Mga Artikulo




Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit





Deskripsyon:  Mga uri ng pagmamahal, ano ang kahulugan ng pagmamahal sa Allah at ano ang mga kinakailangan nito, at ang kaugnyan sa pagitan ng pagmamahal sa Allah at pagsamba. 





Ang pagmamahal ay isang mahalagang  phenomena na ayon sa ibang mga iskolar ay walang depinisyon, nalalaman lamang ito base sa mga epekto nito. Ang pagmamahal ay nakakategorya sa iba't-ibang uri ayon sa Islamikong pananaw. Ang ilang uri ng pagmamahal ay nakakabuti at hinihikayat, meron din namang nakakapagpasisi. Ang ilan sa mga tao o bagay na ating minamahal ay likas at hindi natin nakokontrol, samantalang meron ring iba na mabubuo paglipas ng panahon at lumalago na nagiging matitibay na relasyon.





Ang unang uri ng pagmamahal ay emosyonal na pagmamahal, tulad ng pagmamahal sa magulang, mga anak, at asawa. Gayunpaman, ito ay nagdedepende, halimbawa, ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay maaring iba sa pagmamahal ng isang tao sa kanyang asawa. Sa mga mag-asawa, ang pagmamahal ay magiging mas matibay kung may mga katangian na pinahahalagahan ng isa’t isa tulad ng kagandahan, kayamanan, matatag, o relihiyoso. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay hindi kontrol ng isang tao. Ang isang tao ay hindi responsable sa Allah kung mas mahal niya ang isa niyang anak kaysa sa iba pa niyang mga anak.[1]





Talababa:


 [1] Ang isang magulang ay hindi maaring mas papabor sa isang anak kesa sa isa sa pagbigay ng regalo at pakitungo. Ipinaguutos sa Islam na ang mga anak ay dapat tratuhin ng patas. Ang pagmamahal sa isang anak na higit kesa sa isa ay bagay na nasa puso lamang na hindi madaling napamamahalaan.





Ang pagmamahal sa magulang ay likas din dahil sa ang isang bata ay may likas na inklinasyon na mahalin niya ang kanyang magulang. Ang isang bata ay nakakakuha ng pagmamahal at seguridad mula sa kanila at napapagtanto ang hirap na kanilang pinagdaanan sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Karagdagan dito, mahal din ng isang tao sa kanyang mga kamag-anak at miyembro ng pamilya.





Ang pangalawang kategorya ng pagmamahal ay ang romantikong pag-ibig na mahahati rin sa dalawang pang klase. Ang unang klase ay ang isang taong may minahal, ngunit sa takot niya sa Allah at hindi niya hinahayaan ang sarili sa anumang ipinagbawal ng Allah at nanatiling mahinhin. Ang pinakamainam na solusyon sa isang taong totoong nagmamahal ay magpakasal hanggat maari. Kung hindi ito itinakda, dapat itong iwasan para sa takot na mahulog sa anumang ipinagbawal ng Allah.


Ang pangalawang klase ay kung ang romantikong pag-ibig ay maging pagkahumaling. Kadalasan ang pagkahumaling ay ang nagkokontrol sa tao at nagiging pangunahing layunin ng kanilang buhay. Sa makatuwid, ang sobra-sobrang 'pag-ibig' ay ipinagbabawal at makasalanan.  Ang mga iskolar ay nagpalagay na ito ay isang karamdaman ng puso na nagpapahirap sa pusong walang pagmamahal sa Allah. Ang mga alituntunin ng Islam ay naglagay ng mga pangkaligtasan para protektahan ang mga tao mula sa mga mapanirang emosyon na hindi nila kayang kontrolin.





🔹Ang huling kategorya ay ang pinaka-maringal at pinaka-purong uri ng pagmamahal, ang pagmamahal sa Allah. Ang isang Muslim ay dapat magtanim ng ilang simpleng bagay sa kanyang isipan: 





Una, ang pagmamahal sa Allah ay hindi opsyonal; ito ay kinakailangan sa bawat Muslim. Ito ay mahalagang sangkap ng paniniwala ng isang tao tulad ng nabanggit ng Allah sa Qur'an: (ayun sa salin ng kahulugan)


“…Datapuwa’t ang mga nananampalataya  ay may nag-uumapaw na pagmamahal sa Allah...” (Quran 2:16)





♦️Pangalawa, ang pagmamahal sa Allah ay naiiba sa lahat ng uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal sa Allah ay hindi inaangking taglay; ito ay nananahan sa puso. Ang mga maalam na iskolar ng Islam ay tinuturing  ang pagmamahal na  'gawain' ng puso, isang bagay na humihimok sa puso at nagpapakilos sa tao na sumunod sa Allah at iwanan ang paggawa ng kasalanan. Ang pagmamahal sa Allah ay matinding nauugnay sa konsepto ng pagsamba sa Islam at paniniwala ng isang tao. Ang pagsamba ay bunga ng pagmamahal sa Allah ng isang tao. 





At ang pagmamahal sa Allah ay tumutugon sa layuning ito. Ang pag-ibig ay ang ningas ng pagsamba na nagpapanatili nito bilang isang kagawian. Lahat  ng mga gawaing debosyon, pagsamba, at pagsunod ay nagmumula sa bukal nito. 





Nakasaad sa depinisyon ng pagsamba  na ito ay lahat na gawaing mahal ng Allah at Kanyang ikinalulugod. Ang pagmamahal ay pumapasok sa lahat na mabuting ating ginagawa. Kapag tayo ay nagsasagawa ng salah, nagbabasa ng Qur'an, nag-aayuno, nagsasagawa ng Hajj, nagbibigay kawang-gawa, o inaalaala ang Allah, ang pagmamahal sa Kanya ay dapat bahagi ng mga ito.








◽️Pangatlo, ang pagmamahal sa Allah ay naiiba sa likas-emosyonal na uri ng pagmamahal na inilarawan sa itaas. Ang tunay na pagmamahal sa Allah ay laging sinamahan ng isang pagkamangha sa harapan ng Kanyang kabanalan at kaluwalhatian, isang pakiramdam ng pagiging maliit o halos walang kabuluhan sa harap ng Dakilang Makapangyarihan. Samantalang ang pagmamahal sa isang asawa o anak ay walang kasamang katulad ng pagkamanghang  yaon. Nangangahulugan ito na ang tao ay hindi lamang basta nagsasabi ng, 'Mahal ko ang Diyos' at hahayaan na lamang ito dito, ngunit tunay na isinasagawa ang gawaing  minamahal ng Allah at iniiwan ang Kanyang mga ipinagbawal, dahil napapagtanto ng tao ang Kapangyarihan ng Allah at ang kakayahang magbigay parusa.





🔸Pang-apat, ang pagmamahal sa Allah ay nangingibabaw sa pagmamahal kaninuman. Sa tuwing may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa, dapat na unahin ng tao kung ano ang minamahal ng Allah.





💎 Panglima, habang ang isang tao ay mas sumusunod sa Allah at sumasamba sa Kanya ay mas lalong lalago ang kanyang pagmamahal sa Allah.








Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 3)





Mga Terminolohiyang Arabik





· Taqwa - Pagdakila at Pagtaglay ng takot sa Allah, debosyon, at paggiging mulat sa presensya ng Diyos. Naglalarawan ito ng estado ng kamalayan sa Allah sa lahat ng ginagawa.


· Shahadah - Pagsasaksi at Pagpahayag ng Paniniwala.


Ika-anim, ang pagmamahal sa Propeta, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay bahagi ng pagmamahal sa Allah. Lahat ng kayamanan at kariwasaan sa mundo ay hindi maaring pumantay sa pagmamahal sa Propeta. Ito ay kailangan pag-usapan sa hiwalay na pagtatalakay. 


Ika-pito, ang pagsunod sa Propeta ay tunay na palatandaan ng pagmamahal sa Allah, at Kanyang sinabi sa Qur’an: (sa salin ng kahulugan)


“Sabihin mo [O Muhammad]: 'Kung mahal niyo ang Allah, sundin niyo ako [at] mamahalin kayo ng Allah’” (Quran 3:31)








Ang isang bagong Muslim ay dapat na matutunan sa abot ng kanyang makakaya ang patungkol sa kung paano sumamba at nagdasal ang Propeta sa Allah, ang kanyang gabay at Sunnah sa lahat ng bagay at tularan siya nang may pagmamahal para makamit ang dakilang pagmamahal ng Allah.  Walang anumang kamahal-mahal sa Allah o anumang gawain na mapapalapit tayo sa Allah, liban na lamang na ipinaalam ito sa atin ni Propeta Muhammad.





Ang susunod na katanungan para sa atin ay, 'paano ko makakamit ang pagmamahal ng Allah?'





(a)  Ang una at pinaka-importanteng paraan para makamit ang pagmamahal ng Allah ay maunawaan ang kahulugan ng Pagsaksi (Shahadah) at isabuhay ito at mamuhay base dito.  Ang  Laa ilaha ill-Allah ay ang layunin ng pagkakalikha sayo, ang kahulugan ng relasyon mo sa Allah, at ang susi sa pagmamahal ng Allah, at pagpasok sa paraiso. Sinuman na ang kanyang naging huling salita ay ang Laa ilaha ill-Allah sa mundong ito ay papasok sa Paraiso. Dapat din na matutunan ng isang tao ang mga magagandang Pangalan at Dakilang mga Katangian ng Allah. Hindi maaring magmahal ng tunay ng isang tao sa sinuman na hindi niya kilala.





(b) Ang pangalawang pinaka-importanteng paraan para makamit ang pagmamahal ng Allah ay ang pagsagawa ng mga nai-obligang mga gawain kasunod ang mga kusang-loob na mga gawa. Ang pinaka-importante sa mga nai-obligang gawain ay ang matutunan ang salah at gawin ito ng palagian. Kasunod nito ang pag-aayuno, ang obligadong espesyal na kawang-gawa, at pagsagawa ng iba pang mga tungkulin. Ang ilan sa mga iskolar ay nagsasabi na mayroong paraiso sa mundo, kung ang isang tao ay hindi pumasok dito siya ay hindi makakapasok sa paraiso sa kabilang buhay. Ang tao ay papasok sa paraiso dito sa mundo sa pamamagitan ng pagiging masaya sa pagsamba at pagsunod sa Diyos. Sa kalaunan, sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahang pang-kaluluwa, pagpapasensya, makakamtan ang dakilang kabutihang pang-kaluluwa sa pagsasabuhay ng mga tungkulin sa Islam: Ang pagmamahal ng Allah. Ang Propeta (ang habag at pagpapala ng Allah ay mapasakanaya) ay nagsabi: (ayon sa salin ng kahulugan)


“Ang Allah ay nagsabi: Kung sino ang nagpapakita ng pang-aaway sa aking minamahal na alipin, Ako ay nasa pakikidigma sa kanya. At ang aking alipin ay hindi makakagawa ng gawaing ginagawa upang mapalapit siya sa Akin na mas kamahal-mahal sa Akin kaysa nai-obliga ko sa kanya, at ang masugid na pagpapatuloy niya sa pagsagawa ng mga gawaing kusang-loob niyang ginagawa upang mapalapit sa Akin ay sasapit sa kalagayang mamahalin ko siya, at kapag minamahal ko na siya: Magiging Ako ang pandinig niya kapag siya ay nakikinig (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), at paningin niya kapag siya ay titingin (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), at kamay niya na pinangkikilos niya (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), at paa nya na kanyang pinanglalakad (na nasa pagsunod sa Allah at para sa Kanyang ikalulugod), kapag humiling siya ay bibigyan ko, kapag nagpapakupkop siya ay poprotektahan ko.”’ (al-Bukhari)





(c)  Ang makaramdam ng kasiyahan sa pag-iisa kasama ang Allah sa salah, pagbabasa ng Qur'an, nagmumunimuni bukod sa nakararami kasama ang Tagapaglikha. Tumawag ka sa Allah at sabihin ang iyong mga suliranin, humingi ng tulong, at manalangin sa Kanya sa mga partikular na bahagi ng pagdarasal kung saan ito ginagawa, tulad sa pagpapatirapa. Hindi agad naaabot ng isang tao ang antas na ito sa unang panalangin. Dapat sa isang tao na kanyang pag-sumikapan ang mga nakakagambala, ang kanyang sarili, at ang kasamaan, at mapagpasensya na sanayin na maging masigasig na makamit ang estado sa salah kung saan siya ay makakahanap ng kaginhawaan dito.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG