Mga Artikulo




#Mga_Islamikong_Kataga


Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 4)





Deskripsyon: Isang talaan ng ilan sa pinaka-karaniwang Islamikong mga kataga at parirala.





Mga Terminolohiyang Arabik


·       Du’a - pagsusumamo, pagdarasal, paghiling kay Allah ng anuman.


·       Ummah - Tumutukoy sa buong komunidad ng Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.


·       Surah – kabanata ng Qur'an.





Bagama't hindi Arabe ang katutubong wika ng karamihan ng mga Muslim sa mundo, ito ay ang wika ng Qur'an at sa gayon ng Islam. Samakatuwid kanais-nais para sa lahat ng mga Muslim na magkaroon ng isang gumaganang kaalaman sa mga karaniwang Islamikong kataga. Kapag natututong magdasal at kapag lumalawig ang iyong pakikipag-ugnayan sa ibang mga Muslim ay makakaharap mo ang karamihan sa mga katagang ito. Ang ilan sa mga ito ay maaaring tila kakaiba at hindi maunawaan subalit hindi rin magtatagal ay mapagtatanto mong ang mga ito ay nagagamit nang may kagaangan at kadalasan. Ito ay dahil sa ang karamihan sa mga karaniwang Islamikong kataga ay  mismong  du'as. Ang wikang Arabe ay nagsisilbi upang papag-isahin ang Ummah ng Muslim; kung ang dalawang tao ay nagsasalita ng ganap na magkaibang mga wika kahit papaano ay magkakaisa sila  sa pamamagitan ng kanilang paggamit ng Arabe sa paggunita at pagsamba kay Allah.





1.     Assalam Alaikum.  Ito ay ang Islamikong pagbati. Ang unang salitang, Assalam, ay nagmula sa parehong lingguwistikang ugat tulad ng mga salitang Muslim at Islam, sa - la - ma, na nangangahulugang pagpapasakop sa kalooban ni Allah at sumasaklaw din sa mga konsepto ng kapayapaan, seguridad at kaligtasan. Kapag ang isang Muslim ay nagsabi ng Assalam Alaikum siya ay humihiling kay Allah na pagkalooban ang tumanggap ng pagbati ng pangangalaga at seguridad. Ang tugon ay Wa Alaikum Assalam, na nangangahulugang, 'Nawa'y si Allah ay pagkalooban (din) kayo ng pangangalaga at seguridad'. Ang maiikling mga Arabeng salitang ito ay nagpapabatid sa mga Muslim na sila ay kabilang sa mga kaibigan, hindi mga dayuhan.





Kapag kayo ay binati ng isang pagbati, bumati pabalik ng anumang higit na mainam kaysa dito o (kahit papaano) ibalik ang katumbas nito. Katiyakan, ang Diyos ay Laging isang Maingat na Tagapaghatol sa lahat ng mga bagay." (Qur'an 4:86)








Ang higit na mainam na Islamikong pagbati ay kabilang ang, Assalam Alaikum Wa Rahmatullah, na nangangahulugang, 'Nawa'y si Allah ay pagkalooban kayo ng pangangalaga, seguridad at awa', at Assalam Alaikum Wa Rahmatullah Wa Barakatuh, na nangangahulugang, 'Nawa'y ang Diyos ay pagkalooban kayo ng pangangalaga, seguridad, awa at nawa'y pagpalain Niya kayo'. Ang pagbabalik ng pagbati nang may bagay na higit na mainam ay magiging, halimbawa, pagkatapos marinig ang mga salitang Assalam Alaikum ikaw ay maaaring tumugon ng, Wa Alaikum Assalam Wa Rahmatullah.


      


Si propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi, " Hindi kayo makapapasok sa Paraiso hanggang sa kayo ay sumampalataya, at hindi kayo sasampalataya hanggang sa magmahalan kayo sa isa't isa. Sasabihin ko ba sa inyo ang tungkol sa bagay na, kung gagawin ninyo ito, ay magagawa ninyong mahalin ang isa't isa? Bumati sa bawat isa ng Salam".[1]


---------------


Mga Talababa:


[1] Saheeh Muslim



 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG