36
pakikipagtagpo sa Propeta (SAS) o pakikinig sa Qur’an.
Pinagbabalaan nila ang lahat ng pumupunta sa kanila na
mga Arabe. Kabilang doon ang isinalaysay ni Attufayl ibnu
‘Amr adDawsíy kung saan binanggit niya na dumating
siya sa Makkah at naglakad siya patungo sa ilang lalaking
kabilang sa mga Quraysh. Si Attufayl ay isang pinunong
tinatalima sa lipi niya. Nagsimula silang magbabala sa
kanya laban sa Sugo (SAS) at tinatakot nila siya laban sa
paglapit doon o pakikinig doon. Sinabi nila na ang
pananalita raw niyon ay gaya ng panggagaway na
makapagpapahiwalay sa tao at ama nito, sa lalaki at
kapatid nito, at sa lalaki at maybahay nito. Sinasabi pa
ni Attufayl: “Kaya sumpa man kay Allah, hindi nila ako
tinigilan hanggang sa nag-pasya ako na hindi ako
makikinig sa kanya ng anuman at hindi ko siya kakausapin
anupa’t pinasakan ko ang tainga ko ng bulak sa
pangambang may makararating sa akin na anuman sa
pananalita niya.”
Sinasabi pa ni Attufayl: “Kaya pumunta ako sa
masjid at sa hindi inaasahan ang Sugo ni Allah ay
nakatayo na nagdarasal sa tabi ng Ka‘bah. Tumayo ako
malapit sa kanya at tumanggi si Allah na hindi maiparinig
sa akin ang ilan sa sinasabi niya. Nakarinig ako ng
magandang pananalita kaya sinabi ko sa sarili ko: ‘Tunay
na ako ay talagang isang lalaking matalinong manunula
na hindi maikukubli sa akin ang maganda sa pangit kaya
ano ang pumipi-gil sa akin na makinig sa lalaking ito sa
sinasabi niya? Kaya kung ang dinadala niya ay maganda,
tatanggapin ko iyon. Kung iyon ay pangit, tatanggihan ko
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
37
iyon.’ Namalagi ako hanggang sa lumi-san ang Sugo ni
Allah (SAS) patungo sa bahay niya. Sinundan ko siya
hanggang sa noong pumasok siya sa bahay ay pumasok
din ako sa kinaroroonan niya at nagsabi ako: ‘O
Muhammad, tunay na ang mga kababayan mo ay
nagsasabi sa akin ng anu-ano at sumpa man kay Allah,
hindi sila tumigil sa pananakot sa akin tungkol sa iyo
hanggang sa pinasakan ko na ang tainga ko ng bulak
upang hindi ko marinig ang sinasabi mo. Pagkatapos ay
tumanggi si Allah na hindi ito maiparinig sa akin kaya
naka-pakanig ako ng isang magandang pananalita. Kaya
ilahad mo sa akin ang tungkol sa iyo at inilahad niya sa
akin ang Islam. Binig-kas niya sa akin ang Qur’an at
sumpa man kay Allah hindi ako nakarinig ng pananalita
kailanman na higit na maganda ni bagay na higit na
makatarungan kaysa roon. Kaya naman yumakap ako sa
Islam at sumaksi ako ng pagsaksi sa katotohanan.”
Pagkatapos ay umuwi si Attufayl (RA) sa mga kalipi
niya. Inanyayahan niya sila at nilinaw niya sa kanila ang
Islam. Yuma-kap sa Islam ang mga kasambahay niya at
lumaganap ang Islam sa lipi niya.
Ang Taon ng Kalungkutan
Nagsimula ang matinding karamdaman sa paggapang
sa mga bahagi ng katawan ni Abú Tálib, ang amain ng
Propeta (SAS) at pinamamalagi siya nito na nakaratay sa
higaan. Walang iba ito kundi isang panandaliang
panahong sapagkat walang anu-ano ay dinaranas na niya
ang mga hapdi ng kamatayan habang ang Sugo ni Allah
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
38
(SAS) ay nasa tabi ng ulo niya at nagsusumamo sa
kanya na magsabi ng Lá Iláha Illa lláh
bago siya
mamatay. Subalit ang mga masamang kasama na mga
kapisan niya noon, sa pamumuno sa kanila ni Abú Jahl,
ay pumipigil sa kanya at nagsasabi sa kanya: “Tatalikdan
mo ba ang relihiyon ng mga magu-lang mga at mga ninuno
mo? Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni ‘Abdulmuttalib?”
Nagpupumilit sila sa kanya hanggang sa nama-tay siya sa
Shirk. Kaya ang kalungkutan ng Sugo (SAS) para sa
amain niya ay ibayo yamang namatay ito na isang Káfir.
Pagkalipas ng malapit sa dalawang buwan mula ng
yumao si Abú Tálib ay yumao naman si Khadíjah (RA).
Kaya nalungkot nang matindi dahil doon ang marangal na
Sugo (SAS). Tumindi pa ang dinanas na pagsubok ng
Sugo ni Allah (SAS) mula sa mga kababayan niya matapos
na yumao ang amain niyang si Abú Tálib at ang maybahay
niyang si Khadíjah (RA).
Talaga ngang ang karamihan sa mga tumugon sa
paanyaya ng Sugo (SAS) ay kabilang sa mga mahina at
mga alipin. Sila sa kadalasan ay ang pinakamalapit na mga
tao sa pagtugon sa paan-yaya ng mga sugo dahil sila ay
hindi nahihirapang maging taga-sunod ng iba pa sa
kanila. Samantala, ang mga malaking tao at ang mga may
kapangyarihan at kapamahalaanan ay kadalasang
humahadlang sa kanila ang pagmamalaki, ang
pagkainggit, at ang pagkaibig sa kapangyarihan upang
magpasakop at maging mga tagasunod ng iba pa sa
kanila.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
39
Ang mga Istilo ng mga Mushrik sa Pakikidigma
sa Pag-aanyaya Tungo sa Islam
Lumaki ang bilang ng mga istilo ng mga Mushrik sa
pakiki-digma sa sa pag-anyaya tungo sa Islam. Naging
sarisari ang mga kaparaanan nila sa paghadlang sa
paglaganap ng Islam. Dumami ang mga paraan nila sa
pagsagabal sa mga tao sa relihiyon nila. Kabilang doon:
1. Ang pagbabanta. Pinuntahan ng isang pangkat ng mga
pinuno ng mga Quraysh si Abí Tálib, ang amain ng
Propeta (SAS), at nagsabi sila: “Tunay na si Muhammad
ay namiminsala sa amin at nanlalait sa mga diyos
namin, kaya sawayin mo siya roon.” Kaya ipinatawag
niya ito at sinabi rito: “Anak ng kapatid ko, ang mga
anak ng amain mo ay nag-aangking pinipinsala mo raw
sila at nilalait mo raw ang mga diyos nila, kaya tigilan mo
iyon.” Itinuro ng Sugo ni Allah (SAS) ang araw at
nagsabi: “Ako ay hindi higit na nakakaya na mag-iwan
niyon para sa inyo, na mag-palagablab kayo para sa akin
ng isang lagablab.” Kaya nagsabi si Abú Tálib: “Hindi
nagsinungaling ang anak ng kapatid ko, kaya hayaan
ninyo siya.”
2. Ang mga bulaang paratang. Pinaratangan nga nila ang
Propeta (SAS) ng kabaliwan. Pinaratangan nila siya ng
panggagaway. Pinaratangan nila siya ng
pagsisinungaling. Pinaratangan nila siya ng paggawa
ng mga mito.
3. Ang panunuya, ang pangungutya, at ang pagtatawa.
Madalas silang nanunuya sa Propeta (SAS) at mga
Kasamahan niya. Kapag napadaan siya noon sa kanila
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
40
ay tinutuya nila siya, kinu-kutya nila siya, at pinaguusapan
nila ang pribadong buhay niya. Kapag nakita nila
siya kasama ng mga Kasamahan niya na kabi-lang sa mga
sinisiil ay kinukutya nila ang mga ito at sinasabi: “Ang
mga ito ang mga kapalagayan niya at ang mga tagasunod
niya.”
4. Ang pagbaluktot sa mga katuruan niya, ang
panunulsol ng mga maling hinala, at ang pagkakalat
ng mga sinungaling na propaganda. Sila noon ay
nagsasabing ang Qur’an ay mga kuwento lamang daw at
mga mito ng mga sinaunang tao. Sina-sabi rin nila na
ang nagtuturo sa kanya ay isang tao lamang.
5. Ang pananakita sa kanya (SAS). Noong hindi
nagbunga ang mga naunang istilong iyon sa paghadlang
sa Sugo (SAS) at mga Kasamahan niya sa Relihiyon nila
ay bumaling naman ang mga Quraysh sa istilo ng
pisikal na pangangaway. Kabilang doon ang ginawa ni
‘Uqbah ibnu Abí Mu‘ít. Pumunta ito sa Propeta (SAS)
samantalang siya ay nagdarasal. Inilagay nito ang balabal
nito sa leeg niya at sinakal siya ng matinding pagsakal.
Duma-ting si Abú Bakr at itinulak ito palayo sa kanya at
nagsabi: “Papa-tay ba kayo ng isang lalaki na nagsasabi:
‘Ang Panginoon ko ay si Allah,’ at dumating nga siya
sa inyo dala ang mga malinaw na patunay mula sa
Panginoon ninyo.”
Habang ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagdarasal sa
tabi ng Ka‘bah samantalang si Abú Jahl kasama ng
mga kasamahan niya ay mga nakaupo. Nagsabi si Abú
Jahl: “Alin sa inyo ang titindig upang puntahan ang
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
41
bituka ng kamelyo ng liping Polano at kukunin iyon at
saka ilalagay iyon sa likod ni Muhammad kapag
nakapatirapa siya?” Kaya nagdali-dali ang isa sa kanila
at kinuha iyon. Noong nakapatirapa na ang Propeta
(SAS) ay inilagay nito iyon sa ibabaw ng likod niya sa
pagitan ng mga balikat niya. Nagtawanan sila at
nagsimula silang gumiwang-giwang sa katatawa kaya
lumapit si Fátimah, ang anak ng Propeta (SAS), at inalis
iyon sa kanya.
Nagsabi si Abú Jahl minsan: “Talagang kung
makikita ko si Muhammad na nagdarasal ay talagang
aapakan ko nga ang leeg niya at talagang ikukuskos ko
nga ang mukha niya sa alabok.” Kaya pinuntahan nito
ang Sugo ni Allah (SAS) habang siya ay nagdarasal.
Inaakala nito na makatatapak ito sa leeg niya ngunit
ginulat sila noong ito ay umuurong at nangingilag sa
pamamagitan ng mga kamay nito. Kaya nagsabi sila:
“Anong nangyayari sa iyo, Abúlhakam17 ?” Nagsabi
siya: “Tunay na sa pagitan ko at niya ay talagang may
isang bambang ng apoy.”
6.Ang pananakit sa mga Kasamahan ng Sugo (SAS).
Sinasaktan din nila ang mga Kasamahan ng Propeta
(SAS) at pinagdurusa ang mga ito. Iginagapos nila
noon ang ilan sa mga minamaliit na alipin. Ibinibilad
nila ang mga ito sa araw at pinalalasap ng sarisaring uri
ng pagdurusa. Sinarisari nila ang pananakit kay
‘Ammar at sa mga magulang niya. Pinatay nila ang
17 Ang palayaw ni Abú Jahl.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
42
ina nito. Namatay rin ang ama nito dahil sa tindi ng
pagdurusa. Kina-kaladkad nila noon si Khabbáb ibnu
al’Art (RA) sa buhok nito at pinipilipit nila ang leeg
nang may karahasan. Pinahihiga nila ito sa mga
nakapapasong bato. Dinadaganan nila ito ng mabigat na
bato. Inaway din nila si ‘Umar ibnu alKhattáb (RA)
noong yumakap ito sa Islam at tinangka pa nilang
patayin ito.
Ang Sugo sa Táif
Noong nagpumilit ang mga Quraysh sa paniniil nila,
sa pag-hahari-harian nila, at sa pananakit nila sa mga
Muslim ay naisip ng Propeta (SAS) na pumunta sa Táif
nang harinawa si Allah ay magpatnubay sa kanila sa Islam.
Ang paglalakbay patungong Táif ay hindi isang madaling
bagay sanhi ng kahirapan ng tatahaking daan dahilan sa
mga nagtataasang bundok na nakapaligid doon. Subalit
gayon pa man ang pagsalubong ng mga naninirahan sa
Táif sa Propeta (SAS) at ang tugon nila sa kanya ay pangit.
Hindi sila nakinig sa kanya, bagkus ay ipinagtabuyan pa
nila siya. Inud-yukan nila ang mga batang paslit nila na
hagisan siya ng bato. Kaya pinukol siya ng mga ito ng
bato hanggang sa napadugo nila ang mga bukung-bukong
niya. Kaya binalikan niya ang mga dina-anan niya pauwi sa
Makkah habang siya ay nalulumbay at malung-kot.
Dumating si Anghel Gabriel kasama ng anghel ng
kabundu-kan. Tinawag siya ni Gabriel at sinabi: “Tunay na
si Allah ay nag-padala sa iyo ng anghel ng kabundukan
upang pag-utusan mo ito ng anumang niloob mo.”
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
43
“O Muhammad, kung loloobin mo na itaklob ko sa
kanila ang Akhshabán,” sabi naman ng anghel ng
kabundukan. Ang Akhshabán ay ang dalawang bundok
na nakapalibot sa Makkah.
“Bagkus umaasa akong magpapalitaw si Allah mula
sa mga supling nila ng mga sasamba kay Allah lamang at
hindi magta-tambal ng anuman sa Kanya,” sabi niya.
Ito ay bahagi ng sukdulang pagtitiis niya at
pagkaawa niya sa mga kapwa niya sa kabila ng natamo
niya na matinding pasakit mula sa kanila.
Ang Pagkabiyak ng Buwan
Kabilang sa kabuuan ng ipinakikipagtalo ng mga
Mushrik sa Sugo ni Allah (SAS) ay ang paghiling nila
sa kanya ng mga himala upang patunayan ang katumpakan
ng mensahe niya. Naulit nga ang kahilingang iyon mula sa
kanila nang ilang ulit. Hiniling nila sa kanya minsan na
biyakin para sa kanila ang buwan sa dala-wang hati. Kaya
hiniling niya iyon sa Panginoon niya at ipina-kita ni
Allah sa kanila ang buwan na nahati sa dalawang bahagi.
Nakita ng mga Quraysh ang himalang ito nang matagal na
sandali subalit sila ay hindi sumampalataya. Sa halip ay
nagsabi sila: “Talaga ngang ginaway tayo ni
Muhammad.”
“Kung nagaway niya kayo, hindi niya makakayang
gawayin ang lahat ng mga tao; kaya hintayin ninyo ang mga
manlalakbay,” sabi ng isang lalaki. Kaya noong dumating
ang ilan sa mga nag-lakbay ay tinanong nila ang mga ito.
“Oo. Nakita nga namin iyon,” sabi naman ng mga ito.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
44
Ngunit sa kabila niyon ang mga Quraysh ay
nagpumilit pa rin sa kawalang-pananampalataya nila.
Al’Isrá’ wa alMi‘ráj
Matapos ang paanyaya ng Sugo (SAS) sa Táif at ang
nangyari sa kanya roon, matapos na yumao si Abú Tálib at
sinundan pa ito ni Khadíjah (RA) at kaalinsabay ng
pagtindi ng pamiminsala ng mga Quraysh sa mga Muslim
ay nagkatipun-tipon na ang mga alalahanin sa puso ng
Propeta (SAS). Kaya naman dumating ang pampalubagloob
para sa marangal na Propetang ito mula sa
Panginoon niya. Kaya minsan isang gabi, habang ang
Sugo ni Allah (SAS) ay natutulog, pinuntahan siya ni
Anghel Gabriel dala si Buráq, isang hayop na
nakahahawig ng kabayo, na may dalawang pakpak at
mabilis tumakbo na para bagang kidlat. Pina-sakay siya
rito ni Anghel Gabriel at dinala siya nito sa Jerusalem sa
Palestina. Pagkatapos mula roon ay iniakyat siya sa langit
at nakakita ng maraming bagay mula sa mga tanda ng
Panginoon niya. Sa langit isinatungkulin ni Allah sa kanya
ang limang saláh. Bumalik siya nang gabi ring iyon sa
Makkah, na panatag ang isip at matatag ang katiyakan.
Hinggil doon ay nagsasabi si Allah (17:1):
Kaluwalhatian sa Kanya na nagdala sa lingkod Niya
isang gabi mula sa alMasjid alHarám patungo sa
alMasjid al’Aqsá, na pinagpala Namin ang palibot
nito, upang mag-pakita Kami sa kanya ng ilan sa mga
tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Nakaririnig, ang
Nakakikita.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
45
Noong nag-umaga ay pumunta siya sa Ka‘bah at
nagsimulang isalaysay sa mga tao ang nangyari sa kanya.
Kaya tumindi ang pagpapasinungaling sa kanya ng mga
Káfir at ang panunuya nila sa kanya. Pagkatapos ay
hiniling sa kanya ng ilan sa mga naro-roon na ilarawan sa
kanila ang Jerusalem. Iyon ay upang pabula-anan.
Nagsimula siyang maglarawan nito nang bahagi sa
bahagi. Hindi nagkasya ang mga Mushrik sa mga
pagtatanong na ito bag-kus ay nagsabi pa sila: “Nagnanais
kami ng isa pang patunay.” Kaya nagsabi ang Sugo
(SAS): “Talaga ngang may nasalubong ako sa daan na
isang karaban na papunta sa dakong Makkah.”
Inilarawan niya ito sa kanila. Ibinalita niya sa kanila ang
bilang ng mga kamelyo nito at ang oras ng pagdating
nito. Nagsabi ng totoo ang Sugo ni Allah (SAS) subalit
ang mga Káfir ay nagpa-tuloy sa kawalangpananampalataya
nila, pagmamatigas nila, at hindi
paniniwala.
Kinaumagahan din ng araw ng al’Isrá’ wa alMi‘ráj ay
duma-ting si Anghel Gabriel at itinuro nito sa Sugo (SAS)
ang pama-maran ng pagsasagawa ng limang saláh at ang
mga takdang oras ng mga ito. Ang saláh, bago niyon, ay
binubuo ng dalawang rak‘ah sa umaga at dalawang rak‘ah
sa gabi.
Ang Pag-anyaya sa mga Taga-Madínah
Sa mga panahong iyon, nilimitahan ng Sugo ni Allah
(SAS) ang paanyaya niya sa mga dumadating sa
Makkah matapos na nanatili ang mga Quraysh sa pagMuhammad,
ang Pangwakas sa mga Propeta
46
ayaw sa katotohanan. Nakiki-pagkita ang Sugo (SAS) sa
kanila sa mga tinitigilan nila at sa mga pook na tinutuluyan
nila. Inilahad niya sa kanila ang Islam at ipi-naliliwanag
niya ito sa kanila. Ang amain niyang si Abú Lahab ay
bumubuntot sa kanya at nagbibigay-babala sa mga tao
laban sa kanya at laban sa ipinangangaral niya. Minsan ay
pumunta siya sa isang pangkat ng mga mamamayan ng
Madínah at inanyayahan niya sila sa Islam. Nakinig sila sa
kanya at pagkatapos ay nagka-isa silang sumunod sa
kanya at maniwala sa kanya. Nakaririnig na noon ang mga
mamamayan ng Madínah sa mga Hudyo na may isang
propetang nasaad ang paglalarawan dito sa mga kasulatan
nila, na nalalapit na ang panahon ng pagdating nito. Kaya
noong inanyayahan niya sila, nakilala nila na siya ang
propetang tinutu-koy ng mga Hudyo. Kaya naman
nagdali-dali sila sa pagyakap sa Islam. Sinabi nila:
“Huwag kayong magpauna sa mga Hudyo doon.” Sila ay
anim na katao.
Nang sumunod na taon ay may dumating mula sa
Madínah na labindalawang lalaki. Nakipagkita sila sa
Sugo ni Allah (SAS) at itinuro niya sa kanila ang Islam.
Noong bumalik sila sa Madínah ay ipinadala niya kasama
nila si Mus‘ab ibnu ‘Umayr (RA) upang ituro sa kanila ang
Qur’an at linawin sa kanila ang mga panun-tunan ng
Islam. Nakaya naman ni Mus‘ab ibnu ‘Umayr (RA),
dahil sa pagpapatnubay ni Allah, na makaimpluwensiya sa
lipunan ng Madínah. Kaya noong bumalik si Mus‘ab
(RA) sa Makkah pagkalipas ng isang taon, may kasama na
siyang 72 lalaki at dala-wang babae mula sa mga
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
47
mamamayan ng Madínah. Nakipagkita sa kanila ang
Sugo (SAS) at nakipagkasundo sila sa kanya sa
pagtulong sa Islam at pagtupad sa kautusan nito.
Pagkatapos ay bumalik sila sa Madínah.
Ang Bagong Himpilan ng Pag-aanyaya sa Islam
Ang Madínah ay naging isang ligtas na kanlungan
para sa katotohanan at mga tagapagtaguyod nito. Kaya
nagsimula na ang paglikas doon ng mga Muslim. Gayon
pa man, ang mga Quraysh ay nagpasya na pigilan ang mga
Muslim sa paglikas. Kaya naka-tagpo ang ilan sa mga
Muhájir18 ng sari-saring uri ng pasakit at pahirap. Ang
mga Muslim ay lumilikas nang palihim sa takot sa mga
Quraysh. Si Abú Bakr asSiddíq (RA) naman ay
nagpaalam sa Sugo ni Allah (SAS) para lumikas na rin
ngunit sinasabi nito sa kanya: “Huwag kang magmadali;
harinawa si Allah ay mag-talaga para sa iyo ng isang
kasamahan.” Ito ay hanggang sa nakalikas ang
karamihan sa mga Muslim.
Naglaho ang katinuan ng mga Quraysh noong
nakita nila ang paglikas ng mga Muslim at ang
pagtitipon nila sa Madínah. Nangamba sila sa pagtaas ng
katanyagan ni Muhammad (SAS) at ng pangangaral niya
kaya nagsanggunian sila hinggil sa bagay na iyon.
Pagkatapos ay napagkasunduan nilang patayin ang Sugo
(SAS).
18 Ang mga Muslim na lumikas sa Madínah mula sa Makkah.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
48
“Minamabuti kong bigyan natin ng isang tabak sa
isang mati-punong binata mula sa bawat lipi. Palilibutan
nila si Muhammad (SAS) at tatagain nila ito ng sabaysabay
nang sa gayon ay magka-hati-hati ang pananagutan
sa buhay niya sa mga lipi. Hindi mag-kakalakas ng loob
ang angkan ng Háshim, matapos nito, na kala-banin ang
lahat ng mga tao,” sabi ni Abú Jahl.
Talagang ipinabatid na ni Allah, kaluwalhatian sa
Kanya at pagkataas-taas Niya, sa marangal na Propeta
Niya (SAS) ang sabwatan. Kaya nakiisa siya kay Abú
Bakr (RA) na lumikas, matapos na ipinahintulot sa kanya
ni Allah iyon. Kinagabihan, hiniling ng Propeta kay ‘Alíy
ibnu Abí Tálib (RA) na matulog ito sa higaan niya upang
akalain ng mga tao na siya ay nasa bahay pa rin.
Dumating ang mga nakipagsabwatan. Pinaligiran
nila ang bahay. Nakita nila si ‘Alíy (RA) sa higaan kaya
inakala nilang ito ay si Muhammad (SAS). Nagsimula
silang maghintay sa pagla-bas niya upang tapusin na siya
at patayin. Lumabas ang Sugo (SAS) sa gitna nila
samantalang sila ay nakapaligid sa bahay. Nagsaboy siya
ng alikabok sa mga ulo nila. Inalis ni Allah ang mga
paningin nila kaya hindi nila siya namalayan. Nagpunta
siya kay Abú Bakr (RA). Lumabas silang magkasama
patungo sa Madínah at nagkubli sa yungib ng Thawr.
Tungkol naman sa mga Quraysh, nanatili ang mga
kabinataan nila na mga naghihintay hanggang sa magumaga.
Noong nag-umaga na ay bumangon si Alíy sa
higaan ng Sugo ni Allah (SAS) at nahulog ito sa mga
kamay nila. Tinanong nila ito tungkol sa Sugo ni Allah
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
49
(SAS) ngunit hindi ito nagbalita sa kanila ng anuman kaya
binugbog nila ito, kinaladkad nila ito, at sinaktan nila ito.
Pagkatapos niyon ay nagpadala ang mga Quraysh ng
tagaha-nap sa bawat dako. Naglaan ng gantimpalang
isandaang inahing kamelyo para sa sinumang
makapagdadala kay Propeta Muhammad (SAS) buhay man
o patay. Umabot ang paghahanap sa bukana ng yungib
na pinagkukublihan ng Propeta (SAS) at Kasamahan
niya, anupa’t kung sakaling ang isa sa kanila ay tumingin
sa mga paa nito ay talagang nakita na sana nito ang
dalawa. Tumindi ang lungkot ni Abú Bakr (RA) para sa
Sugo ni Allah (SAS) kaya nag-sabi siya rito: “Ano ang
palagay mo, Abú Bakr, sa dalawa na si Allah ang ikatlo
sa kanila? Huwag kang malungkot; tunay na si Allah
ay kasama natin.” Subalit ang mga naghahanap ay hindi
nakakita sa kanila.
Nanatili ang Propeta at ang Kasamahan niya sa
yungib nang tatlong araw. Pagkatapos ay lumisan sila
patungong Madínah. Ang daan ay mahaba at ang araw ay
nakapapaso. Sa gabi ng ikalawang araw ay naparaan sila sa
isang kubol ng isang babaing sinasabing si Umm Ma‘bad.
Humiling sila rito ng makakain at maiinom ngunit wala
silang natagpuang anuman dito kundi isang payat na
inahing tupa na pinigilan ng kahinaan sa pagpunta sa
pastulan. Wala nang isang patak na gatas iyon. Nilapitan
iyon ng Sugo ni Allah (SAS), sinalat ang utong niyon, at
dumaloy ang gatas. Pagkatapos ay gina-tasan niya iyon.
Napuno ang isang malaking lalagyan kaya napa-tayo si
Umm Ma‘bad na takang-taka sa nakita nito. Pagkatapos
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
50
ay uminom ang lahat hanggang sa mabusog. Pagkatapos
ay muli niyang ginatasan ang tupa at napuno na naman ang
lalagyan. Iniwan niya ito kay Umm Ma‘bad at nagpatuloy
siya sa paglalakad niya.
Ang Pagdating sa Madínah19
Ang mga mamamayan ng Madínah ay nag-aabang na
sa pag-dating ng Propeta (SAS) at naghihintay sa kanya
araw-araw sa labas ng Madínah. Kaya noong araw ng
pagdating niya ay luma-pit sila sa kanya na mga masayang
sumasalubong. Nanuluyan siya sa Qubá’ sa mataas na
bahagi ng Madínah. Tumigil siya roon nang apat na araw.
Itinayo niya ang panulukan ng masjid ng Qubá’, ang kaunaunahang
masjid na itinayo sa Islam.
Sa ikalimang araw ay humayo siya patungong
Madínah. Tinangka ng marami sa mga Ansárí 20 na
maanyayahan ang Sugo ni Allah (SAS) at maparangalan
sa pagtanggap sa kanya bilang panauhin sa piling nila.
Hinahawakan nila ang renda ng inahing kamelyo niya
kaya nagpasalamat siya sa kanila at nagsabi: “Ha-yaan
ninyo ito sapagkat ito ay napag-utusan na.” Kaya nang
nakarating na ang inahing kamelyo sa kung saan napagutusan
ito ni Allah ay lumuhod ito. Ngunit hindi siya
bumaba kaya tumayo ito at naglakad nang kaunti.
Pagkatapos ay lumingon ito, bumalik, at lumuhod sa unang
niluhuran nito kaya naman bumaba na siya mula rito.
19 Ang Madínah o Lungsod (ng Propeta) ay tinatawag noon na Yathrib
noong hindi pa nakatira roon ang Propeta (SAS).
20 Ang Muslim na taga-Madinah na tumulong sa Propeta (SAS).
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
51
Iyon ang kinalagyan ng Masjid ng Propeta. Nanuluyan ang
Propeta (SAS) kay Abú Ayyúb al’Ansáríy (RA).
Tungkol naman kay ‘Alíy ibnu Abí Tálib, nanatili pa
ito nang tatlong araw sa Makkah matapos na umalis ang
Propeta (SAS). Ibinalik niya nang mga panahong iyon
ang mga ipinagkatiwala na nasa pag-iingat ng Propeta
(SAS) sa mga may-ari ng mga ito. Pagkatapos niyon ay
lumisan ito papuntang Madínah. Naabutan nito ang
Propeta (SAS) sa Qubá’.
Ang Propeta sa Madínah
Ipinatayo ng Sugo (SAS) ang Masjid niya sa pook na
niluhuran ng inahing kamelyo niya matapos na mabili niya
ito sa mga may-ari nito. Itinatag niya ang kapatiran sa
pagitan ng mga Muhájir, ang mga Kasamahan niya na
dumating mula sa Makkah, at mga Ansárí, ang mga
tumulong sa kanila na kabilang sa mga mama-mayan ng
Madínah. Ginawan niya ang bawat isa sa mga Ansáríy ng
isang kapatid mula sa mga Muhájir na makikibahagi sa
kanya sa pag-aari niya. Nagsimula ang mga Muhájir at ang
mga Ansárí na magkasamang gumawa. Nadagdagan ang
tibay ng mga bigkis ng pagkakapatiran sa pagitan nila.
Nagsimula ang Islam sa paglaganap sa Madínah.
Yumakap sa Islam ang ilan sa mga Hudyo. Isa sa mga
yumakap sa Islam na kabilang sa kanila ay si ‘Abdulláh
ibnu Salám (RA). Siya ay isa sa mga pantas ng mga
Hudyo at isang pinunong kabilang sa mga malaking
pinuno nila.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
52
Hindi tumigil ang mga Káfir ng Makkah sa
pakikidigma sa mga Muslim kahit pa matapos na
nakalikas ang mga ito mula sa Makkah yamang ang mga
Quraysh ay may ugnayan sa mga Hudyo ng Madínah.
Tinatangka ng mga Hudyo sa pamamagitan ng mga
Quraysh na magbunsod ng mga kaguluhan at pagkakahatihati
sa pagitan ng mga Muslim sa Madínah. Ang mga
Quraysh din ay nagbabanta sa mga Muslim at binabalaan
silang lilipulin. Ganito pinaligiran ng panganib ang mga
Muslim, sa loob at sa labas anupa’t ang mga Kasamahan ng
Sugo (SAS) ay hindi nagpapagabi kung wala silang
dalang sandata. Sa mga matinding kalagayang ito ay
ibinaba ni Allah ang pahintulot na makipaglaban. Kaya
nagsimula ang Sugo (SAS) sa paghahanda ng mga
misyong pangmilitar. Ito ay para sa pagmamanman sa
mga pagkilos ng mga kaaway at gayon din para sa
pagharang sa mga karabang pangkalakal ng mga
Quraysh upang pangambahin sila at magpadama sa kanila
ng lakas ng mga Muslim nang sa gayon ay
makipagkapayapaan sila at hayaan ang mga Muslim na
malayang ipalaganap ang Islam at ipamuhay ito. Gumawa
rin ang Sugo (SAS) ng ilang kasunduan at pakikipagalyansa
sa ilan sa mga lipi.
Ang Labanan sa Badr
Ang mga Mushrik ng Makkah ay nanggipit sa mga
Muslim at naminsala sa kanila hanggang sa napilitan silang
lumikas mula sa bayan nila, ang Makkah. Iniwan nila ang
mga tirahan nila, ang mga ari-arian nila, at mga mag-anak
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
53
nila. Ang mga ari-arian nila ay napunta sa mga kamay ng
mga Mushrik. Isang araw ay gumawa ang Sugo (SAS) ng
pasya na harangin ang isa sa mga karabang pangkalakal
ng mga Quraysh na dumarating mula sa Shám. Humayo
siya kasama ng 313 kalalakihan. Wala silang dala kundi
dalawang kabayo at 70 kamelyo lamang. Ang karaban
ng mga Quraysh ay binubuo ng 1,000 kamelyo. Ito ay
pinamumunuan ni Abú Sufyán na may kasamang 40 tao.
Subalit nalaman ni Abú Sufyán ang paghayo ng mga
Muslim kaya nag-padala siya sa Makkah ng tao upang
ibalita sa mga iyon ang nangyayari at humi-ling sa kanila
ng ayuda. Binago niya ang daan niya at pumunta siya sa
ibang daan kaya hindi sila nasumpungan ng mga Muslim.
Tungkol naman sa mga Quraysh, humayo sila na may
dalang isang hukbong binubuo ng 1,000 mandirigma
ngunit may nakara-ting sa kanila na isang sugo mula kay
Abú Sufyán. Ibinalita nito sa kanila na ligtas na ang
karaban. Hiniling nito sa kanila na buma-lik na sa Makkah
ngunit tumanggi si Abú Jahl na bumalik at ipinag-patuloy
nila ang pagsulong.
Noong nalaman ng Sugo (SAS) ang paghayo ng mga
Quraysh ay sinangguni niya ang mga Kasamahan niya
(RA). Napagkasun-duan ng lahat na makipagtagpo at
makipaglaban sa mga Káfir. Sa umaga ng ika-17 ng
Ramadán ng ikalawang taon ng paglikas ay nagharap ang
dalawang pangkat at naglabanan sila nang matin-ding
labanan. Nagtapos ang labanan sa pagwawagi ng mga
Muslim. Namatayan sila ng 14 martir. Tungkol naman sa
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
54
mga Mushrik, namatayan ang mga ito ng 70 lalaki at
nabihagan ng 70 iba pa.
Sa kalagitnaan ng labanan ay yumao si Ruqayyah
(RA) na anak ng Sugo (SAS) at maybahay ni ‘Uthmán
ibnu ‘Affán (RA) na nanatili sa piling nito sa Madinah.
Hindi sumama si ‘Uthmán (RA) sa labanang iyon
alinsunod sa hiling ng Sugo (SAS) sa kanya na manatili sa
piling ng maysakit na maybahay niya. Pagkatapos ng
labanan ay ipinakasal ng Sugo (SAS) kay ‘Uthmán (RA)
ang ikalawang anak niya na si Umm Kulthúm (RA).
Dahil dito, siya ay tinagurian na Dhunnúrayn (ang may
dalawang liwanag) dahil napangasawa niya ang dalawa
sa mga anak ng Sugo (SAS).
Bumalik sa Madinah ang mga Muslim na masaya sa
pagpa-pawagi ni Allah at kasama nila ang mga bihag at
ang mga nasam-sam na ari-arian. Tungkol naman sa mga
bihag, mayroon sa mga ito na tumubos sa sarili, mayroon
sa mga ito na pinalaya nang walang pantubos, at
mayroon din sa mga ito na ang pantubos ay ang pagtuturo
ng pagbasa at pagsulat sa sampu sa mga anak ng
mga Muslim.
Napatay sa labanang ito ang marami sa magigiting na
lingkod ng Shirk at mga kaaway ng Islam, na ang
nangunguna sa kanila ay sina Abú Jahl, Umayyah ibnu
Khalaf, ‘Utbah ibnu Rabí‘ah, Shaybah ibnu Rabí‘ah, at
iba pa.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
55
Ang Pagtatangkang Pagpatay sa Propeta (SAS)
Matapos ang pagkagapi ng mga Quraysh ay
nakipagpulong si ‘Umayr ibnu Wahb kay Safwán ibnu
Umayyah. Si ‘Umayr ibnu Wahb noon ay isa sa mga
demonyo ng mga Quraysh, na kabi-lang sa mga matindi
ang pamiminsala sa Sugo ni Allah (SAS) at mga
Kasamahan nito. Ang anak niyang si Wahb ay naging
bihag sa kamay ng mga Muslim, kabilang sa mga bihag
sa labanan sa Badr.
Naalaala ni Safwán ang mga patay nila at nagsabi:
“Sumpa man kay Allah, wala nang mabuti sa buhay
matapos nila.”
“Totoo ang sabi mo. Samantala, sumpa man kay
Allah, kung hindi lamang dahil sa isang pagkakautang na
taglay ko na wala akong pambayad doon at isang maganak
na kinatatakutan ko sa kanila ang pagkapariwara
kapag wala na ako ay talagang lumulan na sana ako
patungo kay Muhammad upang patayin ko siya,” sabi
nama ni ‘Umayr.
Sinamantala ito ni Safwán ibnu Umayyah at sinabi:
“Sasagu-tin ko ang pagkakautang mo. Ako ang
magbabayad niyon para sa iyo. Ang mag-anak mo ay
kasama ng mag-anak ko. Kakandiliin ko sila habang
nanatili silang buhay.” Kaya nagsabi naman sa kanya si
‘Umayr: “Ilihim mo ito sa pagitan nating dalawa.” Nagsabi
naman ito: “Gagawin ko.”
Pagkatapos ay pumunta si ‘Umayr sa tabak niya at
hinasa niya ito sa lason. Pagkatapos ay lumisan siya
hanggang sa dumating sa Madínah. Habang si ‘Umar ay
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
56
nasa isang umpukan ng mga Muslim na nag-uusap,
walang anu-ano ay nakita niya si ‘Umayr ibnu Wahb,
noong naihimpil na nito ang kamelyo nito sa tabi ng
pintuan ng masjid, na nakasukbit ang tabak.
“Narito ang kaaway ni Allah, si ‘Umayr ibnu Wahb.
Hindi siya naparito kung hindi para sa masama,” sabi ni
‘Umar.
Pagkatapos ay pumunta si ‘Umar sa Sugo ni Allah
(SAS) at nagsabi: “O Propeta ni Allah, narito ang kaaway ni
Allah, si ‘Umayr ibnu Wahb. Dumating siya na
nakasukbit ang tabak niya.”
“Kaya papasukin mo siya sa akin,” sabi ng Sugo
(SAS).
Pinapasok niya ito sa kinaroroonan ng Sugo ni Allah
(SAS). Kaya noong nakita ito ng Sugo ni Allah (SAS)
samantalang si ‘Umar ay nakahawak rito ay nagsabi siya:
“Bitiwan mo siya, ‘Umar. Lumapit ka ‘Umayr.” Lumapit
ito at pagkatapos ay nagsabi ang Sugo (SAS): “Ano ang
nagdala sa iyo ‘Umayr?”
“Naparito ako para sa bihag na nasa mga kamay ninyo.
Mag-magandang-loob kayo sa kanya,” sabi nito.
“At ano naman ang kinalaman ng tabak sa leeg mo?”
sabi ng Sugo (SAS).
“Papangitin nawa ito ni Allah sa mga tabak at may
magagawa bang anuman ang mga ito!” sabi nito.
“Magtapat ka sa akin. Ano ang ipinunta mo?” sabi
niya.
“Wala akong ipinunta kundi dahil doon,” sabi nito.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
57
“Bagkus ay umupo ka kasama ni Safwán ibnu
Umayyah at binanggit ninyo ang pagpatay sa akin sa Badr.
Pagkatapos ay sinabi mo pa: ‘Kung hindi lamang dahil sa
isang pagkakautang na taglay ko at isang mag-anak na
mayroon ako ay talagang humayo na sana ako hanggang
sa mapatay ko si Muhammad.’ Kaya naman naibuyo ka ni
Safwán ibnu ‘Umayyah dahil sa pagkakautang mo at maganak
mo na patayin mo ako para sa kanya. Si Allah ay
hahadlang sa iyo at sa pakay na iyon,” sabi niya.
“Sumasaksi ako na ikaw ay Sugo ni Allah. Kami nga
noon, o Sugo ni Allah, ay nagpapasinungaling sa iyo sa
anumang dina-dala mo sa amin na balita ng langit at
anumang bumababa sa iyo na kapahayagan. Ito ay isang
pangyayaring walang nakadalo kundi ako at si Safwán.
Kaya sumpa man kay Allah, tunay na ako ay talagang
nakaaalam na walang nagpabatid niyon sa iyo kundi si
Allah. Kaya ang papuri ay ukol kay Allah na nagpatnubay
sa akin sa Islam at umakay sa akin sa aking pagkaakay na
ito,” sabi niya at pagkatapos ay sumaksi siya ng pagsaksi
sa katotohanan.
“Bigyan ninyo ang kapatid ninyo ng pagkaunawa sa
Relihiyon niya, turuan ninyo siya ng Qur’an, at palayain
ninyo ang bihag [na pakay] niya,” sabi ang Sugo ni Allah
(SAS) at ginawa naman nila.
“O Sugo ni Allah, tunay na ako noon ay masikap sa
pakiki-digma sa Islam, matindi sa pamiminsala sa
sinumang nasa Reli-hiyong mula kay Allah. Ako ay
nagnanais na pahintulutan mo ako at pupunta ako sa
Makkah at aanyayahan ko sila kay Allah, sa Sugo Niya, at
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
58
sa Islam nang harinawa si Allah ay magpatnubay sa
kanila,” sabi ni ‘Umayr.
Pinahintulutan siya ng Sugo ni Allah (SAS) kaya
bumalik siya sa Makkah.
Si Safwán, nang umalis si ‘Umayr ibnu Wahb, ay
nagsasabi sa mga tao: “Magalak kayo sa isang
pangyayaring magpapalimot sa inyo sa nangyari sa Badr.”
Tinatanong niya ang mga naglalakbay tungkol kay ‘Umayr
hanggang sa may dumating na isang nagla-lakbay at
ibinalita nito sa kanya na yumakap sa Islam si ‘Umayr.
Kaya naman sumumpa siya na hindi na niya kakausapin
ito mag-pakailanman at hindi siya magdudulot dito ng
anumang kapakina-bangan magpakailanman. Noong
dumating si ‘Umayr sa Makkah ay nanatili ito roon. Naganyaya
ito sa Islam at yumakap sa Islam sa mga kamay
niya ang maraming tao.
Ang Iba Pang Pangyayari
Sa isa pang pangyayari, samantalang ang Sugo ni Allah
(SAS) ay pauwi mula sa isang paglalakbay kasama ng
mga Kasamahan niya, tumuloy sila sa isang lambak.
Naghiwa-hiwalay ang mga tao upang sumilong sa mga
punong-kahoy at matulog. Tumuloy ang Sugo ni Allah
(SAS) sa ilalim ng isang punong-kahoy at nahiga sa lilim
nito. Isinabit niya ang tabak niya sa isa sa mga sanga nito.
Samantalang siya ay natutulog walang anu-ano ay may
nakapuslit sa kanya na isang lalaking kabilang sa mga
Mushrik na sumusunod sa kanila. Lumapit ito sa Propeta
(SAS) hanggang na tumigil ito sa tabi ng ulo niya habang
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
59
siya ay natutulog. Pagkatapos ay kinuha nito ang tabak ng
Sugo (SAS) at hinugot iyon sa kaluban niyon. Pagkatapos
ay iniamba niya iyon sa ulo ng Propeta (SAS) at sinabi: “O
Muhammad, sino ang magsasanggalang sa iyo laban sa
akin?” Idinilat ng Propeta (SAS) ang mga mata niya habang
ang lalaki ay nakahawak ng tabak at nagsabi siya nang
mahinahon: “Si Allah.” Napaurong ang lalaki at nalaglag
ang tabak mula sa kamay nito. Bumangon ang Sugo
(SAS) at pinulot ang tabak iniamba iyon at nagsabi sa
lalaki: “Sino ang magsasanggalang sa iyo laban sa akin?”
Nalito ang lalaki kung ano ang sasabihin nito kaya
sinabi nito: “Walang isa man.” Pinagpaumanhinan ito ng
Sugo (SAS) at yuma-kap ito sa Islam. Pagkatapos pumunta
siya sa mga kababayan niya at inanyayahan sila sa Islam.
Ang Labanan sa Uhud
Naganap ang labanang ito sa pagitan ng mga Muslim
at mga Káfir ng Makkah matapos ang isang taon noong
naganap ang pagsalakay sa Badr kung saan nagpasya
ang mga Mushrik na maghiganti sa mga Muslim matapos
ang pagkagapi nila sa laba-nan sa Badr. Humayo sila
kasama ng 3,000 mandirigma at hinarap sila ng mga
Muslim na humigit-kumulang 700 lalaki. Nagwagi na ang
mga Muslim sa unang pagkakataon. Nanaig sila sa mga
Káfir. Lumisan ang mga Mushrik na tumatakas
patungong Makkah. Subalit bumalik muli sila at
napuksa nila ang mga Muslim sa gawing bundok
matapos na iniwan ng mga tagapana ang plano na
iginuhit para sa kanila ng Sugo ni Allah (SAS). Bumaba
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
60
sila mula sa tuktok ng bundok upang tipunin ang mga
samsam ng digmaan nang nakita nila na tumakas na ang
mga Mushrik kaya nakalamang ang mga Mushrik sa
labanang ito. Namatayan ang mga Muslim sa labanang
ito ng 70 lalaki na ang isa sa kanila ay si Hamzah, ang
amain ng Propeta (SAS). Namatayan ang mga Mushrik
ng 22 lalaki.
Ang Pagsalakay sa Khandaq
Matapos ang labanan sa Uhud, may pumunta na isang
pangkat ng mga Hudyo sa mga mamamayan ng Makkah.
Inudyukan nila ang mga ito na salakayin ang mga Muslim
sa Madínah. Nangako sila sa mga ito ng pagtulong at pagalalay.
Kaya naman tinugon sila ng mga ito. Pagkatapos
ay inudyukan naman ng mga Hudyo ang ibang mga lipi
na salakayin ang mga Muslim. Tinugon sila ng mga ito
ng gayon din. Kaya nagsimula ang mga Mushrik sa
pagsulong patungo sa Madínah mula sa lahat ng pook
hanggang sa nagkatipon sa paligid nito ang humigitkumulang
sa 10,000 mandirigma.
Nalaman na ng Sugo (SAS) ang mga pagkilos ng mga
kaaway kaya sinangguni niya ang mga Kasamahan niya
hinggil sa bagay na iyon. Nagmungkahi sa kanya si Salmán
alFarsíy (RA) na humu-kay ng bambang sa palibot ng
Madínah sa dakong walang mga bundok. Nakilahok ang
mga Muslim sa paghuhukay ng bambang hanggang sa
natapos nang mabilis. Nanatili ang mga Mushrik na
nakakampo sa labas ng Madínah sa loob ng humigitkumulang
isang buwan. Hindi nila makayang makalusot
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
61
sa bambang. Pag-katapos ay nagpadala si Allah sa mga
Káfir ng isang malakas na hangin na bumuwal sa mga
kubol nila. Kaya dinapuan sila ng pangamba at lumisan
nang mabilis pabalik sa mga bayan nila. Ginapi ni Allah
nang mag-isa ang mga magkakampi at pinagwagi Niya
ang mga Muslim. Binalitaan ng Sugo (SAS) ang mga
Kasa-mahan niya matapos na lumisan ang mga hukbo ng
mga Mushrik. Sinabi niya: “Hindi kayo sasalakayin ng
mga Quraysh matapos ang taon ninyong ito subalit
sasalakayin ninyo sila.” Nagkatotoo ang sabi ng Sugo
(SAS) sapagkat ang pagsalakay na iyon ay huling gawaing
paglusob para sa mga Quraysh.
Sa mga sandali ng paghuhukay ng bambang ay
dinapuan ang mga Muslim ng isang matinding kagutom
hanggang sa nagtatali na sila ng mga bato sa mga tiyan
nila dahil sa tindi ng gutom. Ngunit ninais ni Jábir ibnu
‘Abdilláh (RA) na magkaloob sa Pro-peta (SAS) ng isang
bagay na maipangtatawid sa gutom nito. Kaya naman
nagkatay siya ng isang maliit na bisirong kambing na nasa
kanya. Hiniling niya sa maybahay niya na iluto ang karne
at mag-masa kalahok nito ng kaunting harinang gawa sa
trigo na walang nakapagmay-aring iba pa sa kanya.
Noong nailuto ang pagkain ay pumunta siya sa Propeta
(SAS) at ibinalita rito na siya ay naka-paghanda para rito ng
pagkaing sasapat sa kanya at sa isang lalaki o dalawang
lalaking kasama nito. Kaya nagsabi ang Propeta (SAS):
“Marami, kaaya-aya,” at inanyayahan nito ang mga
naghuhukay ng bambang. Sinandukan nito sila ng karne
at binahaginan nito sila ng tinapay. Kumain sila hanggang
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
62
sa nabusog. Natira ang pag-kain na para bagang hindi ito
nasaling. Sila ay humigit-kumulang sa 1,000 lalaki. Ito ay
isa sa mga himala ng Sugo (SAS).
Ang Kasunduang Pangkapayapaan ng
Hudaybíyah
Ang mga Káfir ng Makkah ay nagtika, magmula ng
lumikas ang Sugo (SAS) at ang mga Muslim kasama niya
sa Madínah, na hadlangan ang mga ito sa pagpasok sa
Makkah at sa pagdalaw sa alMasjid alHarám. Subalit sa
ikaanim na taon ng paglikas ay nagpasya ang Sugo ni
Allah (SAS) na pupunta siya at ang mga Kasamahan niya
sa Makkah. Pinili niya ang pagpunta sa buwan ng
Dhulqa‘dah, na isa sa mga banal na buwan na dinadakila
ng iba pang mga Arabe. Umalis siya upang magsagawa ng
‘umrah. Hindi siya nagnanais ng isang digmaan. Ang
bilang ng mga Muslim ay 2,400. Pumunta sila suot ang
mga kasuutan ng ihrám at nagdala sila ng mga alay na
hayop. Nagsagawa sila ng ihrám ng ‘umrah upang
malaman ng mga tao na sila ay pupunta lamang upang
duma-law sa Bahay ni Allah bilang pagdakila roon at nang
sa gayon ay hindi mag-isip ang mga Quraysh na
hadlangan sila sa Makkah. Sila ay walang mga sandata
maliban pa sa dinadala ng bawat naglalakbay at iyon ay
isang tabak na nakasuksok sa bain nito.
Sumakay ang Sugo sa (SAS) sa inahing kamelyo niya
na si Qaswá’ kasama ng mga Kasamahan niya sa likuran
niya. Noong dumating sila sa Dhulhulayfah, ang míqát ng
mga mamamayan ng Madínah, ay nagsagawa ng ihrám
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
63
ang lahat at umalingawngaw ang tinig nila sa pagsambit
ng talbiyah bilang pagpapahayag ng ‘umrah. Iyon ay isang
karapatang ukol sa kanila sapagkat tunay na ang pagdalaw
sa Bahay ni Allah ay isa sa karapatan ng lahat ng Arabe.
Walang karapatan ang mga Quraysh ayon sa patakaran ng
pangkalahatang kalakaran na humadlang sa isang tao sa
pagdalaw nito at pagsasagawa nito ng tawáf kahit pa man
siya isang kaaway kapag isinasaalang-alang naman niya
ang kabanalan ng Bahay ni Allah.
Subalit ang mga Quraysh ay nagsimula sa
paghahanda para sa digmaan dahil lamang sa
pagkakaalam nila na mga Muslim ay magsasadya sa
Makkah at pinagtibay nila ang layuning hadlangan ang
Propeta (SAS) sa pagpasok sa Makkah maging anuman
ang idudulot niyon sa kanila. Ganito, ang paninindigang
ito ng mga Quraysh ay isang patunay sa pagmamatigas
nila at pagpupumilit nila sa pangangaway sa mga Muslim
at pagkakait sa mga ito ng mga karapatan ng mga ito.
Nagpatuloy ang karaban ng Propeta (SAS) hanggan sa
naging malapit na sa Makkah ngunit ang mga Quraysh ay
nagpumilit sa pagpigil sa Sugo (SAS) at mga Kasamahan
niya sa pagpasok sa Makkah at pagsasagawa ng tawáf sa
Banal na Bahay ni Allah. Pinakilos ang mga
tagapamagitan upang makipag-unawaan kay Muhammad
(SAS) nang harinawa sila ay humantong kasama niya sa
isang kasunduan. Naulit-ulit ang mga pagpapalitan ng
mga lupong kinatawan sa pagitan ng dalawang pangkat.
May sumugod na 40 kabinataan ng mga Quraysh at
tinangka nilang gulatin ang kampo ng mga Muslim nang
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
64
harinawa ay makapatay sila ng isa sa mga Kasamahan ng
Sugo ni Allah (SAS). Ngunit napigilan silang lahat ng
mga Muslim at dinala sila ng mga ito sa Sugo ni Allah
(SAS). Nagpaumanhin siya sa kanila at pinalaya niya sila.
Pagkatapos ay isinugo ng Sugo ni Allah (SAS) si
‘Uthmán ibnu ‘Affán (RA) sa mga maharlika ng mga
Quraysh upang ibalita sa kanila na siya ay hindi dumating
para sa digmaan, na siya ay dumating bilang isang
dumadalaw sa Bahay ni Allah, dumadakila sa kabanalan
nito. Naunsyami ang mga pakikipag-unawaan sa pagitan
ni ‘Uthmán (RA) at ng mga Quraysh. Pinigilan ng mga
Quraysh si ‘Uthmán sa kanila at nagpakalat sila ng tsismis
na ito ay pinatay. Kaya naman nagsabi ang Sugo (SAS)
noong nakara-ting sa kanya iyon: “Hindi tayo lilisan
hanggang sa makalaban natin ang mga taong [iyon].”
Inanyayahan niya ang mga tao sa pagsasagawa ng
pangako ng katapatan at itinapik niya ang isa mga kamay
niya sa isa pa. Tinawag ang pangako ng katapatan na ito
na Bay‘ah arRidwán21 na isinagawa sa ilalim ng punongkahoy.
Doon nangako ng katapatan sa Sugo (SAS) ang
mga Kasamahan niya na hindi sila lilisan sa kinalalagyan
nila hanggang sa naki-paglaban sila sa mga Mushrik nang
hindi tumatakas kapag may nangyaring masama kay
‘Uthmán (RA). Pagkatapos ay dumating sa Sugo ni Allah
(SAS) ang balita na si ‘Uthmán ay nasa mabu-ting
kalagayan at na siya ay hindi napatay.
21 Pangako ng katapatan ayon sa pagkalugod.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
65
Nagmadali ang mga Quraysh noong nalaman nila ang
pagpa-pahayag ng pangako ng katapatan ng mga Muslim
sa Sugo (SAS) sa pakikipaglaban. Kaya ipinadala ng mga
Quraysh si Suhayl ibnu ‘Amr upang magsagawa sa Sugo
(SAS) ng isang kasunduang pang-kapayapaan sa
kundisyong uuwi sa Madínah ang mga Muslim sa taong
ito at babalik sa Makkah pagkatapos niyon kapag niloob
nila.
Naisagawa ang kasunduang pangkapayapaan at
tinanggap ng Sugo (SAS) ang mga kundisyon ng
kasundaang pangkapayapaan na sa panlabas na anyo nito
ay sa kapakanan ng mga Quraysh. Nagalit ang mga
Muslim sa kasunduang pangkapayaan na ito sapagkat
lumitaw sa mga mata nila na ang mga kundisyon ay
hindi makatarungan at na ito ay sa kapakanan ng mga
Mushrik kaya nga lamang ang Sugo (SAS) ay nagnanais
ng kasunduang pangkapayapaan dahil siya ay nakaaalam na
ang Islam, kapag ipi-nalaganap sa katiwasayan at
kapayapaan, ay papasok ang marami sa mga tao sa Islam.
Ito ang nangyari sapagkat lumaganap nang malakihan ang
Islam sa loob ng panahon ng pansamantalang kapa-yapaan
sa pagitan ng mga tao.
Bagkus ang pansamantalang kapayapaan na iyon sa
pagitan ng mga Muslim at mga Quraysh ay isang malaking
tagumpay para sa Islam at mga Muslim at isang patunay
na ang Sugo (SAS) ay tumitingin sa pamamagitan ng
liwanag ni Allah at siya ay tuma-tanggap ng bawat
kundisyong kabilang sa mga kundisyong itinu-turing ng
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta