Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
3
بسم الله الرحمن الرحيم
Sa ngalan ni Allah,1 ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain
أحكام وآداب إسلامية
Mga Alituntunin
at mga Magandang Asal sa Islam
1. Ang Katapatan at Takot kay Allah
Sinabi ni Allah (98:5):2 Walang ipinag-utos sa kanila
kundi na sambahin nila si Allah bilang mga nagpapakawagas
sa Kanya sa pagtalima,3
Sinabi pa Niya (39:14): Sabihin mo: Tunay na ako ay
inutusan na sambahin ko si Allah bilang isang nagpapakawagas
sa Kanya sa pagtalima.
Sinabi pa Niya (3:29): Sabihin mo: “Kung itago man
ninyo ang nasa mga dibdib ninyo o ihayag ninyo ito,
nalalaman pa rin ito ni Allah.
Sinabi pa Niya (3:5): Tunay na kay Allah ay walang
maitatago sa Kanya na anuman sa lupa man ni sa langit.
1 Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe.
Ito ay isang pangngalang pantangi at hindi pangngalang pambalana,
kaya ang mga panandang gagamitin sa pagtukoy sa pangalang Allah
ay SI, NI at KAY at hindi ANG, NG at SA. Ito ang paninindigan ng
pinakamataas na awtoridad sa wikang Filipino, ang Komisyon sa Wikang.
2 Ang mga talata ng Qur’an o ang mga Hadíth na sinipi rito ay salin mula
sa wikang Arabe ng kahulugan ng Salita ni Allah o ng salita ni Propeta
Muhammad (SAS), ayon sa kakayahan ng tagapagsalin.
3 O relihiyon o pagsamba.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
4
Ayon sa sinabi ni ‘Umar ibnu alKhattáb (RA): Narinig
ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabi: Ang mga gawa
ay nakabatay lamang sa mga layunin at ang bawat tao
ay gagantimpalaan lamang ayon sa nilayon niya. Kaya
ang sinumang lumikas4 alang-alang kay Allah at sa Sugo
Niya, ang paglikas niya ay para kay Allah at sa Sugo
Niya. Ang sinumang lumikas alang-alang sa makamundong
bagay upang ito ay makamit o alang-alang sa
isang babae upang ito ay mapangasawa, ang paglikas
niya ay ayon sa layon ng paglikas niya.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Ang pinakamapalad sa mga taong tatanggap ng
Pamamagitan ko sa araw ng paghuhukom ay ang nagsabi
ng Lá iláha illa lláh
5 nang tapat mula sa puso niya.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): Nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Tunay na si Allah ay hindi tumitingin sa
mga anyo inyo at mga yaman ninyo, subalit tumitingin
Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo.
Ayon kay Abú Dharr (RA), ayon sa sinabi ng Sugo ni
Allah (SAS): Mangilag kang magkasala kay Allah saan
ka man naroon. Pasundan mo ang masamang gawa ng
mabuting gawa na papawi roon. Pakitunguhan mo ang
mga tao ng magandang asal.
4 Ang paglipat sa lupain ng mga Muslim kung kinakailangan.
5 Walang Diyos kundi si Allah.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
5
Ang mga Aral
1. Na ang katapatan o wagas na pag-uukol kay Allah ay
ang kundisyon upang matanggap ang mabuting gawa
at ang pagpaparami pang lalo ni Allah ng gantimpala
ay nakasalalay rin dito.
2. Na si Allah ay walang pangangailangan sa katambal at
hindi Niya tatanggapin ang anuman kung hindi tapat
na inukol sa Kanya. Nasasaad sa isang Hadíth Qudsíy6
na si Allah ay nagsasabi: Ang sinumang gumawa ng
isang gawain na nagtambal siya sa Akin sa pag-uukol
nito sa iba pa sa Akin, iiwan Ko siya kasama ng pagtatambal
niya.
3. Kailangang magkaroon ng pangingilag na magkasala kay
Allah at matakot sa Kanya sa lahat ng sandali yamang
walang anumang bagay na nalilingid sa kanya maging
sa lupa man o sa langit.
2. Ang Shirk at ang Kabutihan ng Tawhíd
Sinabi ni Allah (31:13): Tunay na ang pagtatambal
kay Allah ay talagang isang sukdulang paglabag sa
katarungan.
Sinabi Niya (4:48): Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad
na tambalan Siya ngunit mapatatawad Niya ang
anumang mababa pa roon sa kaninumang loloobin Niya.
Sinabi ni Allah (39:65): Talaga ngang isiniwalat sa
iyo at sa mga nauna sa iyo na talagang kung nagtambal
ka kay Allah ay talagang mawawalang-kabuluhan ang
6 Ang Hadíth Qudsíy o Banal na Hadíth ay salita ni Allah sa kahulugan
na ipinahayag sa pananalita ng Propeta Muhammad (SAS).
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
6
gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga
nalulugi.
Sinabi ni Allah (51:56): Hindi Ko nilikha ang jinn at
ang tao kundi upang sambahin nila Ako.
Sinabi ni Allah (16:36): Talaga ngang nagpadala Kami
sa bawat kalipunan ng isang sugo, na nagsasabi: “Sambahin
ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang nagdidiyusdiyusan.”
Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): Nagsabi ang Sugo ni
Allah (SAS): Ang sinumang makatagpo si Allah nang
hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman ay papasok sa
Paraiso. Ang sinumang makatagpo si Allah nang nagtatambal
sa Kanya ng anuman ay papasok sa Impiyerno.
Ayon kay Abú Hurayrah, ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Pangilagan ninyo ang pitong nakapagpapahamak. Nagsabi
sila: O Sugo ni Allah, at ano po ang mga ito? Sinabi
niya: Ang pagtatambal kay Allah,
Ayon sa sinabi ni Mu‘ádh ibnu Jabal (RA): Noong ako
ay angkas ng Propeta (SAS) sa isang asno ay nagsabi siya:
O Mu‘ádh, nalalaman mo ba ang karapatan ni Allah sa
mga tao at ang karapatan ng mga tao kay Allah? Sinabi
ko: Si Allah po at ang Sugo Niya ang higit na nakaaalam.
Nagsabi siya: Karapatan ni Allah sa mga tao na sambahin
nila Siya at hindi nila Siya tambalan ng anuman at karapatan
naman ng mga tao kay Allah na hindi Niya pagdurusahin
ang sinumang hindi nagtatambal sa Kanya
ng anuman.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
7
Ang mga Aral
1. Ang Shirk ay mapanganib at hindi ito mapapatawad
kung hindi pagsisihan sapagkat hindi ito katulad ng
ibang mga kasalanan na maaaring mapatawad kung
loloobin ni Allah.
2. Na ang sinumang namatay sa kasalanang Shirk ay nawalan
na ng saysay at kabuluhan ang gawa niya. Ang Shirk
ay dahilan ng pananatili ng isang tao sa Impiyerno magpakailan
man.
3. Ang kabutihan ng Tawhíd. Ito ang dahilan kung kaya
nilikha ang jinni at tao. Ito rin ang isa sa pinakamalaking
dahilan ng pagpasok sa Paraiso at ang isang dahilan ng
kaligtasan sa Impiyerno.
3. Ang Panganib ng Pagpapakitang-tao at
Bahagi Ito ng Shirk
Sinabi ni Allah (107:4-7): Kaya kasawian sa mga nagdarasal,
na sila sa pagdarasal nila ay nagpapabaya, na
sila ay nagpapakitang-tao, at nagkakait ng munting
tulong.
Ayon sa sinabi ni Abu Sa‘íd ibnu Fudálah (RA): Narinig
ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi: Kapag tinipon
na ni Allah ang mga nauna at ang mga nahuli sa Araw
ng Pagbangon, sa araw na walang pag-aalinlangan doon,
ay may mananawagan na isang tagapanawagan [na magsasabi:]
Ang sinumang sa gawa niya ay nagtambal kay
Allah ng isa man, hilingin niya ang gantimpala niya
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
8
roon sapagkat tunay na si Allah sa pagtatambal ay ang
napakawalang pangangailangan sa mga tinatambalan.
Ayon sa sinabi ni Abu Sa‘íd alKhudríy (RA): Dumating
sa amin ang Sugo ni Allah (SAS) habang kami ay nag-uusap
tungkol sa Bulaang Kristo kaya nagsabi siya (SAS): Hindi
ba’t nais ninyong ipagbigay-alam ko sa inyo ang higit na
nakatatakot para sa inyo sa ganang akin kaysa sa Bulaang
Kristo? Nagsabi kami: Opo, Sugo ni Allah. Nagsabi siya:
Ang Tagong Shirk: na tatayo ang isang tao upang magdasal
at pagagandahin niya ang kanyang pagdarasal
dahil nakikita niya ang pagmamasid ng tao sa kanya.
Ang mga Aral
1. Ang pananakot laban sa pagpapakitang-tao at ang mariing
babala laban dito kalakip ang mariing banta laban sa mga
nagpapakitang-tao.
2. Na ang tao ay maaaring makagawa ng pagpapakitang tao
nang hindi niya namamalayan.
3. Ang gawa ng nagpapakitang-tao ay ibabalik sa kanya at
hindi katanggap-tanggap.
4. Ang pangamba ng Propeta (SAS) na ang mga Kasama
niya ay magkasala ng pagkakasalang pagpapakitang-tao,
sa kabila ng lahat na sila ang pinakamainam na nilikha
matapos ang mga propeta, ay nagpapahiwatig kung gaano
kapanganib ang pagpapakitang-tao.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
9
4. Ang Panalangin
Sinabi ni Allah (40:60): Nagsabi ang Panginoon ninyo:
“Dumalangin kayo sa Akin, tutugunin Ko kayo;
Sinabi pa Niya (2:186): Kapag tinanong ka ng mga
lingkod Ko hinggil sa Akin ay sabihin mo: “Tunay na
Ako ay malapit: tinutugon Ko ang panalangin ng nananalangin
kapag nanalangin siya sa Akin; kaya dinggin
nila Ako at sumampalataya sila sa Akin, nang harinawa
sila ay magabayan.”
Sinabi pa Niya (7:55): Manalangin kayo sa Panginoon
ninyo nang may pagpapakumbaba at nang palihim.
Tunay na hindi Niya iniibig ang mga lumalabag sa
hangganan.
Ayon kay Nu‘man ibnu Bashír (RA), ang Propeta (SAS)
ay nagsabi: Ang panalangin ay ang pagsamba.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS)
ay nagsabi: “Ang pinakamalapit na sandali ng tao sa
Panginoon niya ay habang siya ay nakapatirapa; kaya
damihan ninyo ang panalangin [habang nakapatirapa].
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): Ang Sugo ni Allah
(SAS) noon ay naibigan niya ang mga maikli ngunit
malaman na panalangin at inaayawa niya ang iba pa rito.
Ayon kay ‘Ubádah ibnu asSámit (RA), ang Sugo ni Allah
(SAS) ay nagsabi: Walang lingkod na Muslim na nananalangin
ng isang panalangin na hindi ibibigay ni Allah
sa kanya ang hinihingi niya, o ilalaan ni Allah para sa
kanya para sa Kabilang-buhay ang higit na mainam
kaysa roon, o hahadlangan Niya sa kanya ang isang
masamang bagay na katulad niyon, malibang nananaMga
Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
10
langin siya ng ikapagkakasala o ikapuputol ng ugnayan
sa kamag-anak.
Ayon pa rin ‘Ubádah ibnu asSámit (RA), ang Sugo ni
Allah (SAS) ay nagsasabi noon: Ang panalangin ng isang
Muslim para sa kanyang kapatid (sa Islam) nang hindi
nito nasasaksihan ay didinggin. Sa tabi ng kanyang ulo
ay may isang anghel na nakatalaga. Sa tuwing mananalangin
siya ng mabuti para sa kanyang kapatid, nagsasabi
ang nakatalagang anghel ng: Amen at sumaiyo ang
katulad ng ipinanalangin mo.
Ang mga Aral
1. Ang panalangin ay pagsambang hindi ipinahihintulot
na ibaling sa iba pa kay Allah. Ang sinumang magbaling
nito sa iba pa kay Allah ay nagtambal kay Allah. Dapat
malamang ang panalangin ay may dakilang kalagayan
yayamang itinuring ito ng Sugo (SAS) na pagsamba o
ang pinakadakilang saligan ng pagsamba.
2. Kaibig-ibig na hinaan ang tinig sa panalangin at kaibigibig
din na manalangin ng mga maikli ngunit malaman
na pangungusap: panalanging puno ng kahulugan sa
kakaunting mga salita.
3. Ang babala laban sa pananalangin laban sa sarili niya
o pag-aari niya o anak niya.
4. Ang pagiging kaibig-ibig na ipanalangin ang mga kapatid
na Muslim nang hindi nila nasasaksihan.
5. Na kapag nananalangin ang isang tao, hindi nangangahulugang
matutupad kaagad ang hinihiling niya. Maaaring
ilayo sa kanya ang isang masamang bagay na katulad
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
11
ng ipinanalangin niyang ilayo sa kanya o ang katuparan
ng panalangin niya ay ilalaan sa kanya para sa Kabilangbuhay
at saka ibibigay sa araw na iyon na lalo niyang
kailangan.
5. Ang Kaalaman
Sinabi ni Allah (39:9): Sabihin mo: Nagkakapantay
ba ang mga nakaaalam at ang mga hindi nakaaalam?
Sinabi pa Niya (58:11): iaangat ni Allah ng mga antas
ang mga sumampalataya na kabilang sa inyo at ang
mga binigyan ng kaalaman.
Sinabi pa Niya (20:114): at sabihin mo:
“Panginoon ko, dagdagan Mo ako sa kaalaman.”
Sinabi pa Niya (35:27): Tanging ang natatakot kay
Allah mula sa mga lingkod Niya ay ang mga nakaaalam.
Ayon sa sinabi ni Mu‘awiyah (RA), ang Sugo ni Allah
(SAS) ay nagsabi: Ang sinumang nanaisan ni Allah ng
kabutihan, bibigyan Niya ito ng pag-unawa sa Relihiyon.
Ayon kay Anas (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Ang sinumang magturo ng isang karunungan ay magkakamit
siya ng katulad ng gantimpala ng gumawa ayon
dito nang hindi nababawasan ng anuman ang gantimpala
ng gumagawa.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Kapag namatay ang anak ni Adan, humihinto
ang gawa niya maliban sa tatlo: kawanggawa na
tuloy-tuloy, o kaalamang napakikinabangan, o matuwid
na anak na nananalangin para sa kanya.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
12
Ayon kay Sahl ibnu Sa‘d (RA), ang Sugo ni Allah (SAS)
ay nagsabi: sumpa man kay Allah, ang patnubayan ni
Allah sa pamamagitan mo ang iisang tao ay mainam
para sa iyo kaysa sa mga mamahaling kamelyo.7
Ayon kay ‘Abdulláh ibnu ‘Amr ibni al‘Áss (RA), ang
Propeta (SAS) ay nagsabi: Iparating ninyo ang tungkol
sa akin, kahit isang talata lamang ng Qur’án.
Ang mga Aral
1. Inilahad sa mga talata ng Qur’án at mga Hadíth na
nabanggit ang kahalagahan ng kaalaman at ng mga may
kaalaman, na ang pagkakaroon ng pag-unawa sa Relihiyon
ay patunay ng pagnanais ni Allah ng kabutihan
sa isang tao, at na ang paghahanap ng kaalaman ay isa
sa mga dahilan ng pagpasok sa Paraiso.
2. Ang laki ng gantimpala sa pagtuturo sa mga tao, pagpatnubay
sa kanila sa kabutihan, pagpaparating sa kanila
ng kaalaman kahit kaunti lamang, at na ito ay nakapagdudulot
ng kapakinabangan sa tao kahit patay na siya.
3. Na ang paghahanap ng karunungan ay mainam pa sa mga
pagsambang di-kailangang gampanan.
4. Maging masigasig na palakihing matuwid ang mga bata.
7 Ang pinakamahal na ari-arian para sa mga Arabe noon.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
13
6. Ang Pag-uutos sa Nakabubuti at ang
Pagsaway sa Nakasasama
Sinabi ni Allah (3:110): Kayo ay pinakamainam na
kalipunang inilabas para sa mga tao: ipinag-uutos ninyo
ang nakabubuti at sinasaway ninyo ang nakasasama,
at sumasampalataya kayo kay Allah.
Sinabi pa Niya (3:104): Magkaroon mula sa inyo ng
kalipunan na nag-aanyaya sa mabuti, nag-uutos sa
nakabubuti at sumasaway sa nakasasama. Ang mga
iyon ay ang mga matagumpay.
Ayon sa sinabi ni Abu Sa‘íd alKhudríy (RA): Narinig ko
ang Sugo ni Allah na nagsabi: Ang sinumang nakakita
mula sa inyo ng nakasasama ay baguhin niya ito sa
pamamagitan ng kamay niya. Ngunit kung hindi niya
makaya ay sa pamamagitan ng dila niya. Ngunit kung
hindi pa rin niya makaya ay sa pamamagitan ng puso
niya ngunit iyan ang pinakamahinang pananampalataya.
Ayon Kay Hudhayfah (RA), ayon sa sinabi ng Propeta
(SAS): Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay
nasa mga kamay Niya, talagang ipag-utos nga ninyo
ang nakabubuti at talagang ipagbawal nga ninyo ang
nakasasama dahil kung hindi ay talagang halos ngang
si Allah ay magpapadala na sa inyo ng parusang buhat
sa Kanya at pagkatapos ay kung mananalangin kayo sa
Kanya ay hindi na Niya kayo diringgin.
Ayon sa sinabi ni Abu Bakr asSiddíq (RA): Narinig ko
ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi: Tunay na ang mga
tao kapag nakakita ng lumalabag sa katarungan at hindi
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
14
nila sinupil ito, halos sama-sama silang papatawan ni
Allah na kaparusahang buhat sa Kanya.
Ang mga Aral
1. Ang pag-uutos sa nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama
ay dahilan ng pananagumpay.
2. Na ang sinumang makakita ng masama ay tungkulin
niyang baguhin iyon ayon sa kanyang kakayahan.
3. Ang pagtatakwil sa nakasasama sa pamamagitan ng
kamay (lakas) ay tungkulin ng sinumang nagtataglay ng
kapagyarihan gaya ng ama sa tahanan, o isang pinuno
o sinumang itinalaga niya upang kumatawan sa kanya.
4. Ang pagtatakwil sa nakasasama ay humihiling na kamuhian
at layuan ang nakasasama.
5. Ang pagtalikod sa pag-uutas sa nakabubuti at pagsaway
sa nakasasama ay isang dahilan kung bakit nahahadlangang
matugon ang panalangin at ito ay isang dahilan
din ng pagpapataw ng kaparusahan mula kay Allah.
7. Ang Wastong Paraan ng Pag-uutos sa
Nakabubuti at ang Pagsaway sa
Nakasasama
Sinabi ni Allah (16:125): Mag-anyaya ka tungo sa
landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan
at magaling na pangangaral, at makipagtalo ka sa kanila
sa paraang siyang pinakamagaling.
Sinabi pa Niya (3:159): Kaya dahil sa awa mula kay
Allah, nagbanayad ka sa kanila. Kung ikaw ay naging
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
15
isang magaspang na mabagsik ang puso, talagang
nagsilayuan na sana sila mula sa paligid mo.
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA), nagsabi ang Sugo ni
Allah (SAS): Tunay na si Allah ay mabait at iniibig Niya
ang kabaitan sa lahat ng bagay.
Ayon pa rin sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA), ang Propeta
(SAS) ay nagsabi: Tunay na ang kabaitan kapag nasa
isang bagay ay pinagaganda nito iyon, at kapag inalis
ay pinapapangit nito iyon.
Ayon sa sinabi ni Jarír ibnu ‘Abdulláh (RA): Narinig ko
ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi: ‘Ang sinumang
pinagkakaitan ng kabaitan ay pinagkakaitan siya ng
lahat ng kabutihan.
Ang mga Aral
1. Ang paghimok sa kabaitan at paggamit ng dunong sa pagaanyaya
sa Islam, pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway
sa nakasasama.
2. Ang paggamit ng kabagsikan sa mga tao ay maaaring
maging dahilan ng hindi pagtanggap sa katotohanan.
8. Ang Kabutihan sa mga Magulang
Sinabi ni Allah (29:8): Tinagubilinan Namin ang tao
na sa mga magulang ay gumawa ng magaling.
Sinabi pa Niya (17:23): Itinadhana ng Panginoon mo
na wala kayong sasambahin kundi Siya at sa mga magulang
ay magmagandang-loob. Kung aabutan nga sa piling
mo ng katandaan ang isa sa kanila o ang kapwa sa kaniMga
Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
16
lang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa
ng nakasusuya at huwag mong bulyawan silang dalawa.
Magsabi ka sa kanilang dalawa ng marangal na salita.
Sinabi pa Niya (31:14): Nagtagubilin Kami sa tao na
maging mabuti sa mga magulang niya – ipinagdalangtao
siya ng ina niya na nanghina nang nanghina at
ang pag-awat sa kanya ay sa loob ng dalawang taon.
Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo.
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA): Tinanong
ko ang Propeta (SAS) kung anong gawain ang pinakamainam.
Nagsabi siya: Ang pagdarasal sa takdang oras
nito. Nagsabi ako: Pagkatapos ay ano pa po? Nagsabi siya:
Ang paggawa ng mabuti sa mga magulang. Nagsabi muli
ako: Pagkatapos ay ano pa po? Nagsabi siya: Ang pakikibaka
sa Landas ni Allah.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): May dumating
na isang lalaki sa Sugo ni Allah at nagsabi ito: O Sugo ni
Allah, sino po sa mga tao ang higit na karapat-dapat sa
magandang pakikisama ko? Nagsabi siya (SAS): Ang ina
mo. Nagsabi ito: Pagkatapos ay sino pa po? Nagsabi siya
(SAS): Ang ina mo. Nagsabi ito: Pagkatapos ay sino pa po?
Nagsabi siya (SAS): Ang ina mo. Nagsabi ito: Pagkatapos
ay sino pa po? Nagsabi siya (SAS): Ang ama mo.
Ang mga Aral
1. Ang pagpaparangal ng Islam sa mga magulang, at ang
pag-uutos nito na tumalima sa mga magulang at maging
masigasig sa paggawa ng mabuti sa kanila.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
17
2. Na ang pinaka-ibig ni Allah sa lahat ng mga gawain
matapos ang pagdarasal sa takdang oras nito ay ang
paggawa ng mabuti sa mga magulang.
3. Ang mariing babala laban sa pagsuway sa mga magulang,
laban sa magaspang sa pakikipag-usap sa kanila,
at laban sa pagdadabog sa kanila.
4. Ang pagtatalakay ng mataas na kalagayan ng isang ina:
na siya ay uunahin kaysa sa ama sa pagtalima at sa paguukol
ng kabutihan.
9. Ang Kagandahan ng Asal
Sinabi ni Allah (68:4): Tunay na ikaw ay talagang
nasa isang sukdulang kaasalan.
Sinabi pa Niya (3:159): Kaya dahil sa awa mula kay
Allah, nagbanayad ka sa kanila. Kung ikaw ay naging
isang magaspang na mabagsik ang puso, talagang nagsilayuan
na sana sila mula sa paligid mo.
Ayon kay Abu Dardá’ (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Wala nang bagay na higit pang mabigat sa timbangan
ng tao sa Araw ng Pagbangon kaysa sa kagandahan
ng asal. Tunay na si Allah ay namumuhi sa mahalay
na nagsasalita ng masama.”
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): Tinanong ang
Sugo (SAS) kung ano ang pinakamadalas na nagpapapasok
sa mga tao sa Paraiso kaya nagsabi Siya (SAS): Ang pangingilag
magkasala kay Allah at kagandahan ng asal.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Ang pinakaganap sa mga mananampalataya
sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
18
kanila sa kaasalan at ang pinakamabuti sa inyo ay ang
pinakamabuti sa inyo sa mga maybahay nila.
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): Narinig ko ang Sugo
ni Allah (SAS) na nagsasabi: Tunay na ang mananampalataya
ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng
kagandahan ng asal niya sa antas ng nagdarasal at nagaayuno.
Ang mga Aral
1. Ang paglalahad ng kagandahan ng asal ng Sugo (SAS).
2. Ang kahalagahan at ang mataas na kalagayan ng kagandahan
ng asal, at na ito ay isa dahilan ng pagpasok ng
tao sa paraiso at ng pag-angat ng mga antas niya. Ang
mga gawa ay titimbangin sa araw ng pagtutuuos at ang
pinakamabigat na bagay sa timbangan ng isang Muslim
ay ang taqwá (pangingilag na magkasala kay Allah) niya
at ang kagandahan ng asal niya.
3. Ang paghimok ng Islam sa kagandahan sa salita at gawa,
at ang pagbabala laban sa kahalayan sa salita at gawa.
4. Ang kahalagahan ng magandang pagsasama ng mag-asawa.
5. Na ang pananampalataya ay nadadagdagan sa pamamagitan
ng pagtalima kay Allah at nababawasan sa pamamagitang
ng pagsuway sa Kanya.
10. Ang Kahinahunan at ang Kabaitan
Sinabi ni Allah (3:159): Kaya dahil sa awa mula kay
Allah, nagbanayad ka sa kanila. Kung ikaw ay naging
isang magaspang na mabagsik ang puso, talagang nagsilayuan
na sana sila mula sa paligid mo.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
19
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA), nagsabi ang Sugo ni
Allah (SAS): Tunay na si Allah ay mabait at iniibig Niya
ang kabaitan sa lahat ng bagay.
Ayon sa sinabi ni ibnu ‘Abbás (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS) kay Ashajj Abdulqays (RA): Tunay na
may taglay kang dalawang katangiang naiibigan ni Allah:
ang pagtitimpi at ang kahinahunan.
Ayon kay ‘Á’ishah (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Tunay na ang kabaitan kapag nasa isang bagay ay nagpapagaganda
nito at kapag inalis ay nagpapapangit niito.
Ayon sa sinabi Jarír ibnu ‘Abdulláh (RA): Narinig ko
ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi: Ang sinumang
pagkakaitan ng kabaitan ay pagkakaitan ng lahat ng
kabutihan.
Ang mga Aral
1. Ang pagkaibig ni Allah sa kabaitan at na ang kabaitan
ay isang dahilan ng pagpapalapit ng biyaya.
2. Na ang ilan sa mga katangian ng mga mapupunta sa
Paraiso ay ang kaluwagan at ang kabaitan sa pakikitungo
sa kapwa.
3. Ang kahalagahan ng kahinahunan at ang babala laban
sa galit.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
20
11. Ang Awa
Sinabi ni Allah hinggil sa Propeta Niyang si Muhammad
(SAS) (9:128): Talaga ngang may dumating sa inyo na
isang Sugo na mula sa mga sarili ninyo, na mabigat sa
kanya ang anumang ikapaghihirap ninyo, na masigasig
sa kapakanan ninyo, na mahabagin at maawain sa mga
sumasampalataya.
Nagsabi naman Siya hinggil sa mga mananampalataya
(48:29): mga maawain sa isa’t isa sa kanila.
Ayon sa sinabi ni Jarír ibnu ‘Abdulláh (RA): Nagsabi
ang Sugo ni Allah (SAS): Hindi kaaawaan ni Allah ang
sinumang hindi naaawa sa mga tao.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): Narinig ko si
Abulqásim, ang nagpapakatotoong pinatotohanan,8 na nagsasabi:
Walang pinagkakaitan ng awa kundi ang buhong.
Ang mga Aral
1. Na ang pagkamaawain ay isa sa mga katangian ng mga
mananampalataya.
2. Na ang pagkamaawain sa mga tao ay isa sa mga dahilan
ng pagpasok sa awa ni Allah.
3. Ang pagkaalis ng awa sa puso ay tanda ng kabuhungan
ng isang tao.
8 Ang Sugo ang tintukoy ng Abulqásim.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
21
12. Ang Pagbabawal sa Paglabag sa
Katarungan
Sinabi ni Allah (40:18): Ang mga lumalabag sa katarungan
ay mawawalan ng anumang matalik na kaibigan
ni tagapamagitang matatalima.
Ayon kay Abu Dharr (RA), ayon sa isinasalaysay ng
Propeta (SAS) hinggil kay Allah na Siya ay nagsabi: O
mga lingkod Ko, tunay na ipinagbawal Ko sa sarili Ko
ang paglabag sa katarungan at ginawa Ko itong bawal
sa gitna ninyo kaya naman huwag kayong maglabagan
sa katarungan.
Ayon kay Jábir (RA), ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi:
Pangilagan ninyo ang paglabag sa katarungan
sapagkat ang paglabag sa katarungan ay mga kadiliman
sa Araw ng Pagbangon.
Ayon kay Mu‘ádh ibnu Jabal (RA), batay sa Hadíth
hinggil sa pagpapadala sa kanya sa Yemen, ang Sugo ni
Allah (SAS) ay nagsabi: Pangilagan mo ang panalangin
ng nagawan ng kawalang-katarungan sapagkat walang
hadlang sa pagitan [ng panalanging] ito at ni Allah.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Ang sinumang may paglabag sa katarungan na
nagawa sa kapwa niya, sa karangalan nito o sa anuman,
ay kumalas siya pananagutan bago dumating ang araw
na wala nang Dinar ni Dirham. Kung siya ay may matuwid
na gawa, kukuha mula rito ayon sa katumbas ng paglabag
niya sa katarungan. Ngunit kung wala siyang mga nagaMga
Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
22
wang maganda, kukuha mula sa mga nagawang masama
ng inapi at ipapapasan sa kanya.”
Ang mga Aral
1. Ang pagbabawal sa pang-aapi at ang babala laban dito.
2. Ang tindi ng nakalaang parusa sa lumabag sa katarungan
sa mundo at sa Kabilang-buhay.
3. Ang panalangin ng nagawan ng kawalang-katarungan ay
dinidinig laban sa gumawa ng kawalang-katarungan
sa kanya.
13. Ang Kabanalan ng Buhay ng Muslim
Sinabi ni Allah (4:93): Ang sinumang papatay sa isang
sumasampalataya nang sinasadya, ang ganti sa kanya
ay Impiyerno upang manatili roon; magagalit si Allah,
isisumpa siya Nito at maghahanda Ito para sa kanya
ng isang malaking pagdurusa.
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA), nagsabi
ang Sugo ni Allah (SAS): Ang unang kasalanang hahatulan
sa mga tao sa Araw ng Pagbangon ay kaugnay sa
mga pagpatay.
Ayon kay ‘Abdulláh ibnu ‘Amr (RA), ang Sugo ni Allah
(SAS) ay nagsabi: Talagang ang paglaho ng mundo ay
higit na magaan kay Allah kaysa sa pagpatay sa Muslim.
Ang mga Aral
1. Na ang ganti sa mamamatay-tao sa mundo ay kamatayan
at sa Kabilang-buhay ay pananatili sa Impiyerno.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
23
2. Ang mariing babala laban sa pagpatay sa isang Muslim
at ang paglilinaw sa kasukdulan ng kabanalan ng buhay
ng isang Muslim sa ganang kay Allah.
3. Na ang unang hahatulan sa mga tao sa Araw ng Pagbangon
ay ang mga pagpatay dahil sa kasukdulan ng kasalanan
ng paggawa ng mga ito.
14. Ang Karapatan ng Muslim
Sinabi ni Allah (49:10): Ang mga mananampalataya
ay magkakapatid lamang,
Ayon sa sinabi ni Abú Músá (RA), nagsabi ang Sugo ni
Allah (SAS): Ang mananampalataya sa kapwa mananampalataya
ay gaya ng gusali: pinatatatag nila ang isa’t isa.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi
niya pinagtataksilan ito, hindi niya pinagsisinungalingan
ito, at hindi niya tinatalikdan ang pagtulong dito. Ang
lahat ng nasa Muslim para sa kapwa Muslim ay bawal
lapastanganin: ang karangalan niya, ang pag-aari niya,
at ang buhay niya. Ang pangingilag sa pagkakasala ay
narito [sa puso]. Sapat ng sa isang tao bilang kasamaan
na hamakin niya ang kapatid niyang Muslim.
Ayon kay Anas (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Hindi sumasampalataya ang sinuman sa inyo malibang
iibigan niya para sa kapatid niya ang iibigan niya para
sa sarili niya.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Ang sinumang nag-alis sa isang Muslim
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
24
ng isang kapighatian, mag-aalis si Allah sa kanya ng
isang kapighatian mula sa mga kapighatian sa Araw
ng Pagbangon. Ang sinumang nagpaginhawa sa isang
nahihirapan, pagiginhawahin siya ni Allah sa Mundo
at sa Kabilang-buhay. Ang sinumang nagtakip sa isang
Muslim, pagtatakpan siya ni Allah sa Araw ng Pagbangon.
Si Allah ay nasa pagtulong sa tao hanggat ang tao ay nasa
pagtulong sa kapatid niya.
Ang mga Aral
1. Ang mananampalataya ay kapatid ng mananampalataya,
maging ito man ay bata o matanda, namumuno o nasasakupan.
2. Ang paghimok sa mga Muslim na magtulungan at umalalay
sa lahat ng nangangailangan ng pag-alalay sa ano
mang walang kinalaman sa pagsuway kay Allah.
3. Ang kabutihan ng pagtulong sa nangangailangan at ang
laki ng gantimpalang inilaan doon ni Allah.
15. Ang Karapatan ng Kapit-bahay
Sinabi ni Allah (4:36): Sambahin ninyo si Allah at
huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa
mga magulang ay gumawa ng magaling, at sa mga
kamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na
kamag-anak, kapit-bahay na di-kaanu-ano, kasamahan,
dayuhang manlalakbay,
Ayon kay Abú Hurayrah (RA): Ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Sumpa man kay Allah, hindi siya sumasampalataya;
sumpa man kay Allah, hindi siya sumasampalataya;
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
25
sumpa man kay Allah, hindi siya sumasampalataya! May
nagsabi: Sino po, o Sugo ni Allah? Nagsabi Siya (SAS):
Ang taong hindi ligtas ang kapit-bahay niya sa mga panliligalig
niya.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Ang sinumang sumasampalataya kay Allah at
sa Kabilang-buhay ay huwag niyang pinsalain ang kapitbahay
niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allah
at sa Kabilang-buhay ay magparangal sa panauhin niya.
Ang sinumang sumasampalataya kay Allah at sa Kabilangbuhay
ay magsabi ng mabuti o manahimik.
Ang mga Aral
1. Ang paghimok at ang pagbibigay-diin sa paggawa ng
mabuti sa mga kapit-bahay at ang hindi paggawa ng
kapinsalaan sa kanila.
2. Na bahagi ng kaganapan ng pananampalataya ng Muslim
ay ang paggawa niya ng mabuti sa kapit-bahay niya at
pagpigil niyang magawan ito ng kapinsalaan kahit ito
ay isang di-Muslim.
16. Ang Panganib ng Dila
Sinabi ni Allah (50:18): Wala siyang binibigkas na
anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may
isang mapagmasid na nakahanda magtala.
Sinabi pa Niya (17:36): Huwag mong sundan ang
anumang wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay
na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat
isa sa mga iyon ay pananagutin.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
26
Ayon sa sinabi ni Músá al‘Ash‘aríy (RA): Nagsabi ako:
O Sugo ni Allah, alin sa mga Muslim ang pinakamainam?
Nagsabi siya (SAS): Ang sinumang ligtas ang Muslim
sa dila niya at kamay niya.
Ayon sa sinabi ni Sahl ibnu Sa‘d (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Ang sinumang nagtiyak sa akin [na hindi
gagamitin sa bawal] ang nasa pagitan ng bigote at balbas
niya at ang nasa pagitan ng dalawang hita niya, titiyakin
ko sa kanya ang Paraiso.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), narinig niya ang Propeta
(SAS) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nakapagsalita
ng salitang hindi niya napaglinawan iyon na
matitisod siya dahil dito sa Impiyerno na ang lalim ay
higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.
Ang mga Aral
1. Ang panganib ng dila at ang tungkuling pag-ingatan ito,
at na ang tao ay maaaring matisod sa Impiyerno dahil
sa isang salitang walang ingat niyang sinabi. Ang pagsasalita
na hindi ayon sa pagtalima kay Allah ay isa sa
mga dahilan ng pagpasok ng tao sa Impiyerno at ang
pag-iingat sa pagsasalita ang isa rin sa mga dahilan ng
pagpasok sa Paraiso. Ang pagkakamali ng maraming mga
tao ay sanhi ng walang ingat nilang pagbibitaw ng mga
salitang walang kabuluhan.
2. Ang tao ay pananagutin sa mga sinabi at mga ginawa
niya, at ang pinakamapanganib sa katawan ng tao ay
ang dila at ang ari (sex).
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
27
17. Ang Pagbabawal sa Panlilibak
Sinabi ni Allah (49:12): Huwag libakin ng ilan sa inyo
ang iba sa inyo. Iibigin ba ng isa sa inyo na kainin ang
laman ng kapatid niya kapag patay na? Kasusuklaman
ninyo ito.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA): Ang Sugo ni Allah (SAS)
ay nagsabi: Nalalaman ba ninyo kung ano ang panlilibak?
Nagsabi sila: Si Allah at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam.
Nagsabi siya (SAS): Ang pagbanggit mo sa kapatid
mo ng hinggil sa anumang kasusuklaman niya. May
nagsabi: Ano po naman ang tingin ninyo kung taglay ng
kapatid ko [na iyon] ang sinasabi ko? Nagsabi siya: Kung
taglay niya ang sinasabi mo ay nilibak mo na nga siya;
at kung hindi niya taglay ang sinasabi mo, siniraangpuri
mo na nga siya.
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): Sinabi ko sa Propeta
(SAS): Sapat na iyo si Safíyah na ganito at ganoon. (Ibig
niyang sabihin ay pandak si Safíyah.) Kaya nagsabi siya
(SAS): Talaga ngang nakapagsabi ka ng isang salitang
kung ihinalo sa tubig ng dagat ay talagang binago na
sana nito iyon.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS)
ay nagsabi: Ang lahat ng nasa Muslim para sa kapwa
Muslim ay bawal lapastanganin: ang karangalan niya,
ang pag-aari niya, at ang buhay niya.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Ang sinumang sumasampalataya kay Allah at
sa Kabilang-buhay ay magsabi ng mabuti o manahimik.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
28
Ayon kay Abú Dardá’ (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
Ang sinumang nagsanggalang sa karangalan ng
kapatid niya, ipagsasanggalang ni Allah ang mukha niya
sa Apoy sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Aral
1. Ang pagbabawal sa panlilibak, na ito ay isa sa mga malaking
kasalanan at ang katindihan ng parusa ng manlilibak.
2. Ang pagbanggit sa isang tao ng kasusuklaman niyang
marinig ay isang panlilibak na ipinagbabawal, kahit pa
man iyon ay nagtataglay ng katotohanan.
3. Ang tungkuling pagsabihan at pigilan ang nanlilibak sa
panlilibak, ang pagbabawal sa pakikinig sa panlilibak,
at ang kabutihan ng pagsasanggalang sa karangalan ng
kapwa Muslim upang ipagsanggalang din ni Allah ang
mukha niya sa Apoy sa araw ng Pagbangon.
4. Na ang panlilibak ay maaaring sa pamamagitan ng pagsalita
o pagpapahiwatig ng kinasusuklaman ng isang tao.
18. Ang Kalamangan ng Pagpapakatooo at
ang Pagpupula sa Pagsisinungaling
Sinabi ni Allah (16:105): Tunay na ang gumagawagawa
ng kasinungalingan ay ang mga hindi sumasampalataya
lamang sa mga Tanda ni Allah, at ang mga
iyon ay ang mga sinungaling.
Sinabi pa Niya (9:119): O mga sumampalataya, mangilag
kayong magkasala kay Allah at maging kasama kayo
ng mga nagpapakatotoo.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
29
Sinabi pa Niya (47:21): at kung sakaling nagpakatotoo
sila kay Allah, talagang ito sana ay naging mabuti para
sa kanila.
Ayon kay Hasan ibnu ‘Alíy (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Iwan mo ang nakapag-aalinlangan sa iyo tungo
sa hindi nakapag-aalinlangan sa iyo sapagkat tunay na
ang katapatan ay kapanatagan at ang kasinungalingan
ay pag-aalinlangan.
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA), nagsabi
ang Sugo ni Allah (SAS): Tunay na ang pagpapakatotoo
ay pumapatnubay tungo sa kabutihan at ang kabutihan
ay pumapatnubay tungo sa Paraiso. Tunay na ang tao ay
talagang nagpapakatotoo at nagsisikap sa pagpapakatotoo
hanggang sa maitala siya sa ganang kay Allah bilang
makatotoo. Tunay na ang pagsisinungaling ay pumapatnubay
tungo sa kabuktutan at ang kabuktutan ay pumapatnubay
tungo sa Impiyerno. Ang tao ay talagang nagsisinungaling
at nagsisikap sa pagsisinungaling hanggang
sa maitala siya sa ganang kay Allah bilang isang
palasinungaling.
Ayon kay ‘Abdulláh ibnu ‘Umar (RA), ang Propeta (SAS)
ay nagsabi: May apat na [katangiang] ang sinumang ang
mga ito ay nasa kanya ay magiging dalisay na mapagkunwari.
Ang sinumang mayroong isang katangian sa
mga ito ay mayroon siyang isang katangian ng pagkamapagkunwari
hanggang sa iwan niya ito: kapag pinagkatiwalaan
siya ay nagtataksil siya, kapag nagsalita siya
ay nagsisinungaling siya, kapag nangako siya ay sumisira
siya, at kapag nakipagtalo siya ay nagsasalita siya
nang marahas.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
30
Ang mga Aral
1. Ang babala laban sa pagsisinungaling, na ito ay isa sa
mga katangian ng mga mapagkunwari, at ang tindi ng
pagdurusa ng sinumang nagkakalat ng kasinungalingan
sa mga tao.
2. Na ito ay nauuwi sa mga pagsuway at na ito ay isa sa
mga dahilan ng pagpasok sa Impiyerno.
3. Ang pagpatatalakay ng kabutihan ng katapatan at ang
paghimok na maging tapat sa lahat ng bagay.
4. Na ang pagsisinungaling ay isa sa mga tanda ng pagkukunwari.
19. Ang Pagbabalik-loob
Sinabi ni Allah (24:31): Magbalik-loob kayong lahat
kay Allah, o mga mananampalataya, nang harinawa
kayo ay magtagumpay.
Sinabi pa Niya (66:8): O mga sumampalataya, magbalik-
loob kayo kay Allah nang may tapat na pagbabalik-
loob.
Ayon sa sinabi ni al’Agharr ibnu Yasár alMuzaníy (RA),
nagsabi ang Sugo (SAS): O mga tao magbalik-loob kayo
kay Allah at humingi kayo ng tawad sa Kanya sapagkat
tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya isang daang
ulit sa isang araw.”
Ayon sa sinabi ni Anas (RA), nagsabi ang Sugo ni Allah
(SAS): Si Allah ay higit na masaya sa pagbabalik-loob
ng lingkod Niya kaysa sa isa sa inyo na nakatagpo sa
kamelyo niya na naiwala niya sa lupain ng tigang na
disyerto.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
31
Ayon sa sinabi ni Anas (RA), nagsabi ang Sugo ni Allah
(SAS): Lahat ng anak ni Adam ay mapagkamali at ang
pinakamainam sa mga mapagkamali ay ang mga mapagbalik-
loob.
Ayon kay ‘Abdulláh ibnu ‘Umar ibni alKhattab (RA),
ang Propeta (SAS) ay nagsabi: Tunay na si Allah, kamahalmahalan
Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap ng pagbabalik-
loob ng lingkod Niya habang hindi pa umaabot
ang kaluluwa sa lalamunan.
Ayon kay Abu Músa al’Ash‘aríy (RA), ang Propeta
(SAS) ay nagsabi: Inaabot ni Allah ang kamay Niya sa
gabi upang makapagbalik-loob ang nakagawa ng masama
sa maghapon at iniaabot Niya ang kamay Niya sa maghapon
upang makapagbalik-loob ang nakagawa ng masama
sa gabi hanggang sa sumisikat ang araw sa kanluran nito.
Ang mga Aral
1. Ang tungkuling magbalik na nagsisi kay Allah sa lahat
ng oras maging ano pa man ang kasalanan at maging
gaano man ito kalaki. Ito ay isa rin sa mga dahilan ng
tagumpay at kaligtasan ng tao.
2. Ang kahalagahan ng pagbabalik na nagsisi kay Allah,
ang lawak ng awa at kagandahang-loob ni Allah at na
ikinagagalak Niya ang pagsisi ng isang.
3. Na bahagi ng kalikasan ng tao ang pagkakamali, subalit
tungkulin pa rin niyang pagsisihan at ihingi ng tawad
ang mga pagkakasala niya.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
32
Ang mga Kundisyon sa Pagsisisi
A. Na isa sa mga kundisyon ng pagsisisi ay bago sumapit
ang kamatayan at bago maghingalo.
B. Na ito ay bago sumikat ang araw sa kanluran nito yamang
sa sandaling iyon ay wala nang kabuluhan ang pagsisisi.
C. Na ang sinumang magsisi nang tapat sa kasalanan at
pagkatapos ay nagbalik sa kasalanan, ang unang pagsisi
niya ay tanggap pa rin subalit mangangailangan siya ng
panibagong pagbabalik-loob.
D. Ang pagtalikod sa kasalanan, ang pagsisisi sa nagdaang
pagsuway, at ang pagtitika (matibay na pagpapasya) na
hindi na magbabalik sa kasalanan.
20. Ang Pagbati
Sinabi ni Allah (24:27): O mga sumampalataya, huwag
kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay
ninyo malibang nagpaalam kayo at bumati kayo sa
mga nakatira sa mga ito.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Hindi kayo papasok sa Paraiso malibang
sumasampalataya kayo at hindi kayo sumasampalataya
nagmamahalan kayo. Hindi ko ba kayo gabayan sa isang
bagay na kapag ginawa ninyo iyon ay magmamahalan
kayo? Ipalaganap ninyo ang pagbati sa gitna ninyo.
Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh ibnu Salám (RA): Narinig
ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi: O mga tao,
ipalaganap ninyo ang pagbati, magbigay kayo ng pagkain,
panatilihin ninyo ang ugnayang pangmag-anak, at magMga
Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
33
dasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay natutulog at
papasok kayo sa paraiso nang may kapayapaan.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah (SAS)
ay nagsabi: Kapag dumating ang sinuman sa inyo sa isang
pagtitipon ay bumati siya. Kapag ninais niyang umupo
ay umupo siya. Pagkatapos kung ninais niyang tumayo
[upang lumisan] ay bumati uli siya sapagkat ang unang
pagbati ay hindi naman higit na karapat-dapat kaysa sa
huling pagbati.
Ang mga Aral
1. Ang kabutihan ng pagbati, na ito ay isang dahilan ng
pagmamahalan, dahilan ng pagpasok sa Paraiso.
2. Kanais-nais ang pagbibigay ng pagbati sa mga Muslim
na nakikilala at hindi nakikilala, at na ang pagbati ay
hindi para sa kakilala lamang.
3. Na ang paraan ng pagbati ayon sa Sunnah ay ang pagsabi
ng assalámu ‘alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo).
Kung dinagdagan ito ng wa rahmatu lláh
(at ang awa
ni Allah), ito ay higit na mainam. Kung dinagdagan ng
wa rahmatu lláhi
wa barakátuh (at ang awa ni Allah
at ang mga biyaya Niya), ito ay ang pinakamainam. Ang
pagkatungkulin ng pagtugon sa pagbati ng tulad niyon at
ang pagkakanais-nais ng pagdagdag sa pagbati.
4. Kapag sa pagtitipon ay may mga Muslim at mga Káfir,
ipinahihintulot ang pagbibigay ng pagbati.
5. Ang pagbabawal sa pagsisimula ng pagbati ng assalámu
‘alaykum sa mga Káfir ngunit kapag bumati sila sa atin
ay ating magsasabi tayo ng wa ‘alaykum.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
34
6. Ang pagkakaibig-ibig ng pagbibigay ng pagbati kapag
naghiwalay ang mga Muslim at pagkatapos ay nagkita
na naman, kahit sa loob ng maikling sandali.
7. Ang pagbabawal sa pagpasok sa mga bahay ng iba nang
walang paalam sa nakatira sa mga ito.
21. Ang mga Magandang Asal sa Harap ng
Pagkain
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA), nagsabi ang Sugo ni
Allah (SAS): Kapag kakain ang sinuman sa inyo ng pagkain
ay magsabi siya ng bismi lláh
ngunit kung nakalimutan
niya sa simula ay magsabi siya sa bandang huli
ng bismi lláhi
fí awwalihi wa ákhirih.9
Ayon sa sinabi ni ‘Umar ibnu Abí Salamah (RA): Sinabi
sa akin ng Sugo ni Allah (SAS): Sabihin mo ang bismi
llah,
kumain ka sa pamamagitan ng kanang kamay mo,
at kainin mo ang malapit sa iyo.
Ayon kay ‘Abdulláh ibnu ‘Umar (RA), ang Sugo ni Allah
(SAS) ay nagsabi: Huwag ngang kumain ang isa sa inyo
sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at huwag nga
siyang uminom sa pamamagitan nito sapagkat tunay na
ang Demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang
kamay nito at umiinom sa pamamagitan niyon.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): Hindi namintas
ang Sugo ni Allah (SAS) ng isang pagkain kailanman. Kung
naibigan niya ito ay kakainin niya ito at kung inayawan niya
ito ay iiwan niya ito.
9 Sa ngalan ni Allah, sa simula nito at sa wakas nito.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
35
Ang mga Aral
1. Ang pagbabawal na kumain sa pamamagitan ng kaliwang
kamay at na ito ay may pagwawangis sa Demonyo
maliban sa may mapagpapaumanhinang dahilan.
2. Ang pagkakaibig-ibig ng pagsabi ng bismi lláh
kapag
kakain, at na ang sinumang nakalimot nito ay magsasabi
nito kapag naalaala ito habang kumakain na. Kaibig-ibig
din na sabihin kapag nakatapos kumain ang Alhamdu
lilláhi lladhí
at‘amaní hádhá wa razaqaní min ghayri
hawlim minní wa lá qúwah.10
3. Na ang sunnah ay hindi pintasan ang pagkain, bagkus
kung maibigan ay kainin at kung hindi naman ay huwag
kainin. Ipinahihintulot ang pagbanggit ng kapintasan ng
pagkain kapag ang layunin ay ang pagbibigay-alam.
22. Ang Paggamit ng Palikuran
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): Ang Propeta noon (SAS),
kapag [nagnais na] pumasok sa palikuran, ay nagsasabi
ng Alláhumma inní a‘údhu bika mina lkhubthi
wa
lkhabá’ith.
11
Ayon kay ‘Á’ishah (RA): Ang Sugo ni Allah (SAS)
noon, kapag nakalabas na sa palikuran. ay nagsasabi ng
ghufrának.12
Ayon kay Jábir ibnu ‘Abdulláh (RA): Ang Sugo ni Allah
(SAS) ay nagbawal sa pag-ihi sa tubig na hindi umaagos.
10 Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpakain sa akin nito at nagtustos
sa akin nang walang lakas ni kapangyarihan mula sa akin.
11 O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking
demonyo at mga babaing demonyo.
12 Hinihingi ko ang kapatawaran Mo.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
36
Ang mga Aral
1. Kaibig-ibig para sa isang Muslim kapag nagnanais na
pumasok sa palikuran na magsabi ng Alláhumma inní
a‘údhu bika mina lkhubthi
wa lkhabá’ith.
Kaibigibig
naman na magsabi ng ghufrának kapag lumabas na.
2. Ang tungkuling takpan ang ‘awrah13 sa harap ng mga
tao. Ang pagiging kaibig-ibig na lumayo at magtago sa
mga tao kapag iihi o dudumi. Kailangan ding maging
maingat upang hindi humarap o tumalikod sa Qiblah
kapag iihi o dudumi sa labas ng palikuran.
3. Kailangan ding maging maingat na hindi mabahiran ng
ihi o dumi ang kasuutan at maglinis nang maigi matapos
umihi o dumumi sa pamamagitan ng tubig kung maaari.
4. Ang paglalahad sa kalubusan ng Relihiyong Islam yamang
sinasaklawan at nililinaw nito ang lahat ng bagay pati
na ang magandang asal sa paggamit ng palikuran.
23. Ang Pagbahin at ang Paghikab
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa sinabi ng Propeta
(SAS): Tunay na si Allah ay nakaiibig sa pagbahin at nasusuklam
sa paghikab. Kaya kapag bumahin ang isa sa inyo
at nagsabi ng alhamdu lilláh,14 isang tungkulin para sa
bawat Muslim na nakarinig sa kanya na magsabi sa kanya
ng yarhamuka lláh.
15 Tungkol naman sa paghihikab,
13 Ang ‘awrah ng lalaking nasa wastong gulang ay ang nasa pagitan ng
pusod at tuhod at ang sa babae naman ay ang buong katawan. May mga
pantas ng Islam na nagsasabing kasama sa ‘awrah ng babae ay ang mukha
at ang kamay kaya tatakpan din.
14 Ang papuri ay ukol kay Allah.
15 Kaawaan ka ni Allah.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
37
ito ay galing sa Demonyo lamang. Kaya kapag naghikab
ang isa sa inyo ay pigilin niya ito sa abot ng makakaya
niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo, kapag naghikab,
ay natatawa sa kanya ang Demonyo.
Ayon pa rin kay Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Kapag bumahin ang isa sa inyo ay magsabi
siya ng alhamdu lilláh at magsabi naman sa kanya ang
kapatid niya o ang kasamahan niya ng yarhamuka lláh.
Kapag nagsabi ito sa kanya ng yarhamuka lláh
ay magsabi
naman siya ng yahdíkumu lláhu
wa yuslihu bálakum.16
Ayon sa sinabi ni Abú Músá (RA): Narinig ko ang Sugo
ni Allah (SAS) na nagsasabi: Kapag bumahin ang isa sa
inyo at nagsabi siya ng alhamdu lillah ay magsabi kayo
ng yarhamuk lláh
sa kanya. Kung hindi siya nagsabi
ng alhamdu lillah [pagkatapos bumahin] ay huwag din
kayong magsabi ng yarhamuk lláh.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA): Ang Propeta (SAS),
kapag bumahin, ay nagtatakip ng mukha niya sa pamamagitan
ng kamay niya o ng damit niya. Pinahihina niya sa
pamamagitan nito ang tunog niyon.
Ang mga Aral
1. Ang pagkakaibig-ibig ng pagsabi ng yarhamuka lláh
sa isang bumahin kapag nagsabi ito ng alhamdu lilláh
matapos bumahin, kapag narinig ninuman.
2. Kapag hindi siya nagsabi ng alhamdu lilláh ay huwag
din siyang sabihan ng yarhamuka lláh.
3. Ang pagkakaibig-ibig ng pagpigil o pagsupil sa paghikab.
16 Patnubayan kayo ni Allah at pabutihin Niya ang kalagayan ninyo.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
38
4. Ang pagkakaibig-ibig nga pagtakip ng kamay sa bibig
kapag naghihikab.
5. Ang pagkakaibig-ibig ng pagtakip ng mukha ng damit
o panyo o kamay kapag bumabahin.
6. Ang kasagwaan ng pagpapalakas ng tunog ng pagbahin
o paghikab.
24. Ang Pagmamay-ari ng Aso
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Ang sinumang nag-alaga ng aso, maliban
sa aso para sa alagang hayop o pangangaso o pataniman,
ay nababawasan ng isang qírát17 mula sa gantimpala niya.
Ayon muli kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah
(SAS) ay nagsabi: Kapag dumila ang aso sa lalagyan18
ng isa sa inyo ay hugasan ninyo ito nang pitong ulit at
kuskusin19 ninyo ito ng lupa sa ikawalo.
Ang mga Aral
1. Ang pagbabawal sa pag-aalaga ng aso maliban sa pangangaso
o pagbabantay ng mga alagang hayop o pataniman.
2. Ang paglayo sa mga aso at ang pag-iwas sa mga ito.
3. Ang babala laban sa karumihan ng dinilaan ng aso
yamang huhugasan ito nang pitong ulit at pagkatapos
ay kukuskusin ng lupa.
17 Ang qírát ay singlaki ng bundok.
18 Plato o kaldero o baso o anumang katulad nito.
19 Maaaring gumamit ng sabon sa paghuhugas ng nadilaan ng aso ngunit
ang pinakamainam ay kuskusin ng lupa dahil natuklasang may mikrobyong
galing sa aso na napapatay ng lupa, hindi ng sabon.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
39
25. Ang Pag-aalaala20 kay Allah
Sinabi ni Allah (62:10): at alalahanin ninyo si Allah
nang madalas nang harinawa kayo ay magtagumpay.
Sinabi pa Niya (33:41-42): O mga sumampalataya,
alalahanin ninyo si Allah nang madalas na pag-aalaala,
at luwalhatiin ninyo Siya sa umaga at gabi.
Ayon kay Abu Músá al’Ash‘aríy (RA), ang Propeta
(SAS) ay nagsabi: Ang paghahalintulad ng umaalaala
sa Panginoon niya at ng hindi umaalaala sa Panginoon
niya ay katulad ng buhay at patay.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): May dalawang salitang magaan sa dila,
mabigat sa timbangan, naiibigan ng Pinakamaawain:
Subhana lláhi
wa bihamdih, subhana lláhi
l‘
adhím.21
Ayon pa sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang
Sugo ni Allah (SAS): Na magsabi ako ng subhaná llahi
wa lhamdu
lilláh22
at lá iláha illa lláhu
wa lláhu
akbar23
ay higit na kaibig-ibig para sa akin kaysa sa anumang
sinisikatan ng araw.
Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): Narinig ko ang Sugo ni
Allah (SAS) na nagsasabi: Ang pinakamainam na [kataga
sa] pag-alaala [kay Allah] ay Lá iláha illa lláh.
20 O dhikr sa wikang Arabe: maikling pananalita sa wikang Arabe, na binabanggit
bilang panalangin o pag-aalaala o pagluluwalhati kay Allah.
21 Kaluwalhatian kay Allah at kalakip ng papuri sa Kanya; kaluwalhatian
kay Allah, ang Sukdulan.
22 Kaluwalhatian kay Allah at at ang papuri ay ukol kay Allah.
23 Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay pinakadakila.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
40
26. Ang Kaibigan
Sinabi ni Allah (43:67): Ang magkakaibigan, sa araw
na iyon, ang iba sa kanila ay magiging kaaway ng iba
pa, maliban sa mga nangingilag sa pagkakasala.
Sinabi pa Niya (25:27-29): Banggitin ang araw na
kakagat ang lumabag sa katarungan sa mga kamay niya
habang nagsasabi: “O kung sana ako ay tumahak kasama
ng Sugo sa tamang landas. Ah, kasawian sa akin! Kung
sana ako ay hindi nagturing kay Polano bilang isang
kaibigan. Talagang iniligaw nga niya ako palayo sa
paalaala matapos na dumating ito sa akin.
Sinabi pa Niya (37:50-57): Pagkatapos ay haharap
ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.
Sasabihin ng isa sa kanila: “Tunay na ako ay may kasakasama
noon, na nagsasabi: Ikaw ba ay talagang kabilang
sa mga naniniwala? Kapag namatay ba tayo at
tayo ay naging alabok at mga buto na, tunay bang tayo
ay talagang mga gagantihan?” Magsasabi siya: “Kayo
ba ay magsisitingin sa baba?” Kaya tumingin siya sa
baba at nakita niya iyon na nasa gitna ng Apoy. Magsasabi
siya: “Sumpa man kay Allah, kamuntik mo na
talagang maipahamak ako; at kung hindi dahil sa
biyaya ng Panginoon ko, talagang ako ay kabilang na
sana sa mga dinala sa Impiyerno.”
Nagsabi ang Sugo (SAS): Ang tao ay napagagaya sa
paniniwala ng kaibigan niya kaya tingnan ng sinuman
sa inyo ang kinakaibigan niya.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
41
Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: May pito na lililiman sila ni Allah, pagkataastaas
Niya, sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi
ang lilim Niya:...dalawang taong nagmamahalan alangalang
kay Allah na nagkikita alang-alang sa Kanya at
naghihiwalay alang-alang sa Kanya;...
Ang mga Aral
1. Hindi maiiwasang ang bawat tao ay may kaibigan kaya
magsikap magkaroon ng matuwid na kaibigan na gagabay
sa iyo sa kabutihan at tutulong sa iyo roon.
2. Na ang kaibigan ay maaaring maging pinakamatindi sa
mga kaaway kapag siya ay umaakay sa mga pagsuway
at kawalang-pananampalataya kay Allah.
3. Ang pag-iingat na makipagkaibigan sa mga Káfir dahil
sila ay makahahadlang sa Muslim sa paggawa ng mabuti
at pagtalima kay Allah.
27. Ang Pagtitiis
Sinabi ni Allah (3:200): O mga sumampalataya, magtiis
kayo, humigit kayo sa pagtitiis,
Sinabi pa Niya (2:155): Talagang susubukin nga Namin
kayo sa pamamagitan ng bagay na tulad ng pangamba,
gutom, at kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay,
at mga bunga. Balitaan mo ng nakagagalak ang mga
nagtitiis,
Ayon sa sinabi ni Suhayb (RA): Nagsabi ang Sugo ni
Allah (SAS): Kataka-taka ang kalagayan ng mananampalataya.
Tunay na ang kalagayan niya ay pawang mabuti.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
42
Walang mayroon niyon kundi ang mga mananampalataya.
Kapag dinapuan siya ng nakalulugod, nagpapasalamat
siya. Iyon ay mabuti para sa kanya. Kapag naman dinapuan
siya ng nakalulumbay, nagtitiis siya. Iyon ay mabuti
rin para sa kanya.
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): Narinig ko ang Sugo ni
Allah (SAS) na nagsasabi: Si Allah, kamahal-mahalan
Siya at kapita-pitagan, ay nagsasabi: Kapag sinubok Ko
ang lingkod Ko sa pamamagitan ng [pagbulag sa] dalawang
pinakamamahal [na mata] niya at nagtiis siya,
tutumbasan Ko siya kapalit ng dalawang iyon ng Paraiso.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA), nagsabi ang Sugo
ni Allah (SAS): Walang dumarating sa isang Muslim na
pagod, ni karamdaman, ni pagkabagabag, ni kalungkutan,
ni kapinsalaan, ni lumbay, pati na ang tinik na
ikinatitinik niya, malibang nagtatakip si Allah sa pamamagitan
niyon ng ilan sa mga pagkakamali niya.
Ayon pa rin kay Abú Hurayrah (RA), ang Sugo ni Allah
(SAS) ay nagsabi: Hindi titigil ang pagsubok sa lalaking
mananampalataya o babaing mananampalataya: sa sarili
niya, sa anak niya, at sa pag-aari niya, hanggang sa makatagpo
niya si Allah nang wala na siyang pagkakamali.
Ang mga Aral
1. Ang paghihimok sa pagtitiis sa lahat ng nangyayari at
ang pag-iingat laban sa paghihinanakit yamang inaalis
nito ang gantimpala bunga ng pagsubok.
2. Na ang Muslim ay inaalisan ng mga pagkakasala sa
pamamagitan ng dumarating sa kanya na mga pagsubok.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam
43
3. Ang pagtitiis sa paggawa ng mga pagtalima at ang
pagtitiis sa pag-iwas sa mga pagsuway ay kabilang sa
pinakamainam sa mga uri ng pagtitiis.
4. Kailangan para sa isang Muslim na malugod sa tadhanang
ibinahagi sa kanya ni Allah yamang si Allah ay
Maalam at Marunong at Siya ay higit na nakababatid
sa kapakanan ng lingkod Niya.
Mga Alituntunin at mga Magandang Asal sa Islam