ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
Ang lubusang pagtanggap sa mga aral at patnubay ng Allah
na ipinahayag kay Propeta Muhammad () ay siyang kabuuan
ng relihiyong Islam. Sa Islam, ipinag-uutos ang paniniwala
sa kaisahan at kapangyarihan ng Allah na nagbibigay sa tao
ng kaalaman sa kahulugan ng sandaigdigan at sa kanyang
bahagi dito. Ang paniniwalang ito ay nagbibigay sa kanya
ng laya sa lahat ng pangamba at pamahiin sa pamamagitan
ng laging paggunita sa Makapangyarihang Allah at ang
tungkulin ng tao sa Kanya. Ang pananampalatayang ito ay
dapat na ipakita at isagawa. Ang paniniwala ay hindi sapat.
Ang paniniwala sa isang Diyos ay nangangailangan ng
pagtanaw sa sangkatauhan bilang isang pamilya sa ilalim
ng kapangyarihan ng Allah, ang Lumikha at Tagapanustos
ng lahat. Labis na tinatanggihan ng Islam ang kuro-kuro na
may natatanging tao. Ang paniniwala sa Allah at paggawa
ng mabuti ang tanging landas patungo sa Paraiso. Kaya ang
tuwirang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay naisasagawa na
hindi na kailangan pa ang tagapamagitan.
Ang Islam ay hindi bagong relihiyon. Ito rin ang mensahe at
patnubay na ipinahayag ng Allah sa lahat ng mga Propeta.
Ang ilan sa kanila ay sina Adam, Noah, Abraham, Ismael,
Isaac, David, Moises at Hesus (Sumakanilang lahat nawa
ang pagpapala at habag ng Allah). Nguni’t ang mensahe
na ipinahayag kay Propeta Muhammad () ay Islam sa
malawak, ganap at pangwakas na anyo. Ang Qur’an ang huling
Kapahayagan ng Allah at ito ang saligang pinagkukunan
Dito sa daigdig, tiyak na may isang Kahanga-hangang
Lakas na kumikilos upang mapanatiling maayos ang lahat
ng bagay. Sa kagandahan ng kalikasan, tiyak na may isang
Dakilang Lumikha na lumalalang sa pinakamagandang
sining at tumutustos sa lahat ng bagay na may natatanging
layunin sa buhay.
Ang mga taong taos-pusong nakauunawa ay kumikilala
sa Lumikhang ito at tinatawag Siyang Allah (sa salitang
Arabik). Hindi Siya tao, sapagka’t ang tao ay hindi kayang
makalikha ng ibang tao. Hindi Siya hayop, ni hindi Siya
halaman. Hindi Siya idolo, ni hindi Siya istatwa, sapagka’t
isa man sa mga ito ay hindi malilikha ang sarili o ang ano
pa man. Siya ay iba sa lahat ng mga ito. Siya ang Lumikha
at Tagapanustos sa lahat ng ito. Ang lumikha ng anumang
bagay ay tiyak na kakaiba at nakahihigit sa mga bagay na
Kanyang nilikha.
Maraming paraan upang makilala natin ang Allah, at
maraming bagay na masasabi tungkol sa Kanya. Ang
mga kahanga-hanga at kagila-gilalas na bagay sa mundo
ay tulad ng bukas na aklat na kung saan mababasa ang
tungkol sa Allah. Bukod dito, ang Allah ang tumutulong
sa atin na makilala Siya sa pamamagitan ng maraming
Propeta at mga Pahayag na Kanyang ipinadala sa tao. Ang
mga Propeta at Pahayag na ito ay nagtuturo ng lahat na
dapat nating malaman tungkol sa Kanya.
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
40 41
ang panghuling Sugo at Propeta.
Ang Muslim ay naniniwala sa mga Kasulatan at Pahayag
ng Allah. Ito ang mga patnubay na tinanggap ng mga
Propeta upang ipakita sa sangkatauhan ang tamang
landas tungo sa Allah. Ang Banal na Qur’an ay may
natatanging pagbanggit sa mga kasulatan nina Abraham,
Moises, David, Hesus (Sumakanilang lahat nawa ang
pagpapala at habag ng Allah). Bago ipinahayag kay
Propeta Muhammad () ang Banal na Qur’an, marami
sa mga naunang Kasulatan at Pahayag ang nangawala na
o binago ng tao. Ang tanging tunay at buong mensahe
ng Allah na nananatili ngayon ay ang Banal na Qur’an.
Ang Muslim ay naniniwala sa mga Anghel ng Allah.
Sila ay mga ispirituwal at mga kahanga-hangang
nilikha na likas na hindi nangangailangan ng pagkain,
inumin o tulog. Iniuukol nila ang kanilang panahon
sa pagsamba sa Allah. Sila ay mga mararangal na
tagapag-lingkod na may kanya-kanyang tungkulin.
Sila ay nangungusap lamang pagkatapos magsalita ng
Allah, at kumikilos lamang bilang tanging pagsunod
sa Kanyang iniuutos.
Ang Muslim ay naniniwala sa Huling Araw (Araw ng
Paghuhukom. Darating ang araw na ang mundong ito
ay magwawakas. Ang mga patay ay ibabangon upang
humarap sa makatarungang paglilitis. Ang mga taong
may magagandang talaan ay mabibigyan ng masaganang
ng aral at batas Islamiko. Ang Qur’an ay nagbibigay ng
batayan sa lahat ng bagay: pananampalataya, kagan-dahangasal,
kasaysayan ng sangkatauhan, pagsamba, kaalaman,
karunungan, ugnayan ng tao at Diyos, at ugnayang pangkapwatao.
Sa malawakang pagtuturo nito ay naitatayo ang matatag
na paraan sa panlipunang katarungan, karunungang
pangkabuhayan, pamahalaan, batasan, hurisprudensiya, at
batas sa pakikipag-ugnayang pandaigdigan. Ang “Hadith”
ay mga aral, salita at gawa ni Propeta Muhammad () na
maingat na inipon at iniulat ng kanyang mga matapat na
kasamahan. Ang Hadith ay nagpapaliwanag at nagbibigay
ng detalye sa mga talata ng Banal na Qur’an.
Mga Pangunahing Paniniwala sa Islam.
Ang tunay at matapat na Muslim ay naniniwala sa mga
sumusunod na pangunahing saligan ng pananampalataya.
Siya ay naniniwala sa iisang Diyos, ang Allah, ang Kataastaasan
at Walang Hanggan, Ang Makapangyarihan,
Mahabagin, at Madamayin, ang Lumilikha at Tagapanustos.
Siya ay naniniwala sa lahat ng Sugo at Propeta ng Allah
nang walang pagtatangi-tangi. Bawa’t pamayanan ay
nagkaroon ng Tagapagbabala o Propeta mula sa Diyos.
Sila ay pinili ng Allah upang turuan ang sangkatauhan
at upang ipahayag ang banal na mensahe. Ang Banal na
Qur’an ay nagsasaad ng mga pangalan ng dalawampu’t
limang Sugo (Propeta). Si Propeta Muhammad ()
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
42 43
01. Ash-Shahadatain: (o Ang Pagsasaksi sa
Kaisahan ng Allah at Tunay na Pagka-
Propeta ni Muhammad ).
Ang panunumpa na walang dapat sambahin maliban sa
Allah, at si Muhammad () ay Kanyang Propeta sa lahat
ng sangkatauhan hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Ang pagiging Propeta ni Muhammad () ay nagbibigay
tungkulin sa lahat ng Muslim na sundin ang kanyang
ulirang pamumuhay bilang halimbawa ng isang mabuti at
tunay na mananampalataya.
02. As-Salah: (o Ang Pagdarasal).
Ang pagdarasal ay isinasagawa limang ulit sa isang
araw bilang tungkulin sa Allah. Pinatitibay nito ang
pananampalataya sa Allah at nagbibigay ito ng inspirasyon
upang magkaroon ng mataas na moralidad. Pinadadalisay
nito ang puso at iniiwas ang tao sa tukso ng kasamaan.
Ang Limang Salah at Mga Takdang Oras ng Mga Ito:
Salat Al-Fajr (Pagdarasal sa madaling araw).
Salat Ad-Duhr (Pagdarasal sa tanghali).
Salat Al-Asr (Pagdarasal sa hapon).
Salat Al-Maghrib (Pagdarasal sa takipsilim).
Salat Al-Isha’ (Pagdarasal sa gabi).
03. Az-Zakah (o Ang Katungkulang Kawanggawa).
Ang literal na kahulugan ng Zakah ay kadalisayan. Ang
gantimpala at sila’y sasalubungin sa Kalangitan ng
Allah. At ang mga taong may masasamang talaan ay
mapaparusahan at itatapon sa Impiyerno.
Ang Muslim ay naniniwala sa Tadhana (o Kapalaran)
mabuti man o masama ito. Ang Allah ay nagbibigay
sukat at pasiya sa tadhana ng lahat na nilikha
ayon sa Kanyang kaalaman at sa Kanyang walang
hanggang karunungan. Ang Muslim ay naniniwala
sa kapangyarihan ng Allah na magplano at isagawa
ang Kanyang plano. Walang magaganap sa Kanyang
kaharian na salungat sa Kanyang nais. Ang Kanyang
kaalaman at kapangyarihan ay nananatiling umiiral sa
lahat ng Kanyang nilikha sa lahat ng sandali. Siya ay
maalam at maawain, at ano man ang Kanyang naisin
ay may makahulugang layunin. Kung ito ay mailagay
sa ating mga isip at puso, tatanggapin natin nang
buong pananampalataya ang lahat ng Kanyang loobin
kahit ito ay hindi natin maunawaan nang ganap.
Ang Limang Haligi ng Islam.
Sa Islam, ang pananampalataya na walang pagganap at
kulang sa pagsagawa ay walang buhay. Ang pananampalataya
ay likas na sensitibo at maaaring maging napakamabisa.
Nguni’t sa sandaling mawalan ng kaukulang pagganap o
hindi nagagampanan, ito ay madaling mawalan ng sigla at
kakayahang mangganyak.
Ang mga sumusunod ay ang limang haligi ng Islam.
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
Ang Ikalawang Aralin: 45
Hesus, Sugo at Propeta ng Allah
Ang Kahalintulad Ni Hesus.
Una sa lahat, ang mga Muslim ay nananatili sa paniniwala
na ang pagsilang ni Hesus na walang ama ay kahalintulad
ng pagkakalikha ng Diyos kay Adan, na walang ama at ina.
Ang Banal na Qur’an ay nagpaliwanag:
{Katotohanan, ang kahalintulad ni ˋIsa (Hesus) sa
Allah ay katulad ni Adam (Adan). Siya (Adan) ay
nilikha Niya mula sa alabok. At pagkatapos ay nagsabi
rito ng: “Kun” (Maging) at nangyari nga}. [Qur’an 3:59]
Tuwirang tinatalikdan ng Islam ang pagturing kay Hesus
bilang “Anak ng Diyos”. Kung ang pagsilang ni Hesus na
walang ama ang siyang malaking batayan o dahilan upang
siya ay tawaging “Anak ng Diyos” higit na may karapatan
si Adan na tawaging “Anak ng Diyos” sapagka’t siya
ay isinilang na walang ama at ina. Sa katotohanan, ang
Kapangyarihan ng Diyos ay hindi mapag-aalinlanganan. Sa
anumang pamamaraan, lumilikha ang Diyos ng anumang
Kanyang naisin. Nilikha niya si Adan ng walang ama at
ina. Si Eba ay nilikha mula sa tadyang ng lalaki at walang
ina. Si Hesus ay nilikha na walang ama, nguni’t may ina.
teknikong kahulugan nito ay ang paglalaan ng taunang
halaga sa ano mang uri ng kayamanan o salapi ng Muslim
na may kakayahan upang ipamigay sa mga nararapat
makinabang. Nguni’t ang pangrelihiyon at ispirituwal na
kahulugan ng Zakah ay higit na malalim at masigla. Ito ay
makatao at may panlipunang kahalagahan. 04. As-Sawm (o Ang Pag-aayuno).
Sa buwan ng Ramadan, simula sa bukang liwayway
hanggang sa takipsilim, ang mga Muslim ay umiiwas sa
pagkain, inumin at pakikipagtalik sa asawa. Gayon din,
sila ay pangkaraniwan nang umiiwas sa mga masasamang
layunin at pagnanasa sa lahat ng buwan ng taon lalunglalo
na sa buwan ng Ramadan. Ito ay nagtuturo ng
pagmamahal, pagkamatapat at pagsamba. Nagdudulot
ito ng matatag na pagmamahal sa kapwa, pagkamatiisin,
pagkamatulungin at katatagan ng loob. 05. Al-Hajj (o Ang Paglalakbay sa Makkah Para
sa Hajj).
Ito ay dapat maisagawa minsan sa tanang buhay ng sinumang
Muslim na kayang tustusan ang paglalakbay at nasa mabuting
kalusugan. Ito ang pinakamalaking taunang pagtitipon
na kung saan ang mga Muslim ay nagkikita-kita upang
magkakilala at pag-aralan at itaguyod ang kapakanan ng
lahat. Ito ay isang pagpapatunay sa pangkalahatan ng Islam at
sa pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay ng mga Muslim.
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
46 47
ng mga matutuwid.” Siya (Maria) ay nagwika: “(O),
aking Panginoon! Paano ako magkakaroon ng anak
gayong walang lalaki ang humawak sa akin?” Siya ay
nagwika: “(Kahit na)! Ganyan ang Allah, lumilikha
ng anumang Kanyang naisin. Kapag Kanyang itakda
ang isang bagay, Siya ay magsasabi (lamang) dito ng
“Kun” (Maging) at mangyayari nga.” At siya (Hesus)
ay tuturuan Niya ng Aklat at Karunungan, ng Tawrah
(Torah) at Injeel (Ebanghelyo)}. [Qur’an 3:45-48]
Ang Himala ni Hesus sa Banal na Qur’an
Ang salaysay ng Banal na Qur’an tungkol sa mga Himala
ni Hesus ay akmang-akma sa kanyang kabanalan at
karangalan. Taliwas sa Bibliya na ang isang himala niya
ay ang paggawa ng nakalalasing na inumin (alak).
Sa Banal na Qur’an, sanggol pa lamang si Hesus ay
nagbigay na siya ng himala. May isang pagkakataon na
ang mga tao ay nagtatanong kay Maria kung bakit nagawa
niyang magkaanak na ang pag-aakala siya ay masamang
babae. At upang patunayan ni Maria na siya ay malinis
na babae, hindi siya nagpaliwanag para sa kanyang
sarili kundi itinuro niya si Hesus na isang sanggol. Sa
pamamagitan ng Himala si Hesus ay nagsalita. Batay sa
salaysay ng Banal na Qur’an:
{Kaya, kanyang (Maria) itinuro ito (ang sanggol). Sila
(mga tao) ay nagwika: “Paano namin makakausap
Ang karaniwang tao ay nilikha ng Diyos na may ama at ina.
Kaya sa Walang Hanggang Karunungan at Kapangyarihan
ng Diyos lahat ng bagay na Kanyang itakda ay natutupad
at nangyayari. Ang Diyos ay magsabi lamang ng “KUN”
(Maging) at mangyayari nga. Ang pagkakalikha ng Diyos
sa iba’t-ibang pamamaraan ay tanda lamang na Siya ang
dapat pag-ukulan ng Pagsamba at Pagmamahal.
Ang Pagsilang Kay Hesus.
Si Hesus ay Propeta ng Diyos na ipinadala para sa mga taga-
Israel upang mangaral sa tunay na diwa ng pagsamba. Siya ay
binigyan ng magandang karangalan sa daigdig at sa kabilang
buhay. Ang Banal na Qur’an ay nagpaliwanag na pinili
si Maria higit sa lahat ng babae dito sa lupa. Ang Anghel
Gabriel ay dumating sa kanya na may magandang balita na
siya ay nakatakdang magsilang kay Hesus. Ang magandang
salaysay na ito ay matatagpuan sa Banal na Qur’an:
{(Tandaan!) Nang ang mga Anghel ay nagwika:
“O, Maryam (Maria)! Katotohanan, ang Allah ay
nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang Salita
mula sa Kanya: ang kanyang pangalan ay ang Mesiyas,
ˋIsa (Hesus), anak ni Maryam (Maria), na may mataas
na karangalan sa daigdig na ito at sa kabilang buhay.
At siya ay nasa hanay ng mga malalapit (sa Allah).
Siya ay magsasalita sa mga tao mula sa kanyang duyan
(kamusmusan) at kagulangan. At siya ay nasa hanay
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
48 49
{O, Angkan ng Israel! Sambahin ninyo ang Allah, na
aking Panginoon at inyong Panginoon. Katotohanan,
ang sinumang magtambal sa Allah ay tunay na
ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso at ang
Apoy ang kanyang tirahan…}. [Qur’an 5:72]
Ang isa pang layunin ni Hesus ay upang bigyang-daan
ang pagdating ni Propeta Muhammad (). Ang Banal na
Qur’an ay nagpahayag:
{…O, Angkan ng Israel! Katotohanang ako ay
Sugo ng Allah sa inyo na nagpapatotoo sa Tawrah
(Torah) na nauna sa akin at nagbibigay ng
magandang balita tungkol sa isang Sugo na susunod
sa akin na ang pangalan ay tatawaging Ahmad (ang
Ipinagkakapuri)…}. [Qur’an 61:06]
Hesus, Saksi sa Araw ng Paghuhukom.
At dahil nga sa paniniwala at pagsamba kay Hesus bilang
Diyos ng mga Kristiyano, sa Araw ng Paghuhukom si Hesus
ay haharap sa Diyos. Si Hesus mismo ang magtutuwid sa
maling paniniwalang ito. Sa Araw ng Paghuhukom ang
Panginoong Diyos ay magtatanong kay Hesus.
Siya (ang Dakilang Allah) ay magsasabi:
{At (tandaan!) Nang ang Allah ay nagwika: O, ˋIsa
(Hesus), anak ni Maryam (Maria)! Ikaw ba ay nagsabi
sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang aking ina bilang
ang isang batang nasa duyan?” Siya (ang sanggol [si
Hesus]) ay nagsabi: “Tunay na ako ay alipin ng Allah:
Ibinigay Niya sa akin ang Kasulatan at ginawa Niya
akong Propeta”}. [Qur’an 19:29-30]
Si Hesus ay nagpamalas din ng himala sa iba’t-ibang
pagkakataon. Ang Banal na Qur’an ay nagsalaysay:
{Katotohanan, ako ay naparito sa inyo na may dalang
Palatandaan mula sa inyong Panginoon, na ako ay tunay
na gagawa para sa inyo mula sa alikabok katulad ng
hugis ng ibon, pagkaraan ay hihipan ko ito at magiging
ibon sa Kapahintulutan ng Allah, at pagagalingin ko ang
ipinanganak na bulag at ketongin, at aking bubuhayin
ang patay sa Kapahintulutan ng Allah…}. [Qur’an: 3:49]
Ang Layunin ni Hesus.
Katulad ng nakasaad sa Bibliya, maging ang Banal na
Qur’an ay nagbibigay liwanag tungkol sa layunin ni Hesus.
Siya ay isinugo na may hangaring gisinging muli ang mga
taga-Israel na sa panahong yaon ay nagkawatak-watak.
Binigyang-diin niya ang pangunahing aral ng Diyos, ang
Pagsamba at Pananampalataya sa Diyos.
Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag tungkol sa aral ni
Hesus. Siya [si Hesus] ay nagsabi:
{Katotohanan, ang Allah ang aking Panginoon at
inyong Panginoon, kaya’t sambahin ninyo Siya…}.
[Qur’an 3:51]
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
50 Ang Ikatlong Aralin: 51
Maria, Ang Inspirasyon sa lahat
ng Panahon
Bawa’t kasaysayang ipinahayag ng Diyos sa Kanyang Huling
Aklat, ang Qur’an, ay naglalayong makapagturo sa tao ng
mga aral tungo sa pagiging mabuting mananampalataya.
Ang Qur’an ang humahawi ng mga haka-haka, maling
kaisipan o pagkilala at maging ang walang katotohanang
iniuugnay sa bawa’t tao o bagay na itinuturing na may
malaking bahagi ng pananampalataya. Kaya’t ang Qur’an
ay tinawag na Al-Furqan (isang salita mula sa wikang
Arabik na may kahulugan na “Pamantayan”), sapagka’t ito
ay tumatayo bilang pamantayan sa pagitan ng katotohanan
at kasinungalingan. Ito ang nagsisilbing tagapagpaliwanag
ng mga pangyayari o kasaysayan sa nagdaang panahon
upang ganap na maituwid ang mga kamalian tungkol dito
at muling ibalik sa antas ng katotohanan.
Ang isang halimbawa na binigyan ng liwanag ay ang
katotohanan tungkol sa buhay ni Maria ang dakilang ina ni
Hesus, sapagka’t ang magandang kasaysayang ipinahayag
ng Banal na Qur’an tungkol sa kanya ay makapagdudulot
ng higit pang magandang kaisipan hindi lamang sa mga
Muslim kundi sa mga Kristiyano na nagmamahal sa
mga diyos bukod pa sa Allah. Siya (si Hesus) ay nagwika:
“Luwalhati sa Iyo (O, Allah!) Hindi ko maaaring
sabihin ang anumang bagay na wala akong karapatan.
Kung sinabi ko man yaon, ito ay tunay na Iyong batid.
Batid Mo ang anumang nasa aking kalooban, gayong
ang nasa Iyong Kalooban ay di ko batid. Katotohanan,
Ikaw (lamang) ang nakaaalam ng mga bagay na lingid.
Wala akong sinabi sa kanila maliban kung ano ang
Iyong ipinag-utos sa akin: Na sambahin ninyo ang
Allah, na aking Panginoon at inyong Panginoon, at ako
ay saksi sa kanila habang kapiling ko sila, datapuwa’t
nang ako ay bawiin Mo, Ikaw na lamang ang Tagamasid
sa kanila, at (tanging) Ikaw lamang ang Saksi sa lahat
ng bagay}. [Qur’an 5:116-117]
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
52 53
bilang “Ina ng Diyos” katulad ng pagturing ng ibang
Kristiyano. Ang pagkilala ng Muslim kay Maria ay batay
sa aral ng Qur’an at Hadith1 ni Propeta Muhammad ().
Si Maria ay isa sa pinakadakilang Babae ng Sangkatauhan.
Ang kanyang kasaysayan ay isang malaking bahagi ng
Kapahayagan ng Banal na Qur’an, ang aklat na paulitulit
na binibigkas at binabasa ng mga Muslim sa kanilang
pang-araw-araw na pagsamba sa Dakilang Lumikha.
Bagaman si Propeta Muhammad () ay mula sa mga
Arabong lahi ni Propeta Ismael (isa sa anak ni Propeta
Abraham), siya mismo ang nagtanggol at nagbigay patunay
sa kalinisan ni Maria at ni Hesus (ang mag-ina na mula sa
angkan ng Israel na kung saan naman nagsanga ang lahi ng
mga Hudyo). Taliwas sa mga paratang ng mga Hudyo, na
dapat sana ay magbigay ng karangalan kay Maria at Hesus
dahil iisa ang kanilang pinag-ugatang lahi. Ang itinakdang
magtanggol kay Maria at Hesus ay mula sa lahi ng mga
Arabo, si Propeta Muhammad ().
Sa mahabang panahon, ang hidwaan ng mga Hudyo at
Arabo ay patuloy magpahanggang sa ngayon. Subali’t, sa
kabila nito, ang Banal na Qu’ran na ipinagkatiwala kay
Propeta Muhammad () na isang Arabo ay nagpahayag
ng isang katotohanan upang bigyang katarungan ang tunay
na pangyayaring naganap kay Maria at Hesus.
1 Hadith - Ito ay mga tinipong salita, aral o mga bagay na sinang-ayunan o
ipinagbawal ng Sugo ng Allah, na si Muhammad ().
kanya. Ang kanyang kalinisan, at wagas na pagsamba ay
sadyang maingat na nakatala sa Banal na Qur’an. At ito
ay isang palatandaan lamang kung gaano pinarangalan at
patuloy na pinararangalan ng relihiyong Islam at ng mga
Muslim, ang isa sa mga Dakilang Babae ng Sangkatauhan
- si Maryam (Maria), ang anak ni Imran.
Sa tatlong kinikilalang relihiyon sa buong mundo --- ang
Hudaismo (Judaism), Kristiyanismo at Islam, mayroong
tatlong kakaibang pananaw ang isinasaalang-alang ng
mga tagasunod nito sa katauhan ni Maria. Sa pananaw
ng mga Hudyo, ang pagkakilala nila sa kanya ay sadyang
nakapanlulumo sa dahilang si Maria ay itinuturing
bilang isang masama o maruming babae na nagkasala
ng pangangalunya. Kaya naman, si Hesus sa kanilang
paningin ay isang anak sa pagkakasala, at samakatuwid,
isang huwad na Propeta. Sa panig naman ng ibang sekta ng
relihiyong Kristiyanismo, ang pagkakilala nila kay Maria
ay sadyang lagpas sa makatuwirang pananaw ng isang
mabuting mananampalataya. Siya ay tinaguriang “Ina ng
Diyos” sapagka’t kinilala naman ang kanyang anak na si
Hesus bilang anak ng Diyos o Diyos na nagkatawang-tao.
Sa relihiyong Islam, ang pananaw ng isang Muslim tungkol
kay Maria ay nasa makatuwirang pagitan ng relihiyong
Hudaismo at Kristiyanismo. Si Maria ay hindi masamang
babae tulad ng pagturing ng mga Hudyo at hindi rin naman
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
54 55
banalan at napakagandang salaysay ng Banal na Qur’an
tungkol sa Dakilang Babae ng Sangkatauhan-si Maria.
Bawa’t talatang tumatalakay sa kanyang katauhan ay tigib ng
inspirasyon at umaakay sa magandang damdamin ng bawa’t
taong nagmamahal at may matiim na paghanga sa kanya.
Sino pa nga ba ang makapagbibigay ng magandang salaysay
kundi ang Isang Tanging Diyos na Makapangyarihan sa
lahat. Siya ay may Ganap na Kaalaman, ang may ganap na
Karunungan. Sinumang mambabasa, maging siya man ay
Muslim o Kristiyano ay katiyakang hindi mapasusubalian
ang karangalang ipinagkaloob ng Dakilang Maykapal kay
Maria - ang babaing nagmula sa pamilya ng sangkatauhan.
Si Maria ay mula sa angkan ng mga Propeta. Ang kanyang
mga magulang ay sina Imran at Hannah.
Ang Mga Katangian ni Maria.
Bukod sa Banal na Qur’an, maraming Hadith (mga
salaysay ng Propeta Muhammad ) ang naglarawan
tungkol sa mga katangian ni Maria. Ito ay mga Hadith na
pinananaligan at naitala ng kanyang mga kasamahan at
napanatili nila sa mahabang panahon.
Si At-Tirmidhi, ang isa sa pinananaligang matuwid at
pantas na mananalaysay ay nag-ulat na ayon kay Ali bin
Abu Talib, sinabi ng Sugo ng Allah () na:
“Ang pinakadakilang babae (sa kanyang kapanahunan)
ay si Maryam (Maria), ang anak na babae ni Imran,
Ang kapahayagan ng Banal na Qur’an ay hindi pansariling
pagnanasa ng Propeta Muhammad () kundi isang kautusan
sa kanya bilang Huling Sugo para sa Sangkatauhan.
Sinunod lamang niya ang anumang kapahayagan ng Diyos
sa kanya. Kaya, ang Banal na Qur’an ay nagpatunay nito:
{…Sabihin mo (O Muhammad): Wala sa akin ang
karapatan upang baguhin ito ng ayon sa aking
(sariling) kalooban. Wala akong sinusunod maliban sa
kung ano ang ipinapahayag sa akin…}. [Qur’an 10:15]
{Sabihin mo, O Muhammad! Kung ninais lamang ng
Allah, hindi ko ito magagawang bigkasin (o isiwalat) sa
inyo…}. [Qur’an 10:16]
{Yaon ay bahagi ng mga balitang Al-Ghaib (di-nakikita)
na Aming ipinapahayag sa iyo (O Muhammad)…}.
[Qur’an 3:44]
Ang kasaysayan ni Maria, ang dakilang ina ni Hesus ay
matatagpuan sa Surah Maryam (Isang Kabanata mula sa
Banal na Qur’an) na tumatalakay tungkol kay Maria na
sadyang tumatagos sa puso ng sinumang mambabasa.
Walang aklat sa buong kasaysayan ang nakapagbigay
ng isang magandang damdamin tungkol sa kadakilaan
ni Birhen Maria maliban sa Banal na Qur’an, ang Huling
Kapahayagan ng Nag-iisang Diyos na ipinagkatiwala Niya
sa Kanyang Huling Sugo at Propeta - si Muhammad bin
Abdullah (). Walang mata ang hindi luluha sa kabanalISANG
BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
56 57
ang isang banal na pagsasalaysay na kailanman ay hindi
natagpuan sa mga aklat ng ibang relihiyon. Bagaman, ang
Kristiyanismo ay isang relihiyon na umiinog sa katauhan
ni Hesus at tuwirang umuugnay kay Maria, walang
magandang salaysay na maaaring tunghayan sa pahina
ng kinikilala nilang Kasulatan-ang Bibliya. Nguni’t, ang
Banal na Qur’an, bilang Huling Kapahayagan ng Dakilang
Maykapal ay siyang tanging aklat na nagtanggol sa mga
maling paratang na iniuugnay sa katauhan ni Maria at
Hesus. Ito ay palatandaan at isang katotohanan, na higit
na may karapatan ang relihiyong Islam na ibantayog sa
buong sangkatauhan ang isa sa mga dakilang babae ng
Sangkatauhan-si Maria, ang ina ni Hesus, ang Dakilang
Propeta at Sugo ng Makapangyarihang Diyos.
at ang pinakadakilang babae (sa panahon ng Propeta
Muhammad) ay si Khadijah (ang kanyang asawa),
anak na babae ni Khuwaylid.”
At ayon sa pagtatala ni Ibn Jarir, isinalaysay ni Abu Musa
Al-Ash’ari na sinabi ng Sugo ng Allah () na:
“Maraming lalaki ang nakamtan ang ganap na
pananalig at (nguni’t) mula sa mga babae, si Maryam
(Maria) na anak na babae ni Imran at si Asiyah, na
asawa ni Fir’aun (Paraon) ang nakatamo ng kaganapan
lamang.” (Al-Bukhari at Muslim)
Si Maria at Ang Babaing Muslim.
Maraming panahon na ang lumipas. Sa makabagong takbo
ng buhay, tanging babaing Muslim lamang ang nananatiling
may pagkakahalintulad sa pananamit ni Maria. Ipinaguutos
ng Islam sa babaing Muslim bilang isang marangal na
mananampalataya na panatilihing maayos ang pananamit sa
pamamagitan ng pagkubli sa anumang bahagi ng katawan na
maaaring maging sanhi ng kawalan ng dangal at paggalang.
Para sa isang babaing Muslim, si Maria ay larawan ng
isang marangal na babae na dapat tularan sa gawa, kilos
at kaayusan. Siya ay isang inspirasyon na hindi maaaring
maglaho magpakailanman, sapagka’t siya ay bahagi ng
relihiyong Islam - ang pinagpalang relihiyon ng Dakilang
Maykapal. Sa aming paglalahad tungkol sa katauhan ni
Maria, ang Dakilang Ina ni Hesus, ating matatagpuan
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
Ang Ikaapat Na Aralin: 59
Paano Ba Ang Pagyakap
Sa Islam?
Ang layunin ng munting babasahing ito ay upang ituwid
ang maling haka-haka na lumalaganap sa mga nagnanais
yumakap ng Islam bilang kanilang pananampalataya.
Ang ibang tao ay nahaharap sa isang suliranin dahil sa
maling pag-aakala na ang taong nais yumakap ng Islam ay
kailangan pa niyang ihayag ang kanyang pagtanggap ng
Islam sa kinauukulan o sa isang iskolar na may mataas na
katungkulan o sa isang Shaikh o di kaya’y ipaalam muna ito
sa husgado o sa ibang sangay ng pamahalaan. Isang pagaakala
rin na ang pagtanggap ng Islam ay may kondisyong
magkaroon ng sertipiko o kasulatang pinagtibay ng mga
awtoridad bilang pagpapatunay ng pagpasok sa Islam.
Nais naming linawin na ang lahat ng bagay hinggil dito
(pagpasok sa Islam) ay napakadali at isa man sa mga
naturang kondisyon o obligasyon ay hindi kailangan,
sapagka’t taglay ng Dakilang Diyos ang lahat ng pangunawa
at lubusan Niyang batid ang lihim ng bawa’t
puso. Gayon pa man, ipinapayo sa sinumang nagnanais
tumanggap ng Islam, bilang kanyang pananampalataya,
na iparehistro ang sarili sa kinauukulang ahensiya ng
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
60 61
(Qur’an) nang may katotohanan, na nagpapatunay sa
kasulatang nauna rito, at bilang saksi rito…}. [Qur’an 5:48]
Si Propeta Muhammad () ay nagsabi:
“Ang Islam ay nakabatay sa limang haligi: Ang
pagsaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin
maliban sa Allah, at si Muhammad ay Kanyang Sugo
at alipin, ang pag-aalay ng Salah (pagdarasal), ang
pagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), ang
pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, at ang pagsagawa
ng Hajj.” (Al-Bukhari at Muslim)
Ang “Shahadah” ay binibigkas katulad ng sumusunod:
“Ash-hadu allaa ilaaha illa Allah, wa ash-hadu anna
Muhammadan Rasul Allah.”
Ang kahulugan sa wikang Pilipino ay:
“Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat
sambahin maliban sa Allah, at ako ay sumasaksi na si
Muhammad () ay Sugo ng Allah.”
Gayunman, hindi sapat sa sinuman na bigkasin lamang
ang Shahadah sa bibig maging sa lihim o hayagan,
bagkus dapat niya itong paniwalaan nang buong puso at
may matibay na pananalig at matatag na pananampalataya.
Kung siya ay tunay at tapat na tumutupad sa mga katuruan
ng Islam sa kanyang buhay, matatagpuan niya ang kanyang
sarili na katulad ng isang bagong silang na sanggol.
pamahalaan. Ito ay maaaring makatulong sa maraming
bagay kasama na rito ang posibilidad ng pagsagawa ng
Umrah at Hajj sa hinaharap.
Sinuman ang may tunay na hangaring maging isang Muslim,
at may ganap na pananalig at matatag na paniniwala na
ang Islam ay siyang tunay na relihiyong itinakda ng Diyos
sa sangkatauhan, magkagayon, siya ay dapat magpahayag
lamang ng kanyang “Shahadah” (ang pagpapahayag ng
pananampalataya) nang walang pagpapaliban: “Walang
tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah
at si Muhammad ay Kanyang alipin at Huling Sugo.”
Binigyang-linaw sa Banal na Qur’an ang tungkol dito.
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
{Katotohanan, ang (tanging) relihiyon sa Allah ay ang
Islam}. [Qur’an 3:19]
Sa ibang talata ng Banal na Qur’an, ipinahayag ng Allah:
{At sinumang maghangad ng (ibang) relihiyon maliban
sa Islam, kailanman ay hindi ito tatanggapin sa kanya,
bagkus siya sa kabilang buhay ay mabibilang sa mga
taong talunan}. [Qur’an 3:85]
Gayundin, ang Islam ang tanging relihiyon na mananaig sa
lahat ng ibang relihiyon. Ang Dakilang Allah ay nagpahayag
sa Banal na Qur’an:
{At Aming inihayag sa iyo (O Muhammad ) ang Aklat
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
62 63
na si Muhammad () ay ipinadala ng Diyos bilang Sugo.
Walang sinumang dapat magkaroon ng pag-aalinlangan sa
bagay na ito. Sa katunayan, ang mga Muslim ay nararapat
na sumunod sa mga kautusan ng Sugo (), paniwalaan siya
sa lahat ng kanyang mga sinabi, sundin ang kanyang mga
katuruan, iwasan ang anumang kanyang mga ipinagbawal,
at sambahin lamang ang Allah nang ayon sa mensaheng
ipinahayag sa kanya.
Ano ang kahulugan ng pagsamba? Ito ay nangangahulugan
ng tapat na paglilingkod at pagmamahal sa Allah. Sa
malalim na kahulugan nito, itinatagubilin ang buong
pagsuko at ganap na pagsunod sa mga kautusan ng Allah
sa salita at sa gawa maging ito ay lantad man o lihim.
Ang pagsamba ay may dalawang uri:
Nakikita (hayagan o panlabas).
Hindi nakikita (lihim o panloob).
Ang nakikitang pagsamba ay sumasaklaw sa mga gawa
katulad ng Shahadah (o Pagsasaksi), Salah (o pagdarasal),
Zakah (o ang katungkulang kawanggawa), Sawm (o pagaayuno
sa buwan ng Ramadan), Hajj (o pagsasagawa
ng Hajj), pagbabasa ng Banal na Qur’an, panalangin at
pagsusumamo sa Diyos, pagbibigay papuri sa Kanya,
paglilinis ng katawan bago magdasal, atbp. Ang ganitong
uri ng pagsamba ay nangangailangan ng paggalaw o
pagkilos ng bahagi ng katawan ng tao.
Ito ang magdadala sa kanya sa higit pang pagpupunyagi
at pagsisikap na paghusayin ang kanyang pag-uugali na
siyang maglalapit sa kanya sa ganap na katiwasayan. Ang
liwanag ng kanyang pananampalataya ang magpupuno sa
kanyang puso hanggang sa siya ay maging huwaran ng
pananampalatayang ito.
Ano ang susunod pagkatapos ng pagpapahayag ng
pananampalataya (Shahadah) at maging isang Muslim?
Dapat niyang malaman ang tunay na konsepto o diwa na
napapaloob sa pagpapatotoong ito na nangangahulugan
ng Kaisahan ng Diyos at pagtanggap na si Propeta
Muhammad () bilang huli sa mga Propeta at Sugong
ipinadala ng Diyos, at ang pagtugon sa mga kinakailangan
nito. Nararapat siyang kumilos nang tama at isagawa ang
mga alituntunin ng Islam maging sa salita at sa gawa.
Ano ang ibig sabihin ng mga katagang napapaloob sa
Shahadah? Ang pinakamahalagang dapat malaman
ng bawa’t Muslim ay ang katotohanang walang Diyos
maliban sa Allah. Siya ang nag-iisang Tunay na Diyos,
at Siya lamang ang karapat-dapat sambahin, sapagka’t
Siya ang nagbibigay buhay, ang Tagapanustos, at ang
Tagapangalaga ng sangkatauhan at ng lahat ng nilikha
mula sa Kanyang walang hanggang biyaya. Tanging Siya
ang dapat pag-ukulan ng pagsamba at wala ng iba.
Ang ikalawang bahagi ng Shahadah: “Wa ash-hadu
anna Muhammadan Rasul Allah” ay nangangahulugan
ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA
64 65
Ang sabi ng Dakilang Allah sa Banal na Qur’an:
{…Kaya, ang sinumang magtakwil sa mga diyusdiyusan
at maniwala sa Allah ay tunay ngang
napanghawakan niya ang matibay na hawakan na
hindi napapatid…}. [Qur’an 2:256]
Dapat nating isaalang-alang na ang taos-pusong
pagpapahayag ng “Walang diyos na karapat-dapat
sambahin maliban sa Allah,” ay nangangahulugan ng
pagmamahal, katapatan, pananalig, at pagsunod sa mga
alituntunin ng Islam na sumasaklaw sa lahat ng Muslim.
Isang pangangailangan sa Shahadah ay ang magmahal
nang dahil sa Allah, at ang magtakwil nang dahil sa Allah.
Ito ang pinakamatatag na haligi ng pananampalataya na
nagpapatupad sa kahulugan ng “Al-Wala wa Al-Bara”
Ito ay nangangahulugan na dapat mahalin ng Muslim
nang may katapatan ang kapwa Muslim. Nararapat sa
kanya, bilang pagganap sa Islam, na ilayo nang lubusan
ang sarili sa mga kaugalian ng mga di-nananampalataya
at iwasang mahikayat ng mga ito, (sa anumang gawain at
paniniwalang salungat sa Islam) maging ito ay hinggil sa
pang-materyal o pang-ispirituwal na bagay.
Bilang pagtatapos, idinadalangin namin sa Allah na nawa’y
linisin Niya ang puso at kaluluwa ng mga taong tunay na
naghahanap ng katotohanan, at nawa’y pagpalain Niya ang
pamayanan ng mga sumasampalataya sa Kanya. Ameen.
Ang hindi nakikitang pagsamba ay ang paniniwala sa
Allah, sa Araw ng Paghuhukom, sa Kabilang Buhay,
sa mga Anghel, sa mga Aklat ng Allah, at sa banal na
Itinakdang Kahihinatnan (mabuti man o masama). Ang
ganitong uri ng pagsamba ay hindi nangangailangan ng
pagkilos ng mga bahagi ng katawan ng tao, subali’t ito
ay may tunay na kaugnayan sa puso ng bawa’t isa na sa
dakong huli’y makabubuti sa pamamaraan ng kanyang
pamumuhay (paniniwala).
Dapat nating isaisip na ang anumang pagsamba na hindi
inaalay sa Allah ay hindi tatanggapin, sa dahilang ito
ay isang uri ng Shirk (o pagtatambal sa Allah) ayon sa
pananaw ng Islam.
Ang susunod na hakbang ng isang bagong Muslim
(matapos magpahayag ng Shahadah) ay padalisayin ang
sarili sa pamamagitan ng pagligo. Kasunod nito ay ang
pagpapasiya sa sarili na sumunod sa lahat ng panuntunan
at alituntunin ng Islam sa kabuuan nito. Dapat niyang
talikuran ang lahat ng uri ng politeismo (pagsamba sa mga
diyus-diyusan) at huwad na paniniwala. Kinakailangan
itakwil ang kasamaan at marapat na maging matuwid.
Ang ganitong pagtatakwil ng kasamaan at pagiging
matuwid ay isa sa mga kinakailangan sa kasabihan sa
Islam na “Laa Ilaaha Illallaah”.
IslamHouseTl Tagalog.IslamHouse islamhouse.com/tl/
user/IslamHouseTl