Ang mga Huwaran sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang Unang Henerasyon ng mga Muslim
📝Deskripsyon: Ang mga huwaran ay mga tao na maaari nating tingalain; tayo ay madalas na nagsisikap na tularan ang kanilang mga pinakamabubuting kahusayan at mga katangian. Hindi kinakailangang sila ay mga sikat na mga tao na hinahangaan natin, bagaman ang ilang mga sikat na tao ay maaaring magkaroon ng ilang mga kapuri-puring katangian. Ang unang henerasyon ng mga Muslim, ang mga kalalakihan, kababaihan at mga bata sa palibot ng Propeta ay mga huwaran ng pinakamataas na kaayusan. Sa unang aralin na ito, tinalakay natin kung bakit at masusing tinignan ang dalawang lalaking kasamahan, sina Abu Bakr at Umar Ibn al Khattab.
📖Mga Layunin:
· Upang maunawaan ang kahalagahan ng mga huwaran.
· Upang malaman ang hinggil sa mga pinakamabuting katangian ng mga kasamahan ni Propeta Muhammad.
🌐Mga Terminolohiyang Arabik
· Sahabah - ang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na isinalin sa tagalog na Kasamahan. Ang isang sahabi, bilang salita na karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.
· Imaan – pananampalataya, paniniwala o pananalig.
· Ummah - Ang tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim na walang pagsasaalang-alang sa kulay, lahi, wika o nasyonalidad.
Tinataya na hanggang sa 95% ng lahat ng pag-uugali ng mga tao ay natutunan sa pamamagitan ng pagtingin sa mga huwaran. Gayunpaman, kahit na ito ay bahagyang totoo ay isang napakahusay na dahilan upang pumili ng positibong mga mga huwaran, para sa ating sarili at sa ating mga anak. Nakakalungkot, ngayon ay lunod sa kapiligiran ng media 24/7 na tayo ay mas malamang na pumili ng mga huwaran sa larangan ng sports at entertainment nang hindi sinusubukang kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang huwaran at isang bayani. Ang isang bayani ay isang tao na iyong hinahangaan marahil dahil sa kanyang kahusayan sa paglalaro o sa kanyang napakahusay na kakayahang pagganap ngunit pinapatnubayan ba nila ang uri ng buhay na dapat nating tularan? Ang mga huwaran, sa kabilang banda, ay mga tao na nagtataglay ng mga katangian na gusto nating taglayin at ang mga taong nakakaapekto sa atin sa paraang ginugusto natin na maging mas mahusay na tao. Halimbawa, mula sa mga huwaran na natututunan natin kung paano haharapin ang mga problema sa buhay.
Madali tayong maimpluwensiyahan ng mga taong nakapaligid sa atin at kung sino ang tinitingala natin. Madali natin nakukuha ang kanilang mga gawi at mga katangian nang hindi natin namamalayan. Kung ang mga ito ay mabubuting katangian, kung gayon ito ay isang magandang bagay, ngunit paano kung ang mga taong itinuturing mong mga huwaran ay nagtulak sa iyo palayo mula sa pag-alaala kay Allah? Ito ay maaaring isang kalamidad. Sa kabutihang palad, ang kasaysayan ng Islam ay pinaulanan ng mga kahanga-hangang mga huwaran - mga kalalakihan, kababaihan at mga bata - mula sa kung saan natututunan natin kung paano maging mahusay na mga ina, ama, guro, kaibigan, estudyante, atbp. Ang positibong pagpapakita ng mabuting pag-uugali at asal, determinasyon, kapangyarihan, at ang mataas na pamantayan sa etika ay tumutulong sa iba na tularan ang mga positibong katangian na ito.
🕌🕋 Ayon sa Islam, ang pinakamabuting tao ay ang mga propeta. Pagkatapos nito, ang mga pinakamabuting tao ay ang mga kasamahan, mga disipulo, at tagasunod ng mga propeta. Siyempre ang pinakadakilang halimbawa ng kapuri-puri na pag-uugali sa anumang ibinigay na sitwasyon ay si Propeta Muhammad mismo. Alam natin mula sa kanyang mga awtentikong tradisyon - ang Sunnah, na ang kanyang katangian ay ang Quran, ibig sabihin na siya ay namumuhay at humihinga ng lahat ng itinuturo ng Quran. Kapag naghahanap tayo ng mga huwaran ay hindi na natin kailangang maghanap pa kundi ang Propeta mismo at ang mga nakapaligid sa kanya sa mga unang araw ng Islam. Sa katunayan, kapag sumusunod tayo sa mga sahabah ay sinusunod natin si Propeta Muhammad dahil hindi nila natutunan ang Islam mula sa sinuman maliban sa kanya. Tunay na ang kanilang mga kabutihan ay marami; sapagkat sila ang mga sumuporta sa Islam at ipinalaganap ang pananampalataya, nakipaglaban kasama ang Propeta, at ipinadala ang Quran, Sunnah at ang mga batas ng Islam. Isinakripisyo nila ang kanilang sarili at ang kanilang kayamanan para sa kapakanan ni Allah. Mahal natin sila dahil mahal nila si Allah at ang Kanyang Sugo.