Mga Artikulo




ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


Ang Babaing Pilipina 7


Taglay mo ang mga katangiang sumasagisag sa iyong


pinagmulang lahi - mayumi, mahinhin, at marangal. May


pagmamalasakit sa iyong ma§gulang, kapatid, kapwa-tao


at sa buong bayan.


Ang Babaing Pilipina


May likas na pananalig at takot sa Maykapal. May


damdamin ng pagtitiis at pagmamahal. May kakaibang


ugali at kaaya-ayang asal. Masunuring anak, mapaglingkod


sa asawa, mabait sa magulang at mga kapatid.


Ang Babaing Pilipina


May pusong lubhang mapagparaya, nguni’t maramdamin


at may kababaang-loob. Kahit sa gitna ng karukhaan,


pilit na bumabangon at matatag na inaabot ang hamon ng


buhay.


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


8 9


pinagmulang relihiyon, iyong matatamo ang liwanag na


tatanglaw sa malalim na kalamnan ng iyong kaluluwa,


damdamin, at puso upang iyong madama ang isang higit


pang makabuluhang pagtahak sa masalimuot na agos ng


buhay at sa dako pa roon ng walang hanggang buhay.


Ang maikling babasahing ito ay inihahandog sa iyo nang


buong puso at may katapatan upang pukawing muli


ang alab ng iyong puso mula sa naiwan at nalimutang


pinagmulan ng ating lahi.


Ang paanyayang ito ay para sa iyo bilang natatanging


handog. Kahit isang saglit lamang, huwag mong ipagkait


sa iyong sarili ang dating duyan ng iyong pagsinta at


pagmamahal. Baka sakali sa iyong paggunita ay muli kang


magbalik sa dating mapayapa at malinis na pamumuhay


ng dating Dakilang Bayan.


Ang Babaing Pilipina


Ikaw ay mula sa bayan ng magigiting at mararangal


na mamamayan. Tunay nga na ikaw ay isang Perlas ng


Silangan.


O, Mayuming Pilipina


Alam mo ba kung bakit may maganda kang pag-uugali


at mabuting asal na katulad ng isang babaing Muslim?


Sapagka’t bilang Pilipina, ikaw ay nag-ugat sa lahing


Muslim, lahing may dangal at may likas na pagkilala at


pagsamba sa Poong Maykapal. Ang pinagmulan mo ay


Islam - ang tunay na pamana ng ating lahi. Naaalaala mo pa


ba ang iyong kasaysayan? Naaalaala mo pa ba kung paano


tayo sinakop, kung paano tayo nilupig, at kung paano tayo


inilayo sa ating pinag-ugatang lahi at pananampalataya?


Sa dating relihiyon ng ating mga ninuno; ang Islam


ay iyong matatagpuan ang isang bagong daigdig ng


mga natatagong yaman ng karunungan at kaalaman na


papatnubay sa iyo sa landas ng buhay, pagyayamanin at


pauunlarin ang iyong kaisipan at mga gawain. Sa ating


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


11 Isang Bukas Na Liham


Kay tagal ko ng inaasam-asam na makapagsulat ng


isang bukas na liham para sa mga kababaihang Pilipina


upang ihandog sa kanila ang dating relihiyon ng ating


lahi. Nais kong bigyang liwanag ang kaugalian ng isang


matuwid na babaing Muslim na namumuhay ayon sa aral


ng kanyang relihiyon, nauunawaan ang mga itinuturo


nito, sumusunod sa mga kautusan at nananatili sa mga


hangganang itinakda ng Islam. Ang aking pagnanais na


makapagsulat ng isang lathalain para sa kababaihang


Pilipina ay sadyang mahalaga, sapagka’t aking nakikita


sa kanila ang ilang magagandang ugali ng isang mabuting


Muslim. Marahil, bunga na rin ito ng minanang ugali at


asal. At kung mayroon namang kababaihang Pilipina na


lubhang malayo ang loob sa relihiyong Islam, maaaring


ito ay bunga ng mga karanasang nakita nila sa mga


nagpapabayang kababaihan. Dapat ding bigyang-diin dito


ang magandang ugali at asal ng mga Pilipina lalo na sa


pakikipag-ugnayan sa kapwa at higit sa lahat ang pagiging


mabuti sa kanilang magulang, asawa, anak, kamag-anakan


at maging sa kanilang lipunan.


Ang batayan ng Islam ay ang Banal na Qur’an, ang


panghuling pahayag ng Diyos at ang Sunnah (salaysay)


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


12 13


at pananampalataya sa Dakilang Maykapal na Siyang


tunay niyang Panginoon. Bukod sa mga kautusang


natutunghayan sa Banal na Qur’an, marami ring


kasaysayan ang maaaring makapukaw ng damdaming


makadiyos para sa mga babae. Ilan sa aking babanggitin ay


ang kadakilaan ng Ina ni Hesus, si Maria, ang kadakilaan


ni Khadijah, anak ni Khuwaylid, ang unang asawa ng


huling Propeta ng Diyos na si Propeta Muhammad ().


Hindi rin malilimutan ang kagandahang-loob ng bunsong


anak ni Propeta Muhammad () na si Fatimah. Sa kabila


ng kapangyarihan ng kanyang ama bilang Propeta, siya ay


nanatiling matiisin sa anumang kahirapan at karukhaan


ng buhay. Si Aishah, ang isa sa mga asawa ni Propeta


Muhammad () ay sadyang kahanga-hanga sa kanyang


angking karunungan at kawanggawa. Ang lahat ng ito


ay handog ng Islam sa mga kababaihan upang maging


halimbawa kung paano maging mabuti sa paningin ng tao


at higit sa lahat sa mata ng Dakilang Maykapal.


Ang pananalig ng isang tunay na Muslimah (babaing


Muslim) ay wagas, malinis at hindi nababahiran ng


anumang uri ng kamangmangan, maling pagsamba o ng mga


pamahiin. Ang kanyang paniniwala ay batay sa matibay na


pananalig na walang dapat sambahin maliban sa Dakilang


Maykapal. Ang pananalig na ito ang nagbibigay katatagan,


pang-unawa at kabanalan upang makita niya ang buhay sa


isang makatotohanang pananaw nito. Ang babaing Muslim


ng Kanyang Sugo (Muhammad ). Ito ang mga batayan


sa tunay na ugali at asal na dapat isabuhay ng isang Muslim


kaugnay ng kanyang tungkulin sa Dakilang Maykapal. Ang


kanyang pansariling kaunlaran, ang kanyang kaugnayan


sa ibang tao at sa kanyang lipunang kinabibilangan. Ito


ang nais kong ipaliwanag sa mga kababaihang Pilipina.


Ang tungkulin ng babaing Muslim sa kanyang Panginoon,


sa kanyang mga magulang, sa kanyang asawa at mga anak,


sa mga kamag-anakan, at sa kanyang lipunan.


Sinuman ang nagtangkang magsikhay upang pag-aralan ang


Islam ay kanyang matutunghayan na sakop nito ang malawak


na aspeto ng buhay ng isang tao, lalaki man o babae. Ito ay isang


pamumuhay batay sa isang pantay, makatarungan, matuwid, at


makadiyos na batas na nagbibigay katiyakan sa kaligayahan at


tagumpay sa mundong ito at maging sa kabilang buhay.


Ang paglalarawan ng babaing Muslim ay nagpapakita


kung paano kinikilala ng Islam ang katayuan ng babae.


Siya ay inilagay sa isang kalagayang kagalang-galang, at


kapita-pitagan kaakibat ng pagmamahal, paglingap at mga


karapatang dapat niyang makamtan bilang isang nilikhang


may tungkulin at pananagutan.


Ang Tungkulin ng Babaing Muslim Bilang Isang Tunay


na Mananampalataya sa Dakilang Maykapal.


Ang isang napakagandang katangian ng isang babaing


Muslim ay ang kanyang tapat at wagas na pananalig


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


14 15


babaing Muslim ay hindi nahuhulog sa bitag ng pagpapakita


ng kanyang kagandahan sa ibang tao maliban sa kanyang


asawa at mga kamag-anakang hindi niya maaaring


mapangasawa. Ang kanyang pagpapaganda at pag-aayos


ay hindi lumalabis sa hangganang itinakda ng Islam.


Ang tunay na Muslim ay nangangalaga hindi lamang ng


kanyang gandang panlabas kundi ang kanyang kaisipan.


Ang isang tao ay binubuo ng kanyang isip, puso at dila.


Ito ay nangangahulugan na kung ano ang kanyang iniisip


at kung ano ang kanyang sinasabi. Kaya, napakahalaga ng


pangangalaga sa isip at ang pagbibigay ng mahahalagang


kaalaman. Ang Muslim, babae man o lalaki ay may


tungkuling humanap ng kaalaman upang mapaunlad nito


ang kanyang sarili sa lahat ng aral ng Islam.


Ang Propeta () ay nagsabi:


“Kung sinuman ang nagkait at hindi namahagi ng


mabuting kaalaman sa mga nangangailangan ay


mapaparusahan sa Apoy ng Impiyerno sa Araw ng


Paghuhukom.” (Al-Darimi)


Hindi nakakaligtaan ng isang babaing Muslim ang kanyang


kaluluwa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang


uri ng pagsamba, pagbibigay alaala sa Diyos, panalangin,


at pagbabasa ng Banal na Qur’an. Katulad ng pangangalaga


sa kanyang katawan at kaisipan, pinahahalagahan din niya


ang kanyang kaluluwa, sapagka’t nauunawaan niya na ang


ay nagsasagawa ng Salah (pagdarasal), sapagka’t ito ang


pinakadakila at pinakamabuting gawain ng sinumang


nilikha. Ang Propeta Muhammad () ay nagsabi na ang


pinakamamahal na gawain para sa Allah ay ang pagsasagawa


ng pagdarasal sa tamang oras nito. Ang pagdarasal ay siyang


tuwirang ugnayan ng isang tao bilang alipin ng Dakilang


Diyos. Ang Salah (pagdarasal) ang pinagmumulan ng lakas,


awa, patnubay katatagan, paggalang at katiwasayan ng


kalooban. Ito ang paraan ng paglilinis ng mga kasalanan at


nagiging daan ng pagpapakumbaba at pagsisisi.


Ang Tungkulin ng Babaing Muslim sa Kanyang Sarili.


Ang Islam ay nag-aanyaya sa mga Muslim na maging


kaaya-aya sa paningin ng tao sa pamamagitan ng kanyang


maayos na pananamit, malinis na pangangatawan, mabuting


asal at ugali upang siya ay maging huwaran at maging tunay


na halimbawa na karapat-dapat maghatid ng mensahe sa


sangkatauhan.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:


{O, mga anak ni Adam (Adan)! Magsuot kayo ng


inyong palamuti (magagandang damit) sa bawa’t (oras


at) pook ng pagdarasal: Kumain kayo at uminom:


nguni’t huwag kayong magmalabis (at maglustay),


sapagka’t tunay na hindi Niya minamahal ang mga


mapaglustay}. [Qur’an 7:31]


Ang pagtataguyod ng kagandahan at kaayusan ng isang


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


16 17


utusang) maging mabait sa inyong mga magulang.


Kung ang isa sa kanila o kapwa ay nasa gulang ng


katandaan ng kanilang buhay, huwag magsabi ng


anumang may bahid ng pagkamuhi o di kaya sila


ay pagdabugan, bagkus sila ay tawagin sa diwa ng


paggalang}. [Qur’an 17:23]


Bilang tanda ng pagmamahal sa magulang kahit na sila


ay buhay pa o patay na, maraming bagay ang dapat gawin


para sa kanilang kabutihan, tulad halimbawa ng:


Laging hilingin sa Diyos ang kanilang kapatawaran.


Kahit yumao na ang mga magulang, makipag-ugnayan


sa kanilang malalapit na kamag-anak nang may kabaitan.


Igalang at maging mabait din sa kanilang mga kaibigan.


Magbigay ng kawanggawa para sa kanila kahit sila ay


yumao na, sapagka’t ang kawanggawa na ipinamahagi


para sa kanila ay nakababawas sa mga kasalanang


kanilang nagawa noong sila ay nabubuhay pa.


At batay din sa isang Hadith mula sa Sugo ng Allah ():


“Ang kasiyahan ng Allah (sa tao) ay batay sa


kasiyahan ng mga magulang. Gayundin naman, ang


galit ng Allah (sa isang tao) ay batay sa galit ng mga


magulang.” (At-Tirmidhi)


Nararapat ding maging masunurin sa mga magulang kahit


tao ay isang katawan, kaisipan at kaluluwa. Palagian siyang


nagsisisi bilang paglilinis ng kanyang kaluluwa at siya ay


nakikipag-ugnayan lamang sa mga matutuwid at mabubuting


tao upang mapaunlad niya ang kanyang mabuting pag-uugali.


Ang Tungkulin ng Babaing Muslim Bilang Isang Anak.


Ang isang kaaya-ayang katangian ng isang babaing Muslim


ay ang kanyang kabaitan, walang sawang paglilingkod at


paglingap sa kanyang mga magulang. Ang karapatan ng


magulang ay nagpapahiwatig ng ganap na pagsunod sa


kanila. Ang pagsunod na ito ay nararapat na umaalinsunod sa


Kautusan ng Diyos. Ito ay pagpapahiwatig din ng pantay na


pakikitungo sa mga magulang sa pagbibigay ng tulong at pagaasikaso.


Ang isang anak, lalaki man o babae, ay nararapat na


bigyan ng sapat na pangangailangan ang kanilang magulang


katulad ng pagkain, pananamit at maayos na pamamahay.


Ang isang anak na lalaki o babae ay nararapat na magpakita


ng kababaang-loob at paggalang sa kanyang mga magulang.


Ang mga anak ay hindi dapat magpakita ng anumang


pagmamataas laban sa kanyang mga magulang. Ang mga


anak ay nararapat magpakita ng matimyas na damdamin,


pagtitiis at pagtitiyaga sa panahon ng pangangalaga sa kanila


at nararapat na unawain ang kanilang mga damdamin.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:


{Ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kayong


dapat sambahin maliban sa Kanya, at kayo ay (napagISANG


BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


18 19


ang ama. Ang kaukulang bahaging ito ay ipagkaloob sa


ina nang dahil sa hirap at pagdurusang dinanas niya sa


pagdadalang-tao, sa oras ng panganganak, at pag-aaruga


sa mga anak. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:


{At Aming itinagubilin sa tao na maging masunurin at


mabait sa kanyang mga magulang; ang kanyang ina


ay nagpasan sa kanya sa hirap (at dusa) at nagluwal


(nagsilang) sa kanya sa pighati...}. [Qur’an 46:15]


Ang ina ang siyang nagdala ng sanggol sa sinapupunan


nito hanggang siyam na buwan. Habang nasa sinapupunan


ang anak, ang pagkain ay nagmumula sa ina nito. Tunay na


ang ina ay dumanas ng ibayong hirap at pagpapakasakit.


At sa pagluwal ng sanggol, ang ina pa rin ang nagdurusa sa


pangangalaga, pagpapasuso, at pagpapalaki ng anak. Kaya


bilang muslim, isa sa dahilan ng pagpasok sa Paraiso ay


ang pagmamahal sa ating mga magulang lalo na sa ating


ina na nagpakasakit mula sa sinapupunan, kamusmusan


hanggang sa ating paglaki.


Ang Karapatan ng Babaing Muslim sa Kanyang Asawa.


Ang “Mah’r” o handog ay itinakdang karapatan ng


babae sa kanyang mapapangasawa. Ang kasunduan sa


kasal ay hindi ganap kung wala ang Mah’r. Ang Mah’r


ay nananatiling isang tungkulin kahit na ang babae ay


nagpaubaya dito maliban na lamang kung ang kasunduan


sa kasal ay naganap na. Pagkaraang bigyang kaganapan ang


kasunduan, ang asawang babae ay maaaring magparaya


hindi pa Muslim, maliban lamang kung ang kanilang


ipinagagawa ay pagsuway sa kautusan ng Diyos. Ito


ay batay sa utos ng Sugo ng Allah () na isinalaysay


ni Aishah, ang asawa ng Sugo ng Allah (): “Nang


hindi pa Muslim ang aking ina, siya ay dumalaw sa


akin. Tinanong ko ang Sugo ng Allah () tungkol


sa pagdalaw ng aking ina (paano ang pakikitungo sa


kanya). Ang aking ina ay nasasabik na dumalaw sa


akin. Dapat ko bang pakitaan ng kabaitan at pagasikaso?”


Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang ina


ay dapat bigyan ng higit na kabaitan, pagmamahal at


pangangalaga.” (Al-Bukhari, Muslim at At-Tirmidhi).


Ito ay batay pa rin sa payo ng Sugo ng Allah (): “Isang


lalaki ang lumapit sa Sugo ng Allah () at nagtanong: “O,


Sugo ng Allah! Sino ba ang higit na karapat-dapat kong


pakisamahan sa mga tao?” Ang Sugo ng Allah () ay


sumagot: “Ang iyong Ina.” (Ang lalaki ay muling nagtanong):


“Sino ang sumunod?” Ang Sugo ng Allah () ay sumagot:


“Ang iyong Ina.” (Ang lalaki ay muling nagtanong sa


ikatlong pagkakataon): “Sino ang sumunod?” Ang Sugo ng


Allah () ay nagsabi: “Ang iyong Ina.” (At sa ika-apat na


pagtatanong): “Sino ang sumunod?” Ang Sugo ng Allah ()


ay sumagot: “Ang iyong ama.” (Al-Bukhari at Muslim)


Ating mapapansin na ang Sugo ng Allah () ay nagbigay


ng tatlong bahagi sa larangan ng pakikisama at pakikitungo


sa isang ina, samantalang binigyan lamang ng isang bahagi


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


20 21


Pagtataguyod sa Pananalapi.


Ang asawang lalaki ay nararapat magbigay ng pananalaping


pagtataguyod sa kanyang asawa, pamilya at mga anak. Siya


ay nararapat na magbigay ng bahay at magandang kalagayan


para sa kanyang pamilya. Dapat siyang magbigay ng lahat


ng mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mga


asawa at buong kapamilya, gamot, pananamit at iba pang


mahalagang bagay. Nararapat niyang ipagkaloob ang lahat


batay sa kanyang kakayahan at hangganan. Ito ay batay sa


kautusan ng Banal na Qur’an:


{Hayaan yaong nakaririwasa na gumugol mula sa


kanyang kayamanan: at ang taong naghihikahos


ay hayaan siyang gumugol ayon sa ipinagkaloob ng


Allah sa kanya. Hindi nagbibigay pasanin ang Allah


sa kaninumang tao nang higit sa ipinagkaloob Niya sa


kanya. Pagkaraan ng kahirapan, may kaginhawahang


ibibigay ang Allah}. [Qur’an 65:07]


Pantay na Panahon at Pagniniig.


Isa sa pinakamahalagang karapatan ng isang asawang


babae sa kanyang asawa ay ang pagkakaloob sa kanya ng


isang tapat na ugnayan at pakikipagniig sa kanya at ang


paggugol ng kaukulang panahon sa kanyang mga anak.


Ang Batas ng Islam ay binibigyang-diin ang kahalagahan


ng pagkakaroon ng maayos na ugnayang pang mag-asawa.


Ang karapatan ng asawang babae ay nararapat na panatilihin


ng kanyang karapatan sa Mah’r. Ito ay batay sa kautusan


ng Banal na Qur’an:


{At ibigay sa mga kababaihan (na inyong pakakasalan)


ang kanilang Mah’r nang taos-puso, nguni’t kung sila


sa kanilang sariling pagkukusa ay kanilang ibalik sa


inyo ang anumang bahagi nito (Mah’r), ikasiya ito nang


walang pangamba sa anumang kamalian}. [Qur’an 4:04]


Pantay at Makatarungan.


Ang dalawang prinsipiyong ito ay dapat maisakatuparan


kung ang lalaki ay may dalawa o higit pang asawa. Ang


mga asawa ng lalaki ay may karapatan sa pantay at


makatarungang pangangalaga. Kaya, ang isang lalaki na


nakapag-asawa nang higit sa isa ay nararapat na bigyan ng


kaukulan at pantay na pansin ang lahat ng kanyang asawa.


Dapat silang bigyan ng magkatulad na tahanan, pananamit


at pantay na panahon na dapat gugulin sa bawa’t isa sa


kanila. Kung ito ay hindi niya magampanan, ang lalaki ay


magiging di-makatarungan at di-pantay.


Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah ():


“Sinuman ang nag-asawa ng dalawa at hindi niya ito


pinakitunguhan nang pantay (di makatarungan), siya


ay darating sa Araw ng Paghuhukom na nakalaylay


ang kalahati ng kanyang katawan.” (An-Nasai)


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


22 23


pamilya. Siya ay dapat maging huwaran sa pagpapakita ng


isang tunay na pangangalaga, kabaitan at ang kakayahan


sa paglutas ng anumang suliranin ng kanyang pamilya.


Pangangalaga at Pag-iingat.


Ang asawang lalaki ay nararapat na pangalagaan ang kanyang


asawa at pamilya laban sa anumang panganib. Hindi niya


dapat pahintulutan na magtungo sila sa mga masasamang


kapaligiran. Batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:


{O kayong mananampalataya! Iligtas ninyo ang


inyong sarili at ang inyong pamilya laban sa Apoy na


ang panggatong nito ay tao at bato, dito ay may mga


nagbabantay na mababagsik at mahihigpit na mga


anghel na hindi sumusuway sa Allah sa kung ano ang


pag-utos sa kanila, bagkus ginagawa nila ang mga


ipinag-uutos sa kanila}. [Qur’an 66:06]


Ang asawang babae ay nararapat na pangalagaan ang mga


ari-arian, kayamanan at pansariling kagamitan ng kanyang


asawa. Na kung saan ang asawang lalaki ay hindi rin dapat


umabuso o maglustay sa sariling salapi ng kanyang asawa


nang walang pahintulot. Ang lalaki ay hindi dapat gumawa ng


anumang pakikipagkasundo kaugnay ng mga pananalaping


pag-aari ng kanyang asawa nang wala siyang pahintulot.


Ang Tungkulin ng Babaing Muslim sa Kanyang Mga Anak.


Ang mga karapatan ng mga anak ay marami. Unanguna


na rito ay ang karapatan nilang magkaroon ng isang


habang panahon. Ang babae ay nangangailangan ng isang


mapagmahal at maalalahaning asawa na nagbibigay


katuparan sa kanyang pangunahing kailangan. Kung ito ay


hindi magagawa, maaaring ito ang sanhi ng pagkawasak ng


kanilang ugnayan bilang mag-asawa. Nawa’y pangalagaan


tayo ng Diyos mula sa ganitong kalagayan.


Pangangalaga ng Mga Lihim ng Asawa.


Hindi dapat ipagmarali o ipagsabi ang kakulangan


o kapintasan ng kanyang asawa. Ang mag-asawa ay


nararapat na itago ang lahat ng kanyang nakikita o naririnig


mula sa kanyang asawa bilang kanilang mga lihim na


hindi dapat malaman ng sinuman. Ang lahat ng ugnayang


pakikipaniig ay hindi dapat ipagsabi, bagkus ito ay dapat


sarilinin at pangalagaan. Ang ugnayan bilang mag-asawa


ay banal na ugnayan ayon sa Relihiyong Islam at hindi


dapat mabahiran ng anumang kasamaan.


Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah ():


“Isa sa pinakamasamang kalagayan sa paningin ng Allah


sa Araw ng Paghuhukom ay yaong lalaking nakipagniig


sa kanyang asawa at pagkaraan ay ipinagsabi ang mga


lihim ng kanyang asawa sa iba.” (Muslim)


Pantay at Mabait na Pakikitungo.


Ang pagiging makatarungan at pantay ay dapat panatilihin


ng asawang lalaki sa pakikitungo sa kanyang mga asawa at


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


24 25


lumapit sa Sugo ng Allah () at nagwika: “O Sugo ng


Allah, nais kong ikaw ay makibahagi sa (kasayahan


ng pagbibigay ko ng regalo sa) isa sa aking mga anak


at nais kong ikaw ay maging saksi para dito”. Nang


marinig ng Sugo ng Allah () ang pakiusap ng tao, ang


Sugo ng Allah () ay nagtanong: “Inihahandog mo ba


ang regalo sa lahat ng iyong mga anak?” Ang tao ay


sumagot: “Hindi!” Ang Sugo ng Allah () ay nagbigay


puna: “Samakatuwid, humanap ka ng iba na sasaksi


sa iyong pagbibigay regalo sapagka’t ako ay hindi


sasaksi sa isang hindi makatarungan at hindi pantay


na pakikitungo. Maging masunurin (at matakot) sa


Allah. Maging makatarungan at maging pantay ang


pakikitungo sa iyong mga anak.” (Al-Bukhari at Muslim)


Ang Tungkulin ng Muslim (Lalaki Man o Babae) sa


Kanyang Mga Kamag-anakan, Kapitbahay, Kaibigan at


Kapatid sa Pananampalataya.


Ang mga kamag-anak ay may natatanging pagpapahalaga


sa Islam. Ito ay nagbibigay paalaala na tayo ay nararapat


maging mabait at maasikaso sa kanila. Ang mayamang


Muslim, lalaki o babae man, ay may tungkuling bigyan


ng kaukulang asikaso ang kanyang mga kamag-anak.


Nangunguna na rito yaong mga malalapit na kamag-anak.


Ayon sa aral ng Islam, ang isang Muslim ay nararapat na


makibahagi sa mga pangangailangan ng mga kamag-anak


marangal at mapayapang buhay; at ang pagkakaroon nila


ng mga magagandang pangalan. Sila ay may karapatan sa


lahat ng mga pangangailangan ng buhay na binubuo ng


maayos na tahanan at pagkain, maayos na edukasyon at


tamang pangangalaga. Sila ay nararapat na magkaroon


ng magandang pag-uugali at kilos; at pangalagaan sila


laban sa lahat ng masasamang asal at gawa katulad


ng pagsisinungaling, pandaraya, pagnanakaw, inggit,


pagkukunwari at iba pang di kaaya-ayang ugali.


Ito ay batay sa aral na ipinag-utos ng Sugo ng Allah ():


“Sapat na kasalanan ang pagpapabaya sa mga dapat


tangkilikin, na sila ay hindi pinagkakalooban ng


kaukulang pangangalaga at pagpapalaki.” (Abu Daud)


Higit sa lahat, ang mga anak ay may karapatan para sa


makatarungan at pantay na pakikitungo. Walang isang


anak na dapat bigyan ng higit na pangangalaga kaysa sa


ibang anak hinggil sa mga regalo, at pagmamahal upang


maiwasan ang pagseselos (hinggil sa pamana, ang lalaki


ay naiiba sa babae). Lahat ng anak ay dapat pantay na


pakitunguhan nang may kabaitan at magandang asikaso.


Ang di makatarungang pakikitungo sa mga anak ay


nagbubunga ng masamang pag-uugali sa pakikitungo


ng mga ito sa kanilang mga magulang pagdating ng


katandaan. Ito ay batay sa isang Hadith (Salaysay) ng


Sugo ng Allah () nang minsan may isang tao ang


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


26 27


Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:


{Samakatuwid baga, marahil kung kayo ay


pinagkalooban ng kapangyarihan ay gagawa kayo


ng kabuktutan sa lupa at putulin ang ugnayang


pagkamag-anakan? Sila yaong mga isinumpa ng Allah,


kaya’t sila ay ginawa Niyang mga bingi at binulag ang


kanilang mga paningin}. [Qur’an 47:22-23]


01. Ang Karapatan ng Mga Kapitbahay.


Batay sa Banal na Qur’an, ang Allah ay nag-utos tungkol


sa pakikipag-ugnayan para sa mga kapitbahay.


{Kaya, sambahin ninyo ang Allah, at huwag kayong


magtatambal sa Kanya ng anupaman, at maging mabuti


kayo sa inyong mga magulang, kamag-anakan, mga


ulila, mga dukha, mga kapitbahay na kamag-anak, mga


kapitbahay na dayuhan, sa (inyong mga) kasamahan


na katabi, mga naglalakbay at sinumang nasa ilalim ng


inyong kapangyarihan. Katotohanan, hindi minamahal


ng Allah ang mapagmataas, mapagyabang}. [Qur’an 4:36]


Karagdagan pa nito, ang Islam ay nagbigay ng tatlong uri


ng kapitbahay ayon sa mga sumusunod:


Ang Kapitbahay na Kamag-anak na Muslim.


Ang ganitong uri ng kapitbahay ay may tatlong karapatan


sa iyo. Ang karapatang pangkamag-anakan, ang karapatang


pangkapitbahay, at ang karapatan bilang isang Muslim.


sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahit maliit na tulong sa


kanila sa mga panahon ng kahirapan at kalungkutan.


Ito ay batay sa aral na ipinag-utos ng Banal na Qur’an:


{O, sangkatauhan! Matakot kayo sa inyong Panginoon,


na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adan), at


mula sa kanya (Adan) nilikha Niya ang asawa nito, at


mula sa kanilang dalawa, ay nilikha Niya ang maraming


kalalakihan at kababaihan; kaya matakot sa Allah, na sa


Kanya kayo ay humihingi (ng inyong karapatan) at (huwag


ninyong putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (o


pagkakamag-anakan): Katotohanang ang Allah ay Lagi


nang Nagmamasid sa inyo}. [Qur’an 4:01]


Katotohanan pa nito, iminumungkahi ng Islam sa isang


Muslim na maging mabait sa kanilang mga kamag-anak


kahit pa ang mga ito ay hindi mabait sa kanya o kahit sila


ay hindi muslim. Inuutusan ng Islam ang bawa’t Muslim


na patawarin ang sinumang nagkasala sa kanyang mga


kamag-anakan maging ang mga ito ay mapaghiganti sa


kanya. Iminumungkahi rin ng Islam na maging malapit


ang kalooban sa mga kamag-anak kahit pa ang mga ito ay


kumikilos ng taliwas sa kanya.


Kaya, nagbigay babala ang Islam laban sa pagtalikod sa


ugnayang pang kamag-anakan. Ito ay isinasaalang-alang


ng Islam bilang isang mabigat at malaking kasalanan.


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


28 29


Allah ay yaong naghahatid ng kabutihan sa kanyang


kasama, at ang pinakamabuting kapitbahay ay yaong


mabuting makitungo sa kanyang mga kapitbahay.”


(At-Tirmidhi)


Karagdagan pa nito, itinuturo din ng Islam ang mga


tungkulin ng isang mabuting kaibigan. Ito ay batay sa


pamamatnugot ng Propeta ng Allah ():


“Ang pinakamabuting kaibigan at ang pinakamabuting


kapitbahay ay ang pinakamabuti sa kanila.” (At-Tirmidhi)


03. Ang Karapatan ng Mga Dukha at Mahihirap.


Ang mga dukha at mga kapus-palad ay may tiyak na


karapatan sa Islamikong pamayanan. Sa katunayan,


kinalulugdan ng Diyos ang mga nagpapakasakit para sa


Kanyang Landas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga


maralita at dukha sa Islamikong bayan. Ito ay batay sa


pahayag ng Banal na Qur’an:


{At sila sa kanilang mga yaman ay may kinikilalang


karapatan para sa namamalimos at naghihikahos}.


[Qur’an 70:24-25]


Itinuturing ng Islam ang mga kawanggawa sa mga dukha


at mahihirap bilang mga pinakamabuting gawain.


{Hindi (isinasaalang-alang) ang kabutihan o kabanalan na


ilingon ninyo ang inyong mga mukha sa dakong Silangan


o Kanluran, datapuwa’t ang (gumagawa ng) kabutihan o


Ang Kapitbahay na Muslim.


Ang ganitong uri ng kapitbahay ay may dalawang karapatan; ang


karapatan bilang kapitbahay, at ang karapatan bilang Muslim.


Ang Kapitbahay na di-Muslim.


Ang ganitong kapitbahay ay may isa lamang karapatan;


ang karapatan bilang kapitbahay. Minsan, si Abdullah


bin Am’r, isang kilalang kasamahan ng Sugo ng Allah


() at iskolar na Muslim ay dumating sa kanyang bahay.


Natagpuan niya na ang kasama niya sa bahay ay nagkatay


ng isang tupa. Kaagad siyang nagtanong: ”Binigyan


ba ninyo ng tupa ang ating kapitbahay na Hudyo?”


Narinig ko ang Sugo ng Allah () na nagsabi: “Ang


Anghel Gabriel ay palagiang nagbibigay payo sa akin


(na maging mabait ako sa aking kapitbahay) hanggang


naisip ko na baka nais niya na ang aking kapitbahay


ay gawin kong isa sa aking tagapagmana.” (At-Tirmidhi)


02. Ang Karapatan ng Mga Kaibigan.


Isinasaalang-alang ng Islam ang mga karapatan ng isang


kaibigan at ito ay nagtakda ng mga alituntunin na dapat


gampanan para sa isang kaibigan. Katulad halimbawa ng


mabuting pakikitungo at ang tapat na pagpapayo dito.


Ang Propeta () ay nagsabi:


“Ang pinakamabuting mga kaibigan sa paningin ng


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


30 31


Sadyang kasiya-siya ang pakiramdam ng isang taong


tumutulong sa kahirapan ng kanyang kapwa. Isang


dakilang gawain ang damahin at tulungan ang mga dukha


at maralita. Kalugod-lugod sa paningin ng Diyos ang


mabuting pakikipag-ugnayan sa mga kapus-palad, sa mga


ulila, sa mga maysakit at sa mga nangangailangan. Sa


piling ng mga dukha at maralita, ating madarama sa ating


puso ang dakilang damdamin at tunay na buhay ng isang


mananampalataya sa tanging Diyos.


Ang Tungkulin ng Babaing Muslim sa Kanyang Lipunan.


Ipinag-uutos ng Islam sa mga mananampalataya (Muslim)


na makibahagi sa dalamhati at pagsubok ng mga kapatid


sa Islam sa buong daigdig at inuutusang makipagtulungan


sa abot ng kanilang kakayahan. Ang pakikipagtulungan sa


kapwa Muslim ay hindi lamang sa isang partikular na lugar,


bagkus ito ay pandaigdigan at hindi nito isinasaalangalang


ang lugar o layo na namamagitan sa kanila.


Ang Sugo ng Allah () ayon sa isang pinagtibay na Hadith


(pahayag) ay nagsalaysay ng ganito: “Ang mananampalataya


sa kapwa niya mananampalataya ay katulad ng haligi ng


isang gusali. Ang haligi ay nagpapatibay at nagtutuwid


sa isa’t isa.” Pagkaraan niyang isinalaysay ito, kanyang


ipinagdikit ang kanyang mga daliri sa kanyang dalawang


kamay.” (Al-Bukhari at Muslim)


kabanalan ay yaong naniwala sa Allah at sa Huling Araw,


sa mga Anghel, sa (mga) Aklat at sa mga Propeta (Sugo);


at ang gumugol ng yaman dahil sa pagmamahal sa Kanya


sa mga kamag-anak, sa mga ulila, sa mga naghihikahos,


sa mga naglalakbay (na nagipit), sa mga namamalimos, at


sa pagpapalaya ng mga alipin; at nagsasagawa ng Salah


(pagdarasal), at nagbibigay ng Zakah (katungkulang


kawanggawa), at tumutupad sa kanilang kasunduan


kapag sila ay nakipagkasundo; at matiisin sa matinding


kahirapan at karamdaman, at sa lahat ng panahon ng


pakikipaglaban. Sila yaong mga makatotohanan at sila


yaong mga may tunay na takot (sa Allah)}. [Qur’an 2:177]


Sa ganitong kadahilanan, ang Zakah ay ipinag-uutos bilang


isa sa pinaka-pangunahing saligan ng Islam. Ang Zakah ay


itinalagang bahagdan mula sa mga naipong yaman sa loob ng


isang taon. Ito ay buong pusong pagbibigay ng mga Muslim


(sa mga maralita at mga nangangailangan) bilang pagsunod


sa Kautusan ng Diyos. Ang Zakah ay nararapat ipamahagi


ng mga Muslim na may kaukulang naipong sapat na halaga.


Ito ay batay sa sinabi ng Dakilang Allah sa Banal na Qur’an:


{At walang ipinag-utos sa kanila maliban na sila


ay sumamba lamang sa Allah, maging matapat sa


pananampalataya sa Kanya, lumilihis (sa mga huwad


na relihiyon). At mag-alay ng Salah (pagdarasal) at


magbigay ng Zakah (kawanggawa). Ito ang matuwid


na Relihiyon}. [Qur’an 98:05]


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


32 33


Isa pang patnubay ang ipinagkaloob ng Sugo ng Allah ()


nang ipahayag niya na:


“Ang Muslim ay hindi maaaring maging tunay na


mananampalataya hanggang hindi niya nais para sa


kapwa niya Muslim ang nais para sa kanyang sarili.”


(Al-Bukhari)


Sadyang napakaganda ng relihiyong Islam. Ito ay nag-uutos


na tayo ay dapat lamang sumamba sa Nag-iisang Diyos, ang


Allah, na Siyang Lumikha sa tao at sa lahat ng bagay. Ito ang


haligi ng ganap na kabutihan. At ito ang unang Kautusan.


Ganoon tayo noon. Nagkakaisa at nagtutulungan sa gawang


kabutihan at ang ating bayan ay mapayapa. Nguni’t, tinangka


ng mga manlulupig mula sa iba’t ibang lahi (Kastila,


Amerikano, Hapon) na agawin, sakupin ang kapirasong


lupang pamana ng lahing kayumanggi. Tinangka nilang


alisin ang dangal ng ating bayan sa pamamagitan ng kanilang


kultura at kaugalian. Kaya naman, may mga magigiting na


bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mapanatili


ang ating kasarinlan. Si Lapu-lapu, na isang Muslim ang


unang bayani ng ating lahi. Siya ay nakipaglaban upang


mapanatili ang Islamikong Pananampalataya. Nakipaglaban


din si Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio at marami pang iba


para sa ating bayan. Hanggang tayo ay nagising na lamang


na taglay ang kultura at ugaling banyaga. Saan nga kaya


patungo ang bayang Pilipinas? May panahon pa at hindi pa


huli ang lahat. Magbalik tayong lahat sa ating pinagmulang


Karagdagan pa nito, isang napakagandang aral ang


ating matututuhan sa isang salaysay na ayon sa Sugo


ng Allah (), siya ay nagsabi: “Iwasan ang hinala.


Ang paghihinala ang siyang pinakamalaking


kasinungalingan. Huwag ninyong siyasatin ang mga


masamang balita, mga pagkukulang at kapintasan


ng inyong kapatid. Huwag maniktik sa inyong


mga kapatid. Huwag makipagpaligsahan (ng may


masamang pag-iisip at layunin) laban sa iyong kapatid.


Huwag kamuhian ang iyong kapatid. Huwag kang


lumayo mula sa iyong kapatid (sa oras ng kanyang


pangangailangan at pakikiramay). O, mga alipin ng


Allah, maging mabuting magkakapatid kayo sa isa’t


isa katulad ng kautusang ipinag-aanyaya sa inyo. Ang


Muslim ay nararapat na maging makatarungan sa


kanyang kapatid na Muslim. Hindi niya ito hinahamak


at inaalipusta. Hindi niya ito dapat ilagay sa anumang


kapahamakan o panganib. Lahat ng bagay na pagaari


ng isang Muslim ay ipinagbabawal na gamitin


ng kapwa Muslim (na walang pahintulot) o abusuhin


ito (nang walang karapatan). Ang kabutihan (at


maging ang kabanalan) ay naririto - itinuro niya ang


kanyang dibdib (ang puso). Sapat na kasamaan ang


ilagay ang isang kapatid na Muslim sa kapahamakan.


Katotohanan, hindi tinitingnan ng Allah ang inyong


mga katawan, anyo at ayos kundi Kanyang tinitingnan


ang inyong puso, ugali at kilos.” (Muslim)


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


34 35 Ang Mga Pangunahing Aralin ng


Islam


Nais kong ibahagi sa iyo ngayon ang ilang pangunahing


aralin na dapat matutunan ng sinumang nagnanais


maunawaan ang tunay na mensahe ng Islam. Bagama’t ito


ang relihiyon ng ating mga ninuno at ang kauna-unahang


relihiyon ng ating bansang Pilipinas, marami pa rin ang


hindi ganap na nakauunawa sa tunay na aral nito. Marahil,


ang isa sa dahilan kung bakit hindi nabibigyan ng kaukulang


pansin ang mensahe ng Islam ay ang kapabayaan ng ilang


mga muslim. Hindi sila naging huwaran sa pag-uugali


at naging salat sa kabutihang-asal. Ang pagpapalaganap


ng Islam ay tungkulin ng isang muslim, nguni’t higit na


tungkulin ang pagkakaroon ng mabuting ugali, kabaitan


sa kapwa at makatarungang pakikipag-ugnayan. Kaya


naman sa paghahanap ng katotohanan, hindi batayan


ang nakikitang ugali o asal ng isang tao at maging ang


mga masasamang karanasang nalasap sa kamay ng isang


nagngangalang muslim. Sapat na sabihin ko na mayroong


kaukulang mga aral ang inihahandog ng Islam bilang


patnubay sa Sangkatauhan.


kultura at pananalig. Tayo ay magbalik Islam. Hanapin natin


ang dating mapayapang buhay.


O, Babaing Pilipina, sadyang ikaw ay sagisag ng isang


bulaklak ng Lahing Kayumanggi.


O, Babaing Pilipina, magbalik ka sa iyong pinagmulang


lahi. Ikaw ay magbalik Islam. Muli mong sulyapan ang


dakilang pamana ng ating lahi. Ito ay naghihintay sa


iyo upang muli mong hagkan ang bagong umaga sa


dako pa roon ng bayan mong sinilangan.


ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA BABAING PILIPINA


Ang Unang Aralin: 37


Ano Ang Islam?


May makikita ba tayong paliwanag sa kahanga-hangang


sandaigdigan? Mayroon bang kapani-paniwalang kahulugan


ang lihim ng buhay? Batid natin na walang pamilya na mahusay


ang pamumuhay kung walang responsableng pinuno; walang


lungsod na mananatiling maunlad kung walang matatag na


pamamahala; walang bansang mamamalagi kung walang


pamunuan. Batid din natin na walang bagay na nabubuhay


ng sarili nito lamang. Alam din natin na ang sandaigdigan


ay nananatili at gumagalaw sa pinakamaayos na paraan, at


ito’y patuloy na namamalagi nang napakahabang panahon.


Masasabi ba natin na ang lahat ng ito ay hindi sinasadya?


Maidadahilan ba natin na ang pananatili ng tao at ng buong


sandaigdigan ay nagkataon lamang?


Ang tao ay maliit na bahagi lamang sa kabuuan ng


napakalaking sandaigdigan. Kung ang tao ay nagpaplano


at kanyang pinahahalagahan ang kabutihan ng pagpaplano,


samakatuwid, ang sarili niyang buhay at pamamalagi ay


batay din sa nakaplanong patakaran. Ito ay nangangahulugan


na may isang Kalooban na nagpaplano sa ating pananatili, at


may isang Pambihirang Kapangyarihan na lumikha ng mga


bagay at pinamamalagi silang kumikilos nang mahusay.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG