65
nanakaw ay ang pagnanakaw sa mga nagsasagawa ng hajj at mga
nagsasagawa ng ‘umrah sa Bahay ni Allah. Ang ganitong uri ng
mga mandarambong ay hindi nagsasaalang-alang sa mga takdang
parusa ni Allah doon sa pinakamainam na pook sa mundo at sa
palibot ng Bahay ni Allah. Nagsabi nga ang Propeta (SAS) sa
sanaysay hinggil sa saláh sa eklipse: “Talaga ngang dinala ang
Impiyernong Apoy [sa harap ko] at iyon ay nang nakita ninyo
ako na umurong sa pangamba na matamaan ako ng paso nito,
at hanggang sa nakita ko roon ang isang may-ari ng malasungkit
na tungkod, na humihila sa mga bituka niya sa Apoy. Siya noon
ay nagnanakaw sa nagsasagawa ng hajj sa pamamagitan ng
malasungkit na tungkod niya. Kung namalayan siya, sinasasabi
siya: Sumabit lamang ito sa malasungkit na tungkod ko;
kung nalingat sa kanya, umaalis siya dala ito.”
136
Kabilang din sa pinakambigat sa mga pagnanakaw ay ang
pagnanakaw mula sa mga pampublikong ari-arian (public properties).
Ang ilan sa mga gumagawa nito ay nagsasabi: “Nagnanakaw
kami gaya ng pagnanakaw ng iba.” Hindi nila nalaman na
iyon ay pagnanakaw mula sa lahat ng Muslim137 sapagkat ang
mga pampublikong ari-arian ay pag-aari ng lahat ng taong-bayan.
Ang gawain ng mga hindi nangangamba kay Allah ay hindi katwiran
na magbibigay-matuwid sa paggaya sa kanila. Ang ilan sa
mga tao ay nagnanakaw sa mga ari-arian ng mga káfir dahil sa
katwiran na ang mga iyon ay mga Káfir. Ito ay hindi tama sapagkat
ang mga Káfir na ipinahihintulot na samsamin ang mga ari-arian
nila ay ang mga nikikipagdigma laban sa mga Muslim. Hindi lahat
136 Isinalaysay ito ni Muslim, bilang 904.
137 O taong-bayan, sa mga bayang minoriya ang mga Muslim.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
66
ng kompanya ng mga Káfir at mga indibiduwal nila ay napaloloob
doon.
Kabilang din sa mga pamamaraan ng pagnanakaw ay ang
pandurukot sa mga bulsa ng mga ibang tao. Ang iba sa mga tao
ay pumapasok sa mga bahay ng mga ibang tao bilang bisita at
saka nagnanakaw roon. Ang ilan pa nga sa kanila ay nagnanakaw
sa mga bag ng mga panauhin nila. Ang iba naman sa kanila ay
pumapasok sa mga tindahan at nangungupit ng mga paninda na
itinatago nila sa mga bulsa nila o sa loob ng damit nila, o gaya
ng ginagawa ng ilan sa mga babae na nagtatago ng mga kinupit
sa ilalim ng mga damit nila. Ang ilan sa mga tao ay nagmamaliit
sa pagnanakaw ng mga bagay na kakaunti o mumurahin samantalang
nagsabi na ang Sugo (SAS): “Isinumpa ni Allah ang magnanakaw
na nagnanakaw ng itlog kaya ipapuputol ang kamay
niya at nagnanakaw ng tali kaya ipapuputol ang kamay niya.”
138
Kinakailangang sa bawat isa na nagnakaw ng anumang bagay
na isauli niya ito sa may-ari nito matapos magsisi kay Allah.
Magkatulad kung isinauli niya ito nang hayagan o palihim, o
personal o sa pamamagitan ng isang tagapamagitan. Ngunit kung
hindi niya nagawang makarating sa may-ari ng ari-arian o sa mga
tagapagmana nito kapag wala na ito, sa kabila ng pagpupunyagi
na hanapin iyon, ikakawanggawa niya ito at maglalayon na ang
gantimpala nito ay para sa pinagnakawan.
Ang Pagkuha at ang Pagbibigay ng Suhol139
138 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 12/81.
139 Ang tinutukoy rito ay ang tinatawag na bribe sa Ingles o lagay sa palasak na
tawag sa Tagalog, at hindi ang lehitimong upa sa isang lehitimong paglilingkod.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
67
Ang pagbibigay ng suhol sa hukom o namamahala sa mga tao
para pawalang-saysay ang isang karapatan o pangyarihin ang
isang ipinagbabawal ay isang krimen dahil ito ay humahantong
sa kawalang-katarungan sa paghahatol, paniniil sa isang may
karapatan at paglaganap ng katiwalian. Nagsabi si Allah (2:188):
“Huwag gamitin ng ilan sa inyo ang mga ari-arian ng iba sa
inyo sa isa’t isa sa inyo sa paraang bawal, o iabot ang mga ito
bilang suhol sa mga namamahala140 upang magamit ninyo
ang isang bahagi ng mga ari-arian ng mga tao sa kasalanan
samantalang kayo ay nakaaalam.” Ayon kay Abú Hurayrah
(RA): “Isinumpa ni Allah ang nanunuhol at ang nagpapasuhol
kaugnay sa kahatulan.”
141 Samantala, ang anumang nangyari
alang-alang sa pagtamo ng karapatan o pagpigil ng kawalangkatarungan,
na hindi maisasakatuparan maliban sa pamamagitan
ng panunuhol, ay hindi napaloloob sa nabanggit na banta.
Lumaganap na ang panunuhol sa panahon natin nang malawakang
paglaganap hanggang sa naging isang pinagkakakitaan na
higit na malaki kaysa mga suweldo ng ilan sa mga kawani. Bagkus
ay naging isang bahagi ng badyet (budgetary item) ng marami
sa mga kompanya sa ilalim ng alanganing mga katawagan.142
Marami sa mga transaksyon ay hindi nasisimulan at hindi natatapos
kung wala nito. Lubhang napipinsala dahil doon ang mga
140 O humahatol
141 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/387. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5069.
142 Naglalaan ang maraming kompanya ng isang hiwalay na entry sa budget nila.
Inilalaan nila ito para sa pagbibigay ng suhol o lagay sa mga opisyal ng pamahalaan.
Hindi ito isinusulat sa ledger nila bilang suhol o lagay o bribe. Tinatawag
nila ito sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na pangalan. Halimbawa ay
maaari nila itong taguriang scholarship grant o honararium o social welfare
grant o at iba pang mga kasinungalingan.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
68
maralita. Nasira ang marami sa mga pananagutan143 dahil dito.
Ito ay naging isang dahilan sa pag-uudyok sa mga nagtatrabaho
sa katiwalian laban sa mga pinagtatrabahuhan. Ang mahusay na
serbisyo ay hindi ipinagkakaloob maliban sa isang naglalagay. Ang
hindi naglalagay, ang serbisyo sa kanya ay masama o inaantala
o binabalewala. Ang mga may mga panuhol, na dumating nang
huli, ay nakatapos nang una pa sa kanya. Dahil sa suhol, pumasok
ang mga salapi na ukol sana sa may-ari sa mga bulsa ng mga
ahente ng mga paninda at mga bilihin. Dahil dito at sa iba pa,
hindi kataka-taka na dumadalangin ang Propeta (SAS) laban sa
mga nakikilahok sa krimen na ito at mga kasangkot dito na nawa
ay pagkaitan sila ni Allah ng awa Niya. Ayon kay ‘Abdulláh ibnu
‘Amr (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Ang
sumpa ni Allah ay ukol sa nanunuhol at nagpapasuhol.”144
Ang Pangangamkam ng Lupain
Kapag nawala ang takot kay Allah, ang lakas at ang kapangyarihan
ay magiging isang malalang kapinsalaan sa isang nagtataglay
nito na gumagamit nito sa paglabag sa katarungan gaya
ng pagkuha at pangangagaw ng mga ari-arian ng ibang mga tao.
Kabilang doon ang pangangamkam sa mga lupain ng iba. Ang
kaparusahan doon ay lubhang matindi, dahil ayon kay ‘Abdulláh
ibnu ‘Umar: “Ang sinumang kumuha ng anuman mula sa
lupain [ng iba] nang wala siyang karapatan, lalamunin siya
roon sa araw ng pagkabuhay sa [ilalim ng] pitong Lupa.”
145
Ayon kay Ya‘lá ibnu Murrah (RA): “Alinmang tao na nangam-
143 O budhi.
144 Isinalaysay ito ni Ibnu Májah 2313. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5114.
145 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 5/103.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
69
kam ng kahit isang dangkal na lupain, aatasan ito ni Allah na
hukayin iyon hanggang sa umabot sa hulihan ng pitong Lupa,
pagkatapos ay ikukulyar Niya rito sa araw ng pagkabuhay
hanggang sa husgahan ito sa harap ng mga tao.”
146
Napaloloob doon ang pagpapalit ng mga mohon ng mga lupain
at mga hangganan nito upang lumawak ang lupain niya sa pamamagitan
ng pagkuha ng nasa katabi niya. Ito ang tinutukoy sa
sabi niya (SAS): “Isinumpa ni Allah ang sinumang nagpalit
sa mga palatandaan147 ng lupain.” 148
Ang Pagtanggap ng Regalo Kapalit ng Pamamagitan
Ang impluwensiya at ang mataas na kalagayan sa mga tao ay
ilan sa mga biyaya ni Allah sa isang tao kapag tumanaw siya ng
utang na loob para sa mga ito. Bahagi ng pagtanaw ng utang na
loob dahil sa biyayang ito ay na gagamitin ito ng nagtataglay nito
para sa kapakinabangan ng mga kapwa Muslim. Ito ay napaloloob
sa kalahatan ng sinabi ng Propeta (SAS): “Ang sinumang
makakakaya mula sa inyo na makapagdulot ng kapakinabangan
sa kapatid niya ay gawin niya [iyon].”
149 Ang sinumang
makapagdulot ng kapakinabangan sa kapatid niyang Muslim sa
pagtaboy sa kawalang-katarungan sa kanya o pagkamit ng mabuti
para sa kanya, nang hindi nakagagawa ng bawal o paglabag sa
karapatan ng isa man, siya ay gantimpalaan buhat kay Allah kapag
naging wagas ang hangarin niya, gaya ng ipinabatid hinggil doon
146 Isinalaysay ito ni at-Tabrání sa al-Kabír 22/270. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 2719.
147 Mga mohon na nagtatakda sa legal na hangganan ng lupa.
148 Isinalaysay ito ni Muslim sa Sharh an-Nawawí 13/141.
149 Isinalaysay ito ni Muslim 4/1726.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
70
ng Propeta (SAS) sa sinabi niya: “Mamagitan kayo, gagantimpalaan
kayo.”
150
Hindi ipinahihintulot na tumanggap ng kapalit sa pamamagitan
at pagtataguyod na ito. Ang patunay ay ayon kay Abú Umámah
(RA): “Ang sinumang mamagitan para sa isa ng isang pamamagitan
at nagbigay sa kanya ng isang regalo [dahil doon] na
tinanggap naman niya ay nakagawa nga siya ng isang malaking
uri mula sa mga uri ng ribá.”
151
May mga tao na nag-aalok na magkaloob ng impluwensiya
nila at pagtataguyod nila kapalit ng isang halaga ng salapi, na
magsisilbing kundisyon para sa pagtatalaga ng isang tao sa isang
trabaho, o sa paglilipat sa ibang tao mula sa isang tanggapan o
mula sa isang rehiyon doon sa iba pa, sa pagpapagamot ng isang
sakit, at mga tulad niyon. Ang matimbang na pahayag ay na ang
kapalit na ito ay ipinagbabawal batay sa isang Hadíth ayon kay
Abú Umámah na nauna nang nabanggit kanina. Bagkus ang hayag
na kahulugan ng Hadíth ay sumasaklaw sa pagtanggap [ng kapalit]
kahit wala pang naunang kundisyon.152 Sapat na para sa gumagawa
ng kabutihan ang kabayaran mula kay Allah na matatagpuan
niya sa araw ng pagkabuhay. May isang lalaki na nagpunta
kay al-Hasan ibnu Sahl, na humihiling ng pamamagitan sa kanya
sa isang pangangailangan, na tinugon naman niya; kaya nilapitan
siya ng lalaki na nagpapasalamat sa kanya. At nagsabi naman
150 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 5132. Ang Hadíth na ito ay nasa Sahíh al-
Bukhári at Sahíh Muslim, sa Fat'h al-Bárí 10/450, Kitáb al-Adab, Báb
Ta‘áwun al-Mu’minín Ba‘dihim Ba‘da.
151 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 5/261. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6292.
152 Isa sa mga mensahe ni Shaykh ‘Abdul‘azíz ibnu Báz, kaawaan siya ni
Allah, sa isang pag-uusap.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
71
dito si al-Hasan ibnu Sahl: “Ano ang ipinasasalamat mo sa amin
yamang kami ay naniniwala na ang impluwensiya ay may kaukulang
kawaggawa kung paanong ang yaman ay may kaukulang
kawanggawa?”153
Isa na magandang tukuyin dito ay ang pagkakaiba sa pagitan
ng pag-upa sa isang tao para gampanan ang isang transaksiyon,
asikasuhin ito at subaybayan ito kapalit ng isang upa − ito ay
magiging isang uri ng pag-upa na ipinahihintulot kalakip ang
mga kundisyong alinsunod sa Sharí‘ah − at ng pagkakaloob ng
impluwensiya at pamamagitan para mamagitan kapalit ng salapi
− ito ay kabilang sa ipinagbabawal.
Ang Paghiling ng Lubos na Trabaho sa Inuupahan at
ang Hindi Lubos na Pagbibigay ng Upa
Talagang naghikayat nga ang Propeta (SAS) sa mabilis na pagbibigay
sa inuupahan ng sahod nito, yamang sinabi niya: “Ibigay
ninyo sa inuupahan ang upa nito bago matuyo ang pawis nito.”154
Kabilang sa mga uri ng paglabag sa katarungan na nangyayari
sa mga lipunan ng mga Muslim ay ang hindi pagbibigay sa mga
manggagawa, mga inuupahan at mga empleyado ng mga karapatan
nila. Ito ay may ilang anyo na gaya ng sumusunod:
A. Na pinagkakaitan ang inuupahan ng kabuuang karapatan niya
ngunit wala siyang patunay. Ang taong ito, kung nawala man
ang karapatan niya sa mundo, ito ay hindi naman mawawala
sa harap ni Allah sa araw ng pagkabuhay. Tunay na ang nang-
153 al-Ádáb ash-Shar‘íyah ni Ibnu Muflih 2/176.
154 Isinalaysay ito ni Májah 2/817. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 1493. [Ang Hadíth
na ito ay may kahinaan at minamagaling na banggitin sa paraang nililinaw ang
kahinaan. (z)]
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
72
api ay darating doon noong nalamon na niya ang salapi ng
naapi, pagkatapos ay ililipat sa naapi ang ilan sa mabuting
nagawa ng nang-api. Kung masasaid ang mabuting nagawa
ng nang-api, kukuha mula sa masamang nagawa ng naapi at
ipapasa sa nang-api. Pagkatapos ay itatapon ang nang-api
sa Apoy.
B. Na binabawasan siya sa nauukol sa kanya at hindi ibinibigay
ito sa kanya nang buo at kinukulangan siya nang wala
sa katwiran, gayong nagsabi na si Allah (83:1): “Kasawian
sa mga nang-uumit sa pagsukat”. Kabilang sa mga
halimbawa nito ay ang ginagawa ng ilan sa mga employer
kapag nakakalap ng mga dayuhang manggagawa mula sa
bayan nila matapos na nakipagkasunduan na sa kanila sa
isang kasunduang nagsasaad ng isang takdang suweldo. Kapag
natali sila sa kanya at nasimulan nila ang trabaho, pagtutuunan
niya ang mga napagkasunduan sa trabaho at papalitan
niya ito ng mga suweldo na higit na mababa. Mananatili sila
nang may pagkasuklam. Maaaring hindi nila makayang patunayan
ang karapatan nila kaya idadaing nila ang kalagayan
nila kay Allah. Kung ang employer na nang-aapi ay isang
Muslim at ang manggagawa ay isang Káfir, ang pagbabawas
na iyon ay kabilang sa balakid sa landas ng Islam at papasanin
nito ang kasalanan niyon.
C. Na dinadagdagan siya ng employer ng mga karagdagang
trabaho o pinahahaba ang yugto ng trabaho ngunit binibigyan
lamang siya ng basic pay at pinagkakaitan siya ng kabayaran
sa karagdagang trabaho.
D. Na pinatatagal ng employer ang suweldo at hindi ito ibinibigay
sa kanya kung hindi pagkatapos ng isang matinding
pagpupunyagi, isang paghahabol, mga reklamo at mga pagMga
Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
73
dulog sa hukuman. Maaaring ang motibo ng employer sa
pag-aantala sa pagpapasuweldo ay ang pagsawain ang manggagawa
hanggang sa talikdan nito ang karapatan nito at tumigil
na sa paghiling niyon, o nilalayon niya na pakinabangan
muna ang mga pera ng mga manggagawa sa pamamagitan
ng paggamit nito. Ang iba sa kanila ay nagpapautang nang
patubuan mula sa mga ito samantalang ang abang manggagawa
ay hindi na makasumpong ng makain sa pang-arawaraw
niya at hindi na makapagpadala ng sustento sa maybahay
niya at mga anak niya na mga nangangailangan, na
alang-alang sa kanila ay nangibang-bayan siya. Kaya kasawian
sa mga nang-aaping employer na ito sa isang pagdurusa sa
isang masakit na araw. Isinalaysay ni Abú Hurayrah (RA)
ayon sa Propeta (SAS) na nagsabi: “Nagsabi si Allah −
pagkataas-taas Niya: May tatlong tao na Ako ay katunggali
nila sa araw ng pagkabuhay: isang tao na nagbigay
[ng salita] na sumusumpa sa Akin pagkatapos ay sumira,
isang tao na nagbili ng isang malayang tao [upang alipinin]
at nakinabang sa halaga niyon, at isang tao na umupa ng
isang upahan at humiling ng lubusan [na paggawa] mula
rito ngunit hindi niya ibinigay rito ang upa nito.”
155
Ang Kawalang Katarungan sa Pagbibigay sa mga Anak
Sinasadya ng ilan sa mga tao ang pagtatangi sa ilan sa mga
anak nila sa mga regalo at mga bigay nang higit sa iba pang mga
anak. Ayon sa matimbang na pahayag, ito ay isang gawaing ipinagbabawal
kapag wala itong dahilang tanggap sa Sharí‘ah, gaya
ng paglitaw ng isang pangangailangan sa isa sa mga anak na hindi
155 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 4/447.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
74
naman lumitaw sa iba pang mga anak, gaya ng pagpapagamot sa
karamdaman, o pagbabayad ng utang nito, o paggantimpala rito
sa pagkasaulo nito sa Qur’an, halimbawa, o pagtulong dahil hindi
pa siya nakakikita ng trabaho, o may malaki siyang pamilya, o
isang full time na estudyante, at iba pang mga tulad nito.156 Kailangan
sa magulang na maglayon − kapag nagbigay sa isa sa mga
anak niya dahil sa isang kadahilanang tanggap sa Sharí‘ah − na
kung sakaling lumitaw sa ibang anak ang tulad sa pangangailangan
ng anak na binigyan niya ay bibigyan niya rin iyon gaya ng
pagbibigay niya sa una. Ang pangkalahatang patunay ay ang sabi
Niya (5:8): “Maging makatarungan kayo; ito ay pinakamalapit
sa pangingilag sa pagkakasala, at mangilag kayong magkasala
kay Allah.” Ang partikular na patunay ay ang nasaad ayon kay
an-Nu‘mán ibnu Bashír (RA) na ang ama niya ay nagdala sa kanya
sa Sugo ni Allah at nagsabi iyon: “Tunay na ako ay nagregalo sa
anak kong ito ng isang utusan. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah
(SAS): Binigyan mo ba ang bawat anak mo ng tulad niyon?
At sinabi niyon na hindi. Kaya nagsabi ang Sugo (SAS): Kaya
bawiin mo iyon.”157 Sa isa namang salaysay: “Kaya nagsabi ang
Sugo ni Allah (SAS): Kaya mangilag kayong magkasala kay
Allah at maging makatarungan kayo sa mga anak ninyo.
Sinabi niya: Kaya umuwi siya at binawi ang bigay niya.”158 Sa isang
salaysay: “Kaya huwag ninyo akong pasaksihin, kung gayon,
sapagkat ako ay hindi sumasaksi sa kawalang-katarungan.”
159
156 [Sa kabuuan ipinahihintulot dito ang anumang uri ng paggugol dahil sa
kawalan ng kakayahan ng anak at sa pagkakaroon ng kakayahan ng magulang.(z)]
157 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 5/211.
158 al-Fat'h 5/211.
159 Sahíh Muslim 3/1243.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
75
Bibigyan ang anak na lalaki ng katumbas sa bahagi ng dalawang
anak na babae gaya ng sa pamana. Ito ang opinyon ni Imám
Ahmad ibnu Hanbal,160 kaawaan siya ni Allah.161
Ang nagmamasid sa mga kalagayan ng ilan sa mga pamilya
ay makakikita ng mga magulang na hindi natatakot kay Allah sa
pagtatangi sa ilan sa mga anak nila sa pagbibigay, kaya naghihimutok
ang mga dibdib ng ilan sa kanila sa iba at natatanim sa
pagitan nila ang pagkamuhi at pagkasuklam. Maaaring bibigyan
ang isa dahil siya ay nakahahawig ng mga tiyuhin niya sa ama
at pagkakaitan ang iba dahil ito ay may hawig sa mga tiyuhin niya
sa ina, o bibigyan ang mga anak sa isang maybahay ng hindi ibibigay
sa mga anak sa isang maybahay. Marahil ipapasok ang mga
anak sa isang maybahay sa mga pribadong paaralan at hindi ipapasok
ang mga anak sa iba. Ang kawalang-katarungan na ito ay
babalik sa kanya sapagkat ang anak na pinagkaitan, sa kadalasan,
ay hindi magpapakabuti sa magulang niya sa hinaharap. Nagsabi
nga ang Sugo (SAS) sa isang nagtangi sa mga anak niya sa pagbibigay:
“Hindi mo ba ikatutuwa na sila ay magiging pantay
sa kabutihan sa iyo?”
162
Ang Paghingi sa mga Tao Bagamat Hindi Kinakailangan
Ayon kay Sahl ibnu al-Handhalíyah (RA) na nagsabi: “Nagsabi
ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang nanghingi samanta-
160 Masá’il al-Imám Ahmad ni Abú Dáwud 204. Siniyasat nang malinaw ni
Imám Ibnu al-Qayyim ang usaping ito sa komentaryo niya sa Abú Dáwud.
161 Hindi obligado ang isang magulang na sundin ang opinyon ni Imám Ahmad
ibnu Hanbal dahil tiyak na sasama ang loob ng mga anak na babae lalo na at
wala namang nasasaad na batayan sa Qur’an at Sunnah ang opinyong ito niya.
162 Isinalaysay ito ni Ahmad ibnu Hanbal 4/269. Ito ay nasa Sahíh Muslim
bilang 1623.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
76
lang may taglay naman siya na makasasapat sa kanya ay nagpaparami
lamang ng baga sa Impiyerno. Sinabi Nila: Ano po
ang kasapatan na hindi nararapat sa kanya na humingi?’ Nagsabi
siya: Ang halagang maipanananghalian niya at maipanghahapunan
niya.”
163 Ayon kay Ibnu Mas‘úd (RA) na nagsabi: “Nagsabi
ang Sugo ni Allah: Ang sinumang nanghingi samantalang mayroon
naman siya na makasasapat sa kanya ay darating sa araw
ng pagkabuhay na kinalmot o ginalmos sa mukha niya.”164
Ang ilan sa mga pulubi ay tumatayo sa mga masjid sa harap
ng mga nilikha ni Allah. Ginagambala nila ang pagluluwalhati ng
mga tao sa pamamagitan ng mga hinaing nila. Ang ilan sa kanila
ay nagsisinungaling, nanghuhuwad ng mga papeles at gumagawagawa
ng mga kuwento. Maaari ring pagbaha-bahagiin nila ang
mga miyembro ng pamilya sa mga masjid, pagkatapos ay titipunin
nila ang mga ito at lilipat sila mula sa isang masjid sa iba pang
masjid, gayong sila ay nagtatamasa ng yamang walang nakaaalam
kundi si Allah. Kaya kapag namatay sila, mabubunyag ang naiwang
yaman. Ang iba na mga tunay na nangangailangan ay inaakala ng
mangmang na mga mayaman dahil sa pagpipigil na manghingi;
hindi sila nanghihingi sa mga tao nang may pamimilit. Hindi mapapansin
ang kahirapan nila para makapagkawanggawa sa kanila.
Ang Pangungutang ng Utang na Hindi Nais Bayaran
Ang mga karapatan ng mga tao ay mahalaga para kay Allah.
Maaaring makalusot ang indibiduwal sa karapatan ni Allah sa
163 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 2/281. Tingnan ang Sahíh al-Jámi‘ (6280).
164 Isinalaysay ito ni Ahmad ibnu Hanbal 1/388. Tingnan ang Sahíh al-Jámi‘ 6255.
[Nasaad sa Sahíh Muslim ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Ang sinumang humiling
sa mga tao ng mga pera nila upang magparami ay nanghihingi lamang
ng mga baga, kaya humiling siya ng kaunti o humiling siya ng marami.” (z)]
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
77
pamamagitan ng pagsisisi, subalit ang mga karapatan ng mga
kapwa tao ay kailangang gampanan ang mga ito bago dumating
ang Araw na hindi makapagbabayaran sa pamamagitan ng ginto
ni pilak kundi sa pamamagitan ng magandang nagawa at masagwang
nagawa.165 Si Allah ay nagsasabi (4:58): “Tunay na si
Allah ay nag-uutos sa inyo na gampanan166 ninyo ang mga
ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito,”. Kabilang
sa mga lumalaganap na suliranin sa lipunan ay ang pagwawalangbahala
sa pangungutang. Ang ilan sa mga tao ay hindi nangungutang
dala ng matinding pangangailangan. Nangungutang sila dala
ng pagnanais lamang na magpalawak at makipagtagisan sa ibang
mga tao sa pagbibili ng bagong sasakyang, mga kagamitan at mga
tulad nito na panandaliang lugod at lumilipas na pagmamarangya.
Madalas na nakapapasok ang mga ito sa mga kasalimuutan na
pagbili ng pahulugan na ang marami sa mga iyon ay hindi nawawalan
ng transaksiyon na kahina-hinala o bawal.
Ang pagwawalang-bahala sa pangungutang ay humahantong
sa pagpapatagal sa pagbabayad o nauuwi sa pagkawala ng mga
ari-arian ng mga ibang tao at pagsira sa mga ito. Nagsabi na ang
Propeta (SAS) bilang pagbabala sa kahihinatnan ng gawaing ito:
“Ang sinumang kumuha sa mga ari-arian ng mga tao, na ninanais
naman niyang isauli ang mga ito, isasauli ni Allah [ang
165 Sa araw ng paghuhukom, ang kasalanan ng isang tao sa kanyang kapwa niya
ay babayaran niya sa pamamagitan ng paglilipat ng mabuting nagawa niya sa
taong nagawan niya ng kasalanan. Kapag kinulang ang mabuting nagawa niya,
ililipat sa kanya ang nagawang masama niyon hanggang makapagbayad siya.
166 O isauli.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
78
mga ito] para sa kanya. Ang sinumang kumuha [sa mga ito],
na ninanais niyang sirain, sisirain siya ni Allah.”
167
Ang mga tao ay madalas na nagwawalang-bahala sa panganib
ng utang at inaakala nila na ito ay isang maliit na bagay samantalang
ito para kay Allah ay isang malaking bagay. Bagkus tunay
na ang martir, sa kabila ng taglay niya na dakilang mga katangian,
masaganang gantimpala at mataas na antas, ay hindi maliligtas
sa pananagutan sa utang. Ang patunay niyon ay ang sabi niya
(SAS): “Kaluwalhatian kay Allah! Ano ang ibinaba ni Allah na
paghihigpit sa utang? Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko
ay nasa kamay Niya, kung sakaling may isang tao na napatay
sa landas ni Allah, pagkatapos ay binuhay, pagkatapos ay napatay,
pagkatapos ay binuhay, pagkatapos ay napatay, samantalang
siya ay may utang, hindi siya papasok sa Paraiso malibang
nabayaran para sa kanya ang utang niya.”
168 Kaya pagkatapos
nito ay titigil na ba itong mga nagwawalang-bahala at nagpapabaya?
Ang Pagkain na Galing sa Bawal
Ang sinumang hindi natatakot kay Allah ay hindi nagbibigaypansin
kung mula saan kinita ang salapi at kung sa ano ginugol
ito. Bagkus ang inalala niya ay ang karagdagan sa deposito niya
kahit pa man ito ay kinita sa masama at bawal gaya ng pagnanakaw;
o panunuhol (lagay); o pangangamkam; o panghuhuwad; o
pagtitinda ng ipinagbabawal; o pagpapautang ng patubuan; o
pagkuha sa ari-arian ng ulila; o kabayaran sa isang ipinagbabawal
na gawain gaya ng galing sa panghuhula, kahalayan, musika, o
167 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 5/54.
168 Isinalaysay ito ni an-Nisá’í. Tingnan ang Mujtabá 7/314. Ito ay nasa Sahíh
al-Jámi‘ 3594.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
79
pagnanakaw sa kabang-bayan at mga ari-ariang pampubliko; o
pagkuha sa ari-arian ng iba sa pamamagitan ng pamimilit; o panghihingi
na hindi naman kinakailangan at iba pang tulad nito. Pagkatapos
ay ipinambabayad niya ito sa pagkain, kasuutan, sasakyan,
pagpapatayo ng bahay o pag-upa nito, at mga kagamitan para rito.
Pumapasok ang bawal sa tiyan niya. Nagsabi ang Propeta (SAS):
“Bawat laman [ng tao] na tumubo mula sa ipinagbabawal, ang
impiyerno ay karapat-dapat para roon.”
169 Tatanungin siya sa
araw ng pagkabuhay tungkol sa yaman niya kung mula sa ano
niya kinita at kung sa ano niya ginugol. Doon ang kasawian at
ang kalugian. Kaya tungkulin ng sinumang may natira pa sa kanya
na yamang galing sa bawal na magdali-dali sa pag-alis niyon mula
sa kanya. Kung iyon ay nauukol sa isang tao ay magdali-dali siya
sa pagsauli niyon doon kalakip ng paghingi ng paumanhin bago
dumating ang Araw na hindi makapagbabayaran sa pamamagitan
ng ginto ni pilak kundi sa pamamagitan ng magandang nagawa
at masagwang nagawa.170
Ang Pag-inom ng Alak Kahit Iisang Patak
Nagsabi si Allah (5:90): “O mga sumampalataya, ang alak,
ang pagpusta, ang mga dambana, at ang pagsasapalaran sa
pamamagitan mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang
na kabilang sa gawain ng Demonyo. Kaya iwaksi ninyo ito,
nang harinawa kayo ay magtagumpay.” Ang kautusan sa pag-
169 Isinalaysay ito ni at-Tabrání sa al-Kabír 19/136. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘
4495.
170 Sa araw ng paghuhukom, ang kasalanan ng isang tao sa kanyang kapwa niya
ay babayaran niya sa pamamagitan ng paglilipat ng mabuting nagawa niya sa
taong nagawan niya ng kasalanan. Kapag kinulang ang mabuting nagawa niya,
ililipat sa kanya ang nagawang masama niyon hanggang makapagyad siya.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
80
wawaksi ay kabilang sa napakalakas na mga patunay sa pagbabawal
samantalang iniugnay naman ang alak sa mga dambana, na
tumutukoy sa mga dinidiyos at mga diyus-diyusan ng mga Káfir.
Kaya wala nang natirang katwiran para sa sinumang nagsasabing
hindi naman sinabi na ang alak ay bawal; ang sinabi lamang naman
ay iwaksi ninyo ito!
Nasaad sa Sunnah ng Propeta (SAS) ang banta para sa sinumang
uminom. Ayon kay Jábir (RA): “tunay na mula kay Allah
ay may isang pangako sa sinumang umiinom ng nakalalasing:
na paiinumin Niya ito ng tínatul khabál. Sinabi Nila: O Sugo
ni Allah, at ano po ang tínatul khabál? Nagsabi siya: Pawis ng
mga maninirahan sa Impiyerno o katas ng mga maninirahan
sa Impiyerno.”
171 Sinabi pa niya: “Ang sinumang namatay na
isang sugapa sa alak, makatatagpo niya si Allah habang siya
ay gaya ng mananamba sa diyus-diyusan.”
172
Lubhang naging sarisari na ang mga uri ng mga alak at mga
inuming nakalalasing sa panahon natin. Dumami na ang mga
pangalan nito sa Arabe at sa ibang wika. Tinagurian nila ang mga
ito na beer, ale, alcohol, arrack,173 vodka, champagne at iba pa.174
Lumitaw na sa Kalipunang Muslim ang uri ng mga tao na ibinalita
ng Propeta (SAS) sa sabi niya: “Talagang may iinom nga na
mga tao mula sa Kalipunan ko ng alak na tatawagin nila sa
hindi pangalan nito.”
175 Tinatagurian nila ang mga ito na mga
171 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1587.
172 Isinalaysay ito ni at-Tabrání 12/45. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6525.
173 Mula sa Arabe na ‘araq. Isang uri ng alak. Walang duda na ang Tagalog na
alak na panawag sa lahat ng inuming nakalalasing ay galing sa salitang ito.
174 Maidadagdag din natin ang mga inuming palasak sa mga Pilipino: tuba,
lambanog, basi, sadiki, gin, at iba pa.
175 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 5/342. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5453.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
81
spirit sa halip na alak, bilang panlalansi at panlilinlang (Qur’an
2:9): “Tinatangka nilang linlangin si Allah at ang mga sumampalataya
ngunit wala silang nililinlang kundi ang mga sarili
nila ngunit hindi nila nararamdaman.”
Dumating ang Sharí‘ah dala ang dakilang panuntunan na lulutas
sa usapin at puputol sa ugat ng tukso ng paglalaro-laro [sa mga
katawagan]. Ito ay ang nasaad sa sabi niya (SAS): “Bawat nakalalasing
ay alak, at bawat nakalalasing ay bawal.”
176 Kaya ang
bawat bagay na nagpapalango at nagpapalasing sa isip, ito ay
bawal − ang kaunti nito at ang marami nito. Kahit pa dumami at
nagkaiba-iba ang mga pangalan nito, ang pinangangalanan ay iisa
at ang kahatulan ay alam na.
Sa pagwawakas, ito ay isang pangaral mula sa Propeta (SAS)
para sa mga umiinom ng mga alak. Nagsabi siya (SAS): “Ang
sinumang uminom ng alak at nalasing, walang tatanggapin sa
kanya na saláh sa loob ng apatnapung araw. Kung namatay
siya, papasok siya sa Impiyerno; ngunit kung nagsisi siya,
tatanggapin ni Allah ang pagsisisi niya. Kung uulit siya at
iinom at saka malalasing, walang tatanggapin sa kanya na
saláh sa loob ng apatnapung araw. Kaya kung namatay siya,
papasok siya sa Impiyerno; ngunit kung nagsisi siya, tatanggapin
ni Allah ang pagsisisi niya. Kung uulit na naman siya
at iinom at saka malalasing, walang tatanggapin sa kanya na
saláh sa loob ng apatnapung araw. Kaya kung namatay siya,
papasok siya sa Impiyerno; ngunit kung nagsisisi siya, tatanggapin
ni Allah ang pagsisisi niya. Kung uulit na naman siya,
laging karapatan ni Allah na painumin siya ng radghatul
khabál sa araw ng pagkabuhay. Nagsabi sila: O Sugo ni Allah,
176 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1587.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
82
at ano po ang radghatul khabál? Sinabi niya: Katas ng mga
maninirahan sa Impiyerno.”
177
Kung ganito ang lagay ng mga umiinom ng mga nakalalasing,
papaano na samakatuwid ang lagay ng mga gumagamit ng higit
na matindi at nagpapakasugapa sa mga droga?
Ang Paggamit ng mga Sisidlan178 na Ginto at Pilak at
ang Pagkain at Pag-inom Mula sa mga Ito
Hindi halos nawawalan ang isang tindahan ng mga kagamitang
pambahay (kitchen utensils) sa ngayon ng mga sisidlan na
ginto at pilak o tinubog sa ginto at pilak. Gayon ang mga bahay
ng mga mariwasa at ang ilan sa mga hotel. Bagkus ang uring ito
ng mga sisidlan ay kabilang sa mga mamahaling regalo na ibinibigay
ng mga tao sa isa’t isa sa kanila sa mga okasyon. Ang ilan
sa mga tao ay maaaring hindi maglagay ng mga ito sa mga bahay
nila subalit ginagamit naman nila ito sa mga bahay ng ibang mga
tao at sa mga handaan nila. Ang lahat ng ito ay kabilang sa mga
bagay na ipinagbabawal sa Sharí‘ah. Nasaad ayon sa Propeta
(SAS) ang matinding banta sa paggamit ng mga lalagyan na ito,
yamang ayon kay Umm Salamah: “Tunay na ang kumakain o
umiinom sa mga sisidlang pilak at ginto ay lumalagok lamang
sa tiyan niya ng apoy ng Impiyerno.”
179 Ang kahatulang ito ay
sumasaklaw sa lahat ng sisidlan at gamit sa pagkain gaya ng mga
plato, mga tinidor, mga kutsara, mga kutsilyo, mga serving tray,
mga kahon ng mga candy na ibinibigay sa mga kasalan, at mga
tulad nito.
177 Isinalaysay ito ni Ibnu Májah, bilang 3377. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6313.
178 Ang sisidlan na tinutukoy rito ay ang anumang ginagamit para lagyan ng
pagkain at inumin, gaya ng baso, plato, kutsara at iba pa.
179 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1634.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
83
Ang ilan sa mga tao ay nagsasabi: “Kami ay hindi naman
gumagamit ng mga ito, ngunit inilalagay namin ang mga ito sa
mga estante na natatakpan ng salamin para dekorasyon.” Ito ay
hindi rin ipinahihintulot bilang paghahadlang sa dahilang magamit
ang mga ito.180
Ang Pagsaksi sa Kabulaanan
Nagsabi si Allah (22:30-31): “Kaya iwaksi ninyo ang kasalaulaan
na siyang mga diyus-diyusan at iwaksi ninyo ang
pagsaksi sa kabulaanan, bilang mga makatotoo na hindi mga
nagtatambal sa Kanya.” Ayon kay ‘Abdurrahmán ibnu Abí
Bakrah (RA), ayon sa ama niya na nagsabi: “Kami noon ay nasa
tabi ng Sugo ni Allah nang nagsabi siya: Hindi ko ba ibabalita sa
inyo ng tatlong napakalaki sa mga malalaking kasalanan? −
nang makatatlo − Ang pagtatambal kay Allah at ang
kalapastanganan sa mga magulang. Naupo siya at dati siyang
nakasandal. Sinabi pa niya: Kaingat sa pagsaksi sa kabulaanan.
Hindi siya tumigil: inulit-ulit niya iyon hanggang sa magsabi
kami na sana siya ay tumihimik na.”
181
Ang pag-uulit-ulit sa pagbabala laban sa pagsaksi sa kabulaanan
dito ay dahil sa pagwawalang-bahala ng mga tao rito, dahil
sa dami ng nag-uudyok sa paggawa nito gaya ng pagkamuhi at
pagkainggit, at dahil sa ibinubunga nito na maraming katiwalian.
Kay rami nang nawala na mga karapatan dahil sa pagsaksi sa
kabulaanan. Kay rami nang sumapit na kawalang-katarungan sa
mga inosente dahilan dito, o tao na nagtamo ng hindi karapat-
180 Isa sa mga mensahe ni Shaykh ‘Abdul‘azíz ibnu Báz, kaawaan siya ni Allah,
sa isang pag-uusap.
181 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 5/261.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
84
dapat sa kanila, o nabigyan ng bahagi na hindi naman nila bahagi
alinsunod dito.
Kabilang sa pagwawalang-bahala kaugnay rito ay ang ginagawa
ng ilan sa mga tao sa mga hukuman na pagsasabi sa isang
tao na katatagpo pa lamang roon: “Sumaksi ka para sa akin at
sasaksi ako para sa iyo.” At sasaksi naman siya sa isang bagay na
nangangailangan ng kaalaman sa katotohanan at pangyayari, gaya
ng pagsaksi para rito sa pagmamay-ari ng isang lupa o isang
bahay, o pagpapatotoo sa pagkakilala rito gayong nakatagpo niya
lamang ito sa pinto ng hukuman o sa bulwagan. Ito ay kasinungalingan
at kabulaanan sapagkat nararapat na ang pagsaksi ay gaya
ng nasaad sa Aklat ni Allah (12:81): “at hindi kami sumaksi
kung hindi ayon sa nalaman namin”
Ang Pakikinig sa mga Kagamitan sa Pagtugtog at Musika
Si Ibnu Mas‘úd (RA) noon ay nanunumpa kay Allah na ang
tinutukoy sa sinabi Niya (31:6): “May mga tao na bumibili ng
walang kabuluhang usapan upang ipanligaw palayo sa Landas
ni Allah” ay ang ghiná’.182 Ayon naman kina Abú ‘Ámir (RA)
at Abú Málik al-Ash‘arí (RA), ayon sa Propeta (SAS) na nagsabi:
“Talagang magkakaroon nga mula sa Kalipunan ko ng mga
tao na magtuturing na ipinahihintulot ang pangangalunya, ang
182 Tafsír Ibni Kathír 6/333. [Bagamat ang salitang Arabe na ghiná’ ay madalas
na isalin na awit o awitin sa Tagalog, hindi lahat ng tinatawag na “awit” sa
Tagalog ay matatawag na ghiná’. Ang salitang Tagalog na awitin ay higit na
malawak kaysa sa salitang Arabe na ghiná’. Ang anáshíd Islámíyah gaya ng
tala‘lbadru ‘alayná na “binigkas” sa pagsalubong sa Propeta (SAS) pagdating
niya sa Madínah ay hindi tinatawag na ghiná’ sa Arabe. Ayon sa pamunuan ng
Zulfi Foreigners Guidance Office ang awitin na tinutukoy rito ng may-akda ay
ang mga awiting walang kabuluhan o mahalay sa pamantayan ng Islam, na
inaawit sa saliw ng mga instrumentong pangmusika. Ang Tagapagsalin.]
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
85
sutla,183 ang alak, at ang mga kagamitan sa pagtugtog…”
184
Ayon naman kay Anas (RA): “Talagang magkakaroon nga sa
Kalipunang ito ng paglubog [sa lupa], pagbato at pagpapalitanyo
at iyon ay kapag nagsiinom sila ng mga alak, nagsikuha
sila ng mga babaing mang-aawit at nagpatugtog ng mga kagamitan
sa pagtugtog.”
185
Ipinagbawal ng Propeta (SAS) ang tambol. Inilarawan niya
ang plauta na ito ay tinig ng mahalay na hangal. Binanggit ng mga
naunang pantas ng Islam gaya ni Imám Ahmad, kaawaan siya ni
Allah, ang pagbabawal sa mga instrumento ng pag-aaliw at pagtugtog
gaya ng mandolin, tambol, plautang tambo, rebab186 at
pompiyang. Walang duda na ang mga makabagong instrumento
ng pag-aaliw at pagtugtog ay napaloloob sa Hadíth ng Propeta
(SAS) kaugnay sa pagbabawal sa mga kagamitan sa pagtugtog,
gaya ng biyolin, sitara, piyano, gitara at iba pa. Bagkus tunay na
ang mga ito ay lubhang higit na matindi sa pag-antig, pagpapalango
at impluwensiya kaysa sa mga sinaunang instrumento na
nabanggit ang pagbabawal sa ilan sa mga Hadíth. Ang pagpapalango
ng musika at ang pagpapalasing nito ay higit na matindi
kaysa sa pagpapalasing ng alak, gaya ng nabanggit ng mga pantas
na gaya nina Ibnu al-Qayyim at iba pa. Walang duda na ang pagbabawal
ay tumitindi at ang pagkakasala ay bumibigat kapag
sinabayan ang musika ng pag-awit at mga tinig ng mga babaing
183 Ang sutla ay ipinagbabawal lamang sa mga lalaki, hindi sa mga babae.
184 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 10/51.
185 Tingnan ang as-Silsilah as-Sahíhah 2203. Tinunton niya ang pinagmulan nito
kay Ibnu Abí ad-Dunyá sa Dhamm al-Maláhí. Ang Hadíth na ito ay isinalaysay
ni at-Tirmidhí, bilang 2212.
186 Parang biyolin na may tatlong kuwerdas.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
86
mang-aawit. Lumalala ang kapahamakan kapag ang mga liriko
ng mga awitin ay pangromantiko, pag-ibig, kahalingan at paglalarawan
ng mga kagandahan. Dahil doon nabanggit ng mga pantas
ng Islam na ang mga awiting romantiko ay koreo ng pangangalunya
at na ito ay nagpapatubo ng kaipokrituhan sa puso. Sa
pangkalahatan, ang tema ng mga awitin at musika ay kabilang
sa napakalaking mga tukso sa panahon ngayon.
Ilan sa nakadagdag sa suliranin sa panahon natin ay ang pagpasok
ng musika sa maraming bagay gaya ng mga relo, mga
alarm, mga laruan ng mga bata, computer at ilang telepono. Kaya
ang pag-iwas doon ay isang bagay na nangangailangan ng determinasyon.
Si Allah ay ang hingian ng tulong.
Ang Panlilibak
Naging “panghimagas” sa marami sa mga pagtitipon ang panlilibak
sa mga tao at ang pagyurak sa mga karangalan nila. Ito
ay isang gawaing ipinagbawal ni Allah. Sinuwata Niya ang mga
lingkod Niya laban dito at iwinangis Niya ito sa isang kasuklamsuklam
na larawan na masusuka roon ang mga tao. Sinabi Niya
(49:12): “huwag libakin ng ilan sa inyo ang iba sa inyo. Iibigin
ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya na
patay? Kaya kasusuklaman ninyo ito.”
Nilinaw ng Propeta (SAS) ang kahulugan nito sa pamamagitan
ng sabi niya: “Nalalaman ba ninyo kung ano ang panlilibak?
Nagsabi sila: Si Allah at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam.
Nagsabi siya: Ang pagbanggit mo sa kapatid mo ng anumang
kasusuklaman niya. May nagsabi: Kaya ano po sa tingin mo
kung nasa kapatid ko ang sinasabi ko? Nagsabi siya: Kung nasa
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
87
kanya ang sinasabi mo ay nilibak mo na siya. Kung wala ito sa
kanya ay siniraang-puri mo na siya.”
187
Samakatuwid ang panlilibak ay ang pagbanggit mo sa kapwa
Muslim ng anumang tungkol sa kasusuklaman niya [na mabanggit],
maging iyon ay hinggil sa katawan niya o pananampalataya niya
o pamumuhay niya o pagkatao niya o mga kaasalan niya o kaanyuan
niya. Ito ay mayroong maraming anyo. Kabilang dito ang
pagbanggit sa mga kapintasan niya o ang ipagsabi ang isang ugali
niya bilang paraan ng panunuya.
Ang mga tao ay nagwawalang-bahala sa usapin ng panlilibak
kalakip ng kasagwaan nito at kapangitan nito para kay Allah.
Nagpapahiwatig doon ang sabi niya (SAS): “Ang ribá ay may
pitumpu’t dalawang uri na ang pinakamababa sa mga ito ay
tulad ng pakikipagtalik ng isang lalaki sa ina niya. Tunay na
ang pinakamataas na ribá ay [gaya ng] paghamak ng lalaki
sa dangal ng kapatid niya.”
188
Kinakailangan sa sinumang dumadalo sa pagtitipon na sumaway
sa nakasasama at ipagtanggol ang kapatid niya na nililibak.
Hinimok iyon ng Propeta (SAS) sa pamamagitan ng sabi niya:
“Ang sinumang magsanggalang sa dangal ng kapatid niya,
ipagsasanggalang ni Allah ang mukha niya sa apoy sa araw
ng pagkabuhay.”
189
187 Isinalaysay ito ni Muslim 4/2201.
188 as-Silsilah as-Sahíhah 1871.
189 Isinalaysay ito ni Ahmad 6/450. Ito ay nasa Sahíh atl-Jámi‘ 6238.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
88
Ang Paninirang-puri
Ang pagpaparating ng mga sinalita ng mga tao sa isa’t isa
upang makasira sa isa’t isa sa kanila ay kabilang pa rin sa napakalaking
mga kadahilanan ng pagkakalagot ng mga ugnayan at
ng pagpapaningas sa mga apoy ng pagkamuhi at pagkapoot sa
pagitan ng mga tao. Pinulaan na ni Allah ang gumagawa ng gawaing
ito yamang sinabi Niya (68:10-11): “Huwag kang tumalima
sa bawat palasumpang hamak, mapanlibak, mapagkalat ng
paninirang-puri,” Ayon kay Hudhayfah: “Hindi papasok sa
Paraiso ang isang mapanirang-puri.”
190
Ayon kay Ibnu ‘Abbás na nagsabi: “Napadaan ang Propeta
(SAS) sa isa sa mga pataniman ng Madínah at nakarinig siya ng
tinig ng dalawang tao na pinagdurusa sa mga puntod nila kaya
nagsabi ang Propeta (SAS): Pinagdurusa sila, at hindi sila pinagdurusa
dahil sa malaking kasalanan. Ang isa sa kanilang dalawa
noon ay hindi umiiwas sa bahid ng ihi niya, at ang ikalawa ay
nagkakalat ng paninirang-puri.”
191
Kabilang sa mga masamang anyo ng gawaing ito ay ang paninira
ng asawa sa maybahay niya at gayon din ang paninira ng maybahay
sa asawa. Ito ay pagpupunyagi sa pagsira sa relasyon nilang
dalawa. Ganoon din ang ginagawa ng ilan sa mga empleyado sa
pagpaparating sa salita ng ibang mga kasamahan sa manager o
sa tagapamahala, na isang uri ng pagsusumbong upang maghasik
at magdulot ng kapinsalaan. Ang lahat ng ito ay kabilang sa mga
ipinagbabawal.
190 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 10/472 at sa an-Niháyah ni
Ibnu al-Athír 4/11. Sinasabi rin na ang mapanirang-puri rito ay ang nakikinig sa
mga tao nang hindi nila nalalaman at pagkatapos ay ipagkakalat ito.
191 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 1/317.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
89
Ang Pagsilip sa Loob ng mga Bahay ng mga Tao nang
Walang Kapahintulutan
Nagsabi si Allah (24:27): “O mga sumampalataya, huwag
kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo
malibang nagpaalam kayo at bumati kayo sa mga nakatira
sa mga ito.” Nagsabi naman ang Sugo ni Allah (SAS) habang
nagpapaliwanag na ang dahilan sa paghingi ng pahintulot ay dahil
sa pangambang baka makita ang mga ‘awrah ng mga nakatira sa
bahay: “Ginawa lamang ang paghingi ng pahintulot alangalang
sa [pag-iwas na] makakita.”
192 Sa ngayon, kaalinsabay
ng pagkakalapit-lapit ng mga gusali, pagkakadikit-dikit ng mga
bahay, at pagkakaharap-harap ng mga bintana at mga pinto, ang
posibilidad na masilipan ng mga magkakapit-bahay ang isa’t isa
ay naging malaki. Ang marami ay hindi nagbababa ng mga paningin
nila. Maaaring sasadyain pa ng ilang nakatira sa taas na sumilip
mula sa mga bintana nila o mga palapag nila sa mga katabing
bahay na mababa kaysa sa kanila. Ito ay isang kataksilan, isang
paglabag sa privacy ng mga kapitbahay at isang kaparaanan tungo
sa bawal. Nangyari dahil doon ang marami sa kapahamakan at
tukso. Makasasapat na bilang patunay sa panganib ng bagay na
ito ang pagwawalang-halaga ng Sharí‘ah sa mata ng naninilip.
Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): “Ang sinumang tumingin
sa loob ng bahay ng ibang mga tao nang walang pahintulot nila
192 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 1/24. [Upang hindi
makita ang ‘awrah ng mga nasa loob ng bahay, lalo na ang mga babae. Ang ‘awrah
ay ang bahagi ng katawan na kailangang takpan sa harap ng mga taong hindi
mahram. Kadalasan, ang mga babae ay nagsusuot ng damit na maikli kapag nasa
loob ng bahay. Kapag pumasok sa ibang bahay nang walang paalam ay maaaring
makita ang mga babae roon sa kasuutang ayaw o hindi dapat makita ng mga
hindi nila mahram.]
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
90
ay ipinahintulot na sa kanila na tusukin ang mata niya.”
193
Sa isa namang sanaysay: “Kaya tusukin ninyo ang mata niya
dahil walang bayad-pinsala para sa kanya at walang ganti.”
194
Ang Pagbubulungan ng Dalawa sa Harap ng Iba
Ito ay kabilang sa mga nakapipinsala sa mga pagtitipon at
kabilang sa mga hakbangin ni Satanas upang paghati-hatiin ang
mga Muslim at pagngitngitin ang mga dibdib ng ilan sa kanila
laban sa iba. Nagsabi ang Sugo (SAS) habang nililinaw ang kahatulan
at ang kadahilanan nito: “Kapag kayo ay tatlo huwag magbulungan
ang dalawang tao sa harap ng iba malibang nakikihalo
kayo sa mga tao dahil iyon ay ikalulungkot niya.”
195 Napaloloob
din doon ang pagbubulungan ng tatlo sa harap ng ikaapat
na tao at maging ilan pa man. Ganoon din kapag nag-usap ang
dalawa sa isang wikang hindi nauunawaan ng ikatlo. Walang duda
na ang pagbubulungan ay mayroong isang uri ng panghahamak
sa kaharap na ikatlong tao o pagpapahinala sa kanya na nagnanais
sila ng masama para sa kanya at iba pang tulad niyon.
Ang Isbál sa Kasuutan
Kabilang sa inaakala ng mga tao na maliit na bagay − samantalang
ito para kay Allah ay mabigat − ay ang isbál: ang pagpapahaba
ng kasuutan nang higit na mababa pa sa mga bukungbukong.
Ang ilan sa kanila ay sumasayad na ang kasuutan sa lupa
at ang iba naman sa kanila ay kinakaladkad na ito.
193 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1699.
194 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/385. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6022.
195 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 11/83.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
91
Ayon kay Abú Dharr (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
“May tatlong tao na hindi sila kakausapin ni Allah sa araw ng
pagkabuhay, hindi Siya titingin sa kanila at hindi Niya sila
dadalisayin, at ukol sa kanila ay isang masakit na pagdurusa:
ang nagsasagawa ng isbál [sa isang sanaysay: sa tapis niya],
ang mapanumbat
196 [sa isang sanaysay: na hindi nagbibigay
ng anuman kung hindi isusumbat iyon], at ang nagtitinda ng
paninda niya kalakip ang sinungaling na panunumpa.”
197
Ang nagsasabi na ang isbál ko sa thawb ko ay hindi isang
pagmamalaki, siya ay nagpapatotoo sa kawalang-sala ng sarili niya
sa pamamagitan ng pagpapatotoo na hindi tanggap. Ang banta
laban sa nagsasagawa ng isbál ay pangkalahatan: magkatulad kung
nilayon man niya ang pagmamalaki o hindi nilalayon, gaya ng
ipinahihiwatig hinggil doon sa sabi niya (SAS): “Ang anumang
nasa ilalim ng mga bukung-bukong mula sa tapis ay sa Impiyerno.”
198 Kaya kapag nagsagawa ng isbál dahil sa pagyayabang,
ang kaparusahan niya ay higit na matindi at higit na mabigat. Ito
ang nasaad sa sabi niya (SAS): “Ang sinumang nagpasayad ng
kasuutan niya dahil sa kayabangan, hindi titingin sa kanya si
Allah sa araw ng pagkabuhay.”
199 Iyan ay sapagkat pinagsama
niya ang dalawang ipinagbabawal. Ang isbál ay ipinagbabawal sa
bawat kasuutan, gaya ng ipinahihiwatig hinggil doon ng Hadíth
ayon kay Ibnu ‘Umar (RA): “Ang isbál sa tapis, damit at turban,
ang sinumang nagpasayad ng anuman mula sa mga ito dahil
196 Isinusumbat at ipinamamata niya sa kanyang natulungan ang anumang tulong
na nagawa niya.
197 Isinalaysay ito Muslim 1/102. [Ang nanghihikayat sa pagtitinda sa pamamagitan
ng panunumpa kay Allah na ang paninda niya ay mura, mahusay at iba pa.]
198 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 6/254. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5571.
199 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí, bilang 3465, Edisyong al-Baghá.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
92
sa pagyayabang, hindi titingin sa kanya si Allah sa araw ng
pagkabuhay.”
200 Ang babae ay pinapayagan na magpalampas sa
bukung-bukong ng isang dangkal o isang siko upang matakpan
ang mga paa niya, bilang pag-iingat laban sa kinatatakutan na
baka matambad [ang binti] dahil sa hangin at tulad nito. Subalit
hindi ipinahihintulot sa kanya na lumampas sa hangganan gaya
ng sa ilang traje de boda (wedding gown) na umaabot sa ilang
dangkal o ilang metro ang haba at marahil ay kailangang bitbitin
pa mula sa likuran niya.201
Ang Pagsusuot ng Lalaki ng Ginto sa Anumang Anyo
Ayon kay Abú Músá al-Ash‘arí (RA): “Ipinahintulot sa mga
babae ng Kalipunan ko ang sutla at ang ginto at ipinagbawal
sa mga lalaki nito.”
202
Sa mga pamilihan sa ngayon ay mayroong ilang produktong
dinisenyo para sa mga lalaki gaya ng mga relo, mga eyeglass, mga
butones, mga fountain pen, mga chain, at ang tinatawag nila na
mga medallion, na may mga magkakaibang kilatis ng ginto o
itinubog nang buo sa ginto. Kabilang din sa mga minamasama
200 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 4/353. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 2770.
201 Heto pa ang ilan sa mga Hadíth kaugnay sa isbál. Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA):
“Ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi: Hindi titingin si Allah sa sinumang
nagpasayad ng kasuutan niya dahil sa kayabangan.” (Sahíh al-Bukhárí, Vol.
7, Hadíth 674) Ayon kay Sálim ibnu ‘Abdullah, ayon sa ama niya, ayon sa
Propeta (SAS) na nagsabi: “Ang sinumang nagpasayad ng kasuutan niya
dahil sa kayabangan, hindi titingin sa kanya si Allah sa araw ng pagkabuhay.
Kaya nagsabi si Abú Bakr: O Sugo ni Allah, tunay na ang isa sa dalawang tagiliran
ng tapis ko ay sumasayad maliban kung iingatan ko iyon na magkagayon.
Nagsabi ang Propeta (SAS): Ikaw ay hindi kabilang sa gumagawa niyon bilang
kayabangan.” (Sahíh al-Bukhárí, Vol. 7, Hadíth 675)
202 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 4/393. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 207.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
93
ay ang ipinatatalastas sa mga premyo ng ilan sa mga patimpalak
na gold watch na panlalaki!
Ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA): “Ang Sugo ni Allah (SAS) ay
nakakita ng singsing na ginto sa kamay ng isang lalaki kaya inalis
niya ito at itinapon ito at saka nagsabi: Kumukuha ang isa sa
inyo ng baga mula sa apoy at inilalagay ito sa kamay niya?
Kaya sinabihan ang lalaki matapos na umalis ang Sugo ni Allah
(SAS): Kunin mo ang singsing; pakinabangan mo ito. Nagsabi
siya: Hindi na, sumpa man kay Allah, hindi ko na kukunin kailanman
yamang itinapon na ito ng Sugo ni Allah (SAS).”203
Ang Pagsusuot ng mga Babae ng Maiiksi, Manipis at
Fitting na Kasuutan sa Publiko
Ilan sa bunga ng pananalakay ng mga kaaway natin sa panahon
ngayon ay ang mga kasuutan at mga moda na ginawa nila ang
mga anyo at mga detalye ng mga ito at naging mabili naman sa
mga Muslim. Ang mga ito ay hindi nakatatakip sa ‘awrah dahil
sa kaiksian ng mga ito o kanipisan ng mga ito o kasikipan ng mga
ito. Ang marami sa mga ito ay hindi ipinahihintulot na isuot pati
na ng mga babae [sa harap ng mga kapwa babae] o sa harap ng
mga mahram. Ipinabatid na sa atin ng Propeta (SAS) ang hinggil
sa paglitaw ng mga uri na ito ng mga kasuutan sa mga babae sa
huling panahon, gaya ng nasaad sa Hadíth ayon kay Abú Hurayrah
(RA): “May dalawang uri mula sa mga maninirahan sa Impiyerno
na hindi ko nakita: mga taong may mga latigo na gaya
ng mga buntot ng mga baka na pinapalo nila sa pamamagitan
ng mga ito ang mga tao, at mga babaing nakadamit ngunit
nakahubad, na nanghahalina na nahahalina, na ang [buhok
203 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1655.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
94
sa] mga ulo nila ay gaya ng mga nakalihay na mga umbok ng
mga kamelyo [na mahaba ang mga leeg] − hindi sila papasok sa
paraiso at hindi nila malalanghap ang halimuyak nito, gayong
tunay na ang halimuyak nito ay talagang nalalanghap sa layong
ganito at gayon.”
204 Napaloob sa mga kasuutan na ito ang isinusuot
ng ilan sa mga babae na may mahabang bukas mula sa laylayan
o bitas (slit) mula sa ilang bahagi. Kaya kapag naupo siya,
may lumilitaw na bahagi mula sa ‘awrah niya, kalakip na rin doon
ang pagwangis sa mga Káfir at pagsunod sa kanila sa mga moda
at mga pinauso nila na mga kasuutang kahiya-hiya. Hinihiling
natin kay Allah ang kaligtasan.
Kabilang din sa mga mapanganib na bagay ay ang nakikita
sa ilan sa mga kasuutan na mga masamang larawan gaya ng mga
larawan ng mga mang-aawit, mga musical band, mga bote ng
alak, mga larawan ng tao at hayop na pawang ipinagbabawal sa
Sharí‘ah, o mga krus, o mga slogan ng mga sports club at mga
masamang samahan, o mga bastos na kataga na lumalabag sa
karangalan at kabinihan, na kadalasan ay nakasulat sa mga
wikang banyaga.
Ang Pagkakabit sa Buhok ng Buhok na Galing sa Ibang
Tao o Anuman ng mga Lalaki at mga Babae
Ayon kay Asmá’ bint Abí Bakr na nagsabi: “May pumuntang
isang babae sa Propeta (SAS) at nagsabi: O Sugo ni Allah, tunay
na ako ay may anak na babae na ikakasal, na dinapuan ng tigdas
kaya nalagas ang mga buhok niya. Kaya dudugtungan ko po ba
ito? Kaya nagsabi siya: Isinumpa ni Allah ang nagkakabit at
204 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1680.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
95
ang nagpapakabit [ng buhok].”205 Ayon kay Jábir ibnu ‘Abdulláh:
“Sinansala ng Propeta (SAS) na magkabit ang babae sa ulo niya
ng anumang [buhok].”206
Ang ilan sa mga tulad nito ay ang kilala sa panahon natin
bilang wig at ang mga nagkakabit ng buhok sa panahon natin ay
ang mga coiffeur (hair stylist), na ang mga parlor nila ay may
nag-uumapaw na mga minamasamang bagay.
Ang ilan pa sa mga tulad ng ipinagbabawal na ito rin ay ang
pagsusuot ng artificial wig gaya ng ginagawa ng ilan sa mga walang
asal na mga aktor at mga aktres sa mga teatro at mga pelikula.
Ang Paggaya ng mga Lalaki sa mga Babae at ng mga
Babae sa mga Lalaki sa Kasuutan o Pananalita o Anyo
Kabilang sa kalikasan ng pagkalalang na isinabatas ni Allah
para sa mga lingkod Niya ay na panatilihin ng lalaki ang pagkalalaki
niya na nilikha ni Allah sa kanya, at na panatilihin ng babae
ang pagkababae niya na nilikha ni Allah sa kanya. Ito ay ilan sa
mga kadahilanan na hindi magiging matuwid ang buhay ng mga
tao kung hindi sa pamamagitan ng mga ito. Ang paggaya ng mga
lalaki sa mga babae at ng mga babae sa mga lalaki ay pagsalungat
sa kalikasan ng pagkalalang, pagbubukas ng mga pinto ng katiwalian
at pagpapalaganap ng imoralidad sa lipunan. Ang hatol
sa gawaing ito ayon sa Sharí‘ah ay ang pagbabawal nito. Kapag
may nasaad sa Qur’an at Hadíth na isang sumpa sa nagsasagawa
ng isang gawain, tunay na iyon ay nagpapahiwatig sa pagbabawal
niyon at iyon ay kabilang sa mga malalaking kasalanan. Nasaad
nga ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA): “Isinumpa ng Sugo ni Allah ang
205 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1676.
206 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1679.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao