Mga Artikulo




ANG MGA NILALAMAN


ANG PANIMULA 9


I. HESUS, BILANG PROPETA NG DIYOS 13


II. HESUS, BILANG SUGO AT LINGKOD NG DIYOS 15


III. HESUS, HINDI DIYOS NA NAGKATAWANG TAO 17


IV. HESUS: HINDI BUGTONG NA ANAK NG DIYOS 29


V. HESUS BILANG DAKILANG PROPETA NG


ISLAM 31


VI. HESUS, SAKSI SA ARAW NG PAGHUHUKOM 39


VII. ANG EBANGHELYO NI HESUS 41


ANG HULING PANANALITA 47


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


7


ANG PANIMULA


Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Dakilang


Diyos, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Sinuman


ang Kanyang patnubayan, walang sinuman ang


makapagpapaligaw sa kanya. Tayo ay magsumamo sa


Dakilang Diyos nang may kaakibat na pagpapakumbaba na


nawa’y bigyan tayo ng pangangalaga laban sa lahat ng uri


ng kasamaang laganap sa buong mundo. Tayo ay humingi


ng awa at pagpapala sa Kanya at nawa’y ipagkaloob sa


atin ang landas ng kabutihan at lumisan tayo sa mundong


ito na malinis at wagas na puso at kaluluwa.


Ang maikling paglalahad na ito ay tinangka upang bigyang


daan ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa


larangan ng relihiyon. Ang Islam at ang Kristiyanismo ay


kapwa naniniwala sa nag-iisang Diyos at mga Propeta.


Ang isa sa mga pagkakaiba ay nakasalig sa katauhan ni


Hesus. Ang Kristiyanismo ay naniniwala na si Hesus ay


diyos na nagkatawang tao at siya ay anak ng diyos. Nguni’t


ang Islam ay naniniwala kay Hesus bilang isang dakilang


Propeta ng Diyos. Isang haligi ng pananampalataya ng


Muslim ang maniwala at mahalin si Hesus bilang Propeta


Si Hesus sa Bibliya: Lucas 24:19 “Ang mga bagay tungkol kay


Hesus na Nasareno, na isang Propeta, makapangyarihan sa


gawa at salita sa harap ng Diyos at ng buong bayan.”


Si Hesus sa Qur’an 5:75 {Ang Mesiyas [Isa (Hesus)], anak ni


Maryam (Maria) ay walang iba kundi isang Sugo (Propeta)


lamang. Sa katotohanan, maraming Sugo ang dumating


nang una sa kanya…}.


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


8 9


ito ang Pangunahing Kautusan (First Commandment) na


nakasulat sa lahat ng Banal na Kapahayagan at Kasulatan


na ipinagkaloob ng Diyos sa Kanyang mga Propeta.


Sa ganitong kaayusan, minabuti naming ilahad ang


katotohanang napapaloob sa Marangal na Qur’an at


Bibliya, si Hesus bilang anak ni Maria na itinakda ng


Diyos bilang Kanyang PROPETA, SUGO at LINGKOD.


Sa aklat na ito, ating gagamitin ang pangalang Isa, bilang


pangalan ni Hesus sa Banal na Qur’an at Hesus bilang


pangalang itinawag sa kanya sa Bibliya at sa buong


kalakhang Kristiyanismo.


at Sugo ng Diyos. Naniniwala ang Muslim na si Hesus


ay Mesiyas ng Diyos. Na si Hesus ay ipinanganak ni


Maria na walang kinasasangkutang lalaki. Naniniwala ang


Muslim na si Hesus ay nakapagpagaling ng mga maysakit,


bulag at ketongin sa kapangyarihan at kapahintulutan ng


Makapangyarihang Diyos.


Sa huling Kapahayagan ng Dakilang Diyos [ang Qur’an]


si Hesus ay isa sa limang pinakadakilang Sugo at Propeta


na tinaguriang Ulil Azm [mga propetang nagtataglay ng


matibay na kalooban, at matatag na paninindigan].


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:


Qur’an 46:35 {Kaya, ikaw ay maging matiisin [O


Muhammad ()] tulad ng pagtitiis ng mga matibay


at matatag ang paninindigan mula sa lipon ng mga


sugong1 [nauna sa iyo]…}


Ang Marangal na Qur’an at maging ang kasalukuyang


Bibliya ay saksi sa katotohanan na si Hesus ay hindi


nagsabi o nagturo na siya ay Diyos na dapat sambahin.


Katotohanan, ang aral ni Hesus ay walang pagkakaiba sa


lahat ng mga Propetang dumating dito sa mundo. Lahat ng


Propeta ng Diyos ay nagkakaisa sa pagtuturo na sumamba


lamang sa Tanging Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha. At


1 Maraming propeta at sugo ng Diyos, 25 ang binanggit sa Qur’an; lamang


ang mayroong matibay na kalooban: ito ay sina Muhammad (), Noah,


Abraham, Moises at Hesus.


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


11


I. HESUS, BILANG PROPETA NG


DIYOS


Maraming bersikulo sa Bibliya (Bagong Tipan) ang


nagpapatotoo at nagpapatunay na si Hesus ay hindi


humigit sa isang PROPETA lamang:


Juan 7:40 “Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig


ang kanyang salitang ito, ay nangagsabi, tunay na ito


ang Propeta.”


Lucas 24:19 “Ang mga bagay tungkol kay Hesus na


Nasareno, na isang Propeta makapangyarihan sa gawa


at salita sa harap ng Diyos at ng buong bayan.”


Lucas 7:16 “Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang


Propeta at dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan.”


Lucas 13:33 “Ako’y yumaon sa aking lakad ngayon at


bukas at sa makalawa: sapagka’t hindi mangyayari na


ang isang Propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem.”


Juan 6:14 “Totoong ito nga ang Propeta na paparito sa


sanlibutan.”


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


12 13


II. HESUS, BILANG SUGO AT


LINGKOD NG DIYOS


Matutunghayan sa Bibliya na si Hesus ay Sugo at


Lingkod ng Diyos katulad ng katawagang inilarawan ng


Qur’an tungkol sa kanya. Ang Bibliya ay nagsabi tungkol


kay Hesus.


Mateo 15:24 “Hindi ako isinugo kundi sa mga tupang


nangaligaw sa bahay ni Israel.”


Juan 17:3 “At ito ang buhay na walang hanggan, na


ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay at si


Hesus bilang iyong Sugo.”


Juan 8:42 “Sinabi sa kanila ni Hesus, kung ang Diyos


ang inyong Ama, ay inyo akong ibigin sapagka’t ako ay


nagmula at nanggaling sa Diyos, sapagka’t hindi ako


naparito sa aking sarili kundi sinugo Niya ako.”


Mga Gawa 3:13 “Ang Diyos ni Abraham at ni Isaak


at Jacob at ang Diyos ng ating mga magulang ay


niluwalhati ang Kanyang lingkod na si Hesus.”


Mga Gawa 4:27 “Sapagka’t sa katotohanan sa bayan


Hebreo 3:1 “Inyong isipin ang Apostol (Propeta) at


dakilang saserdote na ating kinikilala, si Hesus.”


Juan 9:17 “Muling sinabi nga nila sa bulag, ano ang sabi


mo tungkol sa kanya (Hesus), na siyang nagpadilat sa


iyong mga mata? At sinabi niya, Siya ay isang Propeta.”


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


14 15


III. HESUS, HINDI DIYOS NA


NAGKATAWANG TAO


Sa iba’t ibang relihiyon ang pinakadiwa at kaisipan


ng kanilang tagasunod tungkol sa Diyos ay yaong ang


Diyos na TAGAPAGLIKHA ay naging isang NILIKHA.


At dahil sa paniniwalang ito sila ay sumasamba sa


inaakala nilang Diyos. Halimbawa, sa relihiyong


Buddhismo, pinaniniwalaan nila na si Buddha ay diyos


na nagkatawang tao. Maging sa Hinduismo, itinuturing


nila ang baka bilang diyos na nagkatawang baka. Wala


ring kaibahan ito sa relihiyong Kristiyanismo, na si Hesus


ay taong naging Diyos. Ang mga ganitong paniniwala


ay tunay na nagbibigay daan upang ang tao ay malihis


mula sa malinis na pagsamba at pagkilala sa Nag-iisang


Diyos na Tagapaglikha at mahulog sa pinakamalaking


kasalanan, ang IDOLATRIYA. Ang pagsamba ng tao sa


kapwa nilikha maging ito ay isang propeta, santo, baka o


anupaman ay isang malaking kasalanan na dapat iwasan


ng tao. Ito ay ganap na pagtalikod sa Unang Kautusan


ng Diyos (First Commandment). At katiyakang hindi ito


aral ng mga Propeta. Maging si Hesus ay hindi nagsabi na


itong laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus, na


siya mong pinahiran.”


Mateo 12:18 “Narito ang lingkod ko na aking hinirang.”


At sapagka’t si Hesus ay kinilala bilang lingkod ng Diyos,


nangangahulugan na siya ay isang alipin ng Nag-iisang


Diyos katulad din ng mga propetang bumaba rito sa lupa.


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


16 17


tanda ng pagpapahayag ng ganap na katotohanan at wagas


na patunay mula sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha.


Ang Bibliya ay nagsabi rin:


I Timoteo 2:5 “Sapagka’t may isang Diyos at may


isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao. Ang taong


si Kristo Hesus.”


Juan 8:40 “Datapuwa’t ngayo’y pinagsusumikapan


ninyo akong patayin na taong sa inyo’y nagsaysay ng


katotohanan, na narinig sa Diyos, ito’y hindi ginawa


ni Abraham.”


Kung si Hesus nga ay diyos na nagkatawang tao, mayroon


bang mga tao sa kanyang kapanahunan ang sumamba sa


kanya? WALA! Ang mga disipulo ni Hesus, sila ba ay


sumasamba sa kanya? Ang ina ni Hesus, tinawag ba niyang


diyos ang kanyang anak? Kinilala ba at sinamba ni Birhen


Maria ang kanyang anak bilang Diyos ng Sanlibutan? Sa


buong Palestine o Jerusalem, walang sinumang kababayan


o kamag-anak ni Hesus ang nagkaroon ng kaisipan na


si Hesus ay Diyos na dapat sambahin sapagka’t ang


karaniwang ginagawa ng isang tao sa araw araw na


pamumuhay ay karaniwan ding ginagawa ni Hesus, siya ay


umiinom, kumakain, natutulog, nagtutungo sa palikuran


[toilet] sa likas na tawag ng pangangailangan [pagdumi,


pag-ihi, pagligo o paghugas]. Kailanman, hindi kayang


tanggapin ng makatuwiran at malayang kaisipan na ang


siya ay Diyos na nagkatawang tao. At kailanman, si Hesus


ay hindi nagsabi na siya ay taong naging diyos na dapat


sambahin. Ang pagsamba ng tao sa kaninumang nilikha ay


binigyang babala ng Diyos batay sa Bibliya:


Exodus 20:3-4 “Huwag kang magkakaroon ng ibang


diyos sa harap Ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng


larawang inanyuhan o ng kawangis man ng anumang


anyong nasa itaas sa langit o ng nasa ibaba ng lupa, o


ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.”


Exodus 20:23 “Huwag kayong gagawa ng ibang mga


diyos na iaagapay sa Akin.”


Isaias 44:9 “Silang nangagbigay anyo sa larawang


inanyuhan ay walang kabuluhan silang lahat at


ang kanilang mga bagay na kinalulugdan ay hindi


napapakinabangan.”


Katotohanan, walang kabuluhan ang pagsamba ng tao sa


kapwa nilikha, sapagka’t ang Tunay na Diyos ay hindi


tao. Sa Bibliya, ang Diyos na Tagapaglikha ay tuwirang


nagsabi na Siya ay hindi nagkatawang tao:


Oseas 11:9 “Sapagka’t ako ay Diyos, hindi tao.”


Mga Bilang 23:19 “Ang Diyos ay hindi tao na


magsisinungaling o ni anak ng tao na nagsisisi.”


Kung ang Diyos ay nagsabi na siya ay hindi tao, si Hesus


sa kanyang sarili ay nagsabi na siya ay tao lamang. Ito ay


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


18 19


Ang pagtuli ay isang gawain upang manatiling malinis ang


katawan ng tao. Ang gawang pagtuli ba ay dapat iugnay sa


Diyos na makapangyarihan? Hindi angkop sa Kadakilaan


at taglay na karangalan ng Diyos na ang gawaing ito ay


iugnay sa Kanya, sapagka’t Siya ay nanatiling ganap na


dalisay at walang pangangailangan. [Nawa’y ilayo tayo


ng Dakilang Diyos sa mga lihis na pagbibigay o pag-iisip


sa Kanya ng mga gawaing malayo sa Kanyang mga Banal


na Katangian].


Ang Pag-Aayuno ni Hesus


Mateo 4:2 “… at nang siya’y nakapag-ayuno ng


apatnapung araw at gabi, siya ay nagutom.”


Kung si Hesus ay Diyos, hindi siya dapat pumailalim


sa batas ng pag-aayuno. Hindi katangian ng isang


Tunay na Diyos ang mag-ayuno at magutom,


sapagka’t ang Tunay na Diyos ay Ganap at walang


pangangailangan.


Ang Mga Kapatid ni Hesus


Ayon sa Bibliya, si Hesus ay mayroong mga kapatid.


Mateo 13:55 “Hindi baga ito ang anak ng anluwagi?


Hindi baga tinatawag na Maria ang kanyang ina? at


Santiago (James), Jose (Joses) at Simon at Judas ang


kanyang mga kapatid? ”


Diyos na Tagapaglikha ay isang tao, o isang mamamayang


Hudyo sa katauhan ni Hesus.


Higit pa rito, hindi Banal na Katangian ng Tunay na


Diyos na Siya ay magsatao, makihalubilo sa Kanyang


mga nilikha, kumilos at gumalaw na parang tao,


magkaroon ng pangangailangan na parang tao - kumain,


matulog, umiyak, uminom, mauhaw. Ang tao, hayop at


iba pang nilikha lamang na may buhay ang mayroong


ganitong pamamaraan ng buhay, sapagka’t ang lahat ng


nilikha ay nakapailalim sa kapangyarihan at batas ng


Nag-iisang Tagapaglikha.


Ang Pagdarasal ni Hesus


Mateo 26:39 “… At siya’y nagpatirapa at nanalangin.”


Kung si Hesus ay Diyos na nagkatawang tao, kanino


siya nagdarasal? Ang pagdarasal ay tanda ng pagkilala at


pagsamba sa Iisang Diyos, kaya pinatutunayan lamang ni


Hesus sa kanyang mga gawa na siya ay may sinasamba


at kinikilalang Makapangyarihang Diyos na kanyang


dinadalanginan at hinihingan ng tulong.


Ang Pagtuli Kay Hesus


Lucas 2:21 “… makaraan ang walong araw upang siya


ay tuliin, tinawag siyang Hesus. ”


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


20 21


Sa ganitong kalagayan ni Hesus na nakapako sa krus,


maaari ba siyang tawaging Diyos?


Ang Panaghoy ni Hesus


Mateo 27:46 “At nang malapit na ang oras na ika-siyam


ay sumigaw si Hesus ng malakas na tinig, na sinabi: Eli,


Eli lama sabachthani? Samakatuwid baga’y : Diyos


Ko, Diyos Ko, bakit Mo ako pinabayaan?”


Bakit kailangang ituring ng ibang Kristiyano si Hesus


bilang diyos, samantalang si Hesus mismo ay may


tinatawag na kanyang Diyos? Ang malakas na sigaw ni


Hesus ng DIYOS KO DIYOS KO ay isang patunay na


siya ay may kinikilalang Diyos at hindi niya itinuring ang


kanyang sarili bilang diyos.


Ang Araw ng Paghuhukom


Marcus 13:32 “...Sapagka’t sa araw na iyon o oras na yaon


kahit mga anghel sa langit kahit anak kundi ang Ama.”


Si Hesus ay nagsabi na walang tao o anghel at maging


ang kanyang sarili ang nakakaalam sa Araw ng


Paghuhukom. Paano naging Diyos si Hesus kung ang


Araw ng Paghuhukom ay hindi niya batid? Ang Tunay


na Diyos ay nakababatid ng lahat ng bagay. Ang lahat


ng galaw, pangyayari at kilos ay nasa kaalaman ng


Makapangyarihang Diyos.


Kung si Hesus ay Diyos, maaari ding ituring ang kanyang


mga kapatid sa ina bilang mga Diyos, sapagka’t iisa ang


kanilang lahi at dugo. (may dugong Diyos at may lahing


Diyos?) Ano ang maaaring itawag ng mga kapatid ni


Hesus sa kanya? DIYOS KO o KUYA KO? Kaya nga ba


ang pagturing kay Hesus bilang diyos ay hindi lamang


paglapastangan sa Kabanalan at Kadakilaan ng Diyos


kundi ito ay isang insulto sa talino at karunungan ng tao.


Ang Panunukso ng Diyablo Kay Hesus


Mateo 4:1 “Inihatid ng espiritu santo si Hesus sa ilang


upang siya ay tuksuhin ng Diyablo.”


Paano naging diyos si Hesus kung siya ay tinutukso ng


diyablo? Ang diyablo ay isa lamang nilikha na nakapailalim


sa Kapangyarihan ng Tagapaglikha. Ang Diyos ay Ganap


at walang pangangailangan, kaya’t hindi ito natutukso


sa anupamang bagay. Sa Bibliya matutunghayan at


mapatutunayan na:


Santiago 1:13 “Sapagka’t ang Diyos ay hindi matutukso


at hindi rin siya nanunukso sa kaninuman.”


Ang Pagpako Kay Hesus


Mateo 27:35 “At nang siya ay kanila ng maipako si Hesus.”


Kung si Hesus nga ay tunay na diyos, maaari bang ang


TAGAPAGLIKHA ay ipako ng Kanyang mga NILIKHA?


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


22 23


Ang Kapangyarihan ni Hesus


Ang kapangyarihan ni Hesus ay nagmula sa Diyos. Ang


sinumang nilikha ay ganap na umaasa lamang sa Diyos,


kaya si Hesus sa kanyang sarili ay walang kapangyarihan.


Lahat ng kanyang ginawa ay hindi sa ganang kanya kundi


sa pamamagitan ng Diyos na nagsugo sa kanya.


Mga Gawa 2:22 “Kayong mga lalaking taga Israel,


pakinggan ninyo ang mga salitang ito, si Hesus, na


taga Nazareth, lalaking pinatunayan ng Diyos sa


mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Diyos


sa pamamagitan niya sa gitna ninyo gaya rin ng


nalalaman ninyo.”


Juan 5:30 “Hindi ako makagagawa ng anuman sa


aking sarili.”


Lucas 11:20 “Sa pamamagitan ng daliri ng Diyos ay


nagpalabas ako ng mga demonyo.”


Mateo 12:28 “Sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay


nagpapalabas ako ng mga demonyo.”


Maliwanag na kailanman ay hindi maaaring maging


Diyos si Hesus, sapagka’t ang isang katangian ng isang


Tunay na Diyos ay ang Kaganapan ng Kapangyarihan.


Nguni’t si Hesus ay umamin sa kanyang sarili na wala


siyang magagawa.


Ang Kamatayan ni Hesus (Ayon sa Bibliya)


Roma 5:6 “Sapagka’t nang tayo ay mahihina pa ay


namatay si Kristo sa kapanahunan dahil sa mga


masama.”


Ayon sa Bibliya si Hesus ay namatay. May Diyos bang


namamatay? Sino ang nagpanatili sa mundo at ng lahat


ng bagay na may buhay? Sino ang tagapangalaga ng lahat


ng kabuhayan dito sa mundo habang patay ang Diyos? At


sino ang magbibigay ng buhay kung patay na ang Diyos?


Ang kamatayan ay hindi maaaring taglayin ng Tunay na


Diyos. Katunayan sa Bibliya, si San Pablo ay nagsabi na


ang Tunay na Diyos ay:


I Timoteo 6:16 “Siya lamang ang walang kamatayan,


na nananahanan sa liwanag na di malapitan, na di


nakita ng sinumang tao.”


Ang mga pangyayaring namuo sa buhay ni Hesus ay mga


pangyayaring nagpapatunay na siya ay taong ipinadala


ng Makapangyarihang Diyos bilang Kanyang PROPETA


at SUGO. Ang mga gawaing pang-araw-araw ni Hesus,


ang kanyang damdamin, kilos at galaw ay likas na


larawan ng isang nilikhang sumasamba at kumikilala sa


di-nakikitang Diyos. Ang kanyang pagsilang, paglaki at


pangangaral ay mga banal na layunin na kanyang ginawa


bilang pagtupad sa Kautusan ng Diyos.


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


24 25


isang Diyos. Nguni’t katulad ng ating paliwanag sa itaas,


ang lahat ng gawa ni Hesus, ang kanyang pagsilang,


pamumuhay, pangangaral, pagdarasal, pag-aayuno,


pagtuli, panalangin, pagbinyag ay mga tanda ng isang


taong may pananampalataya sa Diyos. Ang pagiging isa


ni Hesus at ng Diyos ay hindi sa pagiging Diyos kundi


sa Layunin. Mula sa unang tao layunin na ng Diyos na


ang Kanyang mga nilikha ay pag-isahin at akayin sa isang


matuwid na landas. At upang magkaroon ng katuparan ang


layuning ito, pumili siya ng mga Propeta upang makiisa sa


Kanyang layunin na dalhin ang tao sa tamang patnubay.


Kaya’t ang layuning ito ng Diyos ay siya ring layunin ng


lahat ng mga Propeta mula kina Adan, Noah, Abraham,


Moises, Hesus at Muhammad ().


Samakatuwid, kapag ang isang tao ay nanampalataya at


sumamba ayon sa aral ng mga Propeta, ang mga Propetang


ito ay titiyakin na ang tao ay mananatili sa pananampalataya,


ang Makapangyarihang Diyos ay magbibigay liwanag


sa taong may pananampalataya upang ito ay manatili sa


tamang landas ng buhay. Kaya’t ito ang layunin ng Diyos


at ng lahat ng Propeta at ng lahat ng taong may tamang


pananampalataya.


Ang layuning ito ay binigyang liwanag ni Propeta Hesus


nang siya ay magsabi sa kanyang mga disipulo tungkol sa


pakikiisa nila sa Diyos:


Ang Mga Banal na Salita ni Hesus


Juan 14:6 “… ako ang daan at katotohanan.”


Ang bersikulong ito ay hindi dapat ipakahulugan na si


Hesus ay Diyos. Ang lahat ng Propeta sa kani-kanilang


panahon ay itinuturing na Daan at Katotohanan, sapagka’t


sila ang pinagkatiwalaan ng Diyos upang akayin ang lahat


ng tao sa landas tungo sa kaligtasan. Ang mga Propeta


ang silang may hawak ng Katotohanan. Halimbawa, sa


panahon ni Propeta Noah, sinuman ang hindi sumunod sa


aral ni Noah ay nalunod. Sa panahon ni Moises, lahat ng


taong nagtakwil sa mensahe ni Moses ay nalunod din. Ang


Daan at Katotohanan ay taglay ng lahat ng Propeta. Kung


ang Daan at Katotohanan ay para lamang kay Hesus paano


na lamang ang mga taong nauna sa panahon ni Hesus, sila


ba ay walang kaligtasan? Ang Diyos ay Makatarungan


at hindi Niya maaaring gawin ang isang bagay na hindi


makatuwiran. Ang kaligtasan ng lahat ng tao ay matatamo


sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Propeta, sapagka’t


ang pagsunod sa kanila ay pagsunod din sa Diyos.


Magkakaroon lamang ng kahulugan ang pananampalataya


ng isang tao kung sinusunod niya ang mga aral ng Propeta,


sapagka’t sila ang tanging daan at katotohanan.


Juan 10:30 “… ako at ang Ama ay iisa.”


Karamihan sa mga Kristiyano, ang kanilang kaisipan sa


bersikulong ito ay si Hesus at ang Diyos ay isa sa pagiging


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


26 27


IV. HESUS: HINDI BUGTONG NA


ANAK NG DIYOS


Kadalasan ng naririnig sa mga Kristiyano na si Hesus ay


tanging (bugtong na) anak ng Diyos. Nguni’t ang Bibliya


mismo ang nagpapatunay na sa metaporikal na kahulugan


nito, ang “anak ng Diyos” ay hindi lamang nakaugnay


o nakatukoy kay Hesus, ang katotohanan, ang salitang


“anak ng Diyos” ay ginamit din sa kaninumang taong may


ganap na pananampalataya sa Diyos. Ang mga Propeta ay


tinawag din bilang “anak ng Diyos”, sapagka’t sila katulad


ni Hesus, ay ganap na sumunod at sumasampalataya sa


Diyos. Ayon sa Bibliya, ang Diyos ay maraming “anak”.


Exodus 4:22 “Israel ay aking anak, aking panganay.”


Jeremias 31:9 “Ako ang pinakaama sa Israel, Ephraim


ang aking panganay.”


Mga Awit 2:7 “Ikaw ay aking anak (David), sa araw na


ito ay ipinanganak kita.”


I Cronica 22:10 “… siya ay magiging aking anak


(Solomon) at ako’y magiging kaniyang ama.”


Juan 17:21-22 “Upang silang lahat (disipulo) ay maging


ISA na gaya mo, Ama, sa akin at ako ay sa iyo, na sila


nama’y sumaatin upang ang sanlibutan ay sumampalataya


na ako ay sinugo mo. At ang kaluwalhatiang sa aki’y


ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging


ISA na gaya naman natin na IISA.”


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


28 29


V. HESUS BILANG DAKILANG


PROPETA NG ISLAM


Ang Kahalintulad ni Hesus


Una sa lahat, ang mga Muslim ay nananatili sa paniniwala


na ang pagsilang ni Hesus na walang ama ay kahalintulad


ng pagkakalikha ng Diyos kay Adan, na walang ama at


ina. Ang Qur’an ay nagpaliwanag:


Qur’an 3:59 {Katotohanan: Ang kahalintulad ni Isa


(Hesus) sa (paningin ng) Allah (Diyos) ay si Adam


(Adan). Siya ay nilikha Niya mula sa alabok. At saka


nagwikang Kun (Maging) at nangyari nga}.


Tuwirang tinatalikdan ng Islam ang maling paniniwala na


si Hesus ay “anak ng Diyos”. Kung ang pagsilang ni Hesus


na walang ama ang siyang malaking batayan o dahilan


upang siya ay tawaging “anak ng Diyos” higit na may


karapatan si Adan na tawaging “anak ng Diyos” sapagka’t


siya ay isinilang na walang ama at ina. Sa katotohanan, ang


Kapangyarihan ng Diyos ay hindi mapag-aalinlangan. Sa


anumang pamamaraan, lumilikha ang Diyos ng anumang


Ang taguri o katawagang “anak ng Diyos” ay ginamit


sa wikang Hebrew na ang tunay na kahulugan ay yaong


taong mabuti at ganap na sumasampalataya sa Diyos.


Halimbawa, sa Bibliya mababasa na:


Mateo 5:44-45 “Ibigin ang iyong kaaway upang kayo


ay maging anak ng inyong Amang nasa langit.”


Mateo 5:9 “Mapapalad ang mga mapagpayapa


sapagka’t sila’y tatawaging anak ng Diyos.”


Oseas 1:10 “…kayo ay mga anak ng Diyos na Buhay.”


Isang maliwanag na katotohanan mula sa mga bersikulo


ng Bibliya na ang “anak ng Diyos” ay pagsasaad ng


pagmamahal at pagsunod sa Diyos. Si Hesus ay walang


alinlangang isa sa nagmamahal at sumusunod ng ganap sa


Kalooban ng Diyos.


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


30 31


Isa (Hesus), ang anak ni Maryam (Maria). At [siya ay]


pinarangalan sa mundong ito at sa kabilang buhay. At


[siya ay] mabibilang sa mga malalapit (sa Diyos).


At siya ay magsasalita sa mga tao sa [kanyang] duyan1


[kamusmusan] at kagulangan. At siya ay mabibilang


sa mga matuwid.


Siya [si Maryam] ay nagsabi: Aking Panginoon, paano


po ako magkakaroon ng anak [na lalaki] gayong wala


namang lalaking sumaling sa akin? [Ang anghel ay]


nagsabi: [Kahit na] ganyan ang Allah (Diyos), lumilikha


ng anumang Kanyang nais. Kapag Kanyang itinakda


ang isang pangyayari [o bagay], Kanyang sasabihin


lamang dito: “Kun” (Maging), at mangyayari nga}.


At Kanyang tuturuan siya [Isa (Hesus)] ng pagsusulat


at ng karunungang [ukol sa katuruan ng mga propeta],


at ng Tawrah (Torah) at Injeel (Ebanghelyo).”


Si Hesus at Ang Kanyang Ina


Tanging ang Qur’an ang siyang nagbibigay ng magandang


kalagayan tungkol kina Hesus at Birhen Maria.


Para sa mga Hudyo si Hesus ay tinaguriang Huwad na


Propeta at si Birhen Maria bilang isang masamang babae.


1 Ang duyan na tinukoy dito ay katulad ng isang kuna at hindi ito katulad ng


karaniwang duyan na ating nakikita na may lubid sa magkabilang dulo para


sa pag-ugoy o pag-iwi ng bata.


Kanyang naisin. Nilikha niya si Adan ng walang ama at


ina. Si Eba ay nilikha mula sa tadyang ng lalaki at walang


ina. Si Hesus ay nilikha na walang ama nguni’t may ina.


Ang karaniwang tao ay nilikha ng Diyos na may ama at ina.


Kaya sa Walang Hanggang Karunungan at Kapangyarihan


ng Diyos lahat ng bagay na Kanyang itakda ay natutupad


at nangyayari. Ang Diyos ay magsabi lamang ng “Kun”


(Maging) at mangyayari nga. Ang pagkakalikha ng Diyos


sa iba’t-ibang pamamaraan ay tanda lamang na Siya ang


nag-iisang dapat pag-ukulan ng pagsamba at pagmamahal,


pagkatakot at sandigan ng pag-asa ng lahat ng mga nilikha.


Ang Pagsilang Kay Hesus


Si Hesus ay Propeta ng Diyos na ipinadala para sa mga


taga Israel upang mangaral sa tunay na diwa ng pagsamba.


Siya ay binigyan ng magandang karangalan sa daigdig at sa


kabilang buhay. Ang Marangal na Qur’an ay nagpaliwanag


na pinili si Maria higit sa lahat ng babae dito sa lupa. Ang


Anghel Gabriel ay dumating sa kanya [kay Maria] na may


magandang balita na siya ay nakatakdang magsilang kay


Hesus. Ang magandang salaysay na ito ay matatagpuan sa


Marangal na Qur’an:


Qur’an 3:45-48 {[At tandaan] nang sabihin ng mga anghel:


O Maryam (Maria), katotohanan, ang Allah (Diyos) ay


nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang salita


mula sa Kanya na ang kanyang pangalan ay Mesiyas


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


32 33


ni Hesus ay akmang-akma sa kanyang kabanalan at


karangalan. Taliwas sa Bibliya na ang isang himala niya


ay ang paggawa ng nakalalasing na alak.


Sa Banal na Qur’an, sanggol pa lamang si Hesus ay


nagbigay na siya ng himala. May isang pagkakataon na


ang mga tao ay nagtatanong kay Maria kung bakit nagawa


niyang magkaanak na ang pag-aakala siya ay masamang


babae. At upang patunayan ni Maria na siya ay malinis


na babae, hindi siya nagpaliwanag para sa kanyang


sarili kundi itinuro niya si Hesus na isang sanggol. Sa


pamamagitan ng himala si Hesus ay nagsalita.


Qur’an 19:29-30 {At kanyang [Maryam(Maria)]


itinuro ito (ang sanggol). Sila (mga tao) ay nagwika:


“Paano namin makakausap ang isang batang nasa


duyan?” Siya [Isa (Hesus)] ay nagsabi: “Tunay na


ako ay Lingkod ng Allah (Diyos): Ako ay binigyan ng


Kasulatan at ginawa Niya akong PROPETA...}.


Si Hesus ay nagpamalas din ng himala sa iba’t-ibang


pagkakataon. Ang Banal na Qur’an ay nagsalaysay:


Qur’an 3:49 {Tunay na ako ay naparito sa inyo na may


dalang Palatandaan mula sa inyong Panginoon, na ako


ay gagawa para sa inyo mula sa (dakot na) alikabok


katulad ng hugis ng ibon, at hihipan ko ito at magiging


ibon sa kapahintulutan ng Allah (Diyos), aking


pagagalingin ang ipinanganak na bulag at ketongin,


Sa paningin ng mga Hudyo, si Hesus at Maria ay kabilang


sa mga mamamayang walang dangal at may mababang uri


ng pagkatao.


Sa Kristiyanismo naman, itinuring si Hesus bilang anak


ng Diyos at Diyos na nagkatawang tao. Si Birhen Maria


bilang Ina ng Diyos.


Nguni’t ang Islam ay siyang daan upang bigyang liwanag


ang tunay na katayuan ni Hesus at ng kanyang Ina, hindi


bilang mga mababang uri ng tao at hindi rin naman mga


taong naging diyos kundi sina Hesus at Birhen Maria ay


mga mararangal, at mabubuting tao na nasa hanay ng mga


matutuwid at nagmula sa angkan ng mga Propeta. Ang


Banal na Qur’an ay nagpahayag:


Qur’an 5:75 {...Ang Mesiyas [Isa (Hesus)], anak ni


Maryam (Maria) ay walang iba kundi isang Sugo


(Propeta) lamang. Maraming Sugo (Propeta) ang


dumating bago pa man siya. Ang kanyang ina ay isang


babaing makatotohanan}.


Qur’an 3:42 {At (tandaan) nang ang mga anghel ay


nagsabi:’O, Maryam (Maria)! Ikaw ay pinili ng Allah


(Diyos), at ginawang dalisay (at malinis), at ikaw ay


piniling higit sa mga babae sa lahat ng nilalang}.


Ang Himala ni Hesus sa Marangal na Qur’an


Ang salaysay ng Banal na Qur’an tungkol sa mga himala


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


34 35


Tawrah (Torah) [ni Musa (Moises)] na nauna sa akin at


nagbibigay ng magandang balita tungkol sa isang Sugo


na susunod sa akin na ang pangalan ay (tatawaging)


Ahmad (ang ipinagkakapuri)}.


at aking bubuhayin ang patay sa pamamagitan ng


kapahintulutan ng Allah (Diyos)}.


Ang Layunin ni Hesus


Katulad ng nakasaad sa Bibliya, maging ang Banal na


Qur’an ay nagbibigay liwanag tungkol sa layunin ni Hesus.


Siya ay isinugo na may hangaring gisinging muli ang mga


taga Israel na sa panahong yaon ay nagkawatak-watak.


Binigyang-diin niya ang pangunahing aral ng Diyos, ang


Pagsamba at Pananampalataya sa Diyos. Ang Marangal na


Qur’an ay nagpahayag tungkol sa aral ni Hesus. Siya (ang


Diyos) ay nagsabi:


Qur’an 3:51 {Katotohanan, ang Allah (Diyos) ang aking


Panginoon at inyong Panginoon, kaya’t sambahin


ninyo Siya lamang}.


Qur’an 5:72 {O angkan ng Israel! Sambahin ninyo


ang Allah (Diyos), na aking Panginoon at inyong


Panginoon. Katotohanan, ang sinumang magtambal sa


Allah ay tunay na ipagbabawal ng Allah sa kanya ang


Paraiso at ang Apoy ang kanyang magiging tirahan}.


Ang isa pang layunin ni Hesus ay upang bigyang-daan ang


pagdating ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang


kapayapaan). Ang Qur’an ay nagpahayag:


Qur’an 61:6 {O angkan ng Israel! Katotohanang ako


ay Sugo ng Allah (Diyos) sa inyo na nagpapatotoo sa


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


37


VI. HESUS, SAKSI SA ARAW NG


PAGHUHUKOM


At dahil sa paniniwala at pagsamba kay Hesus bilang Diyos


ng mga Kristiyano, sa Araw ng Paghuhukom, si Hesus ay


haharap sa Diyos. Si Hesus mismo ang magtutuwid sa maling


paniniwalang ito. Sa isang tagpo sa Araw ng Paghuhukom


ang Panginoong Diyos ay magtatanong kay Hesus. Siya ay


magsasabi batay sa kapahayagan ng Banal na Qur’an:


Qur’an 5:116-117 {At [tandaan], nang ang Allah (Diyos)


ay magsabi: “O Isa (Hesus), anak ni Maryam (Maria),


ikaw ba ay nagsabi sa tao: Ituring ninyo ako at ang


aking ina bilang dalawang diyos bukod sa Allah? Siya


[Isa (Hesus)] ay nagsabi: “Luwalhati po sa Iyo. Wala


sa akin ang karapatang magsabi ng anumang wala


akong karapatan [na sabihin]. Kung ito man ay aking


nasabi, katiyakang ito ay Iyong batid. Nababatid Mo


po ang anumang nasa aking kalooban, samantalang


hindi ko nababatid ang anumang nasa Iyong Kalooban.


Katotohanan, Ikaw ang Maalam sa mga Ghayb (dinakikitang


bagay o pangyayari). Wala po akong sinabi


sa kanila maliban kung ano lamang ang Iyong ipinagutos


sa akin [na sabihin]: Inyong sambahin ang Allah,


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


38 39


VII. ANG EBANGHELYO NI


HESUS


Isa sa mga haligi ng paniniwala sa Islam ay ang paniniwala


sa mga Aklat ng Diyos. Kinikilala ng mga Muslim ang


mga sumusunod na aklat bilang Patnubay para sa tao. Ito


ay ang mga sumusunod:


Ang Kalatas ni Abraham (Ibrahim) na tinatawag na


Suhuf (sa wikang Arabik),


Ang Psalmo ni David (Daud) na tinatawag na Zabur


(sa wikang Arabik),


Ang Torah ni Moises (Musa) na tinatawag na Tawrah


(sa wikang Arabik),


Ang Ebanghelyo ni Hesus (Isa) na tinatawag na Injeel


(sa wikang Arabik),


At ang Qur’an ni Muhammad () (na ipinahayag sa


kanya sa wikang Arabik).


Ang mga aklat na ito ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao


upang gawing panuntunan at patnubay para sa kanilang


pamumuhay. Sa paglipas ng maraming panahon ang


ang aking Panginoon at inyong Panginoon. At ako ay


naging saksi sa kanila habang ako ay nanatili sa kanila,


nguni’t nang ako ay Iyong bawiin, [tanging] Ikaw


lamang ang Tagapagmasid sa kanila at [tanging] Ikaw


lamang ang Saksi sa lahat ng bagay}.


Maging sa Bibliya, mayroon ding babalang sinabi si Hesus


para sa mga taong sumusunod sa mga hindi makatuwirang


doktrina na ginawa lamang ng tao at sa mga taong


ginawang Panginoon si Hesus. Sa Araw ng Paghuhukom


ang mga taong sumamba kay Hesus ay magsisilapit sa


kanya. Si Hesus ay magsasabi:


Mateo 15:9 “Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba


sa akin na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos


ng mga tao.”


Mateo 7:22 “Panginoon, Panginoon, hindi baga


nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan


mo’y nangapalayas kami ng mga demonyo at sa


pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang


makapangyarihan?”


Si Hesus ay nagtakwil sa ganitong uri ng tao. At siya ay


nagwika:


Mateo 7:23 “Kailanman hindi ko kayo nangakilala.


Magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng


katampalasanan.”


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


40 41


Ang Daan Tungo sa Kaligtasan


Ang mensahe ni Hesus ay simple at matuwid katulad


ng lahat ng mga nauna sa kanya at ng huling Propetang


si Muhammad (). Ang kanilang mga aral ay walang


pagkakaiba-iba. Ang diwa at kabuuan nito ay ang:


Ang wagas at dalisay na pagsamba at wastong


paniniwala sa tanging-isang diyos (Allah) kalakip ng


ganap na pagsuko at pagsunod sa kanyang mga batas.


(Ang Maikling Kahulugan Nito ay ISLAM)


Ang tunay na pagmamahal ng tao sa Diyos ay magkakaroon


lamang ng ganap na katuparan sa pamamagitan ng tapat


na pagsunod sa kanyang mga Batas. Ang lahat ng Propeta


ng Diyos mula kay Adan (Adam), Noah (Nuh), Abraham


(Ibrahim), David (Daud), Moises (Musa), Hesus (Isa) at


Muhammad () ay walang pagkakaiba-iba sa pangunahing


prinsipyo. Sila ay nagkakaisa sa isang layuning akayin ang


tao sa isang tamang landas tungo sa kaligtasan.


Ang Lumang Tipan


Sa lumang Tipan ng Bibliya, si Moises ay nagsabi:


Deuteronomio 6:5 “Pakinggan mo O Israel, Ang


Panginoong Diyos ay Isang Panginoon. At iyong


mahalin ang inyong Panginoon ng buong puso, ng


buong kaluluwa at buong lakas.”


mga aklat ng Diyos maliban sa Qur’an ay nangawala na,


at wala na sa orihinal at dalisay na kapahayagan o hindi na


buo ang nilalaman. Ang Ebanghelyo (Gospel) ni Hesus ay


isa sa naging biktima ng pagkasira. Sa panahong ito, kung


ating bubuksan ang Bibliya, matutunghayan natin na ang


Ebanghelyo o Gospel ay hindi ayon kay Hesus kundi ayon sa


apat na manunulat, Ebanghelyo ayon kay Juan, Lucas, Markus


at Mateo. At kung susuriin mong mabuti ang nilalaman ng


mga ito, matutunghayan natin na ito ay pawang mga salaysay


noong panahon ni Hesus - nagsasalaysay lamang kung ano


ang ginawa ni Hesus sa pang-araw-araw na buhay. Nasaan ang


Ebanghelyo ni Hesus na siyang dapat gamitin ng tao bilang


Aklat ng Patnubay? Sa pananaw ng Islam, ang Ebanghelyo


ni Hesus ang siyang tanging aklat na dapat paniwalaan bilang


Aklat ng Patnubay, sapagka’t ito ay tiyak na naglalaman kung


paano at ilang beses dapat magdasal ang tao, nagtuturo kung


ano ang bawal at pinahihintulutang pagkain, nagpapaliwanag


kung ano ang wastong paraan ng kawanggawa o nagtuturo


kung paano ang pag-aayuno. At dahil nga wala na sa panahong


ito ang Aklat ni Hesus, sa awa at pagpapala ng Diyos, muli


Siya ay nagpahayag ng Kanyang Huling Aklat, ang Marangal


na Qur’an upang ibalik ang tao sa isang malinis at wagas na


pagsamba at pananampalataya sa isang Diyos. Ang Qur’an


ay nagbigay liwanag tungkol sa mga naunang mga Aklat.


Pinatutunayan ng Marangal na Qur’an ang mga aklat na


ipinagkaloob sa mga Propeta ng Diyos.


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


42 43


at Kapayapaan) ay naghahandog ng isang malinis at wagas


na pagkilala sa Tunay na Diyos. Ilan sa mga Katangian ng


isang Tunay na Diyos ay:


Qur’an 6:103 {Walang paningin ang makapanghahawak


sa Kanya, nguni’t Kanyang napanghahawakan ang


lahat ng paningin}.


Qur’an 112:04 {At sa Kanya ay walang isa man na


(makakatulad at) makakapantay}.


Maging sa maraming pahina ng Bibliya, matatagpuan ang


mga katangian ng isang Tunay ng Diyos:


Isaias 47:10 “At walang Nakakakita sa Akin.”


Isaias 46:9 “Ako ay Diyos at walang gaya ko.”


Si Hesus ay nagsabi rin ng ganito:


Juan 5:37 “Kailanman hindi ninyo narinig ang Kanyang


tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kanyang anyo.”


Ang Bagong Tipan


Si Hesus ay nagbigay-aral din at nagwikang :


Markus 12:29 “Pakinggan mo O Israel! Ang Panginoon


nating Diyos ay Isang Panginoon. At iyong mahalin


ang iyong Panginoong Diyos ng buong puso, buong


kaluluwa, ng buong isip at ng buong lakas.”


Ang Marangal na Qur’an


Ang Diyos ay nagpahayag kay Propeta Muhammad ()


ng pangunahing utos na ito:


Qur’an 39:11-12 {Sabihin mo [O, Muhammad ()]:


Katotohanan, ako’y napag-utusang sumamba (lamang)


sa Allah (Diyos) ng tapat na pananampalataya sa


Kanya. At ako ay napag-utusang maging una sa mga


sumusuko ng (buong) sarili (sa Kanya)}.


Qur’an 112:1-4 {Sabihin mo [O, Muhammad ()]:


Siya ang Allah (Diyos), ang Tanging isa. Allah, ang


sandigan ng lahat. Hindi Siya nagkaanak at hindi rin


Siya ipinanganak, at sa Kanya ay walang isa man na


(makakatulad at) makakapantay}.


Ang Konsepto Tungkol Sa Tunay Na Diyos


Ayon Sa Mga Propeta Ng Diyos


Ang Qur’an bilang Huling Aklat ng Diyos na ipinagkaloob


kay Propeta Muhammad (sumakanya Nawa ang Pagpapala


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


45


ANG HULING PANANALITA


Batay sa nabanggit na katotohanang inilahad sa


maikling lathalaing ito, ang mga kapatid na Kristiyano


ay nangangailangan ng matapat na pag-aaral, masusi at


makatuwirang pagsikhay ng kaalaman tungkol sa katauhan


ni Hesus kaalinsabay ng tunay na diwa at ng kanyang mga


aral para sa sangkatauhan.


Ang Marangal na Qur’an ay naghahandog para sa


lahat ng taong naghahanap ng katuwiran, katotohanan


at kapayapaan kakambal ng pagnanasang matamo ang


kahalagahan ng tunay na pagsuko sa Diyos at ang pagkilala


sa ating Diyos na Lumikha sa lahat, ang Allah. Tanging


ang Qur’an lamang ang siyang nagbibigay ng malinaw na


konsepto sa nag-iisang Diyos (Absolute Oneness of God).


Ipinahayag din sa Marangal na Qur’an si Isa (Hesus)


bilang Sugo, Propeta at Lingkod (Alipin) ng Diyos.


Ang ating Dakilang Maykapal ay nagsabi na lahat ng ating


mga kasalanan ay maaari Niyang patawarin maliban sa isa


at ito nga ang pagsamba sa isang bagay na nilikha Niya.


Ang idolatriya ay isang kasalanang walang kapatawaran.


Maging kasinglawak man ng lupa o kasingtaas ng ulap


HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS HESUS, ANAK NI MARIA PROPETA HINDI DIYOS


46 47


sa lahat ng liwanag at katotohanan ng buhay, ng tapat at


dalisay na pagsamba sa ating Panginoong Tagapaglikha.


Nawa’y pagpalain tayo ng Panginoong Diyos-Allah, sa


ating mga mabubuting gawa lalo na sa paglalahad ng


katotohanan tungo sa kapayapaan ng buhay dito at sa


kabilang buhay.


o kasinglalim ng karagatan ang ating kasalanan, nguni’t


ito ay mapapatawad ng Diyos kung tayo ay kumikilala


at sumasampalataya sa Kanya lamang. Kaya’t ating


bigyang daan sa ating isip ang bagay na ito, sapagka’t


dito nakasalalay ang ating huling hantungan. Walang


magandang bagay na hihigit pa kaysa sa TAMANG


KATUWIRAN sapagka’t dito nagsisimulang umusbong


ang liwanag tungo sa landas ng kabutihan. At ang tunay


na kahalagahan at kaligayahan ng buhay dito sa lupa at


maging sa kabilang buhay ay batay sa malinis na pagsamba


sa ating Nag-iisang Diyos. Iisang magulang ang ating


pinagmulan, isang daigdig ang ating kinalalagyan, isang


kulay ang dugong nananalaytay sa ating katawan, mula


sa isang dakot na alabok ang ating pagkakalikha. Hindi


ba palatandaan na lahat tayo ay nararapat magkaroon ng


iisang pagsamba, isang malinis na konsepto at pagkilala sa


Isang Diyos na pinagkakautangan nating lahat?


Hindi ba dapat lamang na ang tapat na pagsamba, ang


lahat ng uri ng papuri at pagdakila at pasasalamat ay ilaan


lamang sa Nag-iisang Tagapaglikha?


Ang buhay sa mundo ay isang pook ng pagsubok at


paggawa ng kabutihan at pagsamba lamang sa Nag-iisang


Tagapaglikha. Ang kamatayan ay tiyak na darating. Anong


landas ang dapat mong tahakin? Magpasiya ka, sapagka’t


hindi pa huli ang lahat. Ang Islam ay naghahandog para


IslamHouseTl Tagalog.IslamHouse islamhouse.com/tl/


user/IslamHouseTl



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG