Mga Artikulo




MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ANG PANIMULA


Lahat ng pagpupuri ay sa Nag-iisang Diyos (Allah)


lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Pinupuri


natin Siya at hinihingan ng tulong at kapatawaran.


Sinumang bigyang patnubay ng Diyos, walang


sinumang makapagliligaw sa kanya at sinumang


hinayaan Niyang maligaw, walang sinumang


makapagbibigay patnubay sa kanya. Ako ay sumasaksi


na walang ibang tunay na diyos maliban sa Nag-iisang


Diyos, na dapat pag-ukulan ng tapat na pagsamba. Ako


ay sumasaksi na si Muhammad ()1 ay alipin at Sugo


ng Diyos. Nawa’y ipagkaloob ng Dakilang Diyos ang


pagpapala sa kanya, sa kanyang pamilya, sa kanyang


mga kasamahan at sa lahat ng taong sumusunod sa


tamang landas hanggang sa Huling Araw.


Bawa’t kasaysayang ipinahayag ng Diyos sa Kanyang Huling


Aklat, ang Qur’an, ay naglalayong makapagturo sa tao ng


1 () – Ito ay isinusulat sa letrang english ng ganito: “Sallallaahu alayhi


wa sallam”, na binabanggit tuwing ang pangalan ng Propeta Muhammad


ay nasasambit. Ito ay isang Du’a (panalangin) para sa kanya na nawa’y


ipagkaloob sa kanya ang kapayapaan at pagpapala.


Qur’an 19:23 “At ang sakit (na dala) ng kanyang


panganganak ang naghatid sa kanya sa isang puno ng


datiles. Siya [Maryam (Maria)] ay nagwika: Sana’y


namatay na ako bago pa dumating ang pangyayaring


ito (ang panganganak) at ako ay nabaon na sa limot.”


Ito ang tagulaylay ng isang nagdadalamhating babae.


Siya ay malapit, mapagmahal at mapagtiwala sa


Diyos. Sino siya sa walang kupas na kasaysayan ng


sangkatauhan? Ano ang kanyang dalamhati? At bakit


kailangang pasanin niya ang pighati sa kabila ng


kanyang kabanalan, wagas at busilak na puso. Siya


ay si… MARIA (Ina ni Hesus) Ang Dakilang Babae


Ng Sangkatauhan.


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


8 9


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


Islam at ng mga Muslim, ang isa sa mga dakilang Babae


ng sangkatauhan - si Maria, ang anak na babae ni Imran.


Sa tatlong kinikilalang relihiyon sa buong mundo --- ang


Hudaismo (Judaism), Kristiyanismo at Islam, mayroong


tatlong kakaibang pananaw ang isinasaalang-alang ng mga


tagasunod nito sa katauhan ni Maria.


Sa pananaw ng mga Hudyo, ang pagkakilala nila sa kanya ay


sadyang nakapanlulumo sa dahilang si Maria ay itinuturing


bilang isang masama o maruming babae na nagkasala ng


pangangalunya. Kaya naman, si Hesus sa kanilang paningin


ay isang anak sa pagkakasala, at samakatuwid, isang huwad


na Propeta.


Sa panig naman ng ibang sekta ng relihiyong


Kristiyanismo, ang kanilang pagkakilala kay Maria ay


sadyang lagpas sa makatuwirang pananaw ng isang


mabuting mananampalataya. Siya ay tinaguriang “Ina ng


Diyos” sapagka’t kinilala naman ang kanyang anak na si


Hesus bilang anak ng Diyos o Diyos na nagkatawang-tao.


Sa relihiyong Islam, ang pananaw ng isang Muslim tungkol


kay Maria ay nasa makatuwirang pagitan ng relihiyong


Hudaismo at Kristiyanismo. Si Maria ay hindi masamang


babae tulad ng pagturing ng mga Hudyo at hindi rin naman


bilang “Ina ng Diyos” katulad ng pagturing ng ibang


Kristiyano. Ang pagkilala ng Muslim kay Maria ay batay


mga aral tungo sa pagiging mabuting mananampalataya. Ang


Qu’ran ang humahawi ng mga haka-haka, maling kaisipan o


pagkilala at maging ang walang katotohanang iniuugnay sa


bawa’t tao o bagay na itinuturing na may malaking bahagi


ng pananampalataya. Kaya’t ang Qur’an ay tinawag na Al-


Furqan (isang salita mula sa wikang Arabik na may kahulugan


na “Pamantayan”), sapagka’t ito ay tumatayo bilang


pamantayan sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan.


Ito ang nagsisilbing tagapagpaliwanag ng mga pangyayari o


kasaysayan sa nagdaang panahon upang ganap na maituwid


ang mga kamalian tungkol dito at muling ibalik sa antas ng


katotohanan.


Ang isang halimbawa na binigyan ng liwanag ay ang


katotohanan tungkol sa buhay ni Maria1 ang dakilang Ina


ni Hesus2 (ˋIsa), sapagka’t ang magandang kasaysayang


ipinahayag ng Banal na Qur’an tungkol sa kanya ay


makapagdudulot ng higit pang magandang kaisipan


hindi lamang sa mga Muslim kundi sa mga Kristiyano na


nagmamahal sa kanya. Ang kanyang kalinisan, at wagas


na pagsamba ay sadyang maingat na nakatala sa Banal na


Qur’an. At ito ay isang palatandaan lamang kung gaano


pinarangalan at patuloy na pinararangalan ng relihiyong


1 Ang pangalan ni Maria sa wikang Arabik ay Maryam. Sa kapakanan ng


mga mambabasang di-muslim, ipagpapatuloy ang paggamit ng pangalang


“Maria” sa aklat na ito.


2 Ang pangalan ni Hesus sa wikang Arabik ay Isa. Sa kapakanan ng mga


mambabasang di-muslim, ipagpapatuloy ang paggamit ng pangalang


“Hesus” sa aklat na ito.


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


10 11


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ay nagpahayag ng isang katotohanan upang bigyang


katarungan ang tunay na pangyayaring naganap kay Maria


at kay Propeta Hesus.


Ang kapahayagan ng Banal na Qur’an ay hindi pansariling


pagnanasa ng Propeta Muhammad () kundi isang


kautusan sa kanya bilang huling Sugo ng Diyos para


sa sangkatauhan. Sinunod lamang niya ang anumang


kapahayagan ng Diyos sa kanya. Kaya, ang Banal na


Qur’an ay nagpatunay nito:


Qur’an 10:15 “Sabihin mo (O Muhammad ), wala sa


akin ang karapatan upang baguhin ito nang ayon sa aking


(sariling) pagnanasa. [Bagkus], wala akong sinusunod


maliban sa kung ano ang ipinapahayag sa akin.”


Qur’an 10:16 “Kung ninais lamang ng Allah (Diyos),


hindi ko ito magagawang bigkasin (o isiwalat) sa inyo…”


Qur’an 3:44 “(Ito ay) bahagi ng mga balita mula sa Al-


Ghayb (di-nakikita) na Aming ipinapahayag sa iyo (O


Muhammad)…”


sa kapahayagan ng Qur’an at sa mga Hadith1 ni Propeta


Muhammad (). Si Maria ay isa sa pinakadakilang babae


ng sangkatauhan. Ang kanyang kasaysayan ay isang


malaking bahagi ng Kapahayagan ng Banal na Qur’an,


ang aklat na paulit-ulit na binibigkas at binabasa ng mga


Muslim sa kanilang pang-araw-araw na pagsamba sa


Dakilang Lumikha.


Bagaman si Propeta Muhammad () ay mula sa mga


arabong lahi ni Propeta Ismael [isa sa anak ni Propeta


Abraham (Ibrahim)] siya mismo ang nagtanggol at


nagbigay patunay sa dalisay at kalinisan ng puri ni Maria


at sa karangalan ni Hesus (ang mag-ina na mula sa angkan


ng Israel na kung saan naman nagsanga ang lahi ng mga


Hudyo). Taliwas sa mga paratang ng mga Hudyo, na dapat


sana ay magbigay ng karangalan kay Maria at kay Hesus


dahil iisa ang kanilang pinag-ugatang lahi. Ang itinakdang


magtanggol kay Maria at Hesus ay mula sa lahi ng mga


Arabo, si Propeta Muhammad ().


Sa mahabang panahon, ang hidwaan ng mga Hudyo at


Arabo ay patuloy magpahanggang sa ngayon. Subali’t,


sa kabila nito, ang Banal na Qur’an na ipinagkatiwala


kay Propeta Muhammad () na nagmula sa lahing arabo


1 Hadith - ito ay mga tinipong mga salita, aral o mga bagay na sinang-ayunan


o ipinagbawal ng Sugo, na si Muhammad ().


13


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


MARIA - ANG KASAYSAYAN


Ating tunghayan ang kasaysayan ni Maria, ang dakilang ina


ni Hesus. Ang salaysay ng Surah Maryam (Isang kabanata


mula sa Banal na Qur’an) na tumatalakay tungkol kay Maria


ay sadyang tumatagos sa puso ng sinumang mambabasa.


Walang aklat sa buong kasaysayan ang nakapagbigay ng


isang maganda at wagas na damdamin tungkol sa kadakilaan


ni birhen Maria maliban sa Banal na Qur’an, ang Huling


Kapahayagan ng Nag-iisang Diyos na ipinagkatiwala Niya


sa Kanyang Huling Sugo at Propeta - si Muhammad bin


Abdullah. Walang mata ang hindi luluha sa kabanal-banalan


at napakagandang salaysay ng Banal na Qur’an tungkol kay


Maria, isang dakilang babae ng sangkatauhan. Bawa’t talatang


tumatalakay sa kanyang katauhan ay tigib ng inspirasyon


at umaakay sa magandang damdamin ng bawa’t taong


nagmamahal at may matiim na paghanga sa kanya. Sino pa


nga ba ang makapagbibigay ng magandang salaysay upang


pukawin ang ating puso kundi ang Isang Tanging Diyos na


Makapangyarihan sa lahat. Siya ay may Ganap na Kaalaman,


ang may ganap na Karunungan. Sinumang mambabasa,


maging siya man ay Muslim o Kristiyano ay katiyakang hindi


mapasusubalian ang karangalang ipinagkaloob ng Dakilang


Maykapal kay Maria - ang babaing nagmula sa angkan ng


mabubuting puso ng sangkatauhan.


15


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


PINAAGNMGU ALNAGNK NAI NMGA RIA


Si Maria ay mula sa angkan ng mga Propeta. Ang kanyang


mga magulang ay sina Imran at Hannah bint Faqoud.


Ang Allah (Diyos) ay nagsabi sa Banal na Qur’an:


Qur’an 3:33-34 “Katotohanan! Pinili ng Allah (Diyos)


si Adam (Adan), Nuh (Noah), at ang angkan ni Ibrahim


(Abraham) at ang angkan ni Imran ng higit sa lahat ng


(Kanyang mga) nilikha. Bawa’t isa sa kanila ay lahi ng


isa’t-isa. At ang Allah (Diyos) ay Nakaririnig, Nakaaalam.”


Si Hannah ay hindi magka-anak sa mahabang panahon.


Sa kanyang mataimtim na panalangin, siya ay humiling


at nagsumamo sa Mahabaging Diyos na siya ay pagpalain


sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanya ng isang anak


at bilang isang panata o pangako, ang batang kanyang


isisilang ay kanyang iaalay para sa paglilingkod sa Diyos.


Ang Banal na Qur’an ay nagpatunay nito:


Qur’an 3:35 “(Alalahanin)! Nang ang asawa ni Imran


ay nagsumamo: “O, aking Panginoon (Allah)! Ako ay


nangangako sa Iyo na ang sanggol sa aking sinapupunan


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


16 17


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ANG PANGANGALAGA AT


PAGPAPALAKI KAY MARIA


Kaya, tinanggap ng Diyos ang dalangin ng ina ni Maria.


Ang Banal na Qur’an ay nagpatunay nito:


Qur’an 3:37 “Kaya, tinanggap ng kanyang Panginoon


(Allah) mula sa kanya nang may kaaya-ayang


pagtanggap. At pinagyaman Niya ito sa mabuting asal


at inilagay siya sa ilalim ng pangangalaga ni Zakariya.”


Ayon sa pagtatala ni Ibn Jabir, si Ikrimah ay nagsabi,


“Dinala ng ina si Maryam (Maria) na nakabalot pa sa


lampin sa mga Rabbi, ang mga inapo o lahi ni Propeta


Haron (Aaron), ang kapatid ni Musa (Moises). Noong


panahong iyon, ang pangangasiwa at pangangalaga ng


Bayt Al-Maqdis (sa Herusalem) ay nasa mga kamay ng


mga Rabbi. Sinabi ng ina ni Maryam (Maria), “Kunin ang


batang ito na aking ipinangakong maglilingkod sa Allah


(Diyos). Siya ay aking anak at pinalalaya ko na siya at


hindi ko na siya ibabalik sa aming pamamahay.” Sila ay


nagsabi, ‘Anak siya ng ating Imam1, sapagka’t laging


1 Imam - ito ay islamikong katawagan o taguri sa sinumang namumuno sa


sama-samang pagdarasal na isinasagawa sa isang Masjid (Moske).


ay iaalay ko sa Iyo bilang paglilingkod sa Iyo (tanging sa


pagsamba lamang sa Iyo), kaya tanggapin Mo ito mula sa


akin. Tunay, na Ikaw ang Nakaririnig, ang Nakaaalam.”


Kaya, nang isinilang niya ang sanggol, siya ay nagsabi


nang may pasasalamat at kasiyahan:


Qur’an 3:36 “O aking Panginoon (Allah)! Ako ay


nagsilang ng isang batang babae. At ang Allah (Diyos) ang


higit na nakakaalam sa kanyang isinilang. Datapuwa’t


ang lalaki ay hindi katulad ng babae (sa paglilingkod)


at Aking pinangalanan Siyang Maryam (Maria) at ako


ay nagpapakupkop sa Iyo para sa kanya at sa kanyang


magiging anak laban kay Satanas, ang isinumpa1.”


1 Sa pagsasalaysay ni Abu Hurairah, si Propeta Muhammad () ay nagsabi:


“Bawa’t bagong silang na sanggol ay hinahawakan ni Satanas. At ang


sanggol ay magsisimulang umiyak nang dahil sa kanyang paghawak maliban


kay Maryam (Maria) at sa kanyang anak (si ˋIsa, [Hesus]).” (Tafsir Ibn


Khatir, vol 2. pahina 150)


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


18 19


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


kanyang pamumuhay. Ang pagkain ni Maria ay tuwirang


nagmumula sa Diyos. Kaya, minsan ay namangha ang


kanyang tagapag-alaga at kanyang amaing si Propeta


Zakariya, sapagka’t:


Qur’an 3:37 “Tuwing pumapasok si Zakariya sa Mihrab


(silid-dalanginan) upang dalawin siya (Maryam), kanyang


natatagpuang mayroong pagkain doon. Siya (Zakariya)


ay nagsabi: O, Maryam (Maria)! Saan mo kinuha ang


mga ito (pagkain)? Siya (Maryam) ay nagsabi: Ito ay


nanggaling sa Allah (Diyos). Katotohanan, ang Allah


(Diyos) ay nagkakaloob ng panustos sa kaninumang


Kanyang naisin, ng walang sukat.”


Mula sa pagpapaliwanag [Tafsir ni Ibn Kathir vol 3


pahina 151, Tafsir ng Surah Al-Imran, Ayah bilang (37)


na hinango sa panulat ni Ibn Abu Hatim 2:227-229] na


ayon kay Mujahid, Ikrimah, at iba pang manunulat ng


kasaysayan:


“Natatagpuan niya (Zakariya) si Maryam (Maria) na


kung panahon ng tag-lamig, nakikita niyang mayroon


itong mga prutas na pantag-araw. At kung tag-araw


naman, natatagpuan niyang mayroong mga prutas na


pantag-lamig”.


pinamumunuan sila ni Imran sa pagdarasal, siya ang


nagsasaayos sa mga ritwal ng pag-aalay. Si Zakariya1 ay


nagsabi: Ibigay siya sa akin dahil ang kanyang tiyahin


sa kanyang ina ay aking asawa. Sila (mga Rabbi) ay


nagsabi: Hindi maaatim ng aming kalooban na ibigay siya


sa iyo dahil siya ay anak ng aming Imam. Kaya, sila ay


nagsagawa ng loterya sa pamamagitan ng kanilang panulat


na ginamit nila sa pagsusulat ng Tawrah (Torah ni Moises),


at si Zakariya ang nagwagi at kinuha si Maryam sa ilalim


ng kanyang pangangalaga (At-Tabari 6:351).


Ang pagtatalong ito ay ipinahayag ng Banal na Qur’an


bilang bahagi ng kasaysayang nagdaan:


Qur’an 3:44 “(Ito ay) bahagi ng mga balita mula sa


Al-Ghayb (di-nakikita) na Aming ipinapahayag sa iyo


(O Muhammad). At ikaw ay hindi naroroon sa kanila


(sa panahong yaon), nang sila ay maghagis ng kanilang


mga panulat upang pagpasiyahan kung sino sa kanila


ang mangangalaga kay Maryam (Maria), at ikaw ay


wala sa kanila nang sila ay magtalo-talo.”


Lumaki si Maria na may angking kabanalan, taglay


ang kabaitan, busilak at kalinisan ng puso at mataas na


antas ng pag-uugali at kagandahang-asal. At dahil sa


pagpapala ng Diyos sa kanya, may kaakibat na himala ang


1 Si Zakariya ay asawa ng kapatid ni Hannah bint Faquod, ang ina ni Maria.


Siya ang ama ni Juan Bautista (Yahya), kaya ang huli at si Hesus ay


magpinsang-buo.


21


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ANG MAKGAAYN MDAARNIGA BALITA


Ang Unang Yugto


Ang Pagpili Ng Diyos Kay Maria


Ito ang Tafsir (paliwanag) ni Ibn Kathir1 sa simula ng


kasaysayan ni Maria: Ang Makapangyarihang Diyos ay


nagsabi na ang mga anghel ay nagsalita kay Maria sa


pamamagitan ng Kanyang Kautusan at ibinalita sa kanya na


siya ay pinili o hinirang bilang huwarang babae nang dahil


sa kanyang katapatan sa paglilingkod sa Kanya, sa kanyang


pagiging mahinhin, marangal, kawalang kamuwangan sa


makamundong bagay, at katatagan sa pananampalataya.


At siya ay pinili nang dahil sa kanyang mga katangian


nang higit sa kaninumang babae sa mundong ito.


Qur’an 3:42 “At (alalahanin), nang ang mga anghel ay


nagsabi: “O, Maryam (Maria)! Katotohanan, pinili ka


ng Allah (Diyos), ginawang malinis (at wagas) at pinili


ka nang higit sa mga kababaihan ng lahat ng nilalang.”


1 Si Ibn Kathir ay isang pinagpipitaganang iskolar ng Islam na may sariling


Tafsir (pagpapaliwanag ng Qur’an) na may pamagat na “Tafsir Ibn Kathir”


(Volume 1-10).


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


22 23


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


mataas na karangalan sa daigdig na ito at sa kabilang


buhay. At siya ay nasa (hanay ng) mga malalapit (sa


Allah). At siya ay magsasalita sa tao mula sa (kanyang)


duyan (kamusmusan) at kagulangan. At siya ay nasa


(hanay ng) mga matutuwid. Siya (Maryam) ay nagwika:


O aking Panginoon (Allah)! Paano ako magkakaroon ng


anak gayong walang tao (lalaki) ang sumaling sa akin?


Siya ay nagwika: (Kahit na) Ganyan ang Allah (Diyos),


lumilikha ng anumang Kanyang naisin. Kapag Kanyang


itatakda ang isang bagay, Siya ay magsasabi (lamang)


ng “Kun” (Maging), at ito ay mangyayari nga.”


Sa talatang nabanggit sa itaas, si Maria ay tunay na


larawan ng isang malinis na babae at busilak na puso. Siya


ay sagisag ng walang kamuwangan, kaya naman siya ay


namangha nang sabihin sa kanya ng mga anghel na siya


ay magsisilang, samantalang siya ay ganap na birhen na


kailanman ay walang nakasaling sa kanyang pagkababae.


Gayon pa man, ang kanyang katatagan sa pananalig sa


Makapangyarihang Diyos ang nagbigay liwanag sa kanya


upang tanggapin niya ang kagila-gilalas na himalang ito


na may kaakibat ng tungkuling nakaatang sa kanya bilang


isang alipin o lingkod ng Makapangyarihang Diyos.


Natanim sa kanyang pag-iisip ang katatagan ng pananalig


sa Ganap na Kapangyarihan ng Diyos, na anuman ang


Kanyang likhain o naising gawin, ito ay tunay ngang


magaganap at mangyayari nang walang pag-alinlangan


Bilang panimulang kautusan kay Maria, siya ay inutusan


ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel na dagdagan niya


ang kanyang mga gawaing pagsamba, pagpapakumbaba,


pagpapatirapa, pagyukod upang kanyang ganap na


magampanan kung ano ang itinakda ng Diyos para sa kanya.1


Qur’an 3:43 “O, Maryam (Maria)! Isuko mo ang iyong


sarili nang may ganap na pagtalima (pagsunod) sa


iyong Panginoon (Allah) at iyong ipatirapa ang sarili,


at iyuko kasama ng mga nagsisiyuko.”


Ang Ikalawang Yugto


Ang Magandang Balita ni Anghel Gabriel Kay


Maria Tungkol Kay Hesus


Dumating ang mga anghel na may magandang balita


kay Maria na siya ay magsisilang ng isang marangal na


sanggol na may dakilang layunin. Ang Makapangyrihang


Diyos ay nagpahayag:


Qur’an 3:45-47 “Tandaan! Nang ang mga Anghel ay


nagwika: O, Maryam (Maria)! Katotohanan, ang Allah


(Diyos) ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng


isang Salita mula sa Kanya: ang kanyang pangalan ay


Mesiyas, ˋIsa (Hesus), anak ni Maryam (Maria), na may


1 Ang paliwanag na ito ay mula sa Tafsir ni Ibn Kathir, isang pinagpipitaganang


iskolar ng Islam na matatagpuan sa kanyang aklat na may pamagat na “Tafsir


Ibn Kathir” (Volume 2) pahina 157.


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


24 25


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


nagsabi: Ako ay Sugo lamang ng iyong Panginoon


(upang ibalita sa iyo) ang isang pagpapala (bilang


handog sa iyo) ang (pagkakaroon mo ng) isang matuwid


na anak na lalaki.”


Sa talatang nabanggit sa itaas, ipinaalala kay Maria na


siya ay pagpapalain at pagkakalooban ng isang anak na


lalaki (Hesus) bilang handog sa kanyang pagiging malinis


at matibay na pananampalataya. Upang magkaroon ng


katiyakan si Maria na ang lalaking kanyang kaharap ay


isang tunay na anghel, siya (Maria) ay nagtanong:


Qur’an 19:20 “Siya [Maryam (Maria) ay nagsabi:


“Paanong ako ay magkakaroon ng isang anak na


lalaki, samantalang walang tao (lalaki) na sumaling sa


akin at ako ay hindi isang maruming babae?”


Ang Anghel Gabriel ay sumagot:


Qur’an 19:21 “Siya [Jibreel (Gabriel)] ay nagsabi:


Gayon nga, ang iyong Panginoon (Allah) ay nagsabi:


Yaon ay madali para sa Akin at Aming itinakda siya


[ˋIsa (Hesus)] bilang palatandaan1 sa sangkatauhan at


1 Si Hesus at maging ang kanyang Ina na si Maria ay isang palatandaan para


sa sangkatauhan. Ang Dakilang Lumikha ay nagpapahiwatig sa tao na Siya


ay Ganap na Makapangyarihan. Kung itakda Niya ang isang bagay, Siya ay


magsasabi lamang ng Kun (Maging), at mangyayari nga. Iba’t ibang uri ng


pamamaraan ang ipinakita ng Diyos sa paglikha Niya sa tao. Una, nilikha


Niya si Adan (Adam) na walang nakaugnay na babae (ina) at lalaki (ama)


sa kanya. Ikalawa, nilikha Niya si Eba (Hawa) mula sa tadyang ng isang


lalaki (Adan) ngunit walang nakaugnay na babae (ina). Ikatlo, nilikha Niya


si Hesus mula sa babae (kay Maria), nguni’t walang kinasangkutang lalake


(ama). Ikaapat, nilikha niya ang karaniwang tao mula sa ugnayang babae


Ang Ikatlong Yugto


Ang Pagdadalang-Tao ni Maria


Nagsalaysay ang Banal na Qur’an:


Qur’an 19:16-17 “At banggitin (mo) sa Aklat (Qur’an)


ang kasaysayan ni Maryam (Maria), nang siya ay


lumayo mula sa kanyang pamilya (upang humayong


mag-isa patungo) sa isang pook sa dakong silangan.


Siya ay naglagay ng tabing (upang ikubli ang sarili)


mula sa kanila pagkaraan ay Aming isinugo ang Ruh


[Anghel Jibreel (Gabriel)] at lumitaw sa kanya sa


anyong ganap na tao.”


Dahil sa tawag ng tungkulin mula sa Diyos si Maria ay


tumalima at sumunod sa kautusan. Sa kanyang pag-iisa,


biglang nagpakita ang Anghel Gabriel sa kanya sa ganap


na anyong tao, kaya siya ay namangha at nagwika:


Qur’an 19:18 “Katotohanan! Ako ay nagpapakupkop


sa Mahabaging (Allah) laban sa iyo, kung ikaw ay may


takot (sa Kanya).”


Dahil sa pangamba ni Maria, siya ay nagpakupkop sa


Diyos laban sa inaakala niyang panganib na kinahaharap.


Ngunit, ang Anghel Gabriel ay malugod na nagpakilala at


nagpaliwanag na siya ang Banal na Espiritu na isinugo ng


Diyos sa kanya upang pag-utusan lamang na maghatid ng


magandang balita para sa kanya:


Qur’an 19:19 “Siya [Anghel Jibreel (Gabriel)] ay


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


26 27


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


isang karaniwang babaing nagdadalang tao. Ang kanyang


kulay ay nagbago at maging ang kanyang pananalita. Mula


noon, wala nang tao ang dumalaw sa tahanan ni Zakariya.


Ang balita ng pagdadalang-tao ni Maria ay kumalat


mula sa mga angkan ng Israel. Ito rin ang simula na si


Maria ay paratangan o pagbintangan bilang isang babaing


nangalunya sa lalaking si Joseph (Yusuf1, ang karpintero)


sa dahilang ang huli ay nakitang nasa templo. Wala nang


tao pa ang nakakita kay Maria at wala rin siyang nakitang


tao mula nang siya ay magdalang-tao (Tafsir Ibn Kathir


vol. 6 pahina 244).


Ang Banal na Qur’an ay nagsalaysay tungkol sa naganap


na pangyayari:


Qur’an 19:22 “Kaya, siya ay ipinagbuntis niya at


inilayo niya sa isang malayong pook.”


1 Ito ang paliwanag sa Tafsir Ibn Kathir ng Surah 19 Maryam sa pahina


244 (vol 6). Ang Banal na Qur’an at maging sa mga Hadith ng Propeta


Muhammad () ay walang pahayag na si Joseph (Yusuf) ay naging asawa


ni Maria. Sapat na sabihin na pinanatili ng Islam ang ganap na kalinisan ni


Maria laban sa anumang dungis na iniaakibat sa kanyang dangal at puri. At


bilang muslim, ipinag-uutos na maging maingat sa pagbibigay ng anumang


pahayag na walang batayan mula sa Qur’an at Hadith. At tanging ang Diyos


lamang ang ganap na nakakaalam.


isang Habag mula sa Amin, at ito ay isang bagay na


itinakda na.”


Nang sabihin ni Anghel Gabriel kay Maria na ang lahat ay


naitakda na ng Diyos, buong puso at pagpapakumbabang


tinanggap ito ni Maria kalakip ng ganap na pagtitiwala at


katatagan. Ang Tafsir (pagpapaliwanag) sa pangyayaring


ito ay binigyan ng pagsasalaysay nang ganito: ‘Hinipan ni


Anghel Jibreel (Gabriel) ang kasuotang damit ni Maryam


(Maria). Pagkaraa’y, ang hininga ay pumasok sa kanyang


sinapupunan at siya ay naglihi. (Tafsir Ibn Khatir vol 6


pahina 244). Bilang karagdagang paliwanag (mula din sa


Tafsir Ibn Khatir pahina 244), si Muhammad bin Ishaq


ay nagsabi, “Nang siya ay maglihi habang sumasalok ng


tubig sa balon, siya ay bumalik sa kanyang kamag-anak.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag tungkol sa himalang


naganap at nangyari kay Maria:


Qur’an 21:91 “At siya [Maryam (Maria)] na nangalaga


sa kanyang kalinisan (dangal at puri): Amin siyang


hiningahan (sa manggas ng kanyang damit [sa


pamamagitan ng Anghel Jibreel (Gabriel)].…”


Pagkaraan nito, ang kanyang buwanang regla ay tumigil at


siya ay nagsimulang makaranas ng karamdamang tulad ng


(ina) at lalaki (ama). Kaya, ang pagkakalikha sa tao ng Makapangyarihang


Diyos sa anumang pamamaraan ay isang pagpapahiwatig ng Kanyang walang


hanggang Kadakilaan at Kaluwalhatian. Ang kapangyarihan sa paglikha at


kautusan ay para lamang sa Kanya. Kaya naman, nararapat lamang na ang


tapat na pagsamba ay iukol at ialay lamang sa Kanya (Allah).


29


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ANG PANGANGANAK NI


MARIA


Ang kabanalan ng tungkulin ni Maria ang siyang nagbigay


katatagan sa kanya upang siya ay magpakasakit alang-alang


sa katuparan ng layuning nakaatang sa kanya. Mag-isa


niyang binalikat ang pagdurusang ito, subali’t ang patnubay


ng Dakilang Maykapal ay nasa kanya. At natagpuan na


lamang ang sarili na tigib ng dalamhati sa isang pook.


Ang Banal na Qur’an ay nagsalaysay:


Qur’an 19:23 “At ang sakit (na dala) ng kanyang


panganganak ang naghatid sa kanya sa isang puno ng


datiles. Siya (Maryam) ay nagwika: Sana’y namatay


na ako bago pa dumating ang pangyayaring ito (ang


panganganak) at ako ay nabaon na sa limot.”


At pagkaraan ng pagdurusa at pighating dala ng hirap ng


panganganak, siya ay nagsilang ng isang lalaking sanggol.


At kaakibat nito ay ang mga himala ng pagsilang.


Qur’an 19:24 “Pagkaraan, isang tinig mula sa kanyang


paanan ang tumawag: “Huwag kang malumbay, ang


iyong Panginoong (Allah) ay nagbigay sa iyo ng isang


bukal ng tubig sa iyong paanan.”


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


30 31


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ANG PAGBABALIK NI MARIA


SA KANYANG ANGKAN


Dahil sa kautusan ng Diyos, nagsimula siyang maglakbay


pabalik sa kanyang pamayanan nang buong katatagan at


tibay ng kalooban. Dala-dala niya ang sanggol na si Hesus,


at sa pagkakataong ito, siya ay nakahandang magbigay ng


patunay para sa tunay na nangyari. Kaya, siya ay hindi


na rin nabahala para sa ano mang sasabihin sa kanya ng


mga tao, sapagka’t ang himala ng kanyang sanggol na


anak ay higit na magbibigay liwanag tungkol sa kanyang


pagkakaroon ng anak na hindi sumailalim sa karaniwang


daloy ng pagiging ina.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag tungkol dito:


Qur’an 19:27 “At kanyang dinala siya (ang sanggol)


patungo sa kanyang mga angkan. Sila (mga tao)


ay nagsabi: O Maryam (Maria)! Tunay na ikaw ay


nagdala ng isang bagay na kamangha-mangha!”


At ang ilan sa mga taong nakapaligid sa kanya ay nagtanong


at nag-usisa sa kanya nang may bahid ng panunumbat at


pag-aalinlangan, sapagka’t ang kanilang lahi o angkan ay


bantog sa pagiging makadiyos at kilala bilang marangal


Qur’an 19:25 “At iyong yugyugin ang puno ng datiles


(mula sa iyong itaas), (at) maglalaglagan sa iyo ang


mga sariwang hinog na bunga.”


Ang bumalon na bukal na tubig sa tabi ng kanyang paanan


at ang mga bunga ng datiles ay nagsilbing pagkain at


inumin niya upang mapawi ang kanyang gutom at uhaw.


Isang himalang maituturing ang kalagayang ito ni Maria,


sapagka’t nagkaroon siya ng kakaibang lakas upang


yugyugin niya ang isang puno ng datiles na hitik ng bunga.


Ito ay isang palatandaan lamang na siya ay ganap na


pinatnubayan at pinagpala ng Dakilang Maykapal. Nang


siya ay naging malakas na, siya ay pinagpayuhang huwag


makipag-usap sa kaninuman.


Qur’an 19:26 “Kaya, kumain ka at uminom, at magsaya


sa sarili. At kung sakali mang iyong makadaup-palad


ang sinumang tao, iyong sabihin “Katotohanan! Ako


ay nagbigay panata sa Mahabaging [Allah (Diyos)] na


umiwas (sa kaninuman), kaya hindi ako makikipagusap


sa kaninumang tao sa araw na ito.”


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


32 33


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


kapahayagang ito ay isang palatandaan ng malinis at wagas


na puso ng isa sa mga dakilang babae ng sangkatauhan.


Qur’an 19:29 “At kanyang itinuro siya (ang sanggol).


Sila (mga tao) ay nagwika [kay Maryam (Maria)]:


“Paano namin makakausap ang isang batang (musmos)


na nasa duyan1?”


1 Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na ang Sugo (Muhammad ) ay nagsabi:


“Walang sinuman ang nagsalita sa kanilang kamusmusan maliban sa tatlo:


(Ang una ay si ˋIsa bin Maryam [Hesus, anak ni Maria]), (ang ikalawa ay):


Mayroong isang lalaki mula sa angkan ni Israel na ang ngalan ay Juraij. Habang


siya ay nagdarasal, ang kanyang ina ay dumating at tinawag siya. Sinabi niya


sa kanyang sarili, “Dapat ko ba siyang sagutin o ituloy ko ang pagdarasal?”


Siya ay nagpatuloy sa pagdarasal at hindi niya sinagot ang ina. Ang kanyang


ina ay nagsabi, “O, Allah (Diyos), huwag Mo pong itulot na siya ay mamatay


hanggang hindi siya makatagpo ng isang babaing mababa ang lipad (nagbibili


ng aliw). Kaya, habang siya ay nasa pag-iisa (kalagayang hermitanyo), isang


babae ang dumating at inakit siya, nguni’t siya ay tumanggi. Kaya, ang babae


ay nagtungo sa isang pastol at inalay ang sariling katawan upang makipagtalik,


at pagkaraan, siya ay nanganak at sinabing ito ay anak ni Juraij. Ang mga tao,


samakatuwid, ay dumating sa kanya at siya ay inabuso. Si Juraij ay nagsagawa


ng (Wudu’) paglilinis sa katawan at nag-alay ng (mataimtim na) pagdarasal,


at pagkaraan ay nagtungo sa batang musmos at nagsabi: O, batang musmos!


Sino ang iyong ama? Ang bata ay sumagot, “Ang pastol”. Nang marinig ito,


ang mga tao ay nagsabi: Ipagpapatayo ka namin (O Juraij) ng iyong tirahan


(sa pagiging hermitanyo) na yari sa ginto,” nguni’t siya ay nagsabi: “Hindi,


ipagpagawa na lamang ninyo ako ng isang yari sa luwad (lupa).” (Ang ikatlo ay


isang bayani ng isang kasunod na kuwento): Ang isang babae mula sa angkan


ni Israel ay nagpapasuso ng kanyang anak nang ang isang makisig na lalaki ay


dumaan sa kanya. Siya ay nagsabi, “O, Allah (Diyos)! Gawin Mong katulad


niya ang aking anak.” Sa pagkakataong yaon, ang batang musmos ay tumigil sa


pagsuso at humarap sa makisig na lalaki at nagsabi: “O, Allah (Diyos), huwag


Mo po akong gawing katulad niya. At pagkaraan, muling sumuso ang bata.


Pagkaraan, may mga taong nagdaan na may dalang babaing alipin at ang ina ng


bata ay nagsabi: “O, Allah (Diyos), huwag Mong gawin katulad nito (babaing


na lahing pinagmulan ng mga Propeta. Kaya, ang ilan nga


ay nagsabi:


Qur’an 19:28 “O kapatid na babae ni Haron1 (Aaron)!


Ang iyong ama ay hindi isang masamang tao at maging


ang iyong ina ay hindi isang maruming babae.”


At dahil nga si Maria ay nangakong hindi makipag-usap


sa kaninuman bilang isang tanda at kautusan, hindi siya


nagsalita bagkus itinuro niya ang batang sanggol. Sadyang


ang salaysay na ito ay makabagbag damdamin at tunay na ang


1 Si Maria ay tinawag na kapatid na babae ni Aaron (Haron), sapagka’t siya ay


mula sa angkan ng mga Propetang sina Moises at Aaron (at ito ay isang kawikaan


o katagang naibubulalas (idiomatic expression) kung ang isang tao ay nabibigla


o namamangha at hindi makapaniwala. Sa wikang Arabik, ang salitang “Akh”


(kapatid na lalaki) o “Ukht” (kapatid na babae) ay may dalawang kahulugan: 1.


kapatid sa dugo at 2. kapatid sa angkan o lahi o kapatiran sa pananampalataya.


Ganito rin ang ginamit ng Qur’an sa ibang talata nito. Halimbawa, sa Surah 11


talata bilang 78, si Propeta Lot ay tinawag ang mga kababaihan ng kanyang


pamayanan bilang “aking mga anak na babae [my daughters]. Sa Surah 7, talata


bilang 65, 73, at 85, sina Propeta Hud, Salih at Shu`aib ay tinawag na “kapatid


na lalaki ng kani-kanilang mamamayan. At maging ang mga mamamayan ni


Propeta Lot ay tinawag na kapatid ni Propeta Lot maliban sa salitang “banatii”


na ang kahulugan ay “aking mga anak na babae [my daughters].” Kaya, ang


“O, kapatid na babae ni Aaron” ay ginamit bilang kawikaan (idiom) batay


sa angkan o lahi. Kahit sa Ebanghelyo ni Lukas [Bibliya Bagong Tipan], si


Elizabeth na asawa ni Zakarias ay tinawag na “daughter of Aaron, sa English


translation]. (Ang paliwanag na ito ay hinango at sinipi mula sa aklat na may


pamagat na “The Sources of the Qur’an, A Critical Review of the Authorship


Theories ni Hamza Mustafa Njozi ng World Assembly of Muslim Youth, Saudi


Arabia. Sa nakaraang paliwanag, ang mga Rabbi na namamahala sa Bayt Al-


Maqdis ay mula sa angkan ni Aaron. Kaya, ang mga tao sa panahon na iyon


ay kinikilala at iginagalang ang lahi ni Imran (ama ni Maria) bilang mga taong


nagmula sa angkan ng mga Propeta.


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


34 35


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


na kanilang pinag-aalinlanganan ang tungkol dito.”


Ito ang pinakamahalagang yugto sa buhay ni Maria at


ang himalang umugnay sa kanya at sa kanyang dakilang


anak - si Hesus. Habang panahon, ang salaysay na ito ay


mananatiling isang patunay sa kadakilaan ni Maria at ni


Hesus. At sa huling yugto ng kasaysayan ni Maria, ang


sanggol na si Hesus ay nagbigay ng malinaw na pahayag


upang magsilbing aral para sa lahat ng tao.


Qur’an 19 :35 “Hindi angkop (sa kadakilaan) ng Allah


(Diyos) na Siya ay magkaroon ng anak (na lalaki).


Luwalhati sa Kanya (higit Siyang Mataas kaysa sa


lahat ng iniuugnay sa Kanya). Kapag Kanyang itakda


ang isang bagay, Siya ay magsasabi lamang ng Kun


(Maging) at Mangyayari nga.”


At si Hesus (na anak ni Maria) ay nagbigay paalaala sa


sangkatauhan na bumalik sa malinis na pagsamba sa


Makapangyarihang Diyos. Siya ay nag-anyaya:


Qur’an 19:36 “At katotohanan, ang Allah (Diyos) ang


(Siyang) aking Panginoon at ang inyong Panginoon.


Kaya, sambahin ninyo Siya (at tanging Siya lamang).


Ito ang Matuwid na Landas.”


Sa talata sa itaas, ganap na nagtaka ang mga tao kung bakit


niya itinuro ang bagong silang na sanggol na hindi pa


makapagsalita. Subali’t, ang himala ay naganap. Ang sanggol


na si Hesus ay nagsimulang mangusap at nagpatunay na siya


ay isang pagpapala mula sa Makapangyarihang Diyos. Ito ay


isang banal na salaysay na nagbigay na dakilang kalagayan


ni Hesus. Ang kanyang himalang pagsasalita mula sa


kamusmusan ay palatandaan ng Makapangyarihang Gawa


ng Dakilang Tagapaglikha. At ito rin ay isang kahangahangang


patunay sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Diyos


kay Hesus bilang isa sa Dakilang Propeta at Sugo ng Diyos.


Qur’an 19:30-34 “Siya [ˋIsa (Hesus)] ay nagsabi: “Tunay


na ako ay alipin ng Allah (Diyos): Ako ay binigyan Niya


ng Kasulatan at ginawa Niya akong Propeta. At ako ay


Kanyang pinagpala saan man ako naroroon at ipinagutos


sa akin ang pagdarasal at kawanggawa habang


ako ay nabubuhay. At maging masunurin sa aking ina


at hindi Niya ako ginawang mapagmataas na suwail.


At kapayapaan sa akin sa araw na ako ay isinilang, at


sa araw na ako ay mamamatay at sa araw na ako ay


muling ibabangon. ‘Iyan ay si Isa (Hesus), ang anak ni


Maryam (Maria). (Ito ay) isang pahayag ng katotohanan


alipin) ang aking anak!” Sa gayon, ang bata ay muling tumigil sa pagsuso at


nagsabi: “O, Allah (Diyos)! Gawin Mo akong katulad niya.” Nang sabihin ng


ina sa anak kung bakit, ang bata ay sumagot, “Ang makisig na lalaki ay isang


mapang-abusong tao, samantalang itong babaing alipin ay pinaratangan ng


pagnanakaw at pakikipagtalik.” (Sahih Al-Bukhari, vol 4, Hadith bilang 645).


37


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ANG MGA KATANGIAN NI


MARIA


Bukod sa Banal na Qur’an, maraming Hadith (mga salita


ng Propeta Muhammad ) ang naglarawan tungkol sa mga


katangian ni Maria. Ito ay mga Hadith na pinananaligan at


naitala ng kanyang mga kasamahan at napanatili nila sa


mahabang panahon.


Si At-Tirmidhi, ang isa sa pinananaligang matuwid at


pantas na mananalaysay ay nag-ulat na ayon kay Ali bin


Abu Talib, sinabi ng Sugo (Muhammad ) na:


“Ang pinakadakilang babae (sa kanyang kapanahunan)


ay si Maryam (Maria), ang anak na babae ni Imran,


at ang pinakadakilang babae (sa panahon ng Propeta


Muhammad ) ay si Khadijah (ang kanyang asawa),


anak na babae ni Khuwaylid.”


At ayon sa pagtatala ni Ibn Jarir, isinalaysay ni Abu Musa


Al-Ash`ari na sinabi ng Sugo (Muhammad ) na:


“Maraming lalaki ang ganap na nakamtan ang Iman


(pananalig at paniniwala), at sa mga babae, sina Maryam


(Maria) na anak na babae ni Imran at Asiya, ang asawa ni


Fir`aun (Paraon) ang nakatamo ng kaganapan lamang.”


39


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


SI MARIAM ATU SALNIGM BABAING


Maraming panahon na ang lumipas. Sa makabagong


takbo ng buhay, tanging babaing Muslim lamang ang


nananatiling may pagkakahalintulad sa pananamit ni


Maria. Ipinag-uutos ng Islam sa babaing Muslim bilang


isang marangal na mananampalataya na panatilihing


maayos ang pananamit sa pamamagitan ng pagkubli


sa anumang bahagi ng katawan na maaaring maging


sanhi ng kawalan ng dangal at paggalang. Para sa isang


babaing Muslim, si Maria ay larawan ng isang marangal


na babae na dapat tularan sa gawa, kilos at kaayusan.


Siya ay isang inspirasyon na hindi maaaring maglaho


magpakailanman, sapagka’t siya ay bahagi ng relihiyong


Islam - ang pinagpalang relihiyon ng Dakilang Maykapal.


Sa aming paglalahad tungkol sa katauhan ni Maria, ang


Dakilang Ina ni Hesus, ating matatagpuan ang isang


banal na pagsasalaysay na hindi natagpuan sa mga aklat


ng ibang relihiyon. Bagaman, ang Kristiyanismo ay isang


relihiyon na umiinog sa katauhan ni Hesus at tuwirang


umuugnay kay Maria, walang magandang salaysay ang


maaaring matunghayan sa pahina ng kinikilala nilang


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


40 41


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


ANG HULING PANANALITA


Ang maikling lathalaing ito ay humahalaw sa isang


mahalagang aspeto ng Islam at ito ay makapagdudulot ng


higit pang pang-unawa sa relihiyong Islam. Ang relihiyong


Islam ay mayaman sa bawa’t aspetong nais talakayin at


bawa’t pananaw na inilalahad ay makapagbibigay patnubay


at kaalaman at may mga kasaysayang nagpapaalala sa tao


kung paano ang kinahinatnan ng mga lahi ng nagdaang


panahon. Matutunghayan din sa Banal na Qur’an ang


paglikha kay Adan (Adam) at Eba (Hawa) at kung paano


sila namuhay ng masagana, paano sila nagkasala at paano


sila nagbalik-loob sa Panginoong Diyos. Tinalakay din dito,


ang kasaysayan ni Propeta Noah (Nuh) at ang pagsuway ng


kanyang pamayanan at kung paano dumating ang delubyo


(malaking baha) bilang parusa sa kanila. Inilarawan din


ng Banal na Qur’an ang bunga ng pagtakwil ni Paraon


(Fir`aun) sa paanyaya ni Moises (Musa) at Aaron (Haron)


sa pagsamba sa Nag-iisang Diyos (Allah) at kung ano


ang naging bunga ng pagtanggi niya. Isinalaysay din ang


buhay ni Propeta Joseph (Yusuf) at ang kanyang amang


si Hakob (Ya`qub) at mga kapatid niyang umalipusta sa


kanyang kamusmusan. Matutunghayan din ang kasaysayan


Kasulatan - ang Bibliya. Nguni’t, ang Banal na Qur’an,


bilang Huling Kapahayagan ng Dakilang Maykapal ay


siyang tanging aklat ng kapahayagan na nagtanggol sa


mga maling paratang na iniuugnay sa katauhan ni Maria


at ni Hesus. Ito ay palatandaan at isang katotohanan, na


higit na may karapatan ang relihiyong Islam na ibantayog


sa buong sangkatauhan ang isa sa mga dakilang babae ng


sangkatauhan - si Maria, ang ina ni Hesus, ang Dakilang


Propeta at Sugo ng Makapangyarihang Diyos.


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


42 43


MARIA ANG DAKILANG BABAE NG SANGKATAUHAN


pinag-isang kaayusan para sa pangkalahatan. Ito ang Islam


- ang pinagpalang relihiyon ng Dakilang Maykapal.


Dinadalangin ko na nawa’y ang maikling babasahing ito


ay makatulong sa lahat ng naghahanap ng liwanag tungkol


sa tunay na buhay at katauhan ni Maria, ang dakilang


Babae ng sangkatauhan. Ang kasaysayan ni Maria sa


Banal na Qur’an ay isang makabagbag-damdamin na


tumitimo sa puso nang dahil sa maalab na salaysay,


malinaw na paglalarawan at maging ang mga pananaw


na nagbibigay inspirasyong kaugnay ng paksa tungkol sa


pananampalataya at buhay.


At dinadalangin ko rin na nawa’y tanggapin ng Dakilang


Diyos, ang pagpupunyagi na ito at pagpalain nawa Niya


ang lahat ng taong tumulong upang higit na maisaayos ang


lathalaing ito sa paraang maunawaan ng mga mambabasa.


Marami pong salamat. Patnubayan nawa tayo ng


Makapangyarihang Diyos-Allah.


tungkol kay Propeta Abraham (Ibrahim), kay Propeta Lot


(Lut), Propeta Jonas (Yunus), Propeta Hesus (ˋIsa), anak


ni Maria (Maryam). Binanggit din ang ibang piniling


Propeta ng Diyos na sina Propeta Juan (Yahya), Propeta


Elias (Ilyas), Propeta Enok (Idris), Propeta David (Daud),


Propeta Solomon (Sulaiman) at marami pang iba.


Hindi lamang mga kasaysayan ang nilalaman ng Banal na


Qur’an kundi higit sa lahat mayroon ding mga batas na


dapat sundin upang sa pagtahak sa masalimuot na agos


ng buhay, ang tao ay may pinanghahawakang panuntunan


upang makaiwas sa makasalanang gawain. Mayroon ding


mga pamamaraan upang sa gayon, maabot ng tao ang


pinakamataas na uri ng kabutihan at mapalapit sa kanyang


Panginoon, tulad halimbawa: ang pagsamba, pagdarasal,


ang paghingi ng kapatawaran, ang kawanggawa, ang


pagdalangin, ang pag-aayuno at marami pang iba. Kung


ano ang makabuluhan sa iba’t ibang kalakaran ng ating


mundo ay nakaturol lamang sa iisang katotohanan -


ang Pagsamba at Pagmamahal sa Nag-iisang tunay na


Makapangyarihang Diyos-ang Allah, na Siyang lumikha


ng lahat ng nilalang. At ito ang pangunahing handog ng


Islam sa lahat ng tao sa buong daigdig. Ang Islam ay


isang pamamaraan ng buhay para sa lahat ng panahon


at lahat ng pook, isang susi na lapat sa lahat ng pintuan.


Isang relihiyo na kumikilala sa dambuhalang kalawakan


at kumikilala sa pinakamaliit na bagay na nilikha, isang


IslamHouseTl Tagalog.IslamHouse islamhouse.com/tl/


user/IslamHouseTl



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG