Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
5
بسم الله الرحمن الرحيم
Panimula
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allah;1 nagpupuri
tayo sa Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya, at humihingi
tayo ng tawad sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allah
laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at mga
kasagwaan ng mga gawain natin. Ang sinumang
pinatnubayan ni Allah ay walang makapagliligaw sa
kanya at ang sinumang ipaliligaw Niya ay walang
makapagpa-patnubay sa kanya. Sumasaksi ako na
walang Diyos kundi si Allah: tanging Siya, wala Siyang
katambal; at sumasaksi ako na si Muhammad ay Lingkod
Niya at Sugo Niya.
Maglalahad tayo sa maikling akda na ito ng mga
dagliang pagtanaw at mga saglit na sulyap sa
talambuhay ng marangal nating Propeta na si
Muhammad (SAS)2 at sa pagkatao niya. Mababatid natin
sa pamamagitan nito ang mga pakikitungo niya at ang
pamamaraan ng buhay niya. Mapag-aalaman natin ang
panuntunan niya at ang pag-aanyaya niya sa Islam.
Makikipa-muhay tayo sa ilan sa mga tanawin mula sa
1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe. Ito
ay isang pangngalang pantangi at hindi pangngalang pambalana, kaya ang
mga pantukoy na gagamitin sa pagtukoy sa pangalang Allah ay SI, NI at KAY
at hindi ANG, NG, at SA. Ito ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa
wikang Filipino, ang Komisyon sa Wikang Filipino. Ito rin ang paninindigan ng
Ministry of Islamic Affairs sa Saudi Arabia.
2 (SAS): Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan siya ni Allah at pangalagaan.
Sinasabi ito kapag binanggit ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad
(SAS) o kapag tinutukoy siya.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
6
buhay niya, suma-kanya ang pinakamainam na basbas at
pinakadalisay na panga-ngalaga ni Allah. Kaya
mamumuhay tayo kasama ni Muhammad (SAS) ang
Sugo, ni Muhammad ang tao, ni Muhammad ang
tagapagturo, ni Muhammad ang tapag-alaga, na
ipinadala ni Allah bilang tapagpatnubay at tagapagbalita
ng nakalulugod ayon sa kapahintulutan Niya tungo sa tuwid
na landasin. Dumating siya upang lubusin ang mararangal
na mga kaasalan. Nagpapatnubay siya tungo sa
magagandang gawain. Pinalalabas niya ang mga tao mula
sa mga kadiliman tungo sa liwanag at mula sa pagsamba
sa mga tao tungo sa pagsamba sa Panginoon ng mga tao.
Ito ay upang matalos natin ang mga halimbawa, makuha
natin ang mga aral, at madalisay natin ang mga sarili sa
pamamagitan ng mani-ngning na talambuhay na iyon, ang
talambuhay ng Pangwakas sa mga propeta at mga isinugo
upang magawa natin iyon na isang ilaw na tatahak tayo
dahil doon, na mapapatnubayan tayo sa pama-magitan
niyon, at matutunton natin ang bakas niya. Kaya naman, o
Allah, basbasan Mo, pangalagaan Mo, dagdagan Mo, at
pagpalain Mo ang Lingkod Mo at ang Sugo Mo na si
Muhammad. O Allah, gantihan Mo siya alang-alang sa
amin ng pinakamabuti sa igi-nanti mo sa isang propeta
alang-alang sa kalipunan nito. Tipunin Mo kami, o Allah,
sa kapisanan niya, paratingin Mo kami sa batis niya, at
painumin Mo kami mula sa marangal niyang kamay.
O Allah, gawin Mo ang gawaing ito na wagas na
ukol sa Mukha Mo, itakda Mo para rito ang pagtanggap,
at magpakina-bang Ka sa pamamagitan nito.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
7
Si Muhammad, ang Pangwakas sa
mga Propeta
Ang Kalagayan ng Arabia Bago ang Islam
Ang Paganismo noon ang siyang umiiral na relihiyon
sa mga Arabe, at dahilan sa pagkakayakap nila sa
Paganismo na suma-salungat sa matuwid na relihiyon ay
binansagan ang panahon nila na alJáhiliyah: ang Panahon
ng Kamangmangan. Kabilang sa pinakabantog sa mga
diyus-diyusan na sinasamba nila noon bukod pa kay Allah
ay sina Allát, Al‘uzzá, Manáh at Hubal. Subalit may-roong
mga Arabe na yumakap sa Judaismo, o Kristiyanismo, o
Mazdaismo.3 May matatagpuan din sa kanila na mangilanngilang
individuwal na nanatiling yumayakap sa Likas na
Monoteismo, ang kapaniwalaan ni Abraham.
Tungkol naman sa buhay pang-ekonomiya, ang mga
Badawí 4 ay umaasa nang lubusan sa yamang
panghayupan na umaasa sa pagpapastol. Ang inaasahan
naman ng buhay pang-ekonomiya ng mga Hádir5 ay ang
3 Mago ang isa pang tawag sa isang Mazdaista na kaanib ng
Mazdaismo. Ang relihiyong Mazdaismo ay isang anyo ng
Zoroasterianismo, ang relihiyong itinatag ni Zoroaster o Zarathustra na
Persiano. Ang Tagapagsalin.
4 Ang mga Arabeng disyerto na namumuhay sa disyerto at walang
pirming bahay.
5 Ang mga Arabeng nakatira sa isang nayon o bayan at may pirming
bahay.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
8
pagsasaka at ang pangangalakal. Bago dumating ang
Islam, ang Makkah ang pinakamalaking lungsod
pangkalakalan sa Arabia. Mayroon na ring mga
pamayanang may kabihasnan sa maraming rehiyon gaya
ng Madínah at Taif.
Tungkol naman sa kalagayang panlipunan, ang
kawalang-katarungan ay laganap. Ang mga karapatan ay
nilalabag. Inilili-bing nang buhay ang mga batang babae.
Nilalapastangan ang mga karangalan. Nilalabag ng malakas
ang karapatan ng mahina. Nag-aasawa sila nang walang
takda. Ang pangangalunya ay laganap. Ang mga digmaan
sa pagitan ng mga lipi ay nangyayari dahil sa
napakababaw na mga dahilan, pati na sa mga anak ng
iisang lipi.
Iyon ay isang dagliang sulyap sa reyalidad ng Arabia
bago lumitaw ang Islam.
Ang Anak ng Dalawang Handog
Ang mga Quraysh ay nagmamalaki noon kay
‘Abdulmuttalib, ang lolo ni Propeta Muhammad (SAS), sa
pagkakaroon ng mga supling at yaman. Kaya namanata si
‘Abdulmuttalib na talagang kung pagkakalooban nga siya
ni Allah ng sampung anak na lalaki ay iaalay niya ang isa
sa kanila bilang handog sa mga diyos. Natu-pad sa kanya
ang ninais niya; napagkalooban siya ng sampung anak
na lalaki. Ang isa sa kanila ay si ‘Abdulláh, ang ama ng
Propeta (SAS). Noong ninais na ni ‘Abdulmuttalib na
tuparin ang panata ay gumawa siya ng isang palabunutan
sa pagitan ng mga anak niya. Nabunot si ‘Abdulláh.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
9
Ngunit noong ninais niya na ialay ito ay sinalungat siya
ng mga tao upang mapigilan siya nang sa gayon ay hindi
iyon maging isang kalakaran sa mga tao. Pag-katapos ay
nagkaisa sila na magsagawa ng palabunutan sa pagitan ni
‘Abdulláh at ng sampung kamelyo na magiging pantubos
sa kanya. Noong isinagawa ang palabunutan ay nabunot si
‘Abdulláh. Kaya dinoble nila ang bilang ng mga kamelyo
ngunit nabunot na naman siya. Kaya nagsimula silang
magdagdag sa bilang ng mga kamelyo. Ang nabubunot
palagi ay si ‘Abdullah hanggang sa uma-bot ang bilang ng
mga kamelyo sa isandaan, at saka nabunot ang mga
kamelyo. Kinatay ni ‘Abdulmuttalib ang mga ito at
natubos ang anak niya na si ‘Abdullah sa pamamagitan
ng mga ito.
Talaga namang si ‘Abdulláh ang pinakamalapit sa
puso ni ‘Abdulmuttalib sa mga anak nito, lalo na nang
matapos ang pag-tubos. Nang nagbinata na si ‘Abdulláh
ay pumili para sa kanya ang ama niya ng isang dalagang
kabilang sa liping Zuhrah, na ang pangalan ay Áminah
bint Wahb. Ipinakasal siya ng ama sa dalagang ito.
Nagdalang-tao si Áminah. Matapos ang tatlong buwan
ng pagdadalang-tao ni Aminah ay lumisan si ‘Abdulláh
kasama ng isang karaban na pangkalakal patungong Shám.6
Habang nasa daan pauwi ay dinapuan siya ng
karamdaman kaya tumigil siya sa Madínah sa piling ng
mga tiyuhin niya sa ina na kabilang sa liping anNajjár.
Doon na siya binawian ng buhay at inilibing.
6 Ang rehiyon na binubuo sa kasalukuyan ng Syria, Palestine, Lebanon, at Jordan.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
10
Ang Kapanganakan ng Sugo (SAS)
Nalubos ang mga buwan ng pagdadalang-tao.
Isinilang siya nang araw ng Lunes, subalit walang
natitiyak na pagtatakda sa araw at buwan ng
kapanganakan niya. Sinasabi na siya ay ipina-nganak sa
ika-9 ng buwan ng Rabí‘ul’awwal. Sinasabi rin na sa ika-
12. Sinasabi pa na sa buwan ng Ramadán. May nagsasabi
ng iba pa roon. Iyon ay noong taong 571 C.E. Ito ang
taon na tina-tawag na Taon ng Elepante.
Ang mga Elepante
Si Abrahah na taga-Ethiopia ay ang kinatawan ng
Hari ng Ethiopia sa Yemen. Nang nakita niya na ang mga
Arabe ay nag-sasagawa ng pagdalaw sa Ka‘bah sa
Makkah, dumadakila roon, at nagsasadya roon mula sa
mga malayong pook, ay nagpatayo siya ng isang
malaking simbahan sa San‘á’ [sa Yemen] upang ibaling
sa simbahang ito ang mga Arabe na dumadalaw roon.
Narinig iyon ng isang lalaking kabilang sa liping Kinánah
(isa sa mga liping Arabe) kaya pinasok niya ito isang gabi
at pinahi-ran ang mga dingding nito ng dumi ng tao.
Noong nalaman ni Abrahah iyon ay nagwala siya at
nagalit. Naghanda siya ng isang dambuhalang hukbo na
binubuo ng 60,000 lalaki, na may kasa-mang siyam na
elepante. Humayo siya kasama nila patungong Makkah
upang wasakin ang Ka‘bah. Pumili siya para sa sarili niya
ng isang elepante na pinakamalaki sa mga elepante.
Noong dumating siya malapit sa Makkah ay tinipon
niya ang hukbo niya at humanda sa pagpasok sa Makkah
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
11
subalit ang mga elepante ay lumuhod at hindi sumulong.
Tuwing ihinaharap nila ang mga ito sa dakong hindi
nakaharap sa Ka‘bah ay tumatayo ang mga ito at mabilis
na lumalakad. Kapag ibinabaling naman nila ang mga ito
patungong Ka‘bah ay lumuluhod ang mga ito. Habang
sila ay nasa gayong kalagayan, nagpadala si Allah sa
kanila ng mga kawan ng mga pulu-pulutong na ibon na
nagba-bato sa kanila ng mga maliit na batong idinarang sa
apoy ng Impi-yerno. Ang bawat ibon ay nagdadala ng
tatlong bato: isang bato sa tuka nito at tig-iisang bato sa
bawat paa, na mga kasinlaki ng garbansos. Walang isa
man sa kanila na tinatamaan na hindi nag-sisimulang
nagkakaputol-putol at nagkakapira-piraso ang mga bahagi
ng katawan hanggang sa masawi. Kaya nagsialisan sila at
tumakas. Nagbagsakan sila sa daan. Tungkol naman kay
Abrahah, pinadalhan siya ni Allah ng isang karamdamang
nagkandalagas dahilan doon ang mga dulo ng daliri niya.
Dumating siya sa San‘á’ noong naigupo na siya nang
lubusan ng pinsala. Namatay siya roon.
Tungkol naman sa mga Quraysh, nagkahiwa-hiwalay
sila ng mga landas at nagkubli sa mga bundok dala ng
takot para sa mga sarili nila dahil sa hukbong iyon. Noong
naganap sa hukbo ang naganap, panatag silang bumalik sa
mga tahanan nila. Ang pang-yayaring ito ay limampung
araw bago isinilang ang Sugo (SAS).
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
12
Ang Pagpapasuso7
Noong naipanganak ang Propeta (SAS) ay pinasuso
siya ni Thuwaybah na alila ng tiyuhin niya na si Abú
Lahab. Napasuso na nito bago pa man siya ang tiyuhin
niya na si Hamzah ibnu ‘Abdulmuttalib at dahil doon si
Hamzah ay naging isang kapatid ng Propeta (SAS) sa
pagpapasuso. Yamang isa sa kaugalian noon ng mga Arabe
na sila ay naghahanap para sa mga anak nila ng mga sisiwa8
na nakatira sa disyerto kung saan matatagpuan para sa mga
ito ang mga kakailanganin ng maayos na pisikal na
paglaki. Nali-pat ang Propeta (SAS) sa isa pang sisiwa.
Nang mga panahong iyon na ipinanganak si Muhammad
(SAS) ay may dumating sa Makkah na isang pangkat ng
mga babaing taga-disyerto ng liping Sa‘d upang
maghanap ng mga batang gagampanan nila ang pagpapasuso
sa mga ito. Nagsimulang lumibot sa mga bahay
ang mga babae. Silang lahat ay umayaw kay Muhammad
(SAS) dahil sa pagkaulila nito at karalitaan nito. Si
Halímah asSa‘díyah (RA) ay isa sa mga babaing umayaw
sa kanya. Subalit matapos ang pag-libot niya sa
karamihan sa mga bahay ay hindi siya nakasumpong ng
isang batang mula sa mayamang mag-anak na madadala
niya kasama niya upang mapagaan ng upa sa pagpasuso rito
7 (RA): Radiyalláhu ‘Anhu para sa isang lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para
sa isang babae, Radiyalláhu ‘Anhum para sa marami. Ang ibig sabihin
nito ay: Kasiya-han siya (o sila) ni Allah. Ito ay panalanging binabanggit
sa tuwing binabanggit ang pangalan o ang taguri ng Kasamahan o asawa
ni Propeta Muhammad (SAS).
8 Babaeng nagpapasuso ng gatas niya sa batang hindi niya anak.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
13
ang pinagti-tiisan niya na kasalatan sa pamumuhay at tindi
ng karalitaan, lalo na sa taong iyon ng tagtuyot. Kaya
nagtungo siya pabalik sa bahay ni Áminah upang
magkasya sa batang ulila at sa maliit na upa.
Dumating si Halímah (RA) sa Makkah kasama ng
asawa niya, sakay ng isang inahing asnong payat na
makupad lumakad. Noong nasa daan na pauwi habang siya
ay kumakalong sa Sugo ni Allah (SAS) sa kanlungan niya,
ang inahing asno ay tumatakbo na nang mabilis at
iniiwanan nito sa hulihan nito ang lahat ng mga sasak-yang
hayop, na ikinamangha naman nang lubusan ng mga
kasama sa daan.
Nabanggit ni Halímah (RA) na ang suso niya ay
walang nai-dudulot kundi kaunting gatas at na ang
pasusuhing anak niya ay palaging umiiyak dahil sa tindi
ng gutom. Ngunit noong isinubo niya ang suso niya sa
Sugo ni Allah (SAS) ay dumaloy nang masa-gana ang
gatas. Isinalaysay rin niya ang tungkol sa tagtuyot sa
lupain niya sa tirahan ng liping Sa‘d. Subalit noong
nagkamit siya ng karangalan ng pagpapasuso sa batang ito
ay naging mabiyaya ang lupain niya at ang mga hayupan
niya. Nagbago ang kalagayan niya nang lubos: mula sa
kasalatan at karalitaan ay naging kasa-ganaan at
kaginhawahan.
Tumagal si Muhammad (SAS) ng dalawang taon sa
panga-ngalaga ni Halímah. Ito ay nahumaling sa kanya.
Nakadarama ito sa kaibuturan nito ng mga bagay at mga
pangyayaring hindi karaniwan na bumabalot sa batang
ito. Matapos ang dalawang taong ito ay dinala siya ni
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
14
Halímah (RA) sa ina niya at sa lolo niya sa Makkah.
Subalit si Halímah (RA), na nakakita sa biyayang dala
nito na nagbago sa kalagayan niya, ay nagpumilit kay
Áminah na sumang-ayon na manatili ito sa piling niya sa
isa pang pagka-kataon. Sumang-ayon naman si Áminah.
Umuwi si Halímah (RA) sa tirahan ng liping Sa‘d kasama
ng batang ulila sa ama. Nag-uumapaw sa kanya ang galak
at pinupuspos siya ng ligaya.
Ang Pagbiyak ng Dibdib
Isang araw, noong si Muhammad (SAS) ay nalalapit
nang mag-apat na taong gulang at habang siya ay naglalaro
kasama ng kapa-tid niya sa gatas na anak na lalaki ni
Halímah (RA) asSa‘díyah malayo sa mga kubol, ay
dumating ang anak ni Halímah (RA). Ito ay tumatakbo at
sa mukha nito may mga tanda ng hilakbot. Hiniling nito sa
ina nito na puntahan ang Quraysh na kapatid kaya tinanong
ito ng ina kung ano ang nangyari.
“May nakita po akong dalawang lalaking nakasuot ng
puting damit. Kinuha nila siya sa gitna namin. Pinahiga
nila siya at pag-katapos ay biniyak nila ang dibdib niya,”
sabi ng bata.
Ngunit bago natapos ng bata ang salaysay nito ay
tumatakbo na si Halímah (RA) patungo kay Muhammad
(SAS). Nakita siya ni Halímah na nakatayo sa
kinaroroonan niya at hindi gumaga-law. Lumitaw ang
pamumutla sa mukha niya at nagbago ang kulay niya. Sabik
na tinatanong siya nito kung ano ang nangyari sa kanya.
Ibinalita niya rito na siya ay nasa mabuti. Ikinuwento
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
15
niya rito na may dalawang lalaking nakasuot ng puting
damit na kumuha sa kanya at biniyak nila ang dibdib
niya. Pagkatapos ay inilabas nila ang puso niya at may
inalis sila mula rito na isang itim na namuong dugo at
itinapon nila ito. Pagkatapos ay hinugasan nila ang puso
ng malamig na tubig. Pagkatapos ay ibinalik nila ito sa
dibdib. Pagkatapos ay pinahiran ang ibabaw ng dibdib.
Nilisan ng dalawa ang pook at pagkatapos ay naglaho na
sila. Ibinalik ni Halímah si Muhammad (SAS) sa kubol.
Kasabay ng pagputok ng madaling-araw ng sumunod na
araw ay dinala ni Halímah si Muhammad (SAS) papunta
sa ina nito sa Makkah. Nagtaka si Áminah sa pagbabalik
ni Halímah (RA) nang wala sa panahon sa kabila ng
pagkahumaling niya sa bata. Tinanong siya nito kung ano
ang dahilan. Kaya isinalaysay ni Halímah rito ang
tungkol sa nangyaring pagbibiyak sa dibdib.
Ang Pagyao ng Ina at Lolo
Pumunta si Áminah dala ang anak na ulila sa Madínah
upang dalawin ang mga amain niya sa ina na kabilang sa
liping anNajjár. Nanatili siya roon nang mga ilang araw.
Nang nasa daan pauwi ay binawian si Áminah ng buhay
sa isang lugar na tinatawag na al’Abwá’. Doon na rin siya
inilibing. Dito ay namaalam sa ina si Muhammad (SAS)
sa ina sa gulang na anim na taon.
Tungkulin ng lolo niya na si ‘Abdulmuttalib na
tumbasan sa kanya ang maraming kawalan. Kaya naman
inalagaan at kinalinga siya nito. Sa gulang na walong taon
ay yumao ang lolo niya na si ‘Abdulmuttalib kaya
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
16
inalagaan naman siya ng amain niya na si Abú Tálib sa
kabila ng dami ng mga anak nito at kasalatan nito sa
yaman. Pinakitunguhan siya ng tiyuhin niya at gayon din
naman ng maybahay nito ng gaya ng sa mga anak nila.
Lubha namang napalapit ang batang ulila sa amain niya.
Sa ganitong kalagayan nagsimula ang unang pagkahubog
niya. Lumaki siya sa katapatan at pagiging
mapagkakatiwalaan hanggang sa ang mga ito ay naging
mga taguri na nakikilala siya. Kaya kapag sinabing
dumating ang mapagkakatiwalaan o ang matapat, alam na
si Muhammad (SAS) ang tinutukoy.
Si Khadíjah (RA)
Matapos na siya ay magbinata at lumaki nang kaunti,
nagsi-mula siyang umasa sa sarili niya sa mga kapakanan
ng buhay niya at paghahanap ng ikabubuhay niya.
Sinimulan niya ang pagkilos sa paggawa at pagkita.
Nagtrabaho siya bilang isang pastol para sa ilan sa mga
Quraysh para sa mga tupa nila kapalit ng kaunting halaga
ng salapi.
Lumahok siya sa isang paglalakbay pangkalakalan
patungong Sham, na nakiambag doon si Khadíjah bint
Khuwaylid (RA) ng malaking puhunan. Si Khadíjah na ito
ay isang mariwasang balo. Ang katiwala niya sa ari-arian
niya sa paglalakbay na iyon ay si Maysarah, ang alila
niya at ang tagapangasiwa ng mga gawain niya. Dahil sa
biyayang taglay ni Muhammad (SAS) at pagkamapagkakatiwalaan
nito ay tumubo ang kalakal ni Khadíjah
(RA) ng tubong hindi pa niya nalaman noon. Kaya
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
17
tinanong niya ang alila niyang si Maysarah hinggil sa
dahilan ng malaking tubong ito. Ibinalita niyon sa kanya
na si Muhammad (SAS) ang buma-likat sa pag-aalok at
pagtitinda. Tinangkilik ito ng mga tao nang malaking
pagtangkilik. Kaya ang maraming tinubo ay hindi dahil sa
pandaraya. Nakinig si Khadíjah (RA) sa alila niya.
Nalalaman na niya noon pa ang ilang bagay tungkol kay
Muhammad (SAS) kaya tumindi ang paghanga niya rito.
Naibigan niyang makaisang-dibdib ito. Nagsugo siya ng isa
sa mga babaing kamag-anak niya upang siyasatin para sa
kanya ang pagnanais ni Muhammad (SAS) hinggil sa
bagay na iyon. Si Muhammad (SAS) noon ay sumapit na
sa gulang na dalawampu’t lima. Pinuntahan ito ng isang
babae upang alukin ito na makipag-isang-dibdib kay
Khadíjah (RA). Nalugod naman ito roon.
Nairaos ang pag-iisang-dibdib at lumigaya bawat isa sa
kanila sa isa’t isa. Nagsimula na si Muhammad (SAS) sa
pamamahala sa mga kapakanan ng yaman ni Khadíjah
(RA). Napatunayan niya ang kahusayan niya at ang
kakayahan niya. Lumipas ang mga taon. Nagkasunudsunod
ang pagdadalang-tao ni Khadíjah (RA) at ang
panganganak niya. Nagkaroon ito sa kanya ng mga anak
na babae na sina Zaynab, Ruqayyah, Umm Kulthúm at
Fátimah, at ng mga anak na lalaki na sina AlQásim at
‘Abdulláh, na kapwa namatay noong mga bata pa.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
18
Ang Pagpapatayo ng Ka‘ba
Noong ang edad ng Propeta (SAS) ay tatlumpu’t
limang taon, ninanais ng mga Quraysh na muling itayo ang
Ka‘bah at panum-balikin ito yamang nagkalamat ang mga
dingding nito kaya naman nabingit ito sa pagbagsak dahilan
sa katandaan na ng pagkapatayo nito at dahil mayroong
malaking baha na dumating sa Makkah at umagos sa
alMasjid alHarám. Nabingit ang Ka‘bah dahil doon sa
pagguho. Napilitan ang mga Quraysh na panumbalikin
ang pagkakapatayo nito dala ng pagpapahalaga sa
kalagayan nito. Nagkaisa sila na wala silang gugulin sa
pagpapatayo nito maliban sa panggugol na galing sa
mabuti. Noong sumapit na sila sa pag-tatayo ng
paglalagyan ng Batong Itim ay nagkasalungatan sila
hinggil sa kung sino ang may karangalang maglagay niyon
sa laga-yan nito. Nagpatuloy ang hidwaan ng apat o limang
gabi. Tumindi ang salungatan hanggang sa halos maging
isang mabangis na dig-maan sa pagitan nila. Pagkatapos ay
nagkaisa sila na pagpasyahin sa pagitan nila ang unang
papasok sa pintuan ng alMasjid alHarám patungo sa
kinaroroonan nila. Niloob ni Allah na ang unang puma-sok
ay ang Sugo ni Allah (SAS). Kaya noong nakita nila siya
ay nagsigawan sila: “Ito ang mapagkakatiwalaan.
Ikinasisiya namin siya. Ito si Muhhamad.” Noong
dumating siya sa kanila at naiba-lita nila sa kanya ang
balita ay humingi siya ng isang balabal at iniligay ang
Batong Itim sa gitna nito. Hiniling niya sa mga pinuno ng
mga liping naghihidwaan na humawak sila sa mga gilid
ng balabal. Ipinag-utos niya sa kanila na buhatin ito.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
19
Noong naihatid nila ito sa paglalagyan nito ay binuhat
niya ito at inilagay ito sa lagayan nito sa pamamagitan
ng mga kamay niya. Ito ay isang matalinong kalutasang
ikinasiya ng mga tao.
Kinapos ang mga Quraysh ng panggugol na galing sa
mabuti kaya nagbawas sila sa dakong hilaga ng habang
mga anim na siko sa bahaging tinatawag na Hijr at Hatím.
Ang Ka‘bah pagkayari niyon ay naging may hugis na
medyo parisukat. Iniaangat nila mula sa lupa ang pinto
nito upang walang pumasok dito maliban sa sinumang
ninais nila. Noong sumapit ang estruktura sa taas na 15
siko ay inatipan nila ito sa ibabaw ng anim na haligi.
Ang Alyansa sa mga Kabutihan
Ang dahilan nito ay na may isang lalaking taga-
Zubaydah, mula sa Yemen. Dumating siya sa Makkah na
may dalang paninda, na binili naman sa kanya ni Al‘áss
ibnu Wá’il na may mataas na katayuan at kalagayan sa
Makkah. Ipinagkait ni Wá’il sa kanya ang nauukol sa
kanya. Hindi nakatagpo ang Zubaydenyo ng mag-dudulot
sa kanya ng katarungan at kukuha para sa kanya ng nauukol
sa kanya kaya umakyat siya sa burol at
ipinanawagan ang pang-aapi sa kanya. May tumindig na
isang pangkat mula sa mga lipi ng Makkah at nagkaisa sila
na panunumbalikin ang mga nau-ukol sa may-ari ng mga
ito. Nagkasunduan sila na kapag maka-susumpong sila sa
Makkah ng isang aapihing kabilang sa mga naninirahan
doon o hindi kabilang sa kanila na ibang mga taong
pumasok doon ay papanig sila sa kanya. Sila ay laban sa
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
20
sinumang umapi sa kanya hanggang sa ipinanumbalik sa
kanya ang nauukol sa kanya. Tinawag ng mga Quraysh ang
alyansang iyon na Alyansa sa mga Kabutihan.
Nakilahok nga Propeta (SAS) sa Alyansang iyon.
Ang edad niya sa panahong iyon ay dalawampu’t limang
taon.
Ang Pagkapropeta
Kasabay ng paglapit ng edad niya (SAS) sa
apatnapung taon, dinalasan ni Muhammad (SAS) ang pagiisa
at ang pagsasarili sa yungib ng Hirá’, sa isang bundok
na malapit sa Makkah sa dakong silangan. Gumugugol
siya roon ng ilang araw at ilang gabi na magkakasunud
habang sumasamba kay Allah. Noong gabi ng ika-21 ng
buwan ng Ramadán, habang siya ay nasa loob ng yungib
at noong tumuntong na siya sa gulang na apatnapung
taon, ay pinuntahan siya ni Anghel Gabriel (AS) at
nagsabi ito sa kanya: “Bumasa ka.”
“Hindi ako nakababasa,” sabi naman niya rito. Ang ibig
niyang sabihin ay hindi siya marunong bumasa.
Inulit iyon ni Gabriel sa ikalawa at ikatlong
pagkakataon. Sa ikatlong pagkakataon ay nagsabi ito sa
kanya (96:1-5):9 Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon
mo na lumikha. Lumikha sa tao mula sa namuong
dugo. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang
Napakamapagbigay, na nagturo sa pamamagitan ng
9 Ang mga talata ng Qur’an o mga Hadíth na sinipi rito ay salin lamang
mula sa wikang Arabe ng kahulugan ng Salita ni Allah o ng salita ni
Propeta Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
21
panulat, nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.
Pagkatapos ay iniwan siya nito.
Hindi na nakayanan ng Sugo ni Allah (SAS) na
manatili pa sa yungib ng Hirá’ kaya umuwi siya sa bahay
niya. Pumasok siya sa kinaroroonan ni Khadíjah (RA), na
kumakabug-kabog ang puso niya at nagsabi: “Balutin
ninyo ako. Balutin ninyo ako.”
Binalutan naman siya nito hanggang sa maalis ang
sindak sa kanya. Ibinalita niya kay Khadíjah (RA) ang
nangyari sa kanya. Pagkatapos ay nagsabi siya: “Talaga
ngang natakot ako para sa sarili ko.” Kaya nagsabi naman
si Khadíjah (RA): “Aba’y huwag; sumpa man kay Allah,
hinding-hindi ka ipahihiya ni Allah kailan-man. Tunay na
ikaw ay talagang nagpapanatili sa ugnayan sa kaanak,
umaalalay sa naghihikahos, nagbibigay sa nawawalan,
nagpaparangal sa panauhin, at umagapay sa dinapuan ng
mga kasawian sa mundo.”
Pagkalipas ng isang maikling panahon ay bumalik ang
Propeta (SAS) sa yungib ng Hirá’ upang ipagpatuloy roon
ang pagsamba niya. Noong natapos ang pagsamba niya ay
nanaog siya mula sa yungib upang bumalik sa Makkah.
Noong siya ay nasa gitna na ng lambak, pinuntahan siya ni
Anghel Gabriel na nakaupo sa isang upuang nasa pagitan ng
langit at lupa, at isinawalat sa kanya (74:1-5): O nakatakip!
Bumangon ka at magbabala ka. Ang Panginoon mo ay
dakilain mo. Ang mga kasuutan mo ay lini-sin mo. Ang
kasalaulaan10 ay layuan mo. Pagkatapos ay nag-patuloy
ang pagsisiwalat at nagkasunud-sunod matapos niyon.
10 O mga diyus-diyusan.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
22
Noong nasimulan ng Propeta (SAS) ang pag-anyaya
niya tungo sa Islam ay tinugon ng butihing maybahay
niya ang panawagan ng pananampalataya at sinaksihan
nito ang kaisahan ni Allah at ang pagkapropeta ng
marangal na asawa niya. Si Khadíjah (RA) ay ang unang
yumakap sa Islam. Kinausap ng Sugo ni Allah (SAS) ang
matalik na kaibigan niya na si Abú Bakr (RA).
Sumampala-taya naman ito at naniwala nang walang pagaatubili.
Pinili niya mula sa mga anak ng amain niya si
‘Alíy upang alagaan sa piling niya at gugulan sa
pangangailangan nito, bilang isang pagganti niya sa
amain niyang si Abú Tálib na nag-aruga at nangalaga sa
kanya noong wala na ang ina niya at ang lolo niya. Sa
ganitong kalagayan binuksan ni ‘Alíy (RA) ang puso nito
at ang isip nito kaya sumampalataya ito. Pagkatapos
niyon ay sumunod naman sa kanila si Zayd ibnu Hárithah
(RA) na alila ni Khadíjah (RA).
Nagpatuloy ang Propeta (SAS) sa lihim na pagaanyaya
sa Islam yamang inililihim nila ang pagyakap
nila sa Islam dala ng pangambang sumailalim sila sa
napakabigat na mga uri ng pag-paparusa mula sa mga
Káfir ng mga Quraysh kapag natuklasan ng mga ito ang
tungkol sa kanila nang sa gayon ay mahadlangan sila sa
Islam. Talaga ngang ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allah
(SAS) noong sandaling iyon, kapag ninais nilang
magsagawa ng saláh at pagsamba, ay nagtatago mula sa
mga Mushrik at pumu-punta sa mga gulod sa labas ng
Makkah.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
23
Ang Hayagang Pag-aanyaya sa Islam
Matapos na gumugol ang Sugo ni Allah (SAS) ng
tatlong taon sa palihim na paisa-isang pag-aanyaya sa
Islam ay ibinaba ni Allah ang talata na ito ng Qur’an
(15:94): Kaya ilantad mo ang ipinag-uutos sa iyo at
hayaan mo ang mga nagtatambal.11 Kaya tumayo siya,
isang araw, sa tuktok ng burol ng Safá, na nananawagan
sa mga naninirahan sa Makkah. Pinagtipunan siya ng
maraming tao at kabilang sa mga iyon ang amain niya na
si Abú Lahab, na isa sa mga tao na may napakalaking
pagkamuhi kay Allah at sa Sugo Niya. Noong
pinagtipunan na siya ng mga tao ay nagsabi siya: “Sa
tingin ba ninyo kung ibabalita ko sa inyo na sa likod ng
bundok na ito ay may kalaban na nag-aabang sa inyo,
maniniwala ba kayo sa akin?”
“Wala kaming nalaman sa iyo kundi ang katapatan
at ang pagkamapagkakatiwalaan,” sabi nila.
“Tunay na ako sa inyo ay isang tagapagbabala sa
harap ng isang matinding pagdurusa,” sabi niya.
Pagkatapos ay nagpatuloy ang Sugo ni Allah (SAS)
sa pag-aanyaya sa kanila tungo kay Allah at sa pagwaksi
sa anumang ginagawa nilang pagsamba sa mga diyusdiyusan.
Lumitaw si Abú Lahab sa gitna ng mga tao at
nagsabi: “Kapahamakan sa iyo; dahil ba dito ay tinipon
mo kami?” Kaya nagbaba si Allah ng isang Súrah na
11 Mushrik o gumagawa ng Shirk o lumalabag sa Tawhíd. Sa kabuuan ang
Mushrik ay ang sinumang naniniwalang may iba pang Panginoon
bukod pa kay Allah, ang namumukod-tanging tunay na Diyos, at
sumasamba sa iba pa kay Allah.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
24
bibigkasin hanggang sa Araw ng Pagkabuhay (111:1-5):
Napahamak ang dalawang kamay ni Abú Lahab at
napahamak siya! Walang naipakinabang para sa
kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.
Papasok siya sa Apoy na may liyab, at gayon din ang
maybahay niya, ang tagapasan ng panggatong. Sa
leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.
Nagpatuloy ang Propeta (SAS) sa pag-aanyaya niya.
Sinimu-lan niyang ilantad ito sa mga pook ng mga
pagtitipon ng mga tao. Nagdarasal siya sa tabi ng Ka‘bah.
Dumadalo siya sa mga pinag-titipunan ng mga tao.
Pinupuntahan niya ang mga Mushrik sa mga palengke nila
upang anyayahan sila sa Islam. Madalas siyang dumanas
ng pamiminsala. Nadagdagan din ang pamiminsala ng
mga Káfir sa sinumang yumakap sa Islam. Kabilang
doon ang nangyari kina Yásir (RA), Sumayyah (RA) at
sa anak nila na si ‘Ámmár (RA) yamang namatay ang
mga magulang ni ‘Ámmár (RA) na martir dahil sa tindi
ng pahirap. Si Sumayyah (RA) ang unang martir sa
Islam.
Sumailalim din si Bilál ibnu Rabáh (RA) na taga-
Ethiopia sa matinding pagdurusa sa kamay nina Abú Jahl
at Umayyah ibnu Khalaf. Pumasok na sa Islam si Bilál
ibnu Rabáh (RA) sa pama-magitan ni Abú Bakr (RA)
asSiddíq. Noong nalaman iyon ng pangi-noon niya na si
Umayyah ibnu Khalaf, ginamit nito sa kanya ang halos
lahat ng mga kaparaanan ng pagpapahirap upang
talikuran niya ang Islam, ngunit tumanggi siya at nanatili sa
Relihiyon niya. Dinadala siya noon ni Umayyah sa labas ng
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
25
Makkah na nakagapos sa mga tanikala. Naglalagay ito sa
dibdib niya ng malaking bato matapos na pahigain siya
nito sa mga nakapapasong buhangin. Pagkatapos ay
pinagbuntunan siya ng hagupit ni Umayyah at ng mga
kasama nito samantalang siya naman ay paulit-ulit na
nag-sasabi ng ahad, ahad12 hanggang sa madaanan siya
ni Abú Bakr (RA) asSiddíq habang siya ay nasa gayong
kalagayan. Binili siya nito kay Umayyah at pinalaya
alang-alang kay Allah.
Talaga namang bahagi ng katwiran kaalinsabay ng
pag-iral ng mga paniniil na ito na pinigilan ng Sugo ni
Allah (SAS) ang mga Muslim sa pagpapahayag ng
pagyakap nila sa Islam. Naki-kipagkita rin siya sa kanila
nang lihim dahil kung sakaling naki-pagkita siya sa kanila
nang hayagan, hahadlang ang mga Mushrik sa pagitan
niya at ng ninanais niya na pagtuturo sa kanila at pagpapatnubay
sa kanila. Marahil humantong pa iyon sa
sagupaan hindi magkapantay sa pagitan ng dalawang
pangkat. Maaaring mauwi ito sa pagkawasak ng mga
Muslim at pagkalipol nila dahil sa kakauntian ng bilang
nila at sandata nila. Kaya naman bahagi ng katwiran ang
pagkukubli. Tungkol naman sa Sugo ni Allah (SAS),
inilalantad niya ang pag-aanyaya sa Islam at ang pagsamba
sa gitna ng mga Mushrik sa kabila ng natatamo niyang
mga pami-minsala mula sa mga Káfir ng mga Quraysh.
12 Iisa, iisa [ang Diyos].
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
26
Ang Pagyakap sa Islam ni Hamzah ibnu
‘Abdulmuttalib, ang Tiyuhin ng Propeta (SAS)
Isang araw, naparaan si Abú Jahl, ang pinuno ng mga
Mushrik at kaaway ni Allah, sa Propeta (SAS) habang ito
ay nasa tabi ng Ka‘bah. Kaya naman nilait niya ito at
sinaktan nang labis. Ngunit hindi tumugon sa kanya ang
Sugo (SAS) at hindi siya kinausap nito. Nakita ng isa sa
mga babae ang nangyari at pagkatapos ng maikling
sandali ay dumating si Hamzah ibnu ‘Abdulmuttalib (RA)
mula sa isang paglalakbay ng pangangaso sa labas ng
Makkah. Ibi-nalita sa kanya ng babae ang nangyari
kaugnay kay Abú Jahl at sa panlalait nito sa Propeta (SAS).
Noong narinig ni Hamzah iyon ay nagalit siya nang
matindi. Umalis siya na naghahanap kay Abú Jahl
hanaggang sa natagpuan niya ito na nakaupo kasama ng
ilang tao. Pinalo niyo ito ng pana sa ulo nito at
nabasagan niya nang malaki. Sinabi niya: “Lalaitin mo
pa ba si Muhammad gayong ako ay nasa Relihiyon na
niya?” Ito ang naging dahilan ng pag-yakap niya sa Islam.
Sa pagyakap niya ng Islam ay may karangalan at
katatagang naidulot sa mga Muslim dahil sa mataas na
kala-gayan niya at katayuan niya sa mga naninirahan sa
Makkah.
Ang Pagyakap sa Islam ni ‘Umar ibnu alKhattáb
(RA)
Pagkatapos ay nadagdagan pa ng karangalan at
katatagan ang mga Muslim dahil sa pagyakap sa Islam ni
‘Umar ibnu alKhattáb (RA). Iyon ay tatlong araw
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
27
matapos ang pagyakap sa Islam ni Hamzah (RA). Isang
araw, lumabas si ‘Umar ibnu alKhattáb. Ninanais niyang
patayin ang Propeta (SAS) ngunit nakatagpo siya ng isang
lalaki at nagsabi ito:
“Saan mo nais pumunta, ‘Umar?”
“Nais kong patayin si Muhammad,” sabi niya.
“Papaano kang makaliligtas sa angkan ng Háshim at sa
angkan ng Zahrah kapag pinatay mo si Muhammad?,”
tanong nito.
“Ang tingin ko sa iyo ay nag-aasal-bata ka at
tinalikdan mo ang relihiyon mong kinagisnan mo,” sabi
naman niya rito.
“Hindi mo ba nais na ipabatid sa iyo ang nakagugulat,
‘Umar? Ang babaing kapatid mo at ang asawa niya ay
yumakap sa Islam, at tinalikdan na nila ang relihiyong
kinagisnan mo.” sabi nito.
Kaya galit na humayo si ‘Umar hanggang sa
dumating siya sa dalawa. Kasama ng dalawa si Khabbáb
ibnu al’Art (RA) na may dalang kalatas na naglalaman
ng Súrah Taha na binabasa nito sa dalawa. Noong
naramdaman ni Khabbáb na si ‘Umar ay nagtago siya sa
bahay at tinakpan naman ni Fátimah na kapatid ni ‘Umar
ang kalatas. Narinig na ni ‘Umar noong lumapit siya sa
bahay ang pagbabasa ni Khabbáb kaya noong nakapasok
siya sa kinaroroonan ng dalawa ay nagsabi siya:
“Ano itong narinig ko sa inyo?”
“Walang anuman maliban sa isang pag-uusap na
pinag-uusa-pan namin,” sabi ng dalawa.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
28
“Baka naman kayo ay nag-asal-bata at iniwan na
ninyo ang relihiyon ninyo,” sabi niya.
“‘Umar, nakita mo ba kung ang katotohanan ay nasa
relihiyon mo?,” tanong ng bayaw niya.
Kaya sinunggaban ni ‘Umar ito at inilugmok nang
matinding paglugmok. Pumunta naman ang kapatid niya
at inalis siya sa asawa nito. Pinagbuhatan niya ito ng
kamay kaya napadugo niya ang mukha nito. Kaya
nagsabit ito nang galit na galit:
“Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at
sumasaksi ako na si Muhammad ay Sugo ni Allah.”
Noong nakita ni ‘Umar ang dugo sa kapatid niya ay
nagsisi siya at nahiya.
“Ibigay ninyo sa akin ang kasulatan na iyan na nasa inyo
upang basahin ko,” sabi ni ‘Umar.
“Tunay na ikaw ay marumi at ang aklat na ito ay
hindi sasa-lingin kundi ng mga dinalisay kaya bumangon
ka at maghugas ka,” sabi ng kapatid niya.
Kaya bumangon siya at naghugas. Pagkatapos ay
kinuha niya ang kasulatan na ito at binasa niya ito:
Tunay na Ako ay si Allah; walang Diyos kundi
Ako, kaya sambahin mo Ako at panatilihin mo ang
pagdarasal para sa paggunita sa Akin.13
“Anong ganda ng pananalitang ito at anong dangal
nito. Ituro ninyo sa akin si Muhammad,” sabi ni ‘Umar.
Kaya noong narinig ni Khabbáb ang sabi ni ‘Umar ay
luma-bas siya sa pinagtataguan niya sa bahay at nagsabi:
13 Qur’an 20:14.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
29
“Magalak ka, ‘Umar, sapagkat tunay na ako ay umaasa na
ang paanyaya ng Sugo (SAS) ay dumating sa iyo sapagkat
tunay na siya ay nagsabi: O Allah, parangalan Mo ang
Islam sa pamamagitan ni ‘Umar ibnu alKhattáb o sa
pamamagitan ni Abú Jahl ibnu Hishám.”
Kinuha ni ‘Umar ang tabak niya. Pagkatapos ay
lumisan patu-ngo sa kinaroroonan ng Sugo ni Allah
(SAS). Kinatok niya ang pinto. May tumayong isang
lalaki. Sumilip ito sa siwang ng pinto at nakita nito siya na
nakasukbit ang tabak. Ibinalita nito sa kanila ang pagdating
ni ‘Umar at nagkagulo ang mga tao samantalang ang
Propeta ay nasa loob ng bahay kaya sinabihan sila ni
Hamzah: “Anong nangyayari sa inyo?”
“Si ‘Umar,” sabi nila.
Kaya nagsabi ito: “Pagbuksan ninyo siya ng pinto
sapagkat kung naparito siya sa pagnanais ng mabuti ay
ipagkakaloob natin ito sa kanya at kung naparito naman
siya sa pagnanais ng masama ay papatayin natin siya sa
pamamagitan ng tabak niya.”
Pumasok si ‘Umar at ipinahayag ang pagyakap niya sa
Islam. Sumigaw ng Alláhu akbar ang mga nasa bahay na
narinig ng mga nasa masjid.
Sinasabi ni Suhayb arRúmíy: “Noong sa Islam si
‘Umar ay nanaig ang Islam at ipinaanyaya ito nang
hayagan. Naupo kami sa palibot ng Ka‘bah nang pulupulutong.
Nagsagawa kami ng tawáf sa Ka‘bah.”
Ayon naman kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd na nagsabi:
“Hindi na kami nahinto sa pagiging mga matatag
magmula ng yumakap sa Islam si ‘Umar.”
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
30
Ang Pagtatangka ng mga Mushrik na Udyukan
ang Propeta (SAS)
Noong nakita ng mga Mushrik ang pagdami ng mga
pumapa-sok sa Islam at na ang maraming pagtatangka
nila sa pagbalakid sa mga tao sa Islam ay walang naidulot
na pakinabang, tinangka naman nila na maghanap ng iba
pang kaparaanan na mahahadla-ngan nila ang Propeta
(SAS) sa pamamagitan niyon sa pagpapala-ganap sa Islam
at pag-aanyaya tungo rito. Pumunta si ‘Utbah ibnu
Rabí‘ah, na isang pinunong kabilang sa mga pinuno ng
Makkah, sa Sugo ni Allah (SAS) samantalang ito ay
nakaupo sa masjid nang mag-isa at nagsabi: “Anak ng
kapatid ko, tunay na ikaw ay nagdala sa mga kababayan mo
ng isang sukdulang bagay na pinaghati-hati mo sa
pamamagitan niyon ang pagkakabuklod nila, pinintasan mo
sa pamamagitan niyon ang mga diyos nila at ang
relihiyon nila, at pinaratangan mo ng kawalangpananampalataya
sa pamama-gitan niyon ang nagdaang
mga ninuno nila. Kaya makinig ka sa akin, aalukin kita ng
mga bagay na isaalang-alaang mo nawa. Hari-nawa ay
tanggapin mo mula sa mga ito ang ilan sa mga ito.”
“Sabihin mo, Abulwalíd, makikinig ako,” sabi rito ng
Sugo ni Allah (SAS).
“Anak ng kapatid ko, kung ikaw ay nagnanais
lamang dahil sa dinala mong bagay na ito ng yaman,
kakalap kami para sa iyo mula sa mga yaman namin
nang sa gayon ay ikaw ang maging pinakamarami sa
amin sa yaman. Kung ikaw ay nagnanais dahil doon ng
isang katungkulan at isang karangalan, pamumunuin ka
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
31
namin sa amin nang sa gayon ay hindi kami magpapasya
ng isang bagay nang wala ka. Kung ikaw ay nagnanais
dahil doon ng isang paghahari, paghahariin ka namin sa
amin. Kung itong dumating sa iyo ay isang pangitaing
nakikita mo na hindi mo makakayang itaboy palayo sa
sarili mo, maghahanap kami para sa iyo ng mga
manggagamot at ipagkakaloob namin dahil doon ang mga
yaman namin hanggang sa gumaling ka roon.”
Kaya noong natapos na si ‘Utbah samantalang ang
Sugo ni Allah (SAS) ay nakikinig ay nagsabi naman siya:
“Natapos ka na ba, Abulwalíd?”
“Oo,” sabi nito.
“Kaya makinig ka naman sa akin,” sabi niya.
“Gagawin ko,” sabi nito.
Kaya bumigkas ang Sugo (SAS): Sa ngalan ni
Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain. Há.
Mím. Isang pag-papababa mula sa Napakamaawain,
Pinakamaawain, isang Aklat na sinari-sari ang mga
Tanda nito, isang Qur’an na Arabe para sa mga
taong nakaaalam, bilang isang tagapag-balita ng
nakagagalak at tagapagbabala, subalit umiwas ang
higit na marami sa kanila, kaya sila ay hindi
dumidinig.14 Pagkatapos ay nagpatuloy pa ang Sugo ni
Allah (SAS) sa pagbig-kas nito roon. Noong marinig ni
‘Utbah ay nakinig siya dito. Ini-lagay niya ang mga
kamay niya sa likuran ng likod niya habang nakasandig
sa mga ito. Nakikinig siya roon hangang sa umabot ang
14 Qur’an 41:1-4.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
32
Sugo ni Allah sa bahagi nito na humihiling ng
pagpapatirapa at nagpatirapa ang Sugo. Pagkatatapos ay
nagsabi ang Sugo (SAS): “Narinig mo na, Abulwalíd, ang
narinig mo kaya ikaw ay mag-pasya roon.”
Kaya tumindig si ‘Utabah patungo sa mga kasamahan
niya at nagsabi ang iba sa kanila sa iba pa: “Sumusumpa
kami kay Allah, talaga ngang dumating sa inyo si
Abulwalíd na may mukhang iba sa mukha noong umalis
siya.” Noong nakaupo na siya sa harap nila ay nagsabi
sila: “Ano ang nangyari sa iyo, Abulwalíd?”
Nagsabi siya: “Ang nangyari sa akin ay na ako ay
nakarinig ng isang salita na, sumpa man kay Allah, hindi
ako nakarinig ng tulad niyon kailan man. Sumpa man kay
Allah, iyon ay hindi pang-gagaway, ni tula, ni
panghuhula. O umpukan ng mga Quraysh, tumalima
kayo sa akin. Hayaan na ninyo ang lalaki at ang anumang
kalagyan niya sapagkat sumpa man kay Allah talagang
magkaka-karoon nga ng isang balita dahil sa sinabi niya na
narinig ko. Kaya kung makukuha siya ng mga ibang
Arabe ay masasapatan nga kayo ng iba pa sa inyo. Kung
mananaig siya sa mga Arabe, ang kaharian niya ay
kaharian ninyo at ang karangalan niya ay kara-ngalan
ninyo. Kayo ay magiging pinakamaligaya sa mga tao dahil
sa kanya.”
“Nagaway ka niya, sumpa man kay Allah, o
Abulwalíd sa pamamagitan ng dila niya!,” sabi nila.
“Ito ang pananaw ko kaya gamin ninyo ang mukhang
mabuti para sa inyo,” sabi niya.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
33
Ang Paglikas sa Ethiopia
Noong nagpatuloy ang mga Mushrik sa pagpapahirap
sa sino mang natuklasang yumakap sa Islam lalo na ang
mga mahina sa kanila, hiniling ng mga Kasahamahan sa
Sugo (SAS) na lumikas sila dahil sa relihiyon nila sa
Ethiopia sa piling ng Najáshíy,15 na matatagpuan nila sa
piling niya ang katiwasayan lalo na at may marami sa
mga Muslim na natakot para sa mga sarili nila at mga
kaanak nila dahil sa mga Quraysh. Iyon ay noong
ikalimang taon ng pagsugo. Kaya lumikas mula sa mga
Muslim ang humigit-kumulang pitumpo kasama ng
mga kaanak nila. Kabilang sa kanila si ‘Uthmán ibnu
‘Affán (RA) at ang maybahay niya na si Ruqayyah (RA)
na anak ng Sugo (SAS).
Talaga ngang tinangka ng mga Quraysh na siraan ang
pagka-tao nila sa Ethiopia. Nagpadala sila ng mga regalo
sa Hari at hini-ling sa kanya na isuko sa kanila ang mga
nagsitakas na iyon. Sinabi pa nila sa kanya: “Ang mga
Muslim ay nanlalait kay Jesus at sa ina nya.” Ngunit
noong tinanong ng Najáshíy ang mga Muslim tungkol
doon ay ipinaliwanag ng mga ito sa kanya ang sinasabi
ng Qur’an tungkol kay Jesus (AS). Nilinaw ng mga ito sa
kanya ang katotohanan at binigkas sa kanya ang Súrah
Maryam. Ipinag-sanggalang niya ang mga ito at tumanggi
siya na isuko ang mga ito sa mga Quraysh.
Sumampalataya siya at ipinahayag niya ang pagyakap
niya sa Islam.
15 Ito ang tawag noon sa mga hari ng Ethiopia.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
34
Noong buwan ng Ramadán ng taon ding iyon ay
pumunta ang Sugo (SAS) sa mga tao sa paligid ng
Ka‘bah. Tumayo siya sa gitna nila at sinimulang bigkasin
ang Súrah anNajm samanta-lang mayroong malaking
pagtitipon ng mga Quraysh. Ang mga Káfir na ito ay
hindi pa nakarinig ng Salita ni Allah bago nito dahilan
sa pagpapayuhan nila na hindi sila makikinig sa anuman
mula sa Sugo (SAS). Subalit noong binigla sila ng
pagbigkas ng Súrah na ito at kinatok ang mga tainga nila
ng nakabibighani na makadiyos na salitang iyon, nanatili
ang bawat isa sa kanila na matamang nakikinig dito.
Walang anumang sumasagi sa isipan maliban sa
pakikinig dito. Noong nabigkas niya ang “Kaya magpatirapa
kayo kay Allah at sumamba kayo.” 16 ay
nagpatirapa siya at hindi nila napagpigil ang mga sarili
nila kaya sumubsob silang lahat na mga nakapatirapa.
Ang Boykoteo
Nagpatuloy ang mga Quraysh sa pakikidigma sa pagaanyaya
ng Propeta (SAS). Sinunod nila alaang-alang
doon ang maraming istilo. Nagpahirap sila, naniil sila,
nagbanta sila, at nang-udyok sila. Subalit ang lahat ng
iyon ay walang kinahantungan kundi ang ibayong pagkapit
sa Relihiyong Islam at ang pagkadagdag ng bilang ng mga
mananampalataya. Pagkatapos ay heto na naman sila,
gumagamit ng bagong istilo sa pakikidigma sa Islam.
Iyon ay sa pamamagitan ng pagsulat nila ng isang
16 Qur’an 53:62.
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta
35
kasulatang nilagdaan nilang lahat at isinabit nila sa loob ng
Ka‘bah. Nagkasunduan sila roon sa pagboboykoteo sa
mga Muslim at sa angkan ng Háshim, isang
pangkalahatang boykoteo. Walang magaganap sa mga ito
na pag-titinda, ni pagbili, ni pakikipag-isang-dibdib, ni
pakikipagtulungan, ni pakikitungo.
Napilitan ang mga Muslim na lumabas sa Makkah
patungo sa isa sa mga lambak nito na tinatawag na Shi‘b
Abí Tálib. Doon ay naghirap ang mga Muslim ng isang
matinding hirap. Nagbata sila ng sarisaring pasakit gaya ng
gutom at kagipitan. Ipinagkaloob ng mga maykaya sa
kanila ang lahat ng mga ari-arian, hanggang sa nagugol ni
Khadíjah (RA) ang lahat ng ari-arian niya. Lumaganap sa
kanila ang mga sakit. Nabingit ang karamihan sa kanila sa
kasa-wian. Subalit sila ay nagpakatatag, nagtiis, at walang
tumalikod sa kanila ni isa man sa Islam. Nagtagal ang
paninikis sa loob ng tatlong taon hanggang sa may
tumayo na isang pangkat ng mga tanyag na ginoo ng mga
Quraysh na kabilang sa mga nauugnay sa ilan sa angkan
ng Háshim sa pagkakamag-anak. Nagsagawa sila ng
pagpapawalang-bisa sa nilalaman ng kasulatan. Ipinahayag
nila iyon sa madla. Noong nailabas na nila ang kasulatan ay
natag-puan nila na kinain na ito ng mga anay at walang
natira rito kundi ang pararilang: Sa ngalan Mo, o Allah.
Naglaho ang krisis at nag-balik ang mga Muslim at ang
angkan na Háshim sa Makkah.
Ngunit ang mga Quraysh ay nanatili sa mapang-aping
paninin-digan nila sa pakikipagdigmaan sa mga Muslim,
pakikidigma sa Islam, pagpigil sa mga tao sa
Muhammad, ang Pangwakas sa mga Propeta