Tanong:
1) Ano ang pagkakaibahan ng Jinn, Iblis at Shaitan?
2) Ano ang pagkakaibahan ng mushrik at shirk?
Sagot:
#1. Ang Jinn ay isang lahi ng mga nilalang...tulad din ng sangkatauhan...
Ang Jinn ay lahi ng nilalang na nilikha ng Allah mula sa apoy at tinatawag sila sa wikang Tagalog bilang Engkanto o Maligno...sila ay espiritu dahil hindi sila nakikita...binigyan sila ng kakayahang magdesisyon kung kaya't mananatili ang kanilang pagka-Muslim kung sila'y susunod sa mga utos ng Allah at sa kabilang dako sila ay magiging hindi Muslim kung sila ay susuway sa mga utos ng Allah...
Ang unang sumuway sa Allah mula sa mga Jinn ay si Iblees nang likhain ang ama ng sangkatauhan na si Adam pbuh kaya't tinawag siya bilang Shaytaan o "isinumpang suwail"...sinuman sa lahi ng Jinn na susuway sa Allah ay tinatawag na mga demonyo o shayatin!
Allah Almighty says:
وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلٰٓئِكَةِ اسْجُدُوا لِءَادَمَ فَسَجَدُوٓا إِلَّآ إِبْلِيسَ كَانَ مِنَ الْجِنِّ فَفَسَقَ عَنْ أَمْرِ رَبِّهِۦٓ ۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُ ۥ وَذُرِّيَّتَهُ ۥ ٓ أَوْلِيَآءَ مِنْ دُونِى وَهُمْ لَكُمْ عَدُوٌّۢ ۚ بِئْسَ لِلظّٰلِمِينَ بَدَلًا
"And [mention] when We said to the angels, "Prostrate to Adam," and they prostrated, except for Iblees. HE WAS OF THE JINN and departed from the command of his Lord. Then will you take him and his descendants as allies other than Me while they are enemies to you? Wretched it is for the wrongdoers as an exchange."
(QS. Al-Kahf: Verse 50)
يٰبَنِىٓ ءَادَمَ لَا يَفْتِنَنَّكُمُ الشَّيْطٰنُ كَمَآ أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مِّنَ الْجَنَّةِ يَنْزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْءٰتِهِمَآ ۗ إِنَّهُ ۥ يَرٰىكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ ۥ مِنْ حَيْثُ لَا تَرَوْنَهُمْ ۗ إِنَّا جَعَلْنَا الشَّيٰطِينَ أَوْلِيَآءَ لِلَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ
"O children of Adam, let not Satan tempt you as he removed your parents from Paradise, stripping them of their clothing to show them their private parts. Indeed, he sees you, he and his tribe, from where YOU DO NOT SEE THEM. Indeed, We have made the devils allies to those who do not believe."
(QS. Al-A'raaf: Verse 27)
Hindi po lahat ng Jinn ay masama o demonyo nang gaya rin sa sangkatauhan na hindi lahat ay masama...
Again, ang mga suwail sa mga jinn ay yon ang mga tinatawag na demonyo... hindi lahat ng Jinn ay demonyo!!!
May Muslim sa mga Jinn at meron din hindi mga Muslim!!!
👇👇👇
وَأَنَّا مِنَّا الصّٰلِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذٰلِكَ ۖ كُنَّا طَرَآئِقَ قِدَدًا
"And among us are the righteous, and among us are [others] not so; we were [of] divided ways."
(QS. Al-Jinn: Verse 11)
وَأَنَّا مِنَّا الْمُسْلِمُونَ وَمِنَّا الْقٰسِطُونَ ۖ فَمَنْ أَسْلَمَ فَأُولٰٓئِكَ تَحَرَّوْا رَشَدًا
"And among us are Muslims [in submission to Allah], and among us are the unjust. And whoever has become Muslim - those have sought out the right course."
(QS. Al-Jinn: Verse 14)
Iisa lamang po ang paraan upang hindi maging katulad ni Satanas!
👇👇👇
Allah Almighty says:
يٰٓأَيُّهَا النَّاسُ اعْبُدُوا رَبَّكُمُ الَّذِى خَلَقَكُمْ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
"O mankind, worship your Lord, who created you and those before you, that you may become righteous -"
(QS. Al-Baqara: Verse 21)
يٰٓأَيُّهَا الَّذِينَ ءَامَنُوا ادْخُلُوا فِى السِّلْمِ كَآفَّةً وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوٰتِ الشَّيْطٰنِ ۚ إِنَّهُ ۥ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِينٌ
"O you who have believed, enter into Islam (worship and submission to Allah) completely [and perfectly] and DO NOT FOLLOW THE FOOTSTEPS OF SATAN. Indeed, he is to you a clear enemy."
(QS. Al-Baqara: Verse 208)
...and Allâh Almighty knows best!
#2. Ang pinakamalapit na salin o kahulugan ng "Shirk" sa wikang Tagalog ay "pagtatambal o pagbibigay kasama".
Ito ang kasalungat ng salitang "Tawheed" o "pagbubukod tangi sa kaisahan ng Allah ukol sa Kanyang pagka-Diyos (uloohiyyah), pagka-Panginoon (ruboobiyyah), at Kanyang mga Pangalan at Katangian (Asma wa assiffat).
SINUMANG TAO NA KANYANG PAGTAMBALAN O IAKIBAT O IBALING SA IBA ANG ANUMANG NAUUKOL LAMANG SA ALLAH hinggil sa Kanyang pagka-Diyos (uloohiyyah), pagka-Panginoon (ruboobiyyah), at Kanyang mga Pangalan at Katangian (Asma wa assiffat) ay hindi maituturing na Muslim kundi "Mushrik" o "mapagtambal na tao".
Ang kaso niya ay tinatawag na Shirk Akbar o MALAKING PAGTATAMBAL.
--- Ito ang uri ng pagtatambal na nagpapatiwalag sa isang tao mula sa Islam.
>Ito ang kasalanang hindi kailanman papatawarin ng Allah
sa sinumang namatay habang isinasagawa ito.
>Mananatili magpakailanman sa Impiyerno ang sinumang namatay habang nasa kalagayan ng ganitong uri ng kasalanan.
>Ipinagbawal sa kanya ng Allah ang Paraiso.
👇👇👇
Ang Dakilang Lumikha Allah ay nagwika:
﴿إِنَّ اللَّهَ لاَ يَغْفِرُ أَن يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذلِكَ لِمَن يَشَآءُ وَمَن يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَـلاً بَعِيداً﴾
"Katiyakan, ang Allâh ay hindi nagpapatawad sa sinumang nakagawa ng anumang ‘Shirk’ – paglalagay ng katambal sa pagsamba sa Allâh o pagsamba ng iba bukod sa Kanya; subali’t pinatatawad Niya ang anumang kasalanan maliban sa ganitong uri ng kasalanan, sa sinumang Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin. At sinuman ang nakagawa ng pagtatambal sa pagsamba sa Allâh o sumamba ng iba bukod sa Allâh, mula sa Kanyang nilikha, ay walang pag-aalinlangang lumayo siya nang pagkalayu-layo mula sa katotohanan."-Qur'an 4:116
﴿وَيَعْبُدُونَ مِن دُونِ اللَّهِ مَا لاَ يَضُرُّهُمْ وَلاَ يَنفَعُهُمْ وَيَقُولُونَ هَـؤُلاءِ شُفَعَـؤُنَا عِندَ اللَّهِ﴾
"At sila na mga walang pananampalataya ay sumasamba ng iba bukod sa Allâh, na hindi man lang makapipinsala sa kanila at hindi man lamang makapagbibigay ng kapakinabangan sa kanila rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay at sinasabi nila: “Katiyakan, sinasamba lamang namin ito upang mamagitan sa amin sa Allâh,”
---Qur'an 10:18.
...and Allâh Almighty knows best!
(c) Angel Jibrail