بسم الله الرحمن الرحيم
Sa ngalan ni Allah,1 ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain
أصول العقيدة
Ang mga Batayan ng
Pinaniniwalaan
Ang Tawhíd at ang mga Uri Nito
Ang Tawhíd ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang
nauukol sa Kanya at sa anumang kinakailangang gampanan sa
Kanya na mga uri ng pagsamba. Nagsabi Allah2 (51:56):
“Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang
sambahin nila Ako.” Nagsabi pa Siya (4:36): “Sambahin
ninyo si Allah at huwag kayong mag-tambal sa Kanya ng
anuman.” Ang Tawhíd ay tatlong uri: ang Tawhíd al-Ulúhíyah
(Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkadiyos), ang Tawhíd ar-
Rubúbíyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkapanginoon) at ang
Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát (Paniniwala sa Kaisahan sa mga
Pangalan at mga Katangian).
1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe. Ito
ay isang pangngalang pantangi at hindi pangngalang pambalana, kaya ang
mga mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa pangalang Allah ay SI, NI at
KAY at HINDI ANG, NG at SA. Samakatuwid ang tama ay sabihing: SI Allah, NI
Allah at KAY Allah. Ito ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa
wikang Filipino, ang Komisyon sa Wikang Filipino at gayon din ng Ministry
of Islamic Affairs sa Saudi Arabia.
2 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay salin lamang mula sa
wikang Arabe ng kahulugan ng Salita ni Allah o ng salita ni Propeta
Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin. Ang Tagapagsalin.
4
1. Ang Tawhíd ar-Rubúbíyah
Ang Tawhíd ar-Rubúbíyah ay ang pagbubukod-tangi kay
Allah sa paglikha, pangangasiwa sa Sandaigdigang ito,
pagtutustos, pagbibigay-buhay, pag-aalis-buhay at
paghahari’t pagmamay-ari sa mga langit at lupa. Nagsabi
Siya (35:3): “May tagapaglikha bang iba pa kay Allah na
nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos
kundi Siya.” Sinabi pa Niya (67:1): “Mapagpala Siya na nasa
kamay Niya ang paghahari at Siya ay nakakakaya sa lahat
ng bagay” Ang paghahari ni Allah ay paghaharing sumasaklaw
sa lahat ng nasa Sansinukob, ginagawa Niya rito ang ninanais
Niya.
Tungkol naman sa pamumukod-tangi ni Allah sa
pangangasiwa, tunay na si Allah ay namumukod-tangi sa
pangangasiwa dahil Siya lamang ang nangangasiwa sa mga
nilikha. Sinabi Niya (7:54): “Tunay ngang ukol sa Kanya
ang paglikha at ang pag-uutos. Mapagpala si Allah, ang
Panginoon ng mga nilalang.” Walang nagkakaila sa uri ng
Tawhíd na ito kundi ang mga abnormal sa mga tao. Ikinakaila
nila ito sa salita sa kabila ng pagkilala nila nito sa kaibuturan ng
kanilang mga puso, gaya nga ng sinabi ni Allah (27:14): “At
ikinaila nila ang mga tanda, samantalang natiyak ito ng
kanilang mga sarili,…”
2. Tawhíd al-Ulúhíyah o Kaisahan sa
Pagkadiyos
Ang Tawhíd al-Ulúhíyah ay ang pagbubukod-tangi kay
Allah sa lahat ng mga uri ng pagsamba: hindi gagawan ng tao si
Allah ng isa pang sasambahin at pag-uukulan ng pagsamba.
Ang uring ito ng Tawhíd ay ang dahilan kung kaya nilikha ni
Allah ang mga nilikha, gaya nga ng sinabi Niya (51:56):
5
“Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung hindi upang
sambahin nila Ako.” Ito rin ang dahilan kung kaya isinugo
Niya ang mga propeta at ibinaba Niya ang mga Banal na Aklat,
gaya nga ng sinabi Niya (21:25): “Hindi Kami nagsugo noong
wala ka pa ng sugo3 kung hindi Namin isiniwalat dito na
walang Diyos kundi Ako, kaya sambahin ninyo Ako.” Ang
uring ito ng Tawhíd din ang ikinaila ng mga Mushrik4 noong
anyayahan sila ng mga sugo sa Tawhíd (7:70): “Sinabi nila:
“Dumating ka ba sa Amin upang sambahin namin si Allah
lamang at iwan namin ang sinasamba noan ng aming mga
ninuno?…”
Dahil dito, hindi matatanggap na magbaling ng anuman sa
mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allah, ni sa anghel na
malapit kay Allah, ni sa propeta na isinugo, ni sa matuwid na
tao, at ni sa isa man sa mga nilikha sapagkat ang pagsamba ay
hindi magtatanggap kung hindi ukol kay Allah.
3 Kapag binanggit ang salitang sugo o isinugo sa lathalain natin, ang
tinutukoy natin ay isang propetang sugo o isinugo ng Panginoon, maliban
kung tahasang binanggit na iyon ay hindi isang propetang sugo o isinugo. Ang
sugo sa Islam ay ang pinakamataas na antas na maaaring marating ng isang
tao. Ang sugo ay higit na mataas kaysa sa propeta sapagkat ang bawat sugo ay
isang propeta rin ngunit ang karamihan sa mga propeta ay hindi sugo. Sa mga
lathalain natin, ang Sugo na may malaking titik na “S” at ang Propeta na may
malaking titik na “P” ay tumutukoy kay Propeta Muhammad (SAS). Ang
Tagapagsalin.
4 Taong gumagawa ng Shirk o lumalabag sa Tawhíd. Sa kabuuan ang
Mushrik ay ang sinumang naniniwalang may iba pang Panginoon bukod pa
kay Allah, ang namumukod-tanging tunay na Diyos, at sumasamba sa iba pa
kay Allah.
6
3. Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát o Kaisahan sa
mga Pangalan at Katangian
Ang Tawhíd al-Asmá’ wa as-Sifát ay ang paniniwala sa
pamumukod-tangi ni Allah sa anumang ipinangalan Niya at sa
anumang ipinanla-rawan Niya sa Kanyang sarili [na nasasaad sa
Qur’an], o sa anumang ipinangalan ng Sugo Niya (SAS)5 sa
Kanya at sa anumang ipinanla-larawan nito sa Kanya [na
nasasaad sa Hadíth]6 at ang pagkikilala sa mga ito sa paraang
naaangkop sa kadakilaan Niya nang walang tahríf (pagpapalit ng
kahulugan), walang ta‘tíl (pag-aalis ng kahulugan), walang
takyíf (paglalarawan ng kahulugan), at walang tamthíl (paghahalintulad),
ayon sa tunay na kahulugan ng mga ito, hindi
ayon sa kahulugang patalinhaga. Ang halimbawa nito ay na si
Allah ay nagpangalan sa Kanyang sarili ng al-Hayy (ang
Nabubuhay), kaya naman tungkulin nating maniwala na ang al-
Hayy (ang Nabubuhay) ay isa sa mga pangalan ni Allah at
tungkulin din nating maniwala sa anumang katangiang nilalaman
ng pangalang ito at iyon ay ang ganap na buhay na hindi
naunahan ng kawalang-buhay at hindi susundan ng pagkalipol.
Pinangalanan ni Allah ang sarili Niya na as-Samí‘ (ang
Nakaririnig) kaya tungkulin nating maniwala na ang as-Samí‘ ay
isa sa mga pangalan Niya, na ang pagdinig ay isa sa mga
katangian Niya, at na Siya ay Nakaririnig.
5 (SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan at pangalagaan siya ni Allah.
Sinasabi ito kapag binanggit ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad
(SAS) o kapag tinutukoy siya.
6 Ang Hadíth ay ang ulat hinggil sa Sunnah ng Propeta Muhammad (SAS). Ang
Sunnah ay kung ano ang sinabi, ang ginawa at ang sinang-ayunan ng Propeta
Muhammad (SAS).
7
Isa pang halimbawa. Nagsabi si Allah (5:64): “Nagsabi ang
mga Hudyo: “Ang kamay ni Allah ay nakagapos.” Maigapos
nawa ang mga kamay nila at isinumpa sila dahil sa sinabi
nila. Bagkus ang dalawang Kamay Niya ay nakaabot:
nagkakaloob Siya sa paraang niloloob Niya.…”
Samakatuwid, kinilala ni Allah na nagtataglay ang Kanyang
sarili ng dalawang kamay, na inilarawang nakaabot:
masaganang nagbibigay. Kaya, tungkulin nating maniwala na si
Allah ay may dalawang kamay na nakaabot upang magbigay at
magbiyaya. Subalit tungkulin nating huwag nating tangkain—sa
pamamagitan ng imahinasyon ng ating mga isip ni sa
pamamagitan ng pagbigkas ng ating mga bibig—na ilarawan
ang kahulugan ng dalawang kamay na iyon ni ihalintulad ang
mga iyon sa mga kamay ng mga nilikha sapagkat si Allah ay
nagsasabi (42:11): “…Walang anumang katulad sa Kanya,
at Siya ang Nakaririnig, ang Nakakikita.”
Ang buod ng tinalakay tungkol sa uri ng Tawhíd na ito ay
na tungkulin nating kilalanin ang anuman sa mga pangalan at
mga katangian na kinilala ni Allah na taglay ng Kanyang sarili
at kinilala ng Kanyang Sugo (SAS) na taglay Niya ayon sa tunay
na kahulugan ng mga ito, nang walang Tahríf (pagpapalit ng
kahulugan), walang Tamthíl (paghahalintulad), walang Takyíf
(paglalarawan ng kahulugan), at walang Ta‘tíl (pag-aalis ng
kahulugan).
Ang Kahulugan ng Lá Iláha Illalláh
Ang paniniwala sa Lá Iláha Illalláh: Walang Diyos Kundi
si Allah ay ang pangunahing saligan ng Islam at ito ay may
pinakada-kilang kalagayan sa Relihiyong Islam sapagkat ito
ang una sa mga haligi ng Islam, ang pinakamataas na sangay sa
mga sangay ng pananampalataya, at ang pagtanggap ni Allah sa
8
mga gawa ng tao ay nakabatay sa pagpapahayag nito at sa
pagkilos o paggawa ayon sa mga hinihiling nito.
Tungkol naman sa totoong kahulugan nito na hindi dapat
lumihis dito ang pag-unawa ay walang sinasamba sa totoo
kundi si Allah; ang kahulugan nito ay hindi ‘walang
Tagapaglikha kundi si Allah,’ o ‘walang may kakayahang
lumalang kundi si Allah,’ o ‘walang umiiral kundi si Allah.’ Ang
pahayag na ito ay may dalawang Saligan:
1. Ang pagkakaila. Ito ay napapaloob sa pagsabi natin ng Lá
Iláha: Walang Diyos, sapagkat ikinaila nito ang pagkadiyos
sa lahat ng bagay.
2. Ang pagkilala. Ito ay napapaloob sa pagsabi natin ng
Illalláh: Kundi si Allah, sapagkat kinilala nito na ang
pagkadiyos ay ukol kay Allah lamang: wala Siyang
katambal.
Samakatuwid, walang sasambahin kundi si Allah lamang at
hindi ipinahihintulot na magbaling ng anuman sa mga uri ng
pagsamba sa iba bukod pa kay Allah. Kaya ang sinumang
magsabi ng Lá Iláha Illalláh, nang nalalaman niya ang
kahulugan nito at kumikilos ayon sa hinihiling nito gaya ng
pagtanggi sa Shirk at pagkilala sa kaisahan ni Allah, kalakip ng
matatag na paniniwala sa isinasaad nito at ng pagkilos ayon
dito, siya talaga ang Muslim. Ang sinumang kumiki-los ayon sa
hinihiling ng Lá Iláha Illalláh, ngunit walang paniniwala rito,
siya ay isang Munáfiq;7 ang sinumang kumikilos nang salungat
sa hinihiling nito gaya ng paggawa ng Shirk, siya ay isang
7 Nagkukunwari o nagpapanggap na sumasampalataya sa Islam.
9
Mushrik na Káfir;8 kahit pa man sabihin niya ito sa pamamagitan
ng bibig niya.
Ang Kapakinabangang Dulot ng Lá Iláha Illalláh
Ang pahayag na ito ay may maraming mga kapakinabangan
at mga bungang idinudulot. Ang mga sumusunod ang ilan sa
mga ito:
1. Na ito ay isang dahilang humahadlang upang manatili
magpakai-lanman sa Impiyerno ang sinumang naniniwala sa
Tawhíd na naging karapat-dapat na pumasok sa Impiyerno
(dahil sa mga nagawang masama). Nasasaad sa Hadíth sa
Sahíh al-Bukhárí at Sahíh Muslim na ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Ilalabas sa Impiyerno ang sinumang nagsabi ng
Lá Iláha Illalláh habang sa kanyang puso ay may
kasimbigat ng isang butil na barley na kabutihan, at ang
sinumang nagsabi ng Lá Iláha Illalláh habang sa
kanyang puso ay may kasimbigat ng isang butil na trigo
na kabutihan, at ilalabas din sa Impiyerno ang sinumang
nagsabi ng Lá Iláha Illalláh habang sa kanyang puso ay
may kasimbigat ng isang butil na alabok na kabutihan.”
2. Alang-alang dito ay nilikha ang jinn at ang tao. Sinabi ni
Allah (51:56): “At hindi Ko nilikha ang Jinní at ang Tao
kung hindi upang sambahin nila Ako.”
3. Ito rin ang dahilan kaya isinugo ang mga Sugo at ibinaba
ang mga Banal na Aklat. Sinabi Niya (21:25): “At hindi
Kami nagsugo noong wala ka pa ng isang sugo kung
hindi Namin isiniwalat dito na walang Diyos kundi Ako,
kaya naman sambahin ninyo Ako.”
8 Isang di-Muslim o isang tumatangging sumampalataya sa Islam.
10
4. Ito ang susi ng pag-aanyaya ng mga sugo ni Allah. Silang
lahat ay nag-anyaya sa katuruang ito. Ang bawat isa sa
kanila, ayon sa nasasaad sa Qur’án (7:73), ay nagsasabi sa mga
taong pinagsuguan sa kanila: “…Sambahin ninyo si Allah;
wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya.…”
5. Ito ang pinakamainam na binabanggit sa paggunita kay
Allah, gaya nga ng sinabi ng Propeta (SAS): “Ang
pinakamainam na sinabi ko at ng mga propeta na nauna
sa akin ay Lá iláha illalláh, wahdahu lá Sharíka lah
(Walang Diyos kundi si Allah—tanging Siya lamang:
wala Siyang katambal).”
Mga Kundisyon ng Lá Iláha Illalláh
Ang paniniwala sa Lá Iláha Illalláh ay may pitong
kundisyon; hindi magiging makabuluhan ang pagbigkas niyon
kung hindi nabuo ang mga ito at sinunod ng tao ang mga ito
nang walang pagsalungat sa anuman sa mga ito.
1. Ang Kaalaman
Ito ay ang kaalaman sa kahulugan nito batay sa pagkakaila
(na may iba pang totoong Diyos) at pagkilala (na tanging si
Allah ang totoong Diyos) at batay sa ang anumang gawaing
hinihiling nito. Samakatuwid, kapag nalaman ng isang tao na si
Allah ang kailangang sambahin lamang, na ang pagsamba sa
iba sa Kanya ay walang saysay at gumawa siya ayon sa
hinihiling ng kaalamang iyon, siya ay talagang nakaaalam sa
kahulugan ng Lá iláha illalláh. Nagsabi si Allah (47:19):
“Kaya pakaalamin mo na walang Diyos kundi si Allah,…”
Sinabi naman ng Sugo (SAS): “Ang sinumang mamatay at
nalalaman niya na walang Diyos kundi si Allah, papasok siya
sa Paraiso.”
11
2. Ang Katiyakan
Ito ay nangangahulugang bibigkasin ang Shahádah: Lá
iláha illalláh ayon sa katiyakang ikinapapanatag ng puso nang
hindi pinapasukan ng anumang mga pag-aalinlangang
ihinahasik ng mga demonyong jinní tao at mga demonyong tao.
Manapa’y sinasabi ito nang may ganap na katiyakan sa
ipinahihiwatig nito. Nagsabi si Allah (49:15): “Ang mga
sumasampalataya lamang ay ang mga naniwala kay Allah
sa Kanyang Sugo, at pagkatapos ay hindi sila nagalinlangan
…” Nagsabi naman ang Sugo (SAS): “Sumasaksi
ako na walang Diyos kundi si Allah at na ako ay Sugo ni
Allah. Walang makikipagtagpo kay Allah na isang taong
hindi nagdududa sa dalawang [pagsasaksing] ito nang hindi
papasok sa Paraiso.”
3. Ang Pagtanggap
Nangangahulugan ito na tatanggapin ang lahat ng hinihiling
ng paniniwala sa Lá Iláha Illalláh, sa isip at sa salita. Kaya
naman paniniwalaan ang mga Kapahayagan ni Allah at ang
lahat ng nasasaad mula sa Sugo (SAS). Tatanggapin ang lahat
ng ito, at walang anumang tatanggihan sa mga ito. Nagsabi si
Allah (2:285): “Sumampalataya ang Sugo sa ibinaba sa
kanya mula sa Panginoon niya, at gayon din ang mga
Mananampalataya. Bawat isa ay sumampalataya kay
Allah, sa mga anghel Niya, sa mga Aklat Niya, at sa mga
sugo Niya. “Hindi kami nagtatangi-tangi sa mga sugo,” sabi
nila. At sinabi pa nila: “Narinig namin at tumalima kami;
igawad Mo po ang Iyong kapatawaran, Panginoon namin;
at sa Iyo ang Hantungan.”
Pumapasok sa larangan ng pagtanggi at kawalan ng
pagtanggap ang sinumang tumututol o tumatanggi sa ilan sa
12
mga patakaran o mga kaparusahan na itinakda ng Sharí‘ah
(Batas ng Islam), gaya ng mga tumututol sa parusang
iginagawad sa salang pagnanakaw o pangangalunya, o sa pagaasawa
ng higit sa isa, o sa paraan ng paghahati ng mana, at iba
pa. Nagsabi si Allah (33:36): “Hindi nararapat para sa
lalaking mananampalataya ni sa babaeng
mananampalataya, kapag nagtakda si Allah at ang
Kanyang sugo ng isang kautusan, na magkakaroon pa sila
ng pagpipilian sa kanilang pagpapasya.…”
4. Ang Pagpapaakay
Ito ay ang pagsuko at ang pagpapaakay sa pamamagitan ng
pagpapaakay sa ipinahihiwatig ng Lá Iláha Illalláh. Marahil
ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapaakay at ng pagtanggap ay
na ang pagtanggap ay ang pagpapahayag ng pagtanggap sa
kawastuhan ng kahulugan nito sa pamamagitan ng salita,
samantalang ang pagpa-paakay naman ay ang pagsunod sa
pamamagitan ng mga paggawa. Kapag nalaman ng isang tao
ang kahulugan ng Lá Iláha Illalláh, naniwala rito nang may
katiyakan, at tinanggap ito ngunit hindi naman siya nagpaakay,
hindi nagpasakop, hindi sumuko, at hindi niya ginawa ang
hinihiling ng kanyang nalaman, tunay na iyon ay wala ring
mabuting maidudulot sa kanya. Nagsabi si Allah (39:54): “At
magbalik-loob kayo sa inyong Panginoon at sumuko kayo sa
Kanya.” at sinabi pa Niya (4:65): “Kaya hindi nga, sumpa
man sa iyong Panginoon, hindi sila sumasampalataya hanggat
hindi ka nila ginagawang tagahatol sa anumang hidwaang
namamagitan sa kanila, at pagkatapos ay hindi sila
nakasusumpong sa mga sarili nila ng pagtutol sa anumang
ihinusga mo at nagpapasakop sila nang tunay na
pagpapasakop.”
13
5. Ang Katapatan
Ito ay ang katapatan kay Allah, sa pamamagitan ng pagiging
tapat sa pananampalataya at tapat sa Pinaniniwalaan. Nagsabi si
Allah (9:119): “O mga sumampalataya, mangilag kayong
magkasala kay Allah at maging kasama kayo ng mga
tapat.” Nagsabi naman ang Sugo (SAS): “Ang sinumang
magsabi ng Lá Iláha Illalláh nang tapat mula sa kanyang
puso, papasok siya sa Paraiso.” Samakatuwid, kung binigkas
man ng isang tao ang Shahádah sa pamamagitan ng kanyang
dila ngunit tinanggihan naman sa puso ang ipinahihiwatig nito,
hindi makapagliligtas iyon sa kanya; sa halip ay pumapasok
lamang siya sa hanay ng mga Munáfiq. Kabilang din sa
sumasalungat sa katapatan ay ang pagpapasinungaling sa
anumang ihinatid ng Sugo (SAS) na katuruan o ang
pagpapasinungaling sa ilan sa ihinatid niya, sapagkat si Allah ay
nag-utos sa atin na tumalima at maniwala sa Sugo(SAS), at
iniugnay pa nga Niya iyon sa pagtalima sa Kanya. Sinabi Niya
(24:54): “Sabihin mo: “Tumalima kayo kay Allah at
tumalima kayo sa Sugo;”
6. Ang Kawagasan
Ito ay ang pagdadalisay ng tao sa kanyang gawa o kilos, sa
pamamagitan ng matuwid na hangarin, mula sa lahat ng mga
bahid ng Shirk. Iyon ay nangangahulugang mamumutawi sa
kanya ang lahat ng mga salita at mga gawa upang wagas na
iukol kay Allah. Hahangaring makamit ang pagkalugod Niya,
nang walang bahid ng pagpapakitang-tao, o ng hangaring
mapuri ng tao o, ng layuning magtamo ng kapakinabangan, o
ng pansariling hangarin, o ng pagnanasang hayag o lihim, o ng
udyok ng pagkilos dala ng pag-big sa isang tao o pananaw sa
14
buhay o prinsipyo o partidong sinusunod nang walang
pagsasaalang-alang sa patnubay buhat kay Allah. Manapa’y
kailangang siya, sa kanyang gawain, ay naghahangad na
makamit ang ikalulugod ni Allah at ang kaligtasan sa Kabilangbuhay.
Hindi ibaling ang puso sa kahit sinumang nilikha dahil
sa pagnanais na magkamit mula rito ng gantimpala o
pagpapasalamat. Nagsabi si Allah (39:3): “Tunay ngang ukol
kay Allah ang wagas na pagsamba.…” at sinabi pa Niya
(98:5): “At walang iniutos sa kanila kundi sambahin nila si
Allah, habang wagas na inuukol sa Kanya ang
pagsamba…” Nasasaad naman sa Sahíh al-Bukhárí at Sahíh
Muslim, sa Hadíth na isinalaysay ni ‘Utbán, na ang sabi ng
Sugo (SAS): “At tunay na si Allah ay nagkait nga sa
Impiyerno ng sinumang nagpahayag ng Lá Iláha Illalláh, na
naghahangad sa pamamagitan niyon ng ikinalulugod ni
Allah.”
7. Ang Pag-ibig
Ang tinutukoy rito ay ang pag-ibig sa dakilang Pahayag na
ito, at sa ipinahihiwatig nito at sa hinihiling nito. Samakatuwid,
iibigin si Allah at ang Kanyang Sugo (SAS), pangingibabawin
ang pag-ibig sa Kanilang dalawa higit sa lahat ng pag-ibig, at
gagampanan ang mga kundisyong hinihingi ng pag-ibig na ito
at ang mga hinihiling na gagawin para rito. Iibigin si Allah nang
may kalakip na pagpipitagan, pagdakila, takot, at pag-asa. Iibigin
ang iniibig ni Allah na mga pook gaya ng Makkah, Madínah, at
mga masjid—sa kabuuan; mga panahon na gaya ng buwan ng
Ramadán, unang sampung araw sa buwan ng Dhulhijjah at iba
pa; mga persona na gaya ng mga propeta, mga sugo, mga
anghel, mga matapat na tao, mga Shahíd (taong namatay na
15
nakikipaglaban alang-alang sa Islam.), at mga matuwid na tao;
mga gawaing panrelihiyon na gaya ng pagsasagawa saláh,
pagbibigay ng zakáh, pag-aayuno, at pagsasagawa ng hajj; mga
salita na gaya ng pagbigkas ng dhikr9 at pagbabasa ng Qur’án.
Kabilang din sa pag-ibig na ibigin ang mga iniibig ni Allah
nang higit kaysa sa mga iniibig ng sarili, mga pinakaaasam-asam
nito at mga minimithi nito. Bahagi rin ng pag-ibig kay Allah na
kasuklaman ang kinasusuklaman Niya: kasusuklaman ang mga
walang pananampalataya, ang kawalang-pananampalataya, ang
kasuwailan, at ang pagsuway. Nagsabi si Allah (5:54): “O mga
sumampalataya, ang sinumang tatalikod sa inyo sa
kanyang relihiyon, magdadala si Allah ng mga taong
Kanyang iibigin sila at kanilang iibigin Siya, na mga
mapagpakumbaba sa mga Mananampalataya, mga
mabagsik sa mga Tumatangging sumampalataya.
Makikibaka sila sa landas ni Allah at hindi sila
mangangamba sa paninisi ng naninisi. …”
Ang Kahulugan ng Muhammad Rasúlulláh
Ang Muhammad Rasúlulláh (si Muhammad ay Sugo ni
Allah) ay ang pagkilala sa salita at sa isip na siya ay Lingkod at
Sugo ni Allah sa lahat ng tao, at ang pagkilos at paggawa ayon
sa hinihiling ng pagkilalang ito, gaya ng pagtalima sa kanya sa
anumang ipinag-utos niya, paniniwala sa anumang sinabi niya,
pag-iwas sa anumang ipinagbawal niya at sinaway, at na hindi
sasambahin si Allah kung hindi ayon sa kanyang itinagubilin.
Ang pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah ay may
9 Ang literal na kahulugan nito ay pagbangit o pag-alaala. Ito ay maikling
pananalita sa wikang Arabe, na itinuro ni Propeta Muhammad (SAS), na
binabanggit bilang panalangin o pag-aalaala o pagluluwalhati kay Allah.
16
dalawang Haligi o Batayan: Lingkod ni Allah at Sugo ni
Allah. Ang dalawang ito ay humahadlang sa pagpapalabis at
pagsasawalang-bahala sa karapatan niya. Siya ang Lingkod at
ang Sugo ni Allah at siya ang pinakaganap na nilikha dahil sa
dalawang marangal na katangiang ito. Ang kahulugan ng
Lingkod dito ay ang mananambang alipin. Ibig sabihin: siya
ay isang taong nilikha na nilikha mula sa kung saan nilikha ang
mga tao; nangyayari sa kanya ang nangyayari sa kanila. Sinabi
ni Allah (18:110): “Sabihin mo: “Ako ay tao lamang na
tulad ninyo.” at ang sabi pa Niya (18:1): “Ang papuri ay ukol
kay Allah na nagbaba sa Kanyang lingkod ng Aklat at hindi
Niya ito nilagyan ng kabaluktutan.”
Ang kahulugan naman ng Sugo ay ang isinugo sa lahat ng
tao dala ang paanyaya sa pagsamba kay Allah, bilang
tagapaghatid ng nakalulugod na balita at tagapagbabala. Sa
pagsaksi sa kanya (SAS) sa pamamagitan ng dalawang
katangiang ito (Lingkod at Sugo) ay nahahadlangan ang
pagpapalabis at pagwawalang-bahala sa karapatan niya. Kaya
nga lamang mayroong maraming nag-aangking kabilang
diumano sa mga tagasunod niya na nagpapalabis at
nagpapasobra kaugnay sa kanyang karapatan hanggang sa
inangat na siya, mula sa antas ng pagiging mananamba, sa antas
na pinag-uukulan ng pagsamba bukod pa kay Allah. Hinihingan
siya ng saklolo bukod pa kay Allah. Hinihilingan siya ng bagay
na walang may kakayahang magbigay kundi si Allah, gaya ng
pagtugon sa mga pangangailangan at pag-aalis ng mga
kapighatian. May iba namang nagkakaila sa kanyang mensahe o
nagsasawalang-bahala sa pagsunod sa kanya o sumasalig sa
mga pahayag na sumasalungat sa mensaheng hinatid niya.
17
Mga Sandigan ng Pananampalataya
Nalalaman natin, batay sa mga katibayan buhat sa Qur’án at
Hadíth, na ang mabuting mga gawa at mga salita ay
nagkakaroon lamang ng kabuluhan at tinatanggap kapag
nagmula sa wastong paniniwala. Samakatuwid, kung ang
paniniwala ay hindi tama, mawawalan ng kabuluhan ang lahat
ng mga gawa at mga salitang nagmula rito gaya ng sinabi ni Allah
(5:5): “Ang sinumang tumanggi sa Pananampalataya, nawalan
na ng kabuluhan ang gawa niya at siya sa Kabilang-buhay
ay kabilang sa mga talunan.” at ng sabi pa Niya (39:65):
“Talaga ngang naisiwalat sa iyo at sa mga nauna sa iyo na
talaga namang kung nagtambal ka kay Allah ay talagang
mawawalan nga ng kabuluhan ang iyong gawa at ikaw ay
talagang mapabi-bilang nga sa mga talunan.”
Ipinakikita ng Aklat ni Allah at ng Hadíth ng Sugo Niya
(SAS) na ang wastong paniniwala ay mabubuod sa paniniwala:
1. Kay Allah,
2. Sa mga anghel Niya,
3. Sa mga aklat Niya,
4. Sa mga sugo Niya,
5. Sa Huling Araw, at
6. Sa Tadhana at Pagtatakda—ang mabuti at masama nito.
Ang anim na ito ang Saligan ng Wastong Paniniwala na
ibinabang kasama ng mga ito ang Mahal na Aklat ni Allah at
isinugong kasama ng mga ito ang Kanyang Sugo na si
Muhammad (SAS). Tinatawag ang mga ito na mga Haligi ng
pananampalataya.
1. Ang Paniniwala kay Allah
Bahagi ng pananampalataya kay Allah ay ang maniwala na
Siya ang totoong Diyos na karapat-dapat sa Pagsamba at wala
18
nang iba pa sapagkat Siya ang Tagapaglikha ng mga tao, ang
Nagbibiyaya sa kanila, ang Nagtutustos sa mga pangangailangan
nila, ang Nakaaalam ng kanilang inililihim at kanilang
inihahayag, at ang May-kakayahang maggantimpala sa
masunurin sa kanila at magparusa sa suwail sa kanila. Alangalang
sa Pagsambang ito ay nilikha ni Allah ang Jinní at ang
Tao at ipinag-utos Niya iyon sa kanila, gaya ng sinabi Niya
(51:56-58): “Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kung
hindi upang sambahin nila Ako. Hindi Ako nagnanais mula
sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na
pakainin nila Ako. Tunay na si Allah ay ang Tagapagtustos,
ang May matatag na lakas.”
Isinugo ni Allah ang mga Sugo at ibinaba Niya ang mga
Aklat upang ilahad ang katotohanang ito, upang anyayahan ang
mga tao sa katotohanang ito at upang magbigay-babala laban sa
anumang suma-salungat dito, gaya ng sinabi Niya (16:36):
“Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang
sugo na nagsasabi: “Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo
ang diyus-diyusan.””
Ang pinakadiwa ng Pagsamba na ito ay ang ilaan kay Allah
ang lahat ng uri ng pagsambang isinasagawa ng tao gaya ng
panalangin, pangamba, pag-asa, dasal, pag-aayuno, pag-aalay,
pamamanata at iba pang mga uri ng pagsamba, sa paraang may
pagpapakumbaba sa Kanya, may pag-asa at may takot, kalakip
ang lubos na pag-ibig sa Kanya at pagpapakaaba sa kadakilaan
Niya. Ang nakararaming bahagi ng Qur’án ay ibinaba dahil sa
dakilang simulaing ito, gaya ng sabi Niya (39:2-3):
“…Samakatuwid sambahin mo si Allah, habang wagas na
inuukol sa Kanya ang pagsamba. Tunay ngang ukol kay
Allah ang wagas na pagsamba.…” at ng sabi pa Niya
(17:23): “At iniatas ng iyong Panginoon na wala na kayong
19
sasambahin kundi Siya,” at ng sabi pa Niya (40:14): “Kaya
dumalangin kayo kay Allah, habang wagas na inuukol sa
Kanya ang pagsamba, kahit pa man masuklam ang mga
tumatangging sumampalataya.”
Bahagi rin ng pananampalataya kay Allah ang maniwala sa
lahat ng tungkulin at obligasyong ibinigay Niya sa kanyang
mga lingkod gaya ng Limang Haligi ng Islam na isinasagawa
nang hayagan. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang pagsaksi na walang totoong Diyos kundi si Allah at si
Muhammad ay Sugo ni Allah,
2. Ang pagsasagawa ng saláh,
3. Ang pagbibigay ng zakáh,
4. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadán, at
5. Ang pagsasagawa ng hajj sa Banal na Bahay ni Allah para
sa sinumang may kakayahang makarating roon.
At iba pang mga tungkulin na nabanggit sa Sharí‘ah o Batas
ng Islam. Ang pinakamahalaga at pinakadakila sa Limang
Haliging ito ng Islam ay ang Shahádah o Pagsaksi na walang
totoong Diyos kundi si Allah at si Muhammad ay Sugo ni
Allah.
Bahagi rin ng pananampalataya kay Allah ay ang maniwala
na Siya ang Tagapaglikha ng mga nilalang, ang Tagapangasiwa
ng mga kapakanan nila, at ang Tagapamahala sa kanila sa
pamamagitan ng Kanyang kaalaman at Kanyang kapangyarihan
ayon sa kung ano ang niloloob Niya; na Siya rin ang Nagmamayari
ng Mundo at Kabilang-buhay, at ang Panginoon ng lahat ng
mga nilalang—wala nang Tagapaglika bukod pa sa Kanya at
wala nang Panginoon maliban pa sa Kanya; na Siya ay nagsugo
ng mga sugo at nagpababa ng mga Banal na Aklat upang ituwid
ang mga tao at anyayahan sila sa ikaliligtas nila at sa ikabubuti
nila sa Mundo at sa Kabilang-buhay; na Siya ay walang
20
katambal sa lahat ng mga nabanggit na iyon. Sinabi Niya
(39:62): “Si Allah ay Tagapaglikha ng bawat bagay, at Siya
ay Pinananaligan sa bawat bagay.”
Bahagi pa rin ng pananampalataya kay Allah ang maniwala
sa Kanyang napakagagandang mga pangalan at Kanyang
napakatataas na mga katangian na nasasaad sa Kanyang Mahal
na Aklat at naisa-laysay mula sa Kanyang mapagkakatiwalaang
Sugo. Paniniwalaan ang mga ito nang walang Tahríf
(pagpapalit ng kahulugan), walang Ta‘tíl (pag-aalis ng
kahulugan), walang Takyíf (paglalarawan ng kahulugan), at
walang Tamthíl (paghahalintulad), kalakip ng paniniwala sa
ipinahihiwatig ng mga ito na mga dakilang kahulugan na siyang
mga ‘paglalarawan’ kay Allah. Kailangang ‘ilarawan’ Siya sa
pama-magitan ng mga ito sa paraang naaangkop sa Kanya,
nang hindi Siya iwinawangis sa Kanyang nilikha sa anuman sa
Kanyang mga katangian, gaya ng sinabi Niya (42:11): “Walang
anumang katulad sa Kanya. At Siya ang Nakaririnig, ang
Nakakikita.”
2. Ang Paniniwala sa mga Anghel
Naglalaman ang paniniwala sa mga anghel ng
pinaniniwalaan sa kabuuan at pinaniniwalaan sa detalye.
Naniniwala ang isang Muslim na si Allah ay mayroong mga
anghel na nilikha Niya at binigyan ng kalikasang tumalima sa
Kanya. Sila ay maraming uri; mayroon sa kanila na mga
itinalaga sa pagpasan ng Trono ni Allah, mayroon sa kanila na
mga tagabantay ng Paraiso at Impiyerno, at mayroon sa
kanilang mga itinalaga sa pagtatala ng mga gawa ng tao.
Pinaniniwalaan natin sa detalye ang mga anghel na binanggit
mismo ni Allah at ng Kanyang Sugo (SAS) ang mga pangalan,
gaya nina Jibríl, Míká’il, Málik na tagabantay ng Impiyerno, at
21
Isráfíl na nakatalaga sa pag-ihip ng Tambuli. Ayon kay
‘Á’ishah (RA),10 ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Nilikha ang
mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinní mula sa
apoy na walang usok at nilikha si Adan ayon sa nailarawan11
na sa inyo.” Ang Hadíth na ito ay itinala ni Imám Muslim.
3. Ang Paniniwala sa mga Aklat
Kinakailangang maniwala sa kabuuan na si Allah ay
nagpababa ng mga banal na aklat sa Kanyang mga propeta at
Kanyang mga sugo upang linawin ang Kanyang karapatan at
upang mag-anyaya sa pagsamba sa Kanya lamang. Naniniwala
tayo sa detalye sa mga aklat na binanggit mismo ni Allah ang
mga pangalan gaya ng Tawráh, Zabúr, Injíl12 at Qur’án.
Ang Qur’án ang pinakamainam sa lahat ng mga banal na
Aklat at ang pangwakas sa lahat. Ito ang tagapangalaga sa mga
10 (RA): Radiyalláhu ‘Anhu para sa lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para sa
babae, Radiyalláhu ‘Anhum para sa marami; ang ibig sabihin nito ay:
Kalugdan siya (o sila) ni Allah. Ito ay panalanging binabanggit sa tuwing
nababanggit ang pangalan o taguri ng kasamahan o asawa ni Propeta
Muhammad (SAS).
11 Nilikha si Adan mula sa alabok.
12 Ang Tawráh, ang Zabúr at ang Injíl ay ang mga pangalan sa wikang Arabe
ng mga orihinal na aklat na ipinahayag ng Diyos kina Propeta Moises, Propeta
David at Propeta Jesus (Sumakanila ang Kapayapaan at Pagpapala ni Allah),
alinsunod sa
pagkakasunod-sunod. Ang Penatateuch sa Matandang Tipan ng
Bibliya ng mga Kristiyano o ang Torah ng mga Hudyo, na sinasabing
ipinahayag kay Moises; ang Salmo (Psalms) sa Matandang Tipan, na
sinasabing ipinahayag ka David ngunit ayon naman sa ilang mga eskolar ng
Bibliya ay hindi lamang si David ang sumulat; at ang Bagong Tipan sa
kabuuan, ang mga Evangelio ayon kina Mateo, Marcos, Lucas at Juan, ang
mga sulat ni Pablo at iba pang aklat sa Bagong Tipan; ang lahat ng mga ito ay
hindi kinikilala ng Islam na siyang mga orihinal na aklat na ipinahayag ng
Diyos kina Moises, David at Jesus. Ang Tagapagsalin.
22
naunang aklat at ang nagpapatotoo sa mga iyon. Ito ang
kailangang sundin at isapatakaran ng sambayanang Muslim,
kalakip ng mga Sunnah13 na napatotohanang mula sa Sugo
(SAS) sapagkat ipinadala ni Allah ang Kanyang Sugo na si
Muhammad (SAS) bilang Sugo sa lahat ng jinni at tao. Ibinaba
Niya sa kanya ang Qur’án upang siyang humatol sa kanila at
ginawa
Niya ito na lunas sa mga puso, tagapagbigay-linaw sa
bawat bagay, patnubay, at awa para sa mga nilalang, gaya ng
sinabi Niya (6:155): “At ito ay pinagpalang Aklat na Aming
ibinaba, kaya sundin ninyo ito at mangilag kayong
magkasala nang harinawa ay kaawaan kayo.” Sinabi pa Niya
(16:89): “Ibinaba Namin sa iyo ang Aklat bilang
tagapagbigay-linaw sa bawat bagay, patnubay, awa, at
nakalulugod na balita para sa mga Muslim.”
4. Ang Paniniwala sa mga Sugo
Kinakailangang maniwala sa mga Sugo, sa kabuuan at sa
detalye. Naniniwala tayo na si Allah ay nagsugo sa Kanyang
mga lingkod ng mga sugo bilang mga tagapaghatid ng
nakalulugod na balita, mga tagapagbabala, at mga tagapaganyaya
sa katotohanan. Ang sinumang tumugon sa kanila ay
magtatamo ng kaligtasan at ang sinumang sumalungat sa kanila
13 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay ang “kalakaran” o
“pamamaraan” ni Propeta Muhammad (SAS) at tumutukoy sa kung ano ang
sinabi, ang ginawa at ang sinang-ayunan ni Propeta Muhammad (SAS).
Ang Sunnah ay nakarating sa atin sa pamamagitan ng Hadíth o sanaysay
tungkol sa Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang sunnah naman, na may maliit
na titik na s, ay tumutukoy sa gawaing kanais-nais gawin dahil alinsunod sa
Sunnah ng Propeta. Ang gawaing sunnah ay kanais-nais ngunit hindi
tungkuling isagawa. Ang Tagapagsalin.
23
ay masasadlak sa kabiguan at pagsisisi. Ang pangwakas at
pinakamainam sa lahat ng mga Sugo ay ang ating Propeta na si
Muhammad (SAS), gaya ng sinabi ni Allah (16:36): “At talaga
ngang nagsugo Kami sa bawat kalipunan ng sugo na
nagsasabi: “Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang
diyus-diyusan.”…” Nagsabi pa Siya (33:40): “Si Muhammad
ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan,
subalit siya ang Sugo ni Allah at ang pangwakas sa mga
Propeta.”
Ang sinuman sa kanila na binanggit ni Allah ang pangalan o
napatunayang binanggit ng Sugo ni Allah (SAS) ang pangalan
ay paniniwalaan natin sa detalye at nang tiyakan, tulad nina
Noah, Húd, Sálih, Abraham at iba pa — ang pinakamainam na
pagpapala at pinakadalisay na pagbati ay makamit nilang lahat at
ng ating Propeta.
5. Ang Paniniwala sa Huling Araw
Napapaloob dito ang paniniwala sa lahat ng ipinabatid ni
Allah at ng Kanyang Sugo (SAS) tungkol sa mga mangyayari
pagkatapos ng kamatayan, gaya ng pagsubok na daranasin ng
patay sa loob ng libingan, at pagdurusa o ginhawang daranasin
nito sa libingan; at sa mga masasaksihan sa Araw ng
Pagkabuhay, gaya ng mga kahila-hilakbot na mga bagay, mga
paghihirap, pagtawid sa sirát,14 pagti-timbangan ng mga
nagawa, pagtutuos, paggagantimpala, at pagbu-buklat ng mga
talaan ng mga mabuti’t masamang gawa sa harap ng mga tao:
mayroon sa kanilang kukunin ang kanyang talaan sa
14 Ito ay daang manipis pa sa buhok at matalas pa sa espada na itatayo sa
ibabaw ng Impiyerno at dadaanan ng mga tao.
24
pamamagitan ng kanang kamay o kaliwang kamay o hindi
kaya’y kukunin mula sa likuran.
Napapaloob din doon ang paniniwala sa hawd15 na inuman
ng ating Propeta na si Muhammad (SAS), ang paniniwala sa
Paraiso at Impiyerno, ang pagkakita ng mga Mananampalataya
sa Panginoon nila, ang pakikipag-usap Niya sa kanila, at iba
pang mga nasasaad sa Qur’án at mga Hadíth na tunay na
nagmula sa Sugo ni Allah (SAS). Kinakailangang
sampalatayaan at paniwalaan ang lahat ng mga iyon sa paraang
ipinaliwanag ni Allah at ng Sugo Niya (SAS).
6. Ang Paniniwala sa Tadhana at Pagtatakda
Ang paniniwala rito ay naglalaman ng apat na sangkap:
1. Ang Kaalaman. Na alam ni Allah ang anumang nangyari,
ang anumang nangyayari at ang anumang mangyayari. Alam
Niya ang mga kalagayan ng Kanyang mga lingkod, ang mga
makakamit na biyaya nila, ang mga taning ng kanilang buhay,
ang mga gawa nila at ang iba pang mga may kaugnayan sa
kanila: walang nakalingid sa Kanya na anuman mula sa mga
iyon, gaya ng sinabi Niya (8:75): “Tunay na si Allah sa
bawat bagay ay Nakaaalam.”
2. Ang Pagsulat. Ipinasulat ni Allah ang lahat ng itinakda at
itinadhana Niyang mangyari, gaya nga ng sinabi Niya
(36:12): “…At ang lahat ay itinala Namin sa aklat na
naglilinaw.”
3. Ang Kalooban. Maniniwala sa nangingibabaw na kalooban
ni Allah: ang anumang niloob Niya ay mangyayari at ang
anumang hindi Niya niloob ay hindi mangyayari, gaya nga
15 Ang lawa ng Sugo (SAS). Hindi na mauuhaw kailanman ang taong makainom
doon.
25
ng sinabi Niya (3:40): “Ganyan si Allah, ginagawa Niya
ang anumang niloloob Niya.”
4. Ang Paglikha. Nilikha Niya ang lahat ng mga umiiral; wala
nang tagapaglikha na iba pa sa Kanya at wala nang
Panginoon maliban pa sa Kanya, gaya ng sinabi Niya
(6:102): “Iyan si Allah, ang inyong Panginoon: walang
Diyos kundi Siya, ang Tagapaglikha ng bawat bagay;
kaya sambahin ninyo Siya, at Siya ang Tagapangalaga
ng bawat bagay.”
Ang mga Nakalalabag sa Islam
Maaaring matalikod ang isang Muslim sa kanyang
Relihiyon sa pamamagitan ng maraming uri ng mga bagay na
Nakalalabag sa Islam. Kabilang sa pinakamapanganib at
pinakamadalas na mangyari sa mga ito ay ang sampung ito:
1. Ang Shirk o Pagtatambal kay Allah. Nagsabi Siya (5:72):
“…Tunay na ang sinumang magtambal kay Allah ay
ipinagkait na ni Allah sa kanya ang Paraiso at ang
magiging tuluyan niya ay ang Impiyerno. At
mawawalan ang mga Lumalabag sa katarungan ng mga
tagatulong.” Kabilang din sa Shirk ang pananalangin sa
mga patay na, ang pagpapasaklolo sa kanila, ang
pamamanata sa kanila, at ang pag-aalay sa kanila.
2. Ang gumagawa ng mga tagapagitna (intermediary) sa
pagitan niya at ni Allah—pinananalanginan ang mga ito,
hinihilingan ang mga ito ng Pamamagitan (intercession) at
inaasahan ang mga ito—ay naging Káfir na.
3. Ang hindi nagturing na mga Káfir ang mga Mushrik o
nag-alinlangan sa pagiging Káfir nila o nagtuturing na tama
ang kanilang paniniwala ay naging Káfir na.
26
4. Ang naniwala na ang patnubay ng iba pa sa Propeta
(SAS) ay higit na perpekto kaysa sa patnubay nito, o ang
hatol ng iba pa rito ay higit na magaling kaysa sa hatol nito,
siya ay isa nang Káfir. Iyan ay katulad ng naniniwala na ang
mga patakaran at ang mga batas na ginawa ng mga tao ay
mainam pa kaysa sa Batas ng Islam, o na ang patakaran ng
Islam ay hindi naaangkop na ipatupad sa panahon ngayon, o
na ito ang isang dahilan ng di-pagsulong ng mga Muslim, o
na lilimitihan na lamang ang Islam sa ugnayan sa pagitan ng
tao at kanyang Panginoon at hindi na ito manghihimasok pa
sa ibang mga aspeto ng buhay, o na naniniwa-lang ang
pagpapatupad sa patakaran ni Allah kaugnay sa pagpu-putol
ng kamay ng magnanakaw o pagbabato sa mangangalunyang
may-asawa o dating may-asawa ay hindi nababagay sa
panahon ngayon.
Napapaloob din dito ang paniniwalang ipinahihintulot
na humatol nang hindi ayon sa Batas ni Allah kaugnay sa
mga mu‘ámalah16 o kaugnay sa pagpataw ng mga
kaparusahan at iba pa, kahit pa man hindi maniwalang iyon
ay mainam pa kaysa sa Batas ng Islam sapagkat sa
pamamagitan niyon ay itinuring nang ipinahihintulot ang
ipinagbawal ni Allah. Ang bawat isang nagtuturing na
ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allah, siya ay isang
Káfir.
5. Ang nasusuklam sa anuman sa katuruang ihinatid ng
Sugo (SAS), kahit pa man ginagampanan niya ito, ay
naging Káfir na. Nagsabi si Allah (47:9): “Iyan ay
16 Ang mu‘ámalah ay ang anumang gawaing ginagawa ng mga tao sa pagitan
nila tulad halimbawa ng pagtitinda at pagbili, pangungutang at pagpapautang,
paghingi at pagbibigay, pagpapamana at pagmamana at iba pang tulad nito.
27
sapagkat sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allah kaya
naman pinawalang-kabuluhan Niya ang kanilang mga
gawa.”
6. Ang nangungutya sa anuman sa Relihiyon ng Sugo
(SAS) o sa gantimpala o sa kaparusahan nito ay naging
Káfir na. Nagsabi si Allah (9:65-66): “Sabihin mo: “Kay
Allah, sa mga Kapahayagan Niya, at sa Sugo Niya ba
kayo nangungutya? Huwag na kayong magdahilan;
tumalikod na kayo sa pana-nampalataya pagkatapos ng
pananampalataya ninyo.”
7. Ang panggagaway.17 Ang nagsasagawa nito o
tumatangkilik dito ay naging Káfir na. Sinabi ni Allah
(2:102): “Ngunit hindi nagtuturo ang dalawang ito sa
sinuman malibang sinasabi ng mga ito: “Kami ay tukso
lamang, kaya huwag kang tumalikod sa
pananampalataya.”…”
8. Ang pagkampi at ang pakikipagtulungan sa mga
Mushrik laban sa kapwa mga Muslim. Nagsabi si Allah
(5:51): “Ang sinuman sa inyong gagawing tagatangkilik
sila, tunay na siya ay kabilang na sa kanila. Tunay na si
Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong Lumalabag
sa katarungan.”
17 Ang panggagaway o sihr sa wikang Arabe ay ang anumang gawaing
gumagamit ng karunungang itim o nagpapatulong sa mga jinn o mga
masamang espiritu o mga maligno. Ang mga taong maituturing na
nagsasagawa ng panggagaway ay ang mahikero, albularyo, mangkukulam,
faithhealer, mangagayuma, manghuhula, at iba pang maituturing na kabilang
sa kanila. Subalit hindi lahat ng taong nag-aangkin o tinataguriang mahikero o
albularyo o manghuhula ay mga tunay na manggagaway dahil ang iba sa
kanila ay wala naman talagang kapangyarihang manggaway; nanunuba lamang
sila ng mga uto-uto.
28
9. Ang naniniwala na may mga tao na maaaring hindi
masak-lawan ng Batas na ipinahayag kay Muhammad
(SAS), siya ay Káfir na sapagkat ang sabi ni Allah (3:85):
“Ang sinumang maghahangad ng iba pa sa Islam bilang
relihiyon, hindi matatanggap iyon sa kanya; at siya sa
Kabilang-buhay ay mapabibilang sa mga talunan.”
Hindi pinahihintulutan ang sinumang inabot ng mensahe ni
Propeta Muhammad (SAS) na sumunod sa batas ng iba pa sa
kanya o maniwalang ang kaligtasan ay nasa pagsunod sa
pamamaraan na iba pa sa pamamaraan niya.
10. Ang pag-ayaw sa Relihiyon mula kay Allah: hindi pinagaaralan
ito at hindi kumikilos ayon sa mga katuruan nito
sapagkat ang sabi ni Allah (32:22): “At sino pa ang higit
na lumalabag sa katarungan kaysa sa kanya na
pinaalalahanan na hinggil sa mga kapahayagan ng
kanyang Panginoon at pagkatapos ay inayawan pa niya
ang mga ito? Tunay na Kami, sa mga sumasalansang, ay
maghihiganti.” Iyan ay sa pamamagitan ng pag-ayaw na
matutunan ang pangunahing katuruan ng Islam na sa
pamamagitan nito ang tao ay nagiging Muslim. Hindi ibig
sabihin nito na obligadaong pag-aralan ang lahat ng detalye
ng Islam.
Walang pinagkaiba sa lahat ng mga nakalalabag na ito sa
pagitan ng taong seryoso o di-seryoso o nagbibiro, maliban na
lamang sa napilitan sapagkat wala siyang pananagutan sa
ganitong kalagayan.