Mga Paraan ng Pagpapakatatag
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allah.1 Nagpupuri
tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya at humihingi
tayo ng kapatawaran sa Kanya. Nagpapakupkop
tayo kay Allah laban sa mga kasamaan na nasa mga
sarili natin at sa mga masasama sa mga gawa natin. Ang
sinumang patnubayan ni Allah ay walang makapagliligaw
at ang sinumang iligaw Niya ay walang makapagpapatnubay.
Sumasaksi ako na walang Diyos kundi
si Allah: tanging Siya lamang, wala Siyang katambal; at
sumasaksi rin ako na si Muhammad (SAS)2 ay Lingkod
Niya at Sugo Niya.
Sa pagsisimula, tunay na kabilang sa pinakadakila
sa mga katangian ng totoong Muslim at pinakamahalaga
1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe. Ito
ay isang pangngalang pantangi at hindi pangngalang pambalana, kaya ang mga
mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa pangalang Allah ay SI, NI at KAY at
HINDI ANG, NG at SA. Samakatuwid ang tama ay sabihing: SI Allah, NI Allah at
KAY Allah. Ito ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa wikang Filipino,
ang Komisyon sa Wikang Filipino; at ito rin ang paninindigan ng Ministry
of Islamic Affairs sa Saudi Arabia.
2 (SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at pangalagaan (o batiin) siya ni
Allah. Sinasabi ito kapag ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad ay
binanggit o kapag siya ay tinutukoy.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
4
sa mga kaibahan niya ay ang katatagan sa Relihiyon
niya, ang pagpapanatili sa sarili ng mga kaasalan ng
Propeta niya na si Muhammad (SAS), ang pagtulad sa
kanya nang walang pag-aatubili roon ni paglihis doon
dahil sa isang sumulpot na pag-aalinlangan ni isang
di-masupil na udyok ng laman ni laganap na kalituhan
dahil ang pag-aatubili sa pagitan ng katotohanan at
ang paghinto sa pagsunod sa napagtibay na sunnah3
pagkatapos ng pagsasabuhay nito ay hindi gawain ng
mga alagad ng pananampalataya. Bagkus ito ay gawain
ng mga kampon ng pagkukunwari at kawalang-pananampalataya,
na nailarawan sa tumpak na Qur’an bilang
may mga pagkakasalungatan sa mga salita at mga gawa
at pagpapabagu-bago sa paraan ng pagkilos sa lahat ng
kalagayan. Sinabi ni Allah (22:11):4 “Mayroon sa mga
tao na sumasamba kay Allah sa pag-aatubili. Kaya
kapag dinapuan siya ng isang mabuti, napapanatag
siya rito; at kapag dinapuan siya ng isang pagsubok,
3 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay tumutukoy sa kung ano ang
sinabi, ang ginawa at ang sinang-ayunan ng Propeta Muhammad (SAS). Ang
sunnah naman, na may maliit na titik na s, ay tumutukoy sa gawaing kanaisnais
gawin dahil ayon sa Sunnah ng Propeta. Ang gawaing sunnah ay kanaisnais
ngunit hindi tungkuling isagawa.
4 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay salin lamang mula sa
wikang Arabe ng kahulugan ng Salita ni Allah o ng salita ni Propeta Muhammad
(SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin. Ang salin ng talata ng Qur’an ay
isinusulat sa matingkad na titik. Ang salin naman ng mismong salita ni Propeta
Muhammad sa Hadíth ay isinusulat sa matingkad na pahilig na titik.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
5
nanunumbalik siya sa dating mukha niya. Naipahamak
niya ang buhay sa Mundo at Kabilang-buhay.
Iyan ay ang maliwanag na pagkapahamak.”
Tunay na ang pananatili sa totoong pamamaraan at
ang pagpapakatatag dito ay kabilang sa pinakamahalagang
bagay na kinakailangang isaalang-alang at gawin
ng isang Mananampalataya. Ang dalawang ito ay ilan
sa napakalaki sa mga biyaya na kinakailangang pasalamatan
ng isang tao at pangalagaan.
Ang nilalayon ng Pananatili ay ang pananatili sa
pagtalima kay Allah, ang pagsasagawa sa anumang
ipinag-utos Niya na mga tungkulin, ang paglayo sa
anumang ipinagbabawal Niya at ang pamamalagi sa
gayong kalagayan.
Ayon kay Sufyán Ibnu ‘Abdulláh ath-Thaqafí (RA)
na nagsabi: “Sinabi ko: O Sugo ni Allah, magsabi ka
sa akin tungkol sa Islam ng isang salitang hindi ako
makapagtatanong tungkol doon sa sinuman maliban
sa iyo.” Nagsabi siya: “Sabihin mo: Sumampalataya
ako, pagkatapos ay mamalagi kang [gayon].” Isinalaysay
ito ni Imám Muslim.
Sa Hadíth na ito ipinag-utos ng Sugo (SAS) ang
pamamalagi sa pananampalataya at ito ay ang pagsulong
ng matuwid na pagsulong na walang anumang
paglihis o paglabag. Ito ang katotohanan ng Pananatili.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
6
Samakatuwid, ang Pananatili ay ang pananatili sa
Relihiyon mula kay Allah sa panlabas na saloobin at
panloob na saloobin, ang pananatili sa pinaniniwalaan,
ang pananatili sa pagsamba, ang pananatili sa magandang
mga pag-uugali at mabuting mga kaasalan at ang
pana-natili sa mabuting pakikitungo. Ito ang buong
panana-tili: pananatili sa mga ito sa lahat ng aspeto ng
buhay, pananatili sa pagpapahalaga sa masjid, pananatili
sa pagpapahalaga sa trabaho, pananatili sa kaasalan
sa palengke at pananatili sa kaasalan sa bahay,
gaya nga ng sinabi ni Allah (6:162-163): “Sabihin
mo: Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang
buhay ko, at ang kamatayan ko ay para kay Allah,
ang Pangi-noon ng mga nilalang―wala Siyang
katambal. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay
una sa mga Muslim.”
Kapag nagbalik-loob ang tao at nanatili sa kautusan
ni Allah, matatalos niya na siya ay lumipat sa dating
buhay tungo sa isang bagong buhay. Siya ay namaalam
na sa buhay ng paggawa ng walang kabuluhan at pagliliwaliw
at sa buhay ng pagsuway, paglihis at paghihimagsik
kay Allah. Tumuon na siya kay Allah. Kaya
nararapat na maghanda siya para sa sarili niya ng isang
kalagayan na naaangkop sa bagong buhay at magsasagawa
ng mga pagbabago sa pamamaraan ng pamumuhay
niya.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
7
Ang [masamang] aklat na binabasa niya noon ay
papalitan niya ng aklat na pang-Islam. Ang [masamang]
magasin na binabasa niya noon, na hindi pang-Islam,
ay sisimulan na niyang papalitan ng magasin na pang-
Islam. Ang cassette tape ng musika at iba pa na pinakikinggan
niya noon ay sisimulan na niyang palitan ng
cassette tape na pang-Islam. Ang pagtulog ay ganoon
din; kaya kung natutulog siya dati nang gabing-gabi
na ay papalitan niya ito ng pagtulog na maaga upang
magising para sa saláh sa fajr. Ang kaibigan at ang
kapalagayang-loob na dati niyang nakakasama sa kabulaanan
ay papalitan niya ng isang kaibigan at kasamahan
na makakasabay niya sa katotohanan at makatutulong
dito. Gayon din sa ibang mga gawain.
Ang katatagan sa Relihiyon mula kay Allah ay isang
pangu-nahing kahilingan sa bawat tapat na Muslim na
nagna-nais na tumahak sa tuwid na landasin nang may
matatag na pagpapasya at kapatnubayan. Kapag
dumarami ang mga pagsubok at lumalaganap ang
mga tukso, duma-rami ang mga natitisod at mga
nanunumbalik sa dating masamang gawi. Mayroon sa
kanila na natitisod dahil sa takot. Mayroon sa kanila na
natitisod dahil sa ambis-yon. Mayroon sa kanila na
natitisod dahil sa kawalang-kaalaman.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
8
Sa panahon ngayon na nagbago na ang mga kalakaran,
nabaliktad ang mga konsepto, dumami ang mga
pagsubok, nagsidatingan ang mga tukso, dumali ang
mga daan sa pagkapariwara, lumapit ang kamunduhan
bilang tukso sa mga kaluluwa sa pamamagitan ng
panandaliang kaginhawahan nito, sa mga panahong
ito ay kay laki ng pangangailangan natin sa mapagmalasakit
na pagpapatnubay na iyon ng Propeta (SAS),
na naglalayo sa isang Muslim sa bawat paglihis at
masamang gawi, noong nagsabi siya: “O mga lingkod
ni Allah, magpakatatag kayo.” Isinalaysay ito ni Imám
Muslim.
Tunay na ang pagpapakatatag sa harap ng mga kagipitan
at mga pagsubok at sa harap ng kasalawahanan
ng mundo at mga tukso nito ay isang tatak mula sa
mga tatak ng mga napatnubayang lingkod ni Allah, na
mga nakaaalam na ang mga pagsubok ay isang pagsusulit
lamang sa mga mananampalataya at isang panliligalig
sa mga nalilibang na nagpapabaya. Ang pangkat
na sumasampalataya ay hindi nababago ang pananampalataya
nila ng mga kapighatian. Bagkus, tunay na ang
mga kapighatian ay nagdaragdag doon ng pananalig sa
katumpakan ng sinusunod na landas. Ang kahalagahan
ng pagpapakatatag sa daan na tinatahak ay nagsabi ng
ganito ang Panginoon (29:1-3): “Alif. Lám. Mím.
Inakala ba ng mga tao na hahayaan silang magsabi:
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
9
Sumampalataya kami, nang hindi sila susubukin?
Talagang sinubok na Namin ang mga nauna sa
kanila kaya talagang nalalaman nga ni Allah ang
mga nagpakatotoo at talagang nalalaman nga Niya
ang mga nagsisinungaling.”
Tunay na ang pagpapakatatag ay nangangahulugan
na magpapatuloy ang isang tao sa daan ng patnubay at
sa pananatili rito at na pamamalagiin niya ang paggawa
ng mga kabutihan. Magpupunyagi siya na maging masikap
sa pagdadagdag nito. Maghahangad siya palagi
na ang ngayon niya ay mainam kaysa sa kahapon niya
at ang bukas niya ay mainam kaysa sa ngayon niya,
yamang ang bawat araw na nagdaraan ay naglalapit sa
kanya sa Kabilang-buhay. Hindi maiiwasan sa bawat
tao na dumaan siya sa mga sandaling tumatabang ang
sigasig niya, gayunpaman ang mananampalataya ay
nagpupunyagi laban sa sarili niya at nagtitiis sa pagpapanatili
sa matuwid na gawain at sa paghabol sa
bagay na kinasasalayan ng tagumpay niya at kaligtasan
sa kaligtasan niya sa araw ng Pagkabuhay. Nagsasabi
ang Panginoon (3:200): “O mga sumampalataya,
magtiis kayo, humigit kayo sa pagtitiis, magbantay
kayo sa hangganan, at mangilag kayong magkasala
kay Allah nang harinawa kayo ay magtatagumpay.”
Nagsasabi pa Siya (57:21): “Makipag-unahan kayo
tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
10
ninyo at isang paraiso na ang luwang nito ay gaya
ng luwang sa pagitan ng langit at lupa,” Kahit tumabang
man ang sigasig ng isang tao, mayroong isang
takdang pamantayan na hindi matatanggap sa kanya
na bumaba pa siya roon o magkulang pa roon. Kung
matisod ang paa niya dahil sa pagsuway, hindi na niya
patatagalin na manumbalik at magbalik-loob sa Panginoon
niya.
Bumanggit na si Allah sa Kapahayagan Niya ng ilang
sari-saring larawan ng pagpapakatatag sa buhay ng
isang Muslim. Iyon ay walang iba kundi upang madama
ng isang Muslim ang kahalagahan ng usaping ito at
upang pag-ukulan niya ng pagsisikap niya sa panunumbalik
sa antas ng mga ninuno niya sa pananampalataya
na kinabibilangan ng mga Kasahamahan ng
Sugo (SAS) at mga Tagasunod nila.
Nakasalalay ang kahalagahan ng pananatili at katatagan
sa pananampalataya at ng matuwid na gawain
sa ilang bagay. Ang sumusunod ay ang ilan:
Ang kalagayan ng mga lipunan sa kasalukuyan na
pinaninirahan ng mga Muslim, ang mga uri ng mga
pagsubok at mga tukso na sa apoy ng mga ito ay nadadarang
sila, at ang mga klase ng mga masamang hilig
at mga maling akala na dahil sa mga ito ang Relihiyong
Islam ay pinagtatakahan kaya naman nagkamit
ang mga sumusunod dito ng kakaibang paghahalimMga
Paraan ng Pagpapakatatag
11
bawa na sinabi nga ng Sugo (SAS): “May darating sa
mga tao na isang panahon na ang matiisin sa kanila
sa relihiyon niya ay gaya ng humahawak sa baga.”
Itinala ito ni Imám at-Tirmidhí.
Walang duda para sa bawat may isip na ang pangangailangan
ng Muslim sa ngayon sa mga pamamaraan
ng pagpapakatatag ay higit na malaki kaysa sa pangangailangan
ng kapwa niya noong panahon ng mga sinaunang
Muslim, at ang hinihiling na pagsisikap upang
maisakatuparan ang pagpapakatatag ay higit na malaki.
Iyon ay dahil sa katiwalian ng panahon ngayon, kadalangan
ng mga tunay na kapatid sa pananampalataya,
kahinaan ng makatutulong at kakakauntian ng tutulong.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
12
Ilan sa mga Pamamaraan
sa Pagpapakatatag
Tunay na bahagi ng awa ni Allah sa atin ay na nilinaw
Niya sa atin, sa Aklat Niya at ayon sa sinabi ng
Propeta Niya (SAS) at gayon din sa talambuhay nito,
ang maraming pamamaraan ng pagpapakatatag. Maglalahad
tayo ng ilan sa mga ito:
1. Ang Pagdulog sa Qur’an. Ang Qur’án ay ang unang
paraan ng pagpapakatatag. Ang sinumang kumakapit
dito ay pangangalagaan ni Allah; ang sinumang sumusunod
dito ay ililigtas ni Allah; ang sinumang ito ang
ipanangangaral ay papatnubayan sa tuwid na landas.
Nabanggit ni Allah na ang dahilan kung kaya ibinaba
ang Qur’án nang unti-unti at baha-bahagi ay ang pagpapatatag
nito sa isip. Sinabi Niya sa paglalahad ng tugon
sa maling akala ng mga tumatangging sumampalataya
(25:32-33): “Sinabi ng mga tumangging sumampalataya:
Bakit kaya hindi ibinaba sa kanya ang
Qur’án nang iisang buo?” Gayon ang pagbababa
upang Aming patatagin ang puso mo sa pamamagitan
niyon. Binigkas Namin ito nang unti-unti.
Wala silang dinalang paghahalimbawa na hindi
Namin dinadala sa iyo ang katotohanan at higit
na magaling na pagpapaliwanag.”
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
13
Bakit ang Qur’án ang pinagmumulan ng pagpapatatag
sa pananampalataya?
Dahil ito ay nagtatanim ng pananampalataya at
nagpapalakas sa ugnayan ng tao sa Panginoon niya.
Dahil tinutugon nito ang mga maling akala na inilalahad
ng mga kaaway ng Islam gaya ng mga Káfir
at mga Munáfiq.
Dahil naglalaan ito sa isang Muslim ng mga panuntunan,
mga tamang katuruan na gumagawa sa kanya
na isang nakaaalam sa katotohanan at isang nagtitiwala
sa katumpakan ng sinusunod niyang landas.
2. Ang Kaalaman. Ang naglalakad nang walang kaalaman
ay tulad ng naglalakad sa dilim, at ang naglalakad
sa dilim ay nasasadlak sa mga kapinsalaan at baka
masugatan pa sa daan nang hindi niya nararamdaman.
Ganoon din ang kumikilos nang walang kaalaman,
madali siyang masasadlak sa mga tukso, mga maling
akala at mga masamang hilig.
Hindi maiiwasan ng naghahanap ng kaalaman tungkol
sa Islam na isaalang-alang ang mga sumusunod:
Ang wagas na pag-uukol ng layunin kay Allah
Na lalayunin sa paghahanap ng kaalaman ang pagpawi
ng kamangmangan sa sarili
Na lalayunin sa paghahanap ng kaalaman ang pagpawi
ng kamangmangan sa sambayanang Muslim
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
14
Na lalayunin sa paghahanap ng kaalaman ang pagpapanatili
sa Batas ng Islam at pagtatanggol dito
Na lalayunin sa paghahanap ng kaalaman ang pagpapalaganap
sa tamang Kapaniwalaan sa Islam
3. Ang Pananatili sa Patakaran ni Allah at Matuwid
na Gawa. Sinabi ni Allah (14:27): “Patatatagin ni
Allah ang mga sumasampalataya sa pamamagitan
ng matatag na salita sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-
buhay. Pinaliligaw ni Allah ang mga lumalabag
sa katarungan at ginagawa ni Allah ang anumang
ninanais Niya.”
Sa buhay sa mundo ay pinatatatag Niya sila sa pamamagitan
ng kabutihan at matuwid na gawa, at sa Kabilang-
buhay o sa libingan [kapag nailibing na] ay [sa
pamamagitan ng pagpapasagot] sa itinatanong sa kanila
ng dalawang anghel tungkol sa Panginoon nila, Relihiyon
nila at Propeta nila. Sasagutin nila ito ng tama.
Nagsabi si Allah (4:66): “Kung sila ay nagsagawa
ng ipinangangaral sa kanila, talagang iyon sana ay
mainam para sa kanila at higit na matindi sa pagpapatatag.”
Ibig sabihin sa pagpapakatatag sa katotohanan.
Ito ay malinaw, ngunit may maaasahan kayang
pagpapakatatag sa panig ng mga tamad na umiiwas
sa mga matuwid na gawa kapag lumitaw na ang mga
pagsubok? Sa kabilang dako ang mga sumasampalaMga
Paraan ng Pagpapakatatag
15
taya at gumagawa ng matuwid ay papapatatagin ng
Panginoon nila. Dahil doon, sinisipagan ng Propeta
(SAS) ang paggawa ng mga matuwid na gawa. Ang
pinakaibig na gawain para sa kanya ay ang higit na
namamalagi kahit pa man kakaunti.
4. Ang pagninilay-nilay sa kasaysayan ng mga propeta
at ang pag-aaral sa mga ito upang tularan at
isagawa. Ang patunay niyon ay ang sinabi ni Allah
(11:120): “Lahat ng isinalaysay Namin sa iyo na mga
balita hinggil sa mga sugo ay ang ipinapampatatag
Namin sa puso mo. Dumating sa iyo sa mga ito ang
katotohanan, isang pangaral at isang paalaala para
sa mga mananampalataya.”
Hindi ibinaba ang mga talatang ito ng Qur’án noong
kapanahunan ng Sugo ni Allah (SAS) para pagpalipasan
ng oras at paglibangan, bagkus ay para lamang sa isang
dakilang layunin na patatagin ang pananampalataya sa
puso ng Sugo (SAS) at mga puso ng mga mananampalataya
na kasama niya.
5. Ang pananalangin. Kabilang sa mga katangian ng
mga lingkod ni Allah na mananampalataya ay na sila
ay bumabaling kay Allah nang may dalangin na patatagin
Niya sila. Ang panalangin ay kabilang sa napakamahalagang
mga dahilan ng pagtamo ng katatagan. Ang
ilan sa mga panalangin ay ang sumusunod:
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
16
rabbaná lá tuzigh qulúbaná ba‘da idh hadaytaná.
(Qur’an 3:8).5
rabbaná afrigh ‘alayná sabran wa thabbit aqdámaná.
(Qur’an 2:250).6
Ang Sugo ni Allah (SAS) ay madalas noon nagsasabi
ng ganito sa panalangin niya: yá muqallibal qulúbi
thabbit qalbí ‘alá dínik.7 Isinalaysay ito ni Imám at-
Tirmidhí.
6. Ang Pag-alaala o Pagbanggit kay Allah. Tunay
na ang madalas na pag-alaala o dhikr kay Allah ay kabilang
sa napakanapakikinabangan na mga pamamaraan
ng pagpapatatag ng pananampalataya sapagkat tunay
na ito ay may napakabigat na epekto sa pag-aangat ng
mga espirituwal na sigla sa mga diwa ng mga mananampalataya.
Iyon ay dahil sa ang pagbanggit kay Allah
ay nagkakaroon ng pag-kakaugnay sa isang lakas na
hindi madadaig.
7. Ang Paghahangad ng Isang Muslim sa Pagtahak
sa Tamang Landas. Iyan ay sa pamamagitan ng tamang
pagkaunawa sa Islam, na tatanggapin niya mula
5 Panginoon namin, huwag Mo palihisin ang mga puso namin matapos
patnubayan Mo kami.
6 Panginoon namin, buhusan Mo kami ng tiyaga sa pagtitiis at
patatagin Mo ang mga paninindigan namin.
7 O Tagapagbago (Allah) ng mga puso, patatagin Mo po ang [pananatili
ng] puso ko sa Relihiyon Mo.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
17
sa Qur’an at Sunnah. Mag-iingat siya laban sa mga
kaisipang naliligaw at mga paniniwalang nalilihis. Sinasabi
ng Sugo (SAS) sa isang Hadíth na isinalaysay
ni al-‘Irbád Ibnu Sáriyah (RA): “Tunay na ang sinumang
mabubuhay sa inyo kapag wala na ako ay
makakikita ng maraming pagkakasalungatan, kaya
sundin ninyo ang Sunnah ko at ang Sunnah ng napatnubayan
na mga Khalífah, panghawakan ninyo
ito, kagatin ninyo ito ng mga bagang. Mag-ingat
kayo sa mga ginawa-gawang bagay sapagkat tunay
na ang bawat ginawa-gawa ay bid‘ah at ang bawat
bid‘ah ay pagkaligaw.” Itinala ito nina Imám Ahmad,
Imám Abú Dáwud, Imám at-Tirmidhí at Imám Ibnu
Májah.
8. Ang Edukasyon. Ang edukasyon sa pananampalataya
na batay sa kaalaman, na may kamalayan, na dahandahan
ay isang pangunahing dahilan mula sa mga dahilan
ng katatagan.
Ang edukasyon sa pananampalataya ay ang nagbibigay-
buhay sa puso at budhi sa pamamagitan ng
takot, pag-asa, at pag-ibig kay Allah.
Ang edukasyong batay sa kaalaman ay ang bumabatay
sa wastong patunay, na salungat sa bulag na
pagsunod at utu-utong pagsunod.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
18
Ang edukasyong may kamalayan ay ang hindi sumusunod
sa landas ng mga makasalanan, pinag-aaralan
ang mga plano ng mga kaaway ng Islam at nakauunawa
sa reyalidad.
Ang edukasyong dahan-dahan ay ang nagsusulong
sa isang Muslim nang hinay-hinay ayon sa mga
kakayahan niya at mga magagawa niya, na taliwas
sa kawalang-paghahanda, pagmamadali at nakasisirang
mga pabigla-biglang pagpapasya.
Kinakailangan na ang pagbibigay-pansin sa edukasyon
ay magmula sa pagkabata dahil ang kabataan sa
panahong iyon ay nagtataglay ng malusog na isip at
dalisay na puso, na magiging madali na madala sila
sa kapuri-puring mga kaasalan at marangal na mga
katangian. Ito ay sa kondisyon na uugma ang edukasyon
sa mga pangangailangan at mga hihinihiling ng
tao nang walang paglalabis at pagkukulang.
Upang matalos natin ang kahalagahan ng sangkap
na ito na kabilang sa mga sangkap ng pagpapakatatag,
balikan natin ang talambuhay ng Sugo ni Allah (SAS)
at tanungin natin ang mga sarili natin. Ano ang pinanggalingan
ng katatagan ng mga Kasamahan ng Propeta
(SAS) sa Makkah noong panahon ng paniniil? Maaari
bang ang katatagan nila ay hindi sa pamamagitan ng
malalim na edukasyon mula sa tanglaw ng Propeta
(SAS)?
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
19
Kunin nating halimbawa ang isang Kasamahan ng
Propeta (SAS) na si Khabbáb ibnu al-Arrat (RA). Ang
babaeng amo niya noon ay nagpapainit ng mga pantuhog
na bakal hanggang sa magbaga ang mga ito, pagkatapos
ay idinidiit nito ang mga ito sa hubad na likod
niya. Walang pumapatay sa baga kundi ang taba sa
likod niya kapag dumaloy ito sa mga pantuhog. Ano
ang nagtulak sa kanya na pagtiisan ang lahat ng ito?
Gayon din si Bilál, ano ang nagpapatatag sa kanya
habang dinadaganan ng malaking tipak na bato na nakahiga
sa napakainit na buhangin at sa ilalim ng bigat na
matinding pagpapahirap? Gayon din sina Sumayyah,
ang asawa niya at ang anak niya, ano ang gumawa sa
kanila na magtiis sa kabila ng natatamo nila na pagpapahirap
kung hindi dahil mayroong isang seryosong
edukasyon na nagpalalim sa pananampalataya at nagkintal
nito sa mga kaluluwa nila?
9. Ang Pagtitiwala sa Landas ng Islam. Walang alinlangan
na sa tuwing nadagdagan ang tiwala sa katumpakan
ng landas ng Islam na tinatahak ng isang Muslim,
ang katatagan ng pananatili niya rito ay lalong malaki.
Ito ay may mga pamamaraan na ang ilan ay ang sumusunod:
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
20
Ang pagkadama na ang tuwid na landas na tinatahak
mo ay tinahak na rin noong wala ka pa ng mga
propeta, mga matatapat, mga pantas, mga martir at
mga matutuwid. Kaya dapat lamang na maglaho ang
paninibago mo at dapat mapalitan ang kapanglawan
mo ng pagkapalagay ng loob, ang lumbay mo
ng saya at lugod, dahil ikaw ay dapat makadama
na ang lahat ng iyon ay mga kapatid mo sa daang
tinatahak at alituntunin.
Ang pagkadama ng paghirang ni Allah. Nagsabi si
Allah (27:59): “Ang papuri ay ukol kay Allah at
kapayapaan sa mga lingkod Niya na hinirang
Niya.”
Ano kaya ang magiging pakiramdam mo kung
nilikha ka ni Allah na isang di-Muslim na walang
paniniwala sa Diyos o isang mangangaral ng mga
bagay na salungat sa Islam o isang makasalanan?
Hindi mo ba naisip na ang pagkadama mo ng paghirang
ni Allah sa iyo at ang paggawa sa iyo na nasa
tamang alituntunin, batay sa alituntunin ng Propeta
(SAS) at ng mga Kasamahan niya (RA) noon ay kabilang
sa mga sangkap ng katatagan mo sa pananatili sa
alituntunin mo at landas mo?
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
21
10. Ang pagsasagawa ng pag-aanyaya tungo kay
Allah. Ang tao, kung hindi kumikilos, ay narurumihan.
Kabilang sa napakadakilang mga larangan ng pagpapakilos
sa tao ay ang pag-aanyaya tungo kay Allah
sapagkat ito ay gawain ng mga sugo. Kapag ang sarili
ay hindi mo ginamit sa pagtalima kay Allah, gagamitin
ka nito sa pagsuway sa Kanya. Ang pananampalataya
ay nadaragdagan at nababawasan. Nadaragdagan
ito sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa
pamamagitan ng pagsuway.
Kaya ang pag-aanyaya, dagdag pa sa malaking gantimpalang
matatamo rito, ay isa sa mga pamamaraan
ng pagpapakatatag dahil ang lumulusob ay hindi na
nangangaailangan sa pagtatanggol. Si Allah ay kasama
ng mga mangangaral ng Islam, na nagpapatatag sa
kanila at nagtatama sa hakbang nila. Ang mangangaral
ay tulad ng isang manggamot: nakikipagdigma laban
sa sakit sa pamamagitan ng karanasan at kaalaman
niya. Ang gantimpalang inilaan sa gawaing ito ay malaki
rin. Nagsasabi si Allah (41:33): “Sino pa ang higit na
maga-ling sa pananalita kaysa sa kanya na naganyaya
tungo kay Allah, gumawa ng matuwid at
nagsabi: Tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.”
Nag-sasabi naman ang Sugo (SAS): “Ang patnubayan
ni Allah sa pamamagitan mo ang isang tao ay
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
22
higit na mabuti para sa iyo kaysa sa magkaroon ng
pinakamainam na yaman.”
11. Ang pakikiisa sa mga taong nagpapatatag sa
pananampalataya. Ang mga taong ito na ang ilan sa
mga katangian nila ay ibinalita sa atin ng Propeta (SAS)
sa pamamagitan ng sinabi niya: “Tunay na sa mga
tao ay mayroong nagsisilbing mga susi ng kabutihan
at mga kandado ng kasamaan.” Isinalaysay ito ni
Imám Ibnu Májah ayon kay Anas (RA).
Ang paghahanap ng mga marunong sa Islam, mga
kapatid na nagpapayo at pakikiisa sa kanila ay isa sa
mga mahalagang dahilan sa pagpapakatatag. Ang matuwid
na mga kapatid mo, ang mga ulirang halimbawa
at ang mga edukador ay tulong para sa iyo sa landas.
Patatatagin ka nila sa pamamagitan ng mga talata ng
Qur’án at karunungan na taglay nila. Dumikit ka sa
kanila, mamuhay ka kasama nila at mag-ingat ka sa
pag-iisa dahil baka dagitin ka ng mga demonyo dahil
ang nilalamon lamang ng lobo ay ang mga tupang napalayo
sa kawan.
12. Ang pananalig sa tulong ni Allah at na ang hinaharap
ay para sa Islam. Sinasabi ni Allah (47:7): “O
mga sumampalataya, kung tutulungan ninyo si
Allah ay tutulungan Niya kayo at patatatagin Niya
ang mga paa ninyo.”
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
23
13. Ang pagkakaalam sa kung ano ang reyalidad ng
kabulaanan at ang hindi pagpapalinlang dito. Ayon
sa sinabi ni Allah (3:196-197): “Huwag ka ngang
malinlang ng pinagkakaabalahan ng mga tumangging
sumampalataya sa bayan. Isang katiting na
kasayahan at pagkatapos ay ang magiging tuluyan
nila ay ang Impiyerno, at kaaba-abang himlayan!”
Pinaalalahanan nito ang mananampalataya na
huwag palilinlang sa kung ano man ang mga taong
nasa kabulaanan, kung ano man ang natatamo nila at
sa kung ano man ang nararating nila na kalamangan.
Ang hantungang nila, ano man ang mangyari, ay Impiyerno
na kaaba-abang hantungan.
14. Ang pagsasaasal ng mga kaasalang nakatutulong
sa pagpapakatatag. Ang nangunguna sa mga ito
ay ang pagkamatiisin. Ayon sa isang tamang Hadíth:
“Walang ibinigay sa isa man na anumang bigay na
higit na mabuti at higit na malawak kaysa sa pagkamatiisin.”
15. Ang pagpapatagubilin sa taong matuwid. Kaya
sigasigan mo, marangal na kapatid, ang magpatagubilin
(o magpapayo) sa mga matutuwid at isaisip mo
iyon kapag sinabi sa iyo.
Hingin mo ito bago maglakbay kapag natatakot ka
sa anumang maaaring mangyari.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
24
Hingin mo ito sa sandali ng pagsubok o bago datnan
ng inaasahang pagsubok.
Hingin mo ito kapag itinalaga ka sa isang katungkulan
o kapag nagmana ka ng ari-arian at yaman.
Patatagin mo ang sarili mo at patatagin mo ang kapwa
mo. Si Allah ang Tagatangkilik ng mga mananampalataya.
16. Ang pagbubulay-bulay sa kaginhawaan sa Paraiso
at pagdurusa sa Impiyerno at ang pag-aalaala
sa kamatayan. Ang Paraiso ay lugar ng mga pagsasaya,
gantimpalang pampalubag-loob sa mga kalungkutan
at hantungan ng paglalakbay ng mananampalataya.
Ang kaluluwa ay nilikhang likas na ayaw magpakasakit,
gumawa at magpakatatag kung walang isang
kapalit na magpapagaan para sa kanya sa mga hirap at
magpapanaig sa kanya sa mga sagabal at mga pahirap
na nasa landas. Ang nakaaalam sa gantimpala ay magiging
hamak sa kanya ang hirap ng paggawa. Siya ay
sumusulong habang nalalaman niya na kapag hindi siya
nagpakatatag ay makakawala sa kanya ang Paraiso na
ang luwang ay gaya ng pagitan ng mga langit at lupa.
Ang pag-aalaala sa kamatayan ay mangangalaga sa
isang Muslim laban sa panunumbalik sa dating gawi
at pipigil sa kanya na lampasan ang mga hangganan
ng mga ipinagbawal ni Allah kaya hindi niya lalabaMga
Paraan ng Pagpapakatatag
25
gin ang mga ito. Ito ay dahil kapag nalaman niya na
ang oras ng kamatayan niya ay maaaring ilang sandali
na lamang, papaano pa niyang hahayaan ang sarili niya
na matisod o magpatuloy sa kabaluktutan. Dahil dito
ay sinabi ng Propeta (SAS): “Dalasan ninyo ang pagalaala
sa [kamatayan na] tagawasak ng mga sarap.”
Itinala ito ni Imám at-Tirmidhí.
Mga Sandali
ng Pagpapakatatag
1. Ang Katatagan sa mga Pagsubok yamang isa sa
mga anyo ng pagpapakatatag sa pananampalataya ay
ang pagpapakatatag sa mga araw ng pagtitiis, na magiging
karapat-dapat ang nagtitiis sa mga araw na iyon
ng gantimpala ng limampung Kasamahan ng Propeta
(SAS). Ito ay dahil sa ginagawa niya na dakilang kabutihan
sa pagpapakatatag niya sa sandali ng mga pagsubok.
Ayon sa isang Hadíth: “Nagsasabi ang Sugo
(SAS): Tunay na sa likod ninyo ay mga araw ng pagtitiis.
Ang magpapakatatag sa mga [sandaling] iyon
sa araw na iyon ay may gantimpala [na katumbas]
ng limampu mula sa inyo sa panahon ngayon ninyo.
Nagsabi sila: O Sugo ni Allah, o mula sa kanila? Nagsabi
siya: Bagkus, mula sa inyo.”
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
26
Ilan sa mga Uri ng Pagsubok
A. Pagsubok na dulot ng tukso ng kayamanan at
reputasyon. Hinggil sa panganib ng dalawang tukso ng
pagsubok na ito ay nagsabi ang Propeta (SAS): “Ang
dalawang gutom na lobo na ipinadala sa mga tupa
ay hindi higit na mapanira sa mga ito kaysa sa ikasisira
sa pananampalataya ng tao dulot ng paghahangad
niya sa yaman at karangalan.”
Ito ay nangangahulugan na ang paghahangad ng tao
sa yaman at karangalan ay higit na matindi ang pinsala
na dulot sa pananampalataya kaysa sa pinsalang dulot ng
dalawang gutom na lobo na ipinadala sa mga tupa.
B. Ang pagsubok na dulot ng asawa at mga anak.
Sinasabi ni Allah (64:14): “O mga sumampalataya,
tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga
anak ninyo na kaaway para sa inyo kaya mag-ingat
kayo sa kanila.”
C. Ang pagsubok na dulot ng pang-aapi, paniniil, at
kawalan ng katarungan at ang pagtatangkang hadlangan
ang isang Muslim sa pagtupad sa Relihiyon nito.
D. Ang pagsubok na hatid ng Bulaang Kristo.8 Ang
Sugo (SAS) ay nagbabala sa atin laban sa pagsubok
dulot ng tukso ng Bulaang Kristo. Inutusan niya tayo,
8 Sa Arabe, al-Masíh ad-Dajjál: nagpapanggap na kristo o antikristo.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
27
kung daranasin iyon, na magtiis, magpakatatag at hindi
magpalinlang sa tataglayin niya na mga nakikitang pisikal
na kapangyarihan. Nagsabi siya: “Kaya ang sino
man sa inyo na makakita sa kanya ay bigkasin niya
roon ang mga unang talata ng Súrah al-Kahf. Tunay
na siya ay daanan sa pagitan ng Shám9 at Iraq. Pagkatapos
ay mananalanta sa kanan at mananalanta
sa kaliwa; mga lingkod ni Allah, magpakatatag kayo!”
Itinala ito Ibnu Májah (3294) mula sa Hadíth na isinalaysay
ni an-Nawás Ibnu Sam‘án.
Bumanggit na sa atin ang Sugo ni Allah (SAS) ng
isang halimbawa sa pagpapakatatag na ito noong ibinalita
niya sa atin ang katotohanan tungkol sa isang lalaking
mananampalataya na magpapakatatag sa harap
ng tuksong pagsubok mula sa Bulaang Kristo at ang
katiyakan sa pananampalataya ay ang magiging sandata
niya sa pagpapakatatag na iyon. Nabanggit sa Sahíh
al-Bukhárí 1882: “Darating ang Bulaang Kristo at
ipagkakait sa kanya na makapasok sa mga pasukan
ng Madínah. Tutuloy siya sa ilan sa mga maasin na
pook na nasa sa tabi ng Madínah. Pagkatapos ay
pupunta sa kanya ang isang lalaki na napakabuti
sa mga tao o kabilang sa napakabuti sa mga tao at
magsasabi: Sumasaksi ako na Ikaw ay ang Bulaang
9 Ang tawag sa bahagi ng Gitnang Silangan na binubuo sa ngayon ng
Syria, Lebanon, Palestina at Jordan. Ang Tagapagsalin.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
28
Kristo na nagsalaysay ng tungkol sa iyo ang Sugo ni
Allah (SAS) sa sanaysay niya. Kaya magsasabi ang
Bulaang Kristo: Sa tingin kaya ninyo kung papatayin
ko ito at bubuhayin ko, pag-aalinlangan ba ninyo
ang kalagayan [ko]? Kaya magsasabi sila na hindi.
Kaya papatayin niya ito. Pagkatapos ay bubuhayin
niya ito at magsasabi ito kapag binuhay niya ito:
Sumpa man kay Allah, hindi ako noon higit na matindi
sa pagkakaalam [sa iyo kaysa sa [pagkakaalam]
ko ngayong araw. Kaya sasabihin ng Bulaang Kristo
na papatayin niya [muli] ito ngunit hindi na niya
kakayanin.”
2. Ang Katatagan sa Pakikibaka. Tunay na ang mga
nagpapakatotoong mananampalataya ay hindi nadadagdagan
ng kalansing ng mga tabak at palaso ng kamatayan
sa harap ng mga hukbo ng mga kaaway ni Allah
kundi higit ang pagpapakatatag, pagpapakasakit at pagdaop
sa mga kamay ng Nag-iisang Diyos, na mga nagsisiasa
sa tulong Niya, suporta Niya at kapatawaran
Niya. Nagsasabi si Allah (3:146-147): “Kay raming
propeta na nakipaglaban kasama niya ang maraming
makapanginoon at hindi sila pinanghinaan ng
loob sa dumapo sa kanila sa landas ni Allah, hindi
sila nanghina at hindi sila nangayupapa. Si Allah
ay umiibig sa mga nagtitiis. Walang iba ang sinabi
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
29
nila kundi na nagsabi sila: Panginoon namin, patawarin
Mo po kami sa mga pagkakasala namin at
pagmamalabis namin sa nagawa namin, patatagin
Mo po ang mga paa namin at tulungan Mo po
kami laban sa mga taong tumatangging sumampalataya.”
Dahil doon, ang magiging resulta ng pagtitiis
at pag-papakatatag na iyon ay kaligayahan sa mundo
kalakip ng pinakahihintay ng mga nagtataglay ng mga
ito na magandang ganti sa Kabilang-buhay.
3. Ang Katatagan sa Alituntunin. Tunay na ang
totoong Muslim ay ang nagsisigasig nang buong sigasig
sa pagpapatupad ng mga katuruan ng Islam at nagsisigasig
din sa pagwaksi sa mga bid‘ah, mga pagsuway
at mga panggambala sa pagsamba. Kumakapit siya sa
Sunnah upang maging kabilang sa mga karapat-dapat
sa kaligtasan, ayon sa kapahintulutan ni Allah. Ang
mga tagaanyaya sa mga bid‘ah ay marami, lalo na sa
panahong ito. Idinadagdag nila ang mga bid‘ah sa Batas
ng Islam. Hindi nila nalaman na ang Batas ni Allah ay
lubos at walang kulang. Dahil doon, isinasatungkulin sa
isang Muslim ang pag-iingat laban sa pagkakasadlak
sa mga bid‘ah sa Relihiyon.
4. Ang Katatagan sa Sandali ng Kamatayan. Tunay
na ang mga alagad ng kawalang pananampalataya at
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
30
kasalanan ay pagkakaitan ng katatagan sa napakatinding
mga sandali ng kapighatian. Kaya hindi nila mabibigkas
ang shahádah sa bingit ng kamatayan. Ito ay
ilan sa mga tanda ng kasagwaan ng wakas. Nagsabi
ang Sugo ni Allah (SAS): “Ang sinumang ang huling
salita niya ay lá iláha illalláh ay papasok sa Paraiso.”
Sunan Abú Dáwud. 2673. Walang magtatagumpay sa
pagbigkas ng shahádah kundi ang mga nagpapakatotoong
mananampalataya. Ang sumusunod ay ilan sa
mga halimbawa ng kasagwaan ng wakas:
May sinabihan na isang taong nalalapit na ang kamatayan
niya na magsabi ng Lá Iláha Illalláh ngunit nagsimula
siyang umiling; tumatanggi siya na sabihin ito.
May ikalawa namang nagsasabi, kahit nasa bingit na
ng kamatayan: “Ito ay isang mainam na piraso; ito ang
bilhin mo, mura.” May ikatlo pang naghihingalo na
bumabanggit ng mga pangalan ng piyesa ng chess. May
ikaapat naman na humihiging10 ng mga himig o mga
kataga ng mga awitin o romantikong bukang-bibig.
Ganoon ang nangyari dahil ang tulad sa mga bagay
na ito ay dating pinagkakaabalahan nila sa halip na pagaalaala
at pagsamba kay Allah. Kaya hindi sila nagtagumpay
sa pagbanggit sa shahádah. Maaaring kakitaan
ang iba sa kanila ng pangingitim ng mukha o magka-
10 Inaawit sa napakahinang tinig na halos ugong na lamang ang naririnig.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
31
roon ng umaalingasaw na amoy o pagbaling palayo sa
Qiblah paglabas ng mga kaluluwa nila. Walang kapangyarihan
at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah!
Sa kabilang dako, ang mga alagad ng pagkamatuwid
at Sunnah, si Allah ay magkakaloob sa kanila ng
katatagan sa bingit ng kamatayan. Kaya mabibigkas
nila ang shahádah o makikita sa kalagayan nila ang
nagpapahiwatig sa kagandahan ng wakas. Maaaring
kakitaan ang mga ito ng pagniningning ng mukha o
magkaroon ng mabangong halimuyak o isang uri ng
kagalakan sa sandali ng paglabas ng mga kaluluwa nila,
yamang binabalitaan sila ng mga anghel ng pagpasok
sa Paraiso.
Ang mga tulad sa mga taong ito ay ganito ang sinabi
ni Allah tungkol sa kanila (41:30): “Tunay na ang mga
nagsabi: Si Allah ang Panginoon namin, at pagkatapos
ay nananatiling matuwid, magsisibabaan sa
kanila ang mga anghel na nagsasabi: Huwag kayong
mangamba, huwag kayong malungkot at magalak
kayo sa Paraiso na sa inyo noon ay ipinangako.”
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
32
Ilan sa mga Halimbawa
ng Pagpapakatatag
Si Bilál Ibnu Rabáh. Si Bilál ay ang dating aliping
taga-Ethiopia at ang unang mu’adhdhin ng Sugo (SAS),
malugod nawa sa kanya si Allah at palugurin siya.
Nakarinig ang alipin na ito tungkol kay Muhammad
(SAS) at sa paanyaya nito. Nagdali-dali siya sa pagpasok
sa Relihiyon mula kay Allah. Nang malaman
ng amo niya na si Umayyah Ibnu Khalaf ang tungkol
sa pag-yakap niya sa Islam ay kaagad na sumambulat
ito at nagalit. Sinimulan ito ang pagpapahirap sa kanya
upang talikuran niya ang Islam. Hinagupit siya nang
matindi. Ibinilad sa araw nang walang tubig ni pagkain.
Nilagyan ng malaking tipak na bato ang dibdib niya
habang siya ay paulit-ulit na nagsasabi: Iisa, iisa. Sa
tuwing nadaragdagan ang pahirap ay nadaragdagan
ang pag-uulit-ulit niya ng walang hanggang panawagang
ito. Tumagal ang pagpapahirap hanggang sa magsawa
ang amo niya sa pagpapatuloy sa pagpapahirap
na iyon kasabay ng pagpupumilit ni Bilál sa pagyakap
niya sa Islam. Pumunta si Abu Bakr (RA) sa amo ni
Bilál at nakipagtawaran roon hanggang sa nabili niya
ito mula roon. Pagkatapos ay pinalaya siya nito.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
33
Sa dakilang laban sa Badr ay naganap ang pagtatagpo
sa pagitan ni Bilál at Umayyah Ibnu Khalaf na
matagal na nagpahirap sa kanya upang talikuran niya
ang pananampalataya. Ang pagkasawi ni Umayyah na
ito ay naganap sa kamay ni Bilál mismo.
‘Ammár Ibnu Yásir. Dumating ang ama niya
mula sa Yemen, nanahan sa Makkah at napangasawa
si Summayah Bint Khayyár. Nabiyayaan sila roon ng
anak nila: si ‘Ammár. Nagdali-dali ang maliit na maganak
na ito sa pagpasok sa Islam. Kaya nakaharap nila
ang matinding pasakit mula sa mga Qurayshí. Pinagdusa
sila ng isang matinding dusa upang hadlangan sila sa
Relihiyon nila. Ibinilad siya sa nakapapasong araw sa
disyerto ng Makkah nang walang tubig ni pagkain.
Pinagsusugatan ang mga balat nila ng latigo. Nilagyan
ang mga dibdib nila ng malaking bato. Subalit
hindi iyon nakapagpatalikod sa kanila sa Relihiyon
nila, bagkus nadagdagan pa sila ng lalong pagpupumilit.
Napatay ang ina sa ilalim ng bigat ng pagpapahirap
upang maging kauna-unahang martir sa Islam.
Nagtiis ang ama at ang anak. Sa harap ng pagpupumilit
na ito, wala nang natagpuang gawin ang mga
Káfir kundi iwan sila matapos na hindi na nakayanan
sila ng mga ito. Minahal ng Sugo (SAS) si ‘Ammár ng
matinding pagmamahal dahil sa nakita nito na katapatan
niya at lakas niya sa katotohanan.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
34
Mus‘ab Ibnu ‘Umayr. Siya ay isang binatang nasa
tugatog ng kakisigan at yaman. Namuhay siya na pinagtatampisaw
sa kaginhawahan at kariwasaan. Narinig ng
binatang ito ang pinag-uusapan ng mga mamamayan
ng Makkah tungkol kay Muhammad (SAS), ang matapat.
Si Muhammad (SAS) na nagsasabi na si Allah ay
nagsugo sa kanya bilang tagapag-anyaya sa pagsamba
kay Allah lamang at pagwaksi sa pagsamba sa ano
mang iba pa kay Allah. Narinig niya na si Muhammad
(SAS) ay nakikipagtipon sa mga Kasamahan nito sa
tahanan ni al-Arqam Ibnu Abi al-Arqam. Binibigkas
nito sa kanila ang Qur’an at itinuturo sa kanila ang
bagong Relihiyon nila. Nagpasya siya, isang gabi, na
magpunta sa kanila at pakaalamin kung ano ang ipinangangaral
ng Propeta na ito. Hindi naglaon nang marinig
niya ang mga talata ng Qur’an at pumasok ang
pananampalataya sa puso niya. Nagpasya siya na yumakap
sa Islam subalit ipinasya niya na ikubli ang pagyakap
niya sa Islam hindi dahil sa pangamba sa mga
Qurayshi kundi dahil sa pangamba sa ina niya na nagmamahal
sa kanya nang matindi. Iginagalang niya ito
nang malaking paggalang. Nagpatuloy siya sa pagbalikbalik
sa Sugo (SAS) at sa mga Kasamahan nito sa tahanan
ni al-Arqam, subalit ang isa sa mga Mushrik ay
minsang nakakita sa kanya na pumapasok sa tahanang
iyon kaya nagdali-dali ito sa pagbalita sa ina ni Mus‘ab.
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
35
Walang naging tugon ang ina kundi na ikinulong nito
si Mus‘ab sa isa sa mga silid ng bahay, sa pagtatangkang
mapilit siya na tumalikod sa Relihiyong Islam.
Subalit siya ay lalong nadagdagan sa pagpumilit sa
pagkapit sa Relihiyon niya. Pagkatapos noong matapos
na makatakas siya sa pagkakulong sa kanya ay pinagkaitan
siya ng ina niya ng lahat ng bagay, ng kasuutan,
pagkain at salapi. Kaya ang mayamang binata na iyon
ay naging isang maralita na nagsusuot ng sinulsi-sulsing
tagpi-tagping mga kasuutan. Talagang tinangka ng
butihing anak na ito na anyayahan ang ina niya sa Islam
ngunit ito ay tumanggi at isinumpang hindi papasok
sa Relihiyong ito kailanman. Dahil sa malaking kalagayan
ni Mus‘ab sa paningin ng Sugo ni Alalh (SAS)
ay isinugo siya ng Marangal na Propeta (SAS) sa
Madínah upang anyayahan ang mga mamayan doon
sa Islam. Nang dumating siya roon ay walang ibang
Muslim doon maliban pa sa labingdalawang Muslim.
Subalit pagkatapos ng ilang buwan, tinugon siya ng
halos lahat ng mga mamayan ng Madínah, dahil na rin
sa kagandahang-loob ni Allah.
Sa labanan sa Uhud, matapang na nakipaglaban ang
magiting na binatang ito habang dala-dala ang watawat
ng mga Muslim sa isang kamay at ang tabak sa isa
pang kamay. Pinagtulungan siya ng mga Mushrik. Tinaga
siya ng isa sa mga Mushrik at naputol ang isang
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
36
kamay niya kaya hinawakan niya ang watawat sa pamamagitan
ng ibang kamay at nagpatuloy siya sa pagtatangol
sa sarili. Tinaga na naman siya ng isang Mushrik
at naputol naman ang isa pang kamay niya subalit pinagdaop
ng magiting na binatang ito ang dalawang braso
niya sa watawat at dinala ito. Tinusok naman siya ng
Mushrik na iyon ng sibat sa dibdib niya at bumagsak
si Mus‘ab Ibnu ‘Umayr na walang buhay at bumagsak
din ang watawat. Nakita siya ng Sugo (SAS) kaya binigkas
nito ang sinabi ni Allah (33:23): “Mayroon
sa mga mananampalataya na mga kalalakihang
tinotoo ang ipinangako nila kay Allah”
Si Umm Sharík Ghuzayyah Bint Jábir. Noong
malaman ng pamilya ng asawa niya ang tungkol sa pagyakap
niya sa Islam ay sinabihan nila siya na talagang
pahihirapan nga nila siya ng isang matinding pagpapahirap.
Sinabi pa ni Ghuzayyah: “Pinaalis nila ako
sa tahanan namin at isinikay nila ako sa isang kamelyo
na pinakamasama sa mga sasakyan nila at pinakamabangis.
Pinakakain nila ako ng tinapay na may pulotpukyutan
ngunit hindi nila ako pinaiinom ni isang patak
ng tubig hanggang sa magtanghali at uminit ang araw
habang kami ay napapaso. Sumilong sila at itinukod
nila ang mga kubol nila at iniwan nila ako sa ilalim ng
araw. Naglaho ang malay ko, ang pandinig ko at ang
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
37
paningin ko. Ginawa nila iyon sa akin ng tatlong araw.
Nagsabi sila sa akin sa ikatlong araw: Iwan mo na ang
pinaniniwalaan mo.”
Sinabi pa niya: “Wala na akong nalaman sa sinasabi
nila kundi salita pagkatapos ng salita. Itinuro ko ang
daliri ko sa langit, na nagpapahiwatig sa Tawhíd.”
Sinabi pa niya: “Kaya sumpa man kay Allah, tunay
na ako ay talagang nasa kalagayang iyon—at humantong
na sa akin ang mahahantungan ng hirap—nang
natagpuan ko ang lamig ng timba sa ibabaw ng dibdib
ko. Kinuha ko ito uminom ako mula rito ng isang lagok
pagkatapos ay inalis sa akin kaya kumilos ako na tumitingin.
Walang anu-ano’y nakabitin ito sa pagitan ng
langit at lupa. Hindi ko nakayang abutin. Pagkatapos
ay ibinaba sa akin sa ikalawang pagkakataon kaya uminom
ako mula rito ng isang lagok, pagkatapos ay inangat.
Kumilos na naman ako na tumitingin. Walang
anu-ano’y nakabitin na naman ito sa pagitan ng langit at
lupa. Pagkatapos ay ibinaba sa akin sa ikatlong pagkakataon
kaya uminom ako mula rito hanggang sa mabusog
at nagbuhos ako sa ulo ko, mukha ko at damit ko.”
Sinabi pa niya: “At lumabas sila, tumingin sila at
nagsabi sila: Saan nagmula [ang tubig] mo na ito, o
kaaway ni Allah. Kaya nagsabi ako sa kanila: Tunay na
ang kaaway ni Allah ay ang iba sa akin na sumasalungat
sa Relihiyon Niya. Tungkol naman sa sabi ninyo
Mga Paraan ng Pagpapakatatag
38
na saan nagmula [ang tubig na] ito, mula kay Allah
[ito]: isang panustos na itinustos sa akin ni Allah.”
Sinabi pa niya: “Kaya lumisan sila na nagdadali-dali
patungo sa mga sisidlan ng tubig nila at natagpuan nila
ang mga ito na nakabigkis hindi nakalag. Kaya nagsabi
sila: Sumasaksi kami na ang Panginoon mo ay ang
Panginoon namin, at na ang nagtustos sa iyo ng [tubig
na] itinustos sa iyo sa pook na ito matapos na ginawa
namin sa iyo ang nagawa namin ay ang nagpasimula
ng Islam. Kaya yumakap sila sa Islam at lumikas nang
sama-sama tungo sa Sugo ni Allah (SAS). Nalalaman
nila ang kagandahang-loob ko sa kanila at ang ginawa
sa akin ni Allah.”
O Allah, tunay na kami ay humihingi sa Iyo ng katatagan
sa pananampalataya. Ang huling dalangin natin
ay na ang papuri ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng
mga nilalang.