81
Ikatlong Kabanata: Ang Mensahe
Ang ikalawang usapin, ‘Ang Mensahe ni Jesus,’ ay
marahil ang pinakamahalagang punto na isasaalangalang.
Sapagkat, kung si Jesus ay hindi Diyos na
nagkatawang-tao, kundi isang propeta ng Diyos, ang
mensahe na inihatid niya mula sa Diyos ay ang
pinakadiwa ng kanyang misyon.
Ang Pagsuko
Ang saligan ng mensahe ni Jesus ay ang pagsuko sa
kalooban ng Diyos, sapagkat iyon ang saligan ng
relihiyong itinagubilin ng Diyos sa tao magmula noong
simula ng panahon. Sinasabi ng Allah128 sa Kabanata Ál
‘Imrán, ang ikatlong kabanata ng Qur’án, talata 19:
“Tunay na ang relihiyon para kay Allah ay Islam...”
128 Bagamat ilang ulit nang nasipi sa aklat na ito ang katagang “Alláh,”
nais nating bigyang-diin na ang katagang “Alláh” ay ang pangngalang
pantangi ng Diyos sa wikang Arabe. Hindi ito katumbas ng katagang
GOD sa Inggles o DIEU sa Pranses o DIOS sa Espanyol o ILÁH sa
Arabe o EL sa Hebreo sapagkat ang mga ito ay HINDI PANGALAN NG
DIYOS, kundi pawang mga katawagan lamang sa Panginoon o
Tagapaglika o sa tinatawag na DIYOS sa Tagalog. Mali ring akalaing si
Alláh ay Diyos lamang ng mga Arabe o mga Muslim, sapagkat kahit na
ang mga Hudyong Arabe at ang mga Kristiyanong Arabe ay Alláh ang
tawag sa Diyos na siyang lumalang sa langit at lupa. Alláh ang
ipinantatawag ng mga Muslim sa Diyos sapagkat nakatitiyak silang ito
ay pangalan ng Diyos yamang ang Diyos ay nagpakilala sa pangalang
ito. Ang Tagapagsalin.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
82
Sa wikang Arabe, ang pagsuko sa kalooban ng Diyos
ay tinawag na Islám. Sa Ebanghelyo ayon kay Mateo
7:21, si Jesus ay nasipi na nagsasabi: “Hindi ang bawat
nagsasabi sa akin, Panginoon,Panginoon, ay papasok sa
kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng
aking Ama na nasa langit.” Sa pahayag na ito, si Jesus
ay nagbigay-diin sa kalooban ng aking Ama, ang pagsuko
ng kalooban ng tao sa kalooban ng Diyos. Sa Juan 5:30,
naisalaysay na si Jesus ay nagsabi rin: “Hindi ako
makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako
ayon sa aking naririnig: at ang paghatol ko ay matuwid;
sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling
kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa
akin.”
Ang Kautusan
Ang “kalooban” ng Diyos ay napaloloob sa mga
kautusan na ipinahayag ng Diyos, na itinuro ng mga
propeta sa mga tagasunod nila. Kaya naman, ang
pagtalima sa kautusan ng Diyos ang saligan ng
pagsamba. Ang pangangailangang tumalima sa mga
kautusang ipinahayag ng Diyos ay pinagtibay ng Qur’an
sa Kabanata al-Má’idah (5), talata 44:
“Tunay na Aming ibinaba ang Torah na sa loob
nito ay may patnubay at liwanag, na naghahatol sa
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
83
pamamagitan nito ang mga propeta na mga
sumuko kay Allah…Ang sinumang hindi humatol
ng ayon sa ibinaba ni Allah, ang mga iyon ay ang
mga tumatangging sumampalataya.”
Naiulat din sa Ebanghelyo ayon kay Mateo 19:16-17 na
si Jesus ay gumawa sa pagtalima sa mga kautusan ng
Diyos na susi sa paraiso: “At narito, lumapit sa kanya
ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na
gagawin ko upang ako’y magkaroon ng buhay na walang
hanggan? At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong
sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa na siyang
mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay,
ingatan mo ang mga utos.” Naiulat din sa Mateo 5:19 na
ipinagpilitan ni Jesus ang mahigpit na pagsunod sa mga
kautusan; sinabi niya: “Kaya’t ang sinomang sumuway sa
isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa
mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit:
datapuwa’t ang sinumang gumanap at ituro, ito’y
tatawaging dakila sa kaharian ng langit.”
Ang batas ng Diyos ay kumakatawan sa patnubay para
sa sangkatauhan sa lahat ng gawain sa buhay. Ito ay
nagtatakda ng tama at mali sa kanila at nagbibigay sa mga
tao ng isang kumpletong sistema na namamahala sa lahat
ng kapakanan nila. Ang Tagapaglikha lamang ang higit na
nakaaalam sa kung ano ang nakabubuti para sa mga
nilikha Niya at kung ano ang hindi nakabubuti. Kaya ang
kautusan ng Diyos ay nag-uutos at nagbabawal sa ilang
mga gawain at mga bagay upang mapangalagaan ang
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
84
kaluluwa ng tao, ang katawan ng tao, at ang lipunan ng
tao laban sa kapinsalaan. Upang ang mga tao ay
makaganap sa potensiyal nila sa pamamagitan ng matuwid
na pamumuhay, kailangan nilang sambahin ang Diyos sa
pamamagitan ng pagtalima sa mga kautusan Niya.129
Ito ang relihiyong ipinararating sa mensahe ni Jesus:
ang pagsuko sa kalooban ng nag-iisang tunay na Diyos sa
pamamagitan ng pagtalima sa mga kautusan Niya.
Binigyang-diin ni Jesus sa kanyang mga tagasunod na
ang kanyang misyon ay hindi nagpawalang-bisa sa mga
kautusan na natanggap ni Propeta Moises. Yamang ang
mga propetang dumating pagkatapos ni Moises ay
nagpanatili sa kautusan, gayon din ang ginawa ni Jesus.
Ang kabanata al-Má’idah (5), talata 46 ng Qur’an ay
nagpapakitang pinatotohanan ni Jesus sa kanyang
mensahe ang mga Kautusan sa Torah.
“Pinasunod Namin sa mga bakas nila si Jesus na
anak ni Maria, bilang nagpapatotoo sa Torah na
nauna sa kanya at ibinigay Namin sa kanya ang
Ebanghelyo na sa loob nito ay may patnubay at
liwanag, at bilang nagpapatotoo sa Torah na
nauna rito...”
129 The Purpose of Creation, p. 42-43.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
85
Sa Mateo 5:17-18 ay nagpahayag si Jesus: “Huwag
ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang
kautusan at ang mga propeta: ako’y naparito hindi
upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagkat
katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa
mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o
isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa
kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga
bagay.” Subalit maparaang pinawalang-bisa ni Pablo, na
nag-aangking isang disipulo ni Jesus, ang mga kautusan.
Sa sulat niya sa Mga Taga Roma 7:6, ipinahayag niya:
“Datapuwat ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan,
yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatali sa atin; ano
pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu,
at hindi sa karatihan ng sulat.”
Ang Unitaryanismo130
Dumating si Jesus bilang isang propetang nagaanyaya
sa mga tao sa pagsamba sa Diyos lamang, gaya
ng mga propetang nauna sa kanya. Ang sabi ng Diyos sa
Kabanata an-Nahl (16):36 ng Qur’an:
“Talaga nga nagpadala Kami131 sa bawat
kalipunan ng isang sugo na nagsasabi: “Sambahin
130 Ang Unitaryanismo ay ang paniniwala sa iisang Diyos na may isang
Persona. Taliwas ito sa Trinitaryanismo na naniniwala sa iisang Diyos na
may tatlong Persona. Ang Tagapagsalin: Sulaiman Idris Alojado.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
86
ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang diyusdiyusan.”…”
Sa Lucas 4:8 ay hiniling ng Demonyo kay Jesus na
sambahin siya at nangako na ibibigay rito ang paghahari
at ang kaluwalhatian ng lahat ng kaharian sa mundong
ito, “At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya,
Nasusulat sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya
lamang ang iyong paglilingkuran.” Kaya naman, ang
pinakadiwa ng mensahe ni Jesus ay tanging ang Diyos
ang karapat-dapat sa pagsamba at ang pagsamba sa
kaninuman o sa anumang iba pa sa Diyos o kasama sa
Diyos ay walang-kabuluhan. Hindi lamang inanyayahan
ni Jesus ang mga tao sa mensahe na ito, ipinakita niya rin
ito sa kanila sa gawa sa pamamagitan ng pagpapatirapa sa
pagdalangin at ng pagsamba sa Diyos mismo. Nasasaad
sa Marcos 14:32: “At nagsirating sila sa isang dako na
tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga
alagad, magsiupo kayo rito samantalang ako’y
nananalangin.” At sa Lucas 5:16: “Datapuwa’t siya’y
lumigpit sa mga ilang, at nanalangin.”
Inanyayahan sila ni Jesus na sumamba sa nag-iisang
tunay na Diyos na namumukod-tangi sa mga katangian
Niya. Ang Diyos ay hindi nagtataglay ng katangian ng
Kanyang mga nilalang, at ang anumang nilalang ay hindi
131 Bagamat ang panghalip na Kami na ginamit dito ay plural, ito ay
nangangahulugang Ako dahil ito ay plural of majesty, na ginagamit sa
maraming wika gaya ng Inggles, Arabe, at Hebreo. Ang Tagapagsalin.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
87
nakikihati sa anuman sa mga katangian Niya. Sa Mateo
19:16-17, nang ang isang lalaki ay tumawag na mabuti
kay Propeta Jesus, na nagsasabi: “Good Master, what good
thing shall I do, that I may have eternal life?” (Mabuting
Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang
ako’y magkaroon ng buhay na walang hanggan?) ay
sumagot si Propeta Jesus: “Why callest thou me good?
there is none good but one, that is, God.” (Bakit mo
tinawag ako na mabuti? walang sinumang mabuti kundi
isa, alalaong baga’y, ang Diyos.)132 Itinanggi niya ang
pagtataguri sa kanya ng ‘walang hanggang kabutihan’ o
‘ganap na kabutihan’ at iginiit niya na ang katangiang ito
ay nauukol lamang sa Diyos.
Ang malaking mayoriya ng mga Kristiyano sa ngayon
ay dumadalangin kay Jesus sa pag-aakalang siya ay Diyos.
Ang mga Pilosopo sa kanila ay nagsasabing hindi nila
sinasamba ang taong si Jesus, kundi ang Diyos na
lumitaw sa taong si Jesus. Ito rin ang katuwiran ng mga
paganong yumuyukod sa pagsamba sa mga anito. Kapag
tinanong ang isang paganong pilosopo kung bakit siya
sumasamba sa isang anito na ginawa ng mga kamay ng tao,
ang itinutugon niya ay hindi naman talaga niya sinasamba
ang anito. Dagdag pa roon, maaari pa niyang sabihin na
ang anito ay pokus ng kinaroroonan ng Diyos, kaya
nasasabing ang sinasamba ay ang Diyos na nasa anito at
hindi ang pisikal na anito mismo. May kakaunti o walang
132 Tingnan ang talababa bilang 72.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
88
pagkakaiba ang paliwanag na iyon at ang sagot na
ibinibigay ng mga Kristiyano sa pagsamba kay Jesus. Ang
pinagmulan ng likong paniniwala na ito ay ang maling
paniniwala na ang Diyos ay nasa nilikha Niya. Ang
gayong paniniwala ay nagbibigay-katwiran sa pagsamba
sa nilikha ng Diyos.
Ang mensahe ni Jesus, na humihimok sa mga tao na
sumamba sa nag-iisang Diyos lamang, ay nabaluktot
matapos ang paglisan niya. Ang dalisay at payak na
mensahe ay ginawa ng mga tagasunod niya bandang huli,
magmula kay Pablo, na isang masalimuot na pilosopiya
ng Trinidad na nagbibigay-katuwiran sa pagsamba kay
Jesus, at pagkatapos ay sa pagsamba sa ina ni Jesus na si
Maria,133 sa mga anghel134 at sa mga santo. Ang mga
133 Tinatawag na Santa Maria, naging layon siya ng veneration
(pagsamba; pagpipitagan) ng Iglesyang Kristiyano magmula nang
panahong apostoliko. Binigyan siya ng taguring theotokos, na
nangangahulugang “nagdala sa Diyos” o “ina ng Diyos” noong ika-3 at
ika-4 na siglo. Ang popular na debosyon kay Maria—na nasa anyong
mga pista, mga debosyon at rosaryo —ay may ginampanang
napakalaking papel sa buhay ng mga Romano Katoliko at mga
Orthodox. (The New Encyclopaedia Britannica, vol. 7. p. 897-898 at
vol. 16, p. 278-279.)
134 Ang mga anghel na sina Miguel, Gabriel at Rafael ay ginawang mga
santo at ang panrelihiyong pagdiriwang na kilala sa tawag na
Michaelmas (tinatawag ng mga Anglicano na “Feast of Saint Michael
and All Saints”) ay inilaan para sa kanila ng mga Kanluraning Iglesya sa
ika-29 ng Setyembre, at ng mga Silanganing Iglesya sa ika-8 ng
Nobyembre. Ang kulto ni San Miguel ay nagsimula sa Silanganing
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
89
Katoliko ay may mahabang talaan ng mga santo na
kanilang dinudulugan sa mga sandali ng
pangangailangan. Kapag may nawala, si Saint Anthony ng
Thebes ay dinadalanginan upang tumulong sa paghahanap
nito.135 Si Saint Jude Thaddaeus ay ang santong patron
ng mga imposible at dinadalanginan para mamagitan sa
mga sakit na walang lunas, ditiyak na mga pag-aasawa at
mga tulad nito.136
Ang santong patron ng mga
manlalakbay ay si Saint Christopher (San Cristobal).
Dinadalangin siya noon ng mga manlalakbay hanggang
bago sumapit ang 1969, kung kailan siya pormal na inalis
sa talaan ng mga santo sa ayon sa atas ng Papa, matapos
na mapatotohanan na siya ay gawa-gawa lamang.137
Bagamat pormal na siyang binura sa talaan ng mga santo,
mayroong maraming Katoliko sa buong mundo sa ngayon
na nanalangin pa rin sa kanya.
Ang pagsamba sa mga santo ay sumasalungat at
nakasisira sa pagsamba sa iisang Diyos; at ito ay walang
kabuluhan, sapagkat walang buhay o patay na
makatutugon sa mga panalangin ng tao. Ang pagsamba sa
Iglesya noong ika-4 na siglo CE. Dahil sa tradisyonal na katungkulan ni
San Miguel bilang pinuno ng mga hukbo ng langit, ang veneration sa
lahat ng mga anghel ay isinama sa wakas sa kulto sa kanya. (The New
Encyclopaedia Britannica, vol. 8, p. 95.) Siya ang naging patron ng mga
sundalo.
135 The World Book Encyclopedia, vol. 1, p. 509.
136 The World Book Encyclopedia, vol. 11, p. 146.
137 The World Book Encyclopedia, vol. 3, p. 417.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
90
Diyos ay hindi dapat ibahagi sa anumang paraan, hugis o
anyo sa Kanyang nilalang. Kaugnay rito, sinabi ni Allah
ang sumusunod sa kabanata al-A‘ráf (7):194:
“Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod
pa kay Allah ay mga lingkod na mga tulad
ninyo...”
Ito ang mensahe ni Cristo Jesus at ng lahat ng propeta
na nauna sa kanya. Ito rin ang mensahe ng huling
propeta, si Muhammad—sumakanilang lahat ang
kapayapaan at ang pagpapala ni Allah. Kaya naman
kapag ang isang Muslim o ang isang taong ang
tumatagawag sa kanyang sarili na isang Muslim ay
nanalangin sa isang banal na tao, lumabas na siya sa mga
hangganan ng Islam. Ang Islam ay hindi lamang isang
paniniwala, na ang isang tao ay inoobliga lamang na
magpahayag na siya ay naniniwala na walang Diyos na
karapat-dapat sambahin kundi si Allah at na si
Muhammad ay ang Kahuli-hulihan sa mga sugo, upang
magkamit ng Paraiso. Ang pagpapahayag na ito ng
pananampalataya ay nagpapahintulot sa tao na
nagpahayag nito na pumasok sa mga pinto ng Islam,
subalit mayroong maraming gawain na maaaring
sumalungat sa pagpapahayag na ito at magtiwalag sa
taong iyon sa Islam nang kasing bilis ng pagpasok niya
rito. Ang pinakamabigat sa mga gawain na ito ay ang
pananalangin sa iba pa sa Diyos.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
91
Muslim Hindi Muhammadano
Yamang ang relihiyon ni Jesus, at ng lahat ng
naunang propeta, ay relihiyon ng pagsuko sa Diyos, na
kilala sa wikang Arabe sa tawag na Islám, ang tunay
niyang mga tagasunod ay dapat tawagin na mga
sumusuko sa Diyos, na kilala sa Arabe bilang mga
Muslim. Sa Islam, ang dasal ay ibinibilang na isang
pagsamba. Naiulat na si Propeta Muhammad (SAS) ay
nagsabi, “Ang panalangin ay isang pagsamba.”138
Kaya
hindi tinatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga
Muhammadano, gaya ng mga tagasunod ni Cristo na
tinatawag na mga Kristiyano at mga tagasunod ni Buddha
na tinatawag na mga Buddhist. Sinasamba ng mga
Kristiyano si Cristo at sinasamba ng mga Buddhist si
Buddha. Ang katawagang mga Muhammadano ay
nagpapahiwatig na sinasamba ng mga Muslim si
Muhammad, na kailanman ay hindi nangyayari. Nasasaad
sa Qur’an na pinili ng Diyos ang katawagang Muslim
para sa lahat ng sumusunod talaga sa mga Propeta. Ang
katagang Muslim sa Arabe ay nangangahulugang “ang
sumusuko sa kalooban ng Diyos.”
“…Siya ay tumawag sa inyo na mga Muslim noon
pa at dito sa Qur’án...” Qur’an (22):78.
Kaya ang pinakadiwa ng mensahe ni Jesus ay sa Diyos
lamang sasamba ang tao. Hindi Siya sasambahin sa ano
138 Sunan Abu Dawud, vol. 1, p. 387, no. 1474.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
92
mang paraan sa pamamagitan ng mga nilikha Niya. Kaya
ang larawan Niya ay hindi maaaring maipinta, malilok o
maiguhit. Siya ay hindi maaabot ng pang-unawa ng tao.
Mga Imahen
Hindi inayunan ni Jesus ang gawaing pagano ng
paggawa ng mga imahen ng Diyos. Pinagtibay niya ang
pagbabawal na nabanggit sa Torah, Exodo 20:4 “Huwag
kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng
kawangis man ng anomang anyong nasa itaas ng langit, o
ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng
lupa:” Samakatuwid, ang paggamit ng mga
panrelihiyong imahen, na tinatawa na mga icon,139 ay
139 Ang Iconoclastic Controversy ay isang hidwaan sa paggamit ng mga
imaheng panrelihiyon (mga icon) sa Emperyong Byzantium noong ika-8
at ika-9 siglo. Ang mga Iconoclast (ang mga tumanggi sa mga imahen)
ay tumutol sa pagsamba sa icon dahil sa mga ilang kadahilanan, kabilang
na ang pagbabawal laban sa mga imahen na nasasaad sa Sampung Utos
(Exodo 20:4) at ang posibilidad ng idolatriya. Ipinaggiitan ng mga
tagapagtanggol ng pagsamba sa imahen ang simbolikong katangian ng
mga imahen at ang karangalan ng nilkhang bagay.
Sa sinaunang iglesya, ang paggawa at ang veneration (pagpipitagan;
pagsamba) sa larawan ni Cristo at ng mga santo ay walang humpay na
kinalaban. Ang paggamit ng mga icon, gayon pa man, ay patuloy na
nagtamo ng popularidad, lalo na sa mga silanganing lalawigan ng
Emperyong Romano. Sa pagtatapos ng ika-6 na siglo CE at sa ika-7
siglo, ang mga icon ay naging layon ng isang kultong pormal na
hinihikayat, na kadalasang nagpapahiwatig ng mapamahiing paniniwala
sa pagkakaroon ng mga ito ng buhay. Ang pagtutol sa gayong mga gawain
ay naging lubhang malakas sa Asia Minor. Noong 726, ang Emperador
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
93
matatag na sinalungat ng mga naunang salinlahi ng mga
iskolar na Kristiyano. Gayon pa man, ang kaugaliang
Griego at Romano ng paggawa ng mga imahen at ang
paglalarawan sa Diyos sa anyong tao ay kaagad na nanaig.
Ang pagbabawal ay upang pigilin ang maaaring
pagkahantong ng pagsamba sa Diyos sa pagsamba sa
nilikha. Oras na inilarawan ng isang tao ang Diyos sa
kanyang isip, ang taong iyon, kung tutuusin, ay
nagtatangkang gawin ang Diyos na katulad ng Kanyang
nilikha, dahil ang isip ng tao ay makapaglalarawan lamang
ng mga bagay na nakita na nito, at ang Diyos ay hindi
makikita dito sa mundo.
Ang mga Kristiyano na may isang kaugaliang
sumamba sa pamamagitan ng mga imahen ay madalas
ng Byzantium na si Leo III ay hayagang nanindigan laban sa mga icon at
bago sumapit ang 730 pormal nang ipinagbawal ang paggamit sa mga
ito. Ito ay humantong sa pag-uusig sa mga sumasamba sa mga icon na
umabot sa matinding kasidhian sa panunungkulan ng kahalili ni Leo, si
Constantino V (741-775 CE).
Subalit noong 787, si Emperadora Irene ay nagpatawag ng ikapitong
pangkalahatang konseho sa Nicaea, na tinuligsa roon ang Iconoclasm
(pagtutol sa mga imahen) at ang paggamit ng mga imahen ay
pinanumbalik. Nabawi ng mga Iconoclast ang kapangyarihan noong 814
matapos na malukluk si Leo V, at ang paggamit ng mga icon ay muling
ipinagbawal sa isang konseho (815 AD). Ang ikalawang yugto ng mga
Iconoclast ay nagwakas pagkamatay ni Emperador Teofilo noong 842.
Noong 843 ay pinanumbalik na sa wakas ng kanyang balo ang
veneration sa icon, isang pangyayaring ipinagdiriwang pa rin sa Eastern
Orthodox Church bilang Pista ng Orthodoxy. (The New Encyclopaedia
Britannica, vol. 1, p. 509.)
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
94
magtanong kung papaanong masasamba ang Diyos nang
hindi Siya nailalarawan sa isip. Ang Diyos ay dapat
sambahin batay sa kaalaman tungkol sa mga katangian
Niya na ipinahayag Niya sa mga tunay na kasulatan.
Halimbawa, sa Qur’an ay inilarawan ni Allah ang
Kanyang sarili na Maawain, kaya ang mga sumasamba sa
Kanya ay dapat magnilay-nilay sa maraming awa na
ipinagkaloob Niya at magpasalamat sa Kanya dahil sa mga
iyon. Dapat din nilang pagnilay-nilayan ang katangian ng
awa Niya sa kanila at magpakita din ng awa sa ibang tao.
Inilarawan din ni Allah ang sarili Niya na Mapagpatawad,
kaya ang mga sumasamba sa kanya ay dapat magbalikloob
na nagsisi sa Kanya at hindi mawalan ng pag-asa
kapag nakagawa sila ng mga kasalanan. Dapat dina
nilang pahalagahan ang kapatawaran ni Allah sa
pamamagitan ng pagiging mapagpatawad sa ibang mga
tao.
Ang Propesiya
Bahagi ng mensahe ni Propeta Jesus ay ang ipabatid
sa kanyang mga tagasunod ang tungkol sa propeta na
darating pagkatapos niya. Gaya ng pagbabalita ni Juan
Bautisata sa pagdating ni Jesus, ibinalita rin ni Jesus ang
pagdating ng kahuli-hulihan sa mga propeta ng Diyos, si
Muhammad. Sa Qur’an Kabanta as-Saff (61):6 ay sinipi
ng Diyos ang propesiya ni Jesus tungkol kay
Muhammad:
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
95
“Banggitin noong magsabi si Jesus na anak ni
Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay
sugo ni Allah sa inyo bilang nagpapatotoo sa nauna
sa akin na Torah at nagbabalita ng nakalulugod na
isang Sugo na darating kapag wala na ako, na ang
pangalan niya ay Ahmad.”140...”
May ilan pagtukoy rin sa mga Ebanghelyo na waring
tumutukoy sa pagdating ni Propeta Muhammad—ang
kapayapaan at ang biyaya ng Diyos ay makamit ng lahat
ng propeta. Sa Ebanghelyo ayon kay Juan 14:16, nasipi si
Jesus na nagsasabi: “At ako’y dadalangin sa Ama, at
kayo’y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw,141 upang
siyang suma inyo magpakailan man.” Binibigyangpakahulugan
ng mga karaniwang Kristiyano ang Mangaaliw
na nabanggit sa Juan 14:16 bilang Espiritu Santo.142
140 Ang “Ahmad” tulad ng “Muhammad” ay hinango sa salitang ugat
na Arabe na hamd na nangangahulugang “papuri; pasasalamat.” Kilala
rin si Propeta Muhammad sa pangalang Ahmad.
141 Ang salitang Griego na paraclete ay isinalin na Comforter (Mangaaliw)
sa King James Version, at Advocate (Tagatangkilik) at Helper
(Katulong) sa ibang mga salin. Ang parakletos ay nangangahulugang ang
ngtatanggol sa kapakanan ng iba, ang nagpapayo o nagpapaalaala sa iba
dahil sa malaking malasakit sa kagalingan ng iba. (Beacon Bible
Commentary, vol. 7, p. 168).
142 Tingnan ang Juan 14:26: “Datapuwa’t ang Mangaaliw, sa
makatuwid baga’y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking
pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay…”
Subalit sa I Juan 4:1, ginamit ang katagang Espiritu sa pagtukoy sa isang
propeta: “Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa’t
espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Diyos:
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
96
Subalit ang pararilang “ibang Mangaaliw” ay
nagpapahiwatig na ito ay isa pang gaya ni Jesus at hindi
ang Espiritu Santo,143
lalo kung isasaalang-alang ang Juan
16:7, na naiulat na nagsabi si Jesus: “Gayon ma’y
sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo
na ako’y yumaon; sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang
Mangaaliw ay hindi paparito sa inyo; nguni’t kung ako’y
yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo.” Ang katagang
Mang-aaliw ay hindi maaaring tumutukoy rito sa Espiritu
Santo, dahil—ayon sa mga Ebanghelyo—ang Espiritu
Santo ay nasa mundo na bago pa isinilang si Jesus,144
at
gayon din noong panahon ng pangangaral niya.145
Nagpapahiwatig ang bersikulong ito na ang Mang-aaliw
ay hindi pa noon dumating.
sapagkat maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa
sanglibutan.”
143 Sa Tagalog ang katagang iba ay maaaring mangahulugang “isa pa
mula sa katulad na uri” o “isa pa mula sa naiibang uri.” Ang tekstong
Griego ng Bagong Tipan ay gumamit ng katagang allon, na kaanyuang
panlalaking palayon ng allos: “isa pa mula sa katulad na uri.” Ang
salitang Griego para sa “isa pa mula sa naiibang uri” ay heteros, subalit
hindi ginamit ng Bagong Tipan ang salitang ito sa Juan 14: 16. (Jesus, A
Prophet of Islam, p. 15-16).
144 Puspos na si Juan Bautista ay puspos ng Espiritu Santo habang nasa
sinapupunan pa ng ina niya (Lucas 1:15); si Elisabeth ay napuspos ng
Espiritu Santo (Lucas 1:41); ang ama ni Juan, si Zacaria, ay napuspos
din ng Espiritu Santo (Lucas 1:67).
145 Ang Espiritu Santo ay nasa kay Simon (Lucas 2:25) at bumaba ito
kay Jesus na nasa anyo ng isang kalapati (Lucas 3:22).
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
97
Ang pahayag ni Jesus na ang propetang mang-aaliw ay
sumainyo magpakailan man ay maaaring ipakahulugan
na nangangahulugang wala nang pangangailangan sa
dagdag na mga propeta upang humalili sa Mang-aaliw na
ito [kapag wala na ito]. Siya ay magiging kahuli-hulihan sa
mga propeta ng Diyos at ang mensahe niya ay
pangangalagaan hanggang sa wakas ng mundo.146 Ang
propesiyang ibinigay ni Jesus hinggil sa pagdating ni
Propeta Muhammad, sumakanila ang kapayapaan at
pagpapala ni Allah, ay nagpatotoo sa mga propesiya sa
kanya sa Torah. Sa Deuteronomio 18:18-19, nasusulat na
ang Panginoon ay nagsabi kay Moises: “Aking palilitawin
sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga
kapatid, na gaya mo;147
at aking ilalagay ang aking mga
salita sa bibig niya,148 at kaniyang sasalitain sa kanila
ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. At mangyayari, na
sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na
kanyang sasalitain sa aking pangalan,149
ay aking
146 Jesus, A Prophet of Islam, p. 13.
147 Ang mga kapatid ng mga Hudyo—na mga inanak ni Isaac na anak
Abraham—ay ang mga Arabe, na mga inanak ni Ismael na kapatid ni
Isaac.
148 Ang Qur’an, sa literal na kahulugan, ay “ang pagbigkas.” Itinuro ni
Propeta Muhammad na ang Qur’an ay mga salita ng Diyos. Ang
kanyang sariling mga pagpapaliwanag at mga tagubilin ay tinatawag na
Hadúth.
149 Nagsisimula ang bawat isa sa 114 kabanata ng Qur’an sa panalanging
“Sa ngalan ni Allah, ang Pinakanaaawa, ang Maawain,” liban sa Kab. 9.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
98
sisiyasatin yaon sa kanya.” Sa Isaias 42:1,4 at 11, si Isaias
ay nagpropesiya tungkol sa isang hinirang na “Lingkod ng
Panginoon” na ang misyon niya bilang propeta ay sa
buong sangkatauhan, di gaya ng mga propetang Hebreo na
limitado sa Israel ang misyon. “Narito, ang aking lingkod,
na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na
kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking
Espiritu; siya’y maglalapat ng kahatulan sa mga
bansa…Siya’y hindi manglulupaypay o maduduwag
man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa;
at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan…
Mangaglakas ng kanilang tinig ang ilang at ang mga
bayan niyaon, ang mga nayon ng Cedar: magsiawit ang
mga nananahan sa Selah, magsihiyaw sila mula sa mga
taluktok ng mga bundok.” Ang naiibang lingkod na ito ng
Panginoon ay ang isang tanging naiugnay sa Cedar,150
ang
mga Arabe.151
150 Ang mga inanak ni Ismael ay nakilala sa tawag na mga Arabe,
isang katawagan na sa Hebreo ay nangangahulugang mga nakatira sa
‘arabah o disyerto (Dictionary of the Bible, p. 47). Ang madalas
mabanggit sa labindalawang anak ni Abraham ay si Cedar (Kedar sa
Hebreo at sa ibang salin ng Bibliya sa Ingles at Tagalog). Sa ilang mga
bersikulo ng Bibliya, ang Cedar ay kasingkahulugan ng mga Arabe sa
kabuuan (Jeremias 2:10; Ezekiel 27:21; Isaias 60:7; Mga Awit ng
Mga Awit: 1:5).
151 Jesus, A Prophet of Islam, p. 11.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
99
Ikaapat na Kabanata: Ang Daan
Ang isa pang aspeto ng mensahe ni Propeta Jesus ay
ang kanyang pag-aanyaya sa mga tao na sundin ang ‘daan’
niya. Ang mga propeta ay naghatid ng mga kautusan ng
Diyos o nagpatotoo sa mga inihatid ng mga naunang
propeta, at nag-anyaya sa mga tao na sambahin ang Diyos sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusang ipinahayag
ng Diyos. Ipinakita rin nila sa gawa sa kanilang mga
tagasunod kung papaanong mamuhay ayon sa kautusan.
Kaya inanyayahan din nila ang mga naniwala sa kanila na
sundin ang daan nila bilang siyang tamang daan para
mapalapit sa Diyos. Ang simulaing ito ay naisulat sa
Ebanghelyo ayon kay Juan 14:6 “Sinabi sa kaniya ni Jesus,
Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay:
sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa
pamamagitan ko.” Bagamat karaniwan nang sinisipi ng
mga sumasamba kay Jesus ang bersikulong ito bilang
bahagi ng patunay sa pagka-Diyos niya, hindi
inanyayahan ni Jesus ang mga tao na sambahin siya sa halip
na ang Diyos, o bilang Diyos. Kung ang mga salitang ito
ay talagang sinalita ni Jesus, ang ibig sabihin ng mga ito
ay hindi masasamba ang Diyos kung hindi sa pamamagitan
ng pamamaraang itinakda ng mga propeta ng Diyos.
Binigyang-diin ni Jesus sa mga disipulo niya na
masasamba lamang nila ang Diyos sa ayon paraang
itinuro niya sa kanila. Sa Qur’an 3:31, nagtagubilin ang
Diyos kay Propeta Muhammad na tagubilinan ang mga
tao na sundin siya kung talagang iniibig nila ang Diyos:
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
100
“Sabihin mo: “Kung kayo ay umiibig kay Allah ay
sundin ninyo ako, mamahalin kayo ni Allah at
magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala
ninyo. Si Allah ay Mapagpatawad, Maawain.” ”
Ang daan ng mga propeta ay ang tanging daan
patungo sa Diyos, sapagkat ito ay itinakda ng Diyos
mismo at ang layunin ng mga propeta ay iparating ang
mga tagubilin ng Diyos sa mga tao. Kung walang
propeta, hindi malalaman ng mga tao kung papaanong
sasambahin ang Diyos. Kaya naman ang lahat ng mga
propeta ay nagpabatid sa kanilang mga tagasunod kung
papaanong sasambahin ang Diyos. Samakatuwid, ang
pagdaragdag ng anuman sa relihiyong inihatid ng mga
propeta ay mali. Ang anumang pagbabago na ginawa sa
relihiyon kapag wala na ang mga propeta ay kumakatawa
sa paglihis na inudyukan ni Satanas. Kaugnay rito,
naiulat na si Propeta Muhammad (SAS) ay nagsabi:
“Ang sinumang gumawa ng bago sa kautusan
Naming ito na hindi naman bahagi nito, iyon ay
tatanggihan.”152 Karagdagan pa roon, ang sinumang
sumamba sa Diyos nang salungat sa mga tagublin ni Jesus
ay sumamba nang walang kabuluhan.
152 Sahih Al-Bukhari, vol. 3, p. 535, no. 861, at Sahih Muslim, vol. 3,
p. 931, no. 4266.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
101
Ang Daan ni Jesus
Una at higit sa lahat, kailangang mabatid na si Cristo
Jesus na anak ni Maria ay ang kahuli-hulihan sa hanay ng
mga propetang Hebreo. Namuhay siya ayon sa Torah,
ang kautusan ni Moises, at nagturo sa mga tagasunod
niya na gawin ang gayon. Sa Mateo 5:17-18 ay
nagpahayag si Jesus: “Huwag ninyong isiping ako’y
naparito upang sirain ang kautusan at ang mga propeta:
ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa
mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o
isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa
kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga
bagay.” Sa kasawiang palad, mga limang taon matapos
magwakas ang pangangaral ni Jesus, ang isang rabbi na ang
pangalan ay Saul na taga Tarsus, na nagsabing nakita raw
niya si Jesus sa isang pangitain, ay nagsimulang magpalit sa
daan ni Jesus. Si Pablo (ang pangalang Romano ni Saul)
ay may malaking paggalang sa pilosopiyang Romano at
kanyang ipinagmamalaki ang kanyang
pagkamamamayang Romano. Ang paniniwala niya ay na
ang mga di-Hudyo na naging mga Kristiyano ay hindi
dapat pabigatan ng Torah sa anumang paraan. Sinipi ng
may-akda ng Mga Gawa 13:39 si Pablo na nagsasabi: “At
sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay
inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito ito’y
hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni
Moises.” Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Pablo, higit
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
102
sa lahat, nagsimula ang Iglesya sa pagkamit ng mga
katangian nitong hindi Hudyo. Si Pablo153 ang sumulat sa
karamihan sa mga sulat sa Bagong Tipan, na tinatanggap
ng Iglesya bilang opisyal na doktrina at kinasihang
Kasulatan. Ang mga sulat na ito ay hindi nagpanatili sa
Ebanghelyo ni Jesus o kumatawan doon;154
sa halip, binago
ni Pablo ang mga katuruan ni Cristo at naging isang
pilosopiyang Hellenistiko (Griego-Romano).
Ang sumusunod ay ilang halimbawa ng mga
katuruang sinunod at itinuro ni Jesus, ngunit bandang huli
ay tinalikdan ng Iglesya. Subalit, ang karamihan sa mga
katuruang ito ay binuhay sa kahuli-hulihang mensahe ng
Islam na hinatid ni Propeta Muhammad at nanatiling isang
pangunahing bahagi ng gawaing panrelihiyon ng mga
Muslim hanggang ngayon.
Ang Pagtutuli
Si Jesus ay tinuli. Ayon sa Lumang Tipan, ang
kaugaliang ito ay nagsimula kay Propeta Abraham, na
siya mismo ay hindi isang Hudyo o Kristiyano. Nasusulat
sa Genesis 17:9-13: “At sinabi pa ng Dios kay Abraham,
At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan
mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian
nila. Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa
inyo, at ng inyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang
153 Pinugutan siya sa Roma 34 taon makalipas ang pangangaral ni Jesus.
154 Biblical Studies From a Mulsim Perspective, p. 18.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
103
bawa’t lalake sa inyo. At kayo’y tutuliin sa laman ng
inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng
aking tipan sa inyo. At ang may walong araw ay tutuliin
sa inyo, ang bawa’t lalake sa buong kalahian ninyo; ang
ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa
sinomang taga ibang lupa na hindi sa inyong lahi. At
ipinanganak sa bahay at ang binili ng inyong salapi, ay
dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na
pinakatipang walang hanggan.”
Sa Ebanghelyo ayon kay Lucas 2:21 “At nang
makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag
na Jesus ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng
anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.” Samakatuwid, ang
maging tuli ay bahagi ng daan ni Jesus. Subalit sa ngayon
ang karamihan sa mga Kristiyano ay hindi tuli, dahil sa
katuwirang pinasimulan ni Pablo. Sinabi niyang ang
pagtutuli raw ay ang pagtutuli ng puso. Sa sulat niya sa
Mga Taga Roma 2:29 ay sumulat siya: “Datapuwa’t
siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso,
sa Espiritu hindi sa titik;” Sa sulat niya sa Mga Taga
Galacia 5:2 ay sumulat siya: “Narito, akong si Pablo ay
nagsasabi sa inyo, kung inyong tinatanggap ang
pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabangan na
anoman kay Cristo.” Ito ang bulaang pakahulugan ni
Pablo. Sa kabilang dako, si Jesus ay hindi tinuli sa puso at
wala siyang anumang sinabi tungkol sa pagtutuli ng puso;
pinangalagaan niya ang “pinakatipang walang hanggan” at
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
104
siya ay tinuli sa laman. Samakatuwid, isang mahalagang
bahagi sa pagsunod sa daan ni Jesus ang pagtutuli. Si
Propeta Muhammad ay nasipi na nagsasabi: “May
limang likas na kaugalian sa kalinisan: pag-aahit ng
buhok sa maselang bahagi ng katawan, pagtutuli,
pagpuputol ng bigote, pagbubunot ng buhok sa kili-kili
at pagpuputol ng kuko.”155
Ang Baboy
Si Jesus ay hindi kumain ng baboy. Sinunod niya ang
mga kautusan ni Moises at hindi siya kumain ng baboy.
Sa Levitico 11:7-8 “At ang baboy, sapagka’t may hati ang
paa at baak, datapuwa’t hindi ngumunguya,
karumaldumal nga sa inyo. Huwag kayong kakain ng
laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay
huwag ninyong hihipuin; mga karumaldumal nga sa
inyo.” Ang ginawa lamang ni Jesus na may kaugnayan sa
mga baboy ay ang pagpapahintulot niya sa mga
maruming espiritu na lumukob sa isang tao, na pumasok
sa mga baboy. Nang makapasok na ang mga maruruming
espiritu sa kawan ng mga baboy ay tumakbo sila sa tubig
at nalunod. Subalit ang karamihan sa mga tao sa ngayon na
nagtuturing sa kanilang mga sarili na Kristiyano ay hindi
lamang kumakain ng baboy, gustong gusto pa nila ito
anupa’t ginawa pa nila ang mga baboy na paksa ng nursery
155 Sahih Al-Bukhari, vol. 7, p. 515, no. 777 at Sahih Muslim, vol. 1, p.
159, no. 495.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
105
rhymes (Hal. This little piggy went to the market...) at ng
mga kuwentong pambata (Hal. Ang Tatlong Munting
Baboy). Si Porky Pig ay isang sikat na cartoon chracter,
at kamakailan lamang ay may isang buong pelikula na
ginawa tungkol sa isang baboy na tinawag na “Babe.”
Kaya masasabing ang mga nagtuturing sa kanilang mga
sarili na mga tagasunod ni Cristo ay hindi talaga
sumusunod sa daan ni Cristo.
Sa Batas ng Islam, ang pagbabawal sa baboy at sa
mga produktong mula rito ay mahigpit na napanatili mula
noong panahon ni Propeta Muhammad hanggang ngayon.
Sa Qur’an, kabanata al-Baqarah (2):173, ang Diyos ay
nagsabi:
“Ipinagbawal Niya lamang sa inyo ang patay,156 ang
dugo, ang laman ng baboy at ang inialay sa iba pa
kay Allah. Ngunit ang sinumang napilitan, hindi
dahil sa paghahangad ni sa paglabag, wala siyang
kasalana. Tunay na si Allah ay Mapagpatawad,
Maawain.”157
156 Hayop na namatay nang hindi kinatay.
157 Tingnan din ang Kabanata al-Maa’idah (5):3.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
106
Ang Dugo
Si Jesus ay hindi rin kumain ng anumang may halong
dugo, at hindi rin siya kumain ng dugo. Nasulat na ang
Diyos ay nag-utos kay Propeta Moises sa Torah,
Deuteronomio 12:16: “Huwag lamang ninyong kakanin
ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig,” at
sa Levitico 19:26158 “Huwag kayong kakain ng anumang
karneng may dugo. Huwag ninyong paiiralin ang
panghuhula o panggagaway.” Ang pagbabawal na ito ay
napanatili hanggang sa ngayon sa kahuli-hulihang
kapahayagan sa Kabanata al-An‘ám (6):145:
“Sabihin mo: “Wala akong natatagpuan sa
anumang ikinasi sa akin na ipinagbabawal sa isang
kumakain
na kakain niyon maliban kung iyon ay isang patay,
o dugong ibinubuhos o laman ng baboy sapagkat
tunay na iyon ay isang kasalualaan...”
Samakatuwid, may mga partikular na paraan ng
pagkatay na itinakda ang Diyos para sa lahat ng bansa na
pinadalhan ng mga propeta, upang matiyak na ang
karamihan sa dugo ay lubusang naalis sa hayop na kinatay
at upang ipaalaala sa tao ang mga biyaya ng Diyos.
158 Salin ng Magandang Balita Biblia, Philippine Bible Society.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
107
Tinukoy ng Qur’an ang mga tagubuling ito sa kabanata
al-Hajj (22):34:
“Para sa bawat kalipunan ay gumawa Kami ng
paraan ng pagkatay upang banggitin nila ang
pangalan ni Allah sa itinustos Namin sa kanila na
mga hayupan.…”
Si Jesus at ang kanyang mga naunang tagasunod ay
sumusunod sa wastong paraan ng pagkatay sa
pamamagitan ng pagbanggit sa panglan ng Diyos at
pagputol sa ugat sa leeg samantalang buhay pa ang hayop
upang mailabas ng puso ang dugo. Subalit ang mga
Kristiyano sa ngayon ay hindi nagbibigay ng malaking
pagpapahalaga sa wastong mga paraan ng pagkakatay, na
itinakda ng Diyos.
Ang Alak
Inialay ni Jesus ang sarili niya sa Diyos at
samakatuwid umiwas siya sa mga inuming nakalalasing
ayon sa tagubiling nakatala sa Mga Bilang 6:1-4: “At
sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Salitain
mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagka
ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging
panata, ng panata ng Nazareo,159 upang tumalaga sa
Panginoon: Ay hihiwalay siya sa alak at sa matapang
159 Isang ihiniwalay o itinalaga.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
108
na inumin; siya’y hindi iinom ng suka ng alak, o tubang
nakalalasing, ni iinom man ng anomang katas na galing
sa ubas o kakain man ng sariwang ubas o pasas. Sa
lahat ng araw ng kaniyang pagkatalaga ay hindi siya
kakain ng anomang bagay na ibinubunga ng puno ng
ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.”
Sa Qur’an, Kabanata al-Má’idah (5):90, ay tuluyang
nang ipinagbawal ni Allah ang mga bagay na
nakalalasing:
“O mga sumampalataya, ang alak, ang sugal, ang
mga dambana, at ang mga pagpapahula ay
kasalaulaan na kabilang sa gawain ni Satanas. Kaya
iwaksi ninyo ito, nang harinawa kayo ay
magtagumpay.”
Tungkol naman sa himala ng paggawa ng alak mula
sa tubig,160
matatagpuan lamang ito sa Ebanghelyo ni
Juan, na madalas sumalungat sa tatlong Ebanghelyo.
Gaya ng nabanggit kanina, ang Ebanghelyo ni Juan ay
kinalaban sa sinaunang Iglesya161 dahil sa pagkaerehe,
samantalang ang tatlong iba pang Ebanghelyo ay
tinaguriang Sinoptikong Ebanghelyo sapagkat ang mga
teksto ay naglalaman ng magkahawig na pagtatalakay sa
160 Juan 2:1-11.
161 The Five Gospels, p. 20.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
109
buhay ni Jesus.162
Kaya nga may mga iskolar ng Bagong
Tipan na nagpapahayag ng pag-aalinlangan sa
pagkatotoo ng pangyayaring ito.
Ang Paghuhugas Bago Magdasal
Bago magsagawa ng pormal na pagdarasal,
naghuhugas si Jesus ng kanyang mga kamay at mga paa
alinsunod sa mga katuruan ng Torah. Sina Moises at Aaron
ay naisulat sa Exodo 40:30-32 na nagsasagawa niyon: “At
kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng
tabernakulo, ng kapisanan ng at ng dambana, at sinidlan
ng tubig upang paghugasan. At si Moises at si Aaron at
ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng
kanilang mga kamay at kanilang mga paa;...gaya ng
iniutos ng Panginoon kay Moises.”
Sa Qur’an, kabanata al-Má’idah (5):6, ang
paghuhugas para sa pagdarasal ay itinagubilin nang
ganito:
“O mga sumampalataya, kapag nagpasya kayong
magdasal, hugasan ninyo ang mga mukha ninyo,
ang mga kamay ninyo hanggang sa mga siko—
haplusin ninyo ang mga ulo ninyo—at ang mga paa
ninyo hanggang sa bukong-bukong...”
162 The New Encyclopaedia Britannica, vol. 5, p. 379.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
110
Ang Pagpapatirapa sa Pagdarasal
Inilarawan si Jesus sa mga Ebanghelyo na
nagpapatirapa sa pagdarasal. Sa Mateo 26:39, inilarawan
ng may-akda ang isang pangyayaring naganap nang si
Jesus ay pumunta kasama ng mga disipulo niya sa
Getsemane: “At lumakad siya sa dako pa roon, at siya’y
nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung
baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito:
gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon
sa ibig mo.”
Ang mga Kristiyano ngayon ay lumuluhod,
nagpapalakpak ng kanilang mga kamay, sa pusturang
hindi masasabing galing kay Jesus. Ang pamamaraan ng
pagpapatirapa na sinunod ni Jesus sa pagradasal niya ay
hindi niya ginawa-gawa. Ito na ang kalakaran ng mga
propetang nauna sa kanya. Sa Matandang Tipan, Genesis
17:3, nasusulat na si Propeta Abraham ay nagpatirapa sa
kanyang pagdarasal; nasusulat sa Mga Bilang 16:22 at
20:6 na sina Moises at Aaron ay nagpatirapa sa kanilang
pagsamba; nasasaad sa Josue 5:14 at 7:6 na si Josue ay
nagpatirapa at sumamba; nasasaad sa I Mga Hari 18:42 na
si Elias ay yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang
mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod. Ganito ang
pamamaraan ng mga propeta na pinili ng Diyos na
magparating ng Kanyang salita sa sanglibutan; at sa
pamamagitan lamang nito magtatamo ang mga
nagsasabing sumusunod daw sila kay Jesus ng kaligtasan
na ipinangaral niya sa Ebanghelyo.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
111
Ang kabanata al-Insán (76):25-26 ay isa lamang sa
maraming halimbawa sa Qur’an ng mga atas ng Diyos sa
mga sumampalataya na magpatirapa sa pagsamba sa
Kanya:
“Gunitain mo ang pangalan ng Panginoon mo sa
umaga at sa hapon, at sa bahagi ng gabi, kaya
magpatirapa ka sa Kanya at luwalhatiin mo Siya
nang matagal sa gabi.”
Ang Pagbebelo
Ang mga babae sa palibot ni Jesus ay nakabelo ayon
sa kaugalian ng mga babae sa palibot ng mga naunang
propeta. Ang mga kasuutan nila ay maluwang at
bumabalot buong katawan nila, at nagsusuot sila ng mga
belo na nagtatakip sa mga buhok nila. Sa Genesis 24:64-65
“Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at
nang makita niya si Isaac, bumaba sa kamelyo. At sinabi
ni Rebeca sa alililang katiwala, Sino yaong taong
naglalakad sa parang na sumasalubong sa akin? At
sinabi ng alilang katiwala, Yaon ang aking panginoon; at
kinuha niya ang kaniyang lambong, at siya’y
nagtakip.”163
Isinulat ni Pablo sa Unang Sulat niya sa mga
Taga Corinto 11:5-6: “Datapuwa’t ang bawa’t babaing
nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang
163 Sa Magandang Balita Biblia (PBS): Kumuha ng belo si Rebeca at
nagtalukbong. Ang Tagapagsalin.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
112
kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo;
sapagkat gaya rin ng kung kaniyang inahitan. Sapagka’t
kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman;
ngunit kung kahiya-hiya sa babae ang pagupit o paahit,
ay maglambong siya.” Maaaring ipangatuwiran ng iba na
pangkalahatang kaugalian nang mga panahong iyon ang
pagbabalot ng buong katawan. Subalit hindi ganoon ang
kalagayan. Sa Roma at Grecia, na ang mga kultura ng
mga ito ay nangibabaw sa rehiyon, ang palasak na
kasuutan ay sadyang maiksi at nagpapakita ng mga
kamay, mga binti at mga dibdib. Tanging ang mga
relihiyosang babae sa Palestina, alinsunod sa kaugaliang
Hudyo, ang mahinhin na nagbabalot ng mga sarili nila.
Ayon kay Rabbi164 Dr. Menachem M. Brayer,
(Propesor ng Biblical Literature sa Yeshiva University),
nakaugalian noon na ang mga babaeng Hudyo ay
lumalabas sa publiko na nakasuot ng lambong sa ulo na,
kung magkaminsan, nakatakip pa sa buong mukha, na
hinayaan lamang ang isang mata na malaya [na
nakalitaw].165 Sinabi pa niya na “noong Tannaitic period,
ang pagkukulang ng isang babaeng Hudyo na magtakip ng
ulo ay itinuturing na isang lantarang paghamak sa
kanyang kahinhinan. Kapag naalisan ng balot ang
kanyang ulo, maaari siyang mamultahan ng apat na raang
zuzim dahil sa paglabag na ito.”166
164 Ito ang tawag sa iskolar o klero o pastor ng mga Hudyo.
165 The Jewish Woman ni Rabbinic Literature, p. 239.
166 Ibid., p. 139.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
113
Ang bantog na sinaunang teologo na si San Tertullian
(namatay noong 220 CE), sa kanyang mga bantog na
sulatin: ‘Tungkol sa Pagbebelo ng mga Birhen,’ ay
nagsulat ng ganito: “Mga dalaga, isuot ninyo ang inyong
mga belo sa paglabas sa mga lansangan, kaya dapat na
isuot ninyo ang mga ito sa simbahan; isusuot ninyo ang
mga ito kapag kayo ay nasa gitna ng mga estranghero, at
saka isuot ninyo ang mga ito sa gitna ng nma kapatid
ninyo...” Kabilang sa mga batas Kanoniko ng Iglesya
Katolika hanggang ngayon, ang isang batas na nagoobliga
sa mga babae na magtakip ng ulo nila sa loob ng
simbahan.167 Ang mga denominasyong Kristiyano, gaya
ng Amish at Menonites, halimbawa, ay nagpapanatili sa
kanilang mga kababaihan na nakabelo hanggang sa
ngayon.
Sa Qur’an, kabanata an-Núr (24):31, ang mga
babaeng mananampalataya ay inaatasang takpan nila ang
kanilang mga panghalina at magsuot ng mga belo sa
kanilang mga ulo hanggang sa mga dibdib.
“Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya
na magbaba sila ng mga paningin nila, pangalagaan
nila ang mga puri nila, huwag nilang ilitaw ang
167 Clara M. Henning, “Canon Law and Battle of the Sexes,” in
Religion and Sexism, p. 272.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
114
gayak nila maliban sa nakalantad na mula sa mga
ito, paabutiin nila ang mga talukbong nila
hanggang sa mga dibdib nila,...”
Sa kabanata al-Ahzáb (33):59, ay ibinigay ang dahilan
ng pagbebelo. Ipinahayag ni Allah na ang pagbebelo ay
nagpapakilala sa [kabinihan ng] mga babae sa lipunan at
nagbibigay ng proteksiyon sa kanila laban sa posibleng
kapinsalaang panlipunan.
Ang mga Pagbati
Binati ni Jesus ang mga tagasunod niya sa
pamamagitan ng pagsabi ng “Kapayapaan ang
sumainyo.” Sa Kapitulo 20:21, ang hindi kilalang mayakda
ng Ebanghelyo ayon kay Juan ay nagsulat ng
sumusunod hinggil kay Jesus matapos ang diumano’y
pagpako sa kanya: “Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus,
Kapayapaan ang sumainyo: kung papaanong pagkasugo
sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.”
Ang pagbating ito ay ayon sa mga propeta, gaya ng
nabanggit sa mga aklat ng Matandang Tipan. Halimbawa,
sa I Samuel 25:6, inatasan ni Propeta David ang mga sugo
na ipinadala niya kay Nabal: “At ganito ang sasabihin
ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa,
Kapayapaan nawa ang sumaiyo, at kapayapaan nawa ang
sumaiyong sambahayan, at kapayapaan nawa ang suma
lahat ng iyong tinatangkilik.” Inaatasan ng Qur’an ang
lahat ng pumapasok sa mga bahay na bumati ng pagbati
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
115
ng kapayapaan;168 at ang mga papasok sa Paraiso ay
babatiin ng mga anghel ng tulad din niyon.169 Sa Kabanata
al-An‘ám (6):54, inatasan ni Allah ang mga
mananampalataya na magbatian ng kapayapaan:
وَإِذَا جَاءَكَ الَّذِينَ يُ ؤْمِنُونَ بِِيََتِنَا فَ قُلْ سَلاَمٌ عَلَيْكُمْ
“Kapag pinuntahan ka ng mga sumasampalataya
sa mga Tanda Namin ay sabihin mo: “Kapayaapan
ay sumainyo.”...”
Tuwing nagkikita ang mga Muslim ay ginagamit nila
ang pagbating ito.
Ang Takdang Kawanggawa
Kumilala si Jesus sa institusyon ng takdang
kawanggawa, na kilala sa tawag na “ikapu,” na hinihiling sa
taunang anihan para ibigay sa Diyos sa pagdiriwang. Sa
Deuteronomio 14:22 “Iyo ngang pagsasangpuing bahagi
ang lahat ng bunga ng iyong binhi na nangagaling
taontaon sa iyong bukid.”
Sa ika-6 na Kabanata ng Qur’an, al-An‘ám, talata
141, ang Diyos ay nagpapaalaala sa mga
mananampalataya na magbigay ng kawanggawa sa
panahon ng pag-aani:
168 Kabanata an-Núr (24):27.
169 Kabanata al-Á‘ráf (7):46.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
116
أَثََْرَ وَآتُوا حَقَّهُ يَ وْمَ حَصَادِهِ وَلاَ تُسْ رِفُوا إِنَّهُ لاَ يَُِبُّ الْمُسْرِفِيَ
“Siya ang nagpatubo ng mga hardin na mga
binalagan at hindi mga binalagan, ng mga puno ng
datiles at mga pananim na nagkakaiba ang lasa, at
ng mga oliba at mga granada na nagkakahawigan at
hindi nagkaka-hawigan. Magsikain kayo mula sa
bunga ng mga ito kapag namunga at ibigay ang
nauukol mula rito170 sa araw ng pag-aani nito.
Huwag kayong mag-aksaya; tunay na hindi Niya
iniibig ang mga nag-aaksaya.”
Ang sistema ng takdang kawanggawa (zakáh sa
Arabe) ay naisaayos nang maigi, na may ibang bahagdan
para sa pera, ginto at pilak kaysa sa produkto ng sakahan at
hayupan. Ang mga karapat-dapat tumaggap ay malinaw
ring itinakda sa Qur’an, kabanata at-Tawbah (9):60. Ito, una
sa lahat, ay ipinamamahagi sa iba’t ibang kategorya ng
mga mahirap at hindi ginagamit para magbigay ng isang
maginhawang buhay para sa mga pari.
Ang Pag-aayuno
Ayon sa mga Ebanghelyo, si Jesus ay nag-ayuno nang
apat na pung araw. Mateo 4:2: “At nang siya’y makapagayuno
ng apat na pung araw at apat na pung gabi, sa
170 Ikasampung bahagi ng ani kung ang lupa ay likas na napatutubigan
at ikadalawampung bahagi kung napatutubigan sa hindi likas na
paraan.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
117
wakas ay nagutom siya.”171 Ito ay alinsunod sa ginagawa
ng mga naunang propeta. Nasasaad din sa Exodo 34:28 na
si Moises ay nag-ayuno: “At siya’y natira doong kasama ng
Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi;
hindi man lamang siya kumain ng tinapay, uminom man
ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang
salita ng tipan, ang sangpung utos.”
Inatasan sa Qur’an, kabanata al-Baqarah (2):183 ang
mga mananampalataya na magsagawa ng regular na pagaayuno:
“O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo
ang pag-aayuno gaya ng pagsasatungkulin nito sa
mga nauna sa inyo nang harinawa kayo ay
mangilag magkasala.”
Ang layunin ng pag-aayuno ay malinaw na itinakda na
para sa pagpapalago ng kamalayan sa Diyos. Tanging
ang Diyos ang nakaaalam kung sino talaga ang nagaayuno
at kung sino ang hindi nag-aayuno. Kaya ang isang
nag-aayuno ay nagpipigil sa pagkain at pag-inom dahil sa
kamalayan [niya] sa Diyos. Ang regular na pag-aayuno ay
nakadaragdag sa kamalayang iyon, na sa bandang huli ay
mag-aakay sa higit na malaking pagkahilig sa
pagpapakabuti.
171 Tingnan din ang Mateo 6:16 at 17:21.
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
118
Ang mga mananampalataya ay inoobligang magayuno
mula sa madaling araw hangang sa takipsilim sa
buong buwan ng Ramadán. Nagsabi rin ang Propeta
Muhammad:“Ang pinakamainam na pag-aayuno[sa
hindi Ramadán ay ang pag-aayuno ni [Ptopeta] David
na nag-aayuno noon sa isang araw at humihinto sa
isang araw.”172
Ang Patubo sa Pautang
Alinsunod sa pagsang-ayon sa Kautusan, tinutulan din
ni Propeta Jesus ang pagbibigay at ang pagkuha ng
patubo sa pautang sapagkat ang teksto ng Torah ay
maliwanag na nagbawal sa patubo sa pautang. Nasasaad
sa Deuteronomio 23:19: “Huwag kayong magpapahiram
na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng
kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may
tubo;”173 Ang patubo ay mahigpit ding ipinagbawal sa
Kabanata al-Baqarah (2):278 ng Qur’an:
172 Sahih Muslim, vol. 2, p. 565, no. 2595 at Sahih Al-Bukhari, vol. 3,
p. 113-114, no. 200.
173
Subalit sa bersikulo na kasunod nito, ipinahintulot ng mga Hudyo
ang pagpapautang na may tubo sa mga hindi Hudyo: “Sa isang taga
ibang lupa ay makapagpapahiram ka na may tubo; nguni’t sa iyong
kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo:…”
(Deuteronomio 23:20)
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus
119
“O mga sumampalataya, mangilag kayong
magkasala kay Allah at iwan na ninyo ang anumang
natira mula sa patubo kung kayo ay mga
mananampalataya.”
Upang matupad ang kahilingang ito ng Diyos, ang
mga Muslim ay nakabuo ng isang alternatibong sistema
ng pagbabangko, na karaniwang tinatawag na Islamic
Banking, na hindi nakabatay sa pagpapatubo sa pautang.
Ang Poligamiya
Walang nakasaad na tinutulan ni Propeta Jesus ang
poligamiya. Kung tinutulan niya iyon, nangangahulugang
minasama niya ang ginagawa ng mga propetang nauna sa
kanya. Mayroong maraming halimbawa ng pag-aasawang
higit sa isa na ginawa ng mga propeta na nakatala sa
Torah. Si Propeta Abraham ay may dalawang asawa, ayon
sa Genesis 16:3: “At kinuha ni Sarai na asawa ni
Abram si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila,
pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram
sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na
kaniyang asawa upang maging asawa niya.” Ganoon din
ang ginawa ni Propeta David ayon sa I Samuel 27:3 “At
tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath, siya at
ang kaniyang mga lalake, bawa’t lalake ay kasama ang
kaniyang sangbahayang, sa makatuwid baga’y si David
pati ang kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga
Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni
Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus