Mga Artikulo

Ang paksang ating tatalakayin ngayon ay “Ang Pagpapalaki ng mga Bata” at ang pagkabigong mapalaki ang mga bata sa tamang pamamaraan. Ang mga bata ay may tiwala sa kanilang mga magulang, at ang mga magulang ay may pananagutan sa pagtitiwalang ito. Kung kaya’t ang pagkabigong mapalaki (sa tamang kaparaanan) ang mga bata ay isang malaking pagkakamali at pagtalikod sa isang napahalagang tungkulin. Ang tahanan ay ang unang paaralan para sa mga bata at ito ang unang laryo na ilalagay sa pagtatatag ng isang lipunan. Ang mga bata ay kinakailangang turuan sa bahay bago sila dalhin sa paaralan lalung-lalo sa kanilang asal at pananampalataya. Sapagka’t mayroong tungkulin ang mga bata sa kanilang mga magulang, ganoon ding may tungkulin ang mga magulang sa kanilang mga anak. At katulad ng ipinag-utos ng Allah (swt) na maging matapat sa ating mga magulang, Kanya ring ipinag-utos sa atin na maging mabait sa ating mga anak. Ang pagiging mabait sa ating mga anak ay pagpapanatili sa tiwalang ipinagkatiwala, samantalang ang pagpapabaya sa kanila ay pandaraya sa kanila. Ang Allah (swt) ay nag-utos sa atin na panatilihin ang ating tiwala katulad ng Kanyang sinabi sa Qur’an: Katotohanan! Ipinag-utos ng Allah na nararapat tumbasan ang mga tiwala sa kanila na may karapatan. [Qur'an, 4:58] O kayong naniniwala! Ilagan mula sa inyong mga sarili at inyong mga mag-anak ang Apoy (Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato, na sa ibabaw ang amg (itinalagang) anghel na mababalasik at malulupit, na hindi sumusuway sa pagsasakatuparan ng mga utos sa kanilang natatanggap mula sa Allah kung hindi ang isagawa yaong sa kanila ay ipinag-utos. [Qur'an, 66:6] Gayundin, ang Propeta Muhammad (sas) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ang bawat is sa inyo ay tagapag-alaga at ang bawat isa sa inyo ay may pananagutan (sa kanyang alaga). Ang pinuno (hari) ay tagapag-alaga at may pananagutan (sa kanyang mga tauhan/sakop); ang lalaki ay tagapag-alaga ng kanyang mag-anak at may pananagutan (sa kanila); ang asawang babae ay tagapag-alaga ng bahay ng kanyang asawa at siya ay may pananagutan dito; ang utusan ay tagapag-alaga ng mga ari-arian ng kanyang amo at siya ay may pananagutan dito. Mag-ingat! Lahat kayo ay mga tagapag-alaga at may pananagutan (sa inyong mga alaga).” [Iniulat ni Al-Bukhari] At “Kapag ang isang pinuno na may kapangyarihang manuno sa mga Muslim na sakop ay namatay habang kanya silang nililinlang, ipagbabawal ng Allah ang Paraiso para sa kanya.” [Iniulat ni Al-Bukhari] Ano ang mga palatandaan ng pagkabigong mapalaki ang mga bata sa tamang kaparaanan? Ang mga sumusunod na pakikitungo (trato) ng mga magulang ang nagbibigay-daan sa pagkabigong palakihin ang mga bata sa tamang kaparaanan. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang pagpapalaki sa mga bata upang maging masama at upang manakit sa iba sa pamamagitan ng bunganga, kamay at ituring itong “katapangan”. Inyong makikita ang ilang mga magulang na palaging humihimok sa kanilang mga anak na manakit ng ibang bata at ito ay kanilang tinatawag na “katapangan”. Ito ay mali sapagkat ang bata ay makakasanayang makipag-away ng iba at ito ay dadalhin niya hanggang sa kanyang pagtanda. Ito ang magtutulak sa kanya na makagawa ng krimen sapagkat nakasanayan na niya ang maging masama at ang pananakit ng iba. 2. Ang pamimigay sa kanila kung ano ang kanilang nais kapag sila ay umiyak. Ang ilang mga bata ay umiiyak hanggang sa Ang Pagpapalaki ng mga Bata - Tagalog - Limbagin http://www.islamhouse.com/pr/6273 1 of 5 25/03/1432 10:49 ص makuha nila ang nais nila sa kanilang mga magulang. At sa kanilang pagtanda ay ipagpapatuloy (dadalhin) ang ganitong ugali – ang makuha ang anumang gustuhin (naisin) nila maging mabuti man ito o masama. At ang mga magulang ay hindi na makakapigil sa kanila sa pagkuha kung anuman ang kanilang naisin. Kung kaya’t nararapat na huwag ibigay ng mga magulang kung ano ang gusto (nais) ng mga bata kapag sila ay umiiyak at kung hindi naman ito kinakailangan. Hayaan silang umiyak minsan o dalawang ulit at sa malaon ay ititigil ng bata ang ganitong asal. 3. Ang pagiging maramot sa kanila. Ang ilang mga magulang ay labis na maramot sa kanilang mga anak at magtutulak sa kanilang maghangad ng mga bagay na ipinagkait ng mga magulang sa ibang pamamaran. Sa gayo’y pipilitin nilang makamit at magkaroon nito sa ibang kaparaanan katulad ng pagnanakaw, pamamalimos, pagbebenta ng kanilang puri (dangal) at pagpapakalulong sa ipinagbabawal na gamot. Ang lahat ng mga ito ay ipinagbabawal sa Islam. Sa gayo’y maaaring ang labis na pagmamaramot ng mga magulang sa kanilang mga anak ang lalong magbigay-daan sa mga ito na makagawa ng kasalanan. Gayundin, ang pagtataguyod sa mga bata ay may malaking gantimpalang nakalaan dito. Sinabi ng Propeta (sas): “Sa Dinar (pananalaping ginagamit sa panahon ng Propeta) na inyong ginugugol sa kapakanan ng Allah, o upang palayain ang isang alipin, o bilang kawanggawa na inyong ibinibigay sa isang abang tao, o upang itaguyod ang inyong mag-anak, yaong may pinakamalaking gantimpala ay yaong inyong ginugugol sa inyong mag-anak.” [Iniulat ni Muslim] At Siya (sas) ay nagsabi: “Kapag ang isa ay gumugol sa kanyang mag-anak na hinahangad ang kanyang gantimpala para dito mula sa Allah, ito ay ibinibilang na kawanggawa mula sa kanya.” [Napagkasunduan] Gayundin, nararapat na huwag ipagkaloob ang lahat ng hilingin at naisin ng kanilang mga anak sapagkat ito ay pangungunsinti sa kanilang mga layaw. Nararapat na ang paggugol ay sapat lamang. 4. Pagkakait sa kanila ng awa, pagmamahal at pag-aalaga. Isinalaysay ni Abu-Hurairah (ra) na ang Sugo ng Allah (sas) ay humalik kay Al-Hassan bin Ali (kanyang apo) habang si Al-Aqra bin Habis At-Tamimi ay nakaupo sa tabi niya. Si Al-Aqra ay nagsabi: “Mayroon akong sampung anak at kailanma’y hindi ko pa hinahalikan kahit ang isa man lang sa kanila.” Tinitigan siya ng Sugo ng Allah (sas) at kanyang sinabi: “Sinumang ang hindi mahabagin sa iba ay hindi rin kahahabagan.” [Iniulat ni Bukhari] Kung kaya’t ang pagkakait sa bata ng awa at pagmamahal o lambing ay magdudulot sa kanya na hanapin ito sa labas ng kanilang tahanan. Ito ay mapanganib sa bata sapagkat maaaring may magpanggap na magbibigay sa kanila ng awa at pagmamahal subalit ang katotohanan pala ay nais lamang niyang pagsamantalahan ang bata o kaya'y malason ang kaisipan ng bata tungo sa kasamaan. 5. Pagbibigay ng pansin sa anyo lamang. Iniisip ng maraming tao na ang pagpapalaki ng mga bata ay nababatay lamang sa pagkain, inumin, magagandang kasuotan at edukasyon. At sa gayon ay wala silang pagpapahalaga sa pagpapalaki ng mga bata sa matuwid na kaparaanan ng Islam nang may kagandahang-asal at mabuting pag-uugali. 6. Ang labis na pagitiwala o kawalang-tiwala sa mga bata. Ang ilang mga magulang ay labis ang kanilang tiwala sa kanilang mga anak kung kaya’t hindi na nila tinatanong ang bata sa kanilang mga gawain at mga pinupuntahan. Sa gayo’y wala silang nalalaman tungkol sa asal (ugali) ng bata. Palagi nilang iniisip na mabait ang kanilang mga anak. Sa kabilang bahagi naman ay ang labis na kawalang-tiwala ng mga magulang sa kanilang mga anak at kinakailangang ipaalam sa kanila ang lahat ng ginagawa (ng mga bata). Nararapat na ang mga magulang ay nasa gitna lamang – huwag silang ipagwalangbahala at huwag din silang labis na higpitan. 7. Pagtatangi-tangi sa mga bata. May ilang magulang ang nagtatangi o may kinikilingan sa kanilang mga anak (hindi pantay ang pagtingin) sa pamimigay ng regalo at panahon sa kanila. Ito ang nagiging dahilan ng kanilang pagkasuklam sa isat-isa o inggitan. Ang Propeta (sas) ay nagbawal ng pagtatangi ng isa sa mga anak. Isinalaysay ni An-Nu`man bin Bashir (ra): “Ako ay dinala ng aking ama sa Propeta at sinabi sa kanya na: ‘Aking ipinagkaloob ang isa sa aking mga utusan sa anak (na lalaki) kong ito.’” Ang Propeta ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ikaw ba ay nagbigay ng gayong regalo sa bawat anak mo?” Siya ay sumagot, “Hindi.” Kapag daka’y kanyang sinabi: “Kunin mo muli ang regalong ito.” [Napagkasunduan] Kung gayon ay nararapat na pantay ang pagtingin ng mga magulang sa kanilang mga anak. 8. Pagbibigay sa kanila ng masamang pangalan. Ito ay isang uri ng pang-aapi (pang-aabuso) sa bata sapagkat ang pangalang ito ay dala-dala ng bata habambuhay. Sa gayo’y nararapat na pumili ng magandang pangalan ang mga magulang para sa kanilang anak. Ang mga pangalan ay nahahati ayon sa mga sumusunod: a. Mga Pangalang Ipinagbabawal – katulad ng mga pangalan ng Allah (swt): Arrahman, Allah, Ala`ahad, atbp. Gayon din Ang Pagpapalaki ng mga Bata - Tagalog - Limbagin http://www.islamhouse.com/pr/6273 2 of 5 25/03/1432 10:49 ص yaong pangalan na gumagawa sa may pangalan na alipin ng iba katulad ng Abdu`Annabi (alipin ng Propeta), Abdulhusain, Abd ali, atbp. Gayon din ang pagpapangalan sa kanila ng pangalang hindi Muslim. b. Mga Pangalang di-kanais-nais – mga pangalan na inakalang mga pangalan ng Allah (swt) ngunit hindi pala, katulad ng: Abdulmaksoud, Abduas`taar, Abdulmaujoud, atbp. c. Mga Pangalang Kaaya-aya – mga pangalang Muslim katulad ng mga pangalan ng mga Propeta (Ibrahim, Musa, Noah, Muhammad). Ang mga pangalan ng mga kasamahan ng Propeta (sas) at lalung-lalo na ang mga pangalan na kanais-nais sa Allah (swt), katulad ng sa Hadith. Ang Propeta (sas) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ang mga pangalan na kanais-nais sa Allah ay ang Abdullah at Abdul Rahman.” [Iniulat ni Muslim] 9. Pagdadala sa bahay ng mga gawain o kagamitang ipinagbabawal. Kapag ang mga magulang ay nagdala ng ilang mga ipinagbabawal na bagay sa kanilang tahanan, makakasanayan ito ng mga bata at iisipin nilang ito'y ipinahihintulot. Kung kaya’t kapag ang magulang ay nagsasagawa ng isang bagay na ipinagbabawal, kinakailangang itigil niya ito para sa kapakanan ng Allah (swt). Ngunit kapag hindi niya itinigil, sa gayo’y nararapat na huwag niyang dalhin ito sa kanilang bahay o dili kaya ay isagawa ito sa harap ng mga bata. Halimbawa, kapag ang magulang ay nanigarilyo sa harap ng mga bata, iisipin nilang ito ay ipinahihintulot. Sa kanilang paglaki ay maaaring manigarilyo din sila. At hindi sila mapipigilan ng kanilang mga magulang sa kanilang paninigarilyo. Ano ang mga pinakamahusay na kaparaanan sa pagpapalaki ng mga bata? Mayroong mga ilang kaparaanan at hakbang na makakatulong sa mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ito ay ang mga sumusunod: 1. Sa Pamamagitan ng (Magandang) Halimbawa (pagsunod sa mga yapak) – Ang ibig sabihin nito ay ang sundan at tularan ang mga magulang sa lahat ng kanilang gawa. Sa gayo’y kinakailangang sundan ng mga magulang ang matuwid at tamang landas ng Propeta Muhammad (sas) sapagkat ang mga bata ay tutularan sila sa lahat ng kanilang ginagawa ayon sa kanilang nakikita sa tunay na buhay. Samakatuwid, marapat na maging maingat ang mga magulang sa kanilang mga salita at gawa sa lahat ng oras. 2. Sa Pamamagitan ng Sermon (pangaral, payo) – Ang pagpapalaki sa bata sa pamamagitan ng magandang halimbawa ay hindi sapat upang gawing matuwid ang bata sa kanyang asal (moral) at sa pananampalataya sa lahat ng kanyang ginagawa. Sa gayo’y kinakailangang pangaralan o payuhan ang bata sa ilang pagkakataon sa dahilang maaaring siyang makapulot ng ilang pamamaraan ng pangangaral sa Banal na Qur’an sa maraming talata nito. Siya ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: At ipaalaala (sa pangangaral sa Qur’an O Muhammad) dahil katotohanan, ang pagpapaalaala ay nagpapakinabang sa mga naniniwala. [Qur’an, 51:55] Ang pangangaral ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng ibat-ibang kaparaanan. Maaaring minsan ay sa pamamagitan ng pagkukuwento at sa ibang pagkakataon naman ay sa pamamagitan ng tanong at sagot. Kung kinakailangan naman ay sa pamamagitan ng pamamalo. Kung gayon, ang kaparaanan ng pangangaral ay nababatay sa hinihingi ng pagkakataon. 3. Sa Pamamagitan ng Ugali – Ang Propeta (sas) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Walang batang ipinanganganak maliban nang may Al-Fitrah (Pananampalatayang Islam ng Lubos na Kaisahan ng Diyos), ngunit ang kanyang mga magulang ay ginawa itong Hudyo o Kristiyano, katulad ng kapag ang hayop ay nanganganak, kayo ba ay makakahanap sa kanyang mga inakay ng isang putol-putol nang bago ito putul-putulin mismo ng inyong mga sarili.” [Iniuat ni Al-Bukhari] Ang ibig sabihin nito ay, ang bata ay ipinanganak ng nasa matuwid na daan ngunit siya ay magbabago dahil sa impluwensiya ng kanyang kapaligiran. Kapag ang kapaligiran ay mabuti – isang matuwid na kapaligirang Islam – sa gayo’y lalaki ang bata ayon sa kapaligirang kanyang kinabibilangan. Ngunit kapag ang kapaligiran ay masama, sa gayo’y lalaki ang batang may masamang pag-uugali. Iminumungkahi na ituro sa bata ang Shahadah (Patotoo ng Pananampalataya) kapag nagsisimula na siyang magsalita. Ituro din sa kanya ang mga pangunahing paksa sa Islam katulad ng “Sino ang iyong Diyos [Allah]? Ano ang iyong relihiyon [Islam]? Sino ang iyong Propeta [Muhammad(sas)]? Nasaan ang Allah [sa ibabaw pa ng kalangitan sa Trono (Qursi)]?”, atbp. At kapag ang bata ay umabot na sa gulang na pitong taon, nararapat na ituro na sa kanya ang pagsasagawa ng As-Salat katulad ng ipinag-utos sa ating ng Propetar na isigawa ayon sa Hadith, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ipag-utos sa inyong mga anak na magsagawa ng As-Salat sa (gulang na) pito, paluin sila dahil dito sa (gulang na) sampu, at ihiwalay sila (lalaki at babae) sa higaan.” [Iniulat ni Ahmed at Abu-Dawood] Mainam din na sanayin ang inyong anak na mag-ayuno sa sandaling kakayanin na nilang isagawa ito. Gayundin, ituro sa mga bata ang kabutihang-asal sa paggamit ng palikuran, ang kabutihang-asal sa pagtulog, ang kabutihang-asal sa pagkain Ang Pagpapalaki ng mga Bata - Tagalog - Limbagin http://www.islamhouse.com/pr/6273 3 of 5 25/03/1432 10:49 ص at pag-inom, atbp. 4. Sa Pamamagitan ng Parusa at Gantimpala – Ang pagpapalaki sa mga bata sa pamamagitan ng parusa ay gawing pang-Islam. Katulad ng narinig natin sa nakaraang Hadith, ang Propeta (sas) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ipag-utos sa inyong mga anak na magsagawa ng As-Salat sa pito, at paluin (parusahan) sila dahil dito sa sampu, at ihiwalay sila sa higaan.” [Iniulat ni Ahmed] Ang Hadith na ito ay sumasang-ayon sa pagpaparusa sa pagpapalaki ng mga bata. Isa pa, ang mga tao ay magkaiba sa isa’t-isa. Ang mga iba ay magbabago na ng kanilang gawa sa isang pangaral lamang samantalang ang iba naman ay kinakailangan pang paluin (parusahan) bago sila magbago. Ngunit dapat nating malaman na ang pamamalo sa bata ay hindi upang parusahan sila ng husto. Bagkus ay upang bigyan lamang sila ng aral na ang kanilang ginawa ay mali. Tungkol sa isang uri ng pagpapalaki, ito ay ang pagbibigay-gantimpala sa kanilang mga mabubuting gawa. Tiyakin lamang na hindi hahantong sa kalagayang hindi na sila gagawa (ng mabuti) nang walang kapalit na gantimpala. Gantimpalaan lamang sila paminsan-minsan kapag siya ay nararapat talagang bigyan. 5. Sa Pamamagitan ng Pagkakait (ng kanilang ninanais) – Ito ay ang pagkakait sa bata ng mga bagay na nais niya (ngunit luho na) katulad ng pagpunta sa palaruan. Ngunit huwag ipagkait sa kanya ang mga pangangailangan (ng katawan) katulad ng pagkain at inumin dahil ito ay makapinsasala sa kanya. Ang layunin lamang dito ay upang tumigil na sa paggawa ng masama. 6. Pagpapalabas (pagsisiwalat) ng Saloobin – Isang paraan ng pagpapalaki ng mga bata ay ang pagpapalabas ng damdamin (saloobin) ayon sa mga sumusunod: Damdaming Pagkasuklam (ito ay isang likas ng lakas sa katawan ng tao) – Iminumungkahi ng Islam na ito ay ipalabas at ibuhos sa pagkasuklam sa “Shaitan” at sa kanyang mga alagad upang sa gayon ay hindi magamit ang pagkasuklam sa mga mabubuting bagay. Damdamin ng Pagmamahal – Ang pagpapalabas nito sa pagmamahal sa Allah at sa Kanyang Sugo (sas) at mga Muslim at ang paggawa ng mabuti sa iba. Kapag ang damdamin ng pagmamahal ay hindi ginamit sa ganitong kaparaanan, ito ay mababago at mapupunta sa masasamang bagay. Damdamin ng Pagkatakot – Ang pagpapalabas nito sa pamamagitan ng pagkatakot sa Allah (swt) at sa Kanyang kaparusahan. Damdamin ng Pagsasaya (palipasan oras) – Maraming bakanteng oras ng mga bata na hindi niya alam gamitin sa pinakamainam na paraan. Kung kaya’t tungkulin ng mga magulang na patnubayan ang mga anak na gamitin ang kanilang bakanteng oras sa pina-kamainam at pinaka-makabuluhang paraan katulad ng pagsasa-ulo ng Qur’an, pag-aaral at pagpapatibay sa kanyang pananampalataya, pagbabasa ng mga magagandang aklat, paglangoy, pagsakay sa kabayo, maliit na kalakal, atbp. Ano ang mga bagay-bagay na nakakatulong sa pagpapalaki ng mga bata? May mga bagay na nakakatulong sa mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak: 1. Pagpili ng Tamang Asawa – Ang asawa (babae) ay ang ina ng mga bata at sila ay lalaki ayon sa asal at pag-uugali niya. Kung kaya’t kapag ang ina ay isang mabuting babae, malamang na lumaki ring katulad niya ang mga bata sapagkat ang bata ay halos palaging kasama ang ina. Ngunit kapag ang ina ay masama, sa gayo’y mapalalaki din niya ang mga bata nang gayon – sa maling paraan. Ang Propeta (sas) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ang babae ay ikinakasal dahil sa apat (na bagay), ang kanyang yaman, ang kanyang angkan (katayuan ng pamilya), ang kanyang kagandahan at ang kanyang relihiyon (pananampalataya). Sa gayo’y nararapat kayong magmay-ari ng (pakasal sa) maka-Diyos na babae (kung hindi) kayo ay magiging talunan.” [Napagkasunduan] Paghiling sa Allah (swt) na bigyan ka ng mga mabubuting anak – Ito ang gawain ng mga propeta at ang mga mabubuting mananampalataya, na manalangin sa Allah (swt) upang bigyan sila ng kabutihan, kagandahang asal, matuwid, maka-Diyos na mga anak. Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an tungkol kay Propeta Zachariya: O Panginoon ko! Ipagkaloob mo sa akin ang isang mabuting anak. Tunay na Kayo ang Lubos na Nakaririnig ng mga panalangin. [Qur’an, 3:38] 2. Pagtatanim ng Pananampalataya sa puso ng mga bata – Kinakailangang huwag ipagwalang-bahala ang bagay na ito sapagkat ang pagtuturo (paghuhubog) sa mga bata ay higit na madali kaysa kapag sila ay malaki na. Ang Pagpapalaki ng mga Bata - Tagalog - Limbagin http://www.islamhouse.com/pr/6273 4 of 5 25/03/1432 10:49 ص 3. Pagtatanim ng mabuting ugali sa mga bata – Nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga magulang ang pagtuturo sa kanilang mga anak ng mabuting asal at pag-uugali katulad ng: katapatan, pagtitiwala, pagtiyaga, karunungan at lahat ng mabubuting asal. 4. Pag-iwas sa mga masasamang pag-uugali katulad ng pagsisinungaling, pandaraya, paninirang-puri, pamamalimos, pagnanakaw, pakikipag-away, atbp. 5. Pagtuturo ng mga mabubuting pag-uugali katulad ng kapag ang isang Muslim ay bumahing at nagbigkas ng “Alhamdulillaah”, ang nakarinig ay magsasabi ng “Yar`hamuka Allah” (Nawa’y kahabagan ka ng Allah (swt)), pagkain at pag-inom sa kanang kamay, ang paggamit sa palikuran, ang pagbati ng “Assalamu Alaykum” sa mga kapwa Muslim. 6. Ugaliing palaging gumamit ng mga mabubuting salita at pag-iwas sa mga masasamang salita katulad ng pagmumura o paggamit ng mga malalaswang salita. 7. Palaging Pagtupad sa Pangako – Kapag kayo ay nangako sa mga bata ng isang bagay, tuparin mo ang iyong pangako. 8. Huwag sumalungat sa inyong sarili – Huwag sabihin sa bata na “huwag gawin ito” at pagkatapos ay gagawin ninyo pala ito. Gayundin ang pagsabihan ninyo silang mag-asal nang maayos samantalang hindi naman ito ginagawa sa sarili ninyo mismo. Halimbawa, kapag sinabi ninyo sa bata na kumain sa kanang kamay subalit kayo naman ay kumakain sa inyong kaliwang kamay, hindi niya susundin ang inyong mga ipinag-utos. 9. Iwasang magkaroon ng mga ipinagbabawal na bagay. 10. Iwasan ang anumang mga dahilan na maaaring umakay sa kanila sa makamundong pagnanasa katulad ng mga kuwento ng pag-ibig, malalaswang magasin, musika, mga malalaswang aklat. Kailanma’y huwag pag-usapan ang tungkol sa pakikipagtalik sa harap nila at iwasang magpakita ng anumang ugnayang seksuwal sa harap nila (kahit na ang paghalik sa asawa). 11. Ihanap sila ng isang paaralang pang-Islam na naghihiwalay sa mga kababaihan at kalalakihan. 12. Turuan silang mahalin ang kanilang trabaho at ang umiwas sa katamaran. 13. Maging pantay ang pagtingin sa inyong mga anak at huwag kilingan ang isa sa kanila. Gayundin ang pagbigay ng regalo o salapi sa isa nang hindi binibigyan ang iba. 14. Pakinggan din ang kanilang payo sa mga maliliit na bagay upang mabigyan sila ng pagtitiwala sa kanilang sarili katulad ng pagtatanong sa kanila tungkol sa mga gamit sa bahay (kung alin ang maganda) o dili kaya ay kung saan gaganapin ang pagsasalu-salo (piknik)



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG