Mga Artikulo

 





1. ANG KAISAHAN NG DAKILANG LUMIKHA.


ANG SABI NI JESUS…“Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos, Siya lamang ang Panginoon -Marcos 12:29 





ANG SAGOT NI PABLO…“Iisa lamang ang Diyos, ang Ama…iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo.”-1Corinto 8:6





ANG SABI NI JESUS…“Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin Ka nila, Ang Nag-iisa at Tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo ay Iyong sinugo.”-Juan 17:3 





ANG SAGOT NI PABLO…“Tulad ni Cristo Jesus na bagamat siya ay Diyos, hindi nagpilit na manatiling Kapantay ng Diyos.-Filipos 2:5-6





2. ANG KATANGIAN NG NAG-IISANG DIYOS. 


ANG SABI NI JESUS…“Ang Diyos na nagsugo sa akin…kailanman ay hindi ninyo narinig ang Kanyang tinig at nakita ang Kanyang anyo.” -JUAN 5:37 





ANG SAGOT NI PABLO…“Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita.” -Colosas 1:15“Tulad ni Cristo Jesus…hinubad niya ang katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na alipin.” -Filipos 2:5-7





3. ANG PANANATILI NG MGA BATAS NG DIYOS. 


ANG SABI NI JESUS…“Magaan pang maparam ang langit at lupa kaysa mawalan ng bisa ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan.” -Lucas 16:17 





ANG SAGOT NI PABLO…“Si Cristo ang hangganan ng Kautusan, at sa gayon ang sinumang nananalig sa kanya ay pawawalang-sala.” Roma 10:4 





ANG SABI NI JESUS…“Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang–bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon.”-Mateo 5:17-18 





ANG SAGOT NI PABLO…“Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus… Pinawalang-bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin.” -Efeso 2:13,15





4. ANG KAHALAGAHAN NG MGA KAUTUSAN NG DIYOS. 


ANG SABI NI JESUS…“Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.”-Mateo 19:17 





ANG SAGOT NI PABLO…“Hindi ko na hangad na maging matuwid sa pamamagitan ng Kautusan kundi sa pananalig kay Cristo.” -Filipos 3:9“Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.” 1Corinto 15:56





ANG SABI NI JESUS… “Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos. Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.” -Mateo 5:19-20 





ANG SAGOT NI PABLO… “Ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasalanan sa pamamagitan ng Kautusan.” -Roma 3:20





5. ANG NAG-IISA NA DAPAT PURIHIN AT SAMBAHIN .


ANG SABI NI JESUS… “Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang Panginoon.” -Lucas 16:13 





ANG SAGOT NI PABLO… “Ang pagsamba natin ay sa Espiritu at na kay Jesu-Cristo ang ating kagalakan.”-Filipos 3:3





ANG SABI NI JESUS… “Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Diyos na nasa lihim, at ang iyong Diyos na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.”-Mateo 6:6 





ANG SAGOT NI PABLO… “Ang Cristo ng siya’y maging tao, Diyos na Kataas-taasan na pinapupurihan magpakailanman! Amen.” -Roma 9:5





6. SI JESUS AY ISINUGO NG DIYOS UPANG MAGING SAKSI AT HUKOM LAMANG SA LABINDALAWANG LIPI NI ISRAEL .


ANG SABI NI JESUS… “Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo. -Mateo 15:24





ANG SAGOT NI PABLO… “Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat.” 1Timoteo 1:15





ANG SABI NI JESUS… “Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang marangal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel.”-Mateo 19:28 





ANG SAGOT NI PABLO…“Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Cristo upang tumanggap ng kaukulang ganti sa kanyang ginawa.” -2Corinto 5:10





7. ANG EBANGHELYO AY PARA SA LAHI NI ISRAEL AT HUWAG PUPUNTA SA MGA HENTIL (HINDI-HUDYO) 


ANG SABI NI JESUS… “Huwag kayong pupunta sa mga lugar ng mga Hentil o alinmang bayan ng mga Samaritano.Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel.” -Mateo 10:5-6





ANG SAGOT NI PABLO… “Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Humayo ka, sapagkat susuguin kita sa malayo,sa mga Hentil.’” -Gawa 22:21 





8. ANG TAWAG NG MGA TUMATALIMA SA KALOOBAN NG DIYOS KAY JESUS BILANG SUGO, PROPETA AT KAPATID .


ANG SABI NI JESUS…“Sino ang aking ina at mga kapatid? Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos ay siya kong ina at mga kapatid! Marcos 3:33-35





ANG SAGOT NI PABLO… “IPAHAYAG NG LAHAT NA SI CRISTO ANG PANGINOON, SA IKARARANGAL NG DIYOS AMA.” -Filipos 2:5-11 





ANG SABI NI JESUS… “…inyong iibigin ako sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Diyos; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo Niya ako.”-JUAN 8:42





ANG SAGOT NI PABLO… “Kung ipapahayag ng iyo



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG