Mga Artikulo

Ang Islām


Isang pinaigsing polyeto tungkol sa Islām kung paanong nasaad sa Marangal na Qur'ān at Pampropetang Sunnah.


Isang mahalagang polyeto na naglalaman ng pinaigsing pagpapakahulugan sa Islām, na naglilinaw sa pinakamahalaga sa mga batayan nito, mga katuruan nito, at mga kagandahan nitong hinango mula sa mga pangunahing pinagkukunan nito, ang Marangal na Qur'ān at ang mga Pampropetang Sunnah. Ang polyeto ay nakatuon sa lahat ng mga inaatangan [ng pananagutan] kabilang sa mga Muslim at hindi mga Muslim sa mga wika nila sa bawat panahon at lugar sa pagkakaiba-iba ng mga katayuan at mga kalagayan.


(Kopyang naglalaman ng mga patunay mula sa Marangal na Qur'ān at Pampropetang Sunnah)


1. Ang Islām ay mensahe ni Allāh sa mga tao sa kalahatan sapagkat ito ang makadiyos na mensaheng walang hanggan, ang pangwakas sa mga makapanginoong mensahe.


Ang Islām ay mensahe ni Allāh sa mga tao sa kalahatan. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya):"Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam."(Qur'ān 34:28)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan,"(Qur'ān 7:158)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga tao, naghatid nga sa inyo ang Sugo ng katotohanan mula sa Panginoon ninyo. Kaya sumampalataya kayo, mabuti ito para sa inyo. Kung tumatanggi kayong sumampalataya, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong."(Qur'ān 4:170)Ang Islām ay ang makadiyos na mensaheng walang hanggan, ang pangwakas sa mga makapanginoong mensahe. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam."(Qur'ān 33:40)


2. Ang Islām ay hindi isang relihiyong natatangi sa isang lahi o mga tao, bagkus ito ay relihiyon ni Allāh para sa mga tao sa kabuuan nila.


Ang Islām ay hindi isang relihiyong natatangi sa isang lahi o mga tao, bagkus ito ay relihiyon ni Allāh para sa mga tao sa kabuuan nila. Ang unang utos sa Dakilang Qur'ān ay ang sabi Niya (pagkataas-taas Siya):


"O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa mga nauna pa sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,"


(Qur'ān 2:21)


Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):


"O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan."


(Qur'ān 4:1)


Ayon kay Ibnu`Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng pagsakop sa Makkah kaya nagsabi siya:


"O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Panahon ng Kamangmangan at pagyayabang sa mga magulang nito. Ang mga tao ay dalawang uri: isang nagpapakabuting mapangilaging magkasala na marangal kay Allāh at isang masamang loob na malumbay na hamak kay Allāh. Ang mga tao ay mga anak ni Adan at lumikha si Allāh kay Adan mula sa alabok. Nasabi si Allāh: O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid. (Qur'ān 49:13)"


(Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 3270.)


Hindi ka makatatagpo sa mga utos ng Dakilang Qur’ān o mga utos ng Marangal na Sugo (basbas ni Allah at pagbati ng kapayapaan) ng isang pagbabatas na nauukol sa ilang mga tao o isang pangkatin bilang pagsasaalang-alang sa etnisidad nila o nasyonalidad nila o lahi nila.


3. Ang Islām ay ang makadiyos na mensahe na dumating bilang tagakumpleto ng mga mensahe ng mga propeta at mga isinugong nauna (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) sa mga kalipunan nila.


Ang Islām ay ang makadiyos na mensahe na dumating bilang tagakumpleto ng mga mensahe ng mga propeta at mga isinugong nauna (sumakanila ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan) sa mga kalipunan nila. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):


"Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta nang matapos niya; nagkasi kina Abraham, Ismael, Isaac, at Jacob, sa mga lipi, kina Jesus, Job, Jonas, Aaron, at Solomon; at nagbigay kay David ng Salmo."


(Qur’an 4:163)


Ang relihiyong ito na ikinasi ni Allāh sa Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh sa kanya at pagbati ng kapayapaan) ay ang relihiyon na isinabatas ni Allāh sa mga naunang propeta at itinagubilin Niya sa kanila. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):


"Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng anumang itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: "Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito." Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik."


(Qur’an 42:13)


Ang relihiyong ito na ikinasi ni Allāh sa Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh sa kanya at pagbati ng kapayapaan) ay isang pagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatang makadiyos gaya ng Torah at Ebanghelyo bago ng bago ng pagpapalihis sa dalawang ito. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):


"Ang ikinasi Namin sa iyo na Aklat ay ang totoo, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito. Tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay talagang Mapagbatid, Nakakikita."


(Qur’an 35:31)


4. Ang mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan), ang relihiyon nila ay iisa at ang mga batas nila ay magkakaiba-iba.


Ang relihiyon ng mga propeta (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) ay iisa subalit ang mga batas nila ay nagkakaiba-iba. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Nagpababa Kami sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na kasulatan at bilang tagapangibabaw rito. Kaya humatol ka sa pagitan nila ng ayon sa pinababa ni Allāh at huwag kang sumunod sa mga pithaya nila kapalit ng dumating sa iyo na katotohanan. Para sa bawat kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pagbabatas at isang pamamaraan. Kung sakaling niloob ni Allāh ay


talaga sanang gumawa Siya sa inyo na nag-iisang kalipunang subalit [pinag-iiba kayo] upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo. Kaya mag-unahan kayo sa mga kabutihan. Tungo kay Allāh ang babalikan ninyo sa kalahatan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo dati kaugnay roon ay nagkakaiba-iba."(Qur’an 5:48)Nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Ako ay pinakamalapit sa mga tao kay Jesus na anak ni Maria sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga propeta ay magkakapatid sa ama. Ang mga ina nila ay sarisari at ang relihiyon nila ay iisa."(Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 3443.)


5. Ang Islām ay nag-aanyaya – gaya ng pag-anyaya ng lahat ng mga propeta: sina Noe, Abraham, Moises, Solomon, David, at Jesus (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) – sa pananampalataya na ang Panginoon ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Palatustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan, ang Tagapagmay-ari ng paghahari. Siya ay ang nangangasiwa sa kapakanan at Siya ay ang Mahabagin, ang Maawain.


Ang Islām ay nag-aanyaya – gaya ng pag-anyaya ng lahat ng mga propetang sina Noe, Abraham, Moises, Solomon, David, at Jesus (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) – sa pananampalataya na ang Panginoon ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Palatustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan, ang Tagapagmay-ari ng paghahari. Siya ay ang nangangasiwa sa kapakanan at Siya ay ang Mahabagin, ang Maawain. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?"(Qur'ān 35:3)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?""(Qur’an 10:31)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito, at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?" Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.""(Qur’an 27:64)Ang lahat ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pagbati ng kapayapaan) ay ipinadala nang may paanyaya sa pagsamba kay Allāh lamang. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis." Kaya kabilang sa kanila ay pinatnubayan ni Allāh at kabilang sa kanila ay nagindapat sa kanya ang kaligawan. Kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.(Qur'ān 16:36)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin."(Qur'ān 21:25)Nagpabatid si Allāh tungkol kay Noe (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) na siya ay nagsabi:"O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan."(Qur'ān 7:59)Nagsabi ang matalik na kaibigan [ni Allāh] na si Abraham (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya na siya ay nagsabi:"[Banggitin] si Abraham noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Sumamba kayo kay Allāh at mangilag kayong magkasala sa Kanya; iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay naging nakaaalam."(Qur'ān 29:16)Nagsabi si Ṣāliḥ (sumakanya


ang pagbati ng kapayapaan) gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya:"Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang tanda, kaya hayaan ninyo itong manginain sa lupain ni Allāh at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan para hindi kayo daklutin ng isang pagdurusang masakit."(Qur'ān 7:73)Nagsabi si Shu`ayb (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya:"Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at [pagtitimbang sa] timbangan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya."(Qur’an 7:85)Ang kauna-unahan sa pakikipag-usap ni Allāh kay Moises (ang pagbati ng kapayapaan) ay [nang] nagsabi Siya rito (kaluwalhatian sa Kanya):13. Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi:14. Tunay na Ako ay si Allāh; walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka sa pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.(Qur’an 20:13-14)Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol kay Moises (ang pagbati ng kapayapaan) na ito ay nagpakupkop sa Kanya sapagkat nagsabi ito:"Nagsabi si Moises: "Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo laban sa bawat nagpapakamalaking hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagtutuos.""(Qur’an 40:27)Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol kay Kristo (ang pagbati ng kapayapaan) na ito ay nagsabi:"Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid."(Qur'ān 3:51)Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) habang nagpapabatid tungkol kay Kristo (ang pagbati ng kapayapaan) din na ito ay nagsabi:"O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh, na Panginoon ko at Panginoon ninyo." Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya."(Qur’an 5:72)Bagkus pati na sa Bibliya, nasaad dito ang pagbibigay-diin sa pagsamba kay Allāh lamang sapagkat nasaad sa Deuteronomio 6:4 ang sabi niya Moises:"Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon"Nasaad ang pagbibigay-diin sa Monoteismo sa Ebanghelyo ni Marcos 12:29 kung saan nagsabi si Kristo (ang pagbati ng kapayapaan):"Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa"Nilinaw ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na ang lahat ng mga propeta ay ipinadala na may dakilang misyon na ito, ang pag-anyaya sa Monoteismo. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis." Kaya kabilang sa kanila ay pinatnubayan ni Allāh at kabilang sa kanila ay nagindapat sa kanya ang kaligawan."(Qur'ān 16:36)Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Maghatid kayo sa akin ng isang aklat bago pa nito o ng isang bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.""(Qur’an 46:4)Nagsabi si Shaykh As-Sa`dīy, kaawaan siya ni Allāh:"Kaya nalaman na ang pakikipagdebate sa mga tagapagtambal kaugnay sa pagtatambal nila ay hindi sumasalig doon sa isang patotoo ni isang patunay. Sumasandal lamang sila sa mga sinungaling na palagay, mga matumal na opinyon, at mga tiwaling pag-iisip. Magpapahiwatig sa iyo sa katiwalian ng mga ito ang pagsasaliksik sa mga kalagayan nito, ang pagsubaybay sa mga kaalaman nila at mga gawain nila, at ang pagmamasid sa kalagayan ng mga nag-alay ng mga buhay nila sa pagsamba sa mga ito kung nakapagdulot kaya ang mga ito (ang mga sinasamba bukod pa kay Allāh) sa kanila ng anuman sa Mundo at sa Kabilang-buhay?"Taysīr Al-Karīm Al-Mannān: 779


6. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay ang Tagalikha. Siya lamang ay ang Karapat-dapat sa pagsamba at na hindi sambahin kasama sa Kanya ang iba pa sa Kanya.


Si Allāh ay ang Karapat-dapat na sambahin lamang at na hindi sambahin kasama sa Kanya ang isa na iba pa sa Kanya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa mga nauna pa sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,22. na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam.(Qur’an 2:21-22)Kaya ang lumikha sa atin, lumikha sa mga salinlahi na bago pa natin, gumawa ng lupa bilang himlayan para sa atin, at nagpababa sa atin mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya para sa atin sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa atin, Siya lamang ang karapat-dapat sa pagsamba. Nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya):"O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?"(Qur'ān 35:3)Kaya ang lumilikha at nagtutustos ay ang karapat-dapat lamang sa pagsamba. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; walang Diyos kundi Siya, ang Tagalikha ng bawat bagay kaya sumamba kayo sa Kanya. Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan."(Qur’an 6:102)Ang bawat sinamba bukod pa kay Allāh ay hindi nagiging karapat-dapat sa pagsamba dahil ito ay hindi nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa at hindi isang katambal para kay Allāh sa anumang ni isang tagatulong ni isang mapagtaguyood para kay Allāh. Kaya papaanong dinadalanginan ito kasama kay Allāh o ginagawang isang katambal para sa Kanya? Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Dumalangin kayo sa mga inangkin ninyo bukod pa kay Allāh, samantalang hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, walang ukol sa kanila sa mga ito na anumang pakikitambal [sa Kanya] at walang ukol sa Kanya mula sa kanila na anumang mapagtaguyod,"(Qur’an 34:22)Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay ang lumikha sa mga nilikhang ito o nagpairal sa mga ito mula sa kawalan. Ang kairalan ng mga ito at tagapagpatunay sa kairalan Niya, pagkapanginoon Niya, at pagkadiyos Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):20. Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya sa inyo mula sa alabok, pagkatapos biglang kayo ay mga taong lumalaganap.21. Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.22. Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkakalikha ng mga langit at lupa at ang pagkakaiba-iba ng mga wika ninyo at mga kulay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga nakaaalam.23. Kabilang sa mga tanda Niya ang pagtulog ninyo sa gabi at maghapon at ang paghahanap ninyo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig.24. Kabilang sa mga tanda Niya ay nagpapakita Siya sa inyo ng kidlat na [nagdudulot ng] pangamba at paghahangad, at nagbababa Siya mula sa langit ng tubig saka nagbibigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.25. Kabilang sa mga tanda Niya ay na manatili ang langit at ang lupa ayon sa utos Niya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo sa isang pagtawag mula sa lupa, biglang kayo ay lalabas.26. Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin.27. Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Ito ay higit na madali sa Kanya.(Qur’an 30:20-27)Nagkaila si Nimrod ng kairalan ng Panginoon niya kaya nagsabi sa kanya si Abraham (ang pagbati ng kapayapaan) gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya:"Nagsabi si Abraham: "Ngunit tunay na si Allāh ay nagpaparating sa araw mula sa silangan kaya magparating ka nito mula sa kanluran." Kaya nagitla ang tumangging sumampalataya. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan."(Qur’an 2:258)Gayon ipinampatunay ni Abraham (ang pagbati ng kapayapaan) sa mga kababayan niya na si Allāh ay ang nagpatunay sa kanya, nagpakain sa kanya, at nagpainom sa kanya, na kapag nagkasakit siya ay nagpapagaling si Allāh sa kanya, at na si Allāh ay ang magbibigay-kamatayan sa kanya at magbibigay-buhay sa kanya, sapagkat nagsabi siya, gaya ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa kanya:78. na lumikha sa akin saka Siya ay nagpapatnubay sa akin;79. na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin;80. at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin;81. na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin;(Qur’an 26:78-81)Nagsabi si Allāh habang nagpapabatid tungkol kay Moises (ang pagbati ng kapayapaan) na siya ay nakipangatwiran kay Paraon na nagsasabi rito: Tunay na ang Panginoon niya ay:"ang nagbigay sa bawat bagay ng kaanyuan nito, pagkatapos nagpatnubay."(Qur’an 20:50)Nagpasilbi si Allāh ng lahat ng nasa mga langit at lupa para sa tao at nagpaligid Siya rito ng mga biyaya upang sumamba ito kay Allāh at hindi ito tumangging sumampalataya sa Kanya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Hindi ba kayo nakakita na si Allāh


ay nagpasilbi para sa inyo ng nasa mga langit at nasa lupa at nagpasagana sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran at pakubli. Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang isang kaalaman ni isang patnubay ni isang aklat na nagbibigay-liwanag."(Qur’an 31:20)Kung paanong nagpasilbi si Allāh para sa tao ng bawat nasa mga langit at lupa, lumikha nga Siya rito at naghanda Siya rito ng bawat kakailanganin nito na pagdinig, pagtingin, at puso upang matuto ito ng kaalaman na magpapakinabang dito at magpapahiwatig dito sa Pinapanginoon nito at Tagalikha nito. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Si Allāh ay nagpalabas sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo nang hindi kayo nakaaalam ng anuman at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso nang sa gayon kayo ay magpapasalamat."(Qur’an 16:78)


Kaya si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay lumikha nga ng lahat ng mga uri ng nilalang na ito, lumikha sa tao, at naghanda rito ng bawat kakailanganin nito na mga bahagi ng katawan at mga lakas, pagkatapos nag-alalay rito ng tutulong dito sa pagsasagawa ng pagsamba sa Kanya at pagsibilisa ng lupa, pagkatapos nagpasilbi para sa kanya ng bawat nasa mga langit at lupa.


Nangatwiran si Allāh sa pamamagitan ng paglikha Niya sa mga dakilang nilikhang ito sa pagkapanginoon Niyang nag-oobliga ng pagkadiyos Niya sapagkat nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?""(Qur’an 10:31)Nagsabi Siya ng katotohanan (kaluwalhatian sa Kanya):"Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Maghatid kayo sa akin ng isang aklat bago pa nito o ng isang bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.""(Qur’an 46:4)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Lumikha Siya ng mga langit nang walang mga haliging nakikita ninyo. Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig at nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marangal. Ito ay ang nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin kung ano ang nalikha ng mga bukod pa sa Kanya. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na malinaw."(Qur’an 31:10-11)Nagsabi Siya ng katotohanan (kaluwalhatian sa Kanya):35. O nilikha ba sila mula sa hindi isang bagay o sila ay ang mga tagalikha?36. O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.37. O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?(Qur’an 52:35-37)Nagsabi si Shaykh As-Sa`dīy:"Ito ay isang pagpapatunay sa kanila hinggil sa isang usapin na walang maaari sa kanila hinggil dito kundi ang pagpapasakop sa katotohanan o ang paglabas sa tagapag-obliga ng isip at relihiyon."Tafsīr Ibnu Sa`dīy: 816.


7. Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat anumang nasa Sansinukob na anumang nakikita natin at hindi natin nakikita. Ang bawat anumang iba sa Kanya ay isang nilikha kabilang sa mga nilikha Niya. Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa sa loob ng anim na araw.


Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagalikha ng bawat anumang nasa Sansinukob na anumang nakikita natin at hindi natin nakikita. Ang bawat anumang iba sa Kanya ay isang nilikha kabilang sa mga nilikha Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Sino ang Panginoon ng mga langit at lupa?" Sabihin mo: "Si Allāh." Sabihin mo: "Kaya gumawa ba kayo bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala?" Sabihin mo: "Nagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? O nagkakapantay kaya ang mga kadiliman at ang liwanag? O gumawa ba sila para kay Allāh ng mga katambal na lumikha gaya ng paglikha Niya kaya


nagkawangisan ang pagkakalikha para sa kanila?" Sabihin mo: "Si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay at Siya ay ang Nag-iisa, ang Palalupig.""(Qur’an 13:16) Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman."(Qur’an 16:8)Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa sa loob ng anim na araw. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa trono. Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, anumang bumababa mula sa langit, at anumang pumapanik doon. Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita."(Qur’an 57:4)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw at walang sumaling sa Amin na anumang kapagalan."(Qur’an 50:38)


8. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay walang katambal sa paghahari Niya o paglikha Niya o pangangasiwa Niya o pagsamba sa Kanya.


Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay ang Tagapagmay-ari ng paghahari; walang katambal sa paghahari Niya o paglikha Niya o pangangasiwa Niya o pagsamba sa Kanya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Maghatid kayo sa akin ng isang aklat bago pa nito o ng isang bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.""(Qur’an 46:4)Nagsabi si Shaykh As-Sa`dīy, kaawaan siya ni Allāh:"Ibig sabihin: "Sabihin mo" sa mga nagtambal na ito kay Allāh ng mga diyus-diyusan at mga kaagaw na hindi nakapangyayari ng pakinabang ni pinsala ni kamatayan ni buhay ni pagpapabuhay, sabihin mo sa kanila habang naglilinaw sa kawalang-kakayahan ng mga diyus-diyusan nila at na ang mga ito ay hindi nagiging karapat-dapat sa anuman mula sa pagsamba: "Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit." (Qur’an 46:4) Lumikha kaya sila mula sa mga katawan ng mga langit at lupa ng anuman? Lumikha kaya sila ng mga bundok? Nagpadaloy kaya sila ng mga ilog. Nagpabuhay kaya sila ng hayop? Nagpatubo kaya sila ng mga punong-kahoy. Mayroon kaya mula sa kanila na isang pakikipagtulungan sa paglikha ng anuman mula roon? Walang anuman mula roon ayon sa pag-amin nila sa mga sarili nila lalo na ng iba pa sa kanila. Kaya ito ay isang patunay pangkaisipang kapani-paniwala na ang bawat anumang iba kay Allāh, ang pagsamba roon ay walang-saysay.""Pagkatapos nabanggit ang kawalan ng patunay sapagkat nagsabi Siya: "Magdadala kayo sa akin ng isang aklat bago pa nito" Ang aklat ay nag-aanyaya sa shirik? "o ng isang bakas mula sa kaalaman" Minana mula sa mga sugo, na nag-aanyaya niyon? Nalalaman na sila ay mga walang-kakayahan na magdala buhat sa isa sa mga sugo ng isang patunay na magpapatunay roon, bagkus nasisigurado natin at natitiyak natin na ang lahat ng mga sugo ay nag-anyaya sa Monoteismo ng Panginoon nila at sumaway sa pagtatambal sa Kanya. Ito ay ang pinakadakila sa naipahatid buhat sa kanila mula sa kaalaman."Tafsīr Ibnu Sa`dīy: 779.Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay ang Tagapagmay-ari ng paghahari; walang katambal para sa Kanya sa paghahari Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "O Allāh, Tagapagmay-ari ng paghahari, nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo, nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinumang niloloob Mo, nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo, at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Nasa kamay Mo ang kabutihan. Tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan."(Qur'ān 3:26)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang naglilinaw na ang lubos na paghahari ay sa Kanya sa Araw ng Pagbangon:"Sa Araw na sila ay mga lilitaw, walang nakakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman. Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig."(Qur’an 40:16)Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay walang katambal para sa Kanya sa paghahari Niya o paglikha Niya o pangangasiwa Niya o pagsamba sa Kanya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na hindi gumawa ng anak. Hindi Siya nagkaroon ng katambal sa paghahari Niya at hindi Siya nagkaroon ng katangkilik dahil sa kaabahan. Dumakila ka sa Kanya nang [lubos na] pagdadakila."(Qur’an 17:111)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Hindi Siya gumawa ng anak, hindi Siya nagkaroon ng katambal sa paghahari, at lumikha Siya sa bawat


bagay saka nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda."(Qur’an 25:2)Kaya Siya ay ang Tagapagmay-ari at ang anumang iba sa Kanya ay minamay-ari para Kanya (kaluwalhatian sa Kanya). Siya ay ang Tagalikha at ang anumang iba sa Kanya ay nilikha para Kanya. Siya ay ang nangangasiwa sa kapakanan at ang sinumang ito ay naging pumapatungkol sa Kanya, kinakailangan ang pagsamba sa Kanya at ang pagsamba sa iba pa sa Kanya ay kakulangan sa pag-iisip at isang pagtatambal na nakakagulo sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Nagsabi sila: "Maging mga Hudyo o mga Kristiyano kayo, mapapatnubayan kayo." Sabihin mo: "Bagkus [sumunod] sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].""(Qur’an 2:135)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Sino ang higit na maganda sa relihiyon kaysa sa sinumang nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda at sumunod sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Gumawa si Allāh kay Abraham bilang matalik na kaibigan."(Qur’an 4:125)Nilinaw Niya ang katotohanan (kaluwalhatian sa Kanya) na ang sumunod sa iba sa kapaniwalaan ni Abraham, ang matalik na kaibigan [ni Allāh] (ang pagbati ng kapayapaan), ay nagpahangal nga sa sarili niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya? Talaga ngang humirang Kami sa kanya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos."(Qur’an 2:130)


9. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at wala Siyang kapantay o katulad.


Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak at wala Siyang kapantay o katulad. Nagsabi si Allāh ng katotohanan (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya):1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay iisa.2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].3. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.4. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man."(Qur’an 112:1-4)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?""(Qur’an 19:65)Nagsabi Siya ng katotohanan (kapita-pitagan ang pumapatungkol sa Kanya):"Ang Tagalalang ng mga langit at lupa, gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at mula sa mga hayupan ng mga kabiyak, na nagpaparami Siya sa inyo dahil doon. Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita."(Qur'ān 42:11)


10. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay hindi dumadapo sa isang bagay at hindi nagsasakatawan sa isang bagay kabilang sa nilikha Niya.


Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay hindi dumadapo sa isang bagay at hindi nagsasakatawan sa isang bagay kabilang sa nilikha Niya at hindi nakikipag-isa sa isang bagay. Iyon ay dahil si Allāh ay ang Tagalikha at ang anumang iba sa Kanya ay nilikha. Siya ay ang Matitira at ang anumang iba sa Kanya, ang kauuwian nito ay ang pagkalipol. Ang bawat bagay ay pag-aari Niya at Siya ay ang Tagapagmay-ari nito. Kaya si Allāh ay hindi dumadapo sa isang anuman kabilang sa nilikha Niya at walang dumadapong anuman kabilang sa nilikha Niya sa sarili Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay pinakamalaki kaysa sa bawat anuman kabilang sa nilikha Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang nagkakaila sa sinumang nagpalagay na Siya ay dumapo nga kay Kristo:"Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: "Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria." Sabihin mo: "Kaya sino ang nakapangyayari laban kay Allāh sa anuman kung nagnais Siya na magpahamak sa Kristo na anak ni Maria, sa ina niya, at sa sinumang nasa lupa sa kalahatan?" Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit


at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan."(Qur’an 5:17)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):115. Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran kaya saanman kayo humarap ay naroon ang Mukha ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Malawak, Maalam.116. Nagsabi sila: "Nagkaroon si Allāh ng anak." Kaluwalhatian sa Kanya! Bagkus sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin,117. ang Tagapagpasimula ng mga langit at lupa. Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.(Qur’an 2:115-117)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):88. Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak."89. Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.90. Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at bumabagsak ang mga bundok nang durug-durog,91. dahil nag-angkin sila para sa Napakamaawain ng anak.92. Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng anak.93. Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin.94. Talaga ngang nag-isa-isa Siya sa kanila at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang.95. Lahat sila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang bukod.(Qur’an 19:88-95)Nagsabi pa Siya (pagkataas-taas Siya):"Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Hindi Siya nadadala ng antok ni ng pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa harap Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila pumapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang luklukan Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan."(Qur’an 2:255)Kaya Siya na ito ang pumapatungkol sa Kanya at iyan ang pumapatungkol sa nilikha Niya, papaano Siyang dadapo na kabilang sa kanila o gagawa rito bilang anak para sa Kanya o gagawa rito bilang diyos kasama sa Kanya?


11. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay Mahabagin, Maawain sa mga lingkod Niya. Dahil dito, nagsugo Siya ng mga sugo at nagpababa Siya ng mga kasulatan.


Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay ang Mahabagin, ang Maawain sa mga lingkod Niya sapagkat bahagi ng awa Niya sa mga lingkod Niya na nagsugo Siya sa kanila ng mga sugo at nagpababa Siya sa kanila ng mga kasulatan upang magpalabas sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at pagtatambal [sa Kanya] tungo sa liwanag ng Monoteismo at patnubay. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niya ng mga tandang malilinaw upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain."(Qur'ān 57:9)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang."(Qur'ān 21:107)Nag-utos si Allāh sa Propeta Niya na magpabatid sa mga tao na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain, sapagkat nagsabi Siya (pagkataas-taas Siya):"Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain,"(Qur'ān 15:49)Bahagi ng habag Niya at awa Niya, Siya ay pumapawi ng pinsala at nagpapababa ng kabutihan sa mga lingkod Niya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Kung sasaling sa iyo si Allāh ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi nito kundi Siya. Kung magnanais Siya sa iyo ng isang kabutihan ay walang tagatulak sa kabutihang-loob Niya. Nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain. "(Qur'ān 10:107)


12. Si Allāh ay ang Panginoong Maawain. Siya lamang ang makikipagtuos sa mga nilikha sa Araw ng Pagbangon kapag magbubuhay Siya


sa kanila sa kalahatan mula sa mga libingan nila para gumanti Siya sa bawat persona ayon sa ginawa nito na kabutihan o kasamaan. Kaya ang sinumang gumawa ng mga gawang maayos habang siya ay mananampalataya, ukol sa kanya ang Kaginhawahang mananatili. Ang sinumang tumangging sumampalataya at gumawa ng mga gawang masagwa, ukol sa kanya ang sukdulang pagdurusa sa Kabilang-buhay.


Si Allāh ay ang Panginoong Maawain. Siya lamang ang makikipagtuos sa mga nilikha sa Araw ng Pagbangon kapag magbubuhay Siya sa kanila sa kalahatan mula sa mga libingan nila para gumanti Siya sa bawat persona ayon sa ginawa nito na kabutihan o kasamaan. Kaya ang sinumang gumawa ng mga gawang maayos habang siya ay mananampalataya, ukol sa kanya ang Kaginhawahang mananatili. Ang sinumang tumangging sumampalataya at gumawa ng mga gawang masagwa, ukol sa kanya ang sukdulang pagdurusa sa Kabilang-buhay. Kaya bahagi ng kalubusan ng katarungan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya), karunungan Niya, at awa Niya sa nilikha Niya ay na gumawa Siya sa Mundong ito bilang tahanan ng paggawa at gumawa Siya ng isang ikalawang tahanan na magiging naroon ang pagganti, ang pagtutuos, at ang gantimpala hanggang sa magtamo ang tagagawa ng maganda ng gantimpala ng paggawa niya ng maganda at magtamo ang tagagawa ng masagwa, ang tagalabag sa katarungan, at ang tagasalansang ng kaparusahan sa pagsalansang niya at kawalang-katarungan niya. Dahil ang usaping ito ay maaaring itinuturing na imposible ng ilan sa mga kaluluwa, naglatag nga si Allāh ng maraming patunay na nagpapatunay na ang pagbubuhay ay totoo, na walang pasubali hinggil dito. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Kabilang sa mga tanda Niya na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay tigang ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito at lumago ito. Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan."(Qur'ān 41:39)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo. Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa kalakasan ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, noong matapos ng isang kaalaman, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumalago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring marilag."(Qur'ān 22:5)Bumanggit ang katotohanan sa talatang ito ng tatlong patunay na pangkaisipan sa pagbubuhay. Ang mga ito ay ang sumusunod:


1. Na ang tao ay nilikha ni Allāh sa unang pagkakataon mula sa alabok at ang sinumang lumikha rito mula sa alabok, siya ay nakakakaya na magpanumbalik dito sa buhay kapag ito ay naging alabok.


2. Na ang sinumang lumikha, mula sa patak, ng isang mortal ay nakakakaya na magpanumbalik sa tao sa buhay matapos ng kamatayan nito.


3. Na ang sinumang nagbigay-buhay sa lupa sa pamamagitan ng ulan matapos ng kamatayan nito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga tao matapos ng kamatayan nila. Sa talatang ito ay may


dakilang patunay sa pagkamahimala ng Qur'ān sapagkat papaanong nagtipon ang talatang ito – samantalang ito ay hindi naman mahaba – ng mga patotoong pangkaisipang nakamamangha sa isang dakilang usapin.


Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"sa Araw na magtutupi Kami sa langit gaya ng pagtupi ng pahina para sa mga talaan. Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa."(Qur'ān 21:104)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):78. Naglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: "Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?"79. Sabihin mo: "Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam."(Qur'ān 36:78-79)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):27. Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?28. Inangat Niya ang bubong nito at saka binuo ito.29. Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.30. Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito.31. Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.32. Sa mga bundok ay nag-angkla,(Qur'ān 79:27-32)Kaya nilinaw Niya ang katotohanan na ang paglikha ng tao ay hindi higit na matindi kaysa sa paglikha ng langit at lupa at anumang nasa mga ito sapagkat ang nakakakaya sa paglikha ng mga langit at lupa ay hindi nawawalang-kakayahan na magpanumbalik sa tao sa ikalawang pagkakataon.


13. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay lumikha kay Adan mula sa alabok at gumawa sa mga supling niya na nagdamihan noong wala na siya. Kaya ang mga tao sa kabuuan nila, sa pinagmulan nila ay magkakapantay. Walang kalamangan sa isang lahi higit sa ibang lahi ni sa isang lipi higit sa ibang lipi maliban sa pangingilag magkasala.


Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya) ay lumikha kay Adan mula sa alabok at gumawa sa mga supling niya na nagdamihan noong wala na siya. Kaya ang mga tao sa kabuuan nila, sa pinagmulan nila ay magkakapantay. Walang kalamangan sa isang lahi higit sa ibang lahi ni sa isang lipi higit sa ibang lipi maliban sa pangingilag magkasala. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid."(Qur'ān 49:13)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Si Allāh ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo ng mga asawa. Walang nagbubuntis na isang babae at walang nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang pinatatanda na isang pinatatanda at walang ibinabawas mula sa edad nito malibang nasa isang talaan. Tunay na iyon kay Allāh ay madali."(Qur'ān 35:11)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos nagpapalabas Siya inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa kalakasan ninyo, pagkatapos upang kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na pinapapanaw bago pa niyon – at upang umabot kayo sa isang taning na tinukoy, at nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa."(Qur'ān 40:67)Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya) habang naglilinaw na Siya ay lumikha kay Kristo sa pamamagitan ng utos na pampangyayari gaya ng paglikha Niya kay Adan mula sa alabok sa pamamagitan ng utos na pampangyayari. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Tunay na ang paghahalintulad kay Jesus sa ganang kay Allāh ay gaya ng paghahalintulad kay Adan; lumikha Siya rito mula sa alabok, pagkatapos nagsabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito."(Qur'ān 3:59)Nauna na nabanggit ko sa parapo numero 3 na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng


kapayapaan) ay naglinaw na ang mga tao ay magkakapantay at walang kalamangan sa isa higit sa isa maliban sa pangingilag magkasala.


14. Bawat sanggol ay ipinanganganak sa kalikasan ng pagkalalang.


Bawat sanggol ay ipinanganganak sa kalikasan ng pagkalalang. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Kaya magpanatili ka ng mukha mo sa Relihiyon bilang makatotoo. [Mamalagi sa] kalikasan ng pagkalalang ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam."(Qur'ān 30:30) Ang Ḥanīfīyah ay ang kapaniwalaan ni Abraham, ang matalik na kaibigan [ni Allāh] (ang pagbati ng kapayapaan). Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Pagkatapos nagkasi Kami sa iyo na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal."(Qur'ān 16:123)Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Walang anumang sanggol malibang ipinanganganak sa kalikasan ng pagkalalang saka ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya, gaya ng pagsisilang ng hayupan ng isang hayupang buo. Nakadarama kaya kayo rito ng naputulan?"Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya):"[Mamalagi sa] kalikasan ng pagkalalang ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam."(Qur'ān 30:30)Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy: 4775.Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan):"Pansinin, tunay na ang Panginoon ko ay nag-utos sa akin na magturo ako sa inyo, ng hindi ninyo nalalaman, mula sa mga itinuro Niya sa akin sa araw kong ito. [Nagsabi Siya]: Bawat yaman na ipinagkaloob Ko sa isang tao ay ipinahihintulot. Tunay na Ako ay lumikha ng mga lingkod Ko bilang mga makatotoo sa kalahatan nila. Tunay na sila ay pinuntahan ng mga demonyo saka nagpalisan ang mga ito sa kanila palayo sa relihiyon nila, nagbawal ang mga ito sa kanila ng ipinahintulot Ko sa kanila, at nag-utos ang mga ito sa kanila na magtambal sila sa Akin ng hindi Ako nagpababa roon ng isang katibayan."(Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 2865)


15. Walang isa sa sangkatauhan na ipinanganganak na nagkakasala o nagmamana ng kasalanan ng iba pa sa kanya.


Walang isa sa sangkatauhan na ipinanganganak na nagkakasala o nagmamana ng kasalanan ng iba pa sa kanya. Nagpabatid sa atin si Allāh (pagkataas-taas Siya) na si Adan (ang pagbati ng kapayapaan) – noong sumalungat siya sa makadiyos na utos at kumain siya at ang maybahay niyang si Eva mula sa punong-kahoy – ay nagsisi, nagbalik-loob, at humingi kay Allāh ng kapatawaran. Kaya naman nagpatalos sa kanya si Allāh na magsabi siya ng mga pangungusap na kaaya-aya saka tumanggap si Allāh sa kanilang dalawa ng pagbabalik-loob. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):35. Nagsabi Kami: "O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso at kumain kayong dalawa mula rito nang masagana saanman ninyong dalawa loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito dahil kayong dalawa ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."36. Ngunit nagpatisod sa kanilang dalawa ang demonyo palayo roon at nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi Kami: "Lumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon."37. Saka nakatanggap si Adan mula sa Panginoon nito ng mga salita saka tumanggap Siya sa pagbabalik-loob nito. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain.38. Nagsabi Kami: "Bumaba kayo mula rito sa kalahatan. Kung may darating nga sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang mga sumunod sa patnubay Ko ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot."(Qur'ān 2:35-38)Yayamang tumanggap ng pagbabalik-loob si Allāh kay Adan (ang pagbati ng kapayapaan), hindi na siya isang nagdadala ng kasalanan. Dahil doon, tunay na ang mga supling niya ay hindi nagmana ng kasalanang naalis na dahil sa pagbabalik-loob. Ang pangunahing panuntunan ay na ang tao ay hindi nagdadala ng pasanin ng iba pa sa kanya. Nagsabi si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Walang


[kasalanang] nakakamit ang bawat kaluluwa malibang laban dito. Hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo ang babalikan ninyo saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba."(Qur'ān 6:164)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Hindi Kami magpaparusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo."(Qur'ān 17:15)Nagsabi pa si Allāh (pagkataas-taas Siya):"Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Kung may mag-aanyayang isang nabibigatan sa pagdala nito ay hindi magdadala mula rito ng anuman, kahit pa man siya ay isang may pagkakamag-anak. Makapagbabala ka lamang sa mga natatakot sa Panginoon nila nang lingid at nagpanatili ng pagdarasal. Ang sinumang nagpakadalisay ay nagpakadalisay lamang para sa sarili niya. Sa kay Allāh ang kahahantungan."(Qur'ān 35:18)



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG