Ang katanungan kung tunay ngang may buhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi nasasakop ng kapamahalaan ng agham sapagka’t ang agham ay tumutukoy lamang sa pagbaha-bahagi at pag-aaral ng mga katipunan sa senso. Higit pa roon, ang tao ay naging abala sa mga pang-agham ng pag-uurirat at pananaliksik sa makabagong pagtawag, sa mga nakalipas na ilang daang taon na lamang, nguni’t siya ay hirati na sa konsepto ng buhay sa kabila ng kamatayan sapul pa sa pasimula. Ang lahat ng mga Propeta ng Diyos ay nawawagan sa kanilang pamayanan upang sumamba sa Diyos at ang maniwala sa pagkaroon ng kabilang buhay. Sila ay nagbuos ng lubhang maraming pagbibigay diin sa paniniwala sa sa kabilang buhay na kahit ang pinakamaliit sa pag-aalingan doon ay naguguluhan ng pagtakwil sa Diyos ay nagsitalakay sa ganitong metapisakang katanungan tungkol sa kabilang buhay ng may paniniwala at pagkatulad na ang agwat ng kanilang mga magulang ay libong taon at nagpatunay lamang na pinagkunan ng ganitong kaalaman tungkol sa kabilang buhay na ipinahayag nilang lahat ay iisa. Ang kapahayagan ng Diyos ay batid natin na ang lahat ng mga Propetang ito ay mahigpit na tinutulan ang kanilang pamayanan dahilan na rin sa pinakabuod na katanungan ng kabilang buhay sapagkat ang kanilang pamayanan ay nag-aakala na ito ay di kapani-paniwala. Nguni’t sa kabila ng lahat ng pagtutol, ang mga Propeta ay nagsipagwagi ng lubhang maraming matatapat na tagasunod. Ang katanungan ay kung ano ang nag-udyok sa mga tagasunod na ito na iniwan ang kanilang nakagisnang paniniwala, tradisyon at kaugalian ng kanilang mga ninuno ng hindi nagbibigay pahalaga sa panganib na sila ay mapaghiwalay sa kanilang sariling pamayanan? Ang payak na kasagutan ay ito: sila ay gumagamit ng kakayahan ng kanilang pag-iisip at puso at napagtanto nila ang katotohanan. Sila ba’y napagtanto ang katotohanan sa kanilang pag-uunawa? Hindi nga, sapagka’t ang makaranas ng kabatiran tungkol sa buhay sa kabila ng kamatayan at tunay na imposible. Sa katotohanan, ang Diyos ay hindi lamang nagbigay ng kaisipang pangkamalayan kundi gayon din naman ng kamalayang makatuwiran, paghanga sa kagandahan at moral. Ang kamalayang ito ang namamatnubay sa pamamagitan ng katipunang pangsentido. Dahil dito, kung bakit ang lahat ng mga Propeta ng Diyos habang sila at nanawagan sa mga tao upang sumampalataya sa Diyos at sa kabilang buhay ay nanawagan sa pamamagitan ng paghanga sa kagandahan sa moral at makatuwirang kamalayan ng tao. Halimbawa, nang ang mga paniniwala sa diyus-diyosan sa Makkah ay nagtakwil sa pagkaroon ng buhay sa kabila na kamatayan ang Qur’an ay naglantad ng kahinaan ng kanilang pananagan sa paggagawad ng lubhang makakatotohan at makatuwirang argumento upang patunayan. “At siya ay nagturing sa amin ng pabula, at nakalimot sa katotohan ng kanyang pagkalikha na nagsasabi: sino ang magpapanumabalik sa butong ito ng nangabulok na? Ipagbadya, Siya ang magpapanumbalik doon (sa mga buto) na Siya rin ang lumikha roon ng una, sapagkat Siya ang nakakaalam ng bawat nilikha Siya ang naggawad sa inyo ng apoy mula sa luntiang puno at tunghayan nagpapaningas kayo roon. “Di ba Siya na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan ay malilikha ang katulad nila? Tunay nga, at Siya lamang ang kataas-taasang Manlilikha, ang Nakakaalam”. (Qur’an 36:78-81) Sa iba pang pangyayari, ang Qur’an ay malinawanag na nagsasaysay na ang mga di sumasampalataya ay walang matibay na batayan sa kanilang pagtatakwil ng buhay sa kabila ang kamatayan. Ito ay batay lamang sa mga haka-haka. “Sila’y nagsisipagbadya, “wala ng iba pa maliban sa aming pangkasalukuyang buhay; kami’y mamatay, kami’y mabubuhay, at tanging panahon lamang ang makaksira sa amin. At tungkol sa kabilang buhay, silay walang kaalaman bagkus ay mga haka-haka lamang. At kung ang Aming rebelasyon ay binigkas sa kanila, ang kanilang pamarali ay pagsasabi ng:”Ibalik mo muli sa aming mga ninuno kung ikaw ay nagbadya na katotohanan”. (Qur’an 45:24-25) www.islamhouse.com 4 Tuna yang Diyos ay magpapabangon ng lahat ng mga patay. Subali’t ang Diyos ay may kanyang sasriling plano ng mga bagay-bagay. Darating ang araw na ang buong sangtinakpan at masisira at muli ang mga patay ay mabubuhay aupang hatulan sa harapan ng Diyos. Ang araw na iyon ang siyang simula ng buhay na hindi magwawakas at sa araw na ayon sa kanyang mabubuti o masasamang gawa. Ang paliwanag na ibinibigay sa Qur’an sas pangangailangan ng buhay sa kabila ng kamatayan ay kung ano ang hinihingi ng moral na kamatayan ng tao. Sa katotohanan, kung wala ang buhay sa kabila ng kamatayan, ang paniniwala sa Diyos ay mawawalana ng sa katuturan o kahit na nga ang isa ay sumasampalataya sa Diyos, ito ay maaring di-makatuwiran at naiibang Diyos na pagkatapos na likhain ang tao ay di nagmamalasakit sa kanyang kahihinatnan. Tunay ngang ang Diyos at makatarungan. Siya aya magpaparusa sa mga nagmamalabis sa pamamahala na ang mga krimen at di mabilang na pumatay ng daang tao na walang kasalanan, na lumikha ng mga kasamaan sa lipunan na umaalipin sa maraming tao upang masunod lamang ang kanilang naisin atbp. Ang tao na mayroong lamang maigsing panahon ng kanyang buhay sa mundong ito, at ang pisikal na mundo ring ito ay din a magtatagal, ang mga kaparusahan o mga gantimpala na katumabas ng mabuti o masamang gawa ng tao ay di maaani rito. Ang Qur’an ay mahigpit na nagsasaysay na ang araw ng Paghuhukom ay darating at ang Diyos ay magpapasya tungkol sa kahihinatnan ng bawat kaluluwa ayon sa tala ng kanyang gawa. “Ang mga di sumasamapalataya ang di nagbabadya! Ang panahon na iyon ay hindi darating sa amin. Ipagsaysay: Tunay nga, sa pamamagitan ng aking Panginoon ito ay walang pagsalang daraating sa inyo. Siya ang Nakakaalam ng mga nalilingid maging ang timbang ng pinakamaliit, kulang man o higit at di malilingid sa Kanya ditto sa kalangitan o kalupaan,bagkus ay nasa isang maliwanag na talaan. Na magantimpalaan Niya ang sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan. Sa kanila ay igagawad ang kapatawaran at kasaganaan. Nguni’t sa mga sumasaway sa aming mga rebelasyon na humahamon (sa amin); matatandaan nila ang kasakitsakit na kaparusahan at kagalitan (Qur’an 34:3-5) Ang araw ng muling pagkabuhay ay siyang araw kung saan ang katangian ng Diyos na makatarungan at maawain ay lubos na mangingibabaw. Ang Diyos ay maghahasik ng kanyang awa sa mga taong nagpakasakit ng kanilang buhay sa mundong ito para sa Kanya, na sumasampalataya na ang walang hanggang kaligayahan ay nalalaan sa kanila. Subali’t sa mga nagmamalabis sa mga biyaya ng Diyos, na di nagbibigay pansin sa kabilang buhay na darating ay malalagay sa pinakamasaklap na kalagayan. Ang Koran at nagsasaysay kung ano ang pagkakaiba nila. “Siya ba na pinagkunan Namin ng mabuting pangako, na ang katuparan noon ay makikita niya, ay tulad na iba na pinagkolooban Namin ng mabuting bagay sa buhay na ito, nguni’t, sa Araw ng muling Pagkabuhay siya ay sa mga ihaharap upang magsulit sa harap ng Diyos?” (Qur’an 28:61) Ang Qur’an ay nagsasaysay din na ang makalupang buhay na ito ay iisang paghanda tungo sa walang hanggang buhay pagkatapos ng kamatayan, Subalit sa mga nagtatakwil nito sila ay naging alipin ng kanilang mga damdamin at mga pagnanais na lumilibak sa mga taong matutuwid at mapag-alaala sa Diyos. Ang mga gayong tao ay makapagnilay-nilay lamang ng kanilang kabaliwan sa oras ng kanailang kamatayan at sa sindak ng Araw ng paghuhukom, at ang walang kahulip na kaligayahan na itinakda para sa matatapat na sumasampalataya ay buong gandang binabanggit sa Koran sa mga sumusunod sa talata. “Haggang sa sumapit ang kamatayan sa isa sa kanila, at siya ang nagsabi: O aking Panginoon, ibalik mo akong muli, upang aking maituwid aking mga naiwanan! Tunay nga itoy isang salita lamang na kanyang binibigkas;at sa likuran nila ay may isang sagka hanggang dumating ang araw na silay ibabangon. At kung hihipan ang Trumpeta sa araw na yaon ang pagkamag-anak ay di-makikilala, at di rin makakapangusap ang bawat isa sa kanila. Tunay nga, ang may mabibigat na timbangan ang siyangmagtatagumpay. At ang may magagan na timbangan, sila ang nagpapahamak sa kanilang kaluluwa na sa impiyerno ay mamalagi, ang apoy ay tumutupok sa kanilang mukha at sila ay nagsisipamanglaw”. (Qur’an 23-104) www.islamhouse.com 5 Ang paniniwala sa buhay sa kabila ng kamatayan ay di lamang nagtatakda ng tagumapay sa kabilang buhay, bagkus ay naghahatid sa mundong ito upang magkaroon ng kapayapan at kaligayahan sa pamamagitan ng paghubog sa bawa’t tao upang magkaroon ng katungkulan at maging sa kanilang mga gawa. Tunghayan na lamang ang mamamayan ng Arabia. Ang pagsusugal, ang alak, ang mga pang-tribu, ang pagnanakaw at pagpapatay ang siyang namamayaning pag-uugali nang sila ay di pa naniniwala sa kabilang buhay. Nguni’t nang kanilang tinaggap ang pananampalataya sa Nag-iisang Diyos at sa kabilang buhay. Sila ay naging pinakamadisiplinadong bansa sa buong mundo. Tinalikdan nila ang kanilang mga bisyo, at nagtulungan ang bawa’t isa sa oras ng pangangailangan, at nilutas nila ang pagkahidwa-hidwa ng ayon sa katarungan at pagkapantay-pantay. Gayon din naman, ang pagtatakwil sa kabilang buhay at mayroon ding magiging bunga sa mundong ito. Kung ang bansa sa kanyang kabuuan ay nagtatakwil doon, ang lahat ng uring kasamaan at pagmamalabis at nagiging masigabo sa gayon, ang lipunan at nawawasak sa bandang huli. Sa ilang bahagi, ang Koran ay bumabanggit sa kasindak-sindak na kinasapitan ni Aad, Thamud, at Paraon: “Ang mga tribu ni Thamud at Aad ay di sumasampalataya na may paghuhukom na darating: Tulad ni Thamud, sila ay winasak sa pamamagitan ng kidlat, at sa tulad ni Aad, sila ay winasak sa pamamagitan ng nakakahawing hagupit ng hangin, na iginawad Niya sa kanila sa loob ng pitong mahahabang gabi at walong mahahabang araw upang mapagmalas ninyo ang mga tao na nakahandusay doon na waring sila ba’y tulad ng sungot ng mga nalugmok na puno ng palmera". Sa ngayon, nakikita mo ba (Muhammad) ang latak nila? Tulad ni Paraon at ang nanga-una sa kanya, at ang pinalugmok na mga bayan, sila’y nagsigawa ng mga kamalian at naghimagsik ng laban sa sugo ng kanilang Panginoon, at sinukol Niya sila ng mahigpit na sakmal. Tunay nga, ng tumaas ang tubig, ay kinandili naming kayo sa arko upang gawin naming itong tagapagpaa-alala sa inyo at mapananganan ng inyong pandinig. At sa sandaling ang Trumpeta at hipan ng isang matinding pagsabog at kung ang kalupaan at mga kabundukan ay itataas at dudurugin sa minsan lamang, gayon sa araw na yaon, ang sinda ay magdaraan at kalangitan ay mahahati sapagka’t ito ay magiging marupok sa araw na yaon. At ang mga anghel ay nasa magkabilang panig at walo ang magtatangan ng Trono ng kanilang Panginoon sa ulanan. Sa araw na yaon ikaw ay ihaharap sa pagsususlit at walang anumang lihim ang iyong maikukubli. Tunay ngang siya na bibigyan ng kanyang aklat sa kanyang kanang kamay ay magsasabi, “Kunin ninyo at basahin ang aklat! Tunay ngang talastas ko na haharapin ko ang aking pag-uulat. At sa gayon siya’y makakaranas ng napakaligayang kalagayan sa mataas na hardin, na mga kumpol (ng bunga) ay abot kamay niyang pitasin” Sa kanila roon ipagsusulit: Magsikain kayo at uminum ng may kasiyahan bilang gantimpala sa inyong ginawa sa mga panahong limipas. Subali’t siya na pagkakalooban ng aklat sa kaliwang kamay ay mangungusap sana hindi na ako pinagkalooban ng aking aklat ng hindi kona mapagbalikan ang aking mga gawa, sanay kamatayan ang mapagwakas doon. “Ang kayamanan ko ay nawalang saysay, ang kapangyarihan ko’y kagyat ng pumanaw”. (Qur’an 69:4-29) Kaya nga't mayroong kahika-hikayat na katwiran na mananampalataya sa kabilang buhay. Una, ang lahat ng mga Propeta ng Diyos ay nanawagan sa mga tao upang sumampalataya roon. Pangalawa, kailanman’t ang makataong lipunan ay naitatag ng ayon sa ganitong paniniwala ito ay magiging pinaka-uliran at mapapayapang lipunan na ligtas sa mga panglipunan at moral na kasamaan. www.islamhouse.com 6 Pangatlo, ang kasaysayan ay nagpatotoo na kailanman ang ganitong paniniwala ay sama-samang itinakwil ng pangkat ng tao, sa kabila ng paulit-ulit na paalaala ng Propeta ang pangkat sa kabuuan ay pinarusahan din ng Diyos maging sa mundong ito. Pang-apat, ang moral ang pangkagandahan at pagpapahalaga sa makatuwiran paggamit ng pandama ng tao ay nagtatambal sa posibilidad na buhay sa kabila ng kamatayan. Panglima, ang katangian ng Diyos bilang Makatarungan at Maawain at walang saysay kung walang kabilang buhay. Ang iba pang babasahin sa Islam T.B. irving, at iba pa: Ang Koran: Ang pangunahing Aral Hamuda Abdulati: Ang Islam sa Pananaw M. Qutb: Ang di nauunawaan Relihiyon Mudood: Tungo sa Pagka-unawa ng Islam Mairice Bucaille: Ang Biblia, Ang Qur’an at Agham Suzanne Haneef: Ano Ang Dapat malaman Ng lahat Tungkol sa Islam at sa Muslim. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam,makipag-ugnayan lamang sa Punong Tanggapan ng WAMY sa Riyadh at sangay na tanggapan sa Jeddah..