Ang Pag-una ng Pagmamahal sa Allah جل جلاله at sa Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم
O kayong mga Mananampalataya! Tunay na ang pagmamahal sa Allah جل جلاله at sa kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم ay pundasyon at basihan ng Relihiyong Islam, at kondisyon upang tanggapin ang Pananampalataya (Iman), ganun din ang pagmamahal sa mga taong minamahal ng Allah at ng kanyang Sugo, at ang pagkamuhi sa mga taong kinamuhian ng Allah at ng kanyang Sugo, at katiyakan ang gawaing ito ang siyang dahilan upang makamit ng mananampalataya ang dakilang tagumpay dito sa mundo at sa kabilang buhay, at tunay na hindi magiging kompleto ang pananampalataya ng bawat isa hanggang sa maging mas kaibig-ibig sa kanila ang Propeta kaysa sa kanilang mga anak, magulang, pamilya at sa lahat ng sangkatauhan. Sinabi ng Allah صلى الله عليه وسلم:
“Ipagbadya mo O Muhammad! kung ang inyong mga magulang, mga anak, mga kapatid, mga asawa, pamilya, kayamanan na inyong nalikom, mga negosyo na inyong pinangangambahan na malugi, at ang mga tirahanan na inyong naiibigan ay mas kaiibig-ibig sa inyo kaysa sa Allah, sa kanyang Sugo, at sa pakikibaka sa landas ng Allah, kung gayon, kayo ay maghintay hanggang sa ibaba ng Allah ang kanyang kapasyahan(pagpaparusa). At ang Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Al-fasiqun (palasuway sa Allah).”
“At sa Hadeeth ng Propeta صلى الله عليه وسلم kanyang sinabi
) ثلاث من كنَّ فيه وجد بهنَّ طعم الإيمان، أن يكون الله ورسوله أحبَّ إليه ممَّا سواهما ( )متفق عليه(
“Tatlong bagay na kung saan kapag ito’y nasa isang tao ay malalasap niya ang tunay na tamis ng pananampalataya, Ang maging angi Allah جل جلاله at Kanyang Sugo ang siyang pinakamamahal niya kaysa sa lahat ng bagay”
At sinabi rin ng Propeta :جل جلاله
“Tunay na hindi magiging kompleto ang pananampalataya ng bawat isa hanggang ako ay
mas maging kaiibig-ibig sa inyo kaysa sa inyong mga sarili, mga anak, mga magulang at sa
lahat ng sangkatauhan”
At tunay na nakasaad sa Qur’an na pinagbawalan ng Allah جل جلاله ang mga mananampalataya na
kanilang pangunahan ang Allah جل جلاله at ang Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم, Sinabi ng Allah :جل جلاله
“O kayong mga mananampalataya! Huwag ninyong gawin sa inyong sarili na pangunahan
ang Allah at ang kanyang Sugo, datapuwa’t pangambahan ninyo ang Allah. Katotohanan
ang Allah ang Ganap na Nakakarinig at Ganap na nakakabatid sa lahat ng bagay.”
At sa talatang ito ay isang maliwanag na panawagan ng Allah sa mga mananampalataya
na ipinagbawal na pangunahan nila ang Allah جل جلاله at ang Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم , sundin ang lahat ng
kanilang pinag-uutos, at kabilang sa gawaing pangunguna sa Allah at sa kanyang Sugo, Ang
unahin ang pagmamahal ng iba kaysa sa kanilang pagmamahal, o ang unahin ang mga bagay na
kaniyang ninanais kaysa sa mga bagay na minamahal at ninanais ng Allah جل جلاله at ng kanyang
Sugo, dahil ito ay ang magtutulak sa kanya upang gawin ang bagay na kanais-nais, ngunit kapag
ang isang bagay ay kanais-nais sa isang tao ngunit hindi naman ito kanais-nais sa paningin ng
Allah جل جلاله tunay na ang bagay o gawain na ito ay magiging dahilan upang siya ay hindi mahalin ng
Allah sapagkat inuna niya ang mga bagay na ginusto ng kanyang sarili na hindi ito ginusto ng
Allah para sa kanya, at pinili ang kanyang kagustuhan sa mga bagay na hindi kalugud-lugod sa
Allah جل جلاله dahil alam ng Allah جل جلاله na ang bagay na kanyang pinili ay hindi makapagbibigay sa
kanya ng kapakinabanagan bagkus ito ay magsisislbing kapahamakan.
At sa hadeeth na ating binanggit kanina: (Tatlong bagay na kung saan kapag ito’y
nasa isang tao ay malalasap niya ang tunay na tamis ng pananampalataya, Ang maging
ang Allah جل جلاله at Kanyang Sugo ang siyang pinakamamahal niya kaysa sa lahat ng bagay.)
kung sinuman ang minahal ang Allah جل جلاله at ang kanyang Sugo nang tunay at lubos na
pagmamahal sa kanyang puso; nararapat lamang na mahalin niya ang mga tao na mahal ng Allah
جل جلاله at ng kanyang Sugo at kamuhian ang mga taong kinamuhian ng Allah جل جلاله at ng kanyang Sugo.
At ang Talata na ating binanggit din kanina:( “Ipagbadya mo O Muhammad! kung
ang inyong mga magulang, mga anak) ito ay maliwanag na katibayan na Wajib(obligado) na
unahin ang pagmamahal sa Allah جل جلاله at kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم kaysa sa ibang bagay. At ayon kay
Qurtubi:”Tunay na ang talatang ito ay katibayan na Wajib ang pagmamahal sa Allah at sa
kanyang Sugo at nagkaisa ang lahat ng Ummah(nasyon) na ang pagmamahal nila ay mas
nangingibabaw kaysa sa lahat ng bagay. At ito ay tumtukoy din na ang Allah ay nagbabala sa
sinumang kanyang unahin o mas mangibabaw ang kanyang pagmamahal sa ibang bagay kaysa sa
Allah at sa kanyang Sugo; dahil sinabi ng Allah:
“Kung gayon, kayo ay maghintay hanggang sa ibaba ng Allah ang kanyang
kapasyahan(pagpaparusa) At ang Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Al-fasiqun
(palasuway sa Allah).”
Tunay na walang halaga para Allah جل جلاله ang gawain ng sinumang kinamuhian ang mga
mga minahal ng Allah جل جلاله o minahal ang mga kinamuhian ng Allah جل جلاله, Sinabi ng Allah:
“Iyan ay sa dahilang kanilang kinamuhian ang anumang ibinaba o ipinahayag ng Allah,
kaya Kanyang hinayaang mawalan ng halaga ang kanilang mga gawa.
At Sinabi pa ng Allah :جل جلاله
“Iyan ay sa dahilang kanilang sinunod ang anumang ikinagalit ng Allah at kanilang
kinamuhian ang anumang kanyang ikinalulugod. Kaya, kanyang ginawang walang halaga
ang kanilang mga gawa”
At ang talatang ito ay tumutukoy sa mga hindi mananampalataya sapagka’t kanilang
kinamuhian ang mga batas na ibinaba ng Allah جل جلاله sa kanyang Sugo kaya’t sila ay sinisi ng Allah
جل جلاله sa kanilang ginawa at pinawalang halaga ang kanilang gawa.
Ang pagmamahal sa mga bagay na kinamuhian ng Allah جل جلاله, at ang pagkamuhi sa mga
bagay na ninanais ng Allah ay kabilang sa pangunguna o lubos na pagmamahal sa mga bagay
kaysa sa Allah جل جلاله at sa kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم; sapagkat ang gawaing ito ay hindi maaring mangyari
maliban sa sinumang kanyang inuna ang pagmamahal sa iba kaysa sa Allah جل جلاله at sa Kanyang
Sugo, kung tunay niyang lubos na mahal ang Allah at ang Kanyang Sugo, tunay na kanyang
uunahin ang pagmamahal sa Allah at sa kanyang Sugo kaysa sa lahat ng bagay, at kanyang
kamuhian ang lahat na kinamuhian ng Allah.
Tunay na ang Pagmamahal ng mananampalataya sa Allah جل جلاله ay may mga tanda at
simbolo, at kabilang dito ang maging alinsunod ang kanyang Gawain sa katuruan ng Propeta ,صلى الله عليه وسلم
Tunay na ang Sugo ng Allah ay hindi naghihikayat o nag-utos maliban na lamang na ito ay
ninais ng Allah at pagkatapos Siya, At hindi nagbawal maliban na ito ay kinamuhian ng Allah at
pagkatapos Siya. Sinabi ng Allah :جل جلاله
“At siya ay hindi nagsasalita mula sa kanyang sariling kagustuhan. Sapagka’t itoy
kapahayagan na ipinahayag sa kanya.”
“Sabihin mo sa kanila O Muhammad! kung tunay ngang kayo ay nagmamahal sa Allah,
magkagayon ako ay inyong sundin, at kayo ay mamahalin ng Allah at Kanyang
patatawarin ang inyong mga kasalanan. At ang Allah ay lubos na Mapagpatawad at
Maawain.”
Kaya’t hiniling ko sa Allah جل جلاله nawa’y patnubayan tayo sa matapat na pagsunod sa katuruan ng
ating Propeta .صلى الله عليه وسلم
قلت ما سمعتم وأستغفر الله العظيم لي ولكم، فاستغفروه، إ نَّه هو الغفور ال رَّحيم.
الحمد لله ربِّ العالمين، والعاقبة للمتَّقين، ولا عدوان إلا على الظَّالمين، أمَّا بعد:
Mga Alipin ng Allah جل جلاله! inyong alamin na ang ugat ng lahat ng kasalanan ay ang labis na pag-una at pagsunod ng tao sa kanyang sariling pagnanasa o kagustuhan kaysa sa kagustuhan ng Allah جل جلاله at ng kanyang Sugo. Sinabi ng Allah جل جلاله:
“Nakikita mo ba O Muhammad! Siya na itinuring niya ang kanyang pagnanasa(kagustuhan) bilang kanyang Diyos na sinasamba, at siya ay hinayaan ng Allah na maligaw batay sa kanyang kaalaman tungkol sa tunay niyang hanagrin at sinarahan ang kanyang pandinig at ang kanyang puso at nilagyan ang kanyang paningin ng takip.”
At binigyan ng Propeta صلى الله عليه وسلم ng paliwanag ang talatang ito kanyang sinabi:
" لا يعرف معروفاً ولا ينكر منكراً، إلا ما أُشرب من هواه" ) متَّفق عليه(
“hindi nila kinikilala ang tama(kabutihan) ay tama(kabutihan) at ang mali(kasalanan) ay mali (kasalanan)maliban kung ano ng inutos ng kanilang pagnanasa.”
Tunay na ang Pagsunod sa pagnanasa sa sarili ay siyang dahilan ng kaligawan , pagkasawak at hidwaan, At ang Pagsunod sa katotohanan ay dahilan upang maging matuwid sa Relihiyon, mapabuti ang kalagayan dito sa mundo at sa kabilng buhay,at makamait ang katiwasayan at tagumpay.
Ang katotohanan kapag ito ay hindi naging basihan at hindi nasunod tunay na ang magiging kapalit na basihan at masusunod ay walang iba kundi ang Pagnanasa o kagustuhan ng sarili, at ito ang dahilan ng lahat ng pagsubok at problema, Sinabi ng Allah جل جلاله:
“At kung sinunod ng Katotohanan ang kanilang mga pagnanasa, tunay na mawawasak ang mga kalangitan at kalupaan at kung anuman ang napapaloob dito,”
Tunay na ang tao ay magpakailanman ay mahina at may pagkukulang kahit na sabihin niya na siya ay tama at ang kanyang pagnanasa ay hindi magdadala sa kanya sa kabutihan maliban na lamang na ito ay alinsunod sa katotohanan, at ang katotohanan na tinutukoy ay ang Relihiyong Islam na dumating sa Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ,Kaya’t sinabi ng Sugo ng Allah جل جلاله:
“Tunay na hindi magiging kompleto ang pananampalataya ng bawat isa sa inyo hanggang ang kanyang pagnanasa(sariling kagustuhan) ay alinsunod sa anumang dumating sa akin.”
At Sinabi ng Allah جل جلاله:
“Ngunit kung sila ay hindi makatugon sa iyo O Muhammad! magkagayon dapat mong malaman na sila ay sumusunod lamang sa kanilang mga sariling pagnanasa.”
Mga Alipin ng Allah جل جلاله! kabilang sa mga bagay na napapaloob sa tapat at lubos na pagmamahal sa Allah جل جلاله at sa kanyang Proeta صلى الله عليه وسلم ang pagsunod sa lahat ng kanilang pinag-utos at pag-iwas sa lahat ng kanilang ipinagbawal malaki man ito o maliit, na maykasamang pagpupursige, pagmamahal, at pagkalugod dito, Sinabi ng Allah جل جلاله:
“Ang tanging sinasabi ng mga Tunay na Mananmpalataya kapag sila ay inaanyayahan tungo sa Allah at sa Kanyang Sugo upang humatol sa kanilang pagitan, sila ay nagsasabing: Aming naririnig at aming susundin. At sila yaong mga magtatagumpay.”
At Kabilang din sa mga bagay na dapat gampanan sa pagmamahal sa Allah جل جلاله at sa kanyang Sugo ay ang mahalin ang kanyang mga Anghel, Mga Sugo at Propeta ng Allah جل جلاله, mga
Makatotohan, mga Martir, at mga mabubuting tao, at ang pagtahak sa kanilang landas, at pagtulong sa kanila, Sinabi ng Allah جل جلاله:
“At panatilihin mo ang iyong Sarili O Muhammad! sa pagtitiis kasama yaong mga nananalangin sa kanilang Panginoon sa umaga at hapon, kanilang hinahangad ang kanyang Mukha(lugod).
At Sinabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم:
)من أحبَّ لله وأبغض لله وأعطى لله ومنع لله فقد استكمل الإيمان(
“At kung Sinuman ang nagmahal para sa Allah جل جلاله at nagalit para sa kanya, nagbigay para sa kanya, at nagpigil para sa kanya, tunay na nakompleto niya ang Pananampalataya.”
Ang pagmamahal sa Allah جل جلاله ang siyang basihan at ugat ng lahat ng pagmamahal, tunay na siya ang Allah جل جلاله ang nag-iisa na marapat lamang samabahin at mahalin, at ang pagmamahal sa ibang bagay ay bahagi lamang ng pagmamahal sa kanya at kabilang sa mga sanga nito.