Mga Artikulo




31


Nagsabi si Allah (5:44): Ang sinumang hindi humatol


ng ayon sa ibinaba ni Allah, ang mga iyon ay ang mga


tumatangging sumampalataya.


 Huwag kang masuklam sa anumang aral na dumating


mula kay Allah sa pamamagitan ng Aklat Niya o


ng Sugo Niya (SAS) gaya ng pagpapahintulot sa pagaasawa


ng higit isa o pagbabawal sa ribá o pagiging


tungkulin ng pagbibigay ng zakáh.


Nagsabi si Allah (47:8-9): Ang mga tumangging


sumampalataya—kasawian ay sumakanila at sasayangin


Niya ang mga gawa nila. Iyan ay dahil sa sila ay


nasuklam sa ibinaba ni Allah kaya naman pinawalangsaysay


Niya ang mga gawa nila.


 Huwag magkaroon sa dibdib mo ng pagtutol sa mga


utos ni Allah at ng Sugo Niya sapagkat tunay na ang


pananampalataya mo ay hindi magiging lubos malibang


ang kagustuhan mo ay umaayon sa aral na inihatid ni


Muhammad (SAS) mula sa Panginoon niya. Sa utos ni


Allah at ng Sugo Niya ay maging nakikinig at tumatalima


ka.


Nagsabi si Allah (4:65): Kaya hindi, sumpa man


sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya malibang


pinahahatol ka nila sa anumang pinagkahidwaan sa


pagitan sa kanila. Pagkatapos ay hindi sila nakatatagpo


sa mga sarili nila ng isang pagtutol sa anumang inihusga


mo at nagpapasakop sila nang tunay na pagpapasakop.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


32


 Huwag mong ipagbawal ang ipinahintulot ni Allah o


ipahintulot ang ipinagbawal ni Allah at huwag mong


ikaila ang anumang kailangang nalalaman na bahagi


ng katuruan ng Islam gaya ng pagbabawal sa alak at


pagiging tungkulin ang pagdarasal.


Nagsabi si Allah (16:116): Huwag kayong magsabi


ng tungkol sa inilalarawan ng mga dila ninyo na kasinungalingan:


Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal,


upang gumawa-gawa kayo tungkol kay Allah


ng kasinungalingan. Tunay na ang mga gumagawagawa


tungkol kay Allah ng kasinungalingan ay hindi


magtatagumpay.


 Huwag kang tumalima sa isang nilikha sa pagpapahintulot


ng isang bawal o sa pagbabawal sa isang ipinahintulot


sapagkat iyan ay hindi karapatan ng isa man


maliban kay Allah. Samakatuwid ang ipinahintulot ay


ipinahintulot Niya, ang bawal ay ang ipinagbawal Niya


at ang Relihiyon ay ang isinabatas Niya.


Nagsabi si Allah (9:31): Ginawa nila ang mga


pantas nila at ang mga pari nila na mga panginoon


bukod pa kay Allah.47 Sa isang Hadíth: Dumating si ‘Adíy


ibnu Hátim (RA)—noon ay yumakap ito sa Kristiyanismo


bago ang Islam—sa Propeta (SAS), at noong narinig nito


47 Ang mga pantas at ang mga pari na tinutukoy ay ang mga nakaalam


sa ipinahintulot ngunit ipinagbawal nila iyon nang sadya nang


walang pagkalito at walang pagsisikap na alamin ang tama, at ang


mga nagpahintulot sa bawal, sa kabila ng kaalaman nila, nang sadya


nang walang pagkalito at walang pagsisikap na alamin ang tama.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


33


ang Propeta (SAS) na bumibigkas [mula sa Qur’an (9:31)]:


Ginawa nila ang mga pantas nila at ang mga pari nila


na mga panginoon bukod pa kay Allah ay nagsabi ito:


O Sugo ni Allah, tunay na hindi namin sila ginawang mga


panginoon. Nagsabi siya: Oo; hindi ba nila ipinahihintulot


sa inyo ang ipinagbawal sa inyo kaya naman ipinahintulot


ninyo iyon, at ipinagbabawal nila sa inyo ang ipinahintulot


ni Allah kaya naman ipinagbabawal ninyo iyon?


Nagsabi ako: Opo. Nagsabi siya: Samakatuwid, iyan ay


pagsamba sa kanila.48


 Huwag kang matuwa sa pagbaba ng Islam at mga


kaanib nito at sa pagtaas ng Shirk at mga tagatangkilik


nito, sa pangrelihiyon at pangmundong aspeto man.


Nagsabi si Allah tungkol sa mga nagkukunwaring


sumasampalataya (9:50): Kung dinadapuan ka ng isang


mabuti ay ikinalulumbay nila ito. Kung dinadapuan


ka ng isang kasawian ay nagsasabi sila: “Gumawa na


kami ng pag-iingat namin noon pa,” at tatalikod sila


habang sila ay natutuwa.


 Huwag mong tangkilikin ang mga tumatangging


sumampalataya, huwag mong kampihan sila, huwag


mong ibigin sila at huwag mo silang tulungan sa relihiyon


nila sa pamamagitan ng salapi o impluwensiya o


48 Itinala ito ni atTirmidhí sa Sunan niya, Kitáb atTafsír, bilang


3095; ni atTabarí sa Tafsír niya 10/80. Nagsabi si al’Albání tungkol


dito sa Gháyah alMarám na ito ay hasan, pahina 20, bilang 6.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


34


ideya o lakas upang hindi ka maging kabilang sa kanila


upang tipunin kasama nila.


Nagsabi si Allah (60:1): O mga sumampalataya,


huwag ninyong gawin ang mga kaaway Ko at ang mga


kaaway ninyo na mga tagatangkilik na pag-uukulan


ninyo sila ng pagmamahal


 Huwag kang tumulad sa mga tumatangging sumampalataya


sa relihiyon nila o sa anumang kabilang sa


mga katangian nila at sa anumang ikinatatangi nila sa


iba pa sa kanila.


Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Allah (SAS): Ang sinumang nagpakatulad sa ibang


mga tao, siya ay kabilang na sa kanila.”49


 Huwag kang gumawa ng hamak sa Relihiyon mo.


Kaya huwag kang maglangis, huwag kang panghinaan


at huwag kang malungkot sapagkat tunay na ang dangal


ay ukol kay Allah, ukol sa Sugo Niya at ukol sa mga


mananampalataya.


Nagsabi si Allah (3:139): Huwag kayong panghinaan


at huwag kayong malungkot gayong kayo ang


mga pinakamataas, kung kayo ay mga sumasampalataya.


 Huwag kang magduda sa kawalang-pananampalataya


ng mga Mushrik, huwag mong ituring na tama ang


pananaw nila at huwag mong kampihan ang pamama-


49 Sahíh Sunan Abí Dáwud 2/671, bilang 3401.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


35


raan nila o ipagtanggol sila, upang hindi ka maging


kabilang sa kanila.


Nagsabi si Allah (4:51-52): Hindi mo ba napagalaman


ang mga nabigyan ng isang bahagi ng Aklat?


Sumasampalataya sila sa diyus-diyusan at nagdiyusdiyusan,


at sinasabi nila sa mga tumangging sumampalataya


na ang mga ito ay higit na napatnubayan sa


tamang landas kaysa sa mga sumampalataya. Ang mga


iyon ay ang mga isinumpa ni Allah. Ang sinumang


susumpain ni Allah ay hindi ka makasusumpong para


sa kanya ng isang tagatulong.


 Huwag kang makilahok sa mga tumatangging sumampalataya


sa mga pagdiriwang nila at mga okasyon nila


na panrelihiyon o batiin sila dahil sa mga iyon o tulungan


sila sa mga iyon sapagkat iyon ay magiging isang


pagkilala mo sa gawain nila.


Nagsabi si Allah (9:123): O mga sumampalataya,


kalabanin ninyo ang mga nalalapit sa inyo na kabilang


sa mga tumatangging sumampalataya at makasumpong


sila sa inyo ng kabagsikan. Pakaalamin ninyo na si Allah


kasama ng mga nangingilag magkasala.50


50 Upang huwag magkamali sa pag-unawa ng talata na ito ay mangyaring


iugnay ito sa sumusunod ng mga talata ng Qur’an: Makipaglaban


kayo sa landas ni Allah sa mga kumakalaban sa inyo ngunit


huwag kayong lumabag; tunay na hindi minamahal ni Allah ang


mga lumalabag. (2:190) Hindi kayo pinagbabawalan ni Allah sa


mga hindi kumalaban sa inyo dahil sa relihiyon at hindi nagpapalisan


sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magpakabutingMga


Gawaing Ipinagbabawal


36


 Huwag kang bumaling palayo sa Relihiyon mula kay


Allah na hindi mo natututunan ito at isinasagawa ito.


Nagsabi si Allah (33:22): Sino pa ang higit na


lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan


sa pamamagitan ng mga kapahayagan ng Panginoon


niya, pagkatapos ay bumabaling siya palayo


sa mga ito? Tunay na Kami sa mga sumasalansang ay


maghihiganti.


 Huwag kang masasangkot sa panggagaway51 sapagkat


ito ay kabilang sa karunungang itim at ito ay kawalangpananampalataya


na sumasalungat sa pananampalataya.


Nagsabi si Allah (2:102): Sinunod nila ang binibigkas


ng mga demonyo sa panahon ng paghahari ni


Solomon. Hindi tumalikod sa pananampalataya si


Solomon bagkus ang mga demonyo ay tumalikod sa


pananampalataya: itinuturo nila sa mga tao ang panggagaway


at ang ibinaba sa dalawang anghel sa Babilonia,


na sina Hárút at Márút. Ngunit hindi nagtuturo ang


dalawang ito sa isa man malibang nagsasabi ang dalawang


ito: “Tunay na kami ay tukso lamang, kaya huwag


kang tumalikod sa pananampalataya.”


loob sa kanila at makitungo nang makatarungan sa kanila. Tunay


na si Allah ay umiibig sa mga makatarungang makitungo. (60:8)


Kung kumiling sila sa kapayapaan ay kumiling ka rito at manalig


ka kay Allah. Tunay na Siya ay ang Nakaririnig, ang Maalam.


(8:61) Ang Tagapagsalin.


51 Black magic, pangkukulam at iba pa.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


37


 Huwag kang pumunta sa manghuhula sa hinaharap o


albularyo o mangkukulam o manghuhula sa nakaraan o


astrologo o geomancer52 o manghihimalad o magsisigay.53


Ayon sa isa sa mga maybahay ng Propeta (SAS) na


si Hafsah (RA), ayon sa Sugo ni Allah (SAS) na nagsabi:


Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula at nagtanong


dito ng anuman ay hindi tatanggap para sa kanya


ng isang saláh54 sa loob ng apatnapung araw.55


 Huwag kang maniwala sa isang manghuhula o nagaangkin


ng kaalaman sa Nakalingid sapagkat tunay na


ang pagpunta sa kanila at paniniwala sa kanila ay isang


52 Dalubhasa sa geomancy o panghuhula sa pamamagitan ng pagtingin


sa isinabog na lupa o buhangin. Ang Feng Shui ay isa ring uri ng


geomancy. Marahil ang pagpapatawas ay isa ring uri ng geomancy.


53 Ang manghuhulang gumagamit ng sigay sa panghuhula. Ang ganitong


panghuhula ay kadalasang gumagamit ng 16 sigay (dilogun).


Karaniwang itinatapon ng manghuhula ang mga sigay sa isang laang


bandeha. Pagkatapos, ibinabatay niya ang kahulugan ng pagkakatapon


ayon sa kalagayan ng mga ito at kung ang mga ito ay bumagsak na


nakatihaya o nakataob. Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang


tungkol sa Orisha sa Microsoft Encarta.


54 Ang ibig sabihin ng hindi tatanggap sa kanya ng saláh sa loob ng


apatnapung araw ay hindi siya gagantihan at gagantimpalaan doon


sa kabila ng tungkuling gagampanan iyon at pangangalagaan iyon


sapagkat kung itinigil niya iyon ay naging tumatanggi siyang sumampalataya


dahil sa pagtitigil sa pagsasagawa niyon.


55 Sahíh Muslim 4/1397, bilang 2230.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


38


kawalang-pananampalataya sa pagsisiwalat na pinababa


sa pinakamainam na tao (SAS).56


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa Propeta


(SAS) na nagsabi: Ang sinumang nagpunta sa isang nanghuhula


sa hinaharap o sa isang manghuhula sa nakaraan


at pinaniwalaan niya ito sa sinasabi nito, tumanggi nga


siyang sumampalataya sa ibinaba kay Muhammad.57


 Huwag kang humingi ng ulan sa pamamagitan ng mga


bituin, huwag kang mahumaling sa mga horoscope at


astrolohiya.58


56 Ang naniniwala sa manghuhula ay isang tumatangging sumampalataya


dahil siya ay sumasalungat sa mga malinaw na talata ng


Qur’an at mga tumpak na Hadíth kaugnay sa pamumukod ni Allah sa


kaalaman sa Nakalingid at wala nang iba pa sa Kanya. Kaya naman


walang nakaaalam sa Nakalingid kundi si Allah. Ang sinumang


nagduda sa katapatan ng manghuhula o sa kasinungalingan nito,


siya rin ay isang tumatangging sumampalataya dahil nagduda siya


na mayroong isang iba pa kay Allah na nagtataglay ng mga susi sa


Nakalingid.


57 Sahíh Sunan Abí Dáwud 2/739, bilang 3304; Sahíh Sunan


atTirmidhí 1/44, bilang 116; Sahíh Sunan Ibni Májah 1/105, bilang


523; Ayon kay Ahmad sa alMusnad 3/164, bilang 9252, ang siniping


pananalita ay mula sa kanya.


58 Ang pag-aaral ng mga bituin at mga celestial body ay nahahati sa


dalawang bahagi:


A. Upang malaman ang mga panahon ng pagtatanim at ang pagpasok


ng mga oras at mga panahon (season), nang hindi naniniwala na


ang bituin na ito mismo ay nakaaapekto, bagkus ay isang tanda


lamang sa utos ni Allah. Ito ay walang masama.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


39


Ayon kay Abú Málik al-Ash‘arí (RA), ang Sugo ni


Allah (SAS) ay nagsabi: May apat sa kalipunan59 ko na


nasa kalakaran ng Kamangmangan na hindi nila iniiwan


ang mga ito: Ang pagmamalaki sa mga karangalan, ang


paninirang-puri sa mga kaangkanan, ang paghingi ng


ulan sa pamamagitan ng mga bituin60


at ang pananaghoy.61


B. Upang gamiting gabay sa mga pangyayari sa lupa at inuugnay


ang mga ito mismo sa mga galaw ng mga bituin, gaya ng sinasabi


ng iba: “Ang pagpapakasal ninyo ay mabibigo sa bituing ganoon,”


o “Ang pangangalakal mo ay kikita sa bituing gayon.” Ito ay


kawalang-pananampalataya dahil ito ay paglabag sa karapatan ni


Allah kaugnay sa natatangi sa Kanya, at iyon ay ang kaalaman


sa Nakalingid.


59 Ang kalipunan ay salin ng salitang Arabe na ummah na nangangahulugan


ng: Isang pangkat ng mga tao na ipinagbubuklod ng isang


kalagayan na gaya ng relihiyon o pook o panahon. Tingnan ang


alMu‘jam alWasít, p. 27. Samakatuwid ang kalipunan o ummah ay


maaaring tumukoy sa isang bansa o isang pangkat o isang komunidad


ng mga mananampalataya, na siyang kahulugan kung ang tinutukoy


ay ang Kalipunan ng Islam. Ang Tagapagsalin.


60 Ang paghingi ng ulan sa pamamagitan ng mga bituin ay may ilang


kalagayan:


A. Ang paghingi ng ulan mula sa mga ito. Ito ay Shirk sa Pagkapanginoon


at Pagkadiyos dahil ang paniniwala sa paglikha at paglalang


ng iba pa kay Allah ay sumasalungat sa saligan ng Tawhíd.


B. Ang pag-ugnay sa ulan at sa pagpapababa nito sa mga bituin


mismo sa halip na kay Allah. Ito ay malaking Shirk na nakasisira


sa paniniwala sa pagkaiisa ni Allah.


C. Ang pag-asa sa ulan sa mga ito at pagtuturing sa mga ito na kadahilanan,


ang taong ito ay kabilang sa nagtuturing na kadahilanan


ang hindi naman kadahilanan. Nagtataglay ito ng paglabag sa


karapatan ni Allah. Ito ay isang maliit na Shirk na hindi nakaMga


Gawaing Ipinagbabawal


40


 Huwag kang magsabi na inulan tayo dahil sa gayong


bituin62 sapagkat tunay na iyon ay kabilang sa paguugnay


sa buhos ng ulan at sa pagdating ng ulan sa


mga bituin.


Ayon kay Zayd ibnu Khálid al-Juhaní (RA) na


nagsabi: “Nagdasal kasama namin ang Sugo ni Allah ng


dasal sa madaling-araw sa Hudaybíyah nang ang nagdaang


gabi ay umulan. Nang nakatapos na ang Propeta (SAS) ay


humarap siya sa mga tao at nagsabi: Nalalaman ba ninyo


ang sinabi ng Panginoon ninyo? Nagsabi sila: Si Allah at


ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam. Nagsabi Siya: Kinaumagahan,


ang ilan sa mga lingkod Ko ay sumasampalataya


sa Akin at tumatangging sumampalataya. Kaya ang


sinumang nagsabi: Inulan kami dahil sa kabutihangloob


ni Allah at sa awa Niya, iyon ay isang sumasampalataya


sa Akin at isang tumatangging sumampalataya sa


mga tala; ang sinumang nagsabi: Inulan kami dahil sa


pagtitiwalag mula sa Islam ngunit sumasalungat sa kalubusan


ng paniniwala sa pagkaiisa ni Allah.


61 Sahíh Muslim 935, bilang 29.


62 Ang pag-uugnay ng ulan sa mga bituin ay tatlong uri:


A. Pag-uugnay ng pagpapalitaw at paglikha ng ulan. Ito ay isang


malaking Shirk.


B. Pag-uugnay ng kadahilanan. Ito ay isang maliit na Shirk.


C. Pag-uugnay ng oras at panahon. Ito ay ipinahihintulot sa kondisyon


na hindi sasabihing SA PAMAMAGITAN NG o DAHIL


SA, sa halip ay sasabihing SA PANAHON NG: Inulan tayo SA


PANAHON NG gayong bituin sapagkat ito ay naglalayong magpahayag


lamang ng tungkol sa oras ng pagbuhos ng ulan.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


41


talang ito at iyan, iyon ay tumatangging sumampalataya


sa Akin at sumasampalataya sa tala.”63


 Huwag kang mag-ugnay ng kamalasan64 at magdahilan


ng kamalasan sa isang bagay gaya ng ibon o mga


tao o mga pangalan o mga salita o mga pook o mga


pangyayari o mga bilang o mga kulay o mga buwan o


mga araw o mga oras sapagkat ito hindi nagdudulot


ng pinsala at hindi nagdudulot ng pakinabang maliban


pa kay Allah, kaluwalhatian sa Kanya.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Walang pagkahawa [na walang


pahintulot ni Allah], walang pag-uugnay ng kamalasan,


walang Hámah, walang kamalasan sa buwan ng Safar,


walang ulan dahil sa bituin, at walang ghawl.”65


 Huwag kang magpasinungaling sa itinakda: ang


mabuti nito at ang masama nito sapagkat ang itinakda


ay lihim ni Allah sa nilikha Niya. Walang nagaganap


63 Sahíh alBukhárí 1/314, bilang 1038; Sahíh Muslim 1/82, bilang


71.


64 Ito ay tiyarah o tírah sa wikang Arabe. Ang pag-uugnay ng


kamalasan o ang paniniwala sa masamang pangitain sa isang


nakita, o isang narinig, o isang bagay, o isang pangyayari. Marami


ang halimbawa nito sa kulturang Pilipino. Halimbawa: ang


paniniwala na ang pusang itim na nasalubong ay nagbabadya ng


kamalasan; na ang bilang na 13 ay malas. Ang Tagapagsalin.


65 Ayon sa alMu‘jam alWasít: Naniniwala ang mga Arabe na ito


ay isang uri ng mga demonyo na lumilitaw sa sari-saring anyo sa


mga tao sa ilang at nagpapahamak sa kanila.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


42


sa sansinukob ni Allah malibang nalaman Niya, niloob


Niya, isinulat Niya at nilikha Niya.


Ayon kay Zayd ibnu Thábit (RA) na nagsabi:


“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Kung sakaling pinagdusa


ni Allah ang mga naninirahan sa mga langit Niya


at ang mga naninirahan sa lupa Niya, pagdurusahin Niya


sila gayong Siya ay hindi lumalabag sa katarungan sa


kanila. Kung sakaling kinahabagan Niya sila, ang awa


Niya ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa mga gawa


nila. Kung sakaling gumugol ka ng tulad ng bundok ng


Uhud na ginto sa landas ni Allah ay hindi tatanggapin


iyon ni Allah mula sa iyo malibang sumampalataya ka


sa Itinadhana at malaman mo na ang anumang nagpasawi


sa iyo ay hindi nangyari upang maliin ka at ang


anumang nagpamali sa iyo ay hindi nangyari upang


pasawiin ka. Kung sakaling namatay ka sa hindi ganito


ay talagang papasok ka sa Apoy.”66


 Huwag kang maghinanakit67 sa itinakda ni Allah, at


pakaalamin mo na ang anumang nagpasawi sa iyo ay


hindi nangyari upang maliin ka at ang anumang nag-


66 Sahíh Abí Dáwud 3/890, bilang 29; Sahíh Ibnu Májah 1/19,


bilang 77.


67 Ang paghihinakit sa mga masakit na Itinakda ni Allah ay sumasalungat


sa kalubusan ng paniniwala sa pagkaiisa ni Allah. Maaaring


mauwi ito sa pagsalansang sa saligan ng paniniwala sa pagkaiisa


ni Allah sa paggawa ng kawalang-pananampalataya o pagsabi ng


kawalang-pananampalataya sa sandaling naganap ang kasawian.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


43


pamali sa iyo ay hindi nangyari upang pasawiin ka,68 at


na si Allah ay Marunong sa pagtatakda Niya at pamamahala


Niya.


Ayon kay Anas (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang


Sugo ni Allah (SAS): Tunay na ang bigat ng gantimpala


ay kasama ng bigat ng pagsubok. Tunay na si Allah,


pagkataas-taas Niya, kapag umibig sa mga tao ay sumusubok


sa kanila. Kaya ang sinumang nasiyahan ay ukol


sa kanya ang pagkasiya. Ang sinumang naghinanakit


ay ukol sa kanya ang hinanakit.”69


 Huwag kang magdahilan sa pamamagitan ng Itinakda


sa nagawang mga pagsuway, mga pagkukulang, mga


kasalanan at sasabihin: Kung sakaling si Allah ay nagpatnubay


sa akin, talagang ako ay napabilang sana sa


mga nangingilag magkasala. Ang pagdadahilan sa


pamamagitan ng Itinakda ay sa mga kasawian at mga


pasakit lamang.


68 Ang kinakailangang isinasatungkulin kapag naganap ang kasawian


ay ang sumusunod:


A. Na pagtitiisin ang sarili sa pamamagitan ng hindi pagkainis,


B. Na pagtitiisin ang dila sa pamamagitan ng hindi paghihinaing at


paghihinakit,


C. Na pagtitiisin ang mga paa’t kamay sa pamamagitan ng pagpipigil


sa mga ito sa mga gawain ng paghihinakit gaya ng pagsampal


sa mga pisngi, pagpunit ng damit, pagpuputol ng buhok, pagsasaboy


ng lupa sa ulo at iba pa.


69 Sahíh Sunan atTirmidhí 2/286, bilang 1954; Sahíh Sunan Ibnu


Májah 2/373, bilang 3256.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


44


Nagsabi si Allah (39:56-59): upang huwag sabihin


ng isang kaluluwa: “O panghihinayang sa pagpapabaya


ko kaugnay kay Allah at ako ay talagang kabilang


sa mga nanunuya;” o huwag sabihin nito: “Kung


sakaling si Allah ay nagpatnubay sa akin, talagang ako


ay kabilang sa mga nangingilag magkasala;” o huwag


sabihin nito kapag nakikita na nito ang pagdurusa:


“Kung sakaling mayroon akong isang pagbabalik sa


mundo, ako ay magiging kabilang sa mga nagmamagandang-


loob.” Bagkus dumating na sa iyo ang mga


kapahayagan Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga


ito at nagmalaki ka, at ikaw noon ay kabilang sa mga


tumatangging sumampalataya.


 Huwag kang magsabi na kung sakaling ginawa ko


ang ganito ay talagang nangyari sana ang gayon.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah


(SAS) ay nagsabi: Magsigasig ka sa nagdudulot ng pakinabang


sa iyo. Magpatulong ka kay Allah. Huwag kang


manghina. Kung dinapuan ka ng anuman ay huwag


mong sabihin: “Kung sakaling ako ay gumawa [niyon]


ay nangyari sana ang gayon at ang gayon,” datapuwat


sabihin mo: “Itinakda ni Allah, at ang anumang niloob


Niya ay ginagawa Niya” sapagkat tunay na ang “kung


sakali” ay nagbubukas sa gawain ng Demonyo.70


70 Sahíh Muslim 4/1629, bilang 2664.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


45


 Huwag mong sabihin sa anuman: “Tunay na ako ay


gagawa niyon bukas, nang hindi nagsasabi ng in shá


Alláh (kung niloob ni Allah).”


Nagsabi si Allah (18:23-24): Huwag mo ngang


sabihin sa anuman: “Tunay na ako ay gagawa niyon


bukas,” maliban na nagsasabing kung loloobin ni Allah.


 Huwag mong mithiin ang anumang itinangi ni Allah


sa iba. Masiyahan ka sa ibinahagi ni Allah sa iyo.


Nagsabi si Allah (4:32): Huwag ninyong mithiin


ang anumang itinangi ni Allah sa ilan sa inyo na higit


sa iba. Ang mga lalaki ay may bahagi mula sa nakamit


nila at ang mga babae ay may bahagi mula sa nakamit


nila. Humingi kayo kay Allah mula sa kabutihangloob


Niya. Tunay na si Allah sa bawat bagay ay laging


Maalam.


 Huwag mong ikaila ang biyaya ni Allah sa pamamagitan


ng pagtanggi rito at pag-uugnay ng pinagmulan


nito sa iba pa sa Kanya, o hindi pagsasagawa ng karapatan


nito na pagpapasalamat at pag-alaala kay Allah.


Nagsabi si Allah (14:7): Banggitin noong nagpahayag


ang Panginoon ninyo: “Talagang kung nagpasalamat


kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa


inyo sa biyaya; at talagang kung nagkakaila kayo sa


biyaya, tunay na ang parusa Ko ay talagang matindi.”


 Huwag kang manumpa sa iba pa kay Allah, gaya ng


panunumpa sa Ka‘bah, sa Propeta, sa karangalan, sa


Mga Gawaing Ipinagbabawal


46


kagalantehan, sa pangangalaga, sa kabanalan, at sa


buhay ni Polano o sa ulo niya o sa karapatan niya.


Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA): “Ang Sugo ni Allah


(SAS) ay nagsabi: Pakatandaan, tunay na si Allah ay


sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang


ninyo. Kaya ang sinumang manunumpa ay manumpa


kay Allah, at kung hindi ay manahimik siya.”71


 Huwag kang manumpa sa ipinagkatiwala sa iyo.


Ayon kay Buraydah (RA), nagsabi ang Sugo ni


Allah (SAS): Ang sinumang manumpa sa ipinagkatiwala


[sa kanya] ay hindi kabilang sa atin.72


 Huwag mong dalasan ang panunumpa kay Allah


upang hindi ka ihantong niyon sa panghahamak at


pangmamaliit sa mga pangalan ni Allah at mga katangian


Niya.


Nagsabi si Allah (5:89): Ingatan ninyo ang mga


panunumpa ninyo.


 Huwag mong tutulan ang panunumpa ng sinumang


nanumpa kay Allah sa harap mo, masiyahan ka sa


panunumpa niya sa harap mo bilang pagdakila kay


Allah, maliban sa [panunumpa sa] kasalanan o sa


anumang wala kang kakayahan doon.


71 Sahíh alBukhárí 7/1128, bilang 6108; Sahíh Muslim 3/621, bilang


1646.


72 Sahíh Sunan Abí Dáwud 2/628, bilang 2788.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


47


Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA) na nagsabi: “Nakarinig


ang Sugo ni Allah (SAS) ng isang lalaki na nanunumpa


sa ama nito kaya nagsabi siya: Huwag kayong manumpa


sa mga magulang ninyo. Ang sinumang manumpa kay


Allah ay magpakatotoo. Ang sinumang may sumumpa sa


harap niya kay Allah ay masiyahan siya. Ang sinumang


hindi nasiyahan dahil kay Allah ay hindi kabilang [sa


mga lingkod] ni Allah.”73


 Huwag mong pagmalakihan si Allah sa anumang


bagay na ibinigay Niya sapagkat tunay na si Allah ay


hindi napabibigatan o napanghihina ng anuman sa


mga pangangailangan ng mga nilikha Niya at hindi


Siya napipilit ng anuman para tugunan iyon.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah


(SAS) ay nagsabi: Huwag sabihin ng isa sa inyo: O Allah


patawarin mo ako kung loloobin Mo, kaawaan Mo ako


kung loloobin mo, at tustusan Mo ako kung loloobin


Mo. Magpasya siya sa paghingi niya. Tunay na Siya ay


gumagawa sa niloob Niya: walang makapipilit sa Kanya.”74


Sa isang sanaysay: Palakihin niya ang mithi niya sapagkat


tunay na si Allah ay hindi mapagmamalakihan ng isang


bagay na ibinigay Niya.75


73 Sahíh Sunan Ibnu Májah 1/359, bilang 1708.


74 Sahíh alBukhárí 8/555, bilang 7478; Sahíh Muslim 4/1638, bilang


2678.


75 Sahíh Muslim 4/1638, bilang 2679.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


48


 Huwag kang magparatang na Káfir sa isa man sa mga


humaharap sa Qiblah, dahil sa isang pagkakasala


hanggat hindi niya ito itinuturing na ipinahihintulot.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Alinmang tao na nagsabi sa


kapatid niya: O Káfir, ay uuwi ang isa sa kanilang dalawa


taglay [ang paratang na] ito kung iyon ay gaya ng sinabi


niya at kung hindi ay babalik [ang paratang na] ito sa


kanya.”76


 Huwag kang manumpa kay Allah, pagkataas-taas


Niya, pagkatapos ay hahatol ka sa isa ng Paraiso o


Impiyerno, maliban sa tinukoy ng pagsisiwalat [ni


Allah] na gayon.


Ayon kay Jundab ibnu ‘Abdulláh (RA) na nagsabi:


“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Sinabi ng isang lalaki:


Sumpa man kay Allah, hindi magpapatawad si Allah kay


Polano. Kaya nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya


at kapita-pitagan: Sino yaong nanunumpa sa Akin na


hindi raw Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako


ay nagpatawad na sa kanya at pinawalang-kabuluhan


Ko ang gawa mo.”77


 Huwag mong alipustain ang mga Kasamahan ng Sugo


ni Allah (SAS) gayong nasiyahan si Allah sa kanilang


lahat at titipunin Niya tayo sa pulutong nila sa Araw ng


76 Sahíh alBukhárí 7/126, bilang 6103; Sahíh Muslim 1/79, bilang


60.


77 Sahíh Muslim 4/1606, bilang 2621.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


49


Pagbangon. Isinumpa ni Allah ang sinumang sumumpa


sa kanila. Nagalit si Allah sa sinumang nag-alipusta sa


kanila at namintas sa isa sa kanila sapagkat sila ang


pinakamabuti sa mga tao pagkatapos ng mga propeta


at mga sugo. Pinili sila ni Allah ayon sa kaalaman Niya


upang makasama ng Sugo Niya.


Ayon kay Sa‘íd al-Khudrí (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo (SAS): Huwag ninyong alipustain ang mga


Kasamahan ko sapagkat sumpa man sa Kanya na ang


kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, kung sakaling ang isa


sa inyo ay gumugol ng tulad ng [bundok ng] Uhud na


ginto ay hindi niya na mararating ang naabot ng isa sa


kanila, ni ang kalahati niyon.”78


 Huwag mong kamuhian ang matuwid na kabilang sa


mag-anak ng Sugo ni Allah (SAS) sapagkat tunay na


ang pagmamahal sa kanila ay bahagi ng Relihiyon at


ang pagpaparangal sa kanila ay bahagi ng kapaniwalaan,


nang walang pagpapalabis sa paggalang sa kanila at


paglampas sa hangganan ng kalagaya nila.


Ayon kay Sa‘íd al-Khudrí (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Sumpa man sa Kanya na


ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang namumuhi


sa amin, ang mga kasambahay [ng Sugo], na isa man


kundi ipapasok siya ni Allah sa Apoy.”79


78 Sahíh Muslim 4/1562, bilang 2540.


79 Itinala ito ni alHákim at ni Ibnu Hibbán. Tingnan ang asSilsilah


asSahíhah 5/643, bilang 2488.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


50


 Huwag kang magparatang sa isa man sa mga Muslim


ng kasuwailan malibang mayroon ka mula kay Allah


na isang patunay na kapani-paniwala tungkol doon.


Ayon kay Abú Dharr (RA) na nagsabi: “Narinig


ko ang Propeta (SAS) na nagsasabi: Hindi pararatangan


ng isang lalaki ang isa pang lalaki ng kasuwailan at hindi


niya ito pararatangan ng kawalang-pananampalataya.


Babalik sa kanya iyon kung ang kapwa niya ay hindi


gaya niyon.”80


 Huwag mong sabihan ang kapwa Muslim na kaaway


ni Allah.


Ayon kay Abú Dharr (RA), narinig niya ang Propeta


(SAS) na nagsasabi: Ang sinumang nag-angkin [na anak]


ng hindi niya ama samantalang nalalaman niya [ang


totoo] ay tumanggi ngang sumampalataya. Ang sinumang


nag-angkin [na kaanak] ng mga tao na hindi naman siya


kabilang sa kanila ay manuluyan siya sa upuan niya


mula sa apoy. Ang sinumang nagtaguri sa isang tao ng


kawalang-pananampalataya o nagsabi [roon]: O kaaway


ni Allah, at hindi naman iyon ganoon ay babalik [ang


paratang] sa kanya.81


 Huwag mong sabihin: Ako ay walang-kaugnayan sa


Islam kapag may isang nangyari. Tulad din nito ang


sabi ng iba: Ako ay Hudyo o Kristiyano kapag nangyari


ang gayon at gayon.


80 Sahíh alBukhárí 7/110, bilang 6045.


81 Sahíh Muslim 1/79, bilang 61.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


51


Ayon kay Buraydah (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang nagsabi: ‘Tunay


na ako ay walang-kaugnayan sa Islam,’ kung siya ay


nagsisinungaling, siya ay gaya ng sinabi niya; at kung


siya naman ay nagtototoo, hindi siya babalik sa Islam


na ligtas.”82


 Huwag mong tawaging Sayyid83 ang Káfir, ang


Munáfiq, ang suwail o ang Naghahayag ng pagsuway


niya.


Ayon kay Buraydah (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Huwag mong tawagin ang


Munáfiq na puno namin sapagkat kung siya ay puno


ninyo, ginalit nga ninyo ang Panginoon ninyo.”84


 Huwag kang magpasok sa Relihiyon mula kay Allah


ng anumang bago sapagkat ang pangunahing panuntunan


sa mga pagsamba ay ang pagpipigil at ang pagbabawal


[sa anumang pagsamba] malibang may nasa-


82 Sahíh Sunan anNasá’í 2/799, bilang 3532; Sahíh Ibnu Májah


1/359, bilang 1707.


83 Ang Sayyid sa literal na kahulugan ay master o puno o pinapanginoon.


Ang ganitong katawagan o ang katumbas nito ay hindi


ginagamit ng mga Pilipino kaya ang pagbabawal na ito ay nauukol


sa mga Arabe na gumagamit ng ganitong katawagan. Ang katawagang


Ginoo o Mister sa Tagalog ay hindi maituturing na katumbas


ng Sayyid dahil ang mga ito ay panawag lamang sa mga lalaking


nasa hustong gulang.


84 Sahíh Sunan Abí Dáwud 3/940, bilang 4163; Sahíh al’Adab


alMufrad, pahina 284, bilang 584/760.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


52


saad na patunay na pang-Shar‘iah mula sa Qur’an at


Sunnah. Huwag kang gumawa ng bid‘ah;85 sumunod


ka na lamang sapagkat sapat na iyon sa iyo. Manatili


ka sa patnubay ni Muhammad (SAS) sapagkat ito ay


pinakamabuting patnubay. Bawat bagong aral ay bid‘ah,


bawat bid‘ah ay pagkaligaw, at bawat pagkaligaw ay


patungo sa Apoy.


Ayon kay ‘Á’ishah (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang


Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang magpasok ng bago


sa kautusan Naming ito, na hindi naman bahagi nito,


iyon ay tatanggihan.”86


 Huwag kang gumawa sa mga tao ng kalakarang


masama sa Relihiyon mula kay Allah sapagkat sasaiyo


ang kasalanan niyon at ang kasalanan ng gumawa ng


ayon doon hanggang sa Araw ng Pagbangon.


Ayon kay Jarír (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni


Allah (SAS): Ang sinumang gumawa sa Islam ng isang


kalakarang maganda ay magkakamit siya ng gantimpala


doon at ng gantimpala ng sinumang gumawa ng ayon


doon kapag wala na siya, nang hindi nababawasan ng


anuman mula sa mga gantimpala nila. Ang sinumang


gumawa sa Islam ng kalakarang masagwa ay mapapasakanya


ang kasalanan doon at ng mga kasalanan ng


85 Aral, katuruan, paniniwala at panuntunan na bago sa Islam o


walang batayan mula sa Islam.


86 Sahíh alBukhárí 3/229, bilang 2697; Sahíh Muslim 3/1083, bilang


1718.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


53


sinumang gumawa ng ayon doon, nang hindi nababawasan


ng anuman mula sa mga kasalanan nila.”87


 Huwag kang makipagtalo hinggil sa Marangal na


Qur’an at Dinalisay na Sunnah sa pamamagitan ng


pananaw mo nang walang kaalaman at huwag kang


sumuong sa pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng mga


ito ng walang kaalaman sa mga ipinahihiwatig ng mga


ito at mga pahayag ng mga matuwid na sinaunang


Muslim hinggil sa mga ito.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah


(SAS) ay nagsabi: Ang pakikipagtalo hinggil sa Qur’an


ay kawalang-pananampalataya.88


 Huwag mong balikatin ang wala kang kaalaman


sapagkat masasadlak ka sa pagsabi tungkol kay Allah


ng bagay na hindi totoo.


Nagsabi si Allah (17:36): Huwag mong sundan


ang anumang wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay


na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat


isa sa mga iyon ay pananagutin.


 Huwag kang gumawa-gawa kay Allah ng kasinungalingan


sapagkat ang gumagawa-gawa ng kasinungalingan


kay Allah ay ang mga hindi sumasampalataya.


Nagsabi si Allah (39:60): Sa Araw ng Pagbangon,


makikita mo ang mga nagsinungaling kay Allah na ang


87 Sahíh Muslim 2/583, bilang 1017.


88 Sahíh Sunan Abí Dáwud 3/870, bilang 3847.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


54


mga mukha nila ay nangitim. Hindi ba sa Impiyerno ay


may tirahan para sa mga nagmamalaki?


 Huwag kang magsinungaling tungkol sa Sugo ni Allah


(SAS) at iuugnay mo sa kanya ang hindi niya naman


sinabi o ginawa.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang nagsinungaling


tungkol sa akin nang sadyaan ay tumuloy siya


sa upuan niya mula sa Apoy.”89


 Huwag mong pakaunahin bago sa utos ni Allah at ng


Sugo Niya ang isang utos o pananaw o hatol o pahayag


o kaisipan sapagkat ang pag-uutos ay ukol kay Allah


bago at matapos. Hindi Siya pananagutin sa anumang


ginagawa Niya samantalang sila ay pananagutin.


Nagsabi si Allah (49:1): O mga sumampalataya,


huwag ninyong pangunahan sa pasya si Allah at ang


Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay Allah.


Tunay na si Allah ay Nakaririnig, Maalam.


 Huwag kang mamili mula sa Relihiyon mula kay Allah,


mga isinabatas Niya at mga paraan ng pagsamba sa


Kanya ng sumasang-ayon sa hilig mo at sumasabay sa


nais mo, pagkatapos ay isasaisang-tabi mo ang iba pa


roon dahil sa pagsalungat niyon sa naiibigan mo. Ang


Relihiyong Islam ay isang kabuuan na hindi mababaha-


89 Sahíh alBukhárí 1/44, bilang 110; Sahíh Muslim 1/alMuqaddimah,


bilang 3.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


55


bahagi, kaya huwag kang sumampalataya sa ibang


bahagi ng Qur’an at tatangging sumampalataya sa


iba pang bahagi.


Nagsabi si Allah (2:208): O mga sumampalataya,


pumasok kayo sa Islam nang lubusan at huwag ninyong


sundan ang mga bakas ng Demonyo; tunay na siya para


sa inyo ay isang malinaw na kaaway.


 Huwag mong tanggihan ang anumang inihatid ni


Muhammad (SAS) buhat sa Panginoon niya na mga


katuruan ng Relihiyon niya90 dahil lamang sa limitadong


pagkaunawa mo roon o dahil sa mga teoriya na


hindi nakabatay sa mismong katotohanan sapagkat


tunay na walang pagsasalungatan sa pagitan ng katotohanang


napag-isipan at ipinarating at walang paglalaban


sa pagitan ng tekstong malinaw at isip na matino,


ngunit sa sandali ng pag-aakalang may salungatan sa


pagitan ng dalawa ang uunahin ay ang katotohanang


ipinarating sa halip na ang napag-isipan.


Nagsabi si Allah (22:62): Iyon ay dahil si Allah


ay ang Katotohanan, at na ang anumang dinadalanginan


nila bukod pa sa Kanya ay ang Kabulaanan, at na


si Allah ay ang Mataas, ang Malaki.


90 Kabilang sa mga kondisyon ng adhikaing Walang Diyos kundi


si Allah ang pagtanggap dito na sumasalungat sa pagtanggi. Kaya


maging dumidinig na tumatalima na sumasampalataya na naniniwala


na nagpapasakop na nagbabalik-loob ka.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


56


 Huwag kang magpakalabis sa Relihiyon mo at aatangan


mo ang sarili mo ng bagay na wala kang kakayahan,


o sasadyain ang gawaing wala kang kakayahan.


Tunay na ang Relihiyong Islam ay madali kaya magpakalalim


ka rito nang may pagkabanayad.


Ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Kaingat kayo sa pagpapalabis


sa Relihiyon sapagkat nilipol ang mga nauna sa inyo ng


pagpapalabis sa relihiyon lamang.”91


 Huwag mong ilayo ang loob ng mga tao sa Relihiyon


sa pamamagitan ng paghihigpit sa kanila rito at masamang


pagpapatupad nito.


Ayon kay Abú Músá (RA) na nagsabi: “Ang Sugo


ni Allah (SAS) noon, kapag nagpadala ng isa sa mga


Kasamahan niya sa ilang gawain niya, ay nagsasabi: Magpasaya


kayo at huwag kayong magpalayo ng loob, at


magpadali kayo at huwag kayong magpahirap.”92


 Huwag mong alipustain ang panahon sapagkat tunay


na iyon ay pananakit kay Allah,93 pagkataas-taas Niya,


91 Sahíh Sunan anNasá’í 2/640, bilang 2863; Sahíh Sunan Ibni


Májah 2/177, bilang 2455.


92 Sahíh Muslim 3/1093, bilang 1732.


93 Ang pag-alipusta sa panahon, lupa, mga bagay, mga bato at mga


nilikha, lahat ng ito at anumang nasasaklawan ng mga ito ay pangaalipusta


kay Allah dahil Siya, sa katotohanan, ay dahilan sa pagkagawa


sa mga ito. Kung sakaling inalipusta mo ang isang bahay


dahil sa kahinaan ng pagkakatayo nito o ang isang sasakyan dahil


Mga Gawaing Ipinagbabawal


57


na lumikha rito, nagpasunud-sunuran dito, nagtakda


para rito ng mga itinakda, at nagpaganap rito ng mga


gawain.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa Propeta


(SAS) na nagsabi: Huwag ninyong alipustain ang


panahon94 sapagkat tunay na si Allah ang [lumikha sa]


panahon.95 Sa isang sanaysay: Nagsabi ang Sugo ni Allah


(SAS): Nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapitapitagan:


Sinasaktan Ako ng anak ni Adan: inaalipusta


niya ang panahon samantalang Ako ang [lumikha sa]


panahon at nasa kamay Ko ang pag-uutos: pinagugulong


Ko ang gabi at ang maghapon.96


 Huwag mong alipustain ang mga diyos ng mga


Mushrik nang sa gayon ay hindi nila alipustain si Allah,


pagkataas-taas Niya.


Nagsabi si Allah (6:108): Huwag mong alipustain


ang mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allah


kaya naman aalipustain nila si Allah dala ng pangaaway


na walang kaalaman.


sa kasamaan ng pagkakayari nito, ito ay pang-aalipusta sa gumawa


nito. Kaya kinakailangang iwasan iyon at mag-ingat laban doon.


94 Ang panahon (adDahr sa Arabe) ay hindi kabilang sa mga


pangalan ni Allah. Nangangahulugan ito na si Allah ay nagpapagulong


ng panahon kung papaanong niloloob Niya.


95 Sahíh Muslim 4/1406, bilang 2246.


96 Sahíh alBukhárí 7/343, bilang 4826.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


58


 Huwag kang mag-anyaya sa pamamagitan ng propaganda


ng kamangmangan gaya ng panatisismong


pagkamakalipi, pagkamakapangkat, pagkamakabayan


at pagkamakalahi sapagkat ipinagbabawal ng Islam


ang pagsapi sa mga pangkating pangkamangmangan


at ang mga kahambugang panlahi.


Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Hindi kabilang


sa atin ang sinumang nag-aanyaya tungo sa pagkamakalipi,


hindi kabilang sa atin ang sinumang nakikipaglaban


alang-alang sa pagkamakalipi, at hindi kabilang


sa atin ang sinumang nagagalit dahil sa pagkamakalipi.97


 Huwag kang maniwala na ang Islam ay matatapos


at madudurog sapagkat ito, alang-alang kay Allah, ay


hindi titigil sa paglalahad ng katwiran mula sa pangkat


na pinanagumpay na hindi mapipinsala ng sinumang


magtatatwa rito. Talagang aabot nga ang bagay na ito


sa naabot ng gabi at maghapon. Si Allah ay mananaig


sa kumakalaban sa Kanya. Talagang kakampihan nga


ni Allah ang sinumang kumampi sa Kanya, na kabilang


sa mga lingkod Niya na mga mananampalataya. Ang


magandang kahihinatnana ay ukol sa mga nangingilag


magkasala.


Ayon kay Thawbán (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Tunay na si Allah ay nagpaiksi


alang-alang sa akin sa lupa kaya nakita ko ang mga silangan


nito at mga kanluran nito. Tunay na ang kalipu-


97 Sahíh Muslim.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


59


nan ko ay aabot ang paghahari nito sa pinaiksi na bahagi


niyon alang-alang sa akin…98


 Huwag kang maniwala na ang Islam ang dahilan ng


pagkaiwan ng mga Muslim at pagkahuli nila, bagkus


ang totoo ay na ang dahilan niyon ay ang paglayo nila


sa Relihiyon nila, ang pagtalikod nila sa panuntunan


ng Panginoon nila at ang hindi paggamit nila ng mga


kaparaanan ng pagtamo ng lakas, ng pananaliksik at


kasarinlan sa pamamahala. Hindi bubuti ang huling


bahagi ng kalipunang Muslim na ito kundi sa pamamagitan


ng nagpabuti sa naunang bahagi nito.


Nagsabi si Allah (24:55): Nangako si Allah sa


mga sumampalataya mula sa inyo at gumawa ng mga


matuwid na talagang itatalaga nga Niya sila na kahalili


sa lupain kung paanong itinalaga Niya na kahalili ang


mga nauna sa kanila, talagang patatatagin nga Niya


para sa kanila ang Relihiyon nila na kinalugdan Niya


para sa kanila, at talagang papalitan Niya ang kalagayan


nila, matapos ang pangamba nila, ng katiwasayan.


Sasambahin nila Ako; hindi sila magtatambal sa Akin


ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya


pagkatapos niyon ay ang mga iyon ang mga nagpapakasuwail.


98 Sahíh Muslim 4/1754, bilang 2889.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


60


 Huwag mong awayin ang taong tinangkilik ni Allah,


ang mga tapag-anyaya tungo sa Relihiyon Niya, ang mga


tagapagtanggol nito at ang mga tagapagsanggalang nito.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo


ni Allah (SAS): Tunay na si Allah ay nagsabi: Ang sinumang


umaway sa Aking isang tinangkilik ay nagpahayag


nga Ako sa kanya ng digmaan…99


 Huwag mong ikaila ang pagkakaroon ng mga himala100


sa mga lingkod ni Allah na matuwid sa kondisyong


sumasang-ayon ito sa malinaw na isinabatas ni Allah


kalakip ang tungkulin na mag-ingat laban sa paglalarolaro


ng mga demonyo at sa pagkalito sa pagitan ng mga


himala at mga pambibighani na ipinahintulot ng Panginoon


ng mga nilalang sa mga suwail, mga gumagawa


ng bid‘ah at mga heretiko.


Nagsabi si Allah (10:62): Pakatandaan, tunay


na ang mga tinangkilik ni Allah ay walang pangamba


sa kanila at hindi sila malulungkot:


 Huwag kang magkimkim sa puso mo ng pagkamuhi


sa isang Muslim o hinanakit dito kalakip ng pagkamuhi


sa mga pagsuway nito.


99 Sahíh alBukhárí 7/243, bilang 6502.


100 Ang mga ito ay mga pambihirang pangyayari na ipinaparangal


ni Allah sa kaninumang loloobin Niya sa mga lingkod Niya na


matuwid. Hindi tumutugon ang mga himalang ito sa hamon, na gaya


ng mga himala ng mga propetang isinugo.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


61


Ayon kay Anas (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang


Sugo ni Allah (SAS): Huwag kayong magmuhian, huwag


kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at


huwag kayong magputulan ng ugnayan. Maging mga


lingkod kayo ni Allah bilang magkakapatid. Hindi ipinahihintulot


sa isang Muslim na iwasan ang kapatid niya


nang higit sa tatlong araw.”101


 Huwag mong kalabanin ang mga kapwa Muslim.


Huwag kang bumitbit ng sandata laban sa kanila maliban


sa sandali ng paglabag nila kapag itinakda ang pagkalaban


sa kanila kapag wala nang paraan na pinakamaliit


para sa pagpigil sa masamang gagawin nila bukod


pa sa pakikipaglaban.


Ayon kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA) na nagsabi:


“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Ang paglait sa Muslim


ay kasuwailan at ang pagkalaban sa kanya ay kawalangpananampalataya.”


102


 Huwag kang humiwalay sa pangkat ng mga Muslim


at pinuno nila sapagkat tunay na ang kamay ni Allah


ay kasama ng pangkat. Ang pangkat ay awa ni Allah


samantalang ang pagkakahati-hati ay pagdurusa.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa Propeta


(SAS) na nagsabi: Ang sinumang lumabas sa pagtalima


101 Sahíh alBukhárí 7/116, bilang 6065; Sahíh Muslim 4/1576,


bilang 2563.


102 Sahíh alBukhárí; Sahíh Muslim 1/80, bilang 643.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


62


at humiwalay sa pangkat, at namatay, ay namatay siya


ng kamatayan na pangkamangmangan.103


 Huwag kang maghimagsik sa nakatalaga sa pamamahala


sa mga Muslim o magtangkang agawin sa kanya


ang pamamahala malibang makakita ng hayagang


kawalang-pananampalataya, na hindi dala ng tiwaling


pagpapakahulugan o pusong nagkakaila sa kabutihan


niya, at mayroon kang kapani-paniwalang patunay


roon mula kay Allah at nagtataglay ka ng kakayahan


doon na hindi magdudulot ng ibayong mga kaguluhan.


Ayon kay ‘Ubádah ibnu as-Sámit (RA) na nagsabi:


“Nagpahayag kami ng katapatan sa Sugo ni Allah ayon sa


pagdinig at pagtalima [sa kanya] sa sandali ng kasiglahan


namin at sandali ng kapaguran namin, at sa kaginhawahan


namin at kagipitan namin, at sa pagtangi [sa kanya] higit


sa amin; na hindi kami magtatangkang agawin ang pamamahala


sa karapat-dapat dito malibang makakita ng hayagang


kawalang-pananampalataya sa inyo na mayroong


patunay roon mula kay Allah; at na magsasabi kami ng


katotohanan saanman kami: hindi kami mangangamba


dahil kay Allah sa paninisi ng isang naninisi.”104


103 Sahíh alBukhárí 8/422, bilang 7053; Sahíh Muslim 3/1173,


bilang 1847, at ang pagkasalaysay ay kay Imám Muslim.


104 Sahíh alBukhárí 8/423, bilang 7056; Sahíh Muslim 3/1169,


bilang 1709.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


63


 Huwag kang tumalima sa isang nilikha kapalit ng


pagsuway sa Tagapaglikha. Ang pagtalima ay sa nakabubuti


lamang.


Ayon kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA), ayon sa


Propeta (SAS) na nagsabi: Ang pagtalima at ang pagdinig


sa taong Muslim ay sa anumang naibigan o kinasuklaman,


malibang inuutusan ng isang pagsuway. Kaya


kapag inutusan ng isang pagsuway ay walang pagdinig


at pagtalima.105


 Huwag kang magpakitang-tao ng mga gawa mo o


magpasikat ng mga ito sa mga tao sapagkat tunay na


sila ay hindi makapagpapakinabang sa iyo ng anuman


laban kay Allah. Iyon ay nakapagwawalang-kabuluhan


sa gawa, nagbibigay-dahilan sa kasalanan, at nag-aalis


sa gantimpala sapagkat tunay na si Allah ay hindi


tatanggap ng gawa malibang ito ay wagas na ukol sa


ikasisiya ng mukha Niya at tama ayon sa isinabatas


Niya.


Nagsabi si Allah (18:110): Kaya ang sinumang


umaasa na makikipagtagpo sa Panginoon niya ay


gumawa siya ng matuwid na gawa at huwag siyang


magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.


 Huwag mong ilantad sa madla ang mga pagsuway mo.


Magtakip ka sa sarili sa pamamagitan ng pagtatakip


105 Sahíh alBukhárí 8/445, bilang 7144; Sahíh Muslim 3/1168,


bilang 1840.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


64


ni Allah sa iyo. Magsisi ka sa Kanya sa bawat mali at


pagkukulang.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) na nagsabi: “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Lahat ng kalipunan ko ay


pinapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan].


Tunay na kabilang sa paglalantad na gagawa ang


lalaki sa gabi ng isang [masamang] gawa. Pagkatapos


kinaumagahan, noong pinagtakpan na siya ni Allah, ay


magsasabi siya: ‘O Polano, gumawa ako kahapon ng


gayon at gayon.’ Magdamag na pinagtatakpan siya ng


Panginoon niya ngunit kinaumagahan ay ibinunyag niya


ang pagtatakip ni Allah sa kanya.”106


 Huwag mong gawin si Allah na pinakaaba sa mga


tumitingin sa iyo at pinakahamak sa mga nagmamasid


sa iyo. Mahiya ka kay Allah sapagkat tunay na si Allah


sa bawat bagay ay Maalam.


Ayon kay Thawbán (RA) na nagsabi: Nagsabi ang


Sugo ni Allah (SAS): Talagang nalalaman ko nga na may


mga tao sa kalipunan ko na darating sa Araw ng Pagbangon


na may dalang mga gawang maganda na mga tulad


ng mga bundok ng Tihámah na puti ngunit gagawin ito ni


Allah na mga yagit107 na nakakalat. Nagsabi si Thawbán:


O Sugo ni Allah, ilarawan mo po sila sa amin at linawin


mo po sila sa amin upang hindi kami maging kabilang sa


kanila samantalang kami ay hindi nakaaalam. Nagsabi


106 Sahíh alBukhárí 7/117, bilang 6069; Sahíh Muslim 4/1812,


bilang 2990.


107 Ibig sabihin: walang kabuluhan.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


65


siya: Pakatandaan, tunay na sila ay mga kapatid ninyo,


kabilang sa kapwa ninyo. Kinukuha nila mula sa gabi


ang kinukuha ninyo subalit sila ay mga tao na kapag sila


na lamang ng mga ipinagbabawal ni Allah ay nilalabag


nila ang mga ito.108


 Huwag mong hanapin ang kasiyahan ng mga tao


kapalit ng pagkagalit ni Allah. Manatili ka sa pagtatangi


sa ukol sa Kanya kaysa sa ninanais ng iba pa sa


Kanya sapagkat tunay na si Allah ay mangangalaga sa


iyo laban sa bawat isa, ngunit hindi ka mapangangalagaan


ng isa man laban kay Allah.


Ayon kay ‘Á’ishah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS)


ay nagsabi: Ang sinumang naghanap ng kasiyahan ni


Allah kapalit ng pagkagalit ng mga tao, pangangalagaan


siya ni Allah sa ligalig ng mga tao. Ang sinumang naghanap


ng kasiyahan ng mga tao kapalit ng galit ni Allah,


iiwanan siya ni Allah sa mga tao.


 Huwag kung tumingin sa kaliitan ng kasalanan subalit


tingnan ang kalakihan ng sinuway mo: si Allah, ang


Panginoon ng mga nilalang.


Nagsabi si Allah (71:13): Ano ang nangyayari sa


inyo, hindi kayo natatakot kay Allah sa kabunyian Niya,


 Huwag mong gawin ang makamundong buhay na


hangarin mo, layunin mo at pagnanais mo, kaya naman


108 Sahíh Sunan Ibni Májah 2/417, bilang 3423.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


66


magiging pinakamalaking alalahanin mo at saklaw ng


kaalaman mo.


Nagsabi si Allah (11:15-16): Ang sinumang nagnanais


sa makamundong buhay at gayak nito, tutumbasan


Namin sila sa mga gawa nila rito at sila sa mga


ito ay hindi kukulangan. Ang mga iyon ay ang mga


walang makakamit sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy,


at nawalan na ng kabuluhan ang niyari nila rito at nawawalan


ng saysay ang ginagawa nila noon.


 Huwag mong kalimutan ang Huling Araw at huwag


kang malilingat sa paghahanda para roon sapagkat


ikaw ay babalik kay Allah yamang ang hantungan mo


ay sa Kanya at ang balikan mo ay ang pagtayo sa harap


Niya. Talagang tatanungin ka Niya tungkol sa bawat


malaki’t maliit at dakila’t hamak.


Nagsabi si Allah (15:92-93): Kaya sumpa man sa


Panginoon mo, talagang tatanungin nga Namin silang


lahat tungkol sa anumang ginagawa nila noon.


Kaya mga kapatid, Pangilagan ninyo ang Araw na kayo


ay ibabalik kay Allah, pagkatapos ay tutumbasan ang


lahat ng kaluluwa sa anumang nakamit nito at sila ay


hindi gagawan ng labag sa katarungan.109 Ihanda ninyo


ang kagamitan at maghanda ng baon: Magbaon kayo,


ngunit tunay na ang pinakamainam na baon ay ang


pangingilag sa pagkakasala.


109 Qur’an 2:271.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


67


Ang Pagwawakas


Heto na tayo, nakatayo sa bungad ng pagtatapos ng


bahaging ito na naglaman ng mga mabilis na kurap at mga


dagliang sulyap sa ilan sa mga aspeto ng ‘Aqídah at Tawhíd.


Nagmasigasig ako na ito ay maging magaan ang pagpapahayag,


matatas ang istilo at pinadali ang paglalahad kaya


naman paningningin ni Allah ang sinumang magpaparangal


sa akin sa pamamagitan ng pagsusuri nito, ng pagbabasa


nito, ng pag-anyaya ayon sa nilalaman nito, at ng pagtulong


sa pagpapalaganap nito.


Ang anumang nilalaman nito na katotohanan at tama ay


mula kay Allah, ang Mapagbigay, ang Mapagkaloob,


yamang Siya ang Tagapagpatnubay tungo roon at ang


nagpapatatag para roon. Ang anumang nilalaman nito na


kamalian at pagkukulang ay mula sa sarili ko at sa Demonyo.


Si Allah ay malayo sa gayon at ang Sugo niya ay walangkaugnayan


doon. Humihingi ako ng tawad sa Panginoon


ko sa bawat pagkakasala ko at kaawaan nawa ni Allah ang


taong magpapatnubay sa akin sa mga kapintasan ko.


Ang sinumang nagnanais ng karagdagang pakinabang ay


sumangguni siya sa mga aklat ng mga May Kaalaman sa


dakilang larangan na ito na tayo ay may pangangailangan


roon higit sa pangangailangan natin sa pagkain, inumin at


paghinga.


Papaanong hindi, gayong ang bunga nito ay paraiso na


ang luwang ay ang pagitan ng mga langit at lupa. Naroon


ang mga lugod na nananatili at kabutihang pangmalawakan


na hindi sumagi sa isip at hindi nasasaklawan ng guniguni,


Mga Gawaing Ipinagbabawal


68


isang kabutihang-loob mula kay Allah at isang biyaya.


Kabaliktaran nito ay pighati na namamalagi sa pagdurusang


nakakapit sa Apoy na naglalagablab na walang papasok


doon kundi ang napakapighati, bilang katarungan mula


kay Allah at karunungan.


Hinihiling natin kay Allah ang kasiyahan Niya at ang


paraiso Niya at nagpapakupkop tayo sa Kanya mula sa


apoy Niya at paghihiganti Niya.


Ang papuri ay ukol kay Allah sa simula at wakas, hayagan


at patago. Pagpalain ni Allah ang Propeta at ang maganak


niya at mga Kasamahan niya, at batiin ng maraming


pagbati.



Kamakailang Mga Post

Isang mensahe mula sa ...

Isang mensahe mula sa isang Muslim na mangangaral sa isang Kristiyanong

BIYAYA NG PAG-AAYUNO ...

BIYAYA NG PAG-AAYUNO NG ANIM NA ARAW NG SHAWAL

KINIKILALA NG MGA KRI ...

KINIKILALA NG MGA KRISTIYANONG ISKOLAR ANG MGA PAGKAKASALUNGAT SA BIBLIYA