Mga Artikulo

Pambungad


 Ang mga sarisaring panawagan para sa kalayaan ng mga


kababaihan at pantay na karapatan sa mga lalaki ay narinig


na mula sa iba’t ibang panig ng Mundo, at maraming


panawagan ang naimbento para sa mga pagmamartsa. Sa


ibang mga lipunan ang mga babae ay nabuhay sa


pagmamaltrato, pagmamalupit at walang katarungan at


ipinagkait ang kaukulang karapatan bilang tao. Mayroong


naman mga Muslim na pinasinungalingan ang ganitong


kalakaran dahil sila ay lumabas sa turo at alituntunin ng


Islamikong Prinsipyo. Sa kabilang banda, ang batas ng Islam


ay sinusugan ang karapatan ng mga babae sa paraang


magaang maunawaan at bilang pantay na pamamalakad at


ubligasyon. Ang pagsusuri ng maigi sa mga panawagang


ipinalaganap ng mga kilusang pagpapalaya ng mga


kabababihan ay ipinakita na ang mga ito ay umiikot sa


tatlong elemento: ‘Pagpapalaya sa mga Kababaihan; ‘Pantay


na Karapatan sa mga Kalalakihan’ at ang ‘Karapatan ng


mga Babae’. Susuriin natin ang mga ito batay sa liwanag ng


Batas ng Islam at sa mga katuruan nito, kahit ano pa ang paguugali ng mga ignorante at ng mga lumihis sa tunay na daan


na mga Muslim.


 Una sa lahat, ang salitang ‘pagpapalaya’ ay nagpapahiwatig


na mayroong mga tanikala, pagkasakal at pagbabawal na


nangingibabaw, at pangalawa nito, ang mga babae ay


inaalipin at kailangan palayain. Ito ay walang katiyakan at


walang katotohanan dahil ang tunay na kalayaan ay hindi


mangyayari, kahit pa sila ay mga lalaki o mga babae. Ang tao


ay likas na may hangganan at maraming ipinagbabawal


sapagka’t ang kanyang kakayahan at kaalaman ay may


hangganan at dahil sa pangangailangan ng samahang


panlipunan. Samakatuwid ang mga lalaki at mga babae, sa 


12


partikular na lipunan, ay nabubuhay sa ilalim ng batas,


alituntunin at panuntunan na siyang nagpapalakad sa lahat


ng kalakaran ng kanyang pamumuhay. Ang ibig sabihin ang


tao ay hindi malaya at nagsasarili sa kanyang mga gawa o


kaya naman ay walang pananagutan sa kanyang mga


gawain? Maaari bang maging malaya ang sinuman mula sa


mga likas na hangganan at sa mga pagbabawal na alinsunod


sa batas? Kung sakaling sila ay mga alipin, ang tanong ay


magiging kanino? Ang kalayaan samakatuwid ay may mga


itinakdang hangganan na kung umaalinsunod sa anumang


batas, panuntunan o regulasyong itinakda, na kung ito ay


lumampas sa hangganan, hahantong sa di kanais-nais na


gawain na mapapansin ng lahat na ito ay masagwa, mahalay,


hindi sibilisado at napakasama. Ang batas ng Islam ay


nagpanukala para sa mga lalaki at mga babae sa paghahanap


ng kalayaan at pagpapalaya mula sa pagsamba sa mga diyusdiyosan, kalupitan, pagsasamantala at mula sa di


makatarungan. Ang mga banal na ipinahayag na prinsipyo at


batas ay nagtuturo at mahigpit na nagtatagubilin sa


pagsamba lamang sa Isang Diyos (Allah), pagkapantaypantay at dakilang moralidad o kabutihang-asal. Sa loob ng


balangkas na ito, ang mga lalaki at mga babae ay mayroong


kanya-kanya at kapupunan o bahaging tungkulin sa bawa’t


isa. Ang Islamikong batas ay nagbigay sa kababaihan ng


karapatan na makitungo ng harapan sa maraming bagay sa


lipunan, kaysa ipagkatiwala niya ang pagnenegosyo sa


kanyang katiwala, bilang opisyal na mananagot at maging


katiwala sa pamamalakad ng lahat ng kanyang negosyo, gaya


ng pang-ekonomya, panlipunan, pam-pulitika at sa ibang


paraan gaya ng ibang pamayanan. Para sa pagkalinga at


panustos ng babae, ang kanyang ama, kapatid (na lalaki),


tiyo at asawa – ang mga kalalakian – ay inuubliga at legal


nilang pananagutan na pangalagaan ang kanilang dangal,


ang pagtustos ng kanilang ikabubuhay at dapat sa maayos na 


13


pamumuhay sa lahat ng kalagayan, (na ang pagtustos) ay


nararapat na ankop sa kanilang kakayahan, sa buong buhay


niya. Ito ba ay pagmamaliit ba sa kanyang katayuan o


pagpaparangal?


 Sa Islam, ipinagbabawal sa parehong lalaki at babae ang


hindi disenteng pagkilos o pag-aayos sa publiko, at ang


ipinapatupad ay magkaiba sa dalawang kasarian sa likas na


mga kadahilanan. Lahat ay dapat pangalagaan at bantayan


ang kanilang dangal o moral maging sa pribado o publiko.


Ang Islamikong batas ay kinakalinga ang kababaihan mula sa


pananakot at panliligalig, na sa ganitong pagkakataon


ipinagbabawal sa bawat isa (babae o lalaki) na huwag


kumilos ng makamundong tila nang-aakit o nanunukso sa


bawa’t isa. Sa kadahilanang ito ipinapatupad ng batas ng


Islam sa mga babae na maging disente sa pagdadamit kung


lumalabas sa pamamahay, at ipinagbabawal ang


pakikipagbiruan at pakikihalubilo at kahit na anong uri ng


pagdadaiti sa mga lalaki.


 Inilalarawan ng Islam ang konsepto ng kalayaan sa isang


paraan na bawa’t kilos at pag-uugali ay hindi dapat, sa lahat


ng pagkakataon, makakasakit sa kanyang sarili o sa mga


ibang tao o makasisira sa kabuuang pamayanan, gaya ng


pagpapaliwanag sa mga salita ng Sugo ng Allah () ng sinabi


niya sa kanyang mapananaligan tradisyon:


“Ang kahalintulad ng isang taong tumutupad sa mga


ipinagbabawal na hangganan ng batas at kautusan ng


Allah, at ang isang taong sumisira o sumusuway sa mga


ito ay katulad ng dalawang pangkat ng mga tao na nasa


isang barko at nagpasiyang maghati ng puwesto. Ang isang


pangkat ay nasa itaas na parte bilang bahagi. Samantalang


ang isa namang pangkat ay nasa ibabang parte bilang


kanilang nakuhang bahagi. Tuwing ang mga tao sa ilalim 


14


na bahagi ay sasalok ng tubig, kinakailangang dumaan


muna sila sa bahaging itaas (nakakaabala sa kanilang


pagdaan). Kaya ang mga taong nasa ibaba ay nag-isip na,


‘kung tayo ay gumawa ng butas sa ating nakuhang lugar,


malapit ang pagkuha natin ng tubig na hindi makaabala sa


mga taong nasa bahaging itaas.’ Kung hahayaan ng mga


taong nasa itaas ang mga taong nasa ibaba na gumawa ng


butas upang madaling makakuha ng tubig, lahat ng tao sa


barko ay mamamatay. Ngunit, kung sila ay pagbabawalan


mula sa pagbutas, silang lahat ay magiging ligtas.”


(Bukhari at ibpa.)


 Si Ginoong Schopenhauer, isang kilalang Pilosopong


Aleman ay nagsabi:


"Bigyan ng tunay na Kalayaan ang babae sa loob ng


ISANG TAON LAMANG, at magtanong sa akin


pagkaraan nito tungkol sa bunga ng gayong kalayaan.


Huwag ninyong kalilimutan na kayong lahat, kasama na


ako, ay magmamana ng katangian, kalinisan at


magandang moral. Kung ako ay mamatay (bago ito) ay


Malaya kayo sa inyong maaaring sasabihing, ‘Siya ay


nagkamali!’ o ‘Nakamit niya ang katotohanan!"


Si Ginang Helesian Stansbery, isang Amerikanong


tagapagbalita, na naugnay sa mahigit na 250 pahayagan, at


nagtrabaho sa larangan ng peryodismo at pamamahayag ng


higit na 20 taon, at naglakbay sa maraming bansang Muslim,


ay nagsabi pagkaraan ng huli niyang paglalakbay sa isang


bansang Muslim:


“Ang Arabo-Islamikong lipunan ay kaaya-aya at


malusog. Ang lipunang ito ay dapat magpatuloy na


pangalagaan ang kanilang tradisyon na nagbabawal sa


kanilang kalalakihan at kababaihan sa isang itinakda at


makatuwirang hangganan. Ang lipunang ito ay ibang-iba 


15


kaysa sa Europa at Amerika. Ang Arabo-Islamikong


lipunan ay may sariling tradisyon na nagtatakda ng mga


pagbabawal at hangganan sa mga babae, paggalang at


pagsunod sa mga magulang. Una at higit sa lahat, ang


mahigpit na pagbabawal at may hangganang kalayaang


pang-seksuwal na tunay na nagbibigay panganib sa


lipunan at sa mga pamilya ng Europa at Amerika.


Samakatuwid, ang pagbabawal na ipinataw ng


Islamikong lipunan ay legal at nakakabuti. Ako ay


matatag na nagpapayo sa inyo na kayo ay mahigpit na


sumunod sa inyong tradisyon at alituntunin ng


kagandahang-asal (moral). Ipagbawal ang pagsasama ng


babae at lalaki sa mga paaralan. Higpitan ang kalayaan


ng mga babae, o dili kaya ay magbalik sa tradisyong


Purdah (pananamit ng ayon sa Islamikong Kaayusan).


Tunay na ito ay makabubuti sa inyo kaysa sa kalayaang


sekswal na ginagawa sa Europa at Amerika. Ipagbawal


ang pagsasama sa paaralan ng mga babae at lalaki,


sapagkat kami sa Amerika ay nagdusa mula rito. Ang


lipunan ng Amerika ay naging masalimuot, puno ng lahat


ng uri ng sekswal na kalayaan. Ang mga biktima ng


kalayaang sekswal at pagsasama sa paaralan ay


pumupuno sa mga kulungan, kalsada, bar at bahay


aliwan. Ang maling kalayaan na aming ipinagkaloob sa


aming mga anak na babae ay siyang nagtulak o nagbaling


sa kanila sa bawal na gamot, krimen at pagtitinda ng


katawan (prostitution). Ang ganitong kalayaan sa Europa


at Amerika ay nagbigay panganib sa pamilya at winasak


ang dangal at pag-uugali."


 Ang katanungan na dapat bigyang kasagutan tungkol sa


hangarin ng 'Pagpapalaya sa mga Babae' ay ito: Ano ang


pinakamabuting pamamaraan na makakatulong at


makapangangalaga sa Dangal, Puri, at Katayuan ng babae?


16


Ang Panawagan para sa Karapatan ng mga


Kababaihan


Ang mga kababaihan sa buong mundo ay nanawagan ng


pagkakapantay na karapatan. Wala ni isang patakaran o


sistema ng batas na nagpapanatili, nangangalaga sa tunay na


karapatan ng mga babae ng higit sa batas ng Islam, maging sa


mga nakaraang panahon o sa makabagong panahon. Ito ay


ipaliliwanag at patutunayan sa mga sumusunod na bahagi ng


aklat na ito.


Si Sir Hamilton, isang kilalang Pilosopo ay nagsabi sa


kanyang aklat na, ‘Islam and Arab Civilization’:


"Ang mga patakaran, mga alituntunin at mga pasiya


hinggil sa kababaihan sa Islam ay maliwanag, tuwiran at


bukas. Pinanghahawakan ng Islam ang ganap na


pangangalaga na dapat ibigay sa babae laban sa anumang


bagay na nakapananakit sa kanya o makapagpapababa ng


kanyang dangal o asal."


Si Ginoong Gustave Le Bon, isang kinikilalang Pilosopong


Pranses, sa kanyang aklat na, ‘The Arab Civilization (p. 488)’ ay


nagsabi:


“Ang pinakamabuting gawain sa Islamikong pananaw ay


hindi lamang nakatuon sa pagpaparangal at paggalang sa


kababaihan bagkus maaari nating idagdag na ang Islam


ay ang unang relihiyong nagbigay parangal at paggalang


sa kababaihan. Mapapatunayan natin ito sa


paglalarawan na ang lahat ng mga relihiyon at mga


bansa, bago dumating ang Islam, ay nagbigay ng malaking


pinsala at paghamak sa mga kababaihan.”


Sinabi din niya na (p. 497) ng kanyang aklat: 


17


“Ang mga karapatan ng mag-asawa na inilagay at


inilarawan sa Banal na Qur’an at ng mga tagapagsalin ng


mga kahulugan ng Banal na Qur’an ay higit na mabuti


kaysa sa mga karapatang ibinigay ng mga taga Europa sa


karapatan ng mag-asawa (lalaki at babae).”


 Mahigit na labing apat na raang taon na ang nakararaan,


ang Islam ay nagsimulang lumaganap sa buong daigdig,


mula sa Makkah at pagkatapos sa Madinah, kung saan ang


Propeta ng Allah, na si Muhammad bin Abdullah () ay


nagturo ng kanyang mensahe. Lumaganap ang liwanag ng


Islam sa pamamagitan ng mga aral mula sa Banal na Aklat ng


Allah, ang Qur’an at ang mga inspirasyong Sunnah


(tradisyon o Pamamaraan) ng Propeta () na ang mga ito ay


di mapag-aalinlanganan bilang batayan ng batas ng Islam.


Ang mga katuruan at mga batas ng Islam ay nagbigay ng


masidhing impluwensya sa buhay ng mga tagasunod ng


Islam, kasunod nito, ang impluwensyang ito ay nagkaroon ng


bunga sa lipunan kung saan nagpunta at nanirahan ang mga


Muslim. Ang Islam ay mabilis at kamangha-manghang


lumaganap sa mga kilalang bansa at nag-iwan ng isang


malawak na pamamaraan ng buhay na madaling maunawaan


na nagbibigay ng direksyon sa lahat ng kailangan ng tao. At


hindi ito sumasalungat sa anumang likas na batas, matibay at


mahahalagang pangangailangan ng tao sa buhay na ito at


lubhang kailangan para sa patuloy ng kanilang pamumuhay.


 Upang maintindihan ang mga pagbabago na dinala ng


Islam para sa mga kababaihan, kailangang pag-aralan natin


ang katayuan ng mga babae bago dumating ang Islam sa


pamayanan ng mga Arabo at ng mga ibang kabihasnan sa


mundo.


18


Ang Katayuan ng mga Kababaihan sa Kasaysayan


Ang Kababaihan sa Panahon Bago Dumating ang Lipunan


ng Islam at mga ibang Kabihasnan.


 Bago dumating ang mensahe ni Propeta Muhammad (),


ang mga babae ay nagdanas ng lubhang di-makatarungan at


di-pantay na pakikitungo at sila ay hayagang inalispusta at


iba't-ibang paghamak. Ang mga babae ay itinuring bilang


isang bagay na pag-aari na puwedeng itapon o ipamigay sa


kapritso ng kanyang lalaking katiwala o tagapag-alaga. Ang


mga babae ay walang karapatang magmana mula sa kanilang


magulang o asawa. Ang mga Arabo ay naniniwala na ang


pamana ay iginagawad lamang sa mga may higit na


kakayahan, gaya ng mga marunong sumakay ng kabayo,


makipaglaban, nagwagi ng laban sa digmaan at tumulong sa


pangangalaga ng kanilang tribo o angkan at nasasakupan. Sa


dahilang wala sa kanya (babae) ang mga ganitong


pangkaraniwang kakayahan, siya mismo ay maaaring


manahin gaya ng isang materyal na bagay pagkaraang


mamatay ang kanyang asawang maraming utang. Kung ang


babae na may asawang namatay na may mga anak na lalaki


sa mga naunang pag-aasawa, ang pinakamatandang anak na


lalaki ay maaaring kuhanin (ang nabalo ng kanyang ama) at


ibilang na isa niyang pag-aari sa kanyang pamamahay,


katulad ng isang anak na nagmana ng kayamanan ng


kanyang namatay na ama. Siya (babae) ay hindi maaaring


umalis ng bahay ng kanyang anak na lalaki sa unang asawa


(stepson) hangga’t hindi siya magbabayad ng pantubos.


Bilang pangkalahatang pag-uugali, ang mga lalaki ay may


kalayaang mag-asawa kahit ilan na walang hangganan.


Walang makatarungang batas na maaaring pumigil sa lalaki 


19


mula sa pakikitungung hindi makatarungan o di-pantay sa


kanyang mga asawang babae. Ang kababaihan ay walang


karapatang pumili o kahit na bigyan lamang ng pahintulot sa


pagpili ng kanyang magiging asawa; sila ay para lamang


ipinamigay. Higit sa lahat, sila ay hindi pinapayagang magasawa ulit kung sila ay diniborsyo.


Bago dumating ang Islam sa pamayanan ng Arabia, ang


mga Arabo ay di nasisiyahan sa pagkakaroon ng anak na


babae sa kanyang pamilya. Ang mga iba ay itinuturing ito


bilang masamang pangitain. Ang Dakilang Allah ay


inilarawan sa Qur’an ang pagtanggap ng isang ama tungkol


sa pagsilang ng anak na babae:


“At kung ang balita (ng pagsilang) ng isang babae ay


ipinarating sa sinuman sa kanila, ang kanyang mukha ay


nagiging madilim at ang kanyang kalooban ay napupuspos


ng pagkapoot! Ikinukubli niya ang kanyang sarili sa mga


tao dahilan sa kasamaan ng ibinabalita sa kanya. (Na nagiisip) na kanya bang pananatilihin ang batang babae na


magbibigay ng kahihiyan sa kanya, o kanyang ililibing sa


lupa? Katotohanang karumal-dumal ang kanilang pasya.”


(Qur’an 16:58-59)


 Ang mga babae ay hindi man lang nabigyan ng mga likas


na karapatan katulad ng pagkain ng ibang uri ng makakain.


Ang ibang uri ng pagkain ay ipinahihintulot lamang sa mga


lalaki. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:


“At sila ay nagsasabi: ‘Kung ano ang nasa sinapupunan ng


gayong bakahan (kahit na gatas o bilig) ay para sa mga


kalalakihan lamang at ipinagbabawal sa aming


kababaihan, datapwa’t kung ito ay patay ng ipinanganak,


kung gayon ang lahat ay may kabahagi rito...” (Qur’an


6:139)


20


 Karagdagan pa rito, ang pagkamuhi ng mga Arabo sa mga


batang babae ay humahantong sa kapasiyahang ilibing sila ng


buhay. Ang Dakilang Allah ay nagsabi tungkol sa Araw ng


Pagbabayad:


“At kapag ang sanggol na babae na inilibing ng buhay ay


tatanungin, sa anong kasalanan siya ay pinatay?” (Qur’an


81:8-9)


 Ang mga ibang ama naman ay inililibing ang kanilang


mga anak na babae kung ito ay may ketong o pilay o


isinilang na may kapansanan. Ang Allah () ay nagsabi:


“At huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa


pangamba ng kahirapan. Kami ang nagkakaloob sa kanila


at sa inyo ng ikabubuhay. Katotohanan, ang pagpatay sa


kanila ay isang malaking kasalanan.” (Qur’an 17:31)


Ang tanging bagay lamang na maaaring ipagmalaki ng


isang babae sa panahon yaon, bago dumating ang Islamikong


kapanahunan, ay ang pangangalaga sa kanya at ng kanyang


pamilya at tribo, at ang pagtatanggol sa kanya laban sa mga


humahamak o nagtatangkang dungisan ang kanyang


pagkababae. Subali’t ang ganitong pangyayari ay higit na


ipinagkakaloob ang dangal at puri ng lalaki at sa karangalan


ng kanyang tribo, kaysa sa pagmamalasakit sa mga babae.


Ang mga pangyayari tungkol sa kababaihan sa lipunang


Arabia ay siyang umakay kay Umar ibn al-Khattab (), ang


pangalawang Kalipa ng mga Muslim, upang mag-ulat ng:


“Sumpa sa Allah, hindi natin napag-isipan na ang babae ay


may kahalagahan kundi lamang ipinahayag ng Allah ang


tungkol sa kanila sa Qur’an…” (Muslim)


Ang Kababaihan sa Lipunan ng India: Sa Lipunan ng


India ang mga babae ay pangkalahatang itinuring na mga 


21


katulong at alipin na hindi nasusunod ang sariling


kagustuhan at sariling kapasiyahan. Sinusunod nila ang


kanilang mga asawa ng walang pagtutol sa lahat ng bagay.


Ang mga babae ay pambayad sa pagkatalo sa sugal ng


kanilang asawa. Upang maipakita ang pagmamahal, ang mga


nabiyudang babae ay sapilitang sinusunog ng buhay sa


pamamagitan ng paglukso sa lugar na pansiga sa patay (pyre)


ng asawang namatay (ang mag-asawa ay kapwa sinusunog


na magkasabay). Ang kaugaliang ito ay tinatawag na ‘sutti’


na ipinagpatuloy hanggang sa huling yugto ng ika-17 siglo


noong ang kaugaliang ito ay napawalang bisa at ipinagbawal


sa kabila ng pagkadismaya at pagtutol ng mga lider ng


relihiyong Hindu. Kahit na ito ay napawalang bisa na, ang


‘sutti’ ay malawakang isinasagawa parin hanggang sa huling


yugto ng ika-19 na siglo at nangyayari pa rin hangga ngayon


sa mga malalayong lugar ng India. Sa mga ibang pook, ang


mga babae ay inihahandog sa mga pari bilang kerida, o


patutot na sinasamantala. Sa ibang panig ng India, ang mga


babae ay ginagawang pang-alay sa mga diyus-diyosan ng


mga Hindu upang bigyang kasiyahan ang mga ito o di kaya


kung sila ay dumadalangin para magkaroon ng ulan. Ang


ilang batas ng Hindu ay nagpahayag ng ganito:


“Ang itinakdang pagtitiis, ang ihip ng hangin o buhawi,


ang kamatayan, ang impiyerno, ang lason, ang mga ahas at


apoy ay hindi masama kaysa sa babae.”


Sa mga aklat ng relihiyong Hindu, ay sinasabi rin na:


“Kung ang Manna (ang manlilikhang diyos ng Hindu) ay


lumikha ng babae, kanya itong nilalakipan ng pagmamahal


sa higaan, sa mga upuan, pagpapaganda (ng mukha),


maruming pagnanasa (lahat ng uri), ng galit,


paghihimagsik laban sa dangal at puri, masamang paguugali, asal at kilos.” 


22


Sa mga aral ng ‘Manna Herma Sistra’ tungkol sa mga


babae, mababasa na:


"Ang isang babae ay maaaring mabuhay na walang


pagpipilian maging siya ay batang babae, dalaga o may


edad na babae. Ang batang babae ay nasa ilalim ng


kapangyarihan at kagustuhan ng kanyang ama. Ang


babaeng may-asawa ay nasa kapangyarihan at kagustuhan


ng kanyang asawa. Ang biyuda ay nasa kapangyarihan at


kagustuhan ng kanyang mga anak na lalaki at hindi na


malaya (mula ng mamatay ang kanyang asawa). Ang


biyuda ay hindi na maaaring mag-asawang muli


pagkaraang mamatay ang kanyang asawa bagkus dapat


niyang iwasan o isantabi ang kanyang pagnanasa sa


pananamit, pagkain at pag-aayos ng mukha hanggang siya


ay mamatay. Ang babae ay walang karapatang magmayari ng anupamang bagay at kung sakaling magkaroon man


ng pagkakakitaan, ang pag-mamay-ari ay kaagad na


mapupunta sa kanyang asawa.”


Sa ibang situwasyon naman, ang babae ay maaaring


magkaroon ng maraming asawa sa isang pagkakataon0F


1.


Walang alinlangan na ang kanyang kalagayan ay mistulang


kalapating mababa ang lipad o puta sa lipunan.


 Ang Kababaihan sa Lipunan ng mga Intsik: Ang katayuan


ng mga babae sa lipunan ng Intsik ay hamak at mababa. Sila


ay karaniwan at laging iniaatang sa mga mababang uri ng


gawain at katayuan. Ang batang lalaki ay itinuturing bilang


handog ng Diyos at pinakikitunguhan ng mabuti.


Samantalang ang batang babae ay nagtitiis ng maraming


kahirapan, gaya ng pagtali sa kanyang mga paa upang hindi


makatakbo at hindi magawa ang ibang kaugaliang gaya nito.


 1 Tingnan sa 'Hindu Inter-caste Marriage in India", Chapter 3 [Uri ng Pag-aasawa]


part 2 [Polyandry], ni Haripada Chakraborti. 


23


Ang isang salawikain sa Tsina ay ganito: ‘Makinig sa asawa


ngunit huwag mo siyang paniwalaan’. Samakatuwid, ating


mapag-aaralan na ang katayuan ng babae sa lipunang Intsik


ay hindi gaganda kaysa sa panahon ng mga paganong Arabo


bago dumating ang Islamikong lipunan at sa mga lipunan ng


mga taga India.


 Ang Kababaihan sa Lipunan ng Griyego: Sa mga taga


Griyego, ang mga babae ay ipinalagay ng mga kalalakihang


Griyego na ang mga babae ay walang halaga bagkus silang


lahat ay puro kasamaan. Walang regulasyon nangangalaga


sa mga babae sa lipunan ng Griyego. Sila ay pinagkaitan ng


karapatang pang-edukasyon; ipinagbibili at binibili na parang


isang bagay lamang; ipinagkait ang karapatang pagmamana;


at itinuring bilang musmos na walang karapatan


makipagkalakalan para sa sariling ari-arian. Ang mga babae


ay lubos na nasa ilalim ng kagustuhan ng lalaki sa kanilang


buong buhay. Ang Diborsyo ay ganap na karapatan ng lalaki.


Ang palasak na katayuan ng mga babae sa lipunan ng


Griyego ay nagbigay daan sa mga Pilosopo na sabihin ang:


“Ang pangalan ng mga babae ay dapat ikulong sa bahay


katulad din ng kanyang katawan.”


Si Ginoong Gustave Le Bon, isang Pilosopong Pranses ay


nagsabi sa kanyang aklat na; "Arab Civilization" ng ganito:


“Ang mga Griyego, sa pangkalahatang pananaw, ay


isinasaalang-alang na ang mga babae ay pinakamababang


nilikha. Sila ay walang kabuluhan maliban sa


panganganak at pangangalaga sa gawaing pambahay.


Kung ang isang babae ay nagsilang ng isang pangit, baliw


o may kapansanang sanggol, ang lalaki ay may kalayaan


gawin ang kagustuhang patayin ang (ang di-kanais-nais o


hindi gustong) sanggol”. 


24


 Si Ginoong Demosthenes, isang kilalang mananalumpati


at Pilosopo sa Griyego ay nagsabi:


“Kami, mga lalaking Griyego, ay nasisiyahan sa piling ng


mga babaeng nagbibili ng aliw para sa pakikipagtalik,


pagiging kasintahan, magsing-irog, upang pangalagaan


ang aming pang-araw araw na pangangailangan, at kami


ay nag-aasawa upang magkaroon lamang ng lehitimong


mga anak”.


Mula dito sa walang pagpipigil na simbolo ng dalawang


huwaran, at napakasamang moralidad, makikita natin ang


kapalaran ng mga kababaihan sa ganitong uri ng lipunan


batay sa pahayag ng isang pinakamahusay at kinikilalang


pilosopo.


 Ang Kababaihan sa Lipunan ng Roma: Ang babae sa


Romanong Lipunan ay isinasaalang-alang bilang isang


musmos na walang kakayahang pamahalaan ang sariling


buhay. Lahat ng pamumuhay ng babae ay napapailalim sa


kapangyarihan ng lalaki na siyang ganap na naghahari sa


lahat ng pansarili at pang publikong gawain ng babae. Ang


lalaki ay may karapatang magbigay ng hatol na kamatayan sa


kanyang asawa kung siya ay naakusahan ng katiyakang


krimen. Ang kapangyarihan ng lalaki sa babae ay


kinabibilangan ang karapatan siyang ipagbili, paulit-ulit na


pananakit sa babae, pagkulong o pagpatay sa babae. Ang


babae sa lipunang Roma ay kailangan makinig, sumunod ng


ganap at tuparin ang lahat ng ipinag-uutos ng lalaki. At ang


mga babae ay inaalisan ng karapatan sa pagmamana.


 Ang Kababaihan sa Makalumang Lipunan ng mga Hudyo:


Sa makalumang lipunan ng Hudaismo, ay wala ring


magandang kapalaran katulad ng mga babae sa ibang 


25


lipunang inilarawan sa mga naunang pahina. Sa Lumang


Tipan (Eclesiastes 25-26) ang babae ay inilarawan ng ganito:


(25) ‘Ako’y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam


at sumiyasat at humanap ng karunungan at ng


kadahilanan ng mga bagay at umalam na ang kasamaan


ay kamangmangan at ang kamangmangan ay kaululan.


(26) At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait


kaysa kamatayan, samakatuwid baga ang babae na ang


puso ay mga silo at mga bitag, at ang kamay ay gaya ng


mga panali…” (Ecclesiastes 7:25-26)


Sa Exodus (Lumang Tipan), ay iniulat:


“(7) At kung ipagbili ng isang lalaki ang kanyang anak na


babae na maging alipin, ay hindi siya aalis na gaya ng


pag-alis ng mga aliping lalaki. (8) Kung siya ay hindi


makapagpalugod sa kanyang Panginoon, na umayaw


mag-asawa sa kanya, ay ipatutubos nga niya siya; walang


kapangyarihang ipagbili siya sa isang taga ibang bayan,


yamang siya ay nadaya. (9) At kung pinapag-asawa ng


bumili sa kanyang anak na lalaki ay kanyang ipalalagay


siya ng ayon sa kaugalian sa mga anak na babae. (10)


Kung siya ay mag-asawa sa iba, ang kanyang pagkain,


ang kanyang damit at ang kanyang kapangyarihang sa


pag-aasawa ay hindi niya babawasan. (11) At kung hindi


niya gawin ang tatlong bagay na ito sa kanya


magkagayon siya ay aalis nang walang bayad, na walang


tubos na salapi.” (Exodus 21:7-11)


 Kaya, kung ang babaeng Hudyo ay mag-asawa, ang


pangangalaga sa kanya ay malilipat mula sa kanyang ama


tungo sa kanyang asawa at siya ay magiging isa sa pag-aari


ng asawa niya katulad ng bahay, mga alipin, salapi at


kayamanan. 


26


Ang mga batas at katuruan ng mga Hudyo ay inaalisan


ang babae ng pamana mula sa kanyang ama kung ang ama ay


mayroong ibang mga anak na lalaki. Ito ay mababasa sa


Lumang Tipan ng ganito:


“At iyong sasalitain sa mga anak ni Israel na iyong


sabihin, ‘Kung ang isang lalaki ay namatay at walang


anak na lalaki ay inyo ngang isasalin ang kanyang mana


sa kanyang anak na babae’.” (Bilang; 27:8)


 Karagdagan pa nito, ang mga lalaking Hudyo ay hindi


natutulog sa iisang higaan kung ang babae ay may buwanang


pagdurugo (regla), hindi sumasalong kumakain o umiinom.


Ang mga lalaking Hudyo ay ganap na inilalayo ang sarili


mula sa babaeng may regla hanggang ito ay malinis mula sa


kanyang pagdurugo.


 Ang Kababaihan sa Makalumang Lipunan ng mga


Kristiyano: Ang mga Kristiyanong pari ay humantong sa


labis na pagsasaalang-alang na ang babae ay siyang sanhi ng


‘Orihinal na Pagkakasala’ at siyang pinagmulan ng mga


kaguluhan na siyang kinasasadlakan ng buong mundo. At


dahil dito, ang ugnayang pisikal ng babae at lalaki ay


tinaguriang ‘marumi’ bagaman ito ay lehitimong sinangayunan at ginawa sa ilalim ng kasunduang kasal.


Si Saint Trotolian ay nagsabi:


“Ang babae ay siyang Landas ni Satanas tungo sa puso ng


lalaki. Ang babae ang siyang nagtulak sa lalaki sa ‘Bawal


na Puno’. Ang babae ay sumuway sa Batas ng Diyos at


sinira ang Kanyang Imahen.”


 Si Ginoong Wieth Knudesen, isang manunulat na Danish


ay naglarawan sa katayuan ng babae noong ‘Middle Ages’ na


nagsabi: 


27


“Ayon sa relihiyong Katoliko na nagsasaalang-alang sa


babae bilang pangalawang uri ng tao, sadyang kakaunti


ang pangangalaga at pansin ang ibinibigay sa kanya


(babae).”


Noong taong 1856, mayroong pagpupulong na ginanap sa


Pransiya tungkol sa pagpapasiya kung ang babae ay dapat


bang ituring na tao o hindi! Ang pagpupulong ay nagbigay


ng huling pananalita na:


“Ang babae ay tao ngunit siya ay nilikha upang


maglingkod sa lalaki.”


 Kaya’t sa pagpupulong na ito, sinang-ayunan ang


karapatan ng babae bilang tao, isang bagay na pinagaalinlanganan at di-mapagpasiyahan! Magkagayunman, ang


mga lumahok sa pagpupulong na ito ay hindi ganap na


nagpasiya tungkol sa karapatan ng babae bagkus ang babae


ay tagasunod lamang ng lalaki at alipin na walang


pansariling karapatan. Ang pasiyang ito ay binigyan ng


katuparan hanggang noong ika 1938, nang sa unang


pagkakataon, ang susog ay ipinalabas upang pawalangsaysay ang batas na nagbabawal sa babae na personal na


mangasiwa sa kanyang gawaing pananalapi at tuwiran at


hayagang pinahintulutang magbukas ng sariling libreta sa


banko.


Ang mga taga Europa ay patuloy ang pang-aapi sa mga


babae at inaalisan ang kanilang karapatan hanggang sa


panahon ng 'Middle Ages'. Isa ring nakakagulat na malaman


sa Batas ng Ingles na ipinikit nila ang kanilang mga mata sa


pagbebenta ng lalaki sa kanyang asawa! Ang puwang sa


gitna ng mga lalaki at babae ay lalong lamaki, hanggang sa


ang pamamahala sa babae ay ganap na nasa kamay ng lalaki.


Ang mga babae ay inalisan ng lubos na karapatan kahit na


anong pag-aari. Lahat ng ari-arian ng babae ay napupunta sa 


28


asawang lalaki. Halimbawa, ang babae sa Batas ng Pransiya


ay ipinalagay na walang kakayahang magpasiya sa sariling


gawaing pananalapi. Ating mababasa sa Artikolong 217 ng


Batas ng Pransiya na nagsasaad:


"Ang babaeng may asawa ay walang karapatang


magbigay, magsalin, magmay-ari, may bayad o wala, na


walang pagsang-ayon ang kanyang asawa kahit na ang


kasunduang nakasulat sa kasal ay nagsasabi na ang ariarian ng babae ay hiwalay sa ari-arian ng lalaki.”


 Sa kabila ng maraming susog at pagbabago na nangyari sa


batas ng Pransiya, makikita pa rin natin kung paano ang mga


batas na ito ay nagbigay impluwensiya sa buhay may-asawa


ng mga kababaihan. Ito ay isang uri ng modernong pangaalipin.


 Karagdagan pa nito, ang apelyido ng isang babaeng may


asawa ay nawawala kung siya ay pumasok sa kasunduang


kasal. Ang may asawang babae ay kinakailangang dalhin at


gamitin niya ang apelyido ng kanyang asawa. Ito ay


nagpapahiwatig na ang babae ay magiging tagasunod


lamang ng kanyang asawa at mawawala ang kanyang


personal na pagkakakilanlan.


Si Ginoong Bernard Shaw, isang kinikilalang manunulat na


Ingles ay nagsabi:


"Sa oras na ang babae ay mag-asawa, lahat ng


pansariling pag-aari ay magiging pag-aari ng kanyang


asawa ayon sa batas ng Ingles (English Law).”


Panghuli, mayroong pang isang di-makatarungan at


ipinataw sa mga kababaihan ng Kanlurang Lipunan ay yaong


ang kasal ay ginawang isang bagay na kailangang manatili


magpakailanman batay sa legal at aral ng kanilang relihiyon.


Ang babae ay walang karapatang magtakda ng diborsiyo 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG