Mga Artikulo




SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


7


ANG PANIMULA


Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Allah, ang


Panginoon ng lahat ng nilikha. At nawa’y ang kapayapaan


at pagpapala ng Allah ay ipagkaloob sa Kanyang Huling


Propeta at Sugo na si Muhammad ().


Para sa kaalaman ng lahat, ang pinakamalapit sa puso ng isang


Muslim ay ang mga Kristiyano, sapagka’t mula sa kanila ay


inyong matatagpuan ang kababaang-loob at pagiging makadiyos.


Ito ay hindi isang salitang nagmumula sa bibig ng


isang Muslim, kundi ito ay isang kapahayagan ng Banal na


Qur’an, samakatuwid ito ay nagmula sa Nag-iisang Diyos.


Ang Allah (Diyos) ay nagsabi:


{At katotohanang iyong matatagpuan na ang may


pinakamalapit na pagmamahal sa mga Mananampalataya


(Muslim) ay yaong mga (taong) nagsasabing: “Kami ay


mga Kristiyano1.” Ito ay sa dahilang mayroon silang


mga pari at monghe (taong tumalikod sa makamundong


buhay at nanatili sa monasteryo) at sila ay hindi


nagmamataas}. [Qur’an 5:82]


1 Ang mga tunay na Kristiyano noong mga nagdaang panahon ay sadyang


sumasamba lamang sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha, sapagka’t ito ang


tunay na aral ni Hesus at ng lahat ng Propetang dumating sa mundo.


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


8 9


Muslim. Ang tamang kaalaman sa Islam ay siyang dapat


gawin batayan upang higit na maunawaan ito at mabigyan


ng tama at kaukulang paghatol.


Tinangka ko sa abot ng aking kakayahan na magbigay ng


paliwanag tungkol sa paksang ito upang pawiin ang maling


paratang at bintang na ang relihiyong Islam sa kabuuang aral


nito ay Anti-Kristo. Minamahal at ikinararangal namin si


Hesus, sapagka’t bahagi ng pananampalatayang Islam ang


paniniwala kay Hesus. Walang Muslim ang magkakaroon


ng ganap na pananampalataya maliban kung tanggapin


niya ang mga naunang Propeta ng Diyos na kinabibilangan


ni Hesus. Upang bigyang patunay na walang katotohanan


na ang mga Muslim ay Anti-Kristo, pinagbatayan ko ang


mga kapahayagan ng Banal na Qur’an at ang mga salaysay


(Hadith) ng Propeta Muhammad () na nakaugnay kay


Hesus at mga ilang talata ng Bibliya tungkol sa kalagayan


ni Hesus, ang kanyang pagsilang, pangangaral at ang


kanyang tunay na katayuan at katauhan.


Kung mayroon mang isang relihiyon na may higit na


malasakit at may higit na karapatan kay Hesus, ang anak


ni Maria, ito ay walang iba kundi ang relihiyong Islam.


Karapatan ng bawa’t Muslim na ipagtanggol si Hesus sa


anumang pang-aalipusta na maaaring iakibat sa kanya ng


sinuman. Karapatan ng bawa’t Muslim ang panatilihin ang


dangal ni Hesus sa pamamagitan ng pagbibigay paliwanag


sa lahat ng tao ang katotohanan tungkol sa kanya.


Masakit lamang isipin na sa kabila ng magandang kaisipan


ng Islam tungkol sa mga Kristiyano bilang Angkan ng


Kasulatan1, mayroon pa ring ilang iresponsableng pangkat


ng tao na tuwina ay nagtatangkang sirain ang ugnayang


Muslim at Kristiyano. At isa sa pinakamalaking hadlang


sa pagsulong ng magandang ugnayan ng Muslim at


Kristiyano ay ang mga paratang na ang mga Muslim ay


Anti-Kristo o mga taong laban kay Kristo. Katotohanan,


ang kawalan ng kaalaman tungkol sa relihiyong Islam


ay sadyang nakapagliligaw sa tao upang husgahan ang


relihiyong Islam batay lamang sa kamangmangang dulot


ng mga haka-haka at walang katibayang pala-palagay.


Katulad ng tagasunod ng ibang relihiyon, mayroon din


namang mga iresponsableng Muslim na hindi kaaya-aya


ang mga ugali at asal. Marahil, ito ay sadyang nagiging


batayan o sukatan rin ng ibang di-Muslim kung bakit ang


kanilang paglalarawan at kaisipan tungkol sa Islam ay may


bahid ng pagkamuhi o pagkasuklam. Hindi makatarungan


na husgahan ang Islam batay sa masamang ugali ng isang


1 Ang Angkan ng Kasulatan (o Ahlul Kitab) - ito ay isang katawagang


iniugnay sa lahat ng lipon ng tao na pinagkalooban ng Banal na Kasulatan


o Kapahayagan. Tinawag na Angkan ng Kasulatan ang mga Kristiyano at


Hudyo, sapagka’t sila ay katulad din ng mga Muslim na pinagkalooban ng


mga Kapahayagan ng Nag-iisang Diyos sa kani-kanilang panahon. Si Moises


ay isang dakilang Propeta na binigyan ng kapahayagan na kilala sa tawag na


Tawrah o Torah. Sa kabilang dako, si Hesus ay pinagkalooban din ng isang


Kapahayagan o Banal na Kasulatan na kilala sa tawag na Injeel o Gospel


(ang salitang Gospel na ang ibig sabihin ay Magandang Balita ay isinalin


naman sa wikang Griego na ngayon ay tinatawag na Ebanghelyo).


SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


11


Ang Kahulugan ng:


“ANTI-KRISTO”


Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ng salitang Anti-


Kristo? Sa pananaw ng isang debotong Kristiyano, ang


“Anti-Kristo” ay isang katawagan na tuwirang tumutukoy


sa sinumang tao na nagtakwil o patuloy na nagtatakwil at


hindi tinatanggap si Hesukristo. Sila ang mga taong hindi


naniniwala kay Hesus, hindi tinatanggap at ginagampanan


ang dalang aral o mensahe nito. Samakatuwid, hindi


kinikilala si Hesus. Sila ang mga taong naligaw ng landas,


sapagka’t sila ay bulag, pipi at bingi sa katotohanan.


Samakatuwid, ang Anti-Kristo ay isang hayagang


pang-aalipusta kay Hesus! Ito ang pinakamalaking


katampalasanan sa Kalinisan ng Katauhan ni Hesus!!!


Maging si Hesus ay nagtakwil sa mga ganitong uri ng tao.


At siya ay nagwika:


Kailanman hindi ko kayo nangakilala. Magsilayo kayo


sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.


(Mateo 7:23)


Talakayin natin ang paksang ito sa pamamagitan ng


pagbabalik tanaw sa mga panahong inilagi ni Hesus dito sa


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


12 13


kamay ng kaniyang mga kalahi hanggang humantong sa


pagtatangka nilang siya ay kanilang paslangin o patayin.


Sa ganoon, hindi na kailangan pang sabihin na sila ay


hindi kumikilala kay Hesus. Tuwiran man o hindi, sila ay


laban at hindi naniniwala kay Hesus, laban sa mensahe


nito at walang puwang sa kanilang pamayanan o relihiyon,


samakatuwid silang mga Hudyo ay Anti-Kristo. Ang


pagtakwil nila kay Hesus ay hindi isang aral na iniwan


ni Propeta Moises, bagkus ito ay isang kasalanang tanda


ng kanilang kataasang loob. Sa kabilang dako, ang mga


Kristiyano at Muslim ay kapwa kumikilala kay Hesus,


nguni’t ang kanilang pagkakakilala ay sadyang magkaiba.


Tunghayan natin kung sino nga ba ang Anti-Kristo at sino


ang tunay na sumusunod kay Hesus. Dapat nating isaalangalang


dito ay kung ano ang sinabi ni Hesus batay sa Bibliya


at kung ano ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos


tungkol sa kanya batay sa Banal na Qur’an. Sa gayon, ating


maabot ang pinakalayunin ng paksang ito sa matalino at


makatarungang pamamaraan.


mundo mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang


paglisan sa daigdig. Sa gayon, maaari nating maitatag


ang pinag-ugatan ng Anti-Kristo. Hindi makatarungan


ang magbigay ng paratang kaninuman bilang Anti-Kristo


maliban kung mayroong sapat na pinang-hahawakang


katibayan o mapananaligang kapahayagan na maaaring


makapagbigay ng katatagan laban sa paksang ito. Maging


sa larangan ng paghuhukom, ano mang bintang o paratang


na inihahain at isinasampa sa hukuman ay nararapat na may


matatag na pinanghahawakan o saksi. Ito ang mahalagang


sangkap ng matagumpay na paglilitis. Walang hukom


ang maaaring makapagbigay ng tamang paghuhusga at


pagpapasiya malibang ito ay may kaakibat na katibayan.


Magkagayon, sa larangan ng relihiyon, tanging ang mga


Banal na Kasulatan na ipinahayag ng Makapangyarihang


Diyos at ang mga mapananaligang salita ng mga Propetang


may dala nitong kasulatan ang nararapat na gawing batayan


upang ang katotohanan ay mangibabaw.


Sa tatlong malalaking relihiyon sa mundong ito:


Hudaismo, Kristiyanismo at Islam, ang dalawang huli


ang siyang nangunguna at nangingibabaw. Sa relihiyong


Hudaismo ng mga Hudyo, kinikilala lamang nila ang mga


naunang Propeta hanggang kay Propeta Moises. Hindi


nila kinikilala si Hesus bilang Propeta o Sugo, bagkus


itinuturing nila ito bilang isang huwad na Propeta. Sanggol


pa lamang si Hesus ay nakaranas na ng pang-aalipusta sa


SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


15


Ang Unang Katibayan:


ANG HIMALANG PAGSILANG NI HESUS


Ang mga mabubuti at matutuwid na tagasunod ni Hesus ay


tinanggap at kinilala ang himalang pagkasilang ni Hesus. Sila


ay walang pag-aalinlangan sa himalang ito - na si Hesus ay


isinilang na walang ama. Sa kabilang dako, ang mga Hudyo


na (mula sa Angkan ni Israel) kalahi ni Hesus ay tuwirang


nagtakwil kay Hesus. Silang mga Hudyo ang unang nagtakwil


kay Hesus sa pamamagitan ng pagpaparatang sa kanya bilang


anak sa labas, at si Birhen Maria bilang babaing nagkasala ng


pangangalunya. Ang Banal na Qur’an ay nagpaliwanag na


pinili si Maria higit sa lahat ng babae dito sa lupa. Si Anghel


Gabriel ay dumating sa kanya na may magandang balita na


siya ay nakatakdang magsilang kay Hesus. Ang magandang


salaysay na ito ay matatagpuan sa Banal na Qur’an:


{Tandaan! Nang ang mga Anghel ay nagwika:


O, Maryam (Maria)! Katotohanan, ang Allah ay


nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang Salita


mula sa Kanya: ang kanyang pangalan ay Mesiyas, ˋIsa


(Hesus), anak ni Maryam (Maria), na may mataas na


karangalan sa daigdig na ito at sa kabilang buhay. At


siya ay nasa (hanay ng) mga malalapit (sa Allah). At


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


16 17


Hannah (Ana) na nabibilang sa mga pinagpalang angkan ng


mga Propetang sina Abraham, Isaak, Hakob, David, Moises,


Aaron at ang kanyang tiyuhin na si Zakarias na ama ni Juan


Bautista. Sa mahabang panahon, ang maling paratang na ito


ay mistulang isang pighati sa puso ni Birhen Maria. Subali’t,


nang ang kapahayagan ng Banal na Qur’an ay dumating,


ang karangalan at kadakilaan ni Birhen Maria ay muling


ibinantayog ng Diyos na Maykapal sa kanya. Tanging ang


Banal na Qur’an lamang ang nagsisilbing tagapagtanggol


at tagapangalaga ng kanyang dangal at puri. Subali’t, ang


Bibliya na ipinagbubunyi at ipinagmamalaki ng kalakhang


Kristiyanismo ay walang anumang kapahayagan tungkol dito!


{Ang Mesiyas (Hesus), anak ni Maryam (Maria) ay hindi


humigit sa isang Sugo (Propeta) lamang. Maraming Sugo


(Propeta) ang dumating bago pa man siya. At ang kanyang


ina ay isang babaing makatotohanan..}. [Qur’an 5:75]


{At (tandaan) nang ang mga Anghel ay nagsabi: O,


Maryam (Maria)! Katotohanang ikaw ay pinili ng


Allah (Diyos), at ginawang dalisay (at malinis), at


ikaw ay piniling higit sa mga kababaihan ng lahat ng


nilalang}. [Qur’an 3:42]


Sa unang paksa tinalakay na ito, natunghayan natin kung


sino ang higit na nagtanggol at nagmalasakit kay Hesus at


sa kanyang malinis na Ina. Bahagi ng pananampalatayang


Islam ang kadakilaan ni Hesus at ng kanyang Ina. Isang


siya ay magsasalita sa tao mula sa (kanyang) duyan


(kamusmusan) at sa kanyang kahustuhang-gulang. At


siya ay nasa (hanay ng) mga matutuwid. Siya (Maria) ay


nagwika: Aking Panginoon! Paano ako magkakaroon ng


anak gayong walang lalaki ang humawak sa akin? Siya


ay nagwika: (Kahit na), ganyan ang Allah, lumilikha ng


anumang Kanyang naisin. Kapag Kanyang itakda ang


isang bagay, Siya ay magsasabi (lamang) ng: “Kun”


(Maging) at mangyayari nga. At siya (si Hesus) ay


tuturuan Niya ng Aklat, ng Karunungan, ng Tawrah


(Batas) at Injeel (Ebanghelyo)}. [Qur’an 3:45-48]


{At (si Maria ay) kanyang itinuro ito (ang sanggol). Sila


(mga tao) ay nagwika: Paano naming makakausap ang


isang batang nasa duyan? Siya (si Hesus) ay nagsabi:


Tunay na ako ay alipin ng Allah, ako ay binigyan Niya ng


Kasulatan at ginawa Niya akong Propeta}. [Qur’an 19:29-30]


Ang himalang pagkasilang ni Hesus ay nagbigay kay Birhen


Maria ng isang karangalang nagmula sa Diyos. Bagaman


tunay na napakahirap para sa kanya ang magbigay ng


patunay tungkol sa kanyang pagiging malinis na babae,


siya ay pinatatag ng Dakilang Lumikha sa mata ng tao sa


pamamagitan ng Kapahayagan ng Banal na Qur’an. Sino


nga ba ang mag-aakala na siya ay magkakaanak maliban na


lamang kung siya ay nagkaroon ng ugnayan sa isang lalaki.


At katotohanan pa, siya ay mula sa mag-asawang Imran at


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


18 19


na Pasko) gayong walang sinasabi ang Bibliya tungkol


dito? Sino ang nagtakda ng kanyang kaarawan, si Hesus


ba mismo? Mayroon bang matutunghayang pahayag si


Hesus o ang kanyang ina at maging ang kanyang mga


naiwang disipulo tungkol sa kanyang kaarawan? Ang


mga manunulat ng apat na Ebanghelyo na sina Juan,


Markus, Lukas at Mateo ay wala ring nabanggit na


kaarawan sa kabila ng kanilang masusing pagsasalaysay


tungkol sa kanyang buhay. Wala kahit sino sa kanila! Ang


pagdiriwang ba ng Pasko ay bahagi ng aral ni Hesus?


Hindi!! Kung gayon, hindi rin maaaring isaalang-alang


ito bilang aral, sapagka’t walang kasaysayang naitala


tungkol dito. Kung hindi ito bahagi ng buhay at aral


ni Hesus, samakatuwid, ang pagdiriwang ng Pasko ay


hayagang pagsalungat kay Hesus. Ang pagdiriwang ng


Pasko ay hindi isang sukatan upang tawagin ang isang tao


bilang tunay na Kristiyano. Katiyakan, ang pagdiriwang


ng Pasko ay isang insulto kay Hesus, sapagka’t wala


siyang iniwang kautusan tungkol dito. Isang banyagang


salita kay Hesus ang Pasko, santa Klaus, krismas tri,


noche buena, at misa de gallo. Sa makabagong panahon


ngayon, sino pa kaya ang magtatangkang pigilin ang


pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng katotohanang ito ay


wala sa Bibliya?. Samakatuwid, hindi isang pangunahing


aral ni Hesus. Hindi kaya isang gawang Anti-Kristo ang


pagdiriwang nito?.


haligi ng pananampalataya ang tanggapin, kilalanin at


dakilain si Hesus. Samakatuwid, walang Muslim ang


maaaring tagurian o tawagin bilang Anti-Kristo, sapagka’t


bahagi ng Islam si Hesukristo at bahagi siya ng kautusang


hindi dapat talikdan, bagkus dapat tuparin at sundin.


Dapat sana ang Bibliya mismo ay nagkaroon ng matibay


na pahayag bilang pagtatanggol kay Hesus at sa Ina niya,


sapagka’t malaking bahagi si Hesus at ang kanyang ina


sa kalakhang relihiyong Kristiyanismo. Dapat sana ang


Bibliya mismo ay may mga talata na nagpapatunay tungkol


sa tunay na naganap sa kanila. Tunay na napakalungkot


isipin na walang anumang pahayag na matatagpuan sa


Bibliya tungkol sa kadakilaan ni Birhen Maria.


At dumako tayo tungkol naman sa kaarawan ni Hesus,


ang Bibliya ay walang sinabi tungkol sa panahon ng


pagkasilang kay Hesus. Maging sa Banal na Qur’an at


sa mga salaysay (o Hadith) ng Propeta Muhammad (),


walang binanggit tungkol sa araw o buwan ng pagkasilang


kay Hesus. Bagaman, isinalaysay ng Qur’an na si Maria


ay lumayo pansumandali patungo sa ilang na lugar upang


doon ay isilang si Hesus, hindi sinabi ang takdang araw


at buwan ng pagsilang niya kay Hesus. Kung ang Bibliya


at Qur’an ay walang ibinigay na kaarawan ni Hesus,


magkagayon, ang katanungan ay: Paano nagkaroon ng


kaarawan si Hesus sa buwan ng Disyembre (na tinatawag


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


20 21


Ang Ikalawang Katibayan:


HESUS - BILANG DAKILANG PROPETA


NG DIYOS


Ang ikalawang talakayan ay nauukol sa tunay na katauhan


ni Hesus. Ang katibayan ng paksang ito ay nararapat


magmula sa Bibliya at Banal na Qur’an. Ito ay mahalagang


sangkap, sapagka’t ang nasasangkot sa talakayang ito ay ang


Kristiyano at Muslim na kapwa tumatanggap kay Hesus.


Maraming talata ng Bibliya (Bagong Tipan) ang nagbibigay


katotohanan tungkol kay Hesus bilang isang dakilang Propeta


ng Diyos. Kumuha tayo ng isang matatag na katibayan mula


rito. Ang Ebanghelyo ayon kay Lukas ay nagsabi:


Ang mga bagay tungkol kay Hesus na Nasareno, na


isang Propeta makapangyarihan sa gawa at salita sa


harap ng Diyos at ng buong bayan. (Lucas 24:19)


Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang Propeta at


dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan. (Lucas 7:16)


Hindi lamang isang dakilang Propeta si Hesus, bagkus


pinagkalooban pa siya ng higit na katungkulan. Ito ay


bilang isang Dakilang Sugo ng Diyos. Siya ay itinuturing


na Sugo, sapagka’t siya ay pinagkalooban ng Banal na


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


22 23


at nanindigan sa katotohanan kung sino nga ang dapat


tawaging Anti-Kristo.


Sa ikalawang pagkakataon, muling pinatunayan, na


walang Muslim ang maaaring tawaging Anti-Kristo,


sapagka’t buong pusong nagmamahal at tinatanggap ng


Islam si Hesus bilang Propeta at Sugo. At ang paniniwala


ng Islam kay Hesukristo bilang dakilang Sugo at Propeta


ay hindi taliwas sa ilang mga talatang matatagpuan sa


Bibliya (Bagong Tipan). Kung gayon, sino kaya ang dapat


tawaging Anti-Kristo?


Kasulatan na tinatawag na Injeel (o sa wikang Griyego ay


tinawag na Ebanghelyo). Ang Ebanghelyo ayon kina Juan


at Mateo ay nagbigay patunay sa kanya bilang Sugo ng


Diyos:


At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay


makilala nila na iisang Diyos na tunay at si Hesus


bilang iyong Sugo. (Juan 17:3)


Hindi ako isinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa


bahay ni Israel. (Mateo 15:24)


Sa panig naman ng relihiyong Islam, ito ay nagbigay


patunay din sa katotohanan na si Hesus ay isang dakilang


Propeta at Sugo ng Nag-iisang Diyos. Ayon sa Banal na


Qur’an:


{Ang Mesiyas (Hesus), anak ni Maryam (Maria)


ay hindi humigit sa isang Sugo (Propeta) lamang.


Katotohanang maraming Sugo (Propeta) ang dumating


bago pa man siya. At ang kanyang ina ay isang babaing


makatotohanan..}. [Qur’an 5:75]


Sa ikalawang talakayang ito, muli nating binigyanglinaw


kung sino ang laban o hindi naniniwala kay Kristo


[Anti-Kristo]. Kung ang Bibliya ay tuwirang nagpahayag


na si Hesus ay isang Propeta, at ang Banal na Qur’an ay


nagpatunay na si Hesus ay Sugo at Propeta ng Diyos,


samakatuwid, sino ang nagkakamali?. Ang mga talata


ng Bibliya at ang Banal na Qur’an ay kapwa nagpatunay


SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


25


Ang Ikatlong Katibayan:


ANG PANGUNAHING MENSAHE NI


HESUS


Sa ikatlong pagkakataon, ating pagtutuunan ng pansin


ang mahalagang aral o mensahe ni Hesus. Ano ba ang


sinasabi ni Hesus tungkol sa kaligtasan o ang paraan upang


makamtan ang buhay na walang hanggan? Tuwirang


ipinahayag ni Hesus na ang pagkilala at pagsamba sa


iisang Diyos ang pangunahin at mahalagang daan tungo sa


buhay na walang hanggan. Ayon sa Ebanghelyo ni Juan, si


Hesus ay nagbigay aral:


At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay


makilala nila na iisang Diyos na tunay at si Hesus


bilang iyong Sugo. (Juan 17:3)


At bilang Propeta at Sugo, siya rin ay nagbigay ng


mahalagang aral na dapat sundin at tuparin. Ito ay


matutunghayan sa Ebanghelyo ni Markus.


Pakinggan mo O Israel. Ang Panginoon nating Diyos


ay Isang Panginoon. At iyong mahalin ang iyong


Panginoong Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, ng


buong isip at ng buong lakas. (Markus 12:29)


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


26 27


Ang Ikaapat na Katibayan:


SINO BA ANG KINIKILALANG


PANGINOON NI HESUS?


Matatagpuan sa Banal na Qur’an, si Hesus ay kumilala sa


Makapangyarihang Diyos (Allah) bilang kanyang Panginoon.


{O, angkan ng Israel, sambahin ninyo ang Allah


(Diyos), na aking Panginoon at inyong Panginoon.


Katotohanang ang sinumang magtambal sa Allah ay


tunay na ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso


at ang Apoy ang kanyang tirahan..}. [Qur’an 5:72]


Maging sa Bibliya, si Hesus ay mayroong kinikilalang


Panginoon, nang siya ay nag-anyayang mahalin natin ang


Diyos.


Pakinggan mo O Israel. Ang Panginoon nating Diyos


ay Isang Panginoon. At iyong mahalin ang iyong


Panginoong Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, ng


buong isip at ng buong lakas. (Markus 12:29)


Kung sa nabanggit na talata sa itaas na mula sa Bibliya at


Qur’an ay nagsabi at nanawagan si Hesus na ang tanging


Panginoon ay ang Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha


Ang panawagan at pangunahing mensahe ni Hesus ayon sa


Bibliya ay matutunghayan din naman sa Banal na Qur’an.


Ang pangunahing aral niya ay ang pagsamba lamang sa


Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha.


{Katotohanan, ang Allah (Diyos) ang aking Panginoon


at inyong Panginoon, kaya sambahin ninyo Siya, ito


ang matuwid na landas}. [Qur’an 3:51]


Ang kautusang ito ni Hesus ay sinusunod, tinutupad at


tinatanggap ng mga Muslim, samakatuwid walang Muslim ang


maaaring tawagin o taguriang Anti-Kristo. Muli, ang katibayan


ay hinango sa kasalukuyang Bibliya at sa Banal na Qur’an


upang higit na mabigyan ng katarungan ang paksang ito.


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


28 29


Ang Ikalimang Katibayan:


ANG PAGDARASAL NI HESUS


Ang tunay na sumasamba at nananalig sa Nag-iisang


Diyos ay nararapat na nag-aalay ng pagdarasal ayon sa


turo ng mga Propeta. Bilang isang tagasunod ni Hesus,


nararapat lamang na siya ay tularan sa pamamaraan ng


kanyang pagsamba at pagdarasal. Paano nga ba nagdarasal


si Hesus? Tunghayan natin ang Bibliya. Ang Ebanghelyo ni


Mateo ay naglarawan kung paano mag-alay ng panalangin


si Hesus. Siya ay nagpapatirapa sa lupa.


At siya’y nagpatirapa at nanalangin. (Mateo 26:39)


Ang pagpapatirapa ni Hesus ay katulad ng pagpapatirapa


ng mga Muslim sa kanilang pang-araw-araw na pagdarasal.


Magkagayon, walang pagkakaiba sa larangan ng pagsasakatuparan


ng pagdarasal. Ang ginawang pagpapatirapa


ng mga Muslim na katulad ng pagpapatirapa ni Hesus


ay isang malinaw na tanda ng pagsunod, pagtalima at


pagkilala sa mga aral ni Hesus. Samakatuwid, walang


Muslim ang maaaring taguriang Anti-Kristo. Ito ay isang


malinaw na batayan na ang mga Muslim ay kumikilala kay


Hesus bilang isang tunay na mananampalataya.


lamang at wala ng iba pa, samakatuwid, ang pagtawag


kay Hesus bilang Panginoon ay isang malaking kasalanan,


sapagka’t tunay na ang Panginoong Diyos ay ang Nagiisang


Diyos na Siyang Maylikha ng lahat ng bagay. Sino


kaya, kung gayon, ang Anti-Kristo? Ang isa bang Muslim


na kumikilala sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha bilang


kanyang Panginoon o ang isang Kristiyano na kumikilala


kay Hesus bilang kanyang Panginoon?


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


30 31


Ang Ikaanim na Katibayan:


ANG PAG-AAYUNO NI HESUS


Ang Batas ng pag-aayuno ay ipinag-utos ng


Makapangyarihang Diyos bilang haligi ng pagsamba.


Kaya naman, isa itong mahalagang kautusan na


sa bawa’t panahon ay ipinatutupad sa lahat. Ang


Makapangyarihang Diyos ay nagbigay kautusan


tungkol sa pag-aayuno. Ang Banal na Qur’an ay


nagpahayag nito:


{O, mga mananampalataya! Ang pag-aayuno ay ipinagutos


sa inyo katulad ng pagka-utos sa mga nauna sa


inyo, baka sakaling magkaroon kayo ng tunay na takot


(sa Kanya)}. [Qur’an 2:183]


Sa Bibliya, matutunghayan natin na si Hesus ay ganap na


tumalima at tumupad sa batas ng pag-aayuno.


At nang siya’y nakapag-ayuno ng apatnapung araw at


gabi, siya ay nagutom. (Mateo 4:2)


Kung ang pag-aayuno ay ginawa ni Hesus at buong puso


namang tinutupad ng mga Muslim, magkagayon, walang


sinumang Muslim ang maaaring tawaging Anti-Kristo -


Ang pook pagsamba ni Hesus na tinatawag na synagogue


o tabernakulo ay katulad ng pook pagdarasal o pagsamba


ng mga Muslim na tinatawag na moske (Masjid sa wikang


arabik). Sa pook na ito ay walang makikitang mga larawan


ng mga santo o santa, walang kantahan, walang tugtugin,


walang bulaklak. Bagaman maaaring sabihin na tayo ay


dapat sumunod sa nagbabagong takbo ng panahon, nguni’t


ito ba ay nangangahulugan ng pagbabago at pagdaragdag


mula sa simpleng aral ng mga Propeta? Ang Islam ay


nanatiling simple sa pagsasagawa ng mga relihiyong


rituwal para sa mga mananampalataya. Pinaniniwalaan sa


Islam na anumang karagdagan o pagbabago ay tanda ng


pagkaligaw at pagtalikod sa wagas na aral ng mga Propeta.


Kung sa panahong ito ay narito si Hesus, anong pook ng


pagsamba kaya ang kanyang patutunguhan o pagpipilian?


Ang isang simbahan na pinalamutian ng mga larawan ng


mga santo o ang isang Masjid na simpleng sumasagisag


bilang isang payapa at banal na sambahan?


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


32 33


Ang Ikapitong Katibayan:


SINO ANG KINIKILALANG DIYOS NI


HESUS?


Si Hesus ba ay Diyos o may kinikilalang Diyos? Sa


ikaanim na paksang ito, dapat nating pagbatayan ang


dalawang aklat na kinikilala ng magkabilang panig.


Ang Bibliya ng mga Kristiyano at ang Banal na Qur’an


ng mga Muslim. Ang magiging batayan natin dito ay


ang wikang ginamit sa dalawang kinikilalang Banal na


Kasulatan. Sa wika ni Hesus, tinawag niya ang Diyos ng


Eli (sa kanyang wikang Aramaik). Pinatunayan ito ayon


sa Ebanghelyo ni Mateo:


At nang malapit na ang oras na ika-siyam ay sumigaw


si Hesus ng malakas na tinig, na sinabi: Eli, Eli lama


sabachthani? Samakatuwid baga’y, Diyos Ko, Diyos


Ko, bakit mo ako pinabayaan?. (Mateo 27:46)


At sa Banal na Qur’an naman, si Hesus ay may kinikilalang


Diyos - ang Allah.


{O, angkan ng Israel, sambahin ninyo ang Allah


(Diyos), na aking Panginoon at inyong Panginoon.


sapagka’t ang gawain ni Hesus sa larangan ng pagsamba ay


katulad ng gawain ng isang Muslim. Muli, sa pundamental


na aral ni Hesus, sino ang dapat taguriang Anti-Kristo?


Walang alinlangan na ang pag-aayuno ni Hesus at ang


pag-aayuno ng mga Muslim ay isang matibay na patunay


sa katotohanan na ang isang Muslim ay hindi isang Anti-


Kristo, bagkus isang tagasunod ni Hesus. Sino kaya sa


makabagong Kristiyanismong sekta ang nagsasagawa ng


kautusang ito tungkol sa pag-aayuno?


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


34 35


Ang Ikawalong Katibayan:


ANG PAGLILIBING KAY HESUS AYON


SA BIBLIYA


Ayon sa Bibliya, si Hesus ay namatay at inilibing.


Paano ba inililibing ang isang patay? Sa Bibliya,


si Hesukristo ay inilibing sa pamamagitan ng


dalawang puting damit na itinapis at ibinalabal sa


kanyang katawan. Ganyan din ang pamamaraan ng


paglilibing sa isang patay sa relihiyong Islam. Hindi


pinahihintulutan sa Islam na embalsamuhin ang


katawan ng isang patay sa maraming kadahilanan:


Una, hindi ito gawain at aral ng mga Propeta, ikalawa,


kahit na huminto na ang paghinga at pagtibok ng puso


ng isang tao, wala pa ring katiyakan na ito ay tuluyan


ng binawian ng buhay. Maaaring pagkaraan ng ilang


oras, ito ay muling magkabuhay. Ang ikatlo, higit


na mahalaga para sa isang patay na ipagdasal ito na


nawa’y patawarin siya ng Diyos. Simple ang rituwal


ng paglilibing sa Islam. Walang kabaong (ataul),


walang bulaklak, walang nitso, walang punerarya at


tugtugin, walang lapida. Bawa’t patay ay inililibing


Katotohanang ang sinumang magtambal sa Allah ay


tunay na ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso


at ang Apoy ang kanyang tirahan..}. [Qur’an 5:72]


Ang Diyos ni Hesus sa kanyang wikang Aramaik ay Eli at sa


Banal na Qur’an naman sa wikang Arabik ay Allah, ito ay


nangangahulugan na mayroon siyang isang Tanging Diyos


na sinasamba. Ang Eli (sa wikang Aramaik) at Allah (sa


wikang Arabik) ay hindi dalawang magkaibang kahulugan


at salita kundi dalawang semitikong wikang tumutukoy


sa isang Tanging Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha (The


One and Only Creator).


Kung si Hesus ay sumasamba sa Nag-iisang Diyos na


Tagapaglikha at ang Muslim ay sumasamba rin sa Diyos


na sinasamba ni Hesus, magkagayon, walang Muslim ang


maaaring tawaging Anti-Kristo, sapagka’t ang kinikilalang


Diyos ni Hesus ay siya ring Diyos na kinikilala at sinasamba


ng mga Muslim. Sa pagsamba ng mga Kristiyano kay


Hesus bilang anak ng diyos o diyos na nagkatawang tao,


sino kaya ang sumasalungat sa aral ni Hesus?


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


36 37


Ang Ikasiyam na Katibayan:


ANG MENSAHE NI HESUS AY PARA


LAMANG SA MGA ISRAELITA


Bawa’t Propeta ay isinugo sa kani-kanilang pamayanan


lamang. Ang tanging naiiba ay si Propeta Muhammad


(), sapagka’t siya ang huling Propeta, samakatuwid siya


ay isinugo para sa sangkatauhan.


Si Hesus ay isinugo para lamang sa mamamayan ng Israel.


Kaya sinumang tagasunod ni Hesus na hindi naman lahing


Israelita o Hudyo ay lumihis sa tunay na mensahe ni Hesus.


Tunghayan natin ang ilang talata ng Bibliya upang ganap


nating mapatunayan ang katotohanan ng paksang ito.


Hindi ako isinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa


bahay ni Israel. (Mateo 15:24)


Ang talatang ito ay malinaw na nagbibigay patunay


tungkol sa paksang ito. Ang mensahe ni Hesus ay tanging


para lamang sa mga Israelita.


Karagdagan pa nito, sinabi pa ni Hesus sa kanyang mga


disipulo:


Huwag kayong humayo sa landas ng mga Hentil at sa


sa ilalim ng lupa. Sa lupa tayo nagmula kaya naman sa


lupa rin ang pagbabalik. Samakatuwid, ang paglilibing


sa patay noong panahon ni Hesus at maging sa mga


naunang panahon ay katulad din ng pagsasagawa ng


mga Muslim sa ngayon. Ang tanong, Sino ngayon ang


inililibing na katulad ng pagkakalibing kay Hesus?


Hindi ba Muslim lamang ngayon ang nagsasagawa nito?


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


38 39


{O, Angkan ng Israel, sambahin ninyo ang Allah


(Diyos), na aking Panginoon at inyong Panginoon.


Katotohanang ang sinumang magtambal sa Allah ay


tunay na ipagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso


at ang Apoy ang kanyang tirahan..}. [Qur’an 5:72]


Ang Bibliya at maging ang Banal na Qur’an ay tuwirang


nagpatunay na ang mensahe ni Hesus ay para lamang sa


mga ligaw na tupa ng Israel. Ang mensahe ni Hesus ay


isang katuparan ng batas ni Moises, sapagka’t si Moises


ay para lamang sa mga Israelita katulad ni Hesus. Sinabi


pa niya (Hesus):


Ako ay naparito hindi upang sirain ang batas kundi


para tuparin. (Mateo 5:17)


Ang batas na tinutukoy ni Hesus ay walang iba kundi


ang Batas ni Moises, sapagka’t wala namang kinikilalang


batas ang mga Hudyo (Israelita) maliban sa Batas na


iniwan ni Moises. Ito ang batas na tinupad ni Hesus at


hindi niya sinira o sinalungat. Walang dala-dalang bagong


batas si Hesus na salungat sa mga aral ng lahat ng Propeta


kaya naman ang mga pangunahing paniniwala ng mga


naunang mamamayan ay katulad din ng kanyang mga


aral, halimbawa, ang pagsamba sa Nag-iisang Diyos,


ang pagdarasal, ang pag-aayuno, ang kawanggawa, ang


pakikipag-ugnayan sa kapwa, ang paghahanap-buhay at


iba pang aspeto ng tamang pamumuhay.


mga bayan ng mga Samaritano, nguni’t kayo ay humayo


sa mga naligaw na tupa ng Israel. (Mateo 10:5-6)


Kung sa bibig mismo ni Hesus ay lumabas ang kautusang ito,


sino sa atin ang maaaring sumalungat sa kautusang ito? Kung


ang mga pagano (Hentil) at mga Samaritano ay hindi sakop


ng mensahe ni Hesus bagaman sila ay karatig bayan lamang


ng kinaroroonan ni Hesus, tayo pa kayang mga Pilipino na


ang agwat ng panahon at lugar ay labis ang kalayuan?


Dapat nating isipin kung bakit labindalawang disipulo ang


pinili ni Hesus sa kanyang pangangaral dahil nakalaan ang


mga ito sa labindalawang tribu ng Israelita (ang mga Anak


ni Israel).


Tuwing mangangaral si Hesus ang kanyang tinutukoy ay


ang mga Israelita:


Ang una sa lahat ng kautusan ay: Pakinggan mo O,


Israel, ang ating Panginoong Diyos ay isang Panginoon.


(Markus 12:29)


Kung tunay nga na si Hesus ay para sa sangkatauhan,


magkagayon, dapat sana na ang kanyang panawagan ay


para sa lahat ng tao. “O, sangkatauhan!” o kaya naman


ay ganito ang panawagan “O, mga tao!” upang sa gayon


ay magkaroon ng patunay na siya nga ay para sa lahat.


Sa Banal na Qur’an, matutunghayan din na ang mensahe


ni Hesus ay para lamang sa mga mamamayan ng Israel.


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


40 41


Ang Ikasampung Katibayan:


ANG KALIGTASAN AYON KAY HESUS


Bawa’t tao ay may masidhing pagnanasang makamtan ang


kaligtasan mula sa Apoy ng Impiyerno, kaya naman bawa’t


isa ay nagtatangkang gawin ang lahat ng kakayahan bilang


paghahanda sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay isang araw


na walang makatutulong sa sinuman maliban yaong mga


taong may mabubuting gawa at tamang pananampalataya.


Sa paniniwala ng mga Kristiyano, ang pagpako ni Hesus sa


Krus ang siyang dahilan ng kaligtasan sa Apoy, sapagka’t


ayon sa kanilang mga aral, ang tao ay may minanang


kasalanan mula sa unang magulang na si Adan at Eba. Ang


paniniwalang ito na tinanggap ng makabagong Kristiyano


ay hindi isang aral na nagmula sa orihinal at wagas na


mensahe ni Hesus.


Si Hesus ay nagpatunay:


At masdan, isa ang dumating at nagsabi sa kanya:


“Mabuting guro, anong mabuti ang aking gagawin


upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”


At siya’y nagsabi sa kanya: “Bakit mo ako tinatawag


na mabuti? Walang mabuti kundi Isa (Ang Dakilang


Kaya, sino mang tao ang nagsasabi na ang mensahe ni


Hesus ay para sa sangkatauhan, ito ay isang pagkakamali.


Natunghayan natin mula sa pahina ng Bibliya na isinugo


si Hesus para sa mga Israelita. Ito ay sinabi ni Hesus


at maging ang kanyang mga disipulo. Maliwanag ang


pahayag ng Bibliya tungkol dito at inayunan naman ng


Banal na Qur’an ang paksang ito. Kaya, hindi lamang


mga Muslim ang naniniwala at naninindigan tungkol dito,


bagkus higit sa lahat mismong ang aral ng Bibliya ang


ganap na tumutukoy sa paksang ito nang walang pasubali.


Kung ikaw ay simpleng Kristiyano, maaari mong itanong sa


iyong sarili, ako ba ay mula sa lahi ng Israelita? Ako ba ay


kabilang sa mga naligaw na tupa mula sa angkan ni Israel?


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


42 43


Ang Ikalabing-Isang Katibayan:


ANG KAPAYAPAAN BILANG PAGBATI


SA ARAW-ARAW NA BUHAY


Matutunghayan din sa Bibliya na ang gawang pagbati


ni Hesus sa kanyang mga mamamayan ay ang pagsabi


ng “Kapayapaan ay Sumainyo.” Ito ay isa ring katagang


maririnig sa araw-araw na takbo ng buhay ng mga Muslim.


Sa tuwina, ang “Assalamu Alaikum” ay isang katagang


sinasambit-sambit ng sinumang nagkakasalubong na


Muslim sa lahat ng pagkakataon bilang kanilang pagbati


sa isa’t isa.


Ang “Salam” at ang “Shalom” ay dalawang salitang


nagbibigay ng isang tanging kahulugan at ito ay ang


kapayapaan. Kung si Hesus ay bumabati ng kapayapaan


araw-araw at ang mga Muslim ay ganoon din ang kanilang


ginagawa bilang pagbati, magkagayon, ang mga Muslim


ay tunay na tagasunod ni Hesus at sila ang mga taong


kumikilala sa magandang aral ng pagbati ni Hesus.


Ang pagbati ng Assalamu alaikum (sumainyo nawa ang


kapayapaan) ay isang pandaigdigang pagbati na hindi


matatagpuan maliban sa relihiyong Islam. Ito ay isang


Lumikha), subali’t kung nais mong makamtan ang buhay,


panghawakan mo ang mga batas.” (Mateo 19:16-17)


Sinabi pa niya:


Ginagantimpalaan ng Diyos ang tao ayon sa kanyang


mga gawa. (Mateo 16:27)


Sa mga talatang nabanggit sa itaas, sinabi ni Hesus na


ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ang siyang batayan


upang makamtan ang kaligtasan. Sa maikling salita,


ang mabubuting gawa at hindi ang pagpako sa krus ang


siyang batayan ng kaligtasan. Kung katotohanan nga na


iniligtas ni Hesus ang sangkatauhan nang dahil sa kanyang


pagpako sa krus, ano pa kaya ang kahalagahan ng Araw


ng Paghuhukom? Ito ay hindi makatuwiran at salungat


sa diwa ng katarungan ng Makapangyarihang Diyos.


Kaya ang mga pangunahing paniniwala ng makabagong


Kristiyano katulad halimbawa ng paniniwala sa Orihinal


na Pagkakasala at maging ang Kaligtasan batay sa Pagpako


sa Krus ay walang katotohanan.


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


44 45


ANG PANANAW NG ISLAM TUNGKOL


SA PAGBABALIK NI HESU-KRISTO


Kung ang mga Kristiyano ay naniniwala sa muling


pagbabalik ni Hesus, ganoon din naman ang mga Muslim.


Sa pananaw ng Islam, ang pagbabalik ni Hesus ay may


mahalagang dahilan na dapat matupad.


Ang Sugo ng Diyos, na si Muhammad () ay nagsalaysay


ng isang magandang pananalita tungkol kay Hesus.


“Sa pamamagitan Niya (Diyos) na Siyang may tangan ng


aking kaluluwa! Katiyakan, na si ˋIsa (Hesus), na anak ni


Maryam (Maria) ay papanaog at makakahalubilo ninyo


at (bilang pinuno ng mga Muslim) siya ay maglilitis nang


makatarungan batay sa batas ng Qur’an. Kanyang


babakliin ang mga krus at papatayin ang mga baboy at


aalisin ang buwis ng Jizya (ito ay buwis na ibinabayad


ng mga di-Muslim sa pamahalaang Islam). Sa panahong


yaon, ang salapi ay sasagana at walang sinumang


tatanggap nito mula sa kaninuman. Sa panahong yaon,


ang pagpapatirapa (pagsubsob) ng mukha sa lupa


(bilang pagsamba) sa Allah (Diyos) ay higit na mabuti


kaysa sa buong mundo at sa nilalaman nito.”


pagbati na nagbibigay ng kasiyahan at may dalang


kaligayahan sa sinumang nakakasalubong at nakakarinig.


Ito ay may diwa ng paggalang at isang tunay na larawan ng


pagbibigay pitagan sa kanyang kapwa.


Kapayapaan ang hangarin ng lahat ng tao, kaya naman ito


rin ang pinakadiwa ng mensahe ng lahat ng Propeta mula


kay Adan hanggang sa Huling Propeta ng Diyos - na si


Propeta Muhammad ().


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


46 47


kaya naman, ito ang pangunahing layunin ng pagbabalik ni


Hesus. Sa ngayong makabagong panahon, ang pagsamba


ng mga Kristiyano ay nababahiran ng idolatriya, sapagka’t


ginawa nilang Diyos na nagkatawang-tao si Hesus. Ang


ibang sekta naman ng Kristiyanismo ay dumadalangin


sa mga santo at santa, nagtayo ng iba’t ibang estatuwa o


rebulto at itinuturing nila ang mga ito bilang mga banal o


may pagkadiyos. Ito ay taliwas sa unang kautusan at ganap


itong sumasalungat sa aral ng mga Propeta.


Pangalawa: Babakliin niya ang mga krus, sapagka’t ang


krus na siyang kinamulatang sagisag ni Hesus ay sadyang


walang katotohanan. Sa mga naunang panahon, ang parusa


ng isang taong nagkasala ay ang pagpako sa krus, kaya


naman, ito ay hindi angkop sa karangalan ni Hesus na siya


ay ipako sa krus.


Ayon sa Banal na Qur’an siya ay hindi napako sa krus,


bagkus siya ay itinaas ng Makapangyarihang Diyos at


iniligtas mula sa mga taong umalipusta sa kanya. Higit na


makatarungan ang salaysay ng Banal na Qur’an tungkol sa


pangyayaring ito kaysa sa salaysay ng Bibliya, sapagka’t


kung pag-aaralan ang Bibliya tungkol sa pagpako sa krus


kay Hesus, walang matatag na patunay tungkol dito.


Ikatlo: Papatayin ni Hesus ang mga baboy, sapagka’t ang


pagkain ng baboy ay tunay na karumal-dumal na gawain.


Ang babalang ito ay nakatala sa Lumang Tipan sa Kabanata


At sinabi pa niya (Muhammad ):


“Walang Propeta sa pagitan ko at ni ˋIsa (Hesus).


Katiyakang siya ay papanaog (at) babalik muli.


Samakatuwid, inyong makikilala siya kapag siya ay


inyong makikita. Siya ay mataas na lalaki na may maputi


at mamula-mulang kutis. Siya ay papanaog na may


kasuotang dalawang puting damit. Ang kanyang ulo ay


tila pinapawisan bagaman hindi ito basa ng pawis.”


(Sa panahon na iyon) ang Imam (namumuno sa


pagdarasal) ng mga Muslim ay isang mabuting tao.


At habang ang kanilang Imam ay naghahanda para


sa pang-umagang dasal (Salatul Fajr), si ˋIsa (Hesus)


anak ni Maryam (Maria) ay bababa sa kanila (sa


gawing Damascus). Ang kanilang Imam ay uurong


sa likuran upang bigyang puwang si ˋIsa (Hesus)


na siyang mamuno sa pagdarasal. Ilalagay ni ˋIsa


(Hesus) ang kanyang kamay sa pagitan ng balikat ng


Imam at siya ay magsasabi: “Humayo ka at manguna


o mamuno sa pagdarasal.”


Sadyang napakaganda ng salaysay ni Muhammad ()


tungkol sa pagbabalik muli ni Hesus. Ang layunin ni


Hesus sa kanyang pagbabalik ay maliwanag:


Una: Upang ibalik niya ang wagas at malinis na pagsamba


sa Nag-iisang Diyos. Ang tuwirang pagsamba sa Nag-iisang


Diyos ay siyang pangunahing aral ng lahat ng Propeta,


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


48 49


ng Allah (). Hindi katulad sa ibang relihiyon na kung


anu-ano ang itinataguri nila kay Hesus at maging kay


Birhen Maria. Halimbawa, tinatawag si Hesus na Black


Nazarene. Bakit siya tinawag na Black Nazarene, siya


ba ay maitim? Tinawag din siyang Sto Nino, bakit siya


tinawag na batang santo, siya ba ay santo? Tinawag din


siyang Jesus Christ Superstar. At maging sa kanlurang


panooring pampelikulang “The Last Temptation of Jesus


Christ” na kung saan may mga kasaysayan o tagpo na hindi


naman mababasa sa Bibliya! Ang isa pang aklat (nobela at


ginawang pelikula) na ikinalat sa buong mundo ay ang Da


Vinci Code, na kung saan sina Hesus at Maria Magdalena


ay gumanap bilang mag-asawa. Ang pelikulang ito ay


kumita ng limpak-limpak na salapi at pinanood ng milyunmilyong


kristiyano sa buong mundo. Ito ba ay maituturing


bilang isang karangalan para sa kanya o isang pangaalipusta


sa kanyang kabanalan?


At bilang huling pananalita, hayaan ninyong banggitin ko


ang isang magandang puna na isinulat ni George Bernard


Shaw, isang pinagpipitaganang Kristiyanong manunulat


mula sa Amerika. Sa kanyang aklat na “The Genuine


Islam” [Vol.-1 No.:81936], hayagan niyang sinabi na:


“Lagi kong inilalagay ang relihiyon ni Muhammad ()


sa mataas na pagpapahalaga dahil sa kahanga-hangang


tatag (at lakas) nito. Ito ang tanging relihiyon para sa akin


Leviticus at Deuteronomy. Bakit nga ba kumakain ng


baboy ang mga Kristiyano sa kabila ng maliwanag na


babala tungkol dito? Ayon na rin sa makabagong medisina,


ang baboy ay sadyang hindi karapat-dapat kainin ng tao,


sapagka’t ito ay may dala-dalang mga sakit.


Sa mga nabanggit na paliwanag, ako ay tapat na umaasa


sa ibang Kristiyano na nagsasabi na ang mga Muslim ay


Anti-Kristo ay magkaroon ng tamang pananaw tungkol sa


naturang paksa at higit sa lahat magkaroon ng pagkakataon


na bigyan ng kahit kaunting panahon na pag-aralan ang


relihiyong Islam.


Ang relihiyong Islam lamang ang tanging relihiyon na


nagbibigay ng maganda at maliwanag na pananaw tungkol


kay Hesus at maging sa kanyang dakilang Ina na si Birhen


Maria. Wala ng iba pang relihiyon sa kasalukuyan ang


nagtatanggol sa mga maling paratang tungkol kay Hesus


at sa kanyang ina maliban sa Banal na Qur’an.


Kaya, walang Muslim ang dapat taguriang Anti-Kristo


sa anupamang kaparaanan o dahilan, sapagka’t isang


pangunahing aral ng Islam ang dakilain at ikarangal ang


lahat ng Sugo at Propeta na ipinadala ng Nag-iisang Diyos


(ang Makapangyarihan at Kapita-pitagan).


Ang Islam ay maingat sa pagbibigay ng anumang


katawagan o kataga sa kaninumang Propeta maliban na


ito ay binanggit ng Qur’an at ng Hadith mula sa Sugo


SINO BA ANG ANTI-KRISTO? SINO BA ANG ANTI-KRISTO?


50 51


ang nagtataglay ng matatag na kakayahan sa nagbabagong


aspeto ng pamumuhay na nakagagawa ng sariling pangakit


sa bawa’t panahon. Aking pinag-aralan si Muhammad


() - ang kahanga-hangang tao at sa aking palagay siya ay


malayo sa pagiging Anti-Kristo. Dapat siyang tawaging


Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na


kung ang taong katulad niya ang gumanap na diktador sa


makabagong daigdig, siya ay magtatagumpay sa paglutas


ng mga suliranin sa paraang magdadala sa higit pang


kailangang kapayapaan at kaligayahan. Aking hinuhulaan


na ang relihiyon ni Muhammad () [ang Islam] ay ganap


na tatanggapin sa Europa sa darating na panahon na untiunti


ng tinatanggap sa Europa ngayon.”


Sa aking mga minamahal na mambabasa, dapat nga


bang tawaging Anti-Kristo ang mga Muslim? Kayo ang


humusga kung sino nga ba ang dapat tawaging Anti-


Kristo, ang mga Muslim ba na ganap na sumusunod sa


aral ni Hesus o yaong bulag na tagasunod ni Hesus?


Maraming salamat at nawa’y pagpalain tayo ng Poong


Maykapal sa lahat ng ating mga mabubuting gawain.


At ibilang tayo sa hanay ng mga mabubuting tao


hanggang sa Huling Araw. Ameen


IslamHouseTl Tagalog.IslamHouse islamhouse.com/tl/


user/IslamHouseTl



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG