66
h
Pangalawa: Al-Qawaid Al-Arba’
Sa ngalan ng Allah Ang Pinakamahabagin, Ang Pinakamaawain
Dapat mong malaman, gabayan ka nawa ng Allah sa pagsunod sa kanya na: Ang Al-Hanifiyah ay relihiyon ni Ibrahim: ito ang sambahin mo ang Allah nang bukod-tangi at nag-iisa at nang dalisay, dahil doon, inutusan ng Allah ang lahat ng tao,at nilikha sila sa layuning ito tulad ng sinabi ng Allah: (“At hindi Namin nilikha ang mga jinn at tao maliban lamang sambahin nila ako) (1).
At kapag iyong nabatid na ang layunin ng paglikha sa iyo ng Allah ay upang sambahin mo lamang Siya, dapat mong malaman na ang pagsambang ito ay hindi matatawag na isang pagsamba hanggat magkaroon ng Tawheed o pagbubukod-tangi sa Allah sa pagsamba. Tulad ng Salâh, ito ay hindi matatawag na Salah
maliban kung ito ay mayroon kasamang Taharah o pagdadalisay.
At kapag ang Shirk o pagtatambal sa Allah ay humalo sa anumang Pagsamba, ito ay masisira at magiging walang saysay. Katulad ng isang Dumi na humalo sa isang dalisay. At kapag iyong nabatid na ang shirk ay humalo sa anumang pagsamba, ay kanyang sisirain ito at gagawing walang saysay, at wawasakin ang anumang gawain, at ibibilang ang mga tauhan ng shirk sa mga mananatili sa impiyerno nang walang hanggan; iyong mababatid na ang pinakamahalagang bagay sa iyo ay ang malaman mo ito; maaaring makaligtas ka mula sa patibong na ito; at ito ang Shirk o pagtatambal sa Allah, na siyang sinabi ng Allah: (Katiyakan, ang Allâh ay hindi nagpapatawad sa sinumang nakagawa ng anumang ‘Shirk’; subalit pinatatawad Niya ang anumang kasalanan maliban sa ganitong uri ng kasalanan, sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin.).
At ito ay sa pamamagitan ng kaalaman patungkol sa apat na panuntunan na siyang binanggit ng Allah sa kanyang Quran.
Ang Unang Panuntunan: dapat mong malaman na ang mga Kuffar na silang kalaban ng Sugo, sila ay naniniwala sa Allah bilang isang Tagapaglikha at Tagapangasiwa sa sanlibutan, ngunit hindi sila napabilang sa Islam, at ang patunay sinabi ng Allah: (Sabihin mo sa kanila na mga ‘Mushrikin,’ O Muhammad: “Sino ang nagbibigay ng kabuhayan sa inyo mula sa kalangitan at sa kalupaan at sino ang nagmamay-ari ng pandinig at paningin At sino ang naglabas ng buhay mula kamatayan at Siyang nagdala ng kamatayan sa mga buhay At sino ang nangangasiwa ng mga bagay? At kanilang sasabihin: Ang Allah. Sabihin; Kung gayun hindi ba kayo natatakot sa parusa ng Allah?) (2).
(1) Ipinapaliwanag ng may-akda kung bakit tayo nag-aaral ng Tawheed o Kaisahan ng Allah.
(2) Ang mga Kuffar o di-mananampalataya sa panahon ng Sugo ng Allah na si Muhammad Sallahu Alayhi Wasallam, ay mga naniniwala sa Tawhidur Rububiyah o Kaisahan ng Allah sa kanyang pagkapanginoon, ganun pa man ay kinalaban pa rin sila ng Sugo ng Allah; at ang labanan sa pagitan ng Sugo ng Allah at silang mga kuffar ay dahil sa Tawhidul Uluhiyah o ang Kaisahan ng Allah sa pagsamba, kaya naman ang sinuman ang maglilihis ng anumang pagsamba sa iba maliban pa sa Allah, siya ay naging isang Mushrik Kafir.
Ang Apat na Panuntunan
67
(1) Nangangatwiran ang mga tauhan ng Shirk at Kufr na sila ay di umano ay hindi nananalangin sa kanilang mga diyus-diyusan o pumaroon sa kanila maliban lamang sa pagnanais na humingi ng Qurbah o para malapit sa Allah at Shafa’ah o gawing silang tagapamagitan sa Allah. At dahil dito, tunay na sila ay hinatulan ng Propeta Muhammad (Saw) na mga Kuffar o hindi mananampalataya at sila ay kinalaban dahil dito.
(2) Ang Shafa’ah sa literal na kahulugan sa Arabik: “Damm” o ginawang dalawa ang isang bagay.
At sa kahulugan nito sa Islam: ang pamamagitan ng isa para sa isa pa upang magkamit ng kabutihan o maglayo sa kasamaan.
Ang Pangalawang Panuntunan: Ang mga Mushrikin ay nagsasabing: Hindi kami nanalangin sa kanila (Rebulto, imahe at iba pang diyus-diyusan), o pumaroon sa kanila, maliban lamang sa kadahilanang, nais naming humingi ng “Qurbah” o mapalapit sa Allah at humingi ng “Shafa’ah” o gawin silang tagapamagitan sa Allah.
At ang patunay sa Qurbah sinabi ng Allah: (at ang mga yaong sumamba ng iba bukod sa Allâh at nagturing ng mga tagapangalaga na sinasandalan bukod sa Kanya, sinabi nila:
“Hindi namin sinasamba ang mga diyus-diyusan na ito bilang katambal sa pagsamba sa Allâh kundi upang ang mga ito ay maging tagapamagitan sa amin sa Allâh, mapalapit kami sa Allâh at iangat sa amin ang aming antas sa Allâh.” Katiyakan, ang Allâh huhukuman Niya ang anuman na hindi nila pinagkasunduan sa pagsamba. Katiyakan, ang Allâh ay hindi Niya ginagabayan tungo sa Matuwid na Landas ang sinumang nagsisinungaling laban sa Allâh na di-naniniwala sa Kanyang mga palatandaan at mga katibayan.) (1)
At ang patunay ng Shafa’ah sinabi ng Allah: (At sila na mga walang pananampalataya ay sumasamba ng iba bukod sa Allâh, na hindi man lang makapipinsala sa kanila at hindi man lamang makapagbibigay ng kapakinabangan sa kanila rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay at sinasabi nila: “Katiyakan, sinasamba lamang namin ito upang mamagitan sa amin sa Allâh,”)
At ang Shafa’ah ay may dalawang uri: Shafa’ah Manfiyah at Shafa’ah Muthbatah (2).
68
Sa mga bagay na kayang gawin ng mga nilalang
at ito ay magiging tama sa Apat na kondisyon:
1- Naririyan
2- Buhay
3-May kakayahan
4- Ito ay kaparaanan lamang
Muthbatah (Pinagtibay)
Ito ang Shafa'ah na hinihingi sa Allah. Ito ay may mga kondisyon:
1- Ang pahintulot ng Allah upang mamagitan.
2- Kaluguran ng Allah para sa isang namamagitan
3-at sa pinamamagitanan niya.
Manfiyah (Winaksi)
Ito ay winaksi o di-tanggap sa Quran, Ito ay isang bagay na hinihiling sa iba maliban pa sa Allah subalit ang may kakayahan lamang magbigay nito ay ang Allah.
Ang hatol nito ay: Malaking Shirk.
Natatangi sa Sugo ng Allah at hindi maaring makilahok ang sinuman dito.
Pangkalahatan para sa mga iba pang Sugo at Propeta at mga Anghel at mga
Muwahhideen at Al-afrat (mga bata)
Ash-Shafa’ah Al- ‘Udhma
O ang
Dakilang Shafa’ah.
Pamamagitan ng Propeta
sa kanyang amain na si Abu talib na pagaanin ang parusa sa kanya.
Pamamagitan ng Propeta
sa pagbukas ng mga pintuan ng Paraiso.
Upang itaas ang antas ng mga tauhan ng Tawheed.
Sa sinumang mga taong nahatulan na pumasok sa Impiyerno mula sa mga tauhan ng tawheed ay hindi sila papasukin dito.
Sinumang nakapasok ng Impiyerno mula sa mga tauhan ng Tawheed ay papalabasin sila mula roon.
69
Ang Pangatlong Panuntunan (1): Tunay na ang Propeta Muhammad ay lumitaw sa mga taong may iba’t-ibang mga sinasamba, tulad ng mga sumasamba sa mga anghel, propeta, mabubuting tao, bato, puno, araw at buwan. Ang mga ito ay kinalaban ng Propeta at tinuring sila na magkakatulad.
Ang patunay sinabi ng Allah: (At ipagpatuloy ninyo, O mga sumasampalataya sa Allâh, ang pakikipaglaban sa mga ‘Mushrikin,’ na nagpapasimuno ng gulo, hanggang sa mawala ang ‘Fitnah’ sa ‘Deen’ ng mga Muslim at mawala ang pagsamba ng iba bukod sa Allâh, at ang ‘Deen’ ay mananatili na para na lamang sa Allâh)
At ang patunay sa araw at buwan, sinabi ng Allah: (At kabilang sa mga palatandaan ng Allah ay ang pagkakaiba ng gabi at araw at ang pagpapalit-palitan nito, at gayundin ang pagkakaiba ng araw sa buwan at ang pagpapalit-palitan nito, at ang lahat ng mga ito ay nasa ilalim ng Kanyang pangangasiwa at pamamahala. Huwag kayong magpatirapa sa araw at sa buwan – dahil ang dalawang ito ay pinangangasiwaan lamang at nilikha, bagkus ay magpatirapa kayo sa Allâh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay tunay na sumasamba sa Kanya na Bukod-Tangi na walang katambal,)
At ang patunay sa mga Anghel; sinabi ng Allah: (At hindi maaari sa sinuman sa kanila na ipag-uutos sa inyo, na gawin ang mga anghel at ang mga Propeta bilang mga ‘Rabb)
Ang Shafa’ah Manfiyah: Ito ay isang bagay na hinihiling sa iba maliban pa sa Allah subalit ang may kakayahan lamang magbigay nito ay ang Allah; ang patunay sinabi ng Allah: (O kayong mga naniwala sa Allâh gumasta mula sa ipinagkaloob ng Allâh sa inyo bago dumating ang Araw ng Muling Pagkabuhay. (Sa Araw na yaon ay) walang bentahang maaaring mapagkakakitaan at wala ring kai-kaibigan sa Araw na yaon at tagapamagitan na mamamagitan sa inyo at ang mga walang pananampalataya sa Araw na yaon ay ang mga ‘Dzâlimûn’ (gumawa ng kasamaan).
Ang Shafa’ah Muthbatah: Ito ang shafa'ah na hinihingi sa Allah, Ang tagapamagitan ay kinakailangang mamagitan sa kapahintulutan ng Allah, at ang” Mashfu’ lahu” o ang pinamagitanan niya: ito ang sinuman nalugod ang Allah sa kanyang salita at gawa pagkatapos ng kapahintulutan ng Allah, katulad ng sinabi ng Allah: (Walang sinuman ang maglalakas-loob na mamagitan sa Kanya maliban sa Kanyang kapahintulutan.).
(1) Ang panuntunang ito ay isang malinaw na patunay at lantad na kasagutan laban sa sinumang magsasabi na: “Ang Shirk ay mangyayari lamang sa pagsamba sa mga Rebulto at imahe, at ang mga batayan sa Islam ay bukod tangi lamang tumutukoy sa pagsamba sa rebulto at iba pang diyus-diyosan sa panahon na iyon lamang.”
Ito ay mali dahil ang propeta Muhammad Sallahu Alayhi Wasallam ay hindi sila pinag-iba-iba bagkus ibinilang silang lahat mula sa mga Taghut, at dinigma silang lahat ng Sugo ng Allah na walang pagbubukod tangi upang ang ‘Deen’ ay mananatili na para na lamang sa Allâh.
70
Ang Patunay sa mga Propeta; sinabi ng Allah: (Alalahanin mo na sasabihin ng Allâh sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “O `Îsã na anak ni Maryam, ikaw ba, sinabi mo sa mga tao na: ‘Ituring ninyo ako at ang aking ina na dalawang sinasamba bukod sa Allâh?’” Tumugon si `Îsã bilang pagluwalhati sa Allâh: “Hindi maaaring sasabihin ko sa mga tao ang hindi totoo. Kung sinabi ko man ito, tiyak na ito ay batid Mo, dahil Ikaw ay walang maililihim sa Iyo na anuman, alam Mo kung ano ang nasa aking sarili at hindi ko alam kung ano ang nasa Iyo. Katiyakan, Ikaw ang ang Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay na nakalantad o lihim.”)
At ang Patunay sa mga Mabubuting Tao; sinabi ng Allah: (Sila ang mga yaong dinadalanginan o tinatawagan ng mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh, na ito ay ang sinuman sa mga Propeta, mga mabubuti at mga anghel na itinatambal nila sa Allâh, gayong ang mga ito ay nag-uunahan na mapalapit sa Allâh na kanilang ‘Rabb,’ na ginagawa ang anumang kakayahan na mga mabubuting gawa, at naghahangad din ng Awa ng Allâh at natatakot sa Kanyang parusa.)
At ang patunay sa mga Puno at Bato; sinabi ng Allah: (ano naman ang masasabi ninyo, O kayong mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh, sa mga diyus-diyusan na ito na inyong sinasamba: si ‘Al-Lât,’ si ‘Al-`Uzzâ’ at ‘Al-Manât’ na pangatlo, nakapagdulot ba sila ng kapakinabangan o nakapagsanhi ba sila ng kapahamakan upang sila ay ituring na mga katambal ng Allâh?)
At mula sa hadeeth na inulat ni Abi Waqid Al-laythiy Radhiyallahu Anhu, kanyang sinabi: “Lumisan kami kasama ang Sugo ng Allah patungong Hunain sa isang labanan, at sa panahong yaon ay kaiiwan lamang namin sa kufr, at nadaanan namin ang isang puno na pinagsasabitan ng mga Mushrikin ng kanilang armas upang magpabiyaya dito na kung tawagin ay “Dhat Anwat”, at sinabi namin; o Sugo ng Allah gawan mo rin kami ng “Dhat Anwat”, sinabi ng Propeta,“Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar, sumpa man sa Siyang aking kaluluwa ay nasa Kanyang kamay na ganito ang sinabi ng angkan ni Israil kay Musa. Sabi ng Allah: (at napadaan sila sa mga tao na patuloy na isinasagawa ang pagsamba sa kanilang mga rebulto, kaya sinabi ng mga angkan ni Isrâ`îl: “Igawa mo kami, O Musã, ng rebulto na sasambahin namin na katulad ng mga rebulto na kanilang sinasamba.” Sinabi ni Musa sa kanila: “Katiyakan, kayo ay mga tao na hindi nakaiintindi sa Kadakilaan ng Allâh)
71
Ang Pang-apat na panuntunan: Ang mga Mushrikin sa ating panahon ay mas malubha sa kanilang Shirk kaysa sa mga naunang panahon. Sapagkat ang Mushrik noon ay tinatambal lamang nilang ang Allah sa mga panahong maginhawa ang kanilang buhay ngunit kung dumarating ang kagipitan at kahirapan sa kanila ay ang Allah lamang ang kanilang sinasamba. Ngunit ang mga Mushrik sa ating panahon ay itinatambal ang Allah sa panahon ng ginhawa at tinatambal pa rin nila ang Allah sa pahanon ng kagipitan at kahirapan. Ang patunay sa mga ito ay ang sinabi ng Allah: (Kapag nakasakay ang mga walang pananampalataya sa sasakyang- pandagat, at natakot sa pagkalunod, ang kanilang paniniwala sa Allâh ay nagiging bukod-tangi na para lamang sa Kanya at nagiging taos-puso ang kanilang panalangin habang sila ay nasa ganitong kagipitan, subalit kapag sila ay ligtas nang nakadaong sa kalupaan at nawala na sila sa kagipitan ay bumabalik sila sa pagsamba ng iba bukod sa Allâh) (1)
At tunay ang Allah ang lubos na nakakaalam
Wa Sallallahu ala muhammadin wa ala Alihi wa sahbihi wa sallam
(1) ipinaliwanag ng may-akda sa panuntunang ito ang panganib ng katayuan ng mga Mushrik sa ating panahon, dahil mas malubha ang kanilang Shirk kaysa sa mga naunang panahon na mga Mushrik; Dahil ang mga Mushrik sa ating panahon ay itinatambal ang Allah sa panahon ng ginhawa at tinatambal pa rin nila ang Allah sa pahanon ng kagipitan at kahirapan, at ang mga mushrikin noon ay nagtatambal sa Allah sa mga panahong maginhawa sila, at sumasamba sila nang dalisay sa Allah sa panahon ng kagipitan at kahirapan nila.
At kung ang mga Kuffar sa panahon ng Propeta Muhammad Sallahu Alayhi Wasallam ay mas mababa ang kanilang Shirk ngunit ay naging kafir o di-mananampalataya pa rin sila, ano sa tingin mo sa sinuman ang kanyang pagtatambal ay patuloy kahit pa sa maginhawang kalagayan o kagipitan at kahirapan, sila ay mas karapat-dapat na maging kafir sa simula pa lamang.
72
Ang Al-Qawaid Al-Arba’ay buod ng Aklat na Khashfush Shubuhat Ang Panimula: Unwanus Sa’adah” (Palatandaan ng Kaligayahan) Unwanus Sa’adah” (Palatandaan ng Kaligayahan) kapag sila ay pinagkalooban ay nagpapasalamat Ang biyaya ay isang pagsubok Ang patunay sinabi ng Allah: (At ang pananatili rito sa daigdig ay pagsubok lamang sa pag-aatas o pagbabawal) pagpapasalamat sa biyaya naka-ugnay sa Tawhidul Rububiyyah Ang Paraiso ay hinihingi lamang mula sa Allah; dahil siya ang nagmamay-ari nito, ganoon din ang Biyaya, hindi ito maaring hingiin maliban lamang sa Allah Taala. naka-ugnay sa Tawhidul Uluhiyah Puso: ganap na pagsuko na ang tagapag-biyaya ay ang Allah at ang lahat ng bagay na nasa isang tao ay biyayang nagmula sa Allah. Dila: (“Ito ay mula sa Kagandahang-Loob ng Aking ‘Rabb’ upang subukin ako: kung ako ba ay magpapasalamat o tatanggi at di magpapasalamat?) Katawan: paggamit sa biyayang pinagkaloob sa mabuting paraan at kinalulugudan ito sa atin ng Allah, dagdag pa riyan ang paggawa ng mga gawaing pagsunod para lamang sa Allah at paglayo mula sa mga pagsuway sa Kanya at ang pasunod sa Kanyang utos. At kapag sinubok siya ay nagtitiis Ang mga kalagayan ng mga tao sa tuwing dumarating ang masasakit na pangyayari. Ang pagkagalit sa masasakit na pangyayari rito sa mundo ay kabilang sa mga kabair o malalaking kasalanan. Bagkus maaaring umabot pa sa Shirk Asghar, at ito ay mangyayari sa pamamagitan ng Puso, Dila at Katawan Pagtitiis (Sabr): ang hatol nito ay wajib o obligado ayon sa pinagkasunduan ng Ummah. Magsabr tayo sa pamamagitan ng puso, dila at katawan.
73
Pagkalugod (Ridah): ang kanyang hatol ay Mustahabb o isang kaibig-ibig na gawain, at ang ganap na pagkalugod sa Panginoon, ang malaman niya na ang lahat ng bagay na tumama sa kanya ito ay nagmula sa Allah at lahat ng itinadhana ng Allah sa isang tao ay kabutihan. Pagpapasalamat (Shukr): ito ang pinakamainam na antas at pinakakumpleto. At ito ang pinaka kaibig-ibig sa lahat, at mapabilang sa mga alipin ng Allah na mapagpasalamat. at kapag nakagawa ng kasalanan siya ay humingi ng kapatawaran Bakit natin pag-aaralan ang Tawheed? At peligro ng Shirk Ang Al-Hanifiyah ay relihiyon ni Ibrahim, nilikha ka ng Allah upang sambahin mo siya nang nag-iisa, ang pagsambang ito ay hindi matatawag na isang pagsamba hanggat magkaroon ng Tawheed, kapag ang Shirk o pagtatambal sa Allah ay humalo sa anumang Pagsamba, ito ay masisira at magiging walang saysay. At wawasakin ang anumang gawain, at ibibilang ang mga tauhan ng shirk sa mga mananatili sa impiyerno nang walang hanggan, ang pinakamahalagang bagay sa iyo ay ang malaman mo ito. Ang Apat na panuntunan Ang Unang Panuntunan: dapat mong malaman na ang mga Kuffar na silang kalaban ng Sugo, sila ay naniniwala sa Tawheedur Rububiyah, at hindi sila naniniwala sa Tawheedul Uluhiyah, at dahil dito ay hindi sila nakapasok sa Islam. Ang Pangalawang Panuntunan: Ang mga Kuffar ay sumasamba sa mga rebulto at iba pang diyus-diyosan sa kadahilanang nais nilang makamit ng Qurbah at Shafa’ah. Ang Pangatlong Panuntunan: Tunay na ang Propeta Muhammad Sallahu Alayhi Wasallam ay lumitaw sa mga taong may iba’t-ibang mga sinasamba, ang mga ito ay kinalaban ng Propeta at tinuring sila na magkakatulad. Ang Pang-apat na panuntunan: Ang mga Mushrikin sa ating panahon ay mas malubha sa kanilang Shirk kaysa sa mga naunang panahon.
74
sss
Ang patunay mula sa Quran at Sunnah
Gawain
Ang Biyaya ay pagsubok
Paniniwala ng mga Kuffar sa Rububiyyah
Paghingi ng Qurbah
Shafa’ah Manfiyah
Patunay sa Araw at Buwan
Patunay sa Mga Malaikah
Patunay sa mga Sugo
Patunay sa mga mabubuting tao
Patunay sa mga Puno at Bato
Ang mga Mushrik ay sumasamba ng dalisay sa Allah sa panahon ng kanilang kahirapan at sila ay nagtatambal sa kanya sa panahon ng kanilang kaginhawahan
Patunay sa Shirk
Pagsusulit sa Al-Qawaid Al-Arba’
Pangalan: ……………………………………….……… Bilang ng nasaulo mula sa Kitabut Tawheed: ………...
Iyo bang nasaulo ang Al-Qawaid Al-Arba’: ………………………………...
75
Bakit tayo nag-aaral ng Tawheed?
1- 2- 3- 4-
5- 6- 7- 8- 9-
Bakit natin pinag-aaralan ang Al-qawaid Arba’
1- 2-
3- 4-
Nababahagi ang Aklat na
Al-Qawaid Arba’
1- 2- 3-
Ang aklat na Al-Qawaid Arba ay buod ng Aklat na
Bakit natin pag-aaralan ang aklat na Khashful Shubuhat?
Unwanus Saadah
1- 2- 3-
Al-Hanifiyah
Ang bunga mula sa pag-aaral ng Al-qawaid
Ang Awliyah ng Allah sila ang…
Sinabi ni Shaykhul Islam:
Ang patunay dito
At bakit:
Mangyayari ang pagpapasalamat sa biyaya. Magbigay ng halimbawa.
1-
2-
3-
Isulat ang iyong mga nalalaman sa mga sumusunod:
76
Paano mangyayari ang ugnayan ng isang alipin sa Allah?
Ang mga kalagayan ng mga tao sa tuwing dumarating ang masasakit na pangyayari.
1- at kanyang hatol ito ay mangyayari: 1- 2-
2- at kanyang hatol ito ay mangyayari: 1- 2
3- 4-
Ang Shafaa’h literal na kahulugan
Sa Islam:
Nababahagi ang Shafaa’ah sa
1- 2-
Kondisyon ng Shafaa’ah Muthbatah
1- 2- 3-
At nababahagi sa: 1- at nabahahagi sa: 1- 2-
3- at nabahahagi sa: 1- 2-
Unang Panuntunan
Pangalawang Panuntunan
Pangatlong Panuntunan
Apat na Panuntunan
Hatol sa isang gawaing kapag nahaluan ng Shirk,
Ang Patunay:
77
Ang mga gawaing nakakawalang-bisa sa Islam ng isang Muslim (NAWAQIDUL ISLAM)
78
NAWAQIDUL ISLAM
Sinabi ni Shaykhul Islam Muhammad bin Abdilwahhab (Rahimahullah):
Sa ngalan ng Allah
Ang Pinakamahabagin, Ang Pinakamaawain
Alamin mo na ang Nawaqidul Islam ay sampung gawain:
Pangalawa: Sinumang gawin niya ang anumang bagay bilang tagapamagitan sa pagitan niya at ng Allah; nananalangin siya dito, at nagsusumamo ng Shafa’ah (pamamagitan) at nananalig sa kanila ay naging isang Kafir o hindi Muslim.
Pangatlo: Sinuman ang hindi niya itunuturing ang mga mushrikin o mga nagtatambal sa Allah bilang mga Kafir, o nagdududa sa kanilang pagiging hindi Muslim o kaya ay itinuring na tama ang kanilang mga gawaing panrelihiyon ay naging isa ring Kafir.
Pang-Apat: Sinumang maniwala na ang iba pang gabay maliban pa sa gabay ni Propeta Muhammad (Saw) bilang mas kumpleto kaysa sa kanyang gabay o kaya ay mas mabuti ang hatol ng iba pa maliban sa hatol niya tulad ng mga taong mas pinipili nila ang hatol ng mga Taghut o mga pinuno na nagpapatupad ng ibang batas maliban pa sa batas ng Islam kaysa sa hatol ni Propeta Muhammad (SAW) ay naging isa ring Kafir.
Panglima: Sinuman ang mamuhi sa anumang ipinahayag sa Propeta Muhammad kahit pa ito ay kanyang isinasagawa ay naging isa ring kafir.
Una: Ang Shirk (Pagtatambal) sa pagsamba sa Allah, sinabi ng Allah Ta’ala: (Katiyakan, ang Allâh ay hindi nagpapatawad sa sinumang nakagawa ng anumang ‘Shirk’; subalit pinatatawad Niya ang anumang kasalanan maliban sa ganitong uri ng kasalanan, sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin.), at sinabi pa: (Katiyakan, ang sinumang sasamba ng iba bukod sa Allâh ay ipinagbawal sa kanya ng Allâh ang Al-Jannah, at inilaan sa kanya ang Impiyerno na kanyang patutunguhan, at walang sinuman ang makatutulong sa kanya para makaligtas mula roon (sa Impiyernong yaon).) , at kabilang rito: ang pag-aalay ng kinatay na hayop sa iba maliban pa sa Allah, katulad ng pag-aalay nito sa isang Jinn o sa isang libingan ng namatay.
79
Pangpito: Ang Sihr o Salamangka at kabilang rito: Ang Sarf o pangkukulam at A’tf o panggagayuma, at sinuman ang gumawa nito o nalugod sa gawaing ito, siya ay naging kafir. Sinabi ng Allah: (Hindi sila (ang dalawang anghel na sina Harut at Marut) nagturo sa sinuman ng mahika at pangkukulam liban na lamang na sabihin muna nila sa kanila; na 'tunay na kami ay pagsubok lamang kaya't huwag kayong mawalan ng pananampalataya (sa pamamagitan ng pag-aaral ng mahika at pangkukulam).
Pangwalo: Ang pagtulong sa mga Mushrikin at pakikiisa sa kanila laban sa mga Muslim. Sinabi ng Allah: (At sinuman sa inyo, samakatuwid, ang makipagtulungan sa kanila, siya na nakipagtulungan ay magiging kabilang sa kanila at ituturing siyang katulad nila. Katiyakan, ang Allâh ay hindi Niya ginagabayan ang mga tao na mga masasama na nakikipagtulungan sa mga walang pananampalataya.)
Pangsiyam: Ang sinumang maniwala na may ilang mga tao na hindi nasasakop ng Shari'ah o batas ni Propeta Muhammad (SAW) katulad ng hindi pagkakasakop ni Khadhir sa Shari’ah ni Musa -Alayhis salam- ay isa ring Kafir.
Pangsampu: Ang pagtalikod sa relihiyon ng Allah, hindi ito pinag-aaralan at isinasabuhay. Sinabi ng Allah: (Mayroon pa bang pinakamatindi ang kanyang kasamaan, sa (harapan ng) kanyang ‘Rabb’ kaysa sa isa na kapag pinaaalahanan sa mga palatandaan ng Allâh ay tinatalikuran niya ang lahat ng ito. Katiyakan na Kami ay maghihiganti sa mga Mujrimin (mga makasalanan)).
Walang pinagkaiba kung ang mga ito ay ginawa ng isang tao nang pabiro o dahil sa takot maliban na lamang sa napilitan. Ang mga nakakawalang-bisang ito ng Islam ay ang pinakamapanganib at ang may pinakamaraming nalulugmok dito kaya't kailangan sa isang Muslim ang mag-ingat mula sa mga ito at katakutan ang mga ito para sa kanyang sarili. At tayo ay magpakupkop sa Allah Ta’ala mula sa mga bagay na nagsasanhi ng kanyang pagkapoot at masakit na parusa, at itampok nawa ng Allah Ta’ala ang pagpapala at kapayapaan sa kanyang pinakamainam na nilalang na si Muhammad, at sa kanyang pamilya at kasamahan.
Pang-anim: Sinuman ang mangutya, mang-alipusta sa anumang bagay sa relihiyon ng Propeta Muhammad (SAW) o sa mga gantimpala o mga parusa nito ay isa ring Kafir. Sinabi ng Allah: (sabihin mo sa kanila, O Muhammad: “At sa Allâh ba at sa Kanyang mga talata at sa Kanyang Sugo ang inyong pag-aalipusta?” Huwag na kayong mangatwiran, dahil katiyakang, nilabag ninyo ang Allâh sa inyong mga sinasabing pag-aalipusta sa Kanya)
80
Sa ngalan ng Allah
Ang Pinakamahabagin, Ang Pinakamaawain
Alamin mo na ang Nawaqidul Islam ay sampung gawain:
Pagpapaliwanag
Bakit sinisimulan ng mga Ulama ang kanilang mga sulatin sa pamamagitan ng Basmallah?
Paghingi pagpapala sa pamamagitan ng pangalan ng Allah.
Pagbibigay ng Pansin sa Hadeeth: ((Kullu Amrin Dhi balin…)) kahit na ito ay isang mahinang Hadeeth.
Pagsunod sa mga naunang mga Ulama at mga Salaf na ang kanilang kaugalian sa pag-aakda ay ang pagsisimula sa basmallah.
Pagsunod sa Quran at mga Sugo
Kapag matagpuan natin sa mga kasulatan ng Quran at Sunnah na Nagdadagdag sa bilang na iyon, ito ay magiging isang Bilang na hindi Mafhum: ibig sabihin ay maaaring dagdagan na naaayon sa Quran at Sunnah halimbawa: sinabi ng Sugo ng Allah: ((Ang limang mula sa Fitrah)) at sinabi niya pa: ((Layuan ninyo ang pitong nakakapinsalang kasalanan))
Kapag wala tayong matagpuan sa mga kasulatan ng Quran at Sunnah na magdadagdag sa bilang na iyon; ito ay magiging isang Bilang na Mafhum: ibig sabihin ay Hindi maaaring dagdagan; halimbawa: ang bilang ng Arkanul Islam, Arkanul Iman katulad sa Hadeeth ni Jibril Alayhis Salam.
81
Bakit natin pag-aaralan ang mga Nawaqidul Islam?
Upang tayo ay makalayo rito at hindi makagawa nito, ang pag-aaral sa mga ito ay may malaking pakinabang, bagkus ito ang pinaka kapakipakinabang na aralin; katulad ng pag-aaral natin ng mga nakakasira ng Wudhu, upang hindi masira ang ating Wudhu at ganun din ang ating pag-aaral ng mga nakakasira ng Salah, upang hindi maging sira ang ating mga salah. Iniulat ni Hudhayfah bin Yaman Radhiyallahu Anhu kanyang sinabi: ((Isang araw ay nagtatanong ang mga tao sa Sugo ng Allah patungkol sa kabutihan, at ako naman ay tinanong ko siya patungkol sa kasamaan dahil sa takot na ako ay maabutan nito)).
Ano ang Nawaqidul Islam?
Ito ang mga nakakasira ng Islam ng isang Muslim, at maglalabas sa kanya mula sa Islam tungo sa Malaking Kufr.
Ang Islam ito ang: Pagsuko sa Kaisahan ng Allah at pagsunod sa Kanya at pag-iwas sa Shirk at mga tauhan nito.
Ito ba ay may limitadong bilang?
Hindi, hindi ito limitadong bilang.
Bakit sinabi na sampu?
Ibig sabihin ng sampung ito ay siyang pinaka-delikado at upang maisaulo ng mabilis.
At bakit minsan ay tinatawag ng mga Ulama na ito ay Nawaqid at minsan ay Mufsidat o Mubtilat?
Dahil ito ay isang pag-uuri upang hindi magsawa ang isang mag-aaral, ganun pa man ang kanilang kahulugan ay iisa lamang: Nakakasira ng Islam, Nakakasira ng Wudho, Nakakasira ng Salah o Sawm.
Ito bang mga Nawaqid ay napagkasun-duan ng mga Ulama?
Oo.
Ang kahulugan nito:
Ito ang mga bagay na maglalabas sa isang Muslim mula sa Islam tungo sa malaking kufr.
Ilayo nawa tayo ng Allah mula rito at pangalagaan.
Bakit Binabanggit minsan ang Adad o bilang, ngunit hindi ito mafhum?
Ito ay isang uri ng mabuting pagtuturo ng Sugo ng Allah, na kung saan kanyang ninais mula sa mga tagapakinig na masaulo at dumikit sa kanilang mga isipan habang sila ay nasa lugar ng pag-aaral, upang sa ganon ay madaling maalala ang mga usapin at aralin pagkatapos ng pagdaan ng panahon; katulad ng sinabi ng Sugo ng Allah: ((Tatlong bagay na aking sinumpaan sa Allah, at inyo itong kabisaduhin: Hindi na babawasan ang kayamanan ng isang alipin na nagbigay ng sadaqah)), at ang pamamaraang ito ay siyang ginamit ng may-akda sa kanyang mga sulatin.
82
Binanggit ba ng Propeta Muhammad (Saw) ang Sampung Nawaqid?
Ano ang mga batayan nito?
Oo, ang bawat Nawaqid na ito ay binanggit ng Propeta Muhammad (Saw), bagkus ang bawat Naqid ay mayroong batayan mula Quran at Sunnah, sinabi ng Allah Taa’la: (At sa ganitong pamamaraan ng pagpapahayag Namin sa iyo, O Muhammad (Saw) ipinaliliwanag ang mga malilinaw na katibayan sa lahat ng katotohanan, nang sa gayon ay lumantad ang daan ng mga gumagawa ng mga kasamaan.)
Sinu-sino ang mga nagsulat ng aklat tungkol sa mga Nawaqid?
Ang lahat ng nagsulat ng aklat tungkol sa Fiqh ay binanggit ang mga Nawaqid sa kabanata ng hatol sa mga Murtad (tumalikod sa Islam), ngunit ang may-akda ng aklat na ito; siya ang kauna-unahang nagsulat na ibinukod niya at inilagay sa isang aklat.
Sinuman ang gumawa ng alinmang Nawaqid, maaari bang hatulan siya nang pagiging Kafir ng bawat sinumang makakakita sa kanya o nalaman niya ito?
Hindi, bagkus nararapat na sumangguni sa mga Ulama, at sa mga may Awtoridad na maghatol sa batas ng Islam ng pagiging kafir ng isang partikular na tao, sinabi ng Propeta Muhammad (saw) : “Sinumang tao ang nagsabi sa kanyang kapatid na: O kafir; tunay na babalik ito sa isa sa kanilang dalawa.”
Maaari bang takdaan ang mga Nawaqid sa pangkalahatang pamamaraan?
Ang pagdududa sa pagiging Kafir ng mga Hudyo at mga Kristiyano na mga umabot sa kanila ang Da’wah ng Propeta (Saw) ngunit hindi sila naniwala rito.
Mula sa mga Paniniwala; Ang paniniwala na ang pagkamit ng pakinabang mula sa iba maliban pa sa Allah Taa’la
Mula sa mga gawa; Sihr o Salamangka
Mula sa mga salita; pagmura sa Allah Taa’la o sa Sugo ng Allah (Saw) o sa deen.
Mayroong bang pinagkaiba ang mga gawaing Nawaqid at gumagawa nito?
Oo at nararapat lamang, dahil hindi lahat ng tao na nakakagawa ng gawaing kufr ay magiging kafir agad, at nararapat na magkaroon ng matibay na katibayan at mawala ang pagdududa sa paghatol ng kufr sa isang partikular na tao. At ang layunin ng may-akda ay hindi hatulan ang mga partikular na tao; bagkus ang layunin nito ay magbabala mula sa mga Nawaqid, at ito ay isang uri ng pagpapayo para sa Ummah.
83
Ano ang nararapat na gawin ng isang nag-aaral ng Nawaqid?
Nararapat sa isang Muslim na mag-ingat mula sa mga ito at katakutan ang mga ito para sa kanyang sarili. At magbabala siya sa mga tao mula sa mga ito. At ang paghatol sa mga tao ay nararapat isangguni sa mga Ulama at sa mga may Awtoridad na maghatol sa batas ng Islam.
Sinabi ng Allah Taa’la: (Katiyakan, dumating sa inyo, ang Sugo na mula sa inyo, na naghihirap ang kanyang kalooban sa anumang natatamo ninyong kahirapan o kapinsalaan, nagmamalasakit sa inyo upang maituwid ang inyong paniniwala at maging mabuti ang inyong kalagayan, at siya ay maawain, ubod ng buti at mapagmahal sa mga mananampalataya.)
84
Uri ng Shirk
Asghar (Maliit):
At ito ang gawin niyang isang kaparaanan ang isang bagay na hindi naman ginawang kaparaanan ng Allah, at ang lahat ng bagay na daan patungo sa Malaking Shirk ay isang Shirk Asghar.
Akbar (Malaki):
(Ito ang tinutukoy ng may-akda)
At ito ang paniniwala na ang iba pa maliban sa Allah ay may patagong kakayahan sa pangangasiwa sa sanlibutan o nasa kanilang kamay ang pagkamit ng pakinabang o pagtaboy sa kapinsalaan.
-Nag-aalis sa Islam.
-Hindi tatanggapin ang lahat ng gawain.
-Pinahihintulutan para sa mga Awtoridad ang pagpatay sa gumagawa nito at kunin ang kayaman nito.
-Mananatili ang gumagawa nito sa Impiyerno habang panahon.
-kapag tinawag sa batas ng Islam na Akbar.
-kapag nabanggit ang salitang Shirk at Kufr na tukoy sa pamamagitan ng (AL) sa mga kasulatan mula Quran at Sunnah; ito ay Akbar.
- Hindi nag-aalis sa Islam.
-Hindi tatanggapin lamang ang mga gawain na may kahalong Riya'.
- Hindi pinahihintulutan para sa mga Awtoridad ang pagpatay sa gumagawa nito at kunin ang kayaman nito.
- Hindi mananatili ang gumagawa nito sa Impiyerno habang panahon.
-Kapag tinawag sa batas ng Islam na Asghar.
-Kapag nabanggit sa batas ng Islam na ang gawain na ito ay isang shirk o kufr at hindi ito tinukoy sa pamamagitan ng (AL) bilang pantukoy.
Ang Shirk (Pagtatambal) sa pagsamba sa Allah, sinabi ng Allah Ta’ala: (Katiyakan, ang Allâh ay hindi nagpapatawad sa sinumang nakagawa ng anumang ‘Shirk’; subalit pinatatawad Niya ang anumang kasalanan maliban sa ganitong uri ng kasalanan, sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin.), at Sinabi pa: (Katiyakan, ang sinumang sasamba ng iba bukod sa Allâh ay ipinagbawal sa kanya ng Allâh ang Al-Jannah, at inilaan sa kanya ang Impiyerno na kanyang patutunguhan, at walang sinuman ang makatutulong sa kanya para makaligtas mula roon (sa Impiyernong yaon).) , at kabilang rito: ang pag-aalay ng kinatay na hayop sa iba maliban pa sa Allah, katulad ng pag-aalay nito sa isang Jinn o sa isang libingan ng namatay.
85
Pinapatawad ba ang Shirk Akbar?
Hindi ito pinapatawad kapag namatay ang isang tao sa ganitong gawain; sinabi ng Allah Taa’la: (Katiyakan, ang Allâh ay hindi nagpapatawad sa sinumang nakagawa ng anumang Shirk), at kapag nagbalik-loob ito; siya ay papatawarin, sinabi ng Allah: (Sabihin mo, O Muhammad sa Aking mga aliping nagmalabis sa pang-aapi sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsagawa ng anumang ipinag-uutos ng kanilang mga sarili na kasalanan: “Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa Awa ng Allâh. Katiyakan, ang Allâh ay pinatatawad Niya ang lahat ng kasalanan. Katotohanan, Siya ang Ganap na Mapagpatawad ,ang Napakamaawain sa kanila.”), hanggang sa hindi pa sumisikat ang araw sa kanluran; sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): “Hindi matatapos ang Hijrah hangga’t hindi matatapos ang Tawbah at hndi matatapos ang Tawbah hangga’t hindi sumisikat ang araw sa kanluran.”, o dumating ang paghihingalo, sinabi ng Allah: (At hindi tinatanggap ang pagsisisi ng sinumang nagpupumilit sa pagsasagawa ng mga kasalanan hanggang sa dumating sa kanila ang paghihingalo at sasabihin ng isa sa kanila: “Ako’y nagsisisi na ngayon”.).
Kaba’ir
Malalaking kasalanan:
Lahat ng kasalan na may natatanging parusang itinakda katulad ng; pagsumpa o pagtaboy o kawalang kinalaman sa gumagawa nito o kabilang siya sa mga Kafir o Mushrik o hindi kabilang sa mga Mu’mineen o hinalintulad sa mga pinakamasagwang hayop.
Ang Mga Uri ng Kasalanan
Saga’ir
Maliliit na kasalanan:
Lahat ng kasalan na walang natatanging parusang itinakda.
Ang Malaking Shirk:
At ito ang pinaka-
mataas
Ang Maliit na Shirk: Ito ay mas mababa sa Malaking Shirk ngunit mas Malaki ito sa Kabair
Bilang nito:
Ito ay walang takdang bilang ngunit nakatakda ayon sa pamanta-yang nabanggit sa itaas.
Ang Hatol sa Gumagawa nito:
- Mananatiling isang Mu’min ngunit kulang ang Iman o Mu’min sa kanyang Iman makasalanan sa kanyang gawaing kasalanan.
-Mamahalin siya ayon sa bilang ng kanyang Iman, at kamumuhian ayon sa dami ng kanyang kasalanan.
- Hindi maaaring lumapit habang ginagawa niya ang kasalanang ito.
Ang Antas nito:
Magkakaiba, sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): “Ang pinaka-Malaking Kabair”
Ang hatol sa kanya:
Nararapat sa kanya na magtawbah, sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): “Ang Na’ihah kapag hindi ito nagtawbah bago ito mamatay” at sa iba pang hadith: “kapag nilayuan ang Kabair...”
86
Pagkatay ng hayop para sa iba pa maliban sa Allah; bilang pagmamahal at pagdadakila
Katulad ng pagkatay para sa Jinn, at mga patay sa libingan, ay itinuturing na malaking Shirk.
Ang Tatlong Uri Ng Dhabah (Mga Pagkatay) (
Pagkatay na Mubah
Katulad ng karne ng tupa upang kainin o ipagbili.
Ang pagkatay ng hayop para sa Allah
Katulad ng: Hadiy at Udhihiyah at Sadaqat.
87
Pangalawang Naqid
Mga Uri ng Shafa’ah
Sa mga bagay na walang kakayahang gawin ito ng mga nilalang
Sa mga bagay na kayang gawin ng mga nilalang
at ito ay magiging tama sa Apat na kondisyon:
1- Naririyan
2- Buhay
3-May kakayahan
4 - Ito ay sabab o kaparaanan lamang
Manfiyah (Winaksi)
Ito ay winaksi o di-tanggap sa Quran; Ito ay isang bagay na hinihiling sa iba maliban pa sa Allah subalit ang may kakayahan lamang magbigay nito ay ang Allah.
Ang hatol nito ay: Malaking Shirk.
Muthbatah (Pinagtibay)
Ito ang shafa'ah na hinihingi sa Allah. Ito ay may mga kondisyon:
1- Ang pahintulot ng Allah upang mamagitan.
2- Kaluguran ng Allah para sa isang namamagitan
3-At sa pinamamagitanan niya.
Pangkalahatan para sa mga iba pang Sugo at Propeta at mga Anghel at mga Muwahhideen at Al-afrat (mga bata):
1- Upang itaas ang antas ng mga tauhan ng tawheed.
2- Sa sinumang mga taong nahatulan na pumasok sa Impiyerno mula sa mga tauhan ng tawheed ay hindi sila papasukin dito.
3- Sinumang nakapasok sa Impiyerno mula sa mga tauhan ng Tawheed; ay papalabasin sila mula roon.
Natatangi sa Sugo ng Allah (Saw)
1. Ang Dakilang Shafa’ah
2. Pamamagitan ng Propeta sa kanyang amain na Abu Talib na pagaanin ang parusa sa kanya.
3. Pamamagitan ng Propeta sa pagbukas ng mga pintuan ng Paraiso
Sinumang gawin niya ang anumang bagay bilang tagapamagitan sa pagitan niya at ng Allah; nananalangin siya dito, at nagsusumamo ng Shafa’ah (pamamagitan) at nananalig sa kanila ay naging isang Kafir o hindi Muslim.
88
Maaari bang sabihin ng isang tao sa kapwa niya na: Manalangin ka sa Allah para sa akin?
Kung ang paghingi na ito ay mayroong uri ng pangangailangan, ito ay uri ng Shirk Asghar, at kung ang paghingi ng Du’a na ito ay mula sa isang buhay at naririyan at may kakayahan at naniniwala na ito ay isang kaparaanan lamang ito ay maaari; ngunit mas mainam na iwanan ito.
TAWAKKUL
Ito ang totoong pagsandal sa Allah na mayroong kasamang pagtitiwala sa kanya at pagkuha ng mga pinapahintulutan na kaparaanan.
Jaiz:
Ito ang pagsandal at pagtitiwala sa isang tao na buhay sa mga bagay na pinapangasiwa sa kanya na walang kasamang pagsusumamo; katulad ng isang pinagkatiwalaang tao sa pagbebenta ng isang bagay.
Shirk Asghar:
Ito ang pagsandal at pagtitiwala sa isang taong buhay na may kalakip na pagsusumamo sa kanya; katulad ng sinuman sumandal at nagtiwala sa isang tao na buhay sa kanyang biyaya at ginawa niya ito bilang kaparaanan.
Shirk Akbar; kapag ito ay binaling sa iba maliban pa sa Allah:
(Ito ang nais iparating ng May-Akda)
Ang Tawakkul na pagsamba at pagsuko.
Ito ang ganap ng pagsandal at pagtitiwala sa sinuman, na kung saan kanya itong pinapaniwalaan na nasa kanyang kamay ang pagtamo ng pakinabang at nagtutulak palayo ng kasamaan na may kalakip na pagsusumamo, katulad ng pagsandal sa mga patay.
Maaari bang sabihin na: (Ako ay umaasa at nagtitiwala kay pulano) o (Ako ay nagtitiwala at umaasa sa Allah pagkatapos kay Pulano)? At ano ang tama?
Hindi maaaring sabihin na: Umaasa ako kay Pulano, at hindi rin maaaring sabihin na: Ako ay umaasa sa Allah at pagkatapos kay Pulano; dahil ito ay isang Gawain ng puso na hindi maaaring ibaling sa iba pa maliban sa Allah, bagkus sabihin na: ako ay nagtitiwala kay Pulano; Ibig sabihin, pinagkatiwalaan ko siya, ang Propeta Muhammad (Saw) ay ipinagkatiwala sa ilang sahabah ang mga ilang gawain nito, pangkalahatan man o pangnatatangi.
89
Pangatlong Naqid
Ang Hatol sa mga Mushrikeen (mga nagtatambal sa Allah) sa Islam?
Ang lahat ng sinumang dumating at umabot sa kanya ang panawagan ng Propeta Muhammad (Saw) at hindi siya naniwala rito siya ay naging isang Kafir o nakagawa siya ng Malaking Kufr; dahil sinabi ng Allah Ta’aala: (ang sinumang magnais ng iba maliban sa ‘Deen Al-Islâm’ ay hindi ito tatanggapin sa kanya at sa Kabilang-Buhay ay kabilang siya sa mga talunan).
Kabilang ba ang mga Angkan ng Kasulatan sa mga Mushrikeen?
Oo, mapapabilang sila sa mga Mushrikeen na mga hindi naniwala sa Propeta Muhammad (Saw), sinabi ng Allah Ta’aala: (kayong mga Muslim, makipaglaban kayo sa (mga kumakalaban sa Allâh na) hindi naniniwala sa Kaisahan ng Allâh at hindi naniniwala sa Muling Pagkabuhay, at hindi iniiwasan ang anumang ipinagbabawal ng Allâh at ng Kanyang Sugo, at yaong hindi nila tinatanggap ang Tunay na Relihiyon na Al-Islâm ,na katulad ng mga Angkan ng Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano, hanggang sa sila ay magbabayad ng ‘Jizyah’, na ibibigay sa inyo bilang kanilang ganap na pagpapasailalim.), at sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): (“At Ako ay sumusumpa sa may hawak ng aking kaluluwa, walang sinumang nakarinig sa aking katuruan mula sa Ummah na ito, Hudyo man ito o Kristyano at siya ay namatay at hindi naniwala sa katuruang pinadala at pinahayag sa akin, tunay na siya ay kabilang sa mga taga Impiyerno).
Ito ba ay nangangahulugan na hindi na natin pa maaring isakatuparan ang mga Kasunduan?
Sinuman ang mayroong Kasunduan, marapat niya itong isakatuparan upang makamit niya ang pagmamahal ng Allah, sinabi ng Allah: (Kung ang sinumang tutupad sa kanilang kasunduan sa inyo ay tuparin din ninyo sa kanila ang kasunduan. Katiyakan, ang Allâh ay nagmamahal sa mga matatakutin na tumutupad sa kasunduan.), nababahagi ang mga tao tungkol sa pakikitungo sa mga Mushrikeen:
Silang mga nasa pagitan ng Dalawa, at ito ang Ahlus Sunnah wal Jamaah, hindi sila lumalahok sa kanilang mga pagdiriwang, kaarawan at ritwal, at kanilang isinasakatuparan ang mga Kasunduan sa pagitan nila, hindi sila nagmamalabis at nananakit at pinapakitunguan sila sa mga kalakalan, at hinihikiyat sila tungo sa Kaisahan ng Allah.
Silang mga nagmalabis sa kanila sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila, pananakit atbp.
Silang mga lumalahok sa mga kuffar sa kanilang mga pagdiriwang at mga kaarawan at mga tradisyon at ritwal.
Sinuman ang Hindi niya itinuturing ang mga mushrikin o mga nagtatambal sa Allah bilang mga Kafir, o nagdududa sa kanilang pagiging hindi Muslim o kaya ay itinuring na tama ang kanilang mga gawaing panrelihiyon ay naging isa ring Kafir.
90
Pang-Apat na Naqid
Mga bahagi ng paggawad ng hatol bukod sa mga ibinaba ng Allah Ta’ala
At kapag kanyang inakala na ang hatol ng Allah ay obligado itong isabuhay at ito ay mas naaangkop para sa mga bansa at mga tao, ngunit kanyang inuna ang batas ng mga Taghut dahil sa pansariling kagustuhan at kagustuhan sa pamumuno at iba pa; ito ay isang Kufr Asghar at isang fisq, at kung naputol dahil dito ang karapatan ng isang Muslim, siya ay magiging Dhalim, at maaring mahulog siya sa Malaking Kufr na nakapagtitiwalag sa Relihiyon.
Ang tinangkilik niya ang hatol ng Taghut at mga batas nito kaysa sa hatol ng Allah, na may pag-aakala na ang hatol ng Allah ay hindi naaangkop; siya ay nakagawa ng Kufr Akbar o Malaking Kufr na nakapagtitiwalag sa Relihiyon.
Sinabi ng Allah Ta’ala: (Itinuring ng mga Hudyo at mga Kristiyano ang kanilang mga Paham at ang mga palasamba sa kanila na mga Diyos na sinasamba at Panginoon)
Sinumang maniwala na ang iba pang gabay maliban pa sa gabay ni Propeta Muhammad (Saw) bilang mas kumpleto kaysa sa kanyang gabay o kaya ay mas mabuti ang hatol ng iba pa maliban sa hatol niya tulad ng mga taong mas pinipili nila ang hatol ng mga Taghut o mga pinuno na nagpapatupad ng ibang batas maliban pa sa batas ng Islam kaysa sa hatol ni Propeta Muhammad (Saw) ay naging isa ring Kafir.
91
Panglimang Naqid
Ang pagmamahal at pagkamuhi para sa Allah
Ang pagmamahal at pagkamuhi para sa Allah ay kabilang sa mga obligasyon, bagkus ito ang pinakamatibay na tanda ng pananampalataya.
Ang Batayan tungkol dito:
Sinabi ng Allah: (dahil sa kinamuhian nila ang Aklat ng Allâh at di nila pinaniwalaan, na kung kaya, naging walang kabuluhan ang kanilang Gawain.) at sinabi pa: (Sumumpa ang Allâh sa Kanyang Sariling Kataas-taasan, na kailanman ay hindi sila magiging tunay na mananampalataya hanggang hindi ka nila ginagawang hukom, O Muhammad sa anumang hindi nila napagkakasunduan sa mga pagitan nila, pagkatapos ay hindi sila makararamdam sa kanilang mga sarili ng pagtutol sa anumang iyong pinasyahang paghahatol, at sila ay susunod nang ganap na pagsunod.) at sinabi pa: (At sinuman ang ninais ng Allâh na gabayan, ay bubuksan Niya ang kalooban nito sa Islâm; at sinuman ang naisin Niya na maligaw ay gagawin Niya ang kalooban nito na sarado at masikip na siya ay mahihirapan sa pagtanggap ng patnubay; na ang katulad niya ay isa na umaakyat paitaas, na nagkakaroon ng paninikip sa kanyang paghinga.
At ganoon ang ginagawa ng Allâh sa mga kalooban ng mga walang pananampalataya na paninikip, na naninikip ang kanilang dibdib sa paghinga; na ganoon ang ginawang parusa sa mga walang pananampalataya.)
Anu-ano ang mga marapat na mahalin para sa Allah?
Ang mga lugar na kung saan minamahal ito ng Allah; katulad ng Makkah, Madinah Nabawiyah.
Ang panahon na kung saan minamahal ito ng Allah; katulad ng Laytul Qadr at Thuluth Layl Akhir.
(Huling ikatlong bahagi ng gabi)
Ang lahat ng nagsasabuhay ng gawaing kalugud-lugod sa Allah; tulad ng mga Sugo at Propeta at mga Anghel, at mga Sahabah at lahat ng may tawheed sa Allah.
Ang lahat ng mga gawain na kalugud-lugod sa Allah at ito ang lahat ng katuruan sa Islam; tulad ng Tawheed.
Sinuman ang mamuhi sa anumang ipinahayag sa Propeta Muhammad (Saw) kahit pa ito ay kanyang isinasagawa ay naging isa ring kafir.
92
Magiging isang kafir ba ang isang Babae kung kanyang kamuhian ang Taaddud o pag-aasawa ng mga kalalakihan ng higit sa isa?
Sa totoo lamang ang babae ay hindi naman niya tinanggihan ang Batas ng Islam, ngunit hindi niya gusto para sa kanyang asawang lalaki ang magkaroon ng ibang asawa kasama niya at ito ay hindi masisi sa isang babae.
Anu-ano ang mga marapat na kamuhian para sa Allah?
Ang mga Lugar na kung saan kinamuhian ito ng Allah, katulad ng mga lugar ng Shirk.
Ang panahon na kung saan kinamuhian ito ng Allah; katulad na kung saan sinasamba ang Araw dito.
Ang lahat ng nagsasabuhay ng gawaing kinamuhian ng Allah at tinanggihan ito; tulad ng mga Mushrikeen at Munafiqeen at taga-sunod ng Shaytan mula sa mga tao.
Ang lahat ng mga gawain na kinamuhian ng Allah at tinanggihan ito; at ito ang lahat ng pinagbawal ng Islam tulad ng Shirk.
93
Pang-anim na Naqid
Ang Isang Nangungutya
Tatanggapin lamang ang pagbabalik-loob ng isang nangutya sa pananampalataya sa kondisyon:
- Ang purihin niya ang Allah Ta’ala sa mga bagay na nararapat sa Kanya.
- Ang iwaksi at ipagkaila ang lahat ng kanyang sinabing pangungutya.
- Ang ilahad ang tanda ng kanyang pagbabalik-loob upang malaman ang katotohan nito.
At ang isang minura niya ang Propeta Muhammad (Saw) tunay na ang kanyang pagbabalik-loob ay tatanggapin ng Allah Ta’ala kung ito ay naging totoo, at siya ay hahatulan ng kamatayan ng kinauukulan dahil sa kanyang nagawa.
Ang kahulugan at hatol nito:
Ang Al-Istihza ay isang Sukhriyah o pangungutya sa pananampalataya, at ang hatol sa isang nangungutya sa pananampalataya o minumura niya ito ay isang uri ng kufr o naging isang kafir; at ito ay malaking Kufr na nakapagtitiwalag sa relihiyon, at ang gumagawa nito ay panghabang buhay sa Impiyerno.
At isang nakakarinig ng pangungutya sa pananampalataya ay marapat na pigilan ito at umalis sa lugar na iyon, katulad din ito kung napapanood niya o sinasalaysay ito na walang pagbabawal; dahil sa sinabi ng Allah Ta’ala: (At inihayag sa inyo, sa Aklat ng inyong ‘Rabb; na kapag narinig ninyo sa usapan na nilabag at hinamak ang mga talata ng Allâh, ay huwag kayong makiumpok sa kanila maliban na lamang kung babaguhin nila ang usapan ,Walang pag-aalinlangan, kapag kayo ay nakiumpok sa kanila sa gayong kalagayan ay magiging katulad nila kayo)
Magiging isang kafir ba ang isang tao kung ang kanyang pangungusap ay maaring mayroong pagmumura sa pananampalataya?
Ipapaliwanag sa kanya ang bagay na iyon, kung siya ay magbalik-loob ay hahayaan natin siya, at kung hindi ay ating idudulog ang kanyang kaso sa mga kinauukulan at mga Ulama.
Sinuman ang mangutya mang-alipusta sa anumang bagay sa relihiyon ng Propeta Muhammad (Saw) o sa mga gantimpala o mga parusa nito ay isa ring Kafir. Sinabi ng Allah: (sabihin mo sa kanila, O Muhammad: “At sa Allâh ba at sa Kanyang mga talata at sa Kanyang Sugo ang inyong pag-aalipusta?” Huwag na kayong mangatwiran, dahil katiyakang, nilabag ninyo ang Allâh sa inyong mga sinasabing pag-aalipusta sa Kanya)
94
Pangpitong Naqid
Ang Sihr
(Salamangka)
90
Ang hatol nito:
Ang Sihr ay isang malaking Kufr; dahil sa sinabi ng Allah Ta’ala: (Hindi sila (ang dalawang anghel na sina Harut at Marut) nagturo sa sinuman ng mahika at pangkukulam liban na lamang na sasabihin muna nila sa kanila; na “tunay na kami ay pagsubok lamang kaya't huwag kayong mawalan ng pananampalataya (sa pamamagitan ng pag-aaral ng mahika at pangkukulam”).
Ang mga palatandaan ng mga Salamangkero:
-Pagsalungat sa mga kondisyon na pinapahintulutang ruqyah sa Islam.
-Pagsusulat ng mga letra, at mga salita na hindi maintindihan.
-Ang pagsipat sa mga bituin (Astrology), pagbabasa ng palad at baso.
-Pagbubuhol ng lubid at pagdura rito.
- Pangkukulam at panggagayuma.
-Ang utusan ang may karamdaman ng pagsalungat sa batas ng Islam katulad ng paggawa ng Haram o pag-iwan ng Salah, at pag-iwan ng Bismillah sa tuwing mag-aalay ng hayop na kakatayin.
-Pagtatanong sa pangalan ng Ina.
- Ang pag-aangkin ng pagkakaroon ng karunungan ukol sa Al ghayb o mga bagay na nalilingid.
Hatol sa pagpunta sa mga Sahir (Salamangkero o mangkukulam)
Ang tinutukoy dito na pagpunta ay ang pagdalaw, o pagpapadala ng isang tao, o sulat tungo sa salamangkero o mangkukulam, at kabilang din dito ang panonood ng mga palatuntunan sa telebisyon at mga website, at magasin patungkol sa panghuhula, at salamangka, at pagbabasa ng palad at baso…
Ang hatol sa pagpunta sa mga Sahir ang sinumang gumawa nito ay hindi tatanggapin ang kanyang Salah sa loob ng apatnapung (40) araw ayon sa Hadeeth.
At ang sinumang magpunta o dumalaw sa kanila na naniniwala sa kanilang mga sinasabi tunay na sinabi ng Propeta Muhammad (saw): “Sinumang tumungo sa isang 'Arraf o manghuhula at naniwala sa mga sinasabi nito ay nawalan ng pananampalataya sa ipinahayag kay Propeta Muhammad.”, at hindi kabilang dito ang isang nagtungo para pagbawalan ang mga Sahir o pumipigil sa kanila at sila ay nararapat sa gawaing ito.
Ang Sihr o Salamangka at kabilang mula rito: Ang Sarf o pangkukulam at A’tf o panggagayuma, at sinuman ang gumawa nito o nalugod sa gawaing ito, siya ay naging kafir. Sinabi ng Allah: (Hindi sila (ang dalawang anghel na sina Harut at Marut) nagturo sa sinuman ng mahika at pangkukulam liban na lamang na sasabihin muna nila sa kanila; na “tunay na kami ay pagsubok lamang kaya't huwag kayong mawalan ng pananampalataya (sa pamamagitan ng pag-aaral ng mahika at pangkukulam”).
95
An-nushra:
Ang panggagamot sa isang taong kinulam. Ito ay may dalawang uri:
Pinagbawal:
Ang panggagamot sa kulam sa pamamagitan ng kulam. Sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): “Tunay na ito ay mula sa mga gawain ng Demonyo”
Pinahintulutan:
Ang panggagamot sa Sihr sa pamamagitan ng Ruqya' at pagpapakupkop sa Allah at mga gamot na pinahihintulutan sa islam.
Ang sagot at tugon sa mga nagsasabi na maaaring manggamot ng kulam sa pamamagitan pa ng isang kulam:
1. Ang panggagamot ng kulam sa pamamagitan ng kulam ay isang pagsalungat sa Quran at Sunnah, at sa mga Sahaba, at mga Salaf –Kalugdan nawa sila ng Allah-.
2. Ito ay uri ng pagmamaliit sa panggagamot sa pamamagitan ng Quran at mga panalangin mula Sunnah Nabawiyah.
3. Ito ay uri ng pagpapalakas sa pangkukulam at mangkukulam, pagbibigay sa kanila ng awtoridad sa mga tao.
4. Paglihis mula sa katiyakan at ito ang panggagamot sa pamamagitan ng Quran at mga panalangin mula sa Sunnah tungo sa pagdududa at ito ang panggagamot sa pamamagitan ng Sihr.
5. Ito ay uri ng paghingi ng tulong sa mga Demonyo.
6. Kapag nagtiis ang isang taong kinulam, tunay na siya ay makakapasok sa Paraiso katulad ng nabanggit sa Hadeeth.
7. Ang panggagamot ng kulam sa pamamagitan ng kulam ay mas nakakaragdag ng kulam.
8. Ang Propeta Muhammad (Saw) ay nakulam din ngunit hindi niya ginamit bilang panglunas ang Kulam bagkus kanyang ginamit ang pinahintulutang Ruqyah sa Islam.
96
Pangwalong Naqid
Ang pagtulong sa mga Mushrikeen laban sa mga Muslimeen
Obligasyon ng isang Muslim na iwaksi ang mga Mushrikeen at ang kanilang katuruan at marapat na hindi maniwala ang isang Muslim sa kanila, at obligasyon din ng isang Muslim na mahalin at tangkilikin ang mga tauhan ng Tawheed. At sinuman ang mahalin niya ang Kufr at malugod dito o tumulong sa mga Kuffar at mga Mushrikeen laban sa Islam at mga Muslim; siya ay naging isang kafir na Malaking kufr na nakapagtitiwalag sa relihiyon.
At ang resulta sa atin: Ang pakikipagtulungan sa mga Mushrikeen ay dalawang uri:
Hindi isang Kufr na nakapagtitiwalag sa relihiyon:
Hindi dahil sa pagmamahal sa mga Mushrikeen at pagkamuhi sa mga Muslim, bagkus para lamang sa makamundong pakinabang at pansariling kabutihan.
Kufr at Riddah:
Ang pakikipagtulungan sa mga Mushrikeen laban sa mga Muslim dahil sa pagmamahal sa Kuffar at pagkamuhi sa mga Muslim at paghahangad na mangibabaw ang mga kuffar laban sa mga Muslim.
Ang pagtulong sa mga Mushrikeen at pakikiisa sa kanila laban sa mga Muslim. Sinabi ng Allah: (At sinuman sa inyo, samakatuwid, ang makipagtulungan sa kanila, siya na nakipagtulungan ay magiging kabilang sa kanila at ituturing siyang katulad nila. Katiyakan, ang Allâh ay Hindi Niya ginagabayan ang mga tao na mga masasama na nakikipagtulungan sa mga walang pananampalataya.)
97
Pangsiyam na Naqid
Ang sinumang maniwala na may ilang mga tao na hindi nasasakop ng Shari'ah o Batas ni Propeta Muhammad (Saw):
Tunay na siya ay naging Kafir na Malaking Kufr na nakakapagtiwalag sa relihiyon ayon sa pinagkaisahan ng mga Ulama. At sinumang makagawa nito ay bibigyan ng pagkakataon ng magbalik-loob at kung hindi magbalik-loob; siya ay hahatulan ng kamatayan.
Sinabi ng Allah Ta’ala: (Sabihin mo Muhammad! O sangkatauhan, tunay na ako ang Sugo ng Allah sa inyong lahat), at sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): “Kung ang aking kapatid na si Musa ay buhay lamang; siya ay kabilang sa aking tagasunod”.
At napapaloob dito ang mga angkan ng kasulatan na umabot sa kanila ang panawagan ng Islam; dahil sila ay mga Mushrikun katulad ng nabanggit sa una.
Lumabas ba si Khadhir mula sa relihiyon ni Musa? Walang napatunayang batayan sa atin na si Khadhir ay lumabas sa relihiyon ni Musa, at kung ito ay napagtibay, maaaring si khadhir ay hindi sakop sa relihiyon ni Musa, at ang mga sugo ay pinapadala sa kani-kanilang mga nasyon nang bugkod-tangi at ang Propeta Muhammad (saw) ay isinugo sa buong sangkatauhan at hindi maaaring lumabas ang sinuman mula sa kanyang batas at relihiyon.
Ang sinumang maniwala na may ilang mga tao na hindi nasasakop ng Shari'ah o Batas ni Propeta Muhammad (Saw), katulad ng hindi pagkakasakop ni Khadhir sa Shari’ah ni Musa -Alayhis salam- ay isa ring Kafir.
98
Pangsampung Naqid
Ang pagtalikod sa relihiyon ng Allah Ta’ala:
Sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): (Sinuman ang naisin para sa kanya ng Allah ang kabutihan ay pinapaintindi sa kanya ang Deen), kaya naman ang sinuman na hindi ninais ng Allah Ta’ala sa kanya ang kabutihan siya ay tatalikod at magpapabaya sa pag-aaral ng Deen ng Allah Ta’ala, sinabi ng Allah Ta’ala: Mayroon pa bang pinakamatindi ang kanyang kasamaan, sa (harapan ng) kanyang ‘Rabb’ kaysa sa isa na kapag pinaaalahanan sa mga palatandaan ng Allâh ay tinatalikuran niya ang lahat ng ito, Katiyakan na Kami ay maghihiganti sa mga Mujrimin (mga makasalanan)). At ang Mujrimun ay sila ang mga magsisipasok sa impiyerno. Wa I’yadhu Billah
Ang hatol sa pagtalikod sa Deen ng Allah Ta’ala:
Kung siya ay tatalikod sa pamamagitan ng kanyang pandinig at puso sa Propeta Muhammad (saw) ibig sabihin ay hindi niya ito paniniwalaan at hindi rin niya pinapasinungalingan, at hindi niya kakampihan at hindi rin lalabanan at hindi talaga siya nakikinig sa lahat ng dumating na katuruan ng Propeta Muhammad (Saw), ang hatol nito ay isang Kafir na malaking Kufr na nagpapalabas mula pananampalataya. Sinabi ng Allah Ta’ala: (At kapag pinayuhan ang mga yaong mapagkunwari, na sinasabi sa kanila: “Halina kayo sa ipinahayag ng Allâh, at sa Kanyang Sugong si Muhammad, at sa Kanyang gabay,” makikita mo ang mga yaong mapagkunwari na ipinapakita nila na sila ay may paniniwala at itinatago ang kanilang di-paniniwala, na tinatalikuran ka na may matinding pagtanggi.) At sinabi rin: (At sinuman ang tatalikod sa pagsunod sa Allâh na kanyang ‘Rabb’ at tatalikod sa pakikinig ng Qur’ân at pag-iintindi nito, at di-pagpapatupad nito ay papapasukin siya sa matindi at masidhing kaparusahan.).
Pangsampu: Ang pagtalikod sa relihiyon ng Allah Ta’ala, hindi ito pinag-aaralan at isinasabuhay. Sinabi ng Allah: (Mayroon pa bang pinakamatindi ang kanyang kasamaan, sa (harapan ng) kanyang ‘Rabb’ kaysa sa isa na kapag pinaaalahanan sa mga palatandaan ng Allâh ay tinatalikuran niya ang lahat ng ito; Katiyakan na Kami ay maghihiganti sa mga Mujrimin (mga makasalanan)).
99
Pangwakas ng may-Akda
Ang isang napilitan:
Hindi magiging isang kafir ang sinumang pinilit na gawin ang isa sa mga Nawaqid ng Deen, at ang mga kondisyon ng napilit na maaaring maging dahilan ay ito:
1- Ang maging tunay na napilitan, at hindi magiging dahilan ang pagkatakot o pakikisama.
2- Hindi makakapinsala, kapag pinilit na murahin ang sinuman na maaaring maging kafir siya kung minura niya ito, at ito ay nakapinsala sa karamihan mula sa isang iyon, ito ay kufr.
3- Mangyari na umiwas sa abot ng makakaya at huwag maging direktang magsabi ng kufr
4- Mangyari na ang puso niya ay maging panatag sa Iman, ibig sabihin ang masabi ng kanyang dila ngunit mananatili ang Iman sa kanyang puso.
5- Dapat Hindi pilitin sa isang gawain na makakapinsala sa iba o makakapagligaw sa iba.
Walang pinagkaiba ang mga Nawaqid na ito kung ang mga ito ay ginawa ng isang tao nang:
Khaaif o isang takot:
Ito ang nagsasabi na may kasinungalingan na ang kanyang nagawang Naqid ay dahil sa takot mula kapahamakan na maaaring niyang makamit sa kanyang kayamanan o katayuan at siya ay hindi napilitan sa bagay na iyon, sinabi ng Allah : (At mayroon sa tao na nagsasabi: “Naniwala kami sa Allâh,” subalit kapag sila ay nakaranas ng paghihirap mula sa mga walang pananampalataya ay ituturing nilang kaparusahan ng Allâh, at kapag dumating naman ang tulong na mula sa iyong ‘Rabb’;sasabihin nila na mga tumalikod sa kanilang pananampalataya: “Katiyakan, kami ay kasama niyo” Di ba ang Allâh ang Ganap na Nakaaalam kung ano ang niloloob ng Kanyang mga nilikha?)
Jaad o Seryoso:
Ito ay may intensyon na gawin ang Naqid at walang siyang dahilan dito.
Hazil o Pabiro:
Ito ang gumagawa ng Naqid pagkatapos ay nagpapanggap na nagbibiro.
Walang pinagkaiba kung ang mga ito ay ginawa ng isang tao nang pabiro o isang seryoso o dahil sa takot maliban na lamang sa napilitan. Ang mga nakakawalang-bisang ito ng Islam ay ang pinakamapanganib at ang may pinakamaraming nalulugmok dito kaya't kailangan sa isang Muslim; ang mag-ingat mula sa mga ito at katakutan ang mga ito para sa kanyang sarili. At tayo ay magpakupkop sa Allah Ta’ala mula sa mga bagay na nagsasanhi ng kanyang pagkapoot at masakit na parusa, at itampok nawa ng Allah Ta’ala ang pagpapala at kapayapaan sa kanyang pinakamainam na nilalang na si Muhammad, at sa kanyang pamilya at kasamahan.
100
Mga mahalagang paalala:
Una: Hindi ninais ng may-akda sa aklat na ito na gawing kafir ang Ummah, bagkus ang kanyang intensyon sa aklat na ito; ay ituro sa mga tao ang mga Nawaqid na ito upang mag-ingat at matakot mula rito, at kapag nangilag sila rito naging tama ang kanilang Iman, at sila ay makakaligtas mula sa masakit na parusa, at nararapat rin na magbigay sila ng babala sa iba mula sa mga ito; dahil ito ay ang pinakamapanganib, kaya nararapat sa isang Muslim na malaman ito upang mangilag at mag-ingat.
Pangalawa: Ang takot ng isang Muslim mula sa Shirk ay mangyayari sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaalaman sa batas ng Islam, sinabi ng Propeta Muhammad (Saw): (Sinuman ang naisin para sa kanya ng Allah ang kabutihan ay pinapaintindi sa kanya ang Deen), ang kaalaman sa Deen ay siya ang pinakaobligado sa lahat ng obligado, at sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng tanggulan ang isang tao mula sa shirk, Bida’h at pagsuway, at sa tuwing nadaragdagan ang pagkilala ng isang tao sa kanyang Rabb ay nadaragdagan ang pagmamasid niya sa kanyang gawain at mga kalagayan, at sa tuwing tumataas ang kaalaman ng isang tao ay nadaragdagan ang kanyang pagkadalisay para sa Allah at naging ganap ang kanyang Iman, sinabi ng mga ilang maaalam sa Islam: “kumaha kami ng kaalaman na hindi para sa Allah, kaya tumanggi siya sa anumang bagay maliban para sa Allah.”.
Pangatlo: Hindi maaari maghatol sa isang partikular na tao ng pagiging Kafir maliban na lamang kung ito ay napagtibay at napatunayan ang kanyang paggawa ng anumang nakakapawalang-bisa ng pagkamuslim ng isang tao, at magkaroon ng mga batayan sa paghahatol na ito at mawala ang anumang nakakasagabal sa paghatol ng kufr sa isang tao, at maaari lamang na magsagawa ng paghahatol na ito ay mga kinauukulan o mga pinuno ng mga kamusliman o mga kumakatawan sa kanila mula sa mga Hukom at katulad ng kanyang katayuan. At ang mga simpleng mga tao ay hindi maaaring manghimasok sa mga bagay at usaping paghahatol na ito.
Pang-apat: Winakasan ng may-akda ang aklat na ito sa pamamagitan ng isang panalangin na kanyang sinabi: “At tayo ay magpakupkop sa Allah mula sa mga bagay na nagsasanhi ng kanyang pagkapoot at masakit na parusa”, ito ay isang uri ng mabuting intensyon at pagnanais at pagkakaroon ng awa at kabutihan para sa mga mambabasa ng aklat na ito, at ito ay isang kaugalian niya sa lahat ng kanyang aklat at lathalain, kaawaan nawa siya ng Allah Ta’ala at patawarin siya at gatimpalaan siya ng mga kabutihan.
101