Ang Pagdadasal sa Patay
Ang kahalagahan ng Pagdadasal sa patay
Naiulat ni Abu Hurairah (Kalugdan nawa siya ng Allah) kanyang sinabi: sinabi
ng Sugo ng Allah ( ) : (Sinuman ang makasaksi sa isang patay hanggang
sa pagdadasal dito, mapapasakanya ang isang Qeraat, at sinumang
makasaksi dito hanggang sa paglibing mapapasakanya ang dalawang
Qeraat). May nagsabi: at ano ang dalawang Qeraat? kanyang sinabi:
katulad ng dalawang bundok na malalaki ( bilang gantimpala).
Napagkasunduan (ni Al-Bukhari at Muslim).
Paano magsasagawa ng Dasal para sa patay
1- Bigkasin ang Unang Takbir ( Allahu Akbar ): at ang ( Audhu billa-hi
minas shayta-nir rajeem) at ( Bismilla-hir Rahma-nir Raheem) at
pagkatapos basahin ang Suratul fatiha.
(Alhamdu lillaa-hi rabbil 'alameen Ar-Rahma-nir Raheem Ma-liki
yawmid deen iyya-ka na'abudu wa iyya-ka nas ta'een ihdinas sira-tal
mustaqeem sira-tal lazeena an'amta alayhim gayril magh-doobi alayhim
waladdhaa-lleen) A-meen.
2- Bigkasin ang Pangalawang Takbir (Allahu Akbar): Manalangin para sa
propeta : ( Alla-humma Salli ala Muhammad wa ala ali Muhammad kama
Sallayta ala ali Ebrahim Innaka hami-dun Majeed wa ba-rik ala
Muhammad wa ala ali Muhammad kama ba-rakta ala ali Ebrahim
Innaka Hameedun Majeed).
[kahulugan]
(O Allah pagpalain mo po si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad
kagaya ng pagpala mo sa pamilya ni Ibrahim, tunay po na ikaw ay
Kapuri-puri, Ang Maluwalhati, O Allah biyayaan mo po si Muhammad at
ang pamilya ni Muhammad gaya ng pagbiyaya mo sa pamilya ni Ibrahim,
tunay po na Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati).
3- At pagkatapos, Bigkasin ang pangatlong Takbir (Allahu Akbar) : at
manalangin para sa patay ng panalanging naiulat mula sa Propeta ( ).
4- Pagkatapos, Bigkasin ang pang-apat na Takbir (Allahu Akbar).
5- at bigkasin ang ASSALA-MU ALAYKUM WARAHMATULLAH at
lumingon sa kanan lamang.
Ang Panalangin
Mga tamang panalangin na binibigkas sa pagdadasal para sa patay
pagkatapos ng pangatlong Takbir:
(Alla-hummag fir lahu war hamhu wa a'fihi wa a'afu anhu wa akrim
nujulahu wa wassi' mud-khalahu wag silhu bil ma-e was thalzi wal baradi
wa naqqihi minal khata-ya kama naqqayta at-thawbal abyada minad
danas wa abdilhu da-ran khayran min da-rihi wa ahlan khayran min
ahlihi wa jawzan khayran min jawzihi wa ad-khilhul jannata wa a'iez-hu
min 'azabin naa-r) Isinalaysay ni Muslim, at-Tirmizi at Ahmad.
[Ang Kahulugan]
(O Allah patawarin at kahabagan mo po siya, bigyan ng lakas at
pagpasinsiyahan, itaas ang antas ng kanyang kinalalagyan, palawakin ang
kanyang mapapasukan, at hugasan siya ng tubig, niyebe at yelo at
dalisayin mo po siya mula sa mga pagkakamali tulad ng pagdalisay mo sa
puting damit mula sa karumihan, at bigyan siya (bilang kapalit) ng
tirahan na mas nakakahigit sa kanyang (dating) tirahan, at pamilya na
mas mabuti kaysa dati niyang pamilya, at asawa na mas mabuti kaysa dati
niyang asawa, at papasukin mo po siya sa paraiso at iligtas mo po siya
mula sa kaparusahan ng Apoy). Isinalaysay ni Muslim, At-Tirmizi at An-
Nasa-ie.
(Allahummag fir li hayyina wa mayyitina wa sha-hidina wa ga-ibina wa
sagi-rina wa kabee-rina wa dhakarina wa untha-na). Isinalaysay ni At-
Tirmizi, An-Nasa-ie at Ahmad.
[Ang Kahulugan]
(O Allah patawarin mo po ang mga nabubuhay at namatay sa amin, at
ang naririto man sa amin o wala, bata at matanda sa amin, lalaki at babae
sa amin).
( Alla-humma innahu abduka wabnu abdika wabnu amatika ka-na
yash-hadu alla-ila-ha illa Anta wa anna Muhammadan abduka wa rasuluk
wa Anta 'Alamu bihi, Alla-humma in ka-na muhsinan fa jid fi ihsanihi
wa inka-na musee-an fa taja-waz an sayyi a-tihi, Alla-humma la
tahrim naa ajrahu wa la taftinnaa ba'adahu). Isinalaysay ni Malik.
[Ang Kahulugan]
(O Allah katotohanan, siya ay iyong alipin at anak ng iyong alipin at
anak ng iyong babaeng alipin, sinaksihan niyang walang diyos na karapatdapat
sambahin maliban sa iyo at tunay na si Muhammad ay iyong Alipin
at Sugo at Ikaw ang siyang mas nakakaalam dito, O Allah kung siya man
noon ay mabuti dagdagan mo ang kanyang kabutihan at kung siya man
noon ay masama palampasin sa kanya ang kanyang mga masamang
gawain, O Allah huwag mo po kaming pagkaitin ng bahagi sa kanyang
gantimpala at huwag mo po kaming ilagay sa pagsubok o hirap matapos
na siya ay yumao). Isinalaysay ni Imam Malik.
At kapag ang dinadasalan ay babae kanyang bigkasin ang : ( Alla-hummag
fir laha) gamitin ang salitang pantukoy na para sa babae.
At kapag ang dinadasalan ay grupo (maramihan) kanyang bigkasin ang :
(Alla-hummag fir lahum). Gamitin ang salitang pantukoy na para sa marami.
Si Abu Hurairah noon (kahabagan nawa siya ng Allah) kanyang binibigkas
sa batang patay : (Alla-hummaj 'alhu lana salafan wa faratan wa ajran).
Isinalaysay ni Bayhaqe.
Mga Paala-ala
Sinuman ang hindi inabutan ang ilang bahagi ng dasal sa patay, papasok
siya sa dasal kasama ang Imam (namumuno) sa nalalabing dasal, pagkatapos
kapag nagsalam ang Imam isasagawa niya ang hindi niya inabutan sa dasal
ayon sa pamamaraan nito, at ituring ang kanyang inabutan kasama ang Imam
na unang bahagi ng kanyang dasal.
At sinumang hindi nakapagdasal sa patay bago ito mailibing, magdasal siya
sa libingan pagkatapos ng libing.
At ang ipinagbubuntis ng babae kapag lumabas ng patay at kumpletong
umabot ng apat na buwan o mahigit, dadasalan siya ng dasal na para sa patay,
at kapag hindi pa umabot ng apat na buwan hindi ito dadasalan.