Mga Artikulo




81


Ikatlong Kabanata: Ang Mensahe


Ang ikalawang usapin, ‘Ang Mensahe ni Jesus,’ ay


marahil ang pinakamahalagang punto na isasaalangalang.


Sapagkat, kung si Jesus ay hindi Diyos na


nagkatawang-tao, kundi isang propeta ng Diyos, ang


mensahe na inihatid niya mula sa Diyos ay ang


pinakadiwa ng kanyang misyon.


Ang Pagsuko


Ang saligan ng mensahe ni Jesus ay ang pagsuko sa


kalooban ng Diyos, sapagkat iyon ang saligan ng


relihiyong itinagubilin ng Diyos sa tao magmula noong


simula ng panahon. Sinasabi ng Allah128 sa Kabanata Ál


‘Imrán, ang ikatlong kabanata ng Qur’án, talata 19:





“Tunay na ang relihiyon para kay Allah ay Islam...”


128 Bagamat ilang ulit nang nasipi sa aklat na ito ang katagang “Alláh,”


nais nating bigyang-diin na ang katagang “Alláh” ay ang pangngalang


pantangi ng Diyos sa wikang Arabe. Hindi ito katumbas ng katagang


GOD sa Inggles o DIEU sa Pranses o DIOS sa Espanyol o ILÁH sa


Arabe o EL sa Hebreo sapagkat ang mga ito ay HINDI PANGALAN NG


DIYOS, kundi pawang mga katawagan lamang sa Panginoon o


Tagapaglika o sa tinatawag na DIYOS sa Tagalog. Mali ring akalaing si


Alláh ay Diyos lamang ng mga Arabe o mga Muslim, sapagkat kahit na


ang mga Hudyong Arabe at ang mga Kristiyanong Arabe ay Alláh ang


tawag sa Diyos na siyang lumalang sa langit at lupa. Alláh ang


ipinantatawag ng mga Muslim sa Diyos sapagkat nakatitiyak silang ito


ay pangalan ng Diyos yamang ang Diyos ay nagpakilala sa pangalang


ito. Ang Tagapagsalin.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


82


Sa wikang Arabe, ang pagsuko sa kalooban ng Diyos


ay tinawag na Islám. Sa Ebanghelyo ayon kay Mateo


7:21, si Jesus ay nasipi na nagsasabi: “Hindi ang bawat


nagsasabi sa akin, Panginoon,Panginoon, ay papasok sa


kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng


aking Ama na nasa langit.” Sa pahayag na ito, si Jesus


ay nagbigay-diin sa kalooban ng aking Ama, ang pagsuko


ng kalooban ng tao sa kalooban ng Diyos. Sa Juan 5:30,


naisalaysay na si Jesus ay nagsabi rin: “Hindi ako


makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako


ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko ay matuwid;


sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling


kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa


akin.”


Ang Kautusan


Ang “kalooban” ng Diyos ay napaloloob sa mga


kautusan na ipinahayag ng Diyos, na itinuro ng mga


propeta sa mga tagasunod nila. Kaya naman, ang


pagtalima sa kautusan ng Diyos ang saligan ng


pagsamba. Ang pangangailangang tumalima sa mga


kautusang ipinahayag ng Diyos ay pinagtibay ng Qur’an


sa Kabanata al-Má’idah (5), talata 44:





“Tunay na Aming ibinaba ang Torah na sa loob


nito ay may patnubay at liwanag, na naghahatol sa


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


83


pamamagitan nito ang mga propeta na mga


sumuko kay Allah…Ang sinumang hindi humatol


ng ayon sa ibinaba ni Allah, ang mga iyon ay ang


mga tumatangging sumampalataya.”


Naiulat din sa Ebanghelyo ayon kay Mateo 19:16-17 na


si Jesus ay gumawa sa pagtalima sa mga kautusan ng


Diyos na susi sa paraiso: “At narito, lumapit sa kanya


ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na


gagawin ko upang ako’y magkaroon ng buhay na walang


hanggan? At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong


sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa na siyang


mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay,


ingatan mo ang mga utos.” Naiulat din sa Mateo 5:19 na


ipinagpilitan ni Jesus ang mahigpit na pagsunod sa mga


kautusan; sinabi niya: “Kaya’t ang sinomang sumuway sa


isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa


mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit:


datapuwa’t ang sinumang gumanap at ituro, ito’y


tatawaging dakila sa kaharian ng langit.”


Ang batas ng Diyos ay kumakatawan sa patnubay para


sa sangkatauhan sa lahat ng gawain sa buhay. Ito ay


nagtatakda ng tama at mali sa kanila at nagbibigay sa mga


tao ng isang kumpletong sistema na namamahala sa lahat


ng kapakanan nila. Ang Tagapaglikha lamang ang higit na


nakaaalam sa kung ano ang nakabubuti para sa mga


nilikha Niya at kung ano ang hindi nakabubuti. Kaya ang


kautusan ng Diyos ay nag-uutos at nagbabawal sa ilang


mga gawain at mga bagay upang mapangalagaan ang


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


84


kaluluwa ng tao, ang katawan ng tao, at ang lipunan ng


tao laban sa kapinsalaan. Upang ang mga tao ay


makaganap sa potensiyal nila sa pamamagitan ng matuwid


na pamumuhay, kailangan nilang sambahin ang Diyos sa


pamamagitan ng pagtalima sa mga kautusan Niya.129


Ito ang relihiyong ipinararating sa mensahe ni Jesus:


ang pagsuko sa kalooban ng nag-iisang tunay na Diyos sa


pamamagitan ng pagtalima sa mga kautusan Niya.


Binigyang-diin ni Jesus sa kanyang mga tagasunod na


ang kanyang misyon ay hindi nagpawalang-bisa sa mga


kautusan na natanggap ni Propeta Moises. Yamang ang


mga propetang dumating pagkatapos ni Moises ay


nagpanatili sa kautusan, gayon din ang ginawa ni Jesus.


Ang kabanata al-Má’idah (5), talata 46 ng Qur’an ay


nagpapakitang pinatotohanan ni Jesus sa kanyang


mensahe ang mga Kautusan sa Torah.


“Pinasunod Namin sa mga bakas nila si Jesus na


anak ni Maria, bilang nagpapatotoo sa Torah na


nauna sa kanya at ibinigay Namin sa kanya ang


Ebanghelyo na sa loob nito ay may patnubay at


liwanag, at bilang nagpapatotoo sa Torah na


nauna rito...”


129 The Purpose of Creation, p. 42-43.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


85


Sa Mateo 5:17-18 ay nagpahayag si Jesus: “Huwag


ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang


kautusan at ang mga propeta: ako’y naparito hindi


upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagkat


katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa


mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o


isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa


kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga


bagay.” Subalit maparaang pinawalang-bisa ni Pablo, na


nag-aangking isang disipulo ni Jesus, ang mga kautusan.


Sa sulat niya sa Mga Taga Roma 7:6, ipinahayag niya:


“Datapuwat ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan,


yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatali sa atin; ano


pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu,


at hindi sa karatihan ng sulat.”


Ang Unitaryanismo130


Dumating si Jesus bilang isang propetang nagaanyaya


sa mga tao sa pagsamba sa Diyos lamang, gaya


ng mga propetang nauna sa kanya. Ang sabi ng Diyos sa


Kabanata an-Nahl (16):36 ng Qur’an:





“Talaga nga nagpadala Kami131 sa bawat


kalipunan ng isang sugo na nagsasabi: “Sambahin


130 Ang Unitaryanismo ay ang paniniwala sa iisang Diyos na may isang


Persona. Taliwas ito sa Trinitaryanismo na naniniwala sa iisang Diyos na


may tatlong Persona. Ang Tagapagsalin: Sulaiman Idris Alojado.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


86


ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang diyusdiyusan.”…”


Sa Lucas 4:8 ay hiniling ng Demonyo kay Jesus na


sambahin siya at nangako na ibibigay rito ang paghahari


at ang kaluwalhatian ng lahat ng kaharian sa mundong


ito, “At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya,


Nasusulat sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya


lamang ang iyong paglilingkuran.” Kaya naman, ang


pinakadiwa ng mensahe ni Jesus ay tanging ang Diyos


ang karapat-dapat sa pagsamba at ang pagsamba sa


kaninuman o sa anumang iba pa sa Diyos o kasama sa


Diyos ay walang-kabuluhan. Hindi lamang inanyayahan


ni Jesus ang mga tao sa mensahe na ito, ipinakita niya rin


ito sa kanila sa gawa sa pamamagitan ng pagpapatirapa sa


pagdalangin at ng pagsamba sa Diyos mismo. Nasasaad


sa Marcos 14:32: “At nagsirating sila sa isang dako na


tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga


alagad, magsiupo kayo rito samantalang ako’y


nananalangin.” At sa Lucas 5:16: “Datapuwa’t siya’y


lumigpit sa mga ilang, at nanalangin.”


Inanyayahan sila ni Jesus na sumamba sa nag-iisang


tunay na Diyos na namumukod-tangi sa mga katangian


Niya. Ang Diyos ay hindi nagtataglay ng katangian ng


Kanyang mga nilalang, at ang anumang nilalang ay hindi


131 Bagamat ang panghalip na Kami na ginamit dito ay plural, ito ay


nangangahulugang Ako dahil ito ay plural of majesty, na ginagamit sa


maraming wika gaya ng Inggles, Arabe, at Hebreo. Ang Tagapagsalin.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


87


nakikihati sa anuman sa mga katangian Niya. Sa Mateo


19:16-17, nang ang isang lalaki ay tumawag na mabuti


kay Propeta Jesus, na nagsasabi: “Good Master, what good


thing shall I do, that I may have eternal life?” (Mabuting


Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang


ako’y magkaroon ng buhay na walang hanggan?) ay


sumagot si Propeta Jesus: “Why callest thou me good?


there is none good but one, that is, God.” (Bakit mo


tinawag ako na mabuti? walang sinumang mabuti kundi


isa, alalaong baga’y, ang Diyos.)132 Itinanggi niya ang


pagtataguri sa kanya ng ‘walang hanggang kabutihan’ o


‘ganap na kabutihan’ at iginiit niya na ang katangiang ito


ay nauukol lamang sa Diyos.


Ang malaking mayoriya ng mga Kristiyano sa ngayon


ay dumadalangin kay Jesus sa pag-aakalang siya ay Diyos.


Ang mga Pilosopo sa kanila ay nagsasabing hindi nila


sinasamba ang taong si Jesus, kundi ang Diyos na


lumitaw sa taong si Jesus. Ito rin ang katuwiran ng mga


paganong yumuyukod sa pagsamba sa mga anito. Kapag


tinanong ang isang paganong pilosopo kung bakit siya


sumasamba sa isang anito na ginawa ng mga kamay ng tao,


ang itinutugon niya ay hindi naman talaga niya sinasamba


ang anito. Dagdag pa roon, maaari pa niyang sabihin na


ang anito ay pokus ng kinaroroonan ng Diyos, kaya


nasasabing ang sinasamba ay ang Diyos na nasa anito at


hindi ang pisikal na anito mismo. May kakaunti o walang


132 Tingnan ang talababa bilang 72.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


88


pagkakaiba ang paliwanag na iyon at ang sagot na


ibinibigay ng mga Kristiyano sa pagsamba kay Jesus. Ang


pinagmulan ng likong paniniwala na ito ay ang maling


paniniwala na ang Diyos ay nasa nilikha Niya. Ang


gayong paniniwala ay nagbibigay-katwiran sa pagsamba


sa nilikha ng Diyos.


Ang mensahe ni Jesus, na humihimok sa mga tao na


sumamba sa nag-iisang Diyos lamang, ay nabaluktot


matapos ang paglisan niya. Ang dalisay at payak na


mensahe ay ginawa ng mga tagasunod niya bandang huli,


magmula kay Pablo, na isang masalimuot na pilosopiya


ng Trinidad na nagbibigay-katuwiran sa pagsamba kay


Jesus, at pagkatapos ay sa pagsamba sa ina ni Jesus na si


Maria,133 sa mga anghel134 at sa mga santo. Ang mga


133 Tinatawag na Santa Maria, naging layon siya ng veneration


(pagsamba; pagpipitagan) ng Iglesyang Kristiyano magmula nang


panahong apostoliko. Binigyan siya ng taguring theotokos, na


nangangahulugang “nagdala sa Diyos” o “ina ng Diyos” noong ika-3 at


ika-4 na siglo. Ang popular na debosyon kay Maria—na nasa anyong


mga pista, mga debosyon at rosaryo —ay may ginampanang


napakalaking papel sa buhay ng mga Romano Katoliko at mga


Orthodox. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 7. p. 897-898 at


vol. 16, p. 278-279.)


134 Ang mga anghel na sina Miguel, Gabriel at Rafael ay ginawang mga


santo at ang panrelihiyong pagdiriwang na kilala sa tawag na


Michaelmas (tinatawag ng mga Anglicano na “Feast of Saint Michael


and All Saints”) ay inilaan para sa kanila ng mga Kanluraning Iglesya sa


ika-29 ng Setyembre, at ng mga Silanganing Iglesya sa ika-8 ng


Nobyembre. Ang kulto ni San Miguel ay nagsimula sa Silanganing


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


89


Katoliko ay may mahabang talaan ng mga santo na


kanilang dinudulugan sa mga sandali ng


pangangailangan. Kapag may nawala, si Saint Anthony ng


Thebes ay dinadalanginan upang tumulong sa paghahanap


nito.135 Si Saint Jude Thaddaeus ay ang santong patron


ng mga imposible at dinadalanginan para mamagitan sa


mga sakit na walang lunas, ditiyak na mga pag-aasawa at


mga tulad nito.136


Ang santong patron ng mga


manlalakbay ay si Saint Christopher (San Cristobal).


Dinadalangin siya noon ng mga manlalakbay hanggang


bago sumapit ang 1969, kung kailan siya pormal na inalis


sa talaan ng mga santo sa ayon sa atas ng Papa, matapos


na mapatotohanan na siya ay gawa-gawa lamang.137


Bagamat pormal na siyang binura sa talaan ng mga santo,


mayroong maraming Katoliko sa buong mundo sa ngayon


na nanalangin pa rin sa kanya.


Ang pagsamba sa mga santo ay sumasalungat at


nakasisira sa pagsamba sa iisang Diyos; at ito ay walang


kabuluhan, sapagkat walang buhay o patay na


makatutugon sa mga panalangin ng tao. Ang pagsamba sa


Iglesya noong ika-4 na siglo CE. Dahil sa tradisyonal na katungkulan ni


San Miguel bilang pinuno ng mga hukbo ng langit, ang veneration sa


lahat ng mga anghel ay isinama sa wakas sa kulto sa kanya. (The New


Encyclopaedia Britannica, vol. 8, p. 95.) Siya ang naging patron ng mga


sundalo.


135 The World Book Encyclopedia, vol. 1, p. 509.


136 The World Book Encyclopedia, vol. 11, p. 146.


137 The World Book Encyclopedia, vol. 3, p. 417.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


90


Diyos ay hindi dapat ibahagi sa anumang paraan, hugis o


anyo sa Kanyang nilalang. Kaugnay rito, sinabi ni Allah


ang sumusunod sa kabanata al-A‘ráf (7):194:





“Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod


pa kay Allah ay mga lingkod na mga tulad


ninyo...”


Ito ang mensahe ni Cristo Jesus at ng lahat ng propeta


na nauna sa kanya. Ito rin ang mensahe ng huling


propeta, si Muhammad—sumakanilang lahat ang


kapayapaan at ang pagpapala ni Allah. Kaya naman


kapag ang isang Muslim o ang isang taong ang


tumatagawag sa kanyang sarili na isang Muslim ay


nanalangin sa isang banal na tao, lumabas na siya sa mga


hangganan ng Islam. Ang Islam ay hindi lamang isang


paniniwala, na ang isang tao ay inoobliga lamang na


magpahayag na siya ay naniniwala na walang Diyos na


karapat-dapat sambahin kundi si Allah at na si


Muhammad ay ang Kahuli-hulihan sa mga sugo, upang


magkamit ng Paraiso. Ang pagpapahayag na ito ng


pananampalataya ay nagpapahintulot sa tao na


nagpahayag nito na pumasok sa mga pinto ng Islam,


subalit mayroong maraming gawain na maaaring


sumalungat sa pagpapahayag na ito at magtiwalag sa


taong iyon sa Islam nang kasing bilis ng pagpasok niya


rito. Ang pinakamabigat sa mga gawain na ito ay ang


pananalangin sa iba pa sa Diyos.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


91


Muslim Hindi Muhammadano


Yamang ang relihiyon ni Jesus, at ng lahat ng


naunang propeta, ay relihiyon ng pagsuko sa Diyos, na


kilala sa wikang Arabe sa tawag na Islám, ang tunay


niyang mga tagasunod ay dapat tawagin na mga


sumusuko sa Diyos, na kilala sa Arabe bilang mga


Muslim. Sa Islam, ang dasal ay ibinibilang na isang


pagsamba. Naiulat na si Propeta Muhammad (SAS) ay


nagsabi, “Ang panalangin ay isang pagsamba.”138


Kaya


hindi tinatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga


Muhammadano, gaya ng mga tagasunod ni Cristo na


tinatawag na mga Kristiyano at mga tagasunod ni Buddha


na tinatawag na mga Buddhist. Sinasamba ng mga


Kristiyano si Cristo at sinasamba ng mga Buddhist si


Buddha. Ang katawagang mga Muhammadano ay


nagpapahiwatig na sinasamba ng mga Muslim si


Muhammad, na kailanman ay hindi nangyayari. Nasasaad


sa Qur’an na pinili ng Diyos ang katawagang Muslim


para sa lahat ng sumusunod talaga sa mga Propeta. Ang


katagang Muslim sa Arabe ay nangangahulugang “ang


sumusuko sa kalooban ng Diyos.”





“…Siya ay tumawag sa inyo na mga Muslim noon


pa at dito sa Qur’án...” Qur’an (22):78.


Kaya ang pinakadiwa ng mensahe ni Jesus ay sa Diyos


lamang sasamba ang tao. Hindi Siya sasambahin sa ano


138 Sunan Abu Dawud, vol. 1, p. 387, no. 1474.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


92


mang paraan sa pamamagitan ng mga nilikha Niya. Kaya


ang larawan Niya ay hindi maaaring maipinta, malilok o


maiguhit. Siya ay hindi maaabot ng pang-unawa ng tao.


Mga Imahen


Hindi inayunan ni Jesus ang gawaing pagano ng


paggawa ng mga imahen ng Diyos. Pinagtibay niya ang


pagbabawal na nabanggit sa Torah, Exodo 20:4 “Huwag


kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng


kawangis man ng anomang anyong nasa itaas ng langit, o


ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng


lupa:” Samakatuwid, ang paggamit ng mga


panrelihiyong imahen, na tinatawa na mga icon,139 ay


139 Ang Iconoclastic Controversy ay isang hidwaan sa paggamit ng mga


imaheng panrelihiyon (mga icon) sa Emperyong Byzantium noong ika-8


at ika-9 siglo. Ang mga Iconoclast (ang mga tumanggi sa mga imahen)


ay tumutol sa pagsamba sa icon dahil sa mga ilang kadahilanan, kabilang


na ang pagbabawal laban sa mga imahen na nasasaad sa Sampung Utos


(Exodo 20:4) at ang posibilidad ng idolatriya. Ipinaggiitan ng mga


tagapagtanggol ng pagsamba sa imahen ang simbolikong katangian ng


mga imahen at ang karangalan ng nilkhang bagay.


Sa sinaunang iglesya, ang paggawa at ang veneration (pagpipitagan;


pagsamba) sa larawan ni Cristo at ng mga santo ay walang humpay na


kinalaban. Ang paggamit ng mga icon, gayon pa man, ay patuloy na


nagtamo ng popularidad, lalo na sa mga silanganing lalawigan ng


Emperyong Romano. Sa pagtatapos ng ika-6 na siglo CE at sa ika-7


siglo, ang mga icon ay naging layon ng isang kultong pormal na


hinihikayat, na kadalasang nagpapahiwatig ng mapamahiing paniniwala


sa pagkakaroon ng mga ito ng buhay. Ang pagtutol sa gayong mga gawain


ay naging lubhang malakas sa Asia Minor. Noong 726, ang Emperador


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


93


matatag na sinalungat ng mga naunang salinlahi ng mga


iskolar na Kristiyano. Gayon pa man, ang kaugaliang


Griego at Romano ng paggawa ng mga imahen at ang


paglalarawan sa Diyos sa anyong tao ay kaagad na nanaig.


Ang pagbabawal ay upang pigilin ang maaaring


pagkahantong ng pagsamba sa Diyos sa pagsamba sa


nilikha. Oras na inilarawan ng isang tao ang Diyos sa


kanyang isip, ang taong iyon, kung tutuusin, ay


nagtatangkang gawin ang Diyos na katulad ng Kanyang


nilikha, dahil ang isip ng tao ay makapaglalarawan lamang


ng mga bagay na nakita na nito, at ang Diyos ay hindi


makikita dito sa mundo.


Ang mga Kristiyano na may isang kaugaliang


sumamba sa pamamagitan ng mga imahen ay madalas


ng Byzantium na si Leo III ay hayagang nanindigan laban sa mga icon at


bago sumapit ang 730 pormal nang ipinagbawal ang paggamit sa mga


ito. Ito ay humantong sa pag-uusig sa mga sumasamba sa mga icon na


umabot sa matinding kasidhian sa panunungkulan ng kahalili ni Leo, si


Constantino V (741-775 CE).


Subalit noong 787, si Emperadora Irene ay nagpatawag ng ikapitong


pangkalahatang konseho sa Nicaea, na tinuligsa roon ang Iconoclasm


(pagtutol sa mga imahen) at ang paggamit ng mga imahen ay


pinanumbalik. Nabawi ng mga Iconoclast ang kapangyarihan noong 814


matapos na malukluk si Leo V, at ang paggamit ng mga icon ay muling


ipinagbawal sa isang konseho (815 AD). Ang ikalawang yugto ng mga


Iconoclast ay nagwakas pagkamatay ni Emperador Teofilo noong 842.


Noong 843 ay pinanumbalik na sa wakas ng kanyang balo ang


veneration sa icon, isang pangyayaring ipinagdiriwang pa rin sa Eastern


Orthodox Church bilang Pista ng Orthodoxy. (The New Encyclopaedia


Britannica, vol. 1, p. 509.)


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


94


magtanong kung papaanong masasamba ang Diyos nang


hindi Siya nailalarawan sa isip. Ang Diyos ay dapat


sambahin batay sa kaalaman tungkol sa mga katangian


Niya na ipinahayag Niya sa mga tunay na kasulatan.


Halimbawa, sa Qur’an ay inilarawan ni Allah ang


Kanyang sarili na Maawain, kaya ang mga sumasamba sa


Kanya ay dapat magnilay-nilay sa maraming awa na


ipinagkaloob Niya at magpasalamat sa Kanya dahil sa mga


iyon. Dapat din nilang pagnilay-nilayan ang katangian ng


awa Niya sa kanila at magpakita din ng awa sa ibang tao.


Inilarawan din ni Allah ang sarili Niya na Mapagpatawad,


kaya ang mga sumasamba sa kanya ay dapat magbalikloob


na nagsisi sa Kanya at hindi mawalan ng pag-asa


kapag nakagawa sila ng mga kasalanan. Dapat dina


nilang pahalagahan ang kapatawaran ni Allah sa


pamamagitan ng pagiging mapagpatawad sa ibang mga


tao.


Ang Propesiya


Bahagi ng mensahe ni Propeta Jesus ay ang ipabatid


sa kanyang mga tagasunod ang tungkol sa propeta na


darating pagkatapos niya. Gaya ng pagbabalita ni Juan


Bautisata sa pagdating ni Jesus, ibinalita rin ni Jesus ang


pagdating ng kahuli-hulihan sa mga propeta ng Diyos, si


Muhammad. Sa Qur’an Kabanta as-Saff (61):6 ay sinipi


ng Diyos ang propesiya ni Jesus tungkol kay


Muhammad:


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


95


“Banggitin noong magsabi si Jesus na anak ni


Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay


sugo ni Allah sa inyo bilang nagpapatotoo sa nauna


sa akin na Torah at nagbabalita ng nakalulugod na


isang Sugo na darating kapag wala na ako, na ang


pangalan niya ay Ahmad.”140...”


May ilan pagtukoy rin sa mga Ebanghelyo na waring


tumutukoy sa pagdating ni Propeta Muhammad—ang


kapayapaan at ang biyaya ng Diyos ay makamit ng lahat


ng propeta. Sa Ebanghelyo ayon kay Juan 14:16, nasipi si


Jesus na nagsasabi: “At ako’y dadalangin sa Ama, at


kayo’y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw,141 upang


siyang suma inyo magpakailan man.” Binibigyangpakahulugan


ng mga karaniwang Kristiyano ang Mangaaliw


na nabanggit sa Juan 14:16 bilang Espiritu Santo.142


140 Ang “Ahmad” tulad ng “Muhammad” ay hinango sa salitang ugat


na Arabe na hamd na nangangahulugang “papuri; pasasalamat.” Kilala


rin si Propeta Muhammad sa pangalang Ahmad.


141 Ang salitang Griego na paraclete ay isinalin na Comforter (Mangaaliw)


sa King James Version, at Advocate (Tagatangkilik) at Helper


(Katulong) sa ibang mga salin. Ang parakletos ay nangangahulugang ang


ngtatanggol sa kapakanan ng iba, ang nagpapayo o nagpapaalaala sa iba


dahil sa malaking malasakit sa kagalingan ng iba. (Beacon Bible


Commentary, vol. 7, p. 168).


142 Tingnan ang Juan 14:26: “Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa


makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking


pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay…”


Subalit sa I Juan 4:1, ginamit ang katagang Espiritu sa pagtukoy sa isang


propeta: “Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa’t


espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Diyos:


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


96


Subalit ang pararilang “ibang Mangaaliw” ay


nagpapahiwatig na ito ay isa pang gaya ni Jesus at hindi


ang Espiritu Santo,143


lalo kung isasaalang-alang ang Juan


16:7, na naiulat na nagsabi si Jesus: “Gayon ma’y


sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo


na ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang


Mangaaliw ay hindi paparito sa inyo; nguni’t kung ako’y


yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo.” Ang katagang


Mang-aaliw ay hindi maaaring tumutukoy rito sa Espiritu


Santo, dahil—ayon sa mga Ebanghelyo—ang Espiritu


Santo ay nasa mundo na bago pa isinilang si Jesus,144


at


gayon din noong panahon ng pangangaral niya.145


Nagpapahiwatig ang bersikulong ito na ang Mang-aaliw


ay hindi pa noon dumating.


sapagkat maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa


sanglibutan.”


143 Sa Tagalog ang katagang iba ay maaaring mangahulugang “isa pa


mula sa katulad na uri” o “isa pa mula sa naiibang uri.” Ang tekstong


Griego ng Bagong Tipan ay gumamit ng katagang allon, na kaanyuang


panlalaking palayon ng allos: “isa pa mula sa katulad na uri.” Ang


salitang Griego para sa “isa pa mula sa naiibang uri” ay heteros, subalit


hindi ginamit ng Bagong Tipan ang salitang ito sa Juan 14: 16. (Jesus, A


Prophet of Islam, p. 15-16).


144 Puspos na si Juan Bautista ay puspos ng Espiritu Santo habang nasa


sinapupunan pa ng ina niya (Lucas 1:15); si Elisabeth ay napuspos ng


Espiritu Santo (Lucas 1:41); ang ama ni Juan, si Zacaria, ay napuspos


din ng Espiritu Santo (Lucas 1:67).


145 Ang Espiritu Santo ay nasa kay Simon (Lucas 2:25) at bumaba ito


kay Jesus na nasa anyo ng isang kalapati (Lucas 3:22).


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


97


Ang pahayag ni Jesus na ang propetang mang-aaliw ay


sumainyo magpakailan man ay maaaring ipakahulugan


na nangangahulugang wala nang pangangailangan sa


dagdag na mga propeta upang humalili sa Mang-aaliw na


ito [kapag wala na ito]. Siya ay magiging kahuli-hulihan sa


mga propeta ng Diyos at ang mensahe niya ay


pangangalagaan hanggang sa wakas ng mundo.146 Ang


propesiyang ibinigay ni Jesus hinggil sa pagdating ni


Propeta Muhammad, sumakanila ang kapayapaan at


pagpapala ni Allah, ay nagpatotoo sa mga propesiya sa


kanya sa Torah. Sa Deuteronomio 18:18-19, nasusulat na


ang Panginoon ay nagsabi kay Moises: “Aking palilitawin


sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga


kapatid, na gaya mo;147


at aking ilalagay ang aking mga


salita sa bibig niya,148 at kaniyang sasalitain sa kanila


ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. At mangyayari, na


sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na


kanyang sasalitain sa aking pangalan,149


ay aking


146 Jesus, A Prophet of Islam, p. 13.


147 Ang mga kapatid ng mga Hudyo—na mga inanak ni Isaac na anak


Abraham—ay ang mga Arabe, na mga inanak ni Ismael na kapatid ni


Isaac.


148 Ang Qur’an, sa literal na kahulugan, ay “ang pagbigkas.” Itinuro ni


Propeta Muhammad na ang Qur’an ay mga salita ng Diyos. Ang


kanyang sariling mga pagpapaliwanag at mga tagubilin ay tinatawag na


Hadúth.


149 Nagsisimula ang bawat isa sa 114 kabanata ng Qur’an sa panalanging


“Sa ngalan ni Allah, ang Pinakanaaawa, ang Maawain,” liban sa Kab. 9.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


98


sisiyasatin yaon sa kanya.” Sa Isaias 42:1,4 at 11, si Isaias


ay nagpropesiya tungkol sa isang hinirang na “Lingkod ng


Panginoon” na ang misyon niya bilang propeta ay sa


buong sangkatauhan, di gaya ng mga propetang Hebreo na


limitado sa Israel ang misyon. “Narito, ang aking lingkod,


na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na


kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking


Espiritu; siya’y maglalapat ng kahatulan sa mga


bansa…Siya’y hindi manglulupaypay o maduduwag


man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa;


at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan…


Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga


bayan niyaon, ang mga nayon ng Cedar: magsiawit ang


mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga


taluktok ng mga bundok.” Ang naiibang lingkod na ito ng


Panginoon ay ang isang tanging naiugnay sa Cedar,150


ang


mga Arabe.151


150 Ang mga inanak ni Ismael ay nakilala sa tawag na mga Arabe,


isang katawagan na sa Hebreo ay nangangahulugang mga nakatira sa


‘arabah o disyerto (Dictionary of the Bible, p. 47). Ang madalas


mabanggit sa labindalawang anak ni Abraham ay si Cedar (Kedar sa


Hebreo at sa ibang salin ng Bibliya sa Ingles at Tagalog). Sa ilang mga


bersikulo ng Bibliya, ang Cedar ay kasingkahulugan ng mga Arabe sa


kabuuan (Jeremias 2:10; Ezekiel 27:21; Isaias 60:7; Mga Awit ng


Mga Awit: 1:5).


151 Jesus, A Prophet of Islam, p. 11.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


99


Ikaapat na Kabanata: Ang Daan


Ang isa pang aspeto ng mensahe ni Propeta Jesus ay


ang kanyang pag-aanyaya sa mga tao na sundin ang ‘daan’


niya. Ang mga propeta ay naghatid ng mga kautusan ng


Diyos o nagpatotoo sa mga inihatid ng mga naunang


propeta, at nag-anyaya sa mga tao na sambahin ang Diyos sa


pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusang ipinahayag


ng Diyos. Ipinakita rin nila sa gawa sa kanilang mga


tagasunod kung papaanong mamuhay ayon sa kautusan.


Kaya inanyayahan din nila ang mga naniwala sa kanila na


sundin ang daan nila bilang siyang tamang daan para


mapalapit sa Diyos. Ang simulaing ito ay naisulat sa


Ebanghelyo ayon kay Juan 14:6 “Sinabi sa kaniya ni Jesus,


Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay:


sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa


pamamagitan ko.” Bagamat karaniwan nang sinisipi ng


mga sumasamba kay Jesus ang bersikulong ito bilang


bahagi ng patunay sa pagka-Diyos niya, hindi


inanyayahan ni Jesus ang mga tao na sambahin siya sa halip


na ang Diyos, o bilang Diyos. Kung ang mga salitang ito


ay talagang sinalita ni Jesus, ang ibig sabihin ng mga ito


ay hindi masasamba ang Diyos kung hindi sa pamamagitan


ng pamamaraang itinakda ng mga propeta ng Diyos.


Binigyang-diin ni Jesus sa mga disipulo niya na


masasamba lamang nila ang Diyos sa ayon paraang


itinuro niya sa kanila. Sa Qur’an 3:31, nagtagubilin ang


Diyos kay Propeta Muhammad na tagubilinan ang mga


tao na sundin siya kung talagang iniibig nila ang Diyos:


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


100





“Sabihin mo: “Kung kayo ay umiibig kay Allah ay


sundin ninyo ako, mamahalin kayo ni Allah at


magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala


ninyo. Si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.” ”


Ang daan ng mga propeta ay ang tanging daan


patungo sa Diyos, sapagkat ito ay itinakda ng Diyos


mismo at ang layunin ng mga propeta ay iparating ang


mga tagubilin ng Diyos sa mga tao. Kung walang


propeta, hindi malalaman ng mga tao kung papaanong


sasambahin ang Diyos. Kaya naman ang lahat ng mga


propeta ay nagpabatid sa kanilang mga tagasunod kung


papaanong sasambahin ang Diyos. Samakatuwid, ang


pagdaragdag ng anuman sa relihiyong inihatid ng mga


propeta ay mali. Ang anumang pagbabago na ginawa sa


relihiyon kapag wala na ang mga propeta ay kumakatawa


sa paglihis na inudyukan ni Satanas. Kaugnay rito,


naiulat na si Propeta Muhammad (SAS) ay nagsabi:


“Ang sinumang gumawa ng bago sa kautusan


Naming ito na hindi naman bahagi nito, iyon ay


tatanggihan.”152 Karagdagan pa roon, ang sinumang


sumamba sa Diyos nang salungat sa mga tagublin ni Jesus


ay sumamba nang walang kabuluhan.


152 Sahih Al-Bukhari, vol. 3, p. 535, no. 861, at Sahih Muslim, vol. 3,


p. 931, no. 4266.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


101


Ang Daan ni Jesus


Una at higit sa lahat, kailangang mabatid na si Cristo


Jesus na anak ni Maria ay ang kahuli-hulihan sa hanay ng


mga propetang Hebreo. Namuhay siya ayon sa Torah,


ang kautusan ni Moises, at nagturo sa mga tagasunod


niya na gawin ang gayon. Sa Mateo 5:17-18 ay


nagpahayag si Jesus: “Huwag ninyong isiping ako’y


naparito upang sirain ang kautusan at ang mga propeta:


ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.


Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa


mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o


isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa


kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga


bagay.” Sa kasawiang palad, mga limang taon matapos


magwakas ang pangangaral ni Jesus, ang isang rabbi na ang


pangalan ay Saul na taga Tarsus, na nagsabing nakita raw


niya si Jesus sa isang pangitain, ay nagsimulang magpalit sa


daan ni Jesus. Si Pablo (ang pangalang Romano ni Saul)


ay may malaking paggalang sa pilosopiyang Romano at


kanyang ipinagmamalaki ang kanyang


pagkamamamayang Romano. Ang paniniwala niya ay na


ang mga di-Hudyo na naging mga Kristiyano ay hindi


dapat pabigatan ng Torah sa anumang paraan. Sinipi ng


may-akda ng Mga Gawa 13:39 si Pablo na nagsasabi: “At


sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay


inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito ito’y


hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni


Moises.” Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Pablo, higit


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


102


sa lahat, nagsimula ang Iglesya sa pagkamit ng mga


katangian nitong hindi Hudyo. Si Pablo153 ang sumulat sa


karamihan sa mga sulat sa Bagong Tipan, na tinatanggap


ng Iglesya bilang opisyal na doktrina at kinasihang


Kasulatan. Ang mga sulat na ito ay hindi nagpanatili sa


Ebanghelyo ni Jesus o kumatawan doon;154


sa halip, binago


ni Pablo ang mga katuruan ni Cristo at naging isang


pilosopiyang Hellenistiko (Griego-Romano).


Ang sumusunod ay ilang halimbawa ng mga


katuruang sinunod at itinuro ni Jesus, ngunit bandang huli


ay tinalikdan ng Iglesya. Subalit, ang karamihan sa mga


katuruang ito ay binuhay sa kahuli-hulihang mensahe ng


Islam na hinatid ni Propeta Muhammad at nanatiling isang


pangunahing bahagi ng gawaing panrelihiyon ng mga


Muslim hanggang ngayon.


Ang Pagtutuli


Si Jesus ay tinuli. Ayon sa Lumang Tipan, ang


kaugaliang ito ay nagsimula kay Propeta Abraham, na


siya mismo ay hindi isang Hudyo o Kristiyano. Nasusulat


sa Genesis 17:9-13: “At sinabi pa ng Dios kay Abraham,


At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan


mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian


nila. Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa


inyo, at ng inyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang


153 Pinugutan siya sa Roma 34 taon makalipas ang pangangaral ni Jesus.


154 Biblical Studies From a Mulsim Perspective, p. 18.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


103


bawa’t lalake sa inyo. At kayo’y tutuliin sa laman ng


inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng


aking tipan sa inyo. At ang may walong araw ay tutuliin


sa inyo, ang bawa’t lalake sa buong kalahian ninyo; ang


ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa


sinomang taga ibang lupa na hindi sa inyong lahi. At


ipinanganak sa bahay at ang binili ng inyong salapi, ay


dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na


pinakatipang walang hanggan.”


Sa Ebanghelyo ayon kay Lucas 2:21 “At nang


makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag


na Jesus ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng


anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.” Samakatuwid, ang


maging tuli ay bahagi ng daan ni Jesus. Subalit sa ngayon


ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi tuli, dahil sa


katuwirang pinasimulan ni Pablo. Sinabi niyang ang


pagtutuli raw ay ang pagtutuli ng puso. Sa sulat niya sa


Mga Taga Roma 2:29 ay sumulat siya: “Datapuwa’t


siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso,


sa Espiritu hindi sa titik;” Sa sulat niya sa Mga Taga


Galacia 5:2 ay sumulat siya: “Narito, akong si Pablo ay


nagsasabi sa inyo, kung inyong tinatanggap ang


pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabangan na


anoman kay Cristo.” Ito ang bulaang pakahulugan ni


Pablo. Sa kabilang dako, si Jesus ay hindi tinuli sa puso at


wala siyang anumang sinabi tungkol sa pagtutuli ng puso;


pinangalagaan niya ang “pinakatipang walang hanggan” at


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


104


siya ay tinuli sa laman. Samakatuwid, isang mahalagang


bahagi sa pagsunod sa daan ni Jesus ang pagtutuli. Si


Propeta Muhammad ay nasipi na nagsasabi: “May


limang likas na kaugalian sa kalinisan: pag-aahit ng


buhok sa maselang bahagi ng katawan, pagtutuli,


pagpuputol ng bigote, pagbubunot ng buhok sa kili-kili


at pagpuputol ng kuko.”155


Ang Baboy


Si Jesus ay hindi kumain ng baboy. Sinunod niya ang


mga kautusan ni Moises at hindi siya kumain ng baboy.


Sa Levitico 11:7-8 “At ang baboy, sapagka’t may hati ang


paa at baak, datapuwa’t hindi ngumunguya,


karumaldumal nga sa inyo. Huwag kayong kakain ng


laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay


huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa


inyo.” Ang ginawa lamang ni Jesus na may kaugnayan sa


mga baboy ay ang pagpapahintulot niya sa mga


maruming espiritu na lumukob sa isang tao, na pumasok


sa mga baboy. Nang makapasok na ang mga maruruming


espiritu sa kawan ng mga baboy ay tumakbo sila sa tubig


at nalunod. Subalit ang karamihan sa mga tao sa ngayon na


nagtuturing sa kanilang mga sarili na Kristiyano ay hindi


lamang kumakain ng baboy, gustong gusto pa nila ito


anupa’t ginawa pa nila ang mga baboy na paksa ng nursery


155 Sahih Al-Bukhari, vol. 7, p. 515, no. 777 at Sahih Muslim, vol. 1, p.


159, no. 495.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


105


rhymes (Hal. This little piggy went to the market...) at ng


mga kuwentong pambata (Hal. Ang Tatlong Munting


Baboy). Si Porky Pig ay isang sikat na cartoon chracter,


at kamakailan lamang ay may isang buong pelikula na


ginawa tungkol sa isang baboy na tinawag na “Babe.”


Kaya masasabing ang mga nagtuturing sa kanilang mga


sarili na mga tagasunod ni Cristo ay hindi talaga


sumusunod sa daan ni Cristo.


Sa Batas ng Islam, ang pagbabawal sa baboy at sa


mga produktong mula rito ay mahigpit na napanatili mula


noong panahon ni Propeta Muhammad hanggang ngayon.


Sa Qur’an, kabanata al-Baqarah (2):173, ang Diyos ay


nagsabi:





“Ipinagbawal Niya lamang sa inyo ang patay,156 ang


dugo, ang laman ng baboy at ang inialay sa iba pa


kay Allah. Ngunit ang sinumang napilitan, hindi


dahil sa paghahangad ni sa paglabag, wala siyang


kasalana. Tunay na si Allah ay Mapagpatawad,


Maawain.”157


156 Hayop na namatay nang hindi kinatay.


157 Tingnan din ang Kabanata al-Maa’idah (5):3.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


106


Ang Dugo


Si Jesus ay hindi rin kumain ng anumang may halong


dugo, at hindi rin siya kumain ng dugo. Nasulat na ang


Diyos ay nag-utos kay Propeta Moises sa Torah,


Deuteronomio 12:16: “Huwag lamang ninyong kakanin


ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig,” at


sa Levitico 19:26158 “Huwag kayong kakain ng anumang


karneng may dugo. Huwag ninyong paiiralin ang


panghuhula o panggagaway.” Ang pagbabawal na ito ay


napanatili hanggang sa ngayon sa kahuli-hulihang


kapahayagan sa Kabanata al-An‘ám (6):145:





“Sabihin mo: “Wala akong natatagpuan sa


anumang ikinasi sa akin na ipinagbabawal sa isang


kumakain


na kakain niyon maliban kung iyon ay isang patay,


o dugong ibinubuhos o laman ng baboy sapagkat


tunay na iyon ay isang kasalualaan...”


Samakatuwid, may mga partikular na paraan ng


pagkatay na itinakda ang Diyos para sa lahat ng bansa na


pinadalhan ng mga propeta, upang matiyak na ang


karamihan sa dugo ay lubusang naalis sa hayop na kinatay


at upang ipaalaala sa tao ang mga biyaya ng Diyos.


158 Salin ng Magandang Balita Biblia, Philippine Bible Society.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


107


Tinukoy ng Qur’an ang mga tagubuling ito sa kabanata


al-Hajj (22):34:





“Para sa bawat kalipunan ay gumawa Kami ng


paraan ng pagkatay upang banggitin nila ang


pangalan ni Allah sa itinustos Namin sa kanila na


mga hayupan.…”


Si Jesus at ang kanyang mga naunang tagasunod ay


sumusunod sa wastong paraan ng pagkatay sa


pamamagitan ng pagbanggit sa panglan ng Diyos at


pagputol sa ugat sa leeg samantalang buhay pa ang hayop


upang mailabas ng puso ang dugo. Subalit ang mga


Kristiyano sa ngayon ay hindi nagbibigay ng malaking


pagpapahalaga sa wastong mga paraan ng pagkakatay, na


itinakda ng Diyos.


Ang Alak


Inialay ni Jesus ang sarili niya sa Diyos at


samakatuwid umiwas siya sa mga inuming nakalalasing


ayon sa tagubiling nakatala sa Mga Bilang 6:1-4: “At


sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain


mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka


ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging


panata, ng panata ng Nazareo,159 upang tumalaga sa


Panginoon: Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang


159 Isang ihiniwalay o itinalaga.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


108


na inumin; siya’y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang


nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing


sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas. Sa


lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya


kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng


ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.”


Sa Qur’an, Kabanata al-Má’idah (5):90, ay tuluyang


nang ipinagbawal ni Allah ang mga bagay na


nakalalasing:





“O mga sumampalataya, ang alak, ang sugal, ang


mga dambana, at ang mga pagpapahula ay


kasalaulaan na kabilang sa gawain ni Satanas. Kaya


iwaksi ninyo ito, nang harinawa kayo ay


magtagumpay.”


Tungkol naman sa himala ng paggawa ng alak mula


sa tubig,160


matatagpuan lamang ito sa Ebanghelyo ni


Juan, na madalas sumalungat sa tatlong Ebanghelyo.


Gaya ng nabanggit kanina, ang Ebanghelyo ni Juan ay


kinalaban sa sinaunang Iglesya161 dahil sa pagkaerehe,


samantalang ang tatlong iba pang Ebanghelyo ay


tinaguriang Sinoptikong Ebanghelyo sapagkat ang mga


teksto ay naglalaman ng magkahawig na pagtatalakay sa


160 Juan 2:1-11.


161 The Five Gospels, p. 20.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


109


buhay ni Jesus.162


Kaya nga may mga iskolar ng Bagong


Tipan na nagpapahayag ng pag-aalinlangan sa


pagkatotoo ng pangyayaring ito.


Ang Paghuhugas Bago Magdasal


Bago magsagawa ng pormal na pagdarasal,


naghuhugas si Jesus ng kanyang mga kamay at mga paa


alinsunod sa mga katuruan ng Torah. Sina Moises at Aaron


ay naisulat sa Exodo 40:30-32 na nagsasagawa niyon: “At


kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng


tabernakulo, ng kapisanan ng at ng dambana, at sinidlan


ng tubig upang paghugasan. At si Moises at si Aaron at


ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng


kanilang mga kamay at kanilang mga paa;...gaya ng


iniutos ng Panginoon kay Moises.”


Sa Qur’an, kabanata al-Má’idah (5):6, ang


paghuhugas para sa pagdarasal ay itinagubilin nang


ganito:





“O mga sumampalataya, kapag nagpasya kayong


magdasal, hugasan ninyo ang mga mukha ninyo,


ang mga kamay ninyo hanggang sa mga siko—


haplusin ninyo ang mga ulo ninyo—at ang mga paa


ninyo hanggang sa bukong-bukong...”


162 The New Encyclopaedia Britannica, vol. 5, p. 379.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


110


Ang Pagpapatirapa sa Pagdarasal


Inilarawan si Jesus sa mga Ebanghelyo na


nagpapatirapa sa pagdarasal. Sa Mateo 26:39, inilarawan


ng may-akda ang isang pangyayaring naganap nang si


Jesus ay pumunta kasama ng mga disipulo niya sa


Getsemane: “At lumakad siya sa dako pa roon, at siya’y


nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung


baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito:


gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon


sa ibig mo.”


Ang mga Kristiyano ngayon ay lumuluhod,


nagpapalakpak ng kanilang mga kamay, sa pusturang


hindi masasabing galing kay Jesus. Ang pamamaraan ng


pagpapatirapa na sinunod ni Jesus sa pagradasal niya ay


hindi niya ginawa-gawa. Ito na ang kalakaran ng mga


propetang nauna sa kanya. Sa Matandang Tipan, Genesis


17:3, nasusulat na si Propeta Abraham ay nagpatirapa sa


kanyang pagdarasal; nasusulat sa Mga Bilang 16:22 at


20:6 na sina Moises at Aaron ay nagpatirapa sa kanilang


pagsamba; nasasaad sa Josue 5:14 at 7:6 na si Josue ay


nagpatirapa at sumamba; nasasaad sa I Mga Hari 18:42 na


si Elias ay yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang


mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod. Ganito ang


pamamaraan ng mga propeta na pinili ng Diyos na


magparating ng Kanyang salita sa sanglibutan; at sa


pamamagitan lamang nito magtatamo ang mga


nagsasabing sumusunod daw sila kay Jesus ng kaligtasan


na ipinangaral niya sa Ebanghelyo.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


111


Ang kabanata al-Insán (76):25-26 ay isa lamang sa


maraming halimbawa sa Qur’an ng mga atas ng Diyos sa


mga sumampalataya na magpatirapa sa pagsamba sa


Kanya:


“Gunitain mo ang pangalan ng Panginoon mo sa


umaga at sa hapon, at sa bahagi ng gabi, kaya


magpatirapa ka sa Kanya at luwalhatiin mo Siya


nang matagal sa gabi.”


Ang Pagbebelo


Ang mga babae sa palibot ni Jesus ay nakabelo ayon


sa kaugalian ng mga babae sa palibot ng mga naunang


propeta. Ang mga kasuutan nila ay maluwang at


bumabalot buong katawan nila, at nagsusuot sila ng mga


belo na nagtatakip sa mga buhok nila. Sa Genesis 24:64-65


“Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at


nang makita niya si Isaac, bumaba sa kamelyo. At sinabi


ni Rebeca sa alililang katiwala, Sino yaong taong


naglalakad sa parang na sumasalubong sa akin? At


sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon; at


kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya’y


nagtakip.”163


Isinulat ni Pablo sa Unang Sulat niya sa mga


Taga Corinto 11:5-6: “Datapuwa’t ang bawa’t babaing


nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang


163 Sa Magandang Balita Biblia (PBS): Kumuha ng belo si Rebeca at


nagtalukbong. Ang Tagapagsalin.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


112


kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo;


sapagkat gaya rin ng kung kaniyang inahitan. Sapagka’t


kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman;


ngunit kung kahiya-hiya sa babae ang pagupit o paahit,


ay maglambong siya.” Maaaring ipangatuwiran ng iba na


pangkalahatang kaugalian nang mga panahong iyon ang


pagbabalot ng buong katawan. Subalit hindi ganoon ang


kalagayan. Sa Roma at Grecia, na ang mga kultura ng


mga ito ay nangibabaw sa rehiyon, ang palasak na


kasuutan ay sadyang maiksi at nagpapakita ng mga


kamay, mga binti at mga dibdib. Tanging ang mga


relihiyosang babae sa Palestina, alinsunod sa kaugaliang


Hudyo, ang mahinhin na nagbabalot ng mga sarili nila.


Ayon kay Rabbi164 Dr. Menachem M. Brayer,


(Propesor ng Biblical Literature sa Yeshiva University),


nakaugalian noon na ang mga babaeng Hudyo ay


lumalabas sa publiko na nakasuot ng lambong sa ulo na,


kung magkaminsan, nakatakip pa sa buong mukha, na


hinayaan lamang ang isang mata na malaya [na


nakalitaw].165 Sinabi pa niya na “noong Tannaitic period,


ang pagkukulang ng isang babaeng Hudyo na magtakip ng


ulo ay itinuturing na isang lantarang paghamak sa


kanyang kahinhinan. Kapag naalisan ng balot ang


kanyang ulo, maaari siyang mamultahan ng apat na raang


zuzim dahil sa paglabag na ito.”166


164 Ito ang tawag sa iskolar o klero o pastor ng mga Hudyo.


165 The Jewish Woman ni Rabbinic Literature, p. 239.


166 Ibid., p. 139.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


113


Ang bantog na sinaunang teologo na si San Tertullian


(namatay noong 220 CE), sa kanyang mga bantog na


sulatin: ‘Tungkol sa Pagbebelo ng mga Birhen,’ ay


nagsulat ng ganito: “Mga dalaga, isuot ninyo ang inyong


mga belo sa paglabas sa mga lansangan, kaya dapat na


isuot ninyo ang mga ito sa simbahan; isusuot ninyo ang


mga ito kapag kayo ay nasa gitna ng mga estranghero, at


saka isuot ninyo ang mga ito sa gitna ng nma kapatid


ninyo...” Kabilang sa mga batas Kanoniko ng Iglesya


Katolika hanggang ngayon, ang isang batas na nagoobliga


sa mga babae na magtakip ng ulo nila sa loob ng


simbahan.167 Ang mga denominasyong Kristiyano, gaya


ng Amish at Menonites, halimbawa, ay nagpapanatili sa


kanilang mga kababaihan na nakabelo hanggang sa


ngayon.


Sa Qur’an, kabanata an-Núr (24):31, ang mga


babaeng mananampalataya ay inaatasang takpan nila ang


kanilang mga panghalina at magsuot ng mga belo sa


kanilang mga ulo hanggang sa mga dibdib.





“Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya


na magbaba sila ng mga paningin nila, pangalagaan


nila ang mga puri nila, huwag nilang ilitaw ang


167 Clara M. Henning, “Canon Law and Battle of the Sexes,” in


Religion and Sexism, p. 272.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


114


gayak nila maliban sa nakalantad na mula sa mga


ito, paabutiin nila ang mga talukbong nila


hanggang sa mga dibdib nila,...”


Sa kabanata al-Ahzáb (33):59, ay ibinigay ang dahilan


ng pagbebelo. Ipinahayag ni Allah na ang pagbebelo ay


nagpapakilala sa [kabinihan ng] mga babae sa lipunan at


nagbibigay ng proteksiyon sa kanila laban sa posibleng


kapinsalaang panlipunan.


Ang mga Pagbati


Binati ni Jesus ang mga tagasunod niya sa


pamamagitan ng pagsabi ng “Kapayapaan ang


sumainyo.” Sa Kapitulo 20:21, ang hindi kilalang mayakda


ng Ebanghelyo ayon kay Juan ay nagsulat ng


sumusunod hinggil kay Jesus matapos ang diumano’y


pagpako sa kanya: “Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus,


Kapayapaan ang sumainyo: kung papaanong pagkasugo


sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.”


Ang pagbating ito ay ayon sa mga propeta, gaya ng


nabanggit sa mga aklat ng Matandang Tipan. Halimbawa,


sa I Samuel 25:6, inatasan ni Propeta David ang mga sugo


na ipinadala niya kay Nabal: “At ganito ang sasabihin


ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa,


Kapayapaan nawa ang sumaiyo, at kapayapaan nawa ang


sumaiyong sambahayan, at kapayapaan nawa ang suma


lahat ng iyong tinatangkilik.” Inaatasan ng Qur’an ang


lahat ng pumapasok sa mga bahay na bumati ng pagbati


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


115


ng kapayapaan;168 at ang mga papasok sa Paraiso ay


babatiin ng mga anghel ng tulad din niyon.169 Sa Kabanata


al-An‘ám (6):54, inatasan ni Allah ang mga


mananampalataya na magbatian ng kapayapaan:


وَإِذَا جَاءَكَ الَّذِينَ يُ ؤْمِنُونَ بِِيََتِنَا فَ قُلْ سَلاَمٌ عَلَيْكُمْ


“Kapag pinuntahan ka ng mga sumasampalataya


sa mga Tanda Namin ay sabihin mo: “Kapayaapan


ay sumainyo.”...”


Tuwing nagkikita ang mga Muslim ay ginagamit nila


ang pagbating ito.


Ang Takdang Kawanggawa


Kumilala si Jesus sa institusyon ng takdang


kawanggawa, na kilala sa tawag na “ikapu,” na hinihiling sa


taunang anihan para ibigay sa Diyos sa pagdiriwang. Sa


Deuteronomio 14:22 “Iyo ngang pagsasangpuing bahagi


ang lahat ng bunga ng iyong binhi na nangagaling


taontaon sa iyong bukid.”


Sa ika-6 na Kabanata ng Qur’an, al-An‘ám, talata


141, ang Diyos ay nagpapaalaala sa mga


mananampalataya na magbigay ng kawanggawa sa


panahon ng pag-aani:





168 Kabanata an-Núr (24):27.


169 Kabanata al-Á‘ráf (7):46.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


116


أَثََْرَ وَآتُوا حَقَّهُ يَ وْمَ حَصَادِهِ وَلاَ تُسْ رِفُوا إِنَّهُ لاَ يَُِبُّ الْمُسْرِفِيَ


“Siya ang nagpatubo ng mga hardin na mga


binalagan at hindi mga binalagan, ng mga puno ng


datiles at mga pananim na nagkakaiba ang lasa, at


ng mga oliba at mga granada na nagkakahawigan at


hindi nagkaka-hawigan. Magsikain kayo mula sa


bunga ng mga ito kapag namunga at ibigay ang


nauukol mula rito170 sa araw ng pag-aani nito.


Huwag kayong mag-aksaya; tunay na hindi Niya


iniibig ang mga nag-aaksaya.”


Ang sistema ng takdang kawanggawa (zakáh sa


Arabe) ay naisaayos nang maigi, na may ibang bahagdan


para sa pera, ginto at pilak kaysa sa produkto ng sakahan at


hayupan. Ang mga karapat-dapat tumaggap ay malinaw


ring itinakda sa Qur’an, kabanata at-Tawbah (9):60. Ito, una


sa lahat, ay ipinamamahagi sa iba’t ibang kategorya ng


mga mahirap at hindi ginagamit para magbigay ng isang


maginhawang buhay para sa mga pari.


Ang Pag-aayuno


Ayon sa mga Ebanghelyo, si Jesus ay nag-ayuno nang


apat na pung araw. Mateo 4:2: “At nang siya’y makapagayuno


ng apat na pung araw at apat na pung gabi, sa


170 Ikasampung bahagi ng ani kung ang lupa ay likas na napatutubigan


at ikadalawampung bahagi kung napatutubigan sa hindi likas na


paraan.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


117


wakas ay nagutom siya.”171 Ito ay alinsunod sa ginagawa


ng mga naunang propeta. Nasasaad din sa Exodo 34:28 na


si Moises ay nag-ayuno: “At siya’y natira doong kasama ng


Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi;


hindi man lamang siya kumain ng tinapay, uminom man


ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang


salita ng tipan, ang sangpung utos.”


Inatasan sa Qur’an, kabanata al-Baqarah (2):183 ang


mga mananampalataya na magsagawa ng regular na pagaayuno:





“O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo


ang pag-aayuno gaya ng pagsasatungkulin nito sa


mga nauna sa inyo nang harinawa kayo ay


mangilag magkasala.”


Ang layunin ng pag-aayuno ay malinaw na itinakda na


para sa pagpapalago ng kamalayan sa Diyos. Tanging


ang Diyos ang nakaaalam kung sino talaga ang nagaayuno


at kung sino ang hindi nag-aayuno. Kaya ang isang


nag-aayuno ay nagpipigil sa pagkain at pag-inom dahil sa


kamalayan [niya] sa Diyos. Ang regular na pag-aayuno ay


nakadaragdag sa kamalayang iyon, na sa bandang huli ay


mag-aakay sa higit na malaking pagkahilig sa


pagpapakabuti.


171 Tingnan din ang Mateo 6:16 at 17:21.


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


118


Ang mga mananampalataya ay inoobligang magayuno


mula sa madaling araw hangang sa takipsilim sa


buong buwan ng Ramadán. Nagsabi rin ang Propeta


Muhammad:“Ang pinakamainam na pag-aayuno[sa


hindi Ramadán ay ang pag-aayuno ni [Ptopeta] David


na nag-aayuno noon sa isang araw at humihinto sa


isang araw.”172


Ang Patubo sa Pautang


Alinsunod sa pagsang-ayon sa Kautusan, tinutulan din


ni Propeta Jesus ang pagbibigay at ang pagkuha ng


patubo sa pautang sapagkat ang teksto ng Torah ay


maliwanag na nagbawal sa patubo sa pautang. Nasasaad


sa Deuteronomio 23:19: “Huwag kayong magpapahiram


na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng


kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may


tubo;”173 Ang patubo ay mahigpit ding ipinagbawal sa


Kabanata al-Baqarah (2):278 ng Qur’an:





172 Sahih Muslim, vol. 2, p. 565, no. 2595 at Sahih Al-Bukhari, vol. 3,


p. 113-114, no. 200.


173


Subalit sa bersikulo na kasunod nito, ipinahintulot ng mga Hudyo


ang pagpapautang na may tubo sa mga hindi Hudyo: “Sa isang taga


ibang lupa ay makapagpapahiram ka na may tubo; nguni’t sa iyong


kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo:…”


(Deuteronomio 23:20)


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus


119


“O mga sumampalataya, mangilag kayong


magkasala kay Allah at iwan na ninyo ang anumang


natira mula sa patubo kung kayo ay mga


mananampalataya.”


Upang matupad ang kahilingang ito ng Diyos, ang


mga Muslim ay nakabuo ng isang alternatibong sistema


ng pagbabangko, na karaniwang tinatawag na Islamic


Banking, na hindi nakabatay sa pagpapatubo sa pautang.


Ang Poligamiya


Walang nakasaad na tinutulan ni Propeta Jesus ang


poligamiya. Kung tinutulan niya iyon, nangangahulugang


minasama niya ang ginagawa ng mga propetang nauna sa


kanya. Mayroong maraming halimbawa ng pag-aasawang


higit sa isa na ginawa ng mga propeta na nakatala sa


Torah. Si Propeta Abraham ay may dalawang asawa, ayon


sa Genesis 16:3: “At kinuha ni Sarai na asawa ni


Abram si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila,


pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram


sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na


kaniyang asawa upang maging asawa niya.” Ganoon din


ang ginawa ni Propeta David ayon sa I Samuel 27:3 “At


tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath, siya at


ang kaniyang mga lalake, bawa’t lalake ay kasama ang


kaniyang sangbahayang, sa makatuwid baga’y si David


pati ang kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga


Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni


Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG