging maganda ang
kanyang kaasalan at pinagbuklod ni Allah sa kanya ang
pangingilag sa pagkakasala at ang kagandahan ng
kaasalan. Nagsabi ang Sugo (SAS):
أكثر ما يدخل الناس الجنة تقوى الله وحسن الخلق
“Ang pinakamadalas na magpapapasok sa mga tao sa
Paraiso ay ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah
at ang kagandahan ng kaasalan.”
(Itinala ito nina Imám at-Tirmidhí at Imám al-Hámik)
Ang kagandahang asal ay ang kasayahan ng mukha,
ang pagkakaloob ng nakabubuti, at ang pagpipigil sa
pamiminsala sa mga tao. Kalakip din nito ang
umaalinsabay sa isang tunay na Muslim na kagandahan
ng pananalita, pagpipigil at pagkukubli ng galit, at
pagtitiis sa kapinsalaan. Nagsabi nga ang Sugo (SAS):
بعثت لأتمم مكارم الأخلاق
Ang mga Kaasalan sa Islam
5
“Ipinadala ako upang aking lubusin ang marangal ng
mga kaasalan.”
(Itinala ito nina Imám Ahmad, Imám al-Bayhaqí at Imám
al-Hámik)
Nagtagubilin ang Propeta (SAS) kay Abú Hurayrah sa
pamamagitan ng sinabi niyang ito:
يا أبا هريرة، عليك بحسن الخلق
“O Abú Hurayrah, kailangang magkaroon ka ng
magandang kaasalan.”
Nagsabi si Abú Hurayrah: “At ano po ang magandang
kaasalan, O Sugo ni Allah?” Nagsabi siya:
تصل من قطعك، وتعفو عمن ظلمك، وتعطي من حرمك.
“Pananatilihin mo ang kaugnayang pangkamag-anak
sa pumutol niyon sa iyo, pagpapaumanhinan mo ang
naniil sa iyo, at bibigyan mo ang nagkait sa iyo.”
(Isinalaysay ito ni Imám al-Bayhaqí)
Tingnan mo kapatid na Muslim ang malaking epekto
at ang masaganang gantimpala sa kapuri-puring
katangiang ito sapagkat nagsabi ang Sugo (SAS):
إن الرجل ليدرك بحس خلقه درجة الصائم القائم
“Tunay na ang tao ay talagang hahantong, sa
pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya, sa
Ang mga Kaasalan sa Islam
6
antas ng isang nag-aayuno [sa maghapon] at
nagdarasal [sa gabi].”
(Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud.)
Ibinilang din ng Sugo (SAS) na ang kagandahan ng
kaasalan ay bahagi ng kaganapan ng Pananampalataya
dahil nagsabi siya:
أكمل المؤمنين إيمانا أحسنهم خلقا
“Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa
pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila
sa kaasalan.”
Pagbulay-bulayan mo kapatid ang sabi ng Sugo
(SAS):
أحب الناس إلى الله أنفعهم، وأحب الأعمال عند الله عز وجل
سرور تدخله على مسلم، أو تكشف عنه كربة، أو تقضي دينا، أو
تطرد عنه جوعا، ولأن أمشي مع أخي المسلم في حاجة أحب إلي من
أن أعتكف في المسجد شه ر ا.
“Ang pinakanaiibigan ni Allah sa mga tao ay ang
pinakanapakikinabangan sa kanila. Ang
pinakanaiibigan sa mga gawai para kay Allah na
makapangyarihan at kapita-pitagan ay lugod na
ipapasok mo sa isang Muslim o magpapawi ka sa
kanya ng pighati o mag-aalis ka sa kanya ng
Ang mga Kaasalan sa Islam
7
pagkakautang o magtatataboy ka ng gutom palayo sa
kanya. At na maglakad ako kasama ng aking kapatid
na Muslim dahil sa isang pangangailangan ay higit
na kaibig-ibig sa akin kaysa sa manatili ako sa masjid
nang isang buwan.” (Isinalaysay ito ni Imám at-
Tabrání.)
Kapatid na Muslim, ang kaaya-aaya at malumanay na
pananalitang sasabihin mo ay ipagkakamit mo ng
gantimpala at magiging isang kawanggawa mo dahil
nagsabi ang Sugo (SAS):
والكلمة الطيبة صدقة
“Ang mabuting pananalita ay kawanggawa.”
(Isinalaysay ito nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.)
Ang lahat ng iyon ay dahil sa ang mabuting pananalita
ay may kapuri-puring epekto. Ito ay nagpapalapit sa mga
puso, makapagpapaibig sa mga tao, at nag-aalis ng
pagkakalayuan ng loob.
Ang mga utos ng Propeta (SAS) hinggil sa
paghihimok na magkaroon ng magandang kaasalan at
magtiis sa pasakit ay marami. Ang ilan sa mga ito ay ang
sabi ng Sugo (SAS):
اتق الله حيثما كنت، واتبع السيئة الحسنة تمحها،
وخالق الناس بخلق حسن.
Ang mga Kaasalan sa Islam
8
“Mangilag kang magkasala kay Allah saan ka man
naroon. Pasundan mo ang masamang gawa ng
mabuting gawa na papawi roon. Pakitunguhan mo
ang mga tao ng magandang asal.”
(Isinalaysay ito ni Imám at-Tirmidhí.)
Kapag ang magandang asal ng isang Muslim ay
nananatili sa kanya sa lahat ng pook at sandali,
mapapamahal siya sa mga tao at mapapalapit sa kanila sa
bawat landas na tatahakin niya at sa bawat pook na
pupuntahan niya. Pati na ang isang subo na isinusubo niya
sa bibig ng kanyang maybahay ay ginagantimpalaan iyon
sa Islam. Nagsabi ang Sugo (SAS):
وإنك مهما أنفقت من نفقة فهي صدقة،
حتى اللقمة ترفعها إلى في امرأتك.
“Tunay na ang anumang ginugol mo na dapat
gugulin, iyon ay kawanggawa: pati na ang sansubo
na isinusubo mo sa bibig ng iyong maybahay.”
(Isinalaysay ito ni Imám al-Bukhárí.)
Mahal na kapatid, ang mga mananampalataya ay mga
magkakapatid. Kinakailangan sa isang Muslim na ibigin
niya para sa kanyang kapatid ang naiibigan niya para sa
kanyang sarili. Tingnan mo ang naiibigan ng sarili mo at
ipagkaloob mo rin sa kapatid mong Muslim at ang
kinasusuklaman mo ay ilayo mo sa kanya. Kaingat ka sa
panlalait sa sinumang naniniwala kay Allah bilang
Ang mga Kaasalan sa Islam
9
Panginoon, sa Islam bilang relihiyon at kay Muhammad
(SAS) bilang Sugong Propeta. Nagbabala na ang Sugo
(SAS) hinggil doon sa pamamagitan ng sinabi niya:
بحسب امرئ من الشر أن يحقر أخاه المسلم.
“Sapat na sa isang tao bilang kasamaan na hamakin
niya ang kapatid niyang Muslim.”
(Isinalaysay ito ni Imám Muslim.)
Kapatid na Muslim, mayroong madaling daan at
magaang pagsamba sa bawat sandali. Nagsabi ang Sugo
(SAS) kay Abú ad-Dardá’:
ألا أدلك على أيسر العبادات وأهونها على البدن؟
“Nais mo bang ituro ko sa iyo ang pinakamadali sa
mga pagsamba at ang pinakamagaan sa mga ito sa
katawan?”
Nagsabi si Abú ad-Dardá’: “Opo, Sugo ni Allah.” Kaya
nagsabi siya:
عليك بالصمت، وحسن الخلق، فإنك لن تعمل مثلها.
“Kailangang palagi kang tumahimik at magkaroon
ng magandang kaasalan sapagkat tunay na ikaw ay
hindi na makagagawa ng tulad ng mga ito.”
Ang gantimpala ng mananampalataya sa kagandahan
ng kanyang kaasalan ay katumbas ng gantimpala ng isang
mananampalataya na nagdarasal sa buong magdamag at
Ang mga Kaasalan sa Islam
10
nag-aayuno sa buong maghapon. Samakatuwid ang isang
mananampalataya, gaya nga ng sinasabi ng Sugo (SAS)
ay:
ل ي درك بحس خلقه درجة الصائم القائم
“talagang hahantong, sa pamamagitan ng
kagandahan ng kanyang kaasalan, sa antas ng isang
nag-aayuno [sa maghapon] at nagdarasal [sa gabi].”
Alinsuod sa pananaw na ito, ang kagalang-galang na
Sahábí na si Abú Dardá‘ (RA) ay nagsabi noon: “Ang
taong Muslim ay [maaaring] nagpapaganda ng kaasalan
niya hanggang sa papasukin siya ng kagandahan ng
kaasalan niya sa Paraiso at [maaaring] nagpapapangit ng
kaasalan niya hanggang sa papasukin siya ng kapangitan
ng kaasalan niya sa Impiyerno.”
Ang mga Kaasalan sa Islam
11
Ang mga Tanda ng Kagandahan
ng Kaasalan
Natipon ang mga tanda ng kagandahan ng kaasalan sa
sumusunod na ilang mga katangian: dapat ang tao ay
madalas sa pagsasaalang-alang sa kahihiyan, hindi
namiminsala hanggat maaari, matuwid, tapat sa
pananalita, kaunti sa salita, marami sa gawa, kaunti sa
mga pagkakamali, kaunti sa mga walang kabuluhang
salita, mabuti, mapagpanatili ng kaugnayan sa mga
kamag-anak, matiisin (o pasensyoso), mapagtanaw ng
utang na loob, malugurin, matimpiin, malinis sa
pamumuhay, mahabagin, hindi palamura, hindi
mapanglait, hindi tsismoso, hindi mapanglibak, hindi
mapusok (padalus-dalos), hindi mapagtanim ng galit,
hindi maramot, hindi mainggitin, masayahin, matuwain,
nagmamahal alang-alang kay Allah, nasisiyahan alangalang
kay Allah at nagagalit alang-alang kay Allah.
Ang taong may magandang kaasalan ay nagtitiis sa
pamiminsala ng mga tao at naghahanap palagi para sa
kanila ng maaaring maidahilan sa ginawa nila na mga
kamalian. Nagsisikap siya nang labis sa pag-iwas na
subaybayan ang mga kamalian nila at hanapin ang mga
kapintasan nila. Ang tunay na mananampalataya ay hindi
maaari, sa anumang kalagayan, na masama ang kaasalan.
Ang Propeta (SAS) ay nagbibigay-diin noon sa
maraming pagkakataon sa kahalagahan ng kagandahan ng
kaasalan at sa bigat ng gantimpalang tatamuhin ng
Ang mga Kaasalan sa Islam
12
nagtataglay ng magandang mga kaasalan. Ayon sa sinabi
ni Usámah ibnu Sharík: Kami noon ay nakaupo sa tabi ng
Sugo ni Allah (SAS) nang puntahan siya ng mga tao.
Pagkatapos ay nagsabi sila: “Sino ang pinakaibig ni
Allah sa mga lingkod ni Allah?” Nagsabi siya (SAS):
أحسنهم أخلاقا
“Ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan.”
(Itinala ito ni Imám at-Tabrání.)
Ayon naman sa sinabi ni ‘Abdulláh ibnu ‘Umar (RA):
Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi:
ألا أخبركم بأحبكم إلي، وأقربكم مني مجلسا يوم القيامة؟
“Ninanais bang ipabatid ko sa inyo ang pinakaibig ko
sa inyo at ang pinakamalapit sa inyo mula sa akin sa
upuan sa Araw ng Pagkabuhay?”
Nagsabi sila: ‘Opo, o Sugo ni Allah.’ Nagsabi siya:
أحسنكم خلقا
“Ang pinakamaganda sa inyo sa kaasalan. ”
(Itinala ito ni Imám Ahmad.)
Nagsabi pa ang Sugo (SAS):
ما من شيء أثقل في ميزان العبد يوم القيامة من خلق حسن…
Wala nang bagay na higit na mabigat sa timbangan
ng [mga gawa ng] tao sa Araw ng Pagkabuhay kaysa
sa kagandahan ng kaasalan.
Ang mga Kaasalan sa Islam
13
Ang mga Kaasalan ng Sugo (SAS)
Ang Sugo ni Allah (SAS), sa gitna ng kanyang mga
Kasama, ay isang mataas na halimbawa para sa
kaaasalang ipinangangaral niya. Itinatanim niya sa gitna
ng kanyang mga Kasama ang mataas na kaasalan sa
pamamagitan muna ng pagsasabuhay niya bago niya
itinatanim ito sa pamamagitan sinasabi niya na mga
karunungan at mga pangaral.
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Pinaglingkuran ko ang
Sugo ni Allah nang sampung taon. Sumpa man kay
Allah, hindi siya nakapagsabi sa akin kailanman ng isang
pabalang na salita at hindi rin siya nagsabi sa isang bagay
[na nagawa ko], ‘Bakit mo ginawa ang ganyan? Bakit
hindi mo gawin ang ganyan?’ ” (Isinalaysay ito ni Imám
Muslim.)
Ayon pa rin sa sinabi ni Anas (RA): “Naglalakad ako
noon kasabay ng Propeata (SAS) na nakasuot ng balabal
na magaspang ang kuwelyo. Naabutan siya ng isang
Arabeng taga-disyerto at hinaltak siya nito nang malakas
na pagkakahatak sa leeg hanggang sa nakita ko ang
ibabaw ng balikat ng Sugo ni Allah (SAS). Bumakat na
rito ang kuwelyo ng balabal dahil sa lakas ng
pagkakahaltak. Pagkatapos ay nagsabi ito: “O
Muhammad, mag-utos ka na bigyan ako mula sa
kayamanan ni Allah na nasa iyo!” At nilingon ito ng
Sugo ni Allah (SAS), tumawa siya at nag-utos siya na
Ang mga Kaasalan sa Islam
14
bigyan ito ng kaloob. (Isinalaysay ito ni Imám al-
Bukhárí.)
May nagtanong kay ‘Á’ishah, ang maybahay ng
Propeta (SAS): “Ano ang ginagawa niya (Propeta) noon
sa bahay niya?” Nagsabi ito: “Siya noon ay nasa
paglilingkod ng kanyang mag-anak at kapag dumating
ang [oras ng] Saláh ay nagsasagawa siya ng wudú‘ at
nagpupunta sa saláh.” (Isinalaysay ito ni Imám Muslim.)
Ayon naman sa sinabi ni ‘Abdulláh ibnu al-Hárith:
“Wala akong nakita isang [tao na] higit na palangiti
kaysa sa Sugo ni Allah.” (Isinalaysay ito ni Imám al-
Tirmidhí.)
Ang nalalaman sa ilan sa mga katangian ng Sugo
(SAS) na siya ay mapagbigay na hindi nagmamaramot,
matapang na hindi tumatalikod kailanman sa
katotohanan, makatarungan na hindi lumalabag
kailanman sa katarungan sa paghahatol, at matapat na
mapagkakatiwalaan sa buong buhay niya. Ayon sa sinabi
ni Jábir (SAS): “Hindi nahilingan ang Propeta (SAS) at
nagsabi siya ng hindi.”
Nakikipagbiruan siya noon sa kanyang mga Kasama,
nakikihalubilo siya sa kanila, nakikipaglaro siya sa mga
anak nila at pinauupo niya ang mga ito sa kanyang
kandungan, tinutugon niya ang paanyaya, dinadalaw niya
ang maysakit, at tinatanggap niya ang dahilan ng
nagdadahilan. Tinatawag niya ang kanyang mga Kasama
sa pinakaibig nilang mga pangalan nila. Hindi niya
sinasabat ang sinuman sa pananalita nito.
Ang mga Kaasalan sa Islam
15
Ayon sa sinabi ni Abú Qatádah (RA): Nang dumating
ang lupong kumakatawan sa Najáshí (Hari ng Ethiopia)
ay tumayo siya upang paglingkuran sila. Kaya nagsabi sa
kanya ang kanyang mga lingkod: “Makasasapat na po
kami para sa iyo.” Kaya nagsabi naman siya:
إنهم كانوا لأصحابنا مكرمين، وإني أحب أن أؤكافئهم.
“Tunay na sila ay mga mapagbigay sa ating mga
Kasama at tunay na ibig kong gantihan sila.”
At nagsabi pa siya:
إنما أنا عبد آكل كما يأكل العبد، وأجلس كما يجلس العبد.
“Ako ay isang lingkod lamang; kumakain ako tulad
ng pagkain ng lingkod at umuupo ako tulad ng pagupo
ng lingkod.”
Sumasakay siya sa asno, dumadalaw siya sa mga
dukha at nakikiupo siya sa mga maralita.
Ang mga Kaasalan sa Islam
16
Ang Katapatan
Tunay na ang isang totoong Muslim ay tapat sa
kanyang Panginoon at sa lahat ng tao. Sa lahat ng sandali
ay tapat sa kanyang pananalita at tapat sa kanyang mga
gawain. Nagsasabi si Allah (9:119):
] ﴿ يا أيها الذين آمنوا اتقوا الله وكونوا مع الصادقين ﴾ ]التوبة: 119
“O mga sumampalataya, mangilag kayong
magkasala kay Allah at maging kasama kayo ng
mga matapat.”
Ayon naman sa sinabi ni ‘ ء’ishah (RA): “Walang
kaasalang higit na kinamumuhian ng Sugo ni Allah
(SAS) kaysa sa pagsisinungaling…” (Itinala ito ni Imám
Ahmad.)
May isang nagtanong sa Sugo ni Allah (SAS): “Ang
mananampalataya ba ay maaaring maging duwag?”
Nagsabi siya: “Oo.” May nagsabi sa kanya: “Ang
mananampalataya ba ay maaaring maging maramot?”
Nagsabi siya: “Oo.” May nagsabi sa kanya: “Ang
mananampalataya ba ay maaaring maging sinungaling?”
Nagsabi siya: “Hindi.” (Isinalaysay ito ni Imám Málik.)
Ang pagsisinungaling tungkol sa relihiyon ay
kabilang sa pinakamasagwa sa mga masamang gawain at
ito rin ang pinakamatindi sa mga uri ng pagsisinungaling.
Ang gantimpala nito ay ang Impiyerno sapagkat ang sabi
ng Sugo (SAS):
Ang mga Kaasalan sa Islam
17
من كذب علي متعمدا فليتبوأ مقعده من النار.
“Ang sinumang magsinungaling tungkol sa akin
nang sinasadya ay lumuklok sya sa upuan niya sa
Impiyerno.”
(Isinalaysay ito ni Imám al-Bukhárí.)
Inuudyukan tayo ng ating relihiyong Islam na itanim
ang katapatan sa mga isip ng mga bata upang kalakihan
nila ito. Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Sugo (SAS)
ay nagsabi:
من قال لصبي: تعال هاك، ثم لم يعطه فهي كذبة.
“Ang sinumang magsabi sa isang bata, ‘Halika ka
tanggapin mo ito,’ at pagkatapos ay hindi niya
ibinigay roon, ito ay isang pagisisinungaling.”
(Isinalaysay ito ni Imám Ahmad.)
Hinimok ng Sugo (SAS) ang kanyang mga tagasunod
na iwasan ang pagsisinungaling, kahit pa man nagbibiro
lamang ang isang tao. Pinangakuan niya ng isang bahay
sa gitna ng Paraiso ang sinumang umayaw sa
pagsisinungaling, kahit pa man siya ay nagbibiro lamang.
Nagsabi ang Sugo (SAS):
أنا زعيم ببيت في وسط الجنة، لمن ترك الكذب وإن كان مازحا.
“Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa gitna ng
Paraiso para sa sinumang umayaw sa
Ang mga Kaasalan sa Islam
18
pagsisinungaling, kahit pa man siya nagbibiro
lamang.” (Isinalaysay ito ni Imám al-Bayhaqí.)
Ang isang mangangalakal ay maaaring
magsinungaling sa paghahayag ng kanyang paninda.
Nagbabala na ang Sugo (SAS) laban doon. Nagsabi siya:
لا يحل لمسلم يبيع سلعته يعلم أنا بها داء إلا أخبر به.
“Hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na magtinda
ng paninda na nalalaman niyang ito ay may sira,
maliban kung ipinabatid niya ito.”
(Isinalaysay ni Imám al-Bukhárí.)
Ang mga Kaasalan sa Islam
19
Ang Pagiging Mapagkakatiwalaan
Ipinag-uutos ng Islam sa mga tagasunod nito na
gampanan ang mga ipinagkatiwalang tungkulin at na
isaalang-alang ng tao ang kanyang Panginoon sa bawat
gawaing isinasagawa niya maliit man ang gawaing ito o
malaki. Samakatuwid, ang isang tunay na Muslim ay
mapagkakatiwalaan sa pagganap ng isinatungkulin sa
kanya ni Allah at mapagkakatiwalaan sa pakikitungo niya
sa mga tao.
Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay na magsisigasig
ang isang tao sa pagganap sa gawaing iniaatang sa kanya
ayon sa pinakaganap na paraan. Nagsasabi si Allah
(4:58):
﴿ إن الله يأمركم أن تؤدوا الأمانات إلى أهلها، وإذا حكمتم بين الناس
] أن تحكموا بالعدل ﴾ ]النساء: 58
“Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na
gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang
tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito. At kapag
humatol kayo sa mga tao ay humatol kayo ayon sa
katarungan.…”
Nagsabi naman ang Sugo (SAS):
لا إيمان لمن لا أمانة له
“Walang pananampalataya para sa sinumang hindi
mapagkakatiwalaan…” (Isinalaysay ito ni Imám Ahmad.)
Ang mga Kaasalan sa Islam
20
Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay hindi ang tulad
ng pagkakaunawa ng ilang tao na “pangangalaga sa mga
ipinagkatiwala,” datapuwa’t ito ay higit na
napakamasaklaw kaysa roon. Ang pagganap sa
ipinagkatiwalang tungkulin ay na kailangang ang isang
tao ay tapat sa lahat ng iniatang sa kanya na mga gawain
o mga tungkulin, panrelihiyon man o di-panrelihiyon.
Ang Pagpapakumbaba
Ang tunay na Muslim ay nagpapakumbaba sa hindi
panghahamak. At hindi nararapat kailanman para sa
isang Muslim na magmalaki. Nagsabi si Allah (26:215):
] ﴿ واخفض جناحك لمن اتبعك من المؤمنين ﴾ ]الشعراء: 215
“At ibaba mo ang loob mo para sa sumunod sa iyo
na mga mananampalataya.”
Nagsasabi naman ang Sugo (SAS):
ما تواضع أحد لله إلا رفعه.
“Walang isang nagpakumbaba kay Allah na hindi
Niya inangat ito.”
(Isinalaysay ito ni Imám Muslim.) Nagsabi pa siya
(SAS):
إن الله أوحى إلي أن تواضعوا حتى لا يفخر أحد على أحد، ولا يبغي
أحد على أحد.
Ang mga Kaasalan sa Islam
21
“Tunay na si Allah ay nagsiwalat sa akin na
magpakumbaba kayo upang walang isa na
magyayabang sa isa pa at walang isang mang-aapi sa
isa pa.” (Isinalaysay ito ni Imám Muslim.)
Kabilang sa mga tanda ng pagpapakumbaba ay ang
pakikisama sa mga maralita at mga dukha, ang hindi
pagmamataas sa kanila, ang pagiging masayahin sa harap
ng mga tao, at na hindi ituturing ng isang tao ang
kanyang sarili na mainam kaysa sa ibang mga tao. Ang
Sugo (SAS) noon—gayong siya ang Propeta ng
Sambayanang Muslim—ay nagwawalis ng kanyang
bahay, naggagatas ng kanyang tupa, nagtatagpi ng
kanyang damit, kumakain kasama ng kanyang katulong,
bumibili ng kanyang mga kailangan sa pamilihan, at
nakikipagkamay sa malaki at maliit, at sa mayaman at
maralita na mga mananampalataya.
Ang mga Kaasalan sa Islam
22
Ang Pagkakaroon ng Hiya
Ang Pagkakaroon ng Hiya ay isa sa mga sangay ng
Pananampalataya. Ang pagkakaroon ng hiya ay walang
naidudulot kundi kabutihan, gaya nga ng sinabi ng Sugo
(SAS) ayon sa isinalaysay nina Imám al-Bukhárí at Imám
Muslim. Ang huwaran ng Muslim sa magaling na
kaasalang ito ay ang Sugo ni Allah (SAS) yayamang siya
ay matindi sa pagkakaroon ng hiya. Ayon sa sinabi ni
Abú Sa‘íd: “…kapag nakakita siya ng isang bagay na
kinasusuklaman niya malalaman namin iyon sa kanyang
mukha.” (Isinalaysay ito ni Imám al-Bukhárí.)
Ngunit ang pagkakaroon ng hiya ng isang Muslim ay
hindi dapat maging hadlang sa kanya na sabihin ang
salita ng katotohanan, o na maghanap ng kaalaman, o na
ipag-utos ang nakabubuti, o na sawayin ang nakasasama.
Ang pagkakaroon ng hiya ay hindi pumigil kay Umm
Sulaym na magsabi ng ganito: “O Sugo ni Allah, tunay
na si Allah ay hindi nahihiya sa katotohanan, kaya
tungkulin ba ng isang babae na maligo kapag siya ay
dumanas ng ihtilám3?” Kaya nagsabi siya: “Oo, kapag
siya ay nakakita ng likido.” (Isinalaysay ito ni Imám al-
Bukhárí.)
3 Ang ihtilám ay ang tinatawag sa Ingles na wet dream.
Nangyayari ito kapag ang isang lalaki o babae ay nanaginip na
nakikipagtalik.
Ang mga Kaasalan sa Islam
23
Subalit ang hiya ay pipigil sa isang Muslim sa
masamang mga gawain, o sa pagkukulang sa pagtupad ng
mga gawaing itinalaga sa kanya, o sa pagbubunyag ng
mga lihim ng mga tao at paggawa ng masama sa kanila.
Ang pagkakaroon ng hiya kay Allah ay lalong
karapat-dapat. Ang tunay na mananampalataya ay
nahihiya sa kanyang Tagapaglikha na lumalang sa kanya
at nagdulot sa kanya ng mga biyaya. Nahihiya siya na
magkulang sa pagtalima sa Kanya o magkulang sa
pasasalamat sa Kanyang mga biyaya. Nagsabi ang
Propeta (SAS):
فالله أحق أن يستحيا منه الناس.
“si Allah ay lalong karapat-dapat na kahiyaan ng mga
tao.” (Isinalaysay ito ni Imám al-Bukhárí.)
Ang mga Kaasalan sa Islam
24
Mga Kadusta-dusatang Kaasalan
Ang Kawalang-katarungan
Ang tunay na Muslim ay hindi pinagmumulan ng
kawalang-katarungan sa kaninuman. Ang kawalangkatarungan
ay ipinagbabawal sa Islam. Nagsabi si Allah
(25:19):
] ﴿ ومن يظلم منكم نذقه عذابا كبيرا ﴾ ]الفرقان: 19
“Ang sinumang lalabag sa katarungan mula sa inyo,
patitikimin Namin siya ng malaking pagdurusa.”
Nasasaad sa Hadíth Qudsí na nagsabi si Allah:
يا عبادي إني حرمت الظلم على نفسي وجعلته بينكم محرما فلا تظالموا
“O mga lingkod Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa
Aking sarili ng paglabag sa katarungan at ginawa Ko
itong ipinagbabawal sa pagitan ninyo, kaya naman
huwag kayong maglabagan sa katarungan.…”
(Itinala ito ni Imám Muslim.)
Ang kawalang-katarungan ay tatlong uri:
1. Ang Kawalang-katarungan ng Tao sa Panginoon Niya
Ito ay sa pamamagitan ng pagtangging sumampalataya
sa Kanya. Nagsabi si Allah (2:254):
] ﴿ والكافرون هم الظالمون ﴾ ]البقرة: 254
Ang mga Kaasalan sa Islam
25
“Ang mga tumatangging sumampalataya ay ang
mga lumalabag sa katarungan.”
Ito ay maaari ring sa pamamagitan ng Pagtatambal sa
pagsamba kay Allah, sa pamamagitan ng pagbaling ng
ilan sa mga pagsamba sa iba pa kay Allah. Nagsabi si
Allah (31:13):
] ﴿ إن الشرك لظلم عظيم ﴾ ]لقمان: 13
“Tunay na ang Pagtatambal ay talagang mabigat na
paglabag sa katarungan.”
2. Ang Kawalang-katarungan ng Tao sa Ibang Nilikha
Ito ay sa pamamagitan ng wala sa katuwirang
pamiminsala sa kanila sa mga karangalan nila o sa mga
katawan nila o sa mga ari-arian nila. Nagsabi ang Sugo
(SAS):
كل المسلم على المسلم حرام: دمه وماله وعرضه.
“Ang lahat ng nasa Muslim ay ipinagbabawal sa
kapwa Muslim [na lapastanganin]: ang kanyang
buhay, ang kanyang pag-aari, at ang kanyang
karangalan.” (Isinalaysay ito ni Imám al-Bukhárí.)
Nagsabi pa siya:
من كان عنده مظلمة لأخيه من عرض أو شيء فليتحلله منه اليوم من
قبل أن لا يكون دينار ولادرهم، إن كان له عمل صالح أخذ منه بقدر
مظلمته، وإن لم يكن له حسنات أخذ من سيئات صاحبه فحمل عليه.
Ang mga Kaasalan sa Islam
26
“Ang sinumang may nagawang kawalangkatarungan
sa kanyang kapatid [sa
pananampalataya]: sa ari-arian o karangalan ay
humingi na siya ng paumanhin ngayon bago wala
nang dínár ni dirham [na pambayad] kundi ang mga
mabuting nagawa at ang mga masamang nagawa.”
(Isinalaysay ito ni Imám al-Bukhárí.)
3. Ang Kawalang-katarungan ng Tao sa Kanyang Sarili
Ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga
ipinagbabawal. Nagsabi si Allah (2:57):
] ﴿ وما ظلمونا ولكن كانوا أنفسهم يظلمون ﴾ ]البقرة: 257
“Hindi nila Kami nagawan ng kawalangkatarungan,
datapuwat sila ay sa kanilang mga
sarili gumagawa ng kawalang-katarungan.”
Samakatuwid, ang paggawa ng mga ipinagbabawal ay
kawalang-katarungan sa sarili sapagkat iyon ay nagaanyaya
sa parusa mula kay Allah.
Ang mga Kaasalan sa Islam
27
Ang Inggit
Ang inggit ay kabilang sa mga kadusta-dustang
kaasalan na kinakailangang ayawan ng isang Muslim
sapagkat napaloloob dito ay ang isang pagtutol sa
pamamahagi ni Allah ng mga biyaya sa kanyang mga
lingkod. Sinabi Niya (4:54):
] ﴿ أم يحسدون الناس على ما آتاهم الله من فضله ﴾ ]النساء: 54
“O kinaiinggitan ba nila ang mga tao dahil sa
ibinigay ni Allah sa mga ito mula sa kagandahangloob?
Niya”
Ang inggit ay dalawang uri:
A. Na hahangaring maglaho ang biyayang gaya ng
kayamanan, o karunungan, o katungkulan na
tinatamasa ng iba upang makamtan niya;
B. Na hahangaring maglaho ang biyayang tinatamasa ng
iba kahit pa man hindi niya makamtan.
Nagsasabi ang Sugo (SAS):
إياكم والحسد، فإن الحسد يأكل الحسنات كما تأكل النار
الحطب أو العشب.
“Kaingat kayo sa inggit dahil ang inggit ay
lumalamon sa [gantimpala ng] mga mabuting
gawa gaya ng paglamon ng apoy sa kahoy o
damo.” (Isinalaysay ito ni Abú Dáwud.)
Ang mga Kaasalan sa Islam
28
Hindi bahagi ng inggit ang hangarin na magkamit ng
biyayang gaya ng tinatamasa ng iba, nang walang
paghahangad na maglaho ito sa iba.
Ang Pandaraya
Ang tunay na Muslim ay tagapayo ng mga kapatid
niya. Wala siyang dinaraya ni isa man. Manapa’y iniibig
niya para sa kanyang mga kapatid ang naiibigan niya
para sa kanyang sarili. Nagsasabi ang Sugo (SAS):
من غشنا فليس منا.
“Ang sinumang nandaya sa atin ay hindi kabilang sa
atin.”
(Isinalaysay ito ni Imám Muslim.) Isinalaysay rin ni
Imám Muslim na ang Sugo ni Allah (SAS) ay napadaan
sa isang bunton ng [itinitindang] pagkain. Ipinasok niya
ang kanyang kamay at nakapitan ang kanyang kamay ng
pamamasa. Nagsabi siya: “Ano ito, may-ari ng
pagkain.” Nagsabi ito: “Tinamaan po iyan ng ulan, Sugo
ni Allah.” Nagsabi siya: “Bakit hindi mo ito ilagay sa
ibabaw ng [bunton ng] pagkain nang sa gayon ay
makita ito ng mga tao? Ang sinumang nandaya sa atin
ay hindi kabilang sa atin.”
Ang mga Kaasalan sa Islam
29
Ang Kapalaluan4
Maaaring maging palalo ang isang tao dahil sa
kanyang kaalaman at mag-uudyok iyan sa kanya na
magmataas at manglait sa ibang mga tao o sa mga may
kaalaman. Maaari ring maging palalo siya dahil sa
kanyang kayamanan at magmalaki sa mga tao sanhi ng
kadahilanang ito. Maaaring magiging palalo ang isang tao
dahil sa kapangyarihan niya, o sa dami ng mga pagsamba
niya at iba pang mga tulad nito.
Subalit ang totoong Muslim ay umiiwas sa kapalaluan
at nagbababala laban dito. Inaalaala ng isang Muslim na
walang nagpalabas kay Satanas sa Paraiso kundi ang
kapalaluan nito sapagkat noong inutusan ito ni Allah na
magpatirapa kay Adan ay nagsabi ito, ayon sa iniulat ng
Qur’an (7:12):
] ﴿ أنا خير منه خلقتني من النار وخلقته من الطين ﴾ ]الأعراف: 12
“Ako ay higit na mainam kaysa sa kanya; nilikha
Mo ako mula sa apoy samantalang nilikha Mo siya
mula sa putik.”
Ito ang naging dahilan ng pagtataboy sa kanya mula sa
awa ni Allah.
Ang lunas sa kapalaluan ay ang malaman ng tao na
ang anumang ibinigay sa kanya ni Allah na mga biyaya
sa ngayon, tulad ng karunugan, o kayamanan, o
kalusugan at mga tulad nito, si Allah ay may kakayahan
ding kunin ang mga ito sa alinmang sandali.
4 Ang kayabangan na bunga ng mataas na pagtingin sa sarili.
Ang mga Kaasalan sa Islam
30
Ang mga Pamamaraaan
ng Pagtamo ng Magandang Kaasalan
Walang pag-aalinlangan na ang pinakamabigat sa
kalikasan ng tao ay ang pagbabago sa mga kaasalan na
naitatak na sa pagkatao. Gayon pa man, iyon ay hindi
napakahirap at imposible [na mabago]. Mayroong ilang
mga kaparaanan at sari-saring mga pamamaraan na sa
pamamagitan ng mga ito ay makakaya ng isang tao na
makamit ang magandang kaasalan. Ang sumusunod ang
ilan sa mga ito:
1. Ang Katumpakan ng Pinaniniwalaan
Ang kahalagahan ng pinaniniwalaan ay malaki. Ang
pag-uugali, sa kadalasan, ay bunga ng tinataglay ng isang
tao na mga kaisipan, ng pinaniniwalaan niyang
paniniwala, at ng niyayakap niyang relihiyon.
Pagkatapos, ang pinaniniwalaan ay ang pananampalataya
mismo. Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa
pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa mga
kaasalan.
Kaya kapag tumumpak ang pinaniniwalaan,
gumaganda ang mga kaasalan alinsunod doon.
Samakatuwid, ang tumpak na paniniwala ay naghahatid
sa taong nagtataglay nito sa marangal na mga kaasalan
gaya ng pagkamapagbigay, katapatan, pagkamatimpiin,
katapangan at iba pa. Ito rin ang humahadlang sa kanya
sa masamang mga kaasalan gaya ng pagsisinungaling,
Ang mga Kaasalan sa Islam
31
kasakiman, hangal na kapangahasan, kamang-mangan at
iba pa.
2. Ang Pananalangin
Ang pananalangin ay isang malaking pinto [tungo kay
Allah]. Kapag nabuksan ito sa isang tao, magkakasunodsunod
ang pagdating sa kanya ng mga biyaya at
mabubuhos sa kanya ang mga pagpapala. Kaya ang
sinumang nagnanais na magtaglay ng marangal na mga
kaasalan at nagnanais na mag-iwan ng masamang mga
kaasalan ay dumulog siya sa kanyang Panginoon upang
pagkalooban siya Nito ng magandang kaasalan at ilayo sa
kanya ang masamang kaasalan. Ang pananalangin ay
nakatutulong sa usaping ito at sa iba pa. Dahil dito, ang
Propeta (SAS) ay madalas magsumamo sa kanyang
Panginoon sa paghiling sa Kanya na pagkalooban siya ng
magandang kaasalan. Nagsasabi siya noon ng ganito sa
panalangin para sa pagpapasimula ng saláh:
اللهم اهدني لأحسن الأخلاق لا يهدي لأحسنها إلا أنت، واصرف
عني سيئها لا يصرف عني سيئها إلا أنت.
alláhummahdiní li ahsanil akhláq, lá yahdí li
ahsanihá illá anta, wasrif ‘anní sayyi’ahá, lá
yasrifu ‘anní sayyi’ahá illá anta.
O Allah, patnubayan Mo po ako sa pinakamaganda
sa mga kaasalan, walang makapagpapatnubay sa
akin sa pinakamaganda sa mga iyon kundi Ikaw; at
Ang mga Kaasalan sa Islam
32
ibaling Mo po palayo sa akin ang masama sa mga
iyon, walang makapagbabaling palayo sa akin ng
masama sa mga iyon kundi Ikaw. Itinala ito ni Imám
Muslim.
3. Ang Pagpilit sa Sarili
Ang pagpilit sa sarili ay nakatutulong nang malaki sa
usaping ito. Ang sinumang magpilit sa sarili na
magtaglay ng mga mabuting pag-uugali at magpilit dito
sa pag-iwan sa mga masamang pag-uugali ay magkakamit
ng maraming kabutihan at maaalis sa kanya ang
kasamaang nangingibabaw. Ang mga kaasalan ay
maaaring katutubong kalikasan at maaari ring natamo na
nakakamtan sa pagsasanay at pagsasagawa. Ang
pagpipilit ay hindi nangangahulugang pipilitin ng isang
tao ang kanyang sarili nang isang beses o dalawa o higit
pa, datapuwa’t nangangahulugan ito na pipilitin niya ang
kanyang sarili hanggang sa kamatayan. Iyan ay sapagkat
ang pagpipilit sa sarili ay isang pagsamba. Si Allah ay
nagsasabi (15:99):
] ﴿ واعبد ربك حتى يأتيك اليقين ﴾ ]الحجر: 99
“Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa
datnan ka ng kamatayan.”
4. Ang Pagtutuos
Ito ay sa pamamagitan ng pagtuligsa sa sarili kapag
nakagawa ito ng kadusta-dustang mga kaasalan at pagAng
mga Kaasalan sa Islam
33
udyok dito na huwag nang balikan pa ang mga kaasalang
iyon sa iba pang pagkakataon.
5. Ang Pag-iisip-isip sa mga Epektong
Ibinubunga ng Kagandahan ng Kaasalan
Tunay na ang kaalaman sa mga ibinubunga ng mga
gawain at ang pagsasaisip sa magandang mga
kahihinatnan ng mga iyon ay kabilang sa mga nagtutulak
sa paggawa ng mga iyon, pagtulad sa mga iyon, at
pagsisikap na gawin ang mga iyon.
6. Ang Pagtingin sa mga Kahihinatnan ng
Kasamaan ng Kaaasalan
Iyan ay sa pamamagitan ng pagmumuni-muni sa
idinudulot ng masamang kaasalan gaya ng walang
katapusang dalamhati, kalakip na pighati,
panghihinayang, pagsisisi, at pagkasuklam sa mga puso
ng mga tao.
7. Ang Pag-iingat Laban sa Pagkawala ng
Pag-asa na Maituwid ang Sarili
Ang pagkawala ng pag-asa ay hindi maganda para sa
isang Muslim at hindi naaangkop sa kanya kailanman,
datapuwa’t ay nararapat sa kanya na palakasin niya ang
pagpapasya niya, na magpunyagi siya na gawin niyang
ganap ang sarili niya, at na magsikap siya sa pagtutuwid
ng mga kapintasan niya.
8. Ang Pagpupumilit na Maging Magalakin at Masayahin
at ang Pag-iwas sa Pagsimangot at Pag-ismid
Ang mga Kaasalan sa Islam
34
Tunay na ang pagngiti ng tao sa harap ng kanyang
kapwa Muslim ay isang pagkakawanggawa na
ginagantimpalaan. Nagsabi ang Propeta (SAS):
تبسمك في وجه أخيك لك صدقة.
“Ang iyong pagngiti sa harap ng iyong kapatid ay
isang pagkakawanggawa mo.”
(Itinala ito ni Imám at-Tirmidhí) Nagsabi pa siya:
لا تحقرن من المعروف شيء، ولو أن تلقى أخاك بوجه طلق.
“Huwag ka ngang magmamaliit ng anuman sa
[paggawa ng] nakabubuti, kahit lamang na
salubungin mo ang iyong kapatid ng masayang
mukha.” (Isinalaysay ito ni Imám Muslim.)
9. Ang Pagpaparaya at ang Pagpapalampas sa
Pagkakamali ng Iba
Ang pagpaparaya at pagpapalampas sa pagkakamali
ng iba ay kabilang sa mga kaasalan ng mga dakila at mga
kahanga-hangang tao. Ang dalawa ring ito ay kabilang sa
mga nakatutulong sa pagpapanatili sa pagmamahalan,
pag-akit ng pagamamahalan at paglibing ng alitan.
10. Ang Pagtitimpi
Ang pagtitimpi ay kabilang sa napakadakilang mga
kaasalan at ang pinakahigit na tungkuling gampanan sa
mga kamag-anakan. Ito ay ang pagpipigil sa sarili sa
sandali ng pagsilakbo ng galit. Hindi isang kundisyon ng
Ang mga Kaasalan sa Islam
35
pagtitimpi na hindi na magagalit ang isang matimpiin;
kapag kinubabaw siya ng galit sa sandali ng pagsalakay
ng udyok nito ay pipigilin niya ito sa pagtangay sa kanya.
Kapag ang isang tao ay nagtaglay ng katangian na
pagkamatimpiin ay darami ang mga nagmamahal sa
kanya, mangangaunti ang mga nasusuklam sa kanya, at
tataas ang kanyang kalagayan.
11. Ang Paglayo sa Pakikipagtalo sa mga Mangmang
Ang sinumang lumayo sa pakikipagtalo sa sa mga
mangmang ay mapangangalagaan ang kanyang
karangalan, matitiwasay ang kanyang sarili at makaiiwas
na makarinig ng anumang ikasasama ng loob. Nagsabi si
Allah (7:199):
] ﴿ خذ العفو وأمر بالمعروف وأعرض عن الجاهلين ﴾ ]الأعراف: 99
“Tumanggap ka ng paumanhin, ipag-utos mo ang
nakabubuti at layuan mo ang [pakikipagtalo sa]
mga mangmang.”
12. Ang Pag-ayaw sa Panlalait
13. Ang paglimot sa mga Kapinsalaang Nalasap
Ito ay sa pamamagitan ng paglimot mo sa
kapinsalaang ng gumawa sa iyo ng masama upang maalis
sa iyong puso ang galit sa kanya at hindi ka maiilang sa
kanya. Ang sinumang nakagugunita sa pamiminsala ng
mga kapatid niya ay hindi magkakaroon ng wagas na
pagmamahal sa kanila. Ang sinumang nakagugunita sa
pamiminsala ng mga tao sa kanya ay hindi niya
Ang mga Kaasalan sa Islam
36
maiibigang mamuhay kasama nila. Kaya limutin mo ang
makakaya mong kalimutan.
14. Ang Pagpapaumanhin, ang Pagpapalampas
at ang Pagganti ng Kabutihan sa Kasamaan
Ito ay isang dahilan ng pagkakaangat ng antas. Dito
makakamtan ang kapanatagan at ang pag-ayaw ng tao na
gamutin ang ngitngit sa pamamagitan ng paghihiganti.
15. Ang Pagiging Mapagbigay
Ang pagiging mapagbigay ay kapuri-puri kung
papaanong ang pagiging maramot ay kadusta-dusta. Ang
pagiging mapagbigay ay umaakit sa pagmamahalan,
nagtataboy sa pagkakagalit, nagdudulot ng magandang
katanyagan at nagkukubli ng mga kapintasan at mga
kakulangan.
16. Ang Pag-asa sa Gantimpalang Nasa kay Allah
Ang bagay na ito ay kabilang sa pinakamalaki sa mga
nakatutulong sa pagkakamit ng mataas na mga kaasalan.
Ito ay isa sa tumutulong sa pagkakaroon tiyaga’t pagtitiis,
pagpilit sa sarili, at pagtitiis sa pamiminsala ng mga tao.
Kapag naniniwala nang may katiyakan ang isang tao na
si Allah ay maggagantimpala sa kagandahan ng kanyang
kaasalan at sa pagpilit sa kanyang sarili, tunay na siya ay
magsisigasig sa pagtamo ng magandang mga kaasalan at
magiging magaan sa kanya anumang pahirap na
masusumpangan niya dahil doon.
Ang mga Kaasalan sa Islam
37
17. Ang Pag-iwas na Magalit
Ito ay sapagkat ang galit ay parang isang baga na
nagniningas sa loob ng puso, at nag-aanyaya sa
karahasan, paghihiganti, at pagkamit ng kasiyahan sa
pamamagitan ng dalawang ito. Kaya kapag kinontrol ng
isang tao ang kanyang sarili sa sandali ng galit,
mapangangalagaan niya ang kanyang sarili, ang kanyang
karangalan at ang kanyang dignidad. Sa pamamagitan ng
pagpipigil ng galit ay malalayo siya sa kahihiyan ng
paghingi ng paumanhin at sa pagkahantong sa pagsisisi.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “May dumating
na isang lalaki at nagsabi ito: ‘O Sugo ni Allah,
tagubilinan mo po ako.’ Nagsabi siya: ‘Huwag kang
magalit.’ Pagkatapo ay inulit nito [ang tanong] nang
makailang ulit kaya nagsabi [uli] siya: ‘Huwag kang
magalit.’”
18. Ang Pagtanggap ng Makahulugang Payo at
Punang Nakatutulong
Kapag tinawagan ng pansin sa taglay na kakulangan
ay kinakailang obligahin ang sarili na layuan ang
kakulangan na iyon. Samakatuwid, ang pagtutuwid sa
sarili ay hindi maisasakatuparan sa pamamagitan ng
pagmamaang-maangan sa mga kapintasan nito.
19. Ang Pagsasagawa ng sa Itinalagang Gawain alinsunod
Ayon sa Pinakalubos na Paraan
Ito ay upang malayo siya sa sisi, sumbat at sa
kahihiyan ng paghingi ng paumanhin.
Ang mga Kaasalan sa Islam
38
20. Ang Pag-amin sa Kamalian Kung Nangyari ito at Pagiingat
Laban sa Pagmamatuwid Nito
Ito ay tanda ng kagandahan ng kaasalan at pagkatapos
ay malalayo pa sa pagsisinungaling. Ang pag-amin sa
kamalian ay isang mabuting ugali at nag-aangat sa
dignidad ng isang tumatanggap ng kamalian.
21. Ang Pananatili sa Katapatan
Ang katapatan ay mayroong mga kapuri-puring
resulta. Sa pamamagitan ng katapatan ay aangat ang
halaga ng isang tao at tataas ang kalagayan niya. Ito ay
nagliligtas sa tao sa kasalaulaan ng pagsisinungaling,
sumbat ng budhi at kahihiyan ng paghingi ng paumanhin.
Nangangalaga ito sa kanya laban sa pamiminsala ng tao
sa kanya at sa pagkaalis ng tiwala sa kanya. Ito ay
magdudulot din sa kanya ng karangalan, katapangan at
tiwala sa sarili.
22. Ang Pag-iwas sa Maraming Paninisi at
Pagmumura sa Sinumang Nakagawa ng
Masama
Ang maraming paninisi ay tagapag-anyaya ng galit at
saka ito ay tagapaghikayat ng away at dahilan upang
makarinig ng nakasasakit sa damdamin. Samakatuwid,
hindi pagagalitan ng isang matalinong may matinong
pag-iisip ang kanyang mga kapatid sa bawat maliit at
malaking pagkakamali, sa halip ay maghahanap siya para
sa kanila ng mga maidadahilan sa kamalian nila.
Ang mga Kaasalan sa Islam
39
Pagkatapos ay kapag mayroon talagang dahilan upang
kakailanganing pagalitan sila, pagagalitan sila nang
marahan at malumanay.
23. Ang Pagsama sa mga Mabubuting Tao at mga
Taong May Magaling na mga Kaasalan
Ang bagay na ito ay isa sa pinakamalaking dahilan sa
pagkahubog sa marangal na mga kaasalan at sa pagkintal
ng mga ito sa sarili.
24. Ang Pagsasaalang-alang sa mga Alituntunin
ng Mabuting Pakikipag-usap at Pakikisama
Isa sa mga alituntuning makabubuting isaalang-alang
ay ang pakikinig sa nagsasalita at ang pag-iwas na
sabatin ito o pabulaanan ito o maliitin ito o iwan ito bago
natapos ang pagsasalita nito. Kabilang din dito ang
pagbati sa pagpasok at paglabas, ang pagbibigay puwang
sa pagtitipon, na hindi patatayuin ng isang tao ang isa
pang tao upang upuan ang inupuan nito, at na hindi
paghihiwalayin ang magkatabi sa upuin kung walang
kapahintulutan nila, at na hindi magbubulungan ang
dalawang tao sa harap ng ikatlong tao.
25. Ang Pagpapanatili sa Pagbabasa sa
Talambuhay ng Propeta (SAS)
Ang talambuhay ng Propeta (SAS) ay naglalahad sa
harap ng nagbabasa nito ng pinakadakilang larawan ng
magandang kaasalan na nalaman ng sangkatauhan at ng
pinakaganap na patnubay at kaasalan noong nabubuhay
pa siya.
Ang mga Kaasalan sa Islam
40
26. Ang Pagtingin sa Talambuhay ng mga
Marangal na Kasama ng Propeta (SAS)
27. Ang Pagbabasa ng Aklat hinggil sa Kaasalan
Tunay na ito ay nagbibigay-pansin sa tao sa marangal
na mga kaasalan, nagpapaalaala sa kanya sa kabutihan
nito at tumutulong sa kanya sa pagkamit nito. Ito ay
nagbibigay-babala rin sa kanya laban sa masamang mga
kaasalan at naglilinaw sa kanya sa kasamaan ng mga
kahihinatnan ng masamang mga kaasalan at sa mga
paraan upang maiwaksi ang masamang mga kaasalan.