Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain
Ang sumusunod na salin ng aklat "Sino ang Unggoy?"
ay bilang patotoo sa pagka-makatotohanan sa
pananampalataya ng mga Muslim hinggil sa pinagmulan ng
mga tao. Ito ay mahalaga at kakailanganing aklat para sa
lahat ng nangangarap na maintindihan ang konseptong
pinagmulan ng buhay ng tao ayon sa Islam. Ito ay para sa
lahat ng mga estudyante o mag-aaral.
Ang sumusunod na senario o pagsasadula ay nangyari
sa isang paaralan o institusyong pang-edukasyon: "Hayaang
aking ipaliwanag ang suliraning mayroong siyensiya sa
Diyos..." Ang atiestang propesor ng philosophy ay
bahagyang naghinto sa kanyang klase at pagkaraan ay
nagtanong siya sa isa sa mga bago niyang estudyante upang
tumayo. "Ikaw ay isang Muslim, hindi ba, anak?"
"Opo, sir."
"Samakatuwid, ikaw ay naniniwala sa Diyos?"
"Tama po!"
"Ang Diyos ba ay mabuti?"
"Tama po! Mabuti ang Diyos!"
"Ang Diyos ba ay higit na makapangyarihan? Kaya bang
gawin ng Diyos ang anumang bagay?"
"Opo."
3
Ang propesor ay tumawa at sinabing "Ito ang isa para
sa iyo: Ipagpalagay natin na sa banda rito ay mayroong isang
may sakit at kaya mong gamutin. Magagawa mo ito. Siya ba
ay iyong tutulungan? Susubukan mo ba?"
"Opo, sir. Gagawin ko."
"Samakatuwid, mabuti ka...!"
"Hindi ko iyan sinasabi."
"Bakit hindi mo iyan sasabihin? Kung kaya mo, dapat
mong tulungan ang may sakit at taong may pinsala...
Samantala, ang karamihan sa atin ay gagawin kung kaya...
Ang Diyos, hindi ba gagawin?"
[Walang sumasagot.]
"Ayaw Niya, hindi ba? Ang aking kapatid ay isang
Muslim at namatay sa sakit na kanser, kahit papaano siya
noon ay nananalangin sa Diyos upang pagalingin. Anong
kabutihang mayroon ang Diyos? Hmm? Pakisagot mo nga
ito?"
[Walang sumasagot.]
Ang taong matatanda ay maunawain at matulungin.
"Hindi, hindi mo magagawa, kaya mo ba?"
Ang propesor ay humigop muna ng tubig mula sa
basong nakalagay sa kanyang lamesa para magkaroon ng
bahagyang oras ng pamamahinga ang mga estudyante. Sa
4
philosophy, kailangan magpatuloy ng maluwag sa mga
panibagong paksa.
"Mag-umpisa ulit tayo mga bata Ang Diyos ba ay
mabuti?"
"Er... Opo."
"Ang Demonyo ba ay mabuti?"
"Hindi."
"Saan ba galing ang Demonyo?"
Hindi nag-atubiling sumagot ang mga estudyante.
"Mula sa...Diyos..."
"Iyan ay tama. Diyos ang gumawa sa Demonyo, hindi
ba Siya?"
Ang mga matatanda ay malimit isuklay ang kanilang
mga daliri sa numinipis nilang buhok at sabay siyang
lumingon sa mga estudyanting nakikinig at nakangisi.
"Sa aking palagay ay magkakaroon tayo ngayong
semester ng maraming kasiyahan, ladies and gentlemen."
Siya ay ulit lumingon sa estudyanteng Muslim. "Sabihin
mo sa akin, anak. Mayroon bang demonyo sa mundong
ito?"
"Opo, sir."
"Kahit saan mayroong Demonyo, hindi ba? Diba
ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay?
5
"Opo."
"Sino ang lumikha sa Demonyo?"
[Walang sumasagot.]
"Mayroon bang sakit sa mundong ito? Imoralidad?
Galit? Kapangitan? Ang lahat ng bagay na nakakatakot – sila
ba ay nandito sa mundong ito?"
Ang mga estudyanting pumipilipit sa kanilang paa (at
sinabing). "Oo."
"Sino ang lumikha sa kanila?"
[Walang sumasagot.]
Ang propesor ay biglang sinigawan ang mga estudyante.
"SINO BA ANG NAGLIKHA SA KANILA? PAKISABI
SA AKIN!" Ang propesor ay nagsalita ng malumanay ngunit
nakamamatay na boses, “Nilikha ng Diyos ang lahat ng
masama, hindi ba Siya (ang naglikha rito) anak?”
[Walang sumasagot.]
Sinubukang pigilan ng mga estudyante ang galaw kahit
sa pamamaraan ng isang makahulugang sulyap subalit
walang silbing naidulot ito. At biglaan, ang tagapangaral ay
bumilis ang paglalakad sa harapan ng klase na parang may
edad na paugod-ugod, na parang isang panther na malaki
ang tiwala sa sarili.
Ang klase ay tahimik na tahimik. “Sabihin sa akin…”
patuloy niya, "Paanong mabuti ang Diyos na ito kung Siya
6
ang naglikha sa lahat ng kasamaan sa lahat ng panahon?"
Ang propesor ay itinuturo ang kapaligiran bilang mga bagay
na sanhi ng kasamaan ng mundo.
"Ang lahat ng galit, kalupitan, mga pasakit, lahat ng uri
ng pagpapahirap, lahat ng walang kabuluhang pagkamatay at
kapangitan, at ang lahat ng mga pagtitiis dulot ng mabuting
Diyos na ito ay sakop lahat ng mundo, hindi ba, binata?"
[Walang sumasagot.]
"Hindi mo ba nakikita na ito ay laganap sa lahat ng
pook? Huh?" pansamantalang tumigil ang propesor. "Hindi
ba?"
Ulit na inilapit ng propesor ang kanyang mukha sa
mukha ng estudyante at ibinulong niya, "Ang Diyos ba,
mabuti?"
[Walang sumasagot.]
"Ikaw ba ay naniniwala sa Diyos, anak?"
Ang mapagkanulong boses ng estudyante at ang basag
na boses ay bumubulong sa kanya na nagsasabi, "Opo,
propesor. Naniniwala ako."
Malungkot na umiling ang ulo ng matanda. "Sinabi ng
Siyensiya, ikaw ay mayroong limang karamdaman na
karaniwan ay iyong ginagamit sa pagkilala at pagsisiyasat sa
kapaligiran ng mundo. Kailanman ay hindi mo nakita ang
Diyos, nakita mo ba?"
"Hindi, sir. Kailanman ay hindi ko Siya nakita"
7
"Samakatuwid! Sabihin mo sa amin kung iyong narinig
ang iyong Diyos?"
"Hindi, sir. Hindi ko narinig."
"Naramdaman mo ba ang iyong Diyos, nalasahan mp
ang iyong Diyos, o naamoy ang iyong Diyos? Sa
katotohanan, mayroon ka bang karamdamang pangunawa sa
iyong Diyos ng kahit anupaman?"
[Walang sumasagot.]
"Pakisagot mo naman ako."
"Hindi, sir. Natatakot ako baka hindi ko kaya."
"Natatakot ka... na wala ka pang nagawa?"
"Hindi, sir."
"Gayunpaman, naniniwala ka pa sa Kanya?"
"Opo..."
"Iyan ang PANANAMPALATAYA!" Ang propesor ay
ngumiti ng may pahiwatig ng kaalaman sa isang musmos na
estudyante. "Ayon sa batas ng mga maka-empirical,
pagsubok, pagpapatotoo, sinasabi ng siyensiya na ang
inyong Diyos ay hindi nabubuhay. Ano ang inyong masasabi
hinggil dito, anak? Nasaan na ngayon ang iyong Diyos?"
[Ang estudyante ay hindi sumasagot.]
"Maupo ka, puwede!"
8
[Umupo ang Muslim na wari‟y natalo. Subalit ang
tulong ng Allah ay dumating at ang tagumpay ay hindi
maaaring hindi mangyayari.']
Mayroong isa pang Muslim na nakasuot ng gora
(pangtakip sa ulo ng mga Muslim). May mahabang balbas at
madaling makikilala bilang Muslim sa kanyang pananamit, at
itinaas ang kanyang kamay. "Propesor, maari bang magsalita
sa loob ng klase?"
Ang propesor ay lumingon at ngumiti. "Ah! Mayroon
pa palang ibang Muslim na nasa unang hanay ng dipensa.
Isang Fundamentalist, at nakikita ko. Halika, halika,
binata! Magsalita ng mga ibang matutuwid na aralin sa
pagpupulong na ito!"
Hindi inintindi ng isang Muslim ang tonong panlalait ng
propesor. Siya‟y tumingin muna sa kapiligiran ng kuwarto at
hinihintay ang atensiyon ng mga estudyante at humarap sa
propesor.
"Sir, nakapagbigay ka ng mga kaakit-akit na paksa.
Kung papayag ka, sir, gusto kung ipaliwanag ang bawat
punto ng paksa, paisa-isa. Ang paksang ito ay dapat
talakayin ayon sa pagkamakatarungan o makatwirang sagot
at ayon sa turo ng siyensiya at hindi mga makadamdaming
kasagutan. Ang unang punto ay ang iyong pangunahing
katuruan o paniniwala na ang Diyos ay hindi nabubuhay.
Ang sanlibutan, ay nag-umpisang mabuo sa paniniwala o
katuruan ng napakalakas na kalantug o kalampag (The Big
9
Bang) at sa pamamagitan ng Ebolusyon, ay sa huli, nabuhay
ang tao. Hindi ba iyan ang paniniwala mo propesor?"
"Anak, ito ay hindi mangyayari kung walang nagsabi.
Mayroong sapat na dahilan ang siyensiya para rito. Ano nga
ba ang mapapala mo?"
"Huwag tayong magmadali. Hayaang gamitin natin ang
lohika (makatwiran) at rason o dahilan at tamang
argumentong pang-siyensiya. Bilang pangunahing salita, ay
inaasahan kung ipahayag na aking ginamit ang katagang
„doktrina‟ na may kasamang kaalaman, para sa mga pari ng
mga huwad na siyensiya (pseudo-science), samantala, ito ay
bagay na pinapaunlad ang pananampalatayang atiesmo
bilang relihiyon. May tanong ako sa iyo, propesor. Mayroon
tayo sa mundong ito ng millions upon millions ng mga
paputok, mga bala at mga bomba. May narinig ka ba, na
mga paputok na ito ay sabay-sabay at kusang sumabog, o
tinatanggap mo ba, na kahit ang mga sangkap nito ay
nakalagay sa iisang lalagyan, ay nangangailangan din ng isang
mekanismong magpapaputok sa mga paputok na ito?
Dalawang bagay ang mailalahad: Una, ang tama at wastong
mga sangkap nito at tamang laki na umaayon sa kapaligiran
nito; at pangalawa, ay mayroong tao o bagay na
magpapaputok rito, maaaring sa pamamagitan ng palito ng
posporo o di kaya ay martilyo ng isang baril, o mga ibang
tilamsik ng kuryente. Halimbawa, kung sabihin ng isang tao
na mayroong bala sa kanyang kamay at biglang pumutok ng
kusa at napatay ang taong malapit sa kanya, tatanggapin ba
10
ito ng mga siyemtipiko ang ganoong katawa-tawang
dahilan?"
"Tiyak, hindi tatanggapin. Ano ba ang ibig mong
sabihin?"
"Katotohanan, kung gusto mong kami ay papaniwalain
sa isang Malaki (Malakas) na Kalantug o Kalampag (the Big
Bang), na ang isang malakas na pagsabog ay nangyaring
walang kumalabit sa trigger nito o sumindi ng posporo o
tilamsik ng kuryente ay dapat mo ring ipaliwanag sa amin
kung papaanong hindi mangyayari sa mundong ito ang
maliliit na pagsabog na walang kinalaman o tulong ng ibang
ahensiya? Anumang paniniwalaan ng siyentipiko ay
kinakailangang maipakita upang ito ay matanggap."
Ang bibig ng propesor ay nakabuka lang subalit walang
salitang lumalabas rito.
"Ganun din, alam natin na hindi kapani-paniwala sa
larangan ng siyentipiko na ang isang bagay ay may
kakayahan upang lumikha ng kanyang sarili. Halimbawa, ang
upuang kahoy na ito. Hindi ito nalikha mula sa kanyang
sarili. Mayroong mga bagay mula sa ibang ahensiya na
gumagawa rito. Ganun din mismo ang kahoy, hindi siya ang
naglikha sa kanyang sarili. Nagmumula ito sa isang buto na
itinanim at nabuhay. Ang buto mismo ay nanggaling sa
ibang paraan at hindi maaaring mabuhay na ito ay
magmumula sa kanyang sarili. Maaari mo bang ipaliwanag sa
amin kung paano nabuhay ang isang orihinal na bagay –
bagay na ang sinabi ng mga pari ng huwad na siyensiya na
11
ito ay pinaputok ng mahiwagang Malakas na Kalampag
upang mailabas nito ang kauna-unahang bagay na
mabubuhay? Ganun din, kung bakit ang inyong mga pari ay
hindi mailalabas ang mga palatandaan mula sa laboratoryo?
Propesor, dapat mong malaman na anumang argumentong
siyentipeko ay dapat nailalabas ang pruweba upang ito ay
mabigyan ng siyentipikong paniniwala.."
"Anak, isang napakaliit na isipin na kaya nating gawin
ang bagay na iyan. Ang enerhiyang pinakawalan ng isang
Malakas na Kalantug ay bagay na hindi natin maabot, o di
kaya ay maaari tayong makagawa ng kasingtulad doon na
pangyayari."
"Propesor, nakaligtaan mong sabihin sa amin kung sino
ang naghanda o pinanggalingan ng mga sangkap nito, at
nakaligtaan mo ring sabihin sa amin kung sino ang
pumindot sa butones nito o sino ang pumindot sa trigger
nito, o di kaya ay sino ang sumindi sa posporo ng Big Bang
upang ito ay mangyari. Saan nagmula ang katakot-takot na
enerhiyang iyong sinasabi? Halika, halika, propesor! Hayaan
mong tayo ay magiging siyentipik hinggil dito. Opo,
propesor, nangangailangan ito ng matibay na
PANINIWALA sa mga katuruang turo ng mga pari ng
huwad na siyensiya upang maniwala sa Big Bang. Ikaw ba ay
umaasa sa amin upang itapon ang wastong pamamaraang
paniniwala ng siyentipiko at maniwala sa lahat ng mga
hocus-pocus na ito para sa isang bulag na paniniwala
bagama‟t nandiyan ang mga maliliwanag na mga
paniniwalaan ng siyentipiko?"
12
[Walang sumasagot.]
"Kung hindi mo mamasamain, propesor, aking
tatalakayin hinggil sa doktrina ng ebolusiyon ayon sa
pagpapahayag ng mga pari ng huwad na siyensiya. Ikaw ay
higit na nakaka-alam na walang bakas na maipapakita na
maaaring maiugnay niya ito hinggil sa pinagmulan ng tao
mula sa mga unggoy at ang pagkakaroon ng malimit na
paghahanap sa tinatawag na, „Nawawalang Kaugnayan‟ o the
'Missing Link'?"
"Opo, subalit napakarami pang ibang mga ebidensiya..."
"Sorry sa pag-abala, propesor. Iyong tinatanggap na
walang direktang kaugnayan. Kailangan mo ring tanggapin
na walang mga bakas (fossils) na magpapakita ng mga
katiyakang tagapamagitan o tulay hinggil sa mga hakbang sa
mga pagbabagong – kalagayan mula unggoy sa tao. At
tinitiyak kong alam mo rin hinggil sa Piltdown Forgery,
propesor?"
"Piltdown...? Piltdown...?"
"Hayaang aking sirawain ang iyong memorya, propesor. Ang
iba sa mga bakas (fossils) ay natagpuan sa isang lugar na
tinatawag sa pangalang Piltdown sa England. Ang mga
naiwang bakas ay ipinakikita nito na ang bawat tanda o
palatandaan na ang mga pari ng huwad na siyensiya at
atiesmo ay naghahanap sa “Nawawalang Kaugnayan o ang
'Missing Link' sa kawing ng ebolusyon. Ang buong mundo
ay napaniwala rito. At kahit pa ang mga taong-mapaghinala
ay nakumbinse – hanggang ito ay matagpuan, apat napung
13
taon ang nakaraan, na karamihan sa samahan ng mga paring
siyentipiko na dinoktor nila ang mga naiwang bakas (fossils)
upang mailahad nila at maipakitang iyon na ang
Nawawalang Kaugnayan o the Missing Link. Ito ay isang
napakalaking kasinungalingan, malawakang panghuhuwad
na ginawa ng inyong mga pari upang kumbinsihen ang
mundo na ang relihiyong atiesmo ay totoo at ang tao ay
nagmumula sa mga unggoy! Kung gusto mo pa ng
maraming paliwanag hinggil dito ay maaari mong basahin
ang gawa ni Professor Tobias, ng South Africa, hinggil sa
detalye ng paghuhuwad na ito."
Ang mukha ng propesor ay nagiging puting maputla at
wala siyang naibigay na komento.
"Sa usaping panghuhuwad - propesor, alam mo ba kung
ano ang plagiarism (pamamlahiyo)? Maari mo bang
ipaliwanag sa klase nating ito kung ano ang Plagiarism?"
Sapilitang nagsalita, sinabi ng propesor, "ang Plagiarism
ay ang angkinin ang gawa ng iba at ipasa ito at ituring bilang
iyong sariling gawa."
"Tama. Maraming salamat, propesor. Kung
magpakatotoo ka lang at maging makatarungan sa iyong
pagsasaliksik ay malalaman mo, ang mga bansang Kanluran
ay ginawan nila ng hindi makatarungang pag-aangkin sa
lahat ng TOTOONG gawang siyentipiko ng mga Muslim,
pinaunlad nila sa pamamaraan ng mga makabagong gamit
ng siyensiya at tinagurian nilang kanilang pansariling mga
pagtutuklas at gawa. Hindi na kailangang ikaw ay umasa sa
14
aking mga salita bagkus sumulat ka lang sa 'Centre for
Studies on Science', Al-Humera, Muzzammil Manzil,
Dodhpur, Aligarh, India, at sila ay masayang ipapadala sa iyo
ang lahat ng mga may kaugnayan sa literatura bilang patunay
sa puntong ito."
Sa ngayon ang klase ay naging maalalahanin sa mga
salita ng estudyanting Muslim at bilis na kanilang sinusulat
ang mga tirahan na binanggit nito.
"Hayaang tayo ay bumalik hinggil sa doktrina ng
ebolusyon kung saan ang mga pari ng huwad na siyentipiko
ay kanilang pinaunlad sa mundo. Ang pinakagulugod ng
lahat ng kanilang mga doktrina ay ang konsepto ng 'natural
selection'. Ang kahulugan nito ay ang mga uri o klase ng
mga bagay na ito ay nababagay sa mga pagbabago ng
morpholohiya at physiolohiya, mga pagbabago na kanila
itong ipinasa sa mga darating na salinlahi, upang sila‟y
bigyang lakas na manatili; samantala ang ibang uri na hindi
nababagay ay nalilipol. Ang pinakamagandang halimbawa ay
ang mga dinosaurs, ito ay walang kakayahang
makipagkompetinsiya sa mga maliliit, maraming maliliit at
masisiglang hayop ay mapaghimalang nakagagawa ng mga
pagbabago, samakatuwid, ang mga malalaki, mababagal na
hayop ay nalilipol, samantala ang mga maliliit na hayop ay
nabubuhay at nananatili. Ganun din, sa panahon ng
ebolusyon, yaong wala ng silbi ay maglalaho, katulad ng mga
buntot at kuko, na pinalitan ng mga walang buntot na may
kamay na humahawak, at ito ay tumutukoy sa tao. Ikaw ba
ay naniniwala sa doktrinang ito, hindi ba Propesor?"
15
Ang kawawang propesor ay hindi segurado kung siya ba
ay tatalima o hindi, dahil siya ay nasa kalagayang pagaalinlangan kung saan anggulo manggagaling ang darating na
paputok!
"Halika, halika, propesor! Ito ang pinakamahalagang
doktrina ng ebolusyon kung saan ang inyong mga pari ay
ipinapaliwanag sa masang walang-ingat. Hayaang salungatin
natin ang huwad na siyensiya ng totoong siyensiya.
Propesor, mayroon ba sa mga siyentipiko ang nakagawa at
nakapagpalabas ng panibagong buhay sa kanyang
laboratoryo sa pamamagitan ng sariling pagkontrol at
pagpapalit ng kalikasan? Huwag kalimutan, ang siyensiya ay
tumatanggap lamang ng mga materiyal na doktrina kung ito
ay maipapakita o mapapatunayan nito."
[Walang sumasagot.]
"Talagang wala, kahit ilang beses pa nila ito tangkaing
gawin, tiyak walang mangyayari! Hayaang tayo ay bahagyang
lumayo: Alam natin na ang mga Hudyo ay tinutuli nila ang
mga bagong panganak na lalaki. Alam din natin na ang
gawain ng pagtutuli ay tuloy-tuloy nila itong ginagawa mula
pa sa kapanahunan ni Abraham (Sumakanya nawa ang
kapayapaan). Ang naging resulta ay naiba na rin ang uri o
disenyo ng sakit. Sinumang batang lalaki ang mayroong
namanang pagdurugo ay maaaring mamatay na rin sa sakit
sa pagdurugo at ang sakit na ito ay hindi naipapasa sa
susunod na salinlahi. Sumasang-ayon ka ba, propesor?"
16
Tumango lang ang propesor, iniisip na ang punto na ito
ay sa kanyang panig.
"Kaya sabihin mo sa amin, propesor, pagkaraan ng
libong mga taon ng pagpapatuli sa mga sanggol na lalaki,
bakit hindi ipinanganak ang mga batang Hudyo na walang
unang balat sa kanilang mga ari? Kahit ang buong unang
balat sa ari ay hindi nawala, ayon sa doktrina ng natural
selection ng inyong mga pari, ay dapat mayroong mga
palatandaan na ang unang balat sa kanilang ari ay liliit! Hindi
ka ba sasang-ayon, propesor?"
Ang kaawa-awang propesor ay nakatanaw lang sa
unahan na parang hindi naramdaman ang patama sa kanya!
"Propesor, may mga anak ka ba?"
Parang nakapagpahinga ng maiba ang paksa, ang propesor
ay sinusubukan niyang gisingin ang kanyang tiwala sa sarili.
"Opo, mayroon. Mayroon akong dalawang batang lalaki at
isang babae." Ang propesor ay nakayanan din niyang
ngumiti nang banggitin niya ang kanyang mga anak.
"Propesor, pinapasuso mo ba sila noong sila ay sanggol
pa lamang?"
Parang nabigla siya sa nakakalukang tanong na ito,
bumulalas ang propesor.
"Anong kalukuhang tanong na ito! Tama, hindi ako!
Ang asawa ko ang nagpasuso."
17
"Propesor, mayroon bang pari ng mga atiesta na
nakakita ng mga lalaking pinapasuso ang kanilang mga
sanggol?"
"Ulit, kalukuhang tanong. Mga babae lang ang
nagpapasuso sa mga sanggol."
"Propesor, kahit hindi kita hinubaran, Tinitiyak ko na
ikaw ay may dalawang suso, kasingtulad ng ibang mga lalaki.
Dahil sa ito ay paulit-ulit, bakit hindi ito nawala? Ayon sa
doktrina ng natural selection, ang mga ganoong bagay na
walang silbi katulad ng suso ng mga lalaki ay dapat ng
nawala sa lahat ng kalalakihan, daan libong taon na kung
hindi milliones ang mga nakaraan ng taon! Propesor,"
Malumanay na nagsasalita ang estudyanting Muslim,
hindi siya sumigaw at hindi niya inilapit ang kanyang mukha
sa mukha ng propesor, "Iyan ay sinisiguro ko, batay sa
wasto at tamang argumento ng siyensiya at hindi ang huwad
na siyensiya – makakasangayon ka na ang doktrina ng
ebolusyon ay malaking karga ng mga basura o kalukohan
lamang?"
Ang mukha ng propesor ay ilang beses ng nag-iba ng
kulay at ang magagawa lamang niya dahil siya ay walang
makuhang tulong ay nagkakanda-gago sa pagsasalita.
Ang estudyanting Muslim ay lumingon at humarap sa
klase at kinausap sila ng may kasamang ngiti sa kanyang mga
labi. "Sa katotohanan, maaaring ang isa ay magsasabi,
sinumang maniwala na siya ay nagmula sa unggoy ay
nararapat niyang paniwalaan na siya ay isang unggoy!"
18
Umabot ng ilang sandali bago maunawaan ng klase ang
patudyong nilalaman ng salita ng estudyanting Muslim,
subalit ng maabot nila ang kahulugan nito, sila ay hiyawang
tumawa.
Nang manumbalik ang atensiyon ng mga estudyante
mula sa pagtatawa, nagpatuloy ang estudyanting Muslim. At
siya‟y bumaling sa propesor at kanyang sinabi,
"Napakaraming puwang sa doktrina ng ebulosyon na ito at
tumatagas na parang salaan. Subalit, nauubos na ang orasan
– at hindi tatagal ako ay papunta ng Masjid para magdasal –
kaya hindi natin ngayon matatalakay lahat ang mga
kuwentong alamat. Hayaang tayo ay dumako naman sa
paksang moralidad na iyong inilahad. Subalit, bago ang iyan,
hayaang tingnan muna natin ang puntong iyong ginawa
tungkol sa kapatid mong namatay sa cancer. Kung ikaw ay
nagagalit dahil siya ay namatay, ay tiyak ikaw ay tanga. Ang
mga tao, at ang lahat ng nilalang may buhay ay lahat
mamamatay at iyan ay hindi maipagkakailang pangyayari na
pinaniniwalaan ng lahat ng tao, maging sila man ay
naniniwala sa Diyos o hindi, at walang isa man ang maaaring
itanggi ang proseso ng kamatayan. Pangalawa, hindi ka
naman bata upang itanggi ang pamamaraan ng isang
pagkakaroon ng karamdaman o sakit – maging ito man ay
cancer o anumang uri ng karamdaman, o aksidente at iba pa
– bilang pasimula sa proseso ng kamatayan. Ang iyong
pagtatanggi ay nagsimula ito mula sa iyong maling
pangunawa na ang kabutihan ay nakakapawi sa mga pasakit,
at ang gumawa ng dahilan ng pasakit ay kalupitan. Kung
ganito ito, samakatuwid, propesor, wala kang pagpipilian
19
maliban sa sumang-ayon ka na ang pinakamalupit na tao sa
mundo ay ang mga siyentipikong manunuri sa panggagamot
na kung saan ang ginagamit nila ay mga hayop sa lahat ng
kanilang mga nakakapangilabot na eksperimento. Tiyak,
dapat alam mo ang libo-libong mga hayop na dumaan sa
iba‟t ibang pamamaraan ng labis na pagpapahirap at
matinding sakit para lang magkaroon ng pruweba o walang
pruweba ang isang pagsusuring para lamang sa siyensiya at
gamot? Hindi kaya ang mga tagasuri na ito ay malulupit?
Nakikinig ka ba sa akin propesor?"
Bakas sa mukha ng propesor na siya ay parang may
karamdaman. Ang estudyanting Muslim ay kumuha ng tubig
at ibinigay sa kanya para inumin.
"Propesor, tatanungin kita ng ibang maliwanag na
katanungan. Ikaw ay may kaalaman sa mga pagsusulit – mga
pagsubok na ibinibigay sa mg estudyante, para sila ay
pumasa at matanggap sa mas-mataas na baitang?"
Ang propesor ay tumango lang.
"Ang isang estudyante ay kinakailangang gumawa ng
tiyak na mga pagsasakripisyo, kahit siya ay manirahang
malayo sa kanilang bahay, upang pumasok sa unibersidad o
kolehiyo; kinakailangan ipagkait niya sa kanyang sarili ang
lahat ng kaginhawahan sa bahay, kailangang siya ay kargado
ng trabaho; kailangan ding ihinto niya ang kanyang mga
panahong walang ginagawa at pagtulog para handang handa
sa mga pagsusulit; pagkaraan, siya ay mahaharap ng mga
kakila-kilabot at mahirap na mga katanungan na sasagutin at
20
maaaring siya ay gisain ng mga katanungan sa kanyang oral
examination at kinakailangan ding magbayad sa institusyon
na naglagay sa kanya sa masakit na prosesong ito – hindi mo
ba matatanggap ang lahat ng ito bilang pagpapahirap? Ang
propesor kaya, mabuting tao sa lahat ng mental at pesikal na
pagtitiis na dinadanas ng mga estudyante na kanyang
inilalagay sa kanila?"
"Hindi ko makita ang iyong punto. Dapat, ang
institusyon at ang propesor ay gumagawa ng mga pabor para
sa mga estudyante sa pamamaraan ng paglalagay sa kanila sa
isang training upang sila ay maging marapat sa kani-kanilang
kalalagyan at katangian. Mga taong maiiksi ang pag-iisip
lamang ang tumututol sa mga estudyante na isulat ang mga
pagsusulit, na walang kinalaman sa mga paghihirap na
kanilang magagawa."
Ang estudyanting Muslim ay malungkot na ina-alog ang
kanyang ulo. "Propesor, nakakamangha kung paano mong
maunawaan ang pangangailangan sa mga pagsubok at
pagsusulit sa panahong isasaayos mo sila, subalit hindi mo
makikita ang ganoong kaisipan nang isaayos ng Diyos ang
mga pagsubok at pagsusulit sa Kanyang mga nilikha.
Gamitin mo ang iyong kapatid – kung natagalan niya ang
kanyang karamdaman at namatay na mayroong
pananampalataya, na tinatawag naming Iman – siya ay
mabibigyan ng maraming biyaya sa Paraiso para sa mga
paghihirap na kanyang pinagdaanan dito. Lalung-lalo na, at
maaring kanyang papangarapin na magtiis ng ilang daang
beses para ang kanyang gantimpala ay lalong dumarami,
21
gantimpalang walang nakakita rito at kailanman ay walang
imahinasyong sumagi sa isipan ng ninuman! Sa kasamaang
palad “mga makikitid ang pag-iisip lamang” – at mga
ignoranti – ang tumututol sa mga pagsubok na inilalagay sa
Kanyang mga nilikha, ilagay sa isipan ang walang hanggang
biyayang naghihintay sa mga magwawagi." "Paraiso? Huh!
Nakita mo ba ang Paraiso, nahawakan ito, natikman ito,
naamoy ito, nalasahan o narinig? Ayon sa batas ng empirical,
testable, demonstrable protocol, at siyensiya ay nagsasabi na
ang Paraiso ay wala."
"Tayo ay darating na rin sa punto na iyan, kung
gustuhin ng Diyos. Magpatuloy tayo. Sabihin mo sa akin,
propesor; mayroon bang bagay na init?"
Ang propesor ay parang nakabawi at may malaking
tiwala sa kanyang pakiramdan. "Oo, mayroong init."
"Mayroon bang bagay na tinatawag lamig?"
"Oo, mayroon na ring lamig."
"Hindi, sir. wala!"
Ang propesor ay nakamasid lang, Ang estudyante ay
ipinapaliwanag, "Magkakaroon ka ng maraming init, mas
maraming init, pinakamainit, mas-pinakamainit, maputing
init, o di kaya ay sa kabilang polo – maliit na init, o walang
init, subalit hindi tayo magkakaroon ng anumang bagay na
tinatawag na „lamig'. Puwede nating marating ang 458
degrees below zero, na ito ay walang init, subalit hindi tayo
maaring lumayo ng higit pa roon. Walang ganoong bagay na
22
tinatawag na 'lamig', o di kaya tayo ay maaari nating
marating ang mas malamig kaysa 458 degrees below zero. O
nakita mo sir, 'ang lamig' ay isa lamang salita na ating
ginagamit upang isalarawan ang pagkawala ng init. Hindi
natin masusukat ang lamig. Ang init ay maaaring masukat
natin sa pamamagitan ng thermal units dahil ang init ay
enerheya. Ang lamig ay hindi salungat ng init ito ay ang
pagkawala lamang ng init."
Manahimik. Mayroong nahulog na aspili sa loob ng
kuwarto.
Ang estudyanting Muslim ay nagpatuloy.. "Mayroon
bang bagay na dilim, propesor?"
"Iyan ay nakakaumid na tanong, anak. Ano ang gabi
kung hindi ito madilim? Ano ang makukuha mo roon..?"
"Kaya, sasabihin mong mayroong bagay na dilim?"
"Oo..."
"Mali ka na naman, sir! Ang dilim ay hindi bagay (na
may personalidad) – ito ang pagkawala ng bagay. Ito ang
pagkawala ng ilaw. Maaaring magkaroon ng malamlam na
dilim, karaniwang ilaw, maliwanag na ilaw, kumikislap na
ilaw. Kung ang isa ay tuluyan ng mawalan ng ilaw,
samakatuwid talagang wala, at ito ay tinatawag na dilim,
hindi ba? Iyan ang kahulugan na ginagamit natin sa
pagbibigay kahulugan sa salita. Sa katotohanan, and dilim ay
wala. Kung ganun iyon, ay maaaring makagawa ng dilim sa
positibong pamamaraan at magagawang lalong didilim ang
23
isang dilim at nakukuha ito sa isang container o paglalagyan.
Maaari mo bang punuin ang isang taro ng pinakadilim na
dilim para sa akin, propesor?"
"Maaari mo bang sabihin sa amin ano ang iyong punto,
binata?"
"Opo, propesor. Ang puntong aking ginagawa ay ang
kapintasan ng iyong maka-pilosopyang batayan, para
makapag-umpisa, ang iyong pagtatapos ay mali. Hindi ka
maka-siyensiya bagkus huwad na siyensiya!"
Ang propesor ay parang nalason. "Sira...? Pambihira ka
naman...!"
Ang estudyanting Muslim ay payapa, tahimik at mahinahong
nagsalita, na parang sa isang maliit na bata. "Sir, maaari ko
bang ipaliwanag ang kahulugan?"
Ang mga estudyante sa klase ay sabik na itango ang
kanilang ulo. Silang lahat ay nakikinig ng mabuti. Ang
Propesor ay walang ibang magawa maliban sa pumayag.
"Ipaliwanag... oh, ipaliwanag..." Sa gusto niyang makabawi,
siya ay kumakaway sa lahat ng direksiyon,. Biglaang siya ay
naging magalang sa sarili. Ang klase ay tahimik at umaasa.
"Ikaw ay gumagawa ng dalawahang batayan,"
Ipinaliwanag ng estudyanting Muslim, "halimbawa,
mayroong buhay pagkatapos mayroon ding kamatayan,
dalawang magkaibang bagay; isang mabuting Diyos at isang
masamang Diyos. Ang iyong ipinapakita ay ang konsepto ng
Diyos bilang bagay na may hangganan, bagay na masusukat
24
natin. Sir, kahit ang siyensiya ay hindi kayang ipaliwanag
kung ano itong kaisipan. Ginagamit nito ang elektrisidad at
magnetism, subalit kailanman ay hindi nila nakita, kukunti
pa lang ang kanilang pagkakaintindi nila rito. Ang
pagsalarawan sa kamatayan bilang kasalungat ng buhay ay
isang kamangmangan sa katotohanan sapagkat ang
kamatayan ay hindi maaaring mabigyan ito ng katawan. Ang
kamatayan ay hindi kasalungat ng buhay bagkus kawalan
lamang ng buhay."
Ang isang binata ay may hawak-hawak na diyaryo na
kanyang kinuha sa lamesa ng kanyang kaklase. "Nandito ang
isang kinamumuhiang tabloid na ipinagpaanyaya ng bansang
ito, propesor. Mayroon bang bagay bilang imoralidad o
kasamaan?"
"Mayroon, Tingnan mo..."
"Mali na naman, sir. Tingnan mo, imoralidad ay
kawalan lamang ng moralidad. Mayroon bang bagay bilang
hindi pagkamakatarungan? Wala, sir. Ang hindi pagkamakatarungan ay ang kawalan ng katarungan. Mayroon bang
bagay na kasamaan?" Ang estudyanting Muslim ay
bahagyang tumigil. "Di ba ang kasamaan ay ang kawalan ng
kabutihan?"
Ang kulay ng propesor ay umiba at nakakabahala. Siya
ay galit na galit at pansamantalang hindi makapagsalita.
Ang estudyanting Muslim ay nagpatuloy, "Kung
mayroong kasamaan sa mundong ito, propesor – tayo ay
nagkakaisa na mayroon – samakatuwid ang Diyos ay may
25
ginagawang mga gawain sa pamamagitan ng pagkakatawan
ng kasamaan. Ano bang trabaho na ginagawa ng Diyos?
Sinabi ng Diyos sa Surat (Al-'Anbyā') verse 35 ng Banal na
Qur'an: (Bawat kaluluwa ay makakatikim ng kamatayan. At
kayo ay aming susubukan ng masama at mabuti bilang
pagsubok; at sa Amin kayo ay babalik) Sinasabi sa atin ng
Islam, ito ang tingnan ang bawat isa sa atin kung ano ang
pipiliin, mangingibabaw ba ang kabutihan sa kasamaan.
Hinggil naman sa mga katanungan mo tungkol kay
Satanas: Saan nagmula si Satanas? At nilikha ng Diyos si
Satanas, hindi ba? Nabanggit sa Banal na Qur‟an na ang
Satanas ay hindi naging demonyo maliban nang siya ay
tumanggi sa kautusan ng Diyos at siya ay naging kaaway ng
tao. Sinabi ng Diyos (Allah) sa Surat ('Ibrāhīm) verse 22 ng
Banal na Qur'an: (At ang Satanas ay magsasabi kapag ang
bagay ay napagpasiyahan na: "Katotohanan! Ang Allâh ay
nangako sa inyo ng isang pangako ng katotohanan. At ako
ay nangako rin, ngunit ako ay nagtaksil sa inyo. Wala akong
karapatan sa inyo maliban na kayo ay aking inaanyayahan at
kayo ay tumalima. Kayo, huwag ako ang inyong sisihin
bagkus ang inyong mga sarili. Hindi ko kayo matutulungan,
at hindi rin ninyo ako matutulungan. Aking itinatanggi ang
inyong nakaraang gawain sa pag-aakibat sa akin bilang
katambal ng Allâh. Katotohanan! Sa mga makasalanan ay
may nakalaan para sa kanila na napakahapding parusa.)"
Ang propesor ay nagpipigil ng galit. "Bilang siyentipiko
sa larangan ng pilosopya, Hindi ko tinitingnang may
kinalaman ito ng anumang pagpipilian; bilang isang
26
makatotohanan, ay may katiyakang hindi ko kinikilala ang
konsepto ng Diyos o anumang dahilan ng teolohiya bilang
kaisa sa mga sangkap ng mundo dahil ang Diyos ay hindi
napupuna."
"Dapat kung isipin na ang pagkawala ng alituntuning
moral ay isa sa mga katiyakan ng mga pangyayaring
nangyayari na napupuna " sagot ng estudyanting Muslim.
"Ang mga diyaryo ay nakagagawa ng billion dollars ang
ipinahayag nito bawat linggo. Propesor, inihuhusga mo ang
kasamaan ng mundo bilang pasanin ng Diyos – kung saan
ikaw ay hindi naniniwala – at malinaw na ito ay salungat.
Gayon pa man, hayaang ating suriin kung sino talaga ang
may pananagutan sa pagkalat ng kasamaan – yaong
naniniwala sa Diyos o yaong hindi? Ang pangunahing
paniniwala na mayroon ang Muslim ay ang pagbibigay ng
mga gawa sa mundong ito. Sa bawat kabutihan na kanyang
ginagawa ay mabibigyan ng gantimpala at bawat kasamaang
magawa ay pananagutan ito. Bawat Muslim ay dapat
maniwala na siya ay mananagot sa kanyang mga gawa at
walang ibang papasan ng kanyang pasanin sa Araw ng
Paghuhukom. Ang konsepto ng Paraiso bilang gantimpala
sa mga mananampalataya at ang Impiyerno ay tahanan ng
mga hindi naniniwala, ang mga hindi naniniwala sa relihiyon,
ay isa rin sa mga pangunahing paniniwala, lalung-lalo na sa
paniniwala na kahit ang mga Muslim na gumagawa ng
masasama ay mapaparusahan sa kanyang mga pagkakamali.
Propesor, ang mga konseptong ito ay nahinto nito ang mga
kasamaan at pagkakamaling ginagawa ng hindi mabilang-
27
bilang dami ng mga Muslim. Kung hindi dahil sa
konseptong ito ay hindi natin maitataguyod ang mga gawain
sa mundong ito: mga multa, parusa, sentensiya o hatol sa
pagkakakulong ay kasama ng anumang sibilisadong sistema.
Sa kabilang dako, mayroon tayong mga pari ng atiesmo na
hindi naniniwala sa mga konseptong ito kapag nababanggit
na may kaugnayan sa mga isyu ng moralidad. Sa kanila ay
walang Araw ng Paghuhukom, walang pananagutan. Ang
mensahe sa madla ay maliwanag, kung ikaw ay makakaiwas
rito ay O.K. ka. Wala kang dapat ikabahala. At nakikita din
natin na sila ay nagsasabi na walang bagay na kasalanan –
kasalanan, sa ating salita ang kahulugan nito ay sumasalungat
sa mga Batas ng Diyos – bawat tao ay malayang gumawa ng
kanyang pinapangarap at walang galaw na maituturing na
„mali‟. Hayaang ipagpalagay natin ng ganito: ang mga pari ay
nananatili ang kanilang paniniwala na ang Diyos ay hindi
nabubuhay. Kung Siya ay hindi nabubuhay, samakatuwid, ay
hindi Niya mailalatag ang mga alituntunin kung ano ang
tama at mali – samakatuwid, walang kasalanan, ang
kasalanan ay nangangahulugang lumalabag sa kagustuhan ng
Diyos. Samakatuwid, ang tao ay malayang gumawa ng sarili
niyang batas, ang sarili niyang pamantayan sa moralidad.
Samakatuwid, ang kalalakihan ay nag-aasawa sa kapuwa
lalaki; ang kababaihan ay nag-aasawa ng kapuwa babae; ang
pagkakalat ng sakit na AIDS at ibang mga karamdaman ay
O.K.; walang kasalanan ng pakikiapid o pangangalunya,
habang ang mga nasasangkot ay mga nasa tamang gulang;
ayon sa lohika ng atiesta kahit ang kaso ng incest ay hindi
magiging kasalanan kung ang magkabilang panig ay nasa
28
tamang gulang, ang tingin nila sa kaso ng incest ay
magkakaroon ng pagkakasala base sa tinatawag na atuwid,
code of morality na ang basehan ay relihiyon, gayon pa man
tinitiyak ng propesor na kailanman ay hindi niya kinikilala
and konsepto ng Diyos o anumang iba pang paniniwalang
teolohiya bilang kabahagi ng mundo para pumatay ng mga
sanggol sa sinapupunan ng mga nanay ay mabuti – ito ay
pagsasagawa sa mga karapatang mayroon ang kababaihan.
Ang talaan ng mga patakaran at tuntunin na ipinasa ng mga
paring atiestang huwad na siyentipikong sosyal ay walang
katapusan. Ang taas ng pagsisinungaling ng kaisipan upang
ilagay ang sisi sa pagkalat ng imoralidad at marurumi sa
Diyos! Hayaang tayo ay maging makasiyensiya hinggil sa
buong isyu, propesor. Kumuha ng grupo ng mga makaDiyos na naniniwala sa Kanya kung paano siya
paniniwalaan at kumuha ng tao na tumataguyod sa inyong
mga maka-atiestang paniniwala. Suriin ang layunin at
makikita mo kung sino ang nagkakalat ng kasamaan. Hindi
ko pinapangarap na palakihin ang puntong ito, subalit
sinomang sumusuri sa layunin ay kaagad nilang makikita na
ang grupo ng mga maka-Diyos na gumagamit sa mga Batas
ng Diyos bilang kodigo moral ay sa katotohanan
nagpapalaganap ng katotohanan; Subalit, yaong gumagawa
ng sarili nilang mga patakaran ng magkakaugnay na
moralidad ay sa katotohanan nagkakalat ng kasamaan sa
buong mundo."
Pansamantalang huminto ang estudyanting Muslim para
maunawaan ang mahalagang puna na ito. Ang mga mata ng
mga estudyante ng klase ay parang nagka-ilaw na nakita ang
29
isyu sa paraang napakaliwanag. Walang sinoman ang
nakapag-paliwanag sa mga mahalagang isyu na ito noon,
dala ng mga batikos mula sa mass media.
"Propesor, ako ay namangha subalit hindi naman
nabigla sa inyong hindi maka-siyensiyang pakikitungo sa
moralidad. Ako ay namangha, dahil kahit ikaw ay naniniwala
ang tao ay galing sa unggoy, siya at hindi gumagalaw na
parang hayop! Ako ay namangha dahil, kahit hindi ka
naniniwala sa mga anghel, inaasahan mo na ang tao ay
gagalaw ayon sa kanyang pinagmulan, at walang tulong na
manggagaling sa alintuntuning moral sa Langit. Ang dahilan
na ako ay hindi nabigla ay dahil sa mga pag-iisip na
gumugulo sa isipan na inaasahang magmumula sa mga
tagasunod ng bulaang pananampalataya ng mga atiesmo!"
Mayroong tuloy-tuloy na nag-uumapaw na palakpakan
mula sa klase.
"Natalakay na natin ang ebolusyon, propesor. Na
obserbahan mo ba ang ebolusyon sa sarili mong mga mata,
sir?"
Ang propesor ay gumagawa ng sumisipsip na tunog ng
kanyang mga ngipin at nakapagbigay ito ng tahimik at
nakakawalang bahalang titig ng mga estudyante.
"Propesor, dahil walang sinoman ang nagkaroon ng
aktuwal na pagmamasid sa proseso ng ebolusyon at hindi rin
mapapatunayan na ang prosisong ito ay tuluyan ng
nagsusumikap, hindi ka ba nagtuturo ng doktrina –
doktrinang tumutulo na parang salaan na ito ay kakaunti ang
30
naniniwala rito kaysa katuruang teolohiya? Ito ang huwad na
siyensiya, hindi tunay na siyensiya at ang kanyang mga
tagamungkahi o tagapagtanggol ay walang iba kundi ang
kanilang mga paring walang kaalaman!"
Ang mukha ng propesor ay biglang nalungkot.
"Napakawalang-ingat naman!" Siya‟y parang galit at
hinihingal at naglalakad sa harapan ng klase na malalaki ang
hakbang pataas at pababa, hanggang manumbalik sa sarili.
"Bilang pagbibigay kahulugan sa mapilosopyang
pagtatalo natin, Hindi ko pupunain ang napakawalang-ingat
mong pagsasalita, anak. Ngayon, nakatapos ka na?" Ang
mga salitang lumalabas sa bibig ay sumasagitsit.
"Sir, hindi mo tinatanggap ang kodigo moral ng Diyos
upang gawin ang tama at makatarungan?"
"Ako ay naniniwala sa kung ano – iyan ang siyensiya."
"Sir, ipagpaumanhin mo po, ang pinaniniwalaan mo ay
hindi siyensiya kundi huwad na siyensiya – ang huwad na
siyensiya ay may kapintasan na rin!"
"HUWAD NA SIYENSIYA...? MAY
KAPINTASAN...?" Ang propesor ay para siyang
naghahanda. Ang klase ay naghihiyawan. Ang estudyanting
Muslim ay naging kalmado at mahinahon, ang bigkis ng ngiti
na iyon ay bumalik sa kanyang mukha.
Nang humupa ang ingay, siya ay nagpatuloy, "Nakita
mo, propesor, TUNAY NA SIYENSIYA ay ang
pagtutuklas sa mga batas at mga disenyong inilagay ng
31
Tagapaglikha ng sanlibutan sa loob ng sistemang
nagpapatakbo ng sanlibutan, mula sa mega hanggang micro,
mula sa nasusukat sa hindi-masusukat. Ang Huwad na
Siyensiya ay maka-atiestang relihiyon na balak salungatin ang
koseptong ito sa pamamaraan ng panghuhuwad,
pangdodoktor sa stadestika, kalahating katotohanan at iba
pa. Ang Huwad na Siyensiya ay ipinapalagay na tama ang
mga gawa-gawang likha ng hindi pinangalanang puwersa –
pansarili, gawa ng tao, bulaang dios-diosan –
pagkakapangyari ng Big Bang at doon, nagsimula ang
proseso ng ebolusyon na ito ay salungat sa tunay na
pangyayari. Ang mga pari ng maka-atiestang relihiyon na ito,
sila ang sumubok upang ipangatwiran ang pagsasatsat na
kailangang masamahan ng pagsisinungaling sa pamamaraan
ng panghuhuwad, kalahating tama at pagmamanipula sa mga
datus. Ang Katotohanan ang dapat manaig – Ang
katotohanan sa makalohical na pagpapasiya ng sinumang
may pakiramdam na maaaring mabigyan ito ng pasiya kahit
walang sapat na pagbabatayan, na mayroong nag-iisang
Diyos (Allah) na Siyang Lumikha sa buong sanlibutan.
Kanyang nilikha ang buong sistema na siyang itinatakbo nito
ng maayos mula noon pa. Hayaang balikan natin ang
puntong nailahad mo sa ibang mga estudyante na akin ding
sinabi na aking tatalakayin mamaya. Bibigyan kita ng
halimbawa na puweding masundan ng lahat: Mayroon ba sa
ating klase ang nakakakita ng hangin, oxygen molecules,
atoms, and utak ng propesor?"
Ang klase ay nagkatawanan.
32
"Mayroon ba sa inyo rito na narinig ang utak ni
propesor, naramdaman ito, o natikman?" Walang sinuman
ang nagsalita. Malungkot na umiling ang ulo ng estudyanting
Muslim. "Parang lumalabas na walang nakakaramdam rito sa
utak o anumang pag-iisip ng propesor. Mabuti, sang-ayon sa
alituntuning pansariling ipinahayag ng propesor, ang
alituntuning maka-empirical, matibay, naipapakitang
protokol ng huwad na siyensiya ng propesor AKIN PONG
IPINAPAHAYAG na ang propesor ay walang utak!"
Ang propesor ay parang namaluktot sa upuan. Ang
klase ay ulit patuloy sa palakpakan.
Ang mga estudiyante ay umalis at kumuha at abutan ng
tubig ang propesor. Pagkaraan ng kunting panahon,
nakabawi ang propesor. Siya ay tumingin sa estudyante at
nanlisik ang mga mata. "Ang mga pang-insulto mo ay
walang paraan upang mapatunayan ang pagkabuhay ng
Diyos."
Ang estudyanting Muslim ay sumagot. "Professor,
talagang nabigla ako. Ang inaasahan ko ay tatanggapin mo
ang pagkatalo. Subalit, parang napupuna kong ikaw ay
masiba sa pagpaparusa."
Siya‟y huminto pansamantala, tumingin siyang
maalalahanin sa klase at pagkatapos ay sa propesor. Siya ay
napabuntong-hininga ng malalim at kinausap niya ulit ang
propesor. "Sir, may magulang ka ba – mayroon ka bang
tatay at nanay?"
33
"Iba na naman ito sa iyong estupidong mga katanungan.
Maliwanag na tayong lahat ay mayroong mga magulang."
"Maging mahinahon ka, sir. Natitiyak mo ba na ang
tatay mo ay siya ang tatay mo at ang iyong nanay ay iyong
nanay?"
Ang propesor ay nangingitim-ngitim sa galit.
"Masyadong nakakatawa! TAMA, ANG AKING AMA AY
AKING AMA AT ANG AKING NANAY AY AKING
NANAY!" Siya ay nagsisigaw. Ang estudyanting Muslim ay
pansamantalang huminto. Naging mahaba ang kanyang
pansamantalang paghihinto. Mayroong nakapangingilabot
na kapaligiran, agad-agad habang nakaupo ang mga
estudyante sa gilid ng kanilang upuan. Ang estudyanting
Muslim ay nagsalita ng maayos at mapagpigil na boses,
"Patunayan mo sa akin!"
Ang kapaligiran ay nakaka-kuryente. Ang propesor ay
hindi napigilan ang kanyang sarili. Ang kanyang mukha ay
naging kulay-ube. "HOW DARE YOU!" Isinisigaw niya ng
may kalakasan. "SAPAT NA ANG NATAMO KONG
PANG-IINSULTO..! LUMABAS KA SA AKING
KLASE..! ISUSUMBONG KITA SA RECTOR...!
Ang klase ay mga nakaupong parang naninigas dahil sa
bulalas. Ang propesor ba ay naghahanap ng paraang
nababagay upang bumawi o umatake?
Ang estudyanting Muslim ay hindi natitinag sa kanyang
pinaninindigan, hindi nababahala. Nakaharap sa klase at
itinaas ang kamay, nagbibigay ng katiyakan sa kanila na
34
walang dapat ipag-alala. Pagkaraan ay kanyang ibinaling ang
nakaka-awa niyang mga mata sa propesor. Mayroong
kapangyarihang makikita na nagmumula sa kanyang mga
mata, na nakatutok sa propesor. Hindi mapapanitili ng
propesor ang kanyang mga sulyap. Ang kanyang mga titig ay
bumaba at humupa ang kanyang galit at muling sumalampak
sa kanyang silya at hinahawakan ang kanyang ulo.
Pagkaraan ng mga ilang minuto, nagsalita ang
estudyanting Muslim ng mahinahon. "Pinakamamahal na
propesor, hindi ang ibig kong sabihin ay ang iyong mga
magulang ay hindi sila ang iyong mga magulang. Ang gusto
ko lang ipaalam ay maging ikaw man o ako a kahit sinoman
sa atin sa loob ng klasing ito na mapapatunayang ang ating
mga magulang ay sila ang ating mga magulang o hindi."
Nagkaroon ng ganap na katahimikan.
"Ang dahilan ay hindi natin nasaksihan ang pagtatalik sa
pagitan ng ating mga magulang ng tayo ay ipagbuntis. Hindi
tayo nandoon upang ipakilala kaninong semilya ang nabuo
sa loob ng tiyan ng ating mga ina. Pinaniniwalaan natin ang
salita ng ating mga magulang. Ating ipinapalagay na ang mga
magulang natin ay mapagkakatiwalaan at makatarungan sa
bagay na ito. Hindi natin pinagduduhan ang kanilang
integridad. Ganun din, ang inyong mga anak ay kukunin at
paniniwalaan ang inyong salita na kayo ang kanilang ama at
ang kanilang mga ina ay totoong kanilang ina.. Hindi ba
ganun propesor?"
35
Itinaas ng propesor ang kanyang ulo. Siya‟y tumingin sa
estudyanting Muslim. Mapupunang umaaliwalas ang
kanyang mukha tanda ng pagkakaroon ng pangunawa. Ang
galit ay lumipas at mabagal niyang inu-ulit, "Pinaniniwalaan
namin ang salita ng aming mga magulang. Pinaniniwalaan
namin ang salita ng aming mga magulang..."
"Opo, Propesor. Maraming bagay na dapat kunin natin
ang salita ng iba. Ang pagkakaroon ng hangin, oxygen, ng
molecules, ng atom at iba pa. Kaya, pagdating sa mga bagay
na metaphysical, mula sa totoong pagsasaliksik siyentipiko,
alam natin na walang taong nabubuhay sa mundong ito ng
higit na mapagkakatiwalaan maliban sa mga tinatawag na
Mensahero (Rasool). Kaming mga Muslim ay handang itaya
ang aming sarili sa katotohanan na si Muhammad
(Sumakanya nawa ang kapayapaan) ay may katiyakang ganap
na malinis ang kanyang ugali. Kailanma‟y hindi
nagsisinungaling kaninuman. Ang kanyang integridad ay
hindi kaduda-duda na kahit ang kanyang masugid na kaaway
ay tinatawag sa pangalang 'Al-Ameen' (ang
Mapagkakatiwalaan). Kung sasabihin niya, ang Diyos (Allah)
ay buhay – at handa kaming tanggapin ang salita ng aming
mga magulang na sila ang aming mga magulang -
samakatuwid, buong katapatan naming tatanggapin ang
kanyang salita, ganun din ang pagtanggap namin sa iba pa –
ang katotohanan ng Paraiso at Impiyerno; ang katotohanan
ng mga anghel; ang pagdating ng Araw ng Paghukom; ang
pagbibilang ng ating mga gawa sa harapan ng Diyos; at
marami pang ibang mga konsepto. Maliban sa puntong ito,
marami pa ang mga pointers na tumutukoy sa katotohanan
36
ng Diyos (Allah). Ang kaganapan ng Kapahayagang
tinatawag na 'Ang Maluwalhating Qur‟an' ay nandiyan upang
mapag-aralan ng ninuman. Ito ay mayroong tiyak ng hamon
sa sinumang mayroong pagdududa. Ang hamon na ito ay
hindi pa natugunan sa loob ng mahigit isang daan apat na
raang taon ang nakalipas sa katotohanan nito. Kung hindi pa
tanggap ng sinoman ang paniniwala sa mga Sugo o
Mensahero (Sumakanilang lahat nawa ang kapayapaan)
samakatuwid ito ay totoong pagka-ipokrita na tanggapin ang
mga salita ng mga siyentipiko, kung saan ang kanilang mga
doktrina ay nananatiling pabago-bago, at naniniwala rin sa
salita ng ating mga magulang. Kung huhusgahan natin mula
sa daming bilang ng kaso sa husgado kung saan ang mga
magulang ay itinatanggi ang pagiging magulang sa kanilang
mga anak, at pagpalagay din sa pagkakaroon ng di
mabibilang ng mga sanggol na ipinagbubuntis mula sa mga
semilyang donasyon ng mga lalaking hindi kilala at ang hindi
mabibilang dami ng mga sanggol na inaampon mula
pagkasanggol ng mga mag-asawang hindi nagkaka-anak at
pinalalaki bilang kanilang anak., sa larangan ng stadistika ay
mayroong lugar ng pagkakamali sa anumang pinaniniwalaan
ng isang tao na ang kanilang mga magulang ay totoong
kanilang mga magulang sa dugo‟t laman."
Humarap ang estudyanting Muslim sa klase at bilang
panghuling salita ay kanyang sinabi, "Tungkulin ng bawat isa
upang pag-aralan ang mga katuruan ng Islam. Ang
Maluwalhating Qur‟an ay nandiyan para sa lahat upang pagaralan. Mayroon ding sapat na kopya ng literatura sa Islam.
Ang aking tungkulin ay para pagsabihan lamang kayo na ang
37
Relihiyong Islam ay Tunay. Walang sapilitan sa relihiyon.
Maliwanag ang tamang landas ay naging malinaw mula sa
mali; At sinuman ang itakwil and mga huwad na dios-diosan
at maniwala sa Diyos, ay nahawakan niya ang isang malakas
na tanganang hindi kailanmang mawawasak; At ang Allah
ang Labis na Nakaririnig at Labis na Nakaka-alam. Nang
dahil nasabi ko na sa inyo, ay tungkulin ko rin na anyayahan
kayo upang sumali sa pagkakapatiran ng mga Muslim sa
pamamaraang pagyakap sa Islam. Ang Allah ay Siyang
Tagapaglitas ng mga mananampalataya. Inilalabas sila sa
mula sa dilim tungo sa liwanag. Sa aong mga
mananampalataya, ang kanilang mga tagapangalaga ay mga
bulaang dios-diosan. Sila ay inilalabas nito mula sa liwanag
patungo sa dilim... Ito ang mga berso mula sa Maluwalhating
Qur‟an – Mga Salita ng Mahabagin – na aking binasa sa
inyo"
Ang estudyanting Muslim ay tumingin sa kanyang relo.
"Propesor at mga estudyante, Ako ay nagpapasalamat sa
inyo dahil sa inyong pagbibigay sa akin ng oportunidad
upang maipaliwanag ang isyung ito sa inyo.. Humihingi ako
sa inyo ng paumanhin dahil pupunta ako sa masjid para sa
mga pagdarasal. Kapayapaan sa yaong nagabayan ng
matuwid."
tapos