Mga Artikulo




35


Noong tumanda na ang Propeta (SAS) at nagkaroon sa kilos


niya ng medyo kabagalan ay pinaalalahan niya ang mga nagdarasal


sa likuran niya. Sinabi niya: “O mga tao, tunay na ako ay


tumaba na kaya huwag ninyo akong unahan sa pagyukod at


pagpapatirapa…”


60 Tungkulin naman ng imám na magsagawa


ayon sa Sunnah sa takbír Sunnah kapag nagdasal siya. Ito ang


nabanggit sa isang Hadíth ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Ang


Sugo ni Allah (SAS), kapag tumindig upang magsagawa ng saláh,


ay nagsasagawa ng takbír kapag tumatayo, pagkatapos ay nagsasagawa


ng takbír kapag yumuyukod…pagkatapos ay nagsasagawa


ng takbír kapag nagpapatirapa [mula sa pagkakatayo], pagkatapos


ay nagsasagawa ng takbír kapag nag-aangat ng ulo niya, pagkatapos


ay nagsasagawa ng takbír kapag nagpapatirapa [mula sa


pagkakaupo], pagkatapos ay nagsasagawa ng takbír kapag nagaangat


ng ulo niya. Pagkatapos ay ginagawa niya iyon sa buong


saláh hanggang sa matapos niya ito. Nagsasagawa siya ng takbír


kapag tumatayo mula sa [unang] dalawang [rak‘ah] matapos ang


pag-upo.”61 Kaya kapag nagsagawa ang imám ng takbír kasabay


at kasama ng kilos niya at nagsigasig naman ang ma’múm sa


pagsunod sa pamamaraang nauna nang nabanggit, bubuti ang


kalagayan ng jamá‘ah sa saláh nila.


Ang Pagpunta sa Masjid ng Isang Kumain ng Sibuyas


o Bawang o Anumang May Masangsang na Amoy


Nagsabi si Allah (7:31): “O mga anak ni Adan, isuot ninyo


ang gayak ninyo sa bawat masjid.” Ayon kay Jábir na nagsabi:


60 Isinalaysay ito ni al-Bayhaqí 2/93 at pinagtibay niya ito na Hadíth Hasan sa


Irwá’ al-Ghalíl 2/290.


61 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí, bilang 756, Edisyong al-Baghá.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


36


“Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinumang kumain ng


bawang o sibuyas ay lumayo-layo sa atin. − o nagsabi siya: −


lumayo-layo siya sa masjid natin at manatili sa bahay niya.”62


Sa isang salaysay naman ayon kay Imám Muslim: “Ang sinumang


kumain ng sibuyas o bawang o puero63 ay huwag ngang


lalapit sa masjid natin sapagkat ang mga anghel ay nayayamot


sa ikinayayamot ng mga anak ni Adan.”


64 Nagtalumpati si ‘Umar


ibnu al-Khattáb sa mga tao minsang isang Biyernes at nagsabi siya


sa talumpati niya: “Pagkatapos, tunay na kayo, o mga tao, ay


kumakain ng dalawang halaman na hindi ko itinuturing kundi


masagwa: itong sibuyas at bawang. Talagang nakita ko nga ang


Sugo ni Allah (SAS) na kapag nasumpungan niya ang amoy ng


dalawang ito mula sa isang lalaki sa masjid ay nag-uutos siya


na lumabas ito kaya pinalalabas ito tungo sa Baqí‘. Kaya ang


sinumang kakain nito ay patayin niya ang amoy ng mga ito sa


pagluluto.”65


Napaloloob din sa paksang ito ang mga pumapasok kaagadagad


sa mga masjid matapos ang mga gawain nila habang ang


masangsang na mga amoy ay umaalingasaw mula sa mga kilikili


nila at mga medyas nila. Ang pinamakasahol pa rito ay ang mga


naninigarilyo na humihithit ng usok ng sigarilyo na ipinagbabawal


at pagkatapos ay magsisipasok sa mga masjid. Niyayamaot nila


ang mga lingkod ni Allah na mga anghel at mga tao.


62 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 2/339.


63 Tinatawag na leek sa Ingles. Para itong sibuyas tagalog ngunit malaki at


mataba, na kadalasang dahon nito ang ginagamit.


64 Isinalaysay ni Muslim 1/395.


65 Isinalaysay ito ni Muslim 1/396.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


37


Ang Pangangalunya66


Yamang ilan sa mga layunin ng Sharí‘ah ay ang pangangalaga


sa karangalan at pangangalaga sa supling, nasaad dahil dito ang


pagbabawal sa pangangalunya. Nagsabi si Allah (17:32): “Huwag


ninyong lapitan ang pangangalunya; tunay na ito ay isang


kahalayan at masamang daan.” Bagkus ipininid ng Sharí‘ah ang


lahat ng ipinandadahilan at daang humahantong doon sa pamamagitan


ng pag-uutos sa hijáb, pagbababa ng paningin, pagbabawal


ng pakikipagsarilinan sa babaing hindi mahram, at iba pa.


Ang nakapag-asawa67 na nangalunya ay pinarurusahan ng


pinakamasaklap at pinakamatinding kaparusahan: ang pagpupukol


sa kanya ng bato hanggang mamatay upang malasap niya ang


pait ng ginawa niya at upang masaktan ang bawat bahagi ng katawan


niya, gaya ng pagpapakaligaya niya rito sa ipinagbabawal.


Ang nangalunya na hindi pa nakaranas ng pakikipagtalik sa isang


tumpak na kasal ay hahagupitin ng pinakamaraming bilang sa


paghahagupit na nasaad sa mga takdang kaparusahan sa Sharí‘ah:


isandaang hagupit, kalakip ng anumang mangyayari sa kanya na


pagkapahiya sa pamamagitan ng pagsaksi ng isang pangkat ng


mga mananampalataya sa parusa sa kanya, at kahihiyan sa pamamagitan


ng pagpapalayo sa kanya mula sa bayan niya at pagtatapon


sa kanya sa malayo sa pook ng krimen sa loob ng isang


buong taon.


Ang pagdurusa ng mga nangalunyang lalaki at mga nangalunyang


babae sa Barzakh ay na sila ay ilalagay sa isang pugon na


ang itaas nito ay masikip, ang ibaba nito ay maluwang, na nagni-


66 Ang pangangalunya na tinutukoy rito ay ang tinatawag na ziná sa wikang


Arabe na nangangahulugang pakikipagtalik sa hindi legal na asawa.


67 May asawa pa o may asawa dati.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


38


ningas sa ilalim nito ang apoy, samantalang sila ay mga nakahubad


sa loob nito. Kaya kapag pinagningas sa kanila ang apoy ay


sisigaw sila at lalakasan nila hanggang sa halos lumabas sila; kapag


humupa, ibabalik sila roon. Ganyan ang gagawin sa kanila hanggang


sa pagdating ng Huling Sandali.


Nadadagdagan pa ang kasagwaan kapag ang lalaki ay nagpapatuloy


sa pangangalunya kasabay ng pagsulong ng edad niya,


pagkalapit niya mula sa kamatayan niya at pagpapalugit ni Allah


sa kanya. Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “May tatlo na hindi


kakausapin ni Allah sa Araw ng Pagkabuhay, hindi Niya sila


dadalisayin, hindi Siya titingin sa kanila at ukol sa kanila ay


isang masakit na parusa: matandang nangangalunya, haring


palasinungaling at naghihikahos na nagmamalaki.”


68


Kabilang sa pinakamasama sa mga kinikita ay ang upa sa


pagbibili ng laman: ang tinatanggap kapalit ng pangangalunya.


Ang nangangalunya na ipinagbibili ang katawan niya ay pinagkakaitan


ng pagtugon sa panalangin niya kapag binubuksan ang


mga pinto ng langit sa hatinggabi.69 Ang pangangailangan at ang


karalitaan ay walang pasubaling hindi kadahilanang tanggap sa


Sharí‘ah upang labagin ang mga hangganan ni Allah. Noong


unang panahon ay sinasabi nila: “Magugutom ang malayang


babae ngunit hindi siya kakain sa pamamagitan ng [pagtitinda


ng gatas ng] mga dibdib niya kaya papaanong sa pamamagitan


ng [pagtitinda ng] ari niya?”


Sa panahon natin ay binuksan na ang bawat pinto tungo sa


kahalayan. Pinadali ng Demonyo ang daan sa pamamagitan ng


panlalalang niya at panlalalang ng mga kampon niya. Sinunod


68 Isinalaysay ito ni Muslim 1/102-103.


69 Ang Hadíth tungkol dito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 2971.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


39


naman siya ng mga suwail at mga masamang-loob kaya naglipana


ang tabarruj at ang sufúr.70 Naging palasak ang nakaw na sulyap


at ang ipinagbabawal na tingin. Lumaganap ang paghahalubilo


ng mga lalaki at mga babaing hindi magkakaanu-ano. Naging


mabili ang mga magasin ng kalaswaan at mga pelikula ng kahalayan.


Dumami ang pagpunta sa mga bayan ng imoralidad. Bumangon


ang pamilihan ng kalakalan ng prostitusyon. Dumami ang


pagyurak sa karangalan. Nadagdagan ang bilang ng mga anak


sa labas at ang mga kaso ng paglalaglag ng mga sanggol.


Kaya hinihiling namin sa Iyo, o Allah, ang awa Mo, ang kabaitan


Mo, ang pagtatakip Mo at ang pangangalagang buhat sa Iyo na


pangalagaan kami laban sa mga kahalayan. Hinihiling namin


sa Iyo na dalisayin Mo ang mga puso namin, ipagsanggalang Mo


ang mga puri namin at maglagay Ka sa pagitan namin at ng ipinagbabawal


ng isang tabing at isang harang na ipinanghaharang.


Ang Sodomy71


Ang krimen ng mga kababayan ni Propeta Lot ay ang pagtatalik


ng dalawang lalaki. Nagsabi si Allah (29:28-29): “Banggitin si


Lot noong magsabi siya sa mga kababayan niya: “Tunay na


kayo ay talagang gumagawa ng kahalayan na hindi kayo


naunahan doon ng isa man sa mga nilalang. Tunay na kayo


70 Ang tabarruj ay ang pagtatanghal o ang pagpapakita ng isang babaing nasa


tamang gulang sa publiko o sa harap ng mga lalaking di-mahram ng kagandahan


niya at nakapang-aakit na gayak niya. Ang sufúr naman ay ang hindi pagsusuot


ng belo o hijáb at hindi pagtatakip ng bahagi ng katawan na hindi dapat makita


ng mga lalaking di-mahram. Samakatuwid ang lahat ng uri ng tabarruj ay sufúr,


ngunit hindi lahat ng sufúr ay tabarruj.


71 Ang sodomy na tinutukoy rito ay ang pagtatalik ng dalawang lalaki sa


pamamagitan ng pagtatalik sa pamamagitan ng anus.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


40


ba ay nakikipagtalik sa mga kapwa lalaki, nandarambong


sa daan at gumagawa sa pagtitipon ninyo ng nakasasama.”


Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi


na sinabi nila: “Dalhan mo kami ng parusa ni Allah, kung


ikaw ay kabilang sa mga nagsasabi ng totoo.””


Dahil sa karumalan ng krimen na ito, kasagwaan nito at panganib


nito, pinarusahan ni Allah ang mga gumagawa nito ng apat na


uri ng kaparusahan na hindi Niya pinagsama-sama sa mga taong


iba sa kanila: binura Niya ang mga mata nila, itinaob Niya ang


bayan nila, pinaulanan Niya sila ng mga bato na pinatuyong luwad


na patong-patong at ipinadala Niya sa kanila ang Dagundong.


Sa Sharí‘ah sa panahong ito, ang pagkitil sa pamamagitan ng


tabak − ayon sa matimbang na pahayag − ay ang kaparusahan sa


nagsasagawa at pinagsasagawaan72 nito kapag ito ay ginawa ayon


sa pagkalugod at kagustuhan. Ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA): “Ang


sinumang natagpuan ninyo na nagsasagawa ng gawain ng mga


kababayan ni Lot ay patayin ninyo ang nagsasagawa at ang


pinagsasagawaan.”


73Ang lumitaw sa panahon natin na mga salot


at mga sarisaring uri ng mga sakit − na wala sa mga ninuno nating


nagsiyao − dahil sa kahalayan gaya ng sakit na AIDS na nakamamatay


ay nagpapahiwatig ng isang katwiran ng Tagapagbatas sa


pagtatakda ng malubhang kaparusahang ito.


72 Ang nagsasagawa (active) ay ang nag-aastang lalaki at ang pinagsasagawaan


ay ang nag-aastang babae (passive).


73 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 1/300. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6565.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


41


Ang Pagtanggi ng Babae na Makipagtalik sa Asawa


Niya Nang Walang Kadahilanang Tanggap sa Sharí‘ah


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa Propeta (SAS) na


nagsabi: “Kapag inanyayahan ng lalaki ang maybahay niya sa


higaan niya at tumangi ito, kaya magdamag siyang galit dito,


ay susumpain ito ng mga anghel hanggang sa mag-umaga.” 74


Marami sa mga babae − kapag nagkaroon ng alitan sa pagitan


niya at ng asawa niya − ay nagpaparusa rito, sa pag-aakala niya,


sa pamamagitan ng pagkakait dito sa karapatan nito sa pakikipagtalik


sa kanya. Maaaring magbunga ito ng malaking mga katiwalian,


na ang ilan sa mga ito ay ang pagkakasadlak ng asawa sa


bawal. Maaari ring bumalik sa kanya ang kagagawan niya: pagiisipan


nito nang seryoso ang pag-asawa bukod pa sa kanya.


Kaya tungkulin ng maybahay na magdali-dali sa pagtugon sa


asawa niya kapag humiling ito sa kanya, bilang pagsunod sa sabi


ng Sugo (SAS): “Kapag inanyayahan ng lalaki ang maybahay


niya sa higaan niya ay tumugon ito kahit pa man ito ay nasa


ibabaw ng siya ng kamelyo.”75 Tungkulin naman ng asawa na


isaalang-alang ang [kalagayan ng] maybahay niya kapag ito ay


may-sakit o nagdadalang-tao o nagdadalamhati nang sa gayon ay


mamalagi ang pagkakasundo at hindi masadlak sa paghihiwalay.


74 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h.


75 Nasa ibabaw ng kamelyo. Ito ay isang idyomang Arabe na ang ibig sabihin


ay: abalang-abala. Tingnan ang Zawá’id al-Bazár 2/181. Ito ay nasa Sahíh al-


Jámi‘ 547.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


42


Ang Paghiling ng Babae ng Diborsiyo sa Asawa Niya


Nang Walang Dahilang Tanggap sa Sharí‘ah


Nagdadali-dali ang marami sa mga babae sa paghiling ng


diborsiyo sa mga asawa nila kapag nagkaroon ng napakaliit na


alitan. O humihiling ang maybahay ng diborsiyo kapag hindi


ibinigay sa kanya ng asawa ang ninanais niya na pera, gayong


maaaring siya ay nasulsulan lamang ng ilan sa mga kamag-anak


niya o mga kapitbahay na mga mapanira. Maaaring hamunin niya


ang asawa niya sa pamamagitan ng mga pananalitang pumupukaw


ng galit, gaya ng pagsasabi: “Kung lalaki ka, diborsiyuhin mo ako.”


Batid ng lahat na nagbubunga ang diborsiyo ng malaking mga


kapinsalaan gaya ng pagkalansag ng pamilya at pagkapariwara


ng mga anak. Maaaring magsisi siya sa sandaling hindi na pakikinabangan


ang pagsisisi. Dahil dito at iba pa, lumilitaw ang


katwiran sa Sharí‘ah nang binanggit nito ang pagbabawal niyon.


Ayon kay Thawbán (RA): “Alinmang babae na humingi sa


asawa niya ng diborsiyo nang wala sa katwiran, bawal sa kanya


ang halimuyak ng Paraiso.”


76 Ayon naman kay ‘Uqbah ibnu


‘Ámir (RA): “Tunay na ang mga babaing humihiling ng khula‘77


at ang mga babaing humihiling ng hiwalayan ay ang mga


babaing nagpapanggap na sumasampalataya.” 78


Samantala, kung sakaling nagkaroon ng dahilang tanggap sa


Sharí‘ah, gaya ng pagtalikod ng asawa sa pagsagawa ng saláh, o paginom


ng mga nakalalasing at paggamit ng mga bawal na gamot, o


ito ay pumipilit sa kanya sa gawaing bawal, o nang-aapi sa kanya


sa pamamagitan ng pagpapasakit sa kanya o pagkakait sa kanya ng


76 Isinalaysay ito ni Ahmad 5/277. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 2703.


77 Isang uri ng diborsiyo na hiniling ng babae kapalit ng kabayaran sa asawa.


78 Isinalaysay ito ni at-Tabrání sa al-Kabír 17/339. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 1934.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


43


mga legal na karapatan niya, halimbawa, at wala nang pakinabang


na idinudulot ang pagpapayo at wala nang mabuting idinudulot


ang mga pagtatangka para pabutihin, wala nang masama sa babae


sa sandaling iyon kung siya man ay humiling ng diborsiyo upang


mailigtas niya ang pananampalataya niya at ang sarili niya.


Ang Dhihár


Kabilang sa mga pananalita ng Sinaunang Kamangmangan na


laganap sa Kalipunang ito ay ang pagkasadlak sa dhihár. Nangyayari


ito kapag nagsasabi ang asawa sa maybahay niya: “Ikaw


para sa akin ay gaya ng likod ng ina ko,” o “Ikaw ay bawal sa


akin gaya ng pagkabawal ng babaing kapatid ko.” at tulad niyon


na mga karumal-dumal na pananalitang itinuturing na masagwa


ng Sharí‘ah dahil sa ito ay nagdudulot ng kawalang-katarungan sa


babae.79 Inilarawan ito ni Allah sa sinabi Niya (58:2): “Ang mga


nagsasagawa ng dhihár na kabilang sa inyo sa mga maybahay


nila ay nalalamang ang mga ito ay hindi mga ina nila. Ang


mga ina nila ay walang iba kundi ang mga nagsilang sa kanila.


Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasamang


salita at isang kabulaanan. Tunay na si Allah ay talagang


Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.”


Ginawa ng Sharí‘ah na ang pambayad-sala sa gawaing ito ay


mabigat na nakawawangis ng pambayad-sala sa maling pagkapatay


79 Ang dhihár ay isang uri ng pagdidiborsiyo na isinasagawa sa pamamagitan


ng pagtutulad ng isang lalaki sa maybahay niya sa mga babaing hindi niya


kailanman maaaring mapangasawa gaya ng ina, kapatid, anak at iba pa. Kapag


isinagawa ito ng lalaki, kaagad na nadiborsiyo niya ang maybahay niya.


Bagamat hindi laganap ito sa Pilipinas, at marahil baka hindi nga alam ng


lubhang nakararami, laganap ito sa ibang lugar kaya minabuting isama ito sa


aklat na ito.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


44


at nakatutulad sa pambayad-sala sa pakikipagtalik sa maghapon


ng Ramadán. Hindi ipinahihintulot sa isang nagsagawa ng dhihár


sa maybahay niya na lumapit dito maliban kung nakapagsagawa


siya ng pambayad-sala. Nagsabi si Allah (58:3-4): “Ang mga


nagsasagawa ng dhihár sa mga maybahay nila, pagkatapos


ay binawi nila ang sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin


ang pambayad-sala bago magsalingan silang mag-asawa. Iyan


ay ipinangangaral sa inyo. Si Allah sa anumang ginagawa


ninyo ay Nakababatid. Ngunit ang sinumang hindi makatagpo


ng mapalalaya ay pag-aayuno ng dalawang buwang magkakasunod


ang pambayad-sala bago magsalingan silang magasawa;


ngunit kung hindi niya makakaya, pagpapakain ng


animnapung dukha ang pambayad-sala. Iyan ay upang sumampalataya


sila kay Allah at sa Sugo Niya. Iyon ay mga hangganan


ni Allah. Ukol sa mga tumatangging sumampalataya


ay masakit na parusa.”


Ang Pakikipagtalik sa Maybahay sa Panahon ng Regla


Nagsabi si Allah (2:222): “Tinatanong ka nila hinggil sa


regla. Sabihin mo: “Ito ay nakapipinsala kaya iwasan ninyo


ang pakikipagtalik sa mga babae sa panahon ng regla. Huwag


kayong makipagtalik sa kanila kung hindi huminto ang pagdurugo,”


Samakatuwid hindi ipinahihintulot sa kanya na makipagtalik


dito kung hindi pa ito nakapaligo matapos huminto ang


pagdurugo nito ayon sa sabi Niya (2:222): “at kapag nakapaglinis


na sila ay saka kayo makipagtalik sa kanila sa bahaging


ipinag-utos sa inyo ni Allah.” Nagpapahiwatig sa kasagwaan ng


pagsuway na ito ang sinabi niya (SAS): “Ang sinumang pumunta


sa isang nireregla [upang makipagtalik], o sa isang babae


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


45


[upang makipagtalik] sa puwit80 nito, o sa isang manghuhula


[upang magpahula], ay tumanggi ngang sumampalataya sa


ibinaba kay Muhammad.” 81


Ang sinumang gumawa niyon dahil sa pagkakamali nang


walang pananadya habang siya ay hindi nakaaalam, wala siyang


anumang pananagutan. Ang sinumang gumawa niyon nang sinasadya


at nalalaman [na bawal iyon], tungkulin niyang magbayadsala


ayon sa pahayag ng ilan sa mga may kaalaman na kabilang


sa mga naniwala sa katumpakan ng Hadíth tungkol sa pagbabayadsala,


at ito ay isang Dínár o kalahating Dínár.82 Sinabi naman ng


iba sa kanila na siya ay makakapamili sa alinman sa dalawa. Nagsabi


rin ang iba pa sa kanila na kapag nakipagtalik siya rito sa


simula ng pagreregla nito sa kalakasan ng daloy ng dugo ay tungkulin


niya na magbayad-sala ng isang Dínár. Kung nakipagtalik


naman siya rito sa huling bahagi ng regla nito kapag humina na


ang daloy ng dugo o bago ito nakapaligo para sa regla ay tungkulin


niyang magbayad-sala ng kalahating Dínár.83 Ang Dínár na tinutukoy


rito ayon sa kasalukuyang pagtataya ay katumbas sa 4.25 gramo


ng ginto.84 Ikakawanggawa niya ito o ang katumbas nito sa pera.85


80 Ito ang tumpak na katumbas sa Tagalog ng salitang Arabe na dubur, ngunit


ang tinutukoy rito ay ang anus o tumbong na labasan ng dumi at hindi ang pigi


mismo na siyang literal na kahulugan ng puwit at dubur.


81 Isinalaysay ito ni at-Tirmidhí ayon kay Abú Hurayrah 1/243. Ito ay nasa


Sahíh al-Jámi‘ 5917.


82 Ang Dínár na tinutukoy rito ay hindi ang Dinar ng anumang bansa.


83 Ang tamang pahayag ay na siya ay magbigay ng isang Dínár o kalahating


Dínár; walang ipinagkaiba kung iyon sa simula o sa katapusan ng regla.


84 Mga $91 noong April 29, 2006, batay sa halaga ng ginto ayon sa Al-Rajhi


Banking and Investment Corporation, Riyadh Saudi Arabia.


85 [Ang tama ay na siya ay makapipili na magbigay ng isang dínár o kalahating


dínár, maging iyon man ay naganap sa simula ng regla o sa katapusan nito.(z)]


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


46


Ang Pakikipagtalik sa Babae sa Puwit Nito


Ang ilan sa mga nalilisya na mahihina ang pananampalataya


ay hindi nangingimi na makipagtalik sa maybahay niya sa puwit


nito (sa bahaging labasan ng dumi). Ito ay kabilang sa mga malaking


kasalanan. Isinumpa na ng Propeta (SAS) ang sinumang


gumawa nito. Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Isinumpa ang


sinumang nakipagtalik sa maybahay sa puwit nito.” 86 Bagkus


tunay na ang Propeta (SAS) ay nagsabi pa: “Ang sinumang


pumunta sa isang nireregla [upang makipagtalik], o sa isang


babae [upang makipagtalik] sa puwit nito, o sa isang manghuhula


[upang magpahula], ay tumanggi ngang sumampalataya


sa ibinaba kay Muhammad.”


87 Bagamat marami sa mga


maybahay na mga may matinong kalikasan ay tumatanggi roon,


kaya nga lamang ang ilan sa mga asawa ay nagbabanta ng diborsiyo


kapag hindi sinunod. Ang iba sa kanila ay maaaring nanlilinlang


ng maybahay niya na nahihiyang magtanong sa mga may


kaalaman, kaya napapaniwala niya ito na ang gawaing ito ay ipinahihintulot.


Maaaring ipinampapatunay niya roon ang sabi ni


Allah (2:223): “Ang mga maybahay ninyo ay punlaan para


sa inyo, kaya puntahan ninyo ang punlaan ninyo sa paraang


niloob ninyo.” Nalalaman na ang Sunnah ay naglilinaw sa Qur’an.


Nasaad nga sa Sunnah dahil dito na ang Propeta (SAS) ay nagpabatid


na ipinahihintulot na makipagtalik sa maybahay sa paano


mang paraang loloobin niya: sa harapan at sa likuran, hanggat


iyon ay nasa labasan ng bata. Hindi nalilingid na ang puwit at


labasan ng dumi ay hindi ang labasan ng bata. Ang ilan sa mga


dahilan ng pagsalansang na ito ay ang pagsuong sa malinis na


86 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/479. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5865.


87 Isinalaysay ito ni at-Tirmidhí 1/234. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5918.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


47


buhay may-asawa nang may dalang mga minanang maruming


kaugaliang maka-Jáhilíyah gaya ng mga gawaing lisya na ipinagbabawal,


o alaalang puno ng mga tanawin mula sa mga mahalay


na pelikula, nang walang kalakip na pagsisisi kay Allah. Nalalaman


na ang gawaing ito ay ipinagbabawal kahit pa man pumayag


ang mag-asawa sapagkat ang pagsasang-ayunan sa bawal ay hindi


magbabago rito upang maging ipinahihintulot.


Ang Kawalang Katarungan sa mga Maybahay


Kabilang sa itinagubilin sa atin ni Allah sa Mahal na Aklat


Niya ay ang katarungan sa pagitan ng mga maybahay. Nagsabi


si Allah (4:129): “Hindi ninyo makakaya na maging makatarungan


sa mga may-bahay kahit pa magsigasig kayo, ngunit


huwag kayong kumiling nang buong pagkiling at saka hahayaan


ninyo ang iba na gaya ng nakabitin sa alanganin. Kung


gagawa kayo ng matuwid at mangingilag kayong magkasala


ay tunay na si Allah ay laging Mapagpatawad, Maawain.”


Ang katarungang hinihiling ay na maging makatarungan sa [paghahati


ng] mga pagtulog sa gabi, at na gagampanan niya sa bawat


isa ang karapatan nito sa sustento at pananamit. Ang katarungan


ay hindi sa pag-ibig ng puso dahil hindi ito napanghahawakan ng


tao. Ang iba sa mga tao, kapag nagkaroon ng higit sa isang maybahay,


ay kumikiling sa isa at ipinagwawalang-bahala ang iba.


Natutulog siya sa gabi sa piling ng isa nang higit sa iba o gumugugol


dito at pinababayaan ang iba. Ito ay ipinagbabawal. Siya


ay darating sa araw ng Pagkabuhay ayon sa kalagayang nabanggit


ang paglalarawan nito ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa


Propeta (SAS) na nagsabi: “Ang sinumang may dalawang mayMga


Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


48


bahay at kumiling siya sa isa sa kanila, darating siya sa araw ng


Pagkabuhay na ang kalahating katawan niya ay nakakiling.”


88


Ang Pakikipagsarilinan sa Babang Hindi Mahram


Ang Demonyo ay masigasig sa pagtukso sa tao at pagbubulid


sa kanila sa bawal. Dahil doon ay nagbabala sa atin si Allah sa


sinabi Niya (24:21): “O mga sumampalataya, huwag kayong


sumunod sa mga bakas ng Demonyo. Ang sinumang sumusunod


sa mga bakas ng Demonyo, tunay na siya ay nag-uutos


ng mahalay at nakasasama…” Ang Demonyo ay dumadaloy


sa [ugat ng] tao gaya ng pagdaloy ng dugo. Ang ilan sa mga daan


ng Demonyo sa pagbulid sa kahalayan ay ang pakikipagsarilinan


sa babaing hindi mahram. Dahil doon, hinarangan ng Sharí‘ah


ang daang ito gaya ng nasaad sa sabi niya (SAS): “Hindi nga


nakikipagsarilinan ang isang lalaki sa isang babae [na hindi


mahram] kung hindi ang ikatlo sa kanilang dalawa ay ang


Demonyo.”


89 Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA), ayon sa Propeta (SAS)


na nagsabi: “Wala ngang papasok na lalaki, matapos ang araw


kong ito, sa kinaroroonan ng isang babae [na wala ang asawa]


malibang may kasama siya na isang tao o dalawa.”


90


Hindi pinapayagan ang isang lalaki na makipagsarilinan sa


isang bahay o isang silid o isang sasakyan sa isang babaing hindi


mahram sa kanya, gaya ng maybahay ng kapatid niya o babaing


katulong o isang babaing pasyente kasama ng isang lalaking


doktor, at mga tulad nito. Marami sa mga tao ay nagbabalewala


sa bagay na ito; maaaring sa labis na tiwala sa sarili niya o sa iba.


88 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 2/601. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6491.


89 Isinalaysay ito ni at-Tirmidhí 3/474. Tingnan ang Mishkáh al-Masábíh 3118.


90 Isinalaysay ito ni Muslim 4/1711.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


49


Kaya naman nagbubunga iyon ng pagkasadlak sa kahalayan o sa


mga panimula nito at nadadagdagan ang trahedya ng kalituhan sa


mga tunay na kaangkanan at [ng pagsilang] ng mga anak sa labas.


Ang Pakikipagkamay sa mga Babaing Hindi Mahram


Ito ay kabilang sa mga kaugaliang panlipunan na nanaig sa


Sharí‘ah sa lipunan. Nangibabaw sa patakaran ni Allah ang kabulaanan


ng mga nakagawian ng mga tao at mga tradisyon nila. Ano


pa’t kung sakaling kakausapin mo ang isa sa kanila hinggil sa


patakaran ng Islam, ilalahad mo ang patotoo, at lilinawin mo ang


patunay ay pararatangan ka ng pagkamakaluma, pagkamasalimuot,91


paglalagot ng ugnayang pangkamag-anak at pagkamapagduda sa


mga magandang hangarin, at iba pa. Ang pakikipagkamay sa mga


pinsang babae o hipag o maybahay ng tiyuhin ay higit na madali


sa lipunan natin92 kaysa sa pag-inom ng tubig. Kung tumingin


lamang sila nang may mata ng pang-unawa sa panganib ng gawaing


ito ayon sa Sharí‘ah, hindi sana nila ginawa iyon. Nagsabi ang


Propeta (SAS): “Ang matusok sa ulo ang isa sa inyo ng isang


karayom na bakal ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa


sumaling siya ng isang babae na hindi ipinahihintulot


93 sa


kanya.”


94


Walang duda na ito ay kabilang sa pangangalunya ng kamay


gaya ng sinabi niya (SAS): “Ang mga mata ay nangangalunya,


ang mga kamay ay nangangalunya, ang mga paa ay nanga-


91 o pagkakaroon ng masamang palagay.


92 Ang tinutukoy ng may-akda ay ang lipunang Arabe.


93 Hindi maybahay o hindi mahram.


94 Isinalaysay ito ni at-Tabrání 20/212. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 4921.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


50


ngalunya at ang ari ay nangangalunya.”


95 Mayroon pa kayang


higit na malinis na puso kaysa kay Muhammad (SAS)? Ngunit


sa kabila niyon ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay hindi nakikipagkamay


sa mga babae.”


96 Nagsabi rin siya (SAS): “Tunay


na ako ay hindi sumasaling sa mga kamay ng mga babae.”


97


Ayon kay ‘Áishah (RA) na nagsabi: “Hindi, sumpa man kay Allah,


hindi nakasaling ang kamay ng Sugo ni Allah (SAS) ng kamay


ng isang babae [na hindi kaanu-ano] kailanman, ngunit tinatanggap


niya ang pagpapahayag nila ng katapatan sa pamamagitan ng


salita.”98 Siya nga, kaya mangilag magkasala kay Allah ang ilang


tao na nagbabanta ng diborsiyo sa mga matuwid na maybahay


nila kapag hindi nakipagkamay ang mga ito sa mga lalaking kapatid


nila.99 Nararapat malaman na ang paglalagay ng tabing sa


kamay at guwantes sa pakikipagkamay ay walang anumang maibubuti;


ito ay bawal pa rin sa dalawang kalagayan.100


Ang Pagpapabango ng Babae sa Paglabas ng Bahay at


Pagdaan na May Halimuyak ng Pabango sa mga Lalaki


Ito ay kabilang sa lumaganap sa panahon natin sa kabila ng


mahigpit na babala mula sa Propeta (SAS) sa sabi Niya: “Alinmang


babae na nagpabango, pagkatapos ay nagdaan sa mga


lalaki upang malanghap nila ang bango niya, siya ay nanga-


95 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 1/412. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 4126.


96 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 6/357. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 2509.


97 Isinalaysay ito ni at-Tabrání sa al-Kabír 24/342. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘


7054. Tingnan ang al-Isábah 4/354, Edisyong Dár al-Kitáb al-‘Arábí.


98 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1489.


99 Marahil ang ganitong mga pangyayari ay madalas sa bayan ng may-akda.


Hindi pa nakarinig ang tagapagsalin ng ganitong pangyayari sa Pilipinas.


100 May guwantes o walang guwantes.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


51


ngalunya.”


101 Ang ilan sa mga babae ay mayroong kawalangkamalayan


o pagsasawalang-bahala na nagtutulak sa kanya na


magbalewala sa bagay na ito sa tabi ng driver o salesman o guwardiya.


Bagkus tunay na ang Sharí‘ah ay naghigpit sa sinumang


babaing gumamit ng pabango: na maligo siya ng gaya ng ghusl


janábah kapag ninais niya na lumabas, kahit pa pupunta sa masjid.


Sinabi niya (SAS): “Alinmang babae na nagpabango, pagkatapos


ay lumabas papunta sa masjid upang malanghap ang


bango niya, hindi tatanggapin mula sa kanya ang anumang


saláh hanggang sa makapaligo siya ng ghusl janábah.”


102 Kay


Allah tayo makadaraing sa insenso at pabango sa mga kasalan


at mga party ng mga babae bago sila lumabas, sa paggamit ng


mga pabangong ito na may nanunuot na halimuyak habang nasa


mga pamilihan, nasa mga sasakyan, sa mga pagtitipong may paghahalubilo


ng mga lalaki at mga babae, at pati na sa mga masjid


lalo na sa mga gabi ng Ramadán. Nasaad sa Sharí‘ah na ang


pabango ng mga babae ay ang nakalitaw ang kulay at nakakubli


ang bango. Hinihiling natin kay Allah na huwag Niya tayong


kasuklaman, na huwag Niyang parusahan ang mga matutuwid


na lalaki at ang mga matuwid na babae dahil sa gawain ng mga


lalaking hunghang at mga babaing hunghang at na patnubayan


Niya ang lahat tungo sa tuwid na landasin Niya.


Ang Paglalakbay ng Babae na Walang Kasamang Mahram


Nasasaad sa Sahíh al-Bukhári at sa Sahíh Muslim ayon kay


Ibnu ‘Abbás (RA) na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):


101 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 6/357. Tingnan ang Sahíh al-Jámi‘ 105.


102 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/444. Tingnan ang Sahíh al-Jámi‘ 2703.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


52


Hindi maglalakbay103 ang babae malibang kasama ng mahram.”


Ito ay sumasaklaw sa lahat ng paglalakbay, pati na ang paglalakbay


para sa hajj. Ang paglalakbay niya nang walang mahram ay ikatutukso


ng mga suwail sa kanya, at maglalakas-loob silang lumapastangan


sa kanya. Siya ay mahina kaya maaaring mapanaigan


siya. Ang pinakamaliit sa mga maaaring mangyayari sa kanya ay


mapinsala ang puri niya at dangal niya. Ganoon din ang pagsakay


niya sa eroplano kahit pa may isang mahram na maghahatid sa


kanya at isang mahram na sasalubong sa kanya, gaya ng sabi raw


nila. Ngunit sino ang lulan sa tabi niya sa katabing upuan? Kung


sakaling may mangyaring mga suliranin at lumapag ang eroplano


sa ibang paliparan, o nagkaroon ng pagkaantala ng lipad o pagiiba


ng schedule, paano na ngayon? Ang mga kuwento ay marami.


Karagdagan pa rito, itinatakda sa pagiging-mahram ang apat na


kundisyon: na siya ay isang Muslim, na nasa hustong gulang,104


na matino ang pag-iisip, at isang lalaki, gaya ng sinabi niya (SAS):


“ama niya o lalaking anak niya o asawa niya o lalaking kapatid


niya o [ibang] mahram niya.” 105


Ang Sinasadyang Pagtingin sa Babaing Hindi Mahram


Nagsabi si Allah (24:30): “Sabihin mo sa mga lalaking


mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at


pangalagaan nila ang mga puri nila. Iyan ay higit na dalisay


103 Ang paglalakbay na tinutukoy rito ay ang may layo mga 80 kilometro o


higit pa, na maaari nang isagawa ang salátul musáfir o saláh ng manlalakbay.


104 Magiging báligh ang isang lalaki kapag naging ganap nang 15 gulang, o


tinubuan na ng buhok sa maselang bahagi ng katawan, o kapag may punlay


nang lumalabas sa wet dream o sa iba pang paraan.


105 Isinalaysay ito ni Muslim 2/977.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


53


para sa kanila. Tunay na si Allah ay Nakababatid sa anumang


pinaggagawa nila.” Nagsabi naman siya (SAS): “ang pangangalunya


ng mata ay ang pagtingin.” (Ibig sabihin: sa ipinagbawal


ni Allah.)106


Taliwas doon ang anumang pagtingin dahil sa pangangailangang


ipinahihintulot ng Sharí‘ah gaya ng pagtingin ng lalaking


nagbabalak magpakasal [sa babaing binabalak pakasalan] at ng


pagtingin ng doktor [dahil sa layuning medikal]. Ipinagbabawal


din sa isang babae na tumingin sa isang lalaking hindi niya mahram


nang may pagkatukso. Nagsabi Siya (24:31): “Sabihin mo sa mga


babaing mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin


nila, pangalagaan nila ang mga puri nila,” Ipinagbabawal din


ang pagtingin nang may pagnanasa sa kapwa lalaki na walang


balbas at may malababaing ganda. Ipinagbabawal na tumingin


ang lalaki sa ‘awrah ng kapwa lalaki, at ang babae sa ‘awrah ng


kapwa babae. Ang bawat bahagi ng katawan na hindi ipinahihintulot


tingnan ay hindi ipinahihintulot na hipuin, kahit pa man


mayroon nakapagitan. Kabilang sa paglalaro ng Demonyo sa ilan


sa mga tao ay ang ginagawa nila na pagtingin sa mga larawan sa


mga magasin at panonood ng mga malaswang pelikula sa katwiran


na ang mga ito ay hindi tunay. Ang bahagi ng paninira at pagpukaw


sa mga pagnanasa sa bagay na ito ay malinaw na malinaw.


Ang Pagiging Dayúth107


Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA): “May tatlong pinagkaitan ni


Allah ng Paraiso: ang sugapa sa alak, ang suwail sa magulang


at ang dayúth na sinasang-ayunan ang [paggawa ng] kalaswaan


106 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 11/26.


107 Ang taong nagsasawalang-kibo o nagpapahintulot sa kahalayang ginagawa


sa mahram niya o sa kahalayang ginagawa nito.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


54


sa mag-anak.”


108 Kabilang sa mga halimbawa ng pagiging dayúth


sa panahon natin ay ang pagwawalang-bahala sa anak na babae


o babaing kasambahay na nakikipag-phonepal sa isang lalaking


hindi niya mahram at pagsang-ayon sa pakikipagsarilinan ng isang


babaing kasambahay kasama ng isang lalaking hindi mahram.


Ganoon din ang pagpapabaya sa isa sa mga babaing kasambahay


na sumakay nang mag-isa sa sasakyan kasama ng isang hindi


mahram gaya ng driver at iba pa, at ang pagkalugod na lumabas


sila nang walang hijáb habang pinagmamasdan sila ng dumarating


at umaalis. Ganoon din ang pagpapasok sa bahay ng mga malaswang


pelikula o mga magasin na nagpapalaganap ng katiwalian


at kawalang-hiyaan.


Ang Panghuhuwad sa Pag-uugnay ng Kaangkanan ng


Bata sa Hindi Ama at ang Pagtanggi ng Lalaki sa Anak


Hindi ipinahihintulot sa Sharí‘ah para sa isang Muslim na magugnay


ng kaangkanan sa hindi niya ama, o na ianib ang sarili niya


sa isang angkan na hindi naman siya kabilang sa kanila. Ang ilan


sa mga tao ay gumagawa nito dahil sa makamundong mga hangarin.


Pinagtitibay nila ang huwad na kaangkanan sa mga opisyal


na dokumento. Ang iba sa kanila ay maaaring gumagawa niyon


dala ng pagkamuhi sa ama niya na nagpabaya sa kanya noong


siya ay bata pa. Lahat ng iyon ay bawal. Nagbubunga iyon ng


malaking mga katiwalian sa maraming larangan gaya ng pagkamahram,


pag-aasawa, pagmamana at mga tulad niyon. Nabanggit


nga sa tumpak na Hadíth ayon kay Sa‘d at Abú Bakrah (RA): “Ang


108 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/69. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 3047.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


55


sinumang nag-angkin ng hindi naman ama niya gayong siya


ay nakaaalam [sa totoo], ang Paraiso sa kanya ay bawal.” 109


Ipinagbabawal sa Sharí‘ah ang lahat ng “pangangalikot” sa


mga kaangkanan at panghuhuwad sa mga ito. Mayroon sa mga


tao na kapag sumambulat sa pakikipagbangayan niya sa maybahay


niya ay nagpaparatang dito ng pangangalunya at itinatatwa niya


ang anak niya nang walang patunay gayong ito ay anak talaga


niya. Maaari ring pagtaksilan ng isang maybahay ang tiwala sa


kanya: magdadalang-tao siya mula sa pangangalunya at ipapasok


niya sa kaangkanan ng asawa niya ang isang hindi naman mula


rito. Nasaad ang malaking banta laban doon sa isinalaysay ni Abú


Hurayrah (RA), na siya ay nakarinig sa Sugo ni Allah (SAS) na


nagsasabi noong ibinaba ang talata ng Qur’an (24:7) tungkol sa


palitan ng sumpa sa pangangalunya: “Alinmang babaing nagpasok


sa [kaangkanan ng] mga tao110 ng sinumang hindi kabilang


sa kanila, wala siyang kaugnayan kay Allah sa anumang


bagay at hindi siya papapasukin ni Allah sa Paraiso Niya. Alin


mang lalaking nagkakaila sa anak niya habang siya ay nakatingin


rito, magtatabing si Allah sa kanya111 at hihiyain siya


Nito sa harap ng mga tao ng mga sinauna at mga nahuli.”


112


Ang Ribá


Hindi nagpahayag si Allah sa Aklat Niya ng pakikidigma sa


isa man maliban sa mga nagtataguyod sa Ribá. Nagsabi si Allah


109 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 8/45.


110 Nagdalang-tao sa hindi niya asawa at pagkatapos ay pinaaangkin niya sa


asawa niya ang anak niya sa ibang lalaki sa pangangalunya.


111 Hindi niya makikita si Allah sa araw ng Pagkabuhay.


112 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 2/695. Tingnan ang Mishkáh al-Masábíh 3316.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


56


(2:278-279): “O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala


kay Allah at iwan ninyo ang anumang natira sa Ribá


kung kayo ay mga Mananampalataya. Ngunit kung hindi


ninyo gagawin, tanggapin ninyo ang pahayag ng digmaan


mula kay Allah at sa Sugo Niya.” Ito ay makasasapat na sa


paglilinaw sa karumalan ng krimen na ito para kay Allah. Sa


antas ng mga indibiduwal at mga bansa, ang nagmamasid ay


nakakikita sa saklaw ng pagkasira at pagkawasak na iniiwan ng


pagtangkilik sa Ribá gaya ng pagkabangkarota, pagtumal ng


pamilihan, pag-urong ng ekonomiya, kawalang-kakayahang sa


pagbabayad ng mga utang, pagkaparalisa ng ekonomiya, pagtaas


ng antas ng kawalan ng trabaho, pagkalugmok ng marami sa mga


mga korporasyon at mga kompanya. Ang kinikita sa pang-arawaraw


na paggawa at pawis ng trabaho ay nabubuhos sa kaban ng


pagpabayad ng hindi matapus-tapos na patubo ng usurero. Nagdudulot


ito ng malaking pagkakauri-uri sa lipunan dahil sa ang


limpak-limpak na salapi ay natitipon sa mga kamay ng iilang


tao.113 Marahil ito ay isa sa mga halimbawa ng digmaan na ibinanta


ni Allah sa mga nagtataguyod ng Ribá.


Lahat ng nakikilahok sa Ribá gaya ng mga pangunahing panig,


mga tagapamagitan at mga tumutulong na katuwang ay mga isinumpa


ayon sa sabi ni Propeta Muhammad (SAS). Ayon kay


Jábir (RA) na nagsabi: “Isinumpa ng Sugo ni Allah (SAS) ang


kumukuha ng patubo, ang nagpapakuha nito, ang nagsusulat


nito, at ang mga sumasaksi rito;” at sinabi pa niya: “Sila ay


magkatulad.”


114


Alinsunod dito, hindi ipinahihintulot na magtrabaho


sa pagsusulat ng Ribá, ni sa pagtatala nito at pagtataya


nito, ni sa pagtanggap nito at pag-aabot nito, ni sa pag-iimpok


113 Hindi tutol ang Islam sa pagyaman, subalit hindi sa pamamagitan ng Ribá.


114 Isinalaysay ito ni Muslim 3/1219.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


57


nito, ni sa pagbabantay nito. Sa kabuuan, ipinagbabawal ang


pakikilahok dito at ang pagtulong dito sa anumang paraan.


Naging masigasig ang Propeta (SAS) sa paglilinaw sa kasagwaan


ng malaking kasalanan na ito ayon sa nakasaad [sa Hadíth]


ayon kay ‘Abdullah ibnu Mas‘úd (RA): “Ang Ribá ay pitumpu’t


tatlong uri na ang pinakamagaan sa mga ito ay tulad ng pakikipagtalik


ng lalaki sa ina niya. Ang pinakamatinding Ribá ay


[gaya ng paglabag sa] dangal ng isang taong Muslim.”


115 at sa


sabi pa niya (SAS) sa nasaad ayon kay ‘Abdullah ibnu Handhalah


(RA): “Ang isang Dirham ng Ribá na kinakain ng tao, gayong


siya ay nakaaalam niyon, ay higit na matindi kaysa sa tatlumpu’t


anim na pangangalunya.”


116


Ang pagbabawal sa Ribá ay pangkalahatan: hindi nagtangi sa


pagitan ng mayaman o maralita, gaya ng inaakala ng ilan sa mga


tao, bagkus ito ay pangkalahatan sa bawat kalagayan at tao. Kay


rami nang mga mayaman at mga malalaking negosyante na


nabangkarota dahil dito. Ang reyalidad ay sumasaksi roon. Ang


pinakamaliit na maidudulot nito ay ang pagpawi sa biyaya ng


salapi, kahit pa man marami sa bilang. Nagsabi ang Propeta (SAS):


“Ang Ribá, kahit dumami pa, tunay na ang kahihinatnan nito


ay hahantong sa pangangaunti.”


117 Ang Ribá ay hindi rin natatangi


sa kung ang interes nito ay mataas o mababa, kaunti o marami.


Lahat ng ito ay bawal. Ang nagtataguyod nito ay bubuhayin sa


puntod niya sa araw ng pagkabuhay at babangon na gaya ng isang


115 Isinalaysay ito ni al-Hákim sa al-Mustadrak 2/37. Ito ay nasa Sahíh al-


Jámi‘ 3533.


116 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 5/225. Tingnan ang Sahíh al-Jámi‘ 3375.


117 Isinalaysay ito ni al-Hákim 2/37. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 3542.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


58


bumabangon na ibinubuwal ng Demonyo dahil sa pagkabaliw at


epilepsi.


Sa kabila ng kahalayan ng krimen na ito, gayon pa man si Allah


ay nagpabatid din naman ng kapatawaran dito at nilinaw Niya


ang pamamaraan niyon, yamang nagsabi Siya sa mga tagatangkilik


ng Ribá (2:279): “Kung magsisisi kayo ay ukol sa inyo


ang mga puhunan ninyo. Hindi kayo gagawa ng paglabag sa


katarungan at hindi kayo gagawan ng paglabag sa katarungan.”


Ito mismo ang katarungan.


Kinakailangang kasuklaman ng kaluluwa ng mananampalataya


ang malaking kasalanan na ito na madama niya ang kasagwaan


nito. Pati na ang mga naglalagay ng mga salapi nila sa mga bangko


na pang-Ribá dahil sa pangangailangan at pangamba para rito


na baka mawala o manakaw, nararapat sa kanila na madama nila


ang nadarama ng isang napipilitan, gaya ng napipilitang kumain


ng patay na hayop (hindi kinatay) o higit na matindi pa. Kalakip


dito ang paghingi ng tawad kay Allah at ang pagsisikap na makatagpo


ng maipapalit sa abot ng makakaya. Hindi ipinahihintulot


sa kanila na humiling sa mga bangko ng patubo. Kapag nagbigay


sa kanila ng interes sa mga account nila ay ipamimigay nila ito sa


anumang paraang pinapayagan, bilang pagwawaksi hindi bilang


kawanggawa sapagkat si Allah ay mabuti at hindi Siya tumatanggap


kung hindi mabuti. Hindi ipinahihintulot sa kanila na pakinabangan


ito sa anumang uri ng pakikinabang. Hindi ito ipambibili


ng pagkain, ni kasuutan, ni sasakyan, ni tirahan. Hindi maaaring


pangsustento na kinakailangang ibigay sa maybahay o mga anak


o ama o ina. Hindi maaaring ibigay bilang zakáh, ni pambayad


sa mga buwis. Hindi niya ipambabayad ito laban sa kawalangkatarungan


dinaranas ng sarili niya. Ipamimigay niya ito bilang


pangamba lamang sa parusa ni Allah.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


59


Ang Paglilihim ng mga Kapintasan ng Paninda at ang


Pagkukubli Nito sa Sandali ng Pagtitinda


Napadaan ang Sugo ni Allah sa isang tumpok ng pagkain.118


Ipinasok niya roon ang kamay niya at nakasalat ang mga daliri


niya ng pamamasa, kaya nagsabi siya: “Ano ito, may-ari ng


pagkain?” Nagsabi ito: “Nabasa po ng ulan, Sugo ni Allah.”


Nagsabi siya: “Bakit hindi mo inilagay ito sa ibabaw ng pagkain


upang makita ng mga tao? Ang sinumang nandaraya ay hindi


kabilang sa atin.”


119


Marami sa mga tindero sa ngayon na hindi nangangamba kay


Allah ay nagtatangkang itago ang kapintasan ng paninda sa pamamagitan


ng paglalagay ng tape, o paglalagay nito sa pinakailalim


ng kahon ng paninda, o paggamit ng mga kemikal at mga tulad


nito na nagbibigay ng magandang anyo, o naglilingid ng tunog ng


kasiraan na nasa makina [ng second hand na sasakyan] sa


unang pagkakataon kaya kapag binili ng mamimili ang paninda


hindi maglalaon at masisira sa madaling panahon. Ang iba sa


kanila ay nagpapalit ng petsa ng expiration ng paninda, o pumipigil


sa mamimili sa pagsuri sa paninda o pagsiyasat dito o pagsubok


nito.120 Marami sa mga nagtitinda ng mga sasakyan at mga


kagamitan ay hindi naglilinaw sa mga kapintasan ng mga ito. Ito


ay bawal. Nagsabi ang Propeta (SAS): “Ang Muslim ay kapatid


ng isang Muslim. Hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na


magtinda sa kapatid niya ng isang paninda na may kapintasan


malibing nilinaw niya ito roon.”


121 Ang ilan sa kanila ay nag-


118 Marahil trigo.


119 Isinalaysay ito ni Muslim 1/99.


120 Kung maaari namang subukin.


121 Isinalaysay ito ni Ibnu Májah 2/754. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 6705.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


60


aakala na siya ay nag-aalis ng pananagutan niya kapag sinabi niya


sa mamimili sa isang open bidding, halimbawa: “Bili na kayo ng


isang bunton ng bakal, isang bunton ng bakal.”122 Ang ganitong


pagtitinda niya ay naalisan ng pagpapala gaya nga ng sinabi niya


(SAS): “Ang mga nagbibilihan ay makapipili hanggang sa


maghiwalay. Kaya kung nagtapatan sila at naglinawan sila,


pagpapalain sila sa pagbibilihan nila; kung nagsinungaling sila


at naglihim, papawiin ang pagpapala ng pagbibilihan nila.”


123


Ang Pakunwaring Pagpapataas ng Halaga


Ito ay ang pagdadagdag ng isang tao sa halaga ng paninda,


gayong hindi niya naman ninanais na bilhin ito upang linlangin


ang iba at maudyukan ito na magdagdag din sa presyo. Nagsabi ang


Sugo (SAS): “Huwag kayong pakunwaring magpataasan ng


halaga.”


124 Ito ay isang uri ng panlilinlang, walang duda. Nagsabi


ang Sugo (SAS): “Ang pagpapakana at ang panlilinlang ay


[ikapapasok] sa Impiyerno.”


125 Marami sa mga middleman sa


mga subastahan, mga public bidding at mga tindahan ng secondhand


na kotse ay kumikita sa paraang masama dahil sa maraming


ipinagbabawal na ginagawa nila. Kabilang sa mga ito ang sabwatan


nila sa pagtitinda na may pakunwaring pagpapataas ng


halaga, ang pandaraya at ang panlilinlang sa mamimili o duma-


122 Ang talagang ipinagbibili niya ay isang lumang kotse. Ito ay para nga naman


kapag hindi umandar ang naturang kotse o palaging nasisira ay hindi siya masisisi


sa pagtitinda ng siraing kotse dahil ang sinabi naman niya noong ipinagbibili


ito ay “isang bunton ng bakal” at hindi isang “siraing kotse.”


123 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 4/328.


124 Ang orihinal na salitang ginamit dito ay tanájashú, na ang literal na kahulugan


ay: binili ng iba sa kanila ang paninda matapos bilhin ng iba pa kalakip


ng nagkakasunud-sunod na pagdagdag sa halaga sa tuwing bibili. Isinalaysay


ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 10/484.


125 Tingnan ang Silsilah al-Ahádíth as-Sahíhah 1057.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


61


rating na magbebenta. Nagsasabwatan sila sa pagpapababa sa


halaga ng paninda nito. Samantala, kung sakaling ang paninda


ay sa kanila o sa isa sa kanila, ginagawa ang kabaliktaran niyon.


Nakikihalo sila sa mga mamimili126 at tinataasan nila ang mga


halaga sa public bidding. Nililinlang nila at pinipinsala ang mga


lingkod ni Allah.


Ang Pagtitinda Matapos ang Ikalawang Adhán ng


Jumu‘ah


Nagsabi si Allah (62:9): “O mga sumampalataya, kapag


nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magdalidali


kayo sa pag-alaala kay Allah at iwan ninyo ang pagtitinda.


Iyon ay higit na mabuti para sa inyo, kung kayo ay


nakaaalam.” Ang ilan sa mga tindero ay nagpapatuloy sa pagtitinda


matapos ang ikalawang adhán sa mga shop nila o sa harap ng


mga masjid. Nakikilahok sa kanila sa kasalanan ang mga bumibili


sa kanila kahit pa siwák lamang. Ang pagtitindang ito ay walangkabuluhan


ayon sa pinakamatimbang na pahayag. Ang ilan sa mga


may-ari ng mga restawran, mga panaderya at mga pagawaan ay


namimilit sa mga manggagawa nila na magtrabaho sa oras ng saláh


sa Jumu‘ah. Ang mga taong ito, kahit pa man mukhang nadadagdagan


ang tubo nila, sa katotohanan ay nadadagdagan lamang ng


pagkalugi. Tungkol naman sa manggagawa, siya ay kailangang


kumilos ayon sa hinihiling ng sinabi niya (SAS): “Walang pagtalima


sa isang tao kapalit ng pagsuway kay Allah.” 127


Ang Pagsusugal at ang Pagpusta


126 Upang makapagpanggap na sila ay mga mamimili rin.


127 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 1/129. Sinabi ni Ahmad Shákir na ang isnad


nito ay tumpak, bilang 1095. [Ang pinagmulan ng Hádíth ay nasa Sahíh al-


Bukhárí at Sahíh Muslim.(z)]


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


62


Nagsabi si Allah (5:90): “O mga sumampalataya, ang alak,


ang pagpusta, ang mga dambana, at ang pagsasapalaran sa


pamamagitan mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang


na kabilang sa gawain ng Demonyo. Kaya iwaksi ninyo ito,


nang harinawa kayo ay magtagumpay.”


Ang mga Arabe noong panahon ng Jáhilíyah ay nakikilahok


sa pustahan. Kabilang sa pinakatanyag sa mga anyo nito sa kanila


ay ganito: nag-aambag nang pantay-pantay ang sampung tao sa


pagbili ng isang kamelyo, pagkatapos ay naghahagis sila ng mga


palaso, na isang uri ng palabunutan. Ang pitong tao ay tatanggap


ng magkakaibang parte ng kamelyo na itinakda ayon sa nakaugalian


nila samantalang ang tatlo ay walang makukuhang anuman.


Sa panahon natin, ang pagpusta ay may iba’t ibang anyo na


ang ilan ay ang sumusunod:


Ang kilala sa tawag na lottery. Mayroon itong maraming anyo


at kabilang sa pinakasimple sa mga ito ay ang pagbili ng raffle


number na bobolahin. Ang unang nagwagi ay bibigyan ng premyo


at ang ikalawang nagwagi at gayon din sa ilang premyo na maaaring


nagkakaiba. Ito ay bawal kahit pa man tinatawag nila ito


na pangkawanggawa raw.


Ang pagbili ng isang paninda na sa loob nito ay may sorpresang


premyo, o ang pagbibigay ng numero sa pagbili ng isang


paninda, na bobolahin upang itakda ang mga magwawagi ng mga


papremyo.128


128 Ang gawain ay hinuhusgahan ayon sa layunin. Kung ang layunin ng pagbili


ng isang paninda ay para sa premyo, ito ay isang uri ng sugal.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


63


Kabilang din sa mga anyo ng pagpusta sa panahon natin ay ang


mga kontrata ng pagsesegurong komersiyal:129 seguro sa buhay


(life insurance), seguro sa sasakyan (vehicle insurance), seguro sa


paninda (commercial property insurance), seguro laban sa sunog


(insurance against fire), komprehensibong seguro (comprehensive


insurance), seguro sa kapinsalaan sa iba (third party insurance),


at iba pang sarisaring anyo, na pati ang ilan sa mga mang-aawit


ay nagpaseguro pa ng mga boses nila.130


Ito at ang lahat ng uri ng pakikipagsugal ay napaloloob sa


pagpusta. Nagkaroon na sa panahon natin ngayon ng mga club na


laan sa pagsusugal na sa loob nito ay mayroong kilala sa tawag


na green table na laan sa pagkamal ng malaking pagkakasala na


ito. Ganoon din ang nangyayari sa mga pustahan sa mga sagupaan


ng football at anumang nakawawangis nito.131 Ito rin ay isa sa mga


uri ng sugal. Matatagpuan din sa ilan sa mga sport magazine at


mga recreation center ang mga uri ng mga laro na naglalaman


ng ideya ng pagpusta gaya ng tinatawag nila na flippers.132


Ang mga patimpalak at ang mga paligsahan ay tatlong uri:


129 Commercial Insurance Contracts o Policies. Marahil ang tinutukoy ng mayakda


ng salitang komersiyal ay ang serbisyong inaalok ng mga private insurance


company na taliwas sa government backed security sytems na gaya ng Social


Security System at Government Social Insurance System, na sa ayaw at sa gusto


ng isang empleyado ay kailangang magkaroon siya.


130 Hinggil sa kahatulan sa Pagseseguro at sa Pamalit na Islamiko rito, sumangguni


sa mga isyu bilang 17, 19 at 20 ng Majallah al-Buhúth al-Islámíyah (Islamic


Research Magazine) na inilalathala ng a-Ri’ásah al-‘Ámmah li Idárah al-Buhúth


al-‘Ilmíyah (Ang Pangkalahatang Panguluhan Para sa Pangangasiwa sa mga


Pananaliksik Iskolastiko).


131 Basketball sa Pilipinas.


132 Marahil ang tinutukoy ng may-akda ay ang mga slot machine.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao


64


1. Ang anumang may layunin na legal sa Sharí‘ah. Ito ay ipinahihintulot


na may gantimpala o walang gantimpala, gaya ng


karera ng kamelyo o kabayo,133 archery, target shooting at


iba pa. Kabilang din dito ang patimpalak sa kaalamang pang-


Islam gaya ng pagsasaulo ng Qur’an, ayon sa matimbang na


pahayag.


2. Ang anumang ipinahihintulot naman talaga gaya ng mga sagupaan


ng football at mga paligsahan sa pagtakbo, na dalisay sa


mga ipinagbabawal gaya ng pagpapabaya sa mga saláh at pagaalis


ng takip sa mga ‘awrah. Ang mga ito ay ipinahihintulot


nang walang pustahan.


3. Ang anumang ipinagbabawal talaga o humahantong sa bawal


gaya ng mga paligsahan sa katiwalian na tinatawag na mga


beauty pageant, o mga sagupaan ng boxing na may kasamang


pagsuntok sa mukha − ito ay bawal − o ang idinadaos na


suwagan ng mga kambing o sabong134 at mga tulad nito.135


Ang Pagnanakaw


Nagsabi si Allah (5:38): “Ang lalaking magnanakaw at ang


babaing magnanakaw ay putulin ninyo ang mga kamay nila


bilang ganti sa nagawa nila, bilang isang kaparusahang nagsisilbing


aral mula kay Allah. Si Allah ay Makapangyarihan,


Marunong.” Kabilang sa pinakamabigat sa mga krimen ng pag-


133 Sa Pilipinas, walang karera ng kabayo na hindi sangkot ang sugal.


134 Kasama na rito ang suwagan ng kalabaw sa Pilipinas, bullfighting sa mga


bansang nagsasalita ng Espanyol at anumang laro na pinag-aaway o pinagtutungali


ang mga hayop.


135 Ito ang buod ng pakikipagtalakayan na isinagawa kasama ni Shaykh


‘Abdulmuhsin az-Zámil, pangalagaan siya ni Allah, sa isang paksa. Harinawa


siya ay magsulat tungkol dito ng isang hiwalay na pananaliksik.


Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG