Mga Artikulo




ANG MGA NILALAMAN


ANG PAMBUNGAD NA PANALANGIN 9


I. ANG PANIMULA 11


II. ANG MGA PALATANDAAN NG PAGBABALIK NI


HESUKRISTO SA LUPA 13


III. ANG MGA MAHAHALAGANG DAHILAN NG


PAGBABALIK NI HESUS SA LUPA 15


IV. ANG HULING PANANALITA 37


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


7


ANG PAMBUNGAD NA


PANALANGIN


Ang lahat ng papuri ay para sa Nag-iisang Dakilang Diyos-


Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. At nawa’y


ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay ipagkaloob sa


Kanyang Huling Propeta na si Muhammad (), sa kanyang


angkan at sa kanyang mga kasamahan at maging sa lahat ng


sumusunod sa Tamang Landas hanggang sa Huling Araw.


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


9


I. ANG PANIMULA


Maraming paksa na ang nailathala at naisulat tungkol


sa buhay ni Hesus, ang anak ni Maria mula sa kanyang


mahimalang pagsilang hanggang sa kanyang paglisan sa


daigdig. Ang kanyang simpleng buhay ay nahalinhan ng


masasalimuot na pangyayari na hanggang sa kasalukuyang


panahon ay nananatiling mahiwaga sa kaisipan ng


maraming tao. Ang relihiyong Kristiyanismo at Islam


ay mga pangunahing relihiyon sa kasalukuyan at kapwa


mayroong naiibang pananaw tungkol kay Hesus, hindi


lamang tungkol sa kanyang katauhan kundi maging sa


paksang nakaugnay sa kanyang pagbabalik dito sa lupa.


Ang kalakhang Kristiyanismo ay naniniwala na ang


pagbabalik ni Hesukristo ay magaganap upang maghukom


sa sangkatauhan, bagama’t ang paniniwalang ito ay walang


sapat na batayan na maaaring matunghayan sa Bibliya.


Sa kabilang dako, sa relihiyong Islam, ang paniniwala ng


isang Muslim tungkol sa pagbabalik ni Hesus ay hindi isang


kathang-isip, kuwento o alamat na minana mula sa nagdaang


panahon kundi ito ay katotohanang hinango mula sa Banal


na Qur’an, ang Huling Kasulatang ipinahayag ng Dakilang


Diyos-Allah at mula sa mga mapananaligang Hadith (aral,


salaysay o salita) ng Huling Sugo, na si Muhammad ().


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


11


II. ANG MGA PALATANDAAN NG


PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA


LUPA


Ang pagbabalik ni Hesukristo ay maliwanag na nakatala


sa Banal na Qur’an at maging sa mapananaligang Hadith


(salaysay) ng huling Propeta, na si Muhammad (). Ang


Dakilang Diyos-Allah ay nagbigay katiyakan na si Hesus


ay darating. Ito ay matutunghayan sa Banal na Qur’an:


{At siya [ˋIsa (Hesus)] ay magiging kilalang tanda para


(sa pagdating ng takdang) Oras. Samakatuwid, huwag


kayong mag-alinlangan hinggil dito. At sumunod kayo


sa Akin! Ito ang matuwid na landas}. [Qur’an 43:61]


At batay naman sa Hadith ng Sugo ng Allah () na


isinalaysay ni An-Nawwas bin Saman tungkol sa


pagbabalik ni Hesukristo:


“Siya ay bababa na malapit sa puting minaret ng


dakong Silangan ng Damascus. Siya ay nakasuot


ng dalawang damit na mapusyaw ang kulay, na ang


dalawang kamay ay nasa mga pakpak ng dalawang


anghel…” [Itinala ni Muslim, 4:2250]


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


12 13


III. ANG MGA MAHAHALAGANG


DAHILAN NG PAGBABALIK NI


HESUS SA LUPA


Ano nga ba ang sinasabi ng Islam tungkol sa muling


pagbabalik ni Hesukristo sa lupa? Ano nga ba ang mga


mahahalagang dahilan upang muling bababa si Hesus? Ang


katanungang ito ay may kaukulang kasagutan na maaaring


kuhanin batay sa kapahayagang sinabi ng Dakilang Diyos-


Allah mula sa Banal na Qur’an at sa mga Hadith ng Sugo


ng Allah ().


A. Hesus, Bilang Tanda ng Huling Araw.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag na si Hesus ay isa sa


mahahalagang palatandaan ng pagsapit ng Takdang Oras.


Kaya naman bawa’t tao ay pinag-uutusang magbalik-loob


at tuwirang tumalima sa pagsamba sa Nag-iisang Dakilang


Diyos-Allah.


Ang Qur’an ay nagpahayag:


{At siya [si ˋIsa (Hesus)] ay magiging kilalang tanda


para (sa pagdating ng Takdang) Oras. Samakatuwid,


huwag kayong mag-alinlangan hinggil dito. At sumunod


kayo sa Akin! Ito ang matuwid na landas}. [Qur’an 43:61]


At isinalaysay din ni Abu Hurairah na ang Sugo ng Allah


() ay nagsabi:


“Siya [si ˋIsa (Hesus)] ay bababa, at kung siya ay inyong


makikita, siya ay inyong makikilala. Siya ay mayroong


matipunong pangangatawan, (ang kulay ng kanyang


balat) ay nasa pagitan ng pula at puti. Siya ay bababa


na ang kasuotan niya ay dalawang mahabang dilaw


na damit. Ang kanyang ulo ay tila may pumapatak na


tubig, bagaman ito ay hindi basa (ng tubig).” [Itinala ni


Abu Dawud, 4:498]


Ayon din sa Hadith ng Propeta () na itinala ni Imam


Ahmad, isinalaysay ni Abu Hurairah na sinabi ng Sugo ng


Allah ():


“Sa pamamagitan Niya na Siyang may tangan ng


aking kaluluwa, ang anak ni Maryam (Maria), [na si


ˋIsa (Hesus)] ay bababa sa lupa at siya ay makakasama


ninyo bilang isang makatarungang pinuno….”


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


14 15


sa Islam at wawasakin ng Allah ang Bulaang Kristo (Al-


Masih Ad-Dajjal). Ang katiwasayan ay mangingibabaw sa


kalupaan, na halos ang mga leon ay makikisalamuha sa


mga kamelyo, tigre, asno, lobo at tupa. Ang mga bata ay


makikipaglaro sa mga ahas, at sila ay hindi matutuklaw (o


pipinsalain). Si ˋIsa (Hesus) ay mananatili ng apatnapung


taon (40) at pagkaraan ay mamamatay, at ang mga Muslim


ay makikipaglibing para sa kanya.” [Itinala nina Abu Dawud,


Bilang: 4324 – Ahmad, 2:406 at At-Tabari, 9:388]


Mula sa nabanggit na talata ng Qur’an at Hadith ng


Propeta (), bigyan natin ng buod ang mga tungkulin na


gagampanan ni Hesus sa kanyang pagbabalik at isa-isa


nating ipaliliwanag ang mga ito.


Ang Qur’an ay nagpahayag na ang isa sa mga palatandaan


ng pagsapit ng Araw ng Paghuhukom ay ang pagbabalik


ni Hesus sa lupa. Gayundin naman, ipinaliwanag ayon


sa binanggit na Hadith ng Sugo ng Allah () ang ilan sa


tungkuling tutuparin ni Hesus sa kanyang pagbabalik. Ito


ay ang mga sumusunod:


C. Hesus: Kanyang Babakliin Ang Mga Krus.


Ang sagisag ng Kristiyanismo ay ang Krus. Ang kanilang


pananampalataya ay nakaugnay, at nakasalig sa krus,


sapagka’t pinaniniwalaan nila na ang pagpako sa krus


ni Hesus ay siyang paraan ng pagtubos sa kasalanan ng


sangkatauhan. Nguni’t, ang pagbakli ni Hesus sa mga krus ay


B. Hesus, Kikilalanin ng mga Hudyo


Sa buong kasaysayan, hindi maitatwa na hanggang sa


kasalukuyang panahon, ay hindi tinatanggap at kinikilala


ng mga Hudyo si Hesus bilang dakilang Propeta at Sugo.


Nguni’t, sa kanyang pagbabalik, siya ay hayagang kikilalanin


ng mga Hudyo. Ito ay nakatala sa Banal na Qur’an.


Ang Dakilang Diyos-Allah ay nagsabi:


{At walang isa man sa Angkan ng Kasulatan (Hudyo


at Kristiyano) kundi nararapat na maniwala sa kanya


[ˋIsa (Hesus)] bago (sumapit) ang kanyang kamatayan.


At sa Araw ng Pagkabuhay Muli, siya ay magiging


saksi laban sa kanila}. [Qur’an 4:159]


Mula naman sa mga mapananaligang Hadith ng Sugo, na


si Muhammad (), ito ang kanyang sinabi:


“Siya [si ˋIsa (Hesus)] ay bababa, at kung siya ay inyong


makikita, siya ay inyong makikilala. Siya ay mayroong


matipunong pangangatawan, (ang kulay na kanyang balat)


ay nasa pagitan ng pula at puti. Siya ay bababa habang siya


ay nakasuot ng dalawang mahabang dilaw na damit. Ang


kanyang ulo ay tila mayroong patak ng tubig, kahit na ito


ay hindi basa. Kanyang babakliin ang mga krus, papatayin


ang mga baboy, at aalisin niya ang JIZYA (buwis) at siya


ay mananawagan para sa Islam. Sa kanyang panahon,


pupuksain ng Allah (Diyos) ang lahat ng relihiyon maliban


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


16 17


Ang kaligtasan ng isang tao ay isang pansariling


pagpupunyagi sa pamamagitan ng mga gawang kabutihan


at pagkakaroon ng tamang pagsamba at pananalig sa


Dakilang Diyos-Allah. Hindi makatuwiran at sadyang


lihis sa diwa ng katarungan na si Hesus ay nararapat na


magpasan sa kasalanan ng sangkatauhan.


{Hindi nagbibigay ng anumang pasanin ang Allah


(Diyos) sa isang may buhay (tao) maliban sa abot


kaya niya. Makakamit niya ang (gantimpala ng)


anumang kanyang pinagsumikapan (na kabutihan), at


makakamit (din) niya ang (kaparusahan ng) kanyang


ginawa (na kasalanan)…}. [Qur’an 2:286]


Mahabang panahon na ang ginugol at ibinuhos ng mga


Iskolar sa Teolohiya ng Kristiyanismo upang tangkaing


patunayan ang katotohanan tungkol sa pagpako sa krus


ni Hesus, subali’t walang sapat na salaysay sa alinmang


Ebanghelyo ng Bagong Tipan ang maaaring magbigay


nang ganap na katibayan tungkol dito.


Sa kasalukuyang panahon, ang Banal na Qur’an lamang


ang tanging tumatayong saksi upang bigyang wakas ang


mga haka-hakang iniuugnay sa tunay na pangyayaring


naganap kay Hesus.


{At tunay nga, na ito (ang Qur’an) ay sadyang makatotohanan


na (may ganap na) katiyakan}. [Qur’an 69:51]


isang pagpapahiwatig lamang na siya ay walang kaugnayan sa


krus, siya ay hindi naipako at namatay sa krus, samakatuwid


walang katotohanan ang kanyang pagtubos ng kasalanan.


Pinatunayan ito ng Banal na Qur’an:


{At sa pagkasabi nila: Pinatay namin ang Messiah si


ˋIsa (Hesus) ang anak ni Maryam (Maria), na Sugo


ng Allah (Diyos).” Datapuwa’t, (katotohanan) siya


ay hindi nila napatay, ni naipako sa krus, bagkus


lumitaw nga ito sa kanila sa gayong (tagpo). At yaong


mayroong pagkakaiba-iba hinggil dito ay tigib ng


pag-aalinlangan. Sila ay walang (tiyak na) kaalaman


tungkol dito, kundi sumusunod sa haka-haka lamang.


Sapagka’t katotohanan nga, siya ay hindi nila napatay.1


Bagkus itinaas siya ng Allah patungo sa Kanya. At ang


Allah ay Lagi nang Ganap na Makapangyarihan, Tigib


ng Karunungan}. [Qur’an 4:157-158]


1 Naitala ni Ibn Hatim na si Ibn Abbas ay nagsabi: Bago itinaas ng Allah


(Diyos) si Hesus sa langit, pumunta si Hesus sa kanyang labindalawang


kasama na nasa loob ng bahay. Nang siya’y dumating, habang may


tumutulong tubig mula sa kanyang buhok, siya’y nagsabi: ‘Mayroon sa inyo


na magtatatwa sa akin nang labindalawang beses matapos siyang maniwala


sa akin’. Pagkaraa’y nagtanong, ‘Sino sa inyo ang nais maging kamukha ko,


at mapatay na kapalit ko, at siya’y makakasama ko sa Paraiso?’ Isa sa mga


nakababata sa kanila ang tumayo at nagprisinta. Sinabi ni Hesus sa kanyang


maupo. Nagtanong ulit si Hesus ng magpiprisinta. Lagi nang tumatayo ang


batang lalake at nagpiprisinta. Sa pangatlong pagkakataon, nagprisinta ulit


ang lalake at sinabi sa kanya ni Hesus, ‘Ikaw ang magiging taong yaon’. At


pinapangyari ng Allah na siya’y magmukhang katulad ni Hesus. Bumuka


ang malaking butas sa bubong ng bahay at si Hesus ay itinaas ng Allah sa


langit. Nang dumating ang mga Hudyo, nakita nila ang lalaking kamukha ni


Hesus at siya’y ipinako sa krus». (Itinala ni Ibn Abu Hatim 4:1110)


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


18 19


Ang kalinisan ay bahagi ng tunay na relihiyon. Sa Islam,


ang kalinisan ay hindi lamang nakatuon sa kaluluwa at


pangangatawan ng tao kundi maging ang pagkain ng mga


malilinis na bagay ay isang tungkulin na dapat bigyan ng


kaukulang pansin ng isang taong naniniwala sa Diyos. Ito


ay isang hakbangin tungo sa pagsasanay ng kalinisan upang


makamtan “ang ganap na kalinisan na sadyang likas sa tao.”


Maging sa larangan ng agham na pangkalusugan,


maraming dalubhasang doktor ang nagbigay ng matibay


na ebidensiya na ang baboy ay hindi angkop para sa tao,


sapagka’t ito ay mayroong dala-dalang iba’t ibang uri


ng “Virus” na nagiging dahilan upang ang isang tao ay


magkaroon ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng kanser,


bronchitis, trichinosis, kolera, tuberkulosis, clonorchiasis


(sakit sa atay), diarrhea, pneumonia at iba pa. Ayon na rin


sa mga dalubhasang doktor, mayroong mga “Virus” mula


sa baboy na hindi namamatay kahit sa kumukulong tubig.


Kaya, kung ang mga Banal na Kasulatan nina Propeta


Moises, Hesus at Muhammad () ay nagkaisang


ipagbawal ang pagkain nito kaalinsabay ng pagpapatunay


ng agham na ang baboy ay nagdudulot ng sakit para sa tao,


ito ay tanda lamang na ang pagkain nito ay dapat talikdan


at huwag kainin.


Karagdagan mula sa Bibliya:


Deuteronomio 14:8 “….Ang baboy…..Huwag kayong


D. Hesus, Papatayin ang mga Baboy.


Ang ilan pa sa mga gagawin ni Hesukristo ay ang pagpatay


niya sa mga baboy. Bakit nga kaya nararapat niyang


patayin ang mga baboy, samantalang ito ay hayagang


kinakain ng mga makabagong kristiyano? Ano nga kaya


ang sapat na dahilan?


Ang pagpatay ni Hesus sa mga baboy ay palatandaan na ito ay


isang marumi at karumal-dumal na hayop na hindi dapat kainin


ng mga (tao) kristiyano. Sa tatlong relihiyon, (Hudaismo,


Kristiyanismo at Islam) tanging ang mga Kristiyano lamang


ang kumakain ng baboy, samantalang ang Bibliya ay tuwirang


nagbabawal na kainin ang karne ng baboy.


Levitico 11:7-8 “Ang baboy, biyak nga ang kuko,


nguni’t hindi naman ngumunguya ng pagkain mula sa


sikmura, kaya hindi ito dapat kainin. Huwag kayong


kakain ng karne ni hihipo man ng mga patay na hayop


na iyan; marurumi iyan para sa inyo.”


Gayon din naman, sa Banal na Qur’an, mahigpit na


ipinagbabawal ito.


Ang Dakilang Diyos-Allah ay nagsabi:


{Ipinagbabawal sa inyo (na kainin) ang patay (na hayop,


na hindi kinatay), dugo, laman ng baboy at ang anumang


kinatay na hindi sinambit ang (Ngalan ng) Allah (Diyos)


bilang pag-aalay sa iba bukod sa Kanya…}. [Qur’an 5:03]


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


20 21


Sino ang Tagapagtatag ng Relihiyon?


Hanggang sa kasalukuyang panahon, marami ang nagaakala


na ang relihiyong itinatag ni Hesus ay kristiyanismo,


at ang itinatag naman na relihiyon ni Moises ay Hudaismo.


Subalit, kahit sa Lumang Tipan at Bagong Tipan ng


Bibliya ay walang matatagpuang matatag na pahayag


tungkol sa relihiyon ni Hesus at Moises1. At marami rin


ang nag-aakala na si Muhammad (), ang tagapagtatag ng


relihiyong Islam. Ang katotohanan nito, kahit kailanman


ay walang propeta o tao ang maaaring magtatag ng tunay


na relihiyon. Ang tunay na relihiyon ay itinatag ng tanging


isang Diyos at ito ay ipinananawagan o ipinalalaganap


lamang sa pamamagitan ng mga Propeta at itinuturo sa


kani-kanilang pamayanan. Ang dalang relihiyon ni Moises


ay Islam, ang dalang relihiyon ni Hesus ay Islam, at ang


kaganapan ng Islam ay binigyan ng katuparan sa panahon


ni Propeta Muhammad () sa pamamagitan ng Banal na


Qur’an. Ang Dakilang Diyos-Allah ay nagbigay patunay


1 Bagama’t walang binanggit si Hesus at Moises na ang kanilang relihiyon


ay Islam sapat na sabihin natin na ang aral at prinsipiyo ng kanilang


kapahayagan ay katulad ng relihiyong Islam. Una, ang unang kautusan na


kanilang ipinalalaganap ay ang Pagsamba lamang sa Diyos-Allah. Ikalawa,


ang kanilang pagdarasal ay katulad ng pagdarasal ng relihiyong Islam.


Sila ay naglilinis bago magdasal at kung sila ay nagdarasal, sila ay kapwa


nagsisipagpatirapa. Ikatlo, sila ay nag-aayuno. Ikaapat, ang sinagogue (pook


sambahan ni Moises), ang tabernakulo ni Hesus, at ang Masjid ni Muhammad


() ay magkakatulad, walang imahen, walang rebulto, at walang kantahan.


Sapat na sabihin ito ay payak na sambahan na ang tanging binibigyan ng


pansin ay ang taimtim na pagdarasal.


kakain ng karne ni hihipo man ng mga patay na hayop


na iyan; marurumi iyan para sa inyo.”


Mula sa Banal na Qur’an, ang Dakilang Diyos-Allah ay


nag-utos sa Kanyang mga Sugo at Propeta:


{O kayong mga Sugo! Magsikain kayo ng Tayyibat (mga


mabubuti at pinahihintulutang pagkain) at gumawa


ng kabutihan. Katotohanang lubusan Kong nababatid


kung ano ang inyong ginagawa}. [Qur’an 23:51]


Marahil, ito ay sapat na upang isaalang-alang bilang isang


pangunahing dahilan kung bakit sa pagbabalik ni Hesukristo,


ang isa sa kanyang tungkulin ay ang pagpatay sa mga baboy.


E. Hesus, Ang Pagpapalaganap Niya Ng


Relihiyong Islam


Talakayin natin ang ilan pang mahahalagang paksa


tungkol sa muling pagbaba ni Hesus sa lupa. Napakalawak


ng paksang ito, nguni’t piliin lamang natin ang mga


mahahalagang bagay na nauukol dito. Bakit mananawagan


si Hesus para sa relihiyong Islam? Bakit ipalalaganap ni


Hesus ang relihiyong Islam?


Ang pagpapalaganap ni Hesus ng Islam ay isang patunay


na ang kanyang relihiyong sinusunod at kinikilala ay ang


Islam at ito ang relihiyong ipinag-utos sa kanya ng Dakila


at Makapangyarihang Diyos.


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


22 23


Niyang nababatid ang pangangailangan ng sinumang nilikha.


Nababatid Niya kung ano ang pamamaraan ng kanilang


buhay hanggang sa pagsapit ng kanilang kamatayan. At ang


pamamaraan ng buhay (na ipinakahulugan ng makabagong


panahon sa tawag na relihiyon) ay walang makagagawa nito


maliban sa Isang Ganap na Matalino at Tagapaglikhang Diyos,


sapagka’t ang tunay na relihiyon ay binubuo at kinabibilangan


ng iba’t ibang batas at alituntunin na nararapat isagawa at


sundin ng tao. Ang mga batas na ito ay nauukol sa pang-araw


araw na pamumuhay ng tao. Mayroong batas o alituntunin sa


pagdarasal, kawanggawa, pakikipag-ugnayan sa kapwa tao,


sa krimen, kalakalan o pangkabuhayan, pagkain, at sa lahat


ng aspeto ng buhay. At ang mga batas nito ay ipinahayag ng


Diyos-Allah sa pamamagitan ng mga piniling mabubuting


tao na tinatawag nating mga Propeta at Sugo. At sila ang


tagapagpalaganap ng mga batas nito sa mga tao.


Ang Banal na Qur’an ay nagpatunay nito:


{Siya ang nagpadala ng Kanyang Sugo [Muhammad


()] na may dalang patnubay at relihiyon ng


katotohanan (Islam), upang gawin Niya itong


nangingibabaw sa lahat ng mga relihiyon. At ang Allah


(Diyos) ay Sapat na bilang Saksi}. [Qur’an 48:28]


Mula sa mga Propeta, ang ilan sa kanila ay pinili bilang


mga Sugo. Sila ay binigyan ng Banal na Kasulatan sa


pamamagitan ng kapahayagan tulad halimbawa ng Shalmo


na Siya ang nagtatag ng tanging relihiyon ng sangkatauhan,


ang Islam. Ito ang relihiyong dala-dala ng lahat ng Propeta.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:


{Siya [ang Allah (Diyos)] ang nagtakda sa inyo ng


Batas mula sa Relihiyon na siyang itinagubilin Niya


kay Nuh (Noah), gayundin ang ipinahayag Namin sa


iyo [O Muhammad ()] at gayundin ang itinagubilin


Namin Kay Ibrahim (Abraham), Musa (Moises) at


ˋIsa (Hesus); na inyong itaguyod ang Relihiyon, at


huwag kayong maghiwa-hiwalay dito. Sadyang naging


malaking pabigat sa mga Mushrikun1 ang anumang


ipinangangaral mo sa kanila, Ang Allah ang pumipili


sa sinumang Kanyang naisin (na karapat-dapat)


para rito at namamatnubay tungo rito sa sinumang


nagbabalik-loob (sa Kanya)}. [Qur’an 42:13]


At sinabi rin Niya:


{Katotohanan, ang (tanging) relihiyon sa (paningin ng)


Allah ay ang Islam (pagsuko at pagsamba sa Kanya


lamang)}. [Qur’an 3:19]


Bakit nga ba ang relihiyon ay hindi maaaring itatag ng sinumang


propeta o tao? Walang tao ang maaaring makapagtatag


ng relihiyon, sapagka’t ang tunay na relihiyon ay itinatag


lamang ng Makapangyarihang Diyos. Ang Dakilang Diyos-


Allah lamang ang tanging lumikha ng sangkatauhan at ganap


1 Al-Mushrikun. Sila ang mga pagano o taong sumasamba sa mga diyusdiyusan


tulad halimbawa ng mga rebulto, santo at santa, propeta, mga anghel,


mga larawan o mga bagay na nasa kalawakan tulad ng araw, bituin, at planeta.


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


24 25


maging ito man ay pagmamahal sa magulang, anak,


kamag-anakan, kaibigan o sa sinuman sa sangkatauhan at


sa anupamang may buhay sa buong santinakpan.


Ang Mga Taong Nagtatag ng Huwad na Relihiyon.


Ang isa pang mahalaga at malaking dahilan kung bakit si


Hesukristo ay mananawagan sa Islam ay upang itakwil niya


ang lahat ng huwad na relihiyon na iniuugnay sa kanya.


Ang isa sa pinakamabigat na kasalanan na maaaring


gawin ng isang tao ay ang magtatag ng sariling relihiyon


at ituring ito bilang kanilang pamamaraan ng buhay. Sa


kasalukuyan, maraming tao o pangkat ng tao ang nagtatag


(at patuloy na nagtatatag) ng kani-kanilang relihiyon nang


ayon lamang sa kanilang kathang-isip, haka-haka at mga


kasinungalingan. Inililigaw nila ang maraming tao tungo


sa walang hanggang kapariwaraan.


Ang Banal na Qur’an ay nagbigay babala tungkol dito:


{Silang nagturing sa kanilang relihiyon bilang isang


libangan at laro (lamang), at ang buhay sa mundo ay


luminlang sa kanila. Kaya sa Araw na ito, sila ay Aming


kalilimutan, gaya ng pagkalimot nila sa pakikipagtipan


nila sa Araw na ito, at sila ay lagi nang nagtatakwil sa


Aming mga Ayah1}. [Qur’an 7:51]


1 Ayah o Ayat - ito ay isang salita sa wikang arabik na kadalasan ay tumutukoy


sa mga tanda, kapahayagan, aral, batas, himala at babala na ipinahihiwatig ng


Diyos sa tao.


ni Propeta David, ang Kalatas ni Propeta Abraham, ang


Torah ni Propeta Moises, ang Ebanghelyo ni Hesus, at


ang Huling kapahayagan kay Propeta Muhammad () na


tinatawag na Qur’an.


Ang Mga Propeta ay Magkakapatid (nagmula sa isang


angkan) at ang kanilang Relihiyon ay Isa lamang.


Mula sa isang mapananaligang Hadith na naitala ni


Abu Dawud, Ahmad at At-Tabari, si Abu Hurairah ay


nagsalaysay na ang Propeta () ay nagsabi:


“Ang mga Propeta ay magkakapatid; ang kanilang


mga ina ay magkakaiba, nguni’t ang kanilang relihiyon


ay isa. Sa lahat ng sangkatauhan, ako ay mayroong


higit na karapatan kay ˋIsa (Hesus), ang anak ni


Maryam (Maria), sapagka’t walang Propeta sa pagitan


namin….” [Itinalang Hadith mula kina Abu Dawud Bilang 4324,


Ahmad 2:406 at At-Tabari 9:388]


Ang Hadith na ito ay nagpapaliwanag na ang mga Propeta


ay magkakapatid, sapagka’t ang kanilang relihiyon


ay isa lamang. Sa diwa ng Islam, ang pagkakapatiran


sa relihiyong Islam ay higit na matimbang kaysa sa


pagkakapatiran sa dugo, sapagka’t ang ugnayan ng bawa’t


Muslim ay nakatuon sa pagmamahal sa Nag-iisang Diyos-


Allah lamang. Ang pagmamahal sa Diyos ay nakahihigit


sa anumang pagmamahal, sapagka’t ang pagmamahal sa


Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng uri ng pagmamahal


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


26 27


Ang Banal na Qur’an ay nagsabi na ang pagkakawatakwatak


ng sangkatauhan ay bunga lamang ng kani-kanilang


paninibugho o inggit sa bawa’t isa. Subali’t ang tanging


isang relihiyon lamang ang ipinagkaloob ng Tagapaglikha


sa buong sangkatauhan, at ito ay ang Islam - ang relihiyon


ng pagsuko, pagtalima at pagsunod sa Nag-iisang Diyos-


Allah na Tagapalikha.


{Katotohanan, ang Islam ang tanging Deen1 (Relihiyon)


sa (paningin ng) Allah (Diyos). At yaong pinagkalooban


ng mga (Banal na) Kasulatan (Hudyo at Kristiyano)


ay hindi nagkaroon ng pagkakaiba-iba maliban na


ito ay bunga ng panibugho ng bawa’t isa sa kanilang


pagitan pagkaraang dumating sa kanila ang kaalaman.


At sinuman ang magtakwil sa mga Ayat (mga tanda,


aral, babala at kapahayagan) ng Allah. Katotohanan,


ang Allah ay Maagap sa [tawag ng] pagtutuos (at


paniningil)}. [Qur’an 3:19]


1 Deen: Ang katagang ito ay isang salitang arabik na kadalasan ay sinasalin sa


ibang wika sa pananaw ng isang relihiyon. Nguni’t ayon sa mga dalubhasang


manunulat sa Islam, ito ay binubuo ng isang Pananampalataya at Panuntunan


o Pamamaraan ng buhay. Sinabi ng Diyos-Allah na wala Siyang tatanggaping


pananampalataya mula sa sinuman maliban sa Islam. Ang Islam ay nagtuturo ng


pagsunod sa lahat ng mga Sugo hanggang sa pinakahuling Sugong si Muhammad


() na siyang nagtapos ng kanilang misyon, samakatuwid sarado na ang


lahat ng landas maliban sa landas ni Propeta Muhammad (). Magkagayon,


matapos ipadala ng Diyos-Allah si Propeta Muhammad (), sinumang pumili


at sumunod sa ibang landas hindi ito tatanggapin sa kanya. Matutunghayan sa


ibang Talata: ‘At sinumang maghangad ng ibang pananampalataya maliban sa


Islam, kailanma’y hindi ito tatanggapin sa kanya.’ [Qur’an-3:85].


At paano nga bang ang tao ay makapagtatag ng sariling


relihiyon, samantalang ang lahat ng nasa mga kalangitan


at kalupaan ay sumasamba lamang sa kanilang nag-iisang


Tagapalikha?


{Sila ba ay naghahangad pa ng iba kaysa sa (tunay


na) relihiyon ng Allah (Diyos), samantalang sa Kanya


sumuko ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan


nang kusang-loob man o napipilitan. At sa Kanya


ibabalik silang lahat. Sabihin mo [O, Muhammad ()]:


“Kami ay naniwala sa Allah at sa anumang ibinaba


(o ipinahayag) sa amin, at sa anumang ibinaba kina


Ibrahim (Abraham), Ismail (Ismael), Ishaq (Isaac),


Yaqub (Hakob) at sa mga Al-Asbat [angkan ni Hakob


(Israel)], at anumang ipinagkaloob kay Musa (Moises),


ˋIsa (Hesus), at ang mga Propetang nagmula sa kanilang


Rabb1 (Panginoon). Hindi kami nagbibigay ng pagtatangi


sa pagitan ng bawa’t isa sa kanila. At sa Kanya kami


sumusuko bilang mga Muslim}. [Qur’an 3:83-84]


1 Rabb (Panginoon) - Bagama’t madalas gamitin ang salitang Panginoon sa


pagkakasalin ng salitang Rabb, ito ay hindi sapat o ganap ang kahulugan,


sapagka’t ang Rabb sa wikang arabik ay malawak ang kahulugan nito.


Tinatawag na Rabb ang Diyos, sapagka’t Siya ang tanging nagmamayari


ng Kapangyarihang Lumikha at Kautusan. Ang Allah ang nagbigay ng


kakayahan sa lahat ng bagay upang gumalaw, lumaki, magbago at umunlad.


Siya ang Panginoon na walang kapantay sa Kanyang Kapamahalaan,


Kadakilaan, Kataas-taasan at Kapangyarihan. Siya ang Tanging Tagapanustos


at Tagapangalaga ng lahat ng nilikha. Ang salitang Panginoon ay karaniwang


ginagamit bilang paggalang sa isang guro, pinuno (mga dugong bughaw - sa


wikang Ingles ay Royal Family).


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


28 29


bilang laro at aliwan, at ang buhay sa mundong ito ay


luminlang sa kanila….}. [Qur’an 6:70]


Sapagka’t, ang pagsunod sa huwad na relihiyon ay tungo


sa kapahamakan hindi lamang sa mundong ito kundi sa


walang hanggang kapariwaraan sa kabilang buhay.


Ang Dakilang Diyos-Allah ay nagsabi:


{At sinuman ang magnais ng ibang relihiyon maliban


sa Islam, ito kailanman ay hindi tatanggapin mula sa


kanya, at sa kabilang buhay siya ay nabibilang sa mga


talunan}. [Qur’an 3:85]


Sinabi pa Niya:


{Siya ang nagpadala sa Kanyang Sugo [Muhammad


()] nang may dalang patnubay at relihiyon ng


katotohanan (ang Islam), upang ito ay mangibabaw


sa lahat ng relihiyon, at kahit pa ang mga Mushrikun


(mga taong sumasamba sa mga huwad na diyos) ay


namuhi dito}. [Qur’an 9:33]


F. Hesus: Kanyang Pawawalang-bisa Ang Jizya


Ang ikaapat na tungkulin ni Hesukristo sa kanyang


pagbabalik sa lupa ay ang pagpapawalang bisa ng Jizya.


Ang Jizya ay isang uri ng buwis na binabayaran ng mga


di-muslim sa isang pamahalaang Islamiko. Ito ay sinisingil


ng pamahalaang Islamiko sa kanyang mamamayang dimuslim


bilang kabayaran sa pangangalaga ng kanilang


At dahil sa ang mensahe ng lahat ng Propeta ay nakatuon


lamang sa pagsamba sa Tanging Nag-iisang Diyos-Allah,


ito ay nangangahulugan na mayroong lamang isang


tanging relihiyon ang sangkatauhan.


Ang Dakilang Diyos-Allah ay nagsabi:


{At katotohanan, ang relihiyon ninyong ito ay isang


relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya matakot


sa Akin. Subali’t sila (ang mga tao) ay nagkawatakwatak


sa kalagayan ng kanilang (pananampalataya)


sa maraming pangkat (sekta), bawa’t pangkat ay


nangagsaya sa kung anumang (paniniwala) ang


mayroon sila}. [Qur’an 23:52-53]


Kaya, ipinag-uutos ng Dakilang Diyos na ang tao ay


nararapat maging makatuwiran at magbalik-loob sa Kanya


sa dating relihiyon ng lahat ng Propeta.


{Kanyang itinakdang batas para sa inyo mula sa


relihiyong (Islam), na siya ring itinagubilin Niya kay


Nuh (Noah), at yaong Aming ipinahayag sa iyo (O,


Muhammad ) at yaong Aming ipinag-utos kina


Ibrahim (Abraham), Musa (Moises) at ˋIsa (Hesus):


Na dapat kayong maging matatag (at manatili) sa


relihiyong (Islam) at huwag kayong magkawatakwatak


dito}. [Qur’an 42:13]


Karagdagan pa nito, ipinag-utos din naman Niya:


{At iyong lisanin yaong nagturing sa kanilang relihiyon


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


30 31


at Kristiyano) kundi nararapat na maniwala sa kanya


[ˋIsa (Hesus)] bago (sumapit) ang kanyang kamatayan.


Bagkus, sa Araw ng Pagkabuhay Muli, siya ay magiging


isang saksi laban sa kanila}. [Qur’an 4:159]


Sa nabanggit ng Banal na Qur’an, ang pagbabalik ni


Hesukristo sa lupa ay katuparan ng tunay na kamatayan


ni Hesus.


Lahat ng nilikhang may buhay ay sadyang makararanas ng


kamatayan.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:


{Bawa’t may buhay ay makalalasap ng kamatayan.


At tanging sa Araw ng Pagkabuhay Muli ang


(pagkakaloob ng) ganap na kabayaran ninyo sa


inyong mga pinagsumikapan. At sinumang iniligtas


sa Apoy (ng Impiyerno) at tinanggap (pumasok) sa


Paraiso, katotohanang siya ay nagtagumpay. At ang


buhay sa mundong1 ito ay isa lamang mapanlinlang


na kagalakan}. [Qur’an 3:185]


Sa panahon lamang na iyon makararanans si Hesus


ng tunay na kamatayan at ang paglilibing sa kanya ay


sasaksihan ng mga Muslim, sapagka’t siya ay ipagdarasal


1 Isinusumpa ko sa Allah (Diyos)! Ang buhay na ito kung ihahambing sa kabilang


buhay ay tulad lamang ng isang maliit na bagay na kapag ang isa sa inyo ay


ilubog ang daliri sa dagat. Pagmasdan kung ano ang maibabalik nito mula rito.”


Sahih Muslim, Hadith Bilang: 2858 - At-Tirmidhi, Hadith Bilang: 2324.


mga karapatan, ari-arian at dangal. Sa Islam, ipinag-uutos


ng Dakilang Diyos-Allah sa mga namumuno na nararapat


na ipagkaloob at kilalanin ang karapatan ng bawa’t tao


sa ilalim ng kanyang kapamahalaan, maging ito man ay


Muslim o di-muslim.


Bagama’t, ang Islam ay tunay na relihiyon ng Diyos,


walang sinumang tao ang nararapat na pilitin upang yakapin


ito. Ang pananagutan ng tao sa kanyang sariling gawa ay


para lamang sa kanya at walang sinuman ang maaaring


magpasan nito.


{Walang sapilitan sa relihiyon. Katotohanan, ang


tunay na landas ay maliwanag kaysa sa maling landas.


Kaya sinuman ang nagtakwil sa Taghut1 at naniwala


sa Allah (Diyos) ay tunay na tumangan sa matatag na


hawakang hindi nababali. At ang Allah ay Ganap na


Nakaririnig, Lubos na Maalam}. [Qur’an 2:256]


G. Ang Kamatayan ni Hesus


Sinabi ng Dakilang Diyos-Allah:


{At walang isa man sa Angkan ng Kasulatan (Hudyo


1 Taghut. Ang salitang ito ay sinasakop ang malawak na kahulugan nito.


Ang kahulugan nito ay anumang bagay na sinasamba maliban sa Tunay na


Diyos (ang Allah), nguni’t ang sinumang hindi sumasang-ayon upang siya


ay sambahin ay hindi kabilang dito. Ang Taghut ay maaaring ang Satanas,


o isang rebulto, bato, bituin, propeta, santo o santa, mga anghel, mga tao


na sinasamba at itinuring bilang Taghut. Kung minsan naman ang salitang


Taghut ay tumutukoy sa isang huwad na hukom na nagbibigay ng mali o


huwad na paglilitis o paghuhusga. Tafsir Ibn Kathir [Qur’an 4:51].


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


32 33


pa sa Allah. Siya (ˋIsa) ay nagwika: Luwalhati sa Iyo (O,


Allah!) Hindi ko maaaring sabihin ang anumang bagay


na wala akong karapatan. Kung sinabi ko man yaon, ito


ay Iyong Batid. Batid Mo ang aking kalooban, gayong


ang sa Iyong Kalooban ay di ko batid. Katotohanan,


Ikaw (lamang) ang nakaaalam ng mga bagay na lingid.


Wala akong sinabi sa kanila maliban kung ano ang Iyong


ipinag-utos sa akin na: Sambahin ninyo ang Allah, ang


aking Panginoon at inyong Panginoon, at ako ay saksi


habang ako ay kasama nila at nang ako ay bawiin Mo,


Ikaw ang Tagamasid sa kanila at (tanging) Ikaw ang Saksi


sa bawa’t bagay}. [Qur’an 5:116-117]


Katotohanan, ito ay isang malinaw na babala sa mga taong


sumasamba kay Hesus at maging sa kanyang Inang si


Birhen Maria.


ng Janazah (dasal sa patay). Ang pangyayaring ito ay


magaganap pagkaraan lamang na kanyang maipalaganap


ang Islam at maituwid ang lahat ng mga kasinungalingan


at maling paniniwalang iniakibat sa kanya, hindi lamang


ng mga Hudyo kundi maging ang mga maling paniniwala


ng kalakhang kristiyano hinggil sa kanya.


Ayon sa mapananaligang Hadith:


“….Mananatili si ˋIsa (Hesus) ng apatnapung taon at


pagkatapos ay mamamatay. Mag-aalay ng dasal ang


mga Muslim para kay ˋIsa sa paglilibing sa kanya.”


[Ahmad, 2:406 - Abu Dawud, 4324]


Si Hesus, bilang tanda sa nalalapit ng Araw ng Paghuhukom,


ay magiging saksi sa Araw din na yaon.


Mula sa Banal na Qur’an:


{…At sa Araw ng Pagkabuhay Muli, siya [ˋIsa (Hesus)]


ay magiging saksi laban sa kanila…}. [Qur’an 4:159]


At dahil nga sa paniniwala at pagsamba kay Hesus bilang


Diyos ng mga Kristiyano, sa Araw ng Paghuhukom, si Hesus


ay haharap sa Diyos-Allah. Si Hesus mismo ang magtutuwid


sa maling paniniwalang ito. Sa Araw ng Paghuhukom ang


Panginoong Diyos-Allah ay magtatanong kay Hesus.


{At (tandaan), nang ang Allah ay nagwika: O, ˋIsa (Hesus),


anak ni Maryam (Maria), Ikaw ba ay nagsabi sa mga tao:


“Gawin ninyo ako at ang aking Ina bilang mga diyos bukod


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


35


IV. ANG HULING PANANALITA


Islam: Ang Likas na Relihiyon.


Isinalaysay ni Abu Hurairah: Ang Sugo ng Allah ()


ay nagsabi “Bawa’t sanggol ay isinilang sa Al-Fitrah


(may likas na pagsamba sa Allah lamang), nguni’t


ang kanyang magulang ay ginawa siyang isang


Hudyo, Kristiyano o Magian, tulad ng isang hayop na


nagsisilang ng ganap na sanggol na hayop. Mayroon


ka bang nakikita dito (sa hayop) na may kapansanan?


At pagkaraan, binigkas ni Abu Hurairah ang isang


Talata: {Kaya, ibaling mo ang iyong mukha tungo


sa relihiyon na (wagas) Hanif1 (pagsamba sa Allah


lamang). Ang Fitrah2 ng Allah (ang likas na pagiging


1 Ayon sa isang Hadith, ang Allah ay nagsabi, «Aking nilikha ang Aking


mga alipin sa pagiging Hunafa (sumasamba lamang at naniniwala sa Nagiisang


Diyos-Allah), nguni›t sila ay iniligaw ng Satanas mula sa kanilang


relihiyon.» Sahih Muslim, Vol. 4 Hadith Bilang: 2197.


2 Isinalaysay ni Abu Hurairah na sinabi ng Sugo ng Allah (), “Walang


sanggol na isinilang maliban sa kalagayan ng Fitrah (likas na paniniwala


sa Nag-iisang Diyos), pagkaraan ang kanyang mga magulang ay ginawa


siyang isang Hudyo, o Kristiyano o Zoroastriano, tulad ng isang hayop na


nanganganak ng ganap na hayop tulad ng sarili nito. Mayroon ba kayong


nakikita sa kanila na ipinanganak na may kapansanan? Pagkaraan ang


tagapagsalaysay ng Hadith nito ay binigkas ang Ayah na, “Ang Fitrah ng


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


36 37


tinatanggap nang buong katapatan. Kanilang natagpuan


ang mga prinsipiyo ng Islam bilang makatuwiran, malawak


at praktikal na aral na nakabubuti sa lahat ng tao.


Si Abu Hurairah ay nagsalaysay na ang Sugo ng Allah ()


ay nagsabi:


“Sa pamamagitan Niya na Siyang may tangan ng


kaluluwa ni Muhammad, walang sinuman mula sa mga


Hudyo at Kristiyano na makarinig tungkol sa aking


mensahe at pagkaraan ay namatay na hindi naniwala


sa mensaheng ipinadala sa akin ng Dakilang Allah


maliban na sila ay mananahan sa Apoy ng Impiyerno.”


[Itinala ni Muslim]


Sapagka’t si Hesus mismo ay nagbigay ng magandang


balita tungkol sa pagdating ng Huling Sugo ng Diyos, si


Propeta Muhammad (). Ito ay isang patunay lamang na


siya ay tunay na Propeta at Sugo ng Diyos.


Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:


{At (alalahanin), nang si ˋIsa (Hesus), anak ni


Maryam (Maria), ay nagsabi: “O, Angkan ni Israel!


Katotohanang ako ay Sugo ng Allah sa inyo, na


nagpapatunay sa Tawrah (Torah na dumating) na una


sa akin, at nagbibigay ng magandang balita tungkol sa


isang Sugo na darating pagkaraan ko, na ang pangalan


Tanging Isa ng Allah) na kung saan Kanyang nilikha


ang sangkatauhan. Walang pagbabago sa (kaparaanan


ng) paglikha ng Allah: ito ang matuwid na relihiyon,


nguni’t karamihan sa mga tao ay hindi nakababatid


(nito)}. [Qur’an 30:30]


Itinala ni Al-Bukhari, Vol.23, Hadith Bilang: 441


Islam: Ang Kaganapan ng lahat ng Relihiyon.


Ang Islam ay isang kabuuan at ganap na pamamaraan


ng buhay, samakatuwid, ito ay hindi nangangailangan ng


karagdagan o kabawasan o di kaya ng pagbabago. At dahil


ito ay walang hanggan, ang Batas ng relihiyong Islam na


ipinagkaloob ng Diyos sa Kanyang mga Sugo at Propeta ay


angkop at tugma sa lahat ng tao sa anumang nagbabagong


kalakaran ng buhay sa alinmang panahon at pook.


At Siya (ang Diyos-Allah) ay nagsabi din:


{…Sa araw na ito, Aking binigyang kaganapan ang


inyong relihiyon para sa inyo, Aking ginawang lubos


ang Aking pagpapala sa inyo at pinili Ko para sa inyo


ang Islam bilang inyong relihiyon...}. [Qur’an 5:03]


Ang kagandahan ng Islam ay tumatagos hanggang sa


kaibuturang puso ng maraming tao, kaya naman ito ay


Allah na sa pamamagitan nito ay Kanyang nilikha ang sangkatauhan. Walang


pagbabago sa (kaparaanan ng) paglikha ng Allah…” Sahih Muslim, Vol. 4


Hadith Bilang: 2047-2048. (Hinango sa Tafsir Ibn Kathir, Vol. 7 Pahina: 545.


ANG PAGBABALIK NI HESUKRISTO SA LUPA


38


ay Ahmad1. Nguni’t nang siya (Ahmad i.e Muhammad)


ay dumating sa kanila na may dalang malinaw na mga


katibayan, sila ay nagsabi: Ito ay isang malinaw na


salamangka}. [Qur’an 61:06]


Sa binanggit na talata ng Qur’an sa itaas, ating


matutunghayan ang pinagkaisang ugnayan ng mga


Propeta, na ang kanilang mensahe ay magkakatulad at hindi


nagkakasalungatan. Sila ay nagkakaisang ibinabantayog


ang pangunahing prinsipiyo ng pagkilala at pagsamba


lamang sa Tanging Isang Diyos.


1 Isinalaysay ni Jubair bin Mut’im: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi, “Ako


ay mayroong limang pangalan: Ako ay si Muhammad at Ahmad; ako ay


Al-Mahi na aking lilinisin sa pamamagitan ng Allah ang Kufr (pagsamba


sa mga diyus-diyusan; ako ang Al-Hashir ang una na mabubuhay na muli,


at pagkaraan ay ang mga tao ang muling bubuhayin; at ako rin ang Al-Aqib


(wala ng darating pang Propeta pagkaraan ko) Sahih Al-Bukhari, Vol. 4 -


Hadith Bilang: (732).


IslamHouseTl Tagalog.IslamHouse islamhouse.com/tl/


user/IslamHouseTl



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG