araw ng Jumuah
Sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain
Tunay na ang papuri ay para lamang sa Allah. Siya’y ating pinupuri, sa Kanya tayo humihingi ng tulong at sa Kanya tayo humihingi ng kapatawaran. At tayo’y nagpapakupkop sa Allah mula sa kasamaan ng ating mga sarili at kasamaan ng ating mga gawain. Sinuman ang gabayan ng Allah ay walang sinumang makapag-ligaw sa kanya, at sinuman ang Kanyang iligaw ay walang sinumang makapag-gabay sa kanya. Ako’y sumasaksi na walang ibang diyos na marapat sambahin liban sa Allah, ang Nag-iisa at walang katambal at ako’y sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo.
Sinabi ng Allah جل جلاله :
)يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نُودِيَ لِلصَّلَاةِ مِنْ يَوْمِ الْجُمُعَةِ فَاسْعَوْا إِلَى ذِكْرِ اللَّهِ وَذَرُوا الْبَيْعَ ذَلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ
كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ(
“ O Kayong mga nanampalataya, kapag nagtawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumuah, kayo’y magtungo sa pag-alaala sa Allah at inyong lisanin ang pangangalakal. Ito’y higit na mabuti sa inyo kung inyo lamang nalalaman”
At sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم :
()إِنَّ يَوْمَ الْجُمُعَةِ يَوْمُ عِيدٍ
“Tunay na ang araw ng Jumuah ay araw ng Eid/ pagdiriwang”
Kanya pang sinabi:
) خَيْرُ يَوْمٍ طَلَعَتْ عَلَيْهِ الشَّمْسُ يَوْمُ الْجُمُعَةِ ، فِيهِ خُلِقَ آدَمُ ، وَفِيهِ أُدْخِلَ الْجَنَّةَ ، وَفِيهِ
أُخْرِجَ مِنْهَا(
“ Ang pinakamabuting araw na sumikat dito ang araw ay ang araw ng Jumuah, dito nilikha si Adan, at dito siya pinasok sa paraiso at dito rin siya nilabas ng paraiso”
At kanya pang sinabi:
) الصَّلاَةُ الْخَمْسُ، وَالْجُمُعَةُ إِلَى الْجُمُعَةِ كَفَّارَةٌ لِمَا بَيْنَهُنَّ، مَا لَمْ تُغْشَ الْكَبَائِرُ (
“ Ang limang pagdarasal, at ang Jumuah tungo sa sumunod na Jumuah, ay siyang
pambura ng mga kasalanan sa mga pagitan nito kapag nilayuan ang mga
malalaking pagkakasala”
Dahil dito ang araw na ito’y nararapat lamang bigyan ng halaga, at sundin kung anuman
ang inutos ng Allah at Sunnah ng Kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم sa pagdakila dito at pagpahalaga sa
mga alituntunin at mga batas nito. At kabilang sa mga pinakamahalagang batas tungkol
dito ay ang pagsumikap na isagawa ang pagdarasal sa araw ng Jumuah at huwag itong
balewalain. Sinabi ng Propeta : صلى الله عليه وسلم
)لَيَنْتَهِيَنَّ أَقْوَامٌ عَنْ وَدْعِهِمُ الْجُمُعَاتِ، أَوْ لَيَخْتِمَنَّ اللَّهُ عَلَى قُلُوبِهِمْ، ثُمَّ لَيَكُونُنَّ مِنَ الْغَافِلِينَ(
“ Tumigil na ang mga taong iniiwan nila ang pagsawa ng pagdarasal sa Jumuah!
Kundi ay tatakpan ng Allah ang kanilang mga puso at pagkatapos sila’y maging
kasama sa mga taong pabaya”
At mula rin sa mga batas ukol sa araw ng Jumuah ay ang obligadong pagtahimik para sa
Khutba at pakikinig dito, at pagpulot ng mga aral mula sa mga payo at batas na siyang
nabanggit sa khutba. Tunay na ang Propeta صلى الله عليه وسلم ay kanyang ipinagbawal ang pagiging
abala sa ibang bagay sa oras ng khutba kahit pa na ang layunin ay ang patahimikin ang
iba. Kanyang sinabi:
)إذَا قُلْتَ لِصَاحِبِكَ: أَنْصِتْ يَوْمَ الْجُمُعَةِ وَالإِمَامُ يَخْطُبُ؛ فَقَدْ لَغَوْتَ(
“kapag sinabi mo sa iyong kasama; tumahimik ka! sa araw ng Jumuah habang ang
Imam ay naga-khutba, tunay na ika’y nakapagsalita ng walang kabuluhan”
At ang Khutba na ito na kung saan ipinag-utos ng Allah at ng kanyang Sugo ang
pananahimik at pakikinig dito ay nararapat lamang pahalagahan at paghandaan ang
pagsagawa nito sa pinakamaiging paraan. At nararapat lamang sa Kateeb/taong nagkukhutba
na isaalang-alang niya ang kalagayan ng mga tao at anumang mga makabagong
pangyayari. At nararapat sa kanya ang pahalagahan niya ang pagturo sa mga tao ukol sa
mga batas ng Islam at sila’y kanyang paalalahanan sa pamamagitan ng Hikmah at
mabuting payo. At gayun din ay nararapat sa kanya na sundin ang gabay ng Propeta صلى الله عليه وسلم sa
pagpahayag ng Khutba.
Ito ay isang malaking pagkakataon upang turuan ang mga tao at madaragdagan ang
kanilang mga pananampalataya at mga mabuting gawain. At gayun din ay upang
maitama ang kanilang mga maling paniniwala at pag-uugali. Kung maisagawa lamang
ang Khutba sa paraan na nararapat ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa Ummah.
Dahil sa kahalagahan ng Khutba sa Jumuah, at sa nakikita nating higit na
pangangailangan sa mga mahahalagang Khutba ay isasalin ito sa wika ng mga Muslim sa
mga lugar na sila ay minorya upang kanila itong mapakinabangan at upang maging
sanggunian ito ukol sa mga Islamikong kaalaman. Kami ay ginabayan ng Allah sa
dakilang proyekto na ito na kung saan ay aming isinalin dito ang mga mahahalagang
piling khutba. Aming isinaalang-alang sa pagpili ng mga paksa ang pangangailangan ng
Ummah at kagandahan ng piling khutba ayon sa nilalaman nito at paraan ng
pagkapahayag nito. Aming hinati ang proyekto sa limang antas, at sa bawat antas ay
isang volume.
Kabilang sa nararapat na banggitin; kapag bubuklatin ang mga khutba sa aklat na ito ay
maaari sa taong nagbabasa na kanya itong agarang i-download sa pamamagitan ng
barcode.
Nagtulungan ang grupo ng mga institusyon at mga Islamikong mananaliksik sa pagpili
ng mga paksa at pagsususri at pagsalin ng mga khutba sa wikang tagalog. Kabilang sa
mga institusyong ito ang Last Message, Multaqa Al-Khutaba, Ayah Center For Call And
Guidance Inc, General Santos Phil., Human Development Center, Palawan Phil., at gayun
din ang mga Iskolar at mga guro na kung saan nagbahagi ng kanilang mga khutba o napili
ang kanilang mga khutba mula sa kanilang mga page sa internet.
Ang mga pangalan ng mga sumusunod ay silang mga tagapagpananaliksik sa proyektong
ito; Shaykh Abdullah Abtahi, Abdulkhaliq Abtahi, Al-Hafez Bautista, Rasheed Nantiza,
Saber Sali, Sernan Hananang, Ismael Dimaudtang Jr, El Jamil Mercado at Shuaib
Ibrahim.
Ako’y lubos na nagpapasalamat sa mga institusyong ito, mga Iskolar, mga Guro, at mga
tagapagpananaliksik lalong lalo na kay Ismael Dimaudtang Jr na siyang namahala sa
pagbahagi ng mga paksa sa mga tagasalin at namahala sa pagsusuri sa mga isinaling
khutba.
At panghuli ako ay humihingi sa Allah na gawin Niyang mabiyaya ang gawaing ito at
taos puso para sa Kanya. At sana’y makapagbigay ito ng pakinabang sa buong Pilipinas
at nawa’y ang mga khutba na ito ay maisasalin sa iba’t ibang wika sa buong Mundo
upang mapakinabangan ng mga tao. At ang pagpapala ng Allah at kapayapaan ay mapasa
Kanyang Propeta na si Muhammad at sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang
kasamahan.
Shaykh Mohammed Ebnasheba As-Shihri
President of Ayah Center, Last Message, and AlHuda Center