ANG PAGSANGGUNI SA BIBLIYA
Makatuwiran ba para sa mga Muslim na sipiin ang
Bibliya o sumipi mula rito? Tila mayroong dalawang
karaniwan at labis-labis na maling palagay hinggil sa
saloobin ng mga Muslim sa Bibliya:
A. Na ibinabatay ng mga Muslim sa Bibliya ang
kabuuan o ang bahagi ng kanilang
pananampalataya;
B. Na tinatanggihan ng mga Muslim ang Bibliya sa
kabuuan at wala silang tinatanggap ni isang salita
mula rito.
Para sa mga Muslim, ang Qur’an ay ang panghuli
ngunit hindi lamang ang nag-iisang banal na aklat na
ipinahayag ni Allah1 sa sangkatauhan sa pamamagitan ng
Kanyang mga Sugo. Gayon pa man, ito lamang ang nagiisang
banal na aklat na nanatiling di-nabago simula pa
noong panahong ipinahayag ito hanggang sa panahon
ngayon. Hindi lamang sa ang buong teksto ng Qur’an ay
makakamtan, ito rin ay makakamtan nang buo at nasa
wastong anyo gaya ng pagkabigkas ni Propeta
Muhammad (SKP)2
noong panahon ng pagpahayag nito,
1 Ang salitang Allah sa wikang Arabe ay ang pangalan ng Nag-iisa at
Natatanging Diyos, Lumikha, Panginoon at Tagapagtustos ng Sansinukob. Hindi
gaya ng Tagalog na Diyos, wala itong kasarian (pambabae o panlalake) o
maramihan; karapatdapat at naaayong pagbigay-diin sa Kadakilaan at
Kaluwalhatian ng Lumikha.
2 Sumakanya nawa ang Kapayapaan at ang Pagpapala ni Allah. Idinadalangin
ito para kay Propeta Muhammad at sa lahat ng propeta at sugong nauna sa
Si Muhammad Sa Bibliya
4
at nasa orihinal na wikang ginamit noong ito ay
ipinahayag (sa wikang Arabe). Walang pagdaragdag,
pagbabawas, o pagbabago na nakapasok sa Qur’an. Para
sa mga Muslim, ang Qur’an ang tanging nananatiling
kapani-paniwala at tunay na kapahayagang makakamtan
ng sangkatauhan; kapani-paniwala dahil sa ang isang
walang pagkiling na pag-aaral sa Qur’an ay malinaw na
nagpapakita sa maka-Diyos na pinagmulan nito; at tunay
dahil sa mga kapani-paniwalang katibayan na ito ay
nanatiling buo at ipinarating sa atin gaya ng kung
papaanong ipinahayag ito, na hindi nahahaluan ng mga
ideya at mga doktrina buhat sa tao at pilosopiya. Kaya
naman, hindi na nangangailangan ang mga Muslim ng
iba pang mga kasulatan upang pagbatayan ng kanilang
pananampalataya, sa kabuuan o sa bahagi.
Sa kabilang dako, maling isipin na tinatanggihan ng
mga Muslim ang Bibliya sa kabuuan at hindi
tumatanggap ni isang talata nito. Mayroong dalawang
dahilan para rito:
A. Ang isa sa mga pangunahing saligan ng
pananampalataya sa Islam ay ang paniniwala sa
lahat ng Propeta at Sugo na isinugo bago dumating
ang kahuli-hulihan sa kanila, si Propeta Muhammad
(SKP). [Ang paniniwalang] ito ay humihiling din
na kailangang paniwalaan ang mga Banal na
Kasulatan na ipinahayag sa mga propetang iyon, sa
kanya bilang tanda ng pagmamahal at paggalang sa kanila. (SlaKP):
Sumakanila nawa…
Si Muhammad Sa Bibliya
5
orihinal na mga anyo noong ipinahayag ang mga
ito;3
B. Ayon sa Banal na Qur’an, ang lahat ng mga
Propeta ay mga Muslim (ang sinumang tapat at
mapagmahal na sumusuko sa kalooban ni Allah),
ang kanilang mga itinuturo ay walang iba kundi
ang sinaunang Islam (taos-pusong pagmamahal at
tapat na pagsuko kay Allah) at ang kanilang tapat
na mga tagasunod ay mga Muslim din.4 Ang
katotohanang ang paghahatid sa mga naunang
kapahayagan, bago ang Qur’an, ay nagdanas ng
mga kakulangan sa katumpakan at mga maling
pagpapaliwanag, ay hindi makapagbibigaykatwiran
sa isang lubusan at walang pasubaling
pagtanggi sa gayong mga kasulatan. Tiyak na may
ilang talata o bahagi ng Bibliya na ang pinakabuod
ng mga ito, kung hindi man ang pananalita, ay
hindi kailangang tanggihan ng mga Muslim.
3 Qur’an 2:285. Tingnan din ang 2:136, 176; 3:3, 84; 5:84.
4 Tingnan halimbawa ang Qur’an 3:67; 2:128,133; 3:52; 10:84; 17:31; 22:78;
3:19, 85.
Si Muhammad Sa Bibliya
6
BATAYAN SA PAGTANGGAP
Ano ang batayan ng mga Muslim sa pagtanggap o
pagtanggi sa mga bahagi o mga talata mula sa Bibliya?
Ang Qur’an mismo ang nagbigay ng ganoong
batayan(Qur’an 5:48): “At ibinaba Namin sa iyo ang
Aklat taglay ang katotohanan, na nagpapatotoo sa
nauna rito na aklat at nag-iingat doon.”
Binibigyang-diin ng talatang ito ang dalawang
pangunahing paninindigan ng Qur’an:
A. Ang Qur’an ay nagpapatotoo sa mga katuruan o
mga talata ng naunang mga kasulatan, na
nanatiling di-nabago.5
B. Ang Qur’an ay ang panghuli, kumpleto, kapanipaniwala,
at tunay na kapahayagan. Ito ang
pangwakas na tagapaghusga at ang nag-iisang
batayan sa pagwawasto sa ano mang mga
kakulangang sa katumpakan o mga maling
pakahulugan na maaaring naganap sa pagpaparating
ng naunang mga kasulatan. Nakatutulong ito sa
pagtuklas sa mga pagdaragdag o mga pagbabago
na ginawa ng tao sa mga naunang kapahayagan;
ibinubunyag pati nito ang mga maaaring
pagbabawas na maaaring naganap ilang siglo bago
naipahayag ito (ang Qur’an). Sa katunayan, ang isa
5 Sa Qur’an, inatasan si Propeta Muhammad (SKP) na anyayahan ang mga
Israelita: “Sabihin mo: “Dalhin nga ninyo ang Torah at basahin ninyo ito
kung kayo nga ay mga mapagtapat.””(Qur’an 3:93) Tingnan din ang 5:68-
69, 71; 48:29.
Si Muhammad Sa Bibliya
7
sa mga pangalan ng Qur’an ay al-Furqán (ang
pamantayang nagbubukod ng tama sa mali, ng
katotohanan sa kabulaanan).
Alinsunod dito, samakatuwid ang isang Muslim ay
walang dahilang tanggihan ang pinakadiwa ng ano mang
talata ng Bibliya kung ang ganoong talata ay
pinatotohanan ng Qur’an.6 Halimbawa, mababasa natin sa
Bagong Tipan ang isang pag-uulit ng isa sa sampung
kautusan: “Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan
mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang
Panginoon ay iisa.” (Marcos 12:29)
Ang isang Muslim na makababasa ng talatang ito sa
Bibliya ay hindi makakikita ng maitututol sa pinakadiwa
nito yayamang ang Qur’an ay nagpapatotoo rito:
“Sabihin mo, “Siyang si Allah ay iisa.” (Qur’an
112:1)
Gayon pa man, kung makababasa ang isang Muslim
sa Bibliya (o sa ibang mga naunang kasulatan) ng mga
paratang ng mga malaking kasalanang moral na
ibinintang sa mga dakilang propeta o ng mga doktrinang
lubusang itinatanggi ng Qur’an, tatanggapin lamang ng
isang Muslim ang nasasaad sa Qur’an bilang orihinal at
6 Tingnan halimbawa ang Qur’an 2:185; 25:1. Sa pagpapatotoo ng Qur’an sa
naunang mga kapahayagan, ito ang ating mababasa: “At ang Qur’an na ito
ay hindi magagawa ng iba pa kay Allah, datapuwat pagpapatotoo sa
nauna rito at masusing pagpapaliwanag sa Kasulatan, na walang pagaalinalangan
sa nilalaman nito na mula sa Panginoon ng mga nilalang.”
(Qur’an 10:37) Tingnan din ang 12:111; 2:89,101; 6:92; 46:12; 2:41,91,97;
35:31; 46:30.
Si Muhammad Sa Bibliya
8
hindi nahaluang katotohanan, na ipinahayag ni Allah
(Diyos).
Gayundin naman, kung ang Bibliya (o iba pang mga
naunang kasulatan) ay naglalaman ng maliwanag na mga
hula tungkol sa pagdating ni Propeta Muhammad (SKP),
at kung pinatotohanan din ng Qur’an ang pahayag na
iyon, kung gayon ay walang ano mang kataka-taka o
maitututol sa pagtukoy sa gayong mga hula.
ANG PAGTUKOY NG QUR’AN SA MGA
HULA
Mayroon bang kapani-paniwalang batayan sa Qur’an
upang sabihing ang Bibliya ay naglalaman ng mga hula
hinggil sa pagdating ni Muhammad (SKP)?
Ang orihinal na mga kapahayagang ibinigay sa mga
Propeta noong unang panahon ay naglalaman ng isang
buo at maliwanag na balangkas ng paglalarawan ng
pagdating ni Propeta Muhammad (SKP). Kahit na sa
kasalulukuyang (mga) anyo nito, ang Bibliya ay
naglalaman pa rin ng maraming ganoong hula na gaya ng
ipakikita sa susunod na mga kabanata. Gayon pa man,
makabubuting magsimula sa pamamagitan ng
pagpapatunay sa inilahad sa itaas.
A. Sa paglalarawan sa tunay na mga
mananampalataya, ang Qur’an ay nagpahayag:
“Ang mga sumusunod sa Sugo, ang Propeta
na di-marunong bumasa’t sumulat, na
matatagpuan nilang nakasulat sa nasa kanila
Si Muhammad Sa Bibliya
9
sa Tawrah at Injíl ay uutusan niya sila sa
paggawa ng minamabuti at sasawayin niya
sila sa paggawa ng minamasama at
ipahihintulot niya sa kanila ang mga
nakabubuti at ipagbabawal niya sa kanila
ang mga nakasasama at aalisin niya sa kanila
ang mga pasanin nila at ang mga pataw na
nakasuot sa kanila. Kaya ang mga naniwala
sa kanya, nagpitagan sa kanya, tumulong sa
kanya, at sumunod sa liwanag na ibinaba sa
kanya—ang mga iyon ang mga matagumpay.”
(Qur’an 7:157)
Ipinahihiwatig ng talatang ito na ang mga katangian,
pati na ang mga katuruan ng Sugong iyon, ang Propetang
di-marunong bumasa at sumulat, ay binanggit sa Tawrah
(Torah) at Injíl (Ebanghelyo).
B. Nasasaad sa Qur’an na si Propeta Jesus (SKP) ay
nagsabi:
“Banggitin noong magsabi si Jesus na anak
ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na
ako ang sugo ni Allah sa inyo na
nagpapatotoo sa Torah na nauna sa akin at
naghahatid ng nakalulugod na balita ng isang
Sugo na darating kapag wala na ako, na ang
pangalan niya ay Ahmad.” Subalit noong
dumating na siya sa kanila dala ang mga
malinaw na patunay ay nagsabi sila: Ito ay
Si Muhammad Sa Bibliya
10
isang malinaw na panggagaway.”7 (Qur’an
61:6)
Ang kawili-wiling bahagi sa talatang ito ay na
ipinakikita nito na sa orihinal na kapahayagang winika ni
Propeta Jesus (SKP), pati na ang pangalan ng sugo na
matagal nang hinihintay ay nabanggit na Ahmad, na isa
rin sa mga pangalan ni Propeta Muhammad (SKP). Ang
usaping ito ay tatalakayin pa mamaya.
PANGALAN O MGA PALATANDAAN?
Sa pagtuon sa Bibliya, mayroong maaaring agad na
magtanong: Nabasa ko na ang Bibliya nang maraming
beses, ngunit hindi ko nakita kailanman ang pangalang
Muhammad. Ano ngayon ang nagbibigay-katwiran sa
pamagat na “Si Muhammad sa Bibliya?”
Ang maraming Kristiyanong Teologo ay walang
nakikitang hirap sa pagpapakita ng itinuturing nilang
maliwanag na mga hula tungkol sa pagdating ni Jesus. Saan
sa Matandang Tipan lumitaw ang pangalang Jesus? Wala
kahit saan man! Ang pangunahing tanong ay lumitaw na
ba ang balangkas ng pagkakilanlan (profile) ng propeta
7 Kasama sa karagdagang reperensiya mula sa Qur’an ay ang 2:89 (na ang mga
Israelita ay umaantabay sa pagdating ng bagong Propeta); 2:146-147 (Malinaw
na nalalaman ng mga May Aklat ang katotohanan at ang pagkakalarawan kay
Propeta Muhammad (SKP) gaya ng pagkakilala nila sa kanilang mga anak); at
3:81 (Gumawa si Allah ng tipan sa mga Propeta na maniwala sa kanya at
tutulungan “nila mismo o ng mga tagasunod nila” ang Sugong darating na
magpapatotoo sa naipahayag sa kanila.).
Si Muhammad Sa Bibliya
11
na darating o hindi pa, at sino ang tumutugma sa
balangkas na iyon?
Ang balangkas ni Propeta Muhammad (SKP) ay
lubhang malinaw sa maraming Hudyo at Kristiyano sa
kapanahunan niya kaya marami sa kanila ang nagsiyakap
sa Islam at tinanggap siya bilang katuparan sa maraming
hula ng Bibliya. Mula pa noon, mayroon nang maraming
iba pang humantong sa ganoon ding konklusyon. Ang
karagdagang mga katanungan hingil sa posibleng
pagkabanggit [sa Bibliya] ng pangalan ni Muhammad
(SKP) ay tatalakayin mamaya.
MGA HULA SA BIBLIYA HINGGIL KAY
JESUS (SKA)
Ang nagdaang pagtatalakay ba ay nangangahulugang
ang lahat ng hula na pinaniniwalaang natupad kay
Propeta Jesus ay kung talagang tutuusin ay natupad kay
Propeta Muhammad (SKP) sa halip na sa kanya?
Walang dahilang isaisantabi ang posibilidad na ang
ilan sa mga hula sa Matandang Tipan ay totoong natupad
kay Propeta Jesus. Hindi ito nagsisilbing isang suliranin
para sa mga Muslim. Sa pagsangguni sa Qur’an lamang
ay tinatanggap na ng mga Muslim si Jesus bilang isang
tunay at pangunahing propeta ni Allah. Ganoon din ang
inulit-ulit sa mga sinabi ni Propeta Muhammad (SKP).
Gayon pa man, mayroon ilang hula sa Matandang Tipan
na sa matagal nang panahon ay minali ang pagkaunawa
Si Muhammad Sa Bibliya
12
nang sa gayon ay ipatungkol kay Jesus. Ang gayong mga
hula kung tutuusin ay tumutukoy kay Propeta
Muhammad (SKP). Ang isa sa gayong mga hula na
tatalakayin mamaya ay ang nasa Deuteronomio 18:18.
Ang pagsusuri at ang pagpapanibagong pakahulugan sa
ganoong mga hula ay hindi maaaring makapagdulot ng
masamang saloobin sa kapita-pitagang katayuan ni
Propeta Jesus (SKP) sa mga puso ng mga Muslim.
Bagkus ito ay isang pagpapahayag ng katotohanan na
ipahahayag din sana ni Jesus mismo kung siya ay
kapiling sana natin ngayon.
MGA PANGUNAHING SANGKAP NG
BALANGKAS NI MUHAMMAD (SKP)
Ano, kung gayon, ang mga sangkap ng “balangkas”
(profile) ni Propeta Muhammad (SKP) na inilarawan sa
Bibliya?
Naglalaman ang balangkas na iyon ng anim na
mahahalagang sangkap:
Ang angkan ng propeta,
Ang kanyang mga katangian,
Ang pook na kanyang pinagmulan,
Ang kapahayagan na ibibigay sa kanya,
Ang mga pangyayaring magaganap sa kapanahunan
niya,
Ang panahon noong siya ay dumating.
Si Muhammad Sa Bibliya
13
ANG ANGKAN NG PROPETA
SI PROPETA ABRAHAM: ANG AMA NG LAHAT
Ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga
Muslim ay nag-aangkin ng isang (common) ama, si
Propeta Abraham, ang ama ng Monoteismo (paniniwala
sa kaisahan ng Diyos). Ano ang anyo ng banghay ng
kanyang talaangkanan (family tree)?
Ang isang payak na pagsulyap dito ay maaaring
makatulong upang ipakita ang ilan sa mga pangunahing
kasapi sa banghay ng
talaangkanan ni Abraham.8
Si Abraham ay nag-asawa kay Sara. Mula sa
pagsasama nila ay lumitaw sa mga supling nila ang
sumusunod na mga propeta: sina Isaac, Jacob, Jose,
Moises, David, Solomon at Jesus (SlaKP). Si Abraham
ay nag-asawa rin kay Hagar. Mula naman sa pagsasama
nila ay lumitaw sa mga supling nila ang sumusunod na
mga propeta: sina Ismael at Muhammad (SlaKP). Ayon
sa Bibliya, unang nakasal si Abraham kay Sara na
nagkataon namang isang baog at hindi siya nabigyan nito
ng anak (Genesis. 16:1).
Ayon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
Aklat ng Genesis, gumawa na nang mahalagang pangako
8 Ayon sa Genesis 25:1, si Propeta Abraham (SKP) ay nag-asawa rin kay
Keturah pagkamatay ni Sara. Ang binibigyang-diin sa usapin ngayon, gayon
pa man, ay ang una niyang dalawang anak, na ang pagpapala sa mga ito ay
nabanggit sa Qur’an at sa Bibliya na tatalakayin mamaya.
Si Muhammad Sa Bibliya
14
ang Diyos kay Abraham, kahit noon pa mang bago siya
nagkaroon ng anak:
“At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay
aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong
pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran; At
pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain
ko ang mga susumpa sa iyo; at pagpapalain sa iyo ang
lahat ng angkan sa lupa.” (Genesis 12:2-3)
Sa isa pang kabanata sa Aklat ng Genesis (16), sinabi
sa atin na ibinigay ni Sara ang isang alila (si Agar) kay
Abraham upang maging asawa niya, sa pag-asang
mabibigyan siya nito ng anak.9
Isinilang nga ni Agar ang unang anak ni Abraham, na
ang pangalan nito na Ismael, na nangangahulugang
“Dininig ng Diyos,” ay ibinigay ng mga Anghel (Gen.
16:11). Sa sumunod na labing-apat na taon, si Ismael
lamang ang bugtong na anak ni Abraham.
Matapos isilang si Ismael at bago isilang si Isaac, ang
pangako ng Diyos na pagpapalain ang mga angkan sa
lupa sa pamamagitan ng mga inapo ni Abraham ay inulit:
“Tungkol sa akin, narito ang aking tipan ay
sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming
bansa.” (Genesis 17:4)
9 Dapat mapansing ang pag-asawa ng higit sa isa ay hindi bibihira sa mga
Israelita, kabilang na ang ilan sa mga Israelitang propeta. Kahit na“ang
Kaibigan ng Diyos” na si Propeta Abraham (SKP), na pinagpala ng Diyos at sa
pamamagitan niya ang mga angkan ng lupa ay pinagpala (Genesis 12:2-3,
17:4), ay may maraming asawa at tiyak na dahil sa isang mabuting dahilan.
Si Muhammad Sa Bibliya
15
May isa pang kalugod-lugod na sorpresang
naghihintay kay Abraham. Sa kanyang katandaan, ang
maybahay niyang si Sara ay magsisilang ng isa pa niyang
anak, si Isaac (SKP) (Genesis 21:5).
Sinasabi sa atin ng Bibliya na dahil sa paninibugho,
hiniling ni Sara sa kanyang asawang si Abraham na ilayo
si Ismael at ang ina nitong si Agar (Genesis 21:10), na sa
dakong huli ay nanirahan sa ilang ng PARAN (Genesis
21:21).
Ang pangako ng Diyos na pagpapalain ang mga inapo
ni Abraham ay tunay ngang nagkatotoo. Mula sa
ikalawang anak ni Abraham, si Isaac, nagmula ang mga
Israelitang propetang gaya nina Jacob, Jose, Moises,
David, Solomon10 at Jesus (SlaKP) na siyang
pinakahuling propetang Israelita.11 Ang katuparan ng
pangako ng Diyos sa mga Israelitang inapo ni Abraham
ay binanggit nang maliwanag at maraming ulit sa Bibliya.
Papaano naman natupad ang pangakong iyon sa mga
Ismaelitang sangay ng angkan ni Abraham? O natupad na
kaya iyon kahit papaano? O matutupad pa lamang?
Sa pagsisimula, hindi sumisira ang Diyos sa mga
pangako Niya, ni Kanyang nalilimutan ang mga ito.
Kawili-wiling mapapansin na habang ang Bibliya ay
naglalaman ng maraming detalye tungkol sa Israelita na
10 Ayon sa paniniwala ng mga Muslim, sina David at Solomon (SlaKP) ay
kapwa mga propeta ni Allah at hindi lamang mga “hari.”
11 Nililinaw ng Qur’an na si Jesus ay isa sa mga pangunahing propeta ng
Diyos. Para sa karagdagang pagtatalakay sa usaping ito, tingnan ang Jesus in
the Qur’an (Si Jesus sa Qur’an) ni Jamal Badawi, Islamic Information
Foundation.
Si Muhammad Sa Bibliya
16
sangay, ang Ismaelita na sangay naman ay talagang hindi
na pinansin. Maliban pa sa kakaunting pagbanggit dito at
doon,12 ang Bibliya ay talagang tahimik tungkol sa mga
Ismaelita.
Kung tatanggaping ang Diyos ay hindi sumisira sa
mga pangako Niya (isang pangunahing kailangan sa
pananampalataya ng sinumang naniniwala sa Diyos),
samakatuwid mayroon na lamang dalawang posibilidad
na maiiwan sa atin:
A. Na ang gayong pangako ng pagpapala na
sumaklaw sa mga Israelita ay natupad na;
B. Na ito ay matutupad pa lamang.
Bantog na katotohanan na mula sa mga inapo ni
Ismael (SKP) lumitaw ang huling dakilang Propeta ng
Monoteismo, si Propeta Muhammad (SKP), na ang
kanyang mga tagasunod ay binubuo halos ng ikalimang
bahagi ng kabuuang populasyon ng mundo sa lahat ng
sulok ng daigdig.
Pagkatapos biyayaan ang mga inapo ni Isaac, ang mga
Israelita, ng espirituwal na pamumuno sa loob ng
maraming siglo, at pagka-tapos ng maraming pagkahulog
sa kasalanan at pagsuway sa Diyos na nagawa nila,
binigyan sila ng huling pagkakataon sa pamamagitan ng
pagsusugo ng huling Israelitang propeta, si Jesus. Nang si
Jesus ay tinanggihan din, ito na ngayon ang panahon sa
plano ng Diyos na tuparin din ang pangako Niya sa
Ismaelitang sangay, ang sangay na nanatiling di-kilala
12 Halimbawa, si Ismael (SKP) ay may labindalawang anak, kabilang na roon
si Cedar (Kedar), Genesis 25:13. Ang iba pang detalye ay tatalakayin mamaya.
Si Muhammad Sa Bibliya
17
hanggang sa ito ay ginawang malaking bansa13 sa
pamamagitan ng pagsusugo sa bantog na Propeta, si
Muhammad (SKP) na isa sa mga inapo ni Propeta
Abraham mula kay Ismael (SlaKP). Ang paglipat ng
pagkapropeta at espirituwal na pamumuno sa Ismaelitang
sangay ng mga inapo ni Abraham ay nagbigay ng
kaganapan sa matagal nang pangako ng Diyos na
pagpapalain ang mga angkan sa lupa sa pamamagitan ni
Abraham, ang ama ng Mono-teismo at Patriarka na
iginagalang ng mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga
Muslim.
Sa sinumang may pag-iisip na walang kinikilingan,
ang mga katunayan lamang sa itaas ay makasasapat na
upang ipakita ang ugnayan ng gayong mga dakilang
Propeta na tulad nina Abraham, Isaac, Ismael, Moises,
Jesus, at Muhammad (SlaKP).
Kung ang gayong mga hula hinggil sa pagdating ni
Propeta Muhammad (SKP) ay gayon kaliwanag,
papaanong ang milyon-milyong mambabasa ng Bibliya
ay hindi humantong sa gayong konklusyon? Kung
isasaisang-tabi muna sa ngayon ang ibang mga dahilan,
wari bagang ang pagkakasama ng maling haka-haka at
maling pagkaunawa ay may bahagyang pananagutan sa
ganitong kalagayan. Ating susuriin ang mga haka-hakang
ito.
13 Ang partikular na reperensiya hinggil sa paggawa kay Ismael na malaking
bansa ay makikita sa Genesis 21:13,18. Ang mga mahalagang talatang ito ay
tatalakayin mamaya.
Si Muhammad Sa Bibliya
18
MGA PAGTUTUTOL SA PAGSAMA KAY
ISMAEL SA TIPAN NG DIYOS KAY
ABRAHAM
Si Ismael at ang kanyang mga inapo ay hindi ba
isinama sa Pangako at Tipan ng Diyos? Ang isang
karaniwan ngunit maling sagot sa tanong na ito ay oo.
May ilang katwirang ibinibigay:
A. Si Ismael ay hindi isang lehitimong anak ni
Abraham.
Ayon sa mga komentarista ng The Interpreter’s Bible:
“Si Ismael, gaya ni Isaac, ay supling ni Abraham; ngunit
si Isaac ang anak ng pangwakas na pangako, na isinilang
ni Sara na tunay na maybahay, samantalang si Ismael ay
isinilang ng isang babaeng alipin. Bagamat siya ay
galing sa lahi ni Abraham, gayon pa man, nararapat na
siya ay ihiwalay sa lehitimong anak.”14
Ang argumentong ito ay hindi makakatigan ng
katwiran, moralidad, o kahit ng pagbatay pa sa
kasalukuyang mga limbag ng Bibliya mismo. Ang
diumano’y kalagayan ng pagkaalipin ni Agar ay
humadlang ba sa kanya upang maging isang lehitimong
maybahay ni Abraham? Bakit siya ay hindi isang tunay
na maybahay? Kung siya ay hindi tunay na maybahay
gaya ni Sara, anong uri ng maybahay siya?
14 The Interpreter’s Bible, Abingdom Press. N.Y., 1952 Volume 1, p. 605.
Si Muhammad Sa Bibliya
19
Ang mga teksto ng Bibliya, sa kabila ng mga
posibilidad ng mga pagdaragdag o pagbabago sa bandang
huli, ay hindi gumagawa ng gayong pahayag. Sa Genesis
16:3, si Agar ay inilalarawan na isang asawa ni
Abraham.15 Kung si Hagar ay isang lehitimong asawa ni
Abraham, walang anumang mga batayan para pagalinlanganan
ang pagiging lehitimo ng anak niyang si
Ismael. Sa katunayan ang Bibliya ay tumutukoy kay
Ismael bilang anak ni Abraham,16 na siyang panganay ni
Abraham.
Kahit pa man si Agar ay isang aliping babae,
makaaapekto ba iyon sa mga karapatan at mga
pribelihiyo ng kanyang anak na si Ismael? Ang kasagutan
ay matatagpuan sa Bibliya mismo. Sa mga kaugaliang
Hebreo, ang panganay na anak na lalaki ay may dobleng
bahagi ng karangalan, pati na sa pagmamana, at ang
karapatang iyon ay hindi mababago dahil sa katayuan ng
kanyang ina.
Sa Interpreter’s Bible ay mababasa natin ang
sumusunod na komentaryo sa Deuteronomio 21:15-17:
15 “At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang
alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng
Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa
niya.” (Genesis 16:3, Ang pagbibigay-diin ay sa amin.)
16 Tingnan halimbawa ang Genesis 21:13. Sa ibang mga talata si Ismael ay
tinawag na anak ni Abraham: “At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram
at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni
Agar, ay Ismael.” (Gen. 16:15, Ang pagbibigay-diin ay idinagdag.); “At
inilibing siya (Abraham) ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak…” (Gen.
25:9, Ang pagbibigay-diin ay sa amin.)
Si Muhammad Sa Bibliya
20
“Gayon pa man, ang batas hinggil sa panganay ay may
matandang kapahintulutan, at hanggang ito ay
tinatanggap, hinihingi ng katarungan na ang payak na
pagtangi ay hindi papayagang mag-kait sa
pinakamatandang anak na lalaki ng karapatan niya.”17
Dapat malamang ang Diyos ay hindi umaayon sa mga
saloobin ng tao na naniniwala sa superyoridad na panlipi
o panlahi o sa pagtatangi-tangi at lalo naman sa
pagpapababa ng espirituwal at pantaong mga katangian
ng sangkatauhan dahilan sa isang kapus-palad na
kalagayan ng pagkaalipin. Ang kamalian ng diumano’y
abang katayuan ni Ismael sanhi ng abang katayuang
panlipunan ng kanyang ina ay hindi lamang salungat sa
batas ng Hudyo (hal. Deut. 21:15-17), ito rin ay salungat
sa pangmoralidad, makatao at panlahat na katangian ng
kapahayagan ng Diyos, na minamahal ng sinumang
sumasampalataya sa Kanya.
B. Si Isaac lamang ang anak ng pangako at tipan.
Kung minsan, binabanggit ang sumusunod na mga
talata sa Aklat ng Genesis:
“Nguni’t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay
Isaac…” (Gen. 17:21);
“…sapagka’t kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.”
(Gen. 21:12)
17 Interpreter’s Bible, op. cit., volume 2, p. 461. Ang pagbibigay-diin ay sa
amin.
Si Muhammad Sa Bibliya
21
May isang nakawiwiling tanong dito: Hindi kaya
posible na isiningit ng (mga) nagsulat ng aklat na ito
(Genesis) ang ganoong mga pahayag upang magalingin
ang sariling lipi niya, yayamang siya mismo ay isang
Israelita? Ayon sa The Interpreter’s Bible:
“Hindi ibig ng maraming Israelita ang isang Diyos na
magiging Diyos din ng lahat ng bansa sa daigdig.
Hindi nila ibig ang isang [Diyos na] magiging
Kabanalang walang pinapanigan. Ibig nila ang isang
Diyos na magiging kampi sa kanila. Kaya mababasa
natin sa Deuteronomio ang mga kahilingang lipulin
nang lubusan ang lahat ng lahing di-Israelita sa
Palestina (Deut. 7:2). At sa pagpapatupad ng
kautusang iyon, basahin ang malupit na mga
pangungusap ng Deut. 20:10-17”18
18 Interpreter’s Bible, op. cit. Volume 1, p. 575. Ang binanggit na mga talata
ay ganito ang mababasa sa Bibliya: “At pagka sila’y ibibigay sa harap mo ng
Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila: ay lubos mo ngang lipulin sila:
Huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng
kaawaan sila:…” (Deut. 7:2); “Bago ninyo salakayin ang isang lunsod, alukin
muna ninyo sila sa pakiki-pagkasundo. Kapag sila’y pumayag, magiging alipin
ninyo sila. Kung ayaw nilang makipagkasundo at sa halip ay lumaban, sakupin
ninyo sila. Kapag sila’y nalupig na ninyo sa tulong ng Diyos, patayin ninyo
ang lahat ng lalaki roon. Bihagin ninyo ang mga babae, at ang mga bata, at
samsamin ang mga hayop at lahat ng maaari ninyong makuha. Yaon ay para sa
inyo. Maaari ninyong kunin pagkat ipinagkaloob ko sa inyo. Ganyan ang
gagawin ninyo sa lunsod na malayo sa inyo. Ngunit huwag ninyong gagawin
ito sa mga lunsod sa lupaing ibibigay ko sa inyo. Huwag kayong magtitira ng
ano mang may buhay. Lipulin ninyo ang mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo,
Heveo, at Jebuseo, tulad ng utos ng Diyos.” (Deuteronomio 20:10-17). Sinipi mula
sa Bibliyang MAGANDANG BALITA para sa Ating Panahon ng PBS.
Si Muhammad Sa Bibliya
22
Ang posibilidad ng mga pagsisingit na ipinasok sa
diumano’y orihinal na teksto ng kapahayagan ay isang
bagay na maluwag na inaamin ng maraming pantas ng
Bibliya, kabilang na ang mga pantas na tapat na
naniniwala sa Kristiyanismo gaya ng mga patnugot at
mga nag-ambag sa The Interpreter’s Bible.19
Halimbawa, ang katagang “taga Egipto” na
matatagpuan sa Genesis 16:3 sa pagtukoy kay Agar ay
pinaghihinalaang isang pagsisingit at na si Agar kung
tutuusin Agar ay isang bedouin at hindi isang babaeng
taga-Egipto.20
Karagdagan pa sa ganoong posibilidad, kung hindi
malamang na pangyayari, ng mga pagsisingit sa Genesis
17:21 at 21:12, ang mga ito ay hindi naman tahasang
mismong nag-aalis kay Ismael sa pangako at tipan ng
Diyos.
Ang kapwa talata ay maaaring unawain na tumutukoy
sa medyo “malapit” na hinaharap na tatagal ng ilang mga
siglo na sa mga panahong iyon ang tipan ng Diyos at ang
mga binhi ng pakapropeta sa pangkalahatan ay nasa mga
Israelitang sangay ng angkan ni Abraham. Ang ganoong
pagtatakda, gayon pa man, ay hindi nangangahulugan o
19 Sa panimula ng The Interpreter’s Bible ay ito ang nabanggit: “...Kaya ang
aming mga patnugot at mga nag-ambag ay sabik na nagtatapat, bilang mga
taong nasa ilalalim ng pananalig na nakapagliligtas, na ang Diyos ay si Kristo
para sa ating mga tao, at para sa ating kaligtasan, pumanaog ... at ginawang
tao.” Ang Bibliya ay inilarawan din na “Himala sa Kasalukuyan ng makalangit
na katotohanan,” The Interpreter’s Bible, op.cit., vol. 1p. xvii at xviii.
20 The Interpreter’s Bible, Ibid, vol. 1, p. 604.
Si Muhammad Sa Bibliya
23
nagpapahiwatig ng tuluyang di-pagsama sa mga inapo ni
Ismael. Kapag ang dalawang talatang ito (Gen. 17:21 at
21:12) ay susuriin kaalinsabay ng nasasaad sa iba pang
mga talata ng naturang aklat, magiging malinaw na ang
mga Ismaelita ay isinama sa pangako ng Diyos at
Kanyang tipan kay Abraham: (a) Ang tipan ng Diyos kay
Abraham ay pinagtibay bago pa man siya nagkaroon ng
mga anak (Gen. 12:2-3). Ito ay inulit matapos isilang si
Ismael at bago isilang si Isaac (Gen. 17:4);21 (b) Habang
ang Gen. 21:12 ay nagpapahiwatig na kay Isaac tatawagin
ang lahi ni Abraham, ang mismong kasunod na talata
naman (Gen. 21:13) ay tumatawag kay Ismael na anak ni
Abraham; (c) Kung papaanong pinagpala si Isaac sa
ganoong aklat (Genesis), si Ismael ay tiyakang pinagpala
rin kaya naman kasama rin sa pangako ng Diyos.
“At ang anak din naman ng alipin ay gagawing isang
bansa, sapagka’t siya’y anak mo.” (Gen. 21:13).
Ang pangakong nasa itaas ay pinatotohanan pa
pagkatapos ng ilang mga talata (Gen. 21:18):
“Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at alalayan mo
siya ng iyong kamay; sapagka’t siya’y gagawin kong
isang bansang malaki.”
21 Sa pagbibigay ng komentaryo sa kabanatang ito (Gen. 17), ang The
Interpreter’s Bible ay nagpapahayag na sa puntong ito, si Abraham ay
pinangakuan ng tatlong bagay: na “magiging ama ng maraming bansa;” na ang
Diyos ay “magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo;” na
magmamay-ari ng “buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan”
Ibid, vol. 1, p. 611.
Si Muhammad Sa Bibliya
24
Dapat mapansing kapag ang Diyos ay nagsasalita ng
tungkol sa “malaki,” hindi lamang Siya nagsasalita ng
tungkol sa mga bilang. Ang “kalakihan” sa Kanyang
sariling pamantayan ay, higit sa lahat, nakabatay sa
pananampalataya, manang espirituwal, at relihiyosong
pamumuno.
C) Ang Anak ng Pangako ay isa sa dalawa: Si Isaac o
si Ismael.
Ito ay karaniwang sinasabi sa pahayag na gaya ng
sumusunod:
“Si Ismael ay isinaisang-tabi bilang siyang tagapagmana
ng Tipan. Ang sinasabing ang (ipinagpalagay na)
panganay na anak ni Abraham ay hindi naging
tagapagmana ng banal na Pangako ay ipinaliliwanag sa
J222 ng pagtakas ni Agar bago isilang ang bata (Kab.
16), at sa E23 ng pagpapalayas sa kanya kasama ng bata
(21:9-21)…”
24
Maaaring mayroong magtanong sa puntong ito: i)
Bakit dapat mayroong isang anak lamang bilang siyang
tagapagmana ng banal na Pangako? Bakit hindi ang kapwa
anak alinsunod sa mga katibayang tinalakay? ii) Anong
uri ng maka-Diyos na katarungan ang magpa-parusa sa
isang walang malay na bata dahil lamang sa pagtakas ng
kanyang ina bago pa man siya isinilang (lalo na kung ang
22 Maaaring ang tinutukoy ng J2 ay ang nakasaad sa Gen. 16:6. Ang
tagapagsalin.
23 Hindi maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng “E.” Ang tagapagsalin.
24 Interpreter’s Bible, Ibid, vol.1 p.615. Ag pagbibigay-din ay sa amin.
Si Muhammad Sa Bibliya
25
pagtakas na iyon ay inudyukan ng panibugho at pang-aapi
ni Sara)? iii) Anong uri ng maka-Diyos na katarungan (o
kahit na sentido-komun) yaong nagpaparusa sa isang
batang walang malay sa dahilang siya at ang kanyang ina
ay “pinalayas” upang bigyang-kasiyahan ang kaakuhan
(ego) ni Sara, at yaong nagpapala sa paninibugho ni Sara?
Idinidikta rin ba ni Sara ang kanyang mga mithiin sa
Diyos?
BAKIT INILAYO SINA ISMAEL AT AGAR?
Kung naniniwala rin ang mga Muslim na si Agar
(maybahay ni Abraham) at ang anak niyang si Ismael ay
pinatira sa ibang lugar, ano naman ang salaysay nila sa
naturang kasaysayan? At papaano maihahambing ang
salaysay na iyon sa salaysay ng Bibliya?
Si Muhammad Sa Bibliya
26
ANG SALAYSAY NG MUSLIM25
Tumanggap si Propeta Abraham ng tagubilin mula sa
Diyos na dalhin si Agar at ang sanggol nitong si Ismael sa
isang walang pananim at walang buhay na takdang lugar
sa Arabia (Paran), sa Makkah (Mecca). Sa Qur’an, si
Abraham ay nagwika (14:37):
“O Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatira sa
ilan sa mga supling ko sa isang lambak na walang
pananim, sa tabi ng banal na Bahay Mo, Panginoon
namin, upang panatiliin nila ang pagdarasal. Kaya
gumawa Ka ng mga puso, mula sa mga tao, na
kumikiling sa kanila, at tustusan Mo sila mula sa
25 Ang salaysay ng Muslim hinggil sa paninirahan nina Agar at Ismael sa
Paran ay hindi inudyukan ng paninibugho ni Sara. Ito ay tatalakayin mamaya.
Ang isang nakawiwiling katanungan sa sinipi sa itaas (Vol. 1, p.615) ay: Bakit ang
mga patnugot ay tumutukoy kay Ismael na “ipinagpalagay na” panganay na
anak ni Abraham samantalang ang Bibliya mismo ay naglalahad nito bilang
isang “katotohanan”? Ano pang puwang mayroon sa “pagpapalagay” na ito?
Maaaring isipin na ito ay isang halimbawa ng negatibong saloobin sa mga
Ismaelita; isang karugtong ng gayon ding pagkiling (bias) na hindi alintana ng
mga patnugot ng The Interpreter’s Bible sa Vol. 1, p. 575 (tingnan ang
talababa #19). Dapat ding kilalanin, gayon pa man, na sa ibang mga bahagi ay
may ginawa ring di-gaanong may-kiling na mga pahayag. Halimbawa, sa
komentaryo sa Gen. 17:4, ito ang nasasaad: “Ang unang pangako ng Diyos ay
na si Abraham ay magiging ama ng maraming bansa. Ang pagtukoy na ito ay
hindi lamang sa Israel kundi sa mga Ismaelita rin, sa mga Edomita, at sa mga
bansang ang mga ipinagpalagay na pangalan ng mga ninuno ay nakatala sa
Gen. 25:2-4, silang lahat na sinabi ng mga kasulatan bilang mga inapo ni
Abraham.” The Interpreter’s Bible, vol 1, p.609. Ang pagbibigay-diin ay
idinagdag.
Si Muhammad Sa Bibliya
27
mga bunga nang harinawa sila ay
magpapasalamat.”
Noong nagsimulang iwan ni Abraham sina Agar at
Ismael nang mag-isa sa gayong ilang na walang pananim,
sumigaw si Agar sa kanya: “Saan mo kami iiwan?” Ang
tanong ay inulit nang tatlong ulit, ngunit walang sagot na
itinugon si Abraham. Nagtanong muli si Agar: “Inatasan
ka ba ng Diyos na gawin ito?” “Oo,” sagot ni
Abraham.“Kung gayon, hindi Niya kami ipahahamak,”
sagot ni Agar na may lubos na pananampalataya at
pananalig sa Diyos.
Noong naubusan na ng tubig si Agar, nagsimula
siyang dali-daling tumakbo sa pagitan ng dalawang
maliliit na burol na tinatawag na asSafá at alMarwah sa
paghahanap ng tubig o ng nagdaraan na mga
manlalakbay. Matapos siyang nagpabalik-balik nang
makapitong beses na wala namang nangyari, bumalik
siya upang tingnan ang kanyang sanggol (si Ismael) na
umiiyak at isinisikad ang mga bukong-bukong nito sa
lupa. Sa sandaling ito ng kawalang-pag-asa at
napipintong tiyak na kamatayan, may isang bukal ng
tubig na bumulwak sa paanan ni Ismael. Ang bukal na
iyon ay tinatawag bandang huli na bukal ng Zamzam.
Yayamang ang tubig ay ang pinakamahalagang
sangkap ng buhay-disyerto, may mga bedouin na
nagsimulang manirahan sa paligid ng bukal, na untiunting
naging napakahalagang lungsod ng Arabia, ang
Makkah (Mecca). Pagkalipas ng maraming siglo, mula sa
mga inapo ni Ismael nagmula ang Huling Propeta ng
Si Muhammad Sa Bibliya
28
Diyos, si Muhammad (SKP),26 na isinilang sa Makkah
mga limang siglo matapos suguin ang huling propetang
Israelita na si Jesus.
Nakawiwiling malaman na hanggang sa ngayon ang
mga burol ng asSafá at alMarwah ay madali pa ring
makilala. Sa katunayan, ang mabilis ng paglalakad sa
pagitan ng mga burol na ito ay bahagi ng taunang mga
seremonya ng hajj (pilgrimage) na isinasagawa ng dimabilang
na mga pilgrim taun-taon. Ang seremonyang
ito, kung tutuusin, ay isinasagawa bilang paggunita sa
paghahanap ni Agar ng tubig, at ito ay magmula pa
noong kapanahunan ni Ismael, matagal na panahon bago
dumating si Propeta Muhammad (SKP). Gayon din, ang
bukal ng Zamzam na mahimalang bumulwak sa paanan
ng sanggol na si Ismael ay patuloy pa ring nagbubulwak
ng tubig hanggang sa panahong ito. Daan-daang libong
pilgrim sa Makkah (mga dalawang milyon kamakailan
lamang) ang umiinom dito taun-taon at marami pang iba
na umiinom dito sa buong taon.
26 Ito ang tugon ng Diyos sa panalangin ni Abraham: “O Panginoon ko,
gawin Mo po ako na nagpapanatili sa pagdarasal at ang mula sa mga
supling ko. Panginoon Namin, tanggapin Mo po ang panalangin ko.”
(Qur’an 14:40). Nakawiwiling malaman na ang Islam ay humihiling sa mga
Muslim na magsagawa ng palagiang pagdarsal na hindi bababa sa limang
beses isang araw. Ang bawat isa sa mga pagdarasal na ito ay may kasamang
panalanging pagpalain si Propeta Abraham at ang kanyang mga inapo.
(Ihambing sa Genesis 12:3). Ang isa pang higit na malinaw na panalangin ni
Abraham ay ang sumusunod: “Panginoon namin, magpadala Ka sa kanila
ng isang Sugong mula sa kanila na bibigkas sa kanila ng mga Talata Mo
at magtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan, at magdadalisay sa
kanila. Tunay na Ikaw, Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.”
(Qur’an 2:129)
Si Muhammad Sa Bibliya