Mga Artikulo

Ang Pagtugon Sa Allah At Sa Kanyang Sugo





Aking kapatid inaanyayahan ka ng Allah جل جلاله ang lumikha ng langit at lupa, matutugunan mo ba ang panawagan na ito? Iniimbitahan ka ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم mapapaunlakan mo ba siya? Bagama’t maraming beses na tayong tinatawag ng Allah جل جلاله na nagsasabi ng “O kayong mga mananampalataya” pagkatapos nang pagtawag na ito ay ang pag-uutos o pagbabawal, ngayon aking kapatid nasagot ba natin ang Allah جل جلاله?


Bagamat maraming beses narin tayong pinaalalahanan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم at masasabi natin na ‘inutusan at pinagbawalan tayo’ ni Muhammad at sinasabi ni Muhammad na


"Kung ano man ang aking ipinagbawal sa inyo ay iwasan ninyo, at kung anuman ang aking ipinag-utos sa inyo ay isagawa ninyo ang mga ito sa abot ng inyong makakaya"


Ngunit sinunod ba natin ang utos Niya جل جلاله?


Maaaring masabi mo na, papaano ko nga ba tutugunan ang Allah جل جلاله at ang Kanyang Sugo?


Ang pagtugon sa Allah جل جلاله at sa Kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم, aking mga kapatid ay sa pamamagitan ng pagsunod, at pag-iingat mo sa puso, katawan, mga salita, at lahat ng mga gawa mo sa mga ipinagbabawal ng Islam at pagsunod at pagtupad mo sa ipinag-uutos ng Allah جل جلاله at ng Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم. Ang mga ito ay ubligado sa iyo aking kapatid, tungkulin mo, sinabi ng Allah جل جلاله:





“At hindi marapat sa sinumang mananampalataya, lalaki man o babae, na kapag nagpasiya ang Allâh at ang Kanyang Sugo para sa kanila ng isang kapasiyahan bilang batas ay lalabag sila, na pipiliin nila ang anumang hindi pinagpasiyahan para sa kanila. At


ang sinumang lalabag sa Allâh at sa Kanyang Sugo ay walang pag-aalinlangang lumayo sa Tamang Landas nang malinaw na pagkakalayo”


Sinabi pa ng Allah جل جلاله:





“Nguni’t hindi! Sumpa man sa iyong Panginoon, sila ay hindi [tunay na] naniniwala hanggang ikaw [O Muhammadصلى الله عليه وسلم] ay kanilang gawing tagapaghatol sa anumang hidwaang namamagitan sa kanila, at [hanggang] walang makikitang hinanakit [o bahid ng pagtutol] sa kanilang mga sarili hinggil sa anumang iyong hinatol at tumatalima nang [buong] pagtalima”


Aking mga kapatid na mananampalataya, katotohanan na masaya ang mga sumunod at nalugi ang mga tumalikod, at ito ang ilan sa mga halimbawa at palatandaan na ang mga tumugon at sumagot ay mga buhay at ang mga tumalikod at sumuway ay tila mga patay. Buhay sa papaanong paraan?


Sinabi ng Allah جل جلاله:





“O, kayong mga naniwala, tumugon kayo sa Allah [sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya] at [sa Kanyang] Sugo kapag siya ay nanawagan sa inyo sa anumang maghahatid sa inyo ng buhay, at dapat ninyong malaman na ang Allah ay [Makapangyarihang] nasa pagitan ng tao at ng kanyang puso, at katotohanan, sa Kanya ang inyong pagtitipon [na lahat]”


Napapaloob sa talata na ito ang mga bagay at isa na dito ay ang buhay na kapaki-pakinabang, na makukuha natin sa pagtugon sa Allah جل جلاله at sa Kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم.


Sinuman ang hindi sumagot o tumugon ay tila ba siya ay napabilang na sa mga patay.


Sinabi ng Allah جل جلاله:





“At ang isa bang [dating] patay na Aming binigyan ng buhay [ginawaran ng patnubay] at itinakda para sa kanya ang liwanag [ng Eeman] na kung saan siya ay maglalakad kasama ng mga tao ay katulad ng isang nasa kadiliman [ng kawalang paniniwala] na kailanman ay hindi makalalabas mula roon? Ganyan nga ginawang kaaya-aya [sa paningin] ng mga di-naniniwala ang anumang [kamaliang] lagi nilang ginagawa”


At ano ang kanilang kalagayan?


Sinabi ng Allah جل جلاله:





“Katotohanan, yaon lamang mga [masigasig na] nakikinig [sa mensahe ng Islam] ang makatutugon [nito], subali’t yaong mga patay, [4] sila ay muling bubuhayin ng Allah, at pagkaraan, sila ay ibabalik sa Kanya”


Aking kapatid, Ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘patay’ sa talata?


Sila na yaong mga hindi naniwala at mga taong hindi tumutugon sa panawagan ng Allah جل جلاله at ng Kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم. At para doon sa mga yaong tumugon (sumunod, sumuko at tumalima sa batas ng Allah جل جلاله at sumagot), para sa kanila ay ang walang hanggang kasiyahan sa paraiso, ngunit sa mga hindi tumugon ay katakot takot na kaparusahan sa impyerno.


Sinabi ng Allah جل جلاله:





“Yaong mga tumugon sa kanilang Panginoon, [nakalaan sa kanila] ang pinakamabuting [gantimpala]. Subali’t yaong mga hindi tumugon sa Kanya - kung sila man ay mayroong lahat ng nasa kalupaan at ng nakakatulad nito, kanilang [tatangkaing] ipagpapalit ito bilang pantubos sa kanilang mga sariling [kaligtasan]. Sila yaong mayroong


pinakamasamang pagtutuos [ng gawa]. At ang kanilang kanlungan ay ang Impiyerno; at napakasamang pook na paghihimlayan”


Ang pagtugon sa Allah جل جلاله ay kundisyon upang makamit natin ang ating mga hinihiling mula sa dakilang Allah جل جلاله. Sinabi ng Allah جل جلاله:





“At kapag ang Aking mga alipin ay magtatanong sa iyo [O Muhammad] tungkol sa Akin. Tunay na Ako ay malapit [sa kanila]. Tinutugon Ko ang mga panalangin ng bawa't dumadalangin kapag siya ay nananalangin sa Akin [nang walang ibang tagapamagitan]. Kaya, hayaan silang tumugon sa Akin [sa pamamagitan ng pagsunod] at maniwala sa Akin, upang sakali sila ay [mapatnubayan] tumahak sa matuwid na landas”


Ang pagtugon ay katibayan ng pananampalataya.


Sinabi ng Allah جل جلاله:





“At Kanyang tinutugon [ang mga panalangin] niyaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matwid, at dinaragdagan [para] sa kanila ang Kanyang biyaya. Nguni’t sa mga di-naniniwala, para sa kanila ay isang matinding parusa”


Ang kapatawaran ay para sa mga tumugon, subalit kaligawan at kasawian sa mga tumalikod. Sinabi ng isang (Jinn) nilalang na hindi nakikita sa kanyang sambayanan:





“O aming mga mamamayan, tumugon kayo sa tagatawag [o sugo] ng Allah at kayo ay maniwala sa kanya. [Upang sa gayon ay] Kanyang patawarin ang inyong mga kasalanan at kayo ay Kanyang pangalagaan laban sa mahapding parusa. At sinuman ang hindi tumugon sa tagatawag [o sugo] ng Allah ay hindi makatatakas sa [Kanyang parusa sa ibabaw ng] lupa, at siya ay hindi magkakaroon ng ibang tagapangalaga bukod sa Kanya. Sila yaong nasa hayag na pagkaligaw.”


Aking kapatid, ito ang ilan sa mga dapat nating isaalang alang upang mapalapit ang isang muslim sa mga kautusan ng Allah جل جلاله ganon narin ang pagtugon sa Kanyang mga kautusan.


Sinabi ng Allah جل جلاله:





“Siya ay sumagot: “Sila ay malalapit sa aking mga yapak, at ako ay nagmamadali [na nagtungo] sa Iyo, O aking Panginoon, upang Ikaw ay masiyahan”


Ang kalagayan ni Abu Talha noong ibinaba ang talata ng banal na Qur’an sinabi ng Allah جل جلاله:





“Kailanman ay hindi ninyo makakamtan ang Birr [pagiging mabuti at matwid na siyang daan tungo sa Paraiso] hanggang hindi kayo gumugol [sa Landas ng Allah] mula sa anumang inyong minamahal; at anuman ang inyong gugulin mula sa anumang bagay, katotohanan, ito ay lubos na nababatid ng Allah [at ito ay Kanyang gagantimpalaan]” وإنَّ أحَبَّ أمْوَالِي إلَيَّ بَيْرُحَاءَ، وإنَّهَا صَدَقَةٌ لِلَّهِ، أرْجُو برَّهَا وذُخْرَهَا عِنْدَ اللَّهِ، فَضَعْهَا يا رَسولَ اللَّهِ حَيْثُ


أرَاكَ اللَّهُ، قَالَ: فَقَالَ رَسولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ: بَخٍ، ذلكَ مَالٌ رَابِحٌ


Dumating si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم at sinabi ni Abu Talha: Tunay na ang pinaka mahal ko mula sa aking mga kayaman ay ang (Bayruha) hardin na pinapasukan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم at sumisilong siya sa mga puno dito, at umiinum ng tubig mula dito. Katotohanan na ang kayamanan na ito ay para sa Allah جل جلاله at sa Kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم, umaasa ako na makakamtam ko ang paraiso ng Allah جل جلاله mula sa pagbibigay ko ng kayaman na ito .Ibinibigay ko ito bilang kawang gawa o Propeta ng Allahجل جلاله. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم:


“Bakh (salitang nasasabi dahil sa pagkamangha) o Aba Talha itong kayaman na ito ay kumita”


(Kayaman aking kapatid! lupa, hardin at balon na mismong sinisilungan at iniinuman ng sugo ng Allah جل جلاله na taos puso niyang binibigay para sa Allah جل جلاله.)


Noong ipinag-utos ng Allah جل جلاله na maging dereksyon ng pagdarasal ay ang Qa’bah naisaad ni Ibnu Umar kalugdan nawa siya ng Allah جل جلاله at kanyang sinabi: “At noong ang mga tao ay nasa Quba sa oras ng padarasal sa umaga (fajr), dumating sa kanila ang isang tao habang sila ay nagdarasal at sinabi na: ‘tunay na may rebelasyon na bumaba kay propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم kagabi at inutusan siya ng Allah جل جلاله na humarap sa dereksyon ng Qa’bah sa Makkah at humarap kayo doon, bagamat sila ay nakaharap sa dereksyon ng Palistine, sila ay bumaling at humarap sa dereksyon ng Qa’bah sa Makkah habang sila ay nagdarasal” Isa ito sa halimbawa nang mabilisang pagtugon sa kautusan ng Allah جل جلاله habang nasa loob ng pagdarasal.


Sinabi ni ibnu Abbas: 


Ang Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ay nakakita ng singsing mula sa daliri ng isang lalaki, pagkatapos ay kanya itong inalis mula sa kamay ng lalaking yaon at itinapon ito, at kanyang صلى الله عليه وسلم sinabi : “Sinasadya ng isa sa inyo na kumuha ng isang bato mula sa impyerno at inilalagay niya ito sa kanyang kamay?”


Sinabi ng ibang tao sa lalaki na ito pagka-alis ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: ‘Kunin mo ang singsing mo at pakinabangan mo ito’. Sinabi ng lalaki: “Hindi! Sumpa man sa Allah جل جلاله, hinding hindi ko kukunin kahit kailan ang singsing na iyon na itinapon ng sugo ng Allah جل جلاله.”


Noong ipinagbawal ang alak, at narinig ito ng mga mananampalataya. Narinig nila ang nanawagan ng “katotohanan na ang alak ay ipinagbawal na”.


Sinabi ni Abu Talha sa mga umiinom ng alak kagaya ni Anas: “Lumabas ka Anas at ibuhos mo ang mga alak”. Sinabi ni Anas: “Lumabas ako at ibinuhus ko nga ang mga ito, hanggang sa


umagos ito sa mga daan ng Madinah”. Sa iba pang salaysay, hindi na sila nag tanong patungkol dito at agad-agad nila itong sinunod.


Kapag naririnig ng ibang mga kasamahan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ang talata patungkol sa alak na nagsasaad ng:


“Kaya, hindi ba kayo magsitigil?


Sinasabi ng mga kasamahan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم sa tuwing naririnig nila ito, ‘Itinigil na po namin o aming panginoon.’


Ganun din si Handhalah, noong may panawagan ng banal na digmaan tungo sa landas ng Allah جل جلاله sa kasagsagan ng kanyang unang gabi ng kasal, iniwanan niya ang unang gabi na ito at lumakad patungo sa panawagan ng banal digmaan ng may pagtugon, at siya ay naging martir! Namatay siya sa digmaan na ito.


Sinabi ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: )إنَّ صُاحبَكم تُ غَسِّل ه اُلملائكة فُسألوا صُاحبتَه فُقالت إُنه خُرجَ لُماَّ سُمعَ اُلهائعةَ وُهو جن بٌ فُقال رُسو ل اُللهِ صُلَّى اُلله عُليهِ وُسلَّمَ لُذلكَُ


غَسَّلَتْه اُلملائكة (


“Katotohanan na ang kasamahan ninyo na si Hantalah ay pinapaliguan ng mga anghel”


Tinanong ang kanyang asawang babae kung ano ang dahilan ng biyaya na ito, sinabi ng asawa Handhalah: “Katotohanan na lumabas si Handhalah noong narinig niya ang panawagan ng banal na digmaan tungo sa landas ng Allah جل جلاله ng siya ay (junob) hindi pa nakakapaligo mula sa pagkikipagtalik.” Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: “kaya pala siya ay pinaliguan ng mga anghel”


At ng si Umar kalugdan nawa siya ng Allah جل جلاله ay dumating sa harapan ng itim na bato sa Qa’bah at hinalikan ito at sinabi na: “Katotohanan na alam kong isa ka lamang bato, hindi ka nakakapaminsala at hindi ka nakakapagbigay ng kapakinabangan, kung hindi ko nakita si


Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم na hinahalikan ka ay hindi kita hahalikan” Iniisang tabi niya ang mga bagay sa kanyang isipan dahil sa pagtugon sa mga gawa ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم.


At si Ibno Mas’ud kalugdan nawa siya ng Allah جل جلاله sa kanyang pagtugon at pagsunod na naiulat ni Jabber: ‘Noong tumayo si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم sa araw ng biyernes upang magbigay ng sermon kanyang sinabi: ‘Magsiupo kayo’. Narinig ito ni Ibnu Mas’ud, at umupo siya habang siya ay nasa pintuan pa lamang ng masjid.’


Iniulat ni Abu Saeed alkhudriy na habang nagdarasal si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم kasama ang kanyang mga kasamahan, tinanggal niya ang kanyang tsinelas at inilagay niya ito sa kanyang gawing kaliwa, at nang makita ito ng mga kasamahan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم ay tinanggal din nila ang kanilang mga tsinelas. Pagkatapos ng pagdarasal ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم kanyang sinabi: ‘Ano ang nag-tulak sa inyo upang alisin ang inyong mga tsinelas? sinabi ng kanyang mga kasamahan na: “Nakita namin na tinanggal mo ang iyong tsinelas at dahil dito tinanggal din namin ang aming mga tsinelas”. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: “Tunay na si Jibreel ay dumating sa akin at sinabi niya na may dumi ang mga ito”.


Lahat sila, ano ang nagtulak sa kanila upang tanggalin ang kanilang mga tsinelas? Dahil sa nakita nila ito, ‘nakita namin na tinanggal mo ang tsinelas mo kaya tinanggal namin ang aming mga tsinelas’. Gaano kaganda ang ganitong pagsunod at pagtugon aking mga kapatid sa Islam. Ang mga nabanggit natin, ang ilan sa mga kalagayan ng mga tumugon sa panawagan ng Allah جل جلاله at imbitasyon ng Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم. Ngunit may mga tao parin na tumatalikod at tumatanggi sa mga imbitasyon na ito. Ano nga ba ang dahilan? Dahil ito sa mga pumipigil sa kanila upang tugunan ang mga utos ng Allah جل جلاله at Kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم, ilan sa mga ito ay:


Ang pagmamalaki: Na ang isang tao ay iiwanan niya ang pagtugon, at pagsunod sa Allah جل جلاله at sa Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم dahil sa pagmamalaki. Iniulat ni Salamah na may isang lalaki na kumain sa harapan ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم Sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay. Sinabi sa kanya ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: “Kumain ka sa pamamagitan ng kanan mong kamay”. Kanyang sinabi: “Hindi ko kaya”. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم: “Bagkus ay kaya mo” walang nakapigil sa kanya maliban na lamang sa pagmamalaki.’


At noong panahon ni Fir’awn na nagmalaki ang kanyang nasyon at kanilang sinabi:





Sila ay nagsabi: “Kami ba ay maniniwala sa dalawang taong katulad lamang namin, samantalang ang kanilang mga mamamayan ay mga alipin [busabos lamang] namin.”


Ang pagka-inggit: walang ibang humadlang kay Ubay na pinuno ng mga mapagkunwari na pumasok sa Islam maliban na lamang sa subrang inggit at pagkamuhi. Dumating si Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم sa Madinah at ang mga alahas ay pinangangasiwaan ni Ibu Salul para bagang isa siyang hari ng Madinah.


Ang pagka-inggit din ang humadlang sa mga hudyo upang tumugon sa panawagan ng Allah جل جلاله.


Sinabi ng 


“ At karamihan sa Angkan ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano] ay naghahangad na kayo ay kanilang maibalik sa pagiging di-naniniwala pagkaraang kayo ay naniwala [sa Allah] sanhi ng paninibugho mula sa kanilang mga sarili, [kahit] pagkaraang naging malinaw para sa kanila ang katotohanan. Kaya, kayo ay [matutong] magpatawad at magpaumanhin hanggang iparating ng Allah ang Kanyang Kautusan. Katotohanan, ang Allah ay Ganap na may Kakayahan sa lahat ng bagay.”


Ang pagkiling at paggaya sa nakagisnan ng ninuno:


Sinabi ng 


At kapag sinasabi sa kanila: “Sumunod kayo sa anumang ipinahayag ng Allah.” Sila ay nagsasabi: “Hindi! Aming susundin ang anumang natagpuan naming sinusunod ng aming mga ninuno.” [Sabihin] “Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay walang anumang naunawaan at sila ay hindi napatnubayan?”


At isa ito sa kasuklam suklam na dahilan ng hindi pagtugon sa panawagan ng Allah جل جلاله.


Ang pagsunod sa kagustuhan at sa inaasam ng sarili:


Ipinaliwanag ng Allah جل جلاله ang mga dahilan sa hindi pagtugon ng mga hindi naniwala sa kanyang Propeta. Sinabi ng


“Nguni’t, kung sila ay hindi makatugon sa iyo – magkagayon dapat mong malaman na sila ay sumusunod lamang sa kanilang [sariling] pagnanasa. At sino nga ba ang higit na naliligaw kundi ang isang sinusunod ang sariling pagnanasa, na walang patnubay mula sa Allah? Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah ang mga mapaggawa ng kamalian”


Ang kagustuhan ng sarili ay kaligawan mula sa gabay ng Allah جل جلاله. Sinabi pa ng 


“At huwag mong sundin ang iyong sariling pagnanasa, sapagka’t ito ay maghahatid sa iyo sa pagkaligaw”


Ang pagkatakot: ang ilan na sa mga tao, nalaman na nila ang katotohanan at sigurado na sila dito ngunit pinipigilan sila sa pagtugon sa Allah جل جلاله at sa kanyang Sugo صلى الله عليه وسلم dahil sa takot niya para sa kanyang sarili o sa ikakaayos ng kanyang pangkabuhayan, at isa ito sa mga nakapigil sa pagtugon ng tribu ng Quraish sa panawagan ng dakilang Tagapaglikha ang Allah جل جلاله at Kanyang Sugo na si Muhammad صلى الله عليه وسلم. Sinabi ng 


At sila [ang mga Quraish] ay nagsasabi: Kung kami ay susunod sa patnubay na kasama mo, kami ay mapapaalis [14] mula sa aming mga lupain.” Hindi ba Kami ang nagtatag para sa kanila ng matiwasay na santuwaryo [ang Makkah] na kung saan dito ay iniluluwas


ang mga bunga ng lahat ng uri ng bagay bilang [inyong] panustos na nagmumula sa Amin, nguni’t karamihan sa kanila ay hindi nakababatid [nito]


بارك اُلله لُي وُلكم بُالقرآن اُلعظيم، وُنفعني وُإياكم بُما فُيه مُن اُلآيات وُالذكر اُلحكيم قُلت مُا سُمعتم، وُأستغفر اُلله لُي وُلكم، فُاستغفروه،ُ


إنه هُو اُلغفور اُلرُحيم.





الحمد لُله وُحده وُالصلاة وُالسلام عُلى مُن لُا نُبي بُعده، أُما بُعد:


Isa pa sa bagay na nagiging dahilan ng kawalan nang pagtugon o pagtalikod sa kautusan ng Allah جل جلاله at ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم, ay ang pagpigil o pagharang ng Allah جل جلاله. Sinabi ng 


“O, kayong mga naniwala, tumugon kayo sa Allah [sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya] at [sa Kanyang] Sugo kapag siya ay nanawagan sa inyo sa anumang maghahatid sa inyo ng buhay,4 at dapat ninyong malaman na ang Allah ay [Makapangyarihang] nasa pagitan ng tao at ng kanyang puso, at katotohanan, sa Kanya ang inyong pagtitipon [na lahat]”


Ang mga hindi tumutugon sa Allah جل جلاله ay tumanggi mula sa pagpasok sa paraiso. Sinabi ni Propeta Muhammad 


“Lahat ng aking nasyon ay papasok sa paraiso maliban na lamang sa mga tumanggi”. Sinabi ng kanyang mga kasamahan: ‘O sugo ng Allah! sino po ang mga tumanggi? Kanyang sinabi: “Sinuman ang sinunod ako ay makakapasok ng paraiso at sinuman ang sumaway sa akin, katotohanan na siya ay tumanggi”


At sinuman ang hindi tumugon mula sa panawagan ng Allah جل جلاله ay gagawing mahirap o mapait ang kanyang buhay sa mundo at lalong lalo na sa kabilang buhay binanggit ng Allah جل جلاله


patungkol sa yaong mga taong bubuhaying muli sa masaklap na kalagayan.


Sinabi ng 


“Sa Araw [na iyon], Siya ay mananawagan sa inyo, at kayo ay magsisitugon nang may papuri sa Kanya at inyong aakalain na kayo ay nanatili [sa mundong ito] maliban sa ilang saglit [lamang].”


Tumugon kayo sa pamamagitan ng pagpapasalamat at pagpapatupad ninyo ng mga utos at pagbabawal ninyo mga hindi pinahintulutan. Ngunit ito ay hahadlangan ng Allah جل جلاله doon sa mga taong palagiang sumusuway at tumatalikod. Sinabi ni Propeta Muhammad 


“Magpapatirapa ang lahat ng mga mananampalataya sa Allah جل جلاله at matitirang nakatayo ang lahat ng mga tao na nagpatirapa ng dahil sa pagpapakitang tao, sila ay magpapatirapang muli ngunit ang kanilang mga likod ay mananatili sa pagkaderetso nito, titigas at hindi nila ito maiyuyuko”


Nagpapatotoo dito ang sinabi ng 


“Sa Araw [na iyon] na ang Saq ay ilalantad at sila ay tatawagin upang magpatirapa [sa Allah] nguni’t sila [na di-naniniwala] ay walang kakayahan [upang magpatirapa]. Ang kanilang mga paningin ay nangayupapa, ang kahihiyan ay babalot sa kanila. At sila ay lagi nang tinatawagan sa pagpapatirapa [noong nabubuhay pa sila sa mundo] habang sila ay malulusog”


Sâq – isinalin sa wikang Filipino na Binti, na ito ay walang kahalintulad kundi ayon sa angkop na kadakilaan o Kamaharlikaan ng Allah جل جلاله.


Pag-isipan mo aking kapatid ang mga gawa at kilos mo, at tumugon ka sa panawagan ng iyong panginoon, bago pa mahuli ang lahat at pagsisisi na lamang ang iyong magawa. Sinabi ng 


“[Kaya] kayo ay tumugon sa inyong Panginoon bago dumating ang Araw mula sa Allah na hindi maiiwasan. Wala kayong mapagkakanlungan sa Araw na iyon, at wala kayong maipagkakaila”



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG