Mga Artikulo




Mga Gawaing Ipinagbabawal


3


بسم الله الرحمن الرحيم


Sa ngalan ni Allah,1 ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain


Ang papuri ay ukol kay Allah lamang.2 Ang pagpapala at


ang pagbati ay ukol kay Propeta Muhammad na wala nang


propeta matapos niya. Sumasaksi ako na walang totoong


Diyos kundi si Allah lamang: wala Siyang katambal, at


sumasaksi ako na si Muhammad ay lingkod at Sugo3 Niya.


Huwag mong ihagis ang aklat na ito hanggang sa mabasa


mo nang lubos sapagkat ito ay ay para sa iyo, tanging sa


iyo at hindi sa iba sa iyo.


1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang


Arabe. Ito ay isang pangngalang pantangi at hindi pangngalang


pambalana, kaya ang mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa


pangalang Allah ay SI, NI at KAY at hindi ANG, NG at SA. Samakatuwid


ang tama ay sabihing: SI Allah, NI Allah at KAY Allah. Ito


ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa wikang Filipino,


ang Komisyon sa Wikang Filipino; at ito rin ang paninindigan ng


Ministry of Islamic Affairs sa Saudi Arabia.


2 Ang nagsalin ng aklat na ito ay walang pananagutan sa nilalaman


ng aklat na ito.


3 Kapag binanggit ang salitang sugo o isinugo sa lathalain natin,


ang tinutukoy natin ay isang propetang sugo o isinugo ng Panginoon,


maliban kung tahasang binanggit na iyon ay hindi isang propetang


sugo o isinugo. Ang sugo sa Islam ay ang pinakamataas na antas na


maaaring marating ng isang tao. Ang sugo ay higit na mataas kaysa


sa propeta dahil ang bawat sugo ay propeta rin ngunit ang karamihan


sa mga propeta ay hindi sugo. Sa mga lathalain natin, ang Sugo na


may malaking titik na ‘S’ at ang Propeta na may malaking titik na ‘P’


ay tumutukoy kay Propeta Muhammad (SAS). Ang Tagapagsalin.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


4


Isinulat ko ito sa pamamagitan ng tinta ng pag-ibig at


itinitik ko ito mula sa kaibuturan ng puso.


Ipinadala ko ito kasama ng koreo ng pag-ibig at sugo


ng pananabik upang maparangalan mo ako sa pagdadala


nito sa harap mo, at upang maitanim mo rito ang puso mo


bago ang mga mata mo, at ang isip mo kasama ng mga


paningin mo.


Minamahal na kapatid, ang Relihiyon ay nakabatay sa


matatag na pananampalataya na ang ilan sa mga hinihiling


nito ay gawin ang ipinag-uutos at talikdan ang ipinagbabawal.


Sa dalawang dakilang panuntunan na ito nakasalalay ang


Relihiyon.


Nagsabi si Allah (59:7):4 Ang anumang ibinigay sa inyo


ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang ipinagbawal


sa inyo ng Sugo ay tigilan ninyo.


Nagsabi ang Sugo ni Allah:…kapag ipinagbawal ko sa


inyo ang isang bagay ay iwasan ninyo ito, at kapg ipinagutos


ko sa inyo ang isang utos ay gawin ninyo ito sa abot


ng makakaya ninyo.5


Kung papaanong ang mananampalataya ay sumasamba


sa Panginoon niya sa pamamagitan ng paggawa ng ipinagutos


Niya sa kanya, ng isinatungkulin Niya sa kanya na


gawin niya, ng iniudyuk Niya sa kanya na isagawa niya


bilang pag-ibig, pag-asa at pagpapakalapit-loob, gayon


4 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay salin


mula sa wikang Arabe ng kahulugan ng Salita ni Allah o ng salita


ni Propeta Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin.


Ang Tagapagsalin.


5 Sahíh alBukhárí (8/492) bilang 7288, ayon kay Abú Hurayrah (RA).


Mga Gawaing Ipinagbabawal


5


din naman siya ay naaatangan na talikdan ang ipinagbawal


sa kanya ni Allah at ibinabala sa kanya bilang pagpapakumbaba,


pangamba at pagsuko.


Samakatuwid, siya ay umiikot sa pagitan ng: “Gawin mo”


at “Huwag mong gawin.” Ang pagpipilian ay nasa kanya,


ang daan ay nasa harap niya, at ang ganti ay sa araw ng


paggantimpala: para sa kanya o laban sa kanya. Nagsabi si


Allah (76:3): Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya


sa landas, maging nagpapasalamat man o mapagkaila


sa utang na loob.


Tayo ay mga alipin Niya. Ang alipin ay pag-aari ng amo


niya, na nag-uutos sa kanya at nagbabawal sa kanya. Walang


nararapat sa alipin kundi ang malugod, ang sumuko, ang


magpakumbaba at ang magpahinuhod. Sapat na bilang


karangalan na tayo ay maging mga alipin ni Allah lamang!


Ako ay magtitipon para sa akin at para sa iyo na mambabasa


o tagapakinig ng isang langkay ng mga ipinagbabawal


na nasaad ang pagkabanggit niyon sa Dakilang Qur’an


o sa Marangal na Hadíth ayon sa Marangal na Sugo (SAS)6


sa mga usapin ng Aqídah at Tawhíd upang mapangalagaan


para sa atin ang pananampalataya natin laban sa mga pamimintas


at mga nakasisira, nang sa gayon ay makapag-ingat


tayo na masadlak doon at mahirati roon. Pagkatapos ay


papag-ingatin natin ang mga Muslim laban doon at isasagawa


natin ang tungkuling mag-anyaya na talikdan iyon


ng sinumang nasadlak doon, o layuan iyon ng sinumang


napangalagaan ni Allah laban sa kasamaan niyon.


6 (SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Pagpalain siya ni Allah at


batiin (o pangalagaan). Sinasabi ito kapag binanggit ang pangalan


o ang taguri ni Propeta Muhammad (SAS) o kapag tinutukoy siya.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


6


Si Allah ay hinihilingan ko, sa pamamagitan ng mga


pangalan Niya at mga katangian ay nagsusumamo ako, at


dahil sa pagkamapagbigay Niya ay umaasa ako at may pagasa


ako na pagpapalain ang gawaing ito, na gagawin Niya


ito na di-naglalaman ng anumang mga kamalian at mga


pagkakamali, na ito ay maging wagas na ukol sa ikasisiya


ng marangal na Mukha Niya, at na gantihan Niya ng mabuti


ang sinumang titipon nito, magrerepaso nito, maglalathala


nito at magpapalaganap nito sa gitna ng mga Muslim. Ang


papuri ay ukol kay Allah.


Kaya sa pangalan ni Allah ay magsimula tayo, kay Allah


ay manalig tayo, at kay Allah ay magpatulong tayo.


 Huwag kang magwalang-bahala sa kadahilanan ng


pakakalikha sa iyo.


Nagsabi si Allah (51:56): Hindi Ko nilikha ang jinn


at ang tao kung hindi upang sambahin nila Ako. Ibig


sabihin: Upang pakaisahin nila ako, mag-uutos Siya sa


kanila at magbabawal Siya sa kanila, pagkatapos ay tatalima


naman sila sa Kanya.


 Huwag kang magtuon ng anuman sa pagsamba sa


iba pa kay Allah at huwag kang magtambal ng iba pa


sa Kanya na kasama Niya sa Pagsamba sa Kanya.


Ang ugat ng pagsamba ay ang pagpapakaaba kay


Allah at ang pagpapakumbaba sa Kanya. Ang pagbaling ng


pagsamba sa iba pa kay Allah ay maaaring maging sa isip,


sa salita at sa gawa. Nagsabi si Allah (4:36): Sambahin


ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya


ng anuman.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


7


 Huwag kang umibig sa isang nilikha nang pag-ibig


ng pagpipitagan at pagdakila na gaya ng pag-ibig kay


Allah o higit pa roon.


Ang pag-ibig ay ukol kay Allah lamang, alangalang


sa Kanya at sa anumang iniibig Niya. Lahat ng pagibig


sa mundo, kung ito ay dahil kay Allah at sa pamamagitan


ni Allah, ay kabilang sa pag-ibig kay Allah.7 Sinabi ni


Allah (2:165): May mga tao na gumagawa sa iba pa kay


Allah bilang mga kaagaw, na iniibig nila ang mga ito


gaya ng pag-ibig kay Allah, ngunit ang mga sumampalataya


ay higit na masidhi sa pag-ibig kay Allah.


 Huwag kang matakot sa kaninuman maliban kay Allah


nang pagkatakot na ukol sa pagsamba at pagpapakalapit-


loob, o sa anuman na walang nakakakayang gumawa


niyon kundi si Allah gaya ng pagbawi ng buhay, pagpaparusa


sa pagkakasala at pagpapataw ng parusa roon.


Nagsabi si Allah (2:150): Kaya huwag kayong


matakot sa kanila bagkus matakot kayo sa Akin. Ito ay


upang buuin Ko ang biyaya sa inyo at nang harinawa


kayo ay mapatnubayan.


7 Ang mga uri ng pag-ibig dahil kay Allah:


A. Ang pag-ibig ng pagsinta at pagkagiliw para sa mga anak, mga


bata at sinumang tulad nila.


B. Ang pag-ibig ng pagpapahalaga, kabaitan at paggalang sa magulang,


guro at sinumang tulad nila.


C. Ang pag-ibig ng pagsuyo at pagnanasa sa asawa.


D. Ang pag-ibig ng pagtalima at pagsamba kay Allah, at naisasama


sa pag-ibig ng pagtalima at pag-ibig sa mga taong matuwid na


kabilang sa mga lingkod ni Allah.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


8


 Huwag kang dumalangin sa iba pa kay Allah gaya ng


pagdalangin sa mga taong patay o mga anghel o mga


propeta o mga jinní o mga taong wala sa piling.


Nagsabi si Allah (46:5-6): Sino kaya ang higit na


ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa iba pa kay


Allah, na hindi tutugon sa kanya hanggang sa Araw ng


Pagkabuhay samantalang ang mga ito, sa panalangin


sa mga ito, ay mga nagwawalang-bahala? Kapag tinipon


ang mga tao sa Araw ng Pagkabuhay, ang mga ito para


sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa


pagsamba nila ay mga tatanggi.


 Huwag kang magpasaklolo sa sandali ng kagipitan mo


at kapighatian mo o kaginhawahan mo at kaluwagan


mo sa iba pa kay Allah kaugnay sa anumang walang


nakakakaya niyon kundi si Allah, gaya ng paghingi ng


biyaya o anak, o kagalingan sa karamdaman, o kapatawaran


sa pagkakasala, o pagpababa ng ulan, o paglikha


ng kapatnubay, o pag-aalis ng agam-agam, o pananagumpay


laban sa mga kaaway. Walang masama sa pagpapasaklolo


sa taong buhay na nasa piling kaugnay sa


anumang nakakaya niya sa hinihiling sa kanya, kalakip


ng hindi pagkahumaling ng puso ng nagpapasaklolo sa


nilikhang sumasaklolo. Kay Allah magpakahumaling.


Nagsabi si Allah (10:106): huwag kang manalangin


sa iba pa kay Allah, na hindi nakapagdudulot ng


kapakinabangan sa iyo ni nakapagdudulot ng kapinsalaan


sa iyo, yamang kung ginawa mo iyan, tunay na


ikaw kung gayon ay kabilang sa mga lumalabag sa


katarungan.”


Mga Gawaing Ipinagbabawal


9


 Huwag kang magpakupkop sa iba pa kay Allah sa


pagtataboy sa pinangingilabutan na pinangangambahan


mo sa sandali ng pananatili sa anumang bahagi


ng mundo.


Magpakanlong ka kay Allah at magpakalinga sa


Kanya. Magpakupkop ka sa Kanya sa pamamagitan ng mga


lubos na salita Niya laban sa kasamaan ng anumang nilikha


Niya, nilalang Niya at kinapal Niya. Tungkol naman sa


likas na pangamba sa isang kaaway o isang mabangis na


hayop o mga tulad nito, walang masama rito. Nagsabi si


Allah (72:6): Na may mga lalaking kabilang sa mga tao


na nagpapakupkop sa mga lalaking kabilang sa mga


jinn, kaya nadagdagan lamang nila ang mga ito ng


kasalanan.8


 Huwag kang magsagawa ng tawáf9 ng pagsamba at


pagpapakalapit-loob kay Allah kung hindi sa Ka‘bah


sa Banal na Bahay ni Allah sa Makkah.


Kaya huwag kang magsagawa ng tawáf sa paligid


ng mga libingan o mga bato o iba pa, na naghahangad sa


pamamagitan niyon ng gantimpala ng mga iyon at kinatatakutan


ang kaparusahan ng mga iyon.10 Nagsabi si Allah


(2:125): Banggitin noong ginawa Namin ang Bahay bilang


8 O pagmamalabis, o kahunghangan. Ang Tagapagsalin.


9 Paglibot sa isang bagay. Ang paglibot bilang uri ng pagsamba ay


sa Ka‘bah lamang maaaring isagawa. Ang Tagapagsalin.


10 Ang pagsasagawa ng tawáf at ang pag-aalay sa mga libingan at


mausoleo ay may ilang anyo:


Mga Gawaing Ipinagbabawal


10


balikan para sa mga tao at bilang pook ng katiwasayan.


Ibilang ninyo na dasalan ang tinayuan ni Abraham.


Inatasan Namin sina Abraham at Ismael na linisin nila


ang Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga nananatili,


at mga yumuyukod at mga nagpapatirapa.


 Huwag kang magpabiyaya11 sa isang bato o sa isang


punong-kahoy o isang libingan o iba pang tulad nito.


A. Kung nagsagawa ang isang tao ng tawáf at nag-alay sa taong


nakalibing, siya ay isang Mushrik na nakagawa ng malaking Shirk


na sumasalungat sa Tawhíd, nasamahan man iyon ng isang paniniwala


o hindi nasamahan.


B. Kung ang tawáf niya ay para kay Allah ngunit pinaniniwalaan


niya ang ikapagkakait ng pinsala at ang ikapagtatamo ng pakinabang


sa pagsasagawa niyon, siya ay isang Mushrik na nakagawa


ng isang malaking Shirk na nakapagtitiwalag mula sa Islam at


sumasalungat sa Tawhíd.


C. Kung ang tawáf niya ay para kay Allah ngunit hindi naman siya


naniwala sa epekto nito at nagsasabi lamang na ang mga patay na


ito ay mayroong mataas na katayuan at kalagayan at ang kalagayan


nila ay isang dahilan sa paghadlang sa pinsala o sa pagtamo ng


pakinabang, ito ay isang bid‘ah na maka-Shirk. Siya ay isusumpa


dahil dito gaya ng pagsumpa ni Allah sa mga Yahúdí at mga


Nasrání at gaya ng pagsumpa Niya sa sinumang gumawa sa mga


libingan bilang masjid ang libingan. Subalit siya ay hindi isang


Mushrik na nakagagawa ng malaking Shirk na nakapagtitiwalag


mula sa Islam.


11 Ang mga uri ng pagpapabiyaya:


A. Pagpapabiyaya sa pamamagitan ng bagay na ipinahihintulot gaya


ng Aklat ni Allah. Walang masama rito.


B. Pagpapabiyaya sa pamamagitan ng bagay na natatalos ng panamdam


gaya ng kaalamang pang-Islam, panalangin para sa sarili mo


Mga Gawaing Ipinagbabawal


11


Ang pagpapabiyaya ay sa pamamagitan lamang ng


tinukoy ng patunay na batay sa Qur’an at Sunnah.12


Ayon kay Abú Wáqid al-Laythí (RA)13 na nagsabi:


“Pumunta kami kasama ng Sugo ni Allah (SAS) sa Hunayn,


o sa iba. Ang pagpapabiyaya sa kaalaman ng isang matuwid na


tao, pakikisama sa Kanya at panalangin niya ay hindi pagpapabiyaya


mismo.


C. Pagpapabiyaya na maka-Shirk sa mga libingan, mga bato at iba


pa na wala naman talagang biyaya (barakah) ayon sa Batas ng


Islam ni sa kalagayan. Ang uri na ito ay ilang bahagi:


1. Kapag nagtuon siya ng anumang pagsamba sa mga iyon, ito


ay isang malaking Shirk na sumasalungat sa Tawhíd.


2. Kapag naniwala siya na ang mga iyon ay mga tagapamagitan


sa pagitan niya at ni Allah, ito ay isang malaking Shirk na


sumasalungat sa Tawhíd.


3. Kapag naniwala siya na ang mga iyon ay hindi tagapamagitan


at para lamang sa biyaya, nakagawa siya ng isang bid‘ah na


maka-Shirk na sumasalungat sa kalubusan ng kinakailangang


Tawhíd.


12 Ang Sunnah, na may malaking titik na S, ay ang pamamaraan o


kalakaran ni Propeta Muhammad (SAS), na tumutukoy sa kung ano ang


sinabi, ang ginawa at ang sinang-ayunan ni Propeta Muhammad


(SAS). Ang Sunnah ay nakarating sa atin sa pamamagitan ng Hadíth


o sanaysay tungkol sa Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang sunnah


naman, na may maliit na titik na s, ay tumutukoy sa gawaing kanaisnais


gawin dahil alinsunod sa Sunnah ng Propeta. Ang gawaing sunnah


ay kanais-nais ngunit hindi tungkuling isagawa. Ang Tagapagsalin.


13 (RA): Radiyalláhu ‘Anhu para sa lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para


sa babae, Radiyalláhu ‘Anhum para sa marami; ang ibig sabihin nito


ay: Kalugdan siya (o sila) ni Allah. Ito ay panalanging binabanggit


sa tuwing nababanggit ang pangalan o taguri ng kasamahan o asawa


ni Propeta Muhammad (SAS).


Mga Gawaing Ipinagbabawal


12


noong kami ay mga bagong talikod sa panahon ng kawalangpananampalataya


at ang mga Mushrik ay may isang punong


mansanitas na kinahuhumalingan nila at sinasabitan nila ng


mga sandata nila upang magkamit ng biyaya, na tinatawag


na Dhát Anwát.14


Naparaan kami sa mansanitas kaya nagsabi


kami: O Sugo ni Allah, gawan mo po kami ng Dhát Anwát


gaya ng pagkakaroon nila ng Dhát Anwát. Kaya nagsabi ang


Sugo ni Allah (SAS): Si Allah ay pinakadakila! Tunay na


iyon ang kalakaran! Nagsabi kayo, sumpa man sa Kanya


na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, na gaya ng sinabi


ng mga anak ng Israel kay Moises (7:138): Nagsabi sila:


“O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos


gaya ng pagkakaroon nila ng mga diyos.” Nagsabi siya:


“Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang.”


Talagang sasakyan nga ninyo ang mga kalakaran ng


nauna sa inyo.”15


 Huwag kang humiling kailanman ng pamamagitan


sa harap ni Allah mula sa isa man, malibang mula kay


Allah, ang Kaisa-isa, sapagkat tunay na ang lahat ng


pamamagitan ay kay Allah. Hindi ito hinihiling mula


sa isang anghel na malapit kay Allah ni mula sa isang


propetang isinugo ni mula sa isang walí16 na namatay.


Nagsabi si Allah (10:18): Sinasamba nila bukod


pa kay Allah ang hindi nakapipinsala sa kanila at hindi


14 May mga nakabitin.


15 Sahíh Sunan atTirmidhí 2/235 bilang 1771. Itinala ito ni Imám


Ahmad sa alMusnad 2/275 bilang 2139.


16 Mga taong pinaniniwalaang banal o malapit kay Allah.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


13


nakapagdudulot ng pakinabang sa kanila at nagsasabi


sila: “Ang mga ito ay ang mga tagapamagitan natin kay


Allah.” Sabihin mo: “Nagpapabatid ba kayo kay Allah


ng hindi Niya nalalaman sa mga Langit ni sa Lupa?


Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya kaysa


sa mga itinatambal nila sa Kanya.


 Huwag kang manalig kung hindi kay Allah, huwag


kang umasa kung hindi sa Kanya, at huwag mong ipagkatiwala


ang kapakanan mo kung hindi sa Kanya.17


Nagsabi si Allah (39:36): Hindi ba si Allah nakasasapat


para sa lingkod Niya? Nagsabi pa Siya (5:23):


Kaya kay Allah ay manalig kayo kung kayo ay mga


mananampalataya.


 Huwag kang maniwala na ang mga propeta o ang mga


walí ay mayroong kapangyarihan na kumontrol sa


sansinukob o magtulak sa mga pighati o magdulot ng


kaibig-ibig na bagay sapagkat ang paglikha at ang paguutos


ay kay Allah noon at sa hinaharap. Walang nangyayari


sa sansinukob ni Allah kung hindi ang niloob ni


Allah, itinakda Niya, ninais Niya at pinayagan Niya.


Nagsabi si Allah (6:63-64): Sabihin mo: “Sino ang


nagliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng kalupaan


at karagatan, na pinananalanginan ninyo nang may


17 Ang kalubusan ng pananalig sa Kanya ay sumasaklaw sa pag-asa


sa Kanya, pagtitiwala sa Kanya at ang pagsasagawa sa mga ipinahihimtulot


na kaparaanan sa pagtamo ng naiibigan at pagtulak sa


kinasisindakan.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


14


pagpapakumbaba at palihim na [nagsasabi:] “Talaga


namang kung ililigtas Niya kami mula rito ay talagang


kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat.”


Sabihin mo: “Si Allah ay magliligtas sa inyo mula roon


at mula sa bawat kapighatian at pagkatapos kayo ay


nagtatambal pa.”


 Huwag kang maniwala na mayroong iba pa kay Allah


na nakaaalam sa Nakalingid, yamang si Allah lamang


ang nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan. Walang


maikukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit.


Nagsabi si Allah (27:65): Sabihin mo: “Hindi


nalalaman ng sinumang nasa mga Langit at Lupa ang


Nakalingid, maliban kay Allah, at hindi nila matatalos


kung kailan sila bubuhayin.”


 Huwag kang magsuot o magsabit sa sarili mo o sa


anak mo o sa sasakyan mo o sa bahay mo o sa iba ba


rito ng singsing o sinulid o kuwintas bilang agimat sa


pagtamo ng pakinabang o pagtulak ng pinsala.18


18 Ang pagsusuot ng singsing o sinulid o sigay o iba pa pa, kung


naniwala na ito ay nakapagdudulot ng pakinabang at pinsala, ito ay


sumasalungat sa saligan ng Tawhíd at nakababawas sa pananampalataya.


Kung itinuring ito na isang sanhi roon, ito ay isang maliit


na Shirk na sumasalungat sa kalubusan ng Tawhíd at nakalalabag


sa pananampalataya yamang nahumaling ang puso dito bilang sanhi


roon. Ang isang panuntunan ay nagsasabi: “Ang pagturing na isang


sanhi ang hindi naman sanhi ay isang Shirk.” Napagtitibay ang


pagiging sanhi [ng isang bagay] sa pamamagitan ng tekstong mula


sa Qur’an o Hadíth, tulad ng pinaghugasan ng isang naiinggit. O


Mga Gawaing Ipinagbabawal


15


Ayon kay Abú Bashír al-Ansárí (RA), siya noon ay


kasama ng Sugo ni Allah (SAS) sa ilan sa mga paglalakbay


nito, at isinugo siya ng Sugo ni Allah (SAS) bilang sugo


[na magsasabi]: Wala ngang mananatili sa leeg ng isang


kamelyo na isang kuwintas na pisi o anumang kuwintas19


malibang pinutol ito.


 Huwag kang magsuot ng anting-anting o agimat o sigay


sa layuning itulak ang kamalasan o pigiling maganap ito.


Ayon kay ‘Abdulláh ibnu ‘Akím (RA): “Nagsabi


ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang nagsabit ng isang


bagay [na pang-agimat], ipagkakatiwala siya roon.”20 Sa


isang sanaysay: Tunay na ang mga bulong,21 ang mga


anting-anting at ang gayuma ay Shirk.


napagtitibay ito bilang resulta ng karanasan gaya ng balangkat (splint)


[sa pagpapagaling ng pilay], lunas medikal, ruqyah na alinsunod sa


Sharí‘ah, kalakip ng pagkahumaling ng puso sa tagapagbigay-sanhi,


at ito ay si Allah, at pagkaalam na ang mga sanhi maging gaano man


kalaki ang mga ito o kalakas, ang mga ito ay nakatali sa pagtatadhana


ni Allah at pagtatakda Niya.


19 Ang kuwintas na ito ay ipinasusuot sa kamelyo bilang isang agimat.


20 Sahíh Sunan atTirmidhí 2/208 bilang 1691; alMusnad ni Imám


Ahmad 5/403 bilang 1839.


21 Mga panalangin o pananalita na sinasambit na pinaniniwalang


may kapangyarihan.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


16


 Huwag kang magdasal sa isang masjid na may libingan,


bilang paghahadlang sa pagpasok sa pinto ng


Shirk at bilang paglalagot sa sangkap nito.22


Nagsabi si Allah (72:18): Na ang mga masjid ay


ukol kay Allah, kaya huwag kayong manalangin sa isa


pa kasama ni Allah.


 Huwag kang magdasal sa ibabaw ng mga libingan


o sa tabi ng mga ito bilang paghiling ng biyaya,23 na


22 Ang isinasatungkulin ay wasakin ang masjid kapag itinayo ito sa


ibabaw ng puntod at hukayin naman ang libingan at ilipat ang nakalibing


sa ibang lugar na ligtas, at tukso ng kaguluhan kapag inilibing


ang patay sa loob ng masjid.


23 Ang pagdarasal sa libingan ay may ilang kalagayan:


A. Ang sinumang magdasal sa tabi ng libingan nang walang kalakip


na paniniwala sa [kapangyarihan ng] libingan at nakalibing dito,


at naglayon ng ikasisiya ng mukha ni Allah at nag-akala na ang


pagsamba ay higit na mainam sa lugar na ito, ang taong ito ay


nakagawa ng isang maka-Shirk na bid‘ah. Siya ay isusumpa at


mapabibilang sa mga masasama sa mga nilalang—magpakupkop


kay Allah—subalit siya ay hindi isang Mushrik na nakagagawa


ng malaking Shirk na nakapagtitiwalag mula sa Islam.


B. Ang sinumang magdasal sa tabi ng libingan samantalang siya ay


naniniwala sa [kapangyarihan ng] nakalibing sa libingan na ito


ay nakapagtutulak sa pinsala at nakapagdudulot ng mabuti kaya


naman nagpakanlong dito, humiling dito at nagpasaklolo rito,


ang taong ito ay isang Mushrik na nakagawa ng malaking Shirk


nakapagtitiwalag mula sa Islam. Nakagawa nga siya ng isang


sumasalungat sa Tawhíd.


C. Ang sinumang sumamba kay Allah sa tabi ng puntod dahil isang


mangmang at hindi nakaaalam na mayroong libingan doon, ang


dasal niya ay tama at hindi siya nagkakasala.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


17


naniniwala na ang panalangin sa malapit sa mga ito


ay mainam at ang pagdarasal sa palibot nito ay higit


na ganap. Iyon ay bilang pag-iingat na masadlak sa


Shirk at mga kaparaanan nito.


Ayon kay ‘Á’ishah (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang


Sugo ni Allah (SAS): Ang sumpa ni Allah ay ukol sa mga


Hudyo at mga Kristiyano; ginawa nila ang mga libingan


ng mga propeta nila bilang mga sambahan.”24 Sa isang


sanaysay: Pakatandaan, huwag gawin ang mga libingan


bilang mga sambahan sapagkat tunay na ako ay nagbabawal


sa inyo niyon.25


 Huwag kang huminto sa pagdarasal sapagkat ito ang


kaugnayan sa pagitan ng tao at Panginoon niya. Ito ang


sandigan ng Relihiyon. Walang bahagi sa Islam para


sa sinumang huminto sa pagdarasal.


Ayon kay Jábir ibnu ‘Abdulláh (RA) na nagsabi:


“Narinig ko ang Sugo ni Allah (RA) na nagsasabi: Tunay na


ang namamagitan sa lalaki at Shirk kalakip ng Kawalangpananampalataya


ay ang paghinto sa pagdarasal.”26


 Huwag kang maghanda sa paglalakbay para sa pagsamba


maliban sa tatlong masjid: al-Masjid al-Harám


sa Makkah, al-Masjid an-Nabawí sa Madínah, at al-


Masjid al-Aqsá sa Jerusalem. Tungkol naman sa mga


24 Sahíh alBukhárí 1/140 bilang 435, at Sahíh Muslim 1/314 bilang 529.


25 Sahíh Muslim 1/315 bilang 532 ayon Junadab (RA).


26 Sahíh Muslim 1/85 bilang 82.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


18


masjid na iba sa mga iyon, hindi maglalakbay patungo


sa mga ito bilang nagsasadya patungo sa mga ito.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang Sugo ni


Allah (SAS): Hindi paghahandaan ang paglalakbay


maliban sa tatlong masjid: al-Masjid al-Harám, Masjid


ng Sugo, at al-Masjid al-Aqsá.”27


 Huwag kang dumalaw sa mga libingan upang dumalangin


sa mga nakalibing sa mga ito bukod pa kay Allah


o magsumamo sa kanila sa halip na kay Allah. Ang


pagdalaw roon ay para lamang makapulot ng aral sa


kalagayan nila at kahahantungan nila. Walang masama


na bumati sa kanila at dumalangin para sa kanila.


Nagsabi si Allah (:13-14): Iyon ay si Allah, ang


Panginoon ninyo. Ukol sa Kanya ang paghahari, samantalang


ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya


ay hindi nga nagmamay-ari ng isang lamad28 ng buto


ng datiles. Kung dadalanginan ninyo sila, hindi sila


makaririnig sa panalangin ninyo. Kung nakarinig man


sila, hindi sila tutugon sa inyo, at sa araw na Pagkabuhay


ay itatatwa nila ang pagtatambal ninyo sa kanila kay


Allah. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng


Nakababatid.


27 Sahíh alBukhárí 1/360 bilang 1189, at Sahíh Muslim 3/823


bilang 1397.


28 Manipis na balot.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


19


 Huwag kang magtayo ng mga kupola29 sa ibabaw ng


mga puntod, huwag mong gawin ang mga ito na nakaangat


at nakataas sa lupa, huwag mong palitadahan


ang mga ito, huwag mong ukitan ang mga ito ng mga


titik o mga larawan, at huwag kang magsindi ng mga


ilaw sa ibabaw ng mga ito sapagkat iyan ay pagsasayang


ng salapi sa isang punto ngunit ang pinakamahalaga


ay na ito ay isang pagdadahilan patungo sa Shirk.


Sa gawaing ito ay mayroong pagpapalabis sa pagdakila


sa mga libingan, na pinakakawangis ng pagdakila sa


mga diyus-diyusan.


Ayon kay Abú al-Hayyáj al-Asadí na nagsabi:


“Nagsabi sa akin si ‘Alí ibnu Abí Tálib (RA): Hayaan


mong iparating ko sa iyo ang ipinarating sa akin ng Sugo ni


Allah (SAS): Na hindi ka mag-iiwan ng istatuwa kung


hindi mo napawi ito, ni puntod na nakaangat kung hindi


mo napatag ito.”30


 Huwag kang gumawa ng larawan ng isang nilikha na


may kaluluwa,31 gaya ng tao o hayop o ibon o isda32


29 Dome sa Ingles o isang hugis kalahating bola na bubong.


30 Sahíh Muslim 2/555 bilang 969.


31 Ang pagsasalarawan ay isang paglabag sa karapatan ni Allah sa


panig ng Pagkapanginoon sapagkat si Allah ay natatangi sa paglikha


at pag-uutos (7:54): Pakatandaan, ukol sa Kanya ang paglikha


at ang pag-uutos. Mapagpala si Allah, ang Panginoon ng mga


nilalang.


32 Ang iba pang may kaluluwa ay ang anghel, jinní at demonyo. Ang


lahat ng may buhay na nakaaalis sa kinalalagyan ay may rúh o


kaluluwa kaya ang mga hayop ay may kaluluwa rin, sa katunayan


Mga Gawaing Ipinagbabawal


20


malibang ayon sa pangangailangang hindi maiiwasan


gaya ng pagpapatotoo sa pagkakilanlan sa identity card


o pasaporte.


Ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA) na ang Sugo ni Allah


(SAS) ay nagsabi: Bawat nagsasalarawan ay mapupunta


sa apoy. Gagawa para sa kanya sa bawat larawan na


isinalarawan niya ng isang kaluluwa at pagdurusahin


siya sa Impiyerno.33


 Huwag kang mag-alay ng hayop sa iba pa kay Allah


bilang pagpapakalapit-loob doon o dala ng pangamba


roon o pag-aasam sa kaloob nito,34 gaya ng pag-aalay


sa mga jinní para itulak ang pinsala nila, o pag-aalay


sa mga patay upang humiling ng pakinabang na dulot


daw nila.


bubuhayin din sila sa araw ng pagkabuhay. Ang halaman ay may


buhay ngunit walang kaluluwa dahil hindi naman ito kusang nakaaalis


sa kinalalagyan nito. Ang Tagapagsalin.


33 Sahíh alBukhárí 7/85 bilang 5950.


34 Ang pag-aalay ng hayop sa iba pa kay Allah ay dalawang uri:


A. Bilang pagpapakalapit-loob, pagdakila at pagsamba sa isang pinagaalayan


o pinangangambahan ang masamang magagawa. Ito ay


malaking Shirk na nakapagpapatiwalag mula sa Islam, na sumasalungat


sa saligan ng Tawhíd. Ang halimbawa nito ay ang hayop


na inaalay pagkatapos ng pagpapatayo ng bahay, ang paglalagay


nito sa loob ng bahay at ang pag-iiwan nito roon, o ang pagsasaboy


ng dugo nito sa mga dingding sa paniniwala na ito ay makasasapat


sa pagpipigil sa kasamaan ng mga jinní.


B. Bilang pagkatuwa at pagpaparangal sa pagdating ng isang minamahal


o panauhin, kalakip ng pag-uukol ng kawagasan ng layunin


para kay Allah. Ito ay isang kahilingan ng Sharí‘ah.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


21


Nagsabi si Allah (6:162-163): Sabihin mo: “Tunay


na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang


kamatayan ko ay ukol kay Allah, ang Panginoon ng


mga nilalang, wala Siyang katambal. Iyon ay ipinagutos


sa akin, at ako ay una sa mga Muslim.”


 Huwag kang mag-alay ng hayop para kay Allah sa


isang lugar kung saan nag-aalay roon ng hayop sa iba


pa kay Allah.


Ayon kay Thábit ibnu ad-Dahhák (RA) na nagsabi:


“Nagpanata ang isang lalaki noong panahon ng Sugo ni


Allah (SAS) na magkakatay ng isang kamelyo sa Bawánah


kaya pumunta siya sa Propeta (SAS) at nagsabi: Tunay na


ako ay nagpanata na magkakatay ng isang kamelyo sa


Bawánah? Kaya nagsabi ang Propeta (SAS): Sa [pook


na] iyon ba ay may isang idolo mula sa mga idolo ng


Kamangmangan, na sinasamba? Nagsabi sila: Wala po?


Nagsabi siya: Sa [pook na] iyon ba ay may [ipinagdiriwang


na] isang pagdiriwang mula sa mga pagdiriwang nila?


Nagsabi sila: Wala po. Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):


Tuparin mo ang panata mo, ngunit tunay na walang


pagtupad sa isang panata [na nauuwi] sa pagsuway kay


Allah, ni sa anumang hindi minamay-ari ng isang anak


ni Adan.”35


 Huwag kang magpanata ng isang pagtalima36 na


gawain o salapi o pagpapakalapit-loob kung hindi kay


35 Sahíh Abí Dáwud 2/637 bilang 2834.


36 Ang mga uri ng panata:


Mga Gawaing Ipinagbabawal


22


Allah at huwag mong gawing pampalapit-loob [sa mga


nakalibing] sa mga libingan o sa tinatawag na mga


shrine at mga mausoleo.


Ayon kay ‘Á’ishah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS)


ay nagsabi: “Ang sinumang nagpanata na tatalima kay


Allah ay tumalima sa Kanya, at ang sinumang namanata


na susuway kay Allah ay huwag sumuway sa Kanya.”37


 Huwag mong pagpantayin si Allah at ang isa sa mga


nilikha Niya.


Nagsabi si Allah (2:22): Kaya huwag kayong


gumawa para kay Allah ng mga kaagaw samantalang


kayo ay nakaaalam.


Ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA), may isang lalaki na


nagsabi sa Propeta (SAS): Ang niloob ni Allah AT niloob


mo. Kaya nagsabi siya (SAS): Ginawa mo ba ako na isang


kaagaw para kay Allah? Ang niloob ni Allah LAMANG.38


A. Panata kay Allah, at kabilang dito ang sumusunod:


1. Panata na gagawa ng isang pagtalima para kay Allah na kinakailangang


tuparin


2. Panata na gagawa ng isang pagsuway na hindi kinakailangang


tuparin


B. Panata sa iba pa kay Allah sa paggawa ng isang pagtalima o


pagsuway. Ito ay Shirk sapagkat ang panata ay isang pagsamba


na kinakailangang ituon kay Allah.


37 Sahíh alBukhárí 7/299 bilang 6700, at Sahíh Muslim 3/1331


bilang 2109.


38 Sahíh Sunan Abí Dáwud 3/940 bilang 4166, ayon kay Hudhayfah;


Sahíh Sunan anNisá’í 2/799 bilang 3533, ayon kay Qutaylah, ayon


sa isang babae na mula sa Juhaynah; Sahíh Sunan Ibnu Májah 1/362


Mga Gawaing Ipinagbabawal


23


Ang halimbawa pa nito ay sabi nila: “Wala akong maaasahan


kundi ikaw AT si Allah. Si Allah ay maaasahan ko


sa langit at ikaw naman sa lupa. Nananalig ako at umaaasa


ako kay Allah AT sa iyo.”


 Huwag mong pag-isipan ang sarili ni Allah, sapagkat


si Allah ay (42:11):Walang katulad sa Kanya na anumang


bagay. Hindi Siya maaaring maguniguni (imagine)


ng mga isip at hindi Siya maaabot ng mga paningin sa


mundo. Huwag mong hayaan ang sarili mo sa mga


bulong ng demonyo, magpakupkop kay Allah laban sa


mga iyon at tigilan mo iyon. Sabihin mo: Sumasampalataya


ako kay Allah at sa Sugo Niya.


Ayon kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA), ayon sa Sugo


ni Allah na nagsabi: Pag-isipan ninyo ang mga biyaya39


ni Allah at huwag ninyong pag-isipan si Allah, kamahalmahalan


Siya at kapita-pitagan.40


 Huwag kang maniwala na si Allah ay kasama natin


ang mismong sarili Niya. Ang pagiging kasama Niya


sa atin ay pagiging kasama sa kaalaman at kabatiran


bilang 1720; alMusnad ni Ahmad 1/572 bilang3237; al’Adab


alMufrad ni alBukhárí 783. Lahat ng sanaysay ay nasa malalapit


na pagkakapahayag. Nagsabi si al’Albání sa Sahíh al’Adab alMufrad


pahina 292 bilang 601 na ito ay sahíh.


39 Ibig sabihin: ang mga pagpapala Niya, mga Tanda Niya at mga


kahatulan Niya.


40 Itinala ito ni atTabrání sa al’Awsát, ni alBayhaqí sa ashSha‘b at


ni alLálká’í sa asSunnah. Tingnan ang asSilsilah asSahíhah ni


al’Albání 4/395 bilang 1788.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


24


o pagiging kasama sa pagtulong at pag-alalay. Si Allah,


ang Napakamaawain, ay nasa ibabaw natin. Sa trono


ay nakaluklok Siya: mismong sarili Niya, na nakahiwalay


sa mga nilikha Niya ayon sa naaangkop sa kaluwalhatin


Niya at kadakilaan ng kapangyarihan Niya


yamang walang katulad sa Kanya na anumang bagay


at wala Siyang katapat o katulong o katulad o katumbas.


Siya sa bawat bagay ay Maalam.


Nagsabi si Allah (6:18): Siya ay ang Lumulupig sa


ibabaw ng mga lingkod Niya at Siya ay ang Marunong,


ang Nakababatid.


 Huwag kang kumilala para kay Allah ng mga pangalan


at mga katangian maliban sa kinilala Niya para sa sarili


Niya sa Dakilang Aklat Niya at kinilala para sa Kanya


ng Marangal na Sugo Niya sa tumpak na Sunnah nito.


Ang mga pangalan ni Allah ay isiniwalat: walang panghihimasok


dito ang pagsang-ayon at ang pag-iisip.


Nagsabi si Allah (17:110): Sabihin mo: “Dumalangin


kayo kay Allah o dumalangin kayo sa Napakamaawain;


sa alin man sa mga ito kayo dumalangin ay


maaari sapagkat taglay Niya ang mga pangalang napakagaganda.


 Huwag kang suminsay41 sa mga pangalan ni Allah at


mga katangian Niya sa pamamagitan ng pagkakaila sa


mga ito, pagtanggi sa kahulugan ng mga ito, o pagpa-


41 Lumihis sa kahulugan o kumiling palayo roon.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


25


pakahulugan sa mga ito palayo sa mga kahulugan ng


mga ito, o paggawa sa mga ito na mga pangalan ng ilan


sa mga nilikha o pagwawangis sa mga ito sa mga iyon,


ibilang sa mga ito ang hindi naman sa kabilang sa mga


ito, o sa pamamagitan ng pagtutulad sa mga ito.


Nagsabi si Allah (7:180): Taglay ni Allah ang mga


pangalang napakagaganda, kaya dumalangin kayo sa


Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang


mga sumisinsay sa mga pangalan Niya; gagantihan sila


sa anumang ginagawa nila noon.


 Huwag kang humingi sa pamamagitan ng mukha ni


Allah ng anuman kailanman. Ang paghingi kay Allah


sa pamamagitan lamang ng mga napakagagandang


pangalan Niya at mga napakatataas na katangian Niya.


Ayon kay Abú Músá al-Ash‘arí (RA) na nagsabi:


“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Isinumpa ang sinumang


humingi sa pamamagitan ng mukha ni Allah, at


isinumpa ang sinumang hinihingan sa pamamagitan


ng mukha ni Allah pagkatapos pinagkaitan niya ang


nanghihingi sa kanya gayong hindi siya hiningan nito


sa malaswang pananalita.”42


 Huwag kang magsumamo kay Allah sa pamamagitan


ng pagsusumamo43 na maka-Bid‘ah na ipinagbabawal,


42 Itinala ito ni Ibnu ‘Asákir at atTabrání. Tingnan ang asSilsilah


asSahíhah 5/363 bilang 2290.


43 Ang pagsusumamo na isinabatas na nagtutulak sa pighati at humahatak


sa biyaya ay tatlong bagay:


Mga Gawaing Ipinagbabawal


26


gaya ng sabi nila: “O Allah, tunay na ako ay humihingi


sa iyo sa pamamagitan ng reputasyon ni Polano, o sa


pamamagitan ng karapatan ni Polano, o sa pamamagitan


ng pagkatao ni Polano, o sa pamamagitan ng kalagayan


ni Polano sa Iyo.” Walang masama na dumalangin para


sa iyo ang mga buhay na kabilang sa mga lingkod ni


Allah na matutuwid na mga mananampalataya.


Nagsabi si Allah (5:35): O mga sumampalataya,


mangilag kayong magkasala kay Allah at hangarin ninyo


sa Kanya ang ikalalapit at makibaka kayo alang-alang


sa Landas Niya nang harinawa kayo ay magtagumpay.


 Huwag kang mawalan ng pag-asa o masiraan ng loob


sa awa ni Allah anuman ang narating ng mga pagkakasala


mo.


Nagsabi si Allah (12:87): tunay na walang nawawalan


ng pag-asa sa habag ni Allah kundi ang mga


taong tumatangging sumampalataya.


 Huwag kang matitiwasay sa panlalansi ni Allah maging


anuman ang [antas ng] pagtalima mo.


A. Sa pamamagitan ng mga napakagagandang pangalan ni Allah at


mga napakatataas na katangian Niya, gaya ng pagsabi: O Rahím,


kaawaan Mo ako; O Gháfirudhdhunúb, patawarin Mo ako.


B. Sa pamamagitan ng mga matuwid na gawain, gaya ng pagsabi:


O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo sa pamamagitan ng


pananampalataya ko sa iyo na kaawaan Mo ako; o Allah, tunay


na ako ay humihingi sa iyo dahil sa pag-ibig ko sa Propeta mo


na si Muhammad, na patawarin mo ako.


C. Sa pamamagitan ng panalangin ng matuwid na Muslim para sa iyo.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


27


Nagsabi si Allah (7:99): Natitiwasay ba sila sa


panlalansi ni Allah, gayong walang natitiwasay sa panlalansi


ni Allah kundi ang mga taong nalulugi.


 Huwag kang mag-isip ng masama kay Allah sapagkat


tunay na si Allah ay natutuwa sa magandang pag-iisip


ng lingkod Niya sa Kanya.


Ayon kay Jábir (RA) na nagsabi: “Narinig ko ang


Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi: Huwag ngang mamamatay


ang isa sa inyo malibang siya ay nag-iisip ng maganda


kay Allah.”44


 Huwag kang sumamba kay Allah sa pag-ibig lamang,


huwag kang sumamba kay Allah sa pag-asa lamang ni


sa pangamba lamang. Gawin mo ang dalawang ito na


gaya ng dalawang pakpak ng isang ibon sapagkat tunay


na ang ibon na may nag-iisang pakpak ay halos hindi


makaangat. Ang mga lingkod ni Allah, na mga mananampalatayang


matutuwid ay (17:57): naghahangad


sa Panginoon nila ng ikalalapit: nagsisikap kung alin


sa kanila ang pinakamalapit, umaasa sa awa Niya at


nangangamba sa parusa Niya.


Nagsabi si Allah (15:49-50): Ibalita mo sa mga lingkod


Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain;


na ang pagpaparusa Ko ay ang pagdurusang masakit.


44 Sahíh Muslim 4/1747 bilang 2877.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


28


 Huwag kang umasa sa awa ni Allah nang walang


matuwid na gawa sapagkat tunay na ang pagpapaganda sa


gawa ay patunay ng pagpapaganda ng saloobin kay Allah.


Ang awa ni Allah ay hindi natatamo sa pamamagitan ng


pagbagal-bagal at katamaran bagkus sa pamamagitan ng


makatotohanang pananampalataya at matuwid na gawa.


Ang awa ni Allah ay malapit sa nagmamagandang-saloobin.


Nagsabi si Allah (2:218): Tunay na ang mga


sumampalataya at ang mga nagsilikas at nakibaka sa


Landas ni Allah, ang mga iyon ang nag-aasam sa awa


ni Allah. At si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.


 Huwag mong kutyain o tuyain o hamakin o maliitin


ang anumang mayroong pagbanggit kay Allah o sa


Qur’an o sa Sugo o sa Islam45 kahit pa sa paraang pagbibiro,


gaya ng pangungutya sa kaalamang pang-Islam at


mga alagad nito dahil dito, gaya ng pangungutya sa paguutos


sa nakabubuti at pagbabawal sa nakasasama at mga


alagad nito dahil sa pag-uutos nila at pagbabawal nila, gaya


ng pangungutya sa balbas, siwák at iba pa na kabilang sa


mga batas at mga gawaing panrelihiyon ng Islam. Lahat


ng iyon ay kawalang-pananampalataya kay Allah.


Nagsabi si Allah (9:65-66): Talagang kung tinanong


mo sila ay talagang magsasabi nga sila: “Tunay na


45 Ito ay kawalang-pananampalataya dala ng pagsalungat, pangungutya


at pagpapasinungaling. Ito ay higit na matindi kaysa sa kawalangpananampalataya


dala ng pag-ayaw na isa lamang pagtigil sa pagganap,


gaya ng pagtigil sa pagdarasal at iba pa. Ito rin ay higit na


matindi kaysa sa pagpapatirapa sa isang imahen o diyus-diyusan.


Mga Gawaing Ipinagbabawal


29


kami ay nag-uusap-usap at nagbibiru-biruan lamang.”


Sabihin mo: “Kay Allah, sa mga Tanda Niya, sa Sugo


Niya ba kayo nangungutya?” Huwag na kayong magdahilan


pa; tumanggi na kayong sumampalataya matapos


ang pagsampalataya ninyo.


 Huwag kang makihalubilo sa sinumang walang pakundangang


tumatalakay sa mga kapahayagan ni Allah, at


tumatangging sumampalataya at kumukutya sa mga


ito kung hindi rin lamang para anyayahan siya, linawin


ang kabulaanan niya at balaan siya laban doon.


Nagsabi si Allah (4:140): Pinababa na Niya sa


inyo sa Aklat na kapag narinig ninyo ang mga kapahayagan


ni Allah na tinatanggihang sampalatayanan


at kinukutya ay huwag kayong maupong kasama nila


malibang tatalakay sila ng usapang iba roon. Tunay na


kayo, kung gayon, ay tulad nila. Tunay na si Allah ay


magtitipon sa mga nagkukunwaring mananampalataya


at mga tumatangging sumampalataya sa Impiyerno


nang sama-sama.


 Huwag kang humatol ng hindi ayon sa ibinaba ni


Allah46 o maniwala na ang kahatulan Niya ay naglala-


46 Ang paghatol ng hindi ayon sa ibinaba ni Allah, gaya ng mga batas


na gawang-tao ay may ilang kalagayan:


A. Ang sinumang humatol ng hindi ayon sa ibinaba ni Allah, na


naniniwala na ang kahatulan ni Allah ay hindi na nababagay sa


panahong ito, o na ang iba pa rito ay higit na maganda kaysa rito,


o na ito ay hindi kumpleto at nagtataglay ng kawalang-katarungan


Mga Gawaing Ipinagbabawal


30


man ng kawalang-katarungan o pang-aapi o paniniil


o kalupitan, o na ito ay kulang at hindi nalubos, na ang


ibang hatol ay higit na mabuti kaysa rito o kapantay nito


at higit na mainam sa buhay ng tao, na ito ay hindi na


nababagay sa panahong ito. Lahat ng iyon ay kawalangpananampalataya


kay Allah at pagtalikod sa Relihiyon


Niya.


at kalupitan, ito ay kawalang-pananampalataya at pagtalikod na


nakapagtitiwalag mula sa Islam. Tumatalikod ang tao sa pamamagitan


nito sa Islam. Siya ay napabibilang sa pinakamalaking


mga tampalasan at mga nakikidigma sa Panginoon ng mga nilalang.


Nagsabi si Allah (5:44): Ang sinumang hindi humatol ng


ayon sa ibinaba ni Allah, ang mga iyon ay ang mga tumatangging


sumampalataya.


B. Ang sinumang humatol ng hindi ayon sa ibinaba ni Allah, na


naniniwala naman na ang kahatulan ni Allah ay higit na mainam


at na ang pagbabatas Niya ay higit na kumpleto ngunit upang


umayon iyon sa pithaya niya at upang maabot niya ang mithi


niya sa pamamagitan ng mga batas na ito, ang taong ito ay isang


suwail na kulang ang pananampalataya, na hindi naman tumatalikod


sa Islam. Nagsabi si Allah (5:47): Ang sinumang hindi


humatol ng ayon sa ibinaba ni Allah, ang mga iyon ay ang


mga suwail.


C. Ang sinumang naghahatol ng hindi ayon sa ibinaba ni Allah, na


naniniwala naman sa pagkakailangan ng paghahatol ayon sa


isinabatas ni Allah ngunit dahil sa pangamba sa isang mapangaping


namamahala o sa mga kaaway na nakikidigma, ang taong


ito ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya at hindi lubos ang


pananampalataya. Nagsabi si Allah (5:45): Ang sinumang hindi


humatol ng ayon sa ibinaba ni Allah, ang mga iyon ay ang


mga lumalabag sa katarungan.


Mga Gawaing Ipinagbabawal



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG