Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
بسم الله الرحمن الرحيم
Mga Ipinagbabawal
na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
Sa ngalan ni Allah, ang papuri ay ukol kay Allah. Basbasan ni
Allah at pangalagaan ang Sugo Niya, ang mag-anak niya, ang mga
Kasamahan niya at ang sinumang napatnubayan ng patnubay niya.
Napag-alaman ko ang aklat na tinipon ni Shaykh Muhammad
ibnu Sálih alMunajjid, gabayan nawa siya ni Allah, na may
pamagat na Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga
Tao na Kinakailangang Mag-ingat sa mga Iyon. Nakita ko ito na
isang may-halagang aklat na marami ang pakinabang. Hinusayan
ito ng may-akda at nakapagdulot ng pakinabang. Kaya gantimpalaan
nawa siya ni Allah, dagdagan nawa siya ng kapaki-pakinabang
na kaalaman at matuwid na gawain, makinabang nawa ang
mga Muslim sa aklat niyang ito at iba pang mga akda niya; tunay
na Siya ay Mapagkaloob, Mapagbigay. Alinsunod sa kahilingan,
ang pagkatig na ito ay isinulat. Pagpalain ni Allah at pangalagaan
ang Propeta natin na si Muhammad, ang mag-anak niya at ang
mga Kasamahan niya.
Isinulat noong 9/11/1414 H (Pebrero 22, 1994).
‘Abdul‘azíz ibnu ‘Abdulláh ibnu Báz
Pangkalahatang Mufti ng Kaharian ng Saudi Arabia
Pangulo ng Lupon ng Nakatataas na mga Pantas
at ng Mga Pangasiwaan ng Iskolastikong
Pagsasaliksik at Pagbibigay ng Fatwá
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
6
Panimula
Tunay na ang papuri ay ukol kay Allah. Nagpupuri tayo sa
Kanya, nagpapatulong tayo sa Kanya at humingi tayo ng tawad
sa Kanya. Nagpapakupkop tayo kay Allah laban mga kasamaan
ng mga sarili natin at laban sa masasama sa mga gawain natin.
Ang sinumang pinapatnubayan ni Allah ay walang magliligaw sa
kanya, at ang sinumang pinaligaw ni Allah ay walang magpapatnubay
sa kanya. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah:
nag-iisa Siya, walang katambal; at sumasaksi ako na si Muhammad
ay Lingkod Niya at Sugo Niya.
Tunay na si Allah − pagkataas-taas Niya at kaluwalhatian sa
Kanya − ay nagsatungkulin ng mga tungkulin na hindi ipinahihintulot
na ipagwalang-bahala ang mga ito, nagtakda ng mga
hangganan na hindi ipinahihintulot ang paglampas sa mga ito,
at nagbawal ng mga bagay na hindi ipinahihintulot ang paglabag
sa mga ito. Nagsabi ang Propeta (SAS):1 “Ang anumang ipinahintulot
ni Allah sa Aklat Niya, iyon ay ipinahihintulot. Ang
anumang ipinagbawal Niya, iyon ay bawal. Sa anumang nanahimik
Siya, ito ay isang kaluwagan kaya tanggapin ninyo mula
kay Allah ang kaluwagan sapagkat tunay na si Allah ay hindi
naging malilimutin, at binigkas niya ang talata na ito (19:64):2
Ang Panginoon mo ay laging hindi malilimutin”3
1 (SAS): Salla lláhu
‘Alayhi wa Sallam: Basbasan siya ni Alláh at pangalagaan.
Sinasabi ito kapag binanggit ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad
(SAS) o kapag tinutukoy siya.
2 Ang mga Salita ni Allah at ang mga salita ng Sugo (SAS) na sinipi sa aklat na
ito ay mga salin lamang sa Tagalog ng nasasaad sa Qur’an o Hadíth, ayon sa
kakayahan ng Tagapagsalin. Ang mga talata ng Qur’an ay isinulat sa mga titik na
bold at ang mga salita ng Propeta (SAS) ay isinulat sa mga titik na italic bold.
3 Isinalaysay ito ni alHákim (2/375) at pinagtibay ito ni al’Albání na hadíth na
hasan sa Gháyah alMarám, p. 14.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
7
Ang mga ipinagbabawal ay ang mga hangganan ni Allah −
kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan (2:187): “Iyon ay mga
hangganan ni Allah, kaya huwag ninyong lapitan ang mga
ito.” Pinagbantaan na ni Allah ang sinumang lalampas sa mga
hangganan Niya at lalabag sa mga ipinagbabawal Niya, yamang
sinabi Niya − kaluwalhatian sa Kanya (4:14): “Ang sinumang
sumusuway kay Allah at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga
hangganan Niya, papapasukin Niya siya sa Apoy upang mamalagi
roon at ukol sa kanya ay isang pagdurusang nakahihiya.”
Ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal ay kinakailangan alinsunod
sa sinabi niya (SAS): “Ang anumang ipinagbawal ko sa
inyo ay iwasan ninyo iyon, at ang anumang ipinag-utos ko sa
inyo ay gawin ninyo sa abot ng makakaya ninyo.”
4
Nasasaksihan sa ngayon na ang ilan sa mga sumusunod sa nasa,
na mahihina ang mga kaluluwa, na mga kakaunti ang kaalaman,
kapag nakarinig nang sunud-sunod tungkol sa mga ipinagbabawal,
ay naiinis at nagmamaktol at nagsasabi: “Lahat na lang bawal.
Wala na kayong hindi ipinagbawal. Ginawa ninyong nakasasawa
ang buhay namin. Ginawa ninyong nakaiinis ang pamumuhay
namin. Pinasikip ninyo ang mga dibdib namin. Wala na kayong
alam kundi bawal at pagbabawal. Ang relihiyon ay kaginhawahan.
Maluwag ang usapin. Si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.”
Sa pakikipagtalakayan sa mga ito ay sasabihin natin:
Tunay na si Allah − kapita-pitagan Siya at kataas-taasan − ay
humahatol ng ayon sa niloloob Niya. Walang makatututol sa hatol
Niya, yamang Siya ang Marunong, ang Nakababatid. Siya ay
4 Isinalaysay ito ni Imám Muslim: Kitáb al-Fadá’il, Hadíth bilang 130, Edisyong
‘Abdulbáqí.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
8
nagpapahintulot sa anumang niloloob Niya at nagbabawal sa ano
mang niloob Niya. Ilan sa mga patakaran ng pagkaalipin natin kay
Allah ay na nalulugod tayo sa anumang hinatol Niya at nagpapasakop
nang buong pagpapasakop.
Ang mga kahatulan Niya ay namumutawi sa kaalaman Niya,
karunungan Niya at katarungan Niya. Hindi ito isang kawalangkabuluhan
ni isang laro, gaya nga ng sinabi ni Allah (6:115):
“Nalubos ang Salita ng Panginoon mo sa katapatan at katarungan.
Walang makapagpapalit sa mga Salita Niya. Siya ay
ang Nakaririnig, ang Maalam.”
Nilinaw Niya sa atin ang panuntunan na kinasasalalayan ng
pagpapahintulot at pagbabawal. Sinabi Niya (7:157): “ipahihintulot
Niya sa kanila ang mga nakabubuti at ipagbabawal sa
kanila ang mga nakasasama,” Samakatuwid ang nakabubuti
ay ipinahihintulot at ang nakasasama ay bawal. Ang pagpapahintulot
at ang pagbabawal5 ay karapatan ni Allah lamang. Kaya
ang sinumang mag-angkin niyon o kilalanin iyon para sa iba sa
Kanya, siya ay isang Káfir na may napakalaking Kufr6 na nakapagtitiwalag
sa Relihiyon (42:21): “O mayroon ba silang mga
katambal kay Allah na nagsabatas para sa kanila ng bahagi
ng relihiyon, bagay na hindi ipinahintulot ni Allah?”
At saka, tunay na hindi pinapayagan ang isa man na magsalita
tungkol sa ipinahihintulot at bawal maliban sa mga may kaalaman
na nakaaalam sa Qur’an at Sunnah. Nabanggit nga ang matinding
babala sa sinumang nagpapahintulot at nagbabawal nang walang
5 Ang pagpapahintulot at pagbabawal na tinutukoy sa aklat na ito ay ang ano
mang patakaran na saklaw ng kalooban ni Allah.
6 Ang Káfir ay tumatangging sumampalataya at ang Kufr ay ang pagtangging
sumampalataya o kawalang-pananampalataya.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
9
kaalaman. Nagsabi si Allah (16:116): “Huwag kayong magsabi
ng tungkol sa inilalarawan ng mga dila ninyo na kasinungalingan:
Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal, upang
gumawa-gawa kayo tungkol kay Allah ng kasinungalingan.”
Ang mga napagkasunduang ipinagbabawal ay nasaad sa Qur’an
at sa Sunnah gaya ng sabi Niya − pagkataas-taas Niya (6:151):
“Sabihin mo: “Halikayo, bibigkasin ko ang ipinagbawal ng
Panginoon ninyo sa inyo: huwag kayong magtambal sa Kanya
ng anuman; maging mabuti sa mga magulang; huwag ninyong
patayin ang mga anak ninyo dahil sa kahirapan:”
Sa Sunnah ay gayon din; nabanggit ang marami sa mga ipinagbabawal,
gaya sabi niya (SAS): “Tunay na si Allah ay nagbawal
sa pagtitinda ng alak, maytah,7 baboy at mga rebulto.”
8
Ang sabi pa niya (SAS): “Tunay na si Allah, kapag nagbawal
Siya ng isang bagay, ipinagbabawal Niya rin ang halaga nito.”
9
Maaaring nasaad sa ilan sa mga teksto [ng Qur’an at Sunnah]
ang pagkabanggit sa mga ipinagbabawal na nauukol sa isang uri
o mga partikular na uri, tulad ng pagkabanggit ni Allah sa mga
ipinagbabawal sa mga pagkain yamang sinabi Niya (5:3): “Ipinagbawal
sa inyo ang namatay bago nakatay, ang dugo, ang laman
ng baboy, ang anumang inihandog sa iba pa kay Allah, ang
nasakal, ang hinambalos, ang nalaglag, ang sinuwag, ang
anumang kinainan ng mabangis na hayop maliban sa nakatay
7 Ang hayop na namatay hindi dahil sa pagkatay bagkus ay dahil sa sakit o sakuna o
maging ano pa mang kadahilanan. Hindi na ito maaaring katayin at kainin.
8 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 3486 sa Sahíh Abú Dáwud 977. [Muttafaq
‘Alayhi o Napagkaisahan ang katumpakan (z)].
9 Isinalaysay ito ni ad-Dáraqutní 3/7. Ito ay Hadíth Sahíh.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
10
ninyo bago namatay, ang inialay sa mga dambana, at ang
pagsasapalaran sa pamamagitan ng mga tagdan10 ng palaso.”
Binanggit Niya rin ang mga ipinagbabawal sa pag-aasawa
yamang sinabi Niya (4:23): “Ipinagbawal sa inyo na mapangasawa
ang mga ina ninyo, ang mga babaing anak ninyo,
ang mga babaing kapatid ninyo, ang mga tiyahin ninyo sa
ama, ang mga tiyahin ninyo sa ina, ang mga babaing anak
ng lalaking kapatid ninyo, ang mga babaing anak ng babaing
kapatid ninyo, ang mga ina ninyo na nagpasuso sa inyo; ang
mga babaing kapatid ninyo sa pagpapasuso, ang mga ina ng
mga maybahay ninyo;”
Binanggit Niya rin ang mga ipinagbabawal sa mga pinagkakakitaan
yamang sinabi Niya (2:275): “Ipinahintulot ni Allah
ang pag-titinda at ipinagbawal Niya ang ribá.”
At saka, tunay na si Allah ay ang Maawain sa mga lingkod
Niya; nagpahintulot Siya sa atin ng mga nakabubuti na hindi
mabibilang ang dami at sarisaring uri. Dahil doon, hindi Niya
puspusang isinaysay ang mga pinapayagan dahil ang mga ito ay
marami, hindi mabibilang. Puspusang isinaysay lamang Niya ang
mga ipinagbabawal dahil sa pagiging limitado ng mga ito at nang
sa gayon ay malaman natin ang mga ito upang maiwasan natin
ang mga ito. Sinabi Niya (6:119): “samantalang puspusang
nilinaw na Niya sa inyo ang ipinagbawal Niya sa inyo, maliban
doon sa napilitan kayo?” Tungkol naman sa ipinahihintulot,
pinayagan Niya ito sa kabuuan habang ito ay nakabubuti, yamang
sinabi Niya (2:138): “O mga tao, kumain kayo mula sa anumang
nasa lupa ng ipinahihintulot na nakabubuti”
10 Ang patpat ng palaso hindi kasama ang ulo at buntot nito.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
11
Samakatuwid, bahagi ng awa Niya na ginawa Niya na ang
pangunahing panuntunan kaugnay sa mga bagay ay ang pagpapahintulot
malibang mapatutunayan ng patunay ang pagbabawal.
Ito ay bahagi ng pagkamapagkaloob Niya − kaluwalhatian sa
Kanya − at pagbibigay-luwag Niya sa mga lingkod Niya. Kaya
naman tungkulin natin ang tumalima, magpuri at magpasalamat.
Ang ilan sa mga tao, kapag nakita nila ang ipinagbabawal na
iniisa-isa sa kanila at dinidetalye, naninikip ang mga dibdib nila
sa mga patakaran ng Sharí‘ah. Ito ay bahagi ng kahinaan ng pananampalataya
nila at kasalatan ng pagkaunawa nila sa Sharí‘ah.
Ninanais kaya ng mga ito na isa-isahin sa kanila ang mga klase
ng ipinahihintulot nang sa gayon ay mahimok sila na ang Islam
ay madali? Ninanais ba nila na masusing ilahad sa kanila ang mga
uri ng mga nakabubuti nang sa gayon ay mapanatag sila na ang
Sharí‘ah ay hindi bumubulabog sa kanila sa pamumuhay nila?
Ninanais ba nila na sabihing ang kinatay [alinsunod sa Islam]
na karne mula sa mga kamelyo, mga baka, mga tupa, mga kuneho,
mga gazelle, mga kambing, mga manok, mga kalapati, mga pato,
mga gansa, mga ostrich ay ipinahihintulot, at na ang patay11 na
balang at isda ay ipinahihintulot? Na ang mga gulay, ang mga
gulayin, ang mga prutas, at ang iba pang mga butil at mga bungang
napakikinabangan ay ipinahihintulot? Na ang tubig, ang gatas,
ang pulut-pukyutan, ang mantika at ang suka ay ipinahihintulot?
Ang asin, ang mga pampalasa at ang mga rekado ay ipinahihintulot?
Na ang paggamit ng kahoy, bakal, buhangin, bato, plastik,
salamin at goma ay ipinahihintulot. Ang pagsakay sa mga hayop,
mga kotse, mga tren, mga barko, mga eroplano ay ipinahihintulot.
Na ang paggamit ng mga air conditioner, mga refrigerator, mga
11 Patay na nang nahuli, o hindi sumailalim sa pagkatay na itinakda ng Islam.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
12
washing machine, mga drier, mga grinder, mga kneader, mga
meat grinder, mga squezer at iba pang mga kasangkapan ng
medisina, inhenyera, pagtutuos, pagmamatyag, astronomiya, konstraksyon,
paghango ng tubig, langis at mga metal; ang teknolohiya,
ang pagdadalisay ng tubig; ang pag-imprenta; at ang mga
computer ay ipinahihintulot. Na ang pagsusuot ng yari sa cotton,
linen, lana, balahibo, buhok ng kamelyo, balat na pinapayagan,
nylon at polyster ay ipinahi-hintulot. Na ang pangunahing panuntunan
kaugnay sa pag-aasawa, pagtitinda, pagbili, paggarantiya,
paglilipat ng pera, pagpapaupa, mga propesyon, mga trabaho gaya
ng pagkakarpentero, pagpapanday, pagkukumpuni ng mga kagamitan
at ang pagpapastol ay ipinahihintulot.
Maaari kaya na humantong tayo sa isang punto kapag ninais
natin na ipagpatuloy ang pagbilang at ang pag-isa-isa? Kaya
ano ba ang mayroon ang mga taong ito na hindi halos sila
nakauunawa ng salita.12
Tungkol naman sa pagdadahilan nila na ang Relihiyon ay
kaginhawahan, ito ay isang katotohanan ngunit nilalayon nila sa
pamamagitan nito ay kabulaanan. Ang pagkaunawa sa kaginhawahan
sa relihiyong ito ay hindi alinsunod sa mga ninanasa ng
mga tao at mga pananaw nila, bagkus alinsunod lamang sa inihatid
ng Sharí‘ah. Ang pagkakaiba ay malaki sa pagitan ng paglabag sa
mga ipinagbabawal sa pamamagitan ng bulaang pagdadahilan na
ang relihiyon ay kaginhawahan − at ito ay kaginhawahan, walang
duda − at sa pagitan ng pagkuha ng kapahintulutang ayon sa
Sharí‘ah gaya ng pagsasama [ng mga saláh], pagpapaikli [ng saláh]
at paghinto sa pag-aayuno sa panahon ng paglalakbay; pagpupunas
sa sapatos at medyas [kapalit ng paghuhugas sa paa] sa loob
12 Qur'an 4:78.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
13
ng isang araw kalakip ng gabi nito para sa nananatili13 at tatlong
araw kalakip ng mga gabi ng mga ito para sa naglalakbay; pagsasagawa
ng tayammum sa pangamba [na makasasama] ang paggamit
ng tubig; pagsasama ng dalawang saláh para sa maysakit at
kapag bumuhos ang ulan; pagpapahintulot sa pagtingin sa babae
na hindi mahram para sa isang naglalayong mag-asawa; pagpili
sa pambayad-sala sa paglabag sa sinumpaan sa pagitan ng pagpapalaya
ng alipin o pagpapakain at pagpapadamit [sa dukha];
pagkain ng hayop na maytah14 dahil napilitan; at iba pang mga
kapahintulutan at mga pagpapaluwag ayon sa Sharí‘ah.
Karagdagan sa naunang nabanggit, nararapat na malaman ng
isang Muslim na sa pagbabawal ng mga ipinagbabawal ay mayroong
mga katwiran gaya ng sumusunod: na si Allah ay sumusubok
sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng mga ipinagbabawal na
ito upang makita kung papaano silang gumagawa. Kabilang din
sa mga kadahilanan ng pagkakabukod ng mga maninirahan sa
Paraiso sa mga maninirahan sa Impiyerno ay ang mga maninirahan
sa Impiyerno ay nagpakalubog na sa mga hilig ng laman
na pumapalibot sa Impiyerno samantalang ang mga maninirahan
sa Paraiso ay nagtiis sa mga nakasusuklam na bagay na pumapalibot
sa Paraiso. Kung hindi sa pagsubok na ito, hindi mahahalata
ang sumusuway sa tumatalima. Ang mga may pananampalataya
ay tumitingin sa hirap ng tungkulin nang may mata ng paghahangad
sa gantimpala at pagsunod sa utos ni Allah upang makamit
ang pagkalugod Niya, kaya naman lumiliit sa kanila ang hirap.
Ang mga may pagkukunwari ay tumitingin sa hirap ng tungkulin
nang may mata ng [nagdurusa sa] sakit, hapdi at pagkakait, kaya
naman ang bigat sa kanila ay matindi at ang pagtalima ay mahirap.
13 Hindi naglalakbay at nananatili sa pook na tinitirahan.
14 Tingnan ang talababa bilang 6.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
14
Sa pag-iwan ng mga ipinagbabawal ay nakadarama ang tumatalima
ng tamis: ang sinumang mag-iwan ng isang bagay alangalang
kay Allah, tutumbasan siya ni Allah ng mabuti kaysa roon
at makatatagpo siya ng sarap ng pananampalataya sa puso niya.
Sa mensahe na ito ay makatatagpo ang mambabasa ng ilang
bilang ng mga ipinagbabawal na napagtibay ang pagbabawal ng
mga iyon sa Sharí‘ah, kalakip ng paglilinaw sa mga patunay ng
pagbabawal mula sa Qur’an at Sunnah.15 Ang mga ipinagbabawal
na ito ay kabilang sa naging palasak ang paggawa niyon at
lumaganap ang pagsasagawa niyon sa gitna ng marami sa mga
Muslim. Sa pagbanggit ng mga ito ay ninais ko ang paglilinaw at
ang pagpapayo. Hinihiling ko kay Allah para sa akin at para sa mga
kapatid kong Muslim ang patnubay, ang gabay at ang paghinto
[sa paglampas] sa mga hangganan Niya − kaluwalhatian sa Kanya,
at na paiwasin Niya tayo sa mga ipinagbabawal at ipagsanggalang
Niya tayo sa masasama. Si Allah ay pinakamabuti na nangangalaga
at Siya ay pinakamaawain sa mga naaawa.16
Ang Pagtatambal (Shirk) kay Allah
Ito ang pinakamalaki sa mga ipinagbabawal, walang pasubali,
batay sa Hadíth ayon kay Abú Bakrah, na nagsabi: “Nagsabi nang
15 Sumulat ang ilan sa mga maalam tungkol sa mga ipinagbabawal o tungkol sa
ilan sa mga uri ng mga ito gaya ng mga malaking kasalanan. Isa sa mga mahusay
na aklat sa paksa ng mga ipinagbabawal ay ang aklat na Tanbíh al-Gháfilín ‘an
A‘mál al-Jáhilín (Pagtatawag-pansin sa mga Nalilingat laban sa mga Gawain
ng mga Mangmang) ni Ibnu an-Nuhás ad-Dimashqí, kaawaan siya ni Allah.
16 Isinagawa ang pagrerepaso ng akda na ito (sa orihinal na Arabe) ng ilang
marangal na tao, panaganahin nawa ni Allah ang gantimpala sa kanila, sa
pangunguna ng Kanyang Kabunyian Shaykh ‘Abdul‘azíz ibnu Báz, kaawaan
nawa siya ni Allah. Inilagay ko ang mga komentaryo niya sa talababa, na
ipinahihiwatig sa pamamgitan ng tiktik “z” sa pagitan ng mga panaklong (z).
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
15
makatatlo ang Sugo ni Allah (SAS): Ipababatid ko ba sa inyo
ang pinakamalaki sa malalaking mga kasalanan? Sinabi namin:
Opo, o Sugo ni Allah. Sinabi niya: Ang pagtatambal kay Allah.”17
Bawat pagkakasala ay maaaring patawarin ni Allah maliban sa
Shirk, kaya kailangan para rito ang isang takdang pagsisisi. Sinabi
ni Allah (4:48): “Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad
na tambalan Siya ngunit magpapatawad Siya sa anumang
mababa pa roon sa kaninumang loloobin Niya.”
Ang Shirk ay may bahagi na napakalaki na nagtitiwalag sa tao
sa pananampalatayang Islam, na ang nakagagawa nito ay mananatili
sa Impiyerno kung namatay sa kalagayang iyon.
Kabilang sa mga anyo ng laganap na Shirk na ito sa marami
sa mga bayang Muslim ay ang sumusunod:
Ang Pagsamba sa mga Libingan
Kasama rito ang paniniwala na ang mga patay na walí (awliyá’)
ay nakatutugon sa mga pangangailangan at pumapawi ng mga
dalamhati, ang pagpapatulong sa kanila at ang pagpapasaklolo sa
kanila, samantalang si Allah ay nagsasabi (17:23): “Itinadhana ng
Panginoon mo na hindi kayo sasamba kundi sa Kanya” Gayon
din ang pagdalangin sa mga patay na gaya ng mga propeta, mga
matuwid na tao at iba pa para sa pamamagitan o pagligtas sa mga
kagipitan, samantalang si Allah ay nagsasabi (27:62): “Mainam ba
Siya na tumutugon sa nagigipit − kapag nanalangin ito sa
Kanya − nag-aalis ng masama at gumagawa sa inyo na mga
kinatawan sa lupa? Mayroon bang isang diyos kasama ni
Allah?” Ginawa ng ilan sa kanila na ugali at gawi ang pagbanggit
sa pangalan ng isang Shaykh o Walí kung tatayo at kung uupo
17 Muttafaq ‘Alayhi, al-Bukhárí, bilang 2511, Edisyong al-Baghá
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
16
at kung matitisod.18 Sa tuwing malalagay sa alanganin o kapahamakan
o dalamhati, ang iba ay nagsasabi: O Muhammad, ang iba
naman ay nagsasabi: O ‘Alí, ang iba pa ay nagsasabi: O Hasan,
ang iba ay nagsasabi: O Badawí, ang iba ay nagsasabi: O Jílání,
ang iba naman ay nagsasabi: O Shádhilí, ang iba pa ay nagsasabi:
O Rifá‘í; ang iba ay dumadalangin kay al-‘Aydarús, ang iba pa
ay dumadalangin kay Sayyidah Zaynab, ang iba naman ay dumadalangin
kay Ibnu ‘Alwán, samantalang si Allah ay nagsasabi
(7:194): “Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa
kay Allah ay mga lingkod na mga tulad ninyo.”
Ang ilan sa mga mananamba ng mga libingan19 ay nagsasagawa
ng tawáf sa palibot ng mga libingan at humihipo sa mga
haligi ng mga ito. Pinupunasan nila ang mga ito at hinahalikan
ang mga bungad nito. Dinudumihan nila ang mga mukha nila ng
alikabok ng mga ito. Nagpapatirapa sila sa harap ng mga libingan
kapag nakita nila ang mga ito. Tumatayo sila sa harap ng mga ito:
mga nagpapakumbaba, mga nagpapakaaba, mga nagsusumamo
na mga humihiling ng mga kahilingan nila at mga pangangailangan
nila gaya ng pagpapagaling ng isang maysakit, o paghingi
ng anak o pagpapadali sa pagtamo ng pangangailangan. Marahil
18 Ang literal na kahulugan ng Walí ay “malapit” o “taong malapit kay Allah”
o “tinatangkilik” ni Allah, o “tagapagtangkilik”, ngunit ang Walí na tinutukoy
rito ay isang taong pinaniniwalaang banal o pinakababanal na pinaniniwalaang
nakagagawa ng mga himala kahit patay na at itinuturing na gaya ng pagtuturing
ng mga Katoliko sa mga santo nila. Laganap ang ganitong paniniwala sa Iran,
India, Afghanistan, Banglades, sa ibang mga bansang Arabe at di-Arabe. May
ganitong paniniwala sa ilang liblib na pook sa Pilipinas, ngunit sa kabuuan ay
hindi laganap sa Pilipinas ang ganitong paniniwala. Ang Tagapagsalin.
19 Ang sinasamba nila ay hindi ang libingan mismo kundi ang nakalibing doon
na pinaniniwalaan nila na Walí.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
17
tatawagin pa nito ang nakalibing sa libingan at sasabihin: “Ginoo,
pumunta ako sa iyo mula pa isang malayong bayan kaya huwag
mo po akong bibiguin,” samantalang si Allah ay nagsasabi (46:5):
“Sino ang higit na ligaw kaysa sa mga nananalangin sa iba
pa kay Allah, na hindi tutugon sa kanya hanggang sa Araw
ng Pagkabuhay samantalang ang mga iyon sa panalangin sa
mga iyon ay mga nalilingat.” Nagsabi naman ang Propeta (SAS):
“Ang sinumang mamatay habang dumadalangin sa iba pa kay
Allah bilang kaagaw ay papasok sa Impiyerno.”20
Ang iba naman sa kanila ay nagpapaahit ng mga ulo nila sa
tabi ng mga libingan. Ang ilan sa kanila ay may mga aklat na may
mga pamagat na gaya ng sumusunod: Mga Gawain sa Peregrinasyon
sa mga Mashhad. Ang tintukoy nila na mga mashhad ay
mga libingan at mga mausoleo ng mga Walí. Ang iba naman sa
kanila ay naniniwala na ang mga Walí ay kusang nangangasiwa
sa sandaigdigan at na sila ay nakapagdudulot ng pinsala at nakapagdudulot
ng pakinabang, samantalang si Allah ay nagsasabi
(10:107): “Kung sasalingin ka ni Allah ng isang kapinsalaan ay
walang makapagpapawi niyon kundi Siya. Kung maghahangad
Siya sa iyo ng isang mabuti ay walang makapagtutulak
sa kagandahang-loob Niya.”
Kabilang sa Shirk ang Pamamanata sa Iba pa Kay Allah
Gaya ng ginagawa ng mga nagpapanata na paglalagay ng mga
kandila at ng mga ilaw para sa mga nakalibing sa mga libingan.
20 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí, al-Fat'h 8/176.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
18
Isang Malaking Shirk ang Pag-aalay sa Iba pa Kay Allah
Si Allah ay nagsasabi (108:2): “Kaya magdasal ka sa Panginoon
mo at mag-alay,”. Ibig sabihin: Mag-alay ka ng hayop
kay Allah at sa pangalan ni Allah. Nagsabi ang Propeta (SAS):
“Isinumpa ni Allah ang sinumang nag-alay para sa iba pa sa
Kanya.” 21 Maaari pang magsabay sa pag-aalay ang dalawang
ipinagbabawal: ang pagkakatay para sa iba pa kay Allah at ang
pagkakatay sa iba pa sa pangalan ni Allah; kapwa ito nakapipigil
para maaaring kumain mula sa kinatay na iyon. Kabilang sa mga
pagkakatay sa panahon ng kamangmangan, na palasak sa panahon
natin, ay ang mga pagkakatay para sa mga jinní. Kapag nakabili
sila ng isang bahay o nagpagawa nito o humukay ng isang balon
ay nagkakatay sila roon o sa bungad nito ng isang hayop22 dahil
sa pangamba sa pamiminsala ng mga jinní.23
Ang Pagpapahintulot sa Ipinagbawal ni Allah at ang
Pagbabawal sa Ipinahintulot ni Allah
Kabilang dito ang paniniwala na may isang nagmamay-ari
ng karapatan doon maliban pa kay Allah o ang pagpapahatol sa
mga hukuman at mga batas ng Kamangmangan nang may
pagkalugod at pagmamabuti niyon, na nagtuturing na
ipinahihintulot iyon24 at naniniwalang pinapayagan [sa Islam]
21 Isinalaysay ito ni Imám Muslim, kaawaan siya ni Allah, Sahíh niya bilang
1978, Edisyong ‘Abdulbáqí.
22 Ang ganitong gawain ay laganap sa Pilipinas at ginagawa ng ilang Muslim
at di-Muslim. Sa Kanlurang Kabisayaan ay tinatawag ito na dagà.
23 Tingnan ang Taysír al-‘Azíz al-Hamíd, na inilimbag ng Iftá’, pahina 158.
24 Marahil ang magandang halimbawa nito sa Pilipinas ay ang pagpapasailalim
ng isang Muslim sa Civil Code ng Pilipinas sa halip na sa Muslim Personal Law.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
19
iyon. Nabanggit na ni Allah ang malaking kawalangpananampalataya
na ito sa sinabi Niya (9:31): “Ginawa nila ang
mga pantas nila at ang mga pari nila na mga pangi-noon bukod
pa kay Allah” Nang narinig ni ‘Adí ibnu Hátim ang Sugo ni
Allah (SAS) na bumibigkas nito ay nagsabi siya: “Tunay na sila
ay hindi naman sumasamba sa mga iyon.” Nagsabi siya: “Oo
nga, subalit ipinahihintulot ng mga iyon para sa kanila ang
ipinagbawal ni Allah at itinuturing naman nila ito na
ipinahihintulot. Ipinagbabawal ng mga iyon sa kanila ang
ipinahintulot ni Allah at ipinahihintulot naman nila ito. Kaya
iyon ang pagsamba nila sa mga iyon.” 25 Inilarawan nga ni
Allah ang mga Mushrik na sila ay (Qur’an 9:29): “hindi nagbabawal
sa ipinagbawal ni Allah at ng Sugo Niya at hindi
ginagampanan ang Relihiyon ng katotohanan,” Nagsabi pa si
Allah (9:59): “Sabihin mo: “Ipabatid ninyo ang ibinaba ni Allah
para sa inyo na kaloob, na ginawa ninyo ang ilan dito na
ipinagbabawal at ipinahihintulot.” Sabihin mo: “Si Allah ba ay
nagpahintulot sa inyo, o kay Allah ay gumagawa-gawa kayo ng
kabulaanan?””
Kabilang sa mga uri ng Shirk na laganap ay ang panggagaway,26
ang panghuhula sa mangyayari at ang panghuhula sa nangyari.
Ang panggagaway ay kawalang-pananampalataya at kabilang sa
pitong malalaking kasalanan na nakapapahamak. Nakapipinsala
ito at hindi nakapagdudulot ng mabuti. Nagsabi si Allah (SAS)
hinggil sa pag-aaral nito (2:102): “Kaya natututuhan nila ang
25 Isinalaysay ni al-Bayhaqí, as-Sunan al-Kubrá 10/116. Kay at-Tirmidhí, bilang
3095. Pinagtibay ito na Hadíth Hasan ni al-Albání sa Gháyah al-Marám.
26 Ang panggagaway ay ang tinatawag sa Ingles na witchcraft o sorcery o black
magic. Ang pangkukulam ay ang paggamit ng panggagaway upang makapinsala
sa iba. Samakatuwid ito ay isang uri ng panggagaway.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
20
nakapipinsala sa kanila at hindi nakapagdudulot ng pakinabang
sa kanila.” Sinabi pa Niya (20:69): “Hindi magtatagumpay
ang manggagaway saanman siya pumunta.” Ang nagsasagawa
ng panggagaway ay Káfir. Nagsabi si Allah (2:102):
“Hindi tumalikod sa pananampalataya si Solomon, datapuwat
ang mga demonyo ay tumalikod sa pananampalataya:
itinuturo nila sa mga tao ang panggagaway at ang ibinaba
sa dalawang anghel sa Babilonia, na sina Hárút at Márút.
Ngunit hindi nagtuturo ang dalawang ito sa isa man malibang
nagsabi ang dalawang ito: Tunay na kami ay tukso lamang,
kaya huwag kang tumalikod sa pananampalataya.”
Ang hatol sa manggagaway ay ang kamatayan at ang kinita
niya ay ipinagbabawal at masama. Ang mga mangmang, ang mga
lumalabag sa katarungan at ang mga mahihina ang pananampalataya
ay pumupunta sa mga manggagaway upang gumawa ng
panggagaway na ipinamiminsala nila sa ilang tao o ipanghihiganti
nila sa mga iyon. May mga tao na nakagagawa ng ipinagbabawal
sa pamamagitan ng pagdulog sa manggagaway upang pawalang-
bisa ng panggagaway. Ang kinakailangan ay ang pagdulog
kay Allah at ang pagpapalunas sa pamamagitan ng Salita Niya
gaya ng mga mu‘awwidhah at iba pa.
Ang Panghuhula
Ang káhin at ang ‘arráf27 ay kapwa tumatangging sumampalataya
kapag nag-angkin sila ng kaalaman sa Nakalingid. Walang
nakaaalam sa Nakalingid kundi si Allah. Marami sa kanila ay
nanloloko sa mga walang-muwang para kunin ang mga salapi ng
mga ito. Gumagamit sila ng maraming paraan [ng panghuhula]
27 Ang Káhin ay ang nanghuhula hinggil sa hinaharap, samantalang ang ‘Arráf
naman ay ang nanghuhula hinggil sa nangyari na.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
21
gaya ng pagguhit sa buhangin, paghagis ng sigay,28 pagtingin sa
palad at pinggan, pagtingin sa bolang kristal at mga salamin at
iba pa. Kapag nakapagsabi sila ng isang ulit na totoo, nagsisinungaling
naman sila ng siyamnapu’t siyam na ulit. Subalit ang mga
hunghang ay walang naaalaala kundi ang isang ulit na nagsasabi ng
totoo ang mga bulaang ito. Pumupunta sila sa mga ito para malaman
ang hinaharap, ang kaligayahan at ang kapighatian sa pagaasawa
o negosyo, para hanapin ang mga nawawala, at iba pa.
Ang hatol sa pumupunta sa mga ito kung siya ay naniniwala
sa sinasabi ng mga ito, siya ay isang Káfir na lumalabas sa Islam.
Ang patunay ay ang sabi niya (SAS): “Ang sinumang nagpunta
sa isang káhin o isang ‘arráf at pinaniwalaan niya ito sa sinasabi
nito ay tumanggi na siyang sumampalataya sa ibinaba kay
Muhammad.” 29 Samantala, kung ang pumupunta sa mga ito ay
hindi naniniwala na ang mga ito ay nakaaalam sa Nakalingid
subalit pumupunta lamang upang manubok o tulad nito, siya ay
hindi nagiging Káfir subalit hindi tatanggapin sa kanya ang saláh
sa loob ng apatnapung araw. Ang patunay ay ang sabi niya (SAS):
“Ang sinumang magpunta sa isang ‘arráf at nagtanong dito
hinggil sa isang bagay, hindi tatanggapin sa kanya ang saláh
sa loob ng apatnapung araw.” 30 Gayon pa man, isinasatungkulin
pa rin sa kanya na magsagawa ng saláh at pagsisihan iyon.
28 Ang ganitong panghuhula ay kadalasang gumagamit ng 16 sigay (dilogun).
Karaniwang itinatapon ng manghuhula ang mga sigay sa isang laang bandeha.
Pagkatapos, ibinabatay niya ang kahulugan ng pagkakatapon ayon sa kalagayan
ng mga ito at kung ang mga ito ay bumagsak na nakatihaya o nakataob. Para
sa karagdagang kaalaman, tingnan ang tungkol sa Orisha sa Microsoft Encarta.
29 Isinalaysay ito ni Imám Hanbal 2/429. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 5939.
30 Sahíh Muslim 4/1751.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
22
Ang Paniniwala sa Epekto ng mga Bituin at mga Tala sa
mga Pangyayari at sa Buhay ng mga Tao
Ayon kay Zayd ibnu Khálid al-Juhaní (RA) na nagsabi: “Nagdasal
ang Sugo ni Allah bilang pinuno namin sa saláh sa madalingaraw
sa Hudaybíyah noong may bakas pa ng ulan ng nagdaang
gabi. At noong nakatapos na siya ay bumaling siya sa mga tao at
nagsabi: Nalalaman ba ninyo ang sinabi ng Panginoon ninyo?
Sinabi nila: Si Allah at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam.
Sinabi niya: May inumaga sa mga lingkod Ko na isang mananampalataya
sa Akin at isang tumatanggaing sumampalataya.
Tungkol sa sinumang nagsabing: inulan kami dahil sa kagandahang-
loob ni Allah at awa Niya, iyon ay sumasampalataya
sa Akin at tumatangging sumampalataya sa mga tala. Tungkol
naman sa sinumang nagsabing: dahil sa bituin31 na ito at iyan,
iyon ay tumatangging sumampalataya sa Akin at sumasampalataya
sa tala.”32
Kabilang doon ang pagsangguni sa horoscope sa mga pahayagan
at mga magasin. Kung maniniwala siya sa nilalaman nito
na epekto raw ng mga bituin at mga zodiac sign, siya ay isang
Mushrik. Kung binasa niya ito para sa paglilibang, siya ay isang
sumusuway na nagkakasala dahil hindi ipinahihintulot ang paglilibang
sa pamamagitan ng pagbabasa ng [may kaugnayan sa]
Shirk, karagdagan pa sa maaaring iudyok ng Demonyo sa sarili
niya na paniniwala rito, kaya naman ito ay magiging isang kaparaanan
ng Shirk.
31 Ang mga Arabe noon ay naniniwala na ang pag-ulan ay may kinalaman sa
paglubog sa kanluran o pagsikat sa silangan ng mga partikular na bituin o naw’.
32 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang Fat'h al-Bárí 2/333.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
23
Ang Paniniwala sa Pakikinabang sa mga Bagay33 na Hindi
Ginawang Gayon ng Tagapaglikha ay Kabilang sa Shirk
Gaya ito ng paniniwala ng ilang tao sa mga anting-anting at
mga orasyon na maka-Shirk at mga uri ng mga mutya o mga sigay
o mga singsing na metal at iba pa, batay sa payo ng manghuhula
o manggagaway, o sa minana-manang paniniwala.
Ikinakabit nila ang mga ito sa mga leeg nila o sa mga anak nila
para panangga-lang sa usog, ayon sa akala nila, o itinatali nila
ang mga ito sa mga katawan nila o isinasabit nila ang mga ito sa
mga sasakyan nila at mga bahay nila. O nagsusuot sila ng mga
singsing na may sarisaring mga bato na pinaniniwalaan nila na
mayroon ang mga ito na ilang takdang kapangyarihang gaya ng
pag-aalis ng kapin-salaan o pagsasanggalang laban dito. Ito,
walang duda, ay nagka-kaila sa pananalig kay Allah at walang
naidadagdag sa tao kundi panghihina at ito rin ay pagpapalunas
sa pamamagitan ng ipinag-babawal. Ang mga anting-anting na
ito na isinasabit, marami sa mga ito ay naglalaman ng hayagang
Shirk at pagpapasaklolo sa ilan sa mga jinní at mga demonyo, o
ng mga malabong dibuho, o ng mga nakasulat na hindi
maunawaan. Ang ilan sa mga manunuba ay nagsusulat ng mga
talata mula sa Qur’an at hinahaluan ang mga ito ng iba pa na
kabilang sa Shirk. Ang ilan naman sa kanila ay nagsusulat ng
mga talata ng Qur’an sa pamamagitan ng mga maruming bagay
o sa pamamagitan ng dugo ng regla. Ang pagsa-sabit ng lahat
ng naunang nabanggit o pagtatali nito ay ipinagba-bawal batay
33 Ang paniniwala sa pakikinabang sa mga bagay ay tinatawag sa Ingles na
fetishism o paniniwala sa fetish: anumang bagay, lalo na ang walang buhay na
bagay, na pinagpipitagan o sinasamba ng ilang tao dahil naniniwala sila na
mayroon itong mahiwagang kapangyarihan o binibigyang-buhay ng isang jinní.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
24
sa sabi ng Sugo (SAS): “Ang sinumang nagsabit ng antinganting
ay nakagawa nga ng Shirk.” 34
Ang gumagawa nito, kung naniniwala siya na ang mga bagay
na ito ay nakapagdudulot ng pakinabang o nakapagdudulot ng
pinsala bukod pa kay Allah, siya ay isang Mushrik na nakagagawa
ng malaking Shirk. Kung naniniwala naman siya na ang mga
ito ay dahilan sa pagdudulot ng pakinabang o pinsala, samantalang
si Allah ay hindi gumawa sa mga ito na dahilan niyon, siya ay
isang Mushrik na nakagagawa ng maliit na Shirk. Ito ay napaloloob
sa Shirk ng mga kadahilanan.
Ang Pagpapakitang-tao sa mga Pagsamba
Kabilang sa mga kondisyon ng matuwid na gawa ay na ito ay
dalisay sa pagpapakitang-tao at nasasaklawan ng Sunnah. Ang
nagsasagawa ng isang pagsamba upang makita siya ng mga tao
ay isang Mushrik na gumagawa ng maliit na Shirk. Ang
[pagsambang] ginawa niya ay walang-kabuluhan gaya ng
nagdasal upang makita ng mga tao. Nagsabi si Allah (4:142):
“Tunay na ang mga nag-kukunwaring sumampalataya ay
nagtatangkang linlangin si Allah ngunit Siya ang lumilinlang sa
kanila. Kapag tatayo sila para sa pagdarasal, tumatayo sila
bilang mga tamad na nag-papakita lamang sa mga tao, at hindi
nila naaalaala si Allah kundi madalang.” Gayon din kapag
gumawa siya ng [mabuting] gawain upang kumalat ang balita
tungkol sa kanya at makarinig ng tungkol sa kanya ang mga tao
mula sa isa’t isa, nasadlak na siya sa Shirk. Nasaad ang banta
para sa sinumang gumagawa niyon gaya ng nabanggit sa isang
Hadíth ayon kay Ibnu ‘Abbás (RA): “Ang sinumang gumawa
34 Isinalaysay ito ni Ahmad 4/156. Ito ay nasa as-Silsilah as-Sahíhah bilang 492.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
25
upang marinig, iparirinig ni Allah ang gawa niya; at ang
sinumang gumawa upang magpakita, ipakikita ni Allah ang
gawa niya.” 35 Ang sinumang gumawa ng isang pagsamba na
nilayon niya rito ang kasiyahan ni Allah at ng mga tao, ang
gawa niya ay walang-kabuluhan gaya ng nasaad sa isang Banal
na Hadíth: “Ako ay pinakawalang-pangangailangan sa katambal
sa lahat ng tinatambalan. Ang sinumang gumawa ng isang
gawain na nagtambal siya doon kasama sa Akin ng iba pa sa
Akin, iiwan Ko siya kasama ng itinambal niya.” 36
Ang sinumang nagsimula ng [mabuting] gawain alang-alang
kay Allah, at pagkatapos ay sumagi sa kanya ang pagpapakitangtao,
kung kinasuklaman niya ito, pinaglabanan niya ito at tinutulan
niya ito, magiging tumpak ang gawain niya. Subalit kung napapanatag
siya sa pagpapakitang-tao at natitiwasay rito ang sarili
niya, nagpasya ang karamihan sa mga pantas ng Islam na walangkabulahan
ang gawa niya.
Ang Pagdadahilan ng Kamalasan37
Ito ay ang pagtuturing ng kamalasan. Nagsabi si Allah (7:131):
“Ngunit kapag dumating sa kanila ang maganda, nagsasabi
sila: Ukol sa atin ito; at kapag tinamaan sila ng masama,
idinadahilan nila ang kamalasan kay Moises at sa sinumang
kasama niya.” Ang mga Arabe noon, kapag nagnais ang isa sa
35 Isinalaysay ito ni Muslim 4/2289.
36 Isinalaysay ito ni Muslim bilang 2985.
37 Ito ay tiyarah o tírah sa wikang Arabe. Ang pagdadahilan ng kamalasan o ang
paniniwala sa masamang pangitain o ang pag-uugnay ng kamalasan sa isang
nakita, o isang narinig, o isang bagay, o isang pangyayari. Marami ang halimbawa
nito sa kulturang Pilipino. Halimbawa: ang paniniwala na ang pusang itim
na nasalubong ay nagbabadya ng kamalasan; na ang bilang na 13 ay malas.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
26
kanila ng isang bagay gaya ng paglalakbay at iba pa, ay humuhuli
ng isang ibon at pagkatapos ay pinawawalan ito. Kapag pumunta
ito sa gawing kanan, itinuturing niya ito na mabuting pangitain
at susulong siya sa gagawin niya. Subalit kung pumunta naman
ito sa gawing kaliwa, itinuturing nila ito na masamang pangitain
at uurong siya sa ninais niya. Nilinaw na ng Sugo (SAS) ang hatol
sa ganitong gawain sa sinabi niya na: “Ang pagdadahilan ng
kamalasan ay Shirk.”
38
Kabilang sa napaloloob sa paniniwalang ito na ipinagbabawal
na sumasalungat sa kaganapan ng [pananampalataya sa] Tawhíd ay
ang pagtuturing ng kamalasan sa mga buwan gaya ng hindi pagaasawa
sa buwan ng Safar; sa mga araw gaya ng paniniwala na
ang huling Miyerkules ng bawat buwan ay araw ng tuloy-tuloy na
kamalasan; o sa mga bilang gaya ng bilang 13; o sa mga pangalan;
o sa mga may kapansanan gaya ng isang umalis upang buksan ang
tindahan niya at nakakita sa daan ng isang kirat: itinuturing niya
itong masamang pangitain at uuwi na lamang; at mga tulad niyon.
Ang lahat ng ito ay ipinagbabawal at kabilang sa Shirk. Nagpahayag
ang Propeta (SAS) ng kawalang-kaugnayan sa mga ito.
Ayon kay ‘Imrán ibnu Husayn: “Hindi kabilang sa atin ang sinumang
nagdadahilan ng kamalasan ni tumatanggap ng dahilan
ng kamalasan; ni nanghuhula ni nagpapahula − ipinagpapalagay
ko na siya ay nagsabi pa: ni nanggagaway ni nagpapagaway.”
39
Ang sinumang nasadlak sa anuman sa mga ito, ang pambayadsala
niya ay ang nabanggit sa Hadíth ayon kay ‘Abdulláh ibnu
‘Amr na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): Ang sinu-
38 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 1/389. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 3955.
39 Isinalaysay ito ni Imám at-Tabrání sa al-Kabír 18/162. Tingnan ang Sahíh
al-Jámi‘ 5435.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
27
mang hinadlangan ng idinadahilang kamalasan sa pagkamit ng
isang pangangailangan ay nakagawa nga ng Shirk. Nagsabi
sila: Ano po ang pambayad-sala niyon? Nagsabi siya: Na magsasabi
ang sinuman sa inyo na: Walang mabuti kundi ang kabutihan
Mo, walang kamalasan kundi ang kamalasang dulot Mo,
at walang Diyos maliban sa Iyo.”40 Ang pagtuturing ng kamalasan
ay kabilang sa mga kalikasan ng mga tao: dumadalang at
dumadalas. Ang pinakamahalagang lunas dito ay ang pananalig
kay Allah − kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan − gaya ng
nasaad sa sabi ni Ibnu Mas‘úd: “Wala sa atin na hindi (nangyayari
sa sarili ang isa mula roon) subalit si Allah ay nag-aalis niyon
sa pamamagitan ng pananalig.”41
Ang Panunumpa sa Iba pa Kay Allah
Si Allah ay nanunumpa sa anumang loobin Niya mula sa mga
nilikha Niya. Ang nilikha naman ay hindi pinapayagang manumpa
sa iba pa kay Allah. Kabilang sa naging bukang-bibig ng marami sa
mga tao ay ang panunumpa sa iba pa kay Allah. Ang panunumpa
ay isang uri ng pagdakila na hindi naaangkop kung hindi kay
Allah. Ayon kay Ibnu ‘Umar (RA): Pakatandaan, tunay na si
Allah ay nagbabawal sa inyo na manumpa kayo sa mga
magulang nila. Kaya ang sinumang manunumpa ay
manumpa kay Allah, at kung hindi ay manahimik.42 Ayon pa
kay Ibnu ‘Umar (RA): “Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay
40 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/220, as-Silsilah as-Sahíhah 1065. [Ang
Hadíth na ito ay may kahinaan at minamagaling na banggitin sa paraang
nililinaw ang kahinaan.(z)]
41 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 3910. Ito ay nasa as-Silsilah as-Sahíhah 430.
42 Isinalaysay ito al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 11/530.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
28
Allah ay nakagawa nga ng Shirk.”
43 Nagsabi ang Propeta
(SAS): “Ang sinumang nanumpa sa katapatan ay hindi
kabilang sa atin.”
44
Samakatuwid, hindi ipinahihintulot na manumpa sa Ka‘bah
ni sa katapatan, ni sa karangalan, ni sa tulong, ni sa biyaya kay
Polano, ni sa buhay ni Polano, ni sa kalagayan ng Propeta, ni sa
kalagayan ng Walí, ni sa mga ama, ni sa mga ina, ni sa ulo ng mga
anak. Lahat ng iyon ay ipinagbabawal. Ang sinumang nasadlak
sa anuman sa mga ito, ang pambayad-sala niya ay na magsabi siya
ng lá iláha illalláh, gaya ng nabanggit sa isang tumpak na Hadíth:
“Ang sinumang nanumpa, na nagsabi sa panunumpa niya na
sumpa man kay alLát at kay al‘Uzzá, ay magsabi ng lá iláha
illalláh.”
45
Ayon sa wangis ng kauriang ito rin ang ilan sa mga salitang
maka-Shirk at ipinagbabawal na inuusal ng ilan sa mga Muslim.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sumusunod: Nagpapakupkop
ako kay Allah AT sa iyo; Ako ay nananalig kay Allah AT sa iyo;
Ito ay mula kay Allah AT mula sa iyo; wala akong binabalingan
kundi si Allah AT ikaw; Si Allah ay binbalingan ko sa langit AT
ikaw ay binabalingan ko sa lupa; Kung hindi dahil kay Allah
AT kay Polano;46 Ako ay walang pakialam sa Islam; Buwisit na
panahon ito. Gayon din ang bawat parirala na naglalaman ng
43 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 2/125. Tingnan ang Sahíh al-Jámi‘ 6204.
44 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 3253. Ito ay nasa as-Silsilah as-Sahíhah 94.
45 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí, al-Fat'h 11/536.
46 [Ang tama doon ay sabihing PAGKATAPOS AY, kaya naman sasabihin:
Ako ay nagpapatulong kay Allah AT PAGKATAPOS AY sa iyo. Gayon din
sa nalalabing naunang mga parirala. (z)]
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
29
panlalait sa panahon tulad ng pagsabi ng: Masama ang panahon47 na
ito; Malas ang oras na ito; Mandaraya ang panahon; at mga tulad
niyon at iyon ay sapagkat ang panlalait sa panahon ay bumabalik
kay Allah na lumikha sa panahon; at gayon din ang pagsabi ng:
Niloob ng kalikasan.48 Gayon din ang paggamit ng mga pangalang
nagsisimula sa ‘Abd na iniugnay sa iba pa kay Allah gaya ng
‘Abdulmasíh (alipin ni Kristo), ‘Abdunnabí (alipin ng Propeta),
‘Abdurrasúl (alipin ng Sugo) at ‘Abdulhusayn (alipin ni Husayn).
Kabilang sa mga terminolohiya at mga pananalitang bago na
sumasalungat sa Tawhíd din ay ang sumusunod: ang Sosyalismo
ng Islam; ang Demokrasya ng Islam;49 ang pagnanais ng taongbayan
ay bahagi ng pagnanais ng Diyos; ang relihiyon ay para
sa Diyos at ang bayan ay para sa lahat; sa ngalan ng Arabismo;
at sa ngalan ng rebolusyon.
Kabilang din sa mga ipinagbabawal ang paggamit katawagang
hari ng mga hari − at anumang maitutulad dito gaya ng
hukom ng mga hukom − sa isa sa mga tao. Gayon din ang
paggamit ng katawagang Sayyid (Master) at anumang nasa
kahulugan nito sa Munáfiq at Káfir (maging sa wikang Arabe man
o sa ibang wika). Ang paggamit ng pariralang “Kung sana’y” na
nagpapahiwatig ng pagkayamot, paghihinayang at paghihimutok
47 Ang panahon na tinutukoy rito ay hindi ang klima.
48 Ang kalikasan ay ginagawang pamalit ng iba sa Diyos.
49 Ang Sosyalismo ay isang ideolohiyang inimbento ng tao at napatunayang mali
noong tinalikdan ito ng Unyong Sobyet. Ang Demokrasya ay inimbento ng mga
Paganong Griyego. Ang Pilipinas ang pinakademokratikong bansa sa Asya at
higit na demokratiko kaysa sa Singapore, Taiwan, Malaysia at Japan, ngunit
ang nakapagtataka ay higit na maunlad ang mga bansang ito at higit na malinis
ang pamamahala kaysa sa Pilipinas.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
30
ay nagbubukas sa gawain ng Demonyo, at gayon din ang pagsabi
ng: O Allah, patawarin Mo ako kung loloobin Mo.50
Ang Pakikihalubilo sa mga Munáfiq o mga Suwail Dahil
sa Pagkapalagay ng loob sa Kanila o Pakikipagpalagayan
ng Loob sa Kanila
Sinasadya ng marami sa mga hindi tumatag ang pananampalataya
sa mga puso nila ang pakikihalubilo sa ilan sa mga taong
suwail at buktot. Bagkus baka nakikihalubilo pa sila sa mga namimintas
sa Batas ni Allah, nangungutya sa Relihiyon Niya at mga
katangkilik Niya. Walang duda na ito ay isang gawaing ipinagbabawal
na nag-aalipusta sa Pinaniniwalaan. Nagsabi si Allah
(6:68): “Kapag nakita mo ang mga sumusuong sa pagpapabula
sa mga Kapahayagan Namin ay bumaling ka palayo sa
kanila hanggang sa sumuong sila sa pag-uusap na iba roon.
Kung palilimutin ka nga ni Satanas ay huwag kang umupo,
matapos ang pagkaalaala, kasama ng mga taong lumalabag
sa katarungan.”
Samakatuwid hindi pinapayagan ang pakikihalubilo sa kanila
sa ganitong kalagayan, kahit pa man matindi ang pagkakalapit
ng kaugnayan sa kanila, o kaaya-aya ang pakikitungo nila, o
matamis ang mga dila nila, maliban sa nagnanais sa pag-aanyaya
sa kanila sa tama o sa pagtugon sa kabulaanan nila o sa pagtuligsa
sa kanila. Tungkol naman sa pagkalugod at pananahimik,
hindi maaari. Nagsabi si Allah (9:96): “at kung malulugod kayo
50 Ang pagsabi ng “kung loloobin Mo” ay nagpapahiwatig ng kawalang-tiwala
kay Allah sa lawak ng kapatawan Niya. Para sa malawakang kaalaman, tingnan
ang Mu‘jam al-Manáhí al-Lafdhíyah (Talatingin ng mga Ipinagbabawal na
Pananalita) ni Shaykh Bakr Abú Zayd.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
31
sa kanila, tunay na si Allah ay hindi nalulugod sa mga taong
suwail.”
Ang Kawalan ng Kapanatagan sa Saláh
Kabilang sa napakalaki sa mga krimen ng pagnanakaw ay
ang pagnanakaw sa saláh. Nagsabi ang Sugo (SAS): “Ang
napaka-sama sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw sa
saláh niya.” Nagsabi sila: “O Sugo ni Allah, at papaano po
siyang mag-nanakaw sa saláh niya?” Nagsabi siya: “Hindi niya
nilulubos ang pagyukod doon at ang pagpapatirapa doon.” 51
Tunay na ang pagkawala ng kapanatagan, ang hindi pagpirmi
ng likod sa pagyukod at pagpapatirapa, ang hindi pagtutuwid
nito pagkatapos ng pagkaangat mula sa pagkakayukod at ang
hindi pag-upo nang tuwid sa pag-upo sa pagitan ng dalawang
pagpapatirapa, lahat ng ito ay laganap at nasasaksihan sa
karamihan sa mga nagdarasal. Halos hindi nawawalan ang isang
masjid ng mga halimbawa ng mga hindi napapanatag sa saláh
nila. Ang kapanatagan ay isang haligi ng saláh. Ang saláh ay
hindi nagiging tumpak nang wala nito. Ang usaping ito ay
maselan. Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): “Hindi sasapat ang
saláh ng tao malibang itinutuwid niya ang likod niya sa
pagyukod at pagpapatirapa.” 52 Walang duda na ito ay
minamasama na nagiging karapat-dapat na sawayin at
pagsabihan ang gumagawa nito. Ayon kay ‘Abdulláh al-Ash‘arí
(RA) na nagsabi: “Nagdasal ang Sugo ni Allah (SAS) kasama
ng mga Kasamahan niya. Pagkatapos ay naupo siya sa isang
pangkat mula sa kanila. At pumasok ang isang lalaki at
51 Isinalaysay ito ni Imám Ahmad 5/310. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 997.
52 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 1/533. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 7224.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
32
tumindig na nag-darasal. Nagsimula itong yumukod at [parang]
tumutuka sa [bilis ng] pagyukod nito kaya nagsabi ang Propeta
(SAS): Nakikita ba ninyo ito? Ang sinumang namatay sa ganito
ay namatay sa hindi Relihiyon ni Muhammad. Tumutuka siya
sa saláh niya gaya ng pagtuka ng uwak sa dugo. Ang
paghahalintulad sa yumuyukod at tumutuka sa [bilis ng]
pagpapatirapa niya ay gaya lamang ng gutom: hindi nakakain
kundi isang datiles o dalawang datiles, kaya ano ang idudulot
na kasapatan ng mga ito sa kanya?” 53 Ayon kay Zayd ibnu
Wahb na nagsabi: “Nakakita si Hudhayfah ng isang lalaki na
hindi nilulubos ang pagyukod at ang pagpapatirapa. Nagsabi
siya: Hindi ka nakapagdasal; kung sakaling namatay ka,
namatay ka na hindi ayon sa pananampa-lataya na
ipinasampalataya ni Allah kay Muhammad (SAS).”54
Nararapat sa sinumang nagwalang-bahala sa kapanatagan sa
saláh, kapag nalaman niya ang patakaran, na ulitin ang saláh na
fard sa oras na iyon at pagsisihan niya kay Allah ang anumang
nagdaan na. Hindi kinakailangan sa kanya na ulitin ang mga
saláh na nauna, gaya ng ipinahihiwatig ng nabanggit na Hadíth:
“Bumalik ka at magdasal ka sapagkat tunay na ikaw ay hindi
nagdasal.”
Ang Kalikutan at ang Maraming Paggalaw sa Saláh
Ito ay kapintasang hindi halos nakaliligtas mula rito ang ilan
sa mga nagdarasal dahil hindi nila sinusunod ang utos ni Allah
(2:238): “Magsitayo kayo kay Allah na mga masunurin.” Hindi
53 Isinalaysay ito ni Ibnu Khuzaymah sa Sahíh niya 1/332. Tingnan ang Sifáh
Saláh an-Nabí (Katangian ng Saláh ng Propeta) ni al-Albání 131.
54 Isinalaysay ito ni al-Bukhárí. Tingnan ang al-Fat'h 2/274.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
33
nila nauunawaan ang sabi ni Allah (23:1-2): “Nagtagumpay nga
ang mga mananampalataya na sa pagdarasal nila ay nagpapakumbaba.”
Noong tinanong ang Sugo (SAS) hinggil sa paghahawi
sa lupa [na pagpapatirapaan] sa pagpapatirapa ay
nagsabi siya: “Huwag mong hawiin habang ikaw ay nagdarasal;
ngunit kung ikaw ay hindi makaiiwas na gawin [iyon], isang
ulit na pagpapatag lamang ng mga bato.” 55 Nabanggit na ng
mga may kaalaman na ang maraming pagkilos na
nagkakasunod-sunod na hindi naman kailangan ay
nagpapawalang-saysay sa saláh. Kaya papaano na ang mga
naglilikot sa mga saláh nila? Nakatayo sila sa harap ni Allah
samantalang ang isa sa kanila ay tumitingin sa relo niya, o nagaayos
ng thawb niya, o kumakalikot ng ilong niya. Ipinupukol
niya ang paningin niya sa kaliwa’t kanan at sa itaas. Hindi siya
natatakot na baka hablutin ang paningin niya at pag-nakawan ng
Demonyo ang saláh niya.
Ang Sinasadyang Pag-una ng Ma’múm sa Imám sa Saláh
Ang tao, bahagi ng kalikasan niya ang pagmamadali (17:11):
“Ang tao ay laging mapagmadali.” Nagsabi ang Propeta (SAS):
“Ang paghihinay-hinay ay mula kay Allah at ang pagmamadali
ay mula sa Demonyo.”
56Madalas na napapansin ng isang tao,
habang siya ay nasa jamá‘ah, sa ilan sa mga nagdarasal sa gawing
kanan niya o kaliwa niya − bagkus marahil napapansin niya rin
iyon sa sarili niya minsan − ang pakikipag-unahan sa imám sa
55 Isinalaysay ito ni Abú Dáwud 1/581. Ito ay nasa Sahíh al-Jámi‘ 7452. [Ang
pinagmulan nito ay nasa Sahíh Muslim, ayon kay Mu‘ayqíb.(z)]
56 Isinalaysay ito ni al-Bayhaqí sa as-Sunan al-Kubrá 10/104. Ito ay nasa as-
Silsilah 1795.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao
34
pagyukod at pagpapatirapa, sa mga takbír ng pagpapalit ng kilos
sa kabuuan at pati na sa salám sa saláh. Ang gawaing ito na hindi
nagmumukhang may halaga para sa marami ay nabanggit nga
hinggil dito ang matinding banta buhat sa Propeta (SAS) ayon
sa sabi niya (SAS): “Hindi ba natatakot ang nag-aangat ng ulo
niya bago ang imám na palitan ni Allah ang ulo niya ng ulo
ng asno?”
57 Kapag ang nagdarasal ay hinihiling na pumunta sa
saláh nang may kapanatagan at kahinahunan, papaano na sa saláh
mismo? Maaaring nakalilito sa ilan sa mga tao kung paano ang
pakikipag-unahan sa imám kaya nauuwi naman sa pagpapaiwan
sa kanya. Kaya pakaalamin na ang mga faqíh,58 kaawaan sila ni
Allah, ay bumanggit ng isang magandang panuntunan sa bagay na
ito: na nararapat sa ma’múm na magsimula sa pagkilos sa sandaling
tumitigil ang takbír ng imám. Kaya kapag natapos sa [pagbigkas
ng] “r” ng Alláhu akbar, magsisimula ang ma’múm sa
pagkilos; hindi siya magpapakauna roon at hindi siya magpapakahuli
roon. Sa pamamagitan niyon ay aayon sa panunutunan. Ang
mga Kasamahan ng Sugo ni Allah (SAS), kalugdan sila ni Allah,
ay sukdulan sa kasigasigan sa hindi pag-una sa Propeta (SAS).
Nagsasabi ang isa sa kanila, si Albarrá’ ibnu ‘Ázib (RA): “Tunay
na sila noon ay nagdarasal sa likuran ng Sugo ni Allah (SAS).
Kapag inangat niya ang ulo niya mula sa pagkakayukod, wala
akong nakikita na isang nagbabaluktot ng likod nito hanggang sa
nailagay ng Sugo ni Allah (SAS) ang noo niya sa lapag. Pagkatapos
ay yuyukod ang mga nasa likuran upang mangagpatirapa.”59
57 Isinalaysay ito ni Muslim 1/320-321.
58 Dalubhasa sa pag-unawa sa Sharí‘ah.
59 Isinalaysay ito ni Muslim, bilang 474, Edisyong ‘Abdulbáqí.
Mga Ipinagbabawal na Ipinagwawalang-bahala ng mga Tao